You are on page 1of 1

Pass the Word

Ang larong ito ay ang pasahan ng isang salita lamang ngunit may twist. Larong kakaiba na
may tamang pamamaraan upang hindi madisqualified ang isang grupo sa paglalaro. Sa larong ito,
maaaring lima hanggang sampu ang manlalaro.
Una, ang tanong ay kukunin ng huling manlalaro. Hindi pwedeng tumingin ang mga nasa
harap sa likod. Sunod ay ipapasa nito ang sagot sa kasunod nitong myembro gamit ang pag acting.
Ipapasa ito hanggang sa unahan gamit parin ang pag-acting. At ang huli, ang nasa unahan ang
manghuhula sa kung ano ang sagot. Sasabihin ito sa tagapangasiwa ng naturang aktibidad.
Kung sino ang makakahula ng tamang sagot ay makakakuha ng puntos depende kung
gaano kahirap ang sagot sa tanong.
Ang sinumang grupo na susuway sa metodo ng laro ay matatalo at agad na mananalo ang
isang grupo.

You might also like