You are on page 1of 8

Abstrak

Ang abstrak ay maikling lagom ng isang pananaliksik, tesis, rebyu, daloy ng kumperensiya, o anumang may lalim
na pagsusuri ng isang paksa o disiplina. Sa madalas na pagkakataon tinutulungan nito ang mambabasa na madaling
matukoy ang layunin ng pag-aaral. Ito ay lagging matatgpuan sa unang bahagi ng manuskrito.

Ang akademikong literature ay gumagamit ng gumagamit ng abstrak sa halip na kabuuan ng komplikadong


pananaliksik. Maraming samahan ang gumagamit nito bilang batayan sa pagpili ng pananaliksik sa iminumungkahi para
sa presentasyon sa paraang poster, pasalitang paglalahad o paglalahad pa-workshop sa mga akdemikong kumperensiya.

Ang abstrak ay protektado sa ilalim ng batas copyright katulad ng iba pang anyo ng psulat na talumpati. Ang
abstrak ay maaaring maghayag ng pangunahing resulta at konklusyon ng siyentipikong artikulo pero ang kabuuang
artikulo ay dapat tingnan para sa mga estudyante ng metodolohiya, kabuuang resulta ng eksperimento, at para sa
pagtatalakay sa interpretasyon at konklusyon. Ang pagtingin lamang sa abstrak ay hindi sapat para sa kaalaman.

Ang akademikong abstrak ay may madalas na apat na elemento na mahalaga kaugnay ng natapos na gawain.

1. Ang tuon ng pananaliksik (paglalahahad ng suliranin)

2. Ang metodolohiya ng pananaliksik na ginamit ( palarawang pananaliksik, kasong pag-aaralan, palatanungan


atbp.)

3. Ang resulta o kinalabasan ng pananaliksik

4. Ang pangunahing konklusyon at rekomendasyon

Ang haba ng abstrak ay nagbabago ayon sa disipilina at kahingin ng palimbagan. Karaniwan na ang haba ay
100-500 salita pero bihirang maging higit lamang sa isang pahina at may mga okasyon iilan lamang
pananalita. Ang abstrak ay madalas na lohikal ang pagkakaayos at may mga kaugnay na paksa: Kaligiran,
Introduksyon, Layunin, Metodolohiya, Resulta, at Konklusyon.

Ang abstrak na may ganitong mga kaugnay na paksa ay madalas na tinatawag na nirestrukturang abstrak ng
mga palimbagan. Ang mga abstrak naman na binubuo ng isang talata na di gumagamit ng mga kaugnay na
paksa ay madalas na tinatawag na di-nirestrukturang abstrak ng mga palimbagan.

Uri ng Abstrak
Ang abstrak na nagbibigay impormasyon (informative) ay kilala rin bilang ganap na abstrak (complete).
Ito ay may lagom ng nilalaman kasama ang mga kaligiran , layunin, metodolohiya, resulta at konklusyon. Ito
ay madalas may 100 hanggang 200 salita. Ang uring ito ng abstrak ay naglalagom sa istruktura ng papel sa
mga pangunahing paksa at mahahalagang punto.

Ang deskriptibong abstrak (descriptive) ay kilala rin bilang limitadong abstrak o indikatid abstrak.
Nagbibigay ito ng deskripsyon sa saklaw nito pero hindi nagtutuon sa nilalaman nito. Ang deskriptibong
abstrak ay maihahambing sa talaan ng nilalaman na nasa anyong patalata.
Sintesis
Ang sintesis ay pagsasama-sama ng mga ideya na may iba’t ibang pinanggalingan sa isang sanaysay o
presentasyon. Sa paaralan ay may iba’t ibang gawain ang ipinararanas sa atin. Pagkatapos ay ipinasasaayos
sa atin ang mga impormasyon nakuha, pinapagawan ng banghay ng isang tema o paksa, pinabubuo tayo ng
paglalahat at ipinalalahad nang may lohikal na kaayusan ang mga impormasyon. Laging tandaan na ang
sintesis ay hindi paglalagom, paghahambing, o rebyu. Sa halip, ang sintesis ay resulta ng integrasyon ng iyong
narinig, nabasa at ang kakayahan mong magamit ang natutuhan upang madebelop at masuportahan ang
iyong pangunahing tesis o argumento. Ang pagkatuto sa pagsulat ng sintesis ay y kritikal na kasanayan at
krusyal sa pagbubuo, at paglalahad ng impormasyon sa pang-akademiko at di-akademikong tagpuan.

