You are on page 1of 20

TULA

MANGGAGAWA
Tula ni Jose Corazon De Jesus

Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday


alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan;
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.
Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.
Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata ay kamao mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.

Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal


pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,


at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.
BALAGTASAN
SIPAG O TALINO

LAKANDIWA:

Ako itong lakandiwang nagbuhat pa sa Bulacan.


Buong galang na sa inyo’y bumabati’t nagpupugay.
Taglay ko din ang pag-asang, naway maging matagumpay.
Patimpalak sa bigkasang, kung tawagi’y balagtasan.
Paksang aking ilalatag, pakiwari’y mahalaga.
Pagkat nasasangkot dito’y bayan nating sinisinta.

Sa pag-unlad nitong bayan, puhunan ay ano baga,


Ang SIPAG ba o TALINO, alin ang mas mahalaga?
Kaya’t inyong lakandiwa ay muling nag-aanyaya
ng dalawang mambibigkas na mahusa’y at kilala.
Ang hiling ko’y, salubungin ng palakpak ang dalawa.
Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya.

SIPAG:
Kapag baya’y umunlad. Ang pagko’y pinupukol.
Sa gobyerno at mga tao, sama-sama’t tulong-tulong.
Kung ang lahat ay tinatamad, bayan nati’y ano ngayon?
Wala na ngang pagbabago. Kabuhaya’y urong-sulong.
Kasipaga’y puhunan nating lahat sa gawain,
Maliit man o malaki, mahirap man ang gampanin.
Kung ang ating kasipagan, itatabi’t magmamaliw.
Maunlad na Pilipinas, di natin masasalapi.

TALINO:
Akong aba’y inyong lingkod, isinilang na mahirap,
at ni walang kayamanan, maaaring mailantad.
Pamana ng magulang ko ay talinong hinahangad,
Pamanang magtatanghal, puhunan sa pag-unlad.
Sa gobyerno at lipunan, mga tao’y may puhunan
Na kanilang tataglayin, habang sila’y nabubuhay.
Ang talino’y nagbubuklod, sa pambansang kalayaan,
Nagbibigkis sa damdamin, makayao’t makabayan.
LAKANDIWA:
Matapos maipahayag ang panig ng magtatalo,
Ngayo’y aming ihahanda, tayog ng inyong talino
Bawat isa’y papalaot sa napapanahong isyu
Kaya’t inyong timbangin upang inyong mapagsino.

SIPAG:
Sa tuwing may magaganap na halalan sa’ting bayan,
Sinusuring kandidata, may nagawang kabutihan,
Kung anong kursong natapos ay hindi na inaalam.
Kakayahan n’ya at sipag, tanging pinag-uusapan,
Aanhin mo ang talino kung di naman nagagamit,
Mga tao’y umaasa, lalo’t sila’y nagigipit.
Matalinong naturingan, tamad naman walang bait.
Kawawa lang itong bansa, mga luha ang kapalit.

TALINO:
Nalimutan ng kantalo, mga bayaning namatay,
Na nagtanggol sa ‘ting bayan , ng laya ay makamtan.
Kung di dahil sa talino, taglay nila nung araw,
Hanggang ngayon, tayong lahat, alipin pa ng dayuhan.
Mga naging presidente o senador at kongresman.
Lahat sila ang talino ay di natin matawaran.
Mga batas na ginawa’t pinatupad sa ‘ting bayan,
pinuhunan ay talino , kaya’t sila’y naging gabay.

SIPAG:
Sa dami ng matalino, namumumuno sa ating bansa,
Ibat-ibang pagpapasya at maging paniniwala.
Utos ditto, utos doon, sila’y di gumagawa,
kaya’t laging nababalang kapakanan naming dukha.
Samantalang kung masipag itong mga punong halal,
Sa problema’t kalamidad, sila’y laging naririyan,
Hindi na kailangang tawagin sila kung saan,
Sapagkat pagtulong nila ay kambal ng kasipagan.

