You are on page 1of 20

FILIPINO 203

RETORIKA: Masining na Pagpapahayag

Arjake M. Torres
2nd Year - BSBA

Gng.Vilma L. Sobisol
Filipino 203- Teacher
A. ANG PAGSASALAYSAY

1. Kahulugan

Sa payak na pakahulugan, ang pagsasalaysay ay isang pagkukuwento. Ito na marahil


ang pinakamagamitin at pinakapopular na paraan ng pagpapahayag. Lahat tayo ay
may masasaya at malulungkot na karanasan sa mga kwento na maaring
napapakingan, isinasaysay, napapanood sa T.V o di kiya’y sa mga puting tabing bago
pa man tayo natutong bumasa at sumulat. Ngunit hindi lahat ng salaysay ay mga
kuwento tungkol sa makabuluhang karanasan ng tao. Dahil sa ang pagsasalaysay ay
paglalahad ng mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod-sunod, ito ay maaring
isang talaga historical o di kaya’y isang prosesong siyentipiko. Ang pagsasalaysay ay
pagkukuwento na kung anu ang nangyayari kailan ito nangyari, paano at bakit ito
nangyari at sino ang mga kasangkot dito. Ang kuwento ay maaring sa iyo mismo
nangyari, sa ibang tao o di kaya nama’y sa ibang bagay inilalahad sa isang nobela
kung ano ang mga nangyari sa tauhan. Ang pagsasalaysay ang pinakamadalas
gamitin ng tao sa pang-araw-araw na pakikipamuhay.

2. Mga Sangkap ng Isang Salaysay o Katha

Paksa. Karaniwang isinasagawa ang pagsasalaysay dahil may gustong ipahayag o


sabihin ang nagsusulat o nagsasalaysay. Ang paksa ay dapat magkakaroon ng
kahalagahan at kakintalan. Dapat na alam na alam ng sumusulat ang paksa may
kahalagahan ito at malalim ang paksang tinatalakay. Nasa paligid lamang ang mga
paksang maaring isalaysay. Ang mga karanasan ng tao, mga kaugnayan na
damdamin ng pag-ibig, paghihiganti, pagpapatawad, pagpapasasakit, pagbabalik-
loob, pagbabago at mga pakikipagsapalaran ay mga paksang kailanman ay hindi
nagsasawang basahin o pakinggan. Mayaman din ang mga pahayagan, magasin at
mga aklat sa mga paksa na kung pag-aaralang mabuti at bibihisan ng ibang istilo ang
pagsasalaysay ay kawili-wili pa ring basahin. Maaaring sabihing gasgas na ang
ganoon at ganitong paksa, ngunit ang luma mang paksa ay napagiging bago ayon na
rin sa pamamaraan at istilo ng tagapagsalaysay. Tumataas ang uri ng pagsasalaysay
sa tulong ng istilo at pansariling kakayahan tagapagsalaysay.
Banghay. Tumutukoy ito sa balangkas o istruktura ng salaysay. O kawing-kawing na
mga pangyayari na kapag malakas ay tapos na ang salaysay. Kronolohikal ang paraang
ginagamit sa pagsasalaysay. Ito ang sunod-sunod na paglalahad ng mga pangyayari
tungo sa direksyon ng pagbuo ng salaysay. Ang bawat kawing ng pangyayari ay
kailangan mag-ugat sa nakalipas na pangyayari. Ang mga pangyayari ay dapat
magkakasunud-sunod na may pataas na pataas na kawilihanhanggang sa umabot sa
pinakamataas na antas na tinatawag na kasukdulan.Sa pagsulat ng salaysay,
mahalagang buuin muna nang maayos at malinaw ang mga kawing ng mga pangyayari
upang hind imaging maligoy sa isipanng mga mambabasa ang takbo ng salaysay.

Tauhan. Tumutukoy ito sa mga taong gumaganap ng mahahalagang papel sa salaysay.


Ang pinakamahalagang papel ay ibinibigay sa pangunahing tauhan. Ang pangunahing
tauhan ang makikipagtunggali sa salaysay. Siya ay may isang suliranin na kayang
inihahanap ng lunas. Sa paglutas ng suliranin, kinakaharap niya ng balakid o hadlang.
Dito nasasalaysay ang tunggalian.

