You are on page 1of 3

Marunong Maghintay sa Diyos

ISAIAH 40:27-31

Isaiah’ subject is God's greatness and man's weakness.

Teksto: Isaias 40:31 “Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh.
Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad
ngunit hindi manghihina”. (Magandang Balita Bible (Revised)

THE Promise:

(Isaiah 40:31) “But those who hope in the LORD will renew their strength. They will soar on
wings like eagles; they will run and not grow weary, they will walk and not be faint.”

Isa akong di marunong maghintay. Gusto kong may ginagawa, tapos agad. Ang marunong
maghintay ay isang mabuting katangian na dapat nating aralin sa sarili. Madali tayong
mabagot. Ayaw natin ang naghihintay. Nakakabagot kasing maghintay. Ako kapag kasama
ang asawa ko sa mall at bumibili, di ako mako makapaghintay.
Alam po ba ninyo na ang paghihintay ay katangian ng mga nagtitiwala sa Diyos? Na
tinuturuan Niya tayong marunong maghintay sa Kanya? They that wait upon the Lord. —The
waiting implies, of course, the expectant attitude of faith.

Ang mga salitang “maghintay sa Panginoon” ay nangangahulugan ng maghintay ng


inaasahan. Maghintay kay Yahweh, ibig pong sabihin maghintay ng Kanyang tulong na may
pagtitiwala at pag-asa sa Kanya ng pagtiyatiyaga. (PATIENCE)

Illustrasyon.

Isang minero ang bumili ng lupa upang pagminaan ng langis. Humukay ng humukay ang
minero ngunit wala itong nakulkol na langis sa kanyang lupain. Dumaan ang isang taon,
wala itong nakitang langis. Nakaukay ang kanyang mga tauhan ng malalim, hanggang
sumuko na sila. Ibinenta ng minero ang lupa sa ibang minero dahil hindi na siya
makapaghintay. Hindi na siya nagtiyagang humukay pa. Ang nakabili naman ay nagpatuloy
sa paghukay. Pagkatapos ng isang araw lamang, bumulwak ang langis! Ilang dipa na lamang
pala, naroon na ang kayamanan!

Ano po ba ang epekto o resulta kapag marunong po tayong maghintay?

I. Epekto ng Marunong Maghintay (Effects of Waiting on the Lord) EXPECTATION!

1. Ang mga marunong maghintay (magtiwala) sa Diyos ay pagpapalain. (They will


renew their strength.)

According to Ephesians 6:10, God commands us to be strong Christians that can stand!
“…Magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang
kapangyarihan.”

Ang ating buhay sa araw-araw ay nakakahapo. Nakakapagod ang buhay sa mundo. Alam po
ba ninyo na isa sa mga nakamamatay sa tao ngayon ay stress-related diseases? Nai-stress
na po ba tayo? Kaya pa po a natin? Ang aking misis ay may sakit dahil na-stress. Ano ba ang
stress?

Ang isang nai-stress ay parang humihila ng mabigat na kargamento. Halimbawa yung


malaking trak, kayang -kaya nitong ibiyahe sa malayo ang kargamentong ito. Pero hindi ito
kayang gawin ng sasakyan ng church, kahit malapit lang ang pagdadalhan ng kargamento,
posible pa ring masira ang makina ng sasakyan. Ganiyan din ang mangyayari sa ating
“makina,” o ating katawan, kapag na-stress po tayo nang sobra. Dahil masyado tayong
workaholic, dumarating po tayo sa punto na wala na tayong ganang magtrabaho.
Nagkakaroon tayo ng tinatawag na burnout.
“Huwag po magmakupad sa ating gawain,” ang payo ng Bibliya. (Roma 12:11) Kung
mabigat na ngang gawin ang isang mahirap na trabaho, at pinatatagal pa natin, lalo mo lang
pinahihirapan ang sarili natin di ba?

Maraming tao ngayon ang hindi makatulog ng mahimbing dahil laging balisa. Pero ano po
sinasabi ng Bibliya? “Ang pagkabalisa sa puso ng tao ang siyang magpapayukod nito,
ngunit ang mabuting salita ang siyang nagpapasaya nito.” (Kawikaan 12:25) Kapag
‘nababalisa’ ka, puwede kang patibayin ng “mabuting salita” ng mga tunay na kaibigan, at
baka iyon ang kailangan mo para muli kang sumigla. “Be still and know that I am the Lord”.
(Psalms 46:10) “Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios.”

Tunay nga po na kung marunong tayong maghintay sa Panginoonng may pagtiyatiyaga.


Faith with patience. BRING YOUR WEAKNESS TO GOD, HE WILL TURN YOUR WEAKNESS
INTO STRENGTH…not self-sufficient, not self-dependent, but self-dependent on HIM. Hindi
natin kailangang ma-stress. Ang mga naghihintay sa Panginoon ay mga taong stress-free.
Dahil ang Diyos mismo ang nagkakaloob sa kanila ng lakas. STRONG IN FAITH.

Pakinggan po ninyo ang sabi sa Awit 23:1 and verse 3, "the Lord is my shepherd, he
restores my soul." “Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang. Pinapahimlay niya
ako sa luntiang pastulan, at inaakay sa tahimik na batisan.”

Ibinabalik ng Diyos ang kalakasan ng mga nagtitiwala at naghihintay sa kanya. Ibig


sabihin po nito, totoo na napapagod tayo, ngunit ibinabalik o nire-restore ng Diyos ang
ating nawawalang lakas. Paano po nangyayari ito?