TALINO:
Tila yata nalimutan nitong aking katunggali,
Sa pagtulong ay talino ang gamit palagi,
Pag mayroong kalamidad, manloloko’y nariyan lagi,
Kaya’t anong mahalaga, Talino’y ipagbunyi.
Matataas na gusali, Super market, public mall,
Fly overs, sky ways, at ibat-ibang komunikasyon.
Lahat ng yan ay nagawa, talino ang naging puhon,
Kaya’t bayan ay umunlad, ang biyaya’y tuloy-tuloy.
SIPAG:
Sipag ang kailangan!

TALINO:
Talino ang puhunan!

SIPAG:
Matalino nga, tamad naman!

TALINO:
Ang taong tamad ginagamit ang talino para sumipag.

SIPAG:
Sipag!

TALINO:
Talino!

LAKANDIWA:
Saglit munang pinipigil, inyo itong lakandiwa.
Pagtatalo nitong dalwang mahuhusay na makata,
Pagkat tila nag-iinit, at kapwa di masawata.
Inilahad na katwiran, nakatatak sa ating diwa,
Ang talino ay biyaya’t kayamanang handog ng Dyos,
Lagi nating nagagamit, sa mabubuting gawa’t loob.
Kasipagan at talino, pagsamahing walang toos,

Kaya’t dapat ng magsanib, pag-isahing lubos-lubos.


Ang talino’y siyang utak sa balangkas ng paggawa.
Ang sipag nama’y s’yang bisig sa planong binabadya.
Kung ang isa’y mawawala, walang silbing magagawa.
Kaya’t kapwa mahalaga.
Panalo silang kapwa.
SARSWELA
" Ang Pamilyang Mahirap"
(c) Copyright by Emm Yetyet.
Ivan: Inay! Nasan na po ang uniporme ko?

Inay: Nandyan anak sa—

Kara: Nay, bukas na po exam namin ha? Dalawang buwan na po tayong di


nakapag- babayad.

Inay: Ay. Naku anak, bukas na iyon?

Kara: Oo inay. Kailangan na pong mag- bayad. Di ako makapagte- test.

Inay: Osig—

Bunso: Nay. Ang sapatos ko po.. Sira na.

Inay: Ha? Sira nanaman? Paayos mo nalang anak sa itay mo.

Ivan: Inay.. Male- late na ho ako! Ang uniporme ko po.

Inay: Ah. Oo nga pala. Nandyan anak sa loob ng kwarto mo.

Nakita naman ni Inay na lumabas ng kwarto si Itay na handa nang pumasok sa


trabaho.

Inay: Oh. Ayan na pala ang itay nyo. Osige anak, paayos mo na ang sapatos mo
nang makapasok ka na. Maaga pa naman.

Bunso: Opo. Inay.

...

Di-naglaon.. Nakaalis na rin ang mga anak nila at nakapasok na sa eskwelahan..


Naiwan ang mag-asawa sa bahay. At nagsimulang magsalita si Itay.

Itay: Naku, pano yan inay? Wala pa kong sahod, sa susunod na linggo pa ang
sweldo ko? Bukas na pala ang exam ni Kara.

Inay: ... (nakatungo lamang si inay)

Itay: Si Bunsoy pa, ang sapatos nya. Mahigit isang taon na iyon. At ngayo'y sira-
sira na. Kawawa naman ang bata.
Inay: ...
Napansin naman ng Itay na kanina pa walang imik ang asawa nya. Kaya naman
ito'y kinamusta nya.

Itay: Oh, tila di ka yata nagsasalita? Bakit?

Habang palapit ito kay Inay, napansin nitong namumutla ang asawa.Hinawakan
nito ang leeg at noo..

Itay: May lagnat ka. Tsk, tsk. Wag ka muna pumasok sa trabaho. Magpahinga ka
muna sa ngayon at baka lumala pa yan. Eto, gamot para sa lagnat mo, inumin mo
ya--

Inay: Hindi.