Tagpuan. Tumutukoy sapook na pinangyayarihan ng salaysay at maging panahon, oras,


at kapaligiran. Ang paligid, ang panahon, at ang takdang oras na ginagamit sa isang
katha ay makakatulong nang malaki sa pagbuo ng namamayaning damdamin.

3. Limang Bahagi ng Isang Pagsasalaysay

a. Panimula. Taglay ang tagpuan at ipinapakilala ang mga tauhan at


pinahahayag ang panahon at lunan na pangyayari ng kwento.

b. Saglit na kasiglahan. Narito ang uanang pangyayaring lumilikha ng


uanag suliraning inihahanap ng lunas.

c. Mga suliraning hinahanap ang lunas. Dalawa, tatlo, o apat na galling sa


madulang pangyayari.

d. Kasukdulan. Pinakamataas na pangyayari patungo sa kakalasan.

e. Kakalasan o katapusan. Pagkalutas ng pananabik.


4. Sumulat ng Isang Halimbawa ng Pagsasalaysay

PANGARAP NA MAKAPAGTAPOS SA PAG-AARAL

Lahat tayo ay may pangarap sa buhay, noong bata pa ako gusto ko nang
makapagtapos sa pag-aaral upang masuklian ko ang mga kabutihang ginawa ng aking ina
sa aming magkakapatid. At ang pagnanais ko na maiahon sila mula sa kahirapang aming
kinasasadlakan, ang kahirapang nagbunga sa pagkawasak ng aming pamilya. Musmos pa
lamang ako ng kami ay iwan ng aming ama. Pumunta siya sa Maynila upang humanap ng
ikabubuhay at doon makipagsapalaran. Ngunit sa hindi malamang dahilan ang aking ama
ay hindi na nagbalik pa. Lahat ng kanyang responsibilidad ay naiwan sa aming butihing ina.
Mag-isa niyang itinaguyod ang aming pamilya at pinalaki niya kaming magkakapatid na
mabubuting tao at may takot sa Diyos.

Pang-apat ako sa aming pitong magkakapatid, ang tatlong nakakatanda sa akin


ay bumuo na ng sari-sariling nilang pamilya. habang ang tatlo naman na mas nakababata sa
akin ay katulad ko na kasalukuyang nag-aaral. Dalawa kami sa kolehiyo at ang dalawang
bunso ay sa sekondarya naman. Hindi sana ako makakapagpatuloy sa pag-aaral sa
kadahilanang hindi sapat ang kinikita ng aking ina sa paghahanap-buhay upang matugunan
ang mga pangangailangan naming magkakapatid. Dahil dito, nagdesisyon ako na
maghanap-buhay upang kahit papaano ay makatulong ako sa mga gastusin sa aming bahay.
Ipinaalam ko ito sa aking mahal na ina at agad naman niya itong sinang-ayonan ngunit
iginiit niya na kailangan kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral.

Sa kasalukuyan, nasa ikalawang taon na ako sa kolehiyo at ipinagmamalaki ko


na isa akong manggagawang mag-aaral. Mahirap man ang mag-aral habang nagtatrabaho
ay hindi naging balakid ito upang makamit lamang ang hinahangad kong diploma ng
pagtatapos. Ang aking ina ang nagsisilbing inspirasyon ko upang ipagpatuloy ito, siya ang
nagbibigay sa akin ng lakas ng loob upang ito'y mapagtagumpayan. Sa murang edad ay
naikintal niya sa aking isipan ang kahalagahan ng edukasyon. Katulad ng karamihan sa atin,
naniniwala ako na ang edukaayon ang susi sa tagumpay. Ito ang mag-aahon sa atin sa
kahirapan.
B. ANG PANGANGATWIRAN

