You are on page 1of 16

Padilla, Patrick Lanz R.

BSE- FILIPINO. CED03-301A

DULAANG FILIPINO. WED 12-3pm

THEATER REVIEW

PAMAGAT : BOMBITA ni Tony Perez sa direksiyon ni Danie Del Rosario

Pangkat Pansining

Disensyo ng Kasuotan : James Orina at Sophia Wong

Disenyo ng tunog : Andy Reysio-Cruz

Disenyo ng Ilaw : Gabo Tolentino

Pagkuha ng litrato : Conn Sy

Disenyo ng Entablado : Gerald Manuel

Direksiyong Pansining : Jerome Ignacio

Direksiyong Panteknikal: Joaquin Limjap

Dramaturhiya : Joy Delos Santos

TAUHAN
Bombita : bida o pangunahing karakter sa dula. Mayroon pagka-mahina at palaging palpak.

Utusan sa Squad Four

De Lara : nilisan ang pamilya upang magtrabaho at umaasaa sa asenso sa pagiging Air Force

Jumao-as : miyembro rin ng Air Force ngunit siya ay malambot na mayroong pangarap na

maging model

Suaco : lider ng squad four sa Air Force. Siya ang komander ng grupo

Tarona : mayroon katangian ng pagiging matigas o matapang. Siya ang drayber ng sasakyan ng

squad four

Iba pang tauhan

Upperclass man

Ahente

Salarin

Reporter

Tagpuan

Mga kampo mula sa iba’t ibang bayan kung saan sila ay itinalaga upang gawin ang misyon.

Ang squad four na kinabibilangan nina Bombita, De Lara, Jumao-as, Tarona at Suaco ay palging

binibigyan ng misyon na marapat nilang matapos bago pa man dumating ang araw ng kanilang

recognition. Ang mga misyon ang magsisilbi nilang daan at paraan upang maging ganap na
sundalo ng hukbong panghimpapawid. Iisa lamang ang misyon nila ngunit ito ay gagawin sa iba't

ibang kampo malayo sa kanilang kampong kinabibilangan. Ang misyon nila ay maipadala ang

sikretong kagamitan na nakalagay sa isang kahon sa itinakdang oras at lugar ng mga upperclass

man, sila ang mga nakataas na nag-uutos sa squad four. Sa kanilang paglalakbay patungo ss lugar

kung saan sila pupunta upang ihatid ang sikretong kagamitan makikilala ang kalakasan at

kakayahan ng mga miyembro ng squad four. Sa paglalakbay nila, nasubok ang kanilang tiwala

dahil hindi nila maaaring buksan at makita kung ano ang nilalaman ng sikretong kagamitan. Sa

bawat paglalakbay bitbit ang kanilang kagamitan at sikretong kagamitan para sa kanilang misyon

mayroong mga pagsubok sa bawat biyahe nila. Una, noong sila ay panandaliang umihi ngunit sa

saglit na iyon mayroong dalawang babae na mayroong dalang baril na da takot ay inakala nilang

upperclass man. Pinataas ng mga babae ang kanilang mga kamay at tinignan ng mga ito ang

sikretong kagamitan ngunit ito ay hindi nila kinuha at iniwanan na lang ito kasama ng squad four

dahil doon dumating sila sa kampo kung saan sila pupunta nang wala sa itinakdang oras kaya

bilang kapalit binigyan ulit sila ng kaparehong misyon ngunit sa ibang kampo mula sa ibamg lugar

naman ito dadalhin at nagsabi muli ng takdang oras na dapat ay matapos nila ang misyon.