Halos nagkakatulad ang laman at paraan ng pamanahon, posisyon, at reaksyong papel. Pinayayaman ang
mga uring ito ng akademikong sulatin sa pamamagitan ng paglalahad ng argument, pananaw, at paninindigan
na nagmumula sa dati (iskema/scheme) at bagong kaalaman dulot ng malawakang pag-aaral at pananaliksik.

Paano sumulat ng Sintesis


1. Pumili ng paksa sa talaan ng pinagsama-sama

2. Bumuo ng tesis. Kung nagbigay ng tanong, magbigay rin ng pansamantalang sagot. Kung sisimulan
ang iyong papel sa tesis, magiging malinaw ang balangkas ng mga ideyang bubuuin.

3. Magbigay ng di bababa sa tatlong aklat na binasa sa klase at bigyang pansin ang tema o tanong na
ibig mong bigyan ng tuon.

4. Basahin nang mabuti ang bawat sanggunian at lagumin ang mga pangunahing ideya

5. Isasaayos ang mga paglalahat sa lohikal at may kaisahang paraan.

6. Suriing mabuti ang sanggunian para suriin ang mga pagkakatulad at pagkakaiba.

7. Bigyang pansin ang mga ideya at hindi ang manunulat ng mga ideya

8. Inirerekomendang gumamit ng mga tuwirang sipi. Sisiguraduhin na isinaalang-alang ang nilalaman at


pagsulat.

9. Hangga’t maaari gumamit ng makatotohanang halimbawa na sumusuporta sa iyong pangkalahatang


argument

10. Sa konklusyon, lagumin ang iyong pangunahing tesis at mga binalangkas na tanong na mananatiling
bukas o isyu na maaari pang saliksikin.
Kaayusan
1. Ang haba ng iyong papel ay lima hanggang pitong pahina na may palugit. Hindi kasama rito ang
itong bibliyogapriya

2. Maging consistent sa paggamit ng bibliographic references: isama ang bilang ng pahina para sa
tuwirang-sabi. Itala lahat ng mga binanggit sa katapusan ng iyong papel.

3. Huwag susulat ng palimbag. Alalahanin ang gamit ng bantas. Pahalagahan ang gamit ng maliit at
malaking titik. Sumulat ng malinaw at malinis

4. Sa paggamit ng tuwirang-sabi para suportahan ang iyong ideya, siguraduhin na hindi naman ito
masyadong marami. Kung ang tuwirang-sabi ay tatlong linya lamang o mas mahaba pa, huwag
nang gawing indented, isama na lamang ang teksto ng iyong papel.

5. Huwag gumamit ng unang panauhan

6. Pag-ugnayin ang mga ideya sa pamamagitan ng mga pangatnig at pang-ukol.

7. Gumamit ng panahon sa pagbabalangkas, pagbubuo at pag-eedit ng iyong papel. Maaari rin


naming humanap ng gagawa nito para sa’yo.
Agenda
A ng agenda ay talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang pagpupulong. Ang agenda ng pagpupulong ay mahalagang
bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong dahil nililinaw nito ang layunin, detalye ng mga paksang tatalakayin,
mga mangunguna sa pagtatalakay, at ang haba ng bawat isa. Malilikha ang agenda sa pamamagitan ng mga sumusunod
na hakbang:

1. Sabihan ang mga dapat dumalo

2. Buuin ang mga agenda na naglalaman ng mga tatalakaying paksa at ang mga nangunguna

3. Ipakita sa mga nangunguna kung sinang-ayunan nila ang nabuong agenda

4. Tingnang mabuti kung nangangailangan pa ng pagwawasto ang agenda

5. Ipamigay ang mga agenda sa mga dadalo

Katitikan
Ang katitikan ay puwedeng gawin ng kalihim, typist/encoder. O reporter sa korte. Maaaring gumamit ng
shorthand notation, pagkatapos ay ihanda at ipamigay sa mga kalahok. Maaari rin naming ang pulong ay video-
recorded. Maraming ahensiya ng pamahalaan ang gumagamit ng minutes recording software upang irecord at
ihanda ang lahat ng katitikan sa tamang panahon.

