You are on page 1of 13

MANUEL ACUNA ROXAS

Si Manuel Acuña Roxas (Enero 1, 1892 - Abril 15, 1948) ay isang pulitiko sa Pilipinas. Siya ay ang
ikalimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Mayo 28, 1946–Abril 15, 1948).

Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay
mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang
kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the
Philippines)noong 1912 at naging topnatcher sa Bar. Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal
panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L.
Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging
speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National
Assembly, nagsilbi (1938-1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon,
at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng
pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya
sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing

1|Page
intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa
paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni
Heneral Douglas MacArthur kasama kay pangulong Sergio Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na
galing sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo
at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito
ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa
pagkapangulo noong Abril 23, 1946 laban kay Sergio Osmeña. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang
mga nakipagtulungan sa mga Hapon. Noong Abril 15, 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay
namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos sa Clark Air
Base wala na ito sa kasalukuyan. Siya ay sinundan ni Pangulong Elpidio Quirino.

2|Page
ELPIDIO RIVERA QUIRINO

Si Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890—Pebrero 29, 1956) ay isang pulitiko at ang
ikaanim na pangulo ng Pilipinas. Nagsilbi siya mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953.

Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino at
Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines)
noong 1915.

Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong
1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel
Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948.
Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap.
Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya
ng bansa, pinaunlad niya an

3|Page
RAMON DEL FIERRO MAGSAYSAY
Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramón "Monching" Magsaysay[1] (Agosto 31, 1907 – Marso
17, 1957) ang ikatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas mula Disyembre 30, 1953 hanggang sa
kanyang kamatayan.

Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at
Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College.

Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak
ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang
Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol
kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang
Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at
naging ikatlong pangulo ng republika.Template:Fact Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P.
Garcia.

Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang


pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc,
Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay
tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya". Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil
ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang pagbagsak
ng eroplano sa isang bundok sa Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957.

4|Page
CARLOS POLISTICO GARCIA
Si Carlos Polistico Garcia (Nobyembre 4, 1896 - Hunyo 14, 1971) ay isang Pilipinong makata at
pulitiko at ang ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Marso 23, 1957–Disyembre 30, 1961).
Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya
bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng Filipino First
Policy.

Carlos Polistico Doi Garcia (1896-1971), Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1957 hanggang
1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa Kapuluan ng
Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia
Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at
kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging
abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng
mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging
gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942, at naging
miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945),
lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang
tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya
sa Senado. Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang Bise Pangulong na kabilang sa Tiket
Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo at namuno
sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang
tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas.

5|Page
Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang
aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong Nobyembre 1957.

Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng


Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na Base Militar ng
Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay
pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga
Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961.

Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang pulitiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa
kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa at

6|Page
DIOSDADO PANGAN MACAPAGAL
Si Diosdado Pangan Macapagal (Setyembre 28, 1910 - Abril 21, 1997) ang ikasiyam na pangulo
ng Pilipinas (Disyembre 30, 1961 - Disyembre 30, 1965). Ama siya ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging
pangulo rin.

Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya ng
isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong Setyembre 28, 1910
kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni
Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Duktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo
Tomas noong 1936 at pumasok sa pulitika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa
Cambodia.

Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging
pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal Arroyo, ang kasalukyang
presidente ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal Arroyo, at Diosdado
Macapagal Arroyo, Jr.

Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya mula sa


Mataas na Paaralan ng Pampanga. Nagtapos siya ng kolehiyo mula sa Pamantasan ng Santo Tomas.
Nagkamit siya ng degri sa larangan ng Abogasya. Nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil at
Doktor ng Ekonomiya.

7|Page
Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa
Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural
Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law). Nanguna rin
siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas
(US-RP Mutual Defense Treaty). Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo
noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land
Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa
Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa
pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang
Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika,
ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa
Sabah (opisyal na iniharap noong Hunyo 22, 1962, at sa pagbubuo ng Maphilindo.

Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging


pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit nagkaroon ng
hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato
ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang
iyon.

Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal noong 1971. Namatay siya dahil sa
atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong Pangkalusugan ng Makati (Makati Medical
Center) sa Lungsod ng Makati, noong Abril 21, 1997, sa edad na 86. Inilibing siya sa Libingan ng mga
Bayani sa Taguig, Maynila.

8|Page
FERDINAND EMMANUEL MARCOS
Si Ferdinand Emmanuel E. Marcos ay ang ika-sampung pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Nanilbihan siya bilang pangulo mula 1965 hanggang 1986. Siya ang natatanging pangulo ng Pilipinas na
nagsilbi sa kanyang tanggapan ng mahigit sa dalawampung taon. Dalawang beses siyang tumakbo at
nagwagi bilang pangulo ng bansa bago ang pagdedeklara ng Batas Militar noong 1972. Muli siyang
nagwagi sa eleksyon ng pagkapangulo noong 1981 at sa 1986 Snap Presidential Elections, ngunit ang
malawakang protesta na kilala sa tawag na "1986 People Power Revolution" ang puwersang humila sa
kanya na bumaba sa pwesto noong 1986.