Sa ikalawang misyon mas malayo na ang kanilang lalakbayin at habang nasa biyahe naisipan

na muna nilang lumihis ng rota upang kumain. Habang kumakain nakarinig sila ng dalawang lalaki

na nag-uusap na inakala nilang espiya at dahang-dahan nilapitan ito ni Bombita sa utos ni Suaco

na alamin kung sino ang mga ito. Sa paglapit ni Bombita nalaman nila na ang mga ito pala ay mga

ahente na nagtitinda ng pampaputing mga sabon at dahil sa mahaba-habang panghihikayat ng

mga ito, napabili ang limang miyembro ng Squad Four. Dahil sa matagal na oras na inilagi nila sa

kainan, bigo nanaman ang grupo na matapos ang misyon sa takdang oras. Sa pangatlong
pagkakataon binigyan muli sila ng lugar kung saan nila dadalhin ang sikretong kagamitan at oras

na dapat nila ito matapos. Ang paglalakbay nila sa pangatlong utos ng mga upperclass man mas

mahabang oras at mas maraming rota na sila na dapat daanan. Habang nasa biyahe mayroon sila

nakitang isang lalaki na tagaktak ang pawis dahil sa init at humihingi ng tulong sa kanila na kung

puwede ay makisabay sa kanilang sasakyan ngunit tumanggi ang lider ng grupo na si Suaco, sa

pagtanggi ni Suaco nakaisip ang lalaki ng paraan upang siya ay pasakayin, pinakitaan ng lalaki ang

grupo nina bombita ng makapal na wallet kaya naman dali-dali nila itong pinasakay. Ang lalaki ay

nagpakilala bilang reporter na tutungo sa isang bayan sa aklan upang gawan ng report ang Ati-

atihan festival, dahil dadaanan naman nila ang bayan kung saan tutungo ang reporter, isinabay

nila ito. Nang makarating sa bayan, nakipag-usap sila sa lalaki tungkol sa mga personal na buhay

at kung ano ang mga tunay na pangarap ng bawat miyembro ng Squad Four at dahil alam nina

bombita na reporter ang lalaki umasa sila na makikilala sila ng mga tao. Dahil sa mahabang oras

ng kuwentuhan nakatulog ang squad four at ang reporter lamang ang natirang gising hudyat

upang buksan ng reporter ang sikretong kagamitan at ito ay kaniyang kinuhaan ng litrato. Sa

paggising ng squad four iniabot ng reporter ang isang sobra bago ito umalis at nang buksan ito

ng lider na si Suaco ito ay ikinadismaya nila dahil isa lamang itong kalendaryo at hindi salapi na

inakala nilang ibibigay sa kanila bilang kapalit ng pagtulong nila sa reporter. Nang dahil sa matagal

na naman na pamamalagi sa isang bayan malayo sa kanilang pupuntahan, nahuli muli ang grupo

sa misyon na mayroon takdang oras na matapos at bilang kapalit niyo binigyan muli sila ng misyon

ng upperclass man, parehong kagamitan ngunit ibang kampo sa ibang lugar dadalhin. Sa huling

misyon mas malayo na ang kanilang pupuntahan. Sa kanilang biyahe nakaramdam sila ng pagsuko

dahil wala naman silang napapala sa bawat misyon na ibinibigay sa kanila. Dahil dito nakaisip si
Jumao-as na magkasiyahan na muna at uminom sa isang bayan at tumikim ng mga babae. Sa

huling misyon dumating ang grupo sa kampo ngunit wala muli sa itinakdang oras at dito nagpasya

sila na buksan ang sikretong kagamitan. Sa pagbukas nito lahat sila ay nanlumo at umiyak dahil

ang laman ng sikretong kagamitan ay mga gamit panglinis tulad ng mga basahan at walis. Ito ang

kagamitan na ipinadala sa kanila patungo sa ibang kampo hindi dahil maging isang ganap na

miyembro ng hukbong himpapawid ngunit isa pa rin tagalinis tulad ng ginagawa nila pagpasok

nila sa kampo kung saan sila nabibilang. Ipinadala sila sa ibang kampo dahil sila raw ay mga bobo

at mga walang kwenta at bagay maging mga tagalinis.