1. Kahulugan at Uri

Ang pangangatwiran bilang isang anyo ng pagpapahayag ay naiiba sa


paglalahad, pagsasalaysay at paglalarawan dahil layunin nitong hikayatin ang mga
tagapakinig at tagabasa na tanggapin ang kawastuhan o katotohanan ng isang
paninindigan o di kaya’y maimpluwensyahan ang kanilang pananalig o paniniwala
sa pamamagitan g makatwirang pahayag. Ito’y isang paraan ng paglalahad na
nagbibigay ng sapat na katibay o patunay upang ang isang panukala ay maging
katanggap-tanggap o kapani-paniwala.
Ayon kay Alejandro (1970) ang pangangatwiran ay pagpapakahulugan.
Isinasaalang-alang nito ang mga bagay o pangyayaring alam at kilalana,o kaya’y
inihaharap ang mga iyon sa pag uusap, at sa mga iyon ay humahango ng isang
hinuha o kongklusyon.
Sa pagmamatwid, ang kailangan ay katibayan. Upang patnubayan ang
katotohan ng isang proposisyon. Katibayang magpapatotoo ang pangunang
kailangan, at sa katibayang iyan hahango ng kongklusyon sa pamamagitan ng
pangangatwiran.
Totoong mahalaga sa pangangatwiran ang mga argumento na siyang
bumubuo ditto. Ang argumento ay isang lohikal na paraan ng pagpapasang-ayon.
Ang lohika ay agham na nagtuturo na makaalam at makaunawa. Kung ang lohika ay
agham ang pangangatwiran nama’y isang sining.

Ang Dalawang Uri ng Pangangatwiran

1. Pangangatwirang pagbuod. Nagsimula ang pangangatwiran pagbuod sa mga


halimbawa o maliliit na kaisipan at nagwawakas sa isang panlahat na simulain.
Ang pamamaraang pabuod ay may tatlong uri ng sangay, gaya ng mga
sumusunod.

a. Pangangatwirang nagwawakas sa kongklusyon panlahat o paglalahat. Sa


paglalahat, tayo’y gumagawa ng pagsusuri ng iaang halimbawa ng bagay
na napapaloob sa isang pangkat o kaurian, at batay sa pagsusuring iyan,
nagpapahayag tayo g isang kongklusyong maikakapit sa buong pangkat o
kaurian. Halimbawa, kung susuriin nattin ang edad ng mga babae noong
sila’y nagasawa sa kalakhang Maynila, sa 1000 bilang ng mga babae na
pasumalang pinili at gayon ding laki ng bilang ng mga babaeng nag-
aasawa sa lalawigan ng laguna, at natuklasan nating nakakahigit ang
bialang ng mga babaeng nagaasawa ng mas bata kaysa mga babae sa
kalakhang Maynila, masasabi sa ating bubuuingkongklosyon o hinuha sa
kabuuan na mas batang nassipagasawa ang mga kababaihan sa laguna
kaysa mga kababaihan sa kalakhang Maynil. Subalit dapat isaalang alang
na sa ganitong paglalahat, ang pagiging katanggap tanggap ng paglalahat
ay nasa laki ng bilang ng kasangkot sa ginawang pagsisiyasat at maari pa
ring makaragdag sa bisa ng paglalahat ang iba pang lik katulad ng pinag-
aaralan, kalagayang-ekonomiko, katayuan sa buhay, at iba pa.

b. Pangangatwirang gumagamit ng pagkakaunayan ng sanhi. Ayon kay


Alejandro (1970), sa pangangatwiran gumagamit ng pagkakaugnayan sa
sanhi, ang kongklusyon ay isang pagpapahayag na sa dalawang
magkaugnay na pangyayari, ang isa sa kanil ay siyang sanhi ng
pangyayari. Iyan ang tinatawag na simulain ng kasanhian. Ayon sa
simulating ito, dagdag pa ni alejandro ang bawat pangyayari ay may
sanhi. Kayat kung sa isang pagsisiyasat ay makitang ang pangyayaring X
ay dapat sumunod sa pangyayaring y. sinasabi na ang Y ang sanhi ng X at
ang X ang bunga ng Y. Kung minsan, ang ating pangangatwiran ay mula
sa bunga patungo sa sanhi at tuloy sa isa pangbunga na nagiging sanhi.
Halimbawa kung mangangatwiran kang hindi ka nakapaligo dahil walang
tubig, iniugnay o muna ang bunga (walang tubig) sa sanhi (pagkawala ng
kuryente at saka inuugnay mo naman ang sarihing iyon sa isa pang bunga.
( hindi pag –andar ng motor ng tubig at ang bungang ito, na ngayo’y sanhi
na, ay iniugnay mo na naman sa isa pa uling bunga( hindi ka nakapaligo)
kaya nga, maaaring maging patumbalik ang isang pangangatwiran ‘’
bunga patungong sanhi” sa halip ng sanhi patungong bunga”

