You are on page 1of 606

---------------BOOK DETAILS----------------

[BOOK NAME] FAST BREAK


[TOTALPARTS] 33
-------------------------------------------
[ BOOK DESCRIPTION ]
--------------------------------------------
Kapag ang pag-ibig ay dumating sa buhay mo, ituturing mo ba itong parang isang bola
na pwede mong itapon at ipasa sa iba? O susubukan mong angkinin at makisabay sa
agos ng paglalaro? Anuman ang iyong kasagutan, ang laro ng pag-ibig at laro ng bola
ay iisa...walang katiyakan kung sino ang mananalo o kung sino ang matatalo...
-------------------------------------------

*******************************************
[1] FAST BREAK
*******************************************

Fast Break : ( Isang termino na ginagamit sa larong basketball. Ito ay isang uri
ng estratehiya na nagdudulot ng maraming aksyon at mabilisang pagpuntos.)

-----------------------------------------------------------------------------------
----------------------

Pinili nyang maging anino dahil sa multo ng nakaraan....

nang may dumating na pag-ibig ay kailangan nang ilantad ang sarili sa


katotohanan...

ngunit ano ang kanyang pipiliin?


ang manatiling maging anino ngunit puno ng kalungkutan...

o malantad nang may ligaya ngunit marami ang masasaktan?

*******************************************
[2] NEW YORK CITY
*******************************************

*****

Madison Square Garden, New York City. Ang pinakatanyag na basketball court sa buong
mundo.

Mayroong mahigit dalawampung libong manonood na nagtatayuan.


Dumadagundong ang palakpakan, tilian at hiyawan.

"MVP!MVP!MVP! MVP!"

Kaliwa't kanan ang mga litrato at jersey....Nagkalat ang mga karatola na


nagpapahiwatig ng paghanga...I love you, Marry Me..The NBA Superman, Basketball
Superstar, My Future Husband....

Ganito ang uri ng pagtanggap ng mga tagahanga sa kasalukuyang pinakasikat na


basketball player.

"Jerome, andito na naman tayo sa walk-out interview na ito. Isa na naman 40 points
game para sayo ngayong gabi, wow! Ano ang masasabi mo sa laro mo ngayon?"

"Gusto ko uling magpasalamat sa Diyos at ipinagkalooban nya ulit ako ng isang


magandang laro ngayong gabi. Lahat kaming magkakateammates ay nagsumikap upang
mapapanalo ang laban, natutuwa kami dahil maayos naming na-execute ang mga bilin ng
aming mga coaches." mapagkumbabang sagot ni Jerome habang kinakapos pa rin sa
kanyang paghinga at patuloy sa pagpunas ng tumatagaktak na pawis sa mukha

"Ano naman ang mensahe mo sa iyong mga tagahanga na talaga naming halos magiba na
ang buong arena sa lakas ng hiyawan sa tuwing ikaw ay nakakapuntos?"
Nagbigay ng isang matamis na ngiti si Jerome. Iniikot niya ang kanyang mga paningin
at kumaway sa kanyang mga naghihiyawang tagahanga.

"Maraming maraming salamat sainyong lahat. Isa kayo sa mga inspirasyon, dahilan at
nagbibigay lakas sa aming team para pagbutihin namin ang aming paglalaro. Hindi
kami magsasawang bigyan kayo ng magagandang laban."

"Maraming salamat Jerome at goodluck sa susunod nyong laro" nakangiting pagtatapos


ng reporter.

"Maraming salamat din sayo." sabay lakad niya patungong locker room habang panaka-
nakang iniaabot ang mga kamay sa mga sumasalubong na mga fans na nais syang
makadaupang palad.

Siya si Jerome Hernandez, dawalampu't apat na taong gulang, isang uri ng lalaking
halos katumbas na ng katagang perpekto. Gwapo, matalino, mabait, mapagkumbaba,
napakagaling sa larangan na kanyang napiling karera at nakapagtapos sa Harvard
University.

Ikalawang taon pa lamang ng paglalaro ni Jerome sa NBA ngunit mabilis itong sumikat
dahil sa taglay nitong mga katangian na bibihirang makita sa kultura ng NBA. Hindi
na lingid sa kaalaman ng mga tagapanood ng basketball na karamihan sa mga manlalaro
ng naturang organisasyon ay mga basagulero, babaero, mayayabang, punung puno ng mga
tattoo sa katawan at halos karamihan sa mga ito ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
At ang lahat ng mga ito ay kabaliktaran ng pagkatao ni Jerome, kaya't nang
magsimula itong maglaro bilang isang rookie sa koponan ng New York City ay marami
kaagad ang humanga at sumuporta dito.
Mas lalo pang nadagdagan ang kasikatan ng basketbolista nang nagawa nitong
papanalunin ang karamihan sa kanilang mga laban at naipasok ang kanyang koponan sa
playoffs, kung saan ang huling karanasang makapasok sa playoffs ay halos
labindalawang taon na ang nakalilipas. Dahil dito, tinitingala ang lalaki ng mga
New Yorkers bilang tagasalba ng noon ay naghihingalo nilang basketball team.

Naging isang malaking NBA story si Jerome. Sa unang dalawang buwan niyang paglalaro
ay dalawang beses at magkasunod na naging cover siya ng Sports Illustrated.
Nailathala rin ang kanyang pangalan sa daan-daang mga newspapers, internet. Madalas
siyang nagiging trending sa mga social networks at paksa ng mga sports analysts
habang kaliwa't kanan naman sa pag-ere ng kanyang mga basketball highlights ang
iba't ibang mga sports channels.

Napakabilis ng kanyang pagsikat kung kaya't ganun na lamang ang hirap sa pag-adjust
ang naranasan niya. Ang dati nyang simple at tahimik na buhay ay napalitan ng
maingay, kumplikado at buhay na bukas sa publiko. Walang lugar na hindi siya
pinagkakaguluhan at sa bawat kilos niya ay halos laging may nakasunod na mga
kamera't reporter...

------

Sa isang maliit at lumang coffee shop. Nakapangalumbaba at tahimik na nakaupo si


Sandra Mariano.
Inililibot niya ang kanyang mga mata habang naghihintay sa order na pancake at
kape. Nag-iisa syang kustomer sa nasabing lugar. Marahil ay hindi na ito madalas na
tinatao dahil sa lumang hitsura nito kumpara sa mga nagagandahang restaurants at
iba pang mga establisyamentong katabi. Tatatlong mesa lamang meron sa loob ang
nasabing coffee shop ngunit mayroon itong mahabang counter sa magkabilang dingding
na merong tig-aapat na bangkong kahoy. Dadalawa lamang ang tauhan dito, isang
matandang lalaki na nasa edad animnapu pataas na syang nakaupo sa kaha at isang
matabang palangiting serbidorang nakasuot ng kulay pink na uniporme na sa tantya
niya ay nasa edad kwarenta y singko naman. Kahoy ang dingding ng lugar na halatang
pudpud na pudpod na ang barnis. Dito ay may nakasabit na isang maliit na chalkboard
na may nakasulat na salawikaing isinulat sa iba't ibang kulay na chalk at katabi
naman nito ay isang pekeng Sunflower painting ni Van Gogh.

Lumapit ng nakangiti ang serbidora bitbit ang kanyang order at binati sya nito ng
isang 'magandang umaga', ginantihan nya naman ito ng ngiti at binasa ang pangalang
nakasulat sa suot nitong nametag.

" Salamat, Vicky!"

Habang iniinom ang kape ay ibinaling niya ang mga mata sa labas ng coffee shop.

Mula sa bintanang salamin ng lugar ay pinagmasdan nya ang maraming taong


naglalakad. Karamihan sa mga ito ay mga empleyado. May halos patakbo na kung
maglakad, meron naming naglalakad habang nakikipag-usap sa telepono at ang iba
naman ay may hawak-hawak pang mga take-out na kape.
Tama nga ang sabi ng kanyang kaibigan na ibang-iba ang New York mula sa
pinanggalingan niyang tahimik na lungsod. Tila lahat ng bagay sa lungsod na ito ay
may buhay at kulay, mula sa mga nagtataasang mga gusali, naglalakihang mga
billboards,mga matataong sidewalks hanggang sa kalsadang puno ng mga tumatakbong
sasakyan. Sa wari niya ay ang coffee shop na kinaroroonan nya ay maaring sya nang
pinakatahimik na lugar sa lungsod.

Nakuha ang atensyon niya ng isang malaking TV screen na nakakabit sa isang mataas
na gusali sa kabilang kalsada. Mula sa katatapos lang na commercial ng Nike ay
biglang ipinalabas nito ang isang interbyu ni Jessica Lopez.

Si Jessica Lopez. Isang sikat na sikat na manunulat. Sa edad na bente singko ay isa
na ito sa mga pinakamayamang writers. Lahat ng kanyang mga libro ay
bestsellers.Tatlo rin sa kanyang mga naisulat ay naisapelikula na at lahat ng mga
ito ay box office hit.

Madalas maging guest ng iba't ibang talkshows ang writer. Ilang beses na rin itong
naging cover ng mga fashion magazines dahil sa taglay nitong kagandahan at galing
sa pananamit. Isa ito sa mga babaeng celebrities na halos pinapangarap at
hinahangaan ng lahat ng mga kalalakihan.

Habang seryosong nakatitig si Sandra sa higanteng screen ay biglang tumambad sa


harapan nya ang mukha ng pinapanood.... Ang pagkakaiba ay nakasuot ito ng sombrero,
malaking sunglasses at ordinaryong damit.

"Bakit naman sa ganitong lugar mo ako pinapunta?" pabulong at naiiritang wika ni


Jessica habang pilit ibinababa ang suot na sombrero upang bahagya pang matakpan ang
mukha. "Mabuti naman at naisipan mo akong dalawin. Aba marami ka ng atraso sa akin,
halos mag-iisang buwan kang hindi makontak. Wala ni hi or hello tapos bigla-bigla
mo akong tatawagan na andidito ka sa New York!" dagdag na wika ng sikat na writer
sabay kuha nito ng tinidor at subo sa hindi pa nagagalaw na pancake.

"Ihanap mo ako ng bahay dito." kaswal at direktang sambit ni Sandra na hindi man
lamang nagawang batiin ang bagong dating.

Napaubo bigla si Jessica sa narinig at muntik na nitong mailuwa ang kinakain.

"Bakit ano na naman ang nangyari sayo? May problema ka na naman ba sa dati mong
tinitirhan?"

Naghihintay ng sagot si Jessica ngunit tinitigan lamang sya ng kausap. Naisip


niyang yayain itong tumira sa kanya subalit alam niyang imposible ang gusto niyang
mangyari. Gayunpaman ay hindi nya maitago ang tuwa sa narinig na sinabi ng kaharap.

Tinitigan ni Sandra ang sikat na dalaga mula ulo hanggang paa. Napangisi sya sa
hitsura nito na kulang na lang ay magsuot ng maskara upang hindi makilala.

"Ganyan ka na ba talaga kasikat ngayon?"


"Oo sikat na sikat na ako at ikaw na lang ang hindi nakakaalam!" mayabang na sagot
ni Jessica at sabay inom sa natitira pang kape sa mesa.

Ipinanganak na mayaman si Sandra. Kaisa-isa siyang anak ng mag-asawang negosyante.


Subalit may naganap na malagim na trahedya sa buhay niya noong siya ay anim na
taong gulang pa lamang kung saan namatay pareho ang kanyang mga magulang. Nang mga
panahong iyon, tagapag-alaga niya ang ina ni Jessica. At dahil wala ni isa man sa
mga kamag-anak ang kumupkop sa kanya kung kaya't kusa siyang inampon ng kanyang
tagapag-alaga.

Makalipas ang ilang taon mula ng mamatay ang kanyang mga magulang, bumagsak din ang
iniwang mga negosyo ng mga ito. Hindi lingid sa kaalaman niya na kagagawan ito ng
mga pinagkatiwalaan nilang mga tauhan. Naubos din ang mga naiwang pera sa kanya
dahil ipinambayad daw sa mga naging utang ng kumpanya. Ang tanging natira lamang sa
pagmamay-ari nya ay ang kanilang bahay at sina Jessica ang nakasama niyang tumira
dito.

Dalagang ina ang kumupkop sa kanya at hindi na nito naisipang mag-asawa pa. Itinuon
nito ang buong atensyon sa pagpapalaki sa kanilang dalawa ni Jessica.
Pinagsumikapan syang palakihin nito at itinuring na parang tunay na anak. Kaya't
habang nabubuhay sya, batid nya kung gaano kalalim ang utang na loob nya sa mga
ito. Naging maganda rin ang samahan nila ni Jessica. Lumaki silang parang tunay na
magkapatid.

Mula pagkabata ay hindi na sila mapaghiwalay ng kaibigan. At dahil magkasing-edad


lamang sila, naging magkaklase sila simula elementarya hanggang hayskul.
Nagkahiwalay lamang sila nang magkolehiyo na si Jessica. Nakapagtapos si Jessica sa
Standford University sa kursong literature samantalang mas pinili naman niyang
hindi ipagpatuloy ang pag-aaral matapos maka-graduate ng high school.
"Eh ikaw, kailan mo ba babaguhin yang pag-aayos mo?" tanong ni Jessica.

Ginantihan ni Jessica ng mga titig ang kaibigan mula ulo hanggang paa. Katulad ng
kinagawian nitong pananamit at pag-aayos, nakasuot lamang ito ng puting T-shirt,
maong na pantalon, jacket at rubber shoes.Tiningnan din niya ang mukha ng kaharap.
Nakasalamin, medyo gusot ang maiksing buhok, may kaputlaan at wala man lang ni
bahid ng kaunting make-up.

Maganda ang mukha ni Sandra subalit hindi ito gaanong napapansin dahil hindi ito
marunong mag-ayos ng sarili. Paulit-ulit man niya itong pagsabihan at paalalahanan
na magpaganda subalit binabalewala lamang nito ang kanyang mga payo. Ilang beses
niya na rin itong ibinili ng mga mamahaling damit at pampaganda subalit ang lahat
ng mga iyon ay itinatambak lamang ni Sandra at ni minsan ay wala ni isa mang
ginagamit dito.

"Naligo ka man lang ba bago lumabas ng hotel?" pang-aasar niya.

Bago pa man siya makapagpatuloy ng paglilitanya ay tumayo na si Sandra. Inilahad


nito ang kanang palad sa tapat ng mukha niya.

" Susi."
"May driver ako."

"Pauwiin mo na."

Ilang segundo siyang nag-atubili ngunit wala rin siyang nagawa kundi ang iabot ang
susi ng kotse dahil sa matapang na pagkakatitig sa kanya ng kaibigan.

Pagkatanggap ng susi ay kaagad na naglakad papalabas ng coffee shop si Sandra.

"Sandali! Dahan dahan ka sa pagmamaneho ha kilala kita! Hoy hintayin mo ako!"

Sa aktong tatayo na si Jessica ay lumapit ang serbidora upang humingi ng autograph.


Nagmamadaling pumirma ang sikat na dalaga sa iniabot sa kanyang papel at patakbong
hinabol papalabas ang kaibigan, naiwan ang nanghihinayang na tagahanga na nais pa
sanang magpakuha ng litrato.

-----

30th floor, 10 West End Avenue. Isang sikat na luxury condominium sa New York.
Ang pinakamababang presyo ng isang unit dito ay nagkakahalaga ng isang milyong
dolyar. Dito naninirahan si Jerome, sa isang two-bedroom condo unit na halos ang
kabuuang dingding ay gawa sa salamin. Mula sa kanyang unit ay matatanaw mo dito ang
kabuuang tanawin ng Manhattan. Sa ayos pa lang ng apartment ay masasabi mo ng
lalaki ang nakatira dito.

Wala itong gaanong arte o mga dekorasyon, tanging isang mahabang puting sectional
sofa na nababagay naman sa makinang na kulay dark brown na kahoy nitong sahig ang
prominenteng gamit na nakalagay sa living area. Sa harapang sahig ng nasabing sofa
ay nakalagay ang isang parisukat na plain ash gray carpet at nakapatong dito ang
dalawang maliliit na pabilog na center tables na gawa rin sa salamin. Matatagpuan
naman sa bandang kaliwa ng living area ang isang 62 inch na LED TV na nakapatong sa
isang kulay puting marmol na console table.

"Jerome! Bilis! Halika dito!" sigaw ni Justin habang nakaupo sa sofa.

Si Justin ay matalik na kaibigan ni Jerome, kasamahan sa team at kasalukuyang


nirerentahan ang isang kwarto ng nasabing apartment.

Nagmamadali namang lumabas ng kwarto si Jerome na noon ay katatapos lamang maligo.


Nakasuot ito ng regular nitong pambahay na damit, puting T-shirt, itim ni Nike
short at tsinelas.
"Bakit may na-break ka na naman bang record ko?" sambit ng binata habang
pinupunasan pa ng tuwalya ang basang buhok na sa pag-aakala ay naglalaro ng video
game ang kasama.

"Bro panoorin mo to!" sabay turo ni Justin sa TV.

Tumambad sa harapan ni Jerome ang balitang may namumuong relasyon sa kanila ng


sikat na holywood celebrity na si Paris Hilton. Pinakita sa balita ang mga nakaw na
kuha ng mga paparazzi sa masaya nilang pag-uusap ng aktres. Kuha ang mga litratong
yun sa birthday party ng isa ring sikat na NBA player sa isang club sa Los Angeles.

"Wow bro! May bago ka na namang sasaguting isyu," pang-aasar ni Justin sa kaibigan.
"Pero matanong ko lang gaano ba talaga kaganda si Paris Hilton sa personal? Baka
naman pwede mo syang imbitahan minsan sa laro natin. Gusto ko syang makita at
makilala sa personal. Isa sya sa listahan ng mga babaeng pangarap kong maging
girlfriend Bro! Sige na, alam ko namang di mo type ang mga blonde eh kaya tulungan
mo na lang ako."

"Loko, ang aga-aga tsismis ang pinapanood mo, kalalaki mong tao."

Hindi apektado si Jerome sa napanood. Sanay na syang iniuugnay ang kanyang pangalan
sa mga babaeng nakakasama niya o minsan pa nga ay sa mga babaeng hindi nya pa
nakakaharap ng personal. Ang kawalan nya ng lovelife ang syang dahilan kung bakit
madalas siyang napapabalita sa mga babaeng nakakasama niya na tila ba pinagmamadali
siya ng mga tao na magkaroon na ng karelasyon.
Madalas siyang makakita ng mga magaganda, sopistikada at sosyal na mga kababaihan
sa bawat pagtitipon na kanyang dinadaluhan subalit bibihira ang nakakakuha ng
kanyang atensyon. Taliwas sa kagustuhan ng mga nakararaming lalaki, hindi siya
gaanong nabibighani sa mga babaeng marangyang manamit at makapal magsuot ng make-
up. Naniniwala syang dapat makita nya muna ang isang babae ng walang bahid na
anumang make-up upang makita ang natural na hitsura nito. Mas natutuwa rin sya sa
mga babaeng elegante ngunit konserbatibong manamit.

Ngunit ang higit na katotohan ay wala pa talaga sa isip niya ang pagkakaroon ng
girlfriend. Tanging ang career at pagbabasketball ang prayoridad nya sa buhay. Ayon
nga sa madalas nyang sagot sa mga interviews, kaya nyang isakripisyo ang maraming
bagay kapalit ng basketball kung kaya't kahit milyun-milyong babae man ang
humihiyaw at nagpapahiwatig sa kanya ng paghanga ay wala ni isa man syang
pinagtutuunan ng pansin sa mga ito.

Bilang normal na lalaki, hindi rin maiaalis na may pinapangarap din siyang babae.
Meron syang isang matagal ng hinahangaang tao ngunit alam niyang hanggang sa
paghanga at pangarap lamang ang lahat.

Tumungo siya sa kusina upang magtimpla ng kape at kumuha ng aalmusalin.

"Ano to bro?" tanong niya sa kasama.

Iniangat niya ang isang coffee brewer na wala ng laman at sabay hanap sa anumang
natitirang pang-almusal na inihanda ni Justin.

"Ang daya mo talaga, pag ako ang nagluluto ng almusal, kasama ka. Kape na lang
hindi mo pa ako tinirhan." napapailing na reklamo niya at sabay bukas ng
refrigerator upang kumuha ng makakain.
Nagsalin siya ng fresh milk sa baso habang napapabuntong-hininga matapos makita ang
tambak na hugasan sa lababo. Tumungo siya sa sofa at pabukakang naupo.

"Hoy tumayo ka na dyan! Schedule mo ngayong maglinis ng bahay, ang daming huhugasan
sa lababo. Umpisahan mo na at maya-maya lang ay magsisimula na ang laban ng Texans
at Patriot"

Tumayo naman kaagad si Justin nang maalalang may laban nga pala ang paborito nilang
football team. Dinampot nito ang remote upang patayin ang TV ngunit biglang
nagpalit ang balita tungkol sa bagong librong ilalabas ng sikat na writer na si
Jessica Lopez.

"Sandali! Huwag mong papatayin!" mabilis na awat niya.

Dali-dali niyang inilapag ang hawak na baso. Inagaw niya ang remote kay Justin at
nilakasan ang TV.

"Whoa, wag mong sabihing isa ka rin sa mga nangangarap dyan kay Jessica Lopez!!?"
bulalas ng kaibigan.

"....Bro, di ako magtataka kung ganyan ang hinahanap mong babae. Syempre pipili ka
ng hindi lang basta maganda kundi dapat matalino rin na katulad mo... Pero alam mo
kung sakaling maging girlfriend mo yan sasabog ang buong internet at media! Akalain
mo ang pinakadesirable bachelor ay syota ang most desirable bachelorette sa mundo.
Masakit sa ulo pag-inisip bro. Mas mabigat pa ang magiging tandem nyo kina Angelina
Jolie at Brad Pitt"

Hindi niya pinansin ang komento ng kaibigan sa halip ay itinuon lamang ang kanyang
atensyon sa pinapanood. Lahat ng mga libro ng nasabing writer ay mayroon sya.
Napakalaki ng paghanga niya sa naturang babae dahil sa kagandahan nito at kahusayan
sa pagsusulat. Hindi sya nagtataka kung bakit ganun na lang ito kasikat at kayaman
sa kabila ng batang edad nito. Bawat librong inilalabas nito ay inaabangan nya kung
kaya't natutuwa sya sa balita.

Maliban sa mga NBA at iba pang sports legends, ang babaeng ito ang pinapangarap
nyang makita at makaharap ng personal...

----

Hindi pa man lumilipas ang isang linggo ay naihanap na ni Jessica ng malilipatang


bahay si Sandra.

Inilibot ni Sandra ang mga paningin sa marangya at magarbong condominium na kanyang


kinatatayuan. Kitang-kita niya ang magandang tanawin ng lungsod mula sa mga
malalaking salaming bintana at dingding ng apartment. Kumpleto na ito sa mga
mamahaling gamit. Napakalinis tingnan ng lugar dahil sa puting-puti nitong pintura
mula kisame hanggang sa mga dingding. Meron din itong magandang kusina at dalawang
kuwarto.

"Bakit dito mo ako dinala?" tanong niya ng may nagrereklamong tono.

"Dito ka titira."

Natawa siya ng bahagya sa narinig.


"Sa tingin mo ba ay titira ako sa ganitong klaseng lugar?"

"Please this time, intindihin mo naman ang kalagayan ko. Alam kong ayaw mo sa lahat
ng kung ano ang meron ako ngayon pero andidito ka sa New York, malapit sa akin.
Gusto kitang regular na puntahan at bisitahin. Di ba ayaw mo ng mga kamerang
madalas na sumusunod sa akin? Pwes, ang building na to ay may napakahigpit na
security. Walang sinumang nakakapasok o umaligid aligid dito. Sige na naman
pleaseeee...."

Tumingin siya sa kaibigan at napangiti nang muli na namang makita ang nakakatuwa
nitong ekspresyon na parang bata kapag may hinihinging pabor.

"Sige, susubukan ko pero basta pangako mo ha, hindi ako madadamay sa mga 24 -hour
na kamerang bumubuntut-buntot sayo."

Nagliwanag ang mukha ni Jessica sa narinig. Sa wakas ay napapayag niya rin ang
pihikang kaibigan. "Promise! Dali ayusin mo na ang mga gamit mo at magrocery na
tayo. Magluto ka ha, yan ang namimiss ko sayo sa lahat eh."

"Bolera! Teka, magogrocery kasama ka? Eh pano pag pinagkaguluhan ka?"

"Writer ako. Hindi ako popstar. Hindi ako si Britney Spears o Justin Beiber na
dinudumog ng mga fans. Paparazzi lang ang madalas sumunod sa akin at pailan-ilang
mga nanghihingi ng autograph. Ikaw masyado kang eksaheradang mag-isip. Ah, basta,
basta ipagluluto mo ako!" nagpupumiksing lambing ni Jessica.
"Oo na! Oo na.."

Niyakap ni Jessica si Sandra. Hindi pa rin siya makapaniwala na sa tinagal-tagal ng


panahon ay muli na naman silang magkakalapit. Kaytagal niyang minithi ang ganitong
sitwasyon. Kaytagal niyang ninais na muling mapalapit sa mailap na kaibigan...

*******************************************
[3] MASAMANG PANAGINIP
*******************************************

*****

Mabilis na tumatakbo sa loob ng isang madilim na tunnel ang anim na taong gulang na
batang si Sandra.

Umiiyak sya ng malakas habang hinahabol ng isang lalaki. Mabilis siyang tumakbo at
umaasang makakalabas sa loob ng madilim na lugar na kinaroroonan. Pagod na sya at
gusto niya nang tumigil subalit tuloy pa rin sa paghabol sa kanya ang isang
misteryosong mama.

Nakakita siya ng liwanag sa dulo ng tunnel kung kaya't dobleng binilisan nya ang
pagtakbo. Subalit nang marating nya ang maliwanag na lugar ay nagulantang sya sa
nakita. Nakahimlay sa damuhan ang duguang katawan ng kanyang mga magulang at ang
lalaking naghahabol sa kanya.

"Mama, papa... gumising kayo."

Niyugyog niya ang katawan ng mga magulang ngunit nanatili lamang nakahandusay sa
damuhan ang mga ito. At habang humahagulhol ay muli na namang dumilim ang paligid,
napansin niyang nasa loob na naman siya ng isang tunnel.

Tumayo siya upang muling tumakbo ngunit ng mga sandaling iyon ay hindi niya na
maigalaw ang kanyang mga paa. Kailangan nyang makaalis! Nanlaki lalo ang kanyang
mga mata nang makita ang isang binatilyong may duguang mukha. Papalapit ito sa
kanya habang tinatawag ang kanyang pangalan.

Hindi pa rin siya makagalaw kaya wala siyang nagawa kundi ang sumigaw ng sumigaw...

"AAAAAAHH!"

Napabalikwas ng gising ang sumisigaw na si Sandra. Tumutulo ang kanyang mga luha at
pawisang-pawisan ang noo. Nanghihina syang tumayo at dahan-dahang lumabas ng kwarto
upang kumuha ng maiinom na tubig. Nanginginig ang kanyang buong katawan. Binuksan
nya ang lahat ng ilaw habang walang humpay sa pag-inom ng tubig.

Pabalik-balik siyang naglakad sa sala habang pilit nilalabanan ang takot. Kinuha
nya ang kanyang telepono para tawagan si Jessica ngunit hindi ito sumasagot.
Matagal na syang hindi nanaginip ng masama kung kaya't muli na naman syang nag-
aalala sa sarili.

Napatingin sya sa orasan, alas onse pa lamang ng gabi. Nang mapagtanto niyang hindi
pa rin naiibsan ang kanyang takot ay naisipan niyang lumabas at magpahangin. Dali-
dali syang bumalik sa kuwarto, kumuha ng isang hoodie jacket at nagsuot ng rubber
shoes. Hindi na nya naisipan pang palitan ang suot nyang t-shirt at sweatpants.

Napagpasyahan nyang pumunta ng rooftop. Alam nya na sa ganitong mga mamahaling


condominium ay kadalasa'y may magagandang rooftop. Nang marating ang naturang
lugar, ay bumungad sa kanya ang isang malaking swimming pool na may iba't ibang
kulay ng ilaw sa ilalim ng tubig.
Tahimik at walang tao dito. Dahan-dahan nyang binaybay ang magara at malawak na
lugar. Isa-isa nyang hinahawakan ang bawat halamang madaanan. Mula sa kanyang
kinatatayuan ay kitang-kita niya ang halos kabuuan ng New York. Kung gaano kadilim
ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon ay sya namang ikinislap ng makukulay na
ilaw ng lungsod. Itinigil niya ang paglalakad at muling inisip ang panaginip.

"Hindi na ulit mangyayari ito, hindi na ulit mangyayari ito," paulit-ulit nyang
bulong sa sarili.

Lumuwag ang kanyang pakiramdam nang biglang umihip ang malamig na hangin. Tumama
ito sa kanyang mukha. Ipinikit nya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim.

Wala pang isang oras ng pagpapahangin ay naisipan niya nang bumalik sa kanyang unit
ngunit nang papaalis na sya ay nakarinig sya ng mga pagkaluskos. Nagmumula ang
ingay sa gym na matatagpuan sa bandang dulo ng rooftop. Pinuntahan niya ang lugar
upang mangusisa. Sumilip muna sya sa nakaawang nitong pinto bago pumasok.

Magaganda at mukhang mga mamahalin ang kagamitan sa gym. Regular din syang
nagwowork-out maliban na lang kung puyat, kaya't natutuwa syang malaman na meron na
syang mapupuntahan.

Naglibut-libot siya at napansin nya ang isang malaking silid na may malalaking
bintanang salamin. Sumilip sya sa bintana at doon ay nalaman nyang isa itong
basketball court. Mayroong dalawang lalaking naglalaro dito. Matatangkad ang mga
ito na sa wari nya ay parehong nasa mahigit anim na talampakan ang taas.
Nagwa one-on-one ang dalawang lalaki. Magagaling maglaro ang mga ito kaya't naaliw
siya sa panonood. Ang isa sa mga ito ay sobrang bilis kung tumakbo habang
nagdidribol at napakagaling magdunk ng bola. Tuwang-tuwa siya sa napapanood na
animo'y isang exhibition. Naalala nya kung gaano nya kahilig ang larong basketball
nung kabataan nya. Patuloy lamang siya sa panonood hanggang hindi nya namalayang
dinadala na pala sya ng kanyang mga paa papasok ng basketball court.

Samantala wala namang kamalay-malay sina Jerome at Justin na may mga matang tahimik
na nanonood sa kanila. Seryoso ang mga ito sa pag-eensayo.

Nagdribol at mabilis na sumugod sa ring sa Jerome ngunit sa mga sandaling iyon ay


naabutan sya ni Justin. Sa aktong ipapasok na niya ang bola ay bigla namang tumalon
ng mataas ang kalaro at pinalo nito ang bola. Napalakas ang palo ni Justin at nag
dire-diretso ang bola patungo sa kinatatayuan ni Sandra.

Kitang-kita ng dalaga ang lumilipad na bola papalapit sa kanyang mukha. Nanlalaki


ang kanyang mga mata ngunit bago pa man siya nito matamaan ay mabilis nyang
inangat ang kanyang kanang kamay at sinalo ito.

Nagulat sina Jerome at Justin sa nakita. Natulala naman ng ilang sandali si Sandra
habang nakatayo at hawak pa rin ng nakaangat na kamay ang bola, ngunit nang
matauhan ay nataranta ito sa hiya. Mabilis nitong ipinasa pabalik sa mga kamay ni
Jerome ang bola at patakbong lumabas sa nasabing lugar.

"Sino yun?" tanong ni Justin sa nakangangang kalaro.


Umiling Si Jerome.

"Ewan ko."

Dali-daling tumakbo si Jerome papalabas upang sundan ang babae ngunit hindi nya na
ito naabutan.

"Nakita mo?" excited na tanong ni Justin sa kababalik lang na humahangos pang


kaibigan.

"Hindi eh. Sino kaya yun?"

"Baka naman Bro isa sa mga obsessed mong tagahanga...pero imposible namang
makalusot sya sa higpit ng security dito. Namukhaan mo ba? Hindi ko kasi nakita ang
hitsura dahil natakpan ng bola ang mukha."
"Hindi ko rin nakita Bro."

Ang tanging tumatak sa utak ni Jerome ay nakasuot ito ng jacket na may hood at
sweatpants, nasa 5'6" ang taas at may kapayatan ang pangangatawan.

"Hindi kaya spy yun ng kalabang team, parang marunong sa basketball, magaling
sumalo ng bola eh." pabirong wika ni Jerome at muling ipinagpatuloy ang kanyang
paglalaro.

----

Kinaumagahan ay maagang nagising si Sandra. Balak nitong pumunta sa nakitang gym sa


rooftop. Nagbihis ito ng karaniwan nitong suot na pang work-out, maluwang na T-
shirt, jogging pants at rubber shoes. Kumuha ito ng isang bottled water sa
refrigerator at saka lumabas ng bahay. Masigla ang hitsura ng dalaga hindi mo ito
makikitaan ng anumang pagkabahala sa nangyari ng nagdaang gabi.

Naglakad si Sandra papuntang elevator. Habang papalapit, natanaw nyang may dalawang
lalaking nag-aabang din dito. Dalawa ang magkatabing elevator at nang makita nyang
sa lobby papunta ang inaabangan ng mga lalaki ay sa kabilang pinto siya pumuwesto.
Napasulyap siya sa dalawang lalaki at bigla siyang kinabahan nang mamukhaan ang mga
ito. Sila ang inistorbo nyang magkaibigan na naglalaro sa gym! Napatingin din sa
kanya ang lalaking magaling mag-dunk. Nakaramdam sya ng pamumula ng mukha kung
kaya't kaagad syang napayuko. Nakilala kaya sya? Hinintay nyang kumprontahin sya
nito... ngunit biglang tumunog at nagbukas ang pintuan ng inaabangang elevator ng
mga ito.

Nagbukas ang pinto ng elevator. At unti-unting tumambad ang mukha ni Jessica Lopez
sa harap ng magkaibigang basketbolista.

Lutang na lutang ang napakakinis at napakaputing mukha ng sikat na dalaga. Nakapony


tail ng mataas ang buhok nito na naangkop sa suot nitong malalaking hikaw. Katulad
ng mga litrato nito sa magazine, elegante at sosyal ang kasuotan ng manunulat.
Nakasuot ito ng kulay itim na pea coat, black and white printed na mini skirt, at
kulay gold na stiletto heels na bagay na bagay sa makikinis at mahahaba nitong mga
hita.

Nakanganga at natutulalang tinitingnan ng dalawang basketbolista ang sikat na


dalaga habang lumalabas ito ng elevator.

Hindi naman napansin ni Jessica ang dalawang lalaking nahihipnotismo sa mukha nya.
Nagmadali syang lumabas ng elevator at nang makita si Sandra ay agad niyang
hinawakan ito sa kanang braso at hinila pabalik ng kanyang apartment.
Parehong wala sa sariling sumakay sina Jerome at Justin sa elevator. Ilang
sandaling hindi nag-usap ang magkaibigan.

"Tama ba ang nakita ko? Nakasalubong natin si Jessica Lopez." basag ni Justin sa
katahimikan.

Tumango lamang si Jerome. Hindi pa rin siya makapagsalita. Gusto nyang kurutin ang
sarili kung totoo ngang ang hinahangaang manunulat ang kanyang nakaharap.

-----

Nagmamaneho na si Jerome ng kanyang sports car patungo sa kanilang training gym


subalit patuloy pa ring tumatakbo sa kanyang isipan ang nakitang writer. Bumibilis
ang pintig ng kanyang puso sa tuwing naiisip nya ang hitsura nito habang lumalabas
sa elevator.

Nagtataka siya kung ano ang ginagawa ni Jessica Lopez sa building nila. Alam nyang
may mga iba pang sikat na personalidad na nakatira sa nasabing lugar ngunit sa loob
ng mahigit isang taon nyang paninirahan dito ay hindi nya narinig na kabilang doon
si Jessica Lopez.
At sino ang babaeng hinila nito papalayo ng elevator?

Nasulyapan nya ang babae ngunit hindi niya gaanong nakita ang mukha nito dahil
nakayuko ito. Nakakapanibago rin na na hindi sya binati nito. Kadalasan, pag may
nakakasabay siya lalo't lalo pa ng mga babae ay binabati siya o di naman ay
nagpapakilala ang mga ito. Baka naman hindi lang sya nakita ng nasabing
babae...ngunit nahuli nyang nakatingin ito sa kanya at nang napasulyap sya dito ay
saka lamang ito napayuko.

Natigilan siya sa pag-iisip nang marating nya ang harapan ng kanilang training gym.
Katulad ng nakasanayan nya ng tanawin, punung-puno na naman ng mga kamera,
reporters at nag-aabang na mga tagahanga ang labas ng nasabing gusali .

Doble ang dami ng naghihintay na mga tagahanga sa araw na iyon at karamihan sa mga
ito ay mga babaeng may hawak-hawak na litrato ni Paris Hilton na may iba't ibang
mga negatibong nakasulat. Mayroong ekis na nakadrawing sa mukha, ang iba naman ay
may sungay at kung anu-ano pang pagpapahayag ng pagtutol nila sa pagkakasangkot nya
sa dalaga. Pagkalabas na pagkalabas pa lamang niya sa sasakyan ay pinalibutan na
sya ng mga reporters.

At katulad ng inaasahan, tinanong sya tungkol sa isyu nila ng iniuugnay na aktres.

"Mabait na tao si Paris Hilton at wala akong masasabing anumang negatibong bagay sa
kanya. Ngunit hindi totoo ang balita kaya sana ay hindi na ito lumaki. Salamat."
maiksi ngunit diretsong pahayag ni Jerome.

Naglakad ang binata papasok ng gym habang hinaharangan naman ng mga gwardya ang mga
pilit pa ring lumalapit na mga reporters at fans.

Isa sa mga hinahangaan ng tao kay Jerome ay ang pagiging totoo nito sa pagsagot sa
bawat isyung ipinupukol sa kanya. Wala ni isa mang pagkakataon na nahuling nagdi-
deny o nagsisinungaling ang binata kung kaya't anuman ang bitawan nitong salita ay
agad itong pinaniniwalaan ng kanyang mga fans. Makarisma at matalinong magsalita sa
bawat panayam ang NBA superstar, alam nito kung paano sumagot sa kahit anong klase
ng katanungan na hindi magbibigay sa kanya ng negatibong impresyon. Kaya kahit mga
taga-medya ay nirerespeto ang anumang kasagutan ng binata at hindi na nila ito
dinadagdagan ng iba pang kahulugan.

-----

"Aray, bakit ba? Anong problema mo?" reklamo ni Sandra sa kaibigang nakahawak ng
madiin sa braso nya.

"Problema? Ikaw ang problema ko!"

Kinuha ni Jessica ang cellphone sa handbag.


"Ano to? Ano tong text na to? Ayaw mo na sa bahay na to. Gusto mo ng lumipat.
Ganun-ganon lang sayo yun... Hanggang kailan mo ba ako pahihirapan dyan sa pabago-
bago mong isip?"

"Kagabi pa yan ah. Kung talagang nag-aalala ka. Bakit ngayon ka lang pumunta?"
pabirong wika ni Sandra na natatawa sa eksaheradang reaksyon ng kaibigan.

"Busy akong tao, Sandra! Kahit pagbabasa ko ng text sa telepono ay naka-schedule.


Alam mo bang may kinansel akong interview pagkatapos kong mabasa ang text mo para
lang mapuntahan ka?!"

"Sorry na nataranta lang kasi ako kagabi. Nanaginip kasi ulit ako ng masama."
malumanay na wika ni Sandra na bahagyang nakonsensiya sa kanyang ginawa.

Nagulat si Jessica sa narinig. Lumapit siya sa kaibigan, hinawakan ang magkabilang


braso at inikot-ikot ang katawan nito.

"Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba? Dapat tinawagan mo ako, tumawag ka nga
pala...dapat paulit-ulit mo akong tinawagan hanggang sagutin kita".
Ang kaninang nanggagalaiting reaksyon ng sikat na babae ay napalitan ng di masukat
na pag-aalala at pagkataranta.

Hinding-hindi makakalimutan ni Jessica ang mga pinagdaanan ni Sandra sa tuwing


nanaginip ito ng hindi maganda. Mula pito hanggang sa edad na sampung taong gulang,
naging ugali nitong umiyak magdamag sa tuwing napapanaginipan ang mga magulang.
Nasaksihan nya rin na sa loob ng tatlong araw ay nakakayanan nitong hindi kumain o
magsalita kapag inaatake ng depresyon.

Nang magdalaga si Sandra ay lalo pa itong naging weirdo. Ilang beses nitong
ginupitan ang sarili at minsan pa nga ay nahuli nya itong hinahayaang malunod ang
sarili sa swimming pool. Subalit, maliban sa pagkakaroon nito ng pasulput-sulpot na
depresyon, naging masayahing bata pa rin ang kaibigan lalo na't pag magkasama sila
nito. Mabait at malambing itong kaibigan. Si Sandra ang pinakamadaling mahaling tao
sa lahat ng nakilala nya kung kaya't hindi rin sya nagtataka kung bakit minsan ay
pakiramdam nya mas minahal pa ito ng nanay nya kaysa sa kanya.

Lumaki si Sandra sa paniniwalang hindi normal ang buhay niya kumpara sa ibang mga
bata. Namulat itong sa bawat mabubuti at magagandang bagay na kanyang nagagawa ay
hinahangaan at minamahal ito ng mga tao subalit kadalasan sa pagmamahal na yun ay
nauuwi sa pangit na karanasan.

Nang magsimulang magdalaga si Sandra ay unti-unti na itong umiwas makihalubilo sa


mga tao. Tanging siya na lamang ang lagi nitong kasama ngunit nang makapagtapos
sila ng high school ay bigla na lamang itong naglayas. Mahigit tatlong taong wala
siyang naging balita kay Sandra. At noong nasa ika-apat na taon na siya sa kolehiyo
ay dumating ang isang araw na nakatanggap siya ng tawag mula sa ina at ibinalita
nitong bumalik na sa bahay ang nawawalang kaibigan.

Sa loob ng tatlong taong pagkakahiwalay nilang dalawa ay nakitaan niya ng malaking


pagbabago si Sandra. Bumalik ang pagiging masayahin nito. Ginagawa ang anumang
bagay na gustong gawin. Naging matapang at mapanuklas. Isa lang ang nanatili sa
pag-uugali nito...ang hindi gaanong pagiging palakaibigan.
"Huwag ka ngang overacting. Hindi ako maliit na bata. Tsaka wag mo akong i-spoiled
masyado. Hindi ako pumunta dito sa New York para magkaroon ng sikat na baby
sitter".

Hinawakan ni Sandra ang kamay ng naiiyak na sa pag-aalalang kaibigan. Nakaramdam


sya ng awa nang makita ang bakas ng pagod at puyat sa mukha nito. Naisipan nyang
baguhin ang mood ng nag-aalalang kaharap.

"Masarap pala tumira sa marangyang lugar. Lahat ng bagay dito magaganda. Swimming
pool, gym, tanawin. Ahhh, unti-unti ko nang narerealize na masarap pala talaga
magkaroon ng mayamang kaibigan" wika niya sa sarili ng nakangiti habang pinaparinig
iyon sa kaibigan.

Naglakad-lakad siya paikot ng living room, ipinapakita niya kung gaano sya
nagagandahan sa apartment at saka naupo sa magarang sofa.

"Hay, masarap pala umupo sa ganito kalambot na sofa. Mabuti na lang may mabait
akong kaibigan na bumili nito."
Tumayo ulit si Sandra at nagpunta ng kusina.

"Hayy, masarap din sigurong ipagluto ng almusal ang mabait kong kaibigan."

Naglabas siya ng itlog at bacon mula sa refrigerator at habang nagpiprito ay gumawa


na rin siya ng toasted bread.

"Instant coffee lang pala ang kape ko dito. Okay lang ba sayo?"

"Okay lang ba sayo?" ulit niyang tanong.

Walang sumasagot kung kaya't bumalik sya sa living room. Doon ay nakita nya ang
tulog at naghihilik na kaibigan. Nakadapa ito sa sofa at bahagyang nakapatong ang
ulo sa thru pillow, nakalaylay ang isang kamay sa sahig habang ang mga paa naman ay
nakasuot pa ng high heels. Napangiti at napailing siya sa hitsura ng kaibigan.
Lumapit sya dito, inayos ang pagkakahiga at hinubaran ito ng sapatos. Kumuha sya ng
kumot sa kwarto at nang matapos kumutan ay tininitagan niya ang kaibigan.

Marahang hinaplos niya ito sa buhok...gusto nyang itanong sa kaibigan kung masaya
pa rin ba ito sa buhay nito ngayon.

Mula pagkabata, batid niya nang ang tanging pangarap ni Jessica ay ang sumikat at
yumaman dahil gusto nitong mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ina. Masaya sya
na natupad ang lahat ng iyon ngunit alam nya na maraming bagay ang isinakripisyo ng
kaibigan para dito. Hindi na nito nagagawa ang mga simpleng bagay na
nakakapagpasaya sa kanya. Halos lahat ng oras nito ay nauubos na lamang sa mga
interviews at pakikipagsalamuha sa mga taong hindi naman nito lubos na kilala.

Nagbalik sa kanyang alaala ang dati nilang samahan. Napupuntahan nila ang lahat ng
gusto nilang puntahan. Nagagawa nila ang mga bagay ng walang mga sumusunod o
kinatatakutang mga matang nakatingin sa kaibigan. Naalala nya tuloy ang mga araw na
para bang kulang ang maghapon sa di matapos-tapos nilang kuwentuhan at tawanan.

Bumuntong-hininga si Sandra, mahirap man pero parte ito ng pagtanda ng tao, ang
tadhana anumang gawin mo ay laging may pagbabago...

*******************************************
[4] ANG KAPITBAHAY
*******************************************

****
Sa isang tahimik at di kalakihang restaurant na may layong isang bloke mula sa
tinitirhang condo ni Jerome, kausap ng sikat na basketball player ang isang may
katabaang lalaki na nasa edad mga limampung taong gulang.

Hawak-hawak nito ang isang dyaryo.

Siya si Mr. Tan, ang agent ni Jerome simula't sapul na mag-umpisa ito sa NBA.
Simula ng sumikat ang binata ay lumutang na rin ang pangalan ng ahensyang humahawak
sa kanya. Naging maganda ang kredibilidad ng kumpanya kaya't maraming mga NBA
players ang lumilipat at nagpapahandle dito. Maging si Justin ay hawak din ng
nasabing agent.

Nakakunot ang noong inilapag ni Mr. Tan ang diyaryo sa mesa.

Nakasaad sa headline ng sport page nito ang "No Superman Show!". Tinutukoy nito ang
naganap na pagkatalo ng koponan ni Jerome nang nagdaang laban. Headline sa
napakaraming newspapers ang pangyayaring ito.

Matapos ang labinlimang sunud-sunod na panalo ay muling nakaranas ng pagkatalo ang


koponan ng New York. Ngunit ang lalong nagpaigting sa nasabing balita ay ang klase
ng paglalaro ng binata. Hindi ito nagpamalas ng galing na para bang ibang tao ang
naglaro sa court.

"Anim na turn-overs,3/20 field goal, pitong puntos.Tinalo kayo ng mahigit


dalawampung puntos ng kalaban. Ikaw ba talaga ang naglaro kagabi? May nakain ka
bang masama? Okay lang na minsan ay humina ka pero ang nangyari sayo kagabi ay
isang malaking dilubyo. Hindi maaring maulit ang ganitong pangyayari!" sermon ng
agent at sabay dukot nito sa telepono.

"Hello, Miss Tina kanselahin mo lahat ng mga endorsement meetings ni Jerome.


Pansamantala muna syang hindi tatanggap ng mga proposals!"

Ibinaba ni Mr. Tan ang telepono at muling ibinaling ang atensyon sa binata.

"Mula ngayon dadagdagan natin ang oras ng training mo. Ikaw ang sentro ng atensyon
ngayon sa NBA kaya lahat ng mga ikinikilos mo ay inaabangan ng mga kritiko.
Siguradong pag-uusapan na naman ito ng ilang araw sa ESPN!"

Binasa ni Jerome ang newspaper nang hindi makikitaan ng anumang pagkabahala sa


mukha. "Walang dahilan para mag-panic. Kilala ko ang sarili ko. Alam ko ang laro
ko, ngunit ang nangyari kagabi ay katunayan lamang na hindi ako isang perpektong
basketball player. Pagkakataon ito para maipakita sa tao na hindi tamang umasa sila
na sa bawat laban ay makakapanood sila ng isang superhero. Tama nga ang headline na
to. Hindi ako si superman. Dahil lamang sa sunud- sunod na panalo ng team ay
nakakalimutan nyo nang bilog ang bola. Minsan panalo, minsan natatalo." direkta at
mahinahong sagot niya.

Kalmado lamang siya sa kanyang kinauupuan habang pinaglalaruan ang suot niyang
rubber wristband. At nang makita niyang muli na namang maglilitanya ang agent ay
agad niya itong inunahan sa sasabihin.

"Alam nyo kung bakit excited akong maka-meeting kayo sa labas? Dahil dito..." sabay
taas niya ng kamay sa isa sa mga waiters na kanina pa nagbubulungan habang
nakatingin sa kanilang table. Umorder siya ng apat na klase ng burgers, tatlong
milkshakes, tatlong set ng salad,dalawang order ng fried chicken at apat na
pancakes.

Napanganga si Mr. Tan sa dami ng kanyang inorder.


"Darating si Justin." maiksing paliwanag niya sa nagtatakang kasama.

"Alam mo dapat pa rin nating pag-usapan ang laro mo. Baka naman hindi pa lang
maganda ang chemistry nyo ng bago nyong starting na power forward..." pagpupumilit
pa rin ni Mr. Tan na pag-usapan ang isyu.

Habang patuloy sa pag-aanalisa ang agent, inilibot naman ni Jerome ang kanyang mga
mata sa lugar na para bang walang naririnig na kausap. Nagtaka siya kung bakit
walang ibang kustomer maliban sa isang babaeng nakaupo sa isang dulong table sa
kanilang harapan.

"Nireserba ko na ang buong restaurant kaya lang nandyan na ang kustomer na yan bago
pa man ako nakatawag." paliwanag ng agent nang mapansin ang nagtataka niyang mukha.

"Hindi nyo na kailangang gawin ang ganitong bagay. Ilang beses ko bang sasabihin sa
inyo na ayoko ng mga ganitong klase ng espeyal na pagtrato."

"Sa tingin mo ba sa kabila ng mga balita ngayon ay makakapag-usap tayo ng walang


lalapit sayo?" napapailing na sagot ni Mr. Tan.

Ilang sandali pa ay sinimulan nang ihain ang mga inorder ni Jerome at siya namang
eksaktong dating ni Justin.
"Wow Bro! Idadaan ba natin ngayon sa food trip ang pagkatalo natin?" nakangiting
sambit nito pagkakita ng sandamakmak na pagkain sa mesa at naupo ito sa tapat ng
kaibigan.

"Mr. Tan narinig ko na pinapakansel mo pansamantala ang mga endorsement proposals


kay Jerome. Ipakansel nyo na ng permanente at hintayin nyong gumanda ang statistic
ko tsaka nyo ibigay sa akin!" dagdag na biro nito sa seryosong agent at sabay apir
sa nakatawang si Jerome.

Napapailing si Mr. Tan sa tanawing nakikita. Nagtatawanan lamang ang mga kaharap
nya habang sarap na sarap ang mga ito sa kinakain. Wala siyang nagawa kundi
sapilitang ikagat na lamang sa burger ang sama ng loob.

Samantala sa gitna ng masayang kwentuhan nila ni Justin, napadako muli ang tingin
ni Jerome sa kinaroroonan ng babaeng kustomer. Saglit nya itong tiningnan at unti-
unti niyang napagtanto na pamilyar ang mukha nito. Tinitigan niya ito ng mabuti
ngunit nahihirapan siyang suriin ang mukha ng babae dahil sa ayos nito. May
nakapulupot na scarf sa leeg, nakasuot ng salamin na may makapal na itim na frame,
naka bonnet at may suot na headset na nakakabit sa laptop. Mukhang may pinanonood
ito habang puno ang bibig ng kinakaing sandwich.

Namangha siya sa lakas kumain ng babae. Bukod sa hawak-hawak nitong sandwich, meron
itong dalawang basong pinag-inuman ng milkshakes, dalawang pinggan ng vegetable
salad, isang mataas na patongpatong na pancakes at tatlo pang pinagkainang mga
pinggan na wala ng mga laman.

Pilit niyang inalala kung saan nya ito nakita o nakasama. Tagahanga? Hindi kasi
walang pakialam sa kanila. Hmm...teka muli siyang napaisip ng malalim. Walang
pakialam sa kanila? Mukhang hindi sya kilala? Bingo! Sya ang babaeng hinila ni
Jessica Lopez!
Agad na sinipa niya ang paa ng kaibigan. Natigilan ito sa pagsubo at napatingin sa
kanya. Palihim niyang inginuso dito ang kinaroroonan ng babae at pasimple naman
itong lumingon sa likuran. Agad nitong nakilala ang babae.

"Sya yung babaeng kakilala ni Jessica Lopez." bulong ni Justin.

Pansamantala silang tumahimik. Pinakiramdaman nila ang kilos ng babae habang wala
namang kamalay-malay si Mr. Tan bagama't nagtataka ito sa biglang pananahimik
nilang dalawa. Panaka-nakang nilang tinitingnan ang kinaroroonan ng babae hanggang
sa nasaksihan nilang tumatawa itong mag-isa dahil sa pinapanood.

Pareho silang naaliw sa hitsura ng tumatawang babae kung kaya't napatitig sila dito
ng may katagalan. Bigla namang napatingin sa direksyon nila ang babae at nang
mahuli nitong nakatingin sila ay mabilis na binawi nito ang mga ngiti at nagseryoso
ng mukha. Halatang nakaramdam ito ng hiya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay naramdaman nilang papaalis na ang babae. Palihim na


nag-usap ang mga mata nilang magkaibigan.

"Oo nga pala Jerome. Di ba may appointment ka ng 2pm sa physical therapist?


Instruction sayo ng medical team at ni coach na hindi ka pwedeng umabsent lalo na't
natapilok ka nung nakaraang praktis. Anong oras na ba?'"

Nagkunwaring tumingin sa relos si Justin.


"Naku 1:30 na Bro! Tumayo ka na dyan!"

Nagkunwaring nagmamadali rin si Jerome sa pagtayo.

" Sige Mr. Tan sa gym nyo na lang ulit ako puntahan. Salamat sa lunch!"

Mabilis na naglakad papalabas ng restaurant ang magkaibigan samantalang naiwan ang


nagtataka at di makapagsalitang agent na punung-puno ng pagkain ang bibig.

--------

Naiinis si Sandra sa sarili habang naglalakad sa lobby ng tinitirhang gusali.


Naiisip nya ang reaksyon ng dalawang lalaki habang pinapanood sya ng mga ito na
tumatawa mag-isa.

"Baki ba kasi pakalat-kalat lagi ang dalawang higanteng yun," wika niya habang
binabatukan ang sarili.

Matamlay siyang naglakad habang walang kamalay-malay na nasa likuran niya lang pala
ang dalawang lalaki. Napansin niyang napapatingin sa direksiyon niya ang mga tao sa
lobby ngunit binalewala niya ito sa halip ay tahimik niyang itinuloy ang paglalakad
at nag-abang sa elevator. Hindi niya pa rin napansin ang dalawang nakabuntot sa
kanya kung kaya't nang sabayan siya ng mga ito sa elevator ay halos malaglag ang
puso niya sa pagkabigla.

Pinindot niya ang 30th floor at bigla syang kinabahan nang hindi man lamang
pumindot ng kahit anong palapag ang mga kasabay. Naisip nya ang nangyari sa gym ,
hindi kaya namukhaan na sya ng mga ito? Dahan-dahan siyang humakbang papalayo sa
magkaibigan habang napapalunok sa takot dahil ang lalaking mama pa mandin ng mga
ito.

Palihim namang sinesenyasan ni Jerome si Justin na kausapin ang babae. Nag-iisip pa


ng magandang sasabihin ang kaibigan subalit dahil sa walang tigil na pangangalabit
niya dito ay bigla na lang itong napabulalas.

"Miss ipakilala mo naman kami kay Jessica Lopez oh!"

Gustong humalakhak ni Jerome. Hindi siya makapaniwalang ang baberong kaibigan ay


sablay sa mga oras na iyon.

Nakahinga naman ng maluwag si Sandra nang malamang si Jessica ang dahilan kung
bakit siya sinusundan ng dalawang lalaki. Nagkunwari siyang walang narinig. Itinuon
lamang nya ang kanyang mga mata sa numerong nagsasaad kung nasa anong palapag na
sila. Nang makarating ng ika-tatlumpong palapag ay mabilis siyang lumabas ng
elevator. Subalit lumabas din ang dalawang lalaki. Hindi siya lumilingon sa likuran
ngunit nararamdaman niyang sinusundan pa rin siya ng mga ito. At nang nasa harapan
na sya ng kanyang unit ay hindi na sya nakapagpigil pa. Bigla niyang hinarap ang
dalawa.
"Wala si Jessica dito! At pag hindi kayo tumigil sa pagsunod sa akin, tatawag ako
ng security!"

Nagulat ang magkaibigan sa sinabi niya samantalang parang binuhusan naman siya ng
malamig na tubig nang makitang binubuksan ng dalawang lalaki ang pintuan ng
kabilang unit. Napatingin ang mga ito sa kanya na puno ng pagtataka ang mga mukha.
Sa muling pagkakapahiya, natatarantang binuksan niya ang sariling pintuan at
nagmamadaling pumasok dito.

Dali-daling isinara niya ang pinto at sabay untog ng ulo dito.

"Bakit ba lagi na lang akong napapahiya sa dalawang yun?"

Eto na nga ba ang sinasabi nya na kung bakit ayaw nyang mamuhay malapit kay
Jessica...

-----

Samantala, sa katabing unit ay tahimik na nakaupo si Jerome at Justin sa sofa.


Parehong nag-iisip kung tama ba ang kanilang nakita na sa katabing unit lamang nila
nakatira ang babae.

Unang binasag ni Justin ang katahimikan.

"Jackpot! Akalain mo katabing unit lamang natin ang pinuntahan ni Jessica. Bro, eto
na ang sinasabing destiny. Isipin mo sya lang ang babaeng nakakuha ng iyong
atensyon.... Aminin mo Jerome, siguro ang tingin mo rin sa kanya ay isang bituin na
napakahirap abutin...Ngunit! Dumating na lamang ang isang araw na nalaman mong may
kaugnayan sya sa kapitbahay mo. Tingnan mo nga naman parang kaylan lang ay
pinapanood lang natin sya sa TV pero ngayon maaring nasa kabilang unit lamang sya
na pwede nating makasalubong o makasakay sa elevator anumang oras. Jackpot talaga!"

"Sigurado ka bang isa kang NBA player, Justin? Kinikilabutan ako sa mga linya mo!
Hindi bagay, Bro..Ano yun?... Bituing mahirap abutin?...destiny? " sabay bato ni
Jerome ng thru pillow sa kausap."At saka papaano ka nakakasigurong makikita natin
ulit dito si Jessica Lopez. Wala pa nga tayong ideya kung kaanu-ano sya ng
kapitbahay natin. Malay mo hindi na maulit ang pagpunta nya dito." pilit na
pagtatago ng binata sa excitement na nararamdaman.

"Dati ba ay nakikita mo na yang kapitbahay natin?" kaswal na tanong ni Jerome.

" Hindi pa Bro. Mukhang bagong lipat lang yan kasi parang dati ay wala namang
nakatira dyan sa kabilang unit. Ang alam ko dating mayamang mexicano ang may-ari
nyan. Siguro ibenenta na. Baka naman kapatid yan ni Jessica kasi parang malabo
namang maging kaibigan nya yan eh."
"Wala syang kapatid." mabilis na sagot ni Jerome.

Kung ganoon, kaibigan nga siguro. Pero parang napakalayo naman ng personalidad ng
dalawa. Mukhang weird kasi tong kapitbahay natin, kakaiba tsaka bro parang hindi
man lang nai-starstruck sayo. Mukhang di ka kilala Bro!" sabay halakhak ni Justin.

"Bakit dapat ba kilala ako ng lahat? Kung anu-ano ang tumatakbo diyan sa isip mo,
mag video games na nga lang tayo. Sulitin natin ang paglalaro ngayon dahil tatlong
araw tayong nasa road games simula sa makalawa." ...

-------

Nagising si Sandra sa tunog ng kanyang telepono. Tumatawag ang kaibigan. Lumingon


sya sa bintana at nakita nyang may kataasan na ang araw. Napatingin sya sa relos,
alas-onse na ng umaga. Nakatulog na naman sya sa pagsusulat sa laptop.

"Hello..." inaantok pa niyang sagot habang nakasubsob sa mesa.


"Maghanda ka na. Remember ipapasyal kita ngayon." masayang paalala ni Jessica.

"Pwede bang i-move ng mga dalawang oras. Inaantok pa ako..."

"Hindi pwede! Isiningit ko lang ang lakad natin sa mga schedules ko ngayon!"

"Pwede bang sa ibang araw na lang..."

"Hoy! Hindi ko laging iaadjust ang oras ko para sayo ha! Bumangon ka na dyan!
Dadaanan kita sa harap ng lobby after one hour." sabay baba ni Jessica ng telepono
na hindi na nagawa pang hintayin ang sagot niya.

Wala siyang nagawa kundi mapilitang tumayo mula sa pagkakasubsob sa kanyang working
table. Matamlay siyang naglakad papuntang banyo ng may namumungay na mga mata.
Kinuha niya ang sipilyo at wala sa loob na nag-tootbrush.
Ding dong. Ding dong.

Napailing siya pagkarinig ng doorbell sa pag-aakalang si Jessica na ang nasa


pintuan. Naisip niyang pabago-bago talaga ang desisyon ng kaibigan. Ngunit pagbukas
nya ng pinto ay laking gulat niya ng bumulaga sa harapan nya ang isa sa mga
matatangkad niyang kapitbahay.

Nagulat din si Justin sa hitsura ng nagbukas sa kanya. Napatingin sya dito mula ulo
hanggang paa. Mukhang bagong gising pa lamang ito dahil sa suot nitong pajama at
ginantsilyong jacket. Gusut-gusot ang buhok, nakatabingi ang suot na salamin at may
kagat-kagat pang tootbrush.

Halatang nagtataka ito kung ano ang pakay niya. Napatingin siya sa bitbit niyang
paper bag. Nag-atubili siyang iabot ito sa babae subalit nang mapansin niya ang
naiinip na hitsura nito ay agad niyang tinibayan ang loob.

"M-Magandang umaga Miss. Pasensya ka na kung naabala kita, may hihingin sana akong
pabor para sa kaibigan ko. Masugid kasi syang tagahanga ni Ms. Lopez. Pwede bang
makahingi ng autograph niya?" sabay abot niya ng paper bag na naglalaman ng mga
libro.

Wala sa sarili tumango si Sandra at tinanggap ang paper bag. Nang isasara niya na
ang pinto ay biglang iniharang ng lalaki ang kamay nito.

"Ah Miss..pwede bang mag request na sana wag mong mabanggit ito sa kaibigan ko.
Gusto ko kasing i-surpresa to sa kanya."
Tumango ulit siya. Hindi niya magawang magsalita dahil sa nakasubong toothbrush.

Pagkasara ng pinto ay ipinatong nya ang paper bag sa sopa at muling bumalik ng
banyo. Napatapat sya sa salamin at biglang nasamid nang makita ang hitsura. Dali-
dali nyang tinapos ang pagsisipilyo at inayos ang buhok.

"Hay aakalain talaga ng mga yun na may sira ako sa ulo!"

------

Pagkalipas ng isang oras ay eksangtong pumarada ang sasakyan ni Jessica sa harap ng


condominium. Sumakay si Sandra sa harapan at itinapon ang dalang paper bag sa
likurang upuan ng kotse.

" Himala hindi mo yata inaagaw ang manibela sa akin." puna ni Jessica.
"Inaantok pa ako. Magmaneho ka na." sabay suot ni Sandra sa hood ng jacket at
umaktong matutulog.

"Hoy wag mo akong tutulugan! Hindi ko paandarin to."

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Ililibot kita para naman maging pamilyar ka dito. Ituturo ko sayo ang mga lugar na
pwede kang mag-jogging, mamasyal o mag-shopping. Baka kasi mamaya lagi ka na namang
nakakulong sa apartment mo. Tingnan mo nga yang hitsura mo. Namumutla ka na!"

Pinuntahan ng magkaibigan ang Times Square Street, Central Park, Brooklyn Bridge at
ang kanilang huling destinasyon ay ang Madison Square.

"Ano ba namang klaseng pamamasyal to. Ang kasama ko nasa loob lang kotse."reklamo
ni Sandra habang iniaabot kay Jessica ang biniling hotdog sandwich sa sidewalk.

Matapos kumain ay lumabas ng sasakyan si Sandra. Nag-unat unat siya ng katawan


samantalang nanatiling nasa kotse naman ang kanyang kaibigan. Binuksan lamang nito
ang bintana ng driver's seat habang nakasuot ng malaking sunglasses. Napatingin
siya sa isang malaking arena. Nakasulat sa harap nito ang MADISON SQUARE GARDEN.
Nakakabit sa nasabing arena ang higanteng litrato ng isang basketball player.

"Huh, kilala ko yun!" sabay turo niya sa litrato.

"Siyempre, kahit ako kilala ko sya. Wow, talagang sikat yan kung pati ikaw ay
nakakakilala sa kanya." natatawang wika ni Jessica.

Agad-agad na bumalik ng kotse si Sandra.

"Hindi ang ibig kong sabihin...kilala, as in kilala ko sya."

"Pwes, anong pangalan nya?"


Natigilan bigla si Sandra at napaisip.

"Ahhh...hindi ko alam."

Natawa bigla si Jessica.

"See. Hindi ako completely naniniwalang updated ka na sa labas ng mundo mo. Ano ka
ba? Siya si Jerome Hernandez ang sikat na sikat na NBA player."

"Oo na... hindi ko alam ang pangalan nya pero nakita ko na sya sa personal. Sya
yung isa sa higanteng lalaki na nakatira sa katabing unit ko!"

Nanlaki bigla ang mga mata ni Jessica sa sinabi ni Sandra.


"Ano? Sigurado ka!!??"

Seryosong tumango si Sandra.

"Anong hitsura nya sa personal? Gwapo ba talaga sya? Nakausap mo ba sya? Totoo bang
mabait sya?!"

"H-Hindi ko alam." tanging naisagot ni Sandra dahil sa pagkakalito kung alin sa mga
tanong ang unang sasagutin.

"Nagbibiro ka lang yata eh." wika ni Jessica na biglang napasimangot sa sagot ng


kausap.

Naalala bigla ni Sandra ang paper bag. Kinuha nya ito sa likurang upuan ng
sasakyan at iniabot sa kaibigan.
"Ano to?" nagtatakang tanong ni Jessica.

"Pirmahan mo."

"Bakit?"

"Para sa kanya." sabay turo niya sa higanteng litrato ng kapitbahay.

"SANDALI! SANDALI!" natatarantang bulalas ni Jessica. "Pakiusap pwede bang gumamit


ka ng salita ng tao. Yung naiintindihan ng kausap mo."

Nag-isip muna si Sandra kung papaano ipapaliwanag ang lahat.

"Ahhh...may dalawang lalaki sunud ng sunod sa akin. Ang isa yan. " sabay turo ulit
niya kay Jerome. "Natakot ako. Akala ko dahil sa akin yun pala dahil sayo. Tapos
isang umaga, kanina yun..lumapit ang isa, yung hindi sya." sabay turo ulit kay
Jerome. "Sabi nung isa, Miss pahinging autograph ni Jessica. Okay na?"

Hindi pa rin makuntento si Jessica sa paliwanag ng kaibigan. Nagdududa pa rin sya


ngunit inilalabas nya na isa-isa ang ang mga libro sa paper bag.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" Ayaw man nyang maniwala pero sa pagkatao ni Sandra
hindi nito magagawang magsayang ng oras para mag-imbento ng kwento lalo na't may
sangkot na ibang taong hindi naman nito gaanong kilala.

Kumuha siya ng sign pen at binuksan ang unang pahina ng isang libro para pirmahan
ito. Sa aktong pipirmahan nya na ay napansin nya na sa bandang ilalim ng pahina ay
may nakasulat na initial na J.H. Nakita rin iyon ni Sandra na noon ay nag-aabang sa
pagpirma nya.

"O kita mo, kita mo!" nakangiting bulalas ni Sandra. " J.H. Jerome Hernandez. Sabi
ko sayo sya yung isang higante eh.!" parang batang wika nito.

Nakaramdam siya ng pamumula ng mukha nang makumpirmang kay Jerome nga ang mga
librong iyon. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi nya alam kung nananaginip
lamang ba sya o totoo ang kanyang mga narinig. Hindi nya maikakaila sa sarili na
isa sya sa mga babaeng nahuhulog sa karisma ng sikat na NBA player.
Muli niyang tinitigan ng maigi ang initial at nang iniangat nya ang mga paningin ay
nagulat sya sa mukha ni Sandra na halos nakadikit na sa mukha niya. Titig na titig
ito sa kanya ng may nagdududang mga mata.

" Bakit ka namumula?" tila nang-uusig na tanong nito.

Itinulak niya papalayo ang nang-iinis na kaibigan.

"Namumula? Anong namumula! Syempre masaya ako dahil may tagahanga rin pala akong
sikat na tao." depensa niya habang pilit itinatago ang totoong nararamdaman.

"Natural sabi mo nga sikat na sikat ka na syempre kilala man o hinding tao ay
maaari mo rin maging tagahanga. Sa lahat ba ng tagahanga mong sikat...namumula ka?"
panunukso ulit nito. "Saka ba't parang hayskul na kilig na kilig ka kanina nung
malaman mong kapitbahay ko sya?"

"Kilig? Sinong kinikilig. Ako...?"

Gusto sanang magpaliwanag ni Jessica ngunit alam nyang hindi sya mananalo sa
kaibigan pagdating sa tuksuhan.
"Teka sandali nga! Parang may mali sayo... kelan ka pa natutong kumilos ng ganito?
Dati wala ka namang pakialam sa ganitong mga bagay. At kahit sinong lumapit sayo na
nanghihingi ng pabor ay wala ka namang pinagbibigyan lalung lalo na kung may
kinalaman sa akin. Pero ba't ginagawa mo to ngayon? At ginagawa mo pa to para sa
mga kapitbahay mong ni hindi mo nga alam kahit mga pangalan!"

"Gusto ko lang. Period...para matapos na ang paglapit nila sa akin...nakakatakot at


nakakapangilabot ang tatangkad pa naman." kaswal na sagot ni Sandra.

Lihim na nagseryoso nang mukha si Sandra at nag-isip dahil sa huling komento ng


kaibigan. Bakit nga ba niya ginagawa ang lahat ng ito? Dahil ang bagong lugar na
ito ay magsisilbing bagong mundo para sa kanya. May dahilan kung bakit sya
naririto....

*******************************************
[5] AUTOGRAPH
*******************************************

****

Tagumpay uli ang koponan ni Jerome sa naging tatlong laban nila sa iba't ibang
lugar. Ang kanyang naging kontrobersiyal at pangit na laro ay tuluyan ng natabunan
ng mga papuri nang muli na naman siyang nagpamalas ng kahusayan sa kanyang mga
huling laban.
Nakangiting pumasok sa kanyang apartment si Jerome. Limang araw syang nawala kung
kaya't ganun na lang ang pagkasabik nya sa kanyang pinakapribadong lugar. Agad
niyang ibinaba ang dalang backpack at nahiga sa sofa. Matapos makapagpahinga ng
ilang minuto ay bumangon siya upang buksan ang kanyang dalang bag. Inilabas nya
dito ang iba't ibang bagong biling mga video games at ganadong naglaro mag-isa.

Ganito ang kinagawian niya kapag umuuwing panalo mula sa mga road games samantalang
kapag hindi naman nagiging maganda ang resulta ng laban ay agad-agad siyang
umaakyat sa rooftop para mag-ensayo at pag-aralan ang mga naging pagkakamali nya.

Ding dong.

Nasa kasarapan siya ng paglalaro. Malapit na syang maglevel-up. Tatapusin nya muna
ito bago pagbuksan ang pinto.

Ding dong. Ding dong. Ding dong. Ding dong.

Wala siyang nagawa kundi i-pause ang nilalaro para pagbuksan ang makulit na nasa
pintuan. Pagbukas niya ay nagulat siya sa di inaasahang nag-doorbell. Ang bagong
kapitbahay!

Tiningnan ni Sandra ang nagbukas sa kanya ng may blankong reaksiyon. Magiliw siya
nitong binati ng may mga ngiti sa mukha. Hinihintay nito ang kanyang sasabihin
ngunit hindi niya ito pinansin sa halip ay sumilip siya sa nakaawang na pintuan
upang hanapin ang kaibigan ng kaharap nya.
"Nasaan yung kasama mo?" tanong niya.

"Wala sya ngayon dito, miss."

Naisip niyang ibigay na lang sa kaharap ang mga librong may autograph ni Jessica
ngunit naalala nya ang pakiusap ng kaibigan nito na ilihim dito ang tungkol sa mga
libro.

"Kelan sya babalik?"

"Bukas pa ng gabi."

Muli siyang napaisip. Abala siya kinabukasan. Marami siyang nakaplanong gagawin.
Napilitan siyang iabot na lamang ang bitbit na paper bag sa kaharap. Tinanggap
naman ito nang naguguluhang lalaki nang hindi inuusisa ang laman ng paper bag.

"Pakisabi na lang sa kaibigan mo na hindi ko matutupad ang ikalawang hiling nya."

Tatalikod na sana siya ngunit bigla syang may naalala.


"Akala ko ba masugid kang tagahanga ni Jessica bakit kulang ka ng isang libro?"

Halatang hindi naintindihan ng kaharap ang ibig nyang sabihin. Hindi na siya
nagpaliwanag pa sa halip ay tuluyan niya na itong tinalikuran. Habang naglalakad ay
narinig nya ang pagsarado ng pintuan ng kapitbahay at ilang sandali lamang ay
naulinigan nya na itong nagsisisigaw sa tuwa. Napahinto siya ng ilang saglit at
napangiti. Hindi niya maitatangging lumulundag din ang kanyang puso sa tuwing
nakakakilala ng taong nagmamahal sa mga libro ng kaibigan.

-------

Chrysler Building, 37th floor, Lexington Avenue. Isa sa mga tanyag na gusali sa New
York City.

Dito ay matatagpuan ang opisina ni Jessica Lopez. Mayroon lamang syang walong
tauhan. Dalawa para sa accounting, dalawa para sa marketing, dalawa para sa
creative department, isang personal assistant, at isang personal secretary.

Bagama't hindi kalakihan ay sosyal at elegante ang opisina na naaangkop lamang sa


personalidad ng sikat na manunulat. Mayroong loft ang nasabing lugar at dito
matatagpuan ang personal office ni Jessica.
Malapit sa hagdan papaakyat ng loft ay nakapuwesto naman ang table ng sekretarya na
si Mylene. Isa itong matandang dalaga na nasa edad talumpung pitong taong gulang,
payat, may kahabaan ang mukha at lutang na lutang sa hitsura nito ang dilaw na
dilaw at mala-goldilocks na buhok. Marangya at makulay itong manamit ngunit may
kabaduyan.

Napapalibutan ang table ni Mylene ng napakaraming bulaklak. Naka-display ang mga


ito mula sa gilid ng kalahating hagdan papababa ng loft hanggang sa buong
nasasakupan ng table ng sekretarya. Galing ito sa mga iba't ibang uri ng mga
tagahanga ni Jessica.

Ang pagtanggap sa mga flower deliveries ang syang pinakapaboritong gawain ng


sekretarya samantalang ang ibang tauhan naman ay ang syang mga naghahati-hati sa
mga chocolates at mga pagkaing pinapadala sa writer.

Umakyat ng loft si Mylene. Dahan-dahan itong lumapit sa mesa ng nagbabasang amo.


Nakita ni Jessica na may dala itong isang buhay na puting rosas na nakalagay sa
maliit na paso.

"Mylene, ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayokong may bulaklak dito sa area
ko."

"Mam! Kailangan makita nyo ito, kapag nakita nyo na at ayaw nyo pa rin pwes
aangkinin ko talaga sya!" masiglang wika ni Mylene habang ipinapatong ang halaman
sa mesa ng amo.
Tinitigan lamang ni Jessica ang puting rosas.

" Anong gagawin ko dito?"

"Mam mayroong card na nakakabit. Hindi po bawal basahin!"

Tinanggal ng writer ang nakadikit na maliit na puting envelope, binuksan at binasa


ang nakasulat dito.

To Ms. Jessica Lopez,

Thank you for being a kind-hearted person.

Enjoy your day!

Jerome Hernandez

Napanganga si Jessica sa nabasa. Napatingin siya sa kinikilig na sekretarya. Alam


ni Mylene na malaki ang paghanga niya sa basketball player.
"Naku kung alam niyo lang Ma'am kung gaano ako nataranta pagkatanggap ko niyan!"

"Teka, teka! At papaano ka naman nakakasiguro na galing kay Jerome Hernandez yan?
Malay mo may nagpapanggap lang. Ikaw talaga mabilis kang maniwala, kaya lagi kang
nabobola eh." wika niya habang pinipigilang ang sarili na huwag masiraan ng poise.

"Sandali lang. May ipapakita ako sayo!"

Nagmadaling bumaba ng hagdan si Mylene. Kinuha nito sa mesa ang isang ipad at
patakbong dinala sa kanya.

Ipinakita sa kanya ng sekretarya ang mga nakaw na litrato kay Jerome habang
bumibili ito ng bulaklak. Namilog ang mga mata niya nang makitang kaparehas nga ng
halamang nasa mesa nya ang halamang binibili ng lalaki.

"Alam niyo bang nagkalat na ang mga litratong yan sa internet? Trending na rin yan
sa lahat ng social networks. Lahat ng hoping na mga babaeng fans ay nagkakagulo na
sa curiousity kung para kanino ang bulaklak na iyan! Naku Ma'am this is it na yata
ito!" dagdag na wika ng kinikilig na sekretarya.

------

Lumabas at nagikot-ikot si Sandra sa bagong lungsod na tinitirhan. Binaybay niya


ang mga sidewalks habang panaka-nakang nangungusisa ng mga tinda ng bawat vendors
na madaanan. Nakuha ang atensyon nya ng isa sa mga dyaryong naka-display sa harapan
ng isang tindahan. Nasa frontpage nito ang litrato ng kapitbahay habang bumibili ng
bulaklak. Tahimik niya itong binasa. Wala siyang naging reaksyon tungkol sa nabasa
maliban sa pagtataka kung bakit pati pagbili ng bulaklak ng lalaki ay itinuturing
na balita.

Ibinalik niya ang diyaryo sa kinalalagyan at ipinagpatuloy ang kanyang paglalakad.


Napahinto sya sa harap ng isang pamilyar na coffee shop. Naalala nyang dito sya
unang nakipagtagpo kay Jessica sa lungsod. May nakapaskil sa harap na "Wanted
Helper". Sumilip siya sa bintana at kagaya ng dati wala pa ring kostumer ang
nasabing lugar. Tanging ang matandang lalaki at matabang serbidora pa rin ang
naroroon. Matatamlay ang mga mukha ng mga ito marahil ay sa kawalan ng mga
bumibili.

Muli siyang naglakad hanggang sa mapadaan siya sa isang malaking shopping mall.
Naisipan niyang pumasok dito. Nag window shopping sya at mapayapang naglibot-libot
habang nasa bulsa ng madalas niyang suot na hoodie jacket ang mga kamay. Napadaan
siya sa isang napakahabang pila. Napansin nya ang isang nakapilang matandang babae
na halatang nahihirapan na sa kakatayo. Itinuloy niya ang paglalakad ngunit hindi
pa man siya gaanong nakakalayo ay bigla siyang huminto. Binalikan niya ang
nakapilang matanda.

"Nay, ipipila ko na po kayo."

"Naku maraming salamat ineng kung hindi lang talaga sa kahilingan ng aking apo ay
hindi ako magtitiyang pumila dito."

Iniabot sa kanya ng matanda ang isang bagong biling t-shirt na nasa loob pa ng
plastik. Tinanggap niya ito kahit walang kaalam-alam kung ano ang gagawin niya sa
damit at kung para saan ang pipilahan.

"Tatawagin ko na lang po kayo nay kung kayo na po."


"Sige. Salamat iha."

Matiyaga siyang pumila sa isang napakahabang linya at laking gulat niya nang
marating niya ang unahan nito. Nasa harapan niya ang dalawang kapitbahay. Isa
palang autograph signing ang kanyang pinipilahan. Halatang nagulat din ang dalawang
lalaki nang mamukhaan siya ng mga ito. Binati kaagad siya ng lalaking nanghingi ng
autograph ni Jessica at ginantihan niya rin ito ng tipid na ngiti.

Samantalang naghihintay naman si Jerome na iabot sa kanya ng kapitbahay ang hawak-


hawak nitong T-shirt ngunit nanatiling nakatayo lamang ang babae na halatang walang
alam kung anong gagawin. Siya na lamang ang kusang kumuha sa damit mula sa mahigpit
na pagkakahawak nito. Binuksan niya ang T-shirt at pinirmahan. Nang nasa akto ng
ibinabalik niya sa babae ang napirmahang damit ay bigla siya nitong tinalikuran.

"Sandali lang ha." maawtoridad na wika nito sa kanya.

Bumalik ang kapitbahay na may kasama ng matandang babae. Dinala nito ang kasama sa
unahan ng pila at ipinaharap sa kanya. Tuwang-tuwa naman ang matanda habang
nakikipag-usap at nakikipagkamay sa kanya. Ilang saglit pa ay naglabas ito ng
camera at nakisuyo sa kasamang babae na kunan sila ng litrato.

Sinunod ni Sandra ang pakiusap ng matanda at matapos kuhanan ito ng litrato kasama
ang sikat na basketbolista ay nagtangka na siyang magpaalam.

"Sige po nay, iwanan ko na po kayo dito."


"Sandali lang muna iha! Halika magpakuha ka rin ng litrato kasama si Jerome
Hernandez."

"Ay huwag na po!" nakangiting sagot niya.

"Naku wag ka nang mahiya. Sayang naman ang pagkakataong ito na makapagpa-picture ka
sa isang sikat na tao."

Hinawakan ng matandang babae ang kamay niya at hinila siya papalapit sa


basketbolista. Tumayo naman sa kinauupuan nya ang lalaki at napapangiting lumapit
sa kanya na tila nahahalata nitong napipilitan lamang siyang magpalitrato. Tumabi
ito sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang mapangiti na lamang sa kamera.
Pagkatapos silang makuhanan ay agad siyang humakbang papalayo sa sikat na
kapitbahay ngunit bago pa man siya tuluyang makaalis sa kinatatayuan ay biglang
tumayo ang isa pang kapitbahay.

"Sandali. Isa pa. Pasama rin ako."

Kusang lumapit si Justin sa dalaga na nagdulot ng mga bulung-bulungan at pagtataka


sa iba pang mga nakapilang fans. Bahagyang nakahalata ang mga ito sa espesyal na
pagtrato ng dalawang basketball players kina Sandra.

Natatawa sa isipan si Sandra sa mga nangyayari. Kung hindi lang dahil sa hiling ng
matanda ay hinding-hindi nya gagawin ang ganitong bagay. Natigil ang pag-iisip niya
nang mapagtantong pinagigitnaan siya ng dalawang nagtatangkarang tao. Napatingin
siya sa magkabilaang balikat at nakitang hanggang leeg lamang sya ni Jerome
Hernandez samantalang hanggang balikat naman sya ng kaibigan nito. Pakiramdam niya
ay bigla siyang nanliit kung kaya't palihim siyang tumingkayad at saka ngumiti sa
kamera.

Nang makaalis ang kapitbahay ay naiwang napapangiti sa isipan si Jerome. Naaliw sya
sa reaksiyon nito ng kapitbahay na alam niyang pinagbibigyan lamang ang matandang
babae. Nakaramdam din siya ng kaunting paghanga sa ginawa nito para sa matanda.
Bukod sa pagiging mailap, tahimik at weirdo ay may itinatago din naman palang
kabaitan ang bagong kapitbahay...

-----

Sa itim na sasakyang hammer ni Mr. Tan ay kasama nitong nakasakay ang mga alagang
sina Jerome at Justin. Nakabihis ng pormal si Jerome. Nakasuot ito ng kulay abong
Burberry suit na napapalooban ng light blue na checkered long sleeve at kulay itim
na necktie. Patungo ang mga ito sa isang interview ni Jerome sa isang programa sa
CNN.

"Nakita mo na ba ang mga bagong pinagkakaguluhang litrato mo Jerome?" sabay abot


ng agent sa alaga ng kanyang ipad.

Kinuha ni Jerome ang Ipad at tiningnan ang litrato. Hindi ito nagbigay ng komento
sa nakita.
"May dini-date ka na ba ngayon?" usisa ni Mr. Tan.

Wala pa ring sagot mula sa binata. Naglalaro lamang ito sa kanyang cellphone na
tila hindi narinig ang tanong.

"Huwag kang mag-alala Mr. Tan kung may idi-date man yan si Jerome siguradong hindi
ka mapapahiya baka nga pati ikaw ma-starstruck," pahapyaw na biro ni Justin na
natawa nang marinig ang tanong ng agent.

Sa mga sandaling iyon ay abala si Justin sa kanyang Twitter. Kapag nagpapatay ng


oras ay ugali niyang isa-isahin ang mga tweets na naka-mention sa kanya. Napahinto
siya sa pag-scroll nang makita ang isang larawan. Ito ang kamakailan lang na kuhang
litrato nilang magkaibigan kasama ang bagong kapitbahay. Tahimik at may katagalan
nya itong tinitigan.

Napasulyap si Jerome kay Justin at naintriga sa seryosong tinitingnan nito sa hawak


na tablet. Walang pasabing hinablot niya ang tablet sa kaibigan. Doon ay nakita nya
ang larawan at bahagyang tinitigan niya rin ito ng sandali.

"Bakit mo to tinititigan? Nagagwapuhan ka ba sa kuha mo rito?" biro niya.

Isusuli niya na sana ang hawak na tablet kay Justin subalit aksidenteng napindot
niya ang screen nito at lumabas dito ang isa pang kasunod na larawan. Nakita niya
ang kuha niya kasama ang bagong kapitbahay. Bukod sa malapit ay malinaw ang
pagkakakuha ng litrato kung kaya't kitang-kita ang mukha nilang dalawa.
Napatingin siya sa mukha ng babae. Maganda ang kuha nito sa litrato. Maganda rin
ang mga ngiti at hindi mo iisiping napilitan lamang ito magpapicture. Wala itong
suot na salamin kaya lumutang ang mga mata nito na tila punung-puno ng iba't ibang
ekspresyon.

"Photogenic sya." maiksing komento niya.

-------

-"Mr. Jerome Hernandez, noong hayskul ka ay nanalo ang team nyo ng state
championship at grumadweyt ka na ang general average ng iyong grado ay 94. Noong
nasa kolehiyo ka naman ay naipasok mo ang college team nyo sa NCAA final at
nagtapos ka naman na may general average na 4.3. Paano mo napagsasabay ang pag-
aaral at ang basketball?" may paghangang tanong ng host ng programa ng telebisyon.

"Bata pa lang ho ako ay sinanay na ako ng aking mga magulang na bago ko gawin ang
ibang kinagigiliwang bagay ay dapat nauuna muna ang pag-aaral. Kung gusto ko man
maglaro ng basketball ay kailangan tapos ko muna lahat ng aking homeworks at kapag
nagawa ko na ang mga ito ay pwede na akong maglaro ng kahit ilang oras. Noong
nagkolehiyo naman ako, sa una ay nahirapan ako lalong lalo na kung may mga road
games. Pero lahat naman ay kailangan lang ng time management kung kaya't di
nagtagal ay nakapag-adjust din ako."

-"Sino ang iyong idolo?"


"Micheal Jordan."

-"Sa estado ng buhay mo ngayon. Ano ang nakapagpapasaya sayo?"

"Kapag nanalo ho ang team namin at kung may libreng oras naman ay ang paglalaro ng
video games."nahihiyang pag-amin ng binata.

-"Bukod sa pagbabasketball. Sa paanong paraan mo pa maaring mapasaya ang iyong mga


tagahanga?"

"Sa totoo lang po ay matagal ko na po talagang gustong magtayo ng sarili kong


foundation na tutulong para sa mga less fortunate na mga bata. Sa palagay ko, bukod
sa pagbabasketball, sa pamamagitan nito ay mas marami rin ho akong mapapasaya at
matutulungang tao."

-" Sa biglaan mong pagsikat. Ano ang mga gusto at hindi mo gustong karanasan?"
"Ahhh.." biglang napangiti ang binata na tipong nag-aalangang sumagot. "Mahal ko po
ang mga fans ko pero wag nyo sanang masamain ang sagot ko... Syempre ang
disadvantage ay ang kawalan ng privacy. Yung kahit anuman ang gawin mo ay may
nakatingin sayo. Pero maliit na bagay lang naman yun kumpara sa kapalit nito. Ako
naman basta para sa basketball ay kaya kong tanggapin ang anumang hirap."

-"Speaking of privacy, Mr. Hernandez kamakailan lang ay nagkalat ang mga litrato mo
na bumibili ng bulaklak? Para kanino ang bulaklak na yun samantalang alam naman
nating lahat na wala kang girlfriend?"

Napangiti ulit si Jerome sa tanong na inaasahan nyang uungkatin ngunit nagseryoso


ulit siya bago ito sagutin.

"Para po yun sa isang taong hinahangaan ko dahil sa kanyang angking talento sa


larangan ng napili nyang karera."

-"Mga kaibigan. Mr. Jerome Fernandez. Maraming salamat, Jerome saiyong pagpapaunlak
na magpainterview sa aming programa."
"Maraming salamat din sa inyo".

Tumayo ang binata at pormal na nakipagkamay sa host.

"Ayyeeeeeeiii!" tili ng kinikilig na si Mylene dahil sa katatapos lang na napanood


na interview.

Pinatay ni Jessica ang TV na kunyari ay hindi gaanong apektado.

"Ma'am nakita nyo na pati sa TV ina-acknowledge nya na may pinagbigyan nga sya ng
bulaklak! Gusto kong tumambling sa kakiligan ngayon. Headline -Si Jerome Hernandez
at Jessica Lopez nagdidate! Tulungan mo akong mag-imagine maam kung ano ang
mangyayari! Tulungan mo ako!"

" Ang bilis mo namang mag-isip, date kaagad. Humahanga lang sya dahil sa mga libro
ko. Hindi nya sinabing ang bulaklak na yon ay para sa nagugustuhan nya."

"Doon din yun mapupunta. Pipilitin ko sa aking makakaya! Magdadasal ako gabi-gabi!
Magsisimba ako linggo-linggo! Hindi ako magdidisco ng tatlong buwan! Lahat titiisin
ko matupad lang ang tambalang J.H. at J.L."
"J.H. at J.L.?? Ang corny mo Mylene para kang teenager kaya siguro ayaw mo pang
mag-asawa dahil pakiramdam mo ay menor de edad ka pa rin." tatawa-tawang wika ni
Jessica sa sekretarya.

-----

Papasok si Jessica sa lobby ng tinitirhang condominium ng kaibigan. Napatingin sya


sa relos, mag-aalas dose na ng gabi. Late na late na sya sa usapan nilang dinner ni
Sandra. Ipinagluto pa mandin sya nito.

Nagmamadali siyang tumakbo sa lobby. Lalo niya pang binilisan ang pagtakbo nang
makitang papasara na ang pinto ng isang elevator.

"Sandali! Sandali!"

Hinarangan nya ng mga kamay ang pinto at humihingal syang pumasok. Pipindutin nya
sana ang 30th floor pero nakailaw na ang numero nito. Inayos nya ang nagulong damit
at paulit-ulit na huminga ng malalim. Pagkatapos ay tumayo siya ng tuwid at
tumingin ng diretso ngunit unti-unti nyang nararamdamang tila may mga matang
nakatingin sa kanya.
Dahan-dahan syang tumingin sa katabi.

Si Jerome Hernandez!

Muntik na siyang mapaupo dahil biglang nanghina ang kanyang mga tuhod sa nakita.
Agad-agad din siyang yumuko sa pag-aalalang baka mapansin ng lalaki ang pamumula ng
kanyang mukha. Nang maka-recover sa pagkataranta ay saka niya lamang unti-unting
iniangat ang ulo.

Sa mga sandaling yun ay hindi rin alam ni Jerome ang gagawin. At kahit kagagaling
nya lang mula sa laban ay nanlalamig ang buong katawan nya sa kaba. Gusto nyang
samantalahin ang pagkakataon para kausapin ang babae upang personal itong
pasalamatan para sa pinirmahan nitong mga libro. Huminga siya ng malalim upang
humugot ng lakas ng loob at saka ibinaling ang mga mata sa katabi.

Nagkatinginan ang dalawang nakasakay sa elevator.


Nahihiyang nginitian ni Jerome ang dalaga at gumanti naman ng kiming ngiti si
Jessica.

"Salamat nga pala sa mga libro." sa wakas ay nakapagsalita rin ang binata.

"Salamat din sa bulaklak." nahihiya namang sagot ni Jessica.

Bago pa man maituloy ng dalawa ang kanilang pag-uusap ay nagbukas na ang elevator.
Hinawakan ni Jerome ang pinto upang huwag agad ito magsarado at isinenyas ang isang
kamay sa dalaga na mauna na itong lumabas.

Habang naglalakad papunta sa kanilang mga unit ay tahimik lamang ang dalawa ngunit
panaka-nakang nagkakatinginan at nagngingitian.

Nagdoorbell si Jessica at agad naman itong pinagbuksan ni Sandra. Hindi kaagad


pumasok ang dalaga. Napuna ni Sandra na may tinitingnan at nginingitian ang
kaibigan. Sumilip sya mula sa pintuan at sinundan ang mga mata ng kaharap.
"Huh ang higan...!" Kinurot ni Jessica si Sandra bago pa man nito matapos ang
sasabihin.

Nakapasok na si Jessica sa loob ng apartment ngunit nanatili pa ring nakasilip si


Sandra sa pintuan habang nagbubukas naman ng pinto nya si Jerome.

Lumabas si Sandra at walang pag-aalinlangang lumapit ito sa binata. Nakasuot ulit


ito ng karaniwan nitong damit pambahay na flare pants, T-shirt, knitted sweater at
salaming may itim na frame. Ibinuka ng dalaga ang kanyang kanang palad na halatang
may hinihingi sa kapitbahay.

"Akin na," wika ng babae na para bang naniningil.

"A-ang alin?" tanong ng nalilitong binata.

"Libro."
"A-anong libro?"

"Shadow Lady. Yung kulang."

"Ah".

Kaagad namang naintindihan ni Jerome ang ibig sabihin ng kausap. Nagmamadaling


hinanap niya ang libro sa kanyang kuwarto. At nang makita ito ay agad siyang
lumabas at ibinigay ito sa kapitbahay na matiyagang naghihintay sa kanyang pintuan.
Pagkatanggap ay agad na naman siya nitong tinalikuran. Hindi man lamang siya
binigyan ng pagkakataon upang makapagpasalamat.

"Makakalimot din lang kayo ng papipirmahan. Ang paborito ko pang libro ang pinili
nyo."

Natigilan si Jerome sa narinig. Bago niya tuluyang isarado ang pintuan, tiningnan
nya muna ang likod ng naglalakad papalayo na kapitbahay. Katulad ng babae, ang
nasabing libro din ang kanyang paborito...
*******************************************
[6] ANG COFFEE SHOP
*******************************************

****

Kaharap ng matandang kahero at ng serbidora si Sandra. Nakatitig ang mga ito sa


dalagang bitbit ang papel na may nakasulat na 'Wanted Helper'. Nagdududang
tiningnan ng mga ito ang babae mula ulo hanggang paa.

May magandang mukha, hanggang tenga ang buhok, nakasuot ng pulang bonnet, naka
kulay asul na denim jacket, itim na t-shirt, itim na leggings na may nakaibabaw na
medyo sira-sirang maong na short, pulang rubber shoes at nakasuot ng body bag.

"Sigurado ka bang mag-aapply ka bilang helper?" tanong ni Mr. Castro, ang kahero na
sya ring may-ari ng coffee shop.

"Oho." nakangiting sagot ni Sandra.

"Marunong ka bang maghugas ng pinggan, mamalengke, magluto at maglinis?" tanong


ulit ng nagdududang may-ari.

"Oho, marunong po ako."


" Bakit gusto mo ng ganitong trabaho? Ano ba ang natapos mo sa pag-aaral?"

"High school lang po ang natapos ko. Bata pa po kasi ako nang maulila. Mag-isa na
lang po akong bumubuhay sa sarili ko kaya kaylangan ko ho ng mapagkakakitaan."
nagpapaawang sagot ng dalaga.

"Sige na boss tanggapin nyo na. Mag-isa na lang pala sya sa buhay. Kawawa naman.
Maganda at bata pa naman baka mag-isip yan mag-apply sa mas madaling kumita ngunit
masamang trabaho." wika ng serbidora habang awang-awa bigla sa kanina lang ay
pinagdududahang aplikante.

"Sige tatanggapin kita pero maaring pansamantala lang ito. Titingnan ko muna kung
papaano ka magtrabaho."

"Talaga! Naku, salamat po huwag ho kayong mag-alala masipag po akong tao!"

-----

"ANO MAGTATRABAHO KA BILANG HELPER??!!! Sandali lang Sandra. Ano bang nangyayari
sayo? Nang mapunta ka ba dito sa New York ay naiwan mo sa eroplano ang utak mo?"
nanggagalaiti sa inis na bulalas ni Jessica habang kausap sa telepono ang kaibigan.

"Kailangan ko ang trabahong ito. Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Ba't bigla-bigla na lang ay parang 360 degrees naman yata ang pagbabago mo?...
Teka nga Sandra, aminin mo nga sa akin! Ano ba talaga ang ipinunta mo dito sa New
York?"

Matagal bago sumagot si Sandra.

"Magsulat ."

Natigilan si Jessica sa narinig.

Nakaramdam siya ng panghihina.


Bigla niyang ibinaba ang telepono nang hindi nagpapaalam sa kausap.

Hindi nagbago ang kanyang kaibigan...walang pagkakaiba... sya pa rin ang dating
Sandra na kilala nya.

Napaisip siya ng malalim. Hindi siya mapakali sa narinig. Pabalik-balik siyang


naglakad sa kanyang opisina at nang makitang papaakyat si Mylene ay agad siyang
huminahon at nagkunwaring masaya.

------

Maghahating gabi na ay nasa kalye pa rin si Sandra. Namasyal siya pagkagaling sa


inaplayang trabaho. Naisip nyang tingnan ang hitsura ng lungsod sa gabi. Gusto
nyang makita ng malapitan ang iba't ibang kulay ng ilaw na napagmamasdan nya lamang
mula sa kanyang mga bintana.

Dikit-dikit ang mga nagliliwanag na billboards. Magkakasunod ang mga clubs.


Maraming naglalakad na mga magaganda at nagseseksihang mga babae mula sa mga bars
at cabaret. Mayroon namang mga sopistikada at sopistikadong mga pumipila para
manood ng mga pagtatanghal sa teatro.

Matapos madaanan ang mga maliliwanag na establisyemento ay napadaan naman siya sa


isang madilim na pasilyo. Marumi ang lugar, may mga plastik ng basura na nagkalat
sa tabi. May mga pailan-ilang natutulog na mga pulubi na nakasuot ng makakapal at
marurungis na damit katabi ng mga basura. Nang malapit niya ng malampasan ang
madilim na lugar ay biglang may lumapit sa kanyang dalawang kabataang lalaki.

"Miss, pahinging pera." nakangising wika ng isang lalaki.

Napatingin siya sa kasama ng nagsalita na tila may binubunot mula sa bulsa ng


makapal nitong jacket. Ibinigay niya ng kusa ang kanyang wallet. Binuksan ito ng
lalaki at binutingting ng maigi. Ang nakangising mukha nito ay napalitan ng galit
na reaksiyon nang malamang walang lamang pera ang pitaka.

"Akin na ang bag mo!"

Galit na hinablot ng lalaki ang dala niyang bag. Itinaktak nito ang bag subalit
tanging mga papel at resibo lamang ang nagsipaglaglagan. Sinampal siya ng lalaki
ngunit nanatili lamang siyang kampanteng nakatayo. Pinilit siya nitong magbigay ng
pera at nang wala pa rin siyang maibigay ay sinampal ulit siya nito ng ilang beses.

