You are on page 1of 1

Alamat ng Rosas

Noong unang panah0n ay may isang magandang dalaga mula sa malayong bayan ng
Tarlac na Rosa ang pangalan.
Bukod sa iwing ganda ay nakilala rin si Rosa na gagawin ang lahat para mapatunayan
ang tunay na pag—ibig.
Ayon sa kwento nakatakda nang ikasal si Rosa kay Mario nang matuklsang may
malubhang sakit ang lalaki. Sa kabila ng lahat ay pinili ng dalaga na pakasal sila para
mapaglingkuran ang lalaki hanggang sa mga huling sandali ng buhay nito.
Gayunman ay hindi pumayag si Mario. Anang binata ay sapat na sa kanya na baunin
ang pag-ibig ng dala sa kabilang buhay.
Pinaglingkuran ni Rosa si Mario. Hindi siya umalis sa tabi nito. Ang ngiti niya ang
nasisilayan ni Mario sa pagmulat ng mata at ang kanya ring mga ngiti ang baon nito sa
pagtulog.
Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling bagay na nasilayan ni Mario bago panawan ng
hininga.
Ang mga gniti ni Rosa ay hindi napawi kahit nang ilibing si Mario at kahit nang
dinadalaw ang puntod nito at pinagyayaman. Nang tanungin kung bakit hindi nawala
ang ngiti sa mga labi ay ito ang sabi niya.
"Alam kong nasaan man si Mario ay ako lang ang babaing kanyang minahal. At alam ko
rin na maghihintay siya sa akin para magkasama kami na hindi na maghihiwalay pa."
Naging inspirasyon ng iba ang ipinakitang lalim ng katapatan at pagmamahal ni Rosa
sa katipan.
Bago namatay ay hiniling ni Rosa na sa tabi ng puntod ni Mario siya ilibing. Kakatwang
may tumubong halaman sa kanyang puntod at kayganda ng naging mga bulaklak.
Tinawag nilang rosas ang mga iyon bilang alaala ng isang dalagang simbolo ng tunay
ng pag-ibig.

You might also like