c. Pangangatwiran gumagamit ng pagtutulad. Batay sa pagkakawangis ng


dalawang bagay ang pangangatwirang ito. Inilalahad ditto ang
pagkakatulad ng katangian ng dalawang bagay sinusuri ang mga ito at
ditto hinahango ang kongklusyon. Ang kongklusyon hango sa ganitong uri
ng pangangatwiran ay masasabing pansamanatala lamang. Upang maging
mabasa ang kongkllusyon, kailangang magkatulad ang dalawang bagay na
pinaghahambing sa mga batayang katangian na may kinalaman sa
konklusyon. Kaya kung sabihin nating

“ Magtatayo tayo ng paaralan sa ating baryo;


sa baryo nila ay mayroon at malaki ang
napapakinabangan”
ang pangangatwiran ay mahina sapagkat hindi isinasaalang alang ang
pagkakaiba ng mga pangyayari at kalagayan ng dalawang baryo.

2. Pangangatwirang pangsaklaw. Sa pangangatwiran pangsaklaw, ang isang


masaklaw na katotohanan ay ikinakapit sa isang tiyak na katotohanan at
ikinakapit sa isang tiyak na pangyayari. Ayon pa rin kay Alejandro (1970) ang
ganitong uri ng pangangatwiran ay naipapahayag sa pamamagitan ng silohismo.
Ito ay binubuo ng tatong magkakaugnay na pangungusap; pangunahing batayan
( major premise), isang pangalawang batayan ( minor premise) at isang
kongklusyon na batay sa dalawang batayan o premise. Ang silohismo ay isang
payakk na balangkas ng pangangatwiran na malaki ang naitutulong sa pagtiyak
ng kabisaan ng pagmamatwid.

Dalawang katangian ang dapat taglayin ng isang silohismo ito’y dapat na maging
totoo at mabisa. Ang silohismong-

Pangunahing Batayan: Pararangalan ang lahat ng tumulong sa mga nasunugan.

Pangalawang Batayan: Tumulong si Andrew sa mga nasunugan

Kongklusyon: samakatuwid, pararangalan si Andrew.

Ito ay mabisa sapagkat ang kongklosyon ay maliwanag na nag-uugnay sa


pangunahin at pangalawang batayan. Sinasabi ni Alejandro (1970) na kung ang
ipinapahayag ng kongklusyon ay pahiwatig na napapaloob sa mga batayan
mabisa ang silohismo.

2. Ang Pagmamatwid at ang Pagtatalo

Ang pagkamatuwid ay isang anyo ng diskors na may layuning makahikayat


ng iba sa pamamagitan ng pangangatwiran upang paniwalaan gawin ng mga
tagapakinig o mambabasa ang nais niyang paniwalaan o gawin nila. Ang
pagmamatuwid ay maaring pasalita o pasulat. Mahalagang sangkap
ngpagmamatuwid ang paggamit ng katuwiran at ang layuning mapaniwala o
mapakilos ang iba ayon sa ibig nating mangyari.

Ayon kay Arrogante (2000) pagtatalo ay isang sining ng gantihang-ktwiran o


mtuwid na dalawa o higit pang nagkasalungat na panig tungkol sa isang
kontrobersyal.
Ang pagkamabisa ay tumutukoy sa tibay ng pagmamatuwid, kahit na hindi
totoo ang pinapahayag ng mga batayan o ng isa sa mga ito.

Mahirap makagawa ng anumang kongklusyon kung walang isang terminong


napapaloob sa dalawang batayan. Ito ang tinatawag na panggitnang termino ito’y
napapaloob sa isa sa mga termino ( pangnaguri ng punong batayan) samantalang
kinapapalooban naman ng natitirang termino ( simuno ng anagakawang batayan)
ang terminong simuno ng kongklusyon ay tinatawag na pangalawangang termino at
an terminong panguri ng kongklosyon ay tinatawag naming punong termino..