"Wala akong pera." nagmamatigas na wika niya.

Sumenyas ang lalaki sa kasama nito para kapkapan siya. Nalalala niya ang cellphone
at dalang perang nasa bulsa ng kanyang short.
Lumapit sa kanya ang lalaking nakasuot ng makapal na jacket. Ngunit bago pa man sya
mahawakan nito ay mabilis nya itong sinipa sa tiyan. Napaupo at namilipit ito sa
sakit. Tatakbo na sana siya ngunit nahawakan ang isang kamay nya ng isa pang
lalaki. Mabilis niya ding hinawakan ang ng lalaki at pinilipit niya ito ng malakas.
Pagkatapos ay iniuntog niya ang kanyang ulo sa ulo nito. Napahawak ito sa ulo at
sinamantala niya ang pagkakataong yun para makatakbo.

Hindi niya tinigilan ang mabilis na pagtakbo. Ngunit nang matantiyang nakalayo na
sya sa lugar ay saka lamang siya huminto. Lumingon siya sa kanyang likuran, wala na
ngang naghahabol sa kanya.

Napahawak siya sa kanyang mga tuhod habang hinahabol ang kanyang paghinga.

Kinapa niya ang kinakabahang dibdib.

At mag-isang tumawa ng malakas...

-----

Matamlay na sumakay si Jerome sa elevator. Talo ang koponan niya sa gabing iyon.
Mahigpit ang naging laban nila. May pagkakataon na sana silang manalo subalit
nabigo siyang maipasok ang bola sa mga huling segundo ng laban.

Sa aktong isinasara niya na ang pinto ng elevator ay biglang may isang paang
humarang dito. Pumasok ang nakayukong kapitbahay at pumuwesto ito sa kanyang
likuran.
Tahimik at bahagyang nakayuko lamang ang babae. Palihim niya itong nilingon at
nagulat siya sa nakita. Meron itong malaking pasa sa noo at duguan ang gilid ng
bibig. Naaksidente ba ito? Basagulera ba ang babaeng ito? O di kaya meron itong
nananakit na boyfriend? Walang siyang mapaglagyan ng pagtataka kung bakit ganoon
ang hitsura ng babae.

Nang magbukas ang elevator ay dire-diretsong lumabas dito si Sandra nang hindi man
lang binati o tiningnan ang lalaking kapitbahay. Nagmamadali siyang makarating ng
kanyang unit. Pagkapasok na pagkapasok sa loob ng bahay ay agad siyang naghubad ng
bonnet at jacket, pumunta sa banyo at tiningnan ang mukha sa salamin.

"Hayss, tingnan mo ang ginawa ng mga lalaking iyon. Simula pa mandin ng trabaho ko
bukas."

Kaagad siyang nag-ayos at naglinis ng sarili.

Ding dong.

Hindi pinansin ni Sandra ang pinto at itinuloy lamang ang paglilinis sa sarili.
Pagkalabas ng banyo ay saka niya lamang naalala ang nag-doorbell. Binuksan niya ang
pintuan at tumingin sa paligid subalit wala na syang makitang tao. Isasara niya na
sana ang pinto ngunit natigilan sya nang may mapansin sa sahig.

Nakita nya dito ang isang kahon na may lamang mga gamot sa sugat...
------

Hindi mapakali si Jerome habang nakahiga sa kama. Paikut-ikot siya ng posisyon


habang pilit ipinipikit ang mga mata. Paulit-ulit na sumasagi sa kanyang isipan ang
nangyari sa kanilang laban. Isinyut nya ang bola mula sa linya ng 3- points habang
dalawang segundo na lamang ang natitira sa orasan. Bahagyang pumasok na ang bola sa
ring, nagpaikot-ikot ito ng ilang beses sa ibabaw at saka ito biglang lumabas at
sya namang pagtunog ng buzzer. Nanghihinayang siya sa nangyari. Muntik na sana
nilang matalo ang kasalukuyang kampeon ng NBA kung pumasok lang ang bola.

Makalipas ang kalahating oras ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Bumangon
siya at nagpalit ng pang-ensayong damit. Kinuha niya ang bola at lumabas ng bahay.

Umakyat siya ng rooftop. Nang makapasok na sa gym ay may naulinigan syang


nagdidribol. Sumilip muna sya para tingnan kung kakilala nya ang mga naglalaro.
Nakita niyang iisang tao lamang ang naroroon.Nakatalikod ito. Nakatayo lamang ito
sa linya ng free throw at paulit-ulit lang na nagsu-shoot ng bola. Walang mintis
ang bawat shoot nito.

Pumasok sya sa loob ng basketball court at habang papalapit sa laruan, napansin


nyang hugis babae ang katawan ng naglalaro. Nakasuot ang hood ng jacket nito sa ulo
kaya di nya pa rin masigurado. Ngunit napansin nya ang suot nitong sweat pants.
Naalala nya ang babaeng nakita nila ni Justin dito. Yun din ang suot na sweat pants
ng nasabing babae. Walang ingay na naglakad siya papalapit sa naglalaro.

"MISS!" malakas na sigaw niya at sabay bigay ng malakas na tapon dito ng hawak
niyang bola.
Napalingon ang babae at mabilis nitong sinalo ng isang kamay ang bola gaya ng dati
nitong ginawa.

Nagulat siya sa natuklasan. Ang kapitbahay nya na naman?!!

Ipinasa nito pabalik sa kanya ang bola ng may blankong mukha. Hindi man lamang siya
nito binati o kinausap.

Naghati ang dalawa sa court. Ang lalaki sa kabilang ring at ang babae naman sa
kabila. Si Sandra ay patuloy lang sa pagsu-shoot sa freethrow line habang malalim
na nag-iisip. Si Jerome naman ay maya't mayang nagdadunk at nagsu-shoot mula sa
three-point line.

Pinapagod ni Sandra ang sarili. Minsan sa ganitong paraan nya mas lalong napapagana
ang imahinasyon. Kailangang may maisulat sya sa gabing iyon.

"Pasensiya na pero hindi ko na matiis ang katahimikan...Dati ka bang kasali sa


basketball team ng eskwelahan nyo?"

Nagulat siya nang magsalita ang lalaki. Sa pag-iisip nya ng malalim ay nakalimutan
nyang may kasama pala sya sa lugar. Umiling siya bilang sagot dito.

"Bakit marunong ka sa basketball?" pilit pa ring pakikipagkwentuhan ng lalaki sa


kanya habang nagdidribol ito.

"Napanood ko."
Hindi maintindihan ni Jerome ang ibig sabihin ng kapitbahay. Napailing siya sa
malabong sagot nito at di sinasadyang napadako ang mga mata niya sa mga pasa nito
sa mukha.

"Nilagyan mo na ba ng mga gamot yan?"

Natigilan si Sandra sa pag-shoot ng bola. Napatingin ito sa lalaki. Naalala nito


ang mga nakitang gamot sa pintuan.

"Salamat." binigyan nito ng matipid na ngiti ang kausap.

"Salamat din sa mga librong pinapirmahan mo kay Ms. Jessica," sagot ni Jerome na
halatang naintindihan kung para saan ang ipinagpasalamat ng dalaga.

"Ilang beses na tayong nagkikita at nag-uusap pero hindi pa rin natin alam ang
pangalan ng isa't isa." patuloy na pakikipag-usap ng lalaki.

"Sandra Mariano."

"Ss-sandra? Sandra...ako naman si..."


"Jerome Hernandez. Kilala na kita. " mabilis na wika ni Sandra at muling ibinaling
nito ang atensyon sa ginagawa

Hindi na nakasagot pa si Jerome. Nagkibit-balikat na lamang siya sa pagiging mailap


ng bagong kapitbahay. Napansin nyang may malalim itong iniisip kung kaya't hindi
nya na ito inabala pa at nagpatuloy na lamang sa kanyang pag-eensayo...

------

"Ihingi mo ako ng jersey ni Jerome please!" pakiusap ni Jessica sa telepono sa


kaibigan.

"Bakit di ka na lang bumili. Kailangan bang manghingi ka pa?"

"Syempre yung gusto ko ang may pirma nya at galing mismo sa kanya"

"Jessica, hindi nanalantay sa ugat ko ang dugo ni kupido kaya wag mo akong utusan
ng mga ganyang klase ng bagay. Bakit hindi ikaw ang manghingi. Diba nagkakilala na
kayo ng personal. Ang lagkit pa nga ng ngitian ninyo."
"Nakasabay ko lang sya sa elevator. Malay ko ba kung magkikita ulit kami. Kaya
abangan mo si Jerome Hernandez ha at sabihin mo sa akin pag nasabihan mo na sya.
Bye!" mabilis na putol ni Jessica sa tawag na hindi na hinintay pa ang sunod na
sasabihin ng kausap.

"Mylene!"

"Yes Maam!"

Mabilis na umakyat ang sekretarya papunta sa table ng amo.

"Tawagan mo si Mr. Sanchez ng OK! Magazine. Sabihin mo pumapayag na akong magpa-


interview pero dito lang sa opisina at tatawagan na lang natin sya kung kelan."

"Copy Ma'am. Tatawagan ko kaagad sya."


"At saka Mylene," napatingin ang dalaga sa halamang rosas na nasa table nito.
"...inaalagaan mo bang mabuti ang halaman?"

"Oo naman Ma'am! Tingnan nyo nga at meron ng bagong umuusbong na bulaklak. Busy nga
ako sa paghahanap ng fertilizer na ginamit sa Jack and the Beanstalk para mailagay
ko dyan eh!"

"Ay oo nga pala Maam! Bago ko makalimutan, nanghihingi nga po pala ng meeting yung
may-ari ng Bluestar Books & Co. , next week daw po darating yung presidente nila
galing Los Angeles." pahabol na wika ng sekretarya bago bumaba ng hagdan.

"Okay..." walang ganang sagot ng dalaga.

Tiningnan ni Jessica ang halaman at napangiti siya nang makitang mayroon na nga
itong bagong sibol na bulaklak...

-----
"Boss, hindi kaya member ng isang gang yan dito sa New York si Sandra?" tanong ng
nagdududa uling si Vicky sa amo habang tinitingnan ang bagong katrabaho na
nagpupunas ng harapang salamin ng coffee shop.

"Ang sabi nya nahulog daw sya sa hagdan papasok ng apartment nya." pabulong namang
sagot ni Mr. Castro.

"Baka kaya Boss may karelasyon sya na inaapi sya, sinasaktan at binubugbog ngunit
pinagtitiisan nyang pakisamahan dahil mag-isa na lang sya sa buhay.Tingnan mo naman
ang katawan nya halatang mahina at walang kakayahang ipagtanggol ang sarili. "
naawang wika ng serbidora na bigla na namang nagpalit ng tono habang naluluha-luha.

Habang nag-uusap ay napatingin sa kanila si Sandra. Masaya sila nitong kinawayan at


binigyan ng isang matamis na ngiti. Dali-dali namang itinigil ng dalawa ang pag-
tsitsismisan at biglang nagkunwari ang mga ito na abala sa kani-kanilang trabaho.

Ginugol ni Sandra ang maghapon sa pagpapamilyar sa sarili sa bagong trabaho.


Tinuruan sya ng mga kasama na magluto ng mga pagkaing nakasulat sa menu, maglinis,
magkaha, magtimpla ng iba't ibang klase ng kape at kung papaano ang tamang
pagsisilbi sa mga kustomer. Kaya naman pagdating sa bahay ay diretso kaagad siya sa
kanyang higaan.

Mababait ang mga kasama nya sa shop kung kaya't mas ginaganahan siyang magtrabaho.
Ang ikinalulungkot nya lang ay aapat lang ang naging kustomer nila maghapon.
Nakapagtataka kung papaano tumatagal ang nasabing negosyo. Kaya siguro hindi man
lamang napapaganda ni Mr. Castro ang coffee shop at kahit ito ay nagtatrabaho na
rin para makatipid dahil mahina lamang kumita ang nasabing tindahan.
Napatingin siya sa kinaroroonan ng kanyang laptop habang nakadapa sa kama. Gusto
nyang bumangon at magsulat pa pero masakit na ang buong katawan nya. Inuulit-ulit
nya na lamang na balikan sa isipan ang mga nangyari sa kanya maghapon hanggang sa
unti-unti na rin syang makatulog sa pagod...

-----

"Ma'am medyo mabagal po ang pag-usad ng sale ng bago nyong librong, Red Thorn."
report ng marketing staff ni Jessica.

"Paano mangyayari yun eh samantalang lagi namang nasa bestseller ang libro?"
nagtatakang tanong ng writer.

"Nasa bestseller sya pero kumpara po sa mga dating nyong libro, malayo po ang agwat
ng diperensiya ng starting sale ng Red Thorn."

"Bakit, ano ba ang dahilan? Maganda naman ang mga naging reviews sa libro ko di
ba?"

"Hindi pa po kasi ino-offer ng Bluestar Books Co. ang Red Thorn sa mga kustomer
nila."
"Anoo?! Bakit nagkakaproblema ba tayo sa kanila? Matagal na silang nagbebenta ng
mga libro ko di ba? Bakit biglang nangyayari ito? " napatayo sa pagkabigla si
Jessica sa sinabi ng empleyado.

"Nabili na ho kasi ang kumpanya, mahigit isang taon na. Bago na ang may-ari.
Actuallly, simula nga ho nang magpalit ng management dun lalong lumakas ang
Bluestar. Ang Bluestar ang pinakamalakas na bookstore sa bansa at kahit sa
international lumalakas na rin sila kaya kailangan natin itong makasundo as soon as
possible." paliwanag ng staff.

"Makasundo? Eh ano ba kasi ang problema? May demand ba ang kumpanya nila?"

"Gusto daw ho nilang makausap ng personal ang author."

Natigilan bigla si Jessica sa narinig.

Author?
Gusto nilang kausapin ang author?

"Bakit gusto pa nila akong makausap bago nila ibenta ang libro ko? Kailangan ba
ikwento ko pa sa kanila kung ano ang nakasulat sa bawat pahina? This is ridiculous!
Bakit hindi kayo magdahilan na busy ako. Akala ba nila ako lang ang mawawalan kapag
hindi nila ibebenta ang libro, mawawalan din sila!" napipikong wika ng dalaga.

Tumahimik muna ang staff. Hinintay nitong kumalma ang amo bago magsalita ulit.

Nagpabalik-balik ng lakad sa inis si Jessica. Walang tigil ito sa pagbubuntong-


hininga at nang medyo kumalma ay bigla nitong naalala ang binanggit na meeting sa
kanya ni Mylene.

"Mylene!" malakas na tawag nito sa sekretarya.

"Yes po Ma'am!"
"Ano nga ang sinabi mo tungkol sa meeting ng Bluestar?"

"Pupunta daw po sa New York yung presidente ng kumpanya. Nakatawag na ho ulit ang
sekretarya nila na may schedule na nga daw po ng dating baka daw ho mga next week.
Tatawag daw ulit sila para makipag-set ng eksangtong oras at lugar."

"Pag-iisipan ko pa kung papayag ako." seryosong sagot ng manunulat.

"Kailangang-kailangan ho natin makuha ang Bluestar ma'am dahil kung hindi ay


napakalaki po ng mawawala sa atin." wika ng staff na tila kinukumbinsi ang amo.

"Bahala na! Basta, mag-isip pa tayo ng mas marami pang events para sa promotion ng
Red Thorn." naiiritang utos ng dalaga.

Tumunog bigla ang telepono ni Jessica. Tumatawag ang kaibigang si Sandra. Huminga
ng ilang sandali ang dalaga bago sagutin ang telepono.
"Hello. May nakain ka bang masama at ikaw mismo ang tumatawag?"

"Ummm...busy ka ba?" tanong ni Sandra.

"Nasa opisina ako. Bakit?"

"Pumunta ka dito sa coffee shop." utos ni Sandra na halatang bumubulong sa


kabilang linya.

"Coffee shop? Teka...teka yung coffee shop na pinagtatrabahuan mo?"

"Yap."
"Yung napuntahan ko dati na madumi at bulok?"

"Yap. Pero hindi na sya madumi ngayon, hmmm luma na lang."

"Niloloko mo ba ako?"

"Hindi."

"Ano naman ang gagawin ko dyan?"

"Bumili ka ng kape."
"Kape? Papupuntahin mo ako para lang bumili ng kape? Kung gusto mo papupuntahin ko
dyan ang staff ko at pabibilhin ko ng isandaang kape para sayo."

"Ayaw mo? Hindi kita ihihingi ng jersey kay Jerome Hernandez."

"Bina-blackmail mo ba ako?"

"Oo. Hihintayin kita... magbihis ka ng sosyal ha. Wag kang magsuot ng sunglasses."
sabay baba ni Sandra ng telepono.

Naiiling na inilapag sa mesa ni Jessica ang telepono.

"Mylene, anong oras ang event natin sa Whiteheart Charity?" tanong ng dalaga.
"3:00pm po Ma'am."

Napatingin sa relos nya ang dalaga, alas-dos na.

"Sabihin mo mali-late tayo ng konti."

"Bakit po Ma'am?"

Nag-ayos ng mukha si Jessica, nagpahid ng lipstick, hinawi ang nakalugay na buhok,


kinuha ang mamahaling handbag at sabay tayo ...

"Bibili muna tayo ng kape!"

-------

Masiglang nagma-mop ng sahig si Sandra. Patingin-tingin ito sa labas ng coffee shop


na halatang may hinihintay. Samantala, matamlay namang nakaupo sa kaha si Mr.
Castro. Si Vicky naman ay tahimik na nakapangalumbaba sa isang counter habang
nagpapalobo ng nginunguyang bubblegum.

Isang linggo ng nagtatrabaho si Sandra sa coffee shop at katulad pa rin ng dati,


wala pa ring kustomer ang nasabing lugar.

Lumipas pa ang mga kalahating oras ay biglang may pumaradang Mercedes Benz sa harap
ng kapihan. Lumabas sa magarang sasakyan si Jessica. Nakasuot ito ng puting fur
coat na tinernohan na malaking gold necklace, itim na tight jeans, Louis Vuitton
boots na may mataas na takong, malalaking hikaw at Gucci sunglasses.

Biglang napaupo ng tuwid si Mr. Castro sa nakita habang si Vicky naman ay natulala
habang nakalobo pa ang bubblegum sa bibig.

Binitawan kaagad ni Sandra ang map at mabilis na nagpunta ng counter upang batiin
ang dumarating na kustomer. Bago pumasok ng coffee shop ay hinubad muna ni Jessica
ang sunglasses. Lumapit sa counter ang sikat na writer. Tumingin ito kay Sandra at
binigyan nito ng plastik na ngiti ang kaibigan.

"Good afternoon Ma'am. Ano pong order nyo?" pagkukunwaring bati ni Sandra.

Unti-unting dumadami ang taong napapatigil sa harap ng coffee shop. Tinitingnan ng


mga ito kung si Jessica Lopez nga ang nasa loob. Hinarap ni Jessica ang mga nag-
uusyusong tao. Nginitian nya ang mga ito at kinawayan at pagharap nya ulit sa
counter ay palihim na pinandilatan niya ang kaibigan. Palihim ding ngumuso sa kanya
si Sandra.

"Bigyan mo ako ng dalawang take-out ng caramel frappucino." kunyaring order ng


sikat na babae at sabay bayad nito sa hindi pa rin makapagsalitang kahero.
Ilang sandali pa ay marami ng nakapila sa likuran ni Jessica para omorder. At
habang hinihintay ng writer ang kanyang kape ay walang humpay sa pagpapa-picture sa
dalaga ang mga bagong pasok na kustomer. Naging abala si Sandra sa pagkuha ng mga
order samantalang si Vicky naman ay walang sawa sa pagpapalitrato kay Jessica.

Maya-maya pa ay iniabot na ni Sandra ang frapuccino kay Jessica.

"Maraming salamat po Ma'am. Balik po kayo."

Kinuha ni Jessica ang kape at nagkunyaring ginantihan ng ngiti ang kaibigan. Nang
papalabas na siya ay wala na siyang madaanan dahil punung-puno na ng mga tao at
paparazzi ang harapan ng coffee shop. Pumasok si Mylene kasama ang isa pang
assistant at hinawi ng mga ito ang mga tao habang papalabas siya. Hinawakan niya ng
mataas ang kape upang sadyang ipakita sa mga tao na totoong bumili sya sa naturang
coffee shop.

Pagkasakay sa kotse ay kaagad na hinubad ni Jessica ang fur coat at nagpalit siya
ng mas simpleng coat. Kinuha nya ang biniling kape at tinikman. Napangiti siya sa
lasa, kahit anong bagay talaga ang gawin ng kaibigan ay nagagawa nito ng mahusay.

"Ano ba naman yung pinuntahan mong coffee shop Ma'am? Bakit naman dun kayo pumunta.
Akala ko pa naman sa La Colombe,Abraco, Blue Bottle tayo dadaan hindi dun sa...sa
ano bang pangalan nun Castro Café??...never heard!" wika ng naguguluhang si Mylene.

"Masarap ang kape nila. Tikman mo..." sabay abot ng dalaga sa isa pang ekstrang
kape.
Nagdadalawang-isip na tinikman ni Mylene ang kape.

"Masarap nga!" nakangiting puri ng sekretarya.

"Kita mo na!" mayabang na wika ni Jessica na noon ay nakaramdam ng pagmamalaki sa


gawa ng kaibigan.

"Pero kahit na! Hindi pa rin sosyal! Not your level!" sabay bawi ng sekretarya sa
kanyang papuri pero patuloy pa rin sa pagsipsip ng frapuccino...

-----

Kinse minutos bago mag-alas kuwatro, na-late si Jessica ng kwarenta y singko


minutos sa dadaluhang event. Habang naglalakad papasok, nag-iisip siya ng magandang
paliwanag sa organizer. Pumunta siya dito para basahan ng story book ang mga batang
kinukupkop ng Whiteheart Charity bilang parte ng selebrasyon ng anibersaryo ng mga
ito. Nakonsensiya tuloy siya na pinaghintay niya ang mga bata ng dahil sa kape ng
kaibigan.

Sa di kalayuan, natatanaw niya ang isang hall na puno ng mga bata. Doon siya
papunta at habang papalapit dito, may naririnig siyang nagsasalita sa mikropono.
Nakangiting pumasok siya sa nasabing hall at nang makita siya ng mga organizers ay
agad siyang inasikaso ng mga ito. Humingi din naman siya ng pasensiya sa
pagkakalate niya. Inalalayan siya ng mga ito patungo sa kanyang upuan.

Bago maupo ay napatingin siya sa nagsasalita sa mikropono. Nagulat sya sa nakita.


Si Jerome Hernandez. Napatingin din sa kanya ang binata at halatang nagulat din ito
nang makita siya dahil pansamantala itong nautal sa sinasabi.

Pagkatapos magsalita ng sikat na basketball player ay lumapit ito sa mga organizers


at iba pang mga panauhing naroroon. Kinamayan nito ang bawat isa. Lumapit din ito
sa kanya at pormal din siyang kinamayan. Nang maglapat ang kanilang mga palad ay di
niya tiyak kung sino sa kanila ang mas may malamig na kamay.

Maraming kasama si Jerome at karamihan dito ay mula sa kanyang basketball


organization. Hindi na ito muling lumapit pa sa kanya dahil madalas ay kausap nito
ang kanyang mga coaches. Abala din ito sa pakikihalubilo sa mga batang tagahanga.
Ilang sandali pa ay nauna ng umalis ang grupo ng mga basketbolista.

Nakaramdam ng siya ng pagkadismaya pagkaalis ng grupo nina Jerome. Para maibsan ang
tamlay, naisipan niya na muling i-review ang babasahing kuwento ngunit hindi pa man
nya nabubuksan ang unang pahina ng hawak na libro ay biglang tumunog ang kanyang
cellphone.

Isa itong text mula sa hindi kilalang numero.

" Today is a wonderful day for me because I saw you. God bless."- Jerome

Uminit ang mga pisngi niya sa nabasa. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Bigla
siyang nataranta. Nakangangang napatingin siya kay Mylene na para bang gusto niyang
manghingi dito ng saklolo upang pigilan ang tila sasabog niyang dibdib sa
kakiligan...

-----
"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyari sa atin sa araw na ito. Para
tayong nanalo sa lotto!" sabi ni Vicky habang nagliligpit ng mga mesa. "Akalain mo
si Jessica Lopez, pumasok dito.!"

"Kumusta Mr. Castro, okay ho ba ang sales natin ngayon?" nakangiting tanong ni
Sandra habang nagpupunas ng counter.

Masayang tumango ang may-ari.

" Eto na yata ang naging pinakamalaking benta ng shop sa loob ng mahigit tatlong
taon."

"Alam nyo nakapunta na yan dati dito si Jessica Lopez eh. Hindi nga lang talaga ako
sigurado kung sya talaga yun kasi nakaordinaryong ayos lang yung babae. Pero baka
sya nga yun at nagustuhan nya lang yung kape natin kaya sya bumalik!" wika ulit ng
serbidora. "Siguro simula na ito ng pagdami ng kustomer natin. Dahil siguradong
nagkalat na sa internet na pumunta dito ang isang sikat na celebrity."

Tahimik na nakikinig lamang si Sandra sa masayang pag-uusap ng mga kasama. Lihim


siyang napapangiti habang ganadong-ganado sa pagliligpit ng mga gamit...

*******************************************
[7] BASKETBALL
*******************************************

******
Isang oras nang naglalarong mag-isa sa basketball court si Sandra habang pasilip-
silip sa malaking bintanang salamin at patingin-tingin sa pintuan. Pawisang-pawisan
na siya at nakakaramdam na ng pagod. Maya-maya lang ay binitawan niya na ang bola.
Naisipan nya nang tumigil. Ngunit habang nagpupunas ng pawis ay nakarinig sya ng
mga yabag at pag-uusap. Nabobosesan nya ang magkaibigang kapitbahay.

Nagmamadaling itinapon niya ang tuwalya sa sahig. Dinampot niya ulit ang bola at
nagkunwaring seryoso sa pagdidribol at pagpapa-shoot .

Nang papasok na sa pintuan ang magkaibigan ay biglang nagpaalam si Justin kay


Jerome. Nagmamadali itong umalis na tila may emergency na pupuntahan. Tumungo naman
si Jerome sa bakanteng ring at nagsimulang maglaro nang hindi binabati si Sandra.
Naisip nitong mas makakabuting huwag ng istorbohin pa ang mailap na kapitbahay.

Palihim na sinusulyapan ni Sandra ang kinaroroonan ni Jerome. Sinadya niyang itapon


ang bola malapit sa kinatatayuan nito. Nagkunwaring hinabol nya ang bola at nang
makita nyang napatingin sa kanya ang binata ay kusa nya itong nginitian. Pagkakuha
ng bola ay nagkunwari ulit syang seryoso sa pagdidribol subalit hindi sya umalis sa
kinatatayuan malapit sa lalaki. Maya't maya nya pa ring pilit nginingitian ang
binata sa tuwing napapatingin ito sa kanya.

"May sasabihin ka ba?" hindi nakatiis na tanong ni Jerome na kanina pa nakakahalata


sa kakaibang ikinikilos ng babae.

" Nagpapahingi si Jessica ng jersey mo." walang pag-aalinlangang sabi ni Sandra.

"Totoo? Pwede ko bang i-confirm yan sa kanya?" pabirong wika ng binata na lihim na
natuwa sa narinig.

"Oo naman! Yan nga ang sinabi ko sa kanya na sya na lang ang manghingi sayo kaya
lang nahihiya ang kaibigan ko at hindi nya daw sigurado kung kelan ulit kayo
magkikita. Ah at saka pirmahan mo nga rin daw pala."
"Okay." maiksing sagot ng binata at ipinagpatuloy ulit nito ang paglalaro.

Hindi pa rin umalis si Sandra sa kinatatayuan at tuloy pa rin ito sa pagkukunwaring


pagdidribol ng seryoso. Ilang sandali pa ay lumapit ulit dito ang nakakahalatang
binata.

"May sasabihin ka pa ba?" tanong ulit ni Jerome.

"Hmmm...gusto mo bang makuha ang number ni Jessica?"

"Meron na ako."

Nagulat si Sandra sa narinig. "Huh, paano mo nakuha? Sigurado ka number nya yun?"

"Nagkita kami sa isang charity event, binigay ng sekretarya nya."

"Ahhh.." sabay tango ng babae habang nag-iisip ng susunod na sasabihin.

"Napansin kong wala ka pa ng bagong libro ni Jessica...gusto mo magkaroon nito?"

"Nakabili na ako."
"Gusto mo hingin ko ulit ang autograph niya?"

"Ako na lang ang personal na hihingi."

"Gusto mo papuntahin ko bukas si Jessica para mapirmahan nya kaagad?"

"May kailangan ka ba?" diretso uling tanong ng binata na natatawa sa biglaang


pagiging palakaibigan ng kapitbahay.

"Mahilig ka ba sa coffee?" napakaamong tanong ng nakangiting dalaga.

"Hindi. Hindi advisable ang caffeine sa aming mga players."

"Meron din kaming tindang mga juices."

"Bakit meron ka bang coffee shop? Ano to bibigyan mo ba ako ng endorsement proposal
sa kalagitnaan ng pag-eensayo ko?"

"Hindi...wala..este ibig kong sabihin wala akong coffee shop. Nagtatrabaho ako sa
isang coffee shop."
"Trabaho? Anong trabaho?"

"Helper."

"Ikaw?! Helper? Paano ka naging helper samantalang mayaman ka?" gulat na reaksyon
ng basketbolista.

"Hindi naman ako mayaman. Si Jessica ang mayaman. Kaya lang naman ako nakatira dito
dahil ipinapagamit lang ni Jessica ang unit nya." paliwanag ng dalaga na tila
isang maamong tupa.

"Ibig mong sabihin kay Jessica ang katabing unit ko?" wika ng binata na biglang
nagliwanag ang mga mata dahil sa nalaman.

Tumango ang dalaga.

"Anong kailangan mo sa akin? Kailangan mo ba ng ibang trabaho?"

Umiling ang dalaga. "Bumili ka naman sa shop namin oh. Bili ka ng kahit ano maliban
sa kape." nagpapaawang pakiusap nito.

Biglang natawa ng malakas si Jerome. "Ginawa mo rin ba to kay Jessica?"


Natahimik si Sandra. Ibinaling niya sa ibang direksiyon ang mga paningin habang
lumalaki ang mga butas ng kanyang ilong. Gusto sana niyang magsinungaling ngunit
hindi niya magawa.

"Paano mo nalaman?" inosenteng tanong ng babae.

Tumawa ulit ng malakas ang lalaki. Hindi nito mapigil ang pagka-aliw sa kausap.

"So, ikaw pala ang dahilan ng mga nagkalat na litrato ni Jessica sa internet....at
gusto mo rin akong pagkaguluhan ng mga tao doon??"

Hindi nakasagot si Sandra . Sa pananalita ng sikat na binata, sa tingin niya ay


mahirap niya itong mapapakisuyuan kung kaya't biglang napalitan ng pagkadismaya ang
maamo niyang reaksyon.

"Naku! Anong oras na ba? Kailangan ko na palang magpahinga at maaga pa ang pasok ko
bukas!" patay-malisya niyang pagpapalit ng paksa.

Binitawan niya ang bola at mabilis na nagpaalam kay Jerome. Matamlay siyang
naglakad papalabas ng pinto sa pag-aakalang hindi siya pagbibigyan ng binata.

"Sandali lang!" sigaw ng basketbolista.

Matamlay na lumingon ang babae.


"Hindi ko maipapangako pero susubukan ko."

Biglang nagliwanag ang mga mata ni Sandra at napangiti ito ng hanggang tenga.

Natigilan si Jerome sa nakita.

Naalala nya ang mukha ng kapitbahay sa nakitang litrato sa tablet ni Justin.


Kaparehas ito ng nakikita nyang kasalukuyang reaksyon ng dalaga. Pansamantala syang
nakaramdam ng bilis ng pintig ng dibdib ngunit agad naman itong nawala nang lumapit
na sa kanya ang tila masayang batang kapitbahay.

"Pero sa isang kondisyon..." pahabol ng binata. "....makikipaglaro ka sa akin


ngayon at dapat matalo mo ako."

Napakunot ng noo si Sandra.

"Paano? Hindi naman ako mananalo sayo. Ang tangkad tangkad mo na at NBA player ka
pa!"

"Kaya mo yan nakita ko namang marunong kang maglaro. Kailangan lang ay maka 6
points ka at ako naman ay 30 points. Kung sino ang unang makakaiskor nito ay syang
panalo."

Napilitang pumayag si Sandra. Nag unat-unat muna ito ng katawan na para bang
naghahanda sa isang malaking laban. Lihim namang tatawa-tawa ang basketbolista sa
kaseryusuhan ng kalaro.

Pinagbigyan ni Jerome ang babae na siyang unang humawak ng bola. Agad siya nitong
napuntusan ngunit ginantihan niya rin kaagad ito ng isang three points. Ilang beses
niyang nananakawan ng bola ang kalaban kaya't naging madali lamang sa kanya na
mapuntusan ito ng dalawampu. Nang maalarma ang babae na mukhang madali niya itong
matatalo ay bigla itong nag seryoso sa paglalaro. Ilang sandali pa ay naka 4 points
na rin ito subalit 28 points naman siya. Tig-iisang shoot na lang ay may mananalo
na sa kanilang dalawa. Ngingiti-ngiti lamang siya habang nababakas naman ang
pagkapikon sa mukha ng babae.

Hawak ni Sandra ang bola. Naisip ng babae na ito na ang huling pagkakataon para
maka-iskor dahil siguradong mapupuntusan kaagad sya ng binata pag nakuha ulit nito
ang bola. Maingat syang nagdribol ngunit nang inangat nya ang bola upang ipasok sa
ring ay bigla na naman itong naagaw ni Jerome. Mabilis na nagdribol ang lalaki
papunta sa kanyang ring ngunit hinabol niya ito ng pagkabilis-bilis at parang
kidlat na ninakawan din ito ng bola. Tumakbo siya ng ubod ng bilis at nagdribol
pabalik sa kanyang ring. Nang marating ang tapat ng basket, tumalon siya ng mataas
at itinapon ang bola sa ring. Paglapag niya mula sa pagkakatalon ng mataas ay
nawalan siya ng balanse, napaupo siya sa sahig.

Mula sa pagkakaupo ay tiningnan nya ang itinapong bola na nagpaikot-ikot sa ibabaw


ng ring. Muntik niya ng tawagin ang lahat ng mga santo habang umaasang sana ay
pumasok ang bola ngunit matapos ang ilang ikot ay kusa itong lumabas. Mabilis naman
itong sinalo ni Jerome. Hindi na siya nakipag-agawan pa, hinayaan na lamang nya na
mai-shoot ito ng lalaki. Hindi nya na nagawa pang tumayo sa pagkadismaya.

Napahiga siya sa sahig sa pagod at panghihinayang. Hinahabol niya ang paghinga


habang basang-basa ng pawis ang kanyang buong katawan.

Lumapit naman si Jerome at naupo ito sa tabi niya. Tagaktak din ang pawis nito at
hingal na hingal. Itinapon nito ang isang maliit na tuwalya sa mukha niya.

"Sigurado ka bang babae ka?"


Pinunasan niya ng pawis ang mukha at nakasimangot na tiningnan ang binata. Bakas sa
hitsura nito ang tuwa sa pagkakapanalo dahil sa laki ng mga ngiti nito. Ito ang
unang pagkakataon na natitigan nya ang lalaki ng malapitan. Makinis ang mukha nito,
makakapal ang kilay, maiitim ang bilog ng mata, matangos ang ilong, mapupula ang
mga labi, mapuputi at pantay-pantay ang mga ngipin at may maliit na dimple sa
magkabilaang pisngi.

Noon niya lang napansin na guwapo nga ang binata kaya pala marami ang
nagkakandarapang mga babae dito. Nag-iba ang kanyang pakiramdam, tila gumaan ang
dibdib niya sa mga ngiti ng lalaki ...ngunit nang muling maisip ang kanyang
pagkatalo ay muling nangibabaw ang nararamdaman niyang inis...

------

"Hello, Ma'am andito na po si Mr. Sanchez" paalala ni Mylene sa amo tungkol sa


schedule ng interview nito sa isang magazine.

"Pakisabi katatapos lang ng pictorial ko. Papunta na rin ako dyan."

"Okay po ma'am."

Pinaupo muna ng sekretarya sa waiting area ang bisitang kolumnista at binigyan ito
ng kape. Gaya pa rin ng normal na tanawin sa opisina, maya't maya ay may dumarating
na mga deliveries mula sa mga tagahanga ni Jessica.
Isa sa mga dumating sa araw na yon ay ang isang package na nakalagay sa isang
malaking puting plastik na envelope. Binuksan ito ng sekretarya at binulatlat ang
laman. Lalo pang nanlaki ang dati ng malalaking mata ni Mylene nang makitang
pirmadong jersey ni Jerome Hernandez ang laman nito. Tiningnan ulit ng sekretarya
ang loob ng envelope at dito ay mayroon pang nakalagay na isang maliit na notice at
dalawang complimentary tickets para sa laban ng sikat na NBA player.

Napatingin sa nasabing package ang bisita. Nakita ni Mylene ang pagkakatitig dito
ni Mr. Sanchez kung kaya't dali-daling ibinalik ng sekretarya sa envelope ang mga
laman nito.

Wala pang isang oras ay dumating si Jessica at binati nito ang naghihintay na
kolumnista.

"Hi Mr. Sanchez! Pasensya ka na kung napaghintay kita."

Tumungo sa opisina ng sikat na manunulat si Mr. Sanchez. Pinaupo ito ni Jessica sa


harap ng kanyang mesa. Masayang nagpalitan ng mga katanungan at kasagutan ang
dalawa. Ngunit sa kalagitnaan ng panayam ay napansin ni Mr. Sanchez ang halaman sa
ibabaw ng mesa ng dalaga.

"Napakaganda naman ng halamang ito. Isa rin ba ito sa mga bigay ng tagahanga mo?"

Nakangiting tumango ang dalaga at tiningnan ng makahulugan ang halaman.


"Isang espesyal na tagahanga ang nagbigay nito sa akin." sabay haplos ng babae sa
puting bulaklak.

Maayos na natapos ang panayam. Tumayo at nakipagkamay si Jessica sa bisita. Ngunit


bago tuluyang umalis, palihim na kinuhanan ng litrato ni Mr. Sanchez sa kanyang
cellphone ang halaman.

Inihatid ni Mylene sa pintuan ang kolumnista . At pagkaalis ng bisita ay agad na


bumalik sa kanyang mesa ang sekretarya. Kinuha nito ang package at nagmamadaling
inilagay ito sa mesa ng amo.

"Sa tingin mo Ma'am nasa ika-ilang chapter na kaya kayo ng love story nyong
dalawa?"

Hindi sinagot ni Jessica ang sekretarya. Nagmamadaling binuksan niya ang package na
nakukutuban niya na kung kanino nagmula. Binulatlat niya ang natanggap na jersey at
paulit-ulit itong binusisi na kulang na lang ay yakapin at halikan niya ito sa
harap ng empleyado.

"Ma'am wag ho kayong masyadong ma-excite. Hindi lang po dyan nagtatapos ang mundo.
Pwede nyo pa rin pong tingnan ulit ang envelope baka sakaling may iba pang laman."

Sinilip niya ulit ang envelope. Nakita niya ang dalawang tiket at isang maliit na
note na nakadikit dito.

Take it. Isipin mo na lang na naniwala ako sa kaibigan mo.

-Jerome Hernandez
"Kaibigan? Ma'am sinong kaibigan yan na nakakusap din ni Jerome. Meron bang ibang
tao na namamagitan sainyo?... Mga traydor kayo!... Wag nyong gawin sa akin to!"
pagdadrama ni Mylene. "Ma'am sinong kasama mong manonood." bigla-bigla pagpapalit
ng tono ng sekretarya.

"Hindi ikaw."pataray na sagot ni Jessica sa madaldal na kaharap.

Pagkababa ng sekretarya ay seryosong tinitigan ng maigi ni Jessica ang halaman at


ang laman ng package. Tahimik siyang nag-iisip at bumuntong-hininga. Si Mr.
Gonzales, ang halaman at ang package... lahat ito ay magkaka-ugnay para matupad ang
isang bagay na gusto niyang mangyari.

-----

"Sandra! Sandra! Alam mo na ba yung balita?" excited na wika ni Vicky sa kasama.

"Anong balita?"

"Yung tungkol kay Jessica Lopez."

"Ano nga yun?"

"Ikaw talaga lagi kang walang alam sa mga bagong balita. Nanonood ka ba ng TV?"
"Hindi."

"Gumagamit ka ba ng internet?"

"Minsan."

"Facebook. Twitter. Instagram. Alam mo?"

"Ano yung mga yun?"

"Halika alis tayo."

"Saan tayo pupunta?"

"Grade school. I-enroll kita! Sumasakit lagi ang ulo ko sayo. Mukhang mas updated
pa yata sayo ang mga elementary students. Eto oh! Si Jessica Lopez at Jerome
Hernandez ay may lihim na relasyon!" sabay turo ng serbidora sa hawak-hawak nitong
tabloid.

Tumigil si Sandra sa pagpupunas ng mga pinggan at mahinahong binasa ang dyaryo.


Nakalagay dito ang larawan ng isang halaman na nasa mesa ng sikat na kaibigan.
Kaparehas nga ito ng nakita nya ring larawan ng halaman na binili ni Jerome.
Napagtanto nyang para nga siguro kay Jessica yun dahil ang araw na napabalitang
bumili ang sikat na player ng bulaklak ay mismong pagkatapos nyang maibigay ang mga
pinirmahang libro ng kaibigan.

Wala siyang naging gaanong reaksyon sa balita. Alam nyang hindi totoo yun dahil
wala namang nababanggit sa kanya si Jessica...ngunit bigla syang nagtaka kung bakit
hindi nabanggit ng kaibigan ang tungkol sa halaman. Baka nga may relasyon na ang
dalawa... kunsabagay hindi naman sya gaanong nakikialam na pagdating sa buhay pag-
ibig ng kaibigan.

"Naku kung totoo man ito ay bagay na bagay silang dalawa! Pareho silang sikat,
matalino, gwapo't maganda at mayaman!" kinikilig na komento ni Vicky.

Hindi niya na pinansin pa ang mga pinagsasabi ng kasamahan. Sa halip ay napatingin


siya sa paligid.

Tumamlay ang kanyang pakiramdam nang makitang dadalawang kustomer lang ang
naroroon. Simula ng pumunta roon si Jessica ay ilang araw lang naging malakas ang
coffee shop. Bagama't hindi naman ito kasing hina ng dati ngunit hindi pa rin sapat
ang nagiging benta nito.

"Siguradong maraming mga babaeng tagahanga ni Jerome Hernandez ang umiiyak ngayon."

Bigla siyang nakaramdam ng inis nang marinig ang pangalan ng basketbolista sa


kasamahan. Naalala nya ang pagkatalo nya sa basketball. Pakiramdam nya ay nadaya
sya ng lalaki. Pinapaniwala siya nitong kaya niya itong talunin. Naisip nya ang
pagod na dinanas nya sa pakikipaglaro dito tapos wala naman palang mangyayari.
Bakit pa kasi sinubukan nyang humingi ng pabor sa kapitbahay!

"Jessica Lopez and Jerome Hernandez: The Wedding..."


"Ang bilis naman kasal kaagad!" may pagkayamot na wika niya nang muli na naman
nyang narinig ang pangalan ng kapitbahay. Itinapon nya ang hawak-hawak na pamunas
at pumasok sa kusina. Samantalang nagtaka naman si Vicky sa biglaang pagbabago ng
mood niya.

Ilang oras pa ang nakalipas ay nakapag move-on na si Vicky sa balita. Nililinisan


niya naman ang harapang bintana ng shop habang walang kustomer. Hinihingaan nya
muna ang salamin bago ito punasan na tila batang naglalaro.

Natigilan siya sa pagpupunas nang may pumaradang itim na sports car sa harap nila.
Itutuloy ulit sana nya ang ginagawa ngunit nabitawan niya ang hawak na pamunas nang
makitang lumabas sa sasakyan si Justin. Bigla siyang kinutuban. Napatingin ulit sya
sa sasakyan. Nagbukas ang pintuan ng driver's seat at lumabas naman dito si Jerome
Hernandez!

Nanlaki ang mga mata niya sa nakita, bigla siyang napangiti at kulang na lang ay
magtatalon siya sa tuwa. Para siyang batang nasorpresa. At bago pa man makapasok
ang dalawa ay nagpahiwatig na siya na magkunwari ang mga ito na hindi sya kilala.

Katulad nang inaasahan, kung ano ang nangyari nang pumunta si Jessica ay ganoon din
ang nangyayari sa mga oras na iyon. Ang pagkakaiba ay doble ang idinami ng tao at
mas sobrang nataranta ang kasamahang si Vicky na maya't mayang yumayakap at
humahalik sa di makapagreklamong kapitbahay.

Hindi mabura-bura ang mga ngiti sa mukha niya. Ang kaninang nararamdamang pagkainis
sa basketbolista ay napalitan ng hindi nya maipaliwanag na saya. Nagtagal ng kaunti
ang mga kapitbahay sa shop at nang papaalis na ang mga ito ay lumapit si Jerome sa
kanya. Nagsulat ito sa isang maliit na papel at iniabot sa kanya ang animo'y isang
autograph.

Pasimpleng binasa niya ang nakasulat dito.


May utang kang isang laro.

Biglang nagbago ang reaksyon niya. Laro na naman? Naisip niya ang naranasang hirap
sa pakikipaglaro dito. Ang kaninang maaliwalas na mukha niya ay unti-unting
napalitan ng may napipilitang mga ngiti...

----

Pagkaalis ng coffee shop ay tahimik lamang na nagmaneho si Jerome. Natatawa siya sa


isipan sa nakitang reaksyon ni Sandra sa biglaan nilang pagbisita. Para itong bata
na hindi maawat-awat sa pagngiti. Naaliw din siya maging sa napipilitang ngiti nito
matapos basahin ang isinulat niya sa papel. Napuna nyang may kakaibang sigla ang
dalaga sa coffee shop. Doon nya rin lang ito nakita na nakadamit pambabae. Nagmukha
itong dalaginding sa suot nitong kulay pink na bestidang unipormeng pang waitress .
Napansin nya rin nang makaharap ito sa counter na naglagay ito ng manipis na make-
up. Nakaayos ang buhok nito na may suot pang puting headband. Malayong-malayo ang
hitsura ng kapitbahay kumpara sa mga oras na madalas nya itong makita.

"Maganda pala si Sandra."

Natigilan siya sa pag-iisip nang magsalita ang kasamang si Justin.


"Parang hindi si Sandra ang nakita natin kanina. Ang layo ng hitsura sa Sandrang
madalas nating makita." dagdag pa nito.

Katulad ng iniisip nya. Ganun din pala ang napansin ng kaibigan.

"Anong masasabi mo kay Sandra, Bro?" seryosong tanong ni Justin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Yung tingin mo sa kanya. Yung masasabi mo sa pagkatao nya."

Napaisip ulit siya. Ano nga ba ang tingin nya sa kapitbahay?

"Ewan ko. Minsan mukha syang nerd, minsan masigla na parang kilos lalaki, may oras
din na nakita ko syang mukhang basagulera ngayon naman mukha syang mahinhing babae.
Hindi ko maintindihan bro."
"Sa tingin mo ba okay lang na magustuhan ko sya?"

Bigla siyang napapreno sa sinabi ng katabi. Napatingin siya kay Justin na sa mga
sandaling iyon ay seryoso ang mukha.

"Nagbibiro ka ba?" natatawang tanong niya.

"Hindi."

"Wow bro! May nakain ka bang masama lately? Paano mo sya magugustuhan eh ang layo
naman ni Sandra kumpara sa mga tipo mong babae."

"Hindi ko rin alam Bro. Pero kakaiba kasi sya. Weirdo pero espesyal. Parang
pinaghalong cute at maganda ang tingin ko sa kanya. Saka ang gaan ng pakiramdam ko
pag nakikita ko sya lalo na pag nakangiti." sabay buntong-hininga ng seryosong
kaibigan.

Hindi alam ni Jerome kung matatawa o maiirita nang mapagtantong seryoso nga ang
kaibigan sa sinasabi nito. Cute? Maganda? Weirdo? Halo-halong nararamdaman? O baka
naman gusto lang nitong ibilang si Sandra sa mga babaeng mabilisan nitong
nakakarelasyon.
"Kelan pa?" tanong niya ng may seryoso na ring mukha.

Hindi sumagot si Justin na mukhang hindi naintindihan ang tanong niya.

"Kelan mo pa sya nasimulang magustuhan?" ulit niya.

"Sa palagay ko nung makita ko syang ngumingiti mag-isa. Naalala mo yung pinuntahan
nating restaurant nina Mr. Tan?"

Muling inalala ni Jerome ang mga sandaling nakita nilang tumatawa mag-isa ang
dalaga. May kakaiba ngang kislap ang mukha ng babae sa oras na yun ngunit hindi nya
akalaing hindi pa rin pala ito makakalampas sa mga mata ng babaerong kaibigan.

Binuksan ni Justin ang player ng kotse at nagpatugtog. Hindi na nila muling pinag-
usapan pa si Sandra. Tumahimik na rin siya at nagseryoso sa pagmamaneho ngunit
pinapakiramdaman niya pa rin ang katabi dahil hindi mawala-wala sa isip niya ang
sinabi nito...

------

"JEROME! JEROME! TOTOO BANG MAY RELASYON KAYO NI JESSICA LOPEZ?" Ito ang
itinatanong ng lahat mga nakapaligid sa sikat na basketball player. Nagkakagulo.
Siksikan ang mga reporter. Walang madaanan ang binata. Wala itong maaninag kundi
ang sunud-sunod na mga pagkislap na nagmumula sa nakapalibot na mga kamera.
"Wala kaming relasyon."

"TOTOO BANG NAGPAPADALA KA NG MGA REGALO KAY JESSICA LOPEZ?" sigaw ng isa pang
reporter.

"Oo. Isa akong malaking tagahanga ni Ms. Lopez. Hanggang doon lang at sana hindi na
maabala pa ng isyu na to si Ms. Lopez." matapang na pag-amin ni Jerome.

Marami pang mga katanungan ang isinisigaw ng mga nakapaligid sa binata ngunit wala
na ni isa pang sinagutan ang NBA player. Nagdire-diretso na itong sumakay sa
dinudumog pa ring sasakyan nito.

Pinatay ni Jessica ang telebisyon. Matapos mapanood ang ambush interview ni Jerome
ay lalong nagdagdagan ang paghanga nya sa lalaki. Hindi ito katulad ng iba na
itinatago ang kanilang mga ginagawa para lamang mapangalagaan ang imahe sa mga
tagahanga.

Gusto niya ulit makita sa personal ang sikat na binata. Kukunin nya ang
pagkakataong ito upang lalong mapalapit dito. Ngayon lang ulit sya nakaramdam ng
ganitong pagkakagusto sa isang lalaki mula nang mabigo sya sa una nyang pag-ibig.
Lahat ng mga lalaking lumalapit sa kanya ay pinagdududahan nya ang mga hangarin
subalit iba sa kanila si Jerome. Hindi mo magagawang pagdudahan ang kabaitan at
pagiging totoong tao nito.

Handa na ulit siyang umibig. Ang iniingatan nyang imahe bilang isang babaeng
hanggang pangarap na lamang ng mga kalalakihan ay handa nya nang tuldukan at yun ay
para sa isang lalaking katulad ni Jerome Hernandez...

*******************************************
[8] TICKET
*******************************************
****

Nakatanggap ng isang puting envelope mula sa kanyang mailbox si Sandra. May laman
itong isang ticket ng basketball. Nakakabit dito ang isang maliit na note na
nagsasabing galing ito kay Jessica. Tiningnan niya ang detalye ng ticket. Laban
ito ng koponan ni Jerome sa darating na Linggo. Naisip nyang siguro nga ay may
relasyon na ang kaibigan at ang kapitbahay. Kinuha niya ang telepono upang kausapin
ang kaibigan.

"Hello."

Natigilan siya matapos marinig ang boses ni Jessica. Bigla siyang nagdalawang-isip.
Itatanong nya sana ang tungkol sa totoong relasyon nito sa basketbolista ngunit
napagisip-isip nyang hintayin na lamang na ito ang kusang magsabi sa kanya.

"Magkatabi ba tayo ng upuan?" tanong niya.

"Anong upuan?" naguguluhang tanong ni Jessica.

"Dito sa ticket."

"Natural."

"Palitan mo ang ticket ko." utos niya.


"Bakit na naman?!"

"Ayokong tumabi sa'yo siguradong pagtitinginan at mapu-focus ka ng mga kamera dahil


sa isyu nyo ni Jerome."

"Issue? Tama ba ang narinig ko na natututo ka nang manood ng balita?"

"Sinabi ng kasamahan ko sa trabaho."

"Hindi ko na pwedeng palitan yan. Bigay lang ni Jerome sa akin yan."

Lalong nadagdagan ang hinala niya sa narinig. Maaring totoo nga ang balita.

"Pwes, huwag mo na lang akong isama."

"At sino naman ang isasama ko?"

"Bahala ka na."

"Ah basta sumama ka!" sabay bagsak ng telepono ng kaibigan.


Naisip ni Sandra na ibalik na lamang ang ticket kay Jessica at mas mabuting
magpasama na lamang ito sa kanyang sekretarya o assistant.

Napatingin ulit sya sa ticket.

Bigla syang nakonsensiya. Marami itong mga nagawang pabor sa kanya nitong mga
huling araw at sa ganitong simpleng bagay lamang ay hindi nya ito mapagbigyan.
Ngunit ayaw nya talagang makatabi sa panonood ang kontrobersyal na kaibigan.

Naisip niya bigla si Jerome. Baka pwede nyang papalitan ang upuan ng ticket tutal
galing naman ito sa kanya. Ngunit bigla siyang nag-atubili. Nahihiya na syang
humingi ng pabor sa kapitbahay. Si Justin kaya? Tama si Justin!

Tumingin siya sa orasan. Tamang-tama alas-onse na ng gabi. Kadalasan ay sa mga


ganitong oras nasa bahay ang mga kapitbahay dahil tapos na ang kanilang laro.
Nagmadali siyang lumabas ng bahay at nag-doorbell sa katabing unit. Makailang ulit
syang nag-doorbell ngunit walang nagbubukas ng pinto. Bumalik na lamang siya sa
kanyang unit ngunit maya't maya pa rin siyang napapasilip sa pintuan sa tuwing
makakarinig ng ingay.

Makalipas ang mahigit isang oras ay masayang nag-uusap si Jerome at Justin habang
papalabas ng elevator. Nagbibiruan ang dalawa tungkol sa mga nagawang kapalpakan sa
kanilang paglalaro. Naputol ang pag-uusap ng magkaibigan nang makita ng mga ito si
Sandra na nakaupo habang nakasubsob sa kanyang mga tuhod sa tabi ng kanilang
pintuan. Mukhang natutulog na ito.

Marahang niyugyog ni Jerome ang dalaga. Nagtataka siya kung ano ang ginagawa dun ng
kapitbahay. Halatang hinihintay sila nito.
"Sandra, Sandra gising!" mahinang wika niya.

Nagising ang dalaga at nahihiyang nag-ayos ito ng sarili. Binati siya nito at
hinintay niyang sabihin nito ang dahilan ng matiyaga nitong paghihintay sa tabi ng
kanilang pintuan. Subalit, matapos syang batiin ay hindi na sya muling pinansin
nito. Sa halip ay ngumiti at lumapit ito kay Justin.

Napakunot ang noo niya sa nakita. Bakit nilalapitan bigla ng babae si Justin? Nag-
aalinlangang pumasok sya sa loob ng bahay at hinayaang mag-usap sa harap ng pinto
ang kaibigan at kapitbahay.

Inabot ni Sandra ang ticket kay Justin.

"Pwede mo bang mapapalitan ang seat number nito?" maamong pakiusap ng dalaga.

"Naghintay ka dito sa labas ng bahay dahil lang dito?" gulat na wika ni Justin.

Tumango ang dalaga. Tiningnan naman ni Justin ang ticket at natuwa ito nang
makitang para ito sa laro nila.

"Bigay sa akin ni Jessica," sumilip muna si Sandra sa nakaumang na pinto bago


muling magsalita. "Bigay to ni Jerome sa kanya." mahinang-mahinang bulong nito kay
Justin.
"Ah ganun ba?" tila walang alam na wika ng lalaki ngunit ang totoo sa kanya
ipinakisuyo ni Jerome ang pagkuha ng mga tickets.

"Papalitan mo naman ng upuan. Hindi kasi ako pwedeng tumabi kay Jessica pero gusto
kong manood." pakiusap ni Sandra ng may normal nang boses.

"Pwede rin naman kitang bigyan ng bagong ticket . Gusto mo ba?"

Muntik na sanang matuwa ang babae sa narinig ngunit nang mapatingin ito sa presyo
ng ticket ay nakita nitong may kamahalan ito.

"Huwag na palitan mo na lang ang seat number nito. Sayang din naman kung hindi
magamit eh ang mahal pala nito."

"Kung nag-aalala ka sa presyo, wag mong isipin yun dahil meron namang mga libreng
ticket na nakalaan para sa aming mga players."

"Talaga!"

"Oo naman. Pwes kung si Jessica ay binigyan ni Jerome, ako naman ang magbibigay
sayo."
"Naku , salamat! Salamat talaga!" masiglang wika ng dalaga na tila walang
mapaglagyan ng tuwa.

Napasilip bigla si Jerome sa nakaumang na pintuan nang marinig ang masayang boses
ni Sandra. Naupo siya sa sopa at nagkunwaring magbasa. Napansin niyang nagtatawanan
ang dalawang nag-uusap. Nairita siya sa nakita. Hindi siya makapaniwalang nadadala
ang mailap na kapitbahay sa mga pambobola ng babaerong kaibigan. Napatayo siya.
Padabog na itinapon niya ang ang binabasa sa sopa at magkasalubong ang kilay na
pumasok sa kanyang kuwarto...

-----

"Tsaaraaan!"

Masayang iniabot ni Sandra kay Vicky ang isang ticket.

"Ano to?"

"Tingnan mong mabuti."

"Ticket ng basketball?"

"Para sayo. Manonood tayo."

"Binibiro mo ba ako?"
Umiling si Sandra at pinakita nya rin ang kanyang ticket sa kasamahan.

"EEEEEEEEEIIIII!!!!" malakas na tili ni Vicky at sabay yakap nito sa dalaga. "Naku


sa wakas makakapasok na rin ako ng Madison Square Garden! Mapapanood ko pa si
Jerome Hernandez maglaro sa personal."

Paulit-ulit na tiningnan at hinahalik-halikan ni Vicky ang ticket.

"Teka, ba't meron ka nito? Saan galing to? Mahal to. Gumastos ka ba para lang
dito?" biglang pagseseryoso ng serbidora.

Nag-isip sandali ang dalaga sa sasabihin.

"Nanalo ako sa contest."

"Contest? Saang contest?"

"Ahhh... sa internet."

"Internet akala ko ba di ka nag-iinternet?"


"Sabi ko minsan di ba."

"Sigurado ka? Baka naman binayaran mo to. Makokonsensiya ako."

Ngumiti lamang si Sandra samantalang patuloy pa ring hinahalik-halikan ni Vicky ang


hawak na ticket.

-----

Linggo, araw ng larong nakasaad sa tiket. Pumapasok nang nakanganga at namamangha


ang magkasamang Vicky at Sandra sa loob ng napakalaking Madison Square Garden.
Maaring mahigit limampung libong tao ang kasya sa nasabing lugar. Napakaliwanag at
punung-puno ito ng ilaw. Ang ubod ng daming manonood ay animo'y mga langgam na
sunud-sunod na pumapasok at nauupo. Wala pa mang kalahating oras simula ng
magpapasok ay halos napuno na ang malaking lugar ng mga tao.

Hinanap nina Sandra ang upuang nakasaad sa kanilang ticket at laking gulat nila
nang matagpuan ito sa mismong pinakaunang hilera mula sa basketball court. Mula sa
kanilang kinauupuan ay kitang-kita nila ang isang nakasabit na higanteng TV screen
sa taas ng gitnang bahagi ng laruan.

Hindi pa man sila nakakaupo ng matagal ay dumaan sa harapan nila si Jessica. Kasama
nito ang sekretaryang may dilaw na buhok. Nagdulot ng pansamantalang kaguluhan at
bulung-bulungan ang pagdating ng babae. Nagsipagtayuan ang ibang manonood upang
lumapit sa babae para magpakuha ng autograph at magpalitrato dito. Ang iba naman ay
kinukuhanan na lamang ng litrato si Jessica mula sa kinauupuan ng mga ito.

Naupo rin sina Jessica sa unahang hilera. Halos may sampung upuang pagitan ang layo
nilang magkaibigan. Pakaupung-pagkaupo ng sikat na dalaga ay kaagad hinanap ng mga
mata nito ang kinaroroonan ni Sandra. Nakita naman kaagad nito ang hinahanap.
Palihim na kumaway si Sandra at ginantihan naman ito ni Jessica ng irap at simangot
na hanggang sa mga sandaling iyon ay nagtatampo sa katigasan ng ulo ng kaibigan.

Maya-maya pa ay nagdilim ang buong paligid. Naging kulay pula ang ilaw ng court at
unti-unting may mga lumalabas na usok. Nagbukas ang isang malaking kulay dilaw na
spotlight at nagsalita ang isang announcer. Nagsimulang mag-ingay at maghiyawan ang
mga manonood. Sinimulang ipakilala isa-isa ang mga manlalaro. Unang tinawag ang
line-up ng kalabang koponan at sumunod naman ang mga manlalaro ng koponan ng New
York. Pinakahuling tinawag ang pangalan ni Jerome Hernandez na sya namang
nakatanggap ng hindi mailarawang lakas ng palakpakan at hiyawan.

Matapos tawagin ang lahat ng players ay muling nagliwanag ang basketball court.
Pasimpleng inikot ni Jerome ang kanyang mga paningin. Hinanap niya ang kinauupuan
ni Jessica. Mga anim na upuan mula sa sulok ng koponan nila ay nakita nya ang
dalaga. Napakaganda nito. Nakalugay ang maitim at unat na mahabang buhok. Walang
gaanong bahid ng make-up. Nakasuot ito ng simpleng jeans, fit na sporty T-shirt,
hobo scarf at boots, kasuotang naangkop lamang sa pinuntahan nitong lugar.

Kiming nakaupo naman si Sandra sa kanyang pwesto samantalang ang kasama niya ay
abala sa paglingon-lingon sa paligid na nagbabakasaling makakita pa ng mga sikat na
celebrities. Napatingala siya sa higanteng monitor at pinapakita dito ang masayang
mukha ni Jerome habang nakikikamay sa ibang mga manlalaro. Biglang nagpalit ng
larawan ang higanteng screen at pinakita naman nito ang magandang mukha ni Jessica.
Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao dahil dito. Maging siya man ay napangiti sa
napanood, natutuwa syang malaman na maganda ang pagtanggap ng mga tagahanga ni
Jerome sa kanyang kaibigan.

Bago pumasok ng court ay muling inikot ni Jerome ang kanyang mga mata at di
sinasadyang napalingon sya sa kinauupuan ng tila pamilyar na mukha. Nagulat siya sa
nakita. Si Sandra? Ilang beses nyang ikinurap ang mga mata upang makasigurado kung
totoo ngang si Sandra ang kanyang nakikita. Ang pagkakaalam nya ay hindi ito ang
kasama ni Jessica. Bakit naroroon ang kapitbahay? Ilang saglit pa ay may nginitian
at kinawayan ito. Sinundan niya ang tinitingnan nito at doon ay nakita niya ang
kaibigang si Justin na kumaway din sa kapitbahay.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang laban. Magaling ang kalabang koponan nina
Jerome. Hindi gaanong nakakatira ang binata sa galing ng pagbabantay ng kalaban.
Natapos ang first-half na lamang ang kabilang team ng labinlimang puntos.

Simula na ng pangatlong quarter. Hindi pa rin gumaganda ang laro ng koponan ni


Jerome. Nakikita ni Sandra na hindi na mapakali ang coach ng team ng mga
kapitbahay. Maya't maya itong tumatayo, sumisigaw at napapakamot sa ulo. Nakaramdam
din sya ng kaunting pagkatensyon at inis. Bakit ba hindi man lang magpasikat sa
kaibigan nya ngayon si Jerome! Naku-concious ba ito?

Nang mangalahati na ang third quarter ay mas lalo pang lumamang ang kalaban, umabot
na ito ng bente puntos. Nakikihiyaw at nakiki-boo na rin si Sandra. Ngunit maya-
maya lang ay sumuko na sya. Malapit niya nang tanggapin na talo na ang team ng mga
kapitbahay. Nakapanglumbabang naupo na lamang sya habang tahimik na nanonood.

Nanatili siyang matamlay sa kinauupuan hanggang sa bigla na lamang ipinasa ng


kalabang player ang bola sa kakampi nito na nasa harapan niya. Malakas ang
pagkakapasa ng bola at sa kasamaang palad ay hindi ito nasalo ng pinasahang
manlalaro. Sa halip kitang-kita niya ang rumaragasang bola patungo sa kanyang
mukha. Sasaluhin nya ba? Hahayaan? Sasaluhin? Hahayaan? Hanggang sa blagg!

"Sandra! Sandra! Okay ka lang?" naririnig niyang sigaw ni Vicky habang niyuyugyog
nito ang kanyang balikat.

Pansamantalang nagdilim ang paligid sa lakas ng pagkakatama ng bola sa kanya.

"O-Okay lang ako." pagmamatapang na wika niya.

"Naku Sandra dumudugo ang ilong mo!" sabay pagmamadali ng kasama sa pagkuha ng
tisyu sa bag nito.
Hinawakan niya ang kanyang ilong. May dugo nga!

"Huwag kang maingay. Iabot mo na lang sa akin yang tisyu." bulong niya sa kasama
habang nakatakip ang isang kamay sa ilong.

Napatayo naman si Jessica nang makita ang nangyari kay Sandra. Muntik na sana nya
itong lapitan ngunit naisip nyang hindi ito magugustuhan ng kaibigan.

"Kawawa naman sya. Sana fans sya ng kalaban at least nasaktan man sya nananalo
naman ang team nila." wika ni Mylene.

"Tumahimik ka nga! Nakita mo ng nasaktan yung tao!" napipikong bigkas ni Jessica.

Tumawag ng time-out ang referee. Lumapit kay Sandra ang manlalarong nakatama sa
kanya at nanghingi ito ng pasensya. Si Justin naman ay nagmadaling lumapit sa isa
sa mga medical team at lumapit ang medikong ito sa dalaga. Subalit tumanggi si
Sandra na patingnan ang kanyang mukha at nagpasalamat na lamang.

Hindi naman malaman ni Jerome ang gagawin. Lalapitan niya na sana si Sandra para
kumustahin subalit bigla siyang tinawag ng coach at kinausap. Naubos ang oras ng
time-out sa kanilang pag-uusap kaya't hindi niya na napuntahan pa ang babae.
Subalit bago bumalik ng court, palihim niyang tiningnan ang kinaroroonan nito.
Nakita nyang pinupunasan nito ng tisyu ang patuloy pa ring dumudugong ilong.
Nakaramdam siya ng galit sa nakita.

Nang magpatuloy ang laban ay biglang nagbago ang laro ni Jerome. Sa bawat
pagkakataon na mahawakan nito ang bola ay walang takot itong sumusugod sa ring at
pumupuntos. Hindi na ito magawang bantayan pa ng kalaban dahil sa naging sobrang
bilis ng kilos at pagtakbo nito. Makailang ulit itong nag dunk. At paulit-ulit
nitong ninakawan ng bola ang kalaban.

Kagaya ni Jerome, nabuhayan din ng dugo sa paglalaro si Justin. Nagsasagutan ang


dalawa sa pagpuntos hanggang sa magmukhang nagkokontest na ang magkaibigan.
Naghitsurang magkalaban ang dalawa sa pag-uunahan sa paghawak at pag-shoot ng bola,
ang pagkakaiba nga lang ay sa iisang ring nila ito ipinapasok. Muling sumigla ang
paligid. Nagsimula na ulit ang walang tigil na hiyawan at palakpakan.

Natapos ang laro na naipanalo nina Jerome ang laban. Agad-agad namang umalis sina
Sandra bago pa man magsipaglabasan ang karamihan sa mga manonood.

"Bakit ka ba nagmamadali? Hindi pa nga natin nanamnam ang pagkapanalo nina Jerome
Hernandez. Magpapalitrato at manghihingi pa mandin ako ng autograph sa ibang
players" nagrereklamong sambit ni Vicky nang makalabas na sa Madison Square Garden.

"Baka kasi may lumapit pang mga naawang tao sa akin. Nakakahiya."

Ang totoo ay gusto lang umiwas ni Sandra sa pagkakataon na baka lapitan sya ni
Jessica o ng dalawang kapitbahay dahil sa nangyari. Nag-aalala sya na baka mabuko
sya ng kasama na kakilala nya ang mga ito.

-----

Sa locker room ay magkatabing nagbibihis si Justin at Jerome. Ilang sandaling


walang imikan at nagpapakiramdaman ang mga ito.

"Kelan pa?" basag ni Justin sa katahimikan.

"Anong kelan pa?" nagtatakang tanong ni Jerome.

"Kelan ka pa nagsimulang magkagusto kay Sandra?"

Nagulat si Jerome sa tanong ng kaibigan. Natigilan siya sa pabubutones ng kanyang


polo. Napatingin siya kay Justin at biglang natawa.

"Ako may gusto kay Sandra? Bro, mukhang nasobrahan ka yata ng gatorade ngayon.
Bakit naman ako magkakagusto sa taong yun. Kapitbahay at kaibigan ni Jessica, yan
ang tingin ko sa kanya. Pero gusto? Imposible naman ata yang tanong mo! Nagpapatawa
ka ba?"

Hindi siya sinagot ng kaibigan. Hindi na ito muling nagsalita pa ngunit bakas sa
hitsura nito na hindi ito kumbinsido sa sinabi niya. Nagmadali itong nagbihis.
Iniligpit ang gamit, tumalikod at walang paalam na iniwanan siya.

"Hoy hintayin mo ako! Hindi pa ako tapos magbihis." sigaw niya sa tinotopak na
kasama.

Dire-diretso pa rin sa paglalakad si Justin na tila walang naririnig.


Idinaan niya na lamang sa iling at ngiti ang nakakapanibagong kilos ng kaibigan.
Ipinagpatuloy niya ang pagbibihis ngunit ilang ulit ding sumagi sa isip niya ang
tanong ni Justin. May gusto sya kay Sandra? Hindi niya lubos maintindihan kung
bakit nakapagsalita ng ganoon ang kaibigan. Siguro dahil sa may gusto ito sa dalaga
kaya pinagdududahan nito pati ang pagiging malapit nya sa kapitbahay.

Tumunog ang telepono niya. Binasa niya ang natanggap na text.

Congratulations! You were amazing. - Jessica

Gumuhit ang mga ngiti sa kanyang mga labi. "Gusto? Pwes ang babaeng ito ang
totoong gusto ko..."

-----

Sa sasakyan, ilang beses nagdalawang-isip si Jessica kung pipindutin nya ang send
button sa ginawang mensahe para kay Jerome. At nang makuhang ipadala ang text ay
agad siyang nakaramdam ng hiya. Ayaw nyang isipin ng basketbolista na patay na
patay sya dito. Ngunit wala naman sigurong masama kung babatiin nya lamang ito.

"Sobra! Nakaka-inlove talaga maglaro si Jerome. Ang galing-galing nya. Ma'am pwede
bang pahiram muna sa kanya. Pwede ko ba syang ma-hire ng isang gabi para maglaro na
ako lang ang audience. At ang ipambabayad ko ay isang lifetime na pagsisilbi. Okay
lang ba Ma'am?" wika ng namamaos ng si Mylene dahil sa walang tigil nitong
kakasigaw sa panonood.
" Nakakadiri ka Mylene. Ang laki ng agwat ng edad mo kay Jerome tapos
pinagnanasahan mo pa!"

"Ma'am, age doesn't matter and what matter is anything that has mass that occupies
space.ayeeeiiiih!"

"Hindi ka ba napapagod sa kakadaldal? Tingnan mo nga yang boses mo namamaos na."

Biglang tumunog ang telepono ni Jessica.

Thank you. I saw you there. I'm happy.- Jerome

Hindi naitago ni Jessica ang pagkakilig. Napapangiti ito habang nakatitig sa


cellphone.

" Sino yan Ma'am? Si Jerome. OMG!"

"Ma'am para kayong mga dalaginding at binatilyo na text lang ng text. Bakit di nyo
subukan na mag-usap ng personal. As I said, hindi ito bawal! Bilis-bilisan nyo
namang dalawa ang pag-level up, kapagod mag-abang ng next episode!"

Hindi pa rin maalis-alis ang mga mata ni Jessica sa text ni Jerome samantalang
walang tigil pa rin sa pagmo-monologue si Mylene.

"Hay sobrang nakakakaba talaga ang pinanood nating laro. Akala ko talaga ay
matatalo na tayo. Nanghihina na ako kanina. Iniisip ko na baka nati-tense si Jerome
dahil nanonood ka. Buti na lang ginalingan niya pagdating sa dulo..."

"... Kung hindi pa natamaan ng bola yung babae kanina ay hindi pa magtatransform sa
pagiging superhero si Jerome. Siguro nung magtime-out dahil doon ay lumunok ito ng
makapangyarihang bato!"

Natigilan bigla si Jessica sa binitawang salita ni Mylene.

Tila may gustong maglaro sa kanyang isipan...

At bigla siyang kinabahan ng hindi nya alam kung bakit...


*******************************************
[9] SHADOW LADY
*******************************************

*****

Sa VIP Lounge ng isang mamahaling hotel ay matiyagang naghihintay si Jessica sa


kanyang ka-meeting.

"Ang tagal naman ng kausap natin! Mag-iisang oras na silang late. My God! How dare
them na paghintayin nila ang isang Jessica Lopez!" reklamo ni Mylene habang paulit-
ulit nitong tinitingnan ang suot na relos.

"Anong oras ba talaga ang sinabi sayo?" naiinip na tanong ni Jessica.

"Ma'am mukha ko lang ang may diperensya pero ang pandinig ko, wala. Malinaw na
malinaw na sinabi nilang alas-dos ng hapon. Mayaman lang sila pero hindi sila
diyos!!! Malapit ng sumabog ang pantog ko sa dami na ng nainom kong ice tea!"

Hindi na maipinta ang pagmumukha ni Mylene ngunit biglang umaliwalas ang hitsura
nito kasabay ng pamimilog ng mga mata nang makakita ng isang gwapong-gwapong
lalaking naglalakad papalapit sa kanilang direksiyon.

Papalapit ang isang matangkad na lalaki na mga nasa 5'11 ang taas. Hindi pa ito
lalagpas ng trenta. Mestisuhin ang mukha, mapupula ang mga labi at mamula-mula ang
mga pisngi. Halatang magaling at malinis manamit dahil sa hitsura nitong parang di-
madapuan ng langaw. Nakabihis ito ng mamahaling itim na suit, makinang ang sapatos
at nakaayos ang buhok. At nang ngumiti ay lumabas naman ang maganda at mapuputi
nitong mga ngipin.

"Good afternoon Ms. Lopez! I am Clark Montecastro."

Inabot nito ang calling card kay Jessica at Mylene. Napanganga lalo ang dalawang
babae nang malamang ito ang presidente ng Bluestar Books & Co. Umupo ang lalaki at
nagsimulang magsalita nang hindi man lamang humingi ng despensa sa pagkaka-late.

"Well, siguro ay nagtataka kayo Ms. Lopez kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa
namin nilalagay sa aming mga stores ang inyong libro. Ito ay sa kadahilanang ang
aming kumpanya ay nagkakaroon muna ng kontrata sa mga author na may malalaking
pangalan bago namin ibenta ang kanilang mga libro."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jessica.

Sumenyas ang lalaki sa kasamang tauhan para iabot nito ang isang folder sa
manunulat. Tinanggap ito ni Jessica. Nakita niyang isa itong kontrata at sinimulan
itong basahin bago ituloy ang pakikipag-usap sa ka-meeting.

"Sa kaso mo Ms. Lopez, ang kumpanya namin ay mayroong exclusive contract proposal
sayo. Unang-una rito ay gusto namin na ang Bluestar lang ang magbenta sa loob ng
bansa ng bago mong libro at ng mga susunod pa."

Nag-iba ang hulma ng mukha ng sikat na manunulat sa narinig. "Ano? Gusto nyong
limitahan ang market ko? Marami akong mga readers saan man sa bansa at gusto nyong
pahirapan ang iba sa kanila na makakuha ng libro ko."
"Bluestar is everywhere Ms. Lopez, baka hindi mo nalalaman."

Unti-unting nakakaramdam ng pagkapresko si Jessica sa kausap. "Oo alam ko pero


paano naman ang ibang mga bookstore na matagal ng nagmamarket ng libro ko?"

"Ititigil mo ang pagsu-supply nyo sa kanila." diretsong sagot ng lalaki.

"At sa tingin nyo papayag ako sa katawa-tawang idea na ito. Gusto nyong kontrolin
pati benta ng mga libro ko. Oo malaki kayong kumpanya pero paano naman ang mga
sales namin mula sa ibang mga bookstores." wika ni Jessica na pilit pinipigilan
ipakita ang pagkapikon.

"Kaya ka namin binibigyan ng proposal Ms. Lopez. Bibilhin sayo ng Bluestar ng mas
mataas na presyo ang libro para macompensate ang mga maari mong kitain mula sa
ibang mga bookstores."

"Ahhh...so sa madaling salita, kokontrolin nyo pa pati presyo ng libro ko at


maaring pahirapan nyo rin ang mga readers ko dahil pwedeng-pwede niyo itong
mahalan." ngingisi-ngising wika ng dalaga.

"Sa tingin ko ay praktikal kang tao Ms. Lopez. Siguro naman sa katulad mong
matalino ay naniniwala ka ring business comes first."

"At paano kung hindi ako pumayag?"


"Hindi ibebenta ng Bluestar ang libro mo," kaswal na sagot ng presidente ng
Bluestar.

"...Sa palagay ko ay nakausap mo na ang sales department mo. Nagreport na ba sila


tungkol sa sales rate mo? Siguro naman alam mo na wala pa sa magiging kalahati ng
kikitain mo sa Bluestar ang kinikita mo ngayon mula sa mga sinasabi mong mga
pipitsuging bookstores." ngingiti-ngiting wika ng lalaki na mukhang kumpyansang-
kumpyansa na mapapayag nya ang manunulat.

Nagpanting ang tenga ni Jessica sa kayabangan ng kaharap. Gusto nya itong tapunan
ng juice sa mukha ngunit nagpigil siya ng sarili.

"So gusto nyo akong makausap para sabihing bibilhin nyo ako. Maraming salamat na
lang."

Ibinalik niya ang kontrata sa kausap. Nag-ayos siya ng sarili, kinuha ang bag at
tumayo. Subalit nakakailang hakbang pa lang siya ay naisipan niyang balikan ang
kalmado pa ring nakaupong si Clark Montecastro.

" By the way Mr. Montecastro, maaring makontrol nyo ang libro ko dito sa atin. Pero
marami pa rin akong readers sa buong mundo. Baka nakakalimutan mo na ang
sinusubukan nyong bilhin ay si Jessica Lopez!."

At saka niya tuluyang nilayasan ang ngingisi-ngisi pa ring lalaki...


------

Gigil na gigil na sumakay si Jessica sa kotse. Itinapon niya ng malakas ang hawak
na handbag sa upuan.

"Ang yabang! Ang yabang! Ang yabang-yabang!"

"Ma'am relaks! Inhale exhale. Isipin mo na lang na nakita mo lang ang gwapong mukha
nya at wala kang narinig mula sa bibig nya!"

"Gwapo? Nagagawa mo pang purihin ang presko na yon!"

"Ay oo nga hindi pala sya gwapo, hindi sya gwapo...saksakan sya ng gwapo."

"Mylene!!!!"

"Oo na tatahimik na."

"Eh ano ngayon kung presidente sya ng Bluestar? Kung makaasta sila akala nila
mabibili nila kahit sino!" nanggigigil na wika ni Jessica.
"Ma'am kung presidente sya ng Bluestar ibig sabihin ay bilyonaryo sya! Kaya nya
ngang bumili ng kahit ano."

"Ngayon lang ako nakaharap ng ganoong klaseng tao!"

"Ako rin Ma'am ngayon lang ako nakakita ng ganun kagwapo!"

"MYLEEENEEE!!!!"

"Sabi ko nga..."

-----

Pumarada sa harapan ng mamahaling hotel ang isang limousine. Bumaba ang driver
nitong nakauniporme at binuksan ang pinto. Lumabas mula sa lobby si Clark habang
nakabuntot ang dalawang nakasuit nitong mga tauhan. Dire-diretso itong sumakay sa
sasakyan. Napapangiti ito mag-isa habang inaalala ang naging reaksyon ng naka-
meeting nya.

Sya si Clark Montecastro. Sa edad na 28 anyos ay naging presidente na ng Bluestar


Books & Co. Mayroong kaliwa't kanan na malalaking negosyo. Lumaki sa napakayamang
pamilya. Istrikto at matigas ang puso. Ginugugol halos ang buong oras sa trabaho.
Wala syang ibang hangad kundi ang mas magtagumpay pa sa buhay.

Lumaki syang masayahin at walang pakialam sa yaman ng kanilang pamilya. Ngunit nang
mabigo sa pag-ibig dahil sa pagtutol ng kanyang ama ay naging isang rebeldeng anak.
Ipinangako nyang ipapamukha nya sa kanyang mga magulang na mas magiging magaling pa
syang negosyante kaysa sa mga ito. Kukunin nya ang lahat ng kung anumang meron ang
ama... Nakipagkasundo din sya dito na pakakasalan nya kung sinuman ang gusto nitong
mapangasawa niya...kapalit ng buong kayamanan ng mga magulang.

At ang kasunduang yun ang dahilan kung bakit sya pumunta ng New York...para mapa-
ibig ang isang Jessica Lopez!

"Hello, Mr. Andrew, dalhin mo mamaya sa hotel ang lahat ng impormasyong nakuha mo
tungkol kay Jerome Hernandez. Gusto kong makilala ng lubusan ang magiging karibal
ko..."

-----

Mag-iisang oras ng nakaharap sa kanyang laptop si Sandra ngunit ayaw gumana ng


kanyang utak. Pinipilit nya ang sarili na magsulat dahil mayroon siyang schedule na
dapat sundin. Kadalasan ay pumapasok sya sa coffee shop ng kulang o minsan pa nga
ay walang tulog. Dahil dito, sinubukan nyang hatiin ng tama ang oras ng kanyang
trabaho at pagsusulat.

Binabagabag din siya ng kanyang ilong na nananakit pa rin kahit tatlong araw na ang
nakararaan mula nang matamaan ito ng bola. Matapos ang mga sampung minuto pa ng
pagkakatitig sa monitor, naisipan niyang magpahangin sa rooftop. Magbabakasakali na
baka marelaks ang kanyang isip at may maisulat sya.

Tumayo siya at nagsuot ng sweater. Hindi na siya nag-abala pang palitan ang kanyang
suot na pambahay.

Pagdating sa rooftop ay natuwa siya nang makitang walang ibang tao rito. Alam na
alam nya kung anong oras tahimik ang lugar. Naupo sya sa isang mahabang upuan at
tahimik na pinagmasdan ang magandang tanawin ng lungsod. Ipinikit nya ang kanyang
mga mata... Nag-isip ng iba't ibang larawan, eksena at pangitain...masaya,
malungkot, nakakatakot, pag-ibig at kung anu-ano pa.

Nanatili siyang nakapikit habang hinahaplos ng malamig na hangin ang kanyang mukha.
Sa wakas, nagsisimula nang gumana ang kanyang imahinasyon. Sari-saring mga ideya
ang nagsusulputan at nagliliparan sa kanyang isipan. Kaagad na iminulat niya ang
kanyang mga mata upang magmadaling bumalik sa kanyang kuwarto.

"Gising ka na?"

Napaigtad siya sa kinauupuan. Napalingon siya sa nagsalita. Saka niya nalamang


katabi niya pala si Jerome. May hawak itong bola at mukhang katatapos lang nitong
mag-ensayo.

"Anong ginagawa mo dito may problema ka ba?" tanong nito sa kanya.

"Wala."

"Malungkot ka ba?"

"Hindi."
"Anong ginagawa mo naghihintay na bumagsak sa langit ang isang prince charming?"

"Gusto ko lang magpahangin at mag-isip. Teka ang dami mong tanong. Ba't ba
nandidito ka?"

"Akala ko malungkot ka. Nag-alala ako baka tumalon ka."

Natawa siya sa mga pabirong hirit ng pakialamerong kapitbahay.

"Kumusta na ang ilong mo?"

"Okay na pero medyo sumasakit pa rin." sagot niya habang napapahawak sa kanyang
ilong.

Umisod papalapit sa kanya ang binata. Tiningnan nito ng malapitan ang kanyang
ilong.
"Bakit kasi hindi ka umiwas. Di ba magaling kang sumalo ng bola, ba't di mo
ginawa?"

Umisod pa ito ng mas malapit at hinawakan siya sa baba. Itiningala nito ang kanyang
mukha at sinipat-sipat ang kanyang ilong.

Nagulat at naasiwa siya sa ginagawa ng lalaki. Napatingin sya sa mukha ng kaharap


at napatitig sa mga mata nito. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at bigla siyang
kinabahan. Napatingin din sa mga mata nya ang binata at tinitigan sya nito ng
matagal. Hinawakan nito ang kanyang pisngi... dahan-dahan nitong inilapit ang
mukha... unti-unting ibinubuka ang mapupulang labi...at sabay pitik nito sa ilong
niya.

"Ayan masakit pa?" sabay tawa nito ng malakas.

Ilang sandali siyang natulala. Paulit-ulit siyang napalunok. At saka napahawak sa


kanyang ilong. "Aray!"

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa ginawang pagbibiro ni Jerome.
Hinawakan nya ang kanyang pisngi at naramdaman niya ang init nito. Akala nya ay
aatakehin sya sa puso. Tiningnan nya ng masama ang katabi.

"Huwag mo nang uulitin ang ganitong biro ha dahil sa susunod, susuntukin na kita!"

"Bakit akala mo ba hahalikan kita? Babae lang ang hinahalikan ko." tatawa-tawang
pang-aasar nito.
Tiningnan niya ng mabuti ang mukha ni Jerome at halatang nagbibiro nga ito. Huminga
na lamang sya ng malalim upang maibsan ang kabang naramdaman.

"May gusto ka ba talaga sa kaibigan ko?" walang kaabog-abog na tanong niya.

Natigilan si Jerome sa tanong niya. Unti-unting nagseryoso ang nakatawa nitong


mukha. Sandali muna itong nag-isip bago siya sagutin.

"Oo."

"May relasyon na ba kayo ni Jessica?"

"Wala."

"Gusto mo ba syang maging girlfriend?"

Naasiwang tumango ang binata.


"Maipapangako mo ba na hindi mo sasaktan ang kaibigan ko?"

"Hindi ako marunong manakit ng babae."

"Mabuti naman dahil ipagtatanggol ko sya sa kahit anong paraan sa sinumang


mananakit sa kanya....Ano ang nagustuhan mo sa kanya?"

"Hindi ko pa masasagot yan dahil sa ngayon ay hindi ko pa gaanong kilala si


Jessica. Pero sa nakikita kung isa syang mapagkumbaba, matalino, mabait na tao at
mabuting kaibigan... At higit sa lahat gusto ko sya dahil sa mga isinusulat nya."

Natigilan si Sandra sa huling sinabi ni Jerome.

"Bakit? Anong kinalaman ng mga isinulat nya sa nararamdaman mo para sa kanya?"

"Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko pero sa tuwing nagbabasa ako ng mga libro
ni Jessica ay parang nagkakaroon ako ng koneksyon sa kanya...Nararamdaman ko ang
sakit, saya at lungkot na maaring nararamdaman nya rin habang isinusulat nya ang
bawat bahagi ng kwento..."
"...Sa uri ng panulat niya, nararamdaman kong parang may lihim siyang itinatagong
matinding kalungkutan kung kaya't humahanga rin ako sa kanyang katapangan sapagkat
kabaliktaran ito ng mga ipinapakita nya sa kanyang mga tagahanga..."

"....gusto ko syang maging masaya...gusto ko syang tulungan...gusto kong alisin ang


anumang lungkot na nararamdaman nya dahil alam kong isa syang mabuting tao at
karapat dapat lang na maging masaya."

Lalong nagseryoso ng mukha ni Sandra. Hindi niya alam kung naantig o naguguluhan
siya sa binibitawang mga salita ng kausap.

"I-ibig mong sabihin naaawa ka kaya gusto mo sya?"

"Hindi. Gusto ko sya kaya ako naaawa sa kanya."

Gustong mangilid ng luha ni Sandra sa narinig. Nang mamalayang naaantig sya, pilit
niyang inilihis ang paksa.

"Ano ang paborito mo sa mga sinulat ni Jessica?"


"Shadow Lady. Di ba pareho tayo? Narinig ko yan mula sayo."

Matamlay na ngumiti si Sandra at tumango.

"Mas maraming mas sikat at magagandang libro ang kaibigan ko pero bakit naman yan
ang paborito mo?"

"Sa palagay ko yang libro na yan ang pinakamalapit na naglalarawan sa tunay na


pagkatao ni Jessica. Dito sya nagpakita ng kanyang buong emosyon.... Dito rin nya
ibinuhos ng buo ang kanyang kalungkutan..."

"...Ito ang paborito ko dahil sa tuwing binabasa ko ang libro ay pakiramdam ko mas
lalo akong napapalapit sa kanya na para bang abot-tanaw ko lang sya habang
sinusulat nya ang bawat bahagi ng libro..."

"...sa tingin ko kaya nya isinulat ang libro bilang pag-amin sa totoong
nararamdaman nya sa likod ng kasikatan at pagiging glamorosa."

Tumahimik sandali si Sandra. Nagdadalawang-isip siya kung dudugtungan pa ba ang


kanilang pag-uusap. Subalit hindi niya natiis ang sarili...
"Ang totoo, i-isinulat ang libro dahil gusto niyang ipakita na may mga taong mas
pipiliing mabuhay bilang anino ng iba. Walang may kasalanan, walang nang-api,
walang kontrabida...basta pinili nya lang maging anino....ang karakter ni Shadow
Lady, pag-anino sya mas nagiging tahimik, masaya at normal ang lahat..."
nagsimulang manginig ang kanyang boses kung kaya't tumikhim muna siya bago ituloy
ang sasabihin. "...da-dahil pag sinusubukan niyang ilantad ang sarili, mas maraming
tukso, may mga malalagim at masasamang bagay na nangyayari sa paligid nya....Yan,
yan ang dahilan kung bakit isinulat ang libro."

"May isang tanong lang ako. Bakit lahat ng mga isinusulat ni Jessica ay fantasy at
adventure. Napakagaling nya namang magsulat pero bakit hindi nya sinusubukang
gumawa ng ibang kategorya?"

Pumikit muna si Sandra at huminga ng malalim bago sagutin ang tanong.

"Da-dahil buhat nang magsimula syang magsulat... nabuhay na lamang siya sa loob ng
kanyang imahinasyon. Hindi nya na alam ang totoong mundo...kaya't....kayat...."
bago pa man niya matapos ang sasabihin ay kusang tumulo ang kanyang mga luha.

"Umiiyak ka ba? Okay ka lang ba?" natatarantang reaksyon ni Jerome.

Mabilis na pinunasan ng dalaga ang mga mata. "Ganito lang talaga ako pag-seryosong
pinag-uusapan ang kaibigan ko." seryosong tiningnan ng babae ang mukha ng katabi
matapos magpunas ng mga luha "...At Jerome, may isang bagay lang na gusto kong
ipangako mo. Kung sakali mang magustuhan o mahalin ka rin ni Jessica....kahit anong
mangyari, kahit anong uri ng problema ang makaharap nyo, huwag na huwag mong
sasaktan o iiwanan ang kaibigan ko."

" Sinabi ko naman sayo na hindi ako ganyang klaseng tao."

"Ipangako mo. Gusto kong marinig ito mula mismo sa bibig mo."

Tinitigan muna ni Jerome sa mga mata ang kausap at inihawak ang kamay sa tapat ng
kanyang dibdib. "Ipinapangako ko."

"Huwag mong kakalimutang sinabi mo sa akin yan ngayong gabi... dahil hanggang sa
kadulu-duluhan tatandaan ko ang pangako mong yan."

Tumayo si Sandra upang bumalik na sa kanyang unit. Pagkatalikod nya sa binata ay


muli na namang pumatak ang kanyang mga luha.

Nanatiling nakaupo naman si Jerome sa mahabang silya. Tinitingnan nito ang likod ng
papaalis na kausap. Naguguluhan ito. Hindi nito maintindihan ang ibig sabihin ng
ibang mga binitawang salita ng dalaga.

------

Nakatingala sa isang malaking music bar si Sandra. Sinusuri nya ang pangalan at
address ng lugar kung kaparehas ito ng nakasulat sa kanyang hawak-hawak na maliit
na papel. Pinapapunta siya dito ni Jessica dahil may sasabihin daw itong
importanteng bagay sa kanya.

Pumasok siya dito at biglang nag-alangan nang makita kung gaano kaganda at kasosyal
ang lugar. Mangilan-ngilan lamang ang mga kustomer nito ngunit lahat ng mga ito ay
halatang mga mayayaman. Karamihan sa mga lalaki ay nakasuot ng suit. Ang mga babae
naman ay mga elegante ang kasuotan at lahat ay may mga mamahaling alahas sa
katawan.

Lumapit sya sa isang waiter at itinanong ang kinaroroonan ng VIP room na tinutukoy
ni Jessica. Itinuro nito sa kanya ang kuwarto at inihatid sya papunta dito.
Nakayukong binaybay niya ang daan papunta sa nasabing kwarto.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kuwarto. Bumungad kaagad sa kanya ang
mukha ng kaibigan ngunit ang ikinagulat niya ay ang malamang nandodoon din sina
Jerome at Justin. Sinalubong siya ng yakap ng kaibigan at masiglang binati naman
siya ng dalawang lalaki.

Katamtaman lamang ang laki ng kwarto. Tama lang para sa apat hanggang anim na
tao.Napapalibutan ng salamin ang silid. Tanging isang malaking pabilog na sofa ang
upuan dito at sa gitna nito ay isang marmol na mababang mesa. Meron ding isang
malaking flat TV na nakadikit sa dingding para sa karaoke.

Magkatabing naupo sina Jerome at Jessica na malapit sa isang dulo ng sofa


samantalang nasa kabilang dulo naman si Justin. Tumungo siya sa bandang gitna ng
sofa at doon piniling maupo. May mga pagkain at inuming nakahain sa mesa. Umiinom
si Jerome at Jessica ng light beer samantalang regular beer naman ang iniinom ni
Justin.
"Anong gusto mong inumin Sandra?" tanong ni Jessica.

"Pineapple Juice." sabay ismid niya sa kaibigan dahil naisahan na naman siya nito.

Ginantihan naman sya ng pandidila ni Jessica.

"Anong meron? Bakit naririto tayo?" pabulong na tanong niya kay Justin.

"Ewan ko. Pinapunta rin ako dito ni Jerome."

"Sinabi rin ba sayong may sasabihing importante?"

Tumango si Justin.

Napakunot siya ng noo at nakataas ang isang kilay na napatingin siya kay Jerome at
Jessica. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan at halos magkadikit na magkadikit na
ang mga ito sa pagkakatabi. Parehong hindi mawala-wala ang mga ngiti sa mukha ng
dalawa at kulang na lang ay magdikit din pati mga mata ng mga ito dahil sa sobrang
lagkit ng tinginan.

Mukhang alam nya na ang importanteng sasabihin ng kaibigan.

"Okay na ba ang ilong mo?"

Naputol ang pag-aanalisa ni Sandra sa sitwasyon ng dalawang kasama nang marinig ang
tanong ni Justin. "Okay na. Kaya pala matagal maalis ang sakit ay nadamage pala ng
konti ang buto. Pero okay na sya naipagamot ko na."

"...at salamat nga pala sa ibinigay mong ticket ha. Sobrang napasaya mo kami ng
katrabaho ko. Nakakahiya, mag-iisang buwan na ang nakaraan pero ngayon lang kita
mapapasalamatan. Hayaan mo minsan ipagluluto kita. Hahatiran kita ng pagkain."
nakangiting wika ng dalaga.

"Talaga!" biglang nanlaki ang mga mata ni Justin sa narinig.

"Oo naman. Magluluto lang eh kulang na kulang pa yun kumpara sa pagkamahal-mahal na


ticket na binigay mo."

"Bro! Narinig mo ipagluluto daw ako ni Sandra!"


"Para saan?" tanong ni Jerome na kanina pa pasulyap-sulyap sa direksyon ng dalawang
nag-uusap.

"Oo nga at bakit ka naman ipagluluto ng kaibigan ko? Ako lang ang ipinagluluto
nyan. Hindi nga yan nagluluto para sa sarili nya eh!" dagdag na protesta ni
Jessica.

"Gusto ko syang ipagluto bilang ganti sa ginawa nyang pabor sa akin may masama ba
dun?" kusang paliwanag ni Sandra.

Nagtataka si Sandra kung bakit ginagawang malaking bagay ang pagluluto niya at kung
bakit ganun na lang ang tuwa ni Justin.

"Bakit ako, mas madami akong ginawang pabor para sayo. Ba't di mo ako naisipang
ipagluto? Samantalang si Justin isang pabor lang ay hahatiran mo na ng pagkain! Ano
yan may favoritism ka!" panunumbat ni Jerome na hindi malaman ni Sandra kung
seryoso o nagbibiro lamang.

"Sandali!Sandali! Bakit ba ang pagluluto ko ang pinagdidiskitahan nyo!... At bakit


ba ako ang pinag-uusapan dito. Nakakahalata na ako ha. Ano bang meron bakit tayo
nandirito? May dapat ba kayong sabihin sa amin ni Justin? Meron ba tayong dapat i-
celebrate?" sunud-sunod na tanong ni Sandra sa dalawang magkatabing halos hindi na
mapaghiwalay.
Walang narinig na sagot ang dalaga. Nagkaroon ng konting katahimikan. Subalit ilang
saglit lamang ay itinaas nina Jerome at Jessica ang magkahawak nilang mga kamay.

Napapalakpak sa tuwa si Justin.

Ngumiti lamang ng tipid si Sandra. Hindi na sya nagulat dahil yun naman talaga ang
kanyang inaasahan... Ngunit bakit nang makita nya sa kanyang harapan ang
magkadaupang palad nina Jerome at Jessica ay tila may kumirot sa kanyang dibdib.
Bigla syang nalungkot. Dahil ba may kahati na sya kay Jessica? Dahil ba natatakot
syang baka masaktan ito? Hindi nya alam. Hindi nya maintindihan...

"Whoa! Let's celebrate bro! Total may girlfriend ka na at ang dreamgirl mo pa! For
the first time maglasing ka naman! Cheers!" nagdidiwang na wika ni Justin.

Nagtawanan lahat sa mesa. Tumayo si Justin at binuhay ang karaoke.

"Magpakasaya tayo ngayon. Walang sikat-sikat, walang super-superstar! Sandra ikaw


din uminom ka!" dagdag na wika ni Justin.

Nakitawa na rin si Sandra hanggang sa unti-unting naglaho ang pansamantalang


lungkot na naramdaman niya. Nagsimulang magkantahan ang kanyang mga kasama.

"Pakantahin nyo si Sandra! Pakantahin nyo si Sandra! Pero wag kayong mai-starstruck
sa boses nyan ha!" pagmamayabang na sigaw ni Jessica.
Niyaya ni Justin kumanta si Sandra ngunit umayaw ang dalaga....

Alam ni Sandra na binibiro lang sya ng kaibigan dahil alam naman nitong simula
noong siya'y pitong taong gulang ay hindi na siya muling kumanta pa... Sinubukan
din syang yayain ni Jerome ngunit nabigo rin ito.

Lumapit sa kanya si Jessica ng may seryosong mukha.

"Alam ko kung para saan ang mga ginagawa mo ngayon. Bakit di mo unti-unting
subukang gawin ang mga kinatatakutan mo. Hindi mo lubusang maiintindihan ang
mundong nais mong galawan kung hindi mo pa rin kayang labanan kahit ang ilan sa
iyong mga kinatatakutan."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng kaibigan. Bakit nagagawa nitong magsalita ng
ganoong bagay? Ito ang unang pagkakataong itinutulak sya ng kaibigan patungo sa
kanyang takot. Tiningnan nya ito ng may hindi makapaniwalang mukha subalit umalis
din ito kaagad sa tabi nya at muling tumabi kay Jerome. Pagkatapos ay muli siya
nitong tiningnan ng may nanghahamong mukha.

