You are on page 1of 4
ST PAULS MEDIA SUNDAY Cee ed Ikaapat na Linggo ng Adbiyento (A) — Lila pastoral ministr AAMBUHAY * TVMARIA ¢ 8:30AM © 7:00PM LIVE DAILY TV MASS ONLINE « o issalette Disyembre 22, 2019 0OAM angangalaga ang Program Paghilom sa mga ina, balo, at naulila ng mga biktima ng Oplan Tokhang. Kabilangsamga gawain ng programa ay isang workshop pang-teatro na idinadaos sa loob ng tatlong araw at nagtatapos sa isang mapanghimok na pag- tatanghal, isang komentaryong panlipunan na ibinabahagi ang mga sinapit ng mga gumanap. Iba-iba man ang mga detalye ng kanilang kuwento, ngunit ni isa sa mga biktima na may pamilya ngayon sa Paghilom ang “nanlaban’” Karaniwan ding napapansin sa mga gumaganap sa pagtatanghal ang personal na pagbabago: hindi nasilanatatakot © walang magawa sa kanilang sinapit, kundi warinila’y nabigyan sila ng kapangyarihang harapin ang hamonng buhay.Nagkaroon sila ng lakas ng loob na ibahagi ang kanilang mga kuwento, Sa pagtatanghal nila, nakita ko silang bumangon mulisa kanilang kinasasadlakan! Kuminang itong “ibang mukha’ ng mga qumanap sa gitna ng lagim at nilupig ang kanilang sakit. Nanaig ang kapayapaan laban sa kanilang pangamba, na tila ba’y napalaya sila mula sa pagkakatali sa galit, pagkakasala, at paghihiganti. Ito ang ibang mukha na yumakap sa dikilala at di-pangkaraniwan, isang mukha na tumanggap sa—at natutunang pagkatiwa- laan ang—hiwaga ng kanilang kalagayan. Isa sa mga gumanap sa pagtatanghal, nagngangalang Marian, ang lumapit sa akin at nagsabi, “Paano na ang Pasko namin? Tinokhang ng mga pulis ang asawa ko. Father, never po siya nag-droga, isang mapag- mahal na asawa at ulirang ama Eee en cee ieee aur sa aming apat na anak po siya; wala po siyang kaaway sa aming komunidad. Kaya hindi ko alam bakit siya pinatay sa loob ng aming bahay. Pero sige lang po, Father, tuloy pa rin ang Pasko. Sana maging masaya rin ang iyong Pasko, Father!” Nakatuon pa rin sila—siyang balo at ang kanyang apat na anak nia mga ulila—sa Pasko, tapat pa rin sa Diyos na Tagapagligtas na hinayaang mangyari ang tra- hedya. “Sana maging masaya rin ang iyong Pasko, Father!” Paano mararanasan—at mababahagi— ng isang tao ang ligaya sa gitna ng kawalan, pagkalito, at takot? Inangkin nina Jose at Maria ang hindi man nila lubos na naintindi- han. Magiging asawa ni Jose ang isang babaeng buntis sa hindi naman niya anak: “Sinunod niya ang utos ng anghel ng Pang- inoon’ (Mt 1:24); samantalang magsisilang si Maria ng Sang- gol bagamat isa siyang birhel *Paanong mangyayariito, ayong ako'y dalaga?” (Lc 1:34), Bagamat mahiwaga, piniling mag-asawang ito na tingnan ang “ibang mukha” ng Diyos at pagkatiwalaan ito. Tulad nina ‘Jose’t Maria, na- katagpo ng pag-asa si Marian sa gitna ng gulo; nagtiwala siya sa Diyos at naniwalang hindi lamang nananahan ang Pan: noon sa pangkaraniwan, kundi pati sa naliba, di-kaaya-aya, at sa mga walang kapangyarihan. Napagtanto nila ang isa sa mga pinakamaganda at di hang realidad ng Diyos: ang Kristo sa sabsaban, hindi sa palasyo. Sa kanyang aklat na The Other Face of God: When the Stranger Calls Us Home, isinulat ni Mary Jo Leddy: "Ang kailangang makita ng daigdig sa ngayon ay hindi ang kinasanayang mukha ng Diyos, kundi ang di-kilala at mahiwagang mukha ng Diyos. Hindi ang mukha ng Diyos na ginagawa tayong kumportable at kampante, kundi ang mukha ng Diyos na humahamon at nangungulit” Hindi masaya ang unang Pasko sa kasaysayan: masdan natin ang isang lalaki’t asawa niyang manganganak na. Ang mahirap na biyahe