Huwaran:

Pangunahing Batayan: Ang lahat ng A ay B

Pangalawang batayan: Ang K ay A

Kongklusyon: Ang K ay B

Halimbawa

Ang lahat ng senador ay iimbistigahan.

Si gringo Lacson ay isang senador

Samakatuwid, si Gringo Lacson ay iimbistigahan

Sa oras ng paghatol, ang panig na sang-ayon ang siyang bigat ng pagpapatibay at ang
panig ng salungat ang siyang may bigat na pagtuligsa.

3. Mga Gamiting Ekspresyon/Pahayag sa Isang Pagtatalo

Narito ang ilang gamitang ekspresyon na makatutulong nang malaki para sa


mabisang pakikilahok sa isang pagtatalo.

Paglalahad ng isang argumento

a. Pagsisimula ng paglalahad
“ nais kong…’’
‘’ kung hindi ninyo ikakagalit…’’
‘’ mayroon akong ilang punto na ibig ipaliwanag..’’
‘’ May iang mahahalagang punto na sa palagay ko ay…’’

b. Paglilipat sa ibang pananaw ng nais ilahad


‘’ nais kong tingnan sa ibang anggulo ang problema”’
“ ang kasunod na isyo na ibigkong bigyan-pansin ay ito..”
“Maiba naman ako….”
“Ibaling naman natin sa…”

c. Pagdaragdag ng ibang punto


“ bukod pa riyan…’
“bilang karagdagan…”
“ higit pa riyan…”
“Hindi lamang ganoon…”

d. pagbibigay ng halimbawa

“ hayaan ninyong bumanggit ako ng ilang patunay”


“ibig kong magbigay ng halimbawa…”
“ kung inyong mamarapatin…”

e. Pagsasalungat sa isang punto


“ kung sabagay, maaaring …”
“ sa kabila ng patotoong…”
“pero kong tutuusin…”
“ sa kabilng banda, ganito ang dapat…”

f. Paglalahat
“Bilang paglalahat…”
“ sa maikling sabi…”
“bilang pagbubuod…”

g. Pagsasabi ng nang gusto kaysa iba


“ mas pananaligan koi to kaysa…”
“ nanaisin kong ganito… kaysa…”
“ sinasang- ayunan ko… ngunit tutol ako sa”
“ mas kinikilingan ko i to… kaysa…”

h. Pagtatapos ng ibig sabihin

“ Bilang pagwawakas, nais kong …”

“Ibig kong wakasan ng ganito…”

“ Pahihintulutan ninyong apusin ko nang ganito…”


Paglalahad ng Opinion

a. Sa pagtatanung ng opinion
“ Nais kong hingin ang iyong opiniionl palagay sa…”
“anu ang iyong opinion sa …”
“mangyaring ilahad ang sariling opinion sa…”
“Ibig kong marinig ang opinion mo sa …”

b. Pagkuha ng reaksyon ng iba


“ alin ang inapanigan mo sa …”
“ maari bang makuha ang iyong reaksyon…”
“saan ka talaga lulugar kaugnay sa isyung…”
“mangyaring ilahad mo ang iyong panig…”

c. Pagbibigay ng neutral na opinion


“ sa ganang akin…”
“kung ako ang tatanungin…”
“sa tingin ko…”
“kung hindi ako nagkamali…”

d. Pagbibigay ng matatag na opinion


“ lubos kong pinapanigan…”
“buong kiting kong sinusuportahan ang …”
“ labis kong naniniwaa…”
“Kumbinsado ako…”

e. Paghingi ng opinion
“ ibg kong margining ang iyong opinion tungkol sa”
“ anu naman ang masasabi mo sa…”

Paglalahad ng pagsang ayon at pagsasalungat

a. Pagsang ayon ng lubusan


“ lubos akong nananalig…”
“sang ayon ako sa…”
“kaisa m ako sa bayaging iyan…”
“maaasahan mo ako riyan…”
“bilib ako sa iyong sinasabi…”

b. Pagsangayon na may pagsubali


“ sinasang-ayunan kita, subalit…”
“medyo pinabilib mo ako riyan…”
“ganoon nga iyon, pero…”
c. Pagsalungat ng lubusan

“ Hindi ako naniniwala riyan…”

“Diyan tayo hindi magkakasundo…”

“ Maling-mali talaga ang iyong…”

“ hindi ko matatanggap ang iyong pagpapatotoo…”

4. Sumulat ng Isang Halimbawa ng Pangangatwiran

Alin Ang Mas Mainam na Disiplina sa Anak, Pangaral o Pamalo?