Naulanigan ni Jerome ang sinabi ng girlfriend kay Sandra. Hindi nya maintindihan
kung ano ang ibig sabihin ni Jessica. Ngunit nang makita nya ang reaksyon ni Sandra
ay napansin nya ang takot sa mga mata nito. Bigla siyang nag-alala na baka biglang
nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa. Itinuon niya ang atensiyon sa
kapitbahay. Tila may umusbong na kaba sa kanyang dibdib nang makita ang
nakakapanibagong reaksiyon ng babae.

Itinabi ni Sandra ang juice sa harapan nya at kumuha ng isang bote ng beer. Nilagok
nya ito ng dire-diretso habang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ang sinabi ni
Jessica. Papaano nga ba nya masasabing namumuhay sya ng normal kung may mga bagay
na pilit pa rin nyang tinatakasan. Maaring hindi nya kayang harapin ang mga ito ng
sabay-sabay pero pwede nyang harapin ang mga ito ng paunti-unti.

Nagulat si Jerome sa ginawa niya. Napatigil naman sa pagkanta si Justin.


Samantalang tahimik lamang syang pinapanood ni Jessica. Kumuha ulit siya ng isa
pang bote ng beer at muli, nilagok nya ito ng dire-diretso. Sinubukan syang pigilan
ni Jerome ngunit hindi niya ito pinansin.

Pagkaubos ng kanyang iniinom ay saka siya tumayo. Kinuha niya ang mikropono at
nagpasok ng kanta. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay habang hawak ang
mikropono. Tinitingnan lamang siya ng dalawang nagtataka at nag-aalalang kasamahang
mga lalaki.

Nagsisimula na ang tugtog ngunit hindi pa rin niya magawang ibuka ang bibig.
Nanatili lamang nakatayo nakatayo habang nanlalamig at nanginginig ang mga kamay.
Nangangalahati na ang kanta ngunit wala pa ring boses na gustong lumabas sa bibig
niya. Bago pa man tuluyang matapos ang kanta ay ipinikit niya ang mga mata. Pinilit
niyang huwag mag-isip ng kahit anumang bagay hanggang sa hindi niya namamalayang
bumubuka na ang kanyang mga labi.

Alam niyang may lumalabas ng boses sa bibig niya at kumakanta na siya. At habang
nakapikit ang mga mata ay bumalik sa alaala nya ang mga magaganda at masasayang
sandaling kasama niya ang mga magulang. Muli nyang nakita ang maliit na batang
babae na sinusuklayan ng kanyang magandang ina sa harap ng salamin. Nagbalik ang
alala ng isang amang kinakarga ang anak na may hawak-hawak na sorbetes. Nagsimulang
tumulo ang kanyang mga luha. Ito ang unang pagkakataon na nanabik syang muli sa
pagmamahal ng totoong mga magulang.

Napanganga si Jerome at Justin sa kanilang narinig. Napakaganda pala ng boses ng


kapitbahay. Punung-puno ng emosyon ang pagkanta ni Sandra. Napaluha din si Jessica
sa mga sandaling iyon... Hindi sya makapaniwalang nagawa niyang pakantahin ang
kaibigan.

Nang matapos ang kanta ay dahan-dahang napaupo si Sandra. Nanginginig pa rin siya
at lumuluha. Binitawan niya ang mikropono, hinawakan ang kanyang dibdib at hinabol
ang kanyang paghinga. Tumingin siya kay Jessica, tiningnan niya ng matagal ang
kaibigan...at unti-unting ngumiti at tumawa.

Wala namang mapaglagyang ng pagtataka si Jerome sa nasaksihan. Palihim niyang


tinitigan si Sandra. Ano ang nangyayari dito? Bakit ganun na lamang ang naramdaman
nitong kaba sa pagkanta samantalang napakaganda naman ng boses nito? Bakit ganun na
lamang ang takot sa mga mata nito? Marami syang ipinagtataka subalit ilang sandali
lang ay nabawasan ang kanyang pag-alala nang kumalma na ang babae. Nakahinga sya ng
maluwag nang nakita nya na ulit itong ngumiti.

Hindi pa rin makapaniwala si Sandra na nakakanta sya. Ngunit ang hindi maalis-alis
sa isip nya ang naramdaman habang kumakanta. Parang may isang tinik na nakalaya
mula sa kanyang dibdib. Bumalik ang masasayang alaala ng kanyang mga magulang, mga
alaalang hindi na muling sumagi sa kanyang isipan mula nang maganap ang trahedya sa
kanyang buhay.

Nilapitan siya ni Jessica at niyakap siya nito ng mahigpit. Nagtawanan silang


dalawa. Muling sumaya ang paligid, bumalik siya sa pag-inom ng juice at nagsimulang
makikanta.

Hindi pa man tumatagal ang kaligayahang nararamdaman niya subalit may narinig
siyang isang nagsisimulang awitin. Kinakanta ito ni Jessica...

"Somewhere over the rainbow

Way up high,

There's a land that I heard of

Once in a lullaby..."
Bumilis ang pintig ng puso niya. Unti-unti siyang nahihirapang huminga. Biglang may
mga maliliit na ingay na bumubulong sa kanyang mga tenga. Nagsimula ang panlalamig
ng buo nyang katawan. Napahawak sya ng mahigpit sa baso...papahigpit ng
papahigpit... hanggang sa unti-unting may tumulong dugo mula sa kanyang palad.

"Somewhere over the rainbow

Skies are blue,

And the dreams that you dare to dream

Really do come true."

Nagulat si Jerome at Justin nang makita ang namumutlang hitsura ni Sandra.


Nagmamadaling nilapitan ito ni Jerome at niyugyog ang naninigas nitong katawan. At
mas lalo nataranta ang binata nang makita ang tumutulong dugo mula sa kamay ng
babae.

"Sandra, Sandra anong nangyayari sayo! Jessica anong nangyayari kay Sandra?"
natatarantang sigaw ni Jerome habang sinusubukan nitong alisin ang duguang kamay ng
babae mula sa mahigpit na pagkakahawak sa baso.

Tumigil sa pagkanta si Jessica. Nagmamadali nitong tiningnan si Sandra, nataranta


rin ito at paulit-ulit na tinatawag ang nakatulalang kaibigan.

Hindi maigalaw ni Sandra ang kanyang buong katawan. Ang kaninang bumubulong na mga
ingay sa kanyang mga tenga, ngayon ay sumisigaw na. Napatingin sya sa kanyang
duguang kamay. Tumatak sa isip niya ang kulay ng dugo. Nagsimulang umikot ang
paligid... naging pula ang kulay ng lahat...may mga sumisigaw...may
umiiyak...hanggang sa tuluyang magdilim ang lahat-lahat...
*******************************************
[10] LIHIM SA PAGKATAO
*******************************************

****

Somewhere over the rainbow


Way up high,
There's a land that I heard of
Once in a lullaby.

Somewhere over the rainbow


Skies are blue,
And the dreams that you dare to dream
Really do come true.

Someday I'll wish upon a star


And wake up where the clouds are far
Behind me.
Where troubles melt like lemon drops
Away above the chimney tops
That's where you'll find me.

Somewhere over the rainbow


Bluebirds fly.
Birds fly over the rainbow.
Why then, oh why can't I?

If happy little bluebirds fly


Beyond the rainbow
Why, oh why can't I?

Kumakanta ang isang malusog at magandang bata sa harapan ng kanilang bahay.


Nakabihis ito ng puting pambatang bestida at puting sapatos. Nilagyan din ng puting
laso ang mahaba at maitim nitong buhok. Nakakatuwang pagmasdan ang namumula-mula
nitong pisngi, mapupulang mga labi, matangos na ilong at mga matang may mahahabang
pilikmata.

Ngumiti ang bata at nahihiyang iniugoy ang katawan pagkatapos kumanta.

"Ang galing galing!" masayang puri ng pumapalakpak na mamang tagapanood.


Madalas dumaan sa tapat ng bahay ng bata ang nasabing mama.

Pinitas ng lalaki ang isang pulang rosas sa bakuran at ibinigay sa batang


inosenteng nakangiti.

"Nandyan ba ang mga magulang mo?" tanong nito na noon ay may bitbit na isang bag.

Tumango ang bata.

"Pwede ba akong pumasok gusto ko silang makita?"

Masigla itong sinamahan ng bata papasok ng kanilang bahay.

Lumabas mula sa kuwarto ang mga magulang ng bata. Nagulat ang mga ito sa
estrangherong pumasok sa kanilang bahay. Nataranta ang mga ito at bago pa man
mapaalis ng bahay, dumukot ang estranghero sa kanyang bag at naglabas ng baril. Sa
isang iglap lang ay walang awang pinagbabaril nito ang mag-asawa.

Nagtago ang bata sa tabi ng isang silya at umiyak ng malakas nang makita ang
duguang mga magulang.

Hinanap ng lalaki ang bata at nang makita ay kaagad itong dinampot. Tumakas ang
mama habang karga-karga ang bata. Walang tigil ito sa pagtakbo.

Narinig ng bata na may mga taong naghahanap sa kanila subalit hindi pa rin
tumitigil ang lalaki sa pagtakbo. Hanggang sa marating nila ang isang masukal na
lugar.

Dito ay ibinaba ng lalaki ang bata at umatras papalayo ng ilang hakbang. Kinuha
nito ang baril...itinutok sa ulo...at nagbaril ng sarili.

------

Nagmulat si Sandra ng mga mata. Nakita nya ang puting ilaw sa kisame. May iba't
ibang ingay sa paligid. Dahan-dahan nyang inikot ang paningin. May mga naglalakad
na nakasuot ng puting uniporme. Lumingon sya sa kanyang kanan at nakita ang isang
nakasabit na dextrose. Nakaupo naman sa tabi nya si Justin at biglang itong
nataranta nang makitang gising na siya.

"N-Nasaan ako?"

Sinubukan niyang bumangon ngunit pinigilan siya ni Justin.

"Andito ka sa emergency room ng isang hospital. Huwag mong piliting kumilos.


Sandali lamang at tatawag ako ng doktor." mabilis na tumayo ang lalaki at nagtungo
sa nurse station.
Napabalikwas siya ng upo matapos marinig ang salitang hospital. Tatayo na sana siya
ngunit nakaramdam sya ng pananakit sa kanang kamay. Napatingin siya sa kamay at
nakita ang puting bendang nakabalot dito.... Bigla nyang naalala ang mga nangyari.

Bumalik naman kaagad si Justin matapos tumawag ng doktor. At nagmadali itong


lumapit nang makitang pilit tumatayo ang dalagang binabantayan.

"Sandra please huwag ka munang gumalaw. Hintayin natin ang doktor."

Nagkunwaring tumawa si Sandra.

"Wala ito, wag kang mag-alala. Ganito lang talaga ako minsan pagnakaka-inom ng
alak... Kanina pa ba ako dito?"

"Mga dalawang oras ka ring nawalan ng malay."

Nagpalingon-lingon sa paligid si Sandra na tila may hinahanap.

"Nasaan si Jessica? Bakit ikaw ang naririto?"

"Nasa kotse, magkasama sila ni Jerome. Magkakasama kaming nagdala sayo dito pero
ako na lang ang nagpasok sayo dito sa loob baka magkagulo lang ang mga tao pag
sumama pa sila."
Tumango si Sandra bilang tanda na naintindihan nya ang punto ng mga ito.

Hindi naman mapakali sina Jessica at Jerome habang naghihintay sa kotse.


Nanginginig ang mga kamay ni Jessica at namumutla ito sa pag-aalala sa kaibigan.
Pinapakalma naman ito ng kasintahan.

"Huminahon ka. Walang mangyayaring masama kay Sandra."

"Kasalanan ko to! Alam kong hindi sya pwede sa mga ganoong lugar pero pinapunta ko
pa rin sya!"

Mangiyak-ngiyak na si Jessica habang walang tigil sa pagsisi sa kanyang sarili


simula pa man nang dumating sila sa hospital.

Hinawakan ni Jerome ng mahigpit ang palad ni Jessica. Bagama't nag-aalala siya kay
Sandra ngunit mas nangingibabaw ang nararamdaman nyang awa sa kasintahan sa mga
sandaling iyon. Mas lalong nadagdagan ang kanyang paghanga dito dahil sa
nasasaksihang pagmamahal nito sa kaibigan... Napagisip-isip nya rin na hindi kaya
si Sandra ay isa sa mga dahilan ng itinatago nitong kalungkutan.

"Huwag mong masyadong sisihin ang sarili mo. Wala namang may gusto na mangyari ito.
Matapang na babae si Sandra, kayang-kaya nya ang ganitong bagay."

Niyakap ni Jerome ang kasintahan at marahan itong tinapik sa likod.


Maya-maya lang ay nakita nila ang papalapit na si Justin. Pumasok ito at naupo sa
likuran ng sasakyan subalit bakas pa rin sa mukha nito ang pag-aalala. Nakakunot
ang noo nito at napabuntong hininga ng ubod ng lalim.

"Anong nangyari?" agad-agad na tanong ni Jessica.

"Nagising na si Sandra. Pinayagan na itong lumabas ng doktor. Hindi na daw


kailangang i-confine at binigyan na lamang ito ng gamot." sagot ni Justin na mukha
pa ring problemado.

Nakahinga ng maluwag si Jessica sa narinig.

"Nasaan sya? Bakit mo iniwan?" nagtatakang tanong ni Jerome.

"Umuwi na! Ayaw magpapigil eh. Sabi ganoon lang daw talaga sya minsan pag
nakakainom."
"Ano?! Bakit mo pinayagan? Anong nangyari sa sugat nya?" may pag-aalalang tanong
ulit ng binata.

" Ayaw talaga magpapigil. Gusto ko nga sanang buhatin papunta dito kaso nagsasalita
pa ako , paglingon ko naglalakad na papuntang subway station. Hindi na rin daw
masakit ang sugat nya. Nilagyan na ito ng bandage ng doktor." sagot ni Justin na
may tonong naiirita at nag-aalala.

"Hayaan na natin si Sandra sa gusto nya. Hindi nyo ito mapipigilin lalo na pag
gusto nyang mapag-isa." paliwanag ni Jessica.

"Ano bang sabi ng doktor? Bakit daw nagkaganoon si Sandra?" walang tigil pa rin na
pagtatanong ni Jerome.

"Nang ikinuwento ko yung nangyari sabi ng doktor ay malamang daw na may


phsycological trauma si Sandra kung kaya't sinaksakan lamang nila ito ng
pampakalma."

"Trauma? Anong trauma? Jessica may ganoong karamdaman ba si Sandra?"


Biglang tumawa ng malakas si Jessica.

"Trauma? Anong trauma ba ang pinagsasabi ng mga doktor na yan! Kilala ko si Sandra
nagkakaganito talaga sya minsan kapag nakakainom." sagot ng babae ng may
napipilitang mga ngiti.

Samantala, tahimik namang nakasakay na sa subway si Sandra. Malalim ang iniisip at


tila nakatingin sa isang malaking kawalan.... at maya maya lamang ay tumutulo na
ang mga luha.

Bakit nagawa ni Jessica yun sa kanya? Simula't sapul alam ng kaibigan nya ang
tungkol sa kanta...

Galit ba ito sa kanya?

May nagawa ba syang kasalanan?

O meron na naman ba itong ikinakatakot?...

Pinahid ni Sandra ang mga luha...huminga ng malalim... at ngumiti sa sarili. Alang-


alang kay Jessica, anuman ang maging pagkakamali nito ay tatanggapin nya. Marahil
kaya nagkakaganitong muli ang kaibigan dahil umiibig na ulit ito.
-------

Kinabukasan ay pumasok pa rin sa coffee shop si Sandra. Masigla ito at tila walang
nangyari nang nagdaang gabi. Hindi naman ito gaanong pinagtrabaho ng mabibigat na
bagay dahil sa kanyang nakabendang kamay. Kusa inako muna ni Vicky ang ilang mga
trabaho ng dalaga.

"Ano ba kasi ang nangyari dyan sa kamay mo?" tanong ni Vicky.

"Nahiwa ng baso. Nakabasag ako habang naghuhugas ng pinagkainan."

"Ikaw talagang bata ka! Sa susunod pag-ingatan mo nga yang katawan mo baka naman
isang araw papasok ka dito na may pilay naman."

Natigil ang pag-uusap ng dalawa nang biglang may humintong sasakyan sa harap ng
coffee shop. Naghanda ang mga ito upang batiin ang bagong dating na kustomer.
Lumabas sa sasakyan ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng sombrero,
sunglasses, T-shirt na puti at itim na walking short. Payuku-yuko ito habang maya't
mayang ibinababa ang sombrero para matakpan ang mukha. Sa kabila ng pagtago ng
lalaki sa mukha ay agad naman itong nakilala ni Sandra...si Jerome. Nang makita ang
binata ay mabilis na nagkunwaring pumasok sa kusina si Sandra.

Hindi naman nakilala ni Vicky ang basketbolista dahil sa ayos nito. Nagulat na
lamang ang serbidora nang pansamantalang tinanggal ng binata ang suot na salamin
nang nakaharap na ito sa counter. Bumulong ito kay Vicky at napatango naman ang
huli sa narinig.
Pumasok si Vicky sa kusina at pinuntahan si Sandra. "Nandito si Jerome Hernandez.
Gusto ka daw makausap." pabulong nitong wika sa dalaga ng punung-puno ng pagtataka
ang mukha.

Pansamantalang nag-isip ng sasabihin nya ang dalaga.

"Sabihin mo bumalik sya sa kotse dun na lang ako pupunta baka may makakilala sa
kanya ay magkagulo lamang ang mga tao." seryosong wika nito habang nag-aayos ng mga
kutsara't tinidor.

Lumabas ulit si Vicky at ibinulong kay Jerome ang sinabi ng kasamahan. Tumango si
Jerome at agad na bumalik sa kanyang sasakyan.

Pumasok ulit si Vicky sa kusina.

"Oo daw hihintayin ka nya sa sasakyan."

Hinubad ni Sandra ang suot na apron at lumabas ng kusina. Naiwan namang nakanganga
ang naguguluhang si Vicky.

Lumapit si Sandra sa sasakyan, binuksan ang harapang pinto at naupo sa tabi ni


Jerome.

"Bakit nandito ka? Sa pagkaka-alala ko ay hindi na ulit ako humingi ng pabor sayo
na pumunta dito." diretsong wika ng babae pagkaupung-pagkaupo nang hindi man lang
tumitingin sa mukha ng lalaki.

"Gusto lang kitang kumustahin. Nag-aalala lang ako kung okay ka na. Umuwi ka kasi
ng diretso kagabi... May katigasan talaga yang ulo mo. Alam mo ba kung gaano kami
nag-alala sayo ni Jessica nang malaman naming umuwi kang mag-isa? Paano pag
nahimatay ka ulit sa daan?" Napatingin si Jerome sa nakabendang kamay ng kausap."
At bakit nagtrabaho ka na samantalang sariwa pa yang sugat mo sa kamay?" walang
prenong panenermon ng binata sa kausap.

"Bakit ka ba nag-aalala?"

Natigilan si Jerome at bigla itong nag-isip ng isasagot sa dalaga.

"Ahhh...Dahil kapitbahay kita... kaibigan kita.... at kaibigan ka ng girlfriend


ko."

"Hindi tamang tingnan na nag-aalala ka sa akin. Hindi kita kaibigan. Hindi kita
kaanu-ano at wala rin ako sa buhay mo. Kapitbahay mo lang ako at nagkataon lang na
naging boyfriend ka ng kaibigan ko. Kaya't simula ngayon igugol mo ang oras mo sa
mga tamang tao at hindi sa kung sino sinong bagong kapitbahay lang." pormal at
matigas na pananalita ng dalaga.

Matapos pagsabihan ang kausap ay binuksan ni Sandra ang pinto ng sasakyan para
lumabas na ngunit may naalala pa itong sabihin. "Ah... at saka wag ka na uling
pupunta dito kung wala ka namang bibilhin." sabay baba nito sa kotse ng hindi pa
rin tumitingin sa mukha ng lalaki.

Hindi nakapagsalita si Jerome sa inasal ng babae. Nagulat siya sa malamig na


pagtanggap nito sa kanya. Bigla siyang naguluhan sa biglaang pagbabago ng ugali
nito.

Seryoso ang mukha ni Sandra nang bumalik sa coffee shop ngunit nang makitang
sumasalubong si Vicky ay nagkunwari siyang nakangiti.

"Ano bang pinag-usapan nyo? Kakilala mo ba si Jerome Hernandez? Bakit ka nya


hinahanap?"

"Kaibigan nya rin pala ang player na nakatama sa ilong ko. Gusto daw bayaran ang
mga nagastos ko sa pagpapagamot." kaswal na sagot niya.

"Ahhh..." napatango si Vicky ngunit muling napaisip at umiling na mukhang nagtataka


pa rin at hindi kumbinsido sa narinig.

-----

Sa sosyal at eleganteng restaurant sa loob ng isang hotel ay muling nakipag-meeting


si Jessica kay Clark Montecastro. Nakipag-usap ang dalaga sa kanyang marketing
staff at napagkasunduan nilang bigyan ng counter-offer ang Bluestar. Pumayag naman
ang nasabing kumpanya na makipag-usap ulit at nag-set si Clark ng isang dinner
meeting.
"Ms. Lopez , ilan sa mga libro mo ay sinubukan kong basahin. Napansin ko na parang
malayo sa personalidad na ipinapakita mo ang uri ng pagsusulat mo."

Natigilan si Jessica sa paghiwa ng steak sa plato.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Lahat ng mga ito ay puro kathang-isip lamang at mga adventure. Kumbaga sa kulay ay
meron itong kadiliman. Wala ka man lang isinusulat tungkol sa pag-ibig ,romance,
drama o kaya tungkol sa mga totoong pangyayari. Bakit? Hindi ka ba gaanong
emosyonal o romantikong tao?"

Nag-isip muna ng sandali si Jessica bago sumagot.

"Mas maraming ideyang lumalabas sa isipan ko kapag hindi nalilimitahan ang aking
imahinasyon."
"Ibig mo bang sabihin ay limitado ang kaalaman mo tungkol sa pag-ibig?...
Naniniwala ka ba sa pag-ibig Ms. Lopez?"

Napangisi si Jessica sa tanong.

"Mukha yatang nagiging personal na ang mga tanong mo Mr. Montecastro."

"Hindi naman. Gusto ko lang malaman kung anong klaseng manunulat ka. Inuuna mo ba
ang business o inuuna mo ang iyong emosyon?"

"Pareho. Bakit kailangan kong mamili kung pwede ko namang pagsabayin."

" Mahal mo ba si Jerome Hernandez?" walang pag-aatubiling tanong ni Clark.

"Anong kinalaman ng personal na buhay ko sa meeting natin Mr. Montecastro?"


Nag-uumpisa na uling magalit sa kaharap ang babae.

"Naniniwala ako na may pagkakatulad sa personalidad natin Ms. Lopez. Mahalaga pa


rin sayo ang pera dahil kung hindi ay hindi ka na ulit makikipagkita sa akin.
Katulad ko, laging ang mga business ko ang nauuna bago ang lahat...higit pa kaysa
personal kong buhay."

"Hindi kita maintindihan. Bakit kailangan mong sabihin ang lahat ng ito?"

Hindi kaagad sumagot si Clark. Sumubo muna ito ng pagkain at uminom ng wine bago
nagsalita.

"Gusto kitang mapangasawa, Ms. Lopez." walang kagatul-gatol na sambit ng binata.

Muntik ng maubo si Jessica sa sinabi ng lalaki. Gusto nyang humalakhak ng malakas.


Ibang klase din palang magbitiw ng biro ang kausap.

"....Walang kinalaman ang emosyon...just pure business. May-ari ako ng


pinakamalaking bookstore sa mundo samantalang isa ka naman sa pinakasikat na mga
writers. Isang magandang marital and business relationship yun para sa atin... Bata
ka pa at mahaba pa ang itatagal mo sa iyong career. Sa kapasidad ko at ng kumpanya,
kayang-kaya kong mapanatili o mas higitan pa ang tagumpay na tinatamasa mo ngayon.
Ano sa palagay mo Ms. Lopez?"
Hindi sumagot si Jessica. Humigpit ang pagkakahawak nito sa steak knife at unti-
unting nanginginig ang kamay sa galit sa kabastusan ng kausap.

Napansin naman ng lalaki ang galit na mukha ng kaharap kung kaya't muli itong
napangisi. "Hindi ka makasagot...Dahil ba ito sa boyfriend mong si Jerome
Hernandez? Isipin mo na lang Ms. Lopez, sino ba ang isang pansamantalang sikat na
NBA player kumpara sa isang tagapagmana ng mga negosyong nagkakahalaga ng bilyones.
Wala sa katiting kung ikukumpara mo ang mabibigay nya sayo sa maiibigay ko kaya't
pag-isipan mo itong mabuti. Think of your future, Ms. Lopez."

Hindi na nakapagpigil ng galit si Jessica. Hindi nya matatanggap na pati boyfriend


nya ay iinsultuhin ng mayabang na kausap. Kinuha nya ang isang basong tubig at
itinapon ito sa mukha ng bastos na lalaki.

"Noong una binibili mo ang trabaho ko, ngayon naman gusto mong bilhin ang pagkatao
ko!"

Galit na galit na tumayo ang dalaga at dire-diretsong naglakad palabas ng pintuan.

Matapos tapunan ng tubig ay mahinahong kinuha ni Clark ang panyo sa bulsa ng suot
nyang suit. Pinunasan nya ang mukha at ipinagpatuloy ang kanyang pagkain.
Tumunog ang cellphone niya. Tumatawag ang kanyang ama.

"Dad?"

"Kumusta na ang lakad mo dyan sa New York? Mukhang natatagalan ka na yata, marami
ka pang dapat asikasuhin dito sa Texas."

"Hindi ko pa naayos ang mga bagay tungkol kay Jessica Lopez."

"Nahirapan ka bang kumbinsihin ito? Kung ayaw nyang pumayag sa kontrata na gusto ng
kumpanya, pabayaan mo na."

"Hindi Dad. Hindi lang ang tungkol sa kumpanya ang inaayos ko. Hindi ako titigil
hangga't hindi sya pumapayag....Kilala nyo ako, kapag pumasok ako sa isang
kasunduan...hindi ko ito inaatrasan."

Pinutol ni Clark ang pakikipag-usap sa ama. Inilapag niya ang telepono sa mesa.
Sumandal siya sa upuan at nag-isip ng malalim. Hindi nya susukuan ang ama! Hindi
sya papayag na lihim syang pagtawanan nito kung uuwi syang bigo kay Jessica!

Muli niyang dinampot ang telepono at tinawagan ang kanyang assistant.


"Hello, Mr. Andrew. Tawagan mo ang agency ni Jerome Hernandez. Sabihin mong gusto
ng kumpanya na maging major sponsor sa binabalak nitong itayong foundation."

Kailangang magkaroon sya ng direktang koneksiyon sa sikat na basketball player.


Kung kinakailangang bilhin nya pati si Jerome Hernandez ay gagawin nya!

-----

"Ano? Si Justin lumipat na sa ibang team?" gulat na gulat na reaksyon ni Jerome


habang nasa loob ng kanyang sasakyan at kausap sa telepono si Mr. Tan.

"Oo. Kanina lang sya nagsabi ng huling desisyon nya tungkol sa pagpapatrade nya sa
ibang team."

"Bakit wala man lang syang binabanggit sa akin tungkol dito?"

"Hindi nya pinapasabi sayo hangga't hindi pa sya sigurado sa kanyang desisyon pero
kanina bago umabot ang deadline ng trading ay lumapit sya sa general manager at
tinanggap ang offer ng ibang team."
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jerome sa sinabi ng agent. Pansamantala
siyang tumahimik. Gusto niyang isipin na nagbibiro lamang si Mr. Tan.

"Ano daw ba ang dahilan ng paglipat nya?"

"Sabi nya nahihirapan daw syang mag-adjust sa chemistry ng team. Sa tingin nya daw
ay mas mabuting lumipat sya ng team na mas nababagay sa style ng paglalaro nya."

Hindi na umimik pa si Jerome at ibinaba ang telepono. Sumandal siya sa upuan ng


sasakyan at huminga ng malalim. Nanlulumo siya sa natanggap na balita. Gusto nyang
tawagan sa mga oras na yon ang kaibigan. Gusto nyang pigilan ito sa paglipat
subalit alam niyang huli na ang lahat tapos na ang deadline at maaring nakapirma na
ito ng kontrata.

Isinubsob niya ang ulo sa manibela dahil sa lungkot na nararamdaman. Maaring


matagalan bago nya ulit makita ang kaibigan maliban na lang kung may schedule sila
ng laban sa bago nitong team. Habang nag-iisip ay biglang may bumusinang kapaparada
lang na sasakyan sa tabi niya. Ibinaba nya ang bintana at nakita ang minamanehong
kotse ng girlfriend.

Lumabas ng sasakyan si Jerome at lumipat sa kotse ni Jessica. Masayang binati ng


dalaga ang boyfriend habang pilit nitong itinatago ang nararamdamang pagkabahala sa
katatapos lang na dinner meeting.
"May problema ba? Bakit mukhang matamlay ka?" tanong ni Jessica matapos matanaw ang
hitsura ng lalaki sa loob ng kotse nito.

"May iniisip lang ako tungkol kay Justin."

"Bakit? May problema ba si Justin?"

"Lumipat ito sa ibang team." matamlay na sagot ng binata.

"Ano?! Bakit nya naman ginawa yun? Ang akala ko pa naman ay hindi kayo
mapaghihiwalay."

Huminga ng malalim si Jerome at ngumiti ng matamlay. "Sabi nya nahihirapan daw sya
sa chemistry ng team at mukhang mas madedevelop ang laro nya sa lilipatan
nya..."humugot ulit ng isang buntong-hininga ang lalaki. "P-Pero sa palagay ko, isa
rin sa dahilan nya si...Sandra."

"Si Sandra. Bakit anong kinalaman ng kaibigan ko dito?"

"May lihim na nararamdaman si Justin kay Sandra ngunit hindi nya ito magawang
ligawan at hindi ko alam kong bakit. Napansin ko na pilit nyang nilalabanan ang
nararamdaman nya para sa kaibigan mo. Gusto niya siguro itong iwasan kaya siya
umalis."
Bahagyang natawa si Jessica sa narinig.

"Sandra...Sandra...Sandra...ang dating Sandra ka pa nga rin..." nangingising wika


ng dalaga..."kahit saan ka man magpunta ay may magmamahal at magmamahal sayo."

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Jerome.

Huminga ng malalim si Jessica. Naalala nya bigla ang naging meeting nya kay Clark
Montecastro. Bakit sa kabila ng estado nya sa buhay ay nakakatanggap pa rin sya ng
ganoong uri ng pagtrato? Bakit si Sandra na walang kamalay-malay ay may mga tao na
palang nagsasakripisyo para sa kanya? Unti-unti syang nakaramdam ng awa sa sarili.

"Ganyan si Sandra. Saan man sya magpunta ay kinagigiliwan sya. Isarado man nya sa
lahat ang sarili nya ay may makakakita at makakapansin pa rin sa kanya...Si Sandra
ay isang espesyal na tao..."

"Espesyal?" nakakunot-noong tanong ng lalaki sa hindi maintindihang kausap.

"Bata pa lang sya ay madalas na syang kagiliwan. Sabi nila isa daw syang
maituturing na gifted child. Punung-puno sya ng talento,marami syang pwedeng gawin
at hindi masukat ang talino ...ibig sabihin... kung ano ang kaya mong gawin ay mas
magagawa nya ng mabuti..."

"...pero simula ng naulila sya ay pinilit nyang itago sa sarili ang lahat ng mga
ito. Pinilit nyang magmukhang normal at mamuhay ng pagkaraniwan... pero ang
nakakatawa kahit anong klase ng pagtatago ang gawin niya sa totoo niyang pagkatao,
may makakapansin at makakapansin pa rin sa pagiging espesyal niya..."
"Marami rin ang nagmahal sa kanya... pero ni isa ay wala syang sinuklian ng tunay
na pagmamahal... maliban sa akin at sa aking ina."

Hirap maniwala si Jerome sa nalaman tungkol sa kapitbahay. Ngunit unti-unti nyang


naiintindihan kung bakit minsan ay parang paiba-iba ang nakikita nya sa pagkatao
nito.

"...Mahirap lumaki kasabay ang isang Sandra. Alam mong sa lahat ng bagay ay talo ka
ngunit mas masakit kung nanalo ka dahil kusa syang nagpapatalo. Lahat pwede nyang
gawin para sayo pero pag may kinuha naman sya ... habambuhay itong mag-iiwan ng
pilat sa iyong dibdib."

Unti-unting nangingilid ang luha ni Jessica habang may naaalala sa kanyang


malungkot na nakaraan.

"May itinatago ka bang pagdaramdam kay Sandra?" malumanay na tanong ni Jerome na


biglang nakaramdam ng awa ng mapansin ang kalungkutan sa mga mata ng girlfriend.

Umiling si Jessica.

"Wala... Mahal na mahal ko ang kaibigan ko pero tao din lang ako na nasasaktan at
nagagalit sa sarili ko sa tuwing naiisip ko na kahit anung gawin ko ay hindi ko
kayang makawala sa anino ni Sandra."

"Ano bang pinagsasabi mo? May nangyari ba sayo ngayong araw na to? Tingnan mo nga
ang sarili mo at tingnan mo si Sandra. Ang layu-layo ng narating mo kumpara sa
kanya. Papaano mo nasasabing nasa anino ka nya?"
Hinawakan ni Jerome ang pisngi ni Jessica at tinitigan ito sa mga mata. Sa mga
sandaling iyon, pakiramdam ng binata ay unti-unti nang ipinapakita sa kanya ng
kasintahan ang itinatago nitong pagkatao. Nakikita niya na sa mga mata nito ang
kalungkutang naramdaman niya sa mga libro nito.

"Natatakot ka ba sa pag-aakalang walang nagmamahal sayo ng totoo? Tingnan mo


ako.... Andidito lang ako para sayo, hindi kita sasaktan... hindi kita
iiwanan....tatanggalin ko lahat ng lungkot na dinadala mo...at hindi ako papayag na
hindi ka magiging masaya."

Nanatili lang siyang nakatitig sa kasintahan habang sinasabi ang kanyang saloobin.
May kumukurot sa puso niya sa tuwing naaninag ang lungkot sa mga mata nito. Dahan-
dahan niyang inilapit ang kanyang mukha at marahang inilapat ang kanyang mga labi
sa labi ng dalaga.

Napapikit si Jessica sa halik ng binata. Ginantihan nya rin ito ng malalim na


halik. Tumulo ang kanyang luha. Anuman ang pagdadaanan nya ay tatanggapin at
haharapin nya basta't ang mahalaga ay nasa tabi nya lang si Jerome.

*******************************************
[11] THE PROPOSAL
*******************************************

*****

Inilabas ni Sandra ang isang nakatagong make-up kit na bigay ni Jessica. Naupo siya
sa harap ng dresser. Tinitigan ng mabuti ang kanyang mukha sa salamin. Tinanong ang
sarili. Paano nga ba ang maging isang normal na dalaga sa ganitong uri ng lungsod?

Pinahiran niya ng foundation ang mukha. Ginuhitan ang kilay, nagblush-on, pinahiran
ng pulang lipstick ang kanyang mga labi at naglagay ng maskara sa kanyang
mahahabang pilikmata. Inayos ang kanyang buhok at nilagyan ito ng kumikinang na
ipit.

Matapos ayusan ang mukha ay pumunta ang dalaga sa closet. Nagsuot siya ng isang
itim na bestida. Hapit ito sa katawan, may maliliit na strap at may kaiiksian kung
kaya't lumutang dito ang magandang hubog ng katawan ng babae. Kitang-kita rin ang
mahabang leeg, pang modelong hugis ng balikat at makikinis at mahahabang hita nito.

Umikot si Sandra sa harap ng salamin at nang magustuhan na ang kanyang itsura ay


kinuha nya ang isang pares ng itim at kumikinang na sapatos na may matataas na
takong. Nagpraktis muna siya ng ilang minuto sa tamang paglalakad gamit ang mataas
na sapatos. Bumalik siya sa dresser at naglagay ng malalaking hikaw.

Kinuha niya ang isang silver clutchbag. Nagsuot ng itim na handgloves upang takpan
ang medyo sariwa pang pilat sa kamay. Naglagay ng pera sa wallet. Pinatungan ng
puting coat ang maiksing damit at saka lumabas ng bahay. Pagkababa ng lobby ay
tumawag siya ng taxi.

"Saan po tayo Ma'am?"

Nag-isip muna si Sandra. Saan nga ba sya pupunta?

"Manong dalhin nyo ako sa kahit anong sosyal at malaking music lounge."

Habang nasa taxi ay naghanda siya ng isang maliit na papel. Susulatan nya ito ng
mga bagay na dapat nyang tandaan ngunit nang mapag-isip ay bigla nya itong ginusot.
Bakit nga naman sya magsusulat pa eh kaya nya namang matandaan ang lahat?
Maya-maya pa ay inihinto sya ng taxi sa isang maganda at mukhang mamahaling music
lounge. Ilang beses muna siyang huminga ng malalim bago pumasok at paulit-ulit na
sinabi sa sarili.

"Sandra para ito sa ikagaganda ng sinusulat mo!"

Pumasok siya sa bar. Ginaya niya ang ang tindig at lakad ng mga sosyal at
eleganteng modelo. Binati kaagad sya ng isang waiter at sinuklian nya naman ito ng
isang matamis na ngiti. Inihatid sya sa isang bakanteng table na pangdalawahang
tao. Habang naglalakad ay napapatingin sa kanya halos lahat ng mga kalalakihan.

Maganda at malaki ang lugar. Hindi gaanong maingay. Acoustic ang pinapatugtog dito
at merong live performer na kumakanta sa entablado. Bago maupo ay hinubad niya ang
suot na coat at isinabit ito sa likod ng silya. Nanlaki lalo ang mga mata ng
kalalakihan nang masilayan ang katawang may hapit na kasuotan. Pagkaupo ay
malambing na tinawag niya ang waiter at omorder ng isang bote ng red wine.

-----

"Mr. Tan andito na ako sa harapan ng sinasabi mong bar. Anong room nga?"

Masigla at excited si Jerome sa gabing iyon. Makikipag-meeting sya sa isang


kumpanya na gustong maging major sponsor sa itatayo nyang foundation. Masaya sya na
unti-unti na ring matutupad ang isa niya pang pangarap. Kailangan pagbutihin nya
ang paglalahad ng kanyang mga plano para lalo itong makumbinsi.

Pumasok siya sa nasabing lugar at hinanap ang tinutukoy ng kausap na VIP room.
Pagdating nya ay naghihintay na doon si Mr. Tan.

"Mabuti naman at dumating ka na. Kanina pa ako nag-alala na baka mauna pa sayo ang
sponsor."

Nakangiting naupo ang basketbolista sa tabi ng kanyang agent.

"Syempre hindi ako mali-late, napakaimportante sa akin ng meeting na to..."

"...Ah tsaka nga pala Mr. Tan totoo bang na move ang schedule ng shooting ng bagong
Nike Commercial.? Kasi pag nagkataon after two months ko na yun magagawa. Di ba
busy kami sa buong dalawang buwan na to? Mr. Tan?...."

Tumigil sa pagsasalita ang binata nang mahalatang hindi nakikinig ang kausap.
Nakatitig ang mga mata ng agent sa isang table sa labas ng VIP room. One-way mirror
ang harapang dingding ng nasabing VIP room kaya't nakikita nila ang halos kabuuan
ng music lounge.

Umisod ng bahagya si Jerome patungo sa kanyang katabi at sinundan ang mga mata
nito. Nakatingin ito sa table ng isang babaeng nakasuot ng kulay itim na seksi at
maiksing damit. May kakwentuhan ang nasabing babae na dalawang lalaki habang may
hawak-hawak na wine glass.

"Ang ganda ganda nya. Pagdating nya at paghubad ng suot nyang coat ay para akong
nakakita ng isang diwata." namamanghang wika ni Mr. Tan na kulang na lang ay tumulo
ang laway sa pagkakatitig sa babae.

"Mr. Tan, ang tanda nyo na mga ganyang edad pa ng babae ang tinitingnan nyo, parang
anak nyo na yan."

Napatingin ulit si Jerome sa babae. Mukhang maganda nga...Tiningnan nya ulit ng


isang beses at napansin nya na parang may hawig ang babae kay Sandra... Tumingin
ulit sya...Mukhang malaki ang pagkakahawig sa kanyang kapitbahay. Hindi siya
mapakali kung kaya't lumapit pa sya sa salamin at tinitigang mabuti ang babae. Si
Sandra?... Si Sandra nga!

Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Anong ginagawa ng kapitbahay nya dito at bakit
ganoon ang hitsura nito? Lalabas na sana siya para lapitan ito ngunit biglang
dumating naman ang kanyang kausap.

"Pasensya na medyo na late ako. I am Clark Montecastro ng Bluestar Books & Co."
bungad na bati ni Clark bago ito maupo at pormal na nakipagkamay sa mga kausap.

Nagpakilala naman sina Jerome at Mr. Tan.

"Hindi ko akalaing napakabata pa pala ng presidente ng Bluestar." wika ng


basketbolista.
Ngumiti si Clark.

"Natutuwa rin ako Mr. Hernandez na makaharap kayo ng personal."

Inilabas ni Mr. Tan ang mga inihandang plano para sa itatayong foundation bago
simulan ang kanilang pag-uusap.

Hindi naman mapakali si Jerome na maya't mayang lumilingon sa table ni Sandra.


Hindi nya alam kung tama ba ang kanyang nakikita na nakikipagharutan ang kapitbahay
sa mga lalaking kausap nito. At umiinom pa! Bigla siyang nag-alala na baka maulit
na naman ang nangyari nang minsang nahospital ito.

Napansin ni Clark na maya't maya ay may tinitingnan ang basketbolista. Sinulyapan


nya rin ang pinagkakaabalahan ng mga mata nito at lihim siyang napangiti nang
makitang isang seksi at magandang babae ang umaagaw sa atensyon nito.

Samantala, unti-unti nang nakakaramdam ng hilo si Sandra. Tiningnan nya ang bote ng
wine at nagulat sya na malapit nya na pala itong maubos. Walang tigil pa rin ang
paglapit sa kanya ng mga lalaki. Kinakausap sya ng mga ito ngunit wala na siyang
maintindihan sa mga sinasabi ng mg ito sa kanya. Tanging ang buka ng mga bibig na
lamang ng mga kausap ang tinitingnan niya... hanggang sa magsimula nang umikot ang
kanyang paningin.

Napansin ni Jerome na lasing na ang kapitbahay. Nakita nyang sinasamantala na ito


ng isang lalaki at sinusubukan na itong akbayan. Hindi na siya nakatiis sa nakita.
Tumayo siya at nagpaalam sa kausap.
"Pasensiya ka na Mr. Montecastro may pupuntahan lang ako saglit."

Dali-dali siyang tumayo at naglakad papunta sa table ni Sandra. Pagdating doon ay


nagulat ang mga lalaking kausap ng dalaga nang makita siya ng mga ito. Kinuha niya
ang isang kamay ng babae at hinila ito papalabas ng lugar.

"Sandali!" wika ng lasing na kapitbahay at bumalik ito sa table para kunin ang
dalang cluthcbag.

Lumapit muli sa kanya ang dalaga at dahil sa kalasingan, kusa na itong napakapit sa
kanyang braso. Paglabas ng pinto ay pinakuha niya sa valet ang sasakyan. Ngunit
nang isasakay nya na ang dalaga ay biglang may humila sa isang kamay nito....

Si Clark Montecastro!

Nagulat siya sa ginawa ng presidente ng Bluestar. Hinila nya rin ang isang kamay ng
dalaga subalit hindi pa rin ito binibitawan ni Clark Montecastro. Nakipaghilahan
ito sa kanya kay Sandra ng may seryosong mukha

Napatingin ang lasing na babae sa dalawang binatang naghihilahan sa kamay nya at


halatang nagulat ito na nang makita si Clark. Tila may gusto itong sabihin subalit
bago pa man nito maibuka ang bibig ay muli na naman itong napayuko sa kalasingan.
"Kaanu-ano mo ang babaeng ito?" matigas na tanong ni Clark sa basketbolista.

"Matalik na kaibigan sya ng girlfriend ko."

Nanlaki bigla ang mga mata ni Clark nang marinig ang sagot ni Jerome at napabitiw
ito sa pagkakahawak sa kamay ni Sandra. Tila hindi ito makapaniwala sa nalamang
kaibigan ni Jessica Lopez ang dalaga.

"Mr. Montecastro okay lang ba na ihatid ko muna ang babaeng ito?" tanong ni Jerome
na hindi na nangusisa pa sa kakaibang ikinilos ng presidente ng Bluestar.

Nahimasmasan sa kanyang pagkagulat si Clark nang magsalita si Jerome. Tumango ito


at tinulungan ang basketbolista na isakay si Sandra sa likurang upuan ng sasakyan.

" Sige Jerome sa ibang araw na lang ulit tayo mag-usap." bigkas ni Clark ng may
mahinahong tono at hinintay muna nitong makaalis ang sasakyan bago bumalik sa loob
ng bar.

-------

Pagod na pagod si Jerome nang marating ang harapan ng unit ni Sandra. Hirap na
hirap siya sa pag-akay sa lasing na lasing na kapitbahay. Hinihingal na isinandal
niya ito sa tabi ng pintuan ng unit nito.
"Ang bigat mo para kang hindi babae!" reklamo niya."Akin na ang susi mo?"

Wala siyang narinig na sagot at nang tingnan nya ang dalaga, nakatulog na ito.

"Sandra!Sandra! Gising! Wag kang matulog. Ang susi nasaan?"

Niyugyog niya ng makailang beses ang babae ngunit hindi na talaga ito magising.
Napansin niya na walang kahit anong bitbit ito. Tatawagan nya sana si Jessica
ngunit naalala nyang may out of town nga palang lakad ang girlfriend. Wala siyang
ibang paraang maisip kundi ang patuluyin sa kanyang apartment ang kapitbahay.

"Matigas ang ulo, lasinggera at tama ba yung nakita ko na nakakikipaglandian ka rin


sa mga lalaki? Kaya naman siguro lagi ka na lang pinoproblema ni Jessica." sermon
niya sa walang kamalay-malay na babae habang inaakay papasok ng kanyang bahay.

Inihiga niya ito sa sopa at inayos ang pwesto. Tumayo siya sa tabi nito at
tinitigan ang natutulog nitong hitsura. Naalala nya ang sinabi ng girlfriend
tungkol sa babae. Gifted child? Tiningnan nya ito mula ulo hanggang paa. Natawa
siya sa isipan. Gifted child ba ang hitsurang ito?

Napapailing siya sa kakaibang ayos ng kapitbahay, At habang tininingnan ang


nakakapanibagong ayos ng babae, bahagyang ikinilos nito ang mga paa. Tumaas ang
maiksing damit nito kung kaya't di sinasadyang napadako ang mga mata niya sa
makikinis at mahahabang hita nito. Napalunok siya sa nakita at nagmadali syang
pumasok ng kuwarto upang kumuha ng kumot.

Bago kumutan ay hinubaran niya muna ito ng suot na sapatos at gloves. Pagkatanggal
ng gloves ay nakita niya ang sariwang pilat nito sa kanang kamay. Hinawakan nya ang
palad nito at tinitigan ang pilat. Bumalik sa isipan nya ang nangyari nang gabing
nagkasugat ang babae. Naalala nya ang mga mata nitong punong-puno ng takot. Dahil
nga ba iyon sa alak? Buti na lamang at hindi naulit ang pangyayaring yun ngayon.

Sa aktong kukumutan nya na ang kapitbahay ay biglang kumunot ang noo nito. Umiiling
ang ulo nito na tila nananaginip.

"Mama....mama..."

"Papa...Pa..."

Paulit-ulit na tinatawag ni Sandra ang kanyang mga magulang. Unti-unti ring may mga
namumuong butil ng pawis sa noo nito. Nataranta si Jerome sa nakita. Naupo siya sa
tabi nito at marahang tinapik ito sa braso.

"Sandra....sandra gising. Gising Sandra..."


Biglang umupo ang dalaga at yumakap ito sa kanya ng mahigpit.

"Huwag kang umalis....Huwag mo akong iwan... Huwag..." nanaginip na wika nito.

Nabigla siya sa ginawa ni Sandra. Hindi siya nakakilos ng ilang sandali. Nanatiling
nakayakap lamang sa kanya ang babae at nakatulog na ulit ito sa balikat niya.
Nakukuryente sya sa mga sandaling iyon. Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib at tila
may gumagapang na init sa buong katawan niya.

Marahan nyang inalis ang mga kamay ng dalaga sa pagkakayakap sa kanya. Hinawakan
nya ang likod ng leeg nito upang ibalik sa pagkakahiga. Dahan-dahan nya itong
inihihiga at di sinasadyang napatitig siya sa mukha nito. Noon nya lang napansin na
napakaganda nga ng kapitbahay sa gabing iyon.

Muli na namang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Tinitigan nya ang makinis na
mukha nito, ang mahahabang pilikmata, ang magandang hugis ng ilong hanggang sa
napadako ang mga mata nya sa tila nang-aanyayang mga labi nito. Lalong bumilis ang
pintig ng kanyang dibdib. At hindi nya namamalayang unti-unting lumalapit ang mga
labi nya sa mga labi nito. Bahagyang naglapat ang kanilang mga labi.... ngunit bago
pa man niya tuluyang mahalikan ito ay bigla siyang natauhan. Dali-dali niyang
inihiga ang dalaga.

"Ano tong ginagawa ko!".

Hindi siya makapaniwala sa ginawa. Napahawak siya sa kumakabog niyang dibdib at


nagmadaling pumasok sa kuwarto.

------
Sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin makapaniwala si Clark sa nangyari. Nakita nya
si Sandra. Hindi sya maaring magkamali na ang babaeng hindi nya nakita sa loob ng
pitong taon ay ang babaeng nakita nya sa bar. Bagama't kakaiba ang ayos nito ngayon
ngunit kailanman ay hindi nya makakalimutan ang mukha nito.

Papaano niya nga ba magagawang kalimutan ang mukha ng babaeng kanyang huling
inibig?

Si Sandra ang kaisa-isang babaeng minahal nya ng lubusan. Ang babaeng muntik nya
nang ipagpalit ang kanyang kayamanan upang makasama lamang ito habambuhay. Ngunit
bago pa man nya maipagtapat ang nararamdaman nya dito ay bigla na lamang itong
naglaho at hindi na muling nagpakita pa. Huli na nang malaman nyang kagagawan pala
ng kanyang ama ang biglaang pagkawala nito.

At kaibigan ito ni Jessica Lopez, ang babaeng binabalak nyang mapangasawa?


Pinaglalaruan ba sya ng tadhana?

--------

Iminulat ni Sandra ang kanyang mga mata.

"Aray...... ang sakit ng ulo ko..."


Inilibot niya ang mga paningin sa isang hindi pamilyar na lugar. Hindi ito ang
bahay nya! Nasaan sya? Napabalikwas siya ng bangon.

"Suma-sideline ka ba sa gabi?"

Jerome? Boses ni Jerome? Hinanap nya ang nagsalita at nakita nya ang kapitbahay
habang nagsasalin ng tubig sa baso.

"Sideline? Anong sideline?" natatarantang tanong niya.

Tiningnan sya ng lalaki mula ulo hanggang paa. Napatingin din siya sa sarili at
nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kanyang mapang-akit na hitsura. Dali-dali
nyang kinuha ang kumot at ibinalot sa katawan.

"Nasaan ako? ....Bakit nandidito ka!?"

"Natural bahay ko to eh."


Sabay abot nito ng isang basong tubig sa kanya na kaagad naman niyang ininom dahil
sa sobrang pagkauhaw.

"Bakit andito ako sa bahay mo?"

"Napulot kita sa kalsada, lasing na lasing ka."

Lasing? Nalasing sya? Inalala nya bigla ang ginawa kagabi....At meron ngang umakay
sa kanya papalabas ng bar at kamukha iyon ng kapitbahay. Kumalma siya ng kaunti
matapos bahagyang maalala ang mga nangyari. Subalit napatingin siya sa kapitbahay
ng may nagdududang mga mata.

"Wala kang ginawang masama?" diretsong tanong niya.

Natigilan si Jerome. Napatingin ito kay Sandra at sa mga labi nito. Napalunok ito
at agad na binawi ang mga mata sa pagkakatitig sa mukha ng kausap.

"Ano naman ang gagawin kong masama sayo? Iniisip mo ba na pagsasamantalahan ko ang
kalasingan mo? Hindi ako ganoong klase ng lalaki. At saka akala mo ba
magkakainteres ako sa babaeng kagaya mo? Hah! Mataas ang standard ko pagdating sa
mga babaeng binibigyan ko ng pansin!" tatawa-tawang sagot nito nang hindi
tumitingin sa mga mata ng kausap.
"Sigurado ka? Eh bakit di ka makatingin sa mga mata ko?"

"Ayaw kitang tingnan... Naninibago ako sa hitsura mo. Bakit ba ganyan ang suot mo?
At anong ibig sabihin ng pakikipagharutan mo kagabi sa mga lalaki?"

"Wala. May pinag-aaralan lang ako...Sandali, ba't ka ba nagtatanong? Wala kang


pakialam. Tsaka bakit di mo ako dinala sa unit ko?"

"Wala ka namang dalang susi. Katawan mo lang at ang hapit na hapit mong damit ang
bitbit mo."

"Meron nasa clutchbag ko. Nasaan na ba yun?...Naku baka nakalimutan ko sa bar.


Hindi eh... parang naalala ko bitbit ko yun. Baka naiwan sa sasakyan."

Tumingin bigla si Sandra ng maamo kay Jerome na halatang may ibig sabihin.

"Ayoko! Matapos mo akong pagbintangan ng masama. Kung gusto mo ikaw ang maghanap."

Pumasok ng kwarto si Jerome at kinuha ang susi ng kotse. Iniabot nya ito kay
Sandra.
"Etong susi ng kotse. Hanapin mo."

Tinanggap naman ng dalaga ang iniabot sa kanya at inismiran ang lalaki. Hinubad
nito ang kumot na nakabalot sa katawan at nakapaang naglakad papuntang pintuan.
Subalit bago pa man nito mabuksan ang pintuan ay biglang hinila ni Jerome ang isang
kamay nito mula sa likuran. Napaharap si Sandra at hindi sinasadyang napayakap sa
binata.

Parehong nagulat ang dalawa. Napatingala si Sandra sa mukha ng binata at


nagkatitigan ang mga ito habang magkayakap.

"Na-Nagbibiro lang ako...a-ako na ang kukuha." napapalunok na wika ni Jerome habang


nakatitig ulit sa mga labi ng kayakap. Dali-dali namang kumalas sa pagkakayap ang
namumulang dalaga...

-----

Natapos na naman ang isang araw ng pagtatrabaho. Masayang nagpaalaman sina Sandra,
Mr. Castro at Vicky sa harap ng coffee shop. Magsisimula na uling maglakad ang
dalaga papuntang subway.

"Sandra!"
Napalingon siya sa likuran at hinanap ang pinanggalingan ng boses. Nakita nya ang
isang lalaking nakatayo katabi ng isang mamahaling sasakyan. Nagdalawang-isip sya
kung siya nga ang tinatawag nito kung kaya't muli niyang ipinagpatuloy ang
paglalakad.

"Sandra!"

Lumingon ulit siya at nakita nya ang lalaki na kumakaway sa kanya. Mukhang siya nga
ang tinatawag. Dahan-dahan syang lumapit dito at habang papalapit ay unti-unting
nagiging pamilyar ang mukha nito. Clark? Si Clark nga ba ito?

"C-Clark?"

"Yap." nakangiting sagot nito.

Napanganga siya at tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang lalaking nakabihis ng
mukhang mamahaling kasuotan. Hindi siya makapaniwala sa nakikitang hitsura ng
kaharap.

"Clark? Ikaw ba talaga si Clark. Wow! Ibang-iba na ang hitsura mo. Ang laki ng
pinagbago mo ah! Anong ginagawa mo dito sa New York? Kumusta ka na?" sunud-sunod na
tanong niya dahil sa tuwa na muling makita ang dating kaibigan.
Si Clark ay nakilala niya noong mga panahong naglayas sya ng bahay. Dati itong
regular na kustomer ng pinagtatrabahuan nyang isang maliit na restaurant. Dahil sa
madalas na pagpunta-punta ng binata, naging magkaibigan sila nito. Hindi ganito
dati manamit ang lalaki. Madalas lamang itong nakasuot ng ordinaryong damit at
nakasakay sa kanyang motorsiklo.

Niyaya ni Clark si Sandra sa isang malapit na bar upang makakuwentuhan pa ito ng


matagal.

"Ibig mong sabihin mayaman ka talaga dati pa?" hindi makapaniwalang tanong ni
Sandra sa narinig na pag-amin ng lalaki.

"Oo. Easy go lucky lang talaga ako dati at may pagkarebelde kaya ayaw na ayaw ko
magkilos mayaman."

"Buti naman at nakapagisip-isip ka ng mabuti at nagpakatino ka na. Tingnan mo ang


nangyari sayo ngayon mukhang sobrang successful ka na." nakangiting wika ng dalaga.
"Ano nga pala ang ginagawa mo dito sa New York?"

"May inaayos lang akong isang kontrata tungkol kay Jessica Lopez." sabay biglang
naalala ng lalaki ang nalaman mula kay Jerome."Oo nga pala nalaman kong kaibigan mo
daw si Ms. Lopez."

"Huh? Paano mo nalaman?" gulat na tanong ni Sandra ng may namimilog na mga mata.

Natawa si Clark. Hanggang ngayon ay nakakatuwa pa rin ang ekspresyon ng mukha ng


kaharap kapag nagugulat ito.
"Nakalimutan mo na bang nagkita tayo noong isang gabi sa isang music lounge."

Nag-isip bigla si Sandra kung anong music lounge ang tinutukoy ng lalaki. Nanlaki
bigla ang mga mata niya nang maalalang may isa pa nga palang lalaking umakay sa
kanya papasok ng sasakyan. Si Clark pala yun! Bigla siyang nakaramdam ng pamumula
ng mukha nang maisip ang nakakahiyang hitsura niya ng gabing yun.

"Oo kaibigan ko nga si Jessica...At huwag ka na nang magtanong ha tungkol dun sa


nangyari sa bar. May sumanib lang talaga sa akin ng gabing yun " nahihiyang wika
niya.

"Ah yun ba. Muntik na nga kitang hindi makilala akala ko nga ay nag-iba ka na ng
linya ng trabaho." biro ng lalaki. "Nakahinga lang ako ng maluwag nang makita ko
ang hitsura mo ngayon."

"Clark!"

"Biro lang."

"Teka, paano ba kayo naging magkaibigan ni Jessica Lopez? Matagal na ba kayong


magkakilala?"

Tumango si Sandra.
"Magkakilala na kami simula pa nung mga bata pa lang kami... Teka ba't nga pala
mukhang magkasama kayo ni Jerome Hernandez nung gabing iyon. Magkakilala rin ba
kayo?"

"Nag meeting lang kami. Magiging major sponsor kasi ang kumpanya namin sa itatayo
nyang foundation."

"Ahh ganun ba. Tingnan mo nga naman, ang liit talaga ng mundo."

Napatingin sa relos nya si Sandra at nang makita nito ang oras ay agad itong
nagpaalam sa binata.

"Naku Clark kailangan ko ng umuwi marami pa kasi akong gagawin sa bahay."

"Saan ka ba umuuwi. Ihahatid na kita."

Nagpahatid naman ang dalaga sa kagustuhang makausap pa ng mas matagal ang dating
kaibigan.
"Dito ka nakatira?" nagtatakang tanong ni Clark nang makita ang mamahaling building
na tinutuluyan ng babae.

"Nakikitira lang ako. Ganun pala talaga pag may mayaman kang kaibigan. Paano bababa
na ako. Salamat ha. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nagkita ulit tayo. "

"Masaya rin akong makita kang muli." seryosong sambit naman ni Clark.

Nakangiting bumaba si Sandra sa sasakyan. At bago tuluyang isara ang pintuan ng


kotse , muli niya tiningnan ang mukha ng lalaki. Hindi pa rin siya lubos na
makapaniwala na muli niya itong makikita.

"Bye! Salamat!" masayang pamamaalam niya habang kumakaway sa papaalis na sasakyan.

Tumalikod siya ng may hindi mabura-burang mga ngiti sa labi at bago pa man sya
makahakbang papasok ng lobby ay napalingon sya sa kinatatayuan ng kadarating din
lang na si Jerome. Nakatingin ito ng masama sa kanya. Alam niya kung bakit. Marahil
ay may ibang bagay na naglalaro sa utak nito matapos masaksihan ang paghatid sa
kanya ni Clark. Hindi niya pinansin ang nagdududang mga titig nito sa halip ay
itinuloy niya na lamang ang paglalakad papasok ng lobby.
Nagmamadaling iniabot ni Jerome ang susi ng kotse sa valet at mabilis na sinundan
ang dalaga.

"Bakit ka inihatid ni Mr. Clark Montecastro?" tanong nito habang nasa elevator.

"Kilala mo ba sya?"

"Kaanu-ano mo sya?"

"Akala ko ba hindi ka palakaibigan? Bakit parang wala ng bukas kung makipagngitian


ka sa lalaking iyon?"

"Saan kayo nagpunta?"

Sunud-sunod ang mga tanong ni Jerome ngunit wala ni isa mang sagot si Sandra.
Nagkukunwari itong walang naririnig. Kahit nasa harap na sila ng kani-kanilang mga
pinto ay naghihintay pa rin ang binata na sagutin siya ng kinakausap subalit
nanatiling tahimik ang babae at ni hindi man lang nito magawang tingnan ang
nagtatanong.
Mabilis na nilapitan ni Jerome si Sandra at hinawakan ito sa braso. Napaharap sa
kanya ang babae.

"Bakit ba hindi ka sumasagot?! Mahirap ba ang mga tanong ko?!" pasigaw na wika ng
lalaki.

Nagulat si Sandra sa naging reaksiyon ng kaharap. Hindi nya alam kung nagbibiro ba
ito o totoong galit. Sa nakikita niya ay mukhang galit nga ito. Pero bakit
nagkakaganito ang kapitbahay nya samantalang sanay naman itong hindi nya gaanong
kinakausap paminsan-minsan?

Tinanggal niya ang kanyang braso sa mahigpit na pagkakahawak nito. Napipikon na din
siya sa napapadalas na pangingialam nito.

"Bakit ba? Ano bang pakialam mo?! Mr. Jerome Hernandez masyado ka na yatang
nagiging pakialamero! Hindi porke't boyfriend ka ng kaibigan ko ay mamanmanan mo na
ang bawat kilos ko! Oo nagkaka-usap tayo pero hindi ibig sabihin nun ay
panghihimasukan mo na pati personal na buhay ko!"

Pumasok siya sa bahay at ibinulagsak niya ng malakas ang pintuan.

Nakatayo lamang si Jerome sa tapat ng pinto ng kapitbahay habang hindi makapaniwala


sa kanyang ginawa. Ano ang nangyari sa kanya? Bakit bigla na lang syang napasigaw?
Hindi sya ganitong klase ng tao. Kailanman ay hindi siya nanigaw ng babae. Hindi
rin sya ang tipo ng taong mabilis at basta-basta na lang nagagalit.

Muling nagbukas ang pintuan ni Sandra. Lumabas dito ang babae na may mahinahon ng
mukha.
"Huwag tayong mag-away Jerome, alang-alang kay Jessica. Isa lang ang hiling ko para
maging maayos ang samahan natin, please lagyan natin ng limitasyon ang
panghihimasok natin sa buhay ng bawat isa."

-----

"Napakaganda nyo sa personal Jessica Lopez!"

"Ang swerte-swerte mo naman kay Jerome Hernandez!"

"Bagay na bagay talaga kayo ni Jerome sana kayong dalawa na ang magkatuluyan!"

"Nakakakilig talaga kayo ni Jerome! Susuportahan namin kayo at aawayin namin kung
sino man ang sisira sa relasyon nyo!"

Sunud-sunod ang mga papuring natatanggap ni Jessica habang pumipirma sa mga


tagahangang nakapila sa kanyang book signing event. Kasama nya na dapat si Jerome
sa mga sandaling iyon ngunit nagbilin ang boyfriend na mahuhuli sya ng dating dahil
na extend ang oras ng ensayo ng team nila.

Simula ng maging magkasintahan sina Jerome at Jessica ay madalas na sinusuportahan


ng lalaki ang mga promotional events ng kanyang girlfriend. Ang personal na pagdalo
ng sikat na player ay mas nakakadagdag pa lalo sa dami ng taong pumupunta at minsan
dahil parehong busy ang kanilang mga schedules ay sinasamantala na rin nila ang mga
pagkakataong ito upang magkita. Hindi naman ito hiniling ni Jessica sa boyfriend.
Si Jerome mismo ang nagkukusang bumisita kapag libre ang kanyang oras.

"Ms. Jessica, darating ba si Jerome? Kanina pa kami naghihintay bakit hanggang


ngayon ay wala pa." tanong ng tagahanga ng dalaga.
Napatingin naman si Jessica sa relos nya at biglang nag-alala na baka nga ay hindi
makarating ang boyfriend. Ngunit Ilang sandali lang ay nagtilian na na ang mga
kababaihan. Dumating na ang lalaki. Tumabi kaagad ito kay Jessica at hinalikan sa
pisngi ang kasintahan sa harap ng maraming tao. Mas lalong lumakas ang tilian at
hiyawan.

"Pasensya na marami pa kaming pinag-usapan ni coach." pabulong na wika ng binata sa


girlfriend at sabay upo sa tabi nito.

Madalas maantig ang damdamin ni Jessica sa ginagawa sa kanya ni Jerome. Katulad sa


mga oras na iyon na sa kabila ng pagod nito ay nagagawa pa rin syang puntahan.
Pinipilit pa rin nitong ngumiti sa lahat ng mga tagahanga. Habang tumatagal ay lalo
siyang napapamahal ng lubusan sa binata. At sa lahat ng suporta at pagmamahal na
pinaparamdam nito sa kanya, imposibleng mangyari ang kinatatakutan ng mga tagahanga
na may makakasira sa kanilang relasyon.

Pagkatapos ng mahabang oras ng book signing ay naisipan nina Jerome at Jesssica na


magpareserve at mag-dinner sa isang hotel.

"MAAAAAA'AAAMMMM!" sigaw ng humahangos na si Mylene habang papasakay na ang


magkasintahan sa kotse.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Jessica.

"Tawagan nyo si Mr. Montecastro!" hinihingal na wika ng sekretarya.

"At bakit ko naman tatawagan ang hambog na yun?" pabulong na may kasamang
panggigigil na sambit ng dalaga.
Hinila ni Jessica papalayo si Mylene sa sasakyan upang hindi marinig ni Jerome ang
kanilang pag-uusap.

"Importante Ma'am! Tatanggapin nya na daw ang counter-offer natin sa kontrata nila!
Hihintayin daw nya ang tawag mo. ASAP!"

Napangisi ang dalaga sa narinig.

"Kita mo na puro yabang din lang talaga yan si Mr. Montecastro, tatanggapin din
naman pala kung anu-ano pang kabastusan ang ginawa. Siguro na-realize na nila na
kawalan din sa kanila kung hindi sila magbebenta ng libro ko."

"No Ma'am! Hindi pa one hundred percent sure ang pag-oo nila. Meron pa daw mga
kondisyones! Kaya gusto ka nyang makausap"

"May dinner kami ni Jerome kaya bukas ko na lang sya tatawagan." sabay lakad ng
dalaga pabalik ng sasakyan.

"Siguraduhin nyo Ma'am kasi may plano na syang umalis ng New York sa makalawa."
pahabol na wika ng sekretarya.

Nakakunot ang noo na sumakay si Jessica ng kotse.

"May problema ba?" tanong ni Jerome nang makita ang seryosong mukha ng girlfriend.
"Sumasakit ang ulo ko sa pakikipag-usap sa Bluestar" sabay buntong-hininga ni
Jessica.

"Bluestar? Kanino kay Mr. Montecastro?"

"Huh? Kilala mo sya?" gulat na tanong ng dalaga.

"Oo. Isa sya sa mga magiging major sponsors ng foundation ko. Bakit anong problema
mo sa kanila?"

Natahimik si Jessica sa nalaman at nag-isip. Ano ang pinaplano ng hambog na iyon?


Bakit pati si Jerome ay nilalapitan nito? Seryoso ba talaga to sa sinabing gusto
syang mapangasawa?

"Ba't bigla kang tumahimik?" nag-aalalang tanong ng lalaki matapos mapansin ang
nababahalang mukha ng girlfriend.

Ngumiti ng pilit ang babae. "Wala naman iniisip ko lang yung kontratang offer ng
Bluestar."

Pagdating sa restaurant ay nahahalata pa rin ni Jerome na may bumabagabag sa


kanyang kasintahan. Bagama't nakangiti ito sa tuwing nakikipag-usap sa kanya
subalit bigla itong nagseseryoso ng mukha kapag hindi na siya nakatingin.

"Cheer up!" tugon niya dito pagkaupo nila sa mesa at sabay pisil niya ilong nito.
Napangiti naman si Jessica sa lambing niya. Ilang saglit pa ay lumapit sa kanila
ang isang waiter at ibinagay nito ang menu. Habang namimili ng order ay napadako
ang mga mata niya sa isang di kalayuang table. Agad na naglaho ang mga ngiti sa
mukha niya nang makilala kung sino ang nakaupo doon. Si Sandra. At masayang
nakikipag-usap ito sa isang lalaki. Si Mr. Montecastro ulit?

"Jessica, di ba ang kaibigan mo yun?"

Gulat na gulat si Jessica sa nakita. Mas lalong umigting ang pagdududa ng dalaga sa
motibo ni Clark Montecastro. Bakit pati si Sandra ay nilalapitan nito? Sa
nasaksihan, hindi niya na mapapalampas pa ang bastos na lalaki.

"Sandali lang Jerome may importante lang akong sasabihin kay Mr. Montecastro."
nagpipigil sa galit na wika niya.

Parehong nagulat sina Sandra at Clark nang makita ang nakatayong si Jessica sa tabi
ng kanilang table.

"Jessica? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Sandra.

Hindi sinagot ni Jessica ang kaibigan.


"Pwede ba tayong mag-usap Mr. Montecastro?"

"Sure." sabay tingin ni Clark sa pinagmulang table ni Jessica at doon ay


nakasalubong ng mga mata nito ang mga titig ni Jerome. " Excuse us Sandra."
maginoong paumanhin nito sa kasama bago umalis ng mesa.

Nag-usap ang dalawa sa isang tahimik na bahagi ng hallway ng hotel.

"Ano to Ms. Lopez? Ganito ka ba mamili ng lugar para makipag-meeting?" ngingiti-


ngiting tanong ni Clark.

"Hindi ako nakikipagbiruan Mr. Montecastro! Ano ang ibig sabihin ng mga ginagawa
mo? Bakit nilalapitan mo ang mga taong malalapit sa akin?!" galit na galit na wika
ni Jessica.

Napapangisi lamang ang lalaki sa nakikitang panggagalaiti ng kausap.

"Dalawa lang ang dahilan, Ms. Lopez, first is business and second is personal."

"Anong ibig mong sabihin?"


"Katulad ng sinabi mo, bakit ako mamimili kung pwede ko namang pagsabayin."

"Hindi pa rin kita maintindihan! At bakit pati ang kaibigan ko ay nilalapitan mo?
Huwag mo syang idamay sa mga kalokohan mo!"

"Uh-uh. Gusto ko lang itama ang sinabi mo. Hindi ako lumapit kay Sandra dahil
sayo... matagal ko na siyang nilapitan bago pa man ako lumapit sayo."

Hindi makapagsalita si Jessica. Naguguluhan pa rin ito sa pinagsasabi ng kausap.

Lumapit si Clark at tinitigan ang naguguluhang mga mata ng nagtataray na babae.

"Don't you get it Ms. Lopez? You are the business and Sandra is personal."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jessica sa sinabi ng lalaki. Bakit lahat na


lang ng lumalabas sa bibig ng kausap ay puro pang-iinsulto sa pagkatao nya.

"Ah..tutal nag-uusap na rin lang tayo. Gusto kong sabihin na ibebenta ng Bluestar
ang libro mo. Susundin ko lahat ng mga kondisyones ng opisina mo...kapalit ng isang
kondisyon ko.... ibigay mo sa akin ang kaibigan mo."

"..Now, if you'll excuse me, may dinner pa akong dapat tapusin."


Naiwang nakatulala si Jessica sa kanyang kinatatayuan. Nanginginig ang kanyang mga
tuhod sa galit, pagkabigla at pagtataka. Si Sandra? Hinihinging kapalit ni Clark
Montecastro? Para saan at bakit?

*******************************************
[12] KATOTOHANAN AT PAGKUKUNWARI
*******************************************

*****

"Iwasan mo ang pakikipagkita kay Clark Montecastro!" matigas na utos ni Jessica.

"Pagkatapos ng matagal mong di pagdalaw, nagpunta ka ba ngayon para lang sabihin sa


akin ang bagay na yan?" mahinahong sagot ni Sandra habang nakatingin sa bintana.

"Ginagamit ka lang ng lalaking yun! May hindi magandang pinaplano ang taong iyon
tungkol sa akin."

Tumingin ng diretso si Sandra sa mga mata ng kaibigan.

"Naniniwala ka ba talaga na may taong pwedeng manggamit sa akin? Dahil sa


pagkakatanda ko, sa buong buhay ko isang tao lang ang pinapayagan kong gamitin ako"

Tumahimik sandali si Jessica. Iniwas nito ang mga mata sa kausap.


"Iniisip ko lang ang makakabuti para sayo. Bakit ka ba lumalapit sa kanya at parang
ipinagtatanggol mo pa ang lalaking yun?"

"Kung may dahilan ka para magalit sa kanya, may dahilan din ako kung bakit ko sya
nilalapitan."

"At ano ang dahilan na yon para tanggihan mo ang simpleng hiling ko sayo?!"

"Dahil kaibigan ko siya..."

Natawa si Jessica sa narinig.

"Ka-kaibigan? At kailan ka pa nagkaroon ng ibang kaibigan?"

"Kaibigan ko siya noong mga panahong wala ka... Isa siya sa mga taong
pansamantalang nagbigay ng ngiti sa buhay ko noong mga panahong nabubuhay ako sa
bangungot.... Sya ang nagsilbing Jessica sa akin noong mga sandaling wala ka."

Hindi matanggap ni Jessica ang sinabi ni Sandra. Ayaw nyang maniwalang may malalim
na pinagsamahan ang taong kasalukuyan nyang kinamumuhian at ang kaibigan nya.
"Matagal na yun Sandra! Ibang tao na ngayon si Clark Montecastro! Hindi ka
nakakasigurong malinis ang intensyon nya sa muling paglapit nya sayo ngayon! Hindi
ako papayag na magamit ka nya! At lalong lalong hindi ako papayag na muli kang
mapalapit sa kanya!" galit na wika niya.
"Bakit?" mahinahon pa ring tanong ni Sandra.

"Dahil nag-aalala ako para sayo! Dahil ayokong masaktan ka!"

"Yan ba talaga ang totoong dahilan? O dahil may unti-unti ka na namang


kinakatakutan?"

"Anong ibig mong sabihin?"

Lumapit si Sandra sa kaibigan at tinitigan ito sa mga mata. "Dahil ba sa iyong mga
takot kaya ibinabalik mo rin ang mga bagay na kinatatakutan ko? Kaya mo ba nagawa
sa akin yun? Kaya mo ba nagawa yung nangyari sa music lounge?" matigas ngunit
mahinang tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ni Jessica. Biglang namutla ang mukha nito at hindi magawang
magsalita.

"...Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala ka nang dapat ikatakot... Wala akong
babawiin at lalong wala akong kukunin...dahil ako mismo ay hindi papayag na may
mawala sayo. Kaya kung may kinakatakot ka sa pagiging malapit ko kay Clark ay
burahin mo na dyan sa dibdib mo dahil hinding-hindi mangyayari ang mga
pinangangambahan mo."

Agad na kumawala sa pagkakatitig si Jessica at sarkastikong tumawa. "Hah! Oo nga


pala. Bakit nga naman pala ako magpapakamatay sa pag-aalala para sayo. Ikaw nga
pala ang dakilang si Sandra! Magaling sa lahat ng bagay. Eh ano ngayon kung lumapit
sayo si Clark Montecastro? Eh ano ngayon kung subukan ka nyang paibigin? Dapat nga
pala ay matuwa pa ako at pagtawanan siya...Dahil ang taong pag-aaksayahan nya ng
oras ay isang tao na kaylanman ay hindi marunong magmahal!... Isang tao na
namumuhay sa ibang pagkatao!....Isang uri ng tao na pag minahal mo ay isa lang ang
isusukli sayo....sakit at pagdurusa!" Pagkatapos magbitiw ng masasakit na salita ay
tinalikuran niya si Sandra. Nagmamadali siyang umalis at pabulagsak niyang isinara
ang pinto.
Naiwan si Sandra na nakatayo at nanginginig ang mga tuhod. Tumarak sa dibdib niya
lahat ng mga binitawang masasakit na salita ng kaibigan. Nangingilid ang kanyang
mga luha ngunit pinipilit niyang huwag maiyak...

Samantala, pagdating ng kotse ay umiyak at napasubsob sa manibela si Jessica.


Humagulhol ito at ibinuhos ang lahat ng sama ng loob. Pagkatapos maiiyak ang lahat
ay kumuha ito ng tisyu at pinahid ang mga luha. Ilang beses itong huminga ng
malalim.

Nag-isip ng matagal...

Tumikhim at kinuha ang telepono...

"H-Hello, Mr. Montecastro...Pumapayag na ako sa kondisyon mo...sa iyo na ang


kaibigan ko."

-----

Hawak ni Sandra ang bola. Seryoso ang mukha. Tumatagaktag sa pawis ang buong
katawan. Matatalim ang mga tingin. Punung-puno ng galit ang dibdib.

Ikaw nga pala ang dakilang si Sandra!


Mula sa gitna ng court ay tumakbo ng mabilis ang babae. Tumalon ng mataas at
ipinasok ang bola.

...isang tao na kaylanman ay hindi marunong magmahal!

Nagdribol, pinatama ang bola sa board ng ring, sinalo, tumalon ulit ng mataas at
ipinasok ang bola.

...pag minahal mo ay isa lang ang isusukli sayo....sakit at pagdurusa!

Tumakbo mula sa kabilang ring, umikot sa ilalim ng basket at ipinasok ang bola.

Isang tao na namumuhay sa ibang pagkatao!

Tumakbo ng napakabilis mula sa kabilang ring, mga labinlimang talampakan mula sa


basket ay tumalon ng mataas at isyinut ang bola.

Pwes, ito ang pagkatao ko! Kaya kong gayahin anuman ang napanood ko. Kaya kong
tandaan anuman ang dumaan sa mga mata ko. Kaya kong sabihin lahat ng mga narinig
ko. Kaya kung isulat lahat ng nasa imahinasyon ko...at patutunayan ko na kaya ko
ring mabuhay ng tulad nyo!

"May pinaghahandaan ka bang mahigpit na laban?"


Natuhan si Sandra nang makarinig ng boses. Pansamantala siyang nawala sa kanyang
sarili.

"Aray!"

Napaupo siya sa sahig. Pinupulikat ang kanyang paa sa sobrang paglalaro.

Mabilis na lumapit ang kanina pa palang nanonood na si Jerome. Hinawakan niya ang
paa ng dalaga at dahan-dahang iniunat. Hinubaran ito ng sapatos. Binaluktot ang
sakong at mga daliri sa paa hanggang sa unti-unting maibsan ang pananakit nito.

Matapos hilutin ay naupo siya sa tabi ni Sandra. Tiningnan niya ang mukha nito, may
lungkot at galit ang mga mata. Muling naglaro sa isipan ang kanyang napanood. Tama
nga ang kwento ni Jessica, hindi ito isang pangkaraniwang babae. "Whoah! Mukhang
ang lalim ng pinaghuhugutan ng paglalaro mo ngayon ah. Parang kahit ako ay
mahihirapang talunin ang babaeng napanood ko kanina." pabirong wika niya.

Ngumiti ng matamlay si Sandra. "Wala yun... Nawala lang ako sa sarili ko. Siguro
dahil marami akong iniisip kaya di ko na namamalayan kung anong mga pinagagawa ko."

"Nawala ka sa sarili...o yun ang totoo mong sarili?" biglang pagseseryoso ng


binata.

Napatingin sa katabi si Sandra. Nagulat ito sa di-inaasahang tanong ng lalaki. "S-


Salamat para dito sa paa ko. Babalik na ako sa unit, marami pa pala akong gagawin.
Makakapaglaro ka nang mag-isa." bigla-bigla nitong pamamaalam na halatang may bagay
na iniiwasan.
Tumayo ang babae ngunit bago pa man ito makahakbang ay pinigilan ni Jerome ang
isang kamay nito.

"Masaya ka ba?"

"...Masaya ka ba sa pagpapanggap na ginagawa mo?"

Hindi umimik si Sandra.

" Bakit kailangan mong itago ang mga bagay na ipinagkaloob sayo ng diyos. Hindi ba
dapat ay ipinagmamalaki mo at maging masaya ka dahil may mga katangian ka na wala
ang nakararami?"

"Huwag mo akong kausapin tungkol sa bagay na yan...dahil wala kang alam."

Tinanggal ng dalaga ang kanyang kamay sa pagkakahawak ng lalaki at naglakad


papalabas ng pinto.

"Sandra!"

Huminto ang babae nang hindi lumilingon.


"Walang sinumang tao ang habambuhay na nabubuhay sa pagkukunwari." pahabol na wika
ng binata.

Walang naging reaksyon ang mukha ni Sandra sa halip ay ipinagpatuloy lamang nito
ang paglalakad papalabas ng pinto na para bang walang narinig.

-----

Magkasamang namimili sa mamahaling boutique ang sikat na magkasintahang sina Jerome


at Jessica.

"Nakakailang boutique na tayo, wala ka pa rin bang napipili Jessica?" napapakamot


sa ulong sambit ng binata na walang ginawa kundi ang sumunod sa kanyang girlfriend
habang pumipili ito ng mga damit.

"Wala pa akong nagugustuhan para sayo. Gusto kong masigurado na talagang babagay
sayo ang mapipili ko."

Lumapit si Jessica sa boyfriend nang mapansin ang naiinip na mukha nito. Hinawakan
niya ng dalawang kamay ang braso ng binata at malambing na sumandal sa dibdib nito.
"Huwag ka namang mainip please. Gusto ko kasi ikaw ang pinakagwapo sa party na iho-
host sa akin ng Bluestar. Saka di ba promise mo, akin ka ngayon buong araw? Sige na
pleasee..."

Napapangiti at napapailing si Jerome sa girlfriend. Kapag nagsimula na itong


maglambing sa kanya, kadalasan ay hindi nya na ito nagagawang tanggihan. "Okay take
your time, pero sana wag nating ubusin ang buong araw natin dito ha." pahapyaw
niyang biro.

"Promise sandali na lang to!" wika ng dalaga ng may namimilog na mga mata at abot
tengang ngiti.

Ilang sandali pa ay nakapili na ulit ng suit si Jessica. Ipinasukat nya ito sa


boyfriend. Nang lumabas si Jerome sa dressing room, nagmistula siyang teenager na
kilig na kilig nang makita kung gaano ito kagwapo. Nakangiting lumapit siya sa
kasintahan.

"Perfect! Eto na ang bilhin natin. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Ako na yata
ang pinakamasaya at pinakaproud na babae sa buong mundo."

Napayakap siya sa boyfriend na tila isa sa mga kinikilig na tagahanga nito. Mas
lalo pang nadagdagan ang pagiging proud girlfriend niya nitong mga huling araw
dahil sa sunud-sunod uling pagpapanalo ng team nina Jerome. Ang kahusayan nito sa
paglalaro ay madalas ulit maging paksa sa mga telebisyon at diyaryo.

"Bolera!" natatawang wika ng basketbolista sa pagkikilos bata ng dalaga.

"Hindi ako nambobola! Totoong proud na proud ako sayo. Boyfriend ko ata ang
superman ng NBA. Ilang milyong babae kaya ang naiinggit sa akin ngayon? "

Matapos ang mahabang oras ng pamimili ay bumalik na sa minamanehong kotse ni Jerome


ang magkasintahan.

" Ang haba ng ginugol nating oras sa paghahanap ng suit ko. Paano naman yung damit
mo?"

"Huwag mong isipin yun. May designer ako para sa mga special events na dinadaluhan
ko. Sya na ang bahalang pumili ng isusuot ko. Basta ang importante sa akin ay ako
mismo ang pumili ng isusuot mo. Gusto ko simula ngayon kapag may mga formal event
at party kang pupuntahan ako na mismo ang pipili ng mga damit mo. Ano sa palagay
mo?...Sige na naman pleaseee...pumayag ka na!"

"Okay lang sa akin. Kaya lang baka naman magiging malaking abala to sayo." sagot ng
binata na lihim na natutuwa sa pag-aasikaso sa kanya ng kasintahan.

"Talaga pumapayag ka?! Basta para sayo, ititigil ko anuman ang ginagawa ko!"

"Teka napansin ko lang bakit mukhang masyadong magarbo yata ang party na inihahanda
para sa launching ng Bluestar sa libro mo? Akala ko ba nagkakaproblema kayo? Mabuti
naman at naayos nyo na."

Tumahimik si Jessica. Napaisip siya bigla kung sasabihin ba sa boyfriend ang


totoong nangyari. Gusto niya sanang sarilinin ang anumang bagay na namamagitan sa
kanila ng kaibigan ngunit ayaw niyang may itinatagong bagay sa lalaki. Natatakot
siyang baka ang paglilihim niya ay maging dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan.
Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga bago magsalita.

"Sabihin na nating naayos ito dahil sa ibang tao. Ayoko sanang makipagkasundo pero
naisip ko wala namang mawawala tutal hindi naman ako ang masusunod kundi ang tao
rin na yun kaya bakit hindi ko pa tanggapin ang kondisyon ni Mr. Montecastro."
pahapyaw na paliwanag ng dalaga.

"Ibang tao? Kondisyon ni Mr. Montecastro? Hindi kita maintindihan." tanong ng


lalaki habang nagmamaneho at nakatingin ng diretso sa daan.

"Jerome sa tingin ko ito na ang tamang panahon para matutunan ni Sandra kung papano
ang magmahal."

Natigilan si Jerome sa narinig. Bigla itong nagmenor sa pagmamaneho. Parang unti-


unti niya nang naiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng girlfriend. "Si Sandra ba
ang taong yun? Ang kaibigan mo ba ang kondisyon ni Clark Montecastro?" tanong niya
habang nakakaramdam ng takot sa isasagot ng kausap.

Tumango si Jessica.

Itinabi ni Jerome ang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa
sagot ng girlfriend. "Ipinagkasundo mo si Sandra kay Mr. Montecastro. Tama ba ako
Jessica?" matigas na tanong niya.

Tumango ulit si Jessica.

Natawa si Jerome nang may hindi makapaniwalang mukha. "Alam ba ng kaibigan mo to?"

Umiling si Jessica.
"Ang hirap paniwalaan pero paano mo nagawa ang ganitong bagay Jessica?"

Nag-isip ng malalim ang babae at nagseryoso ng mukha. "Ako ang unang tumutol sa
bagay na yan. Pinagtawanan ko lang nang inamin ni Clark Montecastro na gusto nya si
Sandra at lahat ng kondisyon ng opisina ko ay susundin nya kapalit ng kaibigan
ko....Sinubukan kong pagsabihan si Sandra na layuan nya ang presidente ng Bluestar
subalit pinag-awayan lang namin ito..."

"...hindi nya daw kayang layuan dahil kaibigan nya rin ito. Naisip ko na para
awayin ako ni Sandra dahil dito, maaring may puwang nga sa kanya si Mr.
Montecastro. Hindi kaylanman nagawa sa akin ng kaibigan ko na awayin ako nang dahil
sa isang tao. Napagisip-isip ko na siguro ay tama lang na tanggapin ko ang alok ng
Bluestar, baka sakaling pagkakataon na rin ito para matutong lumambot ang puso ni
Sandra....baka nga ang lalaking yun ang makapagpapabago sa kanya."

"At paano ka nakasisiguro na malinis ang intensyon ng lalaking yun sa kaibigan mo?
Paano kung saktan lang niya si Sandra?" tanong ng binata na halatang hindi pa rin
kumbinsido sa paliwanag ng kausap.

"Hindi ako nag-aalala sa totoong intensyon nya. Ang mahalaga ay may tiwala ako sa
kaibigan ko. Alam kong hindi ito maloloko ng sinuman. Ang importante ay maranasan
nyang mamuhay bilang isang normal na babae...ang maging masaya o ang masaktan ng
dahil sa pag-ibig."

"...kaya't wag mong iisipin na tinanggap ko ang katawa-tawang alok na ito dahil sa
akin, nilunok ko ang buong pride ko sa harap ng lalaking yun para sa kaibigan ko."

Hindi na muling nagsalita pa si Jerome nang marinig ang huling paliwanag ng


kasintahan. Tahimik na itinuloy nya ang pagmamaneho. Ngunit sa loob ng kanyang
dibdib ay may lihim na nagsusumigaw pa rin ng pagtutol...

-----

Nagkakagulo sa coffee shop. Nagwawala ang isang mamang kostumer dahil sa maling
order na ibinigay dito ni Vicky.

"Niloloko mo ba ako! Ilang beses kong inulit sayo kung ano ang gusto ko! Bakit
hindi mo pa rin nasunod! Tanga ka ba ha? Tanga ka ba?!" sigaw kay Vicky ng
kustomer. Malaki at matabang lalaki ito kaya ganun na lamang ang takot dito ng
serbidora.

"S-sir, sinunod ko na naman po. I-ilang ulit nyo na nga pong pinapapalitan yung
order nyo eh." nanginginig sa takot na sagot ni Vicky.

"So ibig mong sabihin ako pa ang mali at nagsisinungaling ngayon! Ginagawa mo pa
akong sinungaling! Bulok na nga tong tindahan nyo! Bulok pa ang serbisyo nyo!"

Itinapon bigla ng lalaki ang mga pagkain at inumin na nakapatong sa counter.


Tumapon ang mga ito sa damit ni Vicky dahil dito ay mas lalo pang natakot ang
serbidora. Samantala, hindi na nakapagpigil pa ang nanahimik na si Sandra. Lumapit
ito sa kustomer at kinabig si Vicky patungo sa kanyang likuran.

"Sir, kahit paulit-ulit ko mang ireplay sa utak ko ang sinabi nyo. Wala ho akong
makitang pagkakamali sa ginawa ng kasamahan ko. Gusto nyo ho bang ulitin ko ang
eksaktong mga sinabi nyo simula ng pumasok kayo dito?" matigas na wika ng dalaga.

---" Miss, pa-order ako ng isang banana chocolate milk shakes. Gusto ko isang cup
ng sugar ang ilagay, isang kutsara ng cocoa at huwag mong lagyan ng vanilla flavor.
Pa-order na rin ako ng isang chicken sandwich salad. Tanggalin mo ang celery at
ayoko ng may sibuyas."

"...Ginawa ho yun ng kasama ko at isinerve sa table nyo. Pero nang tikman nyo ay
meron na naman kayong ibang hiling..."

---"Miss, kulang sa tamis ang milkshakes dagdagan mo pa ng syrup at tanggalin mo


ang whip cream sa ibabaw. Ang sandwich bawasan mo ng mayonnaise at budburan mo pa
ng paminta."

"...ginawa ho ulit yun ng kasama ko. Ngunit hindi pa rin ho kayo nakuntento may
bago na naman kayong hiling."

---"Miss, tanggalin mo ang pickle at ang itlog sa sandwich dahil may allergy ako
dito..."

"...sinunod hong lahat yun ng kasama ko. Ngayon nagwawala kayo dahil para sa inyo
ay hindi namin nagawa ng maayos ang order nyo. Sa tingin nyo mister, maayos din ba
kayo magbigay ng order nyo?"
Nagulat ang lalaki kung papaano natandaan ng kaharap ang lahat ng mga sinabi nya.
At dahil sa pagkakapahiya ay mas lalo itong nagalit. "Anong hindi maayos ang order
ko! Mga bobo lang talaga kayo! Ibalik nyo sa akin ang binayad ko! At ikaw babae ka
wag mo akong paandaran ng kayabangan mo!"

Iniamba ng lalaki ang kanyang kamao ngunit bago pa man makadapo ang kamay nito kay
Sandra ay biglang may pumigil dito na isa pang kamay.

"Subukan mong kantiin kahit dulo ng buhok ng babaeng at mararanasan mo kung papano
humiwalay ang kaluluwa sa katawang lupa mo!"

Napatingin si Sandra sa nagsalita. Nagulat ito nang makita si Clark.

"Sino ka ba ba't ka ba nakikialam dito?!" sigaw ng nagwawalang lalaki.

"Ako ang taong hindi nakakapagpigil ng sarili kapag may nakikitang babaeng
sinasaktan." sagot ni Clark ng may nakakalokong mga ngiti.

Nabigla si Clark nang walang pasabing sinuntok siya sa mukha ng pinipigilang


kustomer. Napahawak siya sa tinamaang pisngi at galit na ginantihan din ito ng
isang malakas na suntok. Natumba sa sahig ang nagwawalang lalaki. Babangon pa sana
ito para gumanti subalit bago pa man ito makaporma ay inunahan niya na ito ng mga
sipa at suntok.

"Tama na Clark! Tama na yan!" awat ng natatarantang si Sandra.

Saka lamang huminto sa pagsipa si Clark. Mabilis namang tumakbo papalabas ng coffee
shop ang nagwalang kustomer. Pinakalma ni Sandra ang binata. Pinaupo niya ito at
sinipat ang mukha. Duguan ang gilid ng labi nito.

"Akala ko ba tumino ka na? Eh ba't hanggang ngayon ay mukhang basagulero ka pa rin?


Sandali wag kang gumalaw dyan at lalagyan ko ng gamot yang sugat mo!"

Lumapit si Vicky sa dalawa, dala-dala nito ang isang medical kit. Kumuha ng gamot
si Sandra at pinahiran ang sugat ng lalaki.

"Aray!" daing ng lalaki.

"Huwag ka ngang magreklamo dyan. Betadine lang umaaray ka na samantalang kung


masipa mo yung lalaki kanina akala mo kung sino kang ubod ng tapang!" sermon ng
dalaga.

Napatitig si Clark sa galit na mukha ni Sandra habang pinupunasan nito ng bulak ang
kanyang sugat sa bibig. Parang nakaraan lang, kung saan lagi sya nitong
sinesermonan at ginagamot sa tuwing pinupuntahan nya ito pagkagaling sa
pakikipagbugbugan o di kaya'y sa aksidente sa motorsiklo.

"Pinigilan ko lang yung mayabang na lalaking yun. Sa tingin mo kung hindi ko ginawa
to baka nasaktan ka na nya."

"Kahit na dapat hindi ka pa rin dapat nakialam! Kaya ko namang ayusin yung
problema, pinangunahan mo lang ako. Tingnan mo nga ang hitsura mo ang dise-disente
mong tingnan dyan sa damit mo tapos nakikipagbugbugan ka!"

Hindi na sumagot pa ang lalaki dahil dati pa man ay hindi na sya nanalo kapag
nagsalita na si Sandra ng dire-diretso.

Iba ang pagkakakilala ni Clark kay Sandra sa mga panahong naging kaibigan niya ito.
Isa itong masayahin, palangiti, maasikaso at mabait na babae. Wala rin syang
gaanong alam sa nakaraan at pinagmulan nito dahil basta na lamang itong dumating sa
kanilang lugar. Hindi ito nagkukuwento tungkol sa kanyang personal na buhay
hanggang sa dumating na din lamang ang araw na umalis na lang ito ng walang paalam.

"Bakit ka ba nandidito? Akala ko ba bumalik ka na sainyo? Sabi mo nung nakaraang


mag-dinner tayo ay uuwi ka na."

"Marami pa kasi akong dapat asikasuhin. Sa tingin ko ay matatagalan pa ako dito. At


saka ayaw mo nun madalas mo na ulit akong makikita." pabirong wika ng binata.

"Hoy! Mr. Montecastro kung ang gagawin mo ay katulad pa rin ng dati na sa tuwing
pupuntahan mo ako ay pasa-pasa yang mukha mo, di bale na lang! Tingnan mo ang
nangyari ngayon, unang beses pa lang na pagbisita mo ay nakipagsuntukan ka na!"
Patuloy ang kwentuhan, asaran at kulitan ng dating magkaibigan. Samantalang si
Vicky naman ay biglang nalimutan ang naramdamang matinding takot sa pagwawala ng
isang kustomer. Napalitan ito ng lihim na pagtataka at pagkakilig sa dalawang nag-
uusap.

*******************************************
[13] ANO KA NGA BA SA PUSO KO?
*******************************************

****

Kanina pa masama ang tingin ni Jerome sa kausap. Malayo ang tinatakbo ng kanyang
utak mula sa pinag-uusapang paksa. Hindi ito nakikinig sa mga paliwanag ni Mr. Tan
tungkol sa plano ng gusali para sa itatayong foundation. Nakatitig lamang ito kay
Clark habang ang huli naman ay seryosong nakikinig sa paliwanag ng agent.

"Matanong ko lang Mr. Montecastro. Bakit gusto nyong maging sponsor ng foundation
ko?"

Sabay na napalingon sa basktebolista ang seryosong nag-uusap na sina Clark at Mr.


Tan sa biglaan nitong pagtatanong.

Nagdalawang-isip muna si Clark kung sasagutin niya ang wala sa paksang tanong ni
Jerome. "Dahil gusto ko ring makatulong sa mga batang nangangailangan ng tulong."
nagtatakang sagot niya sa dito.

Bagama't wala na siyang rason para manatiling maging sponsor ng foundation dahil
wala na ang atensyon nya kay Jessica ngunit nagdesisyon pa rin syang ituloy ito.
Para sa kanya, maganda ang mga plano ni Jerome kaya hindi masamang suportahan niya
ito.

"Ano pa, Mr. Montecastro?"

Napaisip ulit si Clark. "Ahh.. dahil maganda ang mga plano at layunin mo para sa
foundation."
"Yun lang ba, Mr. Montecastro? Wala na bang iba?" walang tigil na pagtatanong ni
Jerome na noon ay unti-unti nang nagiging sarkastiko ang tono.

"Bakit meron pa bang maaring ibang dahilan sa sponsorship ng Bluestar, Mr.


Hernandez?"

"Halimbawa hindi ba dahil sa isang tao?"

Napaisip ulit si Clark hanggang sa unti-unti niyang mapagtanto kung sino ang
tinutukoy ng basketbolista. Marahil ay nabanggit dito ni Jessica ang naging usapan
nila tungkol kay Sandra. "Walang dahilan para gawin ko syang rason dito Mr.
Hernandez. Unang-una ay wala ka namang malapit na kaugnayan sa kanya."

Napangisi si Jerome.

"Ahhh kaya pala kay Jessica ka lumapit. Bakit Mr. Montecastro wala ka bang tiwala
sa sarili mong kakayahan?"

"Meron...pero mas gusto ko lang makasigurado. Ganito ako kapag may isang bagay na
pinakamimithi. Nakahanda akong gawin ang lahat para lamang makuha ito."

"Hindi ba pambabastos sa pagkatao ni Sandra yang ginagawa mo?"

Tinitigan ng masama ni Clark si Jerome. Nagsisimula na siyang magtaka kung bakit


ganun na lamang kung makapagtanong ang basketbolista.

"Wala akong makitang mali sa ginagawa ko. Pambabastos ba ang bigyan ng importansya
ang mga taong malalapit sa babaeng gusto ko."

"Binibigyan mo ng importansya pero may kapalit! Hindi isang paninda si Sandra para
gawin mong kondisyon kay Jessica! Pag nalaman ito ni Sandra sa tingin mo ba hindi
sya masasaktan o maiinsulto man lang?!" mataas na tonong wika ni Jerome.

"Sandali lang Mr. Hernandez...." natatawang tono naman ni Clark. "Pakilinaw mo nga
sa akin kung para saan yang ikinakabahala mo. Dahil ba ito sa girlfriend mo na
binigyan ko ng ganitong kondisyon upang tulungan ako sa kaibigan nya o dahil ito sa
kaibigan ng girlfriend mo na syang kondisyon ko? Alin sa dalawa Mr. Hernandez?"

Biglang natigilan si Jerome sa tanong ng nakangising kausap.

