You are on page 1of 27

Halimuyak ni Aya (3)

“ANG lantik ng pilik mata nitong apo mo. At tingnan mo ang ilong, maliit pa lang ay alam mo
nang matangos na. Ganito ba ang ilong ng Arabo, Cion?’’
“Huwag mong ilakas ang boses mo, Ado. Baka may makarinig ay lalo nang mabuo ang hinala na
kaya umalis si Ipe ay dahil hindi matanggap na hindi kanya ang pinagbuntis ng anak mong si
Cristy…’’
“Ay talaga namang noon pa e alam na ng ma nugang mo na hindi sa kanya ito ah.’’
“Oo nga pero...’’
‘‘At di ba’t natanggap naman niya ang nangyari kay Cristy. Wala namang kasalanan ang anak mo
ah. Bakit kailangan niyang umalis…’’
Napabuntunghininga si Nanay Cion. Hinipan nito ang gatong na kahoy sa kalan. Umusok nang
makapal, Naubo si Nanay Cion dahil sa makapal na usok.
“Ilayo mo ang apo mo at baka makasinghot ng usok! Uhu! Uhu!’’ sabi ni Nanay Cion at pinahid
ang mga matang napaluha dahil sa usok.
Lumayo si Tatay Ado. Dinala sa salas si Sam na noon ay tulog na tulog pa. Pinagmasdan niya ang
apo. Kakaiba nga ang itsura ng apo niya. Sa hugis ng mukha ay hindi maikakaila na may ibang
lahi na napahalo. Mas matapang ang napasamang lahi sapagkat nakikita agad sa itsura kahit na
sanggol pa lamang.
Hinalikan ni Tatay Ado ang mga kamay ni Sam. Napakabango. Nang hipuin niya ang mga daliri
ay natuwa siya sapagkat humawak ang hintuturo nito sa hinlalaki niya. Kahit na sanggol pa
lamang ay nagpapakitang malakas.
Muli niyang naalala ang pinag-uusapan nila kanina ni Nanay Cion ukol sa manugang niyang si
Ipe na hindi na nagpakita mula nang mamatay sa panga-nganak si Cristy. Inabandona nang
tuluyan si Sam.
Alam naman niya ang tunay na nangyari kay Cristy habang nasa Riyadh ito. Ipinagtapat naman
ni Cristy ang lahat na ginahasa siya ng amo nito. Tumakas si Cristy at nahulog pa sa bintana para
makatakas. Nagtungo sa Philippine Embassy at doon kinupkop hanggang sa makauwi rito.
Alam niya na nagbunga ang panggagahasa ng amo. Tinanggap naman niya si Cristy. Kung
tutuusin nga dapat siya ang sisihin sa nangyari kay Cristy dahil kung hindi niya ito hinayaang
mag-Saudi ay hindi sana ito magagahasa. Tapos ay aabandonahin niya. Sana, hindi na niya
tinanggap si Cristy mula nang umuwi kung ganito rin lang ang gagawin niya. Baka kaya namatay
si Cristy sa pa-nganganak ay dahil na rin sa sama ng loob. Baka sinusumbatan ng hayop na si
Ipe.
‘‘Ado, halika na kain na tayo. Luto na itong ginataang dalag.’’
“Oo. Sandali at gising na yata itong apo mo.’’
Gising na nga si Sam.
“Dalhin mo rito si Sam at ikaw na ang maghain. Ako na ang maghahawak kay Sam.’’
Nagtungo si Tatay Ado sa kusina. Nasa kalan pa ang niluluto ni Nanay Cion at tinitimplahan pa.
“Nasaan na kaya ang manugang mong si Ipe, Cion?’’
“Hindi ko alam. Huwag mo na ngang isipin yun.’’
“Hindi ko nga iniisip kaya lang kapag nakikita ko ang kalagayan ni Sam na wala tayong
maipasuso e umiinit ang ulo ko.”
(Itutuloy)
Halimuyak ni Aya (4)
“KUNG mayroon nga lang tayong pera na pambili ng gatas ni Sam e hindi na tayo makikiusap na
makisuso ito sa ibang ina,” sabi ni Tatay Ado habang nakatingin kay Sam na noon ay gising na at
walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid. Karga ni Nanay Cion si Sam.
“Pero kahit na may pambili tayo ng gatas, maselan naman ang tiyan nitong apo mo, Ado. Hindi
ba sinubukan nating pasusuhin ng gatas sa lata pero nagtae. Gusto talaga nito ay sa gatas ng
ina. Kapag nakasuso na ito ay agad na tumatahimik. Basta nasayaran ng gatas ang labi e
tumatahimik at mahimbing ang tulog.’’
“Kaya nga malaki ang problema natin, Cion. Hindi natin alam kung hanggang kailan may
magpapasuso kay Sam. Paano kung wala nang ina na magpasususo. Hindi natin mapipilit ang
ina na pasusuhin si Sam dahil mayroon din siyang anak na kailangan din ng gatas.’’
“Kaya nga hiyang-hiya ako kay Lina pagkatapos na pasusuhin si Sam.’’
“Ano ang sinasabi ni Lina?”
“Hangga’t may gatas daw siya, pasususuhin niya si Sam. Ang nakikita ko lang problema ay ang
asawa ni Lina na si Kardo.’’
“Bakit, ano si Kardo?”
“Parang galit kapag nakikitang pinasususo ni Lina itong si Sam.”
“’Yan ang naiisip kong problema, Cion. Siyempre, hindi habang panahon ay makikisuso si Sam.’’
“May awa ang Diyos, Ado. Mabubuhay din natin si Sam. Maaaring may ibang ina na
magpapasuso pa kay Sam.”
Kumain na ang mag-asawa. Hawak pa rin ni Nanay Cion si Sam.
“Hindi ko talaga maiwasang hindi maisip ang manugang mo na biglang nawala makaraang
mamatay sa panganganak ang anak nating si Cristy. Para bang diring-diri siya na makita si Sam.
Hindi na yata sinilip man lang si Sam ano?”
Tumango si Nanay Cion.
“Pagkalibing ni Cristy ay nawala na si Ipe. Hayup na ‘yun. Hindi naman mangyayari kay Cristy
ang panggahasa ng Arabo kung hindi niya ito pinayagan na mag-Saudi. Dapat siya ang nag-Saudi
at hindi si Cristy. Umiinit na naman ang dugo ko! Baka mataga ko ang hayup na yun kapag
nagkita kami.’’
“Tama na nga Ado. Kumain ka na lang. Kalimutan na natin yun at nananahimik na si Cristy.’’
Hindi na nagsalita si Tatay Ado. Nagpatuloy sa pagkain.
Kinabukasan, nagutom si Sam at kailangang dalhin muli ni Nanay Cion sa bahay ni Lina para
pasusuhin.
Pero ang asawa ni Lina na si Kardo ang nasa bahay. Wala raw si Lina. Umalis daw. Yamot si
Kardo. Mabalasik ang anyo.
(Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (5)


“IPAKIKIUSAP ko sana itong apo ko na mapasuso sa kanya, Kardo. Gutom na naman kasi at si
Lina lamang ang makakatulong dito sa apo ko,” sabi ni Nanay Cion na nakikiusap.
“Wala nga si Lina! Umalis siya kanina pa!’’ sabing pasigaw ni Kardo.
Natulala si Nanay Cion. Ano ang kanyang gaga-win. Lalo namang umiyak si Sam. Gutom na
gutom na.
Nagpaalam na si Nanay Cion.
“Sige Kardo, aalis na kami.’’
“P’we!”
Mabilis na umalis si Nanay Cion. Patuloy sa pag-iyak si Sam. Hindi niya alam kung paano ma-
papasuso ang apo.
Alalang-alala si Tatay Ado nang makita ang pagdating ni Nanay Cion.
“Wala si Lina sa kanila. Si Kardo ang naroon at halos ipagtabuyan pa ako.’’
“Sinasabi ko na at darating ang problemang ito,” sabi ni Tatay Ado na kumamot sa ulo.
Pero si Nanay Cion ay may naisip.
“Magsaing ka Ado. Kukunin natin ang sabaw ng sinaing. Bakasakaling magustuhan ni Sam.’’
Sinunod ni Tatay Ado ang utos ng asawa. Nang kumulo ang sinaing, kinuha niya ang sabaw o am
at pinalamig. Kalahating baso ang nakuha niyang am. Nang malamig na, tinimplahan ng
kaunting asukal at saka nilagay sa tsupon.
Isinubo kay Sam na noon ay wala pa ring tigil sa pag-iyak. Nang malasahan ni Sam ang am ay
tumigil ito sa pag-iyak.
“Aba, nagustuhan yata, Cion. Tumigil sa pag-iyak.’’
“Sinusupsop na niya ang am, Ado. Gutom na gutom na talaga ang apo mo.’’
“Sana, magustuhan na niyang lubusan para hindi na tayo nakikiusap sa ibang ina na pasusuhin si
Sam.’’
“Sana nga, Ado.’’
“Ano pa ang sinabi ni Kardo sa’yo, Cion?’’
“Sabi’y wala raw si Lina at nasa bayan. Pero ang hula ko, nasa loob ng bahay si Lina. May narinig
akong tikhim ng babae sa loob. Ayaw ni Kardo na magpasuso si Lina. Baka inaalala ang anak
nilang babae na inaagawan pa ni Sam.’’
“Tiyak na yun ang dahilan kaya ayaw nang magpasuso. Hindi naman natin mapipilit si Kardo.
Nakikiusap lang tayo sa kanila dahil kawawa naman si Sam.’’
“Pero sana hindi naman ganoon ang ipinakita sa akin na para bang kawa-wang-kawawa at halos
nagpapalimos. Dumura pa sa harap ko si Kardo. Nanliit ako sa ginawa niya. Awang-awa ako sa
sarili at dito kay Sam.’’
“Hayaan mo na sila Cion. Siguro naman ay makaka-kita pa rin tayo ng ibang ina na
magpapasuso kay Sam.’’
“Kapag nagsawa si Sam sa sabaw ng sinaing,baka umiyak na naman ‘yan.’’
“Maghahanap ako ng ina na mapapakiusapang pasusuhin si Sam.”
“Saan ka naman maghahanap, Ado?’’
“Bahala na.’’
Nagpaalam si Tatay Ado kay Nanay Cion. Determinado siyang makakita ng babae o ina na
magpapasuso kay Sam. Hindi siya uuwi ng bahay hangga’t walang nangyayari.
(Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (6)