Sabi nila, buti pa ang mga bata noon, disiplinado. Bahay at eskwela lang ang
kanilangmundo. Ang kanilang gawain ay ang mag-aaral at tumulong sa mga gawaing bahay. Ngayon,
karamihan sa mga bata ay madalas na nasa labas ng bahay, gala rito at gala roon. Kaya nga
maraming napapabalitang mga bata na napapahamak. Bihira na lang rin silang mag-aral. Para sa
kanila, makapasalang ay ayos na kahit pa sabihing ang kanilang grado ay pasang-awa lang. Hindi na
nga nakakatulong sa bahay ay nagiging sakit pa ng ulo. Syempre, hindi ito hinahayaan lang ng mga
magulang. Marapat na habang bata pa lang ay madisiplinana upang sa kanilang paglaki ay hindi sila
mapariwara.

May dalawang istilo na ginagamitang mga magulang, ang pagbibigay ng pangaral o sermon
at ang pamamalo. Noon pa man ay ginagamit na ang istilong pamamalo sa pagdidisiplina sa mga
bata at may mga iba na ginagamit pa rin ito hanggang ngayon. Maski nga sa mga eskwelahan noon
ay ganito ang sistema. Mas madadala umano ang mga bata sa ganitong paraan. Kapag sila’y pinalo,
hindi na nila uulitin ang kanilang ginawa dahil sa takot na paluing muli. Subalit sa kabila nito, ano
ang natututuhan ng bata? Ang maging disiplinado upang hindi mapalo? Ang mag-aral para
makasagot sa tanong ng guro at hindi mapalo? Nasaan ang aral doon? Kaya nga nariyan ang
pagbibigay ng pangaral, mula sa salitang-ugat na ‘aral’. Ito na ang ginagamit ng mga magulang sa
ngayon pagdating sa pagdidisiplina sa kanilang mga anak. Sa ganitong paraan, mauunawaan ng mga
bata kung bakit nagalit ang kanilang mga magulang. Mapagtatanto rin nila na mali nga ang kanilang
ginawa. Higit sa lahat, alam na nila ang hindi at dapat nilang gawin sa susunod.

Sa panahon ngayon, may mga magulang na pinapairal pa rin ang pamamalo. Ayon sa kanila,
pasok sa isang tainga at labas sa kabila lang naman ang ginagawa ng mga bata kapag sinesermonan.
Subalit sa aking pananaw, mas mainam na disiplinahin ang bata sa pamamagitan ng pangaral. Ang
pamamalo ay sa pisikal lamang napagbibigay ng leksyon. Ang mga bakas ay humihilom at
nawawala.Samantalang ang panenermon ay nakakaapekto sa ispiritiwal na kalikasan ng bata. Kaya
naman sa tuwing gagawa siya ng mali, nariyan ang kaniyang mabuting konsensya na magpapaalala
sakanya. Isa pa, makakatulong ito upang matamo ang kanilang kaganapan pagdating sa
pagdedesisyon.
C. ANG PAGSULAT NG PANANALIKSIK

1. Kahulugan ng Sulating Pananaliksik

Isang mahalagang kailangan ng mga kursong akademiko sa mga kolehiyo at


pamantasan ang sulating pnanaliksik o pamanahong papel. Ito’y isang mahaba at
komprehensibong sulatin na karaniang binubuo sa loob ng isang semester. Sa
gawaing ito: kailangan ng manunulat ang magsaliksik ng mga impormasyon tungkol
sa isang tiyak na paksa. Pag-aaralan ito at pag iisipang mabuti at pagkatapos ay
maingat na isulat ang paksa na gamit ang mga impormasyong nakalap.
Ito’y isang gawain na kung maiiwasan ay malaking kasiyahn sa maraming
estudyante na antas tersyarya. Bakit? Dahil marami sa mga estudyante ay kulang o
di- sapat ang kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng ganitong akademikong papel.
Sa katunayan, ito ang nagiging sanhi ng pag aaalala ng maraming estudyante
lalo na sa pagtatapos ng semestre. Sa iba nama’y bale-wala ito dahil marami naman
silang mabibiling RTS (Ready to submit) na mga sulating pananaliksik sa Rekto
University. Ngunit kung ikaw ay esudyante may paggalang sa sarili hindi mo ito
gagawin sa katunayan, ang proseso sa pagbuo ng isang magaling na dapat lamang
isagawa ito nang buong ingat. Narito ang mga hakbang sa pagsusulat ng sulating
pananaliksik.