"...Naiintindihan ko kung dahil ito sa girlfriend mo... Pero kung nagkakaganito ka


dahil kay Sandra ay hindi ba parang may mali Mr. Hernandez? Hindi ba mukhang sobra-
sobra naman yata ang pag-aalala mo sa kaibigan ng girlfriend mo? Ayokong isipin Mr.
Hernandez... na may dapat akong ikabahala sayo."

Tumayo si Clark at inayos ang damit.

"...Now if you'll excuse me, Mr. Tan next time na lang ulit tayo mag-meeting at
mukhang magulo ang isip ng alaga mo ngayon."

Nakanganga at walang naisagot si Mr. Tan. Nakatulalang tiningnan na lamang nito ang
papalabas sa pintong presidente ng Bluestar. Kanina pa sya nagtataka kung ano ang
mainit na pinag-uusapan ng dalawang binatang nasa harapan nya.

"Anong ibig sabihin nito Jerome? Bakit nakikipagtalo ka kay Mr. Montecastro?
Nawawala ka na ba sa sarili mo? Alam mo bang pag nagback out ang Bluestar ay hindi
matutuloy ang opening ng foundation mo?"

"Hindi ko kailangan ang sponsor na hindi malinis ang intensyon sa pagtulong sa


foundation." matigas na sagot ng binata.

"Ano? Anong masamang intensyon ang pinagsasabi mo? Wala akong makitang masama sa
pagtulong na ginagawa ng Bluestar. Jerome, nakakalimutan mo na bang isa ito sa
pinapangarap mo. Abot-kamay mo na kaya't wag mo nang bibitawan pa. At nakikipagtalo
ka ba kay Mr. Montecastro dahil sa babae? Dahil ba kay Jessica?...Hindi eh may
narinig akong ibang pangalan.... S-Sandra? Jerome anong nangyayari sa yo....lihim
ka bang nagtataksil kay Jessica?"

Napalingon bigla si Jerome sa agent. Napaisip siya sa huling binitawang tanong ni


Mr. Tan. Taksil? Kilala ng agent ang pagkatao niya, kaya't papaano nito nagawang
gamitin ang ganitong uri ng salita sa kanya?

Pagdating sa parking, napasuntok si Jerome sa manibela ng kanyang kotse. Hindi nya


alam kung nagagalit sya kay Mr. Montecastro o sa sarili . May katotohanan nga kaya
ang binitawang salita ni Mr. Tan na lihim siyang nagtataksil kay Jessica?

Kusang nagbalik-tanaw sa kanyang isipan ang mga sandaling lihim nyang hinalikan si
Sandra nang gabing nalasing ito, ang aksidenteng napayakap ito sa kanya at ang
sandaling nagalit siya at nasigawan nya ito nang gabing makita nyang inihatid ito
ni Clark Montecastro.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso habang
inaalala ang mga sandaling kahit siya mismo ay nanibago sa sariling mga kilos. Ano
ang nangyayari sa kanya? Pagtataksil nga ba sa girlfriend ang mga nagawa nya? Hindi
sya ganitong uri ng lalaki. Mahal nya si Jessica at hindi nya ito magagawang
saktan. Ngunit bakit nagkakaganito sya kay Sandra? Itinuturing nya ba itong
kaibigan kaya sya nag-aalala? Naawa ba sya sa babae dahil sa lihim nitong pagkatao?
Hindi nya alam...hindi nya alam...basta't ang alam nya ay mahal na mahal nya ang
girlfriend nya. Alam nya na simula't sapul ay ito lamang ang tanging babaeng
pinangarap nya.

Kinuha niya ang telepono at idinayal ang kasintahan.

"Hello Jessica...."

"Napatawag ka? Tapos na ba ang meeting mo?" masiglang tanong ng babae.

"O-Oo. Jessica, pwede bang mag-date tayo buong araw bukas?"

"Date?...Bukas? Akala ko ba may training ka bukas?"

"Ire-reschedule ko na lang sa ibang araw..."

"Bakit bigla-bigla naman yata ang pagyaya mo?..."

"Wala naman....namiss lang kita..."

"Okay sure sige magdate tayo. Wag mong ikakansel yan ha at aayusin ko na ang mga
appointments ko bukas." excited na wika ng dalaga na halatang kinikilig sa biglaang
paglalambing ng boyfriend.
"Jessica,...." napapabuntong hiningang wika ng binata.

"Yes?"

"I love you... Bye."

"B-B-Bye...."

Ibinaba ni Jerome ang telepono at huminga ng malalim. Simula ngayon ibubuhos nya na
ang buong atensyon nya sa girlfriend. Ito ang tama. Ito ang pagkatao nya. Siguro ay
panahon na upang pag-aralan niyang iwasan si Sandra bago pa man magkaroon ng ibang
kahulugan ang pagiging malapit niya dito...

------

Hindi makapaniwala si Jessica sa huling sinabi ng boyfriend sa telepono. Tama ba ng


dinig nya na nag- I love you sa kanya ang nobyo? Ito ang unang pagkakataon na
sinabihan sya ni Jerome ng ganoong mga kataga. Agad na umapaw sa kaligayahan ang
dibdib niya.

Nakita niya ang masiglang si Mylene na papalapit sa kanya. May bitbit-bitbit itong
mga magazines.

"From People Magazine, Jessica Lopez and Jerome Hernandez-hottest couple of the
month. From OK Magazine, Jerome and Jessica- the perfect couple. From US Weekly,
Jerome Hernandez and Jessica Lopez-the most loved couple. Ewan ko na lang Ma'am
kong may rason pa para hindi kayo ang magkatuluyan ni Sir Jerome!"

Tiningnan niya ang mga magazine. Lahat ng cover ng mga ito ay ang mga sweet na
litrato nilang magkasintahan. Mas lalo pang nadagdagan ang kaligayahang
nararamdaman niya. Hindi masukat ang pagka-proud niya bilang girlfriend ng sikat na
sikat na basketbolista.
"Ma'am isa na lang ang aabangan sainyong dalawa?..."

"Ano yun? Anong aabangan?.."

"Ang magpropose sa inyo si Sir Jerome...eeeeeeiiii!" kilig na kilig na wika ng


sekretarya.

Tumayo bigla si Jessica at kinuha ang handbag.

"Aalis tayo Mylene."

"Saan tayo pupunta?"

"Samahan mo ako sa parlor. Gusto kong maging maganda sa date namin ni Jerome
bukas."

"Ay gusto ko yan Ma'am! All the way to the parlor. Go go go!"

Nais ni Jessica na manatiling maging maganda sa mga mata ng boyfriend. Gusto nyang
makita na kahit saan at kahit kanino ay ipagmalaki din sya ni Jerome.
------

Nakanganga at halos kulang na lang ay tumulo ang laway ni Vicky sa kakatitig kay
Clark. Pinagmamasdan nito ang lalaki habang umiinom ng kape at seryosong nagbabasa
ng diyaryo.

"Para syang hindi totoong tao. Mukha syang buhay na istatwa ni Adonis. Napakagwapo
niyang lalaki."

"Huwag nga kayong maingay baka marinig ka nung tao." bulong ni Sandra sa kasama
habang nagliligpit sa counter.

"Kaibigan mo lang ba talaga yan?"

Tumango si Sandra.

"Hindi ka ba nililigawan? Bakit napapadalas yata ang pagdalaw niyan sayo dito?"

"Ganyan lang talaga yan kahit dati pa, madalas ginagawang tambayan ang
pinagtatrabahuan ko."

"Baka naman may gusto sayo yan? Kung saka-sakaling ligawan ka nya, sagutin mo
kaagad ha. Bagay na bagay kayo nyan."

Tiningnan ni Vicky si Sandra mula ulo hanggang paa nang may diskumpyadong mukha. "
Mag-ayos ka lang ng konti. Mag-ayos ka ng buhok, maglagay ka ng make-up, magdamit
ka ng mga pang sosyal, matuto kang kumilos ng medyo mahinhin, dalas-dalasan mo ang
pagngiti at magpaputi ka pa ng balat."

"Bakit di nyo na lang sabihin na magparetoke at magpalit ako ng buong pagkatao


ko."

"Pwera biro, kung sakaling may gusto nga sayo yan tanggapin mo kaagad ha? Aba sa
edad mong yan dapat may boyfriend ka na. Hindi ka ba naiinggit sa ibang mga babae
dyan na nakakailang boyfriend na sa ganyang edad mo?"

Hindi sumagot si Sandra ngunit pasimple niyang tiningnan si Clark at di sinasadyang


napatingin din ito sa kanya. Nagkasalubong ang kanilang mga mata. Nahihiyang
nginitian niya ito at sabay baling sa ibang direksiyon ng mga paningin. Tumatakbo
sa kanyang isipan ang sinabi ni Vicky. Panahon na nga kaya para maranasan niya nang
makipagrelasyon?

Maya-maya pa ay nauna nang magpaalam si Sandra sa mga kasamahan. Masigla itong


lumabas ng coffee shop kasama si Clark.

"Gusto mo ba akong samahan magdinner?" yaya ng binata habang nakatayo pa lamang ang
mga ito sa harap ng shop at parehong nagpapakiramdaman.

"O-Okay lang pero huwag sa mga mamahaling restaurant ha. Tingnan mo naman ang ayos
ko ngayon." sagot ng babae na noon ay bigla na lamang naconcious sa sarili.

"Sure, ikaw ang pumili kung saan tayo kakain...Teka gusto mo bang magsubway tayo
ngayon?"

Nagulat si Sandra sa naisip ng binata. "Sasakay ka ng tren? Tingnan mo nga yang


ayos mo." sabay tingin niya sa hitsura ng kausap na nakabihis ng mamahaling mga
kasuotan mula ulo hanggang paa.

"Bakit anong masama sa suot ko. Tara magsubway tayo ngayon." Nakangiting kinuha ng
lalaki ang isang kamay ni Sandra at masayang naglakad ang mga ito papuntang
istasyon ng tren.

Habang nasa tren ay napapangiti sa isipan si Sandra sa hitsura ng nakatayong


kasama. Ang pananamit lang nito ang nagbago pero ito pa rin ang dating Clark na
nakilala nya. Ang lalaking may katigasan ang ulo na walang pagdadalawang-isip na
ginagawa ang anumang magustuhan.

Dinala ni Sandra ang kasama sa isang mexican restaurant. Sa pagkakatanda niya, isa
ito sa mga paboritong klase ng pagkain ng lalaki.
"Kumusta naman ang relasyon mo kay Jerome Hernandez?" tanong ni Clark habang
kumakain.

Natigilan sa pagsubo si Sandra. "Relasyon? Anong ibig mong sabihin?"

"Yung samahan nyo? Okay lang ba ang closeness nyo ng boyfriend ng kaibigan mo?"

"Ah yun ba? Okay naman, hindi naman kami gaanong close pero nag-uusap din kami.
Madalas kasi kaming nagkakasalubong dahil katabing unit ko lang ang tinitirhan nya.
Minsan nakakasabay ko rin siya sa gym." nakangiting sagot ng babae.

"Magkatabing unit lang kayo?" gulat na tanong ng lalaki.

"Oo. Ang ibig kong sabihin ang unit ni Jessica ay katabi lang ng unit ni Jerome, o
di ba parang itinadhana talaga sila sa isa't isa kasi binili yun ni Jessica bago pa
man nya makilala si Jerome... Bakit may problema ba? Bigla-bigla naman yatang
napasok sa usapan natin ang boyfriend ng kaibigan ko."

"Wala naman."

Tumahimik bigla si Clark at nag-isip habang pinapanood ang kasamang maganang


kumakain. Kapitbahay nito si Jerome?... Meron nga ba siyang dapat ipag-alala sa
sikat na basketball player.

-----

Alas diyes ng gabi, naglalakad ang disi-otso anyos na dalagang si Sandra pauwi sa
bahay galing sa pinagtatrabahuan nyang restaurant. Pagdaan nya sa may kadilimang
lugar ay may lumapit sa kanyang apat na kalalakihan. Kasabay ng paglapit ng mga ito
ay ang pagparada ng isang van sa harap nila at pilit syang isinakay dito ng mga
lalaki.

Ibinaba sya sa isang masukal na lugar. Pagkababa nya ay sinampal sya ng isang
lalaki. Hinila ang kanyang buhok at kinaladkad siya patungong damuhan.
"Ba-bakit nyo ginagawa to? Anong kailangan nyo sa akin?" takot na takot na wika
nya.

"Layuan mo si Clark Montecastro!" sigaw ng lalaki at muli siyang sinampal nito.

"Bakit kailangan ko siyang layuan? May ginawa ba akong masama?"

Itinulak sya ng isa pang lalaki. Napahiga siya sa damuhan.

"Umalis ka sa lugar na ito. Kung hindi ay masamang mangyayari sayo!" bumunot ng


baril ang lalaki at itinutok ito sa kanya.

Nanginig ang buong katawan niya sa takot habang nakatitig sa nakaumang na baril.

"Anong gagawin nyo sa akin? Hindi ko maintindhihan, bakit kailangan kong umalis?

"Kailangan mong layuan si Clark dahil kung hindi, parehong may masamang mangyayari
sa inyo!"

"B-bakit? A-anong gagawin nyo kay Clark?"

"Alam mo na kung anong mangyayari sa kanya." Ikinasa ng lalaki ang kanyang baril.

"Huwag nyo syang sasaktan...susundin ko ang gusto nyo. Wag nyo lang saktan ang
kaibigan ko." pagmamakaawang wika niya.

Hindi maaring mangyari ito. Hindi sya papayag na may masaktan na namang tao dahil
sa kanya!

"Pare tutal nandito na rin lang naman tayo...bakit di pa natin tikman ang babaeng
yan." nakangising wika ng isang lalaki.
Narinig ni Sandra ang binabalak ng lalaki. Nanlaki ang mga mata nya sa takot at
sinimulan nyang tumakbo.

Hahabulin sana ng lalaki ang dalaga subalit pinigil ito ng isang kasamahan.

"Pare kabilin-bilinan sa atin na takutin lang yan."

Walang tigil sa pagtakbo si Sandra. Tumutulo ang kanyang luha sa takot. Natatakot
sya para sa sarili. Natatakot sya para kay Clark. Hindi pwedeng may masamang
mangyari sa kaibigan nya! Hindi pwede! Hindi pwede!

-------

Masiglang lumabas ng bahay si Sandra. Magdamag syang nagsulat subalit buong araw
naman siyang nakatulog kung kaya't kahit day-off ay ganado siyang magpunta sa
coffee shop. Napatingin sya sa oras, alas-sais ng hapon. Tamang-tama ang punta nya,
ilang oras na lang ay magsasara na ang shop at pwede nya ng yayain si Vicky mag-
dinner. Nakangiti siyang naglakad papuntang elevator. Pagdating nya dito ay
naabutan nyang naghihintay din si Jerome. Nakabihis ito ng pormal.

Nginitian niya ang binata ngunit hindi sya nito pinansin. Nagbukas ang pinto ng
elevator at sabay silang tahimik na sumakay. Bigla siyang nanibago sa kilos nito.
Hindi man lang sya binabati at ni tingnan sya ay hindi man lang nito ginawa.
Napailing na lamang siya habang naglalakad sa lobby. Ang pagkakatanda nya na sinabi
dito ay bawasan lang ang pakikialam, hindi nya sinabing walang kibuan..

Pagkasakay na pagkasakay ni Jerome sa kotse ay agad itong huminga ng malalim.


Ilang araw na rin nyang iniiwasan ang kapitbahay. Kapag nakikita nyang naglalaro
ang babae sa gym ay kusa syang bumabalik sa unit nya. Kapag palabas naman sya ng
bahay ngunit narinig nyang nagbukas din ang pinto ng kabilang unit ay hinihintay
nya muna itong makalayo bago tuluyang lumabas. Iniiwasan nya na rin itong isipin at
higit sa lahat ay iiwasan nya itong kausapin.

Tumunog ang kanyang telepono. Tumatawag si Jessica.

"Hello, Jessica ready ka na ba? Papunta na ako dyan."


Susunduin nya ang girlfriend. Kasama nya ito sa dadaluhang awards night ng ESPN.
Dadaanan niya ito sa shop ng isang sikat na designer. Pagdating niya doon ay
namangha sya sa hitsura ng kasintahan. Napakaganda nito sa suot nitong kulay pulang
tube gown na punung-puno ng swarovski. Bagay na bagay ang damit sa maputi at
makinis na balat ng dalaga. Nakataas ang mahabang buhok nito na mayroon ding
aksesoryang swarovski clip. Lutang na lutang sa ayos nito ang napakagandang hugis
ng pulang-pulang mga labi na halatang sadyang ibinagay sa suot nitong gown.
Nakalabas din ang magandang hubog ng balikat nito na nakasuot naman ng isang
malaking necklace na gawa sa mga maliliit na dyamante.

Hindi siya nakapagsalita sa nag-uumapaw na paghanga sa kagandahan ng dalaga.


Papaano nya magagawang pagtaksilan ang ganitong uri ng girlfriend? Nahihibang na
nga siguro sya kapag ginawa nya yun.

Nakangiting lumapit si Jessica kay Jerome. Umikot ito sa harap ng nobyo.

"Ano sa tingin mo?" tanong nito sa binata.

"Wala akong masabi. Ako na yata ang may pinakamagandang girlfriend sa mga oras na
ito."

Tuwang-tuwa si Jessica sa narinig. Sadyang pinaghandaan niya ng mabuti ang gabing


iyon. Gusto nya na pagdating sa red carpet ay lalong ipagmalaki siya ng boyfriend.

Dumating sina Jerome at Jessica sa venue. Hindi pa man sila nakakalabas ng sasakyan
ay pinagkakaguluhan na sila ng mga photographers. Kaliwa't kanan ang mga tumatawag
na tagahanga habang hawak-kamay silang naglalakad papasok ng red carpet.
Nagkikislapan ang mga kamera at walang tigil sa hiyawan ang mga tao. Sa red carpet
ay mahigpit na hinawakan ni Jerome ang beywang ng girlfriend. Kinabig nya ito
papalapit sa kanya habang parehong walang sawa sa pagngiti sa mga camera.

Tatlong awards ang natanggap ni Jerome sa gabing iyon. Most Improved Player, Best
NBA Player at Best Male Athlete. Masayang umakyat sa entablado ang sikat na player
at sa bawat speech nya ay hindi nya nakakalimutang banggitin ang pangalan ni
Jessica.

"Unang-una gusto ko pong pasalamatan ang diyos sa lahat ng mga biyayang ibinigay
nya sa akin. Sa aking mga magulang na walang sawang sumusuporta sa akin, sa mga
coaches, sa mga tagahanga. Kayo po ang nagiging inspirasyon ko kaya't lalo ko pang
pinagbubutihan ang paglalaro ko. At siyempre sa aking pinakamamahal na girlfriend
na nagbibigay sa akin ng araw-araw na sigla at inspirasyon, para sayo to
Jessica...."

Hindi maintindihan ni Jessica kung ano ang nararamdaman habang pinapanood sa


entablado si Jerome . Parang sasabog ang kanyang dibdib sa kaligayahan. Hindi sya
lubos makapaniwala na ang dating hinahangaan at pinapanood nya lang na
basketbolista ay kasalukuyang iniaalay ang mga parangal nito sa kanya...

Samantala sa mga sandaling iyon naman ay payapang naglalakad pauwi sa gilid ng


kalsada si Sandra. Katatapos lang ng masayang dinner nila ni Vicky. Komportableng
nakapamulsa ulit siya sa suot na jacket habang ninanamnam ang malamig na simoy ng
hangin. Ilang saglit lamang ay may humintong isang magarang sasakyan sa harap niya.
Bumaba dito ang isang lalaki at lumapit ito sa kanya.

"Kayo ho ba si Ms. Sandra Mariano?"

"O-Oo, bakit niyo naitanong?"

"Pwede daw ba kayong makausap sandali ng ama ni Mr. Clark Montecastro?"

Nagtaka si Sandra sa narinig. Bakit gusto syang makausap ng ama ni Clark? At


papaano siya nito nakilala? Bagama't puno ng pagtagtataka subalit hindi siya nag-
atubiling sumakay sa kotse at dinala sya nito sa isang marangyang cafeteria ng
isang karatig hotel.

"Bakit nyo po ako gustong makausap?" maamong tanong niya sa matandang lalaki habang
magkaharap sila sa isang bilog na mesa at nagkakape.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Ms. Mariano...." wika ng kaharap na mga nasa


edad sisenta na. May katabaan ito halatang mayaman at mukhang istrikto. "...layuan
mo ang anak kong si Clark! Ayoko ng nauugnay sya sa mga mababang uri ng babaeng
katulad mo!"

Nagulat si Sandra sa walang prenong pagbibitiw ng masakit na pananalita ng kausap.


"...Huwag mong sirain ang kinabukasan ng anak ko. Hindi ka nababagay sa kanya!"

"B-Bakit ho? May masama po ba kung maging kaibigan ako ng anak nyo?"

"Kaibigan? Hah, kilala ko ang mga katulad mo! Nagpapanggap ka lang para mapalapit
sa mga kagaya ng anak ko. Mga klase ng babae na naghahanap ng mapapangasawang
mayamang lalaki para maiahon ang sarili sa pagiging miserable! Huwag mong
samantalahin ang kabaitang pinapakita sayo ni Clark!"

Pinilit ni Sandra na huwag maapektuhan sa mga pang-iinsultong naririnig niya."Wala


ho akong balak na magkaroon ng anumang uri ng relasyon sa anak nyo maliban sa
pagiging kaibigan."

"Ang tigas din naman talaga ng ulo mo ano! Pinalayo na nga kita dati sa anak ko
ngunit ngayon ay nagpapakita ka na naman. Sinisira mo na naman ang konsentrasyon ni
Clark sa trabaho! Nagbago na ang anak ko simula nang mawala ka sa buhay nya! Bakit
ngayon muli ka na namang nagpapakita!"

Napaisip ng ilang saglit ang dalaga kung ano ang tinutumbok ng kausap. At nang
biglang may naalala ay nanlaki ang mga mata niya. Kung gayun ay kagagawan pala ng
ama ng kaibigan ang nangyaring pagbabanta sa buhay nya at ni Clark! Unti-unting
syang nakakaramdam ng galit. Nagsimulang manginig ng kanyang mga laman at palihim
nyang itinikom ang mga kamao.

"Hi-hindi ho ako nagpakita. Nakita ho ako ng anak nyo..."

"Pwes, lumayo ka ulit. Layuan mo ulit ang anak ko!"

Lumunok si Sandra. At matigas itong nagbitiw ng mga salita habang naginginig ang
mga kamay.

"Hindi na ho ako bata para takutin nyo ulit. Kung gusto nyong ilayo sa akin si
Clark ay pwede nyo hong pagsabihan ang anak nyo. Pero hindi ho ako aalis sa lugar
na ito."
"Hah! Matigas din talaga ang pagmumukha mo! Huwag mong idamay ang anak ko sa
kamalasan mo sa buhay! Bakit plano mo rin bang sirain at saktan si Clark?"

Muling nanlaki ang mga mata ni Sandra sa sinabi ng matanda.

"Anong ibig nyong sabihin?"

"Alam ko ang pagkatao mo Ms. Mariano. Hindi mo ba naisip na sa mga mapeperang tulad
ko ay napakadaling magpabungkal ng baho ng isang tao?"

Nadagdagan ang panginginig na nararamdaman ni Sandra. Biglang nanlambot ang kanyang


mga tuhod sa takot. Kinakabahan siya sa susunod na sasabihin ng kausap.

"...HINDI BA IKAW ANG DAHILAN NG PAGKAMATAY NG IYONG MGA MAGULANG?! HINDI BA MUNTIK
NA RING MAMATAY DAHIL SAYO ANG DATING KASINTAHAN NG MATALIK MONG KAIBIGAN?! DI BA
ANG LALAKING IYON AY NANANATILING BALDADO HANGGANG NGAYON?! HINDI BA IKAW ANG ISANG
URI NG TAO NA WALANG KARAPATANG MABUHAY NG NORMAL?! HINDI BA IKAW ANG KLASE NG
TAONG PAMINSAN-MINSAN AY NAWAWALA SA SARILING KATINUAN?!"

Pakiramdamdam ni Sandra ay hihimatayin sya. Napapaiyak na siya. Tila mauupos ang


kanyang katawan sa tahasang pagpapaalala ng matanda sa kanyang nakaraan. Ngunit
pinilit niyang huwag magpakita ng takot! Hindi sya magpapatalo!

"...anong masasabi mo Ms. Mariano? Sasaktan mo rin ba ang anak ko katulad ng


pananakit mo sa kanila? Idadamay mo rin ba ang anak ko sa miserableng buhay mo?!"

"Wala ho akong balak idamay ang anak nyo. Ilayo nyo sya sa akin kung yan ang gusto
nyo pero hindi ako aalis sa lugar na ito... ngayon kung wala na ho kayong sasabihin
pwede na ho ba akong umalis?" pagmamatigas na wika ni Sandra.

"Hindi pa ako tapos... alam kung maaring hindi ka na madala sa simpleng pagbabanta.
Pero siguro naman ay hindi mo isasakripisyo ang iyong matalik na kaibigan dahil sa
pagmamatigas mo?"

Natigilan ang dalaga. Unti-unti na naman siyang nakaramdam ng takot sa susunod na


sasabihin ng matanda. "A-Anong ibig nyong sabihin?"
Ngumisi ang matandang Montecastro. "Baka hindi mo napapagtanto na kayang-kaya kong
sirain ang magandang pangalan ng kaibigan mong si Jessica Lopez. Gusto mo rin bang
ungkatin ko ang baho nito at sirain ang tagumpay na tinatamasa nya ngayon? Ms.
Mariano hahayaan mo bang hanggang sa dulo ay masasaktan ang kaibigan mo nang dahil
sayo?"

Parang paulit-ulit na sinaksak sa dibdib si Sandra sa narinig na banta. Tuluyan


nang nanlambot ang kanyang nagmamatigas na kalooban. Hanggang sa hindi niya
namamalayang lumuluhod na pala siya pagmamakaawa. "Hu-huwag nyo hong gawin sa
kaibigan ko ito. Saktan nyo na ako kung gusto nyo akong saktan. Huwag nyo lang hong
idamay si Jessica dito. Nakikiusap ako sa inyo." takot na takot na wika niya habang
nagpipigil pa rin ng pag-iyak.

Hindi man lamang naantig ang matandang Montecastro. Sa halip ay tumayo ito at
naglakad papalabas ng pinto. Iniwan ang nakaluhod, natutulala, namumutla at
nagmamakaawang babae...

------

Masayang nag-aabang ng elevator si Jerome. Napakaganda ng araw niya. Napapangiti


siya sa tuwing naiisip ang mga parangal na natanggap niya. Hindi rin masukat ang
tuwa sa dibdib niya dahil kitang-kita niya sa mga mata ni Jessica kung gaano siya
nito ipinagmalaki at kung gaano niya rin ito napasaya. Hanggang sa mga oras na iyon
ay naglalaro pa rin sa kanyang isipan ang napakagandang mukha ng girlfriend. Buong
tapang niyang masasabing si Jessica na ata ang pinakamagandang babaeng dumalo sa
awards night na kanilang pinuntahan.

Naputol ang kanyang masayang pag-iisip nang biglang tumabi sa kanya si Sandra. Agad
niyang iniwas ang mga mata dito. Namagitan sa kanila ang isang malalim na
katahimikan. Subalit kahit hindi niya ito tinitingnan ay pinapakiramdaman niya pa
rin ito. Wala syang naririnig mula sa katabi. Hindi rin sya nito binati. Nagbukas
ang pinto ng elevator at nauna syang pumasok. At noon ay hindi sinasadyang
napatingin sya kay Sandra na nanatiling nakatayo lamang sa harap ng elevator.
Diretso ang tingin nito, mukhang tulala at medyo namumutla.Hinintay niya pa ito ng
ilang sandali bago ito sumakay ng tila wala sa sarili.

Sa loob ng elevator ay nanatiling tahimik pa rin ito at diretso ang mga tingin.
Hindi kumikibo. Parang walang pakialam sa paligid nya. Pagdating ng 30th floor ay
nagbukas ang pinto. Hinintay niyang maunang lumabas ang babae ngunit hindi ito
kumikilos hanggang sa muli silang pagsaraduhan ng elevator.
Bumalik ulit sila sa ground floor at muling pinindot niya ang ika-30 palapag.
Humakbang naman ang tulala pa ring kapitbahay at pinindot nito ang rooftop. Unti-
unti siyang nakaramdamdam ng pag-aalala sa kakaibang ikinikilos nito. Narating ulit
nila ang 30th floor at muli, hindi na naman lumabas ang babae. Hindi rin siya
lumabas at sinabayan niya ito sa rooftop.

Pagbukas ng elevator sa rooftop ay naunang lumabas ang wala sa sariling babae.


Sinundan niya pa rin ito ngunit nanatili lamang siyang nakatayo sa bukana ng
nasabing lugar at sinundan niya na lamang ng tingin ang tulalang naglalakad na
kapitbahay papunta sa isang mahabang upuan. Ilang minuto itong nakatitig sa
kawalan. Tahimik at walang reaksiyon ang mukha.

Tinanaw niya ito ng ilang minuto at nang maobserbahang tahimik lang itong nakaupo
habang tila nag-iisip ng malalim, napagpasyahan niya itong iwanan na. Subalit hindi
pa man siya nakakalayo ay nakarinig siya ng mahinang iyak. Napatingin ulit siya sa
kapitbahay. Yumuyugyog ang mga balikat nito hanggang sa unti-unting lumalakas ang
naririnig niyang iyak.

Sinubukan ni Sandra na huwag maiyak. Ang balak niya ay magpalipas lamang ng lungkot
at aliwin ang mga mata sa kislap ng iba't ibang kulay na kanyang natatanaw. Baka
sakaling pag muli niyang makita ang magandang tanawin ng lungsod ay makalimutan
niya lahat ng mga nangyari. Mabura sa isip niya ang mga sinabi ng ama ng kaibigan.
Subalit habang idinuduyan siya ng katahimikan, ang mga luha niya na mismo ang
kusang kumawala. Isa-isa na itong pumatak hanggang sa unti-unting nabuhay ang
sinisikil na mga damdamin. Tuluyan nang sumuko ang kanyang lakas ng loob. Kumawala
na ang nag-uumapaw na galit sa kanyang dibdib.

"Bakit nyo ginagawa sa akin ito! Bakit nyo ako pinaparusahan ng ganito?!.... Sana
pinatay nyo na rin ako kasama ng mga magulang ko!.... Ano bang naging kasalanan ko
sa inyo?... Hindi naman ako masamang tao pero bakit lahat na lang ng pagdurusa
binibigay nyo sa akin!.... Bakiitttt!!!?"

Wala na siya sa kanyang sarili. Nilamon na siya ng lungkot at galit.

"Hindi ba ako pwedeng mabuhay ng normal?... Hindi ko naman hinihinging maging


masaya! Ang hinihingi ko lang ay makawala ako sa mga pagdurusa ko! Bakit hindi mo
maibigay?! Bakit paulit-ulit mong binabalik ang sakit?!!! Kung papatayin mo rin
lang naman ako sa lungkot, bakit hindi mo pa ako kunin ngayon? Patayin mo na lang
ako!!!"

Hindi malaman ni Jerome kung ano ang gagawin sa nasasaksihan. Natataranta sya sa
mga binibitawang salita ng babae. Parang hinihiwa ang dibdib nya sa nakikita.
Patakbong lumapit siya kay Sandra at niyakap ang naghihisteryang babae.

"Tama na Sandra! Tama na! Bakit ka ba nagkakaganyan?"

Kumawala ang humahagulhol na babae sa pagkakayakap niya.

"Layuan nyo ako! Lumayo kayong lahat sa akin! Hindi kayo dapat lumalapit sa katulad
ko!"

Sapilitang niyakap niya ulit ng mahigpit ang babae. "Ano bang pinagsasabi mo? Bakit
ka naman namin lalayuan?"

Hindi na muling kumawala pa ang dalaga sa kanyang pagkakayakap. Sinusuntok na lang


siya nito sa dibdib habang umiiyak.

"Alam nyo bang pag nasasaktan kayo ay mas higit pa ang sakit na nararamdaman ko.
Dinadagdagan nyo lang ang pagdurusa ko. Kaya layuan nyo na lang ako...layuan nyo
ako...layuan nyo ako...." paulit-ulit na sambit nito na noon ay unti-unti nang
nanghihina dahil sa sobrang pag-iyak.

Nanatiling nakayakap si Jerome sa babae hanggang sa tumigil ito sa pag-iyak. Dahil


sa panghihina ay isinandal na lamang ni Sandra ang kanyang mukha sa dibdib ng
lalaki habang panaka-naka pa ring humihikbi.

Hinayaan ni Jerome sa ganoong pwesto si Sandra hanggang sa namalayan nya na lamang


na nakatulog na ito. Inihiga nya ang dalaga sa mahabang upuan. Naupo sya at
ipinatong ang ulo nito sa kanyang mga hita. Tinitigan nya ang pagod na mukha ng
kapitbahay at marahang hinaplos ito sa buhok. Bakit ito nagkakaganito? Ano ang
pinagdadaanan ng babaeng ito?

Unti-unti siyang inusig ng konsensiya. Buong araw silang masaya ni Jessica


samantalang wala silang kamalay-malay na nagdurusa pala si Sandra. Tiningnan ulit
nya ang mukha ng dalaga. Hindi nya masukat ang awang nararamdaman para sa babae.
Bakit parang napakabigat ng dinadala nitong pagdurusa? Bakit... parang unti-unti
nyang nakikita kay Sandra ang kalungkutan na nababasa nya mula sa mga libro ni
Jessica?.... Bigla siyang natigilan at napaisip ng malalim. Anong ibig sabihin ng
lahat ng ito!?...
*******************************************
[14] LARO NG PUSO
*******************************************

****

Naalimpungatan si Sandra. Dahan-dahan nyang idinilat ang kanyang mga mata. Pagmulat
ay kaagad niyang nakita ang mukha ng nakaupong natutulog na kapitbahay. Maingat
syang bumangon mula sa mga hita nito at tumingin sa tahimik na paligid. Napatingin
siya sa suot na relos, alas dos na ng madaling araw. Ilang oras ba syang nakatulog?

"Mabuti at nagising ka na?"

Napalingon siya sa lalaki. Naalala niya ang mga nangyari. Bigla siyang nahiya sa
kapitbahay. Pakiramdam niya ay masyado niya itong naabala at nagawa pa siya nitong
samahan hanggang sa mga oras na iyon.

"Maayos na ba ang pakiramdamdam mo?"

Tumango siya. "Salamat. Pasensiya ka na at naabala kita. Iniwan mo na lang sana ako
nung nakatulog ako."

Tumayo siya para bumalik na sa kanyang unit. Ngunit nang humakbang sya ay pinigilan
ni Jerome ang isa niyang kamay.

"Ikaw ba?" tanong nito sa kanya.

Hindi siya makasagot. Naguguluhan siya sa tanong ng kapitbahay.

"Ikaw ba ang dahilan ng mga kalungkutan na nararamdaman ko mula sa mga libro?"


Unti-unting nanlaki ang mga mata niya.

"Ikaw ba?...ikaw ba ang anino na binabanggit ng paborito kong libro?"...

"Ikaw ba?...ikaw ba ang pinaghuhugutan ng mga isinusulat ni Jessica?"

Hindi pa rin siya sumagot. Sa halip ay tinanggal niya ang kamay mula sa
pagkakahawak ni Jerome. "Pakiusap Jerome, huwag mo muna akong kausapin. Gusto ko
pang magpahinga."

Dali-dali siyang naglakad papalabas ng rooftop habang pilit itinago ang biglang
naramdamang kaba dahil sa mga tanong ng kapitbahay...

-----

Binasa ni Sandra ang pangalan ng building. Sinisigurado kung yun nga ang gusali ng
opisina ng kaibigan. Matagal na silang hindi nag-uusap ni Jessica, simula pa noong
nagkaroon sila ng pagtatalo. Gusto nyang makita at makausap ang kaibigan...bago sya
umalis ng New York.

Sumakay siya sa elevator at ng papasara na ito ay biglang humabol ang dalawang


babae. Natatandaan nya ang mukha ng isang babaeng kulay dilaw ang buhok. Ito ang
sekretarya ng kaibigan kasama nito ang sa tingin niya ay kasamahan din nito sa
trabaho.

"Mylene handa na ba ang isusuot mo sa party para bukas?"

"Ay oo naman girl! Pinaghandaan ko talagang mabuti yan. Ilang araw akong hindi
nakatulog sa kakapili ng design. Lahat na yata ng pagri-research ginawa ko.
Inaasam-asam ko talaga na this time sana may matisod na akong prince charming at
sana si Mr. Clark Montecastro yun eeeeiiii kinikilig ako sobra!"

"Grabe ang yaman-yaman talaga ng Bluestar no? Imagine mo sa party pa lang na


inihanda nila kay Ma'am Jessica eh milyon-milyon na ang halaga!"
"Ay mayaman talaga girl! At huwag kang mag-alala pag napangasawa ko si Clark
Montecastro, pamamanahan kita!"

"Pero di ba Mylene, malaki dati ang problema natin sa Bluestar? Bakit parang
nabaligtad yata ang mundo ngayon?"

"Ganito kasi yan girl. Itong si Mr. Montecastro may itinatago ding pagkakrung-
krung. Noong una inaalok nyang mapangasawa si Ma'am Jessica pero kung ikaw si Ma'am
ipagpapalit mo ba ang jowang Jerome Hernandez? No way! At eto na bigla daw may
umeksenang kaibigan si Ma'am Jessica na sya naman ngayong biglang hininging kapalit
ni Mr. Montecastro para magkasundo sila ni Ma'am. Nagtataka nga ako kung sino ang
kaibigan na yun? Wala naman akong nakikitang close friend ni Ma'am na madalas
niyang nakakasama."

Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang dalawang nag-uusap na babae. Naiwan
naman ang nakatulalang si Sandra. Hindi niya magawang humakbang ng dahil sa
narinig. Tama ba ang pagkakaintindi nya sa huling sinabi ng sekretarya?
Ipinagkasundo sya ng kaibigan nya sa isa rin nyang kaibigan?

Hindi tumuloy si Sandra sa opisina ng kaibigan. Walang reaksyon ang mukha nito
habang naglalakad sa lobby. Si Clark gustong mapangasawa si Jessica? Ngunit
ipinagkasundo sya ng kaibigan sa lalaki? Anong ibig sabihin ng lahat ng ito? Pati
ba mga taong malalapit sa kanya ay pinaglalaruan na rin sya? Napahinto siya ng
ilang saglit. Nag-isip ng malalim at biglang napangisi sa naglaro sa kanyang
isipan.

------

Heto na ang isa sa mga gabing pinakahihintay ni Jessica. Ang glamorosang welcome
party sa kanya ng Bluestar Books & Company. Ginaganap ito sa isang malaking
ancestral mansion na may napakalawak at magandang hardin. Napapaligiran ito ng
maraming mga ilaw na nakasabit sa mga puno at halaman na may iba't ibang mga kulay.
Kaliwa't kanan ang mga nakasabit na litrato ng librong Red Thorn at magandang mukha
ng author. Puno ng mga sosyal na pagkain at inumin. Mayroon ding de kalibreng jazz
band na tumutugtog.

Tuluy-tuloy ang pagdating ng mga sikat na personalidad. Lahat ng mga nagsisipagdalo


ay nakasuot ng mga pormal at mamahaling mga kasuotan. Masaya ang mga itong
nakikipaghalubilo sa kapwa mga bisita. Nang halos lahat ng imbitado ay
nagsidatingan na, noon sinimulang ipakilala si Jessica Lopez. Lumabas ang dalaga at
mahinhing naglakad pababa ng hagdan ng mansyon. Katulad ng inaasahan, lahat ay
humanga sa kagandahan nito.

Nakasuot ito ng isang kumikinang na kulay pink na evening gown. Nakatali ang
kinulot nitong buhok na may aksesoryang kumikinang na paru-paro sa ibabaw. Kita ang
makinis na balikat at likod ng dalaga sa suot nitong halter gown na punung-puno ng
kumikinang na beads. At panaka-nakang lumalabas ang makikinis at mahahabang hita sa
mahabang slit ng damit. Lumapit sa mikropono ang sikat na manunulat upang batiin
ang mga bisita.

"Magandang gabi po sa inyong lahat. Maraming salamat po sa inyong pagdalo. Higit sa


lahat, gusto ko pong pasalamatan ang Bluestar Book & Co. sa isang napakalaking
suporta na ibinibigay nila sa akin. Pati na rin po sa inyong lahat na walang sawang
sumusuporta sa mga librong naisulat ko.... Alam nyo po ako ay isang uri ng
manunulat na sa bawat kwentong isinusulat ay pansamantalang nabubuhay sa loob ng
kanyang istorya. Pansamantala ko hong isinasarado ang mundo ko sa loob ng aking
kuwento. At ang malaman ko lang na may isang taong nagpapahalaga sa isinulat ko ay
sapat na para matumbasan ang pansamatala kong paglayo sa aking sarili sa totoong
mundo. Ngunit ang ipinapakita po ninyong suporta ay labis-labis na ho kumpara sa
aking inaasahan kung kaya't habang gumagana pa ang aking imahinasyon ay mamahalin
ko ho ang pagsusulat kagaya ng pagmamahal na ibinibigay ninyo sa mga libro ko.
Maraming maraming salamat po."

Nagpalakpakan ang lahat ng mga bisita at masayang pumapalakpak din si Jerome.


Habang pinakikinggan ng binata ang kasintahan ay bumabalik ang dating pakiramdam
nya bilang isang lihim na masugid na tagahanga ng sikat na manunulat. Sa mga
sandaling iyon ang tingin nya sa sarili ay hindi nobyo ng dalaga kundi isa sa mga
tagahanga nito.

Lumapit si Jessica sa boyfriend pagkatapos magsalita at humawak sa braso nito.

"Okay lang ba yung speech ko? Kinakabahan kasi ako."pag-aalalang tanong ng dalaga.

"Oo naman. Kahit nga tumayo ka na lang doon at hindi na magsalita ay siguradong
papalakpakan ka pa rin."

"Ikaw talaga puro ka biro. Halika na nga't batiin natin ang mga bisita."

Isa-isang nilapitan ng magkasintahan ang mga bisita. Masaya silang nakipag-usap sa


mga ito habang wala namang sawa sa pagpupuri sa kanila ang sinumang lapitan nila.
At sa kalagitnaan ng pakikihalubilo ng lahat ay biglang may dumating na isa pang
bisita.
Pumasok ang isang napakagandang babae. Nakasuot ito ng itim na seksing tube gown.
Labas ang mahahabang leeg, magandang balikat at malulusog na cleavage. May mahabang
hiwa ang ibaba ng gown kung kaya't kita ang mahahabang hita nito. Nakataas ang
buhok nito na halatang nilagyan ng extension at may nakapatong na pulang bulakbak.
Terno naman sa pulang bulaklak ang kumikinang at matataas na pulang sapatos.
Makapal at madilim ang pagkakamake-up sa mata ng babae kung kaya't lalong lumutang
ang nakakapasong mga paningin nito. Pulang-pula rin ang suot nitong lipstick na
lalong bumagay sa matatapang nitong mga mata.

Nilibot ng babae ang mga paningin at nang makita ang hinahanap ay nagbitiw ito ng
isang seksing ngiti kay Clark. Agad namang lumapit ang presidente ng Bluestar at
iniabot ang kanyang kamay kay.... Sandra.

Hindi makapaniwala si Jerome at Jessica sa nakita. Pareho silang walang alam na


dadalo pala ang dalaga at pareho rin silang nabigla sa mapang-akit na hitsura nito.

Nagdulot ng bulung-bulungan ang pagdating ni Sandra. Lahat ng mga bisita ay humanga


sa kagandahan ng inaakala nilang girlfriend ni Clark Montecastro. Samantala ang ama
naman ni Clark na naroroon din sa nasabing party ay galit na galit at lihim na
nanggagalaiti pagkakita sa dalaga.

Hindi naman mapakali si Jerome. Maya't maya niyang ninanakawan ng sulyap ang
kinaroroonan ni Sandra. Natanaw nya ito sa isang parte ng malawak na hardin habang
kinakausap ito ng ama ni Clark Montecastro. Halata sa mukha ng matandang lalaki ang
galit na reaksyon nito at nagulat na lang sya nang tapunan nito ng tubig sa mukha
ang dalaga. Mahinahon namang kumuha ng tisyu si Sandra at nakangiting pinunasan ang
mukha.

"Ang kapal talaga ng mukha mong babae ka. Naglakas loob ka pang pumunta at
magpakita sa akin dito! Sinusubukan mo ba talaga ang kakayahan ko!"

"Huwag ho kayong mag-alala pumunta ako dito hindi lamang dahil sa anak nyo kundi
para na rin sa kaibigan ko. Wag nyong isipin ang ikinakatakot nyo dahil isa sa mga
araw na ito ay hindi na ako makikita ng anak nyo," kalmado ngunit matigas na wika
ni Sandra.

"Siguraduhin mo lang dahil kung hindi ay malalagot sa akin yang kaibigan mo!" sabay
talikod ng matanda sa kausap na noon ay mahinahon pa ring nagpupunas ng basang
mukha.
Gusto sanang lapitan ni Jerome si Sandra ngunit bigla naman siyang tinawag ng
girlfriend para kausapin ang iba pang mga bagong dating na bisita. Habang abala sa
pakikihalubilo ay nakita niya si Clark na papunta ng comfort room. Nagpaalam sya sa
girlfriend at nagkunwaring pupunta ng banyo. Lihim nyang sinundan si Clark upang
kausapin ito ngunit habang nasa hallway papuntang banyo ay narinig niya na may
kausap ito at mukhang nasa kalagitnaan ito ng pakikipagtalo.

"Ang babaeng yun ba ang dahilan kung bakit natatagalan ka dito sa New York?

"Marami pa akong mga inaasikaso kaya't hindi pa ako makabalik sa atin."

"Huwag mong gawing dahilan ang trabaho mo para lang makipagkita sa hampaslupa at
miserableng babaeng yun!"

"Dad, wag nyong pagsalitaan ng ganyan si Sandra!"

"At bakit hindi?! Hindi ko hahayaan na mahulog na naman ang loob mo sa walang
kwentang taong yun!"

"Hindi mababang uri ang pagkatao ni Sandra at wala kayong karapatang maliitin sya!"

Nagtago sa likod ng dingding si Jerome at lihim na pinakinggan ang pagtatalo ng


mag-ama.

"Hah! You are such a disappointment Clark. Akala ko pa naman ay nagbago ka na. Ang
totoo pala hanggang ngayon ay malambot pa rin ang dibdib mo. Kung ganyan ka rin
lang ay hindi ka nababagay sa mga negosyo natin! Akala ko ba ay pumunta ka rito
dahil gusto mong suyuin at mapangasawa si Jessica Lopez? Pero bakit ganito ang
nangyari? Bakit mukhang babagsak ka lang sa isang pipitsuging babae! You're still a
loser! Isang simpleng kasunduan lang ang ibinigay ko sayo ngunit hindi pa man din
nagsisimula ay natalo ka na!" tinalikuran ng ama ang anak upang iwan na ito.

Tumalim ang mga paningin ni Clark sa mga narinig. Naghihimagsik sa galit ang
kanyang kalooban. At bago pa man makalayo ang ama ay nagbitiw ito ng matatapang na
salita. "Hindi pa ako sumusuko sa kasunduan natin Dad. Oo, nakikipagkita ako kay
Sandra pero wala akong sinasabing siya ang magiging asawa ko...At oo wala ang
atensyon ko sa ngayon kay Jessica Lopez pero hindi ko rin sinasabing hindi siya ang
mapapangasawa ko....kaya hindi pa tapos ang laban Dad dahil walang kasunduan akong
pinapasukan na basta-basta ko na lang aatrasan!"
Ngumisi lamang ang matandang Montecastro sa sinabi ng anak at nagpatuloy sa
paglalakad.

Napatikom ng kamao si Jerome sa mga narinig. Nanginginig ang laman nya sa galit.
Nang makitang nakaalis na ang ama ni Clark ay dali-dali nyang nilapitan ang
presidente ng Bluestar. "Walanghiya ka! Anong klaseng lalaki ka!" sabay suntok niya
sa mukha nito.

Natumba si Clark dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Jerome. Tumayo ito ngunit hindi
gumanti sa sumuntok sa kanya. Pinahid ng kamay nito ang dugo sa labi at ngumiti ng
nakakaloko. Nakangising lumapit ito sa basketbolista.

"Para kanino ang suntok na iyon, Mr. Hernandez?"

Hindi nakasagot si Jerome.

"Kung para kay Jessica yun... ay sige tinatanggap ko ang suntok mo."

Lumapit pa lalo si Clark sa kausap at tinitigan ito sa mga mata ng malapitan.

"...pero kung para kay Sandra yun. Isa lang ang masasabi ko...dadaan ka muna sa
bangkay ko bago mo makuha ang gusto mo!"

Umalis si Clark habang pinupunasan ang duguang labi samantalang naiwang nakatayo at
hindi naman makapagsalita ang natauhang si Jerome.

-------

Sa isang tahimik na parte ng hardin ay payapang naglalakad-lakad si Sandra.


Napahinto siya sa harap ng isang nakasabit na litrato ng librong Red Thorn.
Napangiti siya sa nakita. Nagagandahan siya sa disenyo ng cover ng libro. Ipinikit
niya ang mga mata at muling inalala ang mga nakasulat sa bawat pahina ng libro. At
habang isa-isang bumabalik ang mga letra sa isipan niya ay bigla siyang napamulat
nang may humawak sa kanyang braso.

Nagulat siya nang bigla na lang siyang hinila ni Jerome at dinala sa likod ng
makakapal na mga halaman.

"Layuan mo si Clark Montecastro!" galit at maawtoridad na utos ng lalaki.

"Jerome anong ginagawa mo? Kinaladkad mo ba ako papunta dito para sabihin lang sa
akin yan?"

"Layuan mo siya dahil sasaktan ka lamang ng lalaking yun!"

"Ano bang pinagsasabi mo? Kaibigan ko lang yung tao at bakit ba pinagkakaabalahan
mo ang bagay na to? Pumasok ka na sa loob at tulungan mong mag-asikaso ng mga
bisita si Jessica."

Nagtatakang tinalikuran ni Sandra ang kausap na may seryosong mukha ngunit bago
makahakbang ay muli siyang hinila papaharap nito.

"Please Sandra, makinig ka naman sa akin kahit ngayon lang!"

"Alam ko ang ginagawa ko Jerome, kaya wag mo akong alalahanin." matigas na wika ng
babae na pilit pinipigilan ang unti-unting pagkakapikon dahil sa muling
pangingialam ng kapitbahay.

"Anong ginagawa mo? Ang hayaan mo sila na saktan ka lang? Ang magkunwaring masaya
ka? Ang itago ang kung ano ka? Anong alam mo sa ginagawa mo Sandra?!"

Bahagyang nasaktan si Sandra sa sinabi ng lalaki. Kung kaya't dahan-dahan nya itong
nilapitan at tinitigan sa mga mata. "Sige nga Jerome. Sabihin mo nga sa akin kung
ano ang dapat ko gawin?" malumanay ngunit sarkastikong pagtatanong niya.

"Huwag mong hayaang masaktan ka ng dahil sa iba! Ipakita mo kung ano ka! Ipakita mo
kung ano ang totoong nararamdaman mo. Umiyak ka kung malungkot ka at tumawa ka kung
masaya ka. Huwag kang magtago sa iba't ibang uri ng pagkatao! Tingnan mo ang sarili
mo ngayon! Ikaw ba talaga yan?!"

"Kita mo na...ang daling sabihin nyan mula sa bibig ng isang taong walang alam sa
mga pinagdaanan ko... Kung tapos ka na sa pagbibigay ng opinyon mo, pwede na ba
akong umalis?."
"Ano ba ang pinagdaanan mo? Ano ba ang mga itinatago mo? SABIHIN MO! MAKIKINIG
AKO!" galit na wika ni Jerome na noon ay lumilitaw na ang mga litid sa leeg.

Hindi na rin nakapagpigil ng galit nya ang babae. "Teka nga muna Jerome,bakit ka ba
nagkakaganyan? Ano bang pakialam mo? BAKIT KA BA NAKIKIALAM HA?!!"

"DAHIL AYOKONG NAKIKITA KANG MALUNGKOT! DAHIL NASASAKTAN AKO PAG NAKIKITA KITANG
UMIIYAK! DAHIL PARANG HINIHIWA ANG DIBDIB KO KAHIT MAISIP KO LANG NA MASASAKTAN KA!
DAHIL GUSTO KO MAGING MASAYA KA!"

Pansamantalang natulala si Sandra sa sinabi ni Jerome. Gusto nyang isiping


nagbibiro lamang ito. Nagmamadali niya itong tinalikuran bago pa man ito muling
makapagbitiw ng mga nakakatakot na salita. Ngunit bago siya makalayo ay bigla siya
nitong pinigilan, pinaharap at kinabig papalapit. Hinawakan nito ng mahigpit ang
magkabilaan niyang braso at mariing hinalikan siya sa mga labi. Sinubukan niyang
pumalag subalit panandalian siyang hindi makakilos dahil sa higpit ng pagkakahawak
sa kanya ni Jerome. Hindi siya tumigil sa panlalaban at nang makawala sa halik ng
lalaki ay agad siyang nagpakawala ng isang malakas na sampal.

Hinabol niya ang kanyang paghinga. Napahawak siya sa kanyang dibdib ng may
nanlalaking mga mata. Hindi siya makapaniwala sa nagawa ng lalaki. "A-anong
nangyayari sa yo Jerome?.... A-ano tong ginagawa mo?.... Nakikita mo ba ang sarili
mo?.... Pa-paano mo nagawang halikan ang kaibigan ng girlfriend mo?" wika niya
habang dahan-dahang humahakbang papalayo.

"Hi-hindi k-ko alam..." tanging nasabi ni Jerome na noon ay hindi rin makapaniwala
sa nagawa matapos matauhan sa sampal ni Sandra

-----

Wala sa sariling naglalakad si Jessica pabalik sa loob ng lumang mansiyon.


Nanghihina ang kanyang mga tuhod. Pilit niyang pinipigilang tumulo ang mga luha.
Isinandal niya ang isang kamay sa dingding at inihawak ang isa sa kanyang dibdib.
Pumikit siya at paulit-ulit na huminga ng malalim. Hindi totoo ang kang mga nakita
at narinig. Nasobrahan lang siguro siya sa wine kaya kung ano-ano na lamang ang
naglalaro sa kanyang isipan.

Si Jerome? Hindi maaring mangyari ito! Niloloko lang sya ng kanyang mga mata! Hindi
magagawa sa kanya ang ganitong bagay ni Jerome. Wala sa pagkatao nito na gawin ito.
Hindi pwedeng pati ito ay mahuhulog sa kaibigan nya. Naawa lamang ito kay Sandra...

Si Sandra? Hindi sya magagawang saktan uli ng kaibigan. Nangako ito na walang
anumang kukunin sa kanya. Bato ang puso ni Sandra pagdating sa pag-ibig kaya
imposibleng mahulog ang loob nito sa kanyang boyfriend... Hindi maaring mawala sa
kanya si Jerome ng dahil sa kaibigan! Sa pagkakataong ito ay hindi na sya papayag!

Wala syang narinig...at lalong wala siyang nakita.....

-----

Natapos ang mahabang gabi ng pakikihalubilo. Magkasamang bumalik ang magkasintahan


sa sasakyan. Nanatiling normal ang mga kilos at galaw ni Jessica. Pilit niyang
itinago sa sarili ang mga nakita.

"Hay nakakapagod! Hindi ko ini-expect na ganun pala kadami ang pupunta!"


pagkukunwaring masayang wika niya.

Tiningnan niya si Jerome. Tahimik lamang ito at hindi makatingin ng diretso sa mga
mata niya. Matamlay itong nag-iisip ng malalim. Ilang sandali pa ay isinubsob nito
ang ulo sa manibela at tahimik na umiyak. Pinipiga ang dibdib niya sa naging kilos
ng lalaki. Ang sakit-sakit makita na tahimik nitong inaamin na may nagawa itong
pagkakamali. Pinilit niyang huwag maiyak. Ilang ulit muna siyang napalunok bago
makapagbitiw ng salita.

"May problema ba Jerome?.... May nangyari ba sa team mo?... May masamang balita ba
mula sa pamilya mo?... May nangyari ba sa kaibigan mong si Justin?"

Lumakas ang pagyugyog ng balikat ni Jerome.

"I'm sorry Jessica...Hindi ako ganitong klase ng lalaki." sambit nito sa kanya
habang nakasubsob pa rin sa manibela.

"It's okay...it's okay...walang masama kung umiyak ka." sagot niya habang marahang
tinatapik ang likod ng kasintahan. Itinataas niya ang kanyang mga mata upang hindi
pumatak ang pinipigilang mga luha.
"Hindi kita gustong saktan...nagkamali lang ako."

"Ano bang pinagsasabi mo? Paano mo naman ako masasaktan eh wala ka na ngang ginawa
kundi pasayahin ako." sagot niya ng may unti-unti na ring gumagaralgal na boses.

Iniangat ni Jerome ang ulo at para itong batang nagpahid ng mga luha. Saka lamang
ito tumingin ng diretso sa kanya.

"I think I've just made a mistake ...I'm sorry..."

Agad siya nitong niyakap ng mahigpit at siniil ng halik sa mga labi. Walang pag-
aalinlangang gumanti siya sa mga halik at yakap nito. Subalit sa pagkakataong iyon
ay hindi nya na nagawang pigilan pa ang kanyang mga luha.

*******************************************
[15] PATINTERO
*******************************************

*****

"Maawa ka Sandra! Tanggapin mo na si Harris! Parang awa mo na..."

Nagmamakaawa ang umiiyak na si Jessica habang pinipigilan ang kaibigan na wag


lumabas ng gate ng eskwelahan.

Napatingin si Sandra sa isang lalaking nakatayo sa rooftop. Pinagkakaguluhan at


pinagtitinginan ito ng mga nag-uumpukang nakatingalang estudyante. Walang reaksyon
ang mukha niya sa nakikita. Hindi sya naniniwalang tatalon ang kamag-aral ng dahil
lamang sa kanya. Ibinaling ulit niya ang mga mata sa kaibigang mahigpit na
nakahawak sa kanyang uniporme.
"Paano ko tatanggapin ang isang taong umiwan sa kaibigan ko para lang ipagpalit ito
sa ibang babae? Papano ko tatanggapin ang isang lalaking nanakit sayo?"

Tumalikod siya para lisanin na ang eskwelahan ngunit mahigpit na hinawakan ni


Jessica ang dulo ng palda niya habang napapaluhod na ito sa lupa.

"Parang awa mo na...Balewala ang ginawa nya sa akin Sandra. Huwag mo akong isipin,
tanggapin mo lang sya." walang tigil pa rin sa pag-iyak si Jessica.

"Ganito ba ang sinasabi mong pagmamahal Jessica? Sa ganitong paraan ba dinadaan


para makuha ang tinatawag nyong pag-ibig?"

Tinanggal niya ang mahigpit na pagkakahawak ng kaibigan sa kanyang uniporme.


Tiningnan niyang muli ang lalaki sa rooftop ng may matigas na mukha at muling
ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Wala kang puso Sandra! Hindi ka marunong maawa! Wala kang alam sa pagmamahal!
KINASUSUKLAMAN KITA! PAG MAY NANGYARING MASAMA KAY HARRIS, HABAMBUHAY KITANG
KASUSUKLAMAN!!!" galit na galit na sigaw ni Jessica.

Napahinto siya sa huling sinabi ng kaibigan.... Hindi nya kayang kamuhian sya
nito.... Hindi nya kayang magalit ang pinakamahalagang tao sa buhay niya...

Bumalik sya at tuluy-tuloy na naglakad patungo sa gusali. Umakyat papuntang


rooftop. Dahan-dahan syang lumapit sa lalaki. Blanko ang kanyang mukha habang
inaabutan ito ng kamay.

Wala man syang naiintindihan, ngunit nakahanda siyang ibigay anuman ang hinihingi
nito sa kanya alang-alang kay Jessica.

Papalapit ng papalapit siya sa lalaki ngunit bago pa man maglapat ang kanilang mga
kamay ay nawalan ito ng balanse.....at sa harap mismo ng mga nanlalaking mata niya
ay nahulog ang inaabutan nya ng kamay...

Nanginig ang buong katawan niya, tumutulo ang kanyang mga luha sa takot, umiikot
ang buong paligid habang ang tanging naririnig nya ay ang palahaw na iyak ng
kaibigan...
------

Kumakanta-kanta si Vicky habang naglilinis sa harap ng coffee shop. Pinupunasan


niya ang isang table na inupuan ng kakaalis lang na mga kustomer. Natigilan siya sa
ginagawa nang biglang may pumaradang isang pamilyar na sports car. Inusisa niya
ito. Bumaba ang salamin ng bintana ng kotse at laking gulat niya nang makilala si
Jerome Hernandez. Kinawayan siya ng basketbolista at walang pagdadalawang isip na
lumapit siya dito.

"Ate, nandyan ho ba si Sandra?"

Nabura ang mga ngiti niya sa mukha. Paano nalaman ng sikat na binata ang pangalan
ng kasamahan niya? Bagama't nagtataka ay sinagot niya pa rin ito. "Oo, bakit mo
siya hinahanap?"

"Pwede ko po kaya siyang makausap?"

"Sandali, tatawagin ko lang sya. Ahh, kung pumunta ka dahil sa ilong nya. Okay na
matagal na itong magaling."

Bumalik si Vicky sa loob ng tindahan. Nilapitan niya ang kasamahan na noon ay abala
sa pagkuha ng mga order ng mga kustomer. "Ako na dyan Sandra. May naghahanap sayo
sa labas." sabay nguso niya sa direkyon ng kotse ni Jerome.

Inabot sa kanya ni Sandra ang pinagsusulatang papel matapos nitong matanaw ang
sasakyan. Naglakad ito papalabas ng shop ng may seryosong mukha. Lalo namang
nadagdagan ang pagtataka niya dahil hindi niya man lang ito nakitaan ng kakaibang
reaksiyon samantalang kung iisipin ay isang Jerome Hernandez ang naghahanap dito.

"Akala ko ba nagkaintindihan na tayong hindi ka na pupunta dito kung wala ka rin


lang namang bibilhin?" bungad ni Sandra pagkaupong-pagkaupo sa sasakyan ng hindi
tumitingin sa lalaki.

"Sandra...."

"Kung may sasabihin ka maaring pakibilisan dahil marami pa akong gagawin."


" Tungkol sa nangyari...."

"Huwag na nating pag-usapan. Tapos na yun at hinding-hindi na mauulit pa."

"Gusto ko lang linawin ang nararamdaman ko sayo...."

"Alam ko.... Naaawa ka lang sa akin di ba?"

Tumahimik si Jerome..."I'm sorry, Sandra..." nakayukong wika nito.

Pansamantalang hindi nagsalita si Sandra. Nakaramdam siya ng kaunting kirot sa


sagot ng lalaki. Masakit marinig na tahasang inaamin sayo ng isang tao na
kinakaawaan ka lamang nito. "Pinapatawad na kita... Kalimutan na natin ang
nangyari. Jerome, huwag mong lituhin ang sarili mo ng dahil lamang sa awa dahil may
mga tao kang masasaktan."

"Alam ko...alam ko..."

Tumahimik ulit ng ilang sandali ang babae. Mas lalong bumigat ang dibdib nito sa
sagot ng kausap. "Kung wala ka nang sasabihin ay babalik na ako sa loob."

"Sandra....hinihiling ko lang.... na sana walang magbago sa pakikitungo natin sa


isa't isa..."

"Huwag kang mag-alalala.Walang magbabago...alang-alang sa kaibigan ko." Binuksan ng


dalaga ang pinto ngunit muli itong nagbitiw ng salita bago tuluyang lumabas. "Ah oo
nga pala, gusto lang kitang payuhan na tanggalin mo ang pagiging maawain sa pag-
uugali mo....baka marami ka pang mahalikan sa susunod."

Walang reaksiyon ang mukha ni Sandra habang naglalakad pabalik ng shop. At katulad
ng dati, sinalubong agad sya ni Vicky at ng mga sunud-sunod nitong pagtatanong .

" Anong nangyari? Bakit ka ulit hinanap ni Jerome Hernandez? Anong pinag-usapan
niyo?"
"May pinapirmahan lang sa akin. Gustong makasiguradong hindi na ako maghahabol."
kaswal na sagot ni Sandra at muli itong naghanap ng gagawin ng may seryosong mukha.

Napansin ni Vicky na simula nang makausap ni Sandra ang sikat na basketbolista ay


naging seryoso at tahimik na ito. Hindi na ito gaanong nakikipag-usap at halatang
inaabala ang sarili sa trabaho. Iniwasan niya itong kulitin kung kaya't naghanap
siya ng gagawin sa labas. Naisip niyang punasan ang bintana at ilang minuto lamang
ang nakakalipas ay may pumarada uling isang magarang sasakyan. Napatingin ulit siya
dito at muling nangusisa. Nanlakit ulit ang mga mata niya nang makilala kung sino
ang nagmamaneho. Si Jessica Lopez. Ibinaba ng sikat na babae ang bintana ng kotse
at tinawag siya nito. Natatarantang binitawan niya ang hawak na pamunas at
nagmamadali siyang lumapit sa sasakyan.

"Ate, nandyan ho ba ang kasamahan nyong si Sandra?"

Si Sandra na naman? Nagtatakang tumango siya. Hindi na siya nagtanong pa kung bakit
nito hinahanap ang kasamahan, kusa na lamang siyang bumalik sa loob ng shop para
tawagin si Sandra. "Sandra, may naghahanap ulit sayo sa labas." pabulong na wika
niya at sabay nguso ulit sa bagong nakaparadang sasakyan. Nagulat ulit siya nang
mapansing tila balewala lang sa kasamahan ang paghahanap sa kanya ng sikat na
manunulat. Mahinahong lumabas ito ng shop ng may kaswal na mukha.

" Bakit dito mo pa ako pinuntahan? Pwede ka namang pumunta na lang sa bahay."
bungad ni Sandra sa kaibigan.

"Ngayon lang libre ang oras ko."

"May importante ka bang sasabihin at kinakailangan mo pa akong puntahan dito sa


trabaho?"

Huminga ng malalim si Jessica at ngumiti ng pilit. "Wala naman na miss lang kita.
Matagal na rin tayong di nagkakausap ng maayos."

Napangiti si Sandra. Nagkaroon man sila ni Jessica ng hindi pagkakaunawaan ngunit


wala pa rin siyang ibang mas hinahangad kundi ang magkaayos sila sa lalong madaling
panahon. Sa kabila ng mga pagtatampong nararamdaman, mas nangingibabaw pa rin dito
ang pangungulila niya na muling makasama ang kaibigan.

"Kumusta na pala kayo ni Clark?" nakangiting tanong ni Jessica.


"Gaya pa rin ng dati...Bakit para yatang interesado ka na ngayon sa pagkakaibigan
namin ni Clark?... Akala ko ba ayaw mo sa kanya?" kalmadong tanong ni Sandra.
Nabura ang mga ngiti niya sa mukha. Unti-unti na naman siyang nagdududa sa
intensiyon ng pakikipag-usap ng kaibigan.

"Naisip ko lang na masyado lang siguro akong naging protective sayo. Nakalimutan ko
na dapat pala ay maging masaya rin ako dahil kahit papano ay nakahanap ka ng
kaibigan nung mga panahong wala kami ni Mama sa tabi mo. Dapat nga ay magpasalamat
din ako kay Clark dahil inalagaan ka nya ng mga panahong iyon."

Tahimik lamang na nakikinig si Sandra sa kaibigan.

"Nililigawan ka ba ni Clark?"

"Bakit dapat nya ba akong ligawan, Jessica?"

Iniwas ni Jessica ang mga mata sa kaibigan ngunit nakangiti itong nagsalita. "Bagay
kayong dalawa....l-lalo na nung makita ko kayo sa party."

"Kailangan ko ng bumalik sa loob Jessica, marami pa akong gagawin." iwas ni Sandra


na hindi natutuwa sa nagiging takbo ng kanilang pag-uusap. Lalabas na sana siya ng
sasakyan subalit seryosong pinigilan ni Jessica ang mga kamay niya.

" Huwag kang umiwas Sandra... Sa tingin ko panahon na para matuto kang umibig.
Bakit di mo subukan si Clark?"

Natawa si Sandra sa narinig. "Pag ginusto ko ba ang lalaking yun magiging masaya ka
na?"

"Magiging masaya ako para sayo. Pakiramdam ko ay yun na lang ang kulang sa mundong
nais mong galawan ngayon Sandra."

Tumitig si Sandra sa mga mata ng kaibigan. "Iyan ba talaga ang gusto mo?" seryosong
tanong niya habang lumilipad sa isipan ang banta ng ama ni Clark at ang ginawang
paghalik sa kanya ni Jerome.
Mabilis na tumango at ngumiti si Jessica.

"Kailangan ko nang bumalik sa loob."

"Sandali lang....may ikukuwento rin ako tungkol sa amin ni Jerome...." wika ni


Jessica ng may masayang tono. "Pormal na akong ipapakilala ni Jerome sa mga
magulang niya. Sila mismo ang bibisita dito sa New York upang makilala ako ng
personal."

Napalunok si Sandra sa narinig. Ang kaninang mabigat na nararamdan matapos makausap


si Jerome ay parang mas lalo pang nadagdagan. Nalulungkot siya sa narinig. Mas
lumalalim na ang relasyon ni Jessica sa boyfriend. Unti-unti na nga bang mawawala
sa kanya ang kaibigan? Umiikot na nga lang ba kay Jerome ang mundo nito ngayon?

"Mabuti naman kung ganoon... Ayusin mong mabuti yang sarili mo sa pagharap sa
kanila baka may masabi silang hindi maganda." matamlay na wika niya.

"Wag kang mag-alala kung gaano kabait ang boyfriend ko ganoon din daw ang mga
magulang niya... Ah, makikita mo rin sila! Dadalo sila sa opening ng foundation ni
Jerome."

"At sino namang may sabing pupunta ako? Ano naman ang gagawin ko doon?"

"Suportahan mo naman ang boyfriend ng kaibigan mo!" wika ni Jessica na may kasamang
paglalambing. "...Tsaka pupunta rin si Clark, isa sya sa mga bisitang VIP bilang
isang major sponsor ng foundation."

Nag-isip ng ilang sandali si Sandra. Tinitimbang niya ang sarili kung pagbibigyan
ang kaibigan. "Pag-iisipan ko pa. Sige na Jessica, umalis ka na baka mawalan pa ako
ng trabaho dahil sayo."

"Bye basta pupunta ka ha. Gusto kong makita mo rin ang mga magulang ng boyfriend
ko!" nakangiting paalam ng dumalaw na kaibigan.

Matamlay na ngiti ang isinagot ni Sandra bago lumabas ng kotse. At pagbalik niya sa
shop ay doon naghihintay ang mga mapang-usig na titig ni Vicky.
"Magsabi ka nga ng totoo, Sandra! Kakilala mo ang sikat na magkasintahan na yun,
ano? Napansin ko lang na simula nang dumating ka dito ay saka naman nagpuntahan ang
mga yun. Una si Jessica Lopez, sunod si Jerome Hernandez, tapos si Jerome ulit,
tapos kanina si Jerome ulit at ngayon naman si Jessica. Ano ang ibig sabihin ng
lahat ng ito?"

"May nakalimutan daw ipaliwanag si Jerome Hernandez sa pinirmahan ko kaya inutusan


niya ang girlfriend nya..." wala sa sariling sagot ng dalaga at dire-diretso itong
naglakad papuntang banyo.

Hinintay ni Vicky ang kasamahan na makalabas ito ng CR upang lalo pa itong kulitin.
Subalit nang lumabas ito ay bakas na bakas sa mukha nito ang lungkot. Halatang may
itinatago itong mabigat na nararamdaman. Anong nangyari? napagsalitaan ba ito ng
masama ng mga nakausap? Hindi na siya muling umimik. Sinarili na lamang niya ang
kanyang mga katanungan at hinayaan ang dalaga na abalahin nito ang sarili sa
trabaho buong araw.

-------

Matamlay na nagpaalam si Sandra sa mga kasama pagkatapos ng trabaho. Ngunit bago pa


man siya makalabas ng pintuan ay biglang dumating si Clark. Nagulat siya sa nakita
dahil muntik nya nang hindi makilala ang lalaki. Nakasuot ito ng ordinaryong damit,
jacket, helmet at nakasakay sa motorsiklo. Bahagya siyang natawa sa hitsura nito.

"Ayan! Si Clark lang naman pala ang makakapagpangiti sayo!" komento ni Vicky na
lihim na natuwa nang makitang ngumiti din ang kasamahan.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ganyan ang hitsura mo?" tatawa-tawang tanong ni
Sandra habang tinitingnan si Clark mula ulo hanggang paa. Parang kaharap niya muli
ang dating Clark na nakilala niya.

"Sinusundo kita. Gusto kong magpahangin dahil marami akong iniisip. Halika samahan
mo ako." sabay bato nito ng helmet sa kanya.

Sinalo niya ang helmet subalit nagdalawang-isip siya kung sasama dito. Ngunit
katulad ni Clark parang gusto nya ring maglibot at magpahangin. Isinuot niya ang
helmet at sumakay sa likuran ng motorsiklo. Habang nakaakap sa beywang ng kaibigan
ay naalala nya ang nakaraan. Ganitong-ganito si Clark, kapag nararamdaman nitong
malungkot siya ay niyaya siya nitong sumakay sa motorsiklo. Madalas syang
ipinapasyal ng kaibigan sa tabing dagat o kaya sa mapupunong lugar upang
magpahangin. Katulad pa rin ba ito ng dati na laging dumarating kapag mabigat ang
kanyang pakiramdam?
Matapos ang mahigit isang oras ng paglilibot ay itinigil ni Clark ang motorsiklo sa
isang park. Tanaw na tanaw dito ang magandang tanawin ng Brooklyn Bridge at ang mga
matataas na gusali na punung-puno ng iba't ibang ilaw. Bumaba sila sa motorsiklo at
naupo sa damuhan.

Ilang sandaling silang magkatabing tahimik na nakaupo habang nakatanaw lang sa


magandang tanawin. Parehong nag-iisip ng malalim at nagsasagutan ng buntong-
hininga.

"Bakit mukhang natatagalan ka na yata dito sa New York? Kelan ka ba babalik ng


Texas?" tanong ni Sandra na hindi na nakatiis sa katahimikan.

"Hindi ko pa alam. Meron pa akong mga gustong ayusin."

"Yan ba ang mga gumugulo sa isipan mo kaya gusto mong magpahangin?"

"Siguro... isa ito sa mga iniisip ko."

"Hindi ba naayos mo na ang mga bagay tungkol kay Jessica? Bakit di ka pa umalis
baka naman marami ka ng napapabayaang mga trabaho kaya sumasakit yang ulo mo."

"Bakit pinapaalis mo na ba ako? Nagsisimula ka na bang magsawa sa pagmumukha ko?"


pabirong tanong ni Clark.

Natawa ng matamlay ang dalaga. "Hindi naman sa ganun, kaya lang iba na ang mundo mo
ngayon Clark. Hindi mo na pwedeng gawin anuman ang magustuhan mo. Mayroon ka ng
mabibigat na responsibilidad sa pamilya mo at sa kumpanya nyo."

"Mundo ko lang yun kapag wala ka pero iba ang mundo ko pag kasama kita..."

Natigilan bigla si Sandra sa narinig at agad itong napatingin sa mukha ng katabi.


"Anong ibig mong sabihin?"

"Gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito na makasama ka ulit Sandra."


Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig.

"Wag mong sabihin yan ang dahilan ng lahat ng ito Clark."

Hindi sumagot si Clark sa halip ay yumuko lamang ito.

"Nawawala ka na ba sa tamang pag-iisip Clark! Paano mo magagawang pabayaan ang


responsibilidad mo ng dahil lamang sa ganito kababaw na dahilan. Hindi na tayo mga
bata. May kanya-kanya na tayong mundo at kahit ano pa man ang mangyari ay hindi na
tayo magiging katulad ng dati!"

"Nahihirapan din ako Sandra...pero pinagsisigawan ng kalooban ko na wag ka na uling


hayaang mawala."

"Ano bang pinagsasabi mo? Nagkakamali ka Clark, hindi ako ang Sandra na nasa isip
mo. Wala kang alam sa buong pagkatao ko! Kaya itigil mo yang kabaliwan mo. Ni sa
isip ay huwag mong ipagpalit ang kung anong meron ka ngayon para lang sa katulad
ko!"

"Alam ko! Alam kong wala akong alam tungkol sayo. Matagal ko ng alam yan. Pero wala
akong pakialam basta ang mahalaga ay masaya ako pag kasama kita."

Tumayo bigla si Sandra na noon ay hindi na natutuwa sa takbo ng kanilang pag-uusap.


"Umalis na tayo. Ihatid mo na ako at walang patutunguhang maganda itong pag-uusap
natin."

"Sandali lang Sandra!" Hinawakan ng binata ang isang braso ng dalaga. "Wala akong
hihinging anumang kapalit mula sayo basta't hayaan mo lang ako na makasama ka
ulit."

"Wala kang hinihinging kapalit? Oo maaring wala kang hingin sa akin pero yang
ginagawa mo ngayon ay mayroong kapalit para sa ibang tao. Para sa mga umaasa sayo
sa kumpanya, para sa pamilya mo at para sa sarili mo! At sa tingin mo matutuwa ako
kapag isinakripisyo mo ang lahat ng mga ito. Sa tingin mo matatahimik ako pag
nakita kitang nabibigo nang dahil sa akin! Clark mas maraming importanteng bagay
kaysa sa sinasabi mong kaligayahan!"
Unti-unting nagalit ang lalaki sa katwiran ng kausap. "Bakit ganyan ba kababa ang
tingin mo sa sarili mo?.. Isang taong hindi karapat-dapat ipagpalit ang anumang
karangyaan?... Isang babaeng hindi karapat-dapat sa isang sakripisyo?

Hindi nakasagot si Sandra.

"Ipaliwanag mo dahil kahit anong gawin ko hindi ko makita ang sinasabi mong babae!"
pasigaw na wika ni Clark.

Mabilis na inalis ng dalaga ang mahigpit na pagkakahawak ng lalaki sa kanyang


braso. "Ihatid mo na ako."

-------

Pagdating sa harap ng condominium ay tahimik na bumaba si Sandra sa motorsiklo.


Hinubad nya ang helmet at matamlay na isinauli ito sa kasama. Tumayo sya sandali
upang hintaying makaalis ang kaibigan. Agad namang pinaandar ni Clark ang
motorsiklo at pinaharurot ito ng hindi man lamang nagpaalam sa kanya.

Napapabuntong hininga siya habang inisip ang nagtatampong kaibigan. Tumalikod sya
upang pumasok na sa lobby ngunit nagulat sya nang makitang nakatayo lamang pala
malapit sa kanya ang bagong dating din na si Jerome. Tiningnan muna nito ang
papaalis na motor ni Clark at muling tumingin sa kanya. Binigyan niya ito ng pilit
na ngiti at ginantihan din siya nito ng matamlay na ngiti.

Pumasok siya ng lobby at tahimik na nag-abang sa pagbukas ng elevator. Panaka-naka


syang lumilingon sa likuran habang nagtataka kung bakit hindi nya kasunod ang
kapitbahay. Nang magbukas ang elevator ay hindi nya kaagad isinara ang pinto.
Umaasa siyang baka sumabay si Jerome ngunit matapos ang ilang sandaling paghihintay
ay walang sumakay na kapitbahay kung kaya't napilitan syang isara ito bago pa man
tumunog ang alarm.

Pagkapasok sa bahay ay agad siyang naupo sa sopa. Napahawak sa kanyang noo.


Pakiramdam nya ay pagod na pagod sya buong araw. Hindi nya maintindihan ang sarili.
Halo-halo ang kanyang nararamdaman. Ito ang unang pagkakataong naguguluhan sya
dahil kay Jessica...kay Clark...at kay Jerome... Bakit tila ang tatlong ito ay
dahan-dahang nagsasabay-sabay sa pag-apekto sa kanyang buhay?
-------

"Malapit na akong magselos dyan sa ginagawa mo. Kanina mo pa ako hindi pinapansin.
Buti pa si Ms. Mylene inaasikaso ako." lambing ni Jerome kay Jessica nang dalawin
niya ito sa opisina pagkatapos ng ensayo ng kanilang team.

"Alam kong pagod ka pa dahil sa training nyo. Magpahinga ka na lang muna dyan" wika
ni Jessica habang abala sa pagsusulat sa laptop.

"Ano ba yang ginagawa mo at mukhang masyado ka namang seryoso? May bago ka na bang
sinusulat?"

"Para sayo tong ginagawa ko. Inaayos ko ang program para sa opening ng foundation
mo."

" Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Akala ko ba ipapaayos mo sa mga staff mo."

"Gusto kong ako ang personal na mag-ayos nito para masigurado kong maganda ang
kalalabasan. Ayoko yatang mapahiya ang boyfriend ko. Tsaka darating ang mga
magulang mo gusto kong matuwa sila sa ihahanda kong programa." nakangiting wika ng
babae.

Tumaba naman ang puso ni Jerome sa sinabi ng girlfriend. "Okay hindi na muna kita
iistorbohin." sabay upo niya sa sopa malapit sa mesa ng girlfriend. Tiningnan ang
mga magazines sa center table sa harapan niya. Karamihan sa mga cover ng mga ito ay
litrato nilang magkasintahan. Kumuha siya ng isa at tahimik na nagbasa.

Habang nagbabasa ay hindi sinasadyang napadako ang mga mata niya sa girlfriend na
seryosong nagsusulat sa laptop. Tinitigan nya ito ng matagal. Muling naglaro sa
kanyang isipan ang mga nararamdaman nya sa tuwing nagbabasa siya ng mga libro nito.
Ganitong tanawin ang madalas niyang isipin. Ang tahimik na panoorin ang
hinahangaang manunulat habang lumilipad ang imahinasyon nito sa pagsusulat.

"Kailan ka ba uli magsisimulang magsulat ng bagong kwento?"

Natigilan si Jessica sa ginagawa dahil sa tanong ng boyfriend.


"Ba-bakit mo naitanong?"

"Pwede ba akong humiling na kahit isang beses ay pagbigyan mo ako na panoorin ka


habang nagsusulat?" lambing ng binata.

Napangiti ng pilit ang babae. "Wala pa akong balak magsulat ng panibagong libro
dahil kakatapos ko lang sa Red Thorn. Ipapahinga ko muna ng ilang panahon ang isip
ko..." Nag-isip ng ilang saglit si Jessica at tumingin ng diretso na tila may
nakikitang pangitain "...pero sa palagay ko alam ko na ang klase ng susunod na
librong ilalabas ko."

Talaga!? Anong kategorya ang gusto mong isulat?" excited na tanong ni Jerome

Nag-isip ng malalim si Jessica. "Sa palagay ko panahon na para magsulat ako ng mga
makatotohanang tema. Maglalabas ako ng libro na may kinalaman sa mga totoong
karanasan."

"Wow! Sa wakas magsusulat ka na rin ng ibang genre ngayon. Excited na akong


mapatunayan kung gaano kagaling ang isang Jessica Lopez!" buong pagmamalaking wika
ng binata.

Tumahimik ng ilang sandali si Jessica at tumingin sa natutuwang kasintahan. "Oo nga


pala, inimbitahan ko rin si Sandra sa opening ng foundation. Baka sumama na lang
siya kay Clark sa pagpunta." sabay palit niya ng topic.

Unti-unting nawala ang mga ngiti sa mukha ni Jerome. "Kumusta na pala ang kaibigan
mo at si Clark Montecastro? Mukhang mas lalo na silang napapalapit sa isa't isa.
Madalas kong nakikitang inihahatid ni Mr. Montecastro si Sandra..."

"Talaga!" namilog ang mga mata ng dalaga. "Mukhang pinapakinggan na nga ako ngayon
ng kaibigan ko...Malakas ang kutob ko na binibigyan ni Sandra ng pagkakataon ang
sarili niya na mahulog kay Clark Montecastro. Unti-unti nya na ring sinusunod ang
mga payo ko. Sa palagay mo may relasyon na kaya ang dalawang iyon? Ayaw kasing
magsalita ni Sandra kapag tinatanong ko siya tungkol dito."

Hindi sumagot si Jerome. Parang may sumasaksak sa dibdib nya sa tuwing maiisip na
may relasyon si Clark at Sandra. Natatakot syang mas lalong magdurusa ang
kapitbahay dahil alam niyang masasaktan lamang ito pag inibig ang nasabing mayamang
lalaki. Ngunit wala na siyang magagawa. Ayaw niya nang makialam dahil natatakot din
siya na baka maulit ang nangyari sa party.

Lingid naman sa kaalaman ng binata ay lihim na pinagmamasdan ng girlfriend ang


reaksyon nya. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Jessica ang biglang pananahimik nito.
"Ano sa tingin mo Jerome? Bagay naman ang kaibigan ko kay Clark Montecastro di ba?"

"Kailangan ba talagang Kay Mr. Montecastro mo ipagkasundo si Sandra? Marami namang


ibang lalaki dyan ah... yung malabong masaktan sya. Masyadong malayo ang agwat ng
estado sa buhay ng dalawa, maaring tumutol ang pamilya ni Clark." seryosong wika ni
Jerome habang iniisip ang tungkol sa malaking pagtutol ng ama ng mayamang binata sa
babae.

"Siya lang ang lalaking nakikita ko para sa kanya...dahil sya lang ang lalaking
nakikita kong may puwang sa puso ng kaibigan ko."

Biglang napatingin si Jerome kay Jessica. Para syang sinampal sa huling sinabi ng
girlfriend. Si Clark Montecastro nga lang ba ang lalaking may puwang sa saradong
puso ni Sandra? Ganoon ba kahalaga ang lalaki sa buhay ng kapitbahay?

-------

Ganadong-ganado sa pagsusulat si Sandra. Pakiramdamdam niya ay kaya nyang makatapos


ng limang kabanata sa dami ng ideyang nagsusulputan sa kanyang isipan. Tutok na
tutok ang mga mata niya sa laptop habang kusang nagta-type ng mabilis ang mga
daliri.

Ding dong.

Hindi niya pinansin ang pinto. Tuluy-tuloy lamang siya sa ginagawa. Kapag nasa
ganitong estado sya ng pagsusulat ay walang sinumang maaring umistorbo sa kanya.

Ding Dong. Ding Dong.

Hindi pa rin siya tumayo. Nasa kasarapan siya ng bahagi ng kuwento. Hindi maaring
maputol ang konsentrasyon nya.
Ding Dong. Ding dong. Ding dong. Ding dong. Ding dong. Ding dong. Ding dong.Ding
dong. Ding dong. Ding dong.

Biglang sumabog ng parang bula ang lahat ng ma ideyang lumilipad sa isip niya.
Tumayo siya at nanggigigil na naglakad papuntang pintuan.

"Jessica ilang ulit ko bang sasabihin sayong wag mo akong pupuntahan sa oras ng
pagsusulat ko!"

"Nagsusulat ka? Ikaw?"

Nagulat si Sandra nang makita si Jerome. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang
mainit na ulo nito.

"Anong sinusulat mo? Nagsusulat ka rin ba?"

"Wa-wala may ginagawa lang akong blog. Ba-bakit ba? Anong kailangan mo?"

Tumahimik ng ilang sandali si Jerome samantalang naghihintay naman ang babae sa


sasabihin nito habang pilit hinahabaan ang pasensiya.

"T-Totoo ba ang sinabi ng kaibigan mo na may puwang sa puso mo si Clark


Montecastro?"

Hindi alam ni Sandra kung sasabog sya sa inis o matatawa sa tanong ng kapitbahay.
"Yan ba? Yan ba ang itatanong mo? Dahil dyan ba kaya ka nangiistorbo ng
kapitbahay?"

"Hindi ako matahimik Sandra, gusto kong malaman ang totoo. Alam mo namang
pinalalahanan na kita na baka masaktan ka pag inibig mo ang lalaking yun"

"Alam mo Jerome, paulit-ulit na lang tayo. Ilang beses na tayong nag-usap at


nagkasundo. Bakit hanggang ngayon ay nakikialam ka pa rin...Pwes kung yan ang
sinabi ni Jessica, yan ang paniwalaan mo. Ngayon, pwede na ba akong bumalik sa
ginagawa ko?"
Isasara na sana ni Sandra ang pinto ngunit hinarangan ito ng kamay ng lalaki.

"Gusto kong ikaw mismo ang magsabi, gusto kong marinig mula sa bibig mo ang totoo!"

Tumalikod ang dalaga. Ipinikit niya ang mga mata. Itinikom ang mga kamao. Gigil na
gigil na siya sa kakulitan ng kapitbahay. Humugot siya ng isang malalim na buntong-
hininga. Nag-isip ng ilang sandali at muling hinarap ang binata.

"Magbihis ka."

Napakunot ng noo si Jerome.

"Magbihis ka. Maglalaro tayo."

Hindi pa rin maintindihan ng binata ang biglang pagbabago ng takbo ng kanilang pag-
uusap.

"May utang akong isang laro sayo diba? Pwes, babayaran ko na. Pero sa pagkakataong
ito ako ang magbibigay ng kondisyon sa matatalo." matigas na wika ni Sandra at
sabay sarado sa pinto.

Nagpalit ng damit ang babae ngunit bago ito umakyat ng gym ay lumapit ito sa
laptop. Nagbukas ng youtube at sandaling nanood ng mga highlights ng kapitbahay.
Mabilis nitong tinandaan at pinag-aralan ang galaw ng makakalaro.

-------

"Pag nanalo ka, tatanggapin ko ang lahat ng mga panghihimasok mo sa buhay ko.
Ngunit pag nanalo ako, kaylanman ay hindi ka na makikialam sa anumang bagay tungkol
sa akin. Ni ang kumustahin ako ay hindi mo na maaring gawin." seryosong-seryoso
bigkas ni Sandra habang hawak-hawak ang bola at kaharap sa baketball court ang
kapitbahay.

Napatingin si Jerome sa kaharap mula ulo hanggang paa. Hirap siyang makapaniwala na
ang kaninang mukhang nerd na nagbukas sa kanya ng pinto ay napalitan ng isang
seksing boyish na babae. Ito ang unang pagkakataon na naglaro ang kapitbahay na
hindi nakasuot ng sweat pants at hoodie jacket. Ngayon ay nilagyan nito ng maraming
clip ang buhok. Nakasuot ito ng kulay puting sleeveless na may maluwang na kuwelyo
kung saan lumalabas ang kulay itim na strap ng sports bra nito, itim na leggings
na dinoblehan ng isang maiksing kulay gray na short at pambabaeng pink na
rubbershoes.

"Sandali! Nakita ko na kung ano ang kaya mong gawin. Baguhin natin ang rules.
Kailangan maka 10 points ka na ngayon pero 30 points pa rin ako." biglang tutol ni
Jerome.

"Shoot. Basta ako ang unang hahawak ng bola." walang pagrereklamong sagot ng
dalaga.

Sinimulan ng dalawa ang paglalaro. Tumatakbo sa isipan ni Sandra ang pinanood na


laro ng lalaki. Kailangan niyang manalo sa pagkakataong ito. Subalit talagang
magaling ang basketbolista dahil wala pang limang minuto ang nagdaan ay napuntusan
agad siya nito ng sampu samantalang siya ay wala pang naipapasok ni isa. Hindi
maari, kailangan niyang dumiskarte. Naglaro sa isipan niya kung papaano nito
nililipat sa magkabilaang kamay ang bola. Hinihintay niya ang pagkakataong yun para
nakawin ang bola. Ilang beses niya itong nagawa at bago pa man siya mabantayan ng
kalaro ay mabilis siyang naghahanap ng pagkakataon para mai-shoot ang bola.
Nakadalawang three points siya, kaya't nagawa niyang ngitian ng may pang-aasar ang
lalaki.

Agad namang naalarma si Jerome sa galaw ng babae. Nakikini-kinita niyang may


pagkakataon itong manalo. Nagseryoso siya sa paglalaro at ginantihan niya ito ng
sunod-sunod na puntos hanggang sa makaipon siya ng dalawampu't limang puntos.
Nahalata niyang nababasa nito kung papaano siya humawak ng bola kaya't agad siyang
nagpalit ng istilo. Ginantihan niya ang kaninang nang-aasar na mga ngiti ng babae.
Siya naman ang ngumisi dito. Napapansin niyang nag-uumpisa nang mapikon si Sandra
at ito ang pinakahihintay-hintay niya. Natutuwa siya sa reaksiyon nito kapag
napipikon ito sa paglalaro.

Limang puntos na lang ang kailangan niya para matapos na ang laban. Naagaw ulit sa
kanya ni Sandra ang bola. Mahigpit niya itong binantayan para agawan din ng bola
ngunit di sinasadyang napatingin siya sa pawisang leeg nito. Unti-unti siyang
nahihipnotismo sa nakikitang tumutulong pawis mula sa leeg hanggang sa balikat
nitong may magandang hubog. Bigla siyang napalunok at pansamantalang nawala sa
sarili hanggang sa hindi niya namalayang nalusutan na pala siya ng babae at
napuntusan. Binatukan niya ang sarili dahil sa nangyari. Dalawang puntos na lang
tuloy ang kailangan nito para manalo kung kaya't agad siyang humabol at umiskor ng
three points.

Hawak ulit ng kalaro ang bola. Hindi ito dapat makaiskor. Hindi niya hahayaang
manalo si Sandra at ang mga kondisyon nito. Mabilis na tumakbo patungong ring ang
babae ngunit seryoso niya itong hinarangan. Habang binabantayan niya ito ng harapan
ay tinitigan siya ng mga matatapang na mata ng dalaga. Napatitig din siya sa kalaro
hanggang sa napadako ang mga mata niya sa pawisang noo nito, pababa sa namumula-
mulang pisngi hanggang sa mga mapupulang labi nitong nakangisi. Biglang lumakas ang
kabog ng kanyang dibdib at ang dati niyang namumula na sa init na mga pisngi ay
lalo pang nag-init.

Napansin ni Sandra ang bahagyang pagkawala sa konsentrasyon ng kalaro kung kaya't


agad siyang tumakbo ng mabilis. Natauhan naman kaagad si Jerome at hinabol siya
nito ngunit bago pa man siya maabutan ay tumalon na siya ng mataas at itinapon ang
bola sa basket. At habang nasa ere ay desperadong niyapos siya sa beywang ng lalaki
para pigilan ang pagpuntos niya.

"Huwag kang madaya! Huwag kang madaya!" sigaw niya habang karga-karga ng binata.

Hindi niya pinansin ang pagkakabuhat sa kanya ni Jerome. Nakatuon lamang mg mata
niya sa itinapong bola sa ring. Nagpaikot -ikot ang bola ng ilang sandali sa ibabaw
ng ring hanggang sa tuluyan itong pumasok sa basket.

"Panalo ako! Panalo ako!" sigaw niya habang iwinawagayway ang mga kamay sa tuwa.

Matapos matauhan sa naramdamang saya ay saka lamang niya napagtanto ang kakaibang
posisyon nila ng kalaro. Karga-karga sya ng lalaki habang nakapulupot ang mga kamay
nito sa kanyang beywang. Seryoso ang mukha ni Jerome at nakatitig ito sa kanya.
Bigla siyang kinabahan at parang dumaloy lahat ng dugo nya papaakyat sa kanyang
mukha. Tinangka niyang bumaba ngunit biglang hinigpitan ng binata ang pagkakayakap
sa kanyang beywang. Lalong napadikit ang katawan nya sa katawan nito at
nagkatitigan sila ng ilang sandali. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at unti-unti
siyang natakot sa kakaibang nararamdaman. Napalunok siya at agad na ikinalma ang
sarili.

"I-ibaba mo na ako. Tapos na ang laro natin." mahinang wika niya habang nakatitig
kay Jerome.

Saka lamang siya nito dahan-dahang ibinaba ngunit nanatili pa rin itong nakatitig
sa kanya. Nang lumapat ang mga paa niya sa sahig ay mabilis siyang kumawala sa
pagkakatitig ng lalaki at nagkunwaring maglakad ng normal ng may nanghihinang mga
tuhod. Lumapit siya sa kinalalagyan ng tuwalya at tila kaswal na nagpunas ng pawis
sa mukha.

"Mahalaga sayo ang larong basketball di ba? Siguro naman ay rerespetuhin mo ang
resulta ng laro at ang kasunduan natin." napapalunok na wika niya sa binata

Tumalikod siya at nagmadaling lumabas ng pinto. Iniwan niya ang kapitbahay na


nanatiling nakatayo at walang imik na nakatingin sa kanya. Pagkalabas na pagkalabas
niya ng pintuan ay napahawak siya sa dibdib. Paulit-ulit siyang huminga ng malalim.
Anong nangyayari sa kanya? Hindi sya dapat naapektuhan sa kahit anumang ikinikilos
ng lalaki. Makailang ulit niyang sinampal ang sariling mga pisngi habang naglalakad
pabalik ng apartment...

*******************************************
[16] DI BALE NANG MASAKTAN
*******************************************

******

Opening ng foundation ni Jerome Hernandez. DREAM HIGH FOUNDATION, ito ang nakasulat
sa bandang itaas ng gate ng isang malawak na compound. Matatagpuan dito ang tatlong
malalaking gusali na merong tig-aapat na palapag, isang katamtamang bulwagan na
nagsisibiling function hall, malaking playground na kumpleto sa kagamitang panlaro,
dalawang basketball court at magandang hardin na puno ng mga makukulay na bulaklak
at berdeng mga halaman.

Ang dalawang gusali ay dormitoryo ng mga bata. Ang isang gusali naman ay
nagsisilbing munting learning center para sa mga bata. Mayroon itong library, study
hall, gym at isang clinic.

Nagkalat ang mga bata sa playground. Nakasuot ang mga ito ng magkakatulad na kulay
asul na T-shirt na may nakaimprentang pangalan ng foundation. May mg batang
naglalaro sa slide, may mga nakasakay sa swing, may mga nakasabit sa monkey bars,
may mga naghahabulan sa playground at may mga naglalaro sa basketball court kung
saan karamihan sa mga ito ay iniidolo si Jerome.

Tahimik na tinitingnan ni Jerome ang nakakataba sa pusong tanawin. Wala siyang


mapagsidlan ng kaligayahan habang tinatanaw ang mga masasayang batang naglalaro.
Ang magandang tanawing ito ang pangarap niya... Ito ang isa sa pinakamimithi
nya...at ito ang magiging buhay nya pagkatapos ng basketball.

Samantala abalang-abala naman si Jessica sa pag-iistima sa mga bisita lalo na sa


mga magulang ni Jerome. Walang medya na inimbita ang magkasintahan. Tanging mga
malalapit na tao, sponsors, volunteers, staff at mga taong mula sa iba't ibang
charitable institutions ang mga naroroon. Iniiwasan ng sikat na binata na madamay
ang foundation sa mga kamerang madalas na nakabuntot sa kanya.

"Natutuwa namin kami at nakatagpo ang anak namin ng tulad mo ring may matulunging
puso. Kahit papaano ay may makakatulong siya sa pag-aasikaso nitong foundation."
sambit ng ina ni Jerome habang naglalakad-lakad sa foundation kasama si Jessica.

Hindi maikubli ni Jessica ang pamumula ng mukha sa narinig. Simula nang una niyang
makita ang mga magulang ni Jerome ay panay puri sa kanya ang kadalasang naririnig
niya mula sa mga ito. Simple at mababait ang mga magulang ng boyfriend. Hindi na
siya nagtataka pa kung bakit ganoon ang personalidad ni Jerome. Maalalahanin at
maasikaso ang kanyang ina samantalang mabait, mukhang matalino at palabiro naman
ang kanyang ama. Nakita niya kung gaano kalapit ang kasintahan sa kanyang ama.
Halatang nakikinig at mataas ang respeto ng binata dito. Mayroong dalawang
nakababatang kapatid na lalaki ang kasintahan ngunit hindi nakasama ang mga ito
dahil abala sa kanilang pag-aaral.

"Wala pong anuman ito. Masaya rin po talaga ako kapag nakakatulong sa ibang tao.
Dati nga ho kahit hindi pa man kami magkasintahan ng anak nyo ay may mga
pagkakataong nagkakasabay na rin kami sa pag-attend ng mga charitable events."
maamong sagot ni Jessica.

"Mabuti naman kung ganoon.... Bakit nga pala hindi mo inimbita ang iyong ina
dito?"

"Naku mahiyain po yun masyado. Hiniling po kasi nun sa akin na wag syang kumbidahin
sa anumang pagtitipon maliban na lang kung ito ay pampamilya."

"Ah kunsabagay naiintindihan ko siya. Mahirap ngang magkaroon ng sikat na anak.


