You are on page 1of 8

Masusing Banghay-Aralin sa

Pagtuturo ng Wika sa Filipino III

I. Mga Layunin:
A. Nalalaman ang tatlong antas o kaantasan ng pang uri.
B. Nailalarawan ang mga bagay, tao, at pook na nasa larawan.
C. Natutukoy ang mga ginamit na mga pang uring panlarawan at ang kaantasan nito.
D. Napupunan ng angkop na pang uring panlarawan ang mga pangungusap.
II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Pang Uri( Kaantasan ng pang uri)
B. Sanggunian: Libro at Internet.
C. Kagamitan: Larawan, Tula at Awitin
D. Pagpapahalaga: Pagiging mabuting bata.

III. Pamaraan (Pabuod)

Gawaing-Guro Gawaing-Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Magandang Umaga! mga Mag aaral. Magandang Umaga! Rin po Bb. Joanna at Bb.
Aila.

Bago natin umpisahan ang klase tayo (Pipili ng isang mag aaral na pangungunahan
muna ay tumayo at manalangin sa ang panalangin.)
panginoon.

(Pagsuri ng Pagdalo sa klase.)

Ngayon klas, may inihanda akong


panimulang gawain para sa pagtuklas ng
ating Aralin ngayong araw. May
nakatalang pangungusap sa pisara at sa
bawat numero ay ating hahanapin ang
salitang naglalarawan.

1. Araw-araw umaalis si Dexter para (Babasahin)


magtrabaho sa bayan

Sino ang nais sagutan ang


Ang sagot ko po ay “araw araw”
pangungusap sa unang bilang? Laila.

Mahusay! Sa pangalawang
pangungusap naman. Jose pakibasa at
sagutan.
2. Mapagbigay talaga ang pamilya nina
Josue at Roxanne kaya maraming
Ang sagot ko po ay “mapagbigay”
biyaya ang dumarating sa kanila.

Mahusay! Sa pangatlong pangungusap


naman. Earl pakibasa at sagutan.
3. Si Batchoy ang pinakamatabang bata
sa aming barrio. Ang sagot ko po ay “ Pinakamataba”
Mahusay! Sa pang apat na bilang
naman. Laila pakibasa at sagutan.
4. Mas mahusay magluto si ate Myrna
Ang sagot ko po ay “mahusay”
kaysa kay ate Joy.

Magaling! Sa huling pangungusap


naman. Kim pakibasa at sagutan.

5. Si Fernando Amorsolo ay sikat na


Ang sagot ko po ay “ sikat”
pintor.

Mahusay !

Mga bata alam niyo na ba kung ano Opo, Ito po ay patungkol sa mga salitang
ang ating tatalakayin sa araw na ito? naglalarawan o ang pang uri.

Napakahusay mga bata.

1. Pagganyak
Klas, anong nakikita ninyong hawak ko? Mga Larawan po maam.

Tama! Ito nga ay mga larawan, ilarawan


nga itong unang hawak ko, Grace. Malinis ang parke.

Magaling! Nakikita nga natin sa larawan


na malinis ang parke.

Ang pangalawang larawan naman klas, Mas matangkad ang batang lalaki kaysa sa
Lhea. batang babae.

Mahusay!

Sa Pangatlong larawan naman, Isabel. Pinakamarami ang prutas na dala ng batang


lalaki kaysa sa batang babae.

Mahusay!

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ngayon klas, narito ang isang Tula na
pinamagatang “Ang Pang Uri.”
Basahin nga ito nang malinaw at malakas
Cheryl.

Klas, habang binabasa ni Cheryl ang Tula,


inyong sundan ito gamit ang inyong mga
kopya at inyong pagtuunan ng pansin ang
mga salitang napakaloob sa tula.
PANG URI
Ano nga ba ang pang uri?
Upang pang -uri ay ating masuri
Alamin natin ito sa hinandang tula
Makinig upang natutunan ay hindi mawaglit
sa ala ala.

Ang panguri ay bahagi ng pananalita


Upang makabuo ng mga talata
Sa hinandang tula
Iba't ibang katangian ng Pang uri ay natatala.

Pang uri ay magbibigay deskripsyon


Ito ang layunin nito at misyon
Mayroong itong tatlong antas
(Babasahin ng ma mag aaral)
Na sa tulang ito ay mapipintas.

Ako si Lantay na nakaantabay


Sa pagbibigay katangian na walang kapantay
Dahil hindi ako naghahambing
Gaya ni pahambing na waring naglalambing.