2. Mga Hakbang at Istruktura sa Pagsulat ng Sulating Papel

PAGPILI NG PAKSA

Ito ba’y praktikal at kawili-wili?

Oo hindi

Maghanap ng mga sangguman para sa paksa sa

Mga aklatan

Limitahan ang paksa


Sapat na ba ang panimula?

Oo hindi

Alamin ang anong sanggunian sa aklatan ang magagamit

para sa nalimitahang paksa at maghanda ng panimulang

talasanggunian

marami bang magagamit na bagong aklat at artikolo?

Oo hindi

Pagyamin pa ang panmulang talasanggunian

Magbasa at kumuha ng tala upang lubusang malaman ang

Paksa

Marami ka na bang alam at maipopokus mo na s sang

nilimitahang aspekto ang paksa

oo hindi

bumuo ng panimulang pahayag na tesis at bmuo rin ng

panimula ng balangkas

ipagpatuloy ang pagbabasa at pagkuha ng tala


mayroon ka na bang sapat na tala, impormasyon, at mga idea?

Oo hind

Baguhin ang panimula, pahayag na tesis at ang panimulang balangkas.

Isulat ang draf ng katawa ng sulatin

Isulat ang draf ng pambungad at konklusyon

Isulat na muli ag kabuuan o bahagi lamang ng sulatin

Nasiyahan ka? ( tandaan na limitado lamang ang iyong oras)

Oo hindi

Magdagdag ng mga banggit at talasanggunian?

Kompleto ba ang mga banggit at ang talasanggunian?

Oo hindi

iedit ang papel para sa ma kamalian (e.g pagbabanghay,

Paggamit ng mga pananda


Nasiyahan ka ba dahil wala nang ibang kamalian?

Oo hindi

Idagdag ang pamagat na pahina (pangalan, pamagat,atb)

Ipasa ang papel sa guro

Mag-relax

Ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na inilahad sa tsart ay maaring


masalimoot sa unang tingin, ngunit kung susuriin mong isa-isa ang bawat hakbang
at haharapin ay ito nang lubusan, masasabi mo na madali mo na madali lamang pala
ito.

3. Pagpili ng Paksa.

May dalawang pamatnubay na simulain an dapat tandaan sa lamang pagpili


ng paksang susuatin. Iyog kawili-wili o naayon sa iyong interes at kaya mo itong
isagawa. Kailangang maging maingat ka sa pagplili ng paksa. Narito ang ilang
patnubay sa pagpili ng isang makahulugang paksa.

 Pumili ng paksa ang iyong kawiwilihan

Ang paksang pinili dahil madali ay maaaring maging kabagot-bagot at di mo


mamamalayang humahanap ka na pala ng iba. Magbasa sa mga aklatan- ito na siguro
ang pinakamayamang hanguan ng mga paksang maaring sulatin. Tumingin-tingin sa
kard katalog, lalo na ang kard ng paksa dahil naglalarawan ito ng nilalaman ng aklat
at nagtututro sa mambabasa kung anung paksa ang tinatalakay sa isang particular
na aklat. Tinganan din ang mga diyaryo at magasin. Sa front page ng diyaryo, ay
maraming balita paksang makikita- halimbawa salaping inilalabas bg bansa,
kalamidad, pag-aabusong sekswal sa mga kabataang kamag anak at iba. Anng mga
kolum at mga liham sa editor ay mayaman sin sa paksa gaya ng isyu sa ROTC.
Pandaraya sa eleksyon, komersiyalisasyon ng edukasyon, problema sa trapiko at
basura. Marami ang kawili-wiling paksa ang makukuha sa mga balitang local, bisnes
at isport. Makakakuha ka rin ng mga idea para sa paksang susulatin sa radio, TV at
Cable TV lalo sa ga baliat talk show, programang edukasyon at panlibangan at
isports. Ang internet ay malawak na batis na mapagkukunan ng paka. Hindi lahat ay
may personal na kampyuter ngunit marami naming mauupahan o di kaya nama’y
maaaring manghiram.