NAGMAMADALI sa paglalakad si Tatay Ado. Uunahin niyang puntahan ang mga kamag-anakan
na may ilang kilometro ang layo sa kanila. Doon siya magbabakasakali. Kahit na medyo kakaiba
ang kanyang hihinging tulong sa mga ito, lalakasan na niya ang loob. Siguro naman, walang
tatanggi sa kanya lalo na kung mayroong bagong panganak na kamag-anak. Mabuti nga kung sa
kamag-anak makasuso si Sam para hindi na gaanong mapabalita ang nangyari sa kanilang
buhay. Nakakahiya rin ang nangyari na biglang inabandona ng kanyang manugang na si Ipe ang
anak na si Sam makaraang mamatay si Cristy. Marami sa mga kamag-anak niya ang walang alam
sa mga nangyari.
Tiyak na kapag nagsabi o humingi siya ng tulong para mapasuso si Sam ay maraming
katanungan ang ibabato sa kanya. Pero napaghandaan na ni Tatay Ado ang pagkakataong iyon.
Isa lamang ang sasabihin niya kapagh tinanong ang kung nasaan ang ama ni Sam. Sasabihin niya
na lumayas na ito. Inabandona ang anak at iniwan sa pangangalaga nila. Tiyak na bubuhos ang
simpatya at baka may magbigay pa ng pera sa kanya. Tiyak na may mag-aalok na sa kanya na
lamang sumuso si Sam.
Pero kabaliktaran ang nangyari sapagkat wala ni isa mang nag-alok ng tulong mula sa kanyang
mga kamag-anak. Nagkamali siya.
“E bakit hindi mo na lang ibili ng gatas, Ado. Pinahihirapan n’yo ang sarili e marami namang
gatas,” sabi ng isang pinsan niya.
“Wala kaming ibibili pinsan. Kung meron sana e di hindi na ako makikiusap na pasusuhin ang
aking apo. Nagbubukid lamang ako, Pinsan at walang ibibili ng gatas ,’’ sagot naman niya.
“Bakit hindi ang ama ng apo mo ang maghanap ng magpapasuso? Ikaw pa ang inaasahan e
matanda ka na?” tanong pa ng isang kamag-anak.
“Wala na ang ama ng apo ko, Pinsan. Inabandona na ang apo ko. Mula nang mamatay ang aking
anak sa panganganak, nawalang parang bula.’’
Ang isa ay matapang na nagsabi na kahit daw siya may asawang nanganak, hindi siya papayag
na magpapasuso sa iba ang asawa. Hindi niya hahayaang may makasalo pa ang kanyang anak sa
suso ng ina. Kahit daw magalit sa kanya si Tatay Ado ay wala siyang pakialam. Basta hindi siya
papayag na may sanggol na makasuso sa kanyang asawa.
Ilang kamag-anak pa ang pinuntahan ni Tatay Ado para magbakasakaling may tumulong na
pasusuhin ang apong si Sam.
Subalit wala ni isa man ang nag-alok ng tulong. Parang nandidiri pa nang malamang kaya
naroon si Tatay Ado ay naghahanap nang masususuhan.
Walang nagawa si Tatay Ado kundi ang umuwi. Pagod na pagod siya. Malayo rin ang nilakad
niya.
Sa pagbalik ay naisipan niyang dumaan sa dating bahay ng kanyang anak na si Cristy at Ipe.
Mula nang mamatay si Cristy ay hindi na tinirhan ang bahay. Inabandona na rin.
Nang makita ni Tatay Ado ang bahay, napaluha siya. Kung hindi sana namatay si Cristuy ay hindi
magkakaganito ang buhay nila. Apektado sila ni Nanay Cion sa mga nangyari. Sila ngayon ang
nagkakaroon nang problema kung paano bubuhayin ang apong si Sam.
Hindi rin naman naiwasang sisihin ni Tatay Ado ang manugang na si Ipe. Kung hindi nito
hinayaang makapag-saudi si Cristy ay hindi ito magagahasa ng Arabo. At nang magbunga ang
panggagahasa ay inabandona naman niya. Siguro kaya namatay sa panganganak si Cristy ay
dahil na rin mga problema. Malay ba nila ni Cion kung sinusumbatan ni Ipe si Cristy sa nangyari
rito sa Saudi.
Nilisan ni Tatay Ado ang bahay nina Cristy at Ipe.
Nang dumating siya sa kanila ay sinabi niya kay Nanay Cion ang problema. Wala siyang nakitang
magpapasuso kay Sam. Walang gustong tumulong sa kanila. (Itutuloy)
Halimuyak ni Aya (7)
“SA halip na tulungan ako ng aking mga kamag-anak na makahanap ng pagsususuhan ni Sam,
parang sinisisi pa ako. Bakit daw hindi ang ama ni Sam ang maghanap nang magpapasuso. Bakit
daw hindi na lang ako bumili ng gatas. Kung anu-ano pa ang mga sinasabi. Tingin ko, gusto lang
mahalungkat ang buhay natin. Para bang gusto lang makasagap ng tsismis…’’
Napabuntunghininga si Nanay Cion. Sinulyapan ang apong si Sam na kagigi-sing lang.
“Mabuti at hindi pa nagugutom ang apo mo. Mukhang gusto na ang sabaw ng sinaing…’’
“Kanina, umiyak pero tumigil din.’’
“Baka puwede nang sabaw ng sinaing ang ipa-dede natin kay Sam. Wala akong ibang alam na
lalapitan para magpasuso sa kanya.’’
‘‘Sana nga, hindi na niya tanggihan para wala tayong problema.’’
“Magsasaing uli ako at baka magutom na ‘yan. Kukunin ko uli ang sabaw ng sinaing kapag
kumukulo na.’’
“Nakapagsaing na ako Ado. Nakuha ko na rin ang sabaw. Pinalalamig ko na lang. Naisip ko kasi,
baka nga wala kang mapakiusapan na magpasuso e mabuti na ang handa. Baka biglang umiyak
na naman itong apo mo e matuliro na naman ako.’’
“Idalangin na lang natin na magustuhan na niya ang sabaw ng sinaing. Talagang hindi ko alam
kung kanino lalapit para makiusap. Kung puwede sanang pasusuhin siya sa inahing baka.
Marami akong alam na may inahing baka.’’
“Diyos ko, Ado, baka naman kung mapaano kung sususo siya sa baka.
De likadong masipa siya ng baka.’’
‘‘Nagbibiro lang ako Cion. Kung pasususuhin natin siya sa baka e di maghahanap na lang ako ng
perang pambili ng gatas na nasa lata. Di ba gatas ng baka rin ang nasa lata.’’
‘‘Basta malakas ang paniwala ko na kaaawaan ng Diyos itong apo mo, Ado. May magpapasuso
rin sa kanya. May maaawa sa kanya.’’
“Sana nga, Cion. Siyanga pala, nagdaan ako sa bahay ng anak mo. Muntik na naman akong
mapaiyak. Naalala ko ang anak mong si Cristy. Kung buhay sana siya e di hindi tayo
mamumroblema nang ganito kay Sam. Hindi sana tayo maghahanap nang magpapasuso. Hindi
sana tayo makikiusap. Naalala ko na naman ang manugang mong si Ipe. Hayup na yun! Akala ko
tanggap na niya ang nangyari kay Cristy sa Saudi. Akala ko, wala sa kanya ang nangyari na
ginahasa si Cristy at nagbunga ang panggagahasa. Di ba sabi ng hayup na manugang mo, hindi
naman kasalanan ni Cristy ang nangyari dahil ginahasa siya. Tumakas pa nga siya sa bahay ng
amo at nasugatan pa nang tumalon sa bintana. Pero nang lumobo na ang tiyan ng anak mo,
nakita na ang masamang ugali ng Ipe na iyon. Kapag nakita ko rito yun, baka mataga ko siya!’’
“Kalimutan mo na nga yun, Ado. Wala na namang magagawa pa dahil nangyari na ang lahat.’’
‘‘Hindi ko talaga mai- wasang hindi maalala ang nangyari, Cion. Nang makita ko ang bahay nila
kanina, muli ko na namang naalala ang lahat.’’
“Kumusta ang bahay nila?’’
“Damuhan na ang pali-gid. Baka may ahas na sa loob niyon.’’
“Linisin kaya natin, minsan, Ado.’’
‘‘Huwag! Hayaan na lang natin na masira ang bahay.’’
Tumahimik na lang si Nanay Cion.
KINABUKASAN ng umaga, dalawang babae ang bi-sita nina Nanay Cion. Ang isa ay si Lina, na
nagpapasuso kay Sam. May bitbit na bag si Lina. Ang kasamang babae ay may kargang sanggol.
“Magandang umaga, Nanay Cion, Tatay Ado!’’
“Lina! Halikayo! Pasok! Pasok!’’
(Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (8)


PUMASOK sina Lina at kasamang babae na may kargang sanggol.
“Upo kayo. Upo!”
Nang makaupo, hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Lina sa sadya sa mag-asawa.
“Nanay Cion, Tatay Ado, siya po si Brenda, pinsan ko.’’
Tiningnan ng mag-asawa si Brenda. Ngumiti si Brenda.
“Kumusta po kayo Nanay Cion, Tatay Ado?”
“Mabuti naman kami, Brenda.’’
Nagpatuloy si Lina sa pagsasalita.
“Kaya po kami narito, Nanay Cion ay dahil ipakikiusap ko po sanang dito muna makituloy si
Brenda sa inyo. Mangungupahan po siya rito.’’
Nagkatinginan ang mag-asawang Ado at Cion.
“Naku e ang pangit ng aming bahay Lina. Iisa nga lang ang kuwarto at yung aming kubeta ay
hindi maganda,’’ sabi ni Nanay Cion.
“Kahit na po Nanay. Mahalaga po ay may matirahan dito si Brenda.’’
“Paano ba ito, Ado?” Tanong ni Nanay Cion.
“Aba e kung wala na ba talagang siyang titirahan e di sige. Teka muna, Lina bakit hindi sa inyo
mo patirahin?’’
“Oo nga Lina.”
“Mahirap pong may ibang tao sa amin, Nanay Cion. May kakaiba pong ugali ang asawa kong si
Kardo. Kita mo naman ang nangyari noong nagtungo ka noong isang araw…’’
“Ibig mong sabihin, naroon ka noong sabihin ni Kardo na wala ka raw at may pinuntahan.”
“Nasa kuwarto po ako. Naririnig ko ang usapan n’yo. Gusto ko na nga pong lumabas at
pasusuhin si Sam pero natatakot ako kay Kardo. Masamang magalit ang taong iyon. Awang-awa
nga ako kay Sam dahil alam ko gutom na gutom. Naawa rin ako sa’yo Nanay Cion dahil parang
pinagtabuyan ka pa ng asawa ko. Wala lang po akong magawa, Nanay…’’
“Naku kalimutan mo na nga yun, Lina. Siyempre inaalala ka rin siguro ni Kardo. Mahirap nga
naman na may kasalo sa dede ang anak n’yo.’’
“Kaya po dito ko dinala si Brenda ay dahil maaari n’yo po siyang pakiusapan na pasusuhin din si
Sam. Hindi na po kayo kaila-ngang lumabas ng bahay. Kapag nagutom si Sam, pasususuhin na
siya ni Brenda…”
Nagkatinginan ang mag-asawang Cion at Ado. Oo nga! Lutas na ang problema nila. Dininig agad
ng Diyos ang dala-ngin nila.
“Ano po Nanay Cion, payag po ba kayo na dito tumira si Brenda?”
“Oo! Oo, Lina!” Halos magkasabay na sagot ng mag-asawa.
(Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (9)