Minsan parang ayaw mo nang lumabas ng bahay dahil natatakot kang marinig na pinag-
uusapan ang anak mo ng ibang tao at magbitiw ang mga ito ng masasamang komento...
Pero sana makilala rin namin ang iyong ina ng mas maaga para mas lalo pang maging
malapit ang pamilya natin sa isa't isa."

Tumaba ang puso ni Jessica sa huling sinabi ng ginang. Masarap pakinggan na


itinuturing na siyang pamilya nito.

"Wag po kayong mag-alala pipilitin ko pong mapapunta ang Mama ko dito sa New York
habang naririto kayo."

Habang patuloy na naglalakad, namataan ni Jessica si Sandra. Nakaupo ito sa isang


bench park katabi ng isang malaking puno. May kausap itong mga bata at masaya ang
mga itong nagtatawanan. Tinawag niya ang kaibigan. Nagpasintabi muna ito sa mga
bata bago lumapit sa kanila.

"Siya nga po pala Tita, sya po ang matalik kong kaibigang si Sandra. Kababata ko po
siya at inimbitahan ko rin pong mag-volunteer dito sa foundation kapag may libreng
oras. Kaibigan din po siya ni Jerome. Siya po ang dahilan kung bakit kami
nagkakilala ng anak nyo." nakangiting wika ni Jessica.
Nahihiyang ngumiti at pormal na yumukod si Sandra. "Magandang araw po, Mrs.
Hernandez."

Natuwa si Mrs. Hernandez sa huling sinabi ni Jessica. Nakangiti itong lumapit kay
Sandra at napansin nito ang pagiging simple ng dalaga na nakasuot lamang ng kulay
asul na T-shirt ng Dream high, maong na pantalon at rubber shoes. Hinawakan nito
ang mga kamay ng babae.

"Naku, ikaw pala ang dahilan ng pagkakakilala ni Jerome at Jessica! Maraming


salamat sayo at binigyan mo ng napakabuting girlfriend ang anak ko." masayang wika
nito sabay pisil sa pisngi ng nahihiyang dalaga.

Naasiwa si Sandra sa ginawa ng ginang . Nahihiyang tinanggal niya ang kamay sa


pagkakahawak nito at mapagkumbabang nagpaalam. "Hindi naman po. Nagkagustuhan po
sila at mahal nila ang isa't isa. Yun po ang dahilan hindi po ako... sige po
babalik na po ako sa mga bata. Enjoy po kayo sa paglilibot niyo." sabay yukod ulit
niya bago tuluyang talikuran ang nakangiting ginang.

Nakangiting bumalik si Sandra sa mga bata. At bago muling ipagpatuloy ang pagbabasa
ng mga pambatang kuwento, napahawak muna siya sa dibdib. Hindi niya maintindihan
pero tila kinabahan siya nang makaharap ang ina ni Jerome.

"Miss Sandra. Ibang story naman. Yung tungkol naman kay Little Red Ridinghood."
wika ng isang matabang batang babae.

Agad siyang natauhan mula sa pag-iisip at saka ipinagpatuloy ang masayang


pakikisalamuha sa mga bata."Little Red Riding Hood? Okay simulan naman natin ngayon
ang kwento ng isang batang babae na nagngangalang Little Red Riding Hood ..."
ipinikit muna niya ang mga mata ng ilang saglit upang alalahanin ang buong kwento.
Seryosong-seryoso ang mukha ng mga bata habang nakikinig kay Sandra. Nadadala ang
mga ito sa detalyadong-detalyadong pagkukuwento ng dalaga. Kung hindi ka
nakatingin, aakalain mong may hawak-hawak itong libro.

" Ang galing niyo naman Miss Sandra! Ang dami niyong alam na story. Pwede po bang
Snow White naman?" puri ng isang bata.

"Jack and the Beanstalk naman...." hirit naman ng isa pa.

"Miss Sandra Alice in Wonderland naman po..."

"Sandali!Sandali. Isa-isa lang. Huwag kayong mag-alala lahat yan ikukuwento ko."
natatawang wika ni Sandra.

"Meron ka bang nakatagong library ng children's book dyan sa utak mo?"

Mabilis na napalingon si Sandra sa pinaggalingan ng boses. "C-Clark?"

Naghagikhikan ang mga bata nang makitang nagulat ang dalaga. Sinenyasan ang mga ito
ni Clark na wag sabihing lihim siyang nakikinig sa likuran ng babae.

"Okay mga kids next time na lang ulit! Maghanda na kayo at maya-maya lang ay
magsisimula na ang program." nakangiting pagtatapos ni Sandra sa pagkukuwento para
harapin ang binata.
Nagtayuan ang mga bata upang pumunta ng hall ngunit lumapit ang matabang batang
babae kay Sandra. Mahinang hinatak nito ang dulo ng T-shirt ng dalaga.

"Miss Sandra promise mo babalik ka ulit dito sa Dream High ha? Tapo pag pumunta
kayo, hanapin nyo po ako ha."

"Syempre naman." nakangiting wika ng dalaga at sabay haplos sa buhok ng bata.

"Manonood pa po ba kayo ng program o aalis na kayo?"

"Manonood pa. Siyempre panonoorin pa kita."

"Natatandaan nyo po ba ang pangalan ko?"

"Oo naman... ikaw si Missy diba?"

Napangiti ang bata nang banggitin ng dalaga ang kanyang pangalan at lumabas ang
bungal na ngipin nito sa harapan. "Sige po iwanan ko na kayo ng boyfriend nyo."

"Hi-hindi ko to boy...."

Hindi pa man natapos ang namulang dalaga sa pagsasalita ay tumakbo na papalayo ang
bata.
Natawa si Clark sa reaksyon ni Sandra. "Kita mo na pati bata nagagawang isipin na
boyfriend mo ako."

"Heh! Wag mo nga ulit akong simulan ng mga ganyang mga biro."

Bagamat tila nagtataray sa lalaki subalit ang totoo ay lihim na natutuwa si Sandra
sa paglapit sa kanya ng kaibigan. Simula kasi nang nagtalo sila at nagtampo ito,
ngayon na lang ulit siya nito kinausap. "Saan ka ba nagpupunta at mukhang hindi ka
na yata napapadaan sa coffee shop?" nakangiti ngunit halatang nagtatampong wika
niya.

"Kita mo na na-miss mo rin ako. Umuwi muna ako ng Texas tutal pinagtabuyan mo na
rin naman ako." ngingisi-ngising wika sa kanya ni Clark.

"Hanggang ngayon ba ay masama pa rin ang loob mo?!" nakangusong bigkas niya.

"Hindi. Nagbibiro lang ako. May inasikaso lang ako kaya ako bumalik ng Texas."

Habang masayang nag-uusap ang dalawa ay tahimik namang nakatingin sa kanila si


Jerome mula sa bukana ng funtion hall. Tinitingnan niya ang masayang mukha ng
kapitbahay habang nakikipag-usap ito sa presidente ng Bluestar. Unti-unti na siyang
naniniwala na marahil ay may katotohanan nga ang sinabi ni Jessica na may puwang
ang mayamang binata sa puso ng babae.

Huminga siya ng malalim habang pilit tinititigan ang mukha ni Sandra kahit pa nasa
may kalayuan ito. Ngayon nya lang ulit ito nakita. Buhat nang matalo siya nito sa
laro, napagpasyahan niyang tuluyan na itong iwasan. Ito lamang ang tanging paraan
upang masunod niya ang kanilang kasunduan.
"Sino ba yang tinitingnan mo?"

Natigilan siya sa malalim na pag-iisip at napalingon sa kanyang ama. Tinapik siya


nito sa balikat at sinundan ng mga mata nito ang kanyang tinatanaw.

"W-Wala Dad. T-Tinatanaw ko lang si Mr. Montecastro. Malaki kasi ang dapat kong
ipagpasalamat sa kanya dahil sa napakalaking tulong na ibinigay nya dito sa
foundation ko." kinakabahang sagot niya at umaasang sana'y huwag mahalata ng ama
ang pagsisinungaling niya.

"Tama ka. Alam mo napakadalang na lamang ng makatagpo ng mga taong katulad niya.
Nakakatuwang isipin na naiintindihan niya pa rin ang pakiramdam ng mga mahihirap
kahit na sa buong buhay niya ay maaring karangyaan lamang ang tanging nakamulatan
niya...teka sino ba yang kausap niya?...Mukhang may magandang kalooban din ang
girlfriend niya ah at nakuha ring magvolunteer dito."

"Pumasok na po tayo Dad at magsisimula na ang program." napapalunok na wika niya ng


biglang may kumurot sa dibdib niya sa huling sinabi ng ama.

------

Nagsimula na ang opening program at si Mylene ang emcee ng palatuntunan. Nagtipon-


tipon na ang mga bata sa hall. Nakaupo sa bandang unahan ang mga panauhing
pandangal kasama na dito si Clark. Magkakatabi namang naupo ang sikat na
magkasintahan at ang mga magulang ni Jerome. Samantala, tahimik na pumuwesto ng upo
si Sandra malapit sa grupo ng mga batang nakakuwentuhan niya. Pagkakita sa kanya ng
mga bata ay agad siyang kinawayan ng mga ito at gumanti din siya ng masiglang
kaway.
Unang umakyat ng entablado si Jerome para batiin ang lahat ng mga nagsipagdalo.

"Nagpapasalamat po ako sa Diyos at muli na naman nyang ibinigay sa akin ang isa sa
mga pinakahihiling ko. Aaminin ko po sa inyo na noong una ho wala akong ibang gusto
sa buhay kundi ang maging isang professional baketball player. Ngunit habang
tumatagal ay napagtanto ko ang katotohanan sa pinapangarap kong buhay... na ito ay
pansamantala lamang. May hangganan po ang paglalaro ko ng basketball. Kaya nung
napagtanto ko ito ay muli akong nangarap ng isa pang bagay. Tinanong ko ang aking
sarili. Ano pa ba ang malapit sa puso ko kasunod ng pagbabasketball? Wala ho akong
nakitang ibang kasagutan kundi ang lahat ng nakapaligd sa akin mula sa kinatatayuan
ko ngayon. Ito ho ang nakakapagpasaya sa akin. Masaya ako na may matutulungan akong
mga kabataan sa pagtupad ng kanilang mga pangarap. Masaya ako na may masasagip
akong mga bata mula sa pagdurusa, pang-aabuso, pagkagutom at kalungkutan. Gusto ko
hong tumulong dahil sa lahat ng ayaw ko ay ang may umiiyak...may nasasaktan....may
nagdurusa...at may nalulungkot..."

Napalunok si Sandra . Hindi niya sigurado pero pakiramdam niya ay parang pasaring
sa kanya ang huling sinabi ng binata. Bigla siyang naasiwa. Tumayo siya para
lumabas. Natatakot siyang baka may mga susunod pang salita na sasapol sa kanyang
dibdib ngunit nang aalis na siya ay biglang lumapit sa kanya si Missy. Naglambing
ang bata at humiling itong magpakandong sa kanya. Pinagbigyan niya ang bata kaya't
wala siyang nagawa kundi ang manatiling nakaupo, makinig at panoorin si Jerome.

"...kaya't hanggang kaya ko ay tutulong ako, kaya't hanggang kaya ko ay hindi ko


kayo pababayaan. Gusto ko rin hong pasalamatan ang lahat nang nagbigay ng suporta
sa akin lalong lalo na si Mr. Clark Montecastro ng Bluestar Books and Company.
Napakalaki ng ibinigay na tulong sa akin ng Bluestar. Kung wala po sila ay maaring
wala pa rin po hanggang ngayon ang foundation na ito kung kaya't naniniwala ako na
si Mr. Montecastro ay isang mabuting tao. Pareho po kami ng layunin. Katulad ko
gusto nya ring tumulong dahil ayaw nya rin ho nang may umiiyak...may
magdurusa...may malulungkot ...at may masasaktan"...

Napaubo siya sa narinig at napatingin sa kanya ang nakakalong na bata.


"Okay lang po ba kayo Miss Sandra?"

Tumango siya at sinenyasan ang bata na muling ibaling ang atensyon nito sa
nagsasalita.

"Gusto ko rin pong pasalamatan ang aking mga magulang na walang sawang sumusuporta
at naniniwala sa lahat ng aking mga desisyon. Salamat din po sa lahat ng mga
volunteers, sana hanggang sa huli ay kasama ko po kayo sa pagtupad ng layunin ng
aking foundation. At siyempre higit sa lahat ay gusto kong pasalamatan ang aking
mapagmahal na girlfriend na si Jessica Lopez, salamat sa mga tulong mo at sa
pagsisilbing inspirasyon ko. Maraming salamat po sainyong lahat."

Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos magsalita ni Jerome. Muling nagsalita si Mylene


at sinimulan nitong tawagin ang mga batang magsisipaglahok sa palatuntunan. May mga
sumayaw, tumula, kumanta, nag drama at nag-chorus.

Tuwang-tuwa siya lalo na nang itanghal ang grupo nina Missy na nagpalabas ng isang
maiksing dula. Walang tigil sa tawanan at palakpakan ang mga tao sa mga
nakakatuwang pagkakamali ng mga bata. At pagkatapos magperform ay kaagad na lumapit
si Missy sa kanya.

"Ang galing-galing mong bata ka! Siguro mag-aartista ka paglaki mo no?" puri niya
sa nakangiting bata.

"Salamat Miss Sandra, paano mo nalamang gusto kong maging artista?"

"Kasi magaling ka at bigay-todo ka pa talaga sa pag-iyak ha."


Matapos purihin ang bata ay muling kinandong niya ito at sabay nilang ibinaling ang
atensiyon sa panonood.

"Ngayon naman po mga kaibigan, para sa huling pagtatanghal ay bigyan po natin ng


palakpakan ang grupo ng mga magagaling na mang-aawit na mga batang kababaihan!".

Nagsilabasan ang mga batang babae na nakasuot lahat ng kulay puting bestida. Lahat
ng mga ito ay may dala-dalang pulang rosas. Isa-isa muna itong bumaba ng entablado
upang ibigay ang mga bulaklak sa mga panauhin at saka muling bumalik sa stage upang
simulan ang kanilang sabay-sabay na pagkanta. Unti-unti siyang kinabahan sa
tanawing nakikita. Mayroong bumabalik sa kanyang alaala.

Pinatugtog ang minus one....at nagsimulang magkantahan ang mga bata.

Somewhere over the rainbow, way up high

There's a land that I've heard of once in a lullaby.

Somewhere over the rainbow, skies are blue

And the dreams that you dare to dream,

Really do come true.

Nag-umpisang manginig ang kanyang katawan sa napapanood at naririnig. Naramdaman


niya ang unti-unting panlalamig ng kanyang mga kamay. Sumusikip ang kanyang dibdib
at nahihirapan syang huminga. Pasimpleng inalis niya sa kanyang mga hita si Missy
at pinilit niyang tumayo.

Someday I'll wish upon a star

And wake up where the clouds are far behind me.


Where troubles melt like lemon drops,

High above the chimney tops,

That's where you'll find me.

Alam niya na ang mangyayari sa sarili at kailangan nyang labanan ang nararamdaman!
Hindi maaring maiskandalo ang programa! Dahan-dahan syang humakbang. Kailangan
niyang makalabas ng lugar...Ngunit unti-unti nang may bumubulong sa kanyang mga
tenga. May naririnig na syang iba't ibang mga ingay. Nararamdaman niya na ang mga
namumuong pawis sa noo.

Somewhere over the rainbow, blue birds fly

Birds fly over the rainbow

Why then, oh why can't I?

Pinilit niyang mailakad ang naninigas na mga paa. Nakalabas siya sa hall ngunit
hindi pa man nakakalayo mula sa entrance ay hirap na hirap na syang huminga. Hindi
na nagawang manlaban pa ng kanyang mga paa hanggang sa maramdaman nya na lang na
bumabagsak na ang nanghihinang katawan niya.

If happy little bluebirds fly beyond the rainbow

Why, oh why can't I?

Pinilit niyang huwag ipikit ang mga mata. Naaninag niya ang isang umiiyak na batang
babae. Nakikita nya ang puting bestida. Umiikot sa paningin niya ang mga pulang
rosas. Lumalakas ang naririnig niyang iyakan at sigawan hanggang sa tuluyang maging
itim ang buong paligid.

"Miss Sandra! Miss Sandra! Gumising po kayo! Anong nangyayari sa inyo?!" sigaw ni
Missy habang malakas itong umiiyak. Napansin ng bata ag hindi normal na kilos ni
Sandra kung kaya't sinundan nito ang dalaga.

Pumalahaw pa lalo sa pag-iyak si Missy nang wala siyang marinig na anumang sagot
mula sa nakapikit na babae. Hindi ito tumigil paghagulhol hanggang sa makatawag ito
ng pansin ng ibang manonood mula sa loob ng hall.

"Anong nangyayari? Anong nangyayari?!"


"Si Miss Sandra! Si Miss Sandra!"

Napatayo si Clark at Jerome nang marinig ang pangalan ng dalaga. Agad na tumakbo
papalabas ang dalawang binata. Parehong nanlaki ang mga mata ng mga ito nang makita
ang namumutla, nakahandusay sa lupa at walang malay na dalaga. Agad na kumilos si
Clark at binuhat si Sandra.

"NASAAN ANG CLINIC! MAY DOKTOR BA SA CLINIC?! MAY DOKTOR BA DITO!?" natatarantang
sigaw ni Clark.

"Meron! Meron!" nagpapanik ding sagot ng mga volunteers sabay alalay ng mga ito kay
Clark patungong clinic.

Pansamantalang hindi makakilos si Jerome. Naguguluhan siya at hindi makapaniwala sa


nangyayari. Napalingon siya kay Jessica na noon ay nanginginig sa takot at hindi
makapagsalita sa isang tabi. Kaagad niya itong nilapitan. Halatang may inililihim
ito. Mukhang alam nito kung ano ang nangyayari sa kanyang kaibigan.

"ANONG NANGYAYARI KAY SANDRA! ANONG ALAM MO? JESSICA MAGSABI KA NG TOTOO ANONG
NANGYAYARI SA KAIBIGAN MO?!" nawawala sa sariling sigaw niya habang niyuyugyog sa
braso ang nanginginig na kasintahan.

"HINDI KO ALAM! HINDI KO ALAM! HINDI KO ALAM!" naghihisterya at humahagulhol na


sagot sa kanya ni Jessica.

Lumapit ang kanyang ina nang makita nito ang ginawa niya kay Jessica. "Jerome anong
ginagawa mo? Bakit mo sinisigawan si Jessica".

Hindi siya sumagot. Nalilitong napahawak siya sa kanyang noo. Parang sasabog ang
dibdib niya sa nerbiyos dahil sa nangyayari sa kapitbahay. Hindi niya alam ang
gagawin basta't ang alam niya lang ay walang ibang umuukupa sa isip niya sa mga
sandaling iyon kundi si Sandra.

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Wag mong sigawan ang girlfriend mo dahil mas higit
itong nag-aalala para sa kaibigan nya." wika ulit ng kanyang ina.

Tila wala siyang narinig at hindi niya muling pinansin ang ina. Pati pag-aalala sa
sariling girlfriend na noon ay humahaguhol din sa kaba ay hindi niya magawa. Sa
halip ay mabilis siyang tumakbo papuntang clinic upang usisain ang kalagayan ng
kanyang kapitbahay...

-----

Sa loob ng clinic, hawak-hawak ni Clark ang isang kamay ng nakahiga at walang malay
na si Sandra. Nahihirapan siyang tingnan ang kondisyon ng babae. May nakakabit
ditong dextrose at oxygen habang putlang-putla ang mukha. Paulit-ulit niyang
hinaplos ito sa buhok. Hindi siya mapakali sa sobrang pag-aalala para dito.

"Ano ba ang nangyari?" tanong sa kanya ng doktor matapos suriin ang pulso ni
Sandra.

"Hindi ko alam dok. Nakita na lang ho namin siyang walang malay."

"Wala bang ibang nakakita sa buong pangyayari?"

Naalala niya si Missy at agad niyang pinatawag ang bata. At nang dumating ang bata
ay mangiyak-ngiyak nitong ikinuwento ang mga nasaksihan.

"Masaya po sya nung una. Natuwa pa nga po siya dahil magaling daw akong artista.
Pero nang may lumabas na na maraming bata tapos kumanta nagsimula na po siyang
mamutla..." umpisang kuwento ni Missy.

"Takot na takot po ang mukha niya... Lumabas po siya, humawak po sya sa dibdib nya
at bigla na lang natumba..tinatawag ko sya pero hindi na po siya sumasagot..."
biglang pumalahaw ng iyak ang bata" Waaaah! Baka po nabigatan siya sa akin kasi ang
tagal-tagal kong nagpakandong sa kanya."
"Huwag mong sisihin ang sarili mo Missy, siguradong hindi ikaw ang dahilan kung
bakit nagkakaganito ang Tita Sandra." maamong alo ni Clark sa bata.

Marami pang ibinigay na katanungan ang doktor sa bata hanggang sa unti-unti na


itong nagkaroon ng ideya sa kalagayan ng dalaga.

"Mr. Montecastro, sa nakikita ko ay mayroong extreme psychological trauma ang


pasyente. At sa napanood nya kanina ay maaring may nakita syang kaugnayan sa
kanyang pangit na karanasan at ang kadalasang epekto sa kanya nito ay bumibilis ang
tibok ng kanyang puso hanggang sa mahirapan syang huminga..."

Nagulat si Jerome sa narinig na sa mga sandaling iyon ay lihim palang nakikinig sa


tabi ng pinto ng clinic. Hindi siya tumuloy sa loob dahil nahihirapan siyang
tingnan ang nakakaawang hitsura ni Sandra. Napakunot ang noo niya sa sinabi ng
doktor. Trauma? Ito rin ang binanggit dati ni Justin. Sinabi rin sa kaibigan nya ng
doktor na may trauma si Sandra. Ngunit tinanong nila noon si Jessica at sinabi
nitong walang ganoong karamdaman ang kanyang kaibigan. Ang sabi nito ay dahil ito
sa alak. Nagsisinungaling ba ang girlfriend niya?

Pinilit niyang alalahanin ang nangyari sa music lounge. Sa mga oras na yun ay
mukhang nahirapan din itong huminga hanggang sa mawalan ito ng malay. Saan nga ba
nagsimulang matulala ang kapitbahay? Nang kumanta si Jessica? Tama! Ang kanta ni
Jessica at ang kanta ng mga bata ay iisa! Muli siyang napaisip at biglang nanlaki
ang kanyang mga mata. Si Jessica, siguradong alam lahat ito ni Jessica! Anong ibig
sabihin nito? Ano ang ginagawa ng kanyang kasintahan? Mabilis niyang nilisan ang
clinic. Kailangan niyang makausap ang girlfriend!

Pagkalipas ng mahigit dalawang oras ay nagmulat ng mga mata niya si Sandra.


Nalilitong tinanggal niya ang nakakabit na oxygen sa mukha at napatingin kay Clark
na noon ay nakasubsob ang ulo sa higaan habang hawak-hawak ang kanyang kamay. Umupo
siya sa kama habang naguguluhan kung nasaan siya.
"A-Anong nangyari? Bakit andidito ako?" nagtatakang wika niya nang mapansing tila
nasa loob siya ng isang clinic.

Nagulat si Clarki nang marinig ang boses niya. Agad itong nagmulat ng mga mata at
nang makita siya ay bigla itong yumakap sa kanya ng mahigpit. Naguluhan siya sa
yakap ng kaibigan. At nang unti-unti niyang maalala ang mga nangyari ay biglang
nanlaki ang kanyang mga mata. Agad siyang kumawala sa mga yakap ni Clark.

"Nagulo ko ba ang program? Anong nangyari? Nasira ba ang selebrasyon ng dahil sa


akin?" natataranta at nag-aalalang tanong niya.

"Ba't ba yan kaagad ang iniisip mo? Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Paulit-ulit siyang tumango para siguraduhin sa lalaki na mabuti na ang kanyang


pakiramdamam, Pagkatapos ay bigla niyang naisip si Jessica.

"Si Jessica? Nasaan si Jessica? Kailangan kong makausap si Jessica..."

"Ano ka ba Sandra! Isipin mo muna ang sarili mo!" tila galit na wika sa kanya ni
Clark.

Hindi niya pinakinggan ang lalaki , sa halip ay kaagad niyang pinatanggal sa doktor
ang dextrose at nagmadaling bumangon.

"Huwag mo akong alalahanin Clark. Okay na ako. Kailangan kong makausap si Jessica."
"Okay anong okay! Kanina lang ay mukha kang mamatay. Tapos sasabihin mo ngayong
okay ka at wag akong mag-alala!"

Parang walang narinig na kausap si Sandra. Nagsuot ito ng sapatos at mabilis na


tumakbo papalabas ng clinic. Wala namang nagawa si Clark kundi ang mapasuntok na
lamang sa kama dahil sa katigasan ng ulo ng dalaga.

Patakbong hinanap ni Sandra ang kaibigan. Pumunta siya sa pinagdausan ng programa


ngunit wala na doon si Jessica. Habang binabaybay niya ang paligid ay nakita niya
si Missy. Tumakbo papalapit sa kanya ang bata at niyapos nito ang kanyang hita.

"Magaling ka na Miss Sandra?" nakangiting tanong nito.

"Oo, salamat sa pag-aalala. Missy, nakita mo ba si Tita Jessica yung girlfriend ni


Tito Jerome?"

"Opo, pumunta po sila doon." sabay turo nito sa isa sa mga gusali.

Nagmamadaling pinuntahan niya ang lugar. Kailangan niyang makausap ang kaibigan.
Nag-aalala siya dahil tiyak niyang sisisihin na naman nito ang sarili sa nangyari.
Inisa-isa niya ang bawat madaanang kuwarto hanggang sa may marinig syang nag-uusap.

"May dapat ka bang ipaliwanag, Jessica?"


Naulinigan niya ang boses ni Jerome kung kaya't nagtago muna siya sa tabi ng
pintuan.

"A-Anong ipapaliwanag ko?.... Bakit ka ba nagkakaganyan, Jerome?"

"Dahil nagsinungaling ka!"

"Anong pagsisinungaling ba ang sinasabi mo?"

"Sinabi mo dati walang sakit si Sandra. Sinabi mo dati wala siyang trauma. Pero
dalawang doktor na ang nagsasabing may trauma sya! At ang nangyari sa music lounge
ay kapareho sa nangyari sa kanya ngayon."

Nanlaki ang mga mata ni Jessica sa sinabi ng boyfriend... Ngunit hindi niya
pinahalata ang kabang nararamdaman. "Nagkakaganyan ka ba ng dahil kay Sandra?
Nagkakaganyan ka ba ng dahil sa kaibigan ko?!" nanunumbat na wika niya. Parang
pinipiga ang dibdib niya na makitang pinagtataasan siya ng boses ng lalaki ng dahil
kay Sandra.

"Nagkakaganito ako dahil sayo! Hindi ko kayang tanggapin na kaya mong saktan ang
kaibigan mo! Hindi ka ganito, hindi mo magagawang manakit ng ibang tao. Hindi ka
ganitong tao Jessica!"

"Anong pananakit ang ibig mong sabihin?"

Naniningkit ang mga matang tiningnan siya ni Jerome. "Imposibleng hindi mo alam
kung ano ang kinatatakutan ni Sandra. Sa music lounge, kagagawan mo yun diba? Ang
nangyari kanina... ikaw ang gumawa ng program di ba? Bakit mo ito ginagawa Jessica?
Ano ang mabigat na dahilan para saktan mo ng ganito ang matalik mong kaibigan?"

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Jerome. Hindi siya


makasagot. Nagsimulang manginig ng kanyang mga kamay dahil sa tanong nito.
Nagdadalawang-isip siyang sagutin ito ng katotohanan. Natatakot siya sa galit ng
kasintahan. Natatakot siyang dahil sa bagay na ito ay unti-unti siyang kamuhian ni
Jerome.

"MAGPALIWANAG KA! MAKIKINIG AKO! IPALIWANAG MO ANG LAHAT NG ITO!"

Nagulat siya sa sigaw ng lalaki at dahil dito ay nawala na rin siya sa sarili. "OO
KAGAGAWAN KO ANG LAHAT NG ITO!.... At alam ni Sandra yun! Alam nyang kagagawan ko
ang lahat!" dahan-dahang nanginig ang kanyang boses."...Ngunit alam nya rin kung
bakit..... alam niyang ito lang ang paraan ko para manatili siya sa tabi ko! Alam
niyang ginagawa ko to dahil natatakot akong iwan nya ulit ..." naramdaman niya na
ang tumutulong luha sa kanyang mga pisngi.

"...Hindi mo kilala ang kaibigan ko... Wala siyang pakialam sa mga taong nagmamahal
sa kanya... Basta ka na lang nya iiwan kung kelan nya gusto...basta na lang sya
susulpot kung kelan nya maisipan. Ako, ilang beses nya na akong iniwan...at ilang
beses akong umasa at haghintay na magpakita siya ulit hanggang sa nasanay na akong
maghintay sa wala.

"....Pero pag natatakot siya dun nya ako hinahanap...pag takot siya ako lang ang
nilalapitan nya...pag takot siya ako lang ang nakakapagpalimot sa lahat ng mga
bangungot niya!"

Hindi makapaniwala si Jerome sa naririnig mula sa kasintahan. Ang tingin niya dito
ay tila ibang tao. "Hindi dahilan yun Jessica para pahirapan mo ng ganito ang
kaibigan mo!"

"Mahal ko ang kaibigan ko! Kung nahihirapan sya ay nahihirapan din ako! Pero sa
pagkakataong ito, gusto kong manatili na sya sa tabi ko! Ang mapuntahan siya, ang
makita siya, ang makausap siya kung kelan ko gusto..."
"Jessica hindi mo pwedeng panghawakan ang buhay ni Sandra! Hayaan mo siyang mamuhay
kung ano ang gusto niya! Hindi pwedeng napapasunod mo siya ng dahil lamang sa takot
niya!"

"Hindi ko sya maaring pabayaang mamuhay mag-isa dahil kung ikaw ang kaibigan niya
ay mababaliw ka sa kaiisip at pag-aalala... kung buhay pa ba sya...kung sinasaktan
ba nya ang sarili nya...kung gabi-gabi ba ay binabangungot siya..."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala kang alam sa pinagdaanan ng kaibigan ko... Husgahan mo ako kung gusto mo
tatanggapin ko, pero di baleng masaktan ko si Sandra kung ang kapalit nito ay
makakasama at mababantayan ko sya ng matagal..."

"...Kaya please Jerome, wag nating pag-awayan si Sandra... alam ko kung ano ang
makakabuti para sa kaibigan ko...I'm sorry! Patawarin mo ako kung nakagawa ako ng
pagkakamali pero mayroon akong mabuting rason..."

Yumakap si Jessica sa katawan ng binata habang umiiyak.

"I'm sorry...I'm sorry for disappointing you..."

Hindi alam ni Jerome kung tatanggapin ang paghingi ng tawad ng girlfriend. Hindi
ito dapat sa kanya humihingi ng tawad kundi kay Sandra. Nadudurog ang puso nya sa
tuwing naiisip ang kaawa-awang hitsura ng kapitbahay. Mistula siyang mababaliw
kapag naiisip nya ang sakit na pinagdadaanan nito sa mga sandaling nahihirapan
itong huminga. Parang sinasaksak ang dibdib nya sa tuwing naalala nya ang duguang
kamay ng dalaga sa music lounge... Walang siyang ibang naiisip kundi ang
ipagtanggol si Sandra sa mga nananakit dito at ilayo ito sa anumang ikinakatakot
nito. Kahit nakayakap sa kanya ang nagmamakaawang kasintahan ay walang ibang
isinisigaw ang dibdib niya kundi ang protektahan si Sandra sa anumang uri ng
pananakit at pagdurusa!

Tulala, nakaupo at tumutulo naman ang luha ni Sandra habang nakikinig sa nag-uusap.
Tumayo siya at naglakad papalayo sa magkasintahan.

Dapat na ba siyang maawa sa sarili?


Dapat na ba syang magalit?

Hanggang kailan gagamitin ng kaibigan ang kanyang nakaraan para subukang kontrolin
ang pagkatao niya?

Nagpahid siya ng kanyang mga luha... Hindi nya pa rin magawang magalit...
Tatanggapin niya ang lahat ng sakit na minsan ay naibigay nya rin sa kaibigan... Si
Jessica ang pinakamahalagang tao sa kanya.... Nakakayanan niya man itong iwan
ngunit kailanman ay hindi nya ito kayang kamuhian...

*******************************************
[17] KATOK NG PAG-IBIG
*******************************************

*****

Binubuksan ni Jerome ang pinto ng kanyang apartment. Kagagaling nya lang sa dinner
kasama ang mga magulang at si Jessica. Nagbukas ang pintuan ng kapitbahay at
lumabas dito si Sandra. Nagmamadali itong lumapit sa kanya at hinila nito ang isa
niyang kamay.

"Mag-usap tayo." tila galit na tono nito.

Hinila siya ng babae papuntang elevator at dinala sa rooftop.

"Huwag mo nang uulitin ang ginawa mo sa kaibigan ko." bungad sa kanya ng kapitbahay
pagdating sa rooftop nang may seryosong mukha habang nakatingin sa malayo.
"Anong ibig mong sabihin? Bakit may nagawa ba akong hindi maganda kay Jessica?"

"Huwag mong sasaktan ang damdamin ni Jessica nang dahil lang sa akin."

Agad namang nakuha ni Jerome ang tinutukoy ng kausap. Natawa ito sa sinabi ng
babae. "Girlfriend ko si Jessica kaya may karapatan akong pagsabihan siya kung may
pagkakamali siyang ginawa."

Tumingin si Sandra sa lalaki. "Pagsabihan mo sya sa kahit anumang bagay wag lang
tungkol sa akin!" malakas na wika nito.

Napangisi si Jerome. "Ibig mo bang sabihin na off-limit ako pagdating sa problema


niyong dalawa?"

"Oo! Dahil wala kang alam sa mga pinagdaanan namin!"

"Ah... oo nga pala lagi nyong binabanggit sa akin yang tungkol sa pinagdaanan nyo.
Bakit di nyo subukang ipaliwanag baka sakaling maintindihan ko...Sinasabi mo bang
hayaan kong maging masamang tao ang girlfriend ko dahil sa pinagdaanan nyo?"
sarkastikong sambit ng lalaki.

"Walang ginawang masama si Jessica... Naiintindihan ko ang dahilan nya kung bakit
nya ako nasaktan. Kaya't wag mo syang sasaktan dahil naiintindihan ko sya!
Nakikiusap ako wag mong sirain ang pagtingin mo sa kaibigan ko nang dahil lamang
dito."

Hindi na napigilan ni Jerome ang sarili. Hinawakan niya ng mahigpit sa braso ang
kausap. Iniharap niya ito sa kanya at pinandilatan ng mga mata.

"Anong ginagawa mo Sandra? Nakikita mo ba ang ginagawa mo sa sarili mo?"


"A-anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ng dalaga habang nakatingin sa
galit na mukha ng kausap.

"Paano mo nagagawang tanggapin ang lahat ng ito? Hindi ka man lang ba naawa sa
sarili mo? Ni katiting ba ay wala kang nararamdamang pagmamahal para sa sarili mo?"

"Huwag mong ipasok ang sarili ko sa pinag-uusapan natin Jerome."

"Kung ganito ang ginagawa mo, pwes wala kang karapatang magreklamo kung nalulungkot
ka o nagdurusa ka! Wala kang karapatang umiyak! Dahil ikaw mismo ang pumapayag na
mangyari ito sa sarili mo!"

Nasaktan si Sandra sa mga binitawang salita ng lalaki. Gusto nya itong murahin.
Gusto nya itong sampalin...ngunit kailangan niyang pigilan ang sarili. Hindi ito
ang dahilan kung bakit siya nakikipag-usap dito. Marahang tinanggal niya ang
pagkakahawak nito sa kanyang braso.

"Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin. Isipin mo na kahit anong gusto mong
isipin basta't wag mo na lang uling sasaktan si Jessica dahil sa akin. Hayaan mong
kaming dalawa na lamang ang umayos sa anumang di namin pagkakaunawaan." biglang
mahinahong wika niya.

"Boyfriend ako ng kaibigan mo kaya't may karapatan din akong itama ang mga maling
ginagawa nya... Ngayon, kung wala ka nang sasabihin ay babalik na ako ng
apartment."

Tumalikod si Jerome at naglakad palabas ng rooftop ngunit hinabol ito ni Sandra.


Niyapos ng dalaga mula sa likuran ang lalaki at nagmakaawang umiyak.

"Pakinggan mo ako Jerome. Parang awa mo na! Pagbigyan mo ang pakiusap ko sayo.."
Natigilan si Jerome habang hindi makapaniwala sa ginagawa ni Sandra. Humarap siya
sa dalaga at laking gulat niya nang makita itong umiiyak. Tinanggal niya ito sa
pagkakayapos sa kanya at hinawakan ito sa magkabilang braso.

"Anong nangyayari sayo Sandra? Bakit kailangan mong gawin lahat ng ito?"

Patuloy pa rin sa pag-iyak ang dalaga.

"Dahil napakalaki ng utang ko sa kanya...minsan ko na syang nabigyan ng napakalalim


na sakit...minsan ko nang nasira ang dati nyang pag-ibig."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nakikiusap ako Jerome! Huwag nyong sirain ang relasyon nyo nang dahil sa akin. Wag
nyong dagdagan ang paghihirap ko. Tama na ang minsan ay nasaktan ko ang kaibigan
ko...minsan na siyang iniwan ng mahal nya dahil sa akin...ayoko nang maulit pa
iyon. Tanggalin mo kahit ang awang nararamdaman mo para sa akin...nakikiusap ako."

"Sandra ano bang pinagsasabi mo. Huminahon ka! Walang masisirang relasyon. Hindi ko
sasaktan ang kaibigan mo! Nakakalimutan mo na bang nangako ako sayo!"

Nahimasmasan si Sandra sa narinig. Unti-unting itong huminahon habang nakatitig sa


mga mata ng kaharap. Gusto niyang makita kung nagsasabi ng totoo ang mga mata ng
lalaki.
"Totoo ba ang sinasabi mo?"

Napalunok muna si Jerome. "W-Wala akong pangakong binabali, Sandra." sabay akay
niya sa babae patungo sa mahabang upuan.

Magkatabing naupo ang dalawa. Ilang minuto ang mga itong hindi nag-usap. Parehong
nag-iisip ng malalim.

Nalito si Jerome sa lahat ng mga narinig niya mula kay Sandra. Hindi niya alam kung
kaya niyang tanggapin at sundin lahat ng mga pakiusap nito. Ngunit ayaw niyang
dagdagan ang nararamdamang paghihirap ng babae. Hindi niya kayang maging dahilan
din siya ng pagdurusa nito. Gustuhin man nya itong ipagtanggol, ngunit papaano nya
ito magagawa? Papaano niya ito poprotektahan kung ang gagawin niya ay siya rin
mismong makakasakit sa dalaga?

Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay seryosong nagsalita ang dalaga.

"Tama si Jessica, Jerome... Ako ang taong basta na lang umaalis at nagpapakita.
Mayroong dahilan kung bakit naririto ako sa New York... pero alam nya ring darating
ang araw na mawawala ako dito. Ako ang taong nabubuhay sa iba't ibang mundo... May
dahilan kung bakit ako nananatili sa isang lugar ngunit may dahilan din kung bakit
ako umaalis...Sa ngayon, sa palagay ko ay dumating na ang araw na kailangan ko nang
iwan ang lugar na ito..." huminga ng malalim si Sandra bago ituloy ang sasabihin.

"...At sa mga panahong wala na ako at ikaw na lang ang nasa tabi ng kaibigan
ko.... Jerome, ikaw ang mundo ngayon ni Jessica kung kaya't muli akong makikiusap
na wag mo siyang pababayaan, alagaan mo si Jessica at panatilihin mo siyang maging
masaya kasama ka..."
"...ito ang dahilan kung bakit gusto kitang makausap...Salamat."

Tumayo si Sandra at malungkot na naglakad papalayo habang pilit pinipigilan ang


muling maiyak.

Hindi nagawang sundan ni Jerome ang babae dahil sa pagkabigla sa mga binitawang
salita nito. Nabibingi siya sa kanyang mga narinig. Dapat ba niyang sampalin ang
sarili upang maniwala sa mga sinabi ng dalaga?

Matamlay na isinarado ni Sandra ang kanyang pintuan. Naupo siya sa sopa at sinapo
ang kanyang mukha. Hindi pa sana panahon para umalis siya ngunit marami na ang
maaring masamang mangyari nang dahil sa kanya... higit sa lahat ay nadadamay pati
ang kaibigan niya.

Pumasok siya sa kuwarto at lumapit sa mesa ng kanyang pinagsusulatan. Kumuha siya


ng isa sa mga pahina ng isinusulat at tahimik itong binasa. Huminga sya ng malalim.
Meron na naman siyang isang kuwentong hindi matatapos.

Ding Dong. Ding dong.

Inilapag niya ang hawak na papel at walang ganang naglakad papuntang pintuan.
Binuksan nya ang pinto at laking gulat niya nang itulak ito ng malakas ni Jerome at
walang pasintabing nagdire-diretso itong pumasok sa loob ng bahay.

Isinara ng lalaki ang pinto nang may namumulang mukha.

"HUWAG KANG UMALIS! SUSUNDIN KO LAHAT NG PAKIUSAP MO! GAGAWIN KO LAHAT NG GUSTO MO
HUWAG KA LANG UMALIS!"

Itinulak ni Jerome si Sandra at isinandal ito sa pinto. Mabilis nyang siniil ng


halik ang dalaga bago pa man ito makapagsalita at makapalag. Nag-aapoy ang kanyang
damdamin. Para syang mababaliw kapag naiisip niyang hindi na ito makikita. Hindi
nya matanggap na bigla-bigla na lamang itong aalis.

Nagulat si Sandra sa halik ni Jerome. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang sa
isang iglap lamang ay biglang may lumapat na mga labi sa mga labi niya. Hindi siya
nakakilos sa pagkabigla subalit biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso habang
nararamdaman ang malikot na labi ng lalaki. Papabilis ng papabilis ang kabog sa
kanyang dibdib hanggang sa tila gusto na nitong sumabog. Nagsimulang manlambot ang
kanyang mga tuhod...ngunit unti-unti siyang natauhan.

Pinilit niyang idilat ang mga mata. Galit na pinagsusuntok niya sa likod ang tila
wala sa sariling binata. Nanlaban sya ngunit hindi nito iniinda ang bawat pananakit
niya sa halip ay hinawakan nito ang makabilaang pulso niya, itinaas at isinandal ng
mahigpit sa pintuan habang patuloy pa rin sa paghalik. Nang hindi niya na maigalaw
ang mga kamay, paulit-ulit niya na lamang na ipinaling ang ulo subalit sinusundan
pa rin ni Jerome ang mga labi niya. Hindi ito tumigil sa paghalik hanggang sa
naramdaman nyang unti-unti na syang gumaganti sa halik ng kapitbahay.

Nakapikit na ginantihan niya ang bawat galaw ng mga labi ni Jerome. Para siyang
lumulutang, hindi niya maintindihan kung bakit ang sapilitang paghalik nito ay may
hatid na tamis. Pakiramdam niya ay huminto ang lahat ng orasan. Tinanggal ni Jerome
ang mahigpit na pagkakahawak sa kanyang mga kamay at sabay na napayakap siya sa
kanina lamang ay sinusuntok niyang katawan nito. Nag-iinit ang kanyang mukha. Ang
pwersadong halik ng lalaki ay unti-unting naging marahan at banayad. Mas lalo itong
tumamis, dahilan para tila mangapoy ang kanyang pisngi. Hindi siya tumitigil sa
pagganti sa halik ng binata. Ayaw gumana ng kanyang isip. Kinabig ni Jerome ang
kanyang beywang hanggang sa magdikit ang kanilang mga katawan. Inilagay nito ang
kanang kamay sa likod ng kanyang leeg habang ang isa ay ipinulupot sa kanyang
beywang. Walang sinuman sa kanila ang tila gustong tumapos sa matamis na sandaling
iyon.

Umaapaw ang ingay sa dibdib ni Jerome. Gustuhin niya mang tumigil ngunit tila ang
mga labi niya ang nasusunod. Ayaw nitong humiwalay sa matatamis na mga labi ni
Sandra. Kinakain na ang kanyang isipan ng gumagapang na init sa kanyang katawan.
Mali pero ayaw niyang huminto. Binuhat niya si Sandra at ipinulupot ang
magkabilaang binti nito sa kanyang katawan. Isinandal niya ito sa pinto habang
gumagapang ang kanyang mga labi patungo sa tenga nito, pababa sa leeg.

Nais tumutol ni Sandra nang magsimulang maglakbay ang mga labi ni Jerome ngunit
tila wala siyang lakas para pigilan ito. Nanatiling nakapikit lamang kanyang mga
mata at mas lalong nag-init ang kanyang mga pisngi habang nararamdaman ang mga
basang labing naglalakbay sa kanyang leeg. Hanggang sa ilang saglit pa ay kumikilos
na ang isang kamay ng lalaki, nasa loob na ito ng kanyang pantaas. Nag-umpisa ang
marahang himas nito mula sa kanyang tagiliran, patungo sa kanyang tiyan hanggang sa
dahan-dahan itong gumagapang papaakyat sa kanyang dibdib.

Napadilat siya ng mga mata. Mabilis na tinanggal niya ang mga kamay ni Jerome.
Nanlalaki ang matang tiningnan niya ang mukha ng lalaki. Dali-dali siyang bumaba
mula sa pagkakabuhat nito sa kanya. Para siyang binuhusan ng isang baldeng yelo.
Ano ang nangyayari? Ano ang kanilang ginagawa?

Natigilan si Jerome. Bigla din itong natauhan sa malakas na pagkakapigil sa kanyang


kamay ni Sandra. Napapalunok na tiningnan din nito ang mukha ng dalaga. Matagal na
nagkatitigan ang dalawa. Parehong may mga matang naguguluhan at natatakot na tila
ba bawat isa ay hindi makapaniwala sa kanilang nagawa.

"A-anong ginagawa mo Jerome? A-anong nangyayari?"

Hindi makuhang sumagot ng binata. Nanatiling nakatitig lamang ito sa litung-litong


mukha ni Sandra.

"Su-susundin ko lahat ng gusto mo. Hu-huwag ka lang umalis. Hu-huwag kang umalis."
sabay labas nito sa bahay ng babae nang hindi man lang nagpaliwanag sa kanyang
ginawa.

Naiwan ang nakatulala at nakangangang si Sandra.

Anong nangyayari sa kanya? Bakit niya hinayaang gawin sa kanya yun ni Jerome?
Napahawak siya sa kanyang dibdib. Napakabilis ng tibok ng kanyang puso, ang lakas
ng kabog nito ay para bang may isang bagay na gustong kumawala dito. Ano tong
nararamdaman niya? Walang sinumang lalaki ang nakagawa nito sa kanya...ni isa ay
wala pang nakahalik sa kanya ng ganito...at ni minsan ay hindi niya inisip na
mangyayari ito sa kanya. At bakit nagawa nya ring halikan si Jerome?...Ang ibig
bang sabihin ng lahat ng ito ay.... may...may... nararamdaman siya para sa
kapitbahay?
-------

Kinabukasan ay bahagyang inaantok pa si Sandra nang lumabas ng bahay. Hindi sya


gaanong nakatulog sa kakaisip sa nangyari sa kanila ni Jerome kaya mas minabuti
niyang pumasok ng mas maaga sa trabaho. Nagunat-unat siya ng mga braso habang
naglalakad sa hallway. At bigla syang napahinto nang makita ang likod ng kapitbahay
na noon ay nag-aabang din ng elevator. Nakalimutan niyang ganitong oras nga pala
ito umaalis para magtraining.

Nataranta siya at dali-daling nagtago sa dingding...ngunit agad siyang huminto at


napaisip. Teka, ba't nga ba siya nagtatago? Bakit sya mahihiya samantalang ang
kapitbahay ang unang humalik? Ito ang basta-basta na lang pumasok sa bahay nya...
Inayos nya ang sarili at tahimik na itinuloy ang paglalakad.

"H-Hi..." nahihiyang bati niya nang hindi tumitingin sa mukha ng lalaki.

" Papasok ka na ba?" bati ni Jerome.

Tumango siya. Pakiramdam nya ay namumula ang kanyang mukha kaya't napayuko sya.

Bumukas ang elevator at wala itong ibang sakay. Naunang pumasok si Sandra. Lumayo
siya ng pwesto sa kapitbahay. Muli siyang yumuko upang iiwas ang mga mata sa
kasabay at hindi sinasadyang napatingin siya sa kanyang dibdib. Nanlaki ang kanyang
mga mata. Naalala niya bigla ang nangyari. Napatingin siya kay Jerome na noon ay
diretsong nakatingin lamang sa pinto ngunit tila napapangiti. Napatingin ulit siya
sa kanyang dibdib at agad nyang isinara ang suot niyang jacket, napapaso ang mukha
nya sa hiya.

Huminto ang elevator at nagbukas ang pinto. Sumakay ang isang bata, maganda at
seksing babae. Nagliwanag bigla ang mukha nito nang makilala si Jerome.
"Hi! Jerome Hernandez!" bati ng babae nang may abot tengang mga ngiti.

"Hi!" sagot ng sikat na basketball player at sinuklian din ng ngiti ang babae.

Tumayo ang babae malapit sa basketbolista. Napansin ni Sandra na walang tigil sa


pagpapacute ang bagong sakay at pilit nitong kinakausap ang lalaki. Panaka-naka
naman itong sinasagot ng kapitbahay. Nakadama siya ng pagkainis sa malanding babae
kaya't agad siyang lumipat ng pwesto. Tumayo siya sa gitna ng babae at ni Jerome.
Inirapan siya ng babae ngunit ginantihan niya rin ito ng matatalim na mga titig.

Lihim na natatawa si Jerome sa nakitang reaksyon ni Sandra. Pasimple niyang inabot


ang dulo ng jacket nito at hinila ito papalapit sa kanya. Nagulat ang dalaga at
bigla itong napadikit sa kanya ng ubod ng lapit. Lalayo sana ang nahihiyang dalaga
ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya sa jacket kung kaya't hindi na ito nakapalag
pa.

Samantala ang kaninang malanding reaksyon ng seksing babae ay napalitan ng


pagtataka. Bigla itong naguluhan sa nakikitang hitsura ng dalawang kasakay na dikit
na dikit sa bawat isa ngunit hindi naman nag-uusap habang nakatingin sa magkaibang
direksiyon ang mga mata...

-------

Pagdating sa trabaho ay hindi pa rin mawala sa isip ni Sandra ang nangyari. Maya't
maya nya pa ring binabatukan ang sarili.
"Ano bang nangyayari sayo. Kanina ka pa sa kababatok sa ulo mo baka mamaya mabasag
na yang bungo mo!" wika ni Vicky.

"Wala may naisip lang akong pagkakamali."

"Ikaw talagang bata ka lagi ka na lang may kapalpakan. Ano na naman ang nagawa mo?
Buti hindi ka nasaktan?"

Nilapitan ni Vicky ang kasama at pinaikot ito sa harap nya.

"Patingin nga baka may pilay o kaya pasa ka na naman ngayon!"

Natigil ang pag-uusap ng dalawa nang may dumating na costumer. Agad na lumapit sa
counter si Sandra.

"Good afternoon sir! Ano pong order niyo?" nakangiting bati niya.

"Miss dalawang large chocolate chip frappucino for take-out."

"Okay po sir, maupo po muna kayo habang naghihintay"

Nagbayad ang kustomer sa kaha at naupo. Pagkabayad ay sinimulang gawin ni Sandra


ang order. Nanlaki bigla ang mga mata ni Vicky nang makitang gumagawa ng strawberry
milkshake ang kasama. Mabilis nitong tiningnan ang resibo.
"Ano yang ginagawa mo?" tanong ni Vicky.

"Order ng kustomer, bakit?" kaswal na sagot ni Sandra.

Pinakita ni Vicky ang nakasulat sa resibo at biglang nataranta ang dalaga sa


pagkakamali nya.

"Ano bang nangyayari sayong bata ka? Kanina ka pa pamali-mali!"

"P-Pasensya na sinumpong kasi ako ng insomnia ko kagabi kaya wala akong masyadong
tulog."

"Ako na nga ang gagawa. Ikaw na lang ang magligpit ng mesa."

Niligpit ni Sandra ang dalawang mesang ginamit ng kaaalis lang na mga kustomer.
Nang pinupunasan nya na ang table, natanaw niyang pumarada sa kanilang harapan ang
sasakyan ng kapitbahay. Nanlaki ang mga mata niya at bigla siyang nataranta. Kaagad
na tumigil siya sa ginagawa at nagmamadaling lumapit sa kasama.

"Pag may naghanap sa akin. Sabihin mo wala ako, sabihin mo may binili lang sa
labas....hindi, hindi, sabihin mo nagpunta ng mall,...mali,mali, sabihin mo nasa
palengke may binibiling stocks!"
Mabilis na pumasok at nagtago sa loob ng kusina si Sandra habang naiwang hindi
makapagsalita at naguguluhan naman si Vicky.

Bumaba si Jerome ng sasakyan. Nagsimulang magsilapit ang mga tao nang makilala ang
sikat na player. Pumasok sa shop ang binata, lumapit sa counter at inilibot ang mga
mata na halatang may gustong makita.

Hindi na gaanong nasorpresa si Vicky sa pagdating ng basketbolista. Unti-unti na


syang nasasanay na makita ang mukha nito. Nang malamang dumating ito, saka lamang
niya naintindihan kung bakit biglang naging kakaiba ang kilos ni Sandra. Lalong
lumakas ang kutob niya na may kaugnayan nga ang kanyang katrabaho sa sikat na
manlalaro.

"Ate, isa nga hong berry milkshake, take-out." kaswal na wika ni Jerome habang
patuloy na gumagala ang mga mata sa paligid.

"Nagpunta daw siya ng palengke." hindi makatiis na sambit ni Vicky.

"Ano ho?"

"Nagpunta daw sya ng palengke...si Sandra."

Biglang natawa ang binata sa narinig. Tahimik itong naupo sa isang mesa at
naghintay ng order habang maya't mayang nilalapitan ng mga nagpapa-autograph.

Napatapik naman sa noo nya si Sandra nang marinig ang sinabi ni Vicky. Nanatili
siyang nakatayo sa likod ng nakaawang na pinto ng kusina. Hindi siya lumalabas
hangga't may naririnig pa siyang ingay ng mga tagahanga ng binata. Pinapakiramdaman
niya kung naroroon pa rin ba ang lalaki.

Lumipas ang mga tatlumpong minuto ay tumahimik na ang shop. Pumasok ng kusina si
Vicky at hinila nito papalabas ang nagtatagong kasamahan.

"Wala na nakaalis na.... Umamin ka ngang bata ka! May kaugnayan ka ba kay Jerome
Hernandez?"

Umiling si Sandra ngunit hindi sya makatingin ng diretso sa mukha ng kausap.

"Hindi ako naniniwala! Ano ba talaga ang totoong nangyayari? Bakit madalas yatang
pumupunta dito ang sikat na lalaking yun at hinahanap ka?..... Sa mga kinikilos nyo
ay parang...parang may lihim kayong relasyon." sabay tingin uli ni Vicky sa kay
Sandra mula ulo hanggang paa. "Pero impossibleng mangyari yun.... hindi ganun ang
pagkatao ni Jerome Hernandez.... Hmmm...teka nga bakit parang ikaw yata ang may
gusto sa lalaking yun?"

Umiling ulit si Sandra ngunit nakaramdam siya ng pamumula ng mukha.

"Eh bakit para kang natatarantang mahiyaing teenager na nagtatago pag nakikita ang
crush nya?"

Hindi sumagot ang dalaga. Kahit sya ay hindi nya rin maipaliwanag ang kinikilos
nya.

"Siguraduhin mo lang na wala kang gusto sa lalaking yun. Dahil kung meron ay
masasaktan ka lang! Masyado namang mataas ang standard mo sa mga lalaki. Si Clark
Montecastro...si Jerome Hernandez...bakit di mo subukang magkagusto sa ordinaryong
lalaki. Hindi ka pa nagkaka-boyfriend di ba.? Pwes, simulan mo naman sa level one
ang pagpili hindi yung nagmamadali kang lumevel-up...Jerome Hernandez kaagad!"

"...Masasayang lang ang oras na igugugol mo sa pagkakagusto mo dyan sa NBA player


na yan! Hello! Sa palagay mo ipagpapalit ng lalaking yun ang sikat at napakaganda
nyang girlfriend? Kaya't kahit hindi mo aminin alam kung may nararamdaman ka sa
taong yun! Kahit pa dinadalaw-dalaw ka nya dito dahil sa kung anumang dahilan ay
wag kang umasa! Girlfriend nya ang isang Jessica Lopez...mahirap maging karibal
yun."

Biglang natauhan si Sandra nang marinig ang pangalan ni Jessica. Nagtataka din sya
sa biglang pagbabago ng kanyang mga ikinikilos. Nagkakaganito ba sya....dahil sa
boyfriend... ng kaibigan nya? Natawa siya sa sarili. Kung totoo man ang sinasabi
ni Vicky, siguro nga ay nasisiraan sya ng ulo!..

*******************************************
[18] KUNIN MO MAN ANG LAHAT
*******************************************
****

"Bitawan nyo ako kailangan kong makausap si Jessica!"

Nakikipagtalo si Sandra kay Mylene at sa iba pa nitong mga kasamahan sa opisina.


Pinipigilan siya ng mga tauhan ng kanyang kaibigan na pumasok sa opisina nito.
"Hindi ka pwedeng basta-basta na lang pumasok Miss! Hindi tumatanggap ng kung sinu-
sino lang na bisita si Miss Jessica! Kailangan may appointment ka kung gusto mo
syang makausap!" wika ng napipikonng si Mylene sa kakulitan ng di nakikilalang
babae.

Bagamat ilang beses nang nagkatagpo sina Sandra at Mylene, hindi pa rin namumukhaan
ng sekretarya ang dalaga. Nagkita na ng malapitan ang dalawa sa party na inihanda
ng Bluestar para kay Jessica ngunit malayong-malayo ang hitsura ni Sandra sa gabing
yun kumpara sa kasalukuyang ayos nito na nakasuot lamang ng pangkaraniwang damit at
walang bahid ng kahit konting make-up.

"Sinabi nang papasukin nyo ako! Jessica kausapin mo ako!" sigaw ni Sandra habang
pilit hinahawi ang mga kamay ng mga taong pumipigil sa kanya.

"Papasukin nyo sya!"

Napatingin lahat ng mga nagkakagulong tao sa nakatayong si Jessica. Nakadungaw ito


mula sa kanyang personal office. Seryoso ang mukha at nakahalukipkip. Nagulat bigla
si Mylene sa sigaw ng amo at sa pagkakatitig nito sa babae ay mukhang magkakilala
nga ang dalawa kung kaya't kaagad na inalis niya ang kanyang mga kamay sa
pagkakahawak dito.

Tiningnan ni Sandra ng matapang si Jessica dahil hinayaan pa nitong magkagulo bago


sya papasukin. Mabilis na nagtungo si Sandra sa mesa ng kaibigan habang naiwang
nagtataka ang mga empleyado sa di kilalang babaeng basta na lamang dumating ng wala
man lang pasabi.

"Kaya ba pinatagal mo pa ang panghaharang sa akin ng mga tauhan mo dahil natatakot


ka na baka maningil ako sa ginawa mo?" bungad na wika ni Sandra nang nakangisi at
sabay upo sa tapat ng mesa ni Jessica.
Hindi sumagot si Jessica sa sumbat ng kaibigan. Mahinahon itong bumalik sa kanyang
mesa at hinarap ang di inaasahang bisita.

"Kung hindi yan ang dahilan. Bakit naririto ka?"

"Dahil ilang araw mo na akong iniiwasan! Hindi mo sinasagot lahat ng mga text at
tawag ko!" huminga ng malalim si Sandra at nagseryoso ng mukha. "Wala kang dapat
ipag-alala, Jessica... naiintindihan ko ang ginawa mo. Sa ilang ulit na bang ginawa
mo ito sa akin, may pagkakataon ba na nagdamdam ako sayo?"

Muling tumahimik si Jessica at iniwas ang mga mata sa kausap.

"Huwag tayong magtalo dito, Sandra."

Tumayo si Sandra at tumalikod sa kaibigan. Tumingin siya sa mga nakasabit na


dekorasyon sa dingding at muling humugot ng isang malalim na buntong hininga.

"Hindi ako pumunta dito para makipagtalo. At hindi rin lang dahil sa pag-iwas mo,
meron akong gustong malaman mula sayo Jessica..."

"Sandra, pwede bang sa ibang araw na lang tayo mag-usap, darating si Jerome.
Ayokong maabutan nya tayo sa ganitong sitwasyon."

Hindi pinakinggan ni Sandra ang pakiusap ng kaibigan.

"Gusto kong malaman Jessica kung ano ngayon ang mas mahalaga para sayo....ang
magandang pangalan mo o si Jerome?"

Natigilan si Jessica sa narinig.


"Anong ibig mong sabihin? Bakit nagtatanong ka ng ganyan Sandra?

"Ang kasikatan at pangalan mo o si Jerome? Ang tagumpay mo o si Jerome? Jessica


isasakripisyo mo ba ang kung anong meron ka sa ngayon kapalit ng masayang pagsasama
kasama ang lalaking mahal mo? Gusto kong malaman ang sagot mo."

Nakaramdam ng takot si Jessica sa mga narinig.

"Sandra hindi kita maintindihan. Pinapapili mo ba ako?"

Humarap si Sandra sa kaibigan at luma upang titigan ito sa mga mata.

"Oo pinapapili kita."

Biglang nanlaki ang mga mata ni Jessica.

"Bakit ginagawa mo ito sa akin ngayon?"

"Gusto kong marinig ang sagot mo, Jessica."

"Bakit kailangan kong mamili? Wala akong pipiliin! Ayokong may mawala kahit isa sa
mga sinabi mo Sandra! Wag mong gawin sa akin ito!"

"Kailangan kong marinig ang sagot mo."

"Nangako ka sa akin Sandra. Sabi mo wala kang babawiin! SABI MO WALA KANG KUKUNIN!
NANGAKO KA!"

Malakas na pinalo ni Sandra ang mesa upang matauhan ang nagsisimulang maghisteryang
kausap.

"MAMILI KA JESSICA! DAHIL KAHIT ANO MAN ANG GAWIN KO NGAYON AY MAY ISANG MAARING
MAWALA SAYO! "

Nagulat ang lahat ng mga empleyado sa sigawan ng dalawang babae. Nagtataka ang mga
ito kung bakit ganun na lamang kung makipag-usap ang di kilalang bisita sa kanilang
amo. Lalapit sana si Mylene ngunit sinenyasan ito ni Jessica na huwag ituloy ang
pag-akyat sa kanyang opisina.

Kahit ang dalawang babae ay nabigla din sa kanilang malakas na pag-uusap. Sandaling
tumahimik ang mga ito ngunit nanatiling nakatitig sa isa't isa habang kinakalma ang
mga sarili.

"Sasagutin kita pero siguro naman hindi masamang humingi ako ng paliwanag."

Tumalikod muli si Sandra at ipinikit ang mga mata. Papaano nya ipapaliwanag ang
lahat sa kaibigan. Papaano niya sasabihin ang tungkol sa banta ng ama ni Clark? At
mas lalong papaano nya maipapaliwanag ang lahat tungkol sa binitawang pangako ni
Jerome? Nagagalit na naman sya sa kanyang sarili. Nasasaktan nya na naman ang
kaibigan dahil sa kanyang masalimuot na sitwasyon.

"Dahil sa pagkakataong ito ay nasa sitwasyon ako na hindi ko kayang protektahan ka


sa parehong bagay, Jessica... kung kaya't gusto kong malaman kung saan ka mas
magiging masaya. Anuman ang piliin mo ay yun din ang pipiliin ko para protektahan
ka..."

Nanatiling nakatalikod si Sandra habang nagsasalita. Napakabigat ng kanyang


nararamdaman. Hindi nya kayang makita sa mga sandaling iyon ang nasasaktang
kaibigan.

Nakaramdam si Jessica ng panghihina. Dahan-dahan syang bumalik sa kanyang upuan.


Alam nyang hindi nagbibiro si Sandra. Alam nyang may mabigat na dahilan ang lahat
ng ito. Kilala nya ang kaibigan kapag nagsalita ito ng seryoso, ibig sabihin lahat
ay totoo. Napahawak sa kanyang noo si Jessica. Nahihirapan syang sagutin ang
kausap.
"H-Hanggang kailan mo ako didiktahan Sandra? Hanggang kailan mo paglalaruan ang mga
nararamdaman ko?"

Pinigilan ni Sandra na maluha sa tanong ng kaibigan.

"Hindi ko gusto ang lahat ng mga ito Jessica...ngunit siguro nga ay may mga
pagkakataong hindi maiiwasang madadamay ka sa miserableng buhay ko...may mga oras
na hindi sinasadyang masasaktan kita.....hangga't ang mundong ginagalawan mo ngayon
ay nakadugtong sa mundong ginagalawan ko... kaya't nakikiusap ako, sagutin mo ang
tanong ko."

Muling nagkaroon ng matagal na katahimikan. Nag-iisip ng malalim si Jessica habang


malayo naman ang mga tingin ni Sandra.

"Si Jerome."

Humarap sa kaibigan si Sandra matapos marinig ang sinabi nito. Samantala


nanginginig naman ang boses ni Jessica.

"Si Jerome. Pinipili ko si Jerome....Kaya kong mawala ang lahat ng ito. Kaya kong
ipagpalit ang kasikatan o pangalan ko. Kaya kung tanggapin lahat ng mawawala sa
akin. Ibibigay ko lahat ng gusto mong kunin. Hayaan mo lang akong maging masaya
kasama ang lalaking mahal ko...dahil hindi ko kakayanin kung si Jerome ang mawawala
sa akin..."

Dahan-dahang napaupo si Sandra sa sopa sa narinig. Hindi sya makapaniwalang ganoon


kalalim ang nararamdaman ng kaibigan sa lalaki. Papaano nito magagawang ipagpalit
ang lahat ng mga pangarap nang dahil lamang sa pag-ibig? Paano nito makakayang
ibasura lahat ng mga pinaghirapan nang dahil lamang sa pagmamahal...nang dahil
lamang sa isang lalaking kailan lang dumating sa buhay nito? Gusto nyang matawa sa
sagot ng kausap ngunit kailangan nyang panindigan ang sinabing pipiliin nya anuman
ang piliin nito.

Nakita ni Jessica ang reaksyon ni Sandra sa sagot nya. Nababasa nya sa mukha nito
ang hindi pagsang-ayon.

"Wala kang alam sa pagmamahal Sandra, kaya't hindi mo maiintindihan kung bakit ito
ang desisyon ko."
"Wala akong sinasabi... Huwag kang mag-alala igagalang ko anuman ang pinili mo."

Tumayo si Sandra upang lisanin na ang opisina ngunit nagbitiw ito ng salita bago
bumaba ng hagdan.

"Oo nga pala. Yung binabanggit mo tungkol kay Clark, gusto ko lang malaman mo na
pinag-iisipan ko na ito."

Itinuloy ni Sandra ang paglalakad at nang malapit na siya sa pintuan ay nakita nya
ang papasok na si Jerome. Halatang nagulat ito nang makita siya. Huminto siya at
tumingin sa mga mata ng binata ngunit ilang saglit lang ay kaagad nyang binawi ang
mga paningin at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Tahimik siyang nag-abang ng elevator ng may seryosong mukha. Iniisip ang mga
kanyang mga desisyon. Mananatili siya sa New York., tatapusin nya ang dahilan ng
ipinunta nya dito. Lalabanan nya ang banta ng mayamang matandang Montecastro... At
buburahin ang kung anumang umuusbong na nararamdaman nya para kay Jerome.

Samantala sinalubong naman kaagad ni Mylene ng maaliwalas na ngiti ang bagong


dating na binata. Nakita ng sekretarya kung papaano nito hinabol ng tingin ang
kakaalis lang na bisita.

"Hi Sir Jerome! Kilala nyo rin po ba ang babaeng yun? Basta-basta na lang po kasing
dumating dito."

Biglang hininaan ng sekretarya ang boses. "..at mukhang nagtalo sila ni Ma'am
Jessica. Sino ba yun? "

Ngumiti lamang si Jerome. Hindi ito sumagot sa mga pang-uusisa ni Mylene at saka
nagtuluy-tuloy sa opisina ng kasintahan.

Natulala naman ng ilang saglit si Jessica sa huling salitang binitawan ni Sandra.


Ito ang unang pagkakataong nagsabi sa kanya ang kaibigan ng saloobin nito tungkol
sa isang lalaki. Huminga siya ng malalim habang iniisip ang kanilang pinag-usapan.
Ngunit bago pa man nya lunurin ang sarili sa pag-aalala ay nakita nya ang papalapit
na boyfriend. Kaagad siyang nag-ayos ng sarili at nagkunwaring masaya.
"Kumusta ang pamamasyal nina Tito at Tita? Pasensiya na at hindi ako nakasama.
Hindi kasi pumayag ang photographer na ireset ang oras ng pictorial ko kanina."

Humalik sa pisngi ng girlfriend ang lalaki at naupo sa mahabang sopa.

"Okay naman. Mukhang sinusulit ang huling linggo nila dito sa New York. Hindi nga
ako pinasama dahil gusto daw nila ng tahimik na pamamasyal." natatawang wika ng
binata.

Tumingin si Jessica sa boyfriend. Lihim nyang tinitigan ang mukha nito. Nalilimutan
nya ang lahat sa twing nakikita nya ang kasintahan. Sa boyfriend lamang umiikot ang
kanyang mundo sa twing kasama nya ito. Lahat kaya nyang ipagpalit para dito. Ang
lahat ng tinatamasa nya ngayon ay mananatiling mahalaga lamang kung nasa tabi nya
ang kasintahan. Kaya nyang mawala ang anumang bagay maliban kay Jerome kung kaya't
gagawin nya ang lahat manatili lamang ito sa tabi nya. At kung anuman ang lihim na
dahilan ni Sandra sa pagpapapili sa kanya ay wala syang dapat ikabahala dahil alam
nyang tutuparin ng kaibigan ang mga salitang binitawan nito.

Isang bagay lang ang alam nyang dapat ipag-alala, ang nararamdaman ni Jerome para
sa kaibigan. Hindi nya alam kung dahil nga lang ba ito sa awa o mas higit pa,
ngunit maging anuman ito ay isa lang ang dapat niyang gawin...ang tanggalin ang
kahit konting puwang ni Sandra sa puso ng lalaki.

"Matutuloy na ba ang mga parents mong umuwi sa Linggo?"

"Oo. May mga commitments na si Daddy na kailangan nyang daluhan kaya hindi na sila
pwedeng mag-extend pa."

"Aalis nga pala ulit ako ng New York sa makalawa para sa isang promotion event ko.
Malapit lang sa bahay ng Mama ko ang lugar. Dadalawin ko sya at susubukan kong
isama pabalik dito. Nagrequest kasi si Tita na gusto nyang makilala si Mama sa
lalong madaling panahon at saka palagay ko panahon na rin para makilala mo na rin
ng personal ang magulang ko."

Natigilan bigla si Jerome sa narinig. "Teka lang, teka lang Jessica. Ipapakilala mo
na ako sa magulang mo? Bakit ngayon mo lang sinasabi yan? Hindi mo man lang ako
binigyan ng panahon para maihanda ang sarili ko. Kailangan ko munang malaman kung
mabait ba ang nanay mo, masungit ba ito, istrikto o ano para alam ko kung papano ko
sya haharapin."

Natawa si Jessica sa reaksyon ng kasintahan. "Wala kang dapat ipag-alala. Mabait


ang Mama ko, medyo tahimik nga lang ito ng konti. Simpleng babae at kung hindi mo
kami kilala ay hindi mo aakalaing anak nya ako sa sobrang laki ng pagkakaiba
namin... At saka hindi ko pa sigurado kung mapapayag ko siyang sumama. Masyado
kasing private na tao yun... Bakit ka ba nagwo-worry, sa galing mong magsalita na
yan tapos matatakot ka sa nanay ko?"

"Syempre naman nanay ng girlfriend ko ang makakaharap ko. Eh pano kung di ako
magustuhan?"

"Hayaan mo tatawagan kaagad kita kung sasama siya. Para makapaghanda ka ng lakas ng
loob" sabay tawa ng dalaga.

Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang biglang umakyat si Mylene upang bigyan ng
maiinom si Jerome. Inilapag nya ang juice sa center table.

"Salamat Miss Mylene, sa susunod na punta ko dito baka ikaw na ang dadalawin ko
dahil sa mga pag-aasikaso mo." biro ng binata.

Namilog naman bigla ang mga mata ng sekretarya sa narinig at kilig na kilig ito
habang bumababa ng hagdan.

Nagkaroon ng konting katahimikan na tila nagpapakiramdaman ang magkasintahan.

"Nakasalubong ko nga pala si Sandra. Bakit biglang napadalaw yata ang kaibigan mo?"

Sa wakas ay naitanong din ni Jerome ang unang bagay na gustong lumabas sa bibig
nya simula ng dumating sya sa opisina ng girlfriend.

"Wala naman. Gusto lang daw akong makita at makausap dahil hindi kami gaanong
nagkikita lately dahil sa mga schedules ko...Ah, at saka pumunta rin sya para
ibalita sa akin na pinag-iisipan nya ng tanggapin si Clark Montecastro."

Tiningnan ni Jessica ang mukha ng kasintahan. Hinihintay nya ang magiging reaksyon
nito sa kanyang sinabi. Ngunit wala syang ibang nakitang kakaiba maliban sa
pagiging tahimik nito. Kinuha nito ang juice at kaswal na uminom. Inilapag ang baso
at ngumiti.

"Ang sarap talaga ni Miss Mylene magtimpla ng juice!" nakangiting puri ni Jerome.

Lumuwag ang pakiramdam ni Jessica. Marahil nga ay nadala lamang ang kasintahan sa
awang nararamdaman nito sa kaibigan kaya't nangyari ang kanyang nakita sa party.
Unti-unting nabawasan ang kanyang pag-aalala na may mas malalim pa itong
nararamdaman para kay Sandra...

-------

Ilang oras nang nagmamaneho si Jerome. Hindi nya alam kung saan sya pupunta basta't
patuloy lang sya sa pagpapatakbo ng sasakyan hangga't may nakikitang daan.
Nanggigigil ang kanyang mukha, matatalim ang mga tingin at parang sasabog ang
dibdib niya sa galit. Hindi nya kayang tanggapin ang narinig niya tungkol kay
Sandra. Para syang mababaliw kahit isipin nya lang na may ibang lalaking mamahalin
ang dalaga.

Itinabi niya ang sasakyan. Napasuntok siya sa manibela sa sobrang sama ng loob.
Isinubsob nya ang kanyang ulo. Bakit nangyayari ang lahat ng ito sa kanya? Kahit
kailan ay hindi niya inaasahan ang ganitong bagay sa buhay nya. Bakit nagmamahal
sya ng dalawang babae sa magkasabay na panahon? Tanggap niya na sa kanyang sarili
na higit pa sa awa ang nararamdaman nya para kay Sandra. Subalit hindi nya ginusto
na mahulog ang loob nya sa kapitbahay. Pinilit nya itong labanan ngunit sumuko na
siya sa pagsisinungaling sa sarili.

Hindi sya ganitong klase ng lalaki. Maaring pinaglalaruan lang sya ng tadhana upang
subukin ang kanyang pagkatao at paniniwala. Tama si Sandra. Hindi nya dapat saktan
si Jessica. Hindi lamang sa dahil mahal nya rin ang kasintahan kundi ito ang tama.
Hindi sya dapat manakit ng tao dahil lamang sa maling tinitibok ng kanyang puso.
Mananatili siya sa tabi ni Jessica at susundin ang pangako niya kay Sandra.
Mananatili siya sa tabi ng babaeng tanging pinangarap nya sa buong buhay nya.
Titikisin nya ang nararamdaman para sa kapitbahay at tatanggapin lahat ng sakit na
katulad ng nararanasan nya nagyon. Magbabakasakali syang lilipas din ang lahat ng
ito...

------

"Ma, pagbigyan nyo naman ako sa pagkakataong ito. Sige na. Ako naman ang pakinggan
nyo ngayon please." pakiusap ni Jessica sa kanyang ina.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na ilayo mo ako sa dyan sa maingay na mundo
mo."pagmamatigas ni Aling Marta habang naghuhugas ng pinggan sa kusina.

Simple lamang ang ina ni Jessica. Nakatira pa rin ito sa minanang bahay ni Sandra.
Hindi mo aakalaing may milyonarya at sikat na sikat itong anak. Nakasuot lamang ito
ng pambahay na bestida at apron habang naglilinis ng bahay. Nakapuyod ang buhok at
wala ni anumang marangyang suot sa katawan. Ang edad nito ay nasa kwarenta y singko
pa lamang dahil bata pa lang ito nang ipinanganak nito si Jessica.

"Ma, walang kinalaman dito ang mundong sinasabi mo. Para ito sa lalaking mahal ng
anak nyo."

"Mahal? Bakit minahal ka ba ng lalaking yan dahil sa pagkatao mo?"


"Mahal ako ni Jerome, Ma at hindi sya katulad ng lalaking iniisip mo."

Napangisi si Aling Marta sa sinabi ng anak. "Alam ko ang lahat Jessica. Alam ko
kung saan nagsimula ang pakikipagrelasyon mo sa sikat na lalaking yan. Hindi ba
dahil isa sya sa mga tagahanga mo? Nagsimula yan dahil sa mga libro di ba?"

"Oo tagahanga ko siya pero kinilala nya muna ako bago ang lahat. Hindi masama ang
intensyon nya. Mabait na tao si Jerome. Totoo syang tao, Mama. Hindi nya magagawang
manakit at manloko ng babae."

"Umalis ka na sinasayang mo lang ang oras mo sa akin. Bumalik ka na sa maingay mong


buhay sa New York. Hindi ako sasama sayo."

Tumulo ang mga luha ni Jessica. "Mama, nakikiusap ako. Parang awa nyo na. Mahal na
mahal ko si Jerome. Ngayon lang ulit ako lalapit at hihingi ng tulong mo kaya
pagbigyan nyo na ang anak nyo. Gusto kayong makilala ng mga magulang nya. Hindi ko
alam ang sasabihin ko kapag hindi kita nagawang ipakilala."

"Sabihin mo may sakit ako."

"Hindi ganun yun Ma. Kailangan kong makuha ang loob nila. Bakit ba hindi nyo ako
maintindihan kahit sa bagay na ito?"

"Itigil mo na ang lahat ng ito Jessica. Dahil kahit gaano ka pa man yumaman at
sumikat, o kahit mapangasawa mo man ang sikat na taong yan, hinding-hindi mo pa rin
makukuha ang loob ko!"

"Hanggang kailan nyo ba ako tatratuhin ng ganito Ma?"

"Hangga't ganyan ka! Hangga't hindi ka namumuhay ng normal dahil hindi yan ang
buhay na para sayo! Dahil hindi yan ang buhay na karapat-dapat sayo!"
"TITIGIL AKO KUNG YAN ANG GUSTO NYO! PERO TITIGIL LANG AKO KAPAG NAPANGASAWA KO NA
SI JEROME! LAHAT ITITIGIL KO PARA SA TAONG YUN, MA! LAHAT IPAGPAPALIT KO PARA SA
TAONG YUN MAMA, KAYA PARANG AWA NYO NA TULUNGAN NYO AKO SA TAONG MAHAL NA MAHAL
KO!"

Nagulat ang ginang sa mga narinig. Tumitig ito sa mga mata ni Jessica. Pinagmasdang
mabuti kung seryoso ang anak sa mga binitawang salita. Natahimik ito ng ilang
saglit, ngunit muli itong tumalikod at ipinagpatuloy lamang ang ginagawa.

"Kung wala ka ng ibang sasabihin, makakaalis ka na... Marami pa akong lilinisin


dito sa bahay."

Nagpahid ng mga luha niya si Jessica habang humihikbi.

"Meron pa akong sasabihin."

Hindi na gaanong inintindi pa ng ina ang humihikbing anak. Ayaw na nitong marinig
ang mga pagpupumilit ng dalaga.

"Nasa New York si Sandra..." pabulong na wika ni Jessica.

Natigilan si Aling Marta. Biglang nabitawan nito ang hinuhugasang pinggan.


Nagmamadali itong lumapit sa anak at hinawakan ang dalaga sa magkabilang braso.

"Anong sinabi mo?"

Nag-umpisang mangilid ang mga luha ni Aling Martha at paulit-ulit nitong niyugyog
ang balikat ni Jessica.
"Anong sinabi mo? Anong sinabi mo!?"

"Nasa New York si Sandra.... SI SANDRA NASA NEW YORK!"

Nanlaki lalo ang mga mata ng ina ng dalaga. Binitawan nito ang anak at unti-unting
tumulo ang mga luha. Hindi masukat sa mukha nito ang nararamdamang pananabik sa
taong nabanggit. "Si Sandra...ang anak kong si Sandra..."

"...Kailan pa siya nasa New York? Kailan pa Jessica? Bakit ngayon mo lang sinabi
ito?"

Tumalikod si Jessica. Ipinikit niya ang mga mata at muling tumulo ang kanyang luha.
Hindi nya kayang makita ang hitsura ng kanyang ina. Hindi nya kayang makitang
nagkakaganito ito dahil sa anak-anakan nya. Napakahirap para sa kanya na tanggapin
na kung gaano ito kalamig sa pagtrato sa sarili nyang anak ay ganun na lamang ang
pagmamahal na ipinararamdam nito kay Sandra.... Bakit ba lahat na lang si
Sandra?... Bakit lahat na lang para kay Sandra?...Meron pa bang natitira na para
naman sa kanya?

------

Nagsusulat si Sandra. At sa mga oras na iyon, parang tanging malulungkot na bahagi


lamang ng kuwento ang kaya nyang gawin dahil sa bigat ng nararamdaman. Pinipilit
nyang paganahin ang utak para makapag-isip ng mga masasayang bagay ngunit walang
ibang naglalaro sa isip niya kundi si Jessica at si Jerome.

Ding Dong.

Nagdalawang-isip siyang pagbuksan ang pinto. Simula nang may nangyari sa kanila ng
kapitbahay, natatakot na syang basta-basta na lang magbukas ng kanyang pintuan.
Ding Dong.

Napilitan siyang tumayo at maingat niyang binuksan ang pinto. Agad na tumambad sa
harap niya si Jessica. At nang iniumang nya pa ng mas malawak ang pinto ay hindi
nya nagawang magsalita sa nakita. Ang kanyang Nanay Marta!

Hindi pa man gaanong nakakapasok sa loob ng bahay ang mag-ina ay kaagad na niyakap
ni Aling Marta si Sandra at pinudpod nito ng halik sa pisngi ang anak-anakan. "Ano
bang nangyari sayong bata ka? Bakit hindi mo man lang ako madalaw-dalaw. Ang tagal-
tagal kitang hinintay na bumalik sa bahay. Saan ka ba nagpupunta?"

Gustong maiyak ni Sandra sa saya pagkakita sa kanyang nanay-nanayan. Bigla syang


nakaramdam ng pananabik sa kinalakihang ina. Niyakap nya ito ng mahigpit nang may
abot tengang mga ngiti. Pinaupo niya ang mga ito at agad siyang tumabi sa kanyang
Nanay Marta.

"Inaalagaan mo ba ang sarili mo? Kumakain ka man lang ba ng maayos? Ang pagtulog mo
sa gabi maayos ba?"

Sunud-sunod ang tango ni Sandra habang si Aling Marta ay hindi mapakali sa


paghaplos sa buhok at pisngi ng dalaga. Iniiwas naman ni Jessica ang mga paningin
sa dalawang kasama.

"Bakit bigla po yata kayong napunta dito sa New York?" tanong ni Sandra.

Mabilis na sumagot si Jessica. "Ipapakilala ko si Jerome sa kanya at gusto ring


makilala ng mga magulang ni Jerome si Mama."
Natigilan si Sandra sa narinig. Sandaling nawala ang mga ngiti nito sa mukha ngunit
agad naman itong nagkunwaring masaya. "Nanay, ma-mabait pong tao si Jerome. Mahal
nya po si Jessica kaya sana maging maluwag po ang pagtanggap nyo sa kanya."

"Talaga? Tanggap mo ba ang lalaking yun para kay Jessica?"

Tumango ulit si Sandra habang napapalunok. "O-Oho kaya sana huwag nyo pong
pahihirapan si Jessica sa bagay na to. Mahal po nila ang isa't isa."

"Jessica kailan ba ang sinasabi mong dinner? Gusto ko kasama rin natin si Sandra sa
dinner na to."

Sabay na nanlaki ang mga mata ng dalawang dalaga sa narinig.

"Ma, hindi pwede. Family dinner po yun."

"Na-nanay hindi po ako sasama. Hindi po tama kung kasama ako baka magtaka po ang
mga magulang ni Jerome."

"At bakit hindi? Family dinner di ba? Bakit hindi ka ba kasama sa pamilya Sandra?
Hindi ba sya kasama sa pamilya Jessica? Gusto nilang makilala ang pamilya mo di ba.
Pwes, dapat kasama si Sandra at kung hindi rin lang sya kasama ay huwag na nating
ituloy ang pagpapakilala na ito!"

Tumahimik at natigilan sa pagrereklamo ang dalawa sa huling sinabi ng ginang.


Nagkatinginan ang mga ito na tila nag-uusap ang mga mata. Wala silang magagawa
kundi ang sumunod.
Mahalaga ang pagkakataong ito para kay Jessica kung kaya't susundin ni Sandra ang
hiling ng kanyang nanay-nanayan. Haharapin nya ang anumang kirot na maaari nyang
maranasan. Alang-alang sa ikasasaya ng kaibigan...

*******************************************
[19] SULYAP SA KAHAPON
*******************************************

*****

Puno ng bituin ang kalangitan. Tahimik ang paligid. Kumikinang ang tubig sa lawa
dahil sa liwanag na nagmumula sa bilog na buwan. May manaka-nakang ingay mula sa
pagaspas ng mga puno sa tuwing umiihip ang malamig na hangin. At sa isang mahabang
upuan sa ilalim ng isang puno, magkatabi si Clark at Sandra. Hindi gaanong nag-
uusap ang dalawa at parehong malayo ang mga tingin.

Kadarating lang ulit ni Clark sa New York. Mahigit isang linggo siyang nawala dahil
sa biglaang board meeting sa main office nila sa Texas. Pagdating niya ay kaagad
niyang pinuntahan ang dalaga. Niyaya niya ito upang muli syang samahang maghanap
ng isang tahimik na lugar para mag-isip at magpahangin.

"Mukhang marami kang baong problema. Nag-away na naman ba kayo ng tatay mo?"

Hindi agad sinagot ng lalaki ang tanong. Matamlay itong ngumiti at umiling. "Sanay
na ako sa away naming mag-ama. Manhid na ang pakiramdam ko pagdating sa kanya.
Napagod lang ako masyado sa uwi ko. Sunud-sunod kasi ang dating ng mga problema sa
kumpanya"

Sa maiksing panahon ng pagbabalik ni Clark sa main office ay mayroon siyang


tinanggal na labing anim na tiwaling mga tauhan, kaliwa't kanang nakipagdiskusyon
sa mga matataas na opisyales ng iba't ibang malalaking kumpanya, nakipagtalo sa ama
at idinepensa sa board meeting ang pananatili nya sa branch office ng Bluestar sa
New York. Pakiramdam niya ay maulap na naman ang kaloob-looban ng kanyang dibdib.
Kailangan nya sa mga sandaling iyon si Sandra dahil ito lamang ang
nakakapagpanumbalik ng kanyang sigla at nagpapagaan ng kanyang pakiramdam.

"Clark, naranasan mo na bang magmahal?"

Naputol ang malalim na pag-iisip ng binata at napatingin ito sa katabi. "Bakit ka


nagtatanong ng ganyang bagay?"

Huminga ng malalim si Sandra. "Totoo ba na kapag mahal mo ang isang tao ay kaya
mong ipagpalit ang lahat para sa kanya?"

"Bakit nagmamahal ka na ba?"

Umiling ang dalaga.Ngumiti ito ng matamlay at yumuko.

"Mayroon lang kasi akong kakilala na lahat ay kayang mawala sa kanya huwag lang ang
taong minamahal nya. Ganoon ba talaga pag-umibig, mas mahalaga ang nararamdaman
kaysa sa tamang pag-iisip?"

"Hindi ba ganyan din ang nararamdaman ko para sayo?"


Napatingin si Sandra sa kausap at muling iniiling ang ulo sa pag-aakalang nagbibiro
lamang ito. "Hindi. Iba naman ang sinasabi mo. Ang nararamdaman mo ay pagmamahal
para sa isang kaibigan. Ang tinutukoy ko ay ang pagmamahal na higit pa doon."

Tinitigan ni Clark ang nakayuko at malungkot na mukha ng katabi. Napakainosente pa


rin nito pagdating sa pag-ibig. Hanggang kailan kaya siya nito makikita bilang
lalaking higit pa sa isang kaibigan.

"Oo may mga taong ganyan. At hindi dapat bumaba ang tingin mo sa kanila. Hindi sila
dapat maliitin sa halip ay dapat mong hangaan... dahil nagagawa nilang ipaglaban
ang kanilang nararamdaman. Mayroon silang lakas ng loob para ipagpalit kahit ang
ibang bagay na gusto nila para sa mas nakahihigit nilang gusto. Sila ang mga taong
higit na nakakaalam sa mga bagay na magbibigay sa kanila ng tunay na kaligayahan."

"...Muntik ko ng maranasan ang ganyang uri ng pagmamahal ngunit panandalian akong


naduwag at huli na nang mapagpasiyahan kong ipaglaban ito."

"Bakit anong nangyari?"

"Bigla na lang syang nawala."

"Hinanap mo ba sya?"

Umiling ang binata.


"Bakit hindi mo sya hinanap kung mahal mo pala siya?"

Tumingin sa malayo si Clark. "Dahil simula ng mawala siya ay nagbago ang pananaw ko
sa buhay... hanggang sa hindi ko namalayan na unti-unti nang nawawalan ng puwang
ang pagmamahal sa puso ko."

"Mahal mo pa rin ba ngayon ang taong yun?"

Matamlay na ngumiti ang lalaki at muling ibinaling ang mga mata sa katabi. "Hindi
ko alam...Matagal naging sarado ang puso ko sa pag-ibig kaya hindi ko alam kung
pagmamahal pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero ang alam ko siya pa rin
ang makakapagpasaya sa akin, siya pa rin ang madalas kong naiisip, sya pa rin ang
nagpapakaba ng dibdib ko at kung pagmamahal man ang tawag dun ay hindi ko na alam."

Hinawakan ng binata ang kamay ng katabi. Muli itong tumahimik,tumingin sa mga


bituin at nag-isip ng malalim.

Gusto sanang tanggalin ni Sandra ang kanyang kamay sa pagkakahawak ng lalaki ngunit
nang makita nya ang nababahalang mukha nito ay hinayaan nya na lamang itong
manatiling nakahawak sa kanyang palad. Gusto nyang gumaan ang pakiramdam ng
kaibigan. Tinitigan nya ang katabi at nakaramdam sya ng awa matapos malaman na
minsan na pala itong nabigo at nasaktan nang dahil sa pag-ibig. At sa ngayon ba ay
katulad na rin nya si Clark...isang taong hindi alam ang ibig sabihin ng
pagmamahal?

------

Eksklusibong nirentahan ni Jessica ang isang maliit, tago ngunit magandang


restaurant para sa inihandang family dinner. Mistula itong resthouse na mayroong
isang maliit na balkonahe, magandang hardin at nababakuran ng matataas at makakapal
na halaman. Pinili nilang magkasintahan ang tagong-tagong lugar upang makaiwas sa
mausisang mga paparazzi. Dahil sa mahiyaing pag-uugali ng kanyang ina, gustong
masigurado ni Jessica na sobrang pribado ang magaganap na dinner. Naangkop naman
ang hitsura ng lugar para makapag-kwentuhan ng maigi at magkabuklud-buklod ang
bawat pamilya.
Naunang dumating sina Jerome at ang mga magulang nito. Kabadong-kabado ang binata
habang naghihintay sa pagdating nina Jessica. Hindi ito mapakali sa pagkakaupo
habang panay haplos sa kanyang mga hita. Nahalata naman ng ama ang ikinikilos ng
anak.

"Ganyan-ganyan din ang naramdaman ko nang ipinakilala ako ng mama mo sa lolo't lola
mo. Huwag kang gaanong kabahan, sa aming mga magulang nakikita namin kung totoo ang
nararamdaman ng karelasyon ng anak namin kaya't wala kang dapat ipag-alala. Ang
mahalaga ay kumilos ka ng natural at ipakita mo ang totoong ikaw."

"Salamat, Dad."

Ilang minuto lang ng paghihintay nina Jerome ay dumating na sina Jessica. Parang
bulang nawala ang kaba ng binata, sa halip ay napalitan ito ng malaking pagkagulat
nang makita nya ang papasok na si Sandra. Wala siyang kaalam-alam tungkol sa
pagsama ng kapitbahay sa dinner.

Nagbihis ng pormal si Sandra sa gabing iyon. Nakasuot ito ng blusa, paldang


hanggang tuhod ang haba at pambabaeng sapatos.Naglagay din ito ng kaunting make-up
at maliit na ipit sa ulo. Samantalang si Jessica ay nakabihis pa rin ng kararaniwan
na nitong sopistikadang istilo ng pananamit. Nakabihis naman si Aling Marta ng
simpleng bulaklaking bestida at tanging hikaw na perlas ang suot na aksesorya sa
katawan.

Agad na tumayo si Jerome at nagbigay galang pagkakita sa ina ng kasintahan. Yumukod


naman si Aling Marta bilang bati sa binata. Masayang binati ni Jessica sina Mr. at
Mrs. Hernandez at malugod na ipinakilala sa mga ito ang kanyang ina.

Tahimik lamang si Sandra na noon ay nahihiya sa kanyang pagsama. At nang makita


siya ng ina ni Jerome ay nakangiting lumapit ito sa kanya.

"Natutuwa ako at sumama ka Sandra. Makakapag-usap rin tayo ng mabuti. Hindi kasi
tayo nagkakuwentuhan nang magkita tayo sa foundation."

"Ah-eh ako rin ho, gusto ko rin ho kayong makakuwentuhan." pilit na sagot ng
dalaga.
Matapos ang batian at pagpapakilala ay nagsiupo na ang lahat sa mesa. Magkatabi
sina Jerome at Jessica sa isang banda ng mesa at napapagitnaan naman si Sandra nina
Aling Marta at Mrs. Hernandez sa kabilang banda samantalang nakaupo naman sa
gitnang dulo si Mr. Hernandez katabi ng kanyang asawa. At habang inihahain ang mga
pagkain, patuloy lamang sa pagkukuwentuhan ang bawat isa.

"Mabuti naman Jessica at isinama mo ang iyong kaibigan. Alam mo ba honey na si


Sandra ang dahilan kung bakit nagkakilala sina Jerome at Jessica." masayang wika ni
Mrs. Hernandez.

"Hindi siya basta kaibigan lang ni Jessica, anak ko na rin yan si Sandra at kasama
siya sa pamilya namin." seryosong paglilinaw ni Aling Marta na halatang hindi sang-
ayon sa kanyang narinig.

Natigilan si Jerome sa paghiwa ng pagkain sa plato. Nanatiling nakayuko naman ang


dalawang dalaga at nagkukunwaring abala sa kinakain na noon ay parehong kinakabahan
sa susunod na mga ikikilos ni Aling Marta.

"Parang anak? Anong ibig mong sabihin Mrs. Lopez?" nagtataka ngunit nakangiti pa
ring tanong ni Mrs. Hernandez.

Mabilis na iniangat ni Sandra ang kanyang ulo upang sagutin ang tanong bago pa man
makapagsalita ng kung ano pa man ang nanay-nanayan.

"Siya na po kasi ang nag-alaga sa akin simula nang tatlong taong gulang pa lang ako
at nang maulila po ako ay si Nanay na rin po ang kumupkop at nagpalaki sa akin."
nakangiti ngunit kinakabahang paliwanag ng dalaga.

"Ah kung ganun ay higit pa pala sa pagkakaibigan ang relasyon nyo ni Jessica?"

"Opo Tita parang kapatid ko na po yan si Sandra." sagot naman ni Jessica.


Nabigla naman si Jerome sa mga narinig. Ngayon nya lamang nalaman ang tungkol sa
mga bagay na ito, ang pagkakaalam nya ay magkababata at matalik na magkaibigan
lamang ang dalawang babae.

Pinilit iwasan ni Jerome ang tumingin kay Sandra ngunit matapos marinig ang lahat
ay napilitan syang tingnan ito at ang ina ng kasintahan. Nakita nya kung gaano
kaasikaso si Aling Marta sa dalaga. Maya't maya nitong nilalagyan ng pagkain ang
pinggan ng anak-anakan. Panay haplos nito sa likod ni Sandra na para bang isa itong
sakiting maliit na bata. Samantalang tila iniiwas naman ng ginang ang mga mata sa
sariling anak.

"Nay tama na po... huwang nyo na po akong intindihin," bulong ni Sandra.

"Mukhang napakamaasikaso nyong ring ina Mrs. Lopez. Parehong-pareho tayo, kaya lang
simula nang magbinata na lahat ng mga anak ko ay pinagsasabihan na nila ako na wag
daw silang i-baby. Hindi man lang pagbigyan ang paglalambing ng kanilang ina."

"Inaasikaso ko talaga itong si Sandra dahil ang batang ito ay masyadong pabaya sa
kanyang sarili. Lalong-lalo na pagdating sa tamang pagkain at sa kalusugan nya."

Napatingin si Jerome sa kasintahan. Seryoso itong humihiwa ng steak at halatang


iniiwasang tumingin sa ina at kay Sandra. Napansin nya rin kung gaano kahigpit ang
pagkakahawak nito sa tinidor at kutsilyo.

"Ah siya nga pala Sandra kumusta na ang pakiramdam mo? Magaling ka na ba? Masyado
kaming nag-alala sa nangyari sayo sa opening ng foundation." wika ni Mr. Hernandez
na may bakas pa rin ng pag-aalala sa mukha.

Nanlaki ang mga mata ni Aling Marta at bigla itong nataranta sa narinig. "Bakit?
Anong nangyari? Anong nangyari sayo Sandra?"

Agad namang napaangat ng ulo si Jessica mula sa pagkakatitig sa pagkain at ibubuka


na sana nito ang bibig ngunit naunahan itong magsalita ni Sandra.

"Nadapa! Nadapa lang po ako noon! Kaya lang nang makita kung nasugatan ako ay
nahimatay na lang ako. Takot po kasi ako makakita ng dugo. Pero okay na po ako.
Salamat po sa pag-aalala nyo." nakangiti ngunit kinakabahang paliwanag ng dalaga.
Nagtaka ang mga magulang ng binata sa sagot ni Sandra. Naguluhan ang mga ito dahil
sa pagkakatanda nila ay hindi naman ito nasugatan, gayunpaman ay hindi na nila ito
inungkat pa dahil sa nakitang pag-aalala ng ina ni Jessica. Samantala nakita naman
ni Jerome ang lihim na tinginan ng dalawang magkaibigan matapos magsalita ni
Sandra.

Hindi pa rin mapakali si Aling Marta sa narinig. Binitawan nito ang hawak na
kutsara't tinidor at panay haplos na lamang sa ulo at likod ni Sandra. "Ano ka bang
bata ka! Kahit kailan ay hindi mo iniingatan yang sarili mo. Ilang beses ko na bang
sinabi sayo na iwasan mo ang mga bagay na kinatatakutan mo."

"Nay wag po kayong mag-alala maayos na po ako. Tama na ho yung pag-aalala nyo sa
akin. Wag nyo na ho akong masyadong asikasuhin... para po kina Jessica at Jerome
ang dinner na ito, wag po nating sirain.", bulong ulit ni Sandra.

Nakinig naman si Aling Marta sa anak-anakan at muli nitong ipinagpatuloy ang


pagkain.

"Sa palagay ko Mrs. Lopez ay proud na proud kayo sa anak nyong si Jessica. Kahit
ako man ang magkaanak ng isang manunulat na kasinghusay ng anak nyo ay ipagmamalaki
ko ito sa lahat." wika ni Mr. Hernandez.

Hindi sumagot si Aling Marta at isang matamlay na ngiti lamang ang ibinigay nito sa
nagsalita.