 Piliin ang paksa na may sapat na malilikom na datos

May paksang kahit na kawili-wili ay magdadalwang isip ang pananaliksik


kung seseryusohin ito. Bakit? Hindi tiyak kong may sapat a pagkukunan ng datos.

Sa kalahatan, tandaan na ang pagpiling paksa ay itong may nakikita kang


tunay na kahalagahan sa iyo. Maaring iyong paksang gusting-gusto mong
matutunan nang lubusan ngunit wala kang sapat na panahon na pag aaralan ito, o di
kaya’y isang paksa na alam mong agiging nakabuluhan sa mga darating a araw para
sa mga espesyalisadong gawaing akademiko na iyong haharain

4. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliograpi

Pagkatapos malimitahan ang paksa ang susunod na dapat gawin ay ang


talaan ng pasalamantalang bibliograpi. Ang paghahanda nito ay isang patuloy na
proseso .kapag sinimulan muna ang pagbabasa at pangangalap nang inpormasyon
sa paksang susuatin, mapapansin mong mabilis ang pagdami ng bilang ng aklat na
iyong mapagsasanggunian. Gayunman, tiyakin na anumang aklat o impormsyong
isasama sa talaan ay iyong may kaugnayan sa paksa. Kapag nakalikom ka na ng
inisyal na sampu o higit pa sa rito sa iyong taaan. Alaminmuna kung ito’y
matatagpuan sa laybrari. Hindi mo kailangang basahin nang mmasinsinan ang mga
aklat

Masinsinan ang mga aklat o artikulong nasa iyong talaan. Subalit mahalagang
basahin ang mgaito kahit na pahapyaw lamang upang makatiyak na may kaugnayan
ito sa paksa.
5. Ang Pormat ng Sulating Pananaliksik

6 na espasyo mula sa

isang pulgadang margin

PAMAGAT

6 na espasyo

INIHAHARAP NI

2 espasyo

Kay

6 na espasyo

Petsa
Halimbawa ng Sulating Pananaliksik

Manila
Balangkas

Pamagat Euthanasia: Pagkaawa o Pagpata?

Tesis na pangungusap:

Dahil sa mabilis na pagsulong ng teknolohiyang


medical,
Balangkasang euthanasia ay pangkaraniwan nang
isinasagawa kung ito’y tatanawing isang kilos ngpagkaawa
o pagpatay.

I. Saligan ng kontrabersya
a. Depinisyon ng Euthanasia: Aktib at Pasib
b. Sanhi nang Kontrobersya

II. Ang Euthanasia Bilang Kilos Ng Pagpatay


A . Karapatang Mabuhay-
Argumentong Medikal
B. Kaloob ng Maykapal-
Argumentong pangrelihiyon
C. Ang salitang Pagpatay-
Argumentong Legal
III. Ang Euthanasia Bilang Kilos ng Pagkaawa
A Di makatarungan Paghihirap
at pagdadalamhati

B. Karapatang mamamatay

C. Pangangatwiran moral

IV. Mga Kasong Panghukuman

A. Ang kasong A
B. Ang KAso nina C at D
C. Iba pang kaso
V. Mga posibleng solusyon
a. Mga resolusyon ng mga kaso sa korte
b. Mga mungkahing Lehislasyon
John Paul B. Morales

Filipino 102 B

Professor Lilia Epino

10 Oktubre 2001

2 espasyo

Euthanasia: Pagkaawa o Pagpatay?

2 espasyo

5 espasyo

Sa maluwag na pagkakahulugan, ang euthanasia ay


maaring sabihing “ magandang pagkamatay”. Ngunit sa
kasalukuyan mga pangyayari, ito nangangahulugan ng
kusang, pagputol ng paghinga ng isang taong matagal nang
nanghihirap sa isang wala nang lunas na karamdaman.

You might also like