“SALAMAT, Nanay Cion, Tatay Ado. Mapapanatag ang loob ko habang narito si Brenda.’’
“Pero nakakahiya lang talaga itong bahay namin, Lina. Baka hindi sanay sa bahay ng mahirap
ang pinsan mo.’’
“Masasanay din po siya,” sagot ni Lina at binalingan si Brenda. “Di ba Brenda?’’
Tumango si Brenda.
“Huwag po kayong mamroblema sa akin, Nanay Cion at hindi po ako maselan. Kaya ko pong
magtiis.’’
“Sige Brenda, maaari ka nang tumira rito. Ikaw na ang gagamit ng aming kuwarto at dito na
lamang kami sa salas ni Cion,” sabi ni Tatay Ado.
“Kahit po dito ako sa salas ay okey lang sa akin.’’
“Hindi. Diyan ka sa kuwarto.’’
“Magbibigay po ako ng deposit, Nanay Cion.’’
“Naku saka na natin pag-usapan yan. Basta ang mahalaga ay dito ka na nakatira at hangga’t
gusto mo e tumira ka rito.’’
“Marami pong salamat, Nanay Cion at Tatay Ado,’’ sabi ni Brenda at binalingan naman ang
pinsang si Lina.
“Sige na Ate Lina, okey na ako rito. Umuwi ka na at baka mainit na naman ang ulo ni Kardo.
Kanina, napansin kong nakasimangot.”
Nagpaalam na si Lina.
“Sige po Nanay Cion, Tatay Ado, aalis na po ako. Kayo na po ang bahala sa pinsan ko.”
“Sige, Lina,” sabi ni Nanay Cion at inihatid sa pinto si Lina.
Nang makaalis si Lina ay nagising at umiyak si Sam. Hawak ni Tatay Ado ang apo. Gutom na ito.
“Pasususuhin ko po, Tatay Ado. Ano nga pong pangalan ng apo n’yo?” tanong ni Brenda.
“Sam.’’
“Akina po si Sam at dito sa kanang suso ko siya dedede. Tiyak po na gutom na siya. Sa pag-iyak
pa lang ay kabisado ko na.”
Iniabot ni Tatay Ado si Sam kay Brenda. Inilabas ni Brenda ang suso at isinubo kay Sam. Malaki
ang suso ni Brenda. Nang lumapat ang utong sa bibig ni Sam ay parang may vacuum na
humigop dito. Tila nakiliti si Brenda. Parang mauubusan si Sam sa pagsuso. Halatang sabik na
sabik ito.
“Sabik na sabik po sa gatas si Sam, Nanay Cion. Parang matagal nang hindi siya nakakasuso.’’
“Oo nga, Brenda. Pawang sabaw ng sinaing ang pinasususo namin.’’
“Ganun po ba? Kaya naman pala, gutom na gutom si Sam.’’
“Hindi kaya maubusan ka ng gatas dahil sa pagsuso ni Sam. Baka mawalan naman itong anak
mo, Brenda. Ano nga palang pangalan ng anak mo, Brenda? Mukhang napakagandang bata.’’
“Aya po.”
(Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (10)


“MARAYAH po ang name nitong anak ko, Nanay Cion,” sabi ni Brenda habang nakatingin sa
anak na sumususo. Si Sam naman ay sumususo sa kabila.
“Ah kaya Aya ang palayaw niya.’’
“Opo.”
“Si Sam naman ay Samuel. Kinuha ang pangalan sa Bible. Pro-peta raw si Samuel.”
“Guwapo po itong si Sam, Nanay. Kahit na baby pa, e halatang magiging kulot ang buhok at ang
lantik ng kilay niya. Tipong artistahin po itong si Sam. Para po siyang mukhang Arabo…’’
Nang bigla ay mapaiyak si Nanay Cion. Pero agad din namang pinahid ang luha ng hawak na
panyo. Nag-alala naman si Brenda.
“Bakit po Nanay Cion, may nasabi po ba akong masama o hindi maganda?”
“Wala naman, Brenda. Kapag kasi nababanggit ang Arabo ay hindi ko maiwasang hindi
mapaiyak. Naaalala ko kasi ang mama ni Sam. Namatay siya sa pagsisilang kay Sam.’’
“Ay sorry po, Nanay.’’
“May malaking istorya sa likod ng pagkakasilang ni Sam. Hindi ko na sana sasabihin sa iyo pero
mas maganda nang malaman. Hindi na rin naman iba ang turing ko sa’yo.’’
“Ano po ang istoryang iyon, Nanay Cion?”
“Si Sam ay anak nga ng Arabo, Brenda.”
Napamaang si Brenda. Hindi makapaniwala.
“So totoo pala. Kaya pala ganito ka-guwapo si Sam.’’
“Si Sam ang naging bunga ng panggagaha- sa ng Arabo sa aking anak na si Cristy.”
“Paano po siya nagahasa?”
“Si Cristy ay domestic helper sa Saudi. Ang gumahasa sa kanya ay ang amo niya. Tumakas si
Cristy makaraang gahasain at nagtungo sa Philippine Embassy. Nakauwi siya rito sa Pilipinas.
Hindi niya alam, nagbunga ang panggagahasa…’’
“Teka po, Nanay, may asawa po si Cristy?”
“Oo. Ipe ang pangalan.”
“Ano pong reaksiyon niya nang malamang buntis si Cristy?”
“Tanggap daw niya. Hindi naman daw kasalanan iyon ni Cristy. Pero nagtaka kami nang biglang
abandonahin itong si Sam. Nawala si Ipe makaraang mamatay si Cristy…’’
Nakatingin si Brenda kay Nanay Cion. Gusto ring mapaiyak sa kuwento. (Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (11)


“HINDI po kaya napag-isip-isip ng inyong manugang na si Ipe na bakit siya ang magpapakain sa
hindi naman niya anak?’’ tanong ni Brenda kay Nanay Cion.
“Iyon nga ang aming naiisip, Brenda. Siguro ay hindi niya kayang buha-yin ang hindi naman niya
anak.’’
“Meron pong mga lalaki na hindi matanggap ang nangyari sa asawa lalo pa nga kung nabuntis.’’
“Pero sabi naman niya noon, kaya niyang tanggapin ang lahat. Noong nasa Riyadh pa si Cristy at
inaayos ng Philippine Embassy ang pag-uwi e palagi niyang sinasabi na walang halaga sa kanya
ang nangyari kay Cristy. Basta raw makauwi lang si Cristy nang buhay at magkita sila. Hindi raw
niya iintindihin ang mga sasabihin ng mga taga-rito na nabuntis si Cristy dahil sa panggagahasa.
Ang mahalaga raw ay si Cristy.’’
“Ang mga lalaki po kasi Nanay Cion ay mahilig magtago ng damdamin. Kahit na sinabing okey
ang lahat, sa kanyang loob ay naroon pa rin ang tunay niyang nararamdaman. Ang mga lalaki po
ay mapagkunwari at marami sa kanila ay manloloko. Ang tingin ko po sa mga lalaki ay ipokrito.
Iilan lang talaga ang may bayag, Nanay Cion…’’
Nasa ganoon silang pag-uusap nang lumapit si Tatay Ado. Sumali sa kanilang usapan. Siguro’y
hindi na nakatiis.
“Palagay ko ay tama ka, Brenda. Mapagkunwari ang putang-inang lalaking iyon. Walang bayag!
Kapag nakita ko siya rito, baka mataga ko siya.’’
Natahimik sina Nanay Cion at Brenda.
“Kung hindi sana niya inabandona si Sam e di sana ay hindi na kami nahihira-pan ngayon ni
Cion. Kung kailan pa naman kami tumatanda na saka kami dinatnan ng ganitong problema.
Mabuti nga sana kung kami ay may pera. E isang kahig, isang tuka kami. Pagbubukid at
pagtatanim ng gulay ang inaasahan namin. E ngayon ay inabot ng tagtuyot ang aming palay
kaya walang naani. Pati gulay namatay. Kaya wala kaming maibili ng gatas. Pinuproblema namin
ni Cion si Sam kung paano bubuhayin. Mabuti na lang at may katulad mo at saka si Lina na
marunong magbahagi ng kung anuman meron. Dininig ng Diyos ang aming dasal na may
babaing magpasuso kay Sam. Kasi’y natatakot kami ni Cion na kung laging malilipasan ng
gutom si Sam, ay magkasakit at…’’
Natahimik silang tatlo.
Si Brenda ang nagsalita pagkatapos.
“Tapos na po ang pro-blema ninyo, Tatay Ado dahil nandito na ako. Hindi na po magugutom si
Sam. Magiging malusog po siya katulad ni Aya. Sabay silang magkakaisip at magiging masaya.
Hangga’t narito ako hindi ko pababayaan si Sam…’’
Napaiyak na naman si Nanay Cion.
“Salamat uli nang ma-rami, Brenda. Talagang ikaw ang taong pinadala ng Diyos para mabuhay
nang maayos ang aming apo. Hindi ka namin, malilimutan, Brenda.”