Itay: Ha? Anong hindi? Kailangan mo uminom ng gamot at magpahinga.

Inay: Ayoko. Kailangan ko magtrabaho.

Itay: Pero..

Inay: Ayoko. Makikiusap ako sa amo ko. Ipapa-aga ko ang sweldo ko. Kailangan
na natin ng pera.

Sabi ni inay na tila kumbinsidong- kumbinsido sa sinasabi nya.

Itay: Osya. Ikaw bahala. Basta magpahinga ka ha? Sumusobra na yata ang
pagtatrabaho mo. Tapos uminom ka ng gamot. Papasok na ko sa trabaho. Paalam.
Tandaan mo, makararaos din tayo.

At pagtapos nun, umalis na si Itay.

Si Inay ay isang inang mapag-aruga, mapag-alaga at mapag- pasensya. Sya ang


laging kumikilos sa bahay nila. Nagtatrabaho sya bilang isang labandera. Ang itay
naman, isa syang pulis. Mayron silang tatlog anak, ang panganay na si Ivan, na
nasa kolehiyo na. Ang dalaga nilang si Kara na 4th year student na. At ang grade
5 nilang anak na bunso. Mahirap ang buhay ngunit pinagtyatyagaan na lamang
nila. Pinaka- pangunahing problema nila ay ang pera. Mahigit tatlog buwan na
silang di nakapag babayad sa tinitirahan nila. Kaya naman sunud- sunod ang
bayarin.

Nang makarating si Inay sa bahay na pinagtatrabahuan niya..

Amo: Oh. Nandyan ka na pala. Buti naman at dumating ka na. Aalis kasi kami ng
mga anak ko. Kung maaari sana'y ikaw muna ang umasikaso dito. Wala sila
Inday.. Dayoff nila. Kaya ikaw lang ang maiiwan dito. Pagpasensyahan mo na ha.
Hayaan mo dadagdagan ko sweldo mo.

Inay: Naku, ma'am yun nga po ang pinunta ko rito.

Amo: Oh, bakit?

Inay: Kasi po ma'am. Bukas na po ang exam ng anak ko, tapos sinisingil na rin po
kami sa bayarin sa bahay. Eh kaso ang asawa ko po, sa susunod na linggo pa ang
sweldo. Eh hanggang ngayong week nalang po ang mga bayarin.

Amo: Ah..

Inay: Eh nahihiya man po akong magsabi sainyo, ngunit nagbabakasali lang po


akong kung maaari ay ngayon ko po makuha ang sweldo ko, kahit magkano lang
po. Basta makapag- bayad lang ako sa amin.

Hiyang hiya nitong nagtapat sa amo.

Amo: Ah.. Eh magkano ba kailangan mo?

Anak ng Amo: Mommy! Tara na!

Di lamang pinansin ng amo ang anak nya, at patuloy na naghintay sa sagot nya.

Inay: Naku, kayo po ang bahala. Nakakahiya po talagang humingi ng may--

Amo: Haha. Sige na. Magkano ang kailangan mo. Mahigit apat na taon ka nang
nagtatrabaho dito. At malaki ang naitulong mo sa bahay pati sa pamilya ko. Kaya
binabalik ko lang ang pabor. Magkano ba talaga?

Sabi nito na nakangiti. Mabait ang amo ni Inay. Mapagkumbaba at maraming


kaibigan. Walang niisang taong minaliit nya kahit katulong lamang ito sa bahay
nila.

Inay: Naku, eh sa totoo lang po 36,000 po eh. Kasama na po ang lahat ng utang
namin sa nirerentahan.

Amo: Ah ganun ba? Oh, etoh. 50,000. Ang matitira, sayo nalang. Sa susunod na
buwan may sweldo ka pa.

