You are on page 1of 2

Ang Hamon sa Prostitusyon

Sa kasalukuyan nating panahon, mapupuna parin natin at talamak pa rin kahit saan mapa
syudad man o bayan ang gawaing prostitusyon. Isa ito sa mga suliraning sinusubukang lutasin at
ayusin ng ating pamahalaan sa loob maraming taon. Para saatin hindi na bago at parang
tanggap na nga natin na parang parte na ito ng ating buhay. Sa katunayan, ang ating bansa ay
mayroon nang internasyunal na imahe bipang "sex destination". Bakit nga ba laganap pa rin
hanggang ngayon ang prostitusyon sa ating bansa? Bakit nga ba hindi matigil ang ganitong
problema sa ating bansa?

Sa lungson ng Naga, naging simbolo na ng prostitusyon ang Plaza Rizal kung saan sinasabi na
talamak dito ang prostitusyon sa pagsapit ng gabi. Maraming kababaihan ang biktima ng
prostitusyon. Ayos sa mga awtoridad, tinataya na ang mga biktima ng prostitute sa Pilipinas ay
nasa pagitan ng 500, 000 at 800, 000. Nakakabagabag man isipin ngunit karamihan sa mga
prostiute na ito ay mga menor de edad pa. Ibinibenta ang kanilang sariling katawan upang
kumita ng pera. Dahil dito masasab natin na isa sa dahilan nito ay ang kahirapan. Dahil sa
hairapan, marami sa mga kababaihan ay napupunta sa maling landas at napipilitan pumasok sa
prostitusyon upang kumita at matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Isa rin sa
masasabing dahilan ng paglaganap nito ay ang epekto ng kukutura ng mga banyaga saatin
kulutura. Ang pagkakaroon ng epekto ng "wester culture" na kung saan naapektuhan ang ating
pananaw sa mga bagay na moral kagaya ng pagiging birhen ng isang babae na di na masyadong
pinapahalagahan ng mga kababaihan. Naapektuhan din ang mga ugali ng mga tao na mas
nagiging liberated ang tao sa Pilipinas. Mas maaga nang namumulat ang isip ng mga kabataan
tungkol sa sex na nag bubunga ng masmataas na pursyento ng premarital sex at pati na rin
prostitusyon sa panahong ito. Isa pa sa mga dahilan kaya lumalganap ang prostitusyon sa ating
bansa ay ang pagtaas ng turismo sa ating bansa. Ayos sa artikulo ng PhilStar umabot sa
7,127,168 na mgadayuhang turista ang pumunta sa ating bansa sa nakaraang taon. May roong
7.65 porsyento na growth rate na maikukumpara noong taong 2017 na 6,620,908 ang mga
dayuhangturista ang pumasok sa ating bansa. Masasabi natin galing sa datos na yan na patuloy
na tumataas ang turismo sa ating bansa at dahil dito nagkakroon din pagkakataon upang
mastumaas pa lalo ang bilang ng prostitusyon sa ating bansa. Ang pagtaas ng turismo sa ating
bansa ay nangangahulugang tatas din biktima ng prostitusyon dahil sa mga turistang
naghahanap ng mga kababaihan na may karanasan sa sex kagaya ng mga pedophile na kung
saan talamak sa mga dayuhang pumupunta sa ating bansa.

Laganap na parin ang prostitusyon sa ating bansa at mga dahilan nito ay masasabi natin na
maari parin masolusyunanan. Ang kahirapan sa ating bansa ay maaring masolusyunan kung
lahat tayo ay magkakaroon ng sapt na edukasyon para sa lahat dahil para saakin kung ang isang
tao ay magkakaroon ng sapat na kaalaman upang maingat ang kanyang sarili mula sa kahirapan
ng buhay. Bilang mga kabataan dapat ay magkaroon din tayo ng sapat na kaalaman at
pagisipang mabuti kung magpapaapekto sa mga impluwensya ng ibang kultura saatin. Kailangan
natin pagisipan ang mga desisyon natin sa buhay. Kung tayo man ay nagigipit, magisip tayo ng
paraang marangal upang maingat natin ang ating mga sarili sa kahirapan at magbigay ng mas
magandang ambag para sa ating bayan upang di na madagdagan pa ang suliranojg kinakaharap
ng ating bansa

You might also like