You are on page 1of 5

‘’OLD SKOOL’’

I. Pamagat

Old Skool

II. Mga Tauhan

Mga pangunahing tauhan : Tessie Tomas bilang Lola Feliza, Angel Aquino
bilang anak ni Lola Feliza, and Buboy Villar bilang Buboy
III. Buod ng Penikula

Lungkot at kawalan ng layunin ang naramdaman ni Lola Feliza (Tomas) matapos


mamatay nang kanyang asawa kaya naisip niyang sundan ang kanyang pangarap na
makatapos ng Grade 6. Lakas loob siyang nag-enroll at papasok bilang regular na mag-aaral
sa kabila ng alinlangan ng punong guro, sariling takot at pangungutya ng ilang bata, lalo
ang class bully na si Buboy (Villar). Pagsusumikapan ni Lola Feliza na tupdin ang mga
gawain at sumabay sa mga aralin. Subalit pahihirapan siya ng sutil na si Buboy, tulad ng
ginagawa ng nito sa ibang mga kamag-aral. Magkakaroon naman si Lola Feliza ng mga
personal na layunin tulad ng pakikipagkaibigan at paglalapit ng loob kay Buboy. Para
makadagdag sa gastusin, magtitinda si Lola Feliza sa palengke subualit hindi makayanan ng
kanyang katawan ang pagod at mapipilitang tumigil sa pagpasok. Magiging daan si Buboy
para maipagpatuloy ni Lola ang pag-aaral hanggang sa tuluyan siyang makapagtapos sa
Grade 6.

Pinagsumikapan ng Old Skool na iayos at bigyang diin ang pagkwekwento higit sa


anumang aspeto, kaya naman malinaw ang daloy, buo ang mga tauhan at makatwiran ang
mga motibo. Medyo nagkulang lang sa pagpapaliwanag kung bakit pinapayagan ng paaralan
ang kabastusan ni Buboy nuong una. Matalino ang pagkakadirehe rito, walang OA na iyakan
pero tagos sa puso ang lungkot ni Lola Feliza, walang umaatikabong aksyon pero
pananabikan mo ang tagisan ni Buboy at Lola Feliza at walang nakakainsultong komedya
pero may kiliti ang bitaw ng usapan. Higit sa lahat, totoo ang daloy, mga problema at ang
sagot na inihain kaya malalim ang kagat sa puso at pitik sa pag-iisip. Kaya naman hindi
nahirapan ang mga nagsiganap na isapuso ang pagkatao ng kanilang mga ginampanang
tauhan. May mga pagkukulangang man sa disenyo at drama ng pag-iilaw ay sinalo naman ito
ng swabeng timpla ng musika na sumasabay sa kasalukuyang damdamin ng eksena. Payak
man ang kabuuang aspetong teknikal nito, matagumpay pa rin ang pagkakasalaysay ng
kwento at ng mensahe.
Ang Old Skool ay isang pelikulang puno ng pag-asa. Pag-asa sa pagsusumikap. Pag-asa
sa pag-abot ng mga pangarap, Pag-asa sa pagmamahal, Pag-asa sa pagbabagong buhay.
Pinakamalinaw na mensahe nito ang pagpupursige at pagsusumikap na tuparin ang mga
pangarap. Hindi balakid ang ang pisikal, emosyonal o pinansyal na kalagayan, bagkus, dapat
magsilbi itong mga inspirasyon at dahilan upang lalong pagsumikapan na marating ang rurok
ng husay ng iyong pagkatao. Napakainam na pagtatapos sa pag-aaral ang ginawang motibo
ng pelikula dahil sa panahon ngayon ay dumarami nang kabataan ang hindi na nakikita ang
halaga ng edukasyon. Ang pumapangalawang malakas na mensahe ay ang pagtanggap at
pagmamahal bilang tugon sa pagmamalupit at masasamang ugali. Mas lumambot ang puso at
nahikayat magbago si Buboy nang pakitaan siya ni Lola Feliza ng malasakit at pag-uunawa.
Katulad ng panawagan sa atin bilang mga Kristyano, awa at malasakit ang una nating ipakita
sa mga nangangailangan—lalo iyong mga naliligaw ng landas. Napapanahon ang pelikula at
bagay sa anumang gulang ng manunuod.