LUMIPAS ang panahon. Parang hinipan sa paglaki si Sam at si Aya. Kapag pinanonood nina Tatay
Ado at Nanay Cion ang dalawang bata, masayang-masaya sila. Magkasundung-magkasundo sina
Sam at Aya. Hindi sila nag-aaway. Si Sam ay halatang mabait na bata. Lumulutang na ang
kaguwapuhan. Si Aya naman ay ganoon din. Lumulutang din ang kakaibang ganda nito.
(Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (12)


PATULOY si Brenda sa pagpapasuso kay Sam. Tinu-pad ang pangako na hindi iiwan si Sam at
hangga’t may gatas na makukuha sa kanyang dibdib ay pasususuhin si Sam. Kung ano ang
nakukuha ng anak niyang si Aya ay ganundin ang makukuha ni Sam.
Ang masustansiyang gatas ni Brenda ang nagbigay kay Sam nang malusog at magandang
pangangatawan. Habang lumalaki si Sam ay nakikita sa kaanyuan ang ibang lahi. Mas matingkad
ang lahing Arabo kaysa Pinoy. Matangos ang ilong, malantik ang pilik mata, manipis na labi at
kulot na buhok. Kapag ihahanay si Sam sa kapwa niya bata, halatang-halata na nahaluan siya ng
ibang lahi. At halata rin na mas mabulas siya kumpara sa ibang bata.
Kapag pinagmamasdan ni Tatay Ado at Nanay Cion si Sam habang nakikipaglaro kay Aya,
nagtatanong sila kung ganito nga ba ang mukha ng Arabo. Wala namang nabanggit ang kanilang
anak na si Cristy ukol sa among Arabo na nanggahasa. Basta’t ang sabi ay pinuwersa siya ng
amo. At sa pagkatakot daw niyang maulit ang panggagahasa ay tumakas siya. Nasugatan pa nga
siya sa paa dahil sa pagtalon sa bintana. Iyon ang sinabi ni Cristy ilang araw makaraang
dumating mula sa Riyadh. Ang Philippine Embassy raw ang kumupkop sa kanya nang tumakas
sa among Arabo na nanggahasa sa kanya. Maliban doon ay wala nang sinabi si Cristy. At hindi
na sila nagtanong sa anak. Alam nila kung gaano kasakit ang pinagdaanan ng kanilang anak kaya
ang magtanong ukol sa isang masakit na karanasan ay hindi na nila ginawa.
Kaya nga wala silang ideya kung ano ba ang mukha ng Arabo. Ni isang picture sa Saudi ay
walang dala si Cristy.
“Palagay ko, guwapung-guwapo ang apo mo, Cion. Tingnan mo ang itsura. Mag-iisang taon pa
lang ay lutang na ang gandang lalaki. Ganyan kaya ang itsura ng Arabong nanggahasa sa anak
mo?’’
“Siguro.’’
“Ang ganda ng mata at ang ilong ay parang nililok. Perpekto ang pagkakagawa ng ilong. Tingnan
mo naman ang ilong ko at nakadapa. Maski yang ilong mo e malayung-malayo kay Sam. Mas
lalong nakadapa yan kaysa ilong ko.’’
‘‘Matandang ito at pinintasan pa ang ilong ko.’’
“Kasi nga’y kapan sin-pansin ang gandang lalaki ni Sam kaya naikukumpara ko. At alam mo, may
napansin pa akong kakaiba kay Sam…”
“Ano yun?”
“Malaki ang kargada ni Sam. Baby pa lang ay nakikita na ang “ga-kabayong” kargada.’’
“Ang bastos naman ng matandang ito.’’
“Totoo naman ang sinabi ko. Paglaki ni Sam, baka pagnasaan yan ng mga binabae.’’
“Tumigil ka na nga.” Nagtawa si Tatay Ado.
Pagkaraan ay may ibinulong kay Nanay Cion.
“Nasaan kaya ang tatay ni Aya? Mayroon bang ikinuwento sa’yo si Brenda?”
“Ssss. Huwag kang mai-ngay at baka marinig ka. Kakahiya!”
“May sinabi ba sa’yo, Cion?”
“Wala!”
Natahimik si Tatay Ado.

ISANG araw nagpaa lam si Tatay Ado kay Nanay Cion na pupuntahan ang bahay na inabandona
ng ma nugang na si Ipe.
“Akala ko ba ayaw mo nang makita ang bahay at naaalala mo si Cristy?’’
“Hindi ko matiis. Lilinisin ko. Tiyak na maraming kalat yun.”
Pinuntahan nga ni Tatay Ado ang bahay. Maraming basura sa loob. Naroon pa ang mga gamit.
May mga nakita siyang nakakalat na sulat. Dinampot niya ang isa. Galing sa Saudi ang sulat!
(Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (13)


Binuklat niya ang sobre. Yellow pad ang nasa loob. May mga bahaging humawa na ang tinta ng
ballpen na ginamit. Maaa-ring nabasa na dahil sa tulo ng ulan. May mga butas na ang bubong
ng bahay nina Cristy.
Dalawang pahina ang sulat at kabilaan. Maayos ang pagkakasulat na parang babae ang
gumawa. Nang tingnan ni Tatay Ado ang huling pahina at basahin kung kanino galing nabasa
niya: IMELDA. Walang apelyido.
Hindi na sana pag-aaksayaan ni Tatay Ado ang sulat pero may bahagi siyang nabasa roon na
naging dahilan para niya basahin ang buong sulat. Nakasaad sa bahagi na kanyang nasulyapan:
“Ikaw kasi, hindi ka nakinig sa akin. Sabi ko sa’yo pagpapraktisan ka lamang ng hayup na si
Abdullah. Kung nakinig ka sa akin e di sana hindi mo dadanasin ‘yan. Pero sa dakong huli, wala
nang magagawa. Okey na rin yan. Basta ingatan mo na lang ang nasa tiyan mo. Kawawa
naman kung mawawala. Wala namang kasalanan ‘yan.’’
Natigilan si Tatay Ado. Bagamat bahagi lamang iyon ng sulat ay mayroon nang naglalaro sa
kanyang imahinasyon. May malaking misteryong nangyari. Hindi magsasalita ang nagpadala ng
sulat kung walang dahilan. May nabubuong hinala na kay Tatay Ado.
Sumalampak nang upo ang matanda sa maali-kabok na sahig at sinimulang basahin ang sulat ni
Imelda.
“Dear Cristy, sana ay nasa mabuti kang kondisyon. Kung ako naman ang tatanungin mo ay
maayos naman ang kalagayan ko. Kahit na naaatrasado ang aking suweldo ay pinagtitiyagaan
ko. Kung hindi ko pagtitiyagaan ay walang mangyayari sa aking buhay at saka ako lang ang
inaasahan ng aking pamilya. Yung asawa ko e wala namang bayag para siya ang magtrabaho
rito sa Riyadh.
“Kumusta na ang kalagayan mo? Siguro ay halata na ang tiyan mo ano? Isang buwan ka na rin
diyan ano? Sayang at hindi na kita napuntahan sa Embassy. Ang layo kasi at saka isa pa, hindi
ako makaalis dito sa bahay. Masungit na naman ang amo kong babae. Palagay ko naglilihi na
naman. Hindi ka ba nahirapan sa pag-uwi? Mula nang magtungo ka sa Embassy ay lagi kong
naaalala ang kalagayan mo. Wala lang talaga akong maitulong sa iyo dahil alam mo rin naman
ang kalagayan ko rito.
“Alam mo kapag nagtatapon ako ng basura ay tinatanaw ko ang dati mong pinaglilingkurang
bahay. Di ba kaya naman tayo nagkakilala ay dahil sabay tayong nagtatapon ng basura sa
malaking garbage box. Naalala ko nang una tayong magkita. Tinanong mo ako kung taga-saan
ako at kung ilang taon nang DH dito. Mas nauna lang ako ng isang buwan sa’yo rito sa Riyadh.
Nagtanong ka pa nga sa akin ng ilang salitang Arabic. Sabi ko sa’yo madali kang matututo.
“Siyanga pala, natatandaan ko ang sinabi mo sa akin noon nang minsang magkuwentuhan
tayo. Sabi mo, madalas na nakatingin sa’yo ang tinedyer na anak na lalaki ng iyong amo. Sabi
mo baka may kursunada sa’yo. Di ba binalaan kita na huwag kang magbibigay ng motibo o
kaya makikipaglapit. Ibang klase ang mga tinedyer dito. Mga tarantado.
“Naalala ko pa sabi mo minsang bagong paligo ka e palaging nakasubaybay sa’yo ang anak ng
amo mo. Naku di ba binalaan kita na huwag magpapakita ng anumang makapagbibigay ng
motibo at siguradong sasagpangin ka!
“Pero sabi mo ay mabait naman ang tinedyer na si Abdullah. Sabi mo pa ay baka natutuwa lang
sa’yo. Naku, delikado. Mahirap na. May asawa ka pa naman at baka kung ano ang mangyari.
Ang mga tinedyer dito ay naghahanap nang mapapagpraktisan…”
Itinigil pansamantala ni Tatay Ado ang pagbabasa ng sulat ni Imelda. Nagkakaroon na siya ng
konklusyon sa nangyari kay Cristy habang nasa Saudi. Marami pa siyang malalaman sa sulat ni
Imelda.
(Itutuloy)
Halimuyak ni Aya (14)
HABANG nakaupo sa sahig, may naglalaro sa isip si Tatay Ado sa nangyari sa anak na si Cristy,
base sa nabasang sulat ni Imelda. At ang naglalaro sa kanyang isip ay nagbubunga ng mga
tanong. Totoo kayang ginahasa ng kanyang amo si Cristy? O nagkaroon talaga siya ng relasyon
sa amo at nabuntis?

Ilang sandaling natigilan si Tatay Ado. Bakit ganoon kalikot ang isip niya? Hindi niya dapat pag-
isipan nang ganoon si Cristy. Kung ano ang sinabi ni Cristy, iyon dapat ang paniwalaan niya.
Dapat paniwalaan niya ang anak na kaya nagtungo sa Saudi ay para guminhawa ang buhay.
Humahanga siya sa anak sapagkat malakas ang loob na magtungo sa Saudi sa kabila na
maraming pag-abuso sa mga Pinay doon. Kaya nga nagagalit siya sa manugang na si Ipe na
hinayaang mag-abroad si Cristy. Walang bayag na lalaki! Sa halip na siya ang mag-abroad ay
hinayaan si Cristy. Kawawa naman ang anak niyang si Cristy makaraang makaranas ng pang-
aabuso sa Saudi. At nang mamatay ito sa pa-nganganak ay inabandona na ng hayop na si Ipe.

Napailing-iling si Tatay Ado. Hindi niya maiwasang magalit kapag naaalala si Cristy.

Binalingan niya ang sulat ni Imelda. Ituloy pa kaya niya ang pagbabasa nito? Paano kung totoo
ang naglalaro sa kanyang isipan?

Nagpasya si Tatay Ado. Babasahin niya ang sulat ni Imelda para malaman ang katotohanan.
Marami pa siyang hindi nababasa. Malinaw na malinaw ang mga pangyayari na sinasaad ni
Imelda sa sulat.

‘‘Di ba sinabi ko na sa’yo, na sabik ang mga lalaking Saudi sa babae. Hindi kasi basta-basta
makapag-aasawa rito. Kailangang magbigay ng dowry ang lalaki. At sa pagkakaalam ko, walang
mga pokpok dito na maaaring pagparausan ng mga Saudi. Kaya ang napagbabalingan ng mga
manyakis lalo ang mga tinedyer ay ang kanilang mga katulong sa bahay. Kapag sinisingga ng
kalibugan ang mga tinedyer, ang kanilang maid ang kanilang pinagpapraktisan.

“Kaya nga pinayuhan kita noon pa na huwag magpapakita ng motibo sa mga amo mo. Kapag
tinigasan ang mga yun, maghahanap ng mapapasukan. Sana naniwala ka sa akin, Cristy. Hindi
naman ako nagkulang ng paalala sa’yo.

“Pero hindi ka nakinig sa akin. Itinuloy mo pa rin kahit na alam mong hindi dapat dahil may
asawa ka. Sabi mo nga, ilang buwan pa lang kayong nakakasal ng asawa mong si Philipp nang
magtungo ka rito sa Riyadh.