Inay: Naku! Maraming salamat po! Malaking tulong po ito.

Amo: Haha. Ayos lang. Basta wag mo kaming iiwan ha?

Pagbibiro nito.
Amo: Kailangan ka rin namin dito! Hahaha.

Inay: Napaka- bait mo po talaga Ma'am.

Amo: Naku.. Masaya lang akong makatulong sa ibang tao. Minsan rin kaming
naging ganyan kaya tumutulong ako.

Inay: Ah ganun po ba? Salamat po.

Amo: Walang anuman. Osige, mauna na ko. Atat nang gumala ng mga anak ko.
Haha. Maiwan na kita ha? Uuwi din kami dito mamayang hapon.

Inay: Sige po. Mag- ingat po kayo, ma'am!

Amo: Ikaw rin.

Nakangiting nagpaalam sila sa isa't isa. Sobrang pasasalamat ni Inay at nagkaroon


sya ng Amo na handang tumulong sa pamilya nya. Nang maiwan sya sa bahay
nito, nilinis nya ang bawat sulok ng bahay. Naglaba, atbp. Hanggang sa dumating
ang pamilya ng amo nito.

Amo: Oh. Kamusta naman? Pasensya na kung natagalan ka samin ha?

Inay: Naku, ayos lang po.

Amo: Walang dudang swerte ang pamilya mo sa'yo. Masipag at mapag-aruga.

Inay: Ginagampanan ko lamang po ang papel ko.

Amo: Ahaha. Hindi na nila kailangan ng ibang tao para mag alaga sa kanila. Dahil
nandyan ka naman.

Inay: (natuwa naman ito at napangiti)

Amo: Osige na. Baka hinihintay ka na ng asawa mo't mga anak. Gutom na yun
siguro.

Inay: Naku, baka nga po!

Amo: Gerald! Anak! Nasan na?

Gerald: Opo! Eto na po.

Sabi nito habang naglalakad palapit sa kanila.


Gerald: Eto po oh.

Inaabot nito ang isang plastik na may mga ulam.

Inay: Naku, ano yan iho?

Gerald: Pagkain po.

Amo: Pasalubong namin pra sa'yo. Hindi ba't kaklase ito ng anak mo?

Inay: Tama po kayo.

Amo: Eh kanina nang sunduin ko si Gerald, magkausap sila ni Ivan.

Gerald: Opo. Eh nakwento nya po sakin na nakita nya na nahihirapan na kayo


kanina bago sila pumasok. Tila magkandarapa ka na raw po sa sobrang daming
inaatupag. At narinig nya raw po ang napagusapan nyo ng asawa mo. Kaya naman
nung uwian na po namin, niyaya namin syang isabay pauwi. Sabi nya ayaw na
raw po.

Inay: Naku, bakit daw?

Gerald: Kailangan nya raw po magtrabaho para makatulong sa inyo. Part-time Job
daw po.

Sa sinabi ni Gerald, halos mangiyak- ngiyak na si Inay. Hindi nya akalaing sa araw
na ito, napakaraming nangyaring hindi inaasahan.

Amo: Oh, ano pang hinihintay mo? Umuwi ka na. Alam kong pagod ka na.

Inay: Naku. Maraming maraming salamat po ha?

Amo: Osige. Magkita nalang tayo bukas.

Inay: Sige po.

Umuwi si Inay sa bahay at nadatnang nandon na ang dalaga nya't ang bunso pati
ang Itay. Pumasok sya sa bahay at napansing wala ang panganay nya.

Mga anak: Mano po, Inay.

Inay: Oh, nasan ang kuya nyo?

Kara: Di po namin alam eh. Kanina pa ang uwian nya.

Inay: Ah ganun ba? Osige, etoh kumain na tayo.


Itay: San mo naman nabili yan?

Inay: Naku, eh pasalubong sakin ng amo ko. At alam nyo ba, makapag babayad
na rin tayo ng mga bayarin natin!