mula Nazaret hanggang Betlehem ay tigib ng panganib at walang katiyakan; gayunpaman, pinaghandaan nila ang pagdating ng Emmanuel, “Ang Diyos ay kapiling natin’ Ngayong papalapit na ang Pasko, makilala nawa natin hindi lang ang kinasanayan at mag- inhawang mukha ng Diyos sa sanggol na si Hesus, hindi lang sa kung anuman ang ninanais natin sa kanya o kung saanman natin siya ninanais, kundi sa “ibang mukha” Hayaan ninyo nawang buksan ng espiritu ng Pasko ang inyong mga puso upang matagpuan ang ibang mukha ng Diyos sa mga dukha, mga estranghero, mga walang kapangyarihan, mga sugatan— at marahil sa tong katabi mo. Magkaroon nawa kayo ng maka- hulugan at mabiyayang Pasko! —Fr,FlavieL. Villanueva, SVD eer eeu unaer SEY ‘Antipona sa Pagpasok {ls 45:8] (Basahin kung walang pambuengad na awit) Pumatak na waring ulan mag- mula sa kalangitan, nawa’y umusbong din naman mula sa lupang taniman ang Manu- nubos ng tanan. Pagsisindi ng Kandila (Maaaring gawin ang pagsisindi bago ‘magsimula 0 pagkatapos ng pambungad na awit. Dadasalin ng pari ang pana- Tangin habang sinisindihan ang ikaapat na andila na kulay tila.) P - Dakilang Ama, sa nalalapit na pagtatapos ng paglalakbay namin sa panahon ng Adbiyento, sisindihan namin itong kandila ng pagribig. Gawaran mo kami ng lakas ng loob na magbahagi ng pagmamahal: pagmamahal para sa lahat ng nabubuhay, sa mga makasalanan at banal, at pagmamahal sa mga ma- hihirap. Taos-puso kaming nagpapasalamat para sa pag- asa na inihandog ng iyong Anak at para sa pagmamahal na nagliligtas at naghahatid sa amin sa dan patungo sa iyo. B-Amen. Pagbati (Gawin dito ang tanda ng krus) P - Sumainyo ang Panginoon B-At sumaiyo rin. Paunang Salita (Maaaring basahin ito 0 isang katulad na pahayag) P - Tampok sa Ebanghelyo sa Linggong ito si San Jose. Tinanggap ni San Jose ang kalooban ng Diyos pagkatapos ipaliwanag sa kanya ng anghel ang paglilihi ni Maria Nawa’y maging bukas ang ating mga kalooban, tulad nina Maria at Jose, na naging mga instrumento ng Diyos, sa kabila ng mga masalimuot na pangyayari sa ating buhay na kadalasa’y hinahanapan natin ng kahulugan Pagsisisi. P - Mga kapatid, tinipon tayo bilang kaanib ng Diyos kaya dumulog tayo sa maawaing Panginoong nagpapatawad na lubos. (Tumahimik) P - Sinugong Tagapagpagaling sa mga nagsisisi, Panginoon, kaawaan mo kami. B-Panginoon, kaawaanmokami. P - Dumating na Tagapag- anyayang mga makasalana'y magsisi, Kristo, kaawaan mo kami. B - Kristo, kaawaan mo kami. P - Nakaluklok ka sa kanan ng Diyos Ama para ipamagitan kami, Panginoon, kaawaan mo kami. B-Panginoon, kaawaanmokami. P - Kaawaan tayo ng maka- pangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. B-Amen. (Walang Gloria tuwing Adbiyento) Pambungad na Panalangin P- Manalangin tayo. (Tumahimit) ‘Ama naming makapangya- rihan, kasihan mo kami ng iyong pagmamahal upang kaming naka- batid sa pagbabalita ng anghel tungkol sa pagkakatawang-tao ng Anak mo ay makapakinabang sa kanyang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus sa pagsapit namin sa pagkabuhay niya sa langit sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo mag- pasawalang hanggan. B-Amen. eH NY DS TELS ‘Unang Pagbasa [Is 7:10-14] Wmupo) Noong sumalakay ang mga hukbo mula sa hilaga, natakot at nagkagulo ang mga Israelita at pati ang pagdamay ng Diyos ay kanilang pinagdudahan. Sa pagkakataong ito, ibinalita ni propeta Isaias ang pagsilang ng isang sanggol na siyang magiging tanda ng pagliligtas ng Panginoon. Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias NOONG mga araw na iyon, ipinasabi ng Panginoon kay Acaz: "Humingi ka sa akin ng palatandaan, maging sa kalaliman ng kinaroroonan ng mga yumao 0 sa kaitaasan ng langit." Sumagot si Acaz: “Hindi po ako hihingi. Hindi ko susubukin ang Panginoon.” Sinabi ni Isaias: “Pakinggan mo, sambahayan ni David, kulang pa ba ang galitin ninyo ang mga tao na pati ang aking Diyos ay inyong niyayamot? Kaya nga’t ang Panginoon na rin ang magbibigay ng palatandaan: maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng lalaki at ito'y tatawaging Emmanuel.” — Ang Salita ng Diyos B- Salamat sa Diyos. Salmong Tugunan (sim 23) T- Ang Panginoo‘y darating, s’ya'y dakilang Hari natin. E. C. Marfori Cc Cc 6E See ae ‘Ang Pa-ngi-no-o'y da-ra-ting, fe F Di Gee syaly daki-lang Hari na-tin. 4. Ang buong daigdig, lahat ng naroon,/ may-ari’y ang Diyos, ating Panginoon;/ ang mundo’y natayo at yaong sandiga’y/ ilalim ng lupa, tubig kalaliman. (T) 2. Sino ang marapat umahon sa burol/ sa burol ng Poon, sino ngang aahon?/ Sino'ng papayagang pumasok sa templo,/ sino'ng tutulutang pumasok na tao?/ Siya, na malinis ang isip at buhay,/ na hindi sumamba sa diyus- diyusan;/ tapat sa pangako na binibitiwan. (T) 3. Ang D’yos na Panginoon, pagpapalain siya,/ ililigtas siya't pawawalang-sala./ Gayun ang sinumang lumalapit sa Diyos,/ silang lumalapit sa Diyos ni Jacob. (1) Ikalawang Pagbasa (Rom 1:1-7) Ipinahahayag ni Apostol Pablo na ang Panginoong Hesus ang katugunan sa mga sinaunang propesiya na laman ng Kasulatan. Pagbasamulasasulatni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma MULA KAY PABLO na alipin ni Kristo Hesus, tinawag upang maging apostol at hinirang upang mangaral ng Mabuting Balita ng Diyos. Sa inyong lahat na minamahal ng Diyos na nangariyan sa Roma, na tinawag upang maging mga banal: Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesukristo. Ang Mabuting Balitang ito, na ipinangako niya noon pang una sa pamamagitan ng mga propeta at nasasaad sa mga banal na kasulatan, ay tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Hesukristo. Sa kanyang pagiging tao, siya’y ipinanganak mula sa lipi ni David, at sa likas na kabanalan ng kanyang espiritu, ipinahayag siyang Anak ng Diyos sa pamamagitan ng makapangyarihang gawa—ang kanyang muling pagkabuhay. Sa pamamagitan niya, tinanggap namin sa Diyos ang kaloob na maging apostol upang ang lahat ng bansa ay akayin sa pana- nampalataya at pagsunod sa kanya. Kabilang din kayo sa mga tinawag na maging tagasunod ni Hesukristo. — Ang Salita ng B- Salamat sa Diyos. Aleluya [Mt 1:23] (Tumayo) B - Aleluya! Aleluya! Maglilihi ang dalaga, lalaking isisilang n’ya’y Emmanuel na Poong sinta. Aleluya! Aleluya! Mabuting Balita (Mt 1:18-24) P - Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo B- Papuri sa iyo, Panginoon. GANITO ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay naka: takda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang- tao. Ito’'y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang ma- pahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose jto, napakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria sapagkat siya'y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manga- nganak siya ng isang lalaki at ito'y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: “Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki, at tatawagin itong Emmanuel” — ang kahu- luga’y “Kasama natin ang Diyos.” Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon; pinakasalan niya si Maria. — Ang Mabuting Balita ng Panginoon upuri ka namin, Panginoong Hesukristo. Homiliya (Umupo) Pagpapahayag ng Pananampalataya (Tumayo) B - Sumasampalataya ako sa Diyos makapangyarihansalahat, Amang namay gawanglangitatlupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, lisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinakosakrus,namatay, inilibing. Nanaogsakinaroroonanngmga yuma. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat salangit. Nalulukloksakananng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay natao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa an ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao, at sa buhay nawalang hanggan. Amen. P - Manalangin tayo sa ating Ama, kaisa ni San Jose, ang taong may dakilang pananampalataya. Sa bawat panalangin ating itutugon: T~- Ama ng lahat, basbasan mo kami. L - Para sa Santo Papa, mga obispo, pari, at mga lalaking relihiyoso: tulad ni San Jose masalamin nawa sa kanila ang maka-amang pangangalaga. Manalangin tayo: (T) L - Para sa mga pinuno ng pamahalaan: tulad ni San Jose magkaroon nawa sila ng matalas na pag-unawa at pagpapasiya sa pane ng Diyos na makikita sa kanilang pamumuhay. Mana- langin tayo: (T) L - Para sa mga ama ng tahanan: maipadama nawa nila ang natatanging pagmamahal at pag-aalala sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap at huwarang pamumuhay. Manalangin tayo: (T) L- Para sa ating lahat: tulad ni San Jose, magkaroon nawa tayo ng pananalig sa kagustuhan ng Diyos para sa ating buhay. Manalangin tayo: (T) L- Sa pamamagitan ni San Jose, ang mga nasa bingit ng kamatayan nawa'y makatagpo ng ginhawa sa huling oras ng kanilang buhay. Manalangin tayo: (T) L - Sa ilang sandali ng katahimikan, ating ipanalangin ang iba pang mga panga- ngailangan ng ating pamayanan a na rin ang ating pansariling ahilingan (Tumahimik). Mana- langin tayo: (T) P- Diyos naming Ama,tulungan mo kaming mabuklod bilang isang pamilya. Tulungan mo kaming masundan ang pananampalataya ni San Jose upang masalamin sa aming pamumuhay ang iyong kalooban. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. B-Amen. eT ea Paghahain ng Alay (Tumayo) P - Manalangin kayo... B - Tanggapin nawa ng Pangi- noon itong paghahain saiyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal. Panalangin ukol sa mga Alay P - Ama naming Lumikha, ang mga alay naming nakahain sa iyong dambana ay pabanalin nawa ng paglukob ng Banal na Espiritu na pumuspos sa sinapupunan ng Mahal na Bir- heng Maria upang magdalang- tao at magsilang sa iyong ‘Anak na siyang namamagitan magpasawalang hanggan B-Amen. Prepasyo (Adbiyento Il) P - Sumainyo ang Panginoon B- At sumaiyo rin. P - tas sa Diyos ang inyong puso at diwa. B-ItinaasnanaminsaPanginoon. P - Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. B-Marapatnasiyaay pasalamatan. P - Ama naming makapang- yarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. ‘Ang pagsusugo mo sa kanya ay ipinahayag ng lahat ng mga propeta. Ang pagsilang niya’y pinanabikan ng Mahal na Bir- heng kanyang Inang tunay sa kapangyarihan ng Espiritung Banal. Ang pagdating niya’y inilahad ni San Juan Bautista sa kanyang pagbibinyag Ngayong pinaghahandaan namin ang maligayang araw ng kanyang pagsilang, kami’y nananabik at nananalanging lubos na makaharap sa kanyang kadakilaan. Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan: B-Santo, Santo, Santo... (Lumukod) Pagbubunyi (Tumayo) B - Si Kristo’y namatay! Si Kristo'y nabuhay! Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon! Pe Ama Namin B- Ama nami P - Hinihiling naming... B-Sapagkatiyo ang kaharian at ang kapangyarihanatang kapu- rihan magpakailanman! Amen. Pagbati ng Kapayapaan AINANG SABADONG PAMIMINTUHO mig gesseiiis Be Bee eee May isang detalye sa mensahe ng Fatima na nais kong bigyang pansin. Ang pag- hahandog ng kabayaran sa kasalanan ay iniaalay hindi lamang para sa sarling ‘mga pagkakasale kundi patina rin sa pagkakasala ng iba. Ang paghahandog ng kabayaran sa mga kasalanan ay nangangahulugan ng pagsisisi t pagtatakwil se raga pagkakasala laban sa Diyos ano man ang dahilan. Kaya naman, sa paghahan- dog ng kabayaran sa pagkakasala, dapat ay may pagnanais na hindi na muling magkasala, isang pagnanais para ‘a pagbabalik-loob ng mga makasal sokripbye bilang kebayarse 23 nig kaso Ragas at bana pacluor pars 2 pagbabalii-loob ng mga makasalanan. Sinabi ng Mahal na Birhen: “Maraming kaluluwa ang napapahamak dahil walang nananalangin para sa kanila at walang rnag-aalay ng sakripisyo para sa kanila.” Ibig sabihin nito'y maraming tao ang pa- tuloy na nagkakasala at namamatay na makasalanan dahil walang naghshandog in at sakripisyo para sa kanila. "Maraming kaluluwa ang napapaka- ‘mek dahil walang nananalangin para 2a kenila at walang nag-aalay ng eakripisyo ppara sa kenila.” Kaya namen, upang mailigtss ang sangkstauhan, hinling riya na ‘magkaroan ng hukbo ng m ‘S0Us. Isipin ninyo yan. Nais ninyong talunin si Satanas? Nais ninyong iligtas ang mundo? Nais ninyong itatag ang kaharian ng Diyos dito sa ating bensa? Umanib kayo sa hukbo ng Mahal na Ina, hukbo ng mga kaluluwang naghahandog ng saktipisyo. lalay ninyo ang lahat ng inyong mga gawain bilang kabayaran sa mga kasalanan at bilang pagluhog pera sa pagbabalikloob ng mga makasalanan. Mer Baan sa Pakikinabang (Lumuhod) P - Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Nlapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging. B - Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuléy sa iyongunit sa isang salitamo lamang ay gagaling na ako. Antipona sa Komunyon Maglilihi itong birhen at mag- sisilang ng supling na tata- waging Emman'wel, taguring ibig sabihi’y “Ang D’yos ay sumasaatin.’ Pagkapakinabang Tuamayo) P-Manalangin tayo. (Tumahimit) ‘Ama naming mapagmahal, amin nang pinagsaluhan ang piging na nagbibigay-buhay. Habang papalapit ang dakilang kapistahan ng Pasko, lalo nawa kaming makinabang nang may pananabik sa pagiging marapat sa pagdiriwang sa pagsilang ng Anak mo na siyang namamagitan magpasawalang hanggan. B- Amen. Peg P - Sumainyo ang Panginoon B-Atsumaiyo rin. P.- Yumuko kayo at hingin ang biyaya ng Diyos. (Tumahimik) ‘Ang makapangyarihang Diyos Ama ng Bugtong na Anak na naparito na noon at hinihintay nating bumalik ngayon ay siya nawang magpabanal sa inyo pakundangan sa liwanag ng kanyang pagdating at siya rin nawang pumuspos sa inyo sa pagpapala ngayon at magpasawalang hanggan. B-Amen. P.- Patatagin nawa niya kayo sa pananampalataya, paligayahin sa pag-asa, at pakilusin sa pag- ibig na puspos ng sigla ngayon at magpasawalang hanggan. B-Amen. P - Kayong nagagalak sa pagdating ng nagkatawang- taong Manunubos ay puspusin nawa niyang gantimpalang buhay na ‘di matatapos kapag siya'y dumating nang may kadakilaang lubos magpasawalang hanggan. B- Amen. P- At pagpalain kayo ng mmakapartgyat hang Diyos, Ama at Anak (t) at Espiritu Santo. B- Amen. Pangwakas P-Tapos na ang Misa. Humayo kayong taglay ang pag-ibig ni Kristo. B - Salamat sa Diyos.

You might also like