“Nagulat ako nang sabihin mo sa akin na hinipuan ka ng tinedyer na si Abdullah. Hinawakan ang
suso mo. At sabi mo, hindi ka pumalag. Sabi ko na nga ba. Kung hindi ka pumalag, iisa ang ibig
sabihin niyon, payag ka…’’
Itinigil muli ni Tatay Ado ang pagbabasa. Napabuntung-hininga siya. Totoo yata ang naglalaro sa
isip niya.’

(Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (15)


ITINULOY ni Tatay Ado ang pagbabasa ng sulat ni Imelda. Kung hindi niya babasahin ang
kabuuan, paano niya malalaman ang lihim. Nagkakaroon na siya ng konklusyon sa totoong
nangyari sa anak na si Cristy sa Riyadh, kung saan ito nagtrabaho bilang domestic helper. Ang
purpose ng pagsulat ni Imelda kay Cristy ay para mangumusta. Gustong malaman ni Imelda
kung ano ang nangyari kay Cristy makaraang makauwi mula Riyadh. Binanggit ni Imelda ang
mga ipinagtapat sa kanya noon ni Cristy.

“Sana nang hinipuan ka ng suso ni Abdullah ay pumalag ka. Di ba ilang ulit kitang pinayuhan
noon pero parang hindi mo ako pinakikinggan. At ang pakiwari ko sa’yo, gusto mo ang ginagawa
ng tinedyer na si Abdullah. Tala-gang mahilig sa malalaking suso ang mga Arabo kaya marahil
napagtripan ang mga suso mo.

“Tapos mayroon ka pang ipinagtapat sa akin na kapag naliligo ka ay pakiramdam mo mayroong


nanininilip sa’yo. Palagay ko si Abdullah iyon. Siyempre kabisado nila kung paano gagawa ng
paraan para makapanilip. Baka gumawa ng butas ang manyakis na tinedyer sa pader at doon
sumisilip. Kaya nga noon ang payo ko sa’yo ay huwag kang todo hubad kapag naliligo. Dapat ay
naka-panty ka o di kaya ay nakadaster. Kasi nga kapag nalaman na todo-todo kang maghubad
sa banyo kapag naliligo ay hindi titigil ang manyakis. Tiyak na kapag schedule mong maligo ay
nakaabang na yun. At siguro habang naliligo ka ay kung anu-ano ang ginagawa. Baka nagma-
masturbate habang sinisilipan ka. Nasa kainitan kasi ang manyakis dahil tinedyer pa lang.
Sumusulak ang kalibugan. Walang pakialam ang mga tindedyer na Saudi, basta naisipan ay
idaraos ang kalokohan.

“Pero ang tingin ko nga sa’yo ay hindi nakikinig sa payo ko kaya nangyari sa iyo ang
kinatatakutan ko. Kung nakinig ka lang e di hindi ka sana mabubuntis…”

Napabuntunghininga muli si Tatay Ado. Napatingin sa kabuuan ng bahay na iyon. Malaki rin ang
naging hirap ni Ipe sa bahay na ito. Lahat yata ng savings niya noong binata pa ay tinodo na rito.
Noong nililigawan pa ni Ipe ang kanyang anak na si Cristy ay madalas niyang marinig na ang
uunahin niyang gawin ay bahay. Hollow block ang dingding at yero ang bubong. Palalagyan ng
tiles ang sahig. Bibili rin ng kasangkapan. Pagkatapos daw ng kasal nila ni Cristy, mula simbahan
ay sa bahay na ito na ang tuloy. Mas masarap daw ang ganun sapagkat madadama ang tunay na
pagiging mag-asawa.

Maraming ulit na nari-nig ni Tatay Ado ang pangakong iyon ni Ipe kay Cristy. Nakita niyang
seryoso si Ipe. Mahal ni Ipe si Cristy.
Noong una niyang makita si Ipe ay nagtaka si Tatay Ado kung bakit nagkalakas ng loob itong
manligaw kay Cristy. Wala kasing itsura si Ipe at mas matanda pa nang maraming taon kay
Cristy. Matandang binata ito. Nagtrabaho raw si Ipe sa isang pabrika sa Maynila at nang
makaipon ay nagbalik na sa kanilang probinsiya at nagtayo ng tindahang sari-sari. Hanggang sa
makilala ni Ipe si Cristy at niligawan nga. Nagpakasal at mula sa simbahan ay sa bahay na
pinatayo nagtuloy.

Pero makaraan lang ang ilang buwan ay nag-apply na DH si Cristy sa Saudi. Natanggap at
nakaalis agad.

Napabuntunghininga muli si Tatay Ado.

Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa ng sulat ni Imelda.

“Nagulat talaga ako sa sinabi mo sa akin, Cristy. Nagkasabay muli tayo noon sa pagtatapon ng
basura at may ipinagtapat ka sa akin. Pinasok ka sa banyo ni Abdullah at…”

(Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (16)


MULI itinigil ni Tatay Ado ang pagbabasa sa sulat ni Imelda. Kinakabahan siya. Totoo nga yata
ang kanyang naiisip. Hindi yata totoong ginahasa si Cristy!

Itinuloy ni Tatay Ado ang pagbabasa.

“Pinasok ka sa banyo ni Abdullah at may nangyari sa inyo. Hindi ako makapaniwala sa sinabi
mo, Cristy. Kasi’y lagi kitang pinaaalalahanan. Madalas kitang bigyan ng babala na huwag na
huwag makikipagmabutihan sa amo mong tinedyer. Sabi ko sa’yo, isipin mo ang iyong asawang
si Philipp. Sabi mo, kakakasal pa lang ninyo.

Pero yun pala ay may nangyari na sa inyo ng tinedyer. At ang pansin ko sa’yo parang masaya ka
pa nang ikuwento sa akin ang nangyari.

Natatandaan ko pa ang sinabi mo, naliligo ka nang tanghaling iyon. Masarap maligo dahil mainit
ang panahon. Hubo’t hubad ka nang maligo kahit pa sinabi ko sa’yong magpanty o mag-daster
ka. Kasi nga’y hindi mo masisiguro ang nasasaisip ng tinedyer na si Abdullah.

Sabi mo, may kumatok sa pinto ng banyo at agad mong binuksan. Si Abdullah ang nakita mo.
Nakangiti sa’yo si Abdullah. At sabi mo, wala kang nadamang takot. Ni hindi mo nga naisip na
hubo’t hubad ka at nakikita ni Abdullah ang basa mong katawan. Pero sa halip na isara mo ang
pinto ng banyo ay hinayaan mong nakaawang iyon. Pinapapasok mo si Abdullah? Iyon ang hula
ko. At hindi nga ako nagkamali sapagkat ipinagtapat mo na makaraang makapasok si Abdullah
ay ikaw na mismo ang humatak sa pinto para iyon magsara.

“Ipinagtapat mo kung paano kayo nagtalik ni Abdullah. Ikaw ang nagturo sa tinedyer kung
paano gawin iyon. Ikaw na may karanasan na ang naging agresibo. Uhaw na uhaw ka. Habang
ikinukuwento mo iyon ay kinikilabutan ako. Hindi ko kasi akalaing magagawa mo iyon. Pero sabi
mo, mahal ka ni Abdullah. At sabi mo pa, hangang-hanga ka kay Abdullah. Guwapung-guwapo
ka sa among tinedyer...”

(Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (17)


HABANG binabasa ni Tatay Ado ang sulat ni Imelda, natitiyak na niya ang kasalanang nagawa ng
anak na si Cristy. At ngayon ay nabibigyan na niya ng katwiran kung bakit inabandona ng
manugang na si Ipe si Sam. Hindi pala biktima ng panggagahasa si Cristy kundi siya mismo ang
nag-alok ng sarili sa among tinedyer. At ang resulta ng pag-aalok niya ng sarili sa tinedyer ay ang
pagkabuntis. Malinaw na malinaw ang sulat ni Imelda.

Ipinagpatuloy ni Tatay Ado ang pagbabasa sa sulat. Kailangang malaman niya ang buong
pangyayari.

“Ikaw ang nag-alok sa sarili mo, Cristy at sino ba ang aayaw sa ganoon e kita mo nang parang
asong hayok ang mga lalaki dito sa Saudi. Sabi ko nga sa’yo bago makapag-asawa rito ang lalaki
ay kailangang may malaking pera para sa dowry. Kaya kawawa ang mahirap dahil walang
maibibigay.

“At sa ginawa mo na ikaw pa pala ang nagpapasok kay Abdullah sa banyo habang ikaw ay
hubo’t hubad na naliligo, nakatsamba siya. Suwerte siya dahil maganda ka, malalaki ang suso at
siguro ay masabaw na masabaw dahil bata ka pa. Palagay ko sabik na sabik ka, Cristy. Hindi mo
na naisip na mayroon kang asawa. Hindi ka na nag-isip at agad nagpagalaw sa ti-nedyer. Gusto
kong isipin na “makati” kang babae.

“Sabi mo naging mainit ang pagtatalik n’yo. Mabilis ang pangyayari. Nang matapos, sabi mo,
masayang-masaya ka. At sabi mo pa, nakangiti rin si Abdullah. Bininyagan mo kasi siya.

“At sabi mo, kinabukasan ay nagtalik uli kayo. Maagang umuwi mula sa school si Abdullah at
muli kayong nagkulong sa banyo. Mas mainit ang mga sumunod sapagkat marunong na ang
tinedyer. Madaling natuto.

“Pagkukuwento mo, halos araw-araw ay nagtatalik kayo. Gusto mo ang ginagawa ni Abdullah.
Sabi mo mahal na mahal ka ni Abdullah.
“Ang labis kong ikinatakot ay nang may ikuwento ka sa akin, makalipas ang dalawang buwan.
Sabi mo, hindi ka pa nireregla. Agad na pumasok sa isip ko, buntis ka. Tiyak ko agad. Sinabi ko
sa’yo yun. Namutla ka. Natigilan.

“At nang muli tayong magkausap, sabi mo madalas kang dumuwal. Nahihilo at parang tamad na
tamad kumilos. Palatandaan ng buntis. Napaluha ka. Nagtanong ka sa akin kung ano ang
gagawin. Hindi agad ako nakasagot. Wala akong maisip. Blanko ang isip ko. Problema ang
pinasok mo.

“Lalo pang nadagdagan ang problema nang sabihin mong hindi mo na nakikita si Abdullah sa
bahay. Pinagtataguan ka. Nagsawa na kasi sa’yo ang manyakis. Natikman ka na. Araw-araw ba
naman kung araruhin ka, magsasawa talaga yun.

“Umiiyak ka. Paano ang gagawin mo? Unti-unti ay mahahalata ang paglaki ng tiyan mo. Kapag
nalaman ng amo ang dahilan ay baka ka isumbong sa pulis. Kasalanan iyon. Nabuntis ka na
walang asawa. Baka ka makulong. Ang matindi ay baka ka pagbintangan ng amo mong babae na
ang ama ng ipinagbubuntis mo ay ang asawa niya.

