You are on page 1of 1

"Dali! Dali!, ang bagal mo naman eh!.

Dun tayo sumakay, maganda doon, tara na


habang maikli pa ang pila!". "Oo oo, teka lang, alam kong maliit ako pero sana
naman wag mo akong kaladkarin ng ganito". Agad siyang huminto at lumingon sa akin.
Tumawa lang siya. "Fany, Bakit ka tumatawa?", tanong ko. "Hahaha, aminado ka na
kasing maliit ka!". Napangiti lang ako sa sagot nya. Lagi kaming ganito, tuksuhan
dito, tuksuhan doon. Mainis man ako, sa huli, tawa at ngiti nya lang mawawala rin
ang inis ko. Siya ang nag-iisa kong bespren. Halos sabay kaming lumaki at itinuring
ko na siyang parang sarili kong kapatid. Maging sa paaralan, magkaklase kami, sabay
kaming pumapasok at umuuwi.
Ika-labingwalong kaarawan ko noon nang iwanan ako ng kaiisa-isa kong
kapamilya - ang lola ko. Sa mga panahong iyon, si Fany ang nanatili sa tabi ko.
Sabi nya,"Huwag ka ng malungkot Yeonie, alam kong tayong dalawa nalang ang nandito.
Simula ngayon, gagawa tayo ng puro masasayang ala-ala". Dinala nya ako sa iba't-
ibang lugar. Kain kami ng kain, Tawa ng tawa, laro ng laro. Kahit mukha kaming
bata, tuloy parin basta kami'y masaya.
Sa pagbalik namin sa aming tinutuluyan, si Fany ay biglang nagkaroon ng
malubhang karamdaman. Ang kanyang buhay dito sa lupa ay bilang nalamang. Hindi ko
alam ang gagawin ko. Dapat umiiyak ako ngayon ngunit mas nangibabaw sa isip ko na
dapat pasayahin ko sya habang nandidito sya sa lupa. Naaalala ko na nagpanggap pa
ako bilang doktor upang maitakas sya sa hospital, idinala ko sya sa isang parke at
doon, magkasama naming dinama ang sariwang hangin, nagkwentuhan hanggang natagpuan
na kami ng staff ng ospital na tinutuluyan niya.
Tinawag nya ako at pinalapit sa kanyang tabi. Nakangiti sya saakin kahit na
alam kong sobrang sakit ang nararamdaman nya noon. Nginitian ko rin sya dahil alam
kong dapat akong maging malakas para sakanya. Nilapitan ko sya. May sinasabi sya
pero hindi ko marinig. "Ha? Ha? Ano?", sabi ko. Tumatawa sya pero alam kong masakit
iyon at mahina na sya. Inilapit ko ang tainga ko sakanya. "Yeonie, alam nating
dalawa na kahit anong oras maaari na akong lumipad at makasama ang ating lola."
Ngumiti sya. "Hinding hindi ko makakalimutan ang pinagsamahan nating dalawa. Mula
sa pagiging magbespren hanggang sa pagiging magkapatid. Pinasaya mo ako ng lubusan.
Maraming Salamat sa lahat.". Niyakap nya ako at niyakap ko rin siya. Yoon ang
huling yakap na naibigay namin sa isa't-isa.
Ngayon sa pag-iisa ko dito sa bahay, napagtanto ko na kahit wala ka na, ang
mga ala-ala mong naiwan ay patuloy at halos araw-araw kong naggugunita. Laging ito
ang naghahatid ng ngiti sa aking mga labi. Ngiting puno ng pag-asa at pagtanggap.
Ang mga ala-alang nabuo natin ay nakakapaghatid din ng saya sa mga taong
nababahagian ko. Alam kong magkikita din tayo, kaya hindi ako susuko, magiging
malakas ako at patuloy akong gagawa ng masasayang ala-ala para sayo. Nagpapasalamat
ako sa Diyos na kahit ala-ala lamang ang mayroon ako, ito parin ang nagsisilbing
lakas ko sa araw-araw kong paggising.

You might also like