You are on page 1of 2

“Musika”

Ni: Balangue, Allen James

“Kinakabahan ako”, ika ni Dolores nung narinig niya ang palakpakan ng madla sa loob ng silid.

Ako si Dolores, Namulat ako sa mundong ito kapiling ang musika. Kaya naman noong aking
kabataan, napamahal ako ng husto sa musika. Sinuportahan naman ako ni inay, at alam ko pati si itay.
Pumanaw si itay noong ako’y anim na taon pa lamang. Sabi ni inay, nag mana daw ako sa aking ama
sapagkat siya ay isang kilalang musikero dito sa aming lugar. Palagi ikinikwento ni inay saakin kung gaano
kagaling ang aking ama sa pagtugtog ng iba’t ibang instrument kaya naman nagpursigi ako sa pag tugtog
nito.
Isang araw, nadatnan ako ni inay sa aking kwarto habang tinutugtog ko ang nirenta naming na
Flute. Ilang linggo ko na itong tinutugtog ngunit hindi ko parin matugtog ito ng maayos. “Anak, Pasensya
na”, Ika niya. “Sapagkat hindi ko kayang bayadan ang mga instumentong iyong kinahihilagan. Kaya’t pumili
ka, iyang Flute ba o Piano ang iyong gusto?” Ang puso ko’y nabasag tila parang bubog nung sinabi niya
iyon. Napamahal na ako sa bagong flute na aming nirenta. Araw-araw akong nag eensayo, at ang musika
nama’y palaging nariyan. Ngunit ang pagtugtog nito’y ibang kwento na, sapagkat kung gaano ko man
sikapin at subukang tugtugin ito ng maayos ay hindi ko parin ito mapatunog ng maayos. Sa piano naman,
Tinutugtog ko ito mula pagkabata. Tinuruan ako ni itay kung pano ito tugtugin bago siya pumanaw.
Masayang tugtugin ang Flute ngunit mas napamahal ako sa piano. Ang instrumentong ito ay ang
instrumento ni itay. tuwing aking tinutugtog ang instrumentong ito, nararamdaman ko ang pagmamahal
ni itay. Kaya’t ibinalik namin ni inay ang flute at pinili ko ang instrumentong palaging tinutugtog ni itay.
Noong araw na pumasok ako sa aming paaralan, nabanggit saakin ng aking kaklase na
nangangailangan ng Prcussionist ang musical band ng aming paaralan kaya naman agad agad ako nakipag
usap sa music teacher naming. Sinabihan niya akong pumunta sa Music room pagkatapos ng klase.
Ipinakita niya sa akin ang xylophone at tinanong ako kung marunong ako mag-basa ng nota. “Hindi naman
siguro mahirap ito tugtugin”, Sabi ko. “Punta ka lang palagi dito sa music room kapag kailangan mo mag
ensayo”, Sagot ng music teacher. Tuwing break namin, lagi akong pumupunta sa Music room upang mag
practice. Yung ibang mga estudyanteng kabilang sa banda ay nasa kabilang silid. Nakikita ko na may piano
doon na hindi nila ginagamit. Kaya naman nung umalis sila ay ginamit ko ito. Habang aking tinutugtog ang
instrumentong ito, napansin ako ng Music teacher namin. “Ituloy mo ang pag tugtog”, sabi niya. Kaya
naman nag patuloy ako sa pag tugtog ng Piano. “Interesado ka bang sumali sa trio na binubuo ko?” tanong
niya sa isang nakakaaliw na paraan. “Meron na kaming bassist at drummer, pwede ka sumali bilang
pianista.” Nabigla ako noong sinabi niya ito. “Opo, pwede naman po.” Sagot ko. ‘di niya alam kung gaano
ako kasaya”
Unang araw naming pag p-practice bilang trio band, ako’y namamangha sa galing nila sa pag
tugtog ng kanikanilang instrumento. Sobrang babait ng mga taong nasa music room. Pinuri nila ang
pagtugtog ko ng piano. At di nagtagal ay napansin na ng buong paaralan ang aking talento. Inaya ako ng
isang sikat na estudyante dito sa aming paaralan. Inaya niya akong tumugtog ng piano duet kasama siya.
Dati ay nag-volunteer lang ako sa pagtugtog ng xylophone, ngayon nakilala ako sa aming eskwelahan.
Hindi ko ito inakala.

noong graduation namin ay tumugtog akaming dalawa sa harap ng madla. “Kinakabahan ako”, ika
ni Dolores nung narinig niya ang palakpakan ng madla sa loob ng silid. Tumugtog kami ng piano duet at
nag perform kasama ang trio band namin. Nanonood si inay at sinusuportahan niya ako. At alam kong
nandun rin si tatay, nakikinig sa langit
“Musika”
Ni: Balangue, Allen James

You might also like