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos ay ipinanganak sa Sarrat, sa lalawigan ng Ilocos Norte sa


hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon. Siya ay panganay na anak nina Mariano Marcos, isang pulitiko, at
Josefa Edralin, isang guro. Noong 1935 na halalan, ang katunggali ng kaniyang ama sa pulitika na si Julio
Nalundasan ay pinatay makaraang manalo bilang kinatawan ng Ilocos Norte. Inaaresto siya noong 1938
kaugnay sa pagkakasangkot sa pagpatay, ngunit matagumpay niyang naipetisyon sa Korte Suprema ang
kaniyang pansamantalang paglaya upang matapos ang kaniyang pag-aaral. Noong 1939 ay nagtapos siya
ng Abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas at nakapasa sa Bar Exam na may mataas na grado. Bago
matapos ang taong iyon, siya ay napatunayang nagkasala at sinintensiyahang makulong ng hanggang 10
taon. Habang nasa kulungan ay sumulat siya ng apela, at noong 1940 ay hinawakan niya ang sariling
kaso sa harap ng huwes na si Jose P. Laurel, na siyang nagpawalang sala sa kaniya.

9|Page
Nagsilbi si Marcos sa Sandatahang Lakas ng Filipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Pinanindigan ni Marcos na siya ang namuno sa mga gerilya laban sa pananakop ng Hapones
sa Pilipinas, paninindigang kaniyang pinanghawakan sa kanyang buong karera sa pulitika.

Pagkatapos ng himagsikan, nakamit ng Pilipinas ang ganap na kalayaan mula sa Estados Unidos.
Mula noong 1946 hanggang 1947, nagsilbi si Marcos bilang katulong sa bagong pangulo nangg
nagsasariling republika na si Manuel Roxas. Humiwalay si Roxas sa Partido Nasyonal, na noon ay
nangungunang partido upang buuin ang Partido Liberal. Tumakbo si Marcos bilang kandidato ng
Partidong Liberal at nagwagi bilang kinatawan ng Ilocos Norte noong 1949. Nakatatlong termino siya
bilang mambabatas, samantalang pinakasalan niya si Imelda Romualdez na dating nagwagi sa timpalak
pangkagandahan mula sa Leyte. Nagwagi si Marcos bilang senador noong 1959. Nagsilbi siyang pangulo
ng senado mula noong 1963 hanggang 1965. Lumipat siya ng ibang partido upang makalahok sa
pambansang halalan bilang katunggali ng dating pangulong Diosdado Macapagal, ang ama ng
kasalukuyang pangulong si Gloria Macapagal Arroyo. Ipinakilala niya ang kanyang sarili na may
kakayahang pumutol sa katiwalian at sa hindi maayos na pamumumuno ng pamahalaan. Nakuha niya
ang suporta ng pangulo ng Estados Unidos na si Lyndon B. Johnson at ng kumunidad ng mga dayuhang
negosyante. Madaling napagwagian ni Marcos ang halalan at siya ay pinasinayahan noong 30
Disyembre, 1965.

Mula sa simula nang panunungkulan ni Marcos bilang pangulo, tumindi ang pagkakasangkot ng
Estados Unidos sa digmaan sa Vietnam. Naglagay ng dalawang base ng militar ang Estados Unidos sa
Pilipinas. Ang mga ito ay ang Clark Air Base at Subic Bay Naval Base. Ang digmaan na ito ang nagpasok ng
bilyun-bilyong dolyar sa ekonomiya ng Pilipinas. Maraming proyekto ang pinondohan ng mga dayuhang
nagpapautang, na naging malaking tulong sa pag-unlad ng ekonomiya. Nakadagdag pa ang paglulunsad
ni Imelda Marcos ng serye ng mga prestihiyosong proyekto sa Maynila, kasama na ang pagtatayo ng mga
gusali ng museo at magagarang otel.

Noong 1969, makaraang mangampanya gamit ang islogan na "Bigas at Daan," muling nanalong
pangulo si Marcos na nakakuha ng 74 porsiyentong boto. Siya ang kauna-unahang pangulo na nanalo sa
ikalawang termino, na pinahihintulutan ng konstitusyon. Maging ang mga nanalong senador at
kinatawan ay nanggaling sa Partido Nasyonal, na kaniya ring partido.