Ang dulang Bombita ni Tonily Perez ay mayroon halong katatawanan ngunit kung iisiping

mabuti ang bawat senaryo sa dula tumatalakay ito sa mga suliranin na mayroon ang lipunan sa

panahong kasalukuyan. Malaking paktor ang mga aktor na gumanap upang makuha ang atensyon

ng mga manonood sa loob ng tatlong oras, lubos na mahuhusay ang mga aktor dahil na rin siguro

na isinapuso nila ang karakter na ibinigay sa kanila. Isa pang dahilan kung bakit nakuha nila ang

puso ng bawat manonood ay dahil sa wika na kanilang ginamit, minsan ay mayroong mga mura

o hindi magandang salita at mga aksyon na akma sa panahon ngayon. Ibang klase rin ang

konsentrasyon na ipinakita ng mga aktor sa dula dahil kahit na ang linya nila ay katatawanan ang

hatid sa madla, sila ay hindi mga tumatawa at nakatuon pa rin o naka pokus sa kanilang mga

sasabihin at mga aksyon. Bukod sa mga aktor maganda rin ang mga sound effects at ang

entablado na ginanapan, bagaman maliit lamang ang entablado hindi ito naging hadlang sa mga

kagamitan na gagamitin dahil ito ay nakaayos nang mabuti.at mayroong ilang mga gamit na

recycle ngunit maganda ang kinalabasan. Walang patay na oras sa pagtatanghal nila, isang
kagandagan ito sa dulang Bombita dahil hindi nauudlot ang damdamin ng mga manonood at

hindi nagbabago ang lakas o intensity ng pag-akto sa bawat senaryo, mahalaga upang hindi

mawala ang interes ng mga manonood ng dula.

Ang Bombita ay sumasalamin sa kulturang Pilipino dahil sa senaryong mayroong nakatataas at

mababa, dito nagbibigyan pansin ang social status na marapat lamang maging taga sunod ng mga

nakatataas ang mga mabababang uri ng tao. Sunod ay ang senaryong dahil sa wallet na makapal

tinulungan ng grupo ang isang lalaki, rito naman pinapakita na ang pagtulong sa kapwa ay

nakadepende sa kung ano ang kapalit na ibibigay nito o sa madaling salita tutulong lamang kung

mayroong kapalit. Sunod ay ang senaryo kung saan nagkasiyahan ang grupo, rito mapapansin ang

ugali ng mga Pilipino na inuna ang pansariling kasiyahan bago ang trabaho o misyon na ibinigay

at sisisihin ang iba kung ito ay hindi natapos. Ang dula ay tumutugon sa pangangailangan o

ikabubuti ng nakararami sa paraan o sa pamamagitan ng mga senaryo sa dula minumulat ang

manonood sa kasalukuyang suliranin at estado ng lipunan. Nakapagbubukas ng isipan ang dula

sapagkat ito ay tumatalakay sa mga pangarap, landas na tatahakin at mga suliranin na haharapin,

ipinakita sa dula kung paano hinarap at haharapin ang bawat suliranin sa bawat paglalakbay

tungo sa pangarap na gustong makamtan. Ang dula ay masasabing para sa kapakanan o ikabubuti

ng mga Pilipino dahil nagtuturo ito na ang bawat pangarap ay marapat na mayroong aksyon

ngunit mayroong kaakibat na hadlang. Nagbibigay ang dula ng aral na maging handa sa mga

problema sa pagtahak ng landas at pagkamit ng nais. Para ito sa ikabubuti ng mga Pilipino dahil

sa panahon ngayon marami na sa Pilipino ang gusto ng instant, iyong mga bagay o sitwasyon na

hindi paghihirapan kaya siguro nabuo ang obra ni Tony Perez na Bombita na nagiiwan ng aral na

ang bawat kagustuhan ay marapat na paghirapan.


Padilla, Patrick Lanz R.

