You are on page 1of 1

Clairrels J.

Remoroza

12 STEM B

“DITO KAMI NABUO DITO RIN KAMI UNTI UNTI MAGLALAHO”

Pinili ko ang lugar na ito dahil ito ang pinaka paborito ko na maaari kong maipagmalaki sa iba.
Maipagmamalaki ko ito dahil dito sa classroom na ito masasabi kong hindi lang basta classroom
at kaklase ang meron ka, dahil sila din yung makakasama mo sa lahat ng trip na meron kayo,
sila rin yung makakadamay mo sa lahat ng bagay na hindi mo maintindihan, sila din yung
nakabuo ng alaala na meron kana ngayon sa loob ng buong grade 12 mo, at dahil dito sa lugar na
ito marami kang mararanasan bukod sa mga kulitan at asaran minsan hindi pagkakaunawaan
mararanasan mo rin ang pagmamahalan sa itunuring mong pangalawang pamilya at
pangalawang tahanan hindi man kumpleto ang mga kagamitan katulad ng sa tahanan kumpleto
naman ang araw mo sa oras na makapasok ka dito kasama ang mga kakalase mong nagsisimula
ng kaguluhan at guro na nagbibigay ng mas marami pang kaalaman, at masasabi ko rin na hindi
lang sila basta guro na akala mo sa unang tingin mo ay nakakatakot dahil sila rin yung guro na
madaling makasama at nakikisabay rin sa trip ng buong klase, minsan meron pangang
humuhugot at nagbibigay aadvince, at meron din namang tiyaga at pasensya lang yung
kanilang binibigay at higit sa lahat pagmamahal nila sa amin. Sa sobrang daming mong
naranasan. Masasabi kong magiging isang ala ala nalang ito lahat saamin. Ang kwartong ito ang
bumuo sa kung sino kaming 12 STEM Bangag ngayon.

You might also like