Habang si Marcos ay nasa kaniyang ikalawang termino, humarap siya sa maraming suliranin.
Maraming mga mag-aaral sa unibersidad at mga Pilipino ang tutol sa patuloy na presensiya ng mga
militar ng Estados Unidos at patuloy na pagsuporta sa mga polisiya ng Estados Unidos laban sa Vietnam.
Ang partidong komunista sa Pilipinas ay lalong naging aktibo at naglunsad ng malawakang kaguluhan sa
maralitang taga-nayon at taga-lunsod. Sa katimugang bahagi naman ng Pilipinas, ang kilusan ng mga
Muslim ay dumadagsa na rin. Habang papalapit na ang pagtatapos ng ikalawang termino ni Marcos ay
lumalaki ang posibilidad na hindi mabubuwag ang kontistusyong hanggang dalawang termino lamang
maaring manungkulan ang pangulo ng Pilipinas at mahaharap siya sa posibilidad na kaniyang lilisanin
ang puwesto pagkatapos ng 1973.

10 | P a g e
Ang Kumbensyong Pangkonstitusyon ay hindi naisakatuparan, dahil umano sa palapit na
kaguluhan. Idineklara ni Marcos ang batas militar noong 1972 at sinuspinde ang konstitusyong 1935, o
pagtanggal sa kongreso at pagkuha sa lahat ng kapangyarihan. Sinupil ni Marcos ang mga pulitikong
tumutol sa kaniya. Inaresto ang pulitikong pinuno na si Benigno Aquino Jr.. Winakasan ang kalayaan ng
mga mamamahayag. Ang bagong konstitusyon ay pormal na ipinahayag ni Marcos noong Enero 1973 na
nagbigay ng lubos na kapangyarihan sa pangulo at pagpapaliban ng mga halalan. Si Marcos ay nangasiwa
sa bisa ng dekreto at ikinubli ang kaniyang diktaduryang kapangyarihan sa retotrika ng batas.

Sinabi ni Marcos na ang batas militar ang panimula sa paglikha ng bagong lipunan at kailangang
isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng bansa. Ngunit si Marcos kasama ang kaniyang asawa at
kanilang malalapit na katuwang ay gumanti ng puro katiwalian sa gitna ng paghihirap ng mga
mamamayan Pilipino. Kinurakot nila diumano ang kaban ng yaman ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga
malalapit na kaibigan na siyang kumontrol sa mga monopolyo sa industriya, komunikasyon, at bangko.
Nagkamal ng limpak- limpak na salapi ang pamilyang Marcos at ang iba pang pera ay nakatago sa mga
bangko sa ibang bansa. Ang kanilang marangyang pamumuhay ay malaki ang pagkakaiba sa buhay ng
mga ordinaryong Pilipino.

Ang kakayahan ni Marcos na maging matatag ang nag-udyok sa kaniya na bawiin ang ilan sa mga
malupit na patakaran na sumasakal sa pagtutol at sa kalayaang magpahayag. Noong 1980, pinayagan ni
Marcos si Ninoy Aquino, pinuno ng partidong Liberal, upang lumayo at magtago sa Estados Unidos.
Pinayagan din niya ang Radyo Veritas, isang istasyon ng radyo na pinatatakbo ng mga Katoliko, upang
magsahimpapawid ng mga batikos laban sa kaniyang rehimen.

Ang Herarkiya ng Katoliko, na pinamumunuan ni Jaime L. Sin, Arsobispo ng Maynila ay hindi


natatakot sabihing tutol siya kay Marcos. Sa Pilipinas, kung saan karamihan sa populasyon ay Katoliko,
ang simbahan ang ginagawang patnubay hinggil sa usaping pampulitika.

Noong 1981, opisyal na binawi ni Marcos ang batas militar, ngunit nanatili pa rin ang kanyang
emergency power upang magamit para sa pekeng halalang pampangulo. Kagaya nang inaasahan, si
Marcos ay nanalo ng isa pang termino. Sa kabilang banda ang kaniyang kalusugan ay nagsimulang
humina. Nagkaroon siya ng lupus erythematosus, na siyang naging dahilang upang hindi na gumana ang
kanyang mga bato.

Noong 1983, nagdesisyon si Aquino na bumalik na sa Pilipinas, kahit na alam niyang siya ay
aarestuhin. Si Aquino ay binaril sa likod ng kaniyang ulo, at namatay ilang minuto lamang makaraang
dumating sa Manila International Airport (Ninoy Aquino International Airport ngayon}. Sinabi ng
pamahalaan na ang pagkakapatay kay Aquino ay gawa ng upahang mamamaril, na napatay ng pulisya sa
paliparan. Isang espesyal na komisyon ang nag-imbestiga at nagsabing resulta nang sabwatan ng militar
ang pagkakapatay, ngunit noong 1985 ay pinawalang sala ang mga opisyal na kinasuhan nang pagpatay.
Noong 1990, 16 opisyal ng militar ang nahatulang nagkasala sa pagkakapatay kay Aquino, ngunit ang
utak ng krimen ay hindi na natukoy pa.