BSE- FILIPINO. CED03-301A

DULAANG FILIPINO. WED 12-3pm

THEATER REVIEW

A (FLAME)

Nagising si Antoinette sa silid malapit sa bubongan, mayroon nararamdamang sakit at

nilalamig. Siya ay mayroong problema sa pag-iisip at hindi maalala ang pangalan, kaya ang

tagabantay niya na si Grace Poole ay pinangalanan siya bilang Bertha. Sa paggising niya

hinahanap niya si Grace upang pabagain ang kaniyang apuyan, nang hindi niya makita si Grace,

siya na lamang ang nagpabaga rito, habang nakatingin sa apoy, naalala niya ang panaginip niya

na nasusunog ang buong manor at hinangad na magkatotoo ito o mangyari sa totoong buhay.

Dahil mayroon nga siyang problema sa pag-iisip, hindi niya maalala kung ano ang nagpilit sa

kaniya na hangaring sunugin ang buong manor. Tumingin siya sa paligid ng silid at pilit inaalala

ang mga nawala sa kaniyang isipan. Habang ginagawa niya ito, mayroong nilalang ang doo'y nag-

aabang o nakakubli, wari'y inuulit ang nasa isipan niya at boses galing sa nasira niyang alaala.

Habang iniisip niya ang mga bagay sa loob ng kaniyang silid, naalala niya ang bahagi ng buhay

niya bago pa siya mapunta sa attic o silid malapit sa bubongan. Karamihan sa naaalala niya ay

ang nurse na si Christophine, kung paano siya nito alagaan at pagmalasakitan and minahal kahit

sa gitna ng matinding sakit. Sa gitna ng pagtatangka ni Antoinette upang makaalala, pumasok si

Grace Poole sa attic at pinagalitan siya nito dahil sa pagpapabaga ng apoyan ng walang permiso

mula sa kaniya na pinagkatwiranan naman ni Antoinette na siya ay nilalamig. Nang sinabi ni


Antoinette ang sakit na naramdaman niya paggising niya, pinaalala ni Grace ang pangyayari na

naganap bago mapunta si Antoinette sa attic. Sabi ni Grace kay Antoinette na pumunta ang

kapatid niya para makita siya ngunit nilusob niya ito at inundayan ng saksak. Nang banggitin at

marinig ang tungkol sa kaniyang kuya, nagsimulang hanapin ni Antoinette ang pulang damit na

pagmamay-ari niya at sinabi niya na maaalala siya ng kaniyang kuya kung sino siya kapag suot

niya ang pulang damit. Pinagbintangan niya na pinalitan ni Grace ang damit niya sa iba pang damit

na hindi kaniya. Sinubukan ni Grace na patahimikin siya sa pagtawag bilang "Bertha" ngunit hindi

ito tinanggap ni Antoinette. Dahil sa inis sinampal ni Grace si Antoinette at sinabi niya na itinago

niya ang pulang damit na baka ito ang maging dahilan upang maguluhan si Antoinette.

Nagmakaawa si Antoinette kay Grace na huwag na itago ang damit dahil kailangan niya ito upang

makaaalalaa at sinabi niya ulit na maaalala siya ng kaniyang kapatid kapag suot niya ito kapag

nakita siya ulit nito, sinagot ito ni Grace na hindi na babalik ang kapatid niya para sa kaniya. Sa

pagpapambuno nilang dalawa napunit ang damit dahilan para managhoy si Antoinette at

pinagalitan siya ni Grace at pinaalala na walang nagmamahal sa kaniya at kinalimutang baliw na

nakulong sa attic. Sinabi ni Antoinette sa kaniya na siya ay tampalasan at hindi tulad ni

Christophine at sinagot siya ni Grace nang mayroong pangungutya na dapat siyang bayaran ng

malaki para ilagay sa katulad ni Antoinette. Sa pagpapakalma ni Antoinette sa sarili para

makatulog sinimulan ni Grace na bilangin ang pera habang umiinom ng alak sa kaniyang lamesa.

Sa sobrang kalasingan napabulong si Grace tungkol sa kaniyang amo na nagdala ng baliw na

babae sa kaniyang bahay bilang isang asawa at dahil sa kalasingan nakatulog na ito sa lamesa.