Natutuwa nitong sabi.

Itay: Talaga? Eh san galing ang pera?

Inay: Pinakiusapan ko ang amo ko. Sobrang bait talaga nya't pati ang pangbayad
sa tuition ni Kara at sa bahay natin ay binigay nya.

Bunso: Nanay, ang bait nila.

Inay: Oo anak. Kaya dapat kayo wag kayong magiging madamot. Osige tara na't
gutom na siguro kayo.

Itay: Halina.
...

Nang matapos kumain ang pamilya.. Kinagabihan wala parin ang panganay nila.
Si Itay, si Kara at ang bunsong kapatid at tulog na. Si Inay naman ay lumabas ng
bahay. Nahihilo man at inaantok na ang Inay ay hinintay parin nito si Ivan na
pumasok sa gate nila.

Di naglaon ay dumating na nga. May dala itong supot. At nagmano sa kanya.

Inay: Oh, bakit ngayon ka lang dumating?

Ivan: Inay, pasensya na po kung late na akong nakauwi. Eto po ang gamot oh.

Inay: Para saan yan?

Ivan: Inay, alam ko pong kahapon ba kayo may sakit. Hindi mo lang pinahahalata.
Kaso kaninang umaga po, di na kinaya ng katawan nyo.. Tapos, nag trabaho pa
kayo. Malala na ang sakit nyo. Kaya eto po, inumin nyo nang maagapan agad yan.

Wala nang ibang ginawa ang Inay kundi yakapin ang anak at pasalamatan ito.
Kinaumagahan ay isa nanamang panibagong araw. Maraming pagbabago, pero ito
naman ay para sa ikinabuti ng pamilya nila.

Ito po ang kwento ng Pamilyang Mahirap.


SANAYSAY
Liwanag sa Likod ng Ulap
Lahat tayo ay nakararanas ng pighati at temptasyon sa ating buhay.
Dumarating ang oras na tila wala na tayong pag-asang makabangon. Naiisip
nating, mayroon ba talagang Diyos? Bakit niya ibinibigay sa akin ang mga
pagsubok na napakabigat?
Walang taong walang problema. Hindi dapat tayo sumusuko kahit sa
mga ganitong sitwasyon. Ibinibigay sa atin ng Panginoon ang mga pagsubok dahil
kung tayo'y palaging masaya, nakukuha natin ang lahat ng nanaisin natin,
makikilala pa ba natin ang Diyos? Ibinibigay din ng Diyos ang pagsubok sa atin
dahil nais niyang malaman kung tayo'y dalisay at makatatagal sa paglilingkod sa
Kanya.
Nang ang isang tao ay ipinanganak, kakambal na niya ang mga
problema. Darating ang oras na mahaharap natin ito hanggang tayo ay mapasuko.
Darating ang oras na pinakamalungkot, pinakanakatatalot, at pinakamabigat sa
ating buhay.
Ang isang taong may tiwala at pananampalataya sa Diyos, matatag at
malakas sa kahit na anong pagsubok na kanyang masasagupa. Ang taong binigyan
ng pagsubok ay palaging may pag-asa. Ang Diyos ay hindi nagbibigay ng pagsubok
na hindi kayang malampasan ng tao. Hindi man natin nakikita ang tagumpay, ang
ilaw na ating hinahanap ay ay nakatago lamang sa likod ng ulap. Hindi natin
nakikita ang liwanag ngunit mararamdaman natin iyon kung tayo'y nananalig at
naniniwala na kaya nating malampasan ang pagsubok.
Sa likod ng ulap, mayroong pag-asa. Makikita iyon pagsikat ng araw
dahil matatapos rin ang panahong madilim. Mararamdaman natin ang walang
hanggang kasiyahan. Mararamdaman natin ang pag-ibig at kalinga ng Maykapal
dahil tayo ay kanyang mga anak. Ang isang ama ay kumakalinga sa kanyang mga
anak anuman ang mangyari. Basta't ang pananampalataya ang dapat
mangibabaw sa atin.
MAIKLING
KWENTO
Bakit may Pulang Palong ang mga Tandang?
Maikling Kwento

Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang. Kapansin-pansin
din na kapag pulang-pula ang palong ng tandang ay magilas na magilas ito. Para
bang binata na nagpapaibig sa mga dalaga.

Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad ng bagyo sa isang baryo sa pulo
ng Masbate. Ang ama ay nakilala ng mga tao sa nayon dahil sa kawili-wiling mga
palabas nito na mga salamangka o mahika. Tinawag nilang Iskong Salamangkero
ang kanilang bagong kanayon.

Bukod sa pagiging magalang, masipag, mapagkumbaba ay mabuting makisama


sa mga taga nayon si Iskong Salamangkero. Madali siyang nakapaghanap ng
masasakang lupa na siyang pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay na mag-ama.

Kung anong buti ng ama ay siya namang kabaliktaran ng anak nitong si Pedrito.
Siya ay tamad at palabihis.

Ibig ni Pedrito na matawag pansin ang atensyon ng mga dalagita. Lagi na lamang
siyang nasa harap ng salamin at nag-aayos ng katawan.

Ang paglilinis ng bahay at pagluluto ng pagkain na siya lamang takdang gawain ni


Pedrito ay higit pa rin niya pinagkakaabalahan ang pag-aayos ng sarili.

Kapag siya ay pinagsasabihan at pinangangaralan ng ama ay nagagalit siya at


sinagot-sagot niya ito.

Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero mula sa sinasakang


bukid na pagod na pagod at gutom na gutom. Dinatnan niya na wala pang sinaing
at lutong ulam si Pedrito.

Tinawag niya ang anak ngunit walang sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa
silid. Nakita niya sa harap ng salamin ang anak na hawak ang pulang-pulang
suklay at nagsusuklay ng buhok.

“Pedrito, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako, anak”,


wika ni Iskong Salamangkero.

Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot ito.


“Kung kayo ay nagugutom, kayo na lamang ang magluto. Ako ay hindi pa
nagugutom.” At nagpatuloy ng pagsusuklay si Pedrito ng kanyang buhok.

Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak. Sinugod niya si Pedrito at


kinuha ang pulang suklay. Inihampas niya ito sa ulo ng anak at malakas niyang
sinabi:

“Mabuti pang wala na akong anak kung tulad mong tamad at lapastangan.
Sapagkat lagi la na lamang nagsusuklay ang pulang suklay na ito ay mananatili
sana iyan sa tuktok ng iyong ulo.” At idiniin ni Isakong Salamangkero ang pulang
suklay sa ulo ni Pedrito.

Dahil sa kapangyarihang taglay ni Isko bilang magaling na salamangkero, biglang


naging tandang ang anak na tamad at lapastangan. At ang suklay sa ulo ni Pedrito
ay naging pulang palong. Hanggang sa ngayon ay makikita pa natin ang
mapupulang palong sa ulo ng mga tandang.

Aral:
Huwag maging tamad. Ang pagtulong sa magulang sa magulang sa mga gawaing
bahay ay nararapat lamang na gawin ng mga anak.
Laging makinig at sumunod sa ipinag-uutos ng magulang upang hindi
maparysahan.
Maraming nalulugod sa batang magalang. Huwag kalimutang gumamit ng “po” at
“opo” sa nakatatandang kausap.
UNANG BAHAGI: ORIHINAL
NA GAWA

A. TULA
B. BALAGTASAN
C. SARWELA
D. SANAYSAY
E. MAIKLING KWENTO
IKALAWANG BAHAGI:
KOLEKSYON

A. TULA
B. BALAGTASAN
C. SARWELA
D. SANAYSAY
E. MAIKLING KWENTO

You might also like