You are on page 1of 13

ANG ASO AT ANG UWAK

May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.

Tinangay niya ito at lumipad nang malayo.

Sa dulo ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne.

Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabing, “sa
lahat ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”

Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang nangyari
ay nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung
saan kaagad sinunggaban ng aso.

Walang nagawa si uwak kundi tingnan ang pagkain ng aso sa nahulog


nyang karne.

Mula noon hindi na muling nagpalinlang si Uwak kay Aso.

Aral

 Hindi lahat ng papuri ay totoo. Maaring ginagamit lamang ito ng iba


para maisahan ka.
ANG BUWAYA AT ANG PABO

Noong unang panahon, may isang batang buwayang namumuhay sa


pampang ng Ilog Pasig. Siya ay mabangis at ubod ng sakim. Sa
kadahilanang ito, walang ibang hayop ang magkalakas ng loob na siya’y
lapitan.

Isang araw habang siya ay namamahinga sa ibabaw ng isang bato,


napag-isipan niyang mag-asawa na. Pasigaw niyang sinabi,

“Ibibigay kong lahat ng pag-aari ko upang magkaroon ng asawa.”

Katatapos pa lamang niyang sambitin ito nang may makiring pabo ang
dumaan sa kanyang harapan. Inulit banggitin ng pilyong buwaya ang
kanyang kahilingan. Nakinig ng mabuti ang makiring pabo, at
sinumulang suriin ang anyo ng buwaya. Sabi niya sa kanyang sarili,

“Pakakasalan ko ang buwayang ito. Mayaman siya. Naku! Kung


mapapasaakin lamang ang lahat ng mga perlas at diyamante, ako ang
magiging pinakamasayang asawa sa buong mundo.”

Bumaba ang pabo sa bato na kung saan naroroon ang buwaya. Sinabing
muli ng pilyong buwaya ang kanyang pag-aalok ng kasal nang buong
pagpipitagan, gaya ng gawi ng isang mapagkunwari.

Inakala ng pabo na ang malalaking mata ng buwaya ay dalawang


magagandang diyamante at ang magaspang na balat nito ay gawa sa
perlas, kaya tinanggap niya ang alok nitong pagpapakasal.

Inanyayahan ng buwaya ang pabo na umupo sa kanyang bibig, upang sa


gayon ay hindi daw madumihan ng putik ang maganda nitong plumahe.
Sinunod naman ng mangmang na ibon ang kahilingan ng buwaya.

Ano sa palagay ninyo ang nangyari? Ginawang masarap na hapunan ng


sakim na buwaya ang kanyang bagong asawa.
ANG KABAYO AT ANG KALABAW

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay
inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay. Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding
pagod at pang-hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang
gamit.

“Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit


keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?”
pakiusap ng kalabaw.

“Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan
mo,” anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

“Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng


dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init
ang katawan ko,” pakiusap pa rin ng kalabaw.

“Bahala ka sa buhay mo,” naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalong tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya’y
pumanaw. Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang
lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya
namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga
dalahin.

“Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito


kabigat ang pasan ko ngayon,” may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.
ANG KABAYO AT ANG MANGANGALAKAL

Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa palengke. Inilulan


niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at nagtungo sila sa palengke.

Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang nadulas at


natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng asin ay nabuhos
sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil sa pagkababad sa tubig. Hindi naman
nasaktan ang kabayo at napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang
dalawang sako ng asin at siya ay natuwa.

Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa palengke at


naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyang kabayo. Nang mapalapit na
sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:

“Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,” ang sabi ng
kabayo sa kanyang sarili.

Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako at ibang asin ay
nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni’t sa pagkakataong eto ay
nakahalata ang mangangalakal na sadyang nagpadulas ang kabayo sa ilog.

Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal sa palengke


subalit sa pagkakataong ito ay apat na baldeng may lamang alpombra ang kanyang
inilulan sa kabayo -dalawang balde sa magkabilang tabi ng kabayo.

“Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man aymagpapadulas pa
rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko,” ang sabi ng kabayo sa kanyang
sarili.

Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit laking gulat
niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay malublob sa tubig. Ang
apat na balde na may alpombra ay napuno ng tubig at di hamak nanaging mas
mabigat pa keysa sa dalawang sakong asin.
SI ALITAPTAP AT SI PARUPARO

May isang Paruparo na pinaglaruan ng isang batang lalaki. Iniwan niya itong
nakabaligtad at kakawag-kawag sa lupa.

Paruparo : Saklolo! Tulungan ninyo ako! (Dumaan si Langgam at narinig ang sigaw ni
Paruparo)

Langgam : Gusto kitang tulungan, ngunit nagmamadali ako. Maganda ang sikat ng
araw at maghahanap pa ako ng pagkain. (Umalis si Langgam at iniwan ang
kaawaawang Paruparo)

Paruparo : Saklolo! Maawa kayo sa akin. Tulungan ninyo ako. (Dumating si Gagamba.
Lumapit siya kay Paru-paro)

Gagamba : Gusto kitang tulungan ngunit pagagandahin ko pa ang aking bahay.


Mangunguha pa ako ng sapot. (At umalis si Gagamba)

Paruparo : O Bathala! Tulungan po ninyo ako. Didilim na at magsisitulog na ang


kasama kong kulisap. Wala nang sa akin ay makakakita. (Pagod at gutom na si
Paruparo. Napaiyak siya. Nang pahiran niya ang kanyang luha ay may napansin
siyang papalapit na pakislap-kislap na liwanag)

Alitaptap : Naku, bakit ka nandiyan? Napaano ka at kawag ka nang kawag?

Paru-paro : Sa aking paghahanap ng nektar sa mga bulaklak ay hinuli ako ng isang


batang lalaki. Pinaglaruan niya ako at iniwan niya akong nakabaligtad dito. Hindi ko
kayang tumindig na mag-isa upang lumipad. Maaari bang tulungan mo ako?

Alitaptap : Aba, oo. Sandali lang, tatawag ako ng makakatulong ko. (Ilan pang sandali
ay dumating ang maraming alitaptap).

Paruparo : Maraming salamat sa inyo. Kayo ang sagot ni Bathala sa aking dalangin.
Kaybuti ng inyong kalooban…

Alitaptap : Walang anuman, kaibigang Paruparo. O sige, aalis na kami.

Paruparo : Aalis na rin ako. Pupunta na ako sa aking tahanang bulaklak. Salamat na
muli.
Talambuhay Ni Rizal

Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay


isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga
magulang ay sina Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya. Maaga siyang nagsimula
ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan,
Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong
Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan.

Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad


ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya
ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at
sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos
siya ng kanyang masteral sa Paris, France at Heidelberg, Germany.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”
naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga
katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag
siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay
ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo,
industriya at agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort Santiago at
ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa
Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang
mamamayan na magbukas ng paaralan. Hinikayat din niya ang ito sa
pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang
siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa
pangalawang pagkakataon, ikinulong siya sa Fort Santiago.

Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa


dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga
Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo
Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon
na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon
ay Luneta).
Proyekto
Sa
Araling Panlipunan

Ipinasa Ni:
Mikey Alexis B. Ramirez

Ipinasa Kay:
G. Archie C. Cantiga
Proyekto
Sa
Filipino

Ipinasa Ni:
Renalyn D. Flores

Ipinasa Kay:
G. Archie C. Cantiga

You might also like