Hinintay ni Antoinette na makatulog nang mahimbing si Grace, malungkot siya dahil sa kaniyang

damit at malapit na niya maalala kung bakit gusto niya sunugin ang manor. Napuna ni Antoinette
ang isang susi sa sinturon ni Grace at kinuha niya ito at halos maalala ang lalaking nakatira sa

manor na nakita siyang suot ang pulang damit. Nagtaka siya kung hinanap ba siya ng lalaki at

binuksan niya ang pinto at umalis sa attic. Sa pagbaba ni Antoinette sa attic, sinubukan ulit niya

muli pagdugtungin ang mga natitira sa kaniyang memorya. Nakabuo si Antoinette ng

imahinasyon mula sa kaunting naaalala niya sa imahen ni Christophine. Inihayag nilang dalawa

ang kuwento sa kabaliwang dumating sa pamilya ni Antoinette. Kung paano siya inabuso ng

kaniyang asawa dahilan para siya ay mabaliw at pagsama nito sa iba para magalit at mapuno ng

poot si Antoinette na hindi niya inasahan na mababaliw.

Ang dulang A (Flame) ay sumasalamin sa kultura ng mga Pilipino sa paraang pinakikita nito

ang kalakasan ng isang babae na mayroong kakayahan tumindig sa sarili lamang. Marami sa mga

Pilipino ang nakararanas ng sitwasyon tulad ni Antoinette hindi man sila tulad ni Antoinette na

nakita ang susi upang makawala sa sitwasyon niya patuloy nilang hinahanap ang kalinga mula sa

kanilang minamahal ati na rin sa ibang tao dahil nais iparating ng dula na hindi dahilan kung mahal

mo o hindi ang isang tao, kung siya ay nangangailangan ng tulong, tulungan mo, tandaan natin

ang imahen ni Christophine, hindi siya nakalimutan ni Antoinette kahit na siya ay nagkaproblema

sa isip dahil si Christophine ang nagpadama na mayroong nagmamahal at nagmalasakit sa kaniya.

Sumasalamin ito sa kultura ng mga Pilipino dahil binibigyan pansin ng dula ang kakayahan ng

isang babae kahit na sila ay mayroong kahinaan halimbawa na lamang ang paniniwala na kung

kaya ng lalaki ay kaya rin ng babae. Tulad ng mga kababaihan dito sa bansa, hahanap at hahanap

ng paraan upang maibalik lamang ang dating kalagayan nila. Nadadapa sa buhay pero

bumabangon at nagpapatuloy. Isa itong dulang mapangmulat sapagkat sa kuwento pa lamang

nito mababatid ang pang aabuso sa mga kababaihan higit lalo kung mayroong karamdaman o
sakit. Mapangmulat sapagkat nagbibigay ito ng kamalayan sa pamamagitan ng mga metapora

tulad ng araw na pinaiinit si Antoinette at nagsisilbing hinanakit niya at ang attic, bahay at lamig

naman ang nagsilbing kanlungan niya sa panahong inuulan siya ng problema. Minumulat ng dula

ang manonood na ulanin man ng problema mayroon at mayroon tayong makakanlungan at

masisilungan at ang ating isipan ang ating sandata. Ngunit sa dula mahina ang pagkakagawa sa

sandata ni Antoinette (isipan) kaya ganon na lamang ang pagbigay niya sa problemang kinaharap

niya. Ang dula ay usaping pang masa hindi lamang sa personal kaya nakabubuti ito para sa

nakararaming Pilipino at isang aspekto upang ito ay para sa kapakanan ng nakararami ay dahil sa

pagiging mapangmulat nito. Tunay na para ito sa nakararami dahil na rin siguro kaya nagawa ang

dulang ito ay dahil patuloy na dumarami sa kasalukuyang panahon ang nagkakaproblema sa isip

at sa pamamagitan ng pagpapalabas ng dulang ito magkaroon ng agam-agam ang marami kung

paano kakaharapin ang sitwasyong tulad ni Antoinette.