“Nag-isip ako ng paraan kung paano ka matutulu-ngan…” (Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (18)


“PINAYUHAN kita na tumakas. Iyon ang naisip kong paraan para ka makaligtas sa
kapahamakan. At nang sabihin ko sa iyo ang paraang iyon ay nakita kong natulala ka. Hindi mo
alam kung paano ang gagawin. Ipinaliwanag ko sa’yo na kapag hindi ganoon ang ginawa mo,
maaaring malagay ka sa problema. Kapag nahalata ang nasa tiyan mo, baka mas malaking
problema.

“Isa-isa kong sinabi ang mga gagawin mo. Huwag kang magdadala ng damit sa pagtakas
sapagkat pabigat lamang ito. Isa pa, kung wala kang damit, magiging kapani-paniwala ang iyong
pagtakas.

“Magtungo ka sa Philippine Embassy at doon ay sabihin mong ginahasa ka ng iyong amo.


Kailangang umarte ka na. Kunwari ay maghisterikal ka para maging kapani-paniwala ang lahat.
Kailangang kayanin mo ang sinabi ko sapagkat iyan lamang ang tanging paraan para ka
makaligtas.

“Alam ko, hindi maganda ang payo ko sa’yo sapagkat mala-king pagsisinunga-ling ang sasabihin
mong ginahasa ka. Pero wala nang ibang paraan. Kahit pa bali-baliktarin mo ang utak mo, wala
kang maiisip na paraan. Kaya nga kahit alam kong mali ang pagtuturo ko sa’yo ang sa akin ay
para ka makaligtas --- hindi lamang sa batas sa Saudi kundi pati na rin sa galit ng asawa mong si
Philipp. Kasi kung malalaman ni Philipp na ginahasa ka ng iyong amo, ano pa ang magagawa
niya. Matatanggap ka pa rin niya sa palagay ko. Malakas ang paniwala ko na muli kang
mamahalin ng iyong asawa. At hayaan mo na lang ang mga susunod na pangyayari. Kapag
lumobo ang tiyan mo, wala nang magagawa pa sapagkat hindi mo naman kasalanan ang
nangyari.

“Basta’t ang payo ko sa’yo ay huwag kang mawawalan ng pag-asa. Basta buhayin mo lang ang
iyong pinagbubuntis.

“Sana sagutin mo ang sulat na ito. Muli kitang susulatan para malaman ang mga nangyari sa
iyo. Itago mo lang ang sulat na ito. Hindi na kita nagawang puntahan sa Philippine Embassy
sapagkat ayaw na akong payagang lu-mabas ng aking amo.

“Sige Cristy, hanggang dito na lamang at dalangin ko na lagi kang nasa mabuting kalagayan.
Ingatan mo ang anak mo. Hanggang sa muli.” –IMELDA

Tiniklop ni Tatay Ado ang sulat ni Imelda.

Hindi siya kumilos sa pagkakasalampak sa sahig. Ngayon ay alam na niya ang lihim. At siguro,
nabasa na rin ni Ipe ang sulat na ito. Ito ang dahilan kaya niya inabandona si Sam.

(Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (19)


NANATILI si Tatay Ado sa pagkakasalampak sa sahig. Hawak pa rin ang sulat. Nag-iisip siya. Nga-
yon ay alam na niya ang lihim ng anak na si Cristy. Hindi pala ito ginahasa sa Riyadh kundi
kusang ibinigay ang katawan sa among tinedyer. Iyon ang dahilan kaya nabuntis.

At hindi na niya masisi si Ipe o Philipp kung bakit inabandona si Sam. Paano pa nga ba niya
mamahalin ang batang hindi naman pala bunga ng panggagahasa kundi kusang-loob na
pinagkaloob ang sarili. Ano ang tawag sa ganoong uri ng babae? Malaswa, malandi, kiriray,
makati, pokpok at kung anu-ano pang tawag sa babaing hindi kayang makapagtiis.

At nagkaroon na rin ng konklusyon si Tatay Ado kung paano nalaman ni Ipe ang tunay na
pangyayari. Nabasa ni Ipe ang sulat ni Imelda. Maaaring si Ipe pa ang nakatanggap ng sulat na
ito at binasa. O maaari rin namang nakita ito ni Ipe sa pinagtataguan ni Cristy at nalantad na ang
lihim. Agad ay kinumpronta ang asawa. Iyon ang simula nang paghihiwalay. Hanggang sa
manganak si Cristy. At iyon na rin pala ang ikamamatay niya. Makaraang ipanganak si Sam ay
nalagutan ng hininga si Cristy. Isinugod nila ito sa ospital sa bayan pero wala nang pulso. Sabi ng
mga doctor, enclampsia raw ang nangyari kay Cristy. Hindi alam nina Tatay Ado at Nanay Cion
ang kahulugan niyon. Wala silang nagawa kundi tanggapin ang kinahinatnan ng kanilang anak
na si Cristy. Hindi na rin nila nakita mula noon si Ipe. Inabandona na nito si Sam. Naglahong
parang bula si Ipe. Hindi na tiningnan ang bangkay ni Cristy. Natatandaan ni Tatay Ado, lahat
nang mga nakipaglibing ay parang nagtatanong sa isa’t isa. Nasaan si Ipe? Bakit biglang nawala
si Ipe? Sino ang magpapa-kain sa bagong silang na si Sam?

Ngayon ay alam na ni Tatay Ado kung bakit biglang umalis si Ipe at hanggang ngayon ay hindi na
nagpakita. Nabisto na niya ang “lihim” ni Cristy. Nagtaksil sa kanya si Cristy. Siguro, hindi
matanggap ni Ipe ang kasalanang ginawa ni Cristy.

Napabuntunghininga si Tatay Ado.

Hanggang sa may naalala siya. Nang dumating si Cristy mula sa Riyadh makaraang tulungan ng
Philippine Embassy roon ay may sugat ito sa paa. Bakit nagkasugat ito sa paa? Sabi ni Cristy,
nasugatan siya dahil sa pagtakas sa amo. Paano kaya nangyari iyon?

Naghalungkat pa siya ng sulat. Baka sakaling masagot ang katanungan niya. (Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (20)


BINUKSAN ni Tatay Ado ang isang lumang cabinet ng damit. Mga damit ang laman niyon. May
nakita siyang mga papel na nakaipit sa mga damit. Kinuha niya ang mga iyon. Mga sulat ni
Cristy!

Isang sobreng sarado ang nakita niya at may nakasulat nang address sa labas. Para kay IMELDA
ang sulat na iyon.

Nag-isip si Tatay Ado. Sarado ang sobre at mayroon nang address, baka ipadadala na ito ni
Cristy pero hindi natuloy. Maaaring ang sulat na ito ang sagot ni Cristy kay Imelda.

Nagmamadaling binuksan ni Tatay Ado ang sobre. Dito niya malalaman kung bakit nagkaroon
ng sugat si Cristy nang dumating mula sa Riyadh. Marami pa siyang malalaman sa lihim ng anak.

“Dear Imelda, sana ay nasa mabuti kang kalagayan habang binabasa ang sulat na ito. Pasensiya
ka na kung ngayon ko lang nasagot ang sulat mo. Lagi kasing masama ang katawan ko. Siguro’y
dahil sa ipinagbubuntis ko. Sa isang buwan ay malapit na akong manganak. Sa iyo ko lamang
sasabihin ito pero alam mo, kinakabahan ako habang papalapit ang aking panganganak. Kasi’y
alam ko na kung ano ang mangyayari sa aking anak. Tiyak na aabandonahin siya ni Ipe.

Natuklasan na ni Ipe ang lahat. Nabasa kasi niya ang sulat mo. Siya kasi ang nakatanggap nang
ideliber dito ng kartero. Nang iabot niya ang sulat ay bukas na iyon. Nanlilisik ang mga mata
niya sa akin. Galit na galit. Hindi na niya napigil ang sarili at pinagsasampal ako. Tulig ako sa
lakas ng sampal.

“Bakit ko raw siya niloko. Bakit daw pinaniwala ko siya o pati ang mga magulang ko, na ginahasa
ako ng aking amo gayung ako pala ang may kagagawan kaya nangyari ang lahat. Napakasama
ko raw babae at dapat sa akin ay mamatay. Ang katulad ko raw na hindi makatiis sa tawag ng
laman ay dapat pinapatay. Sayang lang daw ang iniukol niya sa akin na pagmamahal. Sana raw
ay hindi na lang siya nag-asawa at nagpakatandang binata na lang.

“Humingi ako ng tawad sa kanya. Umiyak ako nang umiyak. Pero matigas na ang kalooban niya.
Wala raw kapatawaran ang ginawa ko.

Mula noon, lagi niyang sinusumbat ang ginawa ko sa Saudi. Mas makati pa raw ako kaysa gabi.
Siguro raw kaya ko nagawa iyon ay dahil sa hindi niya ako mabuntis. Siguro raw ay dahil sa
pangit siya. Kung anu-ano pa ang sinabi niya sa akin. Mula rin noon ay lagi siyang lasing. At
pagdating dito sa bahay ay sigaw nang sigaw. Parang nasisiraan ng bait.

“Hindi ko naman sinasabi kina Tatay at Nanay ang nangyari. Ayaw kong malaman nila ang
nagawa kong kasalanan sa Saudi. Kahit pa palagi akong sinasaktan ni Ipe mula nang malaman
niya ang lihim ko ay hindi ko pa rin sinasabi sa kanila. Minsan nga, may pasa ako sa pisngi pero
hindi ko sinabi ang dahilan na sinuntok ako ni Ipe. Wala akong sinasabi kina Tatay at Nanay.

“Pero meron pa akong hindi nasasabi sa nangyari sa akin noong araw na tumakas ako sa aking
amo. Ikaw lang ang pagsasabihan ko nito at sana ay tayo na lang ang makaalam nito.

“Nang araw na tumakas ako, nasugatan ako sa paa. Iyon ay dahil sa pagtalon ko sa bintana.
Kasi’y ginahasa talaga ako ng amo kong lalaki. Ito ’yung ama ng tinedyer na nakabuntis sa akin.
Naglilinis ako ng bahay nang gahasain ako. Wala akong nagawa. Para makaligtas sa mga
susunod pang panggagahasa, ipinasya kong tumakas na. Sa bintana ako nagdaan. Binasag ko
ang salamin. Doon ako nasugatan. Nagkataon na ang nasakyan kong taxi ay Pinoy ang drayber
at inihatid ako sa Philippine Embassy. Pagdating dun, sinabi kong ginahasa ako ng aking amo…”

Tumigil sa pagbabasa si Tatay Ado. Iyon pala ang dahilan kaya may sugat siya sa paa.

(Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (21)


IPINAGPATULOY ni Tatay Ado ang pagbabasa sa sulat ni Cristy na para sana sa kaibigang si
Imelda. Kung naipadala ito ni Cristy kay Imelda, hindi sana niya malalaman ang nangyari na
totoong ginahasa si Cristy ng among lalaki o ng ama ng tinedyer. Hinala pala ni Cristy kaya siya
ginahasa ng among lalaki ay dahil sinumbong ng tinedyer ang nangyari sa kanila. Nagkaroon ng
interes sa kanya ang amo. Marahil sinabi ng anak sa ama ang husay niya sa pakikipagtalik kaya
nagkainteres ito.