IV. Banghay ng Mga Panyayari

a. Tagpuan
Maybunga Elementary school
b. Protagonista
Lola Feliza
c. Antagonista
Buboy (bully)
d. Suliranin
Nais ni Lola Feliza na makatapos ng pag-aaral at makakuha ng medalya sa
edad na 69 taon gulang at matulungan si Buboy sa mga personal na suliranin
sa buhay.
e. Mga kaugnay na Pangyayari O Mga Pagsubok sa Paglutas ng
Suliranin
Matagumpay na nakatapos si Lola Feliza ng elementarya at nakakuha ng
medalya at sertipiko at nag bago si Buboy dahil sa pangangalaga at pag gabay
ni Lola Feliza sakanya.
f. Mga Ibinunga
Matagumpay na nakapagtapos si Lola Feliza ng Elementarya sa edad niyang
69 na taong gulang at naabot ang pangarap na makapag aral at makapagtapos
noong siya ay bata pa. Natulungan niya rin si Buboy sa kaniyang mga problema
sa pamilya at paaralan. Parehas silang nakatapos ng Elementarya.
V. Paksa O Tema
Para saakin ang paksa o tema ng penikula ay isang matanda na nais o
pursigidong makapagtapos ng pag-aaral pinapakita dito na walang pinipiling
edad ang pagtatapos at pagsisikap na makapagtapos ng pag-aaral kahit
elementarya lang.
VI. Mga Aspetong Teknikal
a. Sinematograpiya
Maganda ang pagkakakuha ng mga eksena at lubos na naipapakita ang
emosyon sa bawat parte ng penikula. Malinaw nilang na ipapakita sa mga
manononood ang nangyayari sa bawat eksena ng kwento, Madaling sundan
ang agos ng kwento dahil sa magandang pangkakakuha at paghahanda ng
bawat eksena naipaparating ng bawat eksena ang emosyon na dapat mong
madama o maramdaman.

Isa sa mga paborito kong kuha ay ang sa classroom kung saan ang
pagkakuha ng eksena ang angulo ay para kang isa sa mga kaklase ni Lola Feliza
na nakaupo at pinagmamasdan ang mga pangyayari sa kanila silid aralan.
Ramdam mo na tila ikaw mismo ang naka saksi sa mga pangyayari sa penikula.

b. Musika

Ang mga pag sasalita at mga tunog sa penikula ay madidinig ng malinaw at


maayos. Ang audio quality ng penikula ay maayos sapagkat malinaw ang tunog
at bigkas ng mga artista ng kanilang mga linya sa bawat eksena at sinamahan pa
ito ng backround music sa ibang eksena upang hindi nakakaumay ang tuloy
tuloy lang na pagsasalita ng diyalogo.
c. Visual Effects

Maayos naman ang visual effects ng penikula sapagkat ang editing ng kulay
ng bawat eksena at bumabagay sa backround o paligid at magaan ang dating sa
mata. Maganda ang mga imahe at effects na ginamit upang mas madama mo
ang emosyon ng bawat eksena sa penikula.

d. Set Design

Ang set design ng penikulang old skool ay nakabase sa mga lugar o tagpuan
na makikita sa paaralang pampubliko gaya ng silid aralan o classroom nila Lola
Fely, Hardin, Court kung saan nila isinasagawa ang pe, Principals office at iba
pang mga lugar na madadatnan lamang sa paaralan. Dahil ito ay isinagawa sa
totoong paaralan mas makatotohanan na paaralan ang dating ng setting ng
penikula.

VII. Kabuuang Mensahe ng Penikula

Para saakin ang kabuuang mensahe ng penikula ay walang pinipiling edad


ang pagtatapos ng pag-aaral matanda man o bata basta mayroong lakas at
pursigidong makapagtapos ng pag-aaral ay magagawa niya ito ng matagumpay.
Inilalahad ng Penikula na may pag-asa pa kahit sa matatatanda na
makapagtapos ng pag-aaral

Isa rin sa mga mensahe ng Penikula ay wag natin pagtawanan o maliitin ang
sinumang gustong mag-aral matanda man o bata, may kapansanan man o wala,
matalino man o hindi sapagkat pareparehas tayong tao at pareparehas ang
layunin ng mga estudyante at ito ang makapagtapos ng pagaaral.

You might also like