Padilla, Patrick Lanz R.
BSE- FILIPINO. CED03-301A

DULAANG FILIPINO. WED 12-3pm

Monologo ( May Isang Sundalo)

Sundalo : May operasyon na naman kami, putukan na naman ng mga baril ang maririnig ko, mga

nakahandusay na naman na katawan ang makikita at amoy pulbura na naman ang kamay. Parang

ayaw ko na sumama sa mga kabaro ko tiyaka kinakabahan ako dahil mabigat pa rin sa damdamin

at isip ko ang nangyari sa tatay ng puta na nakausap ko. Pero itong pinangarap ko, gusto kong

makatulong sa ibang tao e, kaya kailangan kong sumama sa operasyon namin. Baha ng dugo na

naman ang lulusungin. Doon sa bayan namin sa Quezon, malamig na dagat ang lalanguyan, dito

sa pagsusundalo dagat ng mga malalamig na bangkay. Ganon talaga buhay sundalo palaging

ratratan.

* Barilan sa Operasyon*

*mapapaupo at magwawala*

Sundalo : Kailangan ko ng makakausap. Pupuntahan ko ang babaeng nakausap ko na hawig ng

aking kapatid.

*pumunta sa klub*

Sundalo : Nagkita na kami ng kapatid ko matapos ang ilang dekada, pero nakita ko siyang sira na

ang maamong mukha, basag ang ulo pero hindi nabura ang ngiti na may pananabik na makita

ang sundalong kapatid. Imbis na mga yakap namin ang magpang-abot, bala niya at bala ko ang
nagsalubong ngunit 'di kilala ang isa't isa. Sa paglapit ko sa huling taong pinaglaanan ng huling

bala ko, ay ang huling taong gusto ko makita sa huling oras ng buhay ko.

Sundalo : Ganito pala ang buhay na pinangarap ko, maingay, madugo at madilim. Mga nakakalat

na bala na 'di mo wari kung saan tatama. Hindi nauubusan ng kaaway kasi mga hindi sumusuko,

mga nagmamatigas at handa ipaglaban ang kanilang karapatan at prinsipyo. Sa patuloy na

pagapaplitan ng bala, isang pamilyar na boses ang narinig ko sa pagtama ng bala ko. Nang makita

ko, agad kong binitawan ang alaga kong baril dahil ang tinamaan ko ay ang kapatid ko na gusto

kong alagaan higit sa baril ko.

Sundalo : Hindi ko na kasi namalayan ang mga pangyayari, "patay kung patay" basta ayan 'yong

itinanim ko sa isip ko. Tila nalimutan ko na ang salitang "kapatid". May kapatid pa pala akong

gusto rin ako makita. Sa tagal-tagal namin hindi nagkita, sa operasyon pa at mas mabilis pa sa

bala ang pagkawala niya at dahil sa akin 'yon, dahil sa kapatid niya.

Sundalo : Hindi madali para sa akin ang pangyayari na 'yon. Isang bangungot sa akin, kapag

naaalala ko, ayaw ko na balikan. Parang tumigil ang mundo ko. Naiwan na talaga ako mag-isa at

tanging baril at uniporme na lang ang kasama, ni hindi ko nga alam kung sasamahan ba ako nito

habambuhay. Hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy dahil kalahati ng puso ko ay

wala na sa akin at nailibing na. Sobra dami kong katanungan, kung hawak ko lamang ang oras,

hindi ko na paaabutin sa puntong babangungutin ako. Pero wala, trabaho at tungkulin pa rin ang

nanaig.
Sundalo : Ililibing ko na rin pala itong baril at uniporme ko, baka iyon na rin ang huling operasyon

ko bilang sundalo. Tunay na napakahirap ang buhay tagapagtanggol. Bibitawan ko itong pangarap

para sa ikatatahimik ng buhay ko

You might also like