Sa higit na katangiang gusto,


Sa dalawang pangalan gusto nito'y kanyang
pinupunto
Ako naman si pasukdol
Na yayanig parang lindol.

Dahil ako'y nagpapkita ng pangingibabaw sa


lahat
Yan Ang katangian kong nakasulat
Basahin mo man sa aklat
Iyan ang mabubuklat.

2. Pagtalakay
Ngayon klas, balikan natin ang tula .
Pagtuunan natin ang tula . Pagtuunan ng (Babasahin)
pansin ang mga salitang nasalungguhitan
rito. Anu- ano ang mga ito, basahin,
Marciana.

Magaling! Isa-isahin nating talakayin ang


mga salita. Ang panguri ay bahagi ng pananalita
Basahin ang buong pangungusap na may Upang makabuo ng mga talata
nasalungguhitang salita.

Alin ang nasalungguhitang salita, Lhea? (babasahin)


Ano ang nais ipabatid ng nasalungguhitan Na mahalaga daw po ang panguri sa pagbou
na salita? ng talata o pangungusap.

Magaling!

Magbigay pa nga ng pangungusap na may Babasahin.


nasalungguhitang salita, basahin Pia.

Okey klas, batay sa binasa alin naman dito Ako si Lantay na nakaantabay
ang nasalungguhitang salita, Mona? Sa pagbibigay katangian na walang kapantay

Tama! Gamitin nga sa pangungusap ang Matangkad si nat nat.


Lantay, Isabel?

Marunong!

Ano pa? Magbigay pa nga ng Ang mga nasalungguhitan pong mga salita ay
pangungusap na may nasalungguhitang naghahambing Gaya ni pahambing na waring
salita, Edna. naglalambing.

Magbigay nga ng halimbawa tungkol sa Mas malaki ang bag ni aila kaysa kay mimi.
pahambing, Isabel.

Mahusay! Paano ginamit ang pahambing Mas malaki maam.


klas?

Magaling!

Magbigay pa nga ng pangungusap na may


nasalungguhitang salita, Mona.

Okey, alin dito ang salitang Pasukdol Na yayanig parang lindol. Dahil
nasalungguhitan, Cheryl? ako'y nagpapkita ng pangingibabaw sa lahat

Ano naman ang ginamit na antas sa Pasukdol maam.


pangungusap?

Tumpak! Tama ang inyong sagot.

Klas, ngayon ay ating tatalakayin ay ang


tungkol sa salitang naglalarawan o ang
pang uri.Ngayon ay narito ang dalawang
pangungusap.

Basahin nga ang mga ito. Ang dalaga ay maganda.


Kulot ang buhok ni Lhea.

Ngayon klas, ay tukuyin nga ang mga Maganda ma’am!


salitang naglalarawan, Lhea.

Tama!
Sa pangalawang pangungusap naman, Kulot po.
Isabel.

Mahusay!

Anong tawag sa mga salitang Pang-uri ma’am


naglalarawan na inyong ibinigay mula sa
mga pangungusap, Edna.

Magaling!
Pang-uri nga ang tawag sa salitang
naglalarawan.

Ngayon naman ay ating tatalakayin ang (babasahin)


Antas ng pang uri. Pakibasa ang Maganda ang damit ni loisa.
halimbawa mico.

Ano ang salitang panlarawan klas? Maganda, maam.

Tama!

ito ay nasa lantay na kaantasan kapag walang


ipinaghahambing na dalawa o maraming
bagay. Ang mga halimbawa nito ay maganda,
mataas, mabigat, at mahinahon.

Walang pinanghahambing maam.


Ano na uli ang Lantay lila?

Mahusay!

Pakibasa ang pangalawang pangungusap Mas matangkad si Marvin kaysa kay Joven
ali.

Matangkad, maam.
Ano ang ginamit na panglarawan?

Tama!

ito ay nasa pahambing na antas kapag


may pinaghahambing na dalawang
pangngalan – tao, bagay, hayop, lugar, at
pangyayari.

Kapag may pinaghahambing na dalawang


Ano na uli ang pahambing nat?
pangalan o bagay maam.
Mahusay!

Pinakamabait si Joanna kaysa kay Aila.


Pakibasa ang huling halimbawa vane?
ito ay nasa pasukdol na antas o kaantasan
kapag ito ay nagpapakita ng pangingibabaw
sa lahat. Ang mga halimbawa nito ay
pinakamatalino, pinakamatapang, at
pinakamalaki.