"Oo naman po. Proud na proud po si Nanay Marta dyan kay Jessica. Hindi nya lang ho
gaanong ipinapakita ang suporta nya sa publiko dahil masyado po kasi syang
mahiyaing tao!" masayang sagot ni Sandra at muli na naman itong tumingin kay
Jessica.

"Huwag kayong mag-alala Mrs. Lopez. Maasikaso at mapagmahal na binata itong anak ko
kaya hindi nya pababayaan ang anak nyo. At bilang ama, gagabayan ko si Jerome sa
tamang pagdadala ng relasyon nila ni Jessica. Masaya rin kami na ang anak nyo ang
naging kasintahan ni Jerome at maging kami man ay ipinagmamalaki namin siya. Kung
kami lang ang masusunod sana ay siya na nga ang maging manugang namin."

Hindi masukat ni Jessica ang nararamdamang kaligayahan sa sinabi ng ama ng


boyfriend. Tama ba ang kanyang narinig na gusto sya nitong maging manugang. Muling
nagliwanag ang mukha ng dalaga at naglaho ang bakas ng pagkabahala dahil sa
ikinikilos ng kanyang ina. Tumingin sya sa boyfriend at napatingin din ito sa
kanya. Ngumiti ito at lihim na hinawakan ang kanyang palad na mukhang natuwa rin sa
sinabi ng ama nito.

Mahaba pa ang naging usapan tungkol kay Jessica at Jerome. Ngunit panay matitipid
na salita at pilit na ngiti lamang ang isinasagot ng ina ng dalaga. Samantalang
pinipilit naman ni Sandra na maging masaya ang sarili habang nakikisali sa usapan
ngunit nanatili pa rin itong iwas sa mukha ni Jerome.

"Ikaw Sandra, wala ka pa bang boyfriend?" tanong ni Mrs. Hernandez na bigla na


lamang idinako ang atensyon sa dalaga.

Natigilan si Sandra sa tanong. Samantala, lihim namang inaabangan ni Jerome ang


isasagot ng dalaga.

"Wa-wala pa ho..."

"Teka naalala ko nga pala diba malapit ka kay Clark Montecastro? Nagkakamali pala
ako ng akala kung ganoon." nagtatakang wika ni Mr. Hernandez.

Mabilis ang naging reaksiyon ni Aling Marta. "Clark Montecastro? Sino yun Sandra?
Nakikipagrelasyon ka na ba ng hindi mo sinasabi sa akin?"

"Ka-kaibigan ko lang po si Clark..."

"Akala ko ba nagdi-date na kayo ni Clark?" singit ni Jessica.

Muling nagpalitan ng tingin ang dalawang dalaga. Mabilis na binawi ni Sandra ang
sagot niya.

"Madalas po kaming lumalabas at namamasyal ng magkasama sa ngayon. Kung date ang


tawag dun ay siguro nga ho. Pero sa ngayon ay hindi ko pa po sya boyfriend."
Humigpit ang pagkakahawak ni Jerome sa kutsilyo at tinidor. Parang may sumabog na
malakas na bomba sa tabi mismo ng kanyang tenga. Itinigil niya ang pagkain at
maya't mayang humingi ng maiinom na tubig sa waiter.

" Hindi basta-basta makikipagrelasyon itong anak ko hangga't hindi ko lubusang


nakikilala ang lalaki. Masyado pang bulnerable ang batang ito pagdating sa ganyang
bagay. Wala pa itong karanasan sa pag-ibig kung kaya't sinumang lalaki ang
magnanais syang maging kasintahan ay dadaan muna sa butas ng karayom bago ko ibigay
sa kanya si Sandra!"

Bigla napaubo si Jerome sa sinabi ng ginang at hindi naman nakaligtas kay Jessica
ang naging reaksyon ng boyfriend kaya't muli na naman itong nabahala sa nakita.

"Oo nga pala Sandra bakit hindi mo ipakilala si Clark kay Mama." sabay tingin ni
Jessica sa kasintahan. "Di ba may laro kayo sa makalawa Jerome? Gusto kong pumunta
kasama si Mama para mapanood ka naman nyang maglaro. At bakit hindi ka sumama
Sandra, yayain mo si Clark para naman makilala ito ni Mama habang nandirito siya."

Hindi makasagot ng diretso si Sandra. Nagbigay lamang ito ng pilit na ngiti na


halatang naaasiwa sa kanilang pinag-uusapan.

"Su-susubukan ko...."

"Sayang naman at nakauwi na kami sa araw na yan. Magiging masaya siguro kung
magkakasama-sama rin tayo minsan na manood sa laban ng anak ko. Pero di bale marami
pa namang ibang pagkakataon." wika ni Mrs. Hernandez.

Ilang sandali pa ay natapos na ang kainan. Subalit patuloy pa rin ang mga ito sa
kanilang pagkukwentuhan. Tumayo at nagpaalam si Aling Marta upang pumunta ng banyo.

Lihim na sinundan ng tingin ni Jerome ang ina ng girlfriend. Nakita nyang hindi ito
nagpunta ng CR kundi tahimik itong lumabas at nagpahangin sa magandang hardin ng
restaurant. Tahimik syang tumayo at iniwan si Jessica na abala sa
pakikipagkwentuhan sa kanyang ama habang masaya ring nag-uusap si Sandra at ang
kanyang ina. Hindi napansin ng mga kasama ang pag-alis nya sa mesa.

Lumabas siya upang lumapit sa nag-iisip na ina ng kasintahan. Gusto niya itong
makausap dahil sa ikinikilos nito pagdating kay Sandra at Jessica. Kanina pa sya
may nahahalatang kakaiba sa pagtrato nito sa dalawang dalaga.

"Nag-enjoy po ba kayo sa pagkain? Sana po nagustuhan nyo itong lugar."

Nagulat si Aling Marta sa biglang pagsulpot ng binata. Tumabi ito sa kanyang


kinatatayuan at sinamahan sya sa pagpapahangin.

"Mahal mo ba talaga ang anak ko? Totoo ba ang nararamdaman mo para sa kanya?"
seryosong tanong ng ginang habang nakatingin sa malayo at nakahalukipkip.

"Oho."

"Ano ba ang nagustuhan mo sa anak ko?"

Napangiti ang binata sa tanong. "Wala naman po yatang katangian ang anak nyo na
hindi kagustu-gusto. Mabait po syang tao, maalalahanin, mabait na kaibigan,
mapagkumbaba at maasikaso. Hindi ko na po kayang isa-isahin pero maraming dahilan
kung bakit ko nagustuhan ang anak nyo."

"Narinig ko na bago pa man kayo magkakilala ay isa kang masugid na tagahanga ng mga
libro ni Jessica."
"Oho. Kahit ngayon ay tagahanga pa rin ako ni Jessica. Kahit magkasintahan na ho
kami ay namamangha pa rin ako sa galing ng anak nyo pagdating sa pagsusulat.

Tumahimik ng ilang sandali si Aling Marta at huminga ng malalim. "Ingatan mo ang


damdamin ni Jessica. Minsan lang magmahal ang anak ko kaya't ingatan mo siya at
sana'y wag mo siyang sasaktan."

"Huwag po kayong mag-alala hindi po ako ganoong klase ng lalaki. Aalagaan ko ho ng


mabuti ang anak nyo."

"Narinig ko rin na kapitbahay ka ni Sandra."

Hindi agad nakasagot si Jerome nang marinig ang pangalan ng kapitbahay.

"O-Oho. Dahil po dyan kaya kami nagkakilala ni Jessica."

"Bilang kasintahan ng anak ko sana ay alagaan mo rin si Sandra dahil bahagi siya ng
pagmamahal mo kay Jessica."

Tumahimik ang binata sa narinig at huminga ng malalim. Kung alam lang ng kausap
kung ano ang tunay nyang nararamdaman para sa anak-anakan nito.

"Ah ibig nyo ho bang sabihin ay ang pagiging dahilan nya ng pagkakakilala namin ni
Jessica?"

Hindi sumagot si Aling Marta.

"Wag ho kayong mag-alala sisikapin ko pong maging maayos ang pakikitungo ko kay
Sandra.... Napansin ko pong masyado ho ata kayong maasikaso at maalalahanin
pagdating kay Sandra. "

"Bakit iniisip mo rin ba na mas matimbang ang pagmamahal ko kay Sandra kaysa sa
sarili kong anak?"

"Hindi naman po sa ganun. Medyo nagtataka lang po ako kung bakit ganun na lang po
ang pag-aalala nyo pagdating sa kanya."

Napansin ni Jerome na nag-iba ang reaksyon ng kausap simula ng pag-usapan nila si


Sandra. Unti-unting lumungkot ang mukha nito.

"Mas higit kong pinapakita ang pagmamahal kay Sandra... dahil ang batang yan ay
hindi marunong magmahal sa kanyang sarili. Lahat na lang ng dapat ay ibinibigay nya
sa sarili ay ibinibigay nya sa iba. Lahat na lang ng para sa kanya ay ibinibigay
nya kay Jessica. Maliit pa lamang ang batang yan, ang tingin nya na sa buhay ay may
utang syang dapat bayaran sa mga taong nakapaligid sa kanya... tinatrato niya ang
sarili bilang isang taong hindi dapat maging masaya. Gusto kong ipadama na karapat-
dapat din siyang mahalin. Gusto kong maranasan nya pa rin ang pag-aaruga at
pagmamahal ng isang ina. Nagbabakasali ako na dahil sa pagmamahal at pag-aasikaso
ko sa kanya ay magbago ang tingin nya sa kanyang sarili.... Nagdudurog ang puso ko
sa tuwing naiisip kong baka habambuhay niyang lunurin ang sarili sa pagdurusa at
kalungkutan."

"Ano po ba ang totoong nangyari kay Sandra bakit ho ba siya nagkakaganyan? Nalaman
ko na ho na may trauma sya at may mga bagay siyang kinakatakutan na hindi nya
kayang harapin."

Bago pa man sagutin ni Aling Marta ang tanong ng binata ay unti-unting nangilid ang
mga luha nito.

" Tatlong taong gulang pa lamang si Sandra nang pumasok ako bilang tagapag-alaga
nya... Isa syang masayahin, magiliw, malusog at napakagandang bata. Marami siyang
angking talento. Magaling siyang sumayaw, kumanta, mag-piano at madali niyang
nagagaya ang anumang bagay na kanyang napapanood. Sa batang edad nya, nakitaan na
rin siya ng hindi pangkaraniwang talino dahil kahit tatlong gulang pa lamang siya
ay marunong na siyang magbasa, magsulat at magbilang. Dahil sa mga katangiang ito,
madalas siyang kinagigiliwan ng maraming tao."

"Ngunit noong anim na taong gulang sya ay may isang lalaking nakakita sa kakaibang
talento niya. Sobra itong natuwa sa bata. Kinuha nito ang loob ni Sandra. Lihim
nitong kinaibigan ang bata. Hanggang sa isang araw habang namamalengke ako, binalak
ng lalaki na kidnapin ang bata. Pinasok nya ang bahay ng aking mga amo... at sa
harap mismo ni Sandra ay pinagpapatay ang kanyang mga magulang ng estranghero.
Tinangkang itakas si Sandra ng lalaki ngunit nahabol at naabutan ito ng mga pulis
at nang wala na itong matakbuhan ay nagbaril ito ng sarili sa harap din mismo ng
kaawa-awang bata..."

Parang paulit-ulit na sinaksak ang dibdib ni Jerome sa nalaman. Nahihiya siya sa


sarili dahil may pagkakataong pinagdudahan niya ang sinasabing pagdurusa at
pinagdaanan ni Sandra. Hindi siya makapaniwalang sa napakamurang edad nito ay
nakaranas na ito nang isang napakalagim na pangyayari. Hindi nya lubos maisip kung
papaano nito nakayanang kimkimin ang ganitong uri ng kahindik-hindik na karanasan.
Hindi pala ordinaryong trahedya ang pinagdaanan ng dalaga. Isa itong trahedya na
mahirap kalimutan o maaring hindi na kailanman man mabubura pa sa isipan ng taong
nakaranas nito lalo't lalo pa ng isang bata.

"Matagal bago nawala ang matinding pagkasindak ni Sandra. Taon ang lumipas bago ito
muling nagsalita at humarap sa mga tao. Subalit sa kabila ng dahan-dahan nitong
paggaling ay madalas naman itong bangungutin sa gabi. Madalas syang binabalikan ng
pangyayari kahit sa kanyang pagtulog. Hanggang sa lumaki siya na may kaakibat na
depresyon. At lumaki rin siya na sinisisi ang sarili sa pagkamatay ng kanyang mga
magulang. Kasama ng pagsisi sa sarili ay ang paglimot niya sa kanyang tunay na
katauhan. Kailanman ay hindi na sya nagpamalas ng anumang talento at katalinuhan.
Naniniwala siyang ang mga ito ang dahilan kung bakit namatay ang kanyang mga
magulang..."

"Ngunit sa kabila ng lahat ng napagdaanan ay nagpamalas ng katapangan si Sandra.


Pilit niyang nilabanan ang kanyang pagdurusa at isa si Jessica sa pinaghuhugutan
nya ng lakas para gawin ito. Subalit nang malapit na syang makapagtapos ng hayskul
ay muli na naman siyang nakaranas ng ikadaragdag sa kanyang paghihirap. Hiniwalayan
si Jessica ng kanyang kasintahan dahil sa lihim na pagmamahal ng lalaki kay Sandra.
Alam ni Sandra kung gaano minahal ni Jessica ang lalaki kung kaya't sa halip na
suklian nya ito ng pagmamahal ay pagkamuhi ang itinugon nya sa binata. Malalim ang
pagmamahal ng lalaki kay Sandra hanggang sa dumating sa puntong tinangka nitong
magpakamatay para lamang makuha ang atensyon ng dalagang iniibig. Nagtangka itong
tumalon sa isang gusali. Sinubukan syang sagipin ni Sandra subalit bago pa man nya
maiabot ang mga kamay sa binata ay aksidente itong nahulog...Hindi naman ito
namatay subalit nanatili itong isang baldado."

"Muling nanumbalik ang matinding depresyon ni Sandra dahil sa nangyari. At nang


makapagtapos siya sa hayskul ay bigla na lamang siyang naglayas. Sinubukan nyang
lisanin ang lugar na nagdulot sa kanya ng mga kalungkutan. Mahigit tatlong taon
kaming walang balita sa kanya at sa mga sandaling iyon ay halos ikamatay ko ang
pag-aalala. Hanggang sa dumating na lamang ang araw na muli siyang nagpakita...
Nagkaroon siya ng malaking pagbabago. Natutunan nyang itago ang kanyang kalungkutan
sa likod ng pagiging masayahin. Mas lalo siyang naging matapang sa pagharap sa mga
problema. At ni minsan ay hindi na sya muling nagpakita ng anumang uri ng
kahinaan."

"Subalit kapalit ng kanyang pagbabago ay ang paglayo nya sa amin. Pabigla-bigla na


lang siya kung bumibisita at kailanman ay hindi na sya muling tumira pa sa aming
bahay. Hindi niya ipinapaalam kung nasaan siya...o kung kelan sya muling
babalik.... Alam ko ang dahilan niya kung bakit niya ito ginagawa dahil inaakala
nyang nadadamay kami sa malungkot niyang buhay. Gabi-gabi naman akong hindi
mapakali at nag-iisip kung ligtas ba siya o nahihirapan ba siya sa kung saan man
sya naroroon."

Nagsimulang tumulo ang luha ng ginang.

" Katulad ngayon...mahigit isang taon akong walang narinig mula sa kanya. Aaminin
kong ito ang pangunahing dahilan kung bakit ako sumama kay Jessica dito sa New
York. Mahal na mahal ko si Sandra at kaylanman ay hindi ko inisip na hindi ko sya
totoong anak...subalit huwag mong iisipin na hindi ko mahal ang sarili kong anak.
Iba ang sitwasyon ni Sandra kaya't ibang uri ng pagmamahal ang ipinapakita ko sa
kanya..."
"Na-naiintindihan ko po kayo."

Matindi ang pagkabiglang nararanasan ni Jerome. Nanghihina ang kanyang mga tuhod sa
mga nalaman. Gumulo ang kanyang pag-iisip. Pakiramdam niya, hindi niya na
magagawang ituloy ang pakikipag-usap sa ina ng kasintahan.

"Ba-babalik na po ako sa loob Tita. B-Baka naiistorbo ko na po kayo masyado. Ma-


maraming salamat po sa pakikipag-usap nyo sa akin."

Bumalik sa mesa si Jerome at wala sa sariling naupo. Hindi pa rin siya makapaniwala
sa mga nalaman. Tinitigan nya si Sandra na sa mga sandaling iyon ay masayang
nakikipag-usap sa kanyang ina. Papano nakakayanan ng babaeng ito ang lahat? Papaano
nito nagagawang tumawa sa likod ng mga itinatagong matinding pagdurusa? Natutukso
siyang yakapin ito. Gusto niyang ipakita sa lahat ang totoong nararamdaman niya
para sa babae. Gusto niyang bawiin ang mga binitawang pangako dito.

"Jerome? Anong nangyayari sayo? Jerome are you okay?" tanong ni Mr. Hernandez
habang niyuyugyog ang natutulalang anak.

Natauhan ang binata sa ginawa ng ama. At mabilis nitong inalis ang pagkakatitig kay
Sandra....

------

Matapos ihatid ni Jessica mula sa dinner, dumiretso si Sandra sa rooftop. Tahimik


siyang nagmuni-muni habang nakatanaw sa malayo. Gusto niyang magpalipas ng oras
upang pahupain ang nararamdang kirot sa dibdib.

Unti-unti na syang nasasaktan sa tuwing nakikita si Jerome at Jessica na magkasama.


Nagsisimula nang may kumurot sa kanyang puso sa tuwing nakikita niyang
naglalambingan ang magkasintahan. Mayroon na ring sumusulpot na pagtutol sa kanyang
isipan sa tuwing iniisip na mapapangasawa ni Jessica ang kapitbahay.

Alam nya ang nangyayari sa kanya. Naiintindihan nya ang kanyang kasalukuyang
pinagdadaanan ngunit haharapin niya at lalabanan ang sariling damdamin. Hindi nya
maaring suwayin at sirain ang isang bagay na siya rin mismo ang gumawa. Kung nagawa
niyang lampasan ang lahat ng malalagim niyang pinagdaanan, ano pa kaya ang isang
maliit na pagsubok na katulad nito. Katulad din ito ng kalungkutan, pagdurusa at
takot...unti-unting mawawala at lilipas.

Samantala, pagdating na pagdating ni Jerome sa condo matapos ihatid ang mga


magulang ay kaagad siyang tumungo sa unit ni Sandra. Ilang beses siyang nag-
doorbell ngunit walang nagbubukas ng pinto.

"Sandra! Sandra buksan mo ang pinto!"

Itinigil niya ang pagdoorbell at sinimulan niyang katukin ng malakas ang pinto.
Nang wala pa ring nagbubukas, biglang pumasok sa isip niya ang rooftop. Magbabakali
siya na baka naroroon ang kapitbahay.

Naramdaman ni Sandra na hindi na siya nag-iisa sa lugar kung kaya't lumingon sya sa
bukana ng rooftop. Nakita nya ang papalapit na si Jerome. Agad niyang
napagpasiyahang niyang umalis ngunit nang mapadaan siya sa binata ay bigla nitong
pinigilan ang kanyang kamay.

"Mag-usap tayo." madiing wika nito.

Hindi siya sumagot. Binigyan nya lamang ito ng matatapang na titig. At nang gumanti
ito ng mg titig ay mabilis niyang binawi ang mga mata . Sinubukan nyang ituloy ang
paghakbang ngunit ayaw nitong bitawan ang kanyang kamay.

"Mag-usap tayo Sandra!"


Muli niyang tinitigan ang kapitbahay. Tinanggal niya ang mahigpit na pagkakahawak
nito kanyang kamay at saka siya nagbitiw ng matitigas na mga salita.

" Jerome, tandaan mong naririto pa rin ako sa New York dahil sa mga pangako mo...
At bago ka mag-isip ng kung ano pa man,.... gusto ko lang malaman mo na kayang-kaya
kong lisanin ang lugar na ito anumang oras." sabay itinuloy niya ang paglalakad
nang may matapang na mukha.

Napahawak sa kanyang noo si Jerome habang hinahabol ng tingin ang papaalis na


dalaga. Pakiramdam niya ay malapit ng pumutok ang kanyang ulo sa kalituhan. Matapos
malaman ang lahat tungkol kay Sandra, wala syang ibang gustong gawin kundi ang
alagaan at protektahan ito. Ngunit natatakot din sya na baka bigla na lang itong
umalis dahil sa desisyon niya. Anong ang gagawin niya? Saan sya lulugar sa ganitong
uri ng sitwasyon?...

*******************************************
[20] TURUAN MO AKONG MAGMAHAL
*******************************************

****

"Itigil mo ang pagbebenta ng libro ni Jessica Lopez!" galit na utos ng matandang


Montecastro sa anak.

"Hindi ganun kadali yon Dad! May pinirmahang kontrata ang Bluestar! Hindi pwede
yung gusto nyong basta-basta na lang natin ika-cancel ang mga libro nya!" matinding
pagtutol ni Clark sa gusto ng ama.
"Pwes, hanapan mo ng butas ang kontratang ginawa nila. At gawin mo ring dahilan ito
upang mahinto ang pagbebenta ng mga libro!"

"Teka nga muna Dad! Pinuntahan nyo ba ako dito sa New York dahil lamang sa bagay na
ito? Bakit parang bumabalik na naman yata kayo sa pakikialam nyo kahit sa maliliit
na bagay?"

"Dahil unti-unti ka na namang nawawala sa konsentrasyon mo sa trabaho!"

"Wala akong trabahong napapabayaan! Nakakalimutan nyo na bang ako ang nagpaangat sa
kumpanyang ito! Kaya't hindi ko hahayaang bumagsak ito ng ganun-ganun na lang. At
gusto ko lang ipaalala sa inyo na wala na kayong karapatang makialam sa pamamalakad
ng Bluestar. Isang simpleng stockholder na lang kayo dito. Wala kayo sa lugar para
diktahan ang presidente nito!"

"Pero ako pa rin ang nagmamay-ari ng pinakamalaking share sa kumpanya kaya may
karapatan akong magsalita at dapat mo akong pakinggan!"

Ngumisi si Clark sa ama. "Pakinggan ka sa ganitong walang kwentang bagay!? Sa


tingin nyo ba makikinig ako sa ganitong utos? At bakit bigla-biglang ipinapatigil
nyo naman ngayon ang mga libro ni Jessica? Akala ko ba sya ang gusto mong babae
para sa akin pero ba't biglang nagkaroon yata ng pagbabago Dad?"

"Kalimutan na natin ang ating kasunduan! Binabawi ko na ang mga sinabi ko tungkol
kay Jessica Lopez. Maghanap ka pa ng ibang matinong mapapangasawa. Kahit sino at
ibibigay ko pa rin lahat ng kayamanan ko sayo!"

"Dahil pa rin ba ito kay Sandra,Dad? Kaya gusto nyong gawin ito kay Jessica?"

"Oo! Dahil nalaman ko na ang katotohanan na kaibigan pala sya ng miserableng


babaeng kinalolokohan mo!"
Tumahimik ng ilang sandali si Clark at nagdududang napaisip ng malalim. "Ang ibig
nyo bang sabihin dahil kaibigan ni Sandra si Jessica Lopez ay gusto nyong ring
idamay ito sa pagtutol na nararamdaman nyo?"

"Oo! Hangga't hindi ka nilalayuan ng babaeng yun ay pahihirapan ko pati mga taong
malalapit sa kanya! Kaya kung ayaw mong mangyari ito Clark, itigil nyong dalawa ang
kabaliwan nyo!"

Nagulat ang binata sa sinabi ng ama. "Pinagbantaan nyo ba ulit si Sandra, Dad?"

Hindi sumagot ang matanda.

"Pinagbantaan nyo ba ulit si Sandra? SUMAGOT KAYO!"

"Bakit may iba pa bang mabilis na paraan para isalba ka sa babaeng yun!? Nagawa ko
na ito dati at kaya ko uling gawin ito ngayon para sa kapakanan mo!"

"Subukan nyong gawan ng masama ngayon si Sandra at ako mismo ang makakalaban nyo.
Hindi ko man siya naipagtanggol dati ngunit hindi ko na ulit hahayaang mangyari yan
ngayon! Kaya't itigil niyo kung anuman ang mga binabalak niyo kung ayaw nyong
mawalan kayo ng anak!"

"Huwag kang suwail! Sige kampihan mo ang baliw na babaeng yun at kailanman ay hindi
ko ibibigay ang mga ari-arian ko sa isang sutil na anak na katulad mo!"
Lumapit si Clark sa ama at tiningnan ito sa mga mata. "Sayo na ang pera mo."

Binigyan ng matandang Montecastro ng isang malakas na sampal ang binata. Ginantihan


naman ito ni Clark ng nanlilisik na mga mata. Dinampot ng binata ang susi ng
kanyang kotse at mabilis na nilisan ang tinitirhang penthouse.

-------

Masamang masama ang loob ni Clark habang nagmamaneho. Gusto nyang itakwil ang
kanyang ama sa mga sandaling iyon. Minsan niya na itong isinumpa dahil sa ginawa
nito dati kay Sandra at ngayong nalaman nyang muli na naman nitong pinagbantaan ang
dalaga ay bumabalik ang matinding galit sa kanyang dibdib.

Binalak niyang puntahan si Sandra ngunit biglang tumunog ang kanyang telepono.
Tumatawag si Jessica.

"Hello, Ms. Lopez?"

"Pwede ba tayong magkita Mr. Montecastro? Gusto sana kitang makausap."

Nagdalawang-isip muna siya. Wala siyang ganang makipag-usap tungkol sa trabaho


ngunit bigla siyang nahiyang tanggihan ang sikat na manunulat.

"Sige...."

Nakipagkita si Jessica sa tahimik na coffeshop sa isang hotel. Nakasuot ito ng


malaking sunglasses na halatang umiiwas na may makakilala sa kanya.
"Mukhang importante ang sasabihin mo Ms. Lopez para makipagkita ka sa akin ng
personal at biglaan." sambit ni Clark pagkaupong-pagkaupo sa mesa.

Bumilang ng ilang minuto bago nagsalita ang babae.

"Nililigawan mo na ba si Sandra?"

Nagulat si Clark sa hindi inaasahang tanong ng kausap. "Bakit interesado kang


malaman ang tungkol sa bagay na iyan?"

"Akala ko ba gusto mo si Sandra? Dahil kung hindi ay hindi mo sya gagawing


kondisyon sa kontrata natin. Nagtataka lang ako dahil wala akong anumang naririnig
mula sa kaibigan ko."

Humugot ng isang buntong-hininga ang lalaki. "Tama ka. Ginawa kong kondisyon si
Sandra dahil gusto ko siya, pero hindi ko sinabing liligawan ko siya."

"Hindi kita maintindihan. Bakit hindi mo siya nililigawan? Ang akala ko ay


paiibigin mo siya kaya ako pumayag sa kondisyon natin!"

"Ginagalang ko ang kaibigan mo Ms. Lopez. Alam ko kung kailan ang tamang panahon
para sa bagay na iyan. Hindi ako nagmamadali."
"Pwes, gawin mo na sya ngayon! Bago pa man mawala sayo si Sandra!"

Nagsimulang magtaka at maghinala si Clark sa ikinikilos ng kausap. "Bakit sinasabi


mo ang mga bagay na ito? May pinangangambahan ka ba Ms. Lopez?"

Natigilan naman si Jessica sa tanong at ikinalma muna ang sarili bago sumagot.
"Wala akong pinangangambahan. Nag-aalala lang ako para sayo. Gusto kitang tulungan
kay Sandra bilang pagtupad ko sa kondisyon natin. Nakikita ko sa ngayon na may
puwang ka sa kaibigan ko kaya't nais kong samantalahin mo bago pa man mahuli ang
lahat. Kilala ko si Sandra pabago-bago ng damdamin at isip ang taong iyon kung
kaya't magtapat ka na sa kanya habang maaga pa!"

Muling huminga ng malalim ang binata. "Marami akong iniisip sa ngayon, Ms. Lopez.
Kung wala ka ng ibang sasabihin, pwede na ba akong umalis? Nagkakamali pala ako ng
akala sa pakikipagkita mo sa akin." sabay tayo nito at kalmadong naglakad
papapalabas ng pintuan.

Pagdating sa sasakyan ay nag-isip ng malalim si Clark. Bigla siyang kinutuban sa


ikinilos ni Jessica. May hinala siyang may kinalaman ito kay Jerome Hernandez.
Matagal na siyang nagdududa sa mga kilos ng sikat na basketbolista pagdating kay
Sandra. Malayo mang mangyari ngunit maaring may nararamdaman ito para sa dalaga.

Lalong di siya mapalagay dahil sa mga naiisip. Ngunit magpatong-patong man ang mga
hadlang, hindi nya hahayaang mawala ulit sa kanya si Sandra at sa pagkakataong ito
ay walang sinumang makakapigil sa kanya. Maging ang ama man o kahit ang isang
Jerome Hernandez!

-----

"Whoah! Totoo ba ang balitang ito na nagkakilala na ang mga magulang ni Jerome
Hernandez at Jessica Lopez sa isang dinner!"

Nanlaki ang mga mata ni Sandra sa sinabi ni Vicky. Bigla niyang itinigil ang
pagpupunas ng mesa at patakbong lumapit sa kasama upang agawin ang binabasa nitong
tabloid.

"Sa palagay ko ay papalapit na papalapit na ang araw ng pag-announce nila ng


kanilang engagement! Sabi ko na nga ba magkakaroon ng 'The Wedding: Jerome and
Jessica'!"

Nakahinga ng maluwag si Sandra nang makitang walang litrato niya at ng nanay-


nanayan na nakalagay sa diyaryo. Mabilis niyang binasa ang nakasulat dito. Sa
pagkakasulat nito ay mukhang isa sa mga empleyado ng restaurant ang naglabas ng
impormasyon.

"Napakatsismoso naman pala ng mga empleyado ng restaurant na pinuntahan nila! Dapat


sa mga yan ay tinatanggal! Pinapahamak nila ang pangalan ng pinagtatrabahuan nila.
Paano kung idemanda sila ng magkasintahang iyan. Sigurado akong gusto ng mga iyan
na manatiling pribado sana ang ganitong bagay!" naiiritang wika niya.

Napuna ni Vicky ang pagkainis ng dalaga. "Siyempre ganyan talaga pag mga sikat na
tao. Laging may mga matang nakatingin sayo kahit di mo ito gustuhin. Teka bakit ka
ba naiinis? Nagseselos ka ba dahil lalong nagiging maganda at matibay ang relasyon
nina Jerome at Jessica?..."

"...Sinabi ko naman sayo na huwag kang umasa! Tingnan mo ang nangyayari ngayon,
masasaktan ka lang pag may mga ganitong balita kaya't habang maaga ay makinig ka sa
akin!"

Hindi sumagot si Sandra. Napapailing na lamang siya ng ulo at itinuloy ang kanyang
pagpupunas.
"Kumusta ang naging dinner mo nung nakaraang sabado Sandra?"

"Dinner? Anong dinner?"

"Di ba nagpaalam ka ng maaga kasi may dinner ka kamo sa taong nagpalaki sayo."

"Ahhh yun ba? O-Okay naman. Masaya naman."

"Mabuti at andito na ang nanay-nanayan mo para naman hindi ka na nag-iisa dito sa


New York."

"Sandali lang naman siya dito sa New York. Umuwi rin kaagad pagkalipas ng dalawang
araw. Ayaw kasi nun sa maingay na lugar."

"Ganoon ba. Akala ko pa naman ay may makakasama ka na. Natuwa pa mandin ako at may
mag-aasikaso na sayo."

"Okay lang yun. Sanay naman akong mag-isa."

Nagsisimula na naman sanang maaawa si Vicky sa kasama ngunit bigla itong napatingin
sa pumaradang sasakyan. Bumaba dito si Clark. Nagmamadali pumasok ang lalaki sa
loob ng coffee shop at lumapit kay Sandra. Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay ng
dalaga.
"Mr. Castro, Ms. Vicky. Hihiramin ko lang ho muna si Sandra!"

Hinila papalabas ng binata ang nabiglang babae. Isinakay ito sa kotse at pinaandar
ng lalaki ang sasakyan.

Nataranta si Sandra sa ginawa ni Clark. "Teka! Teka! Clark saan mo ako dadalhin?
Itigil mo ang sasakyan. Hindi pa tapos ang trabaho ko!"

Tila walang naririnig si Clark. Diretso lamang ang mga mata nito sa daan habang
seryosong nagmamaneho.

Samantalang naiwan namang nakatulala sina Vicky at Mr. Castro. Hindi na nagawa pang
magsalita ng mga ito dahil sa bilis ng pangyayari.

"Anong nangyari? Nakita mo ba yun Mr. Castro? Kinikidnap ba ni Clark si Sandra?"

Tumango lamang ang matandang kahero na nawala bigla ang antok.

Ang pagkagulat ni Vicky ay unti-unting napalitan ng pagkakilig. "Mukhang may


relasyon na ang dalawang iyon. Ano sa palagay mo Mr. Castro. Nakakakilig naman ang
eksena. Alam nyo bang pangarap ko yun dati na bigla na lang darating ang isang
gwapong lalaki tapos hahawakan ako nito sa kamay at mukhang galit na hihilahin ako
papalabas eeeei."
-----

Matapos ang mahabang katahimikan sa loob ng umaandar na sasakyan, inihinto ni Clark


ang kotse sa tabi ng tahimik na lawang minsan na nilang napuntahan. Mabilis na
bumaba dito si Sandra at kaagad na hinarap ang binata.

"Ano bang ginagawa mo Clark? Nasisiraan ka na ba ng ulo?!"

"Bakit di mo sinasabing kinausap ka ng ama ko?!"

Biglang tumahimik ang babae.

"Bakit di mo sinasabing pinagbantaan ka na naman ng ama ko!? Bakit mo hinahayaang


gawin nya sayo to?!"

"Dahil tama siya! Tamang lumayo ako sayo! Hindi dapat masira ang buhay mo ng dahil
sa akin!"

Galit na lumapit ang binata sa kausap, hinawakan nito ang braso ng dalaga at
tinitigan sa mga mata.

"Bakit anong alam mo kung ano ang tama para sa akin? Anong alam mo kung saan ako
masaya!? Anong alam mo kung ano ang tamang buhay para sa akin?!"

Walang maisagot si Sandra sa mga tanong ngunit pinandilatan nito ng mga mata ang
kausap.

"Huwag mong iisiping hindi kita kayang ipagtanggol Sandra. Dahil hindi ako papayag
na may masamang mangyari sayo!"

Tumawa ng mahina si Sandra. Bumitaw ito sa pagkakahawak ng binata at tumalikod.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi mo ako kailangang ipagtanggol. Huwag mong
sasayangin ang pagod mo sa isang dating kaibigan na muli mo lang nakita.
Pansamantala lang ang lahat ng ito. Tama nga ang iyong ama, masyadong malambot ang
puso mo."

"Ipagtatanggol kita at sa pagkakataong ito ay ipaglalaban na kita Sandra!"

Naguluhan si Sandra sa huling narinig kung kaya't humarap ito sa binata ng may
nagtatanong na mukha.

"Oo, ikaw ang taong nawala sa akin. Ikaw ang babaeng minahal ko. Ikaw ang
pagmamahal na tinutukoy ko. Ang pagmamahal na hindi ko nagawang protektahan. IKAW
YUN SANDRA!"

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Sandra. Ang sumasabay niyang mataas na


emosyon sa lalaki ay tila bumagsak hanggang sa kailalim-ilaliman ng lupa.
Pansamantala siyang hindi makakilos. At habang natutulala, lumapit sa kanya si
Clark at niyakap siya nito ng mahigpit.

"At ikaw rin ang babaeng hinding-hindi ko na hahayaang mawala pa ulit sa akin...
Kaya't humihingi ako sayo ng pagkakataong mahalin ka Sandra...Bigyan mo ako ng
tamang panahon para turuan kang magmahal. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin
ako..." kumawala sa pagkakayakap si Clark at tinitigan nito ang babae nang may
naluluhang mga mata.

"...wala akong hinihinging anumang kapalit basta't hayaan mo lang ako na mahalin
ulit kita. Bigyan mo lang ako ng pagkakataong ipaglaban, alagaan at protektahan ka.
Nakikiusap akong tanggapin mo ang nararamdaman ko para sayo. Darating din ang araw
na mamahalin mo ako...nakikiusap ako Sandra... Buksan mo ang puso mo para sa akin
at balang araw ay matututunan mo ring magmahal... "

Nanatiling tulala si Sandra. Parang naubos ang kanyang lakas sa mga sinabi ng
binata. Hindi nya nagawang kumalas sa mahigpit na pagkakayakap nito dahil may
kumukurot sa dibdib niya...Nasasaktan sya dahil sya pala ang dahilan ng kabiguan ng
lalaki. Parang hinihiwa ang puso niya matapos malamang nasaktan nya rin ang
kaibigan sa kabila ng layunin niyang protektahan ito dati.

"Sandra...."

Nang maramdamang hindi na nakayakap ang binata ay dahan-dahan siyang naglakad


papunta sa mahabang upuan. Nanghihina siyang umupo dito. Sinundan siya ni Clark at
naupo rin ito sa tabi nya.

Hindi na muling nagsalita si Clark. Hinihintay nito ang anumang sasabihin ng


katabi.

Nag-uumpisa nang gumana ang pansamantalang nahintong isip ni Sandra. Binalikan niya
ang mga narinig mula kay Clark. Tiningnan niya saglit ang katabi na sa mga
sandaling iyon ay nag-iisip rin habang nakatingin sa tahimik na lawa. Nasaktan niya
ito dahil sa pag-iwas nyang masaktan ito. Unti-unti niyang napagtanto na hindi rin
pala napanghahawakan ang dapat maramdaman ng isang tao. Siguro kung masasaktan ay
talagang masasaktan. Kung magiging masaya ay siguro talagang itinadhana para maging
masaya. Katulad nya, ni minsan ay hindi nya inasahang may maramdaman siya para kay
Jerome.
Napatingin ulit siya kay Clark matapos sumagi sa isipan nya si Jerome... Humihingi
ito ng pagkakataong ipakita ang pagmamahal niya? Matagal niya nang naramdaman ang
pagmamahal na yun. Matagal niya ng alam kung papaano ito magmahal. Hindi nya lang
inisip na ang pagmamahal palang ipinadarama nito sa kanya ay higit pa sa
pagkakaibigan. Ngunit pagbibigyan nya ba ang pakiusap nito?

Muli siyang nag-isip ng malalim. Wala siyang nararamdaman para kay Clark kundi
pagmamahal para sa isang kaibigan. Subalit parang hindi nya ito kayang saktan muli.
Alam nya ang pagkatao ng lalaki. Hindi ito mahirap mahalin ngunit pag minahal mo
ito ay maaring may kaakibat na responsibilidad dahil sa estado nito sa buhay.
Matutunan nya ba itong mahalin?...Kung nagkaroon sya ng damdamin para kay Jerome
siguro ay mas madaling mahuhulog ang loob niya kay Clark...Wala siyang alam
pagdating sa ganitong bagay,...lahat ay siguro,...lahat ay pagbabakasakali...
ngunit kung hindi nya susubukan ay hindi nya malalaman ang totoong kasagutan.

Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga at tumitig sa mukha ng katabi.

"Pagbibigyan kita. Pumapayag ako sa gusto mo...susubukan kong buksan ang puso ko
para sayo"...

*******************************************
[21] SA KANYA KA NA NGA BA?
*******************************************

*****
Sinundo ni Jerome si Jessica sa location ng pictorial nito. Bagamat may kalayuan,
nangako siya sa kasintahan na pupuntahan niya ito pagkatapos ng kanyang ensayo.
Dahil sa personal na pinagdadaanan, sinusubukan niyang dagdagan ang atensyong
itinutuon nya sa girlfriend.

Papalapit na rin ang NBA playoffs kung kaya't gusto niyang samantalahin ang may
kaluwagan niya pang schedule para makasama ang dalaga. Pag nagsimula na kasi ang
playoffs ay dobleng oras at konsentrasyon na ang dapat nyang gugugulin sa pag-
eensayo at paglalaro dahil malakas ang pagnanais nyang makapasok ang team nila sa
finals.

Medyo may kalayuan at remote ang lokasyon ng pictorial ni Jessica. At nang


makaramdam sila ng gutom ay sa isang simple, tahimik at di-kilalang restaurant
lamang sila napunta. Iilan lamang ang kustomer sa dito at bagama't may mga pailan-
ilang nakakilala sa kanila subalit hindi naman sila gaanong pinagkakaguluhan.

"Malapit na akong malito sayo kung writer ka pa ba o model na." biro ng ni Jerome
sa kasintahan habang kumakain.

"Tinatanggap ko pansamantala ang mga offers sa akin. Kasama na rin ito sa promotion
ng libro ko... Pasensiya ka na medyo naghintay ka pa ng matagal. Masyado kasing
mabusisi ang photographer eh."

"Walang problema kahit hanggang hatinggabi hihintayin kita."

"Wow ang sweet naman ng boyfriend ko."


"Ngayon mo lang ba napansin yan...kelan ba ako hindi naging sweet sayo."

"Kanina."

"Kanina? Bakit anong ginawa ko?"

"Maya't maya kang nakikipag-usap sa mga babaeng staff!"

"Hindi lang naman mga babae ang kumakausap sa akin sa set nyo ah. At saka
kinakausap nila ako pangit naman kung hindi ko sila kakausapin."

Nakangiting pinisil ni Jerome ang pisngi ng nagseselos na girlfriend. "Mukhang


napapadalas yata ang pagseselos mo nitong mga huling araw. Siyempre hindi ko
ipagpapalit ang napakaganda at mahal na mahal kong girlfriend sa sinumang babae."

Natigilan ng sandali si Jessica sa sinabi ng boyfriend. Napakasarap nitong


pakinggan. Napakasarap paniwalaan. Tiningnan nya ang nakangiting mukha nito. Gusto
niyang itanong kung kasama ba ang kanyang kaibigan sa tinutukoy nitong sinumang
babae. Alam nyang mahal siya ng binata ngunit hindi siya napapakali hangga't meron
itong kakaibang ikinikilos pagdating kay Sandra.

Napatingin si Jerome sa maganda at tahimik na tanawin sa labas ng kinakainang


restaurant. "Nakaka-miss ang ganitong buhay. Tahimik. Nakakain tayo sa labas ng
walang gaanong pumapansin... Pagkatapos ng NBA season na to Jessica sana
makapamasyal tayo sa isang maganda at tahimik na lugar. Doon sa walang gaanong
nakakakilala sa atin, yung magagawa natin lahat ng gusto nating gawin."
"Yan ang isang bagay matagal ko nang gustong gawin. Ang huling adventure ko pa yata
ay yung minsang nag-mountain climbing kami ni Sandra at nag-camping kami ng tatlong
araw sa tuktok ng bundok. Halos seven years ago na yata yun kasi kababalik lamang
nya nun galing sa matagal nyang paglalayas..." ibinaba ni Jessica ang hawak na
kobyertos at biglang nangalumbaba ng nakangiti. "Nakakatawa nga ang kaibigan kong
iyon sa camping namin. Hindi sya natatakot sa mga ahas, malalaking butiki o
bayawak. Minsan hinuhuli nya pa ang mga ito at ginagawa nyang panakot sa akin. Pero
alam mo ba kung ano ang panakot ko sa kanya?"

"Ano? Palaka? Bubuyog?"

Paulit-ulit na umiling si Jessica. "Tutubi at tipaklong!" sabay tawa niya ng


malakas. Tuwang-tuwa siya habang inaalala ang hitsura ng kaibigan kapag nakakakita
ng mga sinasabi niyang insekto.

"Alam mo bang pag nakakakita ng tutubi yan si Sandra? Haha kumakakaripas talaga ng
takbo yan habang hindi maipinta ang mukha sa takot. At kapag nilalagyan ko naman ng
tipaklong sa katawan yan, maririnig mo kahit isang kilometro pa ang layo mo sa
lakas niyang tumili hahaha!"

Lalong lumakas ang tawa ni Jessica ngunit nang makita niyang tuwang-tuwa din si
Jerome sa kanyang kuwento ay biglang humina ang kanyang pagtawa. Bigla niyang
napagtanto na bakit nga pala niya binabanggit ang kaibigan sa kanyang boyfriend. .

"Bakit di natin subukan mag-mountain climbing minsan. Maghanap tayo ng resort na


malapit sa bundok na pwede nating akyatin." mabilis na paglihis niya sa usapan mula
kay Sandra.

"Nasubukan ko na ring magmountain climbing at exciting nga ito. Kaya lang inaalala
lang kita, kakayanin mo pa ba ang ganyang klase ng mga adventures? Baka naman
magalusan ang magandang balat ng girlfriend ko."

"Asus! Malapit na akong hindi maniwala dyan sa pagiging sobrang caring mo. Bakit
kailangan ba talaga lagi akong mukhang maganda sa tabi mo? Nagdududa na akong
hitsura ko lang ata ang nagustuhan mo sa akin!"

"Ngayon mo lang ba nalaman? Sige ka kapag hindi mo inalagaan yang sarili mo,
ipagpapalit kita kay Ms. Mylene."

Sa kalagitnaan ng biruan at harutan ng magkasintahan, tumunog ang telepono ni


Jessica.

"Huh? Si Mr. Montecastro tumatawag. Sandali lang sasagutin ko muna ha."

"Yes Mr. Montecastro?"

Tahimik na pinakinggan ni Jessica ang sinasabi ng kausap sa kabilang linya at


habang nakikinig ay unti-unting nanlalaki ang mga mata nito. Ibinaba nito ang
telepono ng walang anumang sinabi. Ilang sandali itong hindi makapagsalita na tila
hindi makapaniwala sa mga narinig. Humawak muna ito sa dibdib at uminom ng tubig
habang takang-taka naman si Jerome kung ano ang sinabi ni Clark sa loob ng maiksing
sandaling pagtawag nito.

"Oh my god! Oh my god Jerome!" bulalas ni Jessica nang may namimilog na mga mata.
"Hindi ako makapaniwala Jerome. Ang kaibigan ko... sa tinagal-tagal ng
panahon....Si Sandra....May boyfriend na ang kaibigan ko Jerome! May boyfriend na
si Sandra!" sabay tili nito.

Napalingon ang lahat ng taong naroroon dahil sa masayang tili ni


Jessica..........at sa tunog ng isang basong nabasag!

Nawala ang di masukat na excitement ni Jessica nang marinig ang nabasag na baso.
Napatingin siya sa mukha ng boyfriend na sa mga sandaling iyon ay hindi makayanang
itago ang pagkabigla. Natutulala ito at tila hindi nito alam na wala na sa kanyang
kamay ang hawak-hawak na baso. Natauhan lamang ito nang may lumapit na waiter upang
linisin ang mga bubog. Natapunan rin ng tubig ang suot nitong pantalon at nang
maramdaman nito ang basang damit saka lamang ito biglang natarantang magpunas ng
tissue.
Ang kaninang masayang kwentuhan nilang magkasintahan ay napalitan ng seryoso at
tahimik na kapaligiran. Maging hanggang sa sasakyan ay nanatiling tahimik si
Jerome. Matipid na lamang ang mga sagot nito sa bawat tanong ng kasama.

Hindi gaanong kumikibo si Jessica. Sinusubukan niyang magtimpi sa nakikitang


reaksiyon ni Jerome. Ngunit habang nasa kalagitnaan ng tahimik na pagmamaneho ng
lalaki, napadaan sila sa isang tahimik na parke. Hindi niya na napigilan pa ang
sarili.

"Itabi mo ang sasakyan Jerome."

Tila walang narinig ang kanyang kasama at patuloy lamang ito sa seryosong
pagmamaneho. Hindi niya na natiis ang sama ng loob.

"IHINTO MO ANG SASAKYAN JEROME! IHINTO MO SABI!" namumula ang mukha sa galit na
sigaw niya.

Natauhan si Jerome sa sigaw niya at agad-agad nitong itinabi ang sasakyan. Mabilis
siyang lumabas dito at nagtatakang sinundan siya ng lalaki. Naglakad siya papunta
sa lilim ng isang malaking puno at paulit-ulit na huminga ng malalim. Gusto niyang
maiyak sa bigat ng nararamdaman.

"Jessica..." mahinang tawag sa kanya ni Jerome habang papalapit sa kanya.

"Anong nangyayari sayo Jerome ba't ka ba nagkakaganito?" tanong niya nang hindi
nakatingin sa mga mata ng kasintahan.
Hindi siya sinagot ng lalaki. Naghintay pa siya ng mga ilang sandali, umaasang baka
nag-iisip lang ito ng tamang paliwanag. Subalit nang wala talaga siyang marinig na
anumang sagot ay saka niya lamang ito diretsong tiningnan sa mga mata.

"B-Bakit ka nagkakaganito? D-Dahil ba ito kay Sandra?" tanong niya dito habang puno
ng takot ang kanyang dibdib.

Tiningnan lamang siya ni Jerome. Napalunok at halatang nahihirapang magsalita.

"May gusto ka ba kay Sandra? May nararamdaman ka ba para sa kaibigan ko, Jerome?!"

Lumapit siya sa boyfriend nang may nangingilid na luha. Tinitigan niya ito sa mga
mata. Ginantihan nito ang mga titig niya at nakita niya sa mga mata nito ang isang
nahihirapang damdamin. Nagsimulang pumatak ang kanyang mga luha at pinagsusuntok
niya ang binata sa dibdib.

"May nararamdaman ka ba kay Sandra, Jerome! SUMAGOT KA! SAGUTIN MO AKO JEROME!"

Pinigilan ni Jerome ang kanyang sumusuntok na mga kamay at bigla itong yumakap ng
mahigpit.

"Patawarin mo ako Jessica.....I'm sorry......I'm sorry.....Hindi ko ito


sinasadya...Hindi ko gustong saktan ka...Hindi ko ito ginusto..."
Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Pakiramdam niya ay para siyang mauupos na
kandila sa pag-amin ni Jerome. Pilit niyang ikinalas ang sarili sa mga yakap nito
at tulalang naglakad patungo sa isang mahabang upuan. Nang makaupo ay muli siyang
napahagulhol.

"Paano mo ito nagawa sa akin Jerome? Paano mo ito nagawa..."

Sinundan siya ng binata at tumabi ito sa kanya. Muli siya nitong niyakap ng
mahigpit.

"I'm sorry ...Hindi kita gustong saktan. Nilalabanan ko ito Jessica...Believe


me...Ginagawa ko ang lahat para labanan to..."

Kumawala si Jerome sa pagkakayakap sa dalaga at napasapo sa mukha. Tahimik siyang


naiyak. Hindi nya kayang patawarin ang sarili sa mga sandaling iyon. Parang
hinihiwa ang dibdib niya sa nakikitang pag-iyak ng kasintahan. Paano niya nagawang
saktan ang babaeng mahal niya. Gulong gulo na ang kanyang isip at parang sasabog na
ang dibdib niya sa dobleng sakit na nararamdaman. Nasasaktan sya dahil sa pananakit
na nagawa niya kay Jessica ngunit nasasaktan din siya dahil kay Sandra.

"Tulungan mo ako Jessica...tulungan mo ako."

Huminto sa pag-iyak ang dalaga at nagpahid ito ng luha. "A-anong ibig mong
sabihin?"

"Tulungan mo akong mawala ang nararamdaman ko kay Sandra...Pinipilit ko pero hindi


ko na ito kayang labanan. Tulungan mo akong makawala dito please..."
Tumigil sa paghikbi niya si Jessica at dahan-dahang nagseryoso ang mukha habang
nakatingin sa boyfriend.

"Sinasayang mo lang ang nararamdaman mo para kay Sandra. Hindi ito kailanman
tatanggapin ng kaibigan ko."

"Alam ko...alam ko..."

"Mahal mo ba talaga ako Jerome?"

Inangat ng binata ang mukha at naluluhang tumingin sa kasintahan.

"Oo naman. Mahal na mahal kita Jessica at hindi kita ipagpapalit dahil lamang sa
maling nararamdaman ko..."

Tumahimik si Jessica at nag-isip ng malalim. "Ipaglalaban kita Jerome... Hindi ako


papayag na mawala ka at masira ang relasyon natin dahil dito. Tutulungan kita sa
pinagdadaanan mo...Tutulungan kitang burahin si Sandra sa puso mo... Yun ang dapat
dahil kung hindi kita ipaglalaban ay mas lalong hindi ka ipaglalaban ni Sandra.
Simula ngayon ay pag-aralan mo nang tanggalin ang kaibigan ko sa puso mo dahil
kailanman ay hindi ka magkakapuwang sa puso niya...mahal na mahal kita
Jerome...kung kaya't kahit sa ganitong pagkakamali ay ayokong makita kang
masasaktan..."

Muling tumulo ang mga luha ni Jessica at niyakap naman kaagad ito ni Jerome.
"Salamat...salamat Jessica and I'm sorry...I'm so sorry...Gagawin ko ang lahat para
matapos na ang lahat ng ito"

------

Tahimik at seryoso ang mukha ni Jerome habang nag-aabang ng elevator. Hindi niya pa
rin kayang patawarin ang sarili sa nagawa kay Jessica. Sapat na siguro ang nangyari
upang matauhan siya. Hindi niya kayang makitang muling umiyak ang kasintahan ng
dahil sa pagkakamali niya.

Nagbukas ang pinto ng elevator at nang makapasok siya dito ay noon nya lang
napansing kasabay nya pala si Sandra. Binigyan siya nito ng matamlay na ngiti.
Hindi niya naman makayanang tumingin ng diretso sa kapitbahay. Unti-unting
bumabalik ang sakit na nararamdaman nya dahil sa nalaman.

Hindi sila nag-imikan ngunit nang papalabas na si Sandra sa elevator ay hindi niya
natiis ang sarili. Pinigilan niya ang isang braso nito at sabay pindot niya sa
rooftop.

"Pwede ba tayong mag-usap Sandra?" mahinahong pakiusap niya.

Hindi tumutol ang kapitbahay at tahimik lamang itong sumunod sa gusto niya.
Muli silang naupo sa mahabang upuan. Lumipas muna ang mahabang katahimikan bago
siya nakapagsalita.

"Patawarin mo ako Sandra...nasaktan ko ulit ang kaibigan mo ..."

"Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin pagdating sa ganyang bagay... kay


Jessica mo dapat sinasabi yan."

"Sandra, susundin ko na lahat ng pangako ko sa'yo nang wala akong hinihinging


kapalit..."

Naguluhan si Sandra sa sinabi ng lalaki. "Anong ibig mong sabihin?"

"Nakahanda na akong sumunod sa lahat ng pakiusap mo nang hindi ka pinipigalan sa


anumang bagay na gusto mong gawin. Malaya ka na sa kasunduan natin Sandra...K-Kung
gusto mong umalis ng New York, h-hindi na kita pipigilan."

Huminga ng malalim si Sandra at tumingin sa malayo ng may blankong mukha. "Mabuti


naman kung ganoon...Sa wakas ay nakapagisip-isip ka na. Yan lang ba ang sasabihin
mo? Pwede na ba akong bumaba?"

"Totoo ba ang sinabi ni Jessica na may relasyon na kayo ni Clark Montecastro?"

Napangisi si Sandra sa tanong. "Akala ko ba kakasabi mo lang na wala ka ng pakialam


sa mga bagay na gusto kong gawin?"
"Hindi ako tumututol...Gusto ko lang marinig ang sagot mo."

"Ito ang unang pagkakataong bibigyan kita ng diretsong sagot Jerome. Dahil alam
kong pagkatapos ng pag-uusap nating ito ay magiging iba na ang takbo ng mundo
nating dalawa...Oo, may relasyon na kami ni Clark."

"Mahal mo ba siya?"

"Wala pa akong alam sa pagmamahal. Ito ang unang pagkakataong binuksan ko ang puso
ko sa isang relasyon. Ngunit malinis ang intensyon ko sa pakikipagrelasyon ko kay
Clark. Pumasok ako dito dahil gusto ko rin syang mahalin."

"Sa tingin mo ba ay maalagaan at maipagtatanggol ka niya?"

"Nagkakamali ka sa pagkakakilala mo sa kanya, Jerome. Mabuti siyang tao at alam


kong madali ko siyang mamahalin. Nararamdaman kong hindi nya ako pababayaan. Wala
kang dapat ikabahala dahil kung nag-aalala ka para sa akin siguro naman ay mas
higit ang pag-aalala ni Clark. Kaya't tanggalin mo na ang anumang bagay na
kinatatakutan mo para sa akin. Simula ngayon ay isipin mo na lamang kung papaano
maging maayos ang relasyon niyo ng kaibigan ko at dapat simula din ngayon ay
ipapaubaya mo na kay Clark lahat ng mga pag-aalala na nararamdaman mo para sa
akin."

"Natatakot lang ako Sandra na baka hindi ka maging masaya..."

"Wala kang dapat ikatakot dahil ngayon pa lang ay masaya na ako kapag kasama ko si
Clark."
Tumayo si Sandra. Gusto niya nang makawala sa pag-uusap nila ng kapitbahay. Ngunit
bago pa man siya humakbang ay hinawakan ng binata ang kanyang palad.

Yumuko si Jerome habang pilit pinipigilang tumulo ang luha. Hinawakan niya ng
mahigpit ang palad ni Sandra. Naririnig niya ang utos ng kanyang dibdib na huwag
itong pakawalan.

"Ingatan mo ang sarili mo Sandra..."

"Huwang mong hahayaang masaktan ka..."

"Huwag mong hahayaang pabayaan ka nya..."

"Sana...maging masaya ka kay Clark..."

Kumawala ang mga luha na pilit niyang nilalaban. Napakabigat sa loob ng kanyang
gagawin. Nagsusumigaw ng pagtutol ang kanyang damdamin subalit kailangan niyang
mamili. Kailangan niyang gawin ang tama... Hanggang sa dahan-dahan niyang
pinakawalan ang kamay ng dalaga.

Itinuloy ni Sandra ang paglalakad nang hindi na nagawang tingnan pa ang kausap.
Tahimik niyang iniwan ang nakayukong lalaki. Ngunit bago pa man siya makarating sa
bukana ng rooftop, isa-isa nang pumapatak ang kanyang itinatagong mga luha...
Nasasaktan siya. Ang sakit-sakit ng nararamdaman niya. Parang may paulit-ulit na
tumutusok sa kanyang dibdib at nahihirapan siyang huminga. Hindi niya alam na
ganito pala kasakit ang mararanasanan para maibasura ang nararamdaman mo para sa
isang tao.

Hindi nya alam. Ang halik. Ang saya. Ang sakit. At ang umiyak nang dahil sa lalaki.
Lahat ng ito ay bago. Lahat ng ito ay ngayon nya lang naramdaman...At lahat ng ito
ay hindi pala ganun kadaling itapon...

*******************************************
[22] BAGONG PANIMULA
*******************************************

*****

Tahimik ang buong playground. Mag-isang nakaupo si Missy sa apat na nakahilerang


mga swing. Matamlay itong nakayuko habang sumisipa-sipa sa buhangin. Wala itong
kamalay-malay na dahan-dahan at walang ingay na naglalakad papalapit sa kanyang
likuran si Sandra. Inilapag ng dalaga ang bitbit na regalo at nakangiting tinakpan
nito ng mga kamay ang mga mata ng malungkot na bata.
"Bakit malungkot ang cute na bata?!"

"Miss Sandra!" masayang bulalas ng bata nang makilala ang boses ng kanyang
pinakahihintay na bisita.

Tinanggal ni Sandra ang pagkakatakip ng kanyang kamay sa mga mata ni Missy at agad
na napatayo ang bata sa swing. Nakangiting niyakap siya nito.

"Miss Sandra, akala ko nakalimutan mo na ako!"

"Pwede ko ba namang makalimutan ang cute na si Missy. Ah teka may ibibigay ako para
sayo." kinuha niya ang regalo at iniabot ito sa bata. "Tsaran! Happy birthday!"

"Maraming salamat po!" dali-daling kinuha ni Missy ang regalo at kinapa-kapa ito.
"Miss Sandra bakit ngayon lang po ulit kayo napasyal dito? Palagi ko na lang po
kayong hinihintay. Matagal ko na po kasing namimiss ang mga stories nyo."

Naupo sa katabing swing si Sandra.

"Pasensiya ka na Missy madami kasing inasikaso si Tita Sandra. Pero siyempre kahit
maraming marami akong ginagawa ay hindi ko pa rin makakalimutan ang birthday mo..
kaya, bilang kabayaran ko sa mga hindi pagdalaw sayo, sasamahan kita hanggang sa
huling minuto ng birthday mo."

"Talaga! Ibig mong sabihin hanggang gabi, hanggang sa makatulog ako?"


Nakangiting tumango si Sandra. "At bago ka matulog ay kukuwentuhan pa kita ng mga
bagong stories!"

"Alam ko naman pong hindi nyo ako nakalimutan kasi palagi pa rin kayong nagpapadala
ng mga gifts sa akin kahit hindi kayo nakakapunta. Totoo po pala ang sabi sa akin
ni Tito Jerome na dadalawin nyo na lang ako isang araw!"

Biglang tumamlay ang mga ngiti ng dalaga nang marinig ang pangalan ng
basketbolista.

"Dadalhin ko po muna sa kuwarto ang regalo nyo. Excited na po kasi akong buksan
ito! Promise po babalikan ko kayo agad!"

"Sige Missy...hihintayin kita dito.Huwag kang tatakbo ha baka madapa ka"

"Opo."

Matiyagang naglakad papaalis ng playground ang bata subalit nang medyo nakakalayo
na ito kay Sandra ay bigla itong kumaripas ng takbo. Natawa naman ang dalaga sa
nakita.

Habang naghihintay, itinulak ni Sandra ng mga paa ang swing at parang batang
sumakay dito. Nakangiting ipinikit niya ang mga mata habang ninanamnam ang pagduyan
sa sarili at ang malamig na simoy ng hanging tumatama sa kanyang pisngi.
Sa di kalayuan, may mga matang nanonood sa babae. Tahimik siyang tinatanaw ni
Jerome...

Magtatatlong buwan na ang nakakalipas buhat ng gabing binitawan ni Jerome ang kamay
ng dalaga at ipinaraya niya ito kay Clark. Simula nang gabing yun, hindi niya na
nakausap at nakita pa ang kapitbahay. Ginawa niya ang lahat ng paraan upang tuluyan
itong maiwasan. Pansamantala siyang tumira sa isang hotel malapit sa tinitirhan ni
Jessica. Ibinalik niya ang buong atensiyon sa girlfriend at basketball. Pinunan
niya lahat ng mga naging pagkukulang niya sa kasintahan habang unti-unti namang
naghihilom ang sakit na dulot ng pagpaparaya niya kay Sandra. Sa ngayon ay bumalik
na sa normal ang relasyon nila ni Jessica.

Seryoso niyang tinitingnan ang nakasakay sa swing na dalaga. Matagal niya itong
hindi nakita. Matagal nya itong iniwasan at hindi niya akalaing dito ito sa kanyang
foundation muling makikita. Wala siyang anumang naging balita tungkol sa babae.
Maging ang girlfriend ay hindi kailanman muling nagbanggit ng anumang bagay tungkol
sa kanyang kaibigan. Masaya kaya ito sa piling ni Clark? Sa kanyang nakikita ay
mukhang mapayapa naman ang hitsura nito. Wala siyang nakikitang bakas ng anumang
kalungkutan.

Wala siyang intensiyong lapitan si Sandra. Sapat nang nakita niya ito pagkalipas ng
ilang buwan. Tumalikod siya upang bumalik sa opisina ng foundation subalit biglang
may maliliit na mga brasong yumakap sa kanyang hita.

"Tito Jerome! Andito din po kayo?"

"Missy! Happy Birthday! Siyempre pumunta ako para dalawin ang isa sa mga paborito
kong mabait na bata!" sabay karga niya sa bata.

" Andito rin po si Miss Sandra! Halika Tito Jerome samahan nyo ako kay Miss
Sandra!"

"Ah Missy, may gagawin pa kasi si Tito Jerome sa opisina..."

"Sige na po. Ipapakita ko lang kay Miss Sandra na dinalaw nyo rin po ako. Samahan
po natin siya sa playground baka nalulungkot na siya mag-isa doon. Tulungan nyo
akong kausapin siya baka ma-bored si Miss Sandra, iwanan nya ako kaagad."

Wala siyang nagawa sa pagpupumilit ni Missy. Nahirapan siyang tanggihan ang batang
may kaarawan. Pagkababa niya dito ay hinawakan nito ang kanyang kamay at hinila
siya papalapit sa kinaroroonan ni Sandra.

"Miss Sandra! Andito din po si Tito Jerome!"

Muntik nang mawala ang balanse ni Sandra nang marinig ang pangalang binanggit ng
bata. Itinigil niya ang pag-swing. Natatakot siyang lumingon sa kanyang likuran.
Sana ay niloloko lamang siya ni Missy.

"Mukhang proud na proud si Missy sa kanyang espesyal na bisita ah."

Lumakas ang kabog sa dibdib niya nang marinig ang boses ni Jerome. Ngayon niya lang
ulit ito makakaharap pagkatapos ng isang gabing iniyakan niya ito ng husto. Ilang
ulit muna syang napalunok bago naibaling ang mga paningin sa binatang nakatayo sa
tabi niya.

"Je-jerome?"
Tiningnan ni Jerome ang mukha ng nakaupong dalaga. Halatang naaasiwa ito.
Pagkatapos ng lahat-lahat ngayon niya lang ulit nakita ang mukha nito sa malapitan.
Huminga siya ng malalim at naupo sa katabing bakanteng swing. Pipilitin niyang
maging natural ang pakikipag-usap sa babae.

" Tama po kayo Tito Jerome! Dinalaw talaga ako ni Miss Sandra! Meron din po siyang
regalong stuff toy sa akin. Pinangalanan ko na ito...ah okay lang po ba Miss Sandra
tawagin ko syang Potpot."

Mabilis na ibinaling ni Sandra ang atensyon sa bata. Binigyan niya ito ng malaking
ngiti upang huwag ipahalata ang kabang nararamdaman. "Potpot? Wow ang gandang
pangalan naman nyan! Alagaan mong mabuti si Potpot ha? Pag nalulungkot ka
kakausapin at yayakapin mo lang siya para maging masaya ka na ulit!"

Masiglang sumakay ang bata sa isa pang bakanteng swing nang hindi nabubura ang mga
ngiti nito sa mukha. "Alam nyo Tito Jerome sabi ni Miss Sandra sasamahan nya daw
ako hanggang matapos ang birthday ko!"

"Mukhang magbabawi sa mga utang niya si Tita Sandra mo ah." nakangiting wika ng
lalaki.

"Nasaan po si Tita Jessica bakit hindi nyo siya kasama ngayon? Namimi-miss ko na
rin po siya.."

"May importanteng trabaho ngayon si Tita Jessica. Pero hindi niya nakakalimutang
birthday mo. Sigurado ako mamaya lang ay may ipapadala yun para sayo!"

"Talaga po! Alam mo Miss Sandra binabasahan din po kami ng stories ni Tita Jessica!
Sayang wala siya ngayon...Miss Sandra nasaan po yung boyfriend nyo? Nasaan po si
Tito Clark?"

"Wala siya dito ngayon sa New York, Missy kaya hindi nya ako nasamahan..."
Walang tigil sa kakadaldal niya ang bata habang walang kamalay-malay sa
nararamdaman ng dalawang kausap na parehong nagkakaasiwaan. Biglang nanlaki ang mga
mata ni Missy na tila may naalalang sabihin.

"Tito Jerome yayain nyo po si Miss Sandra sa outing natin!"

"Tanungin mo siya Missy kung gusto niyang sumama. Baka kasi tanggihan ako ng Tita
Sandra pag ako ang nagyaya."

"Miss Sandra sumama ka na pleaseee....May-outing daw kami sa isang magandang ilog.


Samahan mo naman ako Miss Sandra."

"Kelan ba yan Missy?"

"Tito Jerome ilang tulog pa po ba?"

"Pitong tulog pa Missy."

"Pitong tulog pa daw po. Samahan mo naman ako Miss Sandra. Wala po kasi akong
makakalaro. Gusto ko ikaw na lang!"

"Hindi ko alam kung makakasama ako Missy. Kasi may trabaho si Tita Sandra. Saka wag
kang mag-alala kasama naman sigurado si Tita Jessica. Hindi ka pababayaan noon.
Hayaan mo ibibilin ko sa kanyang bantayan ka."

Tumahimik bigla ang bata. Yumuko ito at ang kaninang masiglang mukha ay unti-unting
tumamlay. Napansin agad ito ni Sandra at bigla syang nakaramdam ng awa.

"Sige Missy...sasamahan kita. Ipagpapaliban ko na lang muna ang trabaho ko."

"Yehey!!!! Isama mo na rin si Tito Clark para mas masaya!"

"Susubukan ko siyang yayain pero hindi ko maipapangako kasi masyadong busy si Tito
Clark, Missy..."

"Ah ganun po ba. Pero okay lang basta ang importante kasama po kayo!"

Sumigla ulit ang pakiramdam ni Missy. Tumayo ito sa swing at nagsimulang magtatakbo
sa playground na tila may hinahabol na paru-paru.

Tahimik naman ang dalawang naiwang kausap ng bata. Pareho itong nagpapakiramdaman.

Unang binasag ni Jerome ang katahimikan. "Salamat at dinalaw mo si Missy. Madalas


kang hanapin ng batang iyan." sabay hinga niya ng malalim at tingin sa katabi.
"Kumusta ka na?"
Binigyan ni Sandra ng tipid na ngiti ang kausap.

"Maayos naman..."

"Kumusta na si Clark?"

"Okay lang din. Nasa Texas siya ngayon. Masyado siyang busy sa trabaho nitong mga
huling araw."

"Mahirap bang maging girlfriend ng presidente ng Bluestar?" biro ng binata.

Napangiti naman si Sandra sa biro."Naiintindihan ko si Clark sa pagiging busy nya.


Simula't sapul alam ko naman kung ano ang mga responsibilidad nya."

"Kumusta naman ang trabaho mo?"

"Masaya pa rin naman... Congratulation nga pala narinig ko kay Miss Vicky na
nakapasok kayo sa finals. Mabuti naman at nagbunga ang mga pagsusumikap mo. Hindi
talaga maikakaila na magaling kang player."

"Salamat. Nakakapanibago ah parang ngayon ko lang yata narinig na pinuri mo ang


paglalaro ko."
"Hindi na mo na kasi kailangan ang puri ko para maniwalang magaling ka, hindi ka
naman sisikat kung hindi ka magaling."

"Yun nga lang hindi pa rin kami pinalad na manalo ng championship. Pero ang
mahalaga naman sa akin ay ang nakapasok kami sa finals."

"Di bale bata ka pa naman marami pa ang mga pagkakataong mapapanalunan mo ito."

Biglang sumulpot ulit ang naglalarong si Missy. Hawak-hawak nito ang isang bagay na
kanina niya pa sinusubukang hulihin.

"Miss Sandra tingnan nyo po oh! Ang galing-galing ko nakahuli ako ng tutubi!"

Nanlaki ang mga mata ni Sandra nang makita ang insekto. Bigla itong napatayo.
"Eeeeeeeeeeeeiii bitawan mo yan Missy!"

Mas lalo namang inilapit ng bata ang tutubi na takang taka sa reaksyon ng dalaga.

"EEEEEeeeeeeiiii! Missy Ilayo mo yan pleaseee!"

Nataranta na ang dalaga ngunit hindi pa rin lumalayo ang bata. Naguguluhan ito sa
ibig sabihin ng pagtili ni Sandra.
Nang pilit ng iniaabot ng bata sa kamay ni Sandra ang insekto ay hindi na nakayanan
ng babae ang pagkataranta bigla itong lumapit kay Jerome upang humingi ng saklolo.

"Jerome tulungan mo ako! Ilayo mo yang tutubi pleasssseee!"

Nabigla si Jerome nang biglang kumandong at yumakap sa kanya si Sandra. Kitang-kita


sa mukha nito ang takot at pandidiri sa tutubi. Ipinatong nito ang mukha sa balikat
niya at pumikit .

"Jerome! Palayuin mo sabiiii!"

Tuwang-tuwa naman si Jerome sa natatarantang hitsura ni Sandra. Lihim niyang


sinenyasan si Missy na ilapit pa lalo ang tutubi. Lalong humigpit ang pagkakayakap
ng dalaga sa kanya at mas lumakas ang tili nito nang maramdamang lumalapit pa rin
ang bata.

"EHEM!...EHEM!"

Napatingin si Missy sa pinanggalingan ng boses.

"Miss Mylene!" agad nitong binitawan ang tutubi at sabay takbo patungo sa
kinatatayuan ng sekretarya nang makitang may bitbit itong regalo.

Naramdaman ni Sandra ang paglayo ni Missy. "Wala na ba?"


"Wala na..." sagot ni Jerome.

Dahan-dahang iminulat ni Sandra ang mga mata. Nagulat siya nang makita ang tutok na
tutok sa kanyang mukha ng lalaki. Nanlaki lalo ang kanyang mga mata nang
mapagtantong nakakandong at nakayakap siya dito. Agad- agad siyang tumayo at
nahihiyang humingi ng despensa.

"Pasensiya ka na medyo takot kasi ako sa tutubi..."

Tatawa-tawa lamang ang binata. "Alam ko. Nakuwento na yan ng kaibigan mo...takot ka
rin sa tipaklong di ba?" wika nito ng may pilyong mga ngiti.

"Huwag mong sasabihin kay Missy yan ha!" kinakabahang sambit ni Sandra.

"Haha! Missy halika manghuli tayo ng tipaklong!"

Nilingon ni Jerome ang bata ngunit agad na nawala ang mga ngiti sa mukha niya nang
mapagtantong narorooon nga pala ang sekretarya ng girlfriend. Nakapamewang ang
isang kamay nito habang nagdududang nakatitig sa kanila ni Sandra.

"Missy? Anong hawak mo kanina?" seryosong tanong ni Mylene.

"Tutubi po."
"Pwes manghuli ka ng ipis! Ilapit mo sa akin at gusto ko ring magpakandong!"

Hindi inintindi ni Jerome ang mga pasaring ng sekretarya sa halip ay kaswal niya
itong nilapitan. "Napadalaw ka Miss Mylene."

"Dinideliver ko lang ang cake na padala ni Ma'am Jessica kay Missy!" sabay tingin
nito ng masama kay Sandra.

Nginitian lamang ni Sandra ang sekretarya nang mapansin ang nagdududa nitong
reaksiyon.

"Halika na Missy! May cake palang bigay sayo si Tita Jessica. Yayain mo na ang iba
pang mga bata." masiglang yaya ni Jerome upang mailihis ang atensiyon ng mga
nagpapakiramdamang mga mata.

------

"Nagkita daw kayo ni Sandra sa foundation"

Hindi makatiis si Jessica na huwag tanungin ang boyfriend nang makaharap ito sa
regular na pagsundo nito sa kanya. Pagkasakay niya ng kotse at hindi pa man
nakakapagsuot ng seatbelt ang lalaki ay agad niya na itong siningil tungkol sa mga
nalaman niya mula kay Mylene.
"Ah, oo. Dinalaw nya si Missy sa birthday nito." kaswal na sagot nito.

"Kumusta naman ang pagkikita nyo?" tanong niya habang pinipigalang huwag tumaas ang
isang kilay.

"Maayos naman. Nagkumustahan ng konti."

"Konti? Eh bakit mukhang meron atang yakapan at kandungan na nangyari?"

Biglang naalala ni Jerome ang nangyari at bahagya itong natawa. "Pati ba yan ay
naikuwento rin ni Miss Mylene?"

"Natatawa ka pa. Mukhang totoo nga at nag-enjoy ka ha!"

"Sisihin mo si Missy."

"Si Missy?"

"Sisihin mo siya dahil nanghuli siya ng tutubi!" natatawa pa ring wika ng binata.

Tinitigan ni Jessica sa mga mata ang binata. Hinuhuli ito kung nagsasabi nga ng
totoo.
"Oh wag mo akong titigan ng ganyan! Ikaw na mismo ang may sabi na takot na takot sa
tutubi ang kaibigan mo!" tatawa-tawa pa ring wika ng lalaki na tila ikinatutuwa pa
ang nakikitang pagseselos ng kasintahan.

Hindi na umimik pa si Jessica ngunit nanatiling nakasimangot pa rin ang mukha niya
at nakatingin ng diretso sa labas. Hinawakan naman ni Jerome ang kamay niya at
sinimulan siyang amuhin.

"Jessica, wala ka ng dapat ipag-alala. Tapos na ang lahat. Ituring na lang natin
itong parte ng nakaraan. Masaya na ang kaibigan mo kay Clark at wala ka nang dapat
ikabahala. Hindi ko na hahayaang maulit pa ang mga nangyari. Huwag na nating ibalik
pa ang nakaraan...ang mahalaga ay masaya tayo ngayon at masaya rin ang kaibigan mo"

"Nung makita mo ba siya ay wala ka ng nararamdaman?"

Hinalikan ni Jerome ang kamay ng kasintahan. "Huwag na nating pag-usapan ang bagay
na yan. Kahit wala na o kahit may natitira pa, ang importante ay hindi na ito
muling lalaki pa dahil may mahal ng iba si Sandra. At ikaw ang pinili ko
Jessica...Ang mahalaga sa akin ay ang maging masaya tayong dalawa."

Humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Jessica. Naniniwala siya sa lahat ng


binitawang salita ng kasintahan. Simula nang umamin ito tungkol sa nararamdaman
niya kay Sandra at nangako sa kanya ay nakitaan niya naman ito ng malaking
pagbabago.

"Teka, paano mo nasabing masaya si Sandra? May sinabi ba ito sayo? Hindi kasi
nagkukuwento man lang sa akin ang babaeng yan pag nagkikita kami. Masyadong malihim
sa personal nyang buhay!"
"Wala siyang gaanong naikuwento. Nakita ko lang sa mga mata niya na masaya siya kay
Clark."

Nagseryoso bigla ang mukha ni Jerome at nag-isip ng malalim. "Jessica, sa palagay


ko pwede na akong bumalik sa apartment."

Agad na naalis sa pagkakasandal niya sa upuan si Jessica. "Anong ibig mong sabihin?
Nagkita lang kayo ni Sandra, gusto mo na kaagad bumalik sa condo mo! Yan ba ang
wala ng nararamdaman?"

"Kaibigan at pamilya mo si Sandra, Jessica. Hindi habang buhay ay maiiwasan ko


siya. Kailangan ko siyang harapin. Sapat na ang panahong naibigay ko sa sarili ko
para mapag-isipan at magamot ang nararamdaman ko. Ito na ang tamang panahon na
kailangan ko na siya uling harapin upang tuluyan ng maibalik sa normal ang lahat.
Sa pagkakataong ito ay may kumpiyensa na akong hindi na ako muling magkakamali
pa...Ibalik natin sa dati ang lahat Jessica. Ibalik natin ang lahat sa dating
ayos... Ako bilang boyfriend mo at si Sandra bilang matalik na kaibigan ng
girlfriend ko..."

Hindi na muling nagsalita pa si Jessica. Bagama't may konti pa rin siyang pangamba
ay may tiwala na siya kay Jerome dahil sa lahat ng ipinakita at pinatunayan nito.
Gusto niya ring maibalik sa normal ang lahat. Hindi niya rin gustong maging pangit
ang samahan ng kaibigan niya at ng boyfriend. Tama si Jerome. Wala na siyang dapat
ikatakot dahil nagmamahal na si Sandra.

--------

Sa isang VIP Room ng mamahaling restaurant. Nagkaharap-harap sina Sandra, Clark at


ang matandang Montecastro.
"Anong katarantaduhan to Clark? Inimbita mo ba ako dito para iharap lamang ang
walang kuwentang babaeng iyan?!"

"Dad, inimbita kita rito upang pormal na ipakilala sayo si Sandra bilang girlfriend
ko."

"Hah! At sa tingin mo ay matatanggap ko ang babaeng iyan dahil sa isang simpleng


imbitasyon lamang! Ikaw babae, wala kang kuwentang kausap! Akala ko ba ay iiwasan
mo ang anak ko? Ano tong ginawa mo imbes na iniwasan mo ay nakipagrelasyon ka pa?
Ganyan ka ba talaga katapang?! Hinahamon mo ba talaga ako!"

Pinipilit ni Clark na huwag patulan ang mga bastos na salitang lumalabas sa bibig
ng magulang. Sa halip ay palihim niyang hinawakan ng mahigpit ang palad ng
nakayukong nobya. Gusto niya itong bigyan ng lakas ng loob upang wag matakot sa
nanggagalaiting ama.

"Pumunta kami dito Dad bilang respeto sa inyo. Tumutol ka man o hindi ang
importante ay ipinaalam namin sainyo ang katotohanan ng relasyon namin ni Sandra."

"Hindi mo na kinakailangang iharap sa akin ang baliw na babaeng iyan! Maghanap ka


ng ibang babae! Iharap mo sa akin kahit sino! Wag lang ang miserable at
hampaslupang tao na ito!"

Unti-unti ng nangangalit ang mga panga ni Clark. Nagkikiskisan na ang kanyang mga
ngipin sa panggigigil. Malapit niya nang hindi matiis ang mga pagmamaliit ng ama sa
girlfriend.

"Pumunta kami ni Sandra dito ng may dalang respeto sayo Dad kaya wag niyong
pagsalitaan ng ganyan ang girlfriend ko..." madiin ngunit mahinahon pa ring wika
niya.

"Hindi ko kailangan ang respeto nyo! Lalong-lalo na ang respeto ng babaeng ito.
Kung talagang may respeto ka sa akin ay sundin mo kung ano ang gusto ko para sayo!
Hoy babae! Kapag hindi mo sinunod ang pangako mo sa akin, hindi ako magdadalawang-
isip na isakatuparan ang mga banta ko sayo!"

Hindi na nakayanan ni Clark na magpigil. "Subukan nyo Dad! Subukan nyong kantiin si
Sandra o kung sino man sa mga taong malalapit sa kanya dahil ako mismo ang
makakaharap niyo! Wag niyo akong maliitin masyado dahil sa pagkakataong ito ay
kayang-kaya ko na kayong labanan!"

Natawa ng malakas ang matanda at ngumisi ito sa anak. "Tinatakot na ba ako ng


suwail kong anak?!"

"OO! At kapag pinagbantaan mo pa ulit si Sandra ay isasabotahe ko ang lahat ng


kumpanya mo! Pababayaan kong bumagsak ang lahat ng mga negosyo mo! At kung gusto
niyo maghanap kayo ng ibang mamahala dito pero bago pa mangyari yun ay
sisiguraduhin ko sayong huli na ang lahat!"

Tinangka namang awatin ni Sandra si Clark sa pagsagot nito sa ama. "Clark huminahon
ka... wag mong sagutin ang tatay mo..."

"Wag kang mag-alala Sandra ang mga amang katulad niya ay karapat-dapat lang
tratuhin ng ganito. Siguro ngayong nakita mo na ang lahat ay naiintindihan mo na
kung bakit ako lumaking rebelde."

Nakangisi pa rin ang matandang Montecastro na tila hindi natitinag sa banta ng


anak.
"Tayo na Sandra. Nagsasayang lamang tayo ng oras sa pakikipag-usap sa ama ko. Ang
mahalaga ay personal niyang nalamang ikaw ang babaeng mahal ko!"

Tumayo si Clark at hinila ang braso ng dalaga. Wala namang nagawa si Sandra kundi
sumunod sa kagustuhan ng boyfriend. Naiwan sa mesa ang unti-unting nanlilisik sa
galit na ama at bago pa man makalabas ng pintuan ang magkasintahan ay nagbitiw ito
ng salita.

"Tatanggapin ko ang babaeng iyan!... Kung mapapatunayan mo sa akin na mas lalo mo


pang mapapalaki ang kumpanya sa kabila ng pakikipagrelasyon mo sa kanya!
Tatanggapin ko siya kung makikita kong mas mapapaunlad mo pa lalo ang Bluestar.
Kapag nangyari yun ay kikilalanin ko ang babaeng yan!"

Sandaling huminto si Clark at pinakinggan ang sinabi ng ama ngunit hindi na itong
muling lumingon pa.

Nang makaalis ang anak, kinuha ng matandang Montecastro ang kanyang telepono.
"Hello... pasubaybayan mo ulit ang babaeng nagngangalang Sandra Mariano. Alamin mo
lahat ng ikinikilos ng taong ito. Hukayin mo lahat ng natatago pang baho ng babaeng
yan. Gawin mo lahat ng paraan upang magkasira sila ng anak ko!"

Pagdating sa sasakyan ay kaagad na sinuntok ni Clark ang manibela. Nanggigigil


siyang napapahawak sa kanyang mga labi.

"Clark tama na. Huminahon ka...intindihin mo na lang ang tatay mo. Kahit maging ako
man siguro ang nasa lugar niya, mahirap tanggaping nasa ganitong sitwasyon ang
pinakaiingatan niyang anak."

"Bakit? Anong masama sa sitwasyon natin? Masama bang ikaw ang naging girlfriend
ko?"

Hindi sumagot si Sandra. Ayaw niya ng dagdagan pa ang sama ng loob na nararamdaman
ng kasintahan. Kinuha niya ang isang kamay nito at mahigpit itong hinawakan.

"Maghintay ka lang Clark. Huwag mong madaliin ang tatay mo. Maghintay lang tayo ng
tamang panahon. Matatanggap niya rin ang relasyon natin."

Napatingin si Clark sa mukha ng girlfriend. Nakaramdam siya ng awa dito. Kadarating


niya lang mula sa ilang araw na pagbisita sa Texas at ganito kaagad ang isinalubong
nya dito.

"Patawarin mo ako Sandra. Patawarin mo ako kung ang lahat ng ito ay nararanasan mo
ng dahil sa akin."

Tiningnan ni Sandra ng nakangiti ang mga mata ng binata at mas lalo pang hinigpitan
ang pagkakahawak sa mga palad nito.

"Naiintindihan ko, huwag mo akong alalahanin. Kasama ito sa pagtanggap ko sa buong


pagkatao mo, kasama ito sa pagtanggap ko sa pagmamahal mo..."

Maluha-luhang niyakap ni Clark ang kasintahan. "Gagawin ko ang lahat Sandra para
kilalanin ka ng pamilya ko...Gagawin ko ang lahat upang irespeto ka ng ama ko.
Hindi ako titigil...Ipinapangako ko...ipinapangako ko..."

*******************************************
[23] HILAW NA PAGLIMOT
*******************************************

******

Abala si Sandra sa pagkuha ng mga order ng mga nakapilang kustomer. Nakita niyang
pumasok sa loob ng shop si Vicky mula sa katatapos lamang na paglilinis nito sa may
labasan. May bitbit itong magarang bungkos ng mga bulaklak. Inilapag ito sa gilid
ng counter ng kasamahan at hinintay siyang matapos sa pagkuha ng mga order bago ito
nagsalita.
"Bakit parang napapadalas na bulaklak na lang ata ang dumadating ngayon. Mukhang
bihira nang dumating ang nagpapadala?"

"Maraming trabaho si Clark, Miss Vicky."

Kinuha niya ang mga bulaklak at nakangiting inamoy-amoy ito. Pumasok siya sa kusina
at inilagay ito sa pitsel na may tubig.

"Malapit na tayong magmukhang flower shop sa kapapadala ng bulaklak ng boyfriend


mo. Ganyan ba talaga pag ubod ng yaman ang makakarelasyon mo?" dagdag na komento ng
kasamahan.

"Hayaan nyo na. Dito na nga lang bumabawi yung tao. Buti nga naisisingit nya pa ito
sa oras nya."

"Aba at ipinagpapasalamat mo pa yan. Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo sa hindi mo


pagpili ng simpleng lalaki! Tingnan mo ang nangyayari nagmumukha ka lang may secret
admirer sa lahat ng mga bulaklak na ito!" natigilan sa pagsasalita niya si Miss
Vicky at tumingin ito sa kanya ng may nagliwanag na mukha. "Teka ba't ba hindi mo
subukang magtrabaho sa kumpanya ni Clark para at least kahit papaano ay madalas na
kayong magkakasama. Ang yaman-yaman ng boyfriend mo tapos nagtitiyaga ka pa ring
magtrabaho dito. Tingnan mo nga ang mga bulaklak na iyan baka ang halaga ng isang
bungkos niyan ay isang buwang sweldo mo na."

"Hindi ako nagtitiyaga dito. Mahal ko at masaya ako sa trabaho ko. Hindi porke't
may relasyon na kami ni Clark ay magbabago na ang lahat sa buhay ko. Personal na
buhay ko lang ang nagbago yun lang. At alam ni Clark yan, iginagalang niya ang mga
bagay kung saan ako masaya. Ayaw na ayaw niyang isipin ko na may magbabago dahil
lamang sa pera."

Tumahimik bigla ang katrabaho. Mukhang naantig ito sa sinabi niya.


"Alam mo mabait na tao naman talaga yan si Clark. Wala naman akong dudang mahal ka
talaga niyan kaya lang kung ako ang nasa sitwasyon mahihirapan ako. Napaka-
demanding ko pa namang girlfriend. Naninibago lang siguro ako kasi ngayon lang ako
nakasaksi ng relasyon ng isang mahirap na babae at mayamang lalaki. Ah correction,
hindi lang pala basta mayaman kundi ubod at saksakan ng yamang lalaki."

Napangiti na lamang siya. Nasasanay na siya sa madalas na pagbubunganga ng kausap


kapag napapansin nitong napapadalang ang pagdalaw sa kanya ni Clark ngunit kapag
dumadating naman ang boyfriend ay ito pa mismo ang unang-unang natataranta sa pag-
aasikaso.

"Sandra huwag kang magagalit ha, may tanong lang ako.... Nakalimutan mo na ba nang
tuluyan si Jerome Hernandez?" walang prenong tanong ni Vicky.

Muntik nang mabitawan ni Sandra ang hawak na tasa. "B-Bakit naman bigla-bigla nyong
itinatanong ang taong yun?"

"Eh di ba siya naman talaga ang gusto mo bago mo naging boyfriend si Clark."

"Kayo lang naman ang nagsasabi niyan. Hindi naman nanggaling sa bibig ko yan."

"Ay naku! Kahit hindi ka magsalita ay halatang-halata ko sa mga kilos mo. Katulad
ng reaksiyon mo ngayon. Kung hindi mo lang boyfriend si Clark, maniniwala pa rin
akong may gusto ka pa rin sa lalaking iyon!"

Hindi na nakipagtalo si Sandra ayaw niya ng humaba pa ang pinag-uusapan nila.


"Nasaaan na kaya yun? Bakit mukhang hindi na nagpupunta dito? Akala ko pa naman ay
tuluyan na akong masasanay sa mukha nya. Siguro may ibang coffee shop ng
pinupuntahan. "

"Siguro nga." matipid na sagot ni Sandra at sabay pasok niya ng kusina upang
maiwasan ang mga susunod pang sasabihin ng kasamahan.

-----

"Ano magpapaiwan ka na naman ba dito? Aasa ka na namang may susundo sayo? Sabi mo
nga busy siya ngayon kaya sumabay ka na sa amin!" nag-aalalang wika ni Vicky kay
Sandra.

"Sige na mauna na po kayo Miss Vicky, Mr. Castro. Sabi po kasi ni Clark susubukan
nya daw pong makadaan ngayon. Baka po kasi pumunta tapos sarado na tayo."

"Sige ikaw ang bahala basta huwag ka lang masyadong magpapagabi ha at delikado sa
pag-uwi mo." tugon naman ng Mr. Castro.

"Opo. Wag kayong mag-alala isasarado ko po ng mabuti itong shop."

Wala namang nagawa si Vicky kundi mapailing na lamang at iwan ang mapilit na
dalaga...
Naupo sa isang mesa at nakapangalumbabang naghintay si Sandra. Maya't maya siyang
tumitingin sa labas, sa mga sasakyang dumadaan at sa relos. Lumipas ang mahigit
isang oras ng paghihintay ay wala pa ring dumarating na sundo niya. Naisip niyang
hindi na talaga dadating si Clark kaya't napagpasiyahan niyang isara na lamang ang
coffee shop.

Tahimik siyang naglakad papuntang subway habang maya't mayang napapabuntong-


hininga. Mabigat ang kanyang nararamdaman ngunit hindi niya magawang magtampo.
Hindi siya pwedeng magalit. Alam niya kung bakit nagkakaganito ang boyfriend, dahil
ito sa huling binitawang salita ng matandang Montecastro sa restaurant...Ginagawa
ito ni Clark para sa kanya, para sa relasyon nila...

-----

Ilang sandaling tinitigan ni Jerome ang katabing pintuan...bago binuksan ang sarili
niyang pinto. Pagkabukas sa lugar na may katagalan niyang iniwan ay napangiti siya
nang makitang muli ang loob ng sariling bahay. Kaagad siyang nahiga sa kanyang
paboritong sopa. At hindi pa man lubusang nananamnam ang pagbabalik sa sariling
apartment, tumunog na agad ang kanyang telepono. Tumatawag na si Jessica.

"Nalinis ba nang mabuti ng inupahang tao ni Mylene ang apartment mo?" bungad na
pasakalye ng girlfriend.

"Malinis naman."

"Sa loob ka lang ng bahay ha!" diretsahang sambit na ng dalaga.

Natawa si Jerome sa hindi maikubling pagseselos ni Jessica.


"Lalabas ako ng bahay. Alam mo namang miss na miss ko na ang basketball court sa
taas."

"Siguraduhin mong doon ka lang pupunta."

"Bakit may iba pa ba akong pwedeng puntahan?" natatawang tanong ng binata.

"Gusto lang kitang paalalahanan baka kasi pagtuntong mo pa lang ng lobby ay


makalimutan mo na ang lahat."

"Okay po...okay po." napapakamot sa ulong sagot ni Jerome.

"Bye! Goodnight! Mwah!"

"Bye. Goodnight."

Pagkababa ng telepono ay mabilis na nagpalit ng pang-ensayo si Jerome. Sabik na


sabik na siyang muling makapaglaro sa rooftop.

Pagdating sa rooftop, hindi sinasadyang napatingin siya sa mahabang upuang madalas


nilang puntahan ng kapitbahay. Tinitigan niya ito ng ilang saglit. Napangiti lamang
siya nang maalala ang mga nangyari nang huling maupo siya dito. Masigla siyang
naglakad papasok ng gym ngunit nang mapadaan siya sa salaming bintana ng basketball
court ay nakita niyang seryoso at mag-isang naglalaro doon si Sandra.
Nag-atubili siyang tumuloy. Naisipan niyang bumalik na lamang sa kanyang unit.
Ngunit nang nasa pintuan na siya ng gym ay muling naglaro sa isipan niya ang
hitsura ng naglalarong kapitbahay. Bumalik siya at muli itong sinilip. Hindi ito
ang masayang mukhang nakita niya sa birthday ni Missy. Alam niya ring madalas itong
maglaro kapag may malalim itong iniisip. Napagpasiyahan niyang tumuloy sa
basketball court. Tahimik siyang pumasok nang hindi binabati ang babae na mukhang
hindi rin naman namalayan ang pagdating niya.

Nagsimula siyang maglaro habang tila wala pa ring alam ang babae na may kasama na
siya sa laruan. Hanggang sa ilang sandali pa ay nagpunas na ito ng pawis at saka
umalis nang hindi man lamang tumingin sa paligid.

Hindi niya gaanong pinansin ang naging kilos ni Sandra. Sanay na siyang minsan ay
may ganoong ugali ang babae. Ipinagpatuloy na lamang niya ang paglalaro at
sinamantala ang pagkakataong nasolo niya ang basketball court. Pagkalipas ng halos
dalawang oras ay tinapos niya ang pag-eensayo. Pagod at pawisang-pawisang lumabas
siya ng gym.

Nilalaro niya ang ang hawak na bola habang naglalakad papalabas ng rooftop. Nang
malapit na siya sa bukana ay muling napatingin siya sa mahabang upuan. Nagulat siya
nang makitang nakaupo doon ang kapitbahay. Katulad ng dati, nakatingin ulit ito sa
malayo at nag-iisip. Gusto niya sana itong lapitan ngunit biglang naisip niya ang
paalala ni Jessica, kaya't dumiretso na lamang siya sa sariling unit habang maya't
maya pa ring nililingon ang kinaroroonan ni Sandra hanggang sa tuluyan siyang
makaalis ng rooftop.

--------

Makalipas ang ilang araw na paghihintay, nakuha ring bisitahin at sunduin si Sandra
ni Clark. Dinala siya ng nobyo sa kanyang paboritong Mexican restaurant. Maganang-
magana siya habang kumakain, natutuwa siya na muling makita at makasama ang
kasintahan.
"Malapit na akong bumilib sa kaibigan mong si Jessica. Hindi ko akalain na ganun
pala talaga siya kagaling magsulat. Alam mo bang ang libro nya ang top selling item
ng Bluestar?" masiglang balita sa kanya ng lalaki.

Tumigil siya sa pagsubo at agad na nagliwanag ang mukha niya sa narinig. "Talaga!
Ibig mong sabihin totoong nagustuhan din ito ng mga readers niya?"

"Oo at napakabilis ng pag-angat ng sales ng Red Thorn. Na-curious nga ako at binasa
ko yung libro. Tsk..tsk..tsk.. magaling pala talaga sya. Wala sa hitsura ng
kaibigan mo na nakakapagsulat sya ng ganun kaganda, nakakapagtaka..."

Nahalata ni Clark ang masayang mukha ng girlfriend. "Ganyan ka ba ka proud sa


pagsususulat ng kaibigan mo?"

Makailang ulit na tumango si Sandra. "Kinakabahan kasi ako nung una, akala ko hindi
ito gaanong susuportahan ng mga mambabasa dahil mayroong konting pagbabago sa
istilo ng pagkaka-narrate ng kuwento."

"Wow! Pati ba yan ay inaalala mo. Ikaw ba ang pinakamahigpit na kritiko ni


Jessica? Tinutulungan mo ba siya sa pag-aanalisa ng libro bago ito ilabas?"

Nakangiting umiling lamang ang dalaga bilang sagot sa mga tanong ng boyfriend.

"Ah oo nga pala Clark...."

Hindi pa natatapos magsalita si Sandra ay biglang tumunog ang telepono ni Clark.


"Sandra pwede ko bang sagutin ang tawag. Importante kasi ito..."

"Sige okay lang..."

Sinagot ng binata ang telepono at mahigit sampung minuto itong nakipag-usap.


Masigla namang bumalik sa maganang pagkain niya si Sandra.

"Pasensiya ka na. May inaayos kasi akong problema sa branch sa Florida." bigkas ni
Cark matapos itong makipag-usap sa telepono.

"Okay lang...wag mo akong intindihin."

"Teka may gusto kang sabihin kanina..."

"Ah, Clark...pwede bang humiling na itigil mo na ang pagpapadala mo sa akin ng mga


bulaklak." nahihiyang wika ng dalaga.

"Bakit hindi ka ba natutuwa sa mga bulaklak na pinapadala ko?" wika ng lalaki nang
may nagtatampong tono.

"Hindi naman sa ganun...medyo naaasiwa lang ako kasi nagmumukha ng flowershop ang
coffeeshop namin."
"Ginagawa ko yun para ipaalala at ipakita na walang araw na hindi ka pumapasok sa
isip ko."

"Alam ko naman yan...kaya lang hindi mo na kailangan gawin yun. Naiintindihan ko


naman ang lahat. Tsaka nasasayang lang ang oras mo sa pagbili ng mga bulaklak."

"Sige kung yan ang gusto ng girlfriend ko, ititigil ko ang pagpapadala ng
bulaklak... Pero magpapadala pa rin ako ng regalo. Gusto ko lang maramdaman mo na
walang dadaang araw sa buhay ko na hindi ka naging bahagi nito."

Tumahimik na lamang si Sandra at hindi niya na pinagpilitan pa ang gusto.


Pababayaan niya na lamang ang binata sa anumang gustong gawin nito baka sakaling sa
ganitong paraan niya ito matutulungan upang gumaan ang pakiramdam nito mula sa mga
problemang kinakaharap sa trabaho.

"Naalala ko nga rin pala Clark...."

Muling tumunog ang telepono ng binata.

"Excuse me ulit Sandra..."

Sinagot ulit ni Clark ang tawag at may katagalan uling nakipag-usap dito. Tahimik
naman bumalik sa pagsubo si Sandra.

"Sorry ulit. Ano yung gusto mong sabihin?" tanong ng lalaki pagkababa ng telepono.
"Ah mawawala kasi ako ng tatlong araw. Sasamahan ko sa weekend si Missy sa outing."

"Missy? Sinong Missy?"

"Si Missy, nakilala mo na siya. Siya yung matabang batang babae sa foundation ni
Jerome Hernandez..."

Natigilan si Clark sa pagsubo. Binitawan niya ang hawak na kutsara't tinidor nang
marinig ang pangalan ng sikat na manlalaro.