Ang pagkamatay ni Aquino ang naging malaking puwersa sa pagbagbsak ni Marcos. Inilarawan ni
Corazon Aquino, biyuda ni Aquino, si Marcos bilang isang brutal na diktador. Upang makuha muli ang

11 | P a g e
puwesto at magpatuloy ang suporta ng Estados Unidos sa kaniyang rehimen, inihayag ni Marcos ang
pagkakaroon ng biglaang halalan pampangulo na ginanap noong Pebrero 1986, taon bago matapos ang
kaniyang termino. Inaasahan ni Marcos ang pagkapanalo, dahil sa kaniyang makinarya at sa pagkakahati-
hati ng oposisyon. Ngunit bumuo si Kardenal Sin ng alyansang oposisyon, at hinikayat si Corazon Aquino
upang tumakbo sa pagkapangulo at si Salvador Laurel bilang pangalawang pangulo.

Habang nagaganap ang botohan, maraming Amerikano ang nakasaksi sa mga tumatakbong
iregularidad. Ang dalawang kinatawan mula sa Estados unidos at sa pamahalaan, na nagbabantay sa
resulta ng halalan ay naglabas ng magkaibang resulta. Sinasabi ng parehong kinatawan na si Corazon
Aquino ang nanalo ngunit ayon sa pambansang asemblea, ang parehong kinatawan ay sinasabing ang
kanila ang nanalo. Ngunit kinilala ng pambansang asemblea si Marcos bilang siyang nanalo. Noon,
nagpahayag ang Simbahang Katoliko na ang naganap na halalan ay isang panloloko lamang at ang
tagumpay ni Marcos ay isa lamang kahungkagan.

Noong 22 Pebrero, 1986, dalawa sa matataas na opisyal ng militar ni Marcos ang nagbitiw ng
suporta sa kaniya. Naglunsad ng rebelyon ang kalihim ng Tagapagtanggol na si Juan Ponce Enrile at si
Fidel V. Ramos, Ikalawang Hepe de Estado Mayor at inagaw ang dalawang kampo ng militar. Ang
rebelyong ito ang naging hamon kay Marcos at sa kaniyang pinsan na si Fabian Ver, Chief of Staff ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas, na tapatan ito nang matinding puwersa. Sa tulong ng pananawagan ni
Kardenal Jaime L. Sin sa taong bayan, nagdagsaan ang mga tao sa dalawang kampo ng militar upang
harangan ang mga tangke ni Ver. Apat na araw pinalibutan ng mga tao ang mga kampo na kinalululanan
ni Enrile at ng kaniyang mga kasama. Ito ay upang mapigil ang paglalaban ng puwersa ng mga rebeldeng
militar at ng mga loyalista ni Marcos. Walang nagawa ang mga tropa ni Marcos sapagkat hindi nila
maaaring saktan ang libu-libong mga tao.

Sa kabila ng mga kaganapan ay iginigiit pa rin ni Marcos na siya ay mapasinayahan na sa simple


at pribadong seremonyas noong 25 Pebrero. Noong sumunod na araw, ang pamilyang Marcos at ang
mga taong malalapit sa kanila ay lumipad patungong Hawaii lulan ng sasakyang panghimpapawid ng
Estados Unidos. Hinirang naman si Corazon Aquino bilang pangulo ng Pilipinas na siyang nagbunsod sa
kanya bilang kauna-unahang babaeng pangulo ng bansa.

Nanatili si Marcos sa Hawaii hanggang sa siya ay pumanaw noong 1989. Makaraang pumanaw si
Marcos, si Imelda ay pinawalang sala sa kasong panglulustay ng hukuman ng Estados Unidos at
nahatulang nagkasala sa kasong pangungurakot ng hukuman ng Pilipinas noong 1993 ngunit binaliktad
ng korte dahil sa kaniyang apela noong 1998. Maging sa iba pang kaso, siya ay pinawalang sala rin.
Noong 1993, ibinalik ang naimbalsamang bangkay ni Marcos sa bansa at inilagak sa isang glass case
crypt. Ito ay makikita sa kanyang museleo sa kanyang sinilangang bayan.

Gayunpaman, noong 2003, ginawaran ang pamahalaan ng 624 milyong dolyares mula sa mga
perang nakalagak sa mga bangko sa Switzerland, na pag-aari ni Ferdinand Marcos. Ang perang ito ay
gagamitin upang pambili ng lupa ng mga mahihirap na magsasaka. Kaagad namang umapila ang
mga Marcos sa paratang.

12 | P a g e
13 | P a g e

You might also like