Illustrasyon 2:

Pagmasdan natin ang ating mga cellphone, nauubusan sila ng battery charge. Ngunit
kapag ikinabit natin sila sa electric outlet, muli silang narere-charge. Ang ating
pananalangin, ang ating pagsamba ay mga paraan ng Diyos to recharge our soul, to
renew our spirit. Sa ganitong paraan - we are being restored.

2. Lilipad silang tulad ng mga agila. (They will soar like eagles.) UPWARD STRENGTH!

There are many ups and downs in this life that we live. But God will give us victory over the
downs if we learn to wait on him.

Mataas ang nararating ng mga nagtitiwala sa "timing" ng Diyos. RELY ON GOD’S TIMING!
Hindi sariling lakas ang kanilang gamit kundi ang kapangyarihan ng Diyos. Ang mga agila ay
hindi kumakampay kapag sila ay pumapailanlang sa himpapawid. They simply glide on the
air current. Sumasakay lamang sila sa agos ng hangin. At gayundin sa mga naghihintay sa
Diyos. Sumasabay sila sa agos ng kapangyarihan ng Diyos at sila ay itinataas o pinapalakas
ng Panginoon!

Subukan mong magtiwala sa Diyos. Kung hindi pa dumarating ang iyong panahon upang
maitaas ka, maghintay ka muna. Kahit ang mga alagad ay hindi nagmisyon at nangaral
kaagad. Bakit po? Dahil sabi ng Panginoon, "Maghintay muna kayo sa Banal na Espiritu,
at kayo ay bibigyan ng kapangyarihan." Naghintay sila at nanalangin - at dumating ang
Espiritu Santo, at napuspos sila ng kapangyarihan ng Diyos! Kaya nabago nila ang buong
daigdig sa kapangyarihan ng Panginoon!

3. Hindi sila mapapagod. (They will run and not get weary. They will walk, but they
will not faint.) ONWARD STRENGTH!

Gal. 6:9-And let us not be weary in well doing: for in due season we shall reap, if we faint not.
Notice he didn’t say they shall sit but they shall run!

Normal na sa ating buhay ang maglakad at tumakbo, physically and spiritually. Hindi madali
ang maging Kristiano. Marami ang gawain. All the normal activities of life. Marami ang
aaniin. Gumagawa ba tayo sa sariling lakas? In our own strength? Sa mga tunay na
naglilingkod sa Diyos, wala pong "burnout" experience. Ang mga nakakaranas ng burnout ay
siguro gumagamit ng sariling lakas. Ngunit ang mga naglilingkod sa Diyos ay gumagamit ng
lakas ng Diyos. At hindi sila nauubusan ng lakas. God will give us strength to serve Him all
the days of our life.

Una, dahil marunong silang magpahinga sa piling ng Diyos. God gives them rests. Sabi ng
Awit 23, " Pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay sa tahimik na batisan.”
(He gives me rests. He leads beside the still waters.")

Mga kapatid, matuto po tayong mag-hintay. Let’s learn to wait. Wait for God's perfect time.
Do not force things according to your will you will just get disappointed. Trust in God's
timing.

CONCLUSION:

Nilikha niya ang lahat ng mga bagay, kung gayon tiyak na maaari niyang alagaan ang
Kanyang mga tao. Tumingin tayo sa Panginoon at sa Kanya tayo humugot ng lakas.
Nagbibigay siya ng kalakasan. At sa mga walang lakas sa kanilang sarili, pinatataas Niya ang
kanilang lakas tulad ng isang agila. Maging katulad tayo ni Pablo. Sabi niya sa 2 Corinthians
12:9-11 “Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong
nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” Kaya't buong galak kong
ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang lalo kong madama ang kapangyarihan
ni Cristo. Dahil kay Cristo, walang halaga sa akin kung ako ma'y mahina, kutyain,
pahirapan, usigin at magtiis. Sapagkat kung kailan ako lalong mahina, saka naman
ako nagiging malakas. TO RECEIVE STRENGTH FROM GOD YOU MUST ACKNOWLEDGE
YOU ARE WEAK. You are not strong as you think you are. At iyon ang ipinahayag ng propeta
sa talata 31. "Ang naghihintay sa Panginoon ay magbabago ng kanilang lakas."

Lumuluha tayo at pagod sa laban ng buhay. At ang katotohanan ay hindi tayo maaaring
manalo sa pamamagitang sarili nating lakas. Kailangan namin ng bagong lakas. Ibig sabihin,
kailangan namin ng isang bagong uri ng lakas. Hindi dahil bata pa tayo at malakas pa. Hindi
ang pisikal na lakas ng mga kabataan, hindi ang pisikal na lakas ng mga binata. Kailangan
natin ng lakas mula sa Panginoon. Kapag binibigyan tayo ng Diyos ng lakas na iyon -mag-
mount tayo ng mga pakpak, tulad ng mga agila.

Ang agila na may kaunting pagsisikap na tumataas sa kalangitan. Ang agila ay ay isang
simbolo ng lakas at kapangyarihan. Iyon ang larawan ng mga tao ng Diyos na pinalakas ng
Panginoon. Isang magandang larawan para sa anak ng Diyos.

Ikaw ba’y tumatakbo at napapagod na o naglalakad at nanghihina na? Baka sa sarili mong
lakas ka nagtitiwala? Ang Diyos ang magpapalakas sa atin upang, sa ating pagtakbo at sa
ating paglalakad, hindi tayo mapapagod. Lahat tayo ay nakakaranas ng espirituwal na
pagkapagod. Ang ilan sa mas mataas na antas kaysa sa iba. Tayo ay physically at spiritually
napapagod at humihina din. Ito ang dahilan kung bakit may textong Isaiah 40:31. Hangga't
naghihintay tayo sa Panginoon, at hangga't mayroon tayong lakas mula sa Kanya, hindi tayo
mapapapagod.

You might also like