You are on page 1of 5

KABANATA 1

I. PANIMULA

Isa ang Sipnayan sa mga kinokonsiderang pinakamahirap na pag-aralang

asignatura sa paaralan. Sa katunayan, ayon sa pagsusuri ng Gallup noong 2005,

nang tanungin ang mga mag-aaral kung saan sila pinakanahihirapan, nanguna ang

Sipnayan sa listahan. Ang Sipnayan sa mga paaralan ay madalas na itinuturo gamit

ang lenggwaheng Ingles dahil sa iilang termino na mahirap isalin o mga terminong

hindi tiyak at hindi malawakang nagagamit.

Sa tatlong klase ng ika-11 baitang na kumukuha ng Humanities and Social

Sciences (HUMSS) sa Mataas na Sekondaryang Paaralan ng Hukom Feliciano

Senior, ang seksiyon Joaquin ang napili ng mga mananaliksik na isailalim sa pag-

aaral na ito. Gagamitin ang nakalalamang bernakular na wika (Tagalog) ng mga

mag-aaral ng seksiyon Joaquin sa pagtuturo ng Sipnayan upang makita kung mas

epektibo nga ba ito o kung ito'y mabisa upang matutunan ng mag-aaral ang

nasabing asignatura.
Dahil sa nasabing suliranin, nagpasiya ang mga mananaliksik na isagawa ang

pag-aaral upang tuluyang makita ang signipikong bisa ng bernakular na wika sa

pag-aaral ng Sipnayan.

II.SAKLAW AT LIMITASYON

Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay ang mga estudyante lamang ng seksiyon

Joaquin na nasa ika-11 na baitang ng HUMSS na sya namang mga mag-aaral ng

asignaturang Sipnayan. Tinatayang mayroong 48 na estudyante ang sakop ng pag-

aaral na ito.

Sa kabilang banda, ang pananaliksik na ito ay nililimitahan lamang sa seksiyon

Joaquin at hindi na kasama ang ibang mag-aaral na wala sa napiling klase,

nasabing baitang.
III. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang layunin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay ang makita at

mapatunayan kung may kabisaan o kung nakakaapekto nga ba ang bernakular na

wika sa pag-aaral ng Sipnayan ng mga mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay

naglalayong sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang epekto ng bernakular na wika sa mga mag-aaral ng asignaturang

Sipnayan?

2. Nagkaroon ba ng magandang epekto ang paggamit ng bernakular sa pagtuturo

ng Sipnayan?

3. May tiyak bang pagkakaiba ng grado sa pagitan ng mga mag-aaral na

gumagamit ng Ingles at sa mga mag-aaral na ginagamit ang kanilang bernakular

na wika?

4. 4. Alin ang mas mabisang gamitin sa pagtuturo ng Sipnayan sa mga mag-aaral?

5. Dapat nga bang gamitin ang bernakular na wika sa pagtuturo ng asignaturang

Sipnayan sa mga paaralan?


KABISAAN NG PAGGAMIT NG WIKANG BERNAKULAR SA ASIGNATURANG
SIPNAYAN BILANG WIKANG PANTURO

Tesis na iniharap sa

Kaguruan ng paaralang sekondarya

HUKOM FELICIANO BELMONTE SR.

AFP Rd. Brgy. Holy Spirit Q.C

Bilang bahagi ng kailangan

Sa Asignaturang Komunikasyon At Pananaliksik

Sa Wika At Kulturang Pilipino

Arnold Raymunde

Kervin Bantiles

Michelle Anat

Neil Patrick Calatay

You might also like