You are on page 1of 5

MGA TIPS SA EXAM (BAHALA KA NA KUNG MANINIWALA KA O HINDI �)

1. READING COMPREHENSION

Baka madalas mong mabasa: Basahin muna ang tanong, tapos hanapin na ang sagot doon sa article na
babasahin. Ang tip ko naman: HUWAG MONG GAGAWIN 'YAN. 'WAG MO MUNANG BASAHIN ANG
TANONG. (We'll get back to this later.)

Basahin mo ang title at magsimula ka na agad magbasa nang mabilis habang iniintindi talaga ang laman
ng article. Kapag reading comprehension na, kailangang excited kang magbasa. Hayan na! May
babasahin na! May matututunan na naman akong bago! Ganyan dapat ang attitude.

Kung ganito naman ang setup ng utak mo bago magbasa:

Ang haba naman ng babasahin! Tapos kaunti lang ang mga tanong. Nakakainis naman ito. Aaargh!

Sa palagay mo gaganahan ang utak mo na tulungan ka kung sa umpisa pa lang na-kondiayon na ito na
halimaw ang reading comprehension? Na nagsasayang ka lang ng oras? Kahit anong mangyari,
magbabasa ka pa rin naman 'di ba? Kaya 'wag nang magsayang ng oras sa kakaisip ng mga negatibong
bagay. Maging excited kaagad sa pagbabasa....Tsaka, ano naman ang silbi ng natapos ka kaagad kung sa
bandang huli halos wala ka namang naitama sa mga tanong. Iyan ang totoong pagsasayang ng oras.

'Wag munang basahin ang tanong dahil baka mataranta ka lang sa paghahanap ng sagot at di mo maisip
na may mas malalim pa palang kahulugan ang article. Noong nag EPT ako, may article na pinapabasa sa
isang test na madalas tungkol sa alak ang nakikita kong salita. Nang tinanong kung tungkol sa ano ang
article, nandun naman sa choices ang ALAK. Pero ang totoo, tungkol pala ang article sa PAG-IBIG. Kung
binasa ko agad ang tanong at nakita ang alak sa unang paragraph, baka alak din ang sinagot ko at good-
bye na sa one point na 'yun.

Bottomline: Pag magbabasa, sabihin sa utak na excited ka na magbasa at may matututunan ka na


namang bago.
Kung andaming babasahin, sabihin nating bale pitong articles, at kung sa palagay mo mauubusan ka na
talaga ng oras, pumili ng isang article na kaunti lang ang tanong at doon na lang tsumamba. Isa lang na
article ang isakrispisyo kung sa palagay mo kukulangin ka na talaga sa oras.

Don't treat Reading Comprehension as a threat. Befriend it and you might be surprised at the results.

2. GUESSING GAME

Hindi mo talaga alam ang sagot sa apat na pagpipilian? Kailangan mo na talagang tsumamba? Kung
gano'n, tsumamba lang sa isang letter. Suggestion ko, puro letter C ang isagot sa mga items na tsatsamba
ka. Puro C. Kung hindi naman, puro B. Wag nang paiba-iba ng sagot.

Kung makikipagpatintero ka sa mga sagot, malaki ang tsansa na wala kang tamaan. Kung mananatili ka sa
isang sagot, malaki ang tsansang may mga tamaan ka.

E bakit 'di pwede sa A? Di ko naman sinasabing walang tamang sagot sa A. Ganito kasi ang naiisip ko:
Kung ako ang gagawa ng test, susubukin kong sayangin ang oras ng mga magti-take. Kung ilalagay ko ang
sagot sa A, mabilis itong mai-spot at ayun, tipid sila sa oras. Tsaka yung mga tricky na sagot na akala mo
yun na yun pero di naman pala, ay madalas ilagay sa A para mabilis makita "kuno" pero di naman pala
tama. These reasons make letter A a risky choice for guessing. E yung letter D? Seriously, madalas mo
bang makita ang letter D sa mga key to corrections ng exams?

Kaya kung di mo alam kung A or C ang sagot, ang payo ko, piliin ang C. (Pero syempre, bahala ka na kung
susundin mo ang advice na ito. I am not imposing things here.) Yung advice na puro C, applicable lang
doon sa items na di mo alam kung alin sa apat na letters ang sagot. Kung di mo sigurado kung alin sa A or
D ang sagot, syempre, wala nang rason na sumagot pa ng letter C.

3. SPOT THE ERROR


Based on experience, bihira ang NO ERROR na sagot. Sabagay, kung gusto kong malaman kung magaling
ka bang maghanap ng mali, wala naman 'atang kwenta kung puro NO ERROR lang pala ang mga
sentences.

Madalas na sa verb or preposition ang error. Minsan, may mga underlined na noun. Seriously, kung ako
ang gagawa ng test, mahihirapan akong mag-isip ng mali sa noun or subject. Kung ipipilit ko talaga,
malamang CAPITALIZATION ang problema.

I have to go home now because mother is looking for me.

Yung "mother" dapat capitalized. Pwede bang palitan ng Ana yung mother nang hindi naaapektuhan ang
sentence. Pwede di ba? Kaya capitalized yun.

Every mother and child should be taken cared of.

Okay bang palitan ng Ana yung mother? Hindi, di ba? Kaya di dapat yan capitalized.

I have to go on the field now because coach is looking for me. Pwede bang palitan ng Ana ang coach?
Pwede. Kaya capitalized ang coach.

Now, spot the errors:

The Auditor of the club is looking for coach.

Kung okay naman ang capitalizaton, malamang nasa verb ang mali o nasa preposition. Walang magic sa
ganito kaya pag-aralan mabuti ang mga 'to, lalo na ang makukulit na alagad-ng-torture-sa-utak na sina
ON, IN, tsaka AT.

Di sila madaling pakisamahan.


Note the following:

ON the campus

Interested IN doing (not interested TO do)

AT Christmas

ON Christmas day

IN June

IN June 1990

IN 1990

ON June 12

ON June 12, 1990

Dependent ON

Independent OF

Crowded WITH

Surrounded BY

IN the shade of (not UNDER the shade kasi nasa ilalim ka na niyan ng lupa. Pwede pa kung UNDER the
tree.)

IN the beginning/end/start

AT the beginning/end/start OF

ON ___ AVENUE

ON___BOULEVARD

ON____ Street

at marami pang iba....


Pag-aralan po ang 12 tenses at subjunctive mood para di mahirapan sa verbs.

Lalo na ang subjunctive mood (Usually, this one breaks the conventional rules.) Take a look at these
correct sentences in subjunctive mood. The verbs look crazy but they are fine:

She acts as though she WERE a ghost. (Hypothetical)

It is advised that he GO home now. (Not "goes")

It is high time she WENT home. (Not "goes")

I wish Mark WERE here. (not "is" or "was")

If only I COULD fly! (not "can")

At marami pang iba....

Matyagan din ang pluralization ng verbs...

Walang words na deers, sheeps, bisons, evidences, informations, etc. Dapat, deer, sheep, bison,
evidence at information....

Bottomline: Mahirap talaga pag-aralan ang English grammar. Pero kakayanin 'yan basta araw-araw mag-
aral ng rules. 'Wag titigil sa pag-aaral kahit tapos na ang test at pasado na.

Mahaba na pala... Yung ibang tips, saka naman.... Salamat sa pagbabasa.

You might also like