Ayon sa sulat ni Cristy, bigla na lamang dumating isang tanghali ang among lalaki ng tinedyer at
ginahasa si Cristy. Naglilinis daw si Cristy ng bahay nang bigla siyang hatakin patungo sa banyo
at doon sinagawa ang kahayupan. Sobrang sakit ng naranasan niya.
Napailing-iling si Tatay Ado sa nabasa. Kawawa naman ang anak niya. Kahit na nagkasala ito
dahil sa pagpatol sa tinedyer, nanaig ang pusong ama. Naging kaawa-awa ang anak sa kamay ng
manyakis na amo.

Nakasaad sa dakong hulihan ng sulat ni Cristy kay Imelda:

“Nararamdaman ko na parang bibigay na ang katawan ko pero nilalakasan ko na lamang ang


loob ko dahil sa aking anak. Alam mo Imelda, ang lakas nang sumipa ng anak ko. Pakiramdam
ko, lalaki itong nasa sinapupunan ko. Palagay ko, napakaguwapo niya. Tipong artistahin. Kaya
lamang baka may pumuna sa kanyang itsura dahil superguwapo. Baka itanong kung bakit hindi
siya kamukha ni Ipe. Sabagay may mga nakakaalam naman dito sa aming lugar na talagang
ginahasa ako sa Riyadh. At siguro alam na rin nila na ang ipanganganak ko ay may dugong
Arabo.

“Kapag natanggap mo ang sulat na ito ay sagutin mo agad para naman malaman ko ang
kalaga-yan mo. Ikaw lamang ang itinuring kong kaibigan, Imelda. Sana, magkita pa tayo. Sana
buhay pa ako sa pag-uwi mo. Para ka-sing bibigay na ako..

“Hanggang dito na lamang. Ang iyong kaibigan,

— CRISTY.”

Tiniklop ni Tatay Ado ang sulat at nilagay muli sa loob ng sobre.

Pinagmasdan niya ang kabuuan ng bahay. Nanghinayang na naman siya.

Nilinisan niya ang bahay. Naisip niya na sana ay bumalik si Ipe. Ngayon ay alam na niya kung
bakit galit si Ipe kay Cristy. Napakalaki pala nang dahilan.

Matapos ang paglilinis ay ikinandado na niya ang bahay. Lumakad na si Tatay Ado. Pag-uwi niya
mayroon na siyang iku-kuwento kay Nanay Cion. Malalaman na ni Cion kung bakit ganoon na
lamang ang galit ni Ipe kay Cristy. (Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (22)


NANG dumating si Tatay Ado sa bahay ay naabutan niyang inaalagaan ni Nanay Cion ang apong
si Sam at ang anak ni Brenda na si Aya. Wala si Brenda. Ilang beses na niyang napapansin na
laging umaalis si Brenda at si Nanay Cion ang nag-aalaga kay Aya.

“O bakit ang tagal mo, Ado. Wala tuloy akong makatulong sa pag-aalaga sa apo mo. Ang likot
na. Takbo nang takbo.’’

“Nilinis ko pa kasi ang bahay ng anak mong si Cristy.”


“Bakit ba naisipan mong linisin ang bahay? Di ba galit na galit ka kay Ipe dahil sa ginawang pag-
abandona sa apo mo. At saka pinagmalupitan pa si Cristy noong buntis pa kay Sam.’’

“May natuklasan ako Cion. Ako ay nagulat. Hindi ko akalain. Kaya pala galit na galit si Ipe kay
Cristy.’’

“Anong natuklasan mo, Ado.’’

Dinukot ni Tatay Ado ang dalawang sulat mula sa bulsa. Ipinakita kay Nanay Cion.

“Nabasa ko rito ang lihim ni Cristy.”

“Ano bang sinasabi diyan, Ado. Kinakabahan naman ako sa mga sinasabi mo. Ano bang lihim
yun?”

Ikinuwento ni Tatay Ado ang nabasa sa mga sulat. Una ay ang nakasaad sa sulat ni Imelda at
ikalawa ay ang sagot ni Cristy.

Hindi makapagsalita si Nanay Cion sa nalaman.

“Yang si Sam ay anak ni Cristy sa tinedyer na Arabo. Kusang nagpagalaw si Cristy kaya
nabuntis.”

Napaiyak na si Nanay Cion.

“Ang masaklap na nangyari ay ginahasa pa nga siya ng among lalaki, yung ama nung tinedyer.
Bale dalawa ang nakagalaw sa kanya.’’

Lalo pang umiyak si Nanay Cion.

Ang apong si Sam ay lumapit sa kanyang lola at hinigit ang laylayan ng saya. Nagtataka yata
kung bakit umiiyak ang kanyang lola. Parang may isip na si Sam.

“Kawawa naman si Cristy. Ginahasa pala talaga siya,” sabi ni Nanay Cion at pinahid ang luha.
Kinarga ang apong si Sam.

“Kaya nauunawaan ko na si Ipe kung bakit inabandona si Sam. Nauunawaan ko ang kanyang
damdamin. Masyado siyang nasaktan sa ginawa ni Cristy. Iniputan siya sa ulo ni Cristy. Hindi ko
alam kung bakit nagawa iyon ni Cristy ganoong mabait si Ipe,” sabi ni Tatay Ado.

“Paano ba nalaman ni Ipe, Ado.”

“Hula ko, nabasa niya ang mga sulat na ito. At kung hindi dahil sa mga sulat na ito, hindi rin
natin malalaman ang lahat.’’
(Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (23)


“ANONG pangalan ng kaibigan ni Cristy na gumawa ng sulat?” tanong ni Nanay Cion.
“Imelda.”
“Nasa Saudi pa kaya siya, Ado?”
“Siguro.”
“Alam na kaya niya ang nangyari kay Cristy na namatay ito sa panganganak?”
“Siguro hindi pa. Eto ngang sulat ni Cristy para sa kanya ay hindi na naihulog. Nagtataka ako
kung bakit hindi niya naihulog ang sulat. Palagay ko, nabisto na siya ni Ipe nang panahong iyon
kaya hindi na niya naihulog ang sulat. Natagpuan ko ang sulat sa pagitan ng mga damit.’’
“Hindi kaya nabasa rin ni Ipe ang sulat ni Cristy kay Imelda?”
“Palagay ko hindi dahil sarado pa ang sulat. Baka naitago agad ni Cristy.”
“Kung nabasa niya ang sulat baka lalo pang masama ang nangyari, Ado?”
“Oo. Kasi nasa sulat ang pananakit ni Ipe kay Cristy. Madalas palang maglasing si Ipe mula nang
malaman na kusa palang nagpagalaw sa tinedyer na amo si Cristy. Kapag nalasing, ginugulpi.
Natatandaan ko nga noon na may pasa sa pisngi si Cristy. Nang tanungin ko, nabangga raw sa
haligi. Yun pala sinuntok ni Ipe.’’
Napaiyak na naman si Nanay Cion. Nakatingin naman ang apo na si Sam sa kanyang lola. Karga
ni Nanay Cion si Sam. Nagtataka si Sam kung bakit umiiyak ang kanyang lola.
“Napakasama pala nang naging karanasan ng anak natin, Cion. Ang hindi ko maisip ay kung
bakit nagawa niyang magpagalaw sa Arabo. Ano kaya yun, kinati o talagang wala na siyang
pagmamahal sa asawang si Ipe?”
Hindi makasagot si Nanay Cion. Hindi rin marahil niya maisip kung bakit nagawa iyon ni Cristy.
“Mabait naman dati si Ipe di ba? Masipag naman. Malaking palaisi-pan sa akin.’’
“Huwag na nga nating pag-usapan ‘yan, Ado. Lalo lang sumasakit ang kalooban ko.’’
“Mabuti pa nga. Nga-yong alam na natin ang lihim ni Cristy, itago na nating tuluyan. Wala na
namang magagawa pa. Hindi na maibabalik ang nakaraan. Basta tahimik na tayo.’’
“Oo Ado. Basta palakihin na lang natin si Sam. Siya na lang ang pagtuunan natin ng panahon.”
“Tama ka, Cion.’’
HINDI na nga nila pinag-usapan ang tungkol kay Cristy. Maski kay Brenda na nakatuloy sa kanila
ay hindi sila nagkuwento ukol sa “lihim”.
Patuloy naman si Bren da sa pagpapasuso kay Sam.
“Ang lakas pa ring sumuso ni Sam, Nanay Cion.”
“Hindi pa maawat. Kakahiya sa’yo, Brenda.”
“Okey lang Nanay. Kailangan pa ni Sam ang gatas ko.’’
“Salamat, Brenda.”
(Itutuloy)
Halimuyak ni Aya (24)
HABANG pinasususo ni Brenda si Sam ay nagtanong ito kay Nanay Cion. Tungkol kay Ipe na
asawa ni Cristy.

“Hindi na po nagpa-kita sa inyo si Ipe, ang asawa ng inyong anak?”

Nagtataka si Nanay Cion kung bakit naitanong iyon ni Brenda. Pero hindi siya nagpahalatang
nagtaka.

“Hindi na. Mula nang mamatay si Cristy ay wala na kaming balita sa kanya. Baka nagbalik sa
Maynila at doon na nagtrabaho. Dati kasi sa isang pabrika ng biskuwit nagtatrabaho si Ipe.’’

“Ah, sa Maynila pala nagtrabaho.’’

“Oo.’’

“E di hindi niya nakita itong si Sam.”

“Hindi na. Kasi’y pagkapanganak ni Cristy diyan kay Sam, nawala na. Biglang umalis. Tapos nga
mga ilang oras makaraang manganak, namatay si Cristy. Inabandona na talaga ni Ipe si Cristy at
yang si Sam.’’

“Masama talaga ang ugali ng taong iyon. Makakarma siya sa ginawa niya sa anak n’yo. Di ba po,
sabi n’yo nang dumating si Cristy mula Saudi ay tinanggap naman ni Ipe ang pangyayari, bakit
bigla niyang iniwan si Cristy. Pero alam ho ba niya na namatay si Cristy?”

“Oo alam niya. May nakapagsabi sa kanya pero hindi na siya sumilip sa bangkay ng aking anak
na si Cristy. Hanggang sa mailibing si Cristy ay hindi siya nagpakita.”

“Talaga pong may mga lalaking walang bayag, Nanay. Meron talagang mga lalaking hindi
marunong tumupad sa sinabi o kaya’y panagutan ang kanilang ginawa.’’

Nakatingin lang si Nanay Cion kay Brenda.

“Kaya nga ayoko na ring magtiwala sa mga lalaki. Ayaw ko nang masaktan.’’