"Maga-outing ka kasama ng mga bata at si Jerome Hernandez?"

"Kasama rin naman sina Jessica at ang mga empleyado ng foundation. Nangako kasi ako
dun sa bata na sasamahan ko siya."

Pansamatalang nagkaroon ng katahimikan. Nag-iisip si Clark samantalang kinakabahang


naghihintay naman si Sandra ng sagot ng kausap.

"Clark...gu-gusto mo ba akong samahan? Humiling din kasi si Missy na sana kasama


ka." nahihiyang tanong ng dalaga habang pilit ikinukubli ang katotohanang siya
mismo ay nagnanais na sana masamahan siya ng boyfriend

Nag-isip ng ilang saglit si Clark. Patong-patong ang mga importanteng appointments


niya sa mga araw na iyon. Ngunit hindi niya hahayaang umalis mag-isa ang girlfriend
lalo pa't kasama si Jerome Hernandez sa outing.

"Sige sasamahan kita. Susubukan kong kanselahin lahat ng mga appointments ko."

"Talaga!"

Parang batang muling nagliwanag ang mukha ni Sandra. Hindi maalis-alis ang mga
ngiti sa mukha niya sa tuwing naiisip na makakasama niya ng matagal-tagal ang
kasintahan. Napangiti naman si Clark nang makita ang masaya ngunit kiming reaksiyon
ng girlfriend...

-------

Iniaabot ni Jerome ang susi ng sasakyan sa valet. Kadarating niya lang mula sa
paghahatid kay Jessica. Hinintay niyang makasakay sa kotse niya ang magpa-park nito
bago pumasok ng lobby. Ilang saglit lang ay may dumating na sasakyan. Si Clark
Montecastro. Inihahatid nito si Sandra. Natukso siyang tingnang ang mga ito ng may
katagalan at nakita niya ang mga nakangiting mukha ng mga ito habang nagpapaalaman.
May bakas ng paglalambingan ang mga kilos ng dalawa sa isa't isa at kitang-kita
niya rin na habang pababa na ng kotse si Sandra ay biglang hinila ito Clark at
mariing hinalikan sa mga labi.

Pansamantala siyang hindi nakagalaw mula sa kinatatayuan. Para siyang naparalisado


sa nasasaksihan. Ang punyal na matagal nang hindi tumatarak sa dibdib nya ay muling
nagbalik. At sa mga sandaling iyon, sinaksaksak siya nito ng paulit-ulit. Mabilis
na ibinaling niya ang mga mata sa ibang direksiyon. Paulit-ulit niyang iniiling ang
ulo at ikinurap ang mga mata upang matauhan. Pinilit niyang ihakbang ang naninigas
na mga paa bago pa man siya makita ni Sandra sa ganoong sitwasyon.

Habang naghihintay sa pagbukas ng pinto ng elevator, paulit-ulit siyang huminga ng


malalim . Pilit niyang tinatanggal sa isipan ang nakitang tanawin sa kotse ni Clark
Montecastro.

"Hi!"

Napatingin siya sa babaeng tumabi at bumati sa kanya. Ang kapitbahay. Bakas sa


mukha nito ang sayang nararamdaman.

"Hi!" nag-aatubiling sagot niya.

"Mukhang ngayon lang yata ulit tayo nagkasabay sa elevator."

Walang alam si Sandra sa pansamantalang pag-alis niya sa apartment. "Ah oo, hindi
lang siguro talaga tayo magtagpo dahil sa pagbabago ng schedules ko nang magsimula
ang playoffs at finals."

Sa loob ng elevator ay lihim niya pa ring sinusulyapan ang dalaga. Hindi pa rin
mabura-bura ang mga ngiti sa mukha nito.

"Oo nga pala Jerome. Sasama daw si Clark sa outing."

"M-Mabuti naman kung ganoon. Siguradong mas matutuwa si Missy."

Sumaya pa lalo ang mukha ng dalaga. At nang makarating sila sa harapan ng kani-
kanilang unit ay nagawa pa siyang batiin nito.
"Goodnight!"

"Go-goodnight!"

Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng bahay ay agad siyang naupo sa sopa.


Napahawak siya sa dibdib. Ano ang nangyayari sa kanya? Bakit ganoon pa rin katindi
ang sakit na naramdaman niya dahil sa nakita? Nagkakamali ba sya ng akala na humupa
na ang pagtingin niya kay Sandra? Nagkakamali ba sya sa desisyong bumalik sa
apartment? Bigla siyang kinabahan sa mga naisip. Dali-dali niyang kinuha ang
telepono. Kailangan niyang makausap si Jessica. Kailangan niyang paalalahanan ang
sarili. Kailangan niyang labanan ang maling tinitibok ng dibdib niya sa mga
sandaling iyon...

*******************************************
[24] SINUNGALING KONG PUSO
*******************************************

*****
May dalawang nakaparadang tour bus sa harap ng Dream High. Lahat ng kasama sa
outing ay nakasakay na sa loob maliban kay Sandra na noon ay nakatayo pa rin sa
labas. Bumaba sa isang bus ang naiinis ng si Jessica.

"Sandra ano ka ba? Nakakahiya kay Jerome, isang oras na tayong naghihintay! Hindi
na darating si Clark! Baka sumunod na lang iyon kasi hiningi niya naman sa akin ang
address!"

"Sandali lang Jessica. Hintayin natin. Fifteen minutes na lang."

"Fifteen minutes na lang talaga ha. Kapag hindi ka pa umakyat ay bubuhatin na kita
dyan sa kinatatayuan mo at ako na mismo ang magsasakay sayo dito sa bus!"

Bumalik sa loob ng bus si Jessica at muling tumabi sa boyfriend. "Pasensiya ka na


Jerome, fifteen minutes na lang daw. Ang tigas ng ulo ng kaibigan kong iyan. Umaasa
pa rin talagang darating si Clark."

Sinilip ni Jerome mula sa bintana ang kapitbahay. Hawak-hawak nito ang telepono
habang paulit-ulit na tumatawag ngunit halatang walang sumasagot sa mga tawag nito.
Maya't maya rin itong tumitingin sa daan at sa relos.

"Madalas ba itong mangyari sa kaibigan mo?" tila kaswal na tanong niya.

"Ano pa ba ang inaasahan niya sa isang presidente ng malaking kumpanya! Syempre


kahit nakapangako sa kanya ang tao eh hindi pa rin maiiwasan na may mga emergency
na maaring mangyari sa trabaho na hindi nito pwedeng ipagpalibang huwag asikasuhin.
Alam naman niyang minsan ay hindi hawak ng boyfriend niya ang oras nito."

Pagkalipas ng labinlimang minuto ay matamlay na umakyat si Sandra sa bus. Tahimik


itong naupo sa tabi ni Missy at huminga ng malalim.

"Ano Sandra pwede na ba tayong umalis?"

Lumingon sa likuran niya si Sandra at matamlay na tumango sa kaibigan. Palihim


namang tinitingnan ni Jerome ang malungkot na babae.

"Huwag kang mag-alala Sandra, susunod yun si Clark. Syempre pababayaan ka ba naman
nun na magbakasyon ng tatlong araw na hindi siya kasama." pampalubag loob na sambit
ni Jessica nang mapansin ang malungkot na mukha ng kaibigan.

Sinagot lamang ni Sandra ng tipid na ngiti ang kaibigan. Alam niyang pinapagaan
lamang nito ang pakiramdam niya. Pero katulad niya, alam na rin nito na may
posibilidad na maaaring hindi na siya siputin ni Clark.

Sinimulang paandarin ng driver ang makina at nagpatutog ito ng mga pambatang kanta.

"Sandali!" sigaw ni Jerome.

Tumayo si Jerome at lumapit sa driver. Binusisi niya ng mabuti ang mga kanta. Gusto
niyang makasiguradong may isang kantang hindi mapapatugtog. At nang matapos tingnan
lahat, saka lamang siya bumalik sa tabi ni Jessica. Tiningnan naman siya ng
girlfriend ng may nagdududang mga mata.
"Gusto ko lang makasiguradong magiging maayos ang byahe natin." pabulong na
paliwanag niya.

Sa gitna ng byahe ay madalas niyang nakawan ng tingin si Sandra. Matamlay pa rin


ito at maya't maya pa ring tumitingin sa telepono na halatang nag-aabang ng text at
tawag...

Umabot ng apat na oras ang naging biyahe nila. Pagdating sa resort ay masayang
nagbabaan ang mga bata. Nabighani ang lahat sa ganda ng tanawin ng kanilang
pagbabakasyunan. Napapalibutan ito ng matataas na bundok na may mga naglalakihang
punong may iba't ibang kulay. Sa loob ng resort ay matatagpuan ang isang magandang
waterfalls na may malakristal sa linaw na tubig. Maganda rin ang ilog kung saan
dumadaloy ang tubig mula sa talon. Bukod sa natural na paliguan, meron ding
dalawang kaya-ayang mga swimming pools na parehong pwedeng paliguan ng mga bata at
matatanda. Sa resort mismo ay marami ring mga nakatanim na puno. At maging ang mga
dikit-dikit na magagarang cottages ay napakamaaliwas sa mga matang tingnan.

Inarkila ng Dream High ang buong resort. Hangga't maaring ay gustong iiwas ni
Jerome ang foundation mula sa mga mapanuring matang bumubuntot sa kanya. Tahimik
ang resort at nang magsidatingan sila ay saka lamang umalingawngaw ang ingay dito
na nagmumula sa mga masasayang bata.

Unang inasikaso ng mga empleyado ang room assignments at mga gamit ng bawat bata.

"Magkasama po tayo sa room ha." bigkas ni Missy habang nakahawak kamay na


naglalakad kasama si Sandra.

"Siyempre naman. Eh sino pa ba naman ang pwede kong makasama kundi si Missy lang."
Panandaliang nakalimutan ni Sandra ang hindi pagsipot ng boyfriend. Maging siya man
ay nabighani sa ganda ng lugar. Sariwa ang simoy ng hangin. Magaan sa pakiramdam
ang paligid at kung pwede nga lang siyang magsulat dito ay gagawin niya. Tumulong
siya sa pag-aasikaso ng mga bata. At nang maisaayos ang lahat ay saka lamang sila
ni Missy pumunta sa kanilang cottage upang ayusin ang sarili nilang mga gamit.

Magkasama naman ang sikat na magkasintahan sa isang kuwarto. Ito ang unang beses na
magkakasama sila sa bakasyon kaya't gusto nilang sulitin ang pagkakataong malayo
sila sa mga mata ng tao at tagahanga.

At siyempre kung nasaan si Jessica ay naroroon din si Mylene.

"Ma'am! May kailangan pa po ba kayo sa akin kasi katulad din po ako ng iba na
nakakaramdam din ng excitement kapag nakakakita ng magandang lugar. Hindi naman po
sigurong tama na hanggang mamaya ay sasamahan ko kayo ni Sir Jerome dito sa kuwarto
niyo. May sarili din po akong kuwarto at may sarili din akong mga gamit na dapat
ayusin. Tinatawag na po ako ng mga swimsuit ko sa maleta!"

"Sige Mylene pwede ka nang pumunta sa cottage mo. Tatawagan na lang kita kapag may
kailangan ako."

"Ma'am pwedeng tagal-tagalan nyo naman ang interval ng pagtawag nyo sa akin.
Request lang!"

Nagsuot muna ang sekretarya ng malaking sumbrero at sunglasses bago nito hilahin
ang dalang maleta. Taas noong lumabas ito sa kwarto ng magkasintahan at pabulagsak
nitong isinara ang pinto.
"Meron ka pa bang mga aayusing gamit dyan, Jerome? Dalhin mo na dito." tugon ng
abalang si Jessica habang nagsasabit ng mga damit sa cabinet.

Hindi sumagot si Jerome sa halip ay lumapit siya sa girlfriend nang may pilyong mga
ngiti. Niyakap niya ang nakatalikod na dalaga at nanunuksong hinalik-halikan niya
ang leeg nito.

"Pwede bang magrequest ng advance honeymoon?" bulong niya sa abalang girlfriend.

"Tumigil ka nga dyan Jerome sa mga biro mo. Sige ka pagnaniwala ako pagbibigyan
kita!"

Iniharap niya si Jessica at tinitigan ito ng seryoso. "Hindi ako nagbibiro."

Walang pasabing siniil ni Jerome ng halik ang kasintahan. Napapikit naman si


Jessica at dahan-dahan nitong nabitawan ang hawak na hanger at damit. Walang pag-
aalinlangang gumanti ang dalaga sa mga halik ng boyfriend.

Kinabig ni Jerome ang maliit na beywang ni Jessica at idinikit ang katawan nito sa
katawan niya. Napaiktad ito at napayakap ng mahigpit sa katawan niya. Hindi niya
tinigilan ang paghalik dito at halos kagatin niya na ang mga labi nito sa
panggigigil. Nagsimulang maglakbay ang kanyang mga kamay at hinayaan lamang siya ng
nakapikit na girlfriend. Ipinasok niya ang isang kamay sa suot nitong miniskirt at
marahang hinaplos ang makinis nitong hita. Lumakas ang ingay ng kanyang dibdib at
nag-umpisang mangibabaw ng init na dahan-dahang sumasanib sa kanyang buong katawan.
Hanggang sa may nagbukas ng pintuan...

"Jessica may extra ka bang dalang con....di....tio.......ner...?"

Nanlaki ang mga mata ni Sandra sa nakita. Natulala ito ng ilang saglit at nang
matauhan ay agad itong nakaramdam ng pagkapahiya.

"So-sorry..." natutulalang sambit nito habang isinasara ang pinto nang may
namumulang mukha.

Natigilan ang magkasintahan sa ginagawa ngunit nanatili ang mga itong magkayakap
habang parehong pansamantalang hindi makagalaw dahil sa pagkabigla sa walang
kaabog-abog na pagsulpot ni Sandra. Nakakanganga lamang ang mga ito habang
pinapanood si Sandra na nagsasara ng pintuan. At pagkalipas ng ilang saglit mula
nang makaalis ang babae, saka lamang ang mga ito kumawala sa kanilang yakapan at
tahimik na nagkatinginan.

"Ayan...kasi...hindi muna sinisiguradong naka-lock ang pinto." ngingiti-ngiting


wika ni Jessica na noon ay pinagpatuloy na lamang ang pag-aayos ng mga damit.

Hindi pa rin makaimik si Jerome. Para siyang binuhusan ng balde-baldeng yelo


pagkakita sa mukha ng kapitbahay. Hindi siya mapakali at parang may nag-uutos sa
kanyang sundan at habulin ito.

Napapahawak sa dibdib niya si Sandra habang naglalakad. Paulit-ulit siyang


humihinga ng malalim. Pilit niyang binubura sa isipan ang nakita. Maya't maya
niyang sinusuntok ang tapat ng puso na tila ba may gusto siyang ilaglag.
"Miss Sandra nakahingi ka ba ng conditioner?" nakangiting salubong sa kanya ni
Missy.

"Makuntento na lang tayo sa shampoo Missy."

Mabilis siyang pumasok ng kuwarto at wala sa sariling nahiga sa kama. Natutulalang


tinitigan niya ang kisame. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang nakita. Ang
ginawa ni Jerome kay Jessica, katulad din ba yun ng ginawa nito sa kanya? Ganoon
lang ba kadali para kay Jerome na gawin ito sa sinumang babae? Ipinikit niya ang
mga mata at makailang ulit siyang umiling.

"Miss Sandra may problema ka ba?"

Bigla siyang napamulat at tumambad sa kanya ang nakatunghay na mukha ni Missy.

"Missy gusto mo na bang maligo?"

"Opo. Kayo po?"

"Oo gusto ko na ring ilublob ang sarili ko... Halika na."


------

Matapos makapagpahinga ng ilang oras ay lumabas si Jerome ng cottage. Nakasuot


lamang siya ng tipikal niyang damit na walking short, T-shirt at tsinelas.
Sinimulan nya ang pamamasyal sa resort. Nakita niya ang mga batang masayang
naliligo. Inilibot pa niya ang mga mata at namataan ang seksing kasintahan na
nakasuot lamang ng two piece bikini at sunglasses habang nagsa-sun bathing sa tabi
ng malaking pool. Kasama nito si Mylene. Nakita nya rin si Sandra na matiyagang
nagbabantay kay Missy sa tabi ng ilog. Hindi ito nakasuot ng pang swimming at
nanatiling bitbit ang cellphone habang maya't mayang tumitingin sa bukana ng
resort. Hindi pa rin siya mapakali dahil sa pagkakahuli nito sa kanila ni Jessica
at tila may nag-uudyok sa kanyang kalooban na magpaliwanag sa babae tungkol sa
nakita nito.

Pinuntahan niya ang si Jessica at naupo sa tabi nito. "Bakit gusto mong magpaitim
ng balat?" tanong niya sa nagsusunbathing na kasintahan.

"Gusto ko naman i-try maging tan. Gusto ko kasi yung kulay ni Sandra."

"Hindi bagay sayo yun. Bagay sayo ang maputi."

"Ako Sir Jerome anong kulay ang bagay sa akin?" sabat ni Mylene.

"Sayo? Bagay sayo kahit anong kulay."

"See, Ma'am Jessica! I told you! Rare ang beauty ko!"


"Hindi ka ba magsiswimming Jerome? Hindi mo ba sasamahan ang mga bata?"

"Wala akong gana. Gusto ko lang magpahangin."

"Bakit hindi mo pa rin ba makalimutan ang nangyari kanina?"

Hindi siya sumagot.

"Huwag mong isipin masyado yun. Balewala sa kaibigan ko yun. Hindi sarado ang isip
ni Sandra. Tsaka tingnan mo nga ang hitsura niya ngayon. Walang ginawa kundi
maghintay at umasa sa pag-aparisyon ng boyfriend niya. Sigurado akong wala na sa
utak nya ang nakita kanina."

Tiningnan niya si Sandra. Nakita niya ulit ang matamlay na hitsura nito. Sa matagal
niyang pagkawala, ganito na ba talaga nito kamahal si Clark?

"Ganito ba lagi ang set-up ng kaibigan mo at ng boyfriend nya?"

"Madalas mangyari ito. Ewan ko ba sa babaeng yan kung bakit hindi pa rin nasasanay.
Laging sinasabing nauunawaan niya kung hindi siya nasisipot ng boyfriend pero panay
naman hintay at asa. Pinapahirapan lagi ang sarili."

Muli siyang natahimik sa narinig. Unti-unting nagsalubong ang kanyang kilay at


tumapang ang kanyang mga paningin. Tila kumakawala sa dibdib niya ang galit na
nagsimulang mamuo bago pa man sila makaalis ng Dream High...

--------

Natapos ang unang araw ng masayang bakasyon. Tulugan na ang mga bata na halos lahat
ay napagod sa paglalaro at paliligo. Tahimik na ulit ang buong resort.

Bumangon sa pagkakahiga si Jerome. Tiningnan niya ang tulog na tulog na katabi.


Maging ang girlfriend ay napagod din ng sobra dahil sa pag-aasikaso sa mga bata.
Hindi pa rin siya dalawin ng antok kung kaya't naisipan niyang lumabas upang
magpahangin.

Lumabas siya ng kuwarto at ninamnam ang sariwang simoy ng hangin. Napatingin siya
sa kalangitan. Bilog na bilog ang buwan at nagkikislapan ang mga bituin. Nanatili
siyang nakatayo sa harap ng cottage ngunit pagkalipas ng ilang sandali ay naisipan
niyang maglakad-lakad.

Walang katao-tao ang labas ng resort. Tanging pagaspas ng mga dahon, huni ng ibon
at tunog ng insekto ang kanyang mga naririnig. Ang bilog na buwan at ang pailan-
ilang ilaw ng poste naman ang tanging nagbibigay liwanag sa tahimik na lugar.
Kalmado siyang naglakad-lakad subalit bigla siyang napahinto nang may marinig na
malakas na tunog ng mga tilamsik ng tubig na nagmumula sa talon.

Naglakad siya patungo sa ilog. At mula sa di kalayuan, natatanaw niya ang isang
babaeng nakatayo sa ibabaw ng isang malaking bato malapit sa talon. Nakasuot ito ng
bikini. Tinatamaan ito ng liwanag ng buwan kung kaya't kitang-kita niya kung gaano
kaganda ang hubog ng katawan nito. Mahahaba ang mga paa, maliliit ang mga braso,
maliit ang beywang, maganda ang hugis ng leeg at balikat, malulusog ang dibdib at
pantay na pantay ang tiyan.

Lumapit pa siya ng bahagya hanggang sa nag-umpisang bumilis ang tibok ng kanyang


dibdb nang mamukhaan niya ito... si Sandra. Tahimik itong naliligong mag-isa.
Umaakyat ito sa isang malaking bato at paulit-ulit na nagda-dive na tila walang
kapaguran. Napakagandang tingnan ng dalaga. Tumatalon muna ito ng mataas at unat na
unat na tumutusok ang katawan nito sa tubig.

Tahimik niya itong pinanood. Nababasa niya ang galaw ng dalaga. Nararamdaman niya
ang galit at lungkot dito. Katulad din ito ng paglalaro ng babae ng basketball kung
saan sa bawat hawak nito ng bola ay alam nya kung kelan ito masaya, galit o
malungkot.

Nagkamali ba siya? Nagkakamali ba sya ng akala na masaya ito kay Clark? Ayaw nyang
isiping hindi ito masaya. Natatakot syang isipin na nasasaktan ito. Natatakot siya
dahil nakakayanan nya lang burahin sa puso niya ang babae dahil sa pag-aakalang
maligaya na ito sa piling ni Clark...

-------

Ikalawang araw ng bakasyon. Maagang nagsigising ang mga bata. Umaga pa lang ay
nagtatakbuhan na ang mga ito sa labas.

Naalimpungatan si Sandra sa ingay ng paligid. At nang mapagtantong umaga na ay


kaagad siyang napabalikwas ng bangon. Nagmadali siyang maghilamos, mag-toothbrush
at magsuklay ng kaunti bago lumabas. Tiningnan niya kaagad kung dumating na ang
kasintahan. At nang mapagtantong wala pa rin ito ay matamlay na bumalik siya sa
higaan upang muling matulog.

Pumasok naman ang naglalaro nang si Missy na natuwa nang makitang gising na ang
kasama.

"Miss Sandra! Miss Sandra! Bangon na huwag ka na ulit matulog."


"Mamaya na Missy... konting oras na lang. Inaantok pa si Tita Sandra..."

"Halika na samahan mo na akong magbreakfast...gutom na gutom na ako."

Biglang bangon ni Sandra. "Bakit di mo sinabi kaagad na gutom ka na."

Nagtungo ang dalawa sa cafeteria. Naabutan nila dito sina Jerome at Jessica na nag-
aalmusal din.

"Good morning Sandra!" masayang bati ni Jessica.

"Good morning..." matamlay namang sagot ni Sandra.

Lumapit si Sandra sa buffet at kumuha ng makakain nila ni Missy. Samantalang naupo


naman ang bata sa bakanteng mesang malapit kina Jerome at Jessica.

Ilang sandali lamang ay natapos si Sandra sa pagkuha ng pagkain nila ni Missy.


Hindi makapagsalita si Missy at ang magkasintahan nang makita ng mga ito ang mga
pagkaing inilagay niya mesa. Tatlong fried chicken, dalawang plato ng patong-patong
na pancake, dalawang fresh milk, apat na hotdog, tatlong itlog, bacon, toasted
bread, ham, dalawang salad at tatlong iba-ibang deserts.

"Sandra bibitayin ka na ba?" tanong ni Jessica ng may nanlalaking mga mata.


"Bakit ba? Kakain kami ng mabuti ngayon ni Missy dahil marami kaming gagawin
mamaya. Di ba Missy?"

"Susubukan ko lang po Miss Sandra ha. Pero di ko mapa-promise na mauubos ko ito."

"Ay, wag kang mag-alala Missy kainin mo lang kung ano ang kaya mo at ako na ang
bahalang umubos sa iba."

Simpleng natatawa naman si Jerome sa naririnig at nakikita. Alam niyang walang


dudang kayang ubusin ni Sandra ang mga pagkain. Nakita niya na minsan sa isang
restaurant kung gaano kalakas kumain ang babae. Ito ay noong mga panahong magkasama
sila ni Justin.

Muli niyang ninakawan ng sulyap si Sandra. Nagbalik sa isipan niya ang nakitang
babae sa talon. Napakalayo ng hitsura ng babaeng naliligo sa babaeng kumakain
ngayon malapit sa kanya. Gusut-gusot ang buhok, nakasuot ng maluwang na T-shirt,
sweater at pajama. Walang pakundangan sa pagsubo ng pagkain kahit punung puno pa
ang bibig. Napapailing at natatawa na lamang siya sa pabago-bagong personalidad ng
kapitbahay.

------

Mataas na ulit ang araw at nagsisipagliguan na ulit ang mga bata. Nagsimula na
uling mag sunbathing si Jessica at Mylene. Maya-maya lang ay dumating ang naka T-
shirt at walking short na si Jerome. Naghubad ito ng T-shirt at tumabi sa dalawang
babae. Nanlaki bigla ang mga mata ng sekretarya nang makita ang machong katawan ng
basketbolista. Ibinaba nito ang suot na sunglasses at agad na napatitig sa abs ng
binata.
"Oh ang mga mata mo!"

"Ang damot mo naman Ma'am! Tingin na nga lang pinagbabawal mo pa. You're so
unfair!"

Nagpalit ng posisyon si Mylene at dumapa upang paarawan din ang likurang bahagi ng
kanyang katawan.

"OMG! Ang BFF mo ba yun Ma'am? Grabe ang ganda ng katawan parang si Halle Berry!"

Sabay na napaangat ng ulo si Jerome at Jessica.

Nakita nila ang papalapit na si Sandra. Nakasuot ito ng kulay orange na pantaas na
bikini na may manipis na tali sa leeg at likuran. Nakasuot din ito ng sobrang
iksing sira-sirang short na maong habang lumalabas naman ang ilang bahagi ng
dinoblehang kulay orange din na pambabang bikini. Nakatsinelas ito at nilagyan ulit
ng maraming clip ang maiksing buhok. Bagama't nakasuot ng panligo ay bitbit pa rin
nito ang telepono.

Tumayo si Sandra sa tabi ng nakahigang binata at kinausap ang kaibigan.

"Tama ba ang address na binigay mo kay Clark?"

"Ano ka ba Sandra. Hanggang ngayon ba ay yan pa rin ang inaatupag mo? Oo tama kahit
i-check mo sa cellphone ko! Pwede ba mag-enjoy ka na lang at kalimutan mo muna ang
kahihintay dyan sa boyfriend mo!"

Napapalunok naman si Jerome sa nakikitang hitsura ng kapitbahay. Hindi niya


maitatanggi sa sarili na ubod ng ganda ang katawan nito. Napatingin siya sa
malulusog na dibdib nito at naalalang minsan nya na itong nahawakan.

Unti-unting siyang nakaramdam ng init sa katawan kung kaya't walang pasabing


tumalon siya sa swimming pool. Halatang nagulat at nagtaka naman ang tatlong babae
sa ginawa niya. Ilang saglit siyang lumangoy at nagbabad sa tubig. At nang umalis
si Sandra ay saka lamang siya umahon.

"In fairness, Ma'am ang ganda ng katawan ng kaibigan mo. Parang pang-action star.
Seksing muscle muscle at mukhang may abs pa ha. Parang gusto ko na rin syang maging
friend."

"Sorry ka na lang Mylene at sigurado akong hindi ka niya gustong maging friend!"
mataray na sagot ni Jessica.

"Pero Ma'am bakit mukhang napaka low profile naman ng kaibigan mo na yan. Ni hindi
nga alam ng bayan na sya ang girlfriend ni Clark Montecastro. My goodness kung ako
yan, nakabroadcast na hanggang sa ibang planeta!.."

"...Saka unti-unti ko nang natatandaan kung sino sya. Nakonek-konek ko na ang lahat
eh. Di ba sya ang babaeng nagtatrabaho sa cheap na coffee shop na pinuntahan nyo
dati...Tapos siya rin ang babaeng tinamaan ng bola nang minsang nanood tayo ng
laban ni Sir Jerome... Kaya pala nagalit kayo at ginalingan nyo noon Sir Jerome no
kasi kaibigan pala ni Ma'am Jessica ang dumugo ang ilong? Huwag nyong
itatanggi!...At saka di ba siya rin ang mala-diyosang umapir sa isang party ni
Ma'am Jessica! Di ba? Di ba? "
Walang sumasagot ni isa man sa magkasintahan sa madaldal na sekretarya.

"Tsaka Ma'am paano nyo naging kaibigan yan ang layo ng ugali sa inyo. Masyado
siyang weird. Parang napakamisteryosa. Parang there's something fishy sa kanya.
Mukhang marami siyang sekretong itinatago. Teka, teka yung pagkatao nya ay
parang...parang..parang... yung bida dun sa isa nyong libro. Yung ano nga ba
yun?...Shadow Lady! Tama Shadow Lady! Siyang-siya nga ang personality ng bida dun!"

Napaangat ng ulo si Jerome at biglang napatingin sa sekretarya. Pagkatapos ay


tiningnan niya ang kinaroroonan ni Sandra na sa mga sandaling iyon ay nakikipaglaro
sa mga bata. Kung iisipin ng mabuti, tama si Mylene magkahalintulad nga ang
karakter ng sinasabing libro at ng dalaga. Shadow lady? Kaya ba paborito ng
kapitbahay ang libro dahil tungkol ito sa kanya?

"O di ba Sir Jerome? Para siyang si Shadow Lady. Siguro Ma'am Jessica sa kaibigan
mo pinattern ang character ng bida sa libro ano? Umamin ka! Umamin Ka!"

"Tumahimik ka na Mylene...utang na loob. Please!"

------

Nakaupo si Sandra habang tinititigan ang cellphone. Wala pa ring dumarating kahit
text man lang mula sa boyfriend. Siguro nga ay masyadong busy ito para makalimutan
siya ng dalawang araw. Huminga siya ng malalim. Tama si Jessica siguro ay huminto
na siya sa pag-asang susunod pa ito sa kanila. Mas mabuti nga sigurong i-enjoy na
lang niya ang natitirang araw nila sa resort.
Tumayo siya at hinanap ng kanyang mga mata si Missy upang yayain itong maligo.
Namataan niya ang bata na papaakyat sa bundok malapit sa falls. Kinabahan siya at
agad niyang dinoblehan ng T-shirt ang suot na pantaas na bikini at patakbo siyang
tumungo sa direksyon ng bata.

Pagdating sa paanan ng bundok ay hindi niya na makita si Missy.

"Missy! Missy! Nasaan ka? Bumalik ka dito! Huwag kang umakyat diyan!"

Walang sumagot. Lalo siyang kinabahan kung kaya't nagmadali siyang umakyat ng
bundok.

"Missy! Missy!"

Wala namang kamalay-malay si Sandra na nagtatago lang ang bata sa likod ng isang
malaking puno. Humahagikhik ito na animo'y tuwang-tuwa dahil hindi siya makita ng
inaakalang kalaro. Nang hindi na nito makita ang dalaga ay tahimik itong bumaba ng
bundok at naglakad pabalik sa grupo ng mga kasamahang bata.

"Missy! Missy! Missy!"

Malapit ng mamaos sa kakasigaw si Sandra ngunit wala pa ring batang sumasagot sa


kanya. Hindi niya na maipaliwanag ang kabang nararamdaman. Tuluy-tuloy lamang siya
sa pag-akyat sa bundok habang walang tigil sa paglingon-lingon sa paligid. Hanggang
sa hindi niya namamalayang napapalayo na siya sa resort.

"Missy! Nasaan ka ba?! Missy!"


Namumutla na siya sa nerbiyos. At sa kalagitnaan ng paghahanap niya ay biglang may
dumapong tipaklong sa balikat niya. Nagtatalon siya sa takot. Sa kasamaang palad,
hindi niya napansing nakatayo na pala siya malapit sa isang maliit na bangin.
Nataranta siya sa pagtaboy ng insekto hanggang sa natapakan niya ang isang madulas
na bagay. Nawalan siya ng balanse at nanlaki ang mata niya nang malamang mahuhulog
siya sa bangin. Sinubukan niyang balansehin ang katawan ngunit huli na ang lahat at
naramdaman niya na lang na nagpagulung-gulong na siya pababa.

Nakakapit siya sa isang maliit na halaman sa kalagitnaan ng paggulong niya. Pilit


niyang inaangat ang katawan upang muling makaakyat pabalik sa itaas. Ilang saglit
siyang nakipaglaban upang maiangat ang sarili ngunit biglang bumigay ang
kinakapitan niyang halaman at muli siyang nagpagulung-gulong hanggang sa paanan ng
bangin.

Nanghina siya at pansamantalang nawalan ng malay. At nang bumalik ang ulirat ay


kaagad niyang pinilit tumayo. Ngunit bigla niyang naramdaman ang pananakit ng isang
paa. Sinubukan niya itong ilakad subalit hindi niya makayanan ang sakit. Inilibot
niya ang kanyang mga mata. Wala siyang ibang makita maliban sa mga puno at ligaw na
halaman. Tumingin siya sa taas at nakita niya ang tuktok kung saan siya nahulog.
Sinubukan niya ulit itong akyatin ngunit napapasigaw siya sa sakit ng paa. Naisipan
niyang gumapang pero gumugulong lang ulit siya pabalik.

"Tulong! Tulungan nyo ako! Tulong!"

"Tulungan nyo ako! Tulong!"

Ilang beses siyang nagsisigaw hanggang sa mawalan siya ng pag-asa na may


makakarinig sa kanya. Naupo na lamang siya sa mga tuyong dahon at doon napagtanto
kung gaano kadami ang galos at sugat niya sa hita at braso. Nakaramdam din siya ng
hapdi sa bandang noo at nang hinawakan niya ito ay may dugong kumapit sa kanyang
kamay.
"Tulong! Tulungan nyo ako!"

-----

Napansin ni Jerome na ilang oras niya nang hindi nakikita ang kapitbahay. Hindi
niya rin ito nakitang sumabay sa tanghalian. Nais niya sanang itanong sa nagsa-
sunbathing pa ring girlfriend ngunit bago pa man niya maibuka ang bibig ay
nagsalita ito.

"Tingnan mo yan si Sandra. Nagmumukmok na naman siguro sa kuwarto. Hay, ang hirap
talagang pagsabihan!"

Hindi na siya umimik pa. Marahil nga ay nagpapahinga lamang ang kapitbahay....

Malapit ng lumubog ang araw. Mapayapang nakaupo sina Jerome at Jessica sa isang
bench park habang magkahawak ang mga kamay. Tahimik nilang pinagmamasdan ang
magandang tanawin. Samantala hindi pa rin mapakali ang isipan ni Jerome dahil
hanggang sa oras na iyon ay hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Sandra.

Napadaan sa harap nila ang batang si Missy. Hindi na natiis ni Jerome ang sarili.

"Missy, nasaan ang Tita Sandra mo?"


Tumingin ng masama si Jessica sa boyfriend.

"Nandoon po!"

Itinuro ni Missy ang bundok.

Nagsimulang umusbong ang kaba sa dibdib ni Jerome. "Anong ibig mong sabihin Missy?"

"Nandoon po siya sa bundok. Naglaro po kami ng taguan kaninang umaga. Ang tagal nya
na nga pong nagtatago eh pero hanggang ngayon, di pa rin siya bumabalik!"
inosenteng sagot ng bata.

Nanlaki ang mga mata ni Jerome. Tumayo siya ngunit biglang pinigilan ni Jessica ang
kanyang kamay. Napatingin siya sa nakatitig na kasintahan. Ilang saglit siyang nag-
isip ngunit tinanggal nya pa rin ang kamay sa mahigpit nitong pagkakahawak.

Nagmadali siyang tumakbo patungo sa cottage nina Sandra. At nang makitang wala doon
ang dalaga ay parang puputok sa kaba ang dibdib niya. Tumakbo siya papunta sa
tinuturong bundok ni Missy.

Mabilis niyang inakyat ang matarik na bundok.


"Sandra! Sandra! Sandra!"

Wala siyang naririnig na sagot.

"Sandra! Sandra! Sandra!"

Patuloy siya sa paghahanap. Hindi niya na alam ang gagawin. Nanghihina na sya sa
kaba. Ilang beses na siyang nagsisigaw ngunit wala pa rin siyang naririnig na
sagot.

"Sandra! Nasaan ka Sandra?!"

Nakahandusay sa lupa si Sandra. Nanlalamig ang buo niyang katawan. Namumutla ang
sugatang mukha. Inaapoy siya sa lagnat. Umiikot ang kanyang paningin. Wala na
siyang lakas para gumalaw. Palala ng palala ang pananakit ng kanyang paa.

"Sandra! Sandra! Nasaan ka?!"

Naririnig niya si Jerome. Pinipilit niya itong sagutin habang nilalabanan ang
napipikit niya ng mga mata ngunit tanging mahinang boses lamang ang lumalabas sa
kanyang bibig.

"Je-jerome...nandito ako..."
Pabulong na boses lamang ang nakakayanang niyang isagot.

Walang tigil sa paghahanap si Jerome. Kailangan makita niya si Sandra bago lumubog
ang araw. Napadako siya sa isang bangin at napahinto dito. Inusisa niya ito ng
maigi at pansamantala siyang hindi nakakilos sa nakita. Biglang nanlambot ang buong
kalamnan niya nang mamataan si Sandra na nakandusay sa paanan ng bangin.

"SANDRA!"

Nagmadali siyang bumaba ng bangin na halos kulang na lang ay talunin niya ito. Nang
makalapit sa babae ay lalo siyang nanlambot nang makita ang sugatang katawan nito.
Hindi matanggap ng kalooban niya ang kaawa-awang hitsura ng dalaga. Nanghihina ang
mga tuhod na nilapitan niya ito at nang mahawakan ay nalaman niyang inaapoy ito sa
lagnat. Nataranta siya at kaagad niyang niyakap ang nilalamig na babae.

"Jerome...tulungan mo ako..." nanghihinang bulong ni Sandra.

Nangilid ang mga luha ni Jerome nang magsalita ang dalaga. Paulit-ulit niya itong
hinalikan sa noo habang niyayakap ng mahigpit at hinahaplos sa buhok . Hindi niya
pala kaya. Hindi nya kayang tiisin si Sandra. Mababaliw pa rin siya kapag may
nangyaring masama dito. Pinipiga pa rin ang puso niya kapag nakikitang nasasaktan
ito. At nagsisinungaling lamang siya sa sarili na kaya niya itong ipaubaya sa ibang
lalaki.

Binuhat niya sa kanyang likuran ang dalaga at maingat itong iniakyat pabalik sa
tuktok. Nang marating ang taas ay bigla siyng nalito sa daan.
"Na-natatandaan ko ang daan... Jerome."

Madilim na nang makabalik sila sa resort at pagdating doon ay mabilis na sinalubong


sila ng mga nag-aalalang kasamahan. Nagulat ang lahat sa hitsura ni Sandra. Kitang-
kita naman ang biglang pag-aalala sa mukha ni Jessica nang makita nito ang
kaibigan. Agad na dinala si Sandra sa kuwarto at inihiga ang nilalagnat na dalaga.

Pinunasan ni Jessica ng malamig na tubig ang mainit na katawan ng natutulog na


kaibigan. Naluluha-luha ito habang ginagamot ang sugatang katawan ni Sandra. Hindi
naman makatingin ng diretsong si Jerome sa kapitbahay. Hindi nito matagalang
tingnan ang nakakaawang hitsura ng babae.

Ilang sandali pa ay natapos na ang paglilinis ni Jessica sa katawan ni Sandra.


Binihisan niya ito at kinumutan. Tinulungan siya ni Mylene sa pagliligpit ng mga
ginamit na gamot. Bago siya tuluyang lumabas ay hinagkan niya muna sa noo ang
natutulog na kaibigan. At nang nasa pintuan na sila ay nakita nila si Clark.
Nakatayo ito sa labas ng cottage at hindi makapagsalita habang tila hirap maniwala
sa natatanaw na hitsura ng natutulog na kasintahan.

Walang pagdadalawang-isip na nilapitan ni Jerome ang bagong dating na lalaki. Nang


makalapit dito ay nginisian niya muna ito at walang kaabog-abog na binigyan ito ng
isang malakas na suntok sa mukha. Natumba si Clark at nang makabangon ay muli niya
itong sinuntok.

Nagtangkang gumanti si Clark ngunit biglang umawat sina Mylene at Jessica.

"Tama na! Tama na! Ano bang nangyayari sayo Jerome?!" sigaw ni Jessica.
Nanggagalaiti sa galit si Jerome. Nangangalit ang mga panga. Nanlalaki ang mga
mata. Lumalabas ang mga litid sa leeg. Nanginginig ang mga kalamnan.

"KUNG HINDI MO KAYA, SABIHIN MO! SABIHIN MO LANG!" galit na galit na sigaw nito kay
Clark.

Hinila papalayo ni Jessica ang nawawala sa sariling boyfriend at dinala ito sa


sarili nilang cottage.

Pagdating sa kuwarto ay hindi pa rin humuhupa ang galit ni Jerome.

"AAAAAAA!" sabay sipa nito ng malakas sa isang silya.

Nagulat si Jessica sa nakita. Lumapit siya sa binata. Binigyan niya ito ng isang
malakas na sampal! At isa pang sampal!

Pinindilatan niya ito ng mga mata.

"GUMISING KA JEROME! GUMISING KA!"


*******************************************
[25] DI LANG IKAW ANG NAHIHIRAPAN
*******************************************

****

"Kailangan lang pala ay maaksidente ka para paglaanan ka na ulit ng oras ng


boyfriend mo." komento ni Vicky matapos umalis ang bumisitang nobyo ng kasamahan.

Kapapasok lang ulit ni Sandra sa trabaho matapos magpagaling dulot ng aksidenteng


naganap.

"Nagsisisi na si Clark sa nangyari. Tsaka ako naman talaga ang may kasalanan dahil
hindi ko iningatan ang sarili ko."

"Bakit nga ba hindi ka napuntahan agad ni Clark sa bakasyon niyo?"

"May nasunog kasi silang isang malaking warehouse."

"Hay kaya naman pala. Ang hirap pala talaga ng sitwasyon niyo. Ikaw naman kasing
bata ka lagi ka na lang pabaya sa sarili. Pag ganyang alam mong walang mag-aalaga
sayo dapat umiiwas ka sa mga delikadong bagay. Eh sino naman ang nagmagandang loob
na tulungan ka?"

Tumahimik si Sandra. Ilang saglit itong naghanap ng isasagot. "May napadaan na


isang lalaki at nakita ako sa paanan ng bangin."

"Nininerbyos ako sayong bata ka! Paano na lang kung walang nakakita sayo? Hindi ko
kayang isipin ang pwedeng mangyari. Oh, wag ka munang magkikilos masyado ha. Ako na
muna ang bahala sa mga mabibigat na trabaho."

"Wag kayong mag-alala Miss Vicky. Kaya ko na ho."

Pumasok sa kusina si Sandra upang ipagpatuloy ang naantalang trabaho nang dumating
ang boyfriend. Hindi pa man siya nagtatagal dito ay muli siyang tinawag ng
kasamahan.

"Sandra! Sandra! Halika dito!" sigaw sa kanya ni Miss Vicky.

Nagmadali siyang lumabas ng kusina.

Nanlalaki ang mga mata ni Vicky nang makitang bumababa sa nakaparadang sasakyan si
Jerome. "Totoo ba ang nakikita ko? Pinupuntahan na ulit tayo ni Jerome Hernandez?"

Hindi makasagot si Sandra. Maging siya man ay nagtataka sa biglaang pagpunta ng


kapitbahay. Napatingin sa kanya ang kasamahan na tila pinag-aaralan ang reaksiyon
niya.

"O, isipin mo ha...may boyfriend ka na!" paalala nito sa kanya.


Lumapit si Jerome sa counter at kaswal na tumingin kay Sandra. Binigyan niya ng
tipid na ngiti ang dalagang may nagtatakang reaksiyon. Ngiting-ngiti naman sa kanya
si Vicky habang hinihintay ang order niya.

"Mukhang matagal yatang hindi kayo nakapasyal dito sa amin Sir Jerome!"

Binigyan niya ng isang matamis na ngiti ang serbidora. "Pasensiya na Miss Vicky
sobrang higpit kasi ng schedules ko nitong mga nakaraang buwan."

Namula at kinilig si Vicky nang banggitin ng sikat na basketball player ang kanyang
pangalan. Hindi niya akalaing matatandaan ito ng isang Jerome Hernandez.

"Hayaan nyo pag maluwag ang oras ko ay dadalasan ko ang pagdalaw sa inyo."
nakangiting wika ni Jerome na halatang sinasakyan ang kakiligan ng serbidora.

Tumalon lalo ang puso ni Vicky sa narinig. "A-Anong order niyo Sir Jerome?"

"Ano bang isa-suggest mo? Ah, alam ko na bigyan mo ako ng specialty drinks nyo na
ikaw mismo ang gagawa. Gusto kong malaman kong gaano ka kasarap magtimpla."

"Kayo naman Sir Jerome, sige na nga ako na ang pipili para sainyo!" malabing na
sambit ni Vicky habang napapahagikhig sa kakiligan.

Nakakunot ang noo at nakahalukipkip na tinititigan ni Sandra si Jerome. Nagdududa


siya sa kakaibang ikinikilos nito. Kinukutuban siya sa biglaang pagiging
palakaibigan nito kay Miss Vicky. Napatingin ulit sa kanya si Jerome ngunit parang
balewala lamang sa binata ang mga mapanghusgang titig niya sa halip ay kaswal lang
ulit itong ngumiti sa kanya. Nag-atubili siyang bumalik ng kusina. Gusto niyang
pakiramdaman ang galaw ng lalaki. Nanatiling nakatayo lamang ito sa counter at
patuloy na nakikipagkuwentuhan sa kasamahan habang hinihintay ang order.

Matapos magtimpla ay inabot ni Vicky ang ginawang milkshake sa nakangiting binata.

"Sana magustuhan nyo ito Sir Jerome."

Tinikman ito ni Jerome. "Wow ang sarap Miss Vicky! Teka, pwede ko bang makuha ang
personal number mo para kung sakaling nagmamadali ako ay itatawag ko na lang ng mas
maaga ang order ko."

Hindi makapaniwala si Vicky na hinihingi ng sikat at gwapong binata ang numero ng


telepono nya.

"Ta-tama ba ako ng di-dinig na hi-hinihingi mo ang num-number ko?"

Ilang ulit na tumango ang binata. " Hindi naman siguro bawal manghingi ng personal
number ng mga empleyado dito."

"Naku okay lang! Okay lang ho!" natatarantang sagot ni Vicky habang naghahanap ng
masusulatang papel.

Lumapit kaagad si Sandra sa kasama at humarap sa lalaki. "Meron naman po kaming


business phone dito. Yun na lang po ang kunin nyo!"
Siniko ni Vicky ng palihim ang dalaga. "Huwag ka ng makialam. Huwag mong
kokontrahin. Anong masama kung ibibigay ko ang number ko?" bulong nito kay Sandra.

Mabilis na nagsulat sa maliit na papel si Vicky at ibinigay ito sa binata.

Inilabas ni Jerome ang cellphone niya at idinayal ang ibinigay na numero sa kanya.
"Yan ang number ko Miss Vicky... Salamat dito sa masarap na milkshake. Next time na
lang ulit."

Nakangiting lumabas ng pintuan ang binata at kumaway muna ito sa serbidora bago
tuluyang lumabas.

Pansamantala namang hindi nakakilos si Vicky. Totoo ba ang nangyayaring


nakipagpalitan ng numero sa kanya si Jerome Hernandez?

"Bakit nyo ibinigay ang number nyo?!" nakasimangot na wika ni Sandra.

"Heh! Wag ka ngang kontrabida! Ikaw may boyfriend ka ng tao tapos naapektuhan ka pa
rin kay Jerome Hernandez. Kasalanan ko ba kung mas interesado sya sa number ko
kaysa sa number mo?"

Bumalik sa kusina ang nakasimangot na dalaga. At hindi pa man nakakalipas ang


limang minuto ay may natanggap na text si Vicky. Kaagad itong tiningnan ng
serbidora at bigla na lang nanlaki ang mga mata nito sa nabasa.

Natutulalang naglakad papuntang kusina si Vicky. Binuksan niya ang pinto at


tinitigan ng ilang sandali ang naghuhugas na kasamahan.
"Sandra...."

Lumingon si Sandra. Hinintay niyang magsalita ang kasamahan ngunit nanatiling


nakanganga lamang ito sa may pintuan.

"May sasabihin ka Miss Vicky?..."

"Di bale na lang..."

-------

Nakakailang tingin na sa relos niya si Clark. May usapan sila ni Sandra. Birthday
ni Miss Vicky at lalabas sila kasama ito. Nasa kalagitnaan siya ng dinner meeting
sa isang importanteng tao. Kanina niya pa ito gustong tapusin ngunit tila
pinapahaba lalo ng kaharap ang kanilang pag-uusap.

Kameeting niya ang isang maganda at seksing babae na halos kaedaran niya lang. Nag-
iisa itong heredera ng isang napakayamang pamilya mula sa New Jersey. May gustong
bilhing lupain ang Bluestar mula sa babae para sa itatayo nilang pinakamalaking
branch ng kumpanya. Ang lupa ng babae ang pinakamagandang lokasyon para dito.
Ngunit medyo mahirap itong kausap kung kaya't siya na mismo ang nakipag-appointment
dito.
"So, Mr. Montecastro ano naman ang pinagkakaabalahan mo dito sa New York?"

"As usual Ms. Trixie, trabaho pa rin."

"Oh akala ko you're dating someone from this place kaya andirito ka. Ibig bang
sabihin ay single ka pa rin?"

Sinagot lamang ni Clark ng ngiti ang kausap. Kanina pa siya naasiwa sa mga
pagtatanong nito ng personal na bagay.

" Well, I'm single too. Pareho pala tayo. Siguro dahil pareho tayo ng sitwasyon.
Kailangan nating mamili ng mabuti ng ating makakarelasyon. Mahirap na baka
makatagpo tayo ng partner na may hindi magandang intensyon...Ano ba ang gusto mo sa
isang babae? Pihikan ka ba masyado, Mr. Montecastro?"

"Hindi naman... siguro natural na sa isang lalaki na tumingin muna sa hitsura ng


babae. Syempre gusto ko rin ng isang magandang babaeng katulad mo. Matalino,
sopistikadang kumilos at may pinag-aralan."

Nagliwanag ang mga mata ng babae sa sinabi ng binata. Kanina pa halatang-halata sa


mukha nito ang pagkakaroon ng kursunada sa gwapong ka-meeting. Napipilitang ngumiti
si Clark. Kailangan nya itong sakyan at bolahin. Mahalaga ang lupa sa kumpanya.

"Papaano Ms. Trixie can we meet na lang ulit sa mga susunod na araw at meron pa
akong appointment after this?"
"Sandali lang Mr. Montecastro, let's have some more wine. Huwag mo naman akong iwan
kaagad. Alalahanin mong galing pa akong New Jersey at ang meeting lang na ito ang
ipinunta ko dito."

Tumawag ng waiter ang babae at umorder pa ito ng isang bote ng wine. Lihim namang
napapakamot sa ulo niya si Clark. Gusto niya na itong iwanang mag-isa subalit
iniisip niya na lamang na ang lahat ng ito ay para sa lupaing bibilhin...

-----

"Sandra kinakabahan na ako! Kanina pa tayo naghihintay parang alam ko na ang


mangyayari!"

"Maghintay pa tayo Miss Vicky. Baka naextend lang yung oras ng meeting niya."

"Grabe naman maextend yan halos dalawang oras na tayong nakatanga dito sa shop. Yan
talagang boyfriend mo, ilang araw lang naging punctual. Mukhang bumabalik na naman
sa dating gawi ah!"

Lumipas pa ang kalahating oras ay hindi pa rin dumating si Clark.

"Ano? Hindi pa rin ba tayo aalis?"

Napilitan si Sandra na tumayo. Nagkunwari siyang masaya sa kabila ng hindi pagsipot


ng boyfriend. Ayaw niyang masira ang kaarawan ng kasamahan.
"Sige, tara na Miss Vicky! Anong gusto niyong gawin ngayon?" nakangiting bigkas
niya.

"Punta tayo ng Times Square! Mamasyal tayo. Aliwin natin ang ating mga mata sa
maliliwanag na mga ilaw. Daliii!"

Masiglang sumakay ang magkatrabaho sa subway. At pagdating sa nasabing lugar ay


naglakad-lakad ang mga ito na tila nagwi-window shopping lang sa isang mall. Maya't
mayang tumitingala si Vicky upang tingnan ang mga nagliliwanag na mga billboards.
Mahinahon namang naglalakad si Sandra ng nakapamulsa sa suot na hoodie jacket.

"Sandra...may itatanong lang ako..."

"Ano yun?"

"Tungkol kay Jerome Hernandez...."

"Bakit ipagpipilitan niyo na naman na may gusto ako sa tao?"

"Huwag na di bale na lang," ibinalik ni Vicky ang mga mata sa mga establisyamento.
"Wow! Ang ganda!" biglang bulalas nito.

Napahinto ang serbidora sa tapat ng isang marangya at mamahaling restaurant. May


ilang metro ang layo nito mula sa sidewalk na kanilang kinatatayuan. Napakaganda ng
harapan ng restaurant. Punung-puno ito ng ilaw na para bang lahat ng taong
pumapasok dito ay masasaya. Napapalibutan ito ng may mga magagandang disenyong
halaman at halos puro mamahaling sasakyan ang mga nakaparada sa harapan. Kitang-
kita mula sa salaming dingding nito kung gaano kaganda ang loob ng restaurant.
Iniilawan ito ng mga higanteng chandeliers.

"Hay...kailan kaya ako makakakain sa ganyang lugar?"

"Huwag kang mag-alala Miss Vicky pag nakaipon ako, ililibre kita dyan."

"Sus, kelan pa yun? Teka... nakakain na ba kayo diyan ni Clark?"

"Hindi pa. Alam kasi nun na ayaw ko sa mga ganyang lugar."

Muling tinitigan ni Vicky ang restaurant hanggang sa unti-unti nyang nakilala ang
isang pamilyar na mukha na nasa loob ng nasabing lugar. Masaya itong
nakikipagkwentuhan sa isang maganda at seksing babae. Huling-huli niya rin sa
aktong nagto-toast ang mga ito ng wine glass habang nagpapalitan ng mga matatamis
na ngiti. Bigla siyang nataranta.

"Sandra tara na! Tingin naman tayo sa ibang lugar!"

Huli na nang magyaya si Vicky. Nang mapatingin siya sa kasama ay tahimik na itong
nakatitig sa kinaroroonan ni Clark. Blanko ang mukha nito habang nanatiling
nakapamulsa sa jacket at nakatingin sa boyfriend. May katagalan itong tinitigan ni
Sandra hanggang sa tumalikod ang dalaga at muling ipinagpatuloy ang paglalakad nang
walang anumang salitang binibitawan.
"Alam mo yang mga ganyang lugar ay madalas din daw nagiging venue ng meeting ng mga
mayayaman!"

"Siguro importante ngang tao ang kausap ni Clark. Baka may dahilan kung bakit hindi
niya ito maiwanan."

"Alam mo matinong lalaki naman yan si Clark kaya lang sobra lang talaga minsan ang
dedikasyon sa trabaho..."

Hindi sumasagot si Sandra. Tila hindi nito naririnig ang mga pampalubag-loob ni
Vicky. Diretso lang ang mga mata nito habang seryoso at tahimik na naglalakad.
Tumahimik na rin si Vicky at pinakiramdaman na lamang ang galaw ng kasama.

Pagkatapos ng mahaba-habang paglalakad ay huminto si Sandra sa tapat ng isang hindi


gaanong mataong bar. Naglakad papasok ng bar ang dalaga.

"Anong iniisip mo Sandra?"

"Birthday mo naman ngayon Miss Vicky di ba? Hindi naman siguro masama kung uminom
tayo."

"Sa ibang araw na lang tayo uminom.Wag ngayon at tiyak na malalasing ka."

Hindi pinakinggan ng dalaga ang kasama. Tuluy-tuloy pa rin ito sa loob. Naupo ito
sa bar at umorder ng isang bote ng brandy.

Nataranta si Vicky sa nakita. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung
papaano pipigilan ang dalaga. Siguradong magpapakalasing ito dahil sa nasaksihan...

-------
Magkasama si Jerome at Jessica sa sasakyan. Inihahatid ng binata ang girlfriend
pauwi sa condominium nito.

"Jerome may interview ako bukas sa CBS. Samahan mo ako ha. Alam kong hindi ka busy
bukas."

"Okay." matipid na sagot ng binata.

Tumunog ang telepono ni Jerome. Nagsuot ito ng headset at sinagot ang tawag.

"Hello."

"Anong nangyari?..."

"Saang parte? Anong pangalan ng lugar?...."

"Okay..bye..."

Kaswal na pinutol ni Jerome ang tawag at tinanggal ang suot na headset. Walang
anumang pagbabago sa reaksyon ng mukha nito. Ngunit biglang binilisan nito ang
pagmamaneho.
"Bakit bigla kang nagmamadali?"nagtatakang tanong ni Jessica.

"May importante lang akong pupuntahan."

"Tungkol saan? Si Mr. Tan ba ang tumawag?"

Hindi sumagot si Jerome sa halip ay binilisan pa lalo nito ang pagmamaneho.


Pagdating sa condo ni Jessica ay humalik muna ang dalaga sa boyfriend bago bumaba.

"Tawagan mo ako pagdating mo sa bahay mo ha... At kung saan ka man pupunta ay wag
kang masyadong magpapagabi." paalala ng dalaga.

"Okay." tipid na tugon ni Jerome.

Bumaba ng sasakyan si Jessica at bago pa man ito makakaway sa bintana ng kotse ay


kaagad na pinaharurot na ng binata ang sasakyan. Nagtaka naman ang dalaga sa
ikinilos ng boyfriend...

Seryoso ang mukha ni Jerome habang nagmamaneho at panaka-nakang nakakaramdam ng


inis sa tuwing naabutan siya ng red light. Ilang sandali pa ay narating niya na ang
pupuntahang lugar. Nagsuot muna siya ng sumbrero bago bumaba ng sasakyan.

Nakayuko siyang naglakad papasok sa lugar upang maiwasang may makakilala sa kanya.
Nang makarating sa loob, iniikot niya ang mga mata. Inihinto niya ang mga paningin
sa nakatalikod na babaeng mag-isang umiinom sa bar.

Lumapit siya dito. Dumukot siya ng pera sa wallet at inilapag ito sa counter.
Hinawakan niya ang kamay ng babae at hinila ito papalabas...

Nagulat si Sandra sa biglang pagsulpot ni Jerome at sa walang pasintabing paghila


nito sa kanya palabas ng bar. Gusto niyang pumalag ngunit naisip niyang hindi siya
pwedeng mag-eskandalo dahil sa sikat na binata. Wala siyang nagawa kundi sumama at
sumakay sa kotse nito.
Walang imik na pinaandar ni Jerome ang sasakyan. Hindi rin nagsasalita si Sandra,
diretso lamang ang mga tingin niya habang nag-iisip ng malalim.

Sa kalagitnaan ng daan ay binasag ng lalaki ang katahimikan.

"Sobrang sakit ba?"

Hindi sumagot si Sandra.

"Sobrang sakit ba na kailangan mong magpakalasing?"

Tiningnan ni Sandra ang katabi at binigyan niya lamang ito ng sarkastikong mga
ngisi. Gusto niyang ipamukha dito na hindi siya naapektuhan sa pangingialam nito.

Pagdating sa kanilang condo ay agad siyang bumaba sa kotse ng lalaki. Dire-diretso


siyang naglakad papasok ng lobby. Mabilis namang bumaba ng sasakyan si Jerome at
kaagad nitong iniabot sa valet ang susi. Patakbo siya nitong hinabol.

Pagpasok sa elevator ay pinindot niya ang numero ng kanilang palapag. Pinindot


naman ni Jerome ang rooftop. Pagbukas ng pinto sa kanilang palapag ay nagtangka
siyang lumabas subalit mahigpit na hinawakan ng kapitbahay ang braso niya. Hindi na
siya nanlaban pa. Wala na siyang ganang makipagtalo dahil sa mabigat na
nararamdaman, hinayaan niya na lamang ang lalaki sa gusto nito...

Sa rooftop, naupo ang dalawa sa mahabang upuan. Pinakikiramdaman ni Jerome ang


dalaga.
"Masakit pa ba? Nasasaktan ka pa rin ba? Ayan oh ang lawak-lawak ng New York.
Isigaw mo sa kanila ang sama ng loob mo ngayon."

Hindi umimik si Sandra. Wala siyang ibang naririnig kundi ang naghihimagsik niyang
kalooban. Ganito ba lagi ang pagmamahal, mas madalas kang masaktan kaysa maging
masaya? Mas nangingibabaw ang sakit kaysa sa kaligayahan?

"Ganyan mo na ba kamahal si Clark?"

Hindi niya pa rin sinagot ang tanong sa halip ay tiningnan niya ang mukha ng
lalaking mas madalas manakit sa kanya.

"Bakit nagkakaganito ka na ulit Jerome? Naawa ka na naman ba sa akin? Nagmumukha na


naman ba akong kaawa-awa sa mga mata mo?"

Kumawala sa mga titig ng dalaga si Jerome at tumingin sa makislap na tanawin ng


lungsod. "Ayoko lang na nakikita kang nasasaktan Sandra."

"Paulit-ulit na lang yan ang dahilan mo. Masasaktan at masasaktan ako. Hindi sa
lahat ng oras ay magiging masaya ako Jerome. Anong gusto mong mangyari ang makialam
ka sa tuwing makikita mo akong malungkot?"

"Pero hindi ka dapat masaktan sa ganitong paraan!"

Ngumisi si Sandra. Hindi siya makapaniwalang narinig niya ang mga salita mula sa
bibig ng isang taong walang karapatang sabihin ito."Sa papaanong paraan ako dapat
masaktan? Sa paraan ba ng pananakit mo sa akin?"

"Sandra?..."
"Sa tingin mo ba hindi mo ako nasasaktan Jerome sa mga ginagawa mo? Sa palagay mo
ba hindi ako nasaktan ng dahil sayo?!"

"Anong ibig mong sabihin Sandra?..."

Unti-unting nadadala si Sandra sa nagrerebelde niyang kalooban. At sa pagkakataong


yun ay tila gusto niyang ilabas ang lahat ng galit at sakit. Nawawalan na siya nang
tiwala sa sinasabi nilang pag-ibig. Parang gusto niya nang magsisi kung bakit
hinayaan niyang buksan ang puso para dito.

"Wala kang karapatang humiling para sa kaligayahan ko...dahil mas matindi ka


manakit!"

"Hindi kita maintindihan...Ipaliwanag mo ang lahat..."

"Binura ko na ang lahat Jerome. Kaya wala na akong dapat ipaliwanag. Itigil mo na
lang ulit ito at huwag ka na uling magparamdam gaya ng dati! Masaya na ang relasyon
nyo ni Jessica, huwag mo na uling pahirapan ang kaibigan ko at huwag mo na rin
akong pahirapan. Dahil kahit anumang pag-aalalang ipakita mo sa akin. Babagsak at
babagsak pa rin ito sa pananakit mo! Huwag mo na ulit akong paglaruan! Itigil mo na
yang pagiging makasarili mo dahil hindi pagmamalasakit ang ginagawa mo, gusto mo
lang gawin ang mga bagay base sa pansamantalang nararamdaman mo nang hindi iniisip
na may mga tao kang masasaktan!"

Hindi nakakibo si Jerome sa mga sinabi ng kausap. Nanlaki ang kanyang mga mata sa
mga salita nito. Mahirap paniwalaan ngunit parang unti-unti niya nang nakukuha ang
ibig nitong sabihin. Tumayo si Sandra ngunit tumayo din siya. Mahigpit niya itong
hinawakan sa kamay at iniharap sa kanya. Tinitigan niya ito nang may matatapang na
mga mata.
"Nasaktan ka? Pananakit ko? Binura mo?...Anong binura mo Sandra? Anong binura mo?!"

Hindi niya inalis ang pagkakatitig sa mga mata ng dalaga. Dito nya pilit hinanap
ang mga kasagutan sa kanyang mga tanong.

"M-May nararamdaman ka rin ba para sa akin?..."

Hindi makasagot si Sandra. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa tanong ni


Jerome. Unti-unti siyang natauhan. Bigla siyang nagsisi na nagpadala siya sa estado
ng kanyang emosyon.

"Paano kita nasaktan Sandra?...Dahil din ba sa kirot na nararamdaman mo kapag


kasama ko si Jessica? May tumutusok din ba sa dibdib mo pag nakikita mo kaming
masaya? Para ka rin bang sinaksaksak ng paulit-ulit habang nakikita mong
hinahalikan ko si Jessica? Ganyan ba kita nasaktan Sandra? Ganyan ba?!" pasigaw na
tanong ni Jerome habang namumula ang mukha.

"Wala na tayong dapat pag-usapan Jerome. May pinoproblema na ako kay Clark. Wag mo
nang dagdagan."biglang hinahong wika ng babae habang pilit tinatanggal ang kamay sa
mahigpit na pagkakahawak ng binata.

"Sagutin mo ako Sandra! Gusto kong malaman kung pareho tayo ng nararamdaman! Dahil
sa ganyang paraan mo rin ako sinasaktan ngayon!"

Natigilan si Sandra sa narinig. Nag-umpisang mangilid ang kanyang mga luha. Hindi
niya sinasadyang mauwi ang usapan sa ganito. Natatakot siya sa susunod na sasabihin
ng lalaki. Gusto niya nang makaalis bago pa man ito magsalita ng ibang bagay. Mas
lalo niyang pinagpilitang tanggalin ang kanyang kamay subalit ayaw itong pakawalan
ng binata.
"Tama na Jerome...tama na. Huwag mo na uli akong pahirapan. Nakikiusap ako...wag mo
na ulit akong guluhin."

"Bakit ka nahihirapan? Bakit ka nahihirapan Sandra?! SAGUTIN MO AKO!!!"

Muling nawala sa sarili niya si Sandra nang marinig ang malakas na sigaw ni Jerome.
Muling nangibabaw ang nagrerebelde niyang damdamin. Nagising ang nang-uudyok sa
kanyang damdamin na ilabas lahat ng bagay na pilit niyang ibinabaon sa dibdib.

"NAHIHIRAPAN AKO DAHIL SA MALING NARARAMDAMAN KO PARA SAYO! NAHIHIRAPAN AKO NA


TUMUTUTOL ANG PUSO KO SA SINASABI NG ISIP KO! NASASAKTAN AKO DAHIL MAY NARARAMDAMAN
AKO SA TAONG MAHAL NG KAIBIGAN KO! NASASAKTAN AKO DAHIL ALAM KONG HANGGANG SA
KAHULI-HULIHAN AY WALA AKONG KARAPATANG MAHALIN KA JEROME!"

Unti-unting tumulo ang kanyang mga luha.

"Kaya't nakikiusap ako...pabayaan mong matutunan kong mahalin si Clark. Ginagawa ko


ang lahat Jerome...ginagawa ko ang lahat na mabura ka dito sa dibdib ko. Ayokong
saktan ang kaibigan ko...ayokong may masaktan dahil sa bawal na nararamdaman
ko...Hindi ko ito gusto...Hindi ko ginustong magmahal sa maling tao. Ngayon lang
ako nagmahal Jerome kaya nahihirapan ako. Tulungan mo akong tanggalin ka sa puso
ko...Tulungan mo ako, parang awa mo na..."

Natulala si Jerome habang namumuo ang mga luha sa mga mata.


Ang buong akala niya ay sarado ang puso ng dalaga....

Ang buong akala niya ay hindi ito marunong magmahal....

Ang buong akala niya ay siya lang ang nagmamahal dito....

Bakit hindi niya ito nakita? Bakit pansamantala siyang naging tanga?...

Bakit pa niya pinahirapan ang sarili at tinikis ang lahat?....

Matagal siyang hindi nakakilos at nakapagsalita sa matinding pagkabigla. Nakikita


niya ang tumatalikod nang kausap. Nagsisimula na itong humakbang papalabas.
Papayagan nya ba itong umalis matapos malaman ang lahat?

Hinabol niya ang umiiyak na dalaga. Iniharang niya ang sarili sa dadaanan nito.
Niyakap niya ito ng mahigpit at mariing hinalikan sa labi.

Hindi gumanti si Sandra sa mga yakap at halik ng lalaki. Nang tumigil si Jerome sa
paghalik sa kanya ay agad siyang kumawala mga yakap nito at binigyan niya ito ng
isang mahinang sampal.

"Ganito ba? Ganito ba ang igaganti mo sa mga pakiusap ko sayo?" sumbat niya dito.
"Pareho tayo ng nararamdaman Sandra..." mangiyak-ngiyak na pag-amin ni Jerome.

"Oo alam ko Jerome. Pareho tayo ng nararamdaman...pareho tayong may maling


nararamdaman na dapat putulin."

"Hindi ako papayag na putulin ito Sandra."

"At anong gusto mo. Mamahalin mo si Jessica habang nandyan din ako sa puso mo?
Ganyan ba ang gusto mong mangyari?"

"Sandra, kahit anong gawin ko ay pilit pa rin akong bumabalik sayo."

"Mahal mo rin si Jessica at siya ang nasa tabi mo ngayon Jerome kaya't nakikiusap
akong huwag mong saktan ang kaibigan ko... May lalaki na ring nagmamahal sa akin at
mamahalin ko rin si Clark kaya't pagtulungan nating tapusin ang pagkakamaling ito."

"Bigyan mo ako ng pagkakataong mahalin ka Sandra. Hindi ko kayang ipaubaya ka ulit


kay Clark. Hindi na ulit ako papayag na maulit ang gabing pinakawalan kita."

Hindi na muling nagsalita pa si Sandra sa halip ay ipinagpatuloy niya ang


paglalakad papaalis ng rooftop nang may matigas na mukha.

"Kaya kong itapon ang lahat huwag lang ang nararamdaman ko para sayo
Sandra!.....Mahal kita. Mahal na mahal kita Sandra!"

Tila wala siyang naririnig at nagtuloy-tuloy lamang sa paglalakad. Ngunit sa kabila


nito ay lihim na pumatak ang kanyang mga luha lalo na nang marinig ang mga huling
sinabi ni Jerome...

*******************************************
[26] KISLAP NG KAMERA
*******************************************

*******

Nakaupo ang matandang Montecastro sa kanyang opisina. Kaharap nito ang isang
lalaking may hawak-hawak na isang malaking envelope. Binuksan ng lalaki ang bitbit
at inilapag sa mesa ang mga dalang litrato.

Tiningnan ito ni Mr. Montecastro.

"Bakit mga kuha ni Jerome Hernandez ito? Hindi siya ang pinapasubaybayan ko sayo!
Marami ng mga sumusunod na kamera sa taong iyan bakit nakikisabay ka pa!"
iritableng wika ng matanda.
"Tingnan nyo po munang maigi, sir."

Nagsuot ng salamin ang matanda at tinitigang mabuti ang mga larawan. Napansin
nitong ilan sa mga litrato ay kasama si Sandra. Kuha ito sa mga sandaling pumunta
ang basketbolista sa coffee shop.

"Kasintahan siya ng kaibigan ng babaeng ito. Hindi malaking bagay kung maging
kustomer si Jerome Hernandez sa pinagtatrabahuan niyang coffee shop! Anong klaseng
pagmamanman ba ang ginagawa mo?!"

"Hindi pa yan nagtatapos dyan sir."

Naglabas ulit ng panibagong mga larawan ang lalaki.

Isa-isa itong tiningnan ni Mr Montecastro. Mga kuha ulit ang mga ito ni Jerome
Hernandez na pumapasok sa isang bar habang nakasuot ng sumbrero at nakayuko. Walang
ganang tiningnan niya ang mga larawan subalit bigla siyang natigilan nang
magsimulang tumambad sa kanya ang sunud-sunod na mga larawang kasama na nito si
Sandra.

Tinitigan niyang mabuti ang mga nakaw na kuha. Papalabas ang sikat na binata at ang
babae sa nasabing bar nang magkahawak ang mga kamay. Sunud-sunod ang kuha ng mga
ito at halos karamihan sa mga larawan ay magkahawak kamay ang dalawa. Binusisi niya
pa ang iba pang mga natitirang larawan. May mga kuha dito na magkasama pa ang mga
ito sa loob ng minamanehong sasakyan ng basketbolista.

"Anong masasabi nyo Mr. Montecastro?"


Ibinato niya sa galit ang mga larawan.

"Simberguenzang babae! Siya pa ang may ganang magtaksil sa anak ko! Sinasabi ko na
nga bang isa siyang mababang uri ng babae! Walang kahihiyan! Kinakalantari pati
nobyo ng kaibigan!"

Tumingin siya sa utusang lalaki.

"Magpadala ka ng kopya ng mga litrato sa opisina ni Clark. Ngayon din!"

"Sige po Mr. Montecastro..."

Naglakad papalabas ng pintuan ang lalaki subalit mabilis itong pinigilan ng


matandang Montecastro.

"Sandali! Huwag mo na itong gawin! May naisip akong mas magandang paraan."

Unti-unting tumalim ang mga mata ng matanda at ngumiti ito ng nakakaloko...

-----

Kalalabas lang ni Jerome sa shower. Nakatapis lamang siya habang nagpupunas ng


basang buhok. Naghahanda siya para sa isang exclusive interview sa ESPN. Sa kabila
ng abala niyang schedule para sa buong araw ay si Sandra pa rin ang umuukupa ng
kanyang isipan. Hindi niya pa rin makalimutan ang mga narinig at nalaman. Kinuha
niya ang kanyang cellphone. Gusto niyang pasalamatan si Vicky sa ginawang pagtawag
nito sa kanya. Subalit nang masilayan ang telepono ay nagulat siya sa nakitang
dalawampu't isang missed calll mula kay Mr. Tan. Tatawagan niya na sana ito subalit
naunahan siya ng agent.

"Mr. Tan bakit?"

"Jerome Anong nangyayari sayo? Ano tong pinaggagagawa mo?!!!"

Bigla siyang kinabahan. "Bakit Mr. Tan may problema ba?"

"Meron! Napakalaking problema Jerome! Ti-tingnan mo sa internet ngayon din!!!!"

Kaagad niyang ibinaba ang telepono at dinampot ang Ipad. Nanlaki bigla ang mga mata
niya sa nakita.

"Si Sandra.... Kailangan ko siyang puntahan!"

Nagmadali siyang magbihis. Natataranta siya sa dapat gawin. Nag-isip siya ng


maiging solusyon sa nangyayari. Nang may pumasok sa kanyang isipan na
pansamantalang solusyon ay agad siyang naghanap ng malaking bag. Nagbalot siya ng
ilang mga damit at gamit. Pagkatapos ay patakbo niyang nilisan ang apartment.

-------

JEROME HERNANDEZ NAGTATAKSIL NGA BA KAY JESSICA LOPEZ!


JEROME HERNANDEZ HULI SA AKTO KASAMA ANG ISANG BABAE!"

JEROME HERNANDEZ TWO-TIMER?

MISTERYOSANG BABAENG, LIHIM NA KARELASYON NG NBA SUPERSTAR NA SI JEROME HERNANDEZ?

JESSICA LOPEZ AND JEROME HERNANDEZ PLUS ONE?

Hindi makapaniwala si Vicky sa nababasa sa mga hawak-hawak na diyaryo. Nanginginig


siya sa nerbyos. Kasalanan niya ang lahat ng ito dahil tinawagan niya ang sikat na
binata.

Napalingon siya sa naglilinis na si Sandra. Halatang wala itong kamalay-malay sa


nangyayari. Nanginginig ang mga kamay niya habang tinititigan ang mga larawan sa
diyaryo. Nanlaki pa lalo ang mga mata niya nang makitang may larawang kuha sa
coffee shop. Kita dito ang pangalan ng kanilang lugar.

May panibagong kabang umuusbong sa dibdib niya. Natatakot siya sa susunod na


mangyayari. Tumunog ang kanyang telepono. Tumatawag si Jerome.

"He-hello Jerome. Anong nangyayari?"


"Miss Vicky. Alam na ba ni Sandra?!"

"Hi-hindi pa."

"Mabuti kung ganoon. Huwag nyong sasabihin sa kanya."

"Oo, oo."

"Kunin nyo ang mga gamit niya at ilayo niyo siya ngayon din sa coffee shop. Tatawag
ulit ako. Bye!"

Pagkababa ng telepono ay natatarantang dinampot ni Vicky ang bag ni Sandra.

"Mr. Castro, may importante lang ho kaming pupuntahan ni Sandra....Ah at pwede ko


ho bang mahiram itong sumbrero niyo?"

Walang pasabing hinila niya papalabas ang naglilinis na dalaga.

"Anong ginagawa nyo Miss Vicky? Saan tayo pupunta at saka ba't dala-dala nyo ang
mga gamit ko?"
"Huwag ka nang magtanong basta't sumunod ka na lang sa akin!"

Isinuot niya sa dalaga ang hiniram na sumbrero at mabilis niya itong hinilang
maglakad papalayo. Nang makalayo-layo ng kaunti ay lumingon siya sa likuran at
natanaw niyang unti-unti nang may mga dumarating na mga mamamahayag sa coffee shop.
Dahil sa nakita ay binilisan niya pa lalo ang paglalakad.

"Ano bang nangyayari ba't nagkakaganito kayo? Meron ba kayong pinagtataguan? Bakit
kasama pati ako?" puno ng pagtatakang bigkas ni Sandra.

"Wag ka nang dumaldal dyan! Bilisan mo ang paglalakad at ibaba mo pa yang


sumbrerong suot mo!"

Tumunog ulit ang telepono ni Vicky.

"Hello...? Andito kami sa ikaapat na kanto mula sa shop."

Ilang saglit lang ay huminto sa harap ng dalawang babae ang kotse ni Jerome.
Nagmamadaling binuksan ng binata ang harapang pinto. Itinulak ni Vicky papasok ng
sasakyan ang tumatangging dalaga.

"Sandali! Sandali! Ano ba to? Pinagkakaisahan nyo ba ako?!"

Walang sumagot kay Sandra. Nagpumalag siya ngunit naisakay din siya sa kotse.
Inihagis ni Miss Vicky sa loob ang kanyang bag at mabilis nitong isinarado ang
pinto bago pa man siya makapagtangkang lumabas. Pinaandar naman kaagad ni Jerome
ang sasakyan.
"Saan mo ako dadalhin? Itigil mo ang sasakyan Jerome!"

Hindi pinansin ni Jerome ang mga pagpapalag ni Sandra. Tahimik lang niyang itinuloy
ang pagmamaneho. Ilang sandali pa ay tumatawag na sa kanyang telepono si Jessica.
Hinayaan niya lang itong mag-ring.

"Bakit ayaw mong sagutin? Akin na at ako ang sasagot!" galit na wika ni Sandra.

Kinuha ni Jerome ang telepono bago pa man ito madampot ng babae at mabilis niya
itong pinatay. Ilang saglit lang ay sa cellphone naman ni Sandra tumatawag si
Jessica. Hinablot niya sa babae ang telepono at pinatay din ito.

Nanlaki ang mga mata ni Sandra sa ginawa ng lalaki. "Anong ginagawa mo? Kinikidnap
mo ba ako?! Nasisiraan ka na ba ng ulo Jerome?"

Pinagsusuntok niya sa braso ang nagmamanehong binata.

"Ibaba mo ako! Ibaba mo ako sabi!"

"PWEDE BA SANDRA TUMAHIMIK KA MUNA! Wala akong gagawing masama! Kailangan ko lang
gawin ito! Saka ko na lamang ipapaliwanag sayo!"

Nagulat si Sandra sa sigaw ng binata. Bigla siyang napilitang huminahon. Noon niya
lang napag-isip isip na maaring mayroong problema.
"S-saan ba tayo pupunta?..."

"Hindi ko rin alam."

Mas lalo siyang naguluhan sa sagot. Napakunot siya ng noo. Magsisimula na naman
sana siyang tumalak ngunit nang makita niya kung gaano kaseryoso ang mukha ni
Jerome ay pinili niya na lamang manahimik...

Limang oras nang nagmamaneho si Jerome. Hindi pa rin alam ng lalaki kung saan sila
pupunta. Wala pa rin siyang makitang lugar na pwede niyang pagtaguan sa dalaga.

Nagsimulang mag-alala si Sandra sa kasama. Nahahalata niyang pagod na ito. "Hindi


ka pa ba napapagod? Baka gusto mo munang magpahinga. Kung gusto mo ako na muna ang
magmamaneho?"

"Okay lang ako. Ikaw? Nagugutom ka na ba?"

Tumango siya. Kanina pa kumukulo ang tiyan niya ngunit nahihiya siyang banggitin
ito sa lalaki.

" Jerome ayun o may restaurant!"


Hindi huminto si Jerome. Nagtatakang tiningnan niya ito.

"Hindi tayo pwedeng kumain sa restaurant."

Nag-umpisa siyang maghinala. Parang unti-unti niya nang nakukuha ang sitwasyon
nila. Maya-maya lang ay huminto sa isang convenience store si Jerome.

"Ako na ang bababa." wika ni Sandra.

"Teka Sandra, magsuot ka ng salamin at sumbrero."

Inabot ni Jerome ang salamin at sumbrero niya sa dalaga.

Tahimik na pumasok si Sandra sa tindahan. Kakaunti lang ang kustomer dito. Maingat
siyang namili ng makakain ngunit bago siya pumunta sa counter ay lumapit siya sa
newsstand ng tindahan. Biglang laki ng mga mata niya nang makita ang sariling mukha
sa frontpage ng mga diyaryo. Dinampot niya ang isa sa mga ito at palihim na binasa.
Pagkatapos ay kaagad siyang yumuko, ibinaba niya pa lalo ang harapan ng suot na
sumbrero at mabilis na nagbayad sa kaha.

Pagbalik sa sasakyan ay tinitigan niya si Jerome... Kahit papaano ay naantig siya


sa ginawa nito. Nagawa pa rin talaga siya nitong unahin kaysa magpaliwanag at
linisin ang pinangangalagaang pangalan.

"Jerome..."
"Bakit?"

"Wala..."

Muling pinaandar ni Jerome ang sasakyan.

"Teka hindi ka ba muna kakain?"

"Wala na tayong oras Sandra."

Binuksan ni Sandra ang biniling burger. Susubo na sana siya ngunit napatingin siya
sa katabi.

"Oh." alok niya dito habang itinatapat ang burger sa bibig nito para subuan ito.

Nagulat si Jerome sa di-inaasahang kilos ni Sandra. Sinusubuan siya? Sigurado ba


siya sa kanyang nakikita?

"Oh." ulit nitong alok sabay lapit lalo ng pagkain sa kanyang bibig.
Nag-aalangang napakagat siya sa burger. Pagkatapos ay binigyan siya ni Sandra ng
isang abot tengang ngiti. Biglang luwag ng kanyang pakiramdam nang makita ang
matamis na ngiti ng dalaga kung kaya't ginantihan nya rin ito ng ngiti.

Unti-unting nawala ang kaba at pag-aalinlangan ni Sandra. Hanggang sa dahan-dahang


nabawasan ang tensiyon sa loob ng sasakyan. Maya't maya nang nagpapasubo ng pagkain
si Jerome at pinagbibigyan naman ito ng natatawang dalaga na nagagawa pang punasan
ng tisyu ang bibig ng lalaking nagmamaneho.

"Saan ba talaga tayo pupunta Jerome?"

"Itatanan kita."

"Huwag ka ngang magbiro!"

"Double purpose, pwede naman di ba?"

"Teka wala akong kadala-dalang damit!"

"Walang problema sa akin kahit hindi ka magdamit."


"Jerome hindi sabi ako nakikipagbiruan!"

Naghanap ang dalawa ng mabibilhan ng mga damit. Ngunit nasa liblib na lugar na sila
malapit sa dagat kung kaya't nahirapan silang makakita ng tindahan.

"Jerome itabi mo. May nakita na ako."

"O wag mong kalimutang magsuot ng sumbrero't salamin."

Tumingin sa paligid si Sandra. "Wala na namang katao-tao. May makakakilala pa ba sa


akin dito. Mukhang hindi na nga naabot ng diyaryo to."

"Magsuot ka pa rin baka mauwi lang sa wala ang pinaghirapan nating byahe."

Pumasok si Sandra sa isang lumang tindahan. Siya lang ang kaisa-isang kustomer
dito. Mga damit agad ang hinanap niya ngunit wala siyang makita maliban sa tatlong
pares ng panligong bikini. Binili niya pa rin ang mga ito dahil kahit papaano ay
pwede niya itong gamiting panloob. Bago magbayad sa kaha, naisipan niya na rin na
bumili ng mga pangunahin nilang kakailanganin. Kumuha siya ng dalawang pares ng
toothbrush, shampoo, toothpaste, sabon, tinapay, de lata at iba pang makakain.

Mga ilang kilometro lamang mula sa tindahan ay huminto sa isang simpleng resthouse
sa tabing dagat si Jerome. May nakasabit na 'for rent' sa ala-alambreng bakod nito.
Lumabas ang matandang lalaking tagabantay nang makita ang pumaradang sasakyan.
"Ako na ang makikipag-usap." sambit ni Sandra.

Hinubad ng dalaga ang suot na seatbelt at lumabas ng kotse. Lumapit siya sa


matandang lalaki. Nang magkasundo ay binuksan ng matanda ang gate at pinapasok ang
kanilang sasakyan.

"Ineng nasa kabilang kalye lang ang bahay ko. Kung may kailangan kayo ay tawagin
nyo na lang ako. Eto na yung susi ng bahay. Malinis yan at may mga naka stock na
rin na mga lulutuing pagkain. Pwede nyo ang mga itong gamitin at idadagdag ko na
lang sa babayaran nyo."

"Sige po. Salamat po Tay!"

Hinintay muna nilang makaalis ang matanda bago lumabas ng sasakyan si Jerome.
Binuksan ng binata ang trunk ng sasakyan. Inilabas ang dalang bag at mga pinamili
ni Sandra. Inirapan naman ng dalaga ang lalaki nang makitang nakapaghanda ito ng
sariling gamit.

Masiglang umakyat ng bahay ang dalawa na parehong nakahinga ng maluwag at natapos


din ang mahabang biyahe. Subalit pagdating sa pintuan ay biglang natigilan si
Sandra. Bigla siyang kinabahan at napaisip. Unti-unti niyang napagtanto ang
sitwasyon... Pansamantala ba siyang mananatili sa isang bahay sa liblib na lugar
kasama si Jerome, ang taong dapat ay kanyang iniiwasan?
*******************************************
[27] PAHIRAM NG SANDALI
*******************************************

******

Malapit nang tumulo ang mga luha ni Jessica. Buong araw niyang sinusubukang tawagan
si Jerome ngunit nananatiling sarado ang telepono nito. Wala na siyang mapaglagyan
ng kaba. Para siyang matutumba sa tuwing naiisip na baka kasama nito si Sandra.

Wala siyang makausap. Patay ang telepono ng kasintahan. Sarado ang telepono ng
kaibigan. Paulit-ulit niya ring sinubukang tawagan si Clark ngunit palaging busy
ang numero nito. Hindi siya makalabas ng opisina. Silang dalawa na lang ni Mylene
ang natitira dito. Wala siyang pwedeng madaanan. Lahat ng maari niyang labasan ay
may nakabantay na mga reporters. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam ang
sasabihin.

"Ma'am anong gagawin natin? Dito na ho ba tayo matutulog? Kailangan makapag-isip


tayo ng paraan dahil hindi rin aalis ang mga yan hangga't hindi kayo nakikitang
lumabas."

Wala siyang maisip. Hindi niya alam maging kung ano ang uunahin sa mga
nararamdaman. Ang magalit dahil sa pagsisinungaling ng kasintahan tungkol kay
Sandra. Ang masaktan dahil baka magkasama ang dalawa. Ang kabahan dahil nawawala si
Jerome. Ang maiyak dahil pinabayaan siya nito. Ang mahiya dahil sa eskandalo. Hindi
niya alam. Malapit na siyang maghisterya sa nangyayari.
Biglang tumunog ang kanyang telepono. Si Clark! Tumatawag si Clark. Natataranta
siyang sumagot.

"Clark kasama mo ba si Sandra?"

"Hindi Jessica."

"Nakausap mo na ba siya."

"Hindi rin...."

"Alam mo ba kung nasaan siya? Kung sino ang kasama niya?"

Hindi kaagad sumagot si Clark... Alam niya ang lahat. Umamin sa kanya si Vicky sa
mga totoong nangyari.

"Hindi...Jessica."
"ANONG KLASE KANG BOYFRIEND?!!! BAKIT WALA KANG ALAM! BAKIT HINAHAYAAN MONG
MANGYARI ITO KAY SANDRA?! BAKIT HINAHAYAAN MONG AGAWIN SIYA NG IBANG LALAKI! WALA
KANG KUWENTANG LALAKI!!!!"

"Ma'am huminahon kayo. Baka naman nag-iisip lang si Sir Jerome ng tamang solusyon
sa problema kaya nagpatay muna ito ng telepono."

Tumulo na ang mga luha ni Jessica. Nanginginig na ang buo niyang katawan. Hindi
niya na mapigilan ang damdamin. Hindi niya alam kung kanino siya hihingi ng tulong.

Biglang nagbago ang tono niya. "Clark wag mo munang ibaba please..."

"Andito pa ako..."

"Tulungan mo ako. Hanapin natin sila. Gawin mo lahat ng paraan. Gamitin mo lahat ng
koneksiyon mo. Parang awa mo na ibalik mo sa akin si Jerome. Tulungan mo ako
Clark!"

" Nasaan ka ngayon?"


"Na-nasa opisina ako. Hindi ako makalabas dito."

"Susunduin kita dyan."

"Si-sige.."

"Jessica,...ibigay mo sa akin ang plate number ng sasakyan ni Jerome."

"Si-sige."

"Bye."

Tila kalmadong ibinaba ni Clark ang telepono. Ngunit ilang saglit lang ay bigla
niyang sinuntok ang dingding. Dumugo ang kanyang kamay.

Nagkamali siya. Nagkamali siya ng akala kay Jerome Hernandez. Hindi niya inasahang
malalim ang nararamdaman nito para kay Sandra. Ni minsan ay hindi sumagi sa kanyang
isipan na itataya ng sikat na basketbolista ang pangalan alang-alang sa dalaga.

Hindi siya papayag. Babawiin niya si Sandra. Hahanapin niya ang kasintahan maging
hanggang sa kasuluk-sulukan ng mundo! Mahal na mahal niya si Sandra kung kaya't
walang sinumang pwedeng umagaw sa kanyang girlfriend. Siya lang ang may karapatan
sa babae!
Tumunog ang telepono niya. Ipinadala ni Jessica ang plate number ng kotse ni
Jerome. Kaagad naman niya itong ipinadala sa isang tao.

"Hello Mr. Andrew. Yan ang plate number ng isang itim na infiniti sports car. Wag
kayong titigil hangga't hindi nyo nalalaman ang lokasyon ng sasakyan. Kung
kinakailangang isa-isahin nyo ang CCTV sa buong america ay gawin nyo, makita nyo
lang ang kotseng yan!"

-----

Kumukurap-kurap ang mga mata ni Sandra. Tinatamaan ng sikat ng araw ang kanyang
mukha mula sa bintana ng kuwarto. Inikot niya ang kanyang nakadapang katawan sa
kama hanggang sa unti-unti siyang naalimpungatan.

Iminulat niya ang mga mata. Inilibot ang paningin sa silid at biglang napabalikwas
ng gising ng maalalang wala siya sa sariling bahay.

Inayos niya ang sarili at dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kuwarto. Sumilip
muna siya bago lumabas. Nakita niya si Jerome na mahimbing pa ring natutulog sa
sopa.

Pareho silang pagod na pagod kagabi kung kaya't pagkapasok nila ng bahay ay kaagad
silang nakatulog. Nilapitan niya ang lalaki at nakaramdam ng awa sa hitsura nito.
Pilit nitong pinagkakasya ang sarili sa maliit. Nakadapa ito, nakalaylay ang isang
kamay sa sahig at kalahati ng mahahabang hita nito ay lumalampas na sa upuan.
"Bakit mo ako tinititigan? Naawa ka ba sa hitsura ko dito? Papayagan mo na ba akong
matulog sa kuwarto mamaya?"

Nataranta si Sandra nang magsalita ang inaakalang tulog na lalaki.

"A-anong tinititigan?! Gigisingin lang kita dahil itatanong ko kung ano ang gusto
mong almusal! Hindi ako naawa sayo kung gusto mo doon ka sa kuwarto matulog mamaya
at ako dito sa labas." katwiran niya nang may namumulang mukha.

Natawa si Jerome. Bumangon ito at kumuha ng maiinom na tubig.

"Bakit ka magtatanong? Ipagluluto mo ba ako?"

"Meron pa ba akong magagawa eh sa dadalawa lang tayo dito."

Tumungo sa kusina si Sandra at sinimulang maghanda ng almusal.


Naupo si Jerome sa mesa at matiyagang naghintay sa niluluto ng dalaga. Tinititigan
nya si Sandra habang abala ito sa ginagawa. Bagama't dapat siyang mag-alala dahil
sa eskandalong nangyayari ay hindi niya maikakailang mas nangingibabaw ang
kaligayahang kanyang nararamdaman. Hindi siya makapaniwalang panandalian niyang
masosolo at makakasama ang babae. Pansamantalang sa kanya muna ang lahat ng oras
nito.

"Kailangang mas masarap ang mga lulutuin mo sa akin ha kumpara sa inihatid mo kay
Justin!"

Napatingin si Sandra sa lalaki. Inirapan niya ito. "Ang tagal-tagal na noon


hanggang ngayon ba ay masama pa rin ang loob mo?!"

"Siyempre hindi ko makakalimutang mas nauna mo siyang ipinagluto kaysa sa akin."

Napailing si Sandra sa pag-aasal bata ng kasama. Maya-maya lang ay natapos na siya


sa pagluluto. Inihanda niya ang mesa at inihain ang mga nilutong pagkain habang
iniiwasan ang mga titig ng kasama.

Naupo na rin siya sa mesa at sinimulang kumain. Napansin niyang hindi pa rin
kumakain ang binata.
"Bakit ayaw mo ba sa mga niluto ko?"

"Kailangan ba nagmamaneho lang ako para subuan mo?"

Nanlaki ang butas ng ilong niya. "Hoy Jerome Hernandez! Hindi ka na pagod at
nakapagpahinga ka na. Siguro naman ay kayang-kaya mo ng buhatin yang kutsara't
tinidor sa harap mo!"

Natawa ulit si Jerome. Sisimulan niya ng pang-aasar ang unang araw nilang
magkasama. Dinampot niya ang kutsara't tinidor habang ngingiti-ngiti sa babaeng
nakatingin sa kanya ng masama.

"Ano bang plano mo?" biglang pagseseryoso ni Sandra habang kumakain.

"Dito na tayo titira at magkakaanak."

Tinitigan ulit siya ng masama ng dalaga. Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy
lamang ang kanyang masiglang pag-aalmusal.
"Sabihin mo sa akin ang lahat ng binabalak mo. Isipin mo din na nag-aalala na
ngayon si Jessica. Paano niya haharapin mag-isa ang eskandalong ito. Kailangan ka
lalo ng girlfriend mo ngayon..." pangungulit ni Sandra at sabay baling ng mga mata
nito sa sariling plato. "At siguradong hahanapin din ako ni Clark...." may
kahinaang sabi nito.

Biglang nawalan ng gana si Jerome nang banggitin ng dalaga ang pangalan ng lalaki.
Binitawan niya ang kutsara't tinidor at seryosong sinagot ang tanong ng kausap.

"Pahuhupain ko lang ang balita bago tayo bumalik."

"Gaano ba katagal?"

"Mga dalawang linggo."

"Dalawang linggo?!!! Jerome, may trabaho ako. At abalang tao ka rin. Papaano mo
magagawang iwan lahat ng mga responsibilidad mo sa loob ng dalawang linggo?!"

"Sa tingin mo makakapagtrabaho ka sa coffee shop sa sitwasyon mo ngayon? Baka nga


hindi ka na makapaglakad sa kalsada ng walang nakasunod sayo na kamera o reporter."

Hindi sumagot si Sandra. Ni sa panaginip ay ayaw niyang mangyari ang bagay na


binabanggit ng kausap.
"Alam kong iniisip mo si Jessica pero tiyak kong mas sanay iyon kaysa sayo
pagdating sa ganitong bagay. Palilipasin ko lang ang ilang araw at kokontakin ko
rin siya. Wag lang muna ngayon dahil masyado pang mainit ang balita mahirap na baka
masundan tayo dito." dagdag na paliwananag ni Jerome. "At kung iniisip mo naman ang
lalaking binabanggit mo ay wala akong pakialam. Bahala siyang gumawa ng paraan kung
gusto ka niyang hanapin dahil ako ito ang paraan ko para protektahan ka."

"....Ah at wag na wag kang magkakamaling buksan ang telepono mo kung ayaw mong
mapuno ng mga kamera at reporters ang maliit na bahay na ito."

Ipinagpatuloy ni Jerome ang pagkain. Nawala ang mga ngiti sa mukha nito.

Tumahimik naman si Sandra nang magseryoso ang kaharap. Hindi siya pumapayag sa
balak nito. Mag-iisip siya ng ibang paraan para maayos ang lahat.

Matapos mag-almusal ay pumasok ng banyo si Jerome para mag-shower. Niligpit naman


ni Sandra ang mga pinagkainan at pinaglutuan. Napansin niya ang dalang gamit ng
binata na nakalagay lamang sa sala. Kinuha niya ito at dinala sa kuwarto. Isa-isa
niyang inayos ang mga damit at ipinasok sa closet.

Natapos siya sa pag-aayos ng gamit ng lalaki. Nang isinasara niya na ang pinto ng
closet ay biglang tumambad sa kanya ang bagong ligo at nakatapis na lalaki na noon
ay ilang saglit na palang nakatayo sa tabi niya at natatakpan lamang ng pinto ng
aparador.
"Susmaryusep!" bulalas niya.

Napahawak siya sa kanyang dibdib sa pagkabigla.

"Mag-ingay ka naman bago ka pumasok!"

Tiningnan niya uli ng masama si Jerome hanggang sa napadako ang kanyang mga mata sa
matipunong katawan nito. Mula sa kanyang kinatatayuan ay nasisinghot niya ang
bagong ligong amoy nito. Napalunok siya at kaagad niyang inalis ang mga mata sa
katawan ng kaharap.

"Pwede ba akong makibihis dito sa teritoryo mo?" tanong nito.

Tumango siya. Pakiramdam niya ay namumula na siya kung kaya't bahagya siyang
napayuko.

"I-inayos ko na ang mga damit mo..."

Nahihiyang lumabas ng kuwarto ang dalaga. Tatawa-tawa naman si Jerome sa nakitang


pamumula ng babae. Napangiti rin ito nang makita ang nakaayos niyang mga gamit....
-------

Nanatiling nasa kani-kanilang teritoryo sina Sandra at Jerome. Ang dalaga sa


kuwarto at ang binata naman sa sala. Nakahiga at paikot-ikot lamang sa kama ang
babae samantalang nanonood naman ng TV ang binata subalit iniiwasan nito ang mga
channels na maaring mapanood ang sarili.

Nakaramdam na si Sandra ng panlalagkit ng katawan. Lumapit siya sa pinto at sinilip


ang nanonood na kasama.

"Jerome pwede ba akong makahiram ng damit?" malumanay na tanong niya.

"Kumuha ka lang dyan." sagot ng lalaki nang hindi inaalis ang mga mata sa
telebisyon.

Lumabas ng kuwarto ang babae at nagpunta ng banyo. Pagkalipas ng ilang minuto ay


dumaan ito sa harap ng binata.

Nawala sa telebisyon ang mga mata ni Jerome. Napalipat ito sa dumadaang bagong
ligong dalaga. Suot-suot nito ang isa sa mga nabitbit niyang long sleeve.
Palibhasa'y walang damit kung kaya't wala itong suot na pambaba. Napalunok siya sa
mapang-akit na hitsura ng babae. Bagama't may kahabaan ang long sleeve sa katawan
ng dalaga, ngunit nakalabas pa rin ang mahahabang hita nito. Sinundan niya ito ng
tingin hanggang sa makapasok ito ng kuwarto. Pansamantalang nawala ang kanyang
konsentrasyon at kinakailangan niya pang sampalin ang sarili upang matauhan sa
nakita.
Hinintay ni Sandra na matuyo ang kanyang buhok bago bumalik sa pagkakahiga. Nag-
isip siya muli ng gagawin. Gusto sana niyang magsulat ngunit wala siyang dalang
anumang kagamit-gamit.

