You are on page 1of 1

Cristal Jeries J.

Estacion ABM 12-B

Patuloy ang paglobo ng populasyon


KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - May 31, 2018 - 12:00am

NAKALULUNGKOT isipin dahil mahirap mapigilan ang paglobo ng populasyon. Ako’y


nababahala sa sinabi ng Commision on Population na papalo ang mga Pinoy sa 107.19
million bago matapos ang 2018. Huwag nang magpaligoy-ligoy pa, paigtingin ang
pagpapalaganap ng contraceptives sa buong bansa. Minsan nakakainis din ang ating mga
kababayang mahihirap, hindi man lang limitahan ang paggawa ng bata. Hindi man lang
iniisip ng mag-asawa kung kaya bang buhayin mabigyan ng tamang edukasyon ang
kanilang mga anak.

Hindi tayo malaki at mayamang bansa. Hindi lahat ay puwede nating iasa sa gobyerno, oo
nga’t maraming programa ang gobyerno upang matulungan ang bawat pamilya pero hindi
pa rin yan dahilan upang magkaroon nang maraming anak ang mag-asawa. Ang hirap sa
ilang Pinoy, kung sino pa ang mga naghihikahos sa buhay, sila pa ang sagana sa anak.
Mabuti sana kung lahat ay nagagabayan at nabibigyan ng edukasyon.

Maraming kabataan ang napapariwara ang buhay, may mga naliligaw ng landas, hindi
maayos ang pagkain kaya maraming namamalimos sa kalye. Diyan din nag-uumpisa ang
pagiging addict ng isang bata, sa umpisa ginagawa munang runner ng droga at pag naging
bihasa na sa gawain, pusher na. maraming ganyang pangyayari kasi kulang sila sa tamang
gabay ng magulang.

Para sa akin Reproductive Health Bill ang solusyon sa problema ng ating populasyon. Kung
wala sanang kumontra sa RH Bill na programa ng gobyerno, malamang napigilan ang
paglago ng populasyon. Hindi n’yo ba napapansin kinukulang na tayo sa bigas. Siguro ang
isa na ring dahilan ay ang dami na nating kumakain. Dapat makahanap ng solusyon ang
gobyerno sa patuloy na paglobo ng populasyon dahil kung hindi magmumukhang
basurahan ang ating bansa.

Reference:
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2018/05/31/1820183/patuloy-ang-paglobo-
ng-populasyon

You might also like