Nagtaka na si Nanay Cion. May ibig sabihin si Brenda. Sa himig ng pananalita ay mayroon itong
gustong tukuyin.

“May ipagtatapat ako sa’yo Nanay Cion. Siguro katulad din ako ng anak mong si Cristy o baka
mas kawawa pa ako.’’
Hindi makapagsalita si Nanay Cion. Ano kayang ipagtatapat ni Brenda?

(Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (25)


NAGTAPAT na si Brenda kay Nanay Cion.

“Isang taon na rin po akong nakatira rito at siguro dapat ko nang ipagtapat ang lihim ko. Siguro
rin po nagtataka rin kayo ni Tatay Ado kung bakit walang ama si Aya.

“Nabuntis ako ng lalaking mahal ko pero wala naman palang bayag para ako panagutan. Kaya
nga po galit na galit ako sa mga lalaking walang paninindigan. Mahusay lamang silang
mambuntis pero kapag nandiyan na ang problema ay hindi na kayang panagutan. Tumatakas
na.

“Yun pong nakabuntis sa akin ay maykaya sa buhay. Nag-aaral ng Medicine sa UST. Nagkakilala
kami dahil yung tinitirahan niyang dormitoryo ay katabi rin ng dormitoryo namin. Sa umaga ay
madalas kaming magkasabay sa pagpasok. Ako naman ay kumukuha ng Mass Communications.

“Nagkakangitian lang kami. Guwapo siya. Maputi. Makinis ang kutis. Halatang maykaya sa
buhay.

“Isang umaga ay nagkasabay na naman kami sa pagpasok. Naglalakad kami sa Dapitan St.
Habang naglalakad, nagkakilala kami. Siya raw si Paolo. Sinabi ko rin naman ang name ko. Sabi
niya ang ganda ko raw. Matagal na raw niya akong gustong makilala kaya lang mukha raw
akong suplada. Sabi ko naman, mukha siyang matapobre. Nagtawa siya. Hindi naman daw.
Sobra raw naman akong makapanlait sa kanya. Sabi ko joke lang. Binawi ko ang sinabi at
sinabing guwapo siya. Nagtawa. Nagsasabi raw ako ng totoo.

“Nang malapit na kami sa aming mga building sa loob ng campus, sabi niya, sana raw ay
magkasabay uli kami bukas ng umaga. Sabi ko naman ay alas otso ang klase ko. Napa-wow siya.
Alas otso rin daw ang klase niya. Tamang-tama raw.

“Kinabukasan nga, quater to eight ay lumabas na ako sa aking dorm at eksakto na palabas din
siya. Sabi pa niya, siguro sinilip ko raw siya kaya lumabas na rin ako. Sabi ko’y hindi ah. Talagang
quarter to eight ako lumalabas. Sabi niya, joke lang.

“Sabay kaming naglakad sa Dapitan. Nang tumawid kami, inalalayan niya ang siko ko. Nasiyahan
ako. Parang nasa ulap ako. First time kasi na may umalalay sa akin.
“Saka hindi ko inaa-sahan ang sasabihin niya na mula raw nang magkakilala kami ay naging
masigla na siya. Sabi ko palabiro siya. Sabi ko pa, kahapon lang kami nagkakilala ay binobola na
niya ako.

“Totoo raw ang sinasabi niya. Hindi raw siya marunong mambola. Sabi ko e di hindi.

‘‘Nang mga sumunod na araw ay lalo pang naging seryoso ang pag-uusap namin. Patungo na sa
malalim na pag-uusap. At hindi ko inaasahan na sasabihin niya nang harapan na mahal niya ako.
Ako ang hiyang-hiya dahil sinabi niya iyon nang malakas. May mga kasabay pa kaming
estudyante.

“Pero pag-ibig na nga pala iyon. Mahal ko rin siya. Hindi na ako nagpakipot pa. Hindi ko ugaling
paghirapin pa ang nagmamahal sa akin.

“Hanggang sa may mangyari sa amin. Humantong kami sa motel.’’

(Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (26)


“ARAW ng Linggo noon. Niyaya niya ako na mamasyal kami. Manonood daw kami ng sine at
saka kakain. Nasorpresa ako nang daanan niya ako sa dorm dahil may dalang sasakyan.
Marunong palang magmaneho si Paolo. Hindi ko akalain dahil tingin ko e lalamya-lamya. Isang
segunda manong Toyota sedan ang minamaneho. Hiniram daw niya sa pinsan niya. May kotse
raw siya pero nasa probinsiya.

“Nang bantulot pa akong sumakay ay bumaba siya at inalalayan akong sumakay sa kotse. Nang
patakbuhin na niya ay saka lamang ako nakahinga nang maluwag. Saan kaya talaga kami
tutungo?

“Sa isang mall sa may Roxas Blvd. kami nagpunta. Iyon ang unang pagkarating ko sa nasabing
mall. Bago pa iyon noon. Nang nasa parking kami sabi ni Paolo ay kakain muna kami bago
manood ng sine. Okey lang daw ba sa akin. Tumango ako. Wala namang masama na manood ng
sine. Karaniwan na lamang na manood ng sine ang magsiyota.

“Nang matapos kaming kumain, nanoood kami ng sine. Naghalikan kami sa loob. Paubaya ako
dahil iyon lamang ang unang pagkakataon na nagkasama kami at nasa isang madilim na lugar
pa. Mainit na mainit ang paghahalikan namin. Palibhasa’y nasa kainitan ang aming dugo. Mahal
na mahal ko si Paolo. Inaamin ko na nadarang kami sa aming ginawa.

“Nang matapos ang sine, nagyaya nang umalis si Paolo. Akala ko uuwi na kami. Paglabas ng mall
sa dakong EDSA niya dinala ang kotse. Tuluy-tuloy hanggang kabigin niya sa isang makipot na
kalye at namalayan ko na lamang na nasa hanay na kami ng mga motel sa lugar na iyon.
“Hindi na ako nakapagsalita pa. Mahal ko naman si Paolo. Pagmahal ko ang isang tao, sasama
ako at kahit saan kami makarating hindi ako hihiwalay sa kanya.

“Nagtalik kami. Unang karanasan. Ganoon pala. Ang unang pagtikim ay kailangang masundan.
Sa ikalawang pagtikim, halos palaban na.

“Hanggang sa hindi na ako magka-menstruation. Problemado na ako. Sinabi ko kay Paolo.

“Ipakikilala raw ako sa mama niya. Nagtungo kami sa probinsiya nila sa Quezon isang araw ng
Linggo. Mayaman pala talaga sila. Ipinakilala ako sa mommy niya. Pero halata ko, matabang sa
akin ang mommy niya. Hindi ako type…”

(Itutuloy)

Halimuyak ni Aya (27)


PATULOY si Brenda sa pagkukuwento kay Nanay Cion. Nakikinig naman ang matanda. Ang
dalawang bata — sina Sam at Aya ay naglalaro sa kanilang harapan.

“Una pa lamang pong pakikipagharap sa mommy ni Paolo ay mayroon na akong napansin.


Matapobre po siya. Sa pagtingin na lang sa akin ay para akong sinukat at hinahalukay ang aking
pagkatao kung babagay sa anak niya. Kasi’y talagang mayaman ang pamilya nila sa

Quezon. Mayroon silang resort na nasa gitna ng coconut plantation. May-ari ng isang bus lines
na bumibiyahe sa Lucena at San Pablo. At napakalawak ng taniman ng lansones at pinya. Nag-
iisang anak si Paolo.

“Nang ipakilala ako ay nakataas ang kilay ng mommy ni Paolo. Pero hindi ako nagpahalata na
may napapansing kakaiba. Nakatingin lang ako sa kanila. Halata ko naman kay Paolo na parang
takot sa kanyang mommy. Parang hirap na hirap magsabi. Sabi ko naman sa sarili

ko, baka tinitimbang-timbang ni Paolo ang mga sitwasyon. Baka naghahanap ng magandang
pagkakataon para masabi ang tungkol sa aking kalagayan. Siyempre, hindi maganda na agad-
agad ay sasabihin na buntis ako. Hinayaan ko si Paolo na magsabi sa kanyang

mommy.

“Hanggang sa mapansin ko na niyaya ni Paolo ang kanyang mommy. Nag-excuse sa akin si


Paolo. Iniwan nila ako sa marangyang salas ng mansion na iyon. Palagay ko sasabihin na ni
Paolo ang kalagayan ko. At siguro rin, sasabihin niya na kailangan na kaming makasal.

Palagay ko ipagpipilitan ni Paolo na makasal kami bago mahalata ang aking tiyan.
“Nang bumalik sila sa salas, matalim ang tingin sa akin ng mommy ni Paolo. Hindi ko magawang
makipagtitigan. Si Paolo ay para bang tuliro at hindi malaman kung paano magsasalita.
Hanggang sa magsalita ang mommy niya. Hindi raw muna kami dapat pakasal. Kailangan

daw makatapos muna ng Medicine o pagdodoktor si Paolo. Kung magpapakasal daw kami,
gaano ang kaseguruhang hindi kami magsasawa sa isa’t isa. Paano raw kung bigla ay may
magbago sa amin e di hindi na makakaatras dahil nakasal na. Kapag daw nakatapos na

ng pagdodoktor si Paolo saka kami magpakasal.

“Tulig ako sa narinig sa mommy ni Paolo. Hindi na ako nakatiis at tinanong ko si Paolo kung
payag ba siya sa ganoong setup. Hindi makapagsalita si Paolo. Napipi. Hintakot. Umurong ang
bayag!

“Ang mommy muli niya ang nagsalita. Wala raw problema sa panganganak ko dahil sagot niya
ang gastos. Sa isang mamahaling ospital daw ako manganganak. Kumpleto raw sa gamit ang
ospital para makatiyak na ligtas ang bata. Kapag daw nakapanganak ako ay

maaari na uli akong mag-aral dahil ang bata ay ikukuha ng yaya. Huwag daw akong mag-alala
dahil lahat nang pangangaila-ngan ng bata ay sagot niya. Huwag lang daw munang pakakasal at
kung maari ay huwag munang magkikita at baka masundan agad ang bata.

Kailangang makatapos ng pagdodoktor sa tamang panahon si Paolo. Hindi raw dapat masira ang
plano niya kay Paolo. Bawasan daw namin ang pagkikita.

“Nang matapos sa pagsasalita ang matapobreng mommy ni Paolo ay napaiyak ako. Ibinuhos ko
lahat. Inakbayan ako ni Paolo. Pero iwinaksi ko ang kamay niya.

“Inakbayan uli ako pero winaksi ko ulit. Saka minura ko si Paolo. Bakit hindi niya ako ipaglaban?
Bakit ayaw niya akong protektahan?

“Hanggang sa marinig ko ang sinabi ng matapobre: Huwag daw pilitin ang ayaw. Kung ayaw ko
raw, mas lalong ayaw niya!” (Itutuloy)

You might also like