You are on page 1of 2

Kabanat 1

A. Introduksyon o Panimula

Sa panahon ngayon maraming uri ng karamdaman o sakit ang maaring magkaroon


ang tao. Isa na rito ang kinatatakotan na sakit ang Alzheimer o mas kilalang
dementia. Madalas nagkakaroon nito ang mga matatanda na may edad 65 taong
gulang pataas. Lubhang napakahirap ng sakit na ito sapagkat may kinalaman ito sa
pagkasira ng selula sa utak o ang pagkawala ng ating memorya. Isang salot ito na
unti-unting pumapatay hindi lang sa pisikal na anyo ng kundi pati na rin sa ating
magandang kinabukasan. Wala pang lunas dito subalit maraming maaring gawin
upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga taong mayroong Alzheimer at ng
mga pamilyang nag-aalaga sa kanila.

B. Layunin

1. Nagpapaliwanag kung ano ang demensiya at ang mga kinikilalang sanhi ng


panganib ng alzheimer;

2. Nagpapaliwanag kong bakit kadalasan sa mga matatanda na may edad 65 taong


gulang ito madalas

tumatama at;

3. Nagbibigay gabay sa pag-aalaga ng taong may sakit na alzheimer.

C. Paglalahad ng suliranin

1. Ano ang sakit na demeniya o Alzheimer?

2. Bakit nagkakaroon ng sakit na Alzheimer ang mga matatanda na may edad 65


taong gulang pataas?

3. Paano maiiwasan ang sakit na alzheimer?

4. Paano mapapangalagaan ang taong may taglay na sakit na Alzheimer?

D. Saklaw at Limitasyon

Nakasentro ang pag-aaral na ito sa pagtalakay sa sakit na Alzheimer.


Ipinapaliwanag dito kung ano ang sakit na Alzheimer kung saan sa mga
matatandang may edad 65 taong gulang pataas ito madalas tumatama. Tatalakayin
din ang sanhi at sentomas ng taong nagtataglay ng sakit na ito. Walang gamot sa
sakit na Alzheimer subalit may mga tamang paraan kung paano mapapangalagaan
ang mga matatandang may sakit na demensiya o Alzheimer.

E. Kahalagahan ng pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang magbahagi ng ilang impormasyon tungkol sa
sakit na demensiya o Alzheimer . Kung ano ang sakit na demensiya o Alzheimer,
kung bakit kadalasan sa mga matatandang may edad na 65 taong gulang pataas
ito madalas nagkakaroon, kong paano ito maiiwasan at paano mapapangalagaan ng
wasto ang ang may taglay na sakit na demesiya o Alzheimer. Nais ng mananaliksik
na ipaalam sa mga tao na kahit sino ay maaring magkaroon ng sakit na ito.
Ipinapaliwanag din ng akdang ito na ang sakit na Alzheimer ay hindi nakakahawa o
namamana. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang ipaalam sa lahat ang karaniwang
sentomas kong ikaw ay may sakit na Alzheimer sa maagang panahon upang
mapaghandaan ang mga dapat gawin kong ikaw ay nagtataglay ng sakit na ito.

Mahalaga din higit sa lahat ang pag-aaral na ito upang maipabatid na ang mga may
sakit na Alzheimer ay hindi dapat pabayaan bagkus sila ay nangangailangan ng
higit na pang-unawa, pagkalinga at higit sa lahat ang pamamahal mula sa kanilang
mga kaibigan, tagapag-alaga at sa kanilang pamilya.

F. Depinisyon ng mga katawagan

1. agnosia-kawalan ng kakayahan na makakilala sa tao o mga bagay-bagay kahit


nakikita niya ito ng malinaw.

2. anomia-ang paggiging makalimutin sa pangalan ng kanyang kakilala o gamit


kahit ito ay kanyang

G. Metodoloji

Sa pangangalap ng impormasyon ukol sa datos para sa paksa ng sakit na


Alzheimer, sumipi ako ng ilang impormasyon sa web at sa ilang aklat sa mula sa
library. Ang pagpapakahulugan ng ilang dalubhasa ay sinipi ng mananaliksik upang
mapunan ang impormasyong sasagot sa katanungan ng paksa.

Sinuri rin ng mananaliksik ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang aspetong


tinatalakay at ang mga pagkakaugnay nito. Iniisa-isa ang mga datos na ito at
isinaaayos ng ayon sa pagkakasunod-sunod o kahilingan sa pag-aaral.

You might also like