Sa mga pribadong organisasyon, madalas na ang katitikan ay maikli at tuwiran kaya’t maaaring lagom
lamang ng talakayan at mga desisyong nakapag-isahan. Itinuturing na legal na dokumento ang katitikan kaya
kailangan nakatago samga talaan.

Sa pangkalahatan, ang katitikan ay nagsisimula sa pangalan ng magsasagawa ng pulong, lugar, petsa,


talaan ng mga taong dumalo at ang oras ng pagsisimula ng tagapanguna sa pagpupualong. Ang katitikan ay
naglalaman ng mga sinabi sa pagpupulong. Ang pagtatapos ng pulong ay maaaring sa pamamagitan ng pagsasabi
ng oras ng pagtatapos.
Panukalang Proyekto
Paano ka nga ba makalilikha at makabubuo ng panukalang proyekto sa malinaw, tumpak at nakapokus?

Una, itala ang mga pangalan ng taong kasangkot sa proyekto na maaaring makontak.
Siguraduhing isama ang kanilang pangalan, tungkulin, titulo, tungkulin sa proyekto bilang ng telepono at e-mail
address at lagom ng nilalaman. Ang mithiin ng seksyong ito ay ipahayag ang mga dahilan ng pagsasagawa ng
proyekto at ang mga layunin nito. Sa seksyong ito ay napakahalaga na makasulat ng malinaw at tumpak. May
mga eksperto na nagsasabi na ang lagom ng proyekto ay dapat na nasa huli. Bago ka sumulat ay kailangan mo
munang masagot ang mga sumusunod na tanong:

 Ano ang gagawin mong proyekto?

 Bakit mo ito gagawin?

 Paano mo ito isasagawa?

 Sino ang gagawa nito?

 Saan mo ito isasagawa?

 Gaano katagal ito maisasagawa?

 Magkano ang halaga ng pagsasagawa nito?

Ang Kaligiran ng Proyekto


Ipaliwanag kung anong pangangailangan o problema ang ibig mong bigyan ng kalutasan gamit
ang proyekto at bakit ito ang karapat-dapat ditto. Kailangan mo ring bigyan ito ng milking
kaligiran at kasaysayan. Hindi ito kailangan humigit sa isang pahina. Isama ang reperensiya sa
proyekto ng mga papel-pananaliksik at artikulo. Ang impormasyong ito ay maaaring ilagay sa
indeks sa huli.

Mga Layunin ng Proyekto


Ilahad ang mga mithiing nais matamo. Base sa paliwanag na ibinigay sa kaligiran ng proyekto,
ilista ang pangunahing layunin ng proyekto. Ito ay upang ipakita ang kahalagahan ng naturang
proyekto.

Metodolohiya ng Proyekto
Ang seksiyong ito ay nagbibigay ng detalye sa kung paano matatamo ang layunin. Madalas na
nagsisimula ito sa paglalrawan ng pangkalahatang lapit. Pagkatapos ay nagbibigay larawan sa
metodolohiya, sa populasyong gagamitin, at kung paano haharapin ang mga inaasahang
suliranin.

1. Ang Lagom ng Lapit sa Proyekto

Sumulat ng ilang maikling talata o bullet points sa iyong pangkalahatang lapit sa proyekto.
Isama kung paanong ang mga kasangkot sa proyekto ay oorganisahin, anong mga
kasangkapan sa development at kolaborasyon ang gagamitin , at kung paano ang plano ay
susubaybayan habang nagpapatuloy.