Ano na uli ang pasukdol nelly? Kapag ito nagpapakita ng pangingibabaw sa


lahat maam.

Mahusay!

Ngayon naman, tayo ay umawit.

MGA BATA TAYO AY UMAWIT.


Salitang naglalarawan ang pang uri.
Laki, Katangian, Hugis, Kulay, Dami
Mataas, Mababa, Maganda, Mabait
Tatsulok, Bilog, Pula, Asul, Marami, Kaunti.
Repeat 2x.

Ano ang inyong nabatid sa awit na ating Ang pang uri daw po ay salitang
naglalarawan.
inawit?
Mahusay!

3.Paghahambing at Paghalaw
Ngayon klas, Basahin ang bawat
pangungusap. Tukuyin at bilugan ang pang
Uri.
6. Maganda ang suot na damit ni Anna.
7. Mababait ang mga kaibigan ni Aila.
8. Siya ay magalang na nakikipagusap sa Inaasahang sagot:
mga nakakatanda. Mababait Maganda
Malayong malayo Bilog
9. Ang agwat ng bahay niyo sa bahay
Magalang
naming ay malayong malayo.
10. Hugis bilog ang dala niyang tinapay
para sa mga bata

Basahin nga ang inyong mga binilugan (Babasahin)


klas,Cheryl.

Ano ang at ano ang tawag sa mga ito? Tumutukoy sa uri, katangian ng bagay, tao at
pangyayari.
4.Paglalapat
Klas, Isulat ang Lantay, Pahambing o
Pasukdol Ang kaantasan ng pang-uring
may salungguhit.

_____________ 1. Malaki ang damit na


ito. (Inaasahang sagot)
_____________ 2. Siya Ang may 1.Lantay
pinakamagandang sapatos. 2. Pasukdol
_____________ 3. Ang pangkat ni 3.Lantay
Marvin ay mabilis sa pagtakbo. 4.Lantay
________________4. Maganda ang mga 5.Pahambing
tanawin sa Baguio.
______________ 5. Si Ken ay mas gwapo
kay Francis.

(Inaasahang Sagot)
Klas batay sa mga isinulat ninyo, magbigay Ang Pang-uri ay bahagi ng pananalita na
ng buod ng paksang tinalakay natin. nagbibigay deskripsyon o turing sa ngalan ng
tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos,
oras, at iba pa. Kadalasan, ginagamit ito
upang mas bigyang linaw ang isang
pangngalan

Tumpak!

5.Pagpapalalim ng Guro
Ngayon klas, tatawag ako ng isa niyong
kamag-aral.

Ang inyong gagawin ay ilarawan siya


gamit ang antas ng pang-uri, Marciana? Mahaba ang buhok ni Grace.

Mahusay! Paano inilarawan ni Marciana Mahaba po ang kanyang buhok ma’am.


si Grace, Cheryl?

Marunong! At anong antas ng pang-uri


ang kanyang ginamit sa paglalarawan, Lantay ma’am.
Jessicah.

Tumpak! Ilarawan pa nga si Grace, Ivy. Mas matangkad si Grace kaysa kay natalie
ma’am.

Tama! Mas matangkad si grace kaysa kay Pahambing po ma’am.


natalie anong antas ng pang-uri ito, Pia?

Mahusay! Ano pa Naïve? Pinakamarami ang nunal sa mukha ni grace


kaysa kay malou.

Magaling! Si Grace nga ay may apat na


maiitim na nunal sa kanyang mukha kaysa
kay malou..

Pasukdol Maam..
Kung ganon, anong antas ng pang-uri ang
ginamit upang ilarawan si Grace, Mona?
Opo ma’am
Tumapak! Naunawaan ba klas ang ating
aralin sa araw na ito?

IV. Pagtataya

Panuto: Punan ng pang-uring panlarawan na bubuo sa diwa ng pangungusap.


1.___________ ang kulay ng rose.
2. Si Joy ay _________ kaya't siya ay naging top 1 sa klase.
3. Ang bulaklak ay __________.
4. Ang orange ay hugis __________.

5. Mas ________ si aila kaysa kay joanna.

V. Kasunduan

1. Ano ang pang-abay?


2. Anu-ano ang mga uri ng pang-abay?

Inihanda Nina:
Aila Marie L. Bautista
Joana Marie N. Gameng
BEE 2-2

You might also like