2. Ang Pagtigil sa Gawain at Paglalaan ng Oras sa mga Gawain

Sa seksiyong ito ay bubuo ka ng detalyadong iskedyul ng proyekto. Gumawa ng listahan na


kailangang pagtuunan sa proyektong ito. Siguraduhin na ang talaan ay detalyado at ang
gampanin ay pinaghahati-hati ng sapat upang ipakita ang pakikipag-sapalaran at makagawa
ng makatuwirang pagtantiya sa oras na kailangang ipagsilbi ng isang tao.

3. Mga I-dedeliver kaugnay ng Proyekto

Gumawa ng talaan ng mg aide-deliver sa mga kliyente sa katapusan at habang nagpapatuloy


ang proyekto. Ito ay maaaring mga produkto, ulat, at iba pang mahalagang impormasyon.
Tiyaking isama ang paglalarwan sa mga i-dedeliver at itatantiyang petsa ng pagdideliver

4. Pakikipagsapalaran sa Pamamahala ng Proyekto

Ang seksiyong ito ay nagbibigay pansin sa mga pangunahing pakikipagsapalaran kaugnay ng


proyekto at nagpapakita sa mga palno para masugpo o makontrol ito. Siguraduhing
mabigyang mapansin ang bawat isang pakikipagsapalaran upang hindi na muling maganap,
ganoon din ang epekto nito sa proyekto at sa organisasyon.

a. Plano sa pamamahala sa pakikipagsapalaran

Ito ay detalyadong plano ng gagawin upang mapigil ang mga salik pakikipagsapalaran na
maaaring kaharapin habang nagpapatuloy ang proyekto

b. Ang talaan ng pakikipagsapalaran

Sigurduhing isama ang line-item list ng pakikipagsapalaran t counter efforts

5. Halaga ng Proyekto

Sa seksiyong ito kailangang masuma ang pangkalahatang halaga ng proyekto.

a. Badyet ng Proyekto

Ang detalyadong line-item budget ay kailangang hatiin sa mga kategorya tulad ng sahod,
fringe benefits, paglalakbay, supplies, at equipments. Siguraduhin ding isama ang
anumang overhead costs na tinatawag ding indirect costs na maiuugnay sa proyekto.

b. Pagllarawan sa Badyet

Talaan ng mga komentaryong kailangan upang inawin at patunayan ang pigura sa badyet

c. Karagdagang Pahayag Pinansiyal

May mga mungkahing proyekto na maaaring mangailangan ng karagdagang pinansiyal


na statement tulad ng tubo at loss statement, recent tax return, at annual report o
talaan ng mga pinagkukunan ng mga proyekto

6. Konklusyon
Sa seksiyong ito ay kailangan mong pagsama-samahin sa lagom na magpapaliwanag sa
potensiyal na kahalagahan ng proyekto at mabibigyang diin sa feasibility

7. Appendix

Dito ay kailangan mong maglagay ng karagdagang mga tsart, graphs, ulat at iba pa na
binanggit sa proposal pero hindi ang kop na ilagay sa pangunahing katawan ng dokumento.
Bionote
Ang bionote ay maikling paglalarawan ng manunulat gamit ang ikatlong panauhan na
madalas ay inilalakip sa kanilang mga naisulat.

Sa pamamagitan ng bionote, makikilala ang tao sa likod ng isang akda o proyekto na nais
maipakilala sa iba. Maaaring ito ay sariling isinulat o isinulat ng ibang tao. Sarili o iba man
ang sumulat ng buhay ng taong nais ipakilala, mahalagang maglaman ito ng mahahalagang
impormasyon o datos. Upang maging tumpak ang datos, kinakailangan ang intensibong
pananaliksik. Mainam na paraan ang pakikipanayam. Mahalagang piliin lamang ang
mahahalagang impormasyon upang maging inspirasyon at hamon ang nilalaman ng buhay
ng taong nais gawan ng bionote. Madalas isulat itong patalata.

Narito ang ilang mahalagang impormasyon na dapat lamanin ng bionote

 Personal na Impormasyon (pinagmulan, edad, buhay kabataan-kasalukuyan)

 Kaligirang Pang-edukasyon (paaralan, digri at karangalan)

 Ambag sa Larangang Kinabibilangan (kontribusyon at adbokasiya)

You might also like