Sumilip ulit siya sa pintuan.

"Jerome may dala ka bang laptop?"

"Wala."

"Ipad?"

"Wala. Bakit nabobore ka ba? Halika dito samahan mo akong manood."

"Hindi ako nanonood ng TV."

Nahiga na lamang ulit si Sandra sa kama ngunit ilang saglit lang ay muli siyang
tumayo at lumabas ng kuwarto. Naghanap siya sa mga istante ng pwede niyang
mapagsulatan.
Pilit namang iniiwas ni Jerome ang mga mata sa dalagang palakad-lakad sa sala. Para
siyang pagpapawisan sa tuwing mapapatingin sa mga hita nito.

"Papel? May dala ka bang papel?" panungulit ni Sandra sa kasama.

"Wala. Ano bang gagawin mo?"

"Gusto kong may magawa. Sayang ang oras ko. Mababaliw ako dito sa pagkabagot."

"Malamang pareho tayong mabaliw kung hindi tayo mag-uusap ng normal at patuloy mo
akong iiwasan. Bakit ba kasi nagkukulong ka sa kwarto?"

Hindi sumagot si Sandra. Sinimangutan lang nito ang kausap at muling nagkulong sa
kuwarto...

Nang papalubog na ang araw ay saka lamang lumabas ng kuwarto si Sandra upang
magluto ng hapunan, samantalang nasa labas naman si Jerome at nagjojogging sa
tabing dagat.
Seryoso sa pagluluto ang dalaga ngunit napaiktad ito sa gulat nang bigla na namang
sumulpot nang walang ingay sa tabi niya ang pawisang lalaki. "Ano ka ba Jerome
bakit ba ang hilig mong manggulat?!"

Nangingiting kumuha ang binata ng maiinom na tubig sa refrigerator. "Hindi ako


nanggugulat masyado ka lang seryoso. Bakit nininerbyos ka ba?"

Lumapit si Jerome sa naglulutong babae. Tinitigan niya ang dalaga at inilapit ang
kanyang mukha dito. "Kinakabahan ka ba na baka may gawin akong masama?" bulong niya
nang may nanunuksong boses.

Inilapit niya pa lalo ang mukha sa babae. "O natatakot ka na baka hindi mo ako
matanggihan?"

Napaatras si Sandra. Itinulak niya ang pawisang binatang may nang-akit na mga titig
at ngiti. "Tumigil ka sa pagbibiro mo Jerome kung hindi ay ipapalo ko sayo tong
hawak kong syansi!"

Natawa si Jerome sa pamumutla ng dalaga. Tinalikuran niya ito at naghubadl ng


rubber shoes sa sala.

"Pag-isipan mong mabuti ang pinapakain mo sa akin ha baka pagalitan ka ni coach pag
bigla akong nadagdagan ng timbang."

Inismiran na lamang ni Sandra ang mapang-asar na lalaki.


Hinubad ng binata ang suot na pawisang T-shirt at muling pumasok ng banyo para
maligo. Napatingin naman ang dalaga sa pinaghubarang damit na basta na lang
itinapon sa sahig. Dinampot niya ito at inayos.

"Tingnan mo ito. Porke't marami siyang dalang damit akala mo kung makagamit ay
ganun-ganun na lang!"

Sumilip si Jerome sa pinto ng banyo na narinig pala ang sinabi ng dalaga.

"Lalabhan mo naman yan diba?"

Nagsalubong ang kilay ng babae. "Isinama mo ba talaga ako dito para protektahan o
alipinin?!"

"Pareho."

--------

Nakahinga ng maluwag si Sandra. Sa wakas ay natapos din ang maghapon ng


pakikipagtuos niya sa pagkabagot at pang-aasar ng kasama. Bago matulog ay lumabas
muna siya ng kuwarto para magsipilyo. Napansin niyang wala sa loob ng bahay si
Jerome.Naisip niyang baka nagpapahangin lang ito sa labas.
Tumuloy siya ng banyo at halos mapatalon siya sa gulat nang maabutan dito ang
nagsisipilyo ring binata.

"Ano ba! Bakit ba hindi ka nagla-lock ng pinto?!"

"Nagsisipilyo lang ako bakit kailangan kong mag-lock?"

Napaisip siya. May punto nga naman ang lalaki. Pumasok siya ng banyo at tila
kalmadong sinabayan niya sa pagsisipilyo ang binata. Nagkakatinginan sila sa
salamin at panaka-naka niya pa rin itong iniirapan. Hindi na siya gaanong
kinakabahan sa mga pang-aakit ng lalaki dahil alam niyang paraan lang ito ng pang-
aasar nito sa kanya.

Nauna siyang natapos, nahalata niyang sinasadyang patagalin ng kasama ang


pagsisipilyo nito. Nang papalabas na siya ay bigla siyang tinawag ni Jerome.

"Sandra!"

Lumingon siya.

"M-May toothpaste ka pa sa bibig." sabay turo nito sa gilid ng sariling mga labi.

Papahiran niya na sana ito ng kamay ngunit lumapit ang lalaki.


"Sandali.... ako na ang magtatanggal."

Nakaramdam siya na may binabalak na naman itong pang-aasar.

"Sige tanggalin mo! Akala mo maapektuhan pa ako sa mga biro mo. Ayan o!"

Inginuso pa niya lalo ang bibig habang nakapamewang at nakapikit.

Lumapit si Jerome sa kanya at marahang pinunasan ng kamay nito ang gilid ng kanyang
mga labi. Natigilan siya sa ginawa nito. Biglang may dumaloy na kuryente papaakyat
sa kanyang mukha. Pansamantala siyang hindi nakakilos. Iminulat niya agad ang mga
mata at noon ay nakita niya ang mukha ng kaharap na seryosong nakatitig sa kanya.
Hindi pa rin nito inaalis ang mga kamay sa kanyang bibig at naramdaman na lang niya
na maingat na nitong hinahaplos ang kanyang mga labi.

Kinutuban siya sa binabalak ng binata. Napapalunok siya sa kaba. Naisip niyang


talikuran na ito ngunit hindi sumunod ang kanyang mga paa, sa halip ay ginantihan
niya ang mga titig nito.

"Je-jerome...a-anong gina-...?"
Hindi na siya muling nakapagsalita pa nang dahan-dahang inilapit ni Jerome ang
nakaumang na mga labi nito. Iniangat nito ang kanyang mukha at sinimulan siyang
halikan ng marahan sa labi. Hindi pa rin siya makagalaw at pilit nyang idinidilat
ang mga mata. Hanggang sa unti-unting nagiging mapangahas ang mga halik ni Jerome
at naramdaman nya na lamang ang pagsayad ng matamis na dila nito.

Nagbalik ang dati niyang pakiramdam nang minsan siyang hinalikan nito. Dahan-dahan
siyang napapapikit. Sumusuko naman ang tumututol niyang isipan. Ang sinisigaw ng
dibdib na naman niya ang mas nangingibabaw. Nag-umpisa siyang gumanti sa halik ng
binata. Sinabayan niya ang bawat galaw ng mga labi nito. Napapulupot ang kanyang
mga kamay sa leeg ng lalaki.

Ayaw tumigil ni Jerome sa paghalik sa dalaga. Nalulunod siya sa tamis ng mga labi
nito. Sinusubukan niyang pigilan ang sarili ngunit sa mga sandaling iyon ay hindi
niya na kayang kontrolin ang bugso ng kanyang damdamin sa piling ng babaeng
iniibig. Inihakbang niya ang kanyang mga paa papalapit sa dingding ng banyo nang
hindi hinihiwalay ang magkalapat nilang mga labi. Sumabay din sa mga paa niya si
Sandra. Inihakbang din nito ang mga paa paatras hanggang sa maisandal niya ito sa
dingding.

Nagsimulang kumilos ang kanyang mga kamay. Ipinasok niya ito sa loob ng damit ng
dalaga. Hinaplos niya ang maliliit nitong bewang, ang pantay na pantay nitong
tiyan...papaakyat sa malulusog nitong mga dibdib. Ang bahaging iyon ng katawan ni
Sandra ang dati'y paulit-ulit niyang inaasam na sana ay muli niyang mahawakan.
Maingat niya itong hinimas habang patuloy pa rin sa pag-uusap ang kanilang mga
dila. Nag-aapoy ang kanyang damdamin. Pakiramdam niya ay huminto ang lahat ng bagay
maliban sa kanilang dalawa ni Sandra. Naglakbay ang isa nya pang kamay. Tumungo ito
sa likod ng babae at tinanggal sa pagkakabit ang suot nitong bra.

Patuloy lamang sa pagganti ng halik si Sandra. Napapaigtad siya sa tuwing


nararamdaman ang mga haplos ni Jerome sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung saan
ihahawak ang kamay sa katawan ng binata. Lumulutang ang kanyang pakiramdam. Wala
siyang ibang maisip maliban sa lalaking kapiling. Sa mga oras na iyon ay tila ba
pagmamay-ari nila ni Jerome ang buong daigdig. Sila lang ang gumagalaw at ang
maiinit nilang mga paghangos lamang ang naririnig.
Binuhat ni Jerome ang dalaga. Pinaikot niya ang mga hita nito sa kanyang beywang
habang nanatiling nakapulupot sa kanyang leeg ang mga kamay nito. Gumapang ang
kanyang mga labi. Hinalikan niya ang likod ng tenga ng dalaga. Pababa sa leeg.
Tinanggal niya sa pagkakabutones itaas na bahagi ng suot nitong long sleeve at
naglakbay ang mga labi niya pababa sa mga malulusog nitong dibdib.

Napakagat sa labi si Sandra ng maramdaman ang mga basang labing humahalik sa


kanyang dibdib. Humigpit ang pagkakahawak niya sa likod ng leeg ng lalaki. Hindi
niya maipaliwanag ang nararamdaman. Parang may apoy na biglang gustong kumawala sa
kanyang kaloob-looban. Idiniin niya pa lalo ang mukha ng lalaki sa kanyang katawan
habang napapasabunot dito.

"ahhhh... Jerome."

Nag-aapoy na ang pakiramdam ni Jerome. Naghihimagsik na ang kanyang kaloob-looban.


Ibinalik niya ang mga labi sa labi ng dalaga at sinimulang maglakad papalabas ng
banyo nang hindi ibinababa ang dalaga mula sa kanyang pagkakabuhat. Naglakad siya
papasok ng kuwarto habang binubuksan ang natitirang butones sa suot ni Sandra.
Walang humpay pa rin sila sa paghahalikan na tila walang mapagsidlan ng pananabik
sa isa't isa. Hinawakan ni Sandra ang magkabilaang tagiliran ng suot niyang T-shirt
at kusa siya nitong hinubaran. Naglapat ang halos mga hubad na nilang katawan at
tila napuno ng init ang buong bahay.

Dahan-dahan niyang inihiga sa kama ang babae. Isa-isa niyang tinanggal ang mga
saplot nito at tinitigan ng ilang sandali ang napakagandang hubog ng katawan nito.
Muli niya itong siniil ng mga halik sa labi habang patuloy sa paglakbay ang kanyang
mga kamay. Bumaba sa leeg ng kaniig ang kanyang mga labi... pababa sa dibdib...
pababa sa tiyan hanggang sa marahan niyang pinaghiwalay ang mga hita ng dalaga.

"Je-jerome...?"
"Huwag kang matakot. Kalimutan natin ang lahat Sandra....Ikaw lang muna at ako."

--------

Maliwanag na ang paligid. Iminulat ni Sandra ang kanyang mga mata. Nakita niya ang
mukha ni Jerome. Mahimbing itong natutulog habang nakayakap sa kanya. Tinitigan
niya ito nang sandali. Hinaplos niya ang buhok nito at napangiti. Nag-uumapaw ang
dibdib niya sa kaligayahan. Pansamantalang naglaho ang lahat ng pagtutol sa kanyang
isipan. Ganito pala kasarap kapag pinalaya mo sa pagkakakulong ang totoong
tinitibok ng iyong puso.

Ngunit sa kabila ng lahat hindi niya pa rin nakakalimutang hindi niya ito pagmamay-
ari. Bumulong siya sa sarili.

"Jessica pahiram lang muna sandali..."

Maingat niyang inalis ang kanyang katawan mula sa mga bisig ng binata. Iniiwasan
niya itong magising. Tahimik at dahan-dahan siyang nagsuot ng damit. Hindi kaagad
siya makatayo. Ito ang unang beses niyang pakikipagtalik kung kaya't nakaramdam
siya ng pananakit ng balakang. Napahawak siya sa gilid na kama at dahan-dahang
iniangat ang sarili. Ngunit bago pa man siya makatayo ay biglang may humawak sa
kanyang isang kamay.
"Saan ka pupunta?"

Napalingon siya sa binata. Seryoso ang mukha nito.

"Sa-sa kusina."

"Dito ka lang."

"Sandali Jerome. Magluluto lang ako ng almusal."

Nakangising hinila siya papabalik ng kama ng lalaki. Muli siyang napahiga.


Pinupupog nito ng halik ang kanyang leeg at napapatili siya sa kiliti. Hinarot siya
nito habang maya't mayang nangingiliti.

"Ano ba Jerome. Tumigil ka muna! Maghahanda lang ako ng almusal."


"Mamaya na. Merong mas masarap na almusal kaysa dyan."

Muli na namang ngumiti at tumitig sa kanya ng mapang-akit ang binata.

"Aray!"

Nasaktan si Sandra nang bahagyang masagi ng nakikipagharutang binata ang kanyang


balakang. Natigilan si Jerome at napagtanto ang dahilan ng pananakit nito. Muli
itong ngumiti ng nakakaloko.

"Gusto mo bang maalis ang pananakit niyan?" sabay bulong nito sa tenga ng dalaga.
"Ulitin natin."

Nagsimulang mang-udyok si Jerome hanggang sa mapapayag nito ang dalaga sa kanyang


kagustuhan. Sinimulan ulit nilang magniig at sa pagkakataong ito ay nawala ang
sakit na nararamdaman ni Sandra. Mas lalong uminit ang kanilang pagtatalik. Mas
lalo silang naging mapangahas sa isa't isa. Pareho silang nawawala sa sarili.
Parehong ayaw matapos ang kaligayahang nararamdaman...
-------

Kung gaano kalamig ang unang araw ng pagsasama nina Jerome at Sandra ay ganun naman
kainit ang sumunod na araw. Pinagluto, pinaglaba at pinagsilbihan ng babae ang
binata. Para silang mga bagong kasal na hindi maawat-awat sa paglalambingan at
paghaharutan.

Nang sumapit ang dapit-hapon ay naisipan nilang lumabas at magpahangin.

Naupo ang dalawa sa baybayin ng tabing-dagat. Hinihintay na lumubog ang araw.


Nakasandal ang ulo ni Sandra sa balikat ni Jerome habang nakaakbay naman sa dalaga
ang binata. Parehong mapayapang nakatingin sa dagat.

"Sandra bakit hindi ka nanonood ng TV?"

"Iniiwasan kong madagdagan ang laman ng utak ko."

"Totoo bang kaya mong tandaan lahat ng nakikita mo?"


Ngumiti ng kimi ang dalaga at tumango.

"Totoo bang nagagaya mo lahat ng napapanood mo?"

"Hindi ko alam kasi hindi ko naman lahat sinusubukang gayahin."

"Kaya ka ba marunong sa basketball?"

Tumango ulit ang dalaga.

"Akala ko hindi ka nanonood ng TV? Saan mo ito napapanood?"

"Nung bata pa ako ay mahilig ang Daddy ko sa basketball at madalas akong sumasabay
sa panonood niya nito."
"Whoah! Ibig sabihin natatandaan mo pa ang lahat kahit nakita mo ito noong maliit
ka pa?"

"Oo."

"Wala pala ako dapat ipag-alala pag nagmamaneho ako kasama ka. Ngayon alam ko nang
hindi tayo maliligaw."

"Sandra...."

"Bakit?"

"389,377 times 24,586?"

"9,573,222,922."
Nagulat si Jerome sa mabilis na pagsagot ng dalaga. Nagduda siya at kinuha ang
cellphone upang tingnan kung tama ang sagot ng katabi ngunit napagtantong nakapatay
nga pala ito.

"Ano nga ulit ang tanong ko?"

"389,377 times 24,586..."

Sinulat ng daliri ni Jerome sa baybayin ang mga numero at matiyaga itong kinalkula.

"Ano nga ang sagot mo?"

"9,573,222,922."
Nanlaki ang mga mata ng binata.

"Whoah! Ganito ka ba katalino? Pwedeng-pwede ka palang sumali sa mga pakontest sa


TV."

"Pinagti-tripan mo ba ako?"

"Hindi gusto ko lang malaman ang mga bagay-bagay tungkol sayo."

"Saan ka naman natuto ng pagda-dive?"

"Dive? Bakit saan mo ako nakitang nag-dive?"

"Sa resort."
Tinitigan ni Sandra ng masama ang binata.

"Binobosohan mo ba ako?"

"Hindi ko kasalanan. Napadaan lang ako. Ikaw kasi bakit ba pahara-hara ka lagi sa
paningin ko."

Kinurot ng dalaga ang binata.

"Ah ganun kasalanan ko pa ngayon kung ako lagi ang hinahanap-hanap ng mga mata mo."

"Alam mo bang simula nang makita kita ng gabing iyon ay hindi ko na makalimutan ang
katawan mo."

"Anong ibig mong sabihin?"

Muling ngumiti ng mapang-akit si Jerome. "Isisi mo sa bilog na buwan kung bakit ako
nababaliw sayo ng ganito..." at siniil niya ng halik sa mga labi ang dalaga.

Gumanti ng halik si Sandra at mainit nitong nitong ninamnam ang matamis na mga labi
ng binata.

"Sandra, bumalik na tayo sa loob...."

*******************************************
[28] PAIT NG PAGBAWI
*******************************************
******

Naglalakad si Sandra sa isang malawak na bukiring puno ng iba't ibang bulaklak.


Nakangiti. Nakapikit. Hinahaplos ng sariwang hangin ang kanyang mukha.

Napatingala siya sa bughaw na langit. Unti-unting binabalot ito ng itim na ulap.


Nagsimulang magdilim ang paligid. Hanggang sa may naaninag siyang isang binatang
papalapit.
"Sandra! Sandra!"

Naririnig niya ang boses ni Jessica.

"Tulungan mo siya Sandra!"

Papalapit nang papalapit sa kanya ang lalaki. Inaabot nito ang isang kamay.
Hanggang sa may tumulong dugo sa noo nito.

Natakot siya sa nakita at sinimulan niyang tumakbo. Ngunit hinabol siya ng binata.

Papadilim ng papadilim ang paligid. Nadapa siya at inabutan siya ng lalaki.


Inilapit nito ang duguang mukha sa kanyang mukha. Hanggang sa maramdaman niyang
napapatakan na siya ng tumutulong dugo.

Nawala ang binata. Bumangon siya sa pagkakadapa. Pinahid ang dugo sa kanyang mukha.
May nakita siyang isang maliwanag na lugar.

Pinuntahan niya ito at nakita dito ang isang batang umiiyak. Nakatingin ito sa
isang lalaking may hawak na baril. Itinutok ng lalaki ang baril at bigla itong
pinagpapaputok ng walang humpay.
"AAAAAAAAAAA!!!"

Napabalikwas ng gising si Sandra. Namumutla sa takot, umiiyak at pinagpapawisan ng


butil-butil ang noo.

Bigla namang nagising si Jerome sa sigaw ng katabi at agad na napaupo. Nagulat ito
nang makita ang namumutlang dalaga.

"Anong nangyayari? Nanaginip ka ba Sandra?"

Hindi sumagot ang dalaga. Nanlalaki ang mga mata nito at nanginginig sa takot.

Niyakap ng mahigpit ni Jerome ang dalaga. Napansin niyang wala ito sarili. Hindi
nito nararamdaman ang mga yakap niya. Tulala habang tumutulo ang luha. Punung-puno
ng takot ang mukha. Paulit-ulit niya itong niyakap at hinalikan sa noo ngunit
nanatili itong tahimik at nanginginig. Pinainom niya ito ng tubig.
Kahit nakainom na ay tila hindi pa rin natatauhan ang dalaga. Hindi pa rin ito
tumitingin sa nakayakap na binata.

Bumangon si Sandra. Kinakagat ang mga kuko sa nanginginig na kamay. Pabalik-balik


na naglakad sa loob ng kuwarto. Matindi ang naramramdaman niyang takot. Hindi niya
maipaliwanag kung bakit biglang bumabalik ang dating epekto sa sarili ng masamang
panaginip. Hindi siya makapagisip ng tuwid. Hindi niya makontrol ang takot. Isa
lang ang paraan para maibsan ito. Babalik siya sa dating kinagawian. Kailangan
niyang magsulat!

Lumabas sa kuwarto ang wala sa sariling dalaga. Pilit naghahanap ng anumang


masusulatan. Binuksan lahat ng mga cabinet. Iniisa-isa ang mga istante. Nanlalaki
ang mga mata. Natataranta. Nagmamadaling maghanap. Itinatapon ang anumang mahawakan
na hindi pwedeng pagsulatan.

Biglang kinabahan si Jerome sa kakaibang ikinikilos ni Sandra. Sinusubukan niya


itong pigilan at pilit pinapakalma ngunit tila hindi siya nito nakikilala.

"Sandra anong nangyayari sayo?"

Hindi pa rin tumitingin sa kanya ang kausap. Patuloy lamang ito sa paghahalungkat.
Nang walang anumang makita ay sinabunutan nito ang sarili.
"Kailangan kong magsulat....kailangan kong magsulat...KAILANGAN KONG MAGSULAT!!!!"

"SANDRA! SANDRA!!!!!Anong nangyayari sayo?"

Napatingin si Sandra sa sumigaw. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatitig sa
kanya. Niyuyugyog nito ang kanyang balikat. Si Je- jerome? Unti-unti niya nang
nakikilala ang binata. Kasama niya pala si Jerome.

"Je-jerome?"

"Sandra...."

Niyakap siya ng mahigpit ng binata.

"Je-jerome. Na-natatakot ako."


Ikinulong ni Sandra ang sarili sa bisig ng lalaki. Unti-unti siyang natatauhan.
Dahan-dahang naibsan ang takot na nararamdaman niya.

"Huwag kang matakot Sandra. Andito ako. Hindi ka nag-iisa...kasama mo ako.


Babantayan kita."

Paulit-ulit na hinaplos ni Jerome ang ulo ng kayakap. Ibinalik niya ito sa kuwarto
at inalalayan sa paghiga. Hindi kumakawala ang natatakot na dalaga sa pagkakayakap
sa kanya. Kinuha niya ang nanginginig nitong kamay at mahigpit na hinawakan ang
palad.

"It's okay..It's okay Sandra. Huwag kang matakot."

Hinahalik-halikan niya ito sa noo. Hinihimas-himas ang likod. Binantayan hanggang


sa makatulog.

Tinititigan ni Jerome ang natutulog ng babae. Awang-awa siya dito dahil sa


nasaksihan. Ganito ba talaga ito sa tuwing nanaginip ng masama? Muli na naman ba
siyang nakasaksi ng isang uri ng pagdurusa nito? Malalaman niya rin ang lahat.
Makikita niya rin ang kabuuang pagkatao ni Sandra. Handa siyang tulungan ito. Handa
siyang gawin ang lahat para matanggal ang lahat ng kinikimkim nitong kalungkutan.
Muling nagbalik sa isipan niya ang nawawala sa sariling dalaga. Bakit nagbabanggit
ito tungkol sa pagsusulat? Bakit parang ganun na lang ang pagnanais nitong
makapagsulat? Nagsusulat din ba si Sandra?

------

Tumama ang liwanag mula sa bintana sa mukha ni Jerome. Naalimpungatan siya. Kinapa
niya ang katabi. Wala siyang makapang katawan. Iminulat niya ang mga mata at
nakitang wala na sa higaan si Sandra. Nagmadali siyang bumangon.

Pagkalabas ng kuwarto, bumungad sa kanya ang naglilinis na dalaga. Dinadampot nito


isa-isa ang mga ikinalat at hinalungkat. Nakita siya ni Sandra at agad siyang
binati nito ng nakangiti.

"Good morning. Gusto mo na bang mag-almusal?"

Napakunot siya ng noo sa reaksiyon ng dalaga. Masigla ito na para bang walang
nangyari. Tumungo siya sa refrigerator upang kumuha ng maiinom na tubig nang hindi
inaalis ang atensyon sa babae.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?"

"Oo. Pasensiya ka na ha. Ganun talaga ako minsan pag nanaginip. Matagal nang hindi
nangyayari sa akin iyon. Hindi ko alam kung bakit naulit kagabi."
"Hindi mo kailangang humingi ng pasensiya. Wala sa akin kung ipakita mong natatakot
ka."

Napatingin si Jerome sa mga kalat at naalala ang dahilan kung bakit ito ginawa ni
Sandra.

"Gusto mo ba talagang magsulat kagabi?"

Natigilan ang babae sa ginagawa.

"Ah yun ba? Ganun lang talaga ako minsan pag-inaatake ng takot. May naiisip akong
gagawin para maibaling ang atensyon." sagot nito nang hindi makatingin ng diretso
sa mga mata ng kausap.

"Di ba nabanggit mo na rin dati sa akin na nagsusulat ka. Pwede ko bang basahin
ang mga sinusulat mo?" pang-uurirat pa ni Jerome.

Nagkunwaring natawa si Sandra sa tanong. "Ako nagsusulat? Bakit naman ako


magsusulat?..." sabay tingin niya sa mukha ng lalaki na tila hindi kumbinsido sa
mga sagot niya. "Ang ibig kong sabihin oo paminsan-minsan nagsusulat ako pero yung
tipo ng basta may maisulat lang. Ang mailabas ko lang ang pansamantalang
nararamdaman ko. Hindi ito katulad ng iniisip mo. Tsaka ba't mo naman babasahin?"
Kitang-kita ni Jerome ang hindi mapalagay na reaksiyon ng dalaga. Napansin niya rin
na hirap itong tumingin ng diretso sa kanya. "Curious lang ako. Gusto kung malaman
kung pati sa pagsusulat ay magaling ka rin."

"Hindi ko iniipon ang mga ito. Minsan binubura ko rin kaagad o kaya naman ay
pinupunit..."

"....Gusto mo na bang kumain? Ipaghahain kita."

Nahalata ni Jerome ang pilit na paglihis ni Sandra sa paksa. May nararamdaman


siyang kakaiba sa ikinikilos nito habang pinag-uusapan ang pagsusulat. "Meron ka pa
bang sekreto? Meron pa ba akong dapat malaman sayo?" diretsong tanong niya.

Pansamantalang hindi nakapagsalita si Sandra at napatingin ito kay Jerome ng may


nanlalaking mga mata.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Gusto kong malaman ang buong katotohanan sa pagkatao mo Sandra."


Biglang nagseryoso ng mukha ang dalaga.

"Wala ka ng dapat pang malaman Jerome. Kung ano ang mga nakita at narinig mo
tungkol sa akin ay iyon na ang kalahatan ng pagkatao ko."

Tumahimik bigla si Sandra at umiwas makipag-usap sa binata. Pasamantala itong


naging mailap. Nabura rin maging ang mga ngiti nito.

Pumasok si Jerome sa banyo para maligo. Naisipan niyang huwag na munang istorbohin
ang biglang nanahimik na kasama. Paglabas niya ng banyo ay nakita niyang
nagliligpit pa rin ito. Tahimik pa rin ito at seryoso ang mukha. Bigla siyang
nakonsensiya sa ginawang pang-uurirat. Nilapitan niya ito at nilambing.

Niyakap niya mula sa likuran ang dalaga at hinalik-halikan ito sa batok. "Sorry na.
Nasira ko ba ang mood mo?"

Nagulat si Sandra sa biglang paglalambing ng lalaki at matamlay itong ngumiti.


"Anong nasira ang pinagsasabi mo?"

"Bakit bigla kang tumahimik?"

"Nagku-concentrate lang ako sa paglilinis para matapos kaagad." walang ganang sagot
ng babae.
Patuloy pa rin sa paghalik si Jerome sa leeg ng dalaga. Gusto niyang tanggalin ang
pag-aalala sa mukha nito.

"Jerome ano ba itigil mo yan may ginagawa ako."

Iniharap ng nakatapis lamang na binata ang babae "Mamaya na yan. Alalahanin mong
hindi pa ako nagbi-breakfast."

Sinimulan nitong halikan sa mga labi ang dalaga.

Unti-unti namang nanghina si Sandra nang maamoy ang mabangong katawan ng binata.
Wala siyang nagawa kundi gumanti sa mga matatamis na halik nito. Binitawan niya ang
inililigpit na kalat at yumakap sa katawan ng lalaki.

Ipinasok ni Jerome ang mga kamay sa loob ng damit ng babae habang hinalikan niya
ang likuran ng tenga nito. Napapapikit naman si Sandra habang napapakagat sa labi
sa tuwing mararamdaman ang mga haplos ng naglalakbay na kamay ng lalaki.
Nagsisimula na namang mag-init ang lahat at ilang saglit lamang ay binuhat siya ng
binata papasok ng kuwarto.

------
"JEROME BUKSAN MO ANG PINTO!! JEROME LUMABAS KAYO DYAN!!! SANDRA ILABAS MO SI
JEROME!"

Nagising ang magkayakap na sina Jerome at Sandra. Nagkatinginan. Parehong


nagtatanong ang mga mata kung tama ba ang kanilang naririnig.

"JEROME LUMABAS KA DYAN! JEROME! SANDRA ILABAS MO SI JEROME!"

Nanlaki pareho ang mga mata ng magkayakap. Hindi sila nagkakamali ng dinig may
tumatawag nga sa labas at malakas nitong kinakatok ang pinto. Si Jessica!

Napabalikwas ng bangon si Sandra.

Mabilis siyang nagsuot ng damit. Lumabas siya ng kuwarto at sumilip sa bintana.


Nanlaki pa lalo ang mga mata niya sa nakita. Si Clark! Nakatayo ang lalaki katabi
ng sasakyan nito sa labas ng gate.

"JEROME LUMABAS KA DYAN! SANDRA ILABAS MO SI JEROME!"

Natutulala siyang bumalik ng kuwarto. Tiningnan niya si Jerome. Nakaupo ito sa


gilid ng kama . Nakayuko at nakahawak sa noo. Tumingin din ito sa kanya. Parehong
tahimik na nag-uusap ang kanilang mga mata.

Nagkaroon ng katahimikan sa kuwarto. Parehong nag-iisip ng malalim ang magkasama.


Hanggang sa unti-unting nagseryoso at tumigas ang mukha ni Sandra. Binuksan nito
ang closet. Kinuha ang sariling damit at sinimulan nitong magbihis.

Kaagad na lumapit si Jerome nang makita ang ginagawa ng dalaga. Nagsimula itong
kabahan nang mapansin ang pagbabago sa reaksiyon ng mukha ng babae.

"Sandra anong ginagawa mo?"

Ngumiti ng matamlay si Sandra. "Tapos na ang lahat Jerome. Bumalik na tayo sa


totoong mundo."

"Anong pinagsasabi mo?! Pagkatapos ba ng lahat-lahat yan lang ang sasabihin mo?....
Totoong mundo? Bakit hindi ba totoo ang mga nangyari sa atin?" mataas na boses na
bigkas ni Jerome nang may tumututol na mukha.

Mahigpit na yumakap si Jerome sa dalaga.

"Please Sandra. Hindi dapat ganito. Haharapin natin sila pero hindi ganito. May
ibang paraan pa."

Nanatiling matigas ang mukha ni Sandra. Pilit niyang itinatago ang totoong
saloobin. "Si-sinusundo ka na ni Jessica. Naghihintay na rin sa labas si Clark.
Sinusundo na tayo ng mga taong totoong nagmamay-ari sa atin."
"Sandra... please."

"Ta-tanggapin natin ang katotohanan Jerome. Simula't sapul alam naman nating ang
lahat ay pansamantala lamang."

"Hindi ka pansamantala lamang sa akin Sandra....Hindi ko alam kung ano ang lugar ko
ngayon sa puso mo pero kung kinakailangang agawin kita, aagawin kita. Kung
kinakailangang bawiin kita, babawiin kita!..."

"...Sa akin ka na lang Sandra. Ako na lang ang piliin mo." pagmamakaawa ng binata
habang nangingilid ang mga luha.

Kumawala sa pagkakayakap si Sandra at binigyan ng pilit na ngiti si Jerome. Namumuo


na rin ang luha sa mga mata niya. "Ano bang pinagsasabi mo Jerome? Nasa labas ang
babaeng mahal mo. Huwag mo siyang hayaang mapagod sa paghihintay sayo."

Muling niyakap ng mahigpit ni Jerome ang dalaga. "Ikaw ang mahal ko Sandra. Ikaw
ang mahal ko..."

"Naguguluhan ka lang dahil sa mga nangyari sa atin. Hiniram lang natin ang maiksing
panahong naging masaya tayo Jerome. Pero pagharap natin sa toong mundo, bubungad
din sa atin ang katotohanan... na may kanya-kanya tayong taong dapat mahalin."

Siniil ng halik ng binata si Sandra. "Hindi na ako naguguluhan ngayon. Alam ko na


kung ano ang nararamdaman ko. At ikaw yun Sandra. Ikaw ang mahal ko. Mahal na mahal
kita kaya please huwag kang sumuko agad. Ipaglaban natin to Sandra."

Kumawala sa mga bisig ng lalaki si Sandra. Tinatapangan niya ang dibdib. Hindi siya
pwedeng magpatalo sa sigaw ng kanyang puso. Nasa labas ang mga taong nag-aalala sa
kanila, mga taong hindi niya makakayanang saktan. Lumabas siya ng kuwarto at dahan-
dahang humakbang papalapit sa pinto ng bahay. Pilit pa rin siyang pinipigilan ng
lalaking may nagmamakaawang mukha.

"Bitawan mo na ako Jerome.... A-Ayokong paghintayin si Clark ng matagal." matigas


na wika niya.

Nagbago ang mukha ni Jerome sa huling sinabi ni Sandra. Nasaktan siya sa tahasang
panunulak nito sa kanya papalayo dahil sa ibang lalaki. Hinawakan niya ng mahigpit
ang braso nito at seryosong nagbitiw ng salita.

"Kapag lumabas ka sa pintong yan ay nangangahulugan ito sa akin na mas mahal mo si


Clark. Pag lumabas ka sa pintong yan ay ibig sabihing walang halaga para sayo ang
nararamdaman ko."

Pansamantalang natigilan si Sandra at napatingin sa mukha ni Jerome. Ilang saglit


siyang nakipaglaban sa totoong sinisigaw ng kanyang dibdib subalit pagkalipas ng
ilang sandali ay tinanggal niya ang braso sa mahigpit na pagkakahawak nito..

"Nailayo mo na ako sa eskandalo Jerome ngayon naman ay pagkakataon na para iligtas


mo sa kahihiyan si Jessica."
Humakbang papalapit ng pinto si Sandra at humawak sa pihitan.

"Sandali!"

Lumapit sa kanya si Jerome.

"Huli na to Sandra."

Tinitigan siya ng lalaki at mariing hinagkan sa mga labi. Nagparaya siya at


ginantihan niya rin ito ng malalim na halik. Sa mga huling sandali ng kanilang
pagsasama, ipinaramdam nila sa isa't isa ang totoong itinitibok ng kanilang mga
puso...

Naghiwalay ang kanilang mga labi, muling humawak sa pinto si Sandra. Nanatili
namang nakatayo sa tabi ng pintuan ang naluluhang binata. Umaasang magbabago pa ang
desisyon ng babae.

Dahan-dahang binuksan ni Sandra ang pinto. Pinipigilan niyang maiyak. Pilit


nilalabanan ang mga tumututol na paa para humakbang.
Nagbukas ang pintuan at lumabas dito si Sandra.

Nanlaki ang mga mata ni Jessica nang makita ang lumalabas na kaibigan. Nagmamadali
siyang lumapit dito.

"Sandra? Nasaan si Jerome?"

Nagmadali siyang pumasok sa loob ng bahay. At doon ay nakita niya ang nakatayo at
mistulang nakatulalang kasintahan. Yumakap siya sa katawan nito ng mahigpit.

"Jerome anong nangyari sayo? Bakit ka lumayo? Natatakot ka ba sa eskandalo? Aayusin


natin to Jerome."

Tumutulo ang kanyang mga luha. Ayaw niyang mag-isip ng ibang dahilan ng paglayo ng
kasintahan. Natatakot siyang isipin na nagkaganito ang lalaki dahil sa kanyang
kaibigan.

"Jessica..."
"Umuwi na tayo Jerome. Wala kang dapat ikatakot. Ipapaliwanag natin ng maayos ang
lahat."

Wala sa sariling tiningnan ni Jerome ang umiiyak na dalaga. Hindi siya makapag-isip
ng tama. Nilalamon ang kanyang buong katauhan ng matinding sakit na nararamdaman...

Dahan-dahang naglakad si Sandra papalapit kay Clark. Kahit malayo pa ay pinipilit


niya itong tingnan sa mga mata. Ayaw niyang isipin ng kasintahan na may maaring
nagbago o magbabago.

Mahinahon namang nakatayo si Clark sa tabi ng sasakyan. Hindi siya kumikilos at


hinihintay lamang niya ang paglapit ni Sandra. Punung-puno ng takot ang kanyang
dibdib. Nang bahagyang makalapit ang kasintahan ay huminto ito ng sandali at
tumitig sa kanyang mga mata.

"Clark...."

Gusto niyang iwasan ang mga mata ni Sandra. Ayaw niyang makita dito ang isang bagay
na pinakakinatatakutan niya. Ang katotohanan na maaring may puwang sa puso nito si
Jerome Hernandez.

Ilang saglit silang nagkatinginan. Nagpakiramdaman. Huminga siya ng malalim at saka


niya mahinahong nilapitan ang nakatayong dalaga. Inakay niya ito papasok ng
sasakyan.

Nang maisakay niya si Sandra ay nagtangka na rin siyang pumasok sa loob ng kotse
para lisanin na ang lugar ngunit natigilan siya nang makita ang lumalabas mula sa
bahay na basketbolista. Kalmadong naglakad siya papasok ng gate at lumapit kay
Jerome.

Tumayo siya sa harap nito at nakipagtitigan sa lalaki ng ilang saglit. Nag-usap ang
kanilang mga mata at walang pasabing sinuntok niya ito sa mukha. Natumba si Jerome
at nang makabangon ito ay muli niya itong sinuntok.

"ANONG KARAPATAN MONG ILAYO ANG GIRLFRIEND NG MAY GIRLFRIEND?!!!" sigaw niya dito
nang may nangangalit na mga panga.

Hindi gumanti si Jerome, tahimik lamang na pinahid nito ang dugo sa kanyang mga
labi.

Nataranta si Jessica sa nakita at kaagad na isinangga nito ang katawan sa


boyfriend. "Tama na Clark! Ano ba huwag mong saktan si Jerome!"

Nanggigigil na tumalikod si Clark at bumalik sa sasakyan. Mabilis nitong pinaandar


ang kotse at nilisan ang lugar.

Nakatingin lamang si Jerome sa papalayong sasakyan. Hinabol niya ito ng tingin


hanggang sa tuluyang maglaho ito sa kanyang mga mata.
Natutulala siya.

Ayaw niyang maniwalang tapos na ang lahat..... at hindi niya na kasama si Sandra.

"Jerome okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Jessica habang
hindi mapakali sa pagpupunas ng dumugong labi ng kasintahan.

Wala sa sariling tiningnan ni Jerome ang babaeng mangiyak-ngiyak sa pag-aalala sa


kanya.

"Konting oras lang Jessica...Gusto ko munang mag-isip at mapag-isa."

Naglakad si Jerome patungo sa tabing-dagat. Naupo siya sa baybayin at tahimik na


nag-isip. Hindi sinasadyang nakita niya ang mga numerong isinulat niya sa buhangin.
Tinitigan niya ito ng matagal....hanggang sa unti-unting pumatak ang kinikimkim
niyang mga luha.

"Hindi ko yata kaya Sandra....hindi ko kakayanin...."


*******************************************
[29] SA NGALAN NG PANGALAN
*******************************************

******

Punung-puno ng mga reporter at mga photographer ang entrada ng isang malaking


istasyon ng telebisyon. Nagsisiksikan. Nagtutulakan. Nagsisigawan.

Dumating ang isang itim na sasakyang hammer. Nagkagulo ang lahat.

Magkahawak-kamay na bumaba sina Jerome at Jessica. Kaliwa't kanan ang nagtatanong.


Walang humpay sa pagkislap ang mga kamera habang pumapasok ang kontrobersiyal na
magkasintahan sa loob ng istasyon.

Ito ang unang pagkakataong haharap sila sa tao matapos pumutok ang eskandalo.
Pinaunlakan nila ang imbitasyon ng isang talk show upang ipaliwanag at linawin ang
lahat.

Nang humarap sa kamera at sa host ng programa ay nanatiling magkahawak kamay ang


dalawa. Parehong nakangiti, masigla at tila normal ang lahat. Subalit kung
susuriing maigi ang mga mata ay dito makikita ang bahid ng mga pagkukunwari.
Humarap ang tagapanayam sa kamera at masiglang sinimulan ang palabas.

"Magandang araw po sa inyong mga tagapanood. Heto na po ang pinakahihintay nating


lahat, ang aming eksklusibong panayam sa sikat na sikat at talaga namang pinag-
uusapan ng lahat na sina Mr. Jerome Hernandez and Ms. Jessica Lopez!... Nininerbyos
ako. Pakiramdam ko ay pinapanood tayo ngayon ng buong mundo."

"Magandang araw sa inyo Jerome Hernandez at Jessica Lopez!"

Ngumiti ang magkasintahan at malugod na binati ang tagapanayam.

"Bago ang lahat gusto kong itanong kung kumusta kayong dalawa ngayon?"

Sinagot kaagad ni Jessica ang tanong ng nakangiti.


"Maayos naman kami. Gaya pa rin ng dati."

"Nakikita ko nga sa hitsura ninyong dalawa ngayon na parang walang katotohanan ang
mga haka-haka ng lahat na may pinagdadaanang pagsubok ang inyong relasyon."

"...Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Alam ko namang pinaunlakan niyo ang


imbitasyon namin upang liwanagin ang lahat tungkol sa napapabalitang isyu ngayon
kay Jerome na alam naman natin kung tungkol saan kung kaya't maari ko na bang
simulan ang seryosong pagtatanong?"

Tumango si Jessica samantalang lihim namang napapalunok si Jerome. Kinakabahan siya


dahil ito ang unang beses na magsisinungaling siya sa publiko.

"Matagal kayong hindi tumanggap ng anumang panayam at hindi nagpakita sa tao.


Bakit?"

Mahinahong sumagot ang binata.


"Ayaw naming magsalita sa kainitan ng balita. Iniiwasan naming lumaki pa ito lalo.
Naghihintay lang kami ng tamang pagkakataon."

"Totoo bang nawala ka ng mga ilang araw Jerome? Kahit ang mga malalapit sayo ay
hindi alam ang iyong kinaroroonan?"

Tumahimik ng ilang sandali si Jerome.

"Totoo. Ito lang ang naiisip kong paraan upang pansamantalang makaiwas. Alam kong
hindi ako lulubayan ng mga kamera saan man ako magpunta kung kaya't namili ako sa
dalawa. Harapin ito kaagad o lumayo muna at hayaan itong humupa."

Pinalabas sa TV screen ng programa ang kontrobersiyal na litrato ni Jerome at


Sandra. Ang larawang magkahawak ang kanilang mga kamay habang papalabas sa isang
bar. Bagama't pinalabo ang bahagi ng mga mata ni Sandra upang hindi ito makilala ng
lubusan ay tumutol ang isipan ni Jerome sa nakita.
"Ano ang ibig sabihin ng larawang ito Jerome? Sino ang babaeng ito?"

Tumahimik ang binata. Nahihirapan siyang mag-isip ng isasagot. Hindi siya sanay
magsinungaling sa tao. Subalit kailangan niyang gawin ito para iligtas sa mga
panghuhusga si Sandra at sa kahihiyan si Jessica.

"I-isa siyang malapit na kaibigan namin ni Jessica."

Napatingin ang tagapanayam kay Jessica na halatang hinihintay ang reaksiyon ng


dalaga.

"Totoo. Matalik ko siyang kaibigan."

"Kung susuriin mo ang larawan ay magkakaroon nga ng maling interpretasyon ang


makakakita. Magkahawak kayo ng kamay. Paano mo maipapaliwanag ito Jerome?"
"Ma-may pinagdadaanang problema ang kaibigan namin sa mga sandaling iyan. Sinundo
ko siya at inakay papalabas ng lugar."

Agad na dinugtungan ni Jessica ang sagot ng binata.

"Pinakisuyuan ko lang si Jerome sa mga oras na iyon na sunduin ang kaibigan ko


dahil wala akong panahong puntahan ito. Yun nga lang ay di ko inaasahang magbubunga
ito ng isang malaking eskandalo."

Napatingin si Jerome sa hindi inaasahang pagsalo sa kanya ng girlfriend. Tiningnan


naman siya ni Jessica at lihim na hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang palad.

Nagpatuloy sa pagsasalita niya ang dalaga.


"Kung kaya't ako mismo ang magsasabing hindi ako pinagtaksilan ni Jerome. Wala
siyang karelasyong sinumang babae maliban sa akin. Kilala naman natin siya. Hindi
siya ang tipo ng lalaking mananakit ng damdamin ng isang babae."

"Mga kaibigan narinig po natin sa bibig mismo ni Jessica Lopez. Walang katotohanan
ang lahat. Matibay pa rin ang kanilang relasyon at sa mga tagahanga wala na po
tayong dapat ipag-alala! Sila pa rin ang dating magkasintahan na kinakikiligan
nating lahat. Pwede nyo bang ipakita sa inyong mga tagahanga kung gaano nyo pa rin
kamahal ang isa't isa."

Tumingin si Jerome sa mukha ng nakangiting kasintahan. Niyakap niya ito at


hinalikan sa labi.

"Ayan mga kaibigan nakita nyo naman. Walang nagbago! Sweet na sweet pa rin silang
dalawa! Wow, mukhang lalanggamin tayo dito."

"Meron pa ba kayong mensahe sa mga tagapanood at sa inyong mga tagahanga."


Unang nagsalita si Jessica.

"Itigil na ho natin ang mga maling haka-haka. Wala hong katotohanan ang lahat.
Hinihiling namin na sana hayaan nyo ho kaming pamahalaan ang mga pribado naming
buhay. Salamat po."

Ilang sandaling hinintay ng tagapanayam na magsalita si Jerome. Huminga muna ng


malalim ang binata at seryosong hinarap ang kamera.

"Gusto kong humingi ng paumanhin sa mga nasaktan dahil sa nangyari. Sa hindi ko


kaagad pagharap sainyong lahat. Kung gugustuhin ko ho ay pwede ho akong manahimik
hanggang sa kadulu-duluhan. Ngunit kinakailangan ko hong protektahan ang mga
inosente kagaya ng babaeng kasama ko sa mga larawan. Wala ho siyang kamalay-malay
sa ganitong bagay. Masyado hong pribadong tao ang kaibigan namin kung kaya't
nakikiusap akong itututok niyo na lang lahat ng mga kamera sa akin wag lang sa mga
inosenteng taong kagaya niya. Maraming salamat."

-----

Pinatay ni Sandra ang telebisyon. Sa unang pagkakataon ay ginamit niya ang TV ng


apartment para lang mapanood ang binabanggit sa kanyang interview ni Vicky.
Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng makabalik siya sa apartment. Ngunit ni
minsan ay hindi pa siya lumalabas ng bahay. Hindi siya makapaniwalang ang isang
bagay na pinakaayaw niya ay kasalukuyang nangyayari.

Galit siya sa ingay. Ayaw niya ng may mga di-kilalang mga matang nakatingin.
Kinikilabutan siya sa anumang atensyong hindi niya hinihingi. Kinamumuhian niya ang
ganitong mga bagay dahil ito ang dahilan ng lahat ng masasamang alaala sa kanyang
buhay.

Lumapit siya sa mesang kanyang pinagsusulatan. Kumuha ng isang pahina ng kanyang


isinulat at tumitig dito.

Sumisikip na ang mundo niya sa New York. Sapat na ang ligaya. Sapat na ang mga
sakit. Sapat na ang mga ngiti at luha...Kailangan niya nang tapusin ang lahat.

Naupo siya sa harap ng laptop. Binuhay ito. At seryosong sinimulan ang pagpindot
sa mga titik.
-------

Sa balkonahe ng isang kuwarto sa hotel ay seryosong nag-uusap si Jerome at ang


kanyang ama. May tig-isang hawak na baso ng alak. Parehong tinatanaw ang iba't
ibang ilaw ng lungsod. Sinadyang bisitahin ng magulang ang binata upang kausapin
ito ng masinsinan.

"Nahihirapan ka ba masyado sa sitwasyon niyo ngayon ni Jessica?"

Tumingin sa ama si Jerome at tumango.

"Mahal mo ba talaga ang babaeng iyon?"

"Dad...?"
"Anak kita Jerome. Unang beses ko pa lang na nakitang tinatanaw mo ang babaeng iyon
ay alam ko na ang totoong nararamdaman mo para sa kanya."

"Ngayon ko lang naramdaman ang ganito Dad. Kahit kay Jessica ay hindi ko ito
naranasan."

Huminga ng malalim ang ama.

"Masarap ang magmahal. Napakasarap sundin ng bawat sinisigaw ng ating dibdib.


Walang sinumang may gustong suwayin ang totoong tinitibok ng kanyang puso. Lahat
tayo ay nag-aasam na makuha ang anumang magustuhan natin..."

"...ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong karapatan Jerome. Hindi lahat ay


nasusunod ang kanilang kagustuhan."

"Dad...?"
"Alam kong umiibig ka. Pero hindi ka isang ordinaryong lalaking umiibig lamang.
Ikaw si Jerome Hernandez. Tinitingala ka ng mga kabataan. Hinahangaan ka ng
karamihan. May mga taong humuhugot sayo ng lakas upang tuparin ang kanilang mga
pangarap...."

"Masakit para sa akin na sabihin sa iyong tikisin mo ang iyong damdamin pero may
responsibilidad ka sa tao... saiyong mga tagahanga. Huwag mo silang biguin Jerome."

"Hindi ako tumututol na harapin mo ang pag-ibig na yan Jerome...ngunit hindi sa


ganitong paraan. Huwag mong isaalang-alang ang mga pangarap at pinaghirapan mo. Ang
pag-ibig ay dumarating subalit minsan ay mabilis din itong umalis. Paano na lang
kung ang lahat ng ito'y sabay-sabay na mawala sayo. Kami bilang mga magulang mo ang
una at higit sa lahat na masasaktan..."

Napasapo sa mukha niya si Jerome habang pinapakinggan ang ama.

"Si Jessica ang babaeng nararapat para sayo. Huwag mo siyang hayaang mawala dahil
sa kabila ng lahat ay siya pa rin ang nasa tabi mo... Kung ikaw ay may
pinoprotektahang iba, naisip mo man lang ba kung papaano ka pinoprotektahan ni
Jessica?"
"Nagawa mo nang mahalin si Jessica at darating ang panahon na mamahalin mo ulit
siya. Kailangan mo lang burahin kung anuman yang nasa dibdib mo. Isipin mo kaming
mga iba pang nagmamahal sayo. At kung mahalaga kami bilang mga magulang mo ay
susundin mo ang mga ipinapayo ko. Maaring pansamantala kang malulungkot ngunit
kailangan mong magsakripisyo dahil ito ang kabayaran sa lahat ng mga natupad mong
pangarap ..."

Tahimik na tumayo ang ama ng binata. Nasabi na nito ang mga bagay na gustong
sabihin sa anak. Kung kaya't binibigyan nito ng pagkakataong mag-isip ang
naguguluhang kausap.

Tinanggal ni Jerome ang mga kamay sa mukha. Tumingin siya sa makislap na tanawin ng
lungsod. Kinuha niya ang ipinatong na basong may lamang alak at dire-diretso itong
ininom. Muli niyang ipinatong ang baso at tumingin sa malayo.

Mahal niya ang mga magulang. Mahal niya ang kanyang pangarap. Mahal niya si Sandra.
Nahihirapan din siya na nasasaktan si Jessica.

Si Sandra. Hanggang saan niya pa ba kayang ipaglaban si Sandra?

Bumalik sa kanyang alaala ang sandaling pinapili niya ang dalaga. Ang paglabas nito
sa pintuan...ang pagsakay nito sa papalayong sasakyan...ang pagpili nito kay Clark.
Ito na ang pinakamasakit na bagay na naramdaman niya sa buong buhay...

-------

Sinundo ni Clark si Sandra sa condominium. Niyaya niya itong sumakay sa motorsiklo


at maglibot sa kalagitnaan ng gabi. Ilang oras nilang inikot ang lungsod.
Pagkatapos ay nagtungo sila sa parkeng madalas nilang puntahan malapit sa makulay
na tulay.

Naupo ang dalawa sa damuhan. Tinitigan ng mga ito ang magandang tulay. Parehong
tahimik na ninanamnam ang sariwang hangin. Nagpapalitan ng buntong-hininga.
Nagpapakiramdaman.

"Babalik na ako ng Texas."

Hindi sumagot si Sandra. Nananatili lang siyang nakatingin sa nagkikislapang mga


gusali. Tinitibayan ang loob. Kanina niya pa nararamdaman na may mabigat na
sasabihin ang kasama.

Tumayo si Clark at naglakad ng ilang hakbang. Huminga ng malalim at muling


tumahimik ng ilang sandali.
"Humihingi ako ng tawad sayo...Sandra"

"....Sa mga pangakong hindi ko natupad....at sa mga pangakong hindi ko na


matutupad."

"....Sinubukan kong gawin ang lahat...pero sa kagaya ko hindi pa rin pala sapat ang
lahat."

"Mahal na mahal kita Sandra, pero hindi ko pala pwedeng ipagpilitan ang pagmamahal
na ito..."

"Akala ko ang pagmamahal na ito ang magbibigay sayo ng saya pero nagkamali ako ito
pala ang magdudulot sayo ng sakit..."

"Akala ko maipagtatanggol kita...Akala ko maipaglalaban kita...pero hanggang sa


kadulu-duluhan hindi pa rin kita nagawang protektahan kahit sa sarili kong ama."

Nanatiling diretso ang mga tingin ni Sandra. Tahimik niyang pinapakinggan ang
lalaki. Paulit-ulit siyang napapalunok habang lumalabo ang kanyang mga paningin
dahil sa namumuong mga luha sa mata. Nadudurog ang puso niya sa mga binibitawang
salita ng lalaki.

"Sandra...masakit aminin pero kagagawan pa rin ng ama ko ang lahat ng mga


paghihirap na hinaharap mo ngayon. At kahit sarili ko ay hindi ko kayang harapin sa
salamin. Hiyang-hiya ako kung papaano ko hinayaang mangyari ang lahat ng ito."

"At sa mismong pananakit ng ama ko ay ibang lalaki pa ang nagligtas sayo..."

"Hindi ka nagkulang Sandra. Alam kong sinubukan mo ang lahat para mahalin din ako.
Ako ang nagkulang...masyado akong nalunod sa galit sa ama ko. Hindi ko namalayang
unti-unti na kitang napapabayaan."

Malapit nang pumatak ang mga luha ni Sandra. Pinipiga ang dibdib niya sa mga
naririnig. Maaring hindi niya pa tuluyang iniibig si Clark. Ngunit mahalaga pa rin
ito sa kanya. Mahalaga pa rin ang mga sandaling pinagsamahan nila. Mahalaga pa rin
ang lahat ng mga ginawa niya upang pag-aralan itong mahalin. Hindi siya isang bato
para hindi masaktan sa pakikipaghiwalay nito.

"May isang bagay rin akong nalaman Sandra... akala ko kapag ginawa ko ang lahat ng
makakaya ko ay kaya ko nang turuan ang puso mo na mahalin ako."

"Hindi pala... Hindi ko pala kayang turuang umibig ang pusong may iniibig ng iba."
"Clark...."

Lumapit si Clark at hinawakan ang kamay ni Sandra. Tumayo ang dalaga at hinarap ang
mga titig ng binata. At sa huling pagkakataon ay hinalikan siya nito sa mga labi.

"Salamat Sandra. Salamat at binigyan mo ako ng pagkakataong mahalin ka."

Unti-unti nang kumawala ang pinipigilang mga luha ni Sandra. Muli itong napaupo sa
damuhan at humagulhol. Hinayaan naman ito ni Clark na ibuhos ang nararamdamang
lungkot.

"Iwanan mo na ako Clark gusto kong mapag-isa."

Sinunod ni Clark ang hiling ni Sandra. Naluluhang tinalikuran niya ito ngunit hindi
pa man siya nakakalayo ay nagsalita ang umiiyak na dalaga.
"Clark...patawarin mo rin ako. Ginawa ko ang lahat...Sinubukan ko Clark...."

Huminto ang binata ngunit hindi na ito lumingon pa sa dalaga. Ipinikit nito ang mga
mata hanggang sa tumulo na rin ang mga kinikimkim na luha.

"Alam ko Sandra...Alam ko..."

Itinuloy ni Clark ang paglalakad. Pinahid niya muna ang mga luha bago magsuot ng
helmet. Sumakay siya ng motorsiklo. Pinatakbo niya ito ng mabilis nang hindi na
muling nilingon pa ang dalaga kahit man lang sa huling pagkakataon.

Lalong bumilis ang pagpatak ng mga luha ni Sandra nang marinig ang pag-andar ng
motorsiklo.

Wala na si Clark.

Iba na ang mundo ni Jessica.


At kailanman ay hindi mapapasakanya si Jerome.

Nag-iisa na naman siya.

Bumabalik na ulit siya sa dating mundo.

Isa-isa nang namamatay ang mga ilaw sa magandang tanawin ng lungsod.

At unti-unti na rin bang nagpapahiwatig sa kanya ang tadhana?


*******************************************
[30] AKIN NA LANG ANG MUNDO KO
*******************************************

*****

Sinarado ni Sandra ang pinto ng kanyang apartment. Papasok siya ng coffee shop.
Sapat na ang mga pagkukulong niya ng ilang araw. Handa na siyang lumabas at harapin
ang lahat.

Napahinto siya sa tapat ng katabing unit. Tinitigan niya ang pinto nito.

Simula ng iniwan niya si Jerome sa resthouse ay hindi niya na ito muling nakita pa
maliban sa sandaling napanood ito sa telebisyon. Alam niyang malalim ang galit nito
sa kanya. Hindi niya ito masisisi. Nasaktan niya ang binata. Marahil ay kasing
sakit din ng naramdaman niya nang iwan ito.

Pagdating niya sa coffee shop ay nagulat ang kanyang mga kasamahan sa kanyang di-
inaasahang pagpasok. Ang akala ng mga ito ay tuluyan niya nang iniwan ang trabaho.
Sinalubong niya ang mga ito ng may nakangiting mukha.

Pagkakita sa kanya ni Miss Vicky ay patakbo itong lumapit at yumakap ito ng


mahigpit. "Kumusta ka ng bata ka? Ang akala ko ay hindi ka na ulit magpapakita."

"Pwede ba naman yun Miss Vicky. Sa tingin niyo ba aalis na lang ako basta-basta
nang hindi man lang ulit kayo nakikita?"

Nagpalit siya ng damit at nakangiting lumabas ng banyo na suot na ulit ang


uniporme.

"Na-miss ko sobra ang trabaho ko dito! Halika umpisahan na natin maglinis Miss
Vicky."...
Masiglang sinabayan ng serbidora ang dalaga. Hindi mabura-bura ang mga ngiti nito
sa mukha sa muling pagpasok ni Sandra. Maghapon silang nagtawanan at nagkumustahan.
At nang malapit ng matapos ang araw ay inilabas ni Sandra ang cellphone.

"Miss Vicky, Mr. Castro. Halika magkuhanan tayo ng litrato. Sa matagal kong hindi
pagpasok narealize kong wala man lang pala akong kapicture-picture kasama kayo."

"O sige! Magpicture-picture tayo Sandra. Gusto ko yan! Sandali magpapaganda lang
ako ng kaunti."

Naglagay ng lipstick si Vicky at kinuha rin ang sariling cellphone.

Masayang naglitratuhan ang tatlong magkakasama. Punung-puno ng mga ngiti at tawanan


ang bawat larawan. Buong araw na naging masigla at masaya ang coffee shop. Muli
itong nagkaroon ng buhay sa pagbabalik ni Sandra.

Natapos ang trabaho. Ikinakandado na ulit ni Mr. Castro ang coffee shop. Muli na
naman silang magpapaalaman sa harap ng shop. Ngunit bago tumalikod si Sandra ay
nagseryoso ito ng mukha.

"Mr. Castro, Miss Vicky, patawarin niyo ako kung may mga bagay na inilihim ako sa
inyo. Nagawa ko lang ang mga ito dahil gusto ko ho ng tahimik na buhay.
Nagpapasalamat ako sa inyo Mr. Castro at binigyan nyo ako ng pagkakataon para
makapagtrabaho sa coffe shop."

"Miss Vicky....salamat sa pagiging kaibigan at ina nyo sa akin dito sa New York.
Salamat sa masasayang alaala. Isa kayo sa mga dahilan kung bakit sumasaya ang
pagtira ko dito. Maraming salamat sa lahat."

Hindi naman mapigilan ni Vicky ang maluha.

"Ano bang pinagsasabi mong bata ka? Na-miss mo ba talaga kami ng sobra at bigla
kang nagdadrama?"

Hindi sumagot si Sandra sa mga tanong ni Vicky at binigyan niya lang ito ng tipid
na ngiti.

"Sige ho. Tutuloy na ako....Paalam."

Tumalikod si Sandra. Malungkot at mabibigat ang mga paa na naglakad siya patungong
istasyon ng tren.... Ayaw niya mang gawin, ngunit kailangan niya nang magpaalam
dahil simula sa araw na ito ay hindi niya na tiyak ang maaring mangyari bukas...
------

Nang makauwi ng bahay ay matamlay na binuksan ni Sandra ang pinto ng apartment.


Hindi pa rin humuhupa ang lungkot na nararamdaman niya dahil sa pamamaalam sa
trabaho. Tiyak na maiisip niya lagi lahat ng mga magagandang alaala niya sa coffee
shop.

Nakayuko siyang pumasok sa loob ngunit kaagad siyang napaangat ng mukha nang
mapansin niyang bukas ang mga ilaw. At nagulat siya nang makita ang nakatalikod na
si Jessica. Nakatayo ito sa tabi ng bintana habang nakatanaw sa malayo.

"Mabuti at dumating ka na. Kanina pa kita hinihintay."

Humarap sa kanya ang kaibigan. Seryoso ang mukha nito.

Unti-unting nawala ang lungkot sa dibdib niya unti-unti itong napalitan ng kaba sa
mga maaring marinig mula sa kaibigan.

"Bakit naririto ka?"


Hindi kaagad sumagot si Jessica. Ilang sandali muna nitong tinanaw ang magandang
tanawin ng lungsod mula sa bintana. Nakatalikod nitong sinagot ang kaibigan.

"Sandra...niyaya na ako ni Jerome magpakasal."

Natigilan si Sandra sa narinig. Kasisimula pa lang magbitaw ng salita ni Jessica ay


parang sinabugan na ng malakas na bomba ang kanyang tenga. Napahawak siya sa sopa
at nanghihinang napaupo dito.

"Nag-propose siya sa akin kanina...At bilang taong pinakamalapit sa akin ay ikaw


ang gusto kong unang makaalam."

Hinarap ni Jessica ang kaibigan. At naghintay ng anumang sasabihin nito.

Nahihirapan namang magsalita si Sandra. Nakanganga lamang siya habang nag-iisip ng


sasabihin. Hindi matiyak sa sarili kung kaya niyang itago ang sinasaksak niyang
damdamin.

"Ma-ma-mabuti naman kung ganoon... Sa-sabihin mo na rin ito kay Na-nanay Marta."
"Ia-announce namin ito sa mga tao ngayong darating na Sabado. Magkakaroon kami ng
engagement party at gusto ko naroroon ka rin Sandra."

"Su-susubukan ko Jessica dahil sa ngayon ay a-ayaw ko munang hu-humarap sa maraming


ta-tao."

"Dapat naroroon ka. Para tuluyan nang mabura ang mga pagdududa ng tao tungkol sa
inyo ni Jerome."

"Su-subukan ko Jessica."

Muling tumalikod si Jessica.

"Salamat Sandra... Salamat sa pagpapaubaya mo kay Jerome sa akin."

"Jessica..."
"Alam kong nasasaktan ka... kaibigan kita, kilala kita kung kaya't nararamdaman
kong mahal mo rin si Jerome. Ngunit kailangan kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa
boyfriend ko dahil alam kong pansamantala lang ang lahat ng ito para sayo...Ang
pagtira mo dito sa New York. Ang pagkilos mo ng normal. Ang pakikipagrelasyon mo
kay Clark. Ang pagmamahal mo kay Jerome. Lahat ng ito ay may dahilan. At lahat ng
ito ay sabay-sabay na mawawala sa oras na matapos na ang pansamantala mong mundo sa
lungsod na ito. "

"...Alam kong kahit sa pag-ibig ay hindi mo kayang ipagpalit ang mundong


ginagalawan mo. Masasaktan at masasaktan mo rin si Jerome. Samantalang ako, kaya ko
siyang mahalin hanggang sa huling hininga ko Sandra...kaya kong ipagpalit ang lahat
para sa kanya."

Tahimik na tumulo ang luha ni Sandra. Wala siyang maisagot sa kaibigan.

"Hindi lang ito ang dahilan kung bakit ako naririto Sandra..."

Nilingon ni Sandra ang nakatalikod niyang kausap. Kinakabahan siya sa susunod


nitong sasabihin.
"Ang Red Thorn ay ang huling librong ilalabas ko..."

Napatayo siya sa sopa.

"Anong ibig mong sabihin Jessica?"

"Itigil na natin ang lahat ng ito Sandra..."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng kaibigan. Nagmadali siyang lumapit dito.
Iniharap niya ang kausap at hinawakan ito sa magkabilang braso. Nanginginig siyang
nagsalita habang nangingilid ang mga luha at pinipilit ngumiti.

"Anong pinagsasabi mo Jessica...Huwag mo akong bibiruin ng ganito..."


" Tama na ang lahat ng ito Sandra. Sapat na ang lahat ng mga nagawa mo sa akin."

Lalong nanlaki ang mga mata niya. Yumakap siya sa kaibigan at nagsimulang
magmakaawa.

"Huwag mong gawin ito sa akin Jessica! Hindi mo magagawa sa akin ito. Alam kong
nasaktan kita pero wag mo akong saktan ng ganito. Oo nagkamali ako dahil minahal ko
rin si Jerome pero sabi mo nga di ba hindi ko ito ipagpapalit sa pagmamahal..."

Nanatiling matigas ang mukha ni Jessica. Pinipigilan rin nitong umiyak.

"Jessica, wag mong ipagkait sa akin ang kaisa-isang bagay na nagbibigay sa akin ng
buhay. Itira mo ang natatanging koneksiyon ko sa labas ng aking mundo. Ito ang
buhay ko Jessica. Wag mo itong tanggalin sa akin. Nakikiusap ako. Parang awa mo na.
Kunin mo na ang lahat wag lang ito Jessica."

"Sandra... gusto kong magsimula ng bagong buhay kasama si Jerome." madiing bigkas
ni Jessica.
Kumawala sa pagkakayakap si Sandra. Nanlalaki pa rin ng mga mata nito. Muling
tumulo ang mga luha. Nanginginig at tila unti-unti itong nawawala sa sarili.

"Si Jerome? Si Jerome. Para kay Jerome. Dahil kay Jerome. Bakit lahat na lang ay
para kay Jerome, Jessica?!!...Ginawa ko ang lahat. Ibinigay ko lahat ng gusto mo.
Tiniis ko lahat ng nararamdaman ko. PERO BAKIT NAPAKADALI PARA SAYO NA IPAGPALIT MO
ANG KAIBIGAN MO JESSICA!!!! BAKIT HINDI MO MAIBIGAY ANG KAISA-ISANG BAGAY NA
HINIHINGI KO!!! BAKIT PURO NA LANG PARA SAYO!!! BAKIT LAHAT PURO NA LANG KAY
JEROME!!! PAANO NAMAN AKO?!!!"

Humagulgol na ng iyak si Sandra.

"Siguro Sandra ay panahon na para humarap ka sa tao. Oras na para magpakilala


ka..."

"Bakit sinasabi mo ang isang bagay na alam mong hindi ko magagawa Jessica. BAKIT
PINAPAGAWA MO SA AKIN ANG ISANG BAGAY NA KATUMBAS NG MGA BANGUNGOT KO JESSICA!!!."

"Tutulungan kita Sandra..."


"Hindi ko kaya Jessica.. hindi ko kaya ang sinasabi mo."

"Kailangan mo itong kayanin Sandra dahil karugtong ito ng bagay na kaisa-isang


nagbibigay kulay sa buhay mo."

"...Karugtong sila ng imahinasyon mo Sandra...kaya dapat mong kayanin."

"I'm sorry, Sandra."

Naluluhang naglakad papalabas ng pinto si Jessica. Sinubukan itong pigilan ng


nagmamakaawang kaibigan.

"Wag ka munang umalis Jessica! Mag-usap pa tayo, parang awa mo na... maawa ka."
Hindi pinakinggan ni Jessica ang kaibigan. Hinabol siya nito hanggang sa elevator
ngunit nanindigan siya sa mga binitawang salita. Naawa siya kay Sandra. Ngunit
kailangan niya nang magsimula ng panibagong buhay kasama si Jerome. Kailangan nang
matuto ng kaibigan na harapin ang mga bagay na kinatatakutan nito.

Wala sa sariling bumalik sa loob ng bahay si Sandra. Tulala at patuloy sa pagdaloy


ang mga luha. Hindi niya inaakalang ang lahat ay hahantong sa ganito. Para siya
mababaliw. Lahat ay nawala na sa kanya.

Naisip niyang itapon lahat ng nakikita. Gusto niyang magwala at basagin lahat ng
mahahawakan. Ngunit ang tanging nagawa niya ay halungkatin ang lahat ng mga
naisulat at muling balikan ang mga mundong kanyang ginalawan.

Tumayo siya at lumapit sa mesang pinagsusulatan. Kailangan niya nang umalis.


Tatapusin niya ang dahilan ng lahat ng ito. Kailangang magbunga ang lahat ng mga
sakit at hirap na kanyang pinagdaanan. Hindi pa rin siya titigil. Kakausapin niya
ulit ng kaibigan.

------
Araw ng engagement party ni Jerome at Jessica. Lumabas si Jerome sa pansamantalang
tinutuluyan niyang hotel. Nakasuot ng mamahaling suit na inihanda sa kanya ng
kasintahan. Handa na siyang pumunta sa lugar kung saan gaganapin ang pagtitipon.
Handa na siyang harapin ang pinakamahirap na desisyong kanyang nagawa.

Sinimulan niyang paandarin ang sasakyan ngunit sa kalagitnaan ng daan ay bigla


siyang tumigil. Pagbibigyan niya sa huling pagkakataon ang sinisigaw ng dibdib.
Gusto niyang makita si Sandra bago niya harapin ang bagong yugto ng kanyang buhay.

Ibinalik niya ang kotse. Tinahak niya ang daan papunta sa pinagtatrabahuan ng
dalaga. Ngunit pagdating niya doon ay tanging ang serbidora lamang ang kanyang
nakaharap.

Naiiyak itong nakipag-usap sa kanya.

"Ilang araw na siyang hindi pumapasok. Sa palagay ko ay hindi na siya babalik dito
dahil nagpahiwatig na siya ng pamamaalam noong huling punta niya..."

Kinabahan bigla si Jerome sa narinig. Mabilis niyang nilisan ang coffee shop at
nagmaneho papunta sa sariling condominium. Nag-aalala siya na baka nakaalis na ng
New York si Sandra nang hindi niya man lang ito muling nakita. Binilisan niya pa
lalo ang pagmamaneho.

-------

Nakaupo pa rin si Sandra sa harap ng laptop. Namumutla. Nangangalumata. Tatlong


araw na siyang hindi natutulog at kumakain. Wala siyang ibang gustong gawin kundi
ang magsulat. Gusto ng sumuko ng kanyang katawan ngunit patuloy pa rin sa
paglalakbay ang kanyang isipan. Hindi siya pwedeng huminto. Hindi siya titigil
hangga't hindi natatapos ang ginagawa.

Ding dong. Ding dong.

Si Jessica? Bumalik ba si Jessica? Makikipag-usap ba ulit ito sa kanya?

Nagmadali siyang tumayo ngunit nagsimulang umikot ang kanyang paningin.


Nararamdaman niya na ang panghihina subalit pinilit niyang maglakad papunta ng
pintuan. Binuksan niya ito. May naaninag siyang taong nakatayo ngunit hindi niya
ito makilala. Parang unti-unting nagdidilim ang kanyang mga paningin.
Nagulat si Jerome sa babaeng nagbukas sa kanya. Namumutla ito at nanghihina. At
bago pa man niya mabati ang dalaga ay bigla itong nawalan ng malay sa mismong
harapan niya.

"Sandra! Sandra! Anong nangyayari sayo?"

Kinapa niya ang noo nito. Wala itong lagnat subalit nanlalamig ang dalaga.

Binuhat niya ito at ipinasok sa kuwarto. Kinumutan niya ito at tinitigan.


Namumutla, nangingitim ang paligid ng mga mata at nanunuyo ang mga labi. Ano na
naman ang nangyayari sa babaeng ito? Bakit sa tuwing makikita na lamang niya ito ay
laging mayroong dahilan para huwag uli itong iwanan?

Hinawakan niya ang nanlalamig nitong kamay. Naisip niyang tumawag ng doktor ngunit
bigla siyang nag-atubili dahil sa sitwasyon nilang dalawa. Nagbakasakali na lamang
siya na baka may natatagong mga gamot ang dalaga.

Inilibot niya ang mga mata sa kuwarto. Napansin niya kung gaano ito kakalat.
Maraming ginusot na mga papel na nagkalat sa sahig. May mga librong kung saan-saan
lamang nakapatong. Sa mesa, sa sahig, sa istante at sa kama.
Sa pag-iikot ng paningin ay napansin niya ang mesang may nakapatong na isang
laptop. May katabi itong mga papel na may sulat. Lumapit siya dito at kumuha ng
isang papel. Tahimik niya itong binasa.

Nagandahan siya sa mga nabasa kung kaya't kumuha ulit siya ng isa pang papel.
Tinuloy niya ang pagbabasa hanggang sa napagtantong para lamang siyang nagbabasa ng
isang kuwentong gawa ni Jessica. Napaisip siya ng ilang saglit. May isang bagay na
kusang pumasok sa kanyang isipan.Kumuha ulit siya ng isa pang papel at minadali
itong basahin.

Unti-unti siyang kinukutuban. Tumingin siya sa natutulog na dalaga. Imposible.


Imposibleng mangyari ang kanyang iniisip. Napatingin siya sa nakabukas na laptop.
Natutukso siyang siyang pakialaman ito, gusto niyang malaman ang kasagutan sa
kanyang umusbong na paghihinala.

Humawak siya sa laptop at sinimulang basahin ng may kaba ang nakabukas na file.
Lalo lamang bumilis ang kabog ng kanyang dibdib sa mga nabasa. Hindi maari ito!
Hindi totoo ang lahat ng ito! Nataranta siya at hindi sinasadyang nasagi niya ang
mga patong-patong na mukhang manuskrito sa ibabaw ng mesa. Nahulog ang mga ito sa
sahig.

Nananatili ang kaba sa kanyang dibdib. Tinitigan niya sandali ang mga nahulog at
dahan-dahan siyang dumampot ng isa sa mga ito. Nanginginig ang kamay na binuksan
niya ang unang pahina ng manuskritong hawak.
Shadow Lady.

Nabitawan niya ang binabasa sa matinding pagkabigla. At muli siyang dumampot ng isa
pang manuskrito...

Red Thorn.

Kumuha ulit siya! Dinampot niya ito isa-isa at lahat ng mga ito ay ang mga libro ni
Jessica! Paanong nangyari ang lahat ng mga ito? Bakit naririto ang mga ito sa
kuwarto ni Sandra? Anong ibig sabihin ng lahat ng ito?

Nag-isip siya ng malalim.

Kaya ba ayaw pag-usapan ni Sandra ang pagsusulat?


Kaya ba hindi ito makatingin sa mga mata niya kapag pinag-uusapan ito?

Kaya ba ito nagwala minsan at nagpumilit magsulat?

Mahirap paniwalaan pero hindi siya maaring magkamali ng hinala....

....na hindi si Jessica kundi si Sandra ang totoong manunulat ng mga libro!

*******************************************
[31] TAMIS AT HAPDI NG PASASALAMAT
*******************************************

*******

Nakasubsob si Jessica sa mesa. Yumuyugyog ang balikat. Dumadaloy ang itim na


mascara kasabay ng mga luha. Hindi alintana ang hindi nababagay na pagkakaupo para
sa suot na eleganteng designer's gown. At patuloy lamang ito sa tahimik na pag-
iyak.
Wala ng tao sa magara at malawak na lugar maliban sa kanya. Nag-uwian na ang lahat
ng mga bisita. Lahat ay nawalan na ng pag-asa na darating pa ang taong kanilang
hinihintay.

Tahimik na nakatayo si Jerome sa pintuan. Ilang saglit niyang pinagmasdan ang


nakasubsob na kasintahan. Dahan-dahan niya itong nilapitan. Kinuha niya ang kamay
ng dalaga na noon ay nagulat sa kanyang walang ingay na pagsulpot.

"Jerome? Anong nangyari sayo? Bakit ngayon ka lang dumating?"

Hindi siya sumagot. Sa halip ay tinulungan niyang tumayo ang dalaga at inalalayan
itong maglakad patungo sa minamanehong sasakyan. Pinaandar niya ang kotse at
tahimik na nagmaneho. Nag-ikot sila sa lungsod nang walang anumang binibitawang mga
salita...

Pinarada ni Jerome sa tahimik na lugar ang sasakyan. Nanatili ang magkasintahan sa


loob ng kotse. Ilang beses nagbuntong-hininga ang binata habang diretso lamang ang
mga mata. Samantalang kinakabahan naman si Jessica.

"Meron pa ba akong hindi nalalaman tungkol kay Sandra?"


Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jessica. Hindi siya makapaniwala sa tanong
ng kasintahan.

"Jerome, hindi ka sumipot sa engagement party. Hindi mo ako kinakausap ng ilang


oras. Tapos ang unang lalabas sa bibig mo ay ang pangalan ni Sandra."

"Meron ka bang gustong sabihin tungkol sa pagsusulat ng kaibigan mo?"

Nanlaki ang mga mata ni Jessica. Pansamantala itong hindi nakapagsalita.

"Je-jerome. Bakit ka nagtatanong tungkol sa ganyang bagay? May sinabi ba sayo si


Sandra?"

"Pinuntahan ko si Sandra. Nakapasok ako sa loob ng bahay at may mga nabasa akong
ayaw kong paniwalaan Jessica."
Muling natahimik si Jessica. Sinusubukan niyang magsalita ngunit tila walang boses
na gustong lumabas sa kanyang bibig.

Tinitigan ni Jerome ang babae. At unti-unting tumigas ang mukha niya.

"Paano niyo nagawa ito Jessica? Paano niyo nagawang lokohin ang mga tao? Paano niyo
nagawang dayain ang isang tagahangang katulad ko?!"

Tuluyan ng walang maisagot si Jessica. Nagsimula na lamang mangilid ang kanyang mga
luha. Hindi niya alam kong papaano ipapaliwanag ang lahat.

Lumabas ng sasakyan si Jerome. Hindi siya makahinga sa sama ng loob. Pakiramdamdam


niya ay paulit-ulit siyang napaglaruan.
Sinundan siya ni Jessica at nagsimula itong magmakaawa.

"Magpapaliwanag ako, Jerome. Kinausap ko na si Sandra. Sinabi ko nang ititigil na


namin ang lahat ng ito."

"Hanggang saan ang kayang ibigay sayo ng kaibigan mo? Hanggang saan ang kaya mong
hingin kay Sandra, Jessica?"

"Nagkakamali ka Jerome. Hindi ko ito hiningi kay Sandra, maniwala ka. Siya ang may
gusto ng lahat ng ito. Siya ang humiling tungkol sa bagay na ito. Maniwala ka."

"Mahirap paniwalaan ang sinasabi mo. Bakit hihilingin sayo ni Sandra ang ganitong
bagay?"
"Pagsusulat ang buhay niya Jerome. At ang pagbabasa ng mga tao ang tanging
nagbibigay sa kanya ng lakas. Ngunit hindi niya kayang humarap sa tao. Natatakot
siya sa maraming atensyon Jerome. Isa ito sa mga bagay na hindi niya kayang
harapin. Natatakot siya dahil isa itong rason kung bakit namatay ang mga magulang
niya. Bangungot kay Sandra ang pagkaguluhan siya ng mga tao ngunit mahal na mahal
niya ang pagsusulat. Gusto niyang ibahagi ang mga kuwento niya kung kaya't ako ang
gumagawa nito para sa kanya. Maniwala ka. Ginawa ko ang lahat ng ito para sa
kaibigan ko."

"Huwag kang magsinungaling sa sarili mo Jessica. Wala kang karapatang sabihing


ginawa mo ito para kay Sandra. Kaya mo ito tinanggap dahil din sa lahat ng
tinatamasa mo ngayon. Nasilaw ka rin sa kasikatan at pera. Nalunod ka rin sa mga
paghanga sayo ng tao. Kung talagang iniisip mo si Sandra ay hindi mo gagawin ang
bagay na ito."

Nagmamakaawang hinawakan ni Jessica ang braso ng binata.

"Jerome nakipag-usap na ako kay Sandra. Sinabi ko na sa kanyang gusto ko na ng


panibagong buhay kasama ka. Ititigil ko na ang lahat ng ito para sayo."

Tumingin ang si Jerome sa malayo at nag-isip ng ilang sandali. Parang unti-unting


nauubos ang kanyang lakas dahil sa mga nalaman.
"Tinikis ko si Sandra. Pinilit kong gawin ang lahat para maisalba ang relasyon
natin Jessica... pero hindi ko alam kong kaya ko pang gawin ito ngayon."

Nanlaki ang mga mata ni Jessica sa narinig. Para siyang hihimatayin sa sinabi ng
kasintahan.

"Anong ibig mong sabihin?"

"I'm sorry, gusto ko munang mag-isip. Mahirap tanggapin na sa simula't sapul ay


ibang tao pala ang girlfriend ko."

Napaatras ang dalaga ng may hindi makapaniwalang mukha.

"Nagagalit ka lang kaya mo sinasabi yan. Hindi ako ibang tao Jerome. Ang pagsusulat
lang ang hindi totoo sa akin pero lahat ng mga nakikita mo ay yun ang totoong
pagkatao ko at yun din ang minahal mo."
"Nagsimula ang pagmamahal ko sayo dahil sa inaakala kong pagsusulat mo. Akala ko
ikaw ang taong umaantig sa damdamin ko sa pamamagitan ng mga libro mo. Akala ko
ikaw ang taong humahaplos sa puso ko sa tuwing nagbabasa ako. Niloko mo ako
Jessica! Niloko niyo ako!"

"At anong gagawin mo Jerome babalik ka kay Sandra dahil sa mga nalaman mo?"

".... Tinanong mo ako kung may mga bagay ka pang dapat malaman tungkol sa kaibigan
ko. Oo!...."

"...dapat mong malaman na hindi siya ang Sandrang nakilala mo. Siya ay si Sandra na
umiikot lamang ang buhay sa paggawa ng kuwento. Ang lahat ng mga ikinilos niya at
nakita mo sa kanya ay karugtong lamang ng isinusulat niya. Bahagi ka lamang ng
pansamantala niyang mundo. Siya ang taong pansamantalang nabubuhay sa loob ng
kanyang kuwento. Siya yun Jerome! At kapag natapos niya na ito ay tapos ka na rin
sa pagiging bahagi ng buhay niya...."

"...hindi niya kailanman ipagpapalit ang pagsusulat kahit sa pagmamahal dahil dito
lang niya nagagawang takasan ang lahat ng takot niya. Hindi siya normal. Aalis siya
kung kelan niya gusto. Iiwanan ka niya kung kelan niya maisipan. Sa bawat librong
ginagawa niya ay pumipili siya ng lugar kung saan mas higit na gumagana ang
imahinasyon nya. Kaya masasaktan ka lang! Sinasayang mo lang ang lahat ng mga
nararamdaman mo para sa kanya. Hindi ka kailanman pipiliin ni Sandra!.."

"...Ako ang totoong nagmamahal sayo. Handa kong ipagpalit ang lahat para sayo kaya
ako na lang ang mahalin mo Jerome."

Tumahimik ng ilang sandali si Jerome. Naghahalo ang galit at pagmamahal sa dibdib


niya para kay Sandra. Sa mga sandaling iyon ay nalilito siya kung alin dito ang mas
nangingibabaw.

"Kung pansamantala mang bahagi lamang ako ng buhay ni Sandra ngayon ay gagawin ko
ang lahat para habambuhay siyang maging akin. Alam kong mahirap siyang mahalin
dahil hindi siya pangkaraniwang babae. Ngunit hindi mahalaga sa akin maging ano pa
man ang totoong pagkatao niya. Dahil hindi ko pa rin maiaalis ang katotohanan na sa
simula't sapul ay siya pala ang babaeng dapat na minahal ko...at hindi ikaw
Jessica."

"Je-jerome."
"Pumasok ka na ng kotse. Ihahatid na kita."

"Jerome please..."

"I'm sorry. Tapos na tayong mag-usap. Kailangan ko pang balikan ang kaibigan mo."

Hindi na muling nagsalita pa si Jerome samantalang tahimik pa ring umiiyak si


Jessica.

Hindi pa rin matanggap ni Jessica na gustong makipaghiwalay sa kanya ng binata.


Hindi siya susuko. Nalilito lang ito dahil sa mga nalaman. Minahal siya nito hindi
lamang dahil sa mga libro kung kaya't magagawa ulit nitong mahalin siya sa totoo
niyang pagkatao. Pansamantalang igagalang niya ang desisyon ng lalaki. Alam niyang
walang ibang patutunguhan ang pagmamahal nito kay Sandra kundi ang ibaon ito sa
limot.
Pagdating sa condominium ni Jessica ay tiningnan ni Jerome ang dalaga bago ito
bumaba. Pinipilit niyang makaramdam ng kahit konting kirot sa kanilang
paghihiwalay. Ngunit sa mga sandaling iyon ay parang manhid ang kanyang puso.
Hanggang sa magseryoso ang mukha ng dalaga na tila may gustong sabihin ngunit
nahihirapan itong ibuka ang bibig.

"Wa-wala ka ng babalikan Jerome...u-umalis na si Sandra."

Hindi kaagad nakasagot si Jerome. Ang namamanhid niyang puso ay unti-unting


nabubuhay at bumibilis ang tibok dahil sa narinig.

"Wa-wala na si Sandra...sa mga sandaling ito ay maaring wala na siya sa New York."

Muling pumatak ang mga luha ni Jessica.


Bumilang ng ilang sandali bago nakapagsalita si Jerome. Ayaw niyang paniwalaan ang
katabi.

"Nagbibiro ka ba Jessica? Pinuntahan ko pa lamang siya kanina sa apartment at


natitiyak kung nandirito pa siya."

"Ba-bago ka dumating sa lugar ng party ay tinawagan niya ako para magpaalam....y-


yun ang dahilan kung bakit mo ako inabutang umiiyak Jerome."

Lalong bumilis ang pintig ng dibdib niya. Gusto niyang isiping niloloko lang siya
ni Jessica. Nasabi niya lang ito dahil sa sama ng loob. Imposibleng makaalis ang
iniwan niyang natutulog at nanghihinang babae.

Pagkababang-pagkababa ni Jessica ay agad niyang pinaandar ang sasakyan. Habang


nagmamaneho ay nanlalamig ang kanyang mga kamay sa kaba. Parang sasabog ang dibdib
niya sa nerbyos. Nagbibiro lamang si Jessica. Paulit-ulit niyang iniisip.
Pagdating sa sariling condominium ay patakbo siyang pumasok ng at nagmadaling
makasakay ng elevator. Bawat hakbang niya papalapit sa unit ni Sandra ay papalakas
ng papalakas ang kanyang kaba. Pagdating sa harap nito ay napatitig muna siya sa
pinto. Dahan-dahan niyang inilapit ang nanginginig na kamay sa doorbell. Natatakot
siya sa kalalabasan. Pinindot niya ng isang beses. Naghintay siya ng ilang sandali
ngunit walang nagbukas ng pinto. Pumindot siya ng dalawang beses. Wala uling
nagbukas. Pumindot siya ng tatlong beses. Wala pa ring nagbukas. Malapit ng pumutok
ang dibdib niya sa kaba. Pinindot niya ang doorbell ng paulit-ulit. At nang wala pa
ring magbukas ay inumpisahan niya itong katukin.

"Sandra! Sandra buksan mo ang pinto! Sandra!"

Wala pa ring nagbubukas. Hindi siya tumigil sa pagkatok.

"Sandra please buksan mo ang pinto! Sandra!"

"PLEASE SANDRA BUKSAN MO ITO!"


Ilang oras siyang hindi sumuko sa pagkatok at pag-doorbell hanggang sa napaupo na
lamang siya sa harap ng pinto.

"Huh, sa rooftop baka nasa rooftop si Sandra!"

Nagmadali siyang tumakbo patungong elevator. Subalit nang marating ang rooftop ay
wala pa rin doon si Sandra. Tumakbo siya papasok ng gym. Pumasok sa basketball
court. Ngunit wala siyang makita ni anino ng dalaga. Natutulala siyang lumabas ng
gym at lumapit sa paboritong upuan ni Sandra. Nanghihina siyang umupo dito at
napasapo sa mukha.

Ayaw niyang maniwala. Mababaliw siya kapag iisipin niyang umalis na ang iniibig na
dalaga. May pinuntahan lamang ito. Lumabas lang ito. Babalik pa rin si Sandra.

Iniangat niya ang ulo. Tumingin siya sa kabuuang tanawin ng lungsod. Gustong
pumatak ng kanyang mga luha. Binibiyak ang kanyang puso sa tuwing naiisip na baka
hindi niya na ulit makita ang babaeng iniibig.

"Sa-sandra... Sandra... SANDRAAAAAA!!!!!"


-------

"JEROME HERNANDEZ AND JESSICA LOPEZ HIWALAY NA!"

"JEROME HERNANDEZ HINDI SINIPOT SA ENGAGEMENT PARTY SI JESSICA LOPEZ."

"PAGHIHIWALAY NI JEROME HERNANDEZ AT JESSICA LOPEZ, ANG MISTERYOSANG BABAE PA RIN


BA ANG DAHILAN?"

"KINAKIKILIGANG RELASYON NI JESSICA LOPEZ AT JEROME HERNANDEZ ,TULUYAN NANG


NATAPOS."
Lumipas ang isang linggo. Kaliwa't kanan ang hinaharap na mga kamera ni Jerome.
Ayaw siyang tigilan ng mga nag-uusisang mga mamahayag at mga photographer. May mga
tagahangang nagagalit, may mga natutuwa, may mga nagdududa at may mga walang
pakialam. Hinarap niya ang lahat. Sinagot niya ang mga balita ng buong tapang.
Inako niya ang lahat ng mga kasalanan.

Ngunit sa likod ng lahat ng mga ito ay ang pinakamapait na katotohanan...wala pa


rin si Sandra.

Matamlay na naglalakad si Jerome sa lobby ng condominium. Lumapit sa kanya ang isa


sa mga receptionists.

"Sir may delivery po para sa inyo."

Wala sa loob na tinanggap niya ang isang makapal na plastik na envelope. Sumakay
siya sa elevator papaakyat ng sariling apartment at habang binubuksan ang kanyang
unit ay napansin niyang bukas ang pinto ng kapitbahay. Bumilis ang tibok ng kanyang
dibdib sa nakita.
"Si Sa-sandra...?"

Nagmadali siyang lumapit dito at walang pasabing pumasok sa loob.

"Jessica...?"

"Jerome...?"

Nagulat si Jessica sa biglaang pagpasok ni Jerome habang nakikipag-usap siya sa


isang realtor. Kaagad niyang tinapos ang pakikipag-usap upang harapin ang binata.

"Anong ginagawa mo dito Jerome?"


"Anong ibig sabihin ng pakikipag-usap mo sa taong iyon Jessica?"

"Ibebenta ko na itong unit."

Hindi makapaniwala ang binata sa narinig.

"Jessica nagbibiro ka ba? Saan na titira si Sandra?"

Tumingin ng seryoso ang dalaga sa kausap.

"Jerome hindi na babalik si Sandra."


"Hindi ka nakakasigurado. Imposibleng umalis siya ng hindi nagpapaalam sa akin
Jessica. Babalik pa rin si Sandra. Masyado pang maaga para ibenta mo itong
apartment!"

Lumapit si Jessica sa bintana at tumingin sa malayo.

"Jerome kapag iniwanan na ni Sandra ang isang lugar, hindi niya na ito kailanman
binabalikan pa. Sa maraming beses niyang pagpapalit-palit ng lugar isang bahay lang
ang binalikan niya, yun ay ang aming kinalakihang bahay. Ngunit pasulpot-sulpot na
pagbisita lamang ang kanyang ginagawa na mas madalang pa sa patak ng ulan. Kilala
ko ang kaibigan ko kaya kagaya ko huwag ka na ring umasang babalik pa siya."

"Masyado pang maaga para sumuko at magsalita ka ng ganyan."

Tumalikod na si Jerome. Ayaw niyang pakinggan ang mga nakakapanghina sa loob na


sinasabi ng kausap. Ngunit bago siya humakbang ay may naalala siyang isang bagay.
"Jessica, gusto kong malaman at maintindihan kung paano nangyari ang lahat ng ito
sa inyo ni Sandra. Gusto kong marinig ang katotohan sa mahinahong pag-uusap."

Huminga ng malalim si Jessica habang nanatiling nakatingin sa malayo at


nakahalukipkip. Nag-alinlangan muna ito ng ilang sandali subalit naisip nitong
kailangan niya ring linisin ang imahe niya sa mga mata ng binata.

"N-Nagsimula ito noong bumalik siya mula sa kanyang matagal na paglalayas. Higit sa
lahat ay ito ang dahilan kung bakit siya muling nagpakita. Sabi niya nahanap na
niya ang solusyon upang takasan ang kanyang mga takot. Natutuwa siya dahil may
nakita na siyang mundo na hindi niya kailangang magpanggap... Pinakita niya sa akin
ang unang kuwentong kanyang nilikha. At dahil siya ang henyong si Sandra, katulad
mo at katulad ng lahat, nabighani ako sa ganda ng aking nabasa..."

"...Iniabot niya sa akin ang isang makapal na bigkis ng mga papel at sinabing gusto
niya itong maisalibro ngunit ayaw niyang gamitin ang kanyang pangalan.
Kinatatakutan niya ang makilala ng mga tao. Dahil ang atensyon ng mga tao ay
katulad din ito ng isang kanta at mga masasamang panaginip na nahihirapan siyang
harapin kung kaya't ibinigay niya sa akin ang lahat ng karapatan sa kanyang
kuwento...."

"...Nag-atubili akong tanggapin ang alok niya at pinayuhan ko siyang gumamit ng


ibang pangalan ngunit ang sabi niya ay gusto niya akong tulungan sa aking
pinakamimithing pangarap. Ang sumikat at yumaman. Ipinangako niyang bibigyan niya
ako ng mga kuwentong magbibigay katuparan sa aking mga pangarap."

"...Natukso ako sa kanyang alok at sinubukan kong ipalathala ang kuwento bilang ako
ang may akda at ni sa panaginip ay hindi ko inaasahang labis-labis itong
tatangkilin ng mga tao. Bagama't nagsimulang dumating sa akin ang pagbuhos ng
paghanga at pera ngunit ang higit na mas umaapaw ang kaligayahan ay si Sandra. Mas
lalo siyang ginanahan sa pagsusulat. Mas lalong nagkakulay ang mundong kanyang
ginagalawan..."

"...hanggang sa ang kwento niya na ang nagdidikta kung anong klase ng lugar ang
titirhan niya at kung anong uri ng buhay ang tatahakin. Nabuhay siyang sunud-
sunuran sa dikta ng kanyang imahinasyon. Ayaw niya na itong tigilan kung kaya't
hindi ko na rin magawang iwasan ang tukso ng kasikatan at kayamanan. Bigla-bigla na
lamang siyang nakikipagkita sa akin kapag meron siyang gustong kuwentong
maisalibro."

Natigilan si Jerome sa narinig. Biglang nabuhayan ito ng loob sa huling sinabi ng


kausap.

"Tumira dito si Sandra dahil may ginagawa siyang kuwento at maaring natapos niya na
ito. Kaya't anumang oras ay maaring makipagkita siya sayo. Babalik pa si Sandra,
Jessica."
"...Hindi na siya babalik Jerome. Alam kong tapos na siya sa kuwentong ginagawa
dahil imposibleng lisanin niya ang isang lugar nang hindi pa niya ito natatapos.
Ngunit hindi niya ibinigay ito sa akin bago siya umalis marahil ay hindi niya
gustong maisalibro ang kanyang bagong isinulat. Hindi ko rin maintindihan kung
bakit hindi niya ito iniwan."

"Sa susunod pa niyang kuwento tiyak na magpapakita ulit siya sayo Jessica! Tulungan
mo akong makita ulit si Sandra..."

"Hindi na mangyayari yun dahil paninindigan ko na ang pinag-usapan namin..."

"...Jerome...sasabihin ko na sa tao na ang Red Thorn ay ang huling librong ilalabas


ko..."

Natigilan ang binata sa narinig.

"Susundin ko ang pangako ko sayo na ititigil na ang lahat ng ito. Gagawin ko ito
para sayo Jerome. Maghihintay pa rin ako hanggang sa makalimutan mo si Sandra."
Tinalikuran ni Jerome ang dalaga. Gusto niyang kumawala sa magiging takbo ng
kanilang pag-uusap. Humakbang siya papalabas.

"Masasaktan ka lang Jessica. Dahil wala akong balak kalimutan si Sandra."

"Hindi na siya babalik. Dahil kapag binalikan ka niya ay nangangahulugan itong


ipinagpalit niya ang pagsusulat para sayo Jerome...Isang bagay na napakaimposibleng
mangyari."

Pagdating sa loob ng sariling apartment ay inihagis ni Jerome ang bitbit na


envelope sa ibabaw ng sopa. Nanghihina siyang umupo. Napahawak siya sa noo at
napasapo sa mukha. Unti-unting nababawasan ang kanyang pag-asa sa pagbabalik ni
Sandra. Mahirap tanggapin subalit nararamdaman niya ang katotohanan sa mga
binitawang salita ni Jessica.

Naalala niya at napatingin siya sa natanggap na envelope. Walang ganang kinuha niya
ito at matamlay na binuksan. Nakita niya ang laman. Isang makapal na bigkis ng mga
papel.

Bigla siyang kinutuban at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nagmamadali niya itong
inilabas.
Nagulat siya sa nakita.

Isang manuskrito.

Tinitigan niya ito ng ilang sandali. Napapalunok siya. Kinakabahan. Nanginginig ang
mga kamay. Gustong sumabog ng kanyang dibdib. Naghahalo ang takot at pananabik sa
maaring mabasa o makita.

Dahan-dahan niyang binuksan ang unang pahina.

( FAST BREAK )

Para sa taong nagbigay kulay sa kuwentong ito.

Maraming salamat sa lahat.

Nagmamahal,

Sandra
Hindi mapiligan ni Jerome ang sarili na hindi maiyak. Niyakap niya ang manuskrito
at dahan-dahang humagulhol.

"Ang daya mo Sandra...ang daya-daya mo..."

-------

Natapos ni Jerome ang isang napakahabang biyahe. Huminto siya at ipinarada ang
sasakyan sa tabi ng isang alambreng bakod. Lumabas siya ng kotse. Huminga ng
malalim at pinagmasdan ang isang maliit na resthouse.

Kinawayan siya ng isang may edad na matabang babae na nakaupo sa maliit na


balkonahe ng bahay. Kasama nito ang isang lalaking nakasalamin at nakasuot ng suit.
Lumapit siya sa mga ito at iniabot sa kanya ng lalaki ang isang bungkos ng mga
papeles. Isa-isa niya itong pinirmahan.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na bibilhin ng isang Jerome Hernandez ang resthouse
na ito. Nakakapagtaka pero paano mo nalaman ang lugar na ito Mr. Hernandez.
Nakapunta ka na ba dito?"
Hindi siya sumagot, sa halip ay nginitian lamang niya ang nagtatanong na dating
may-ari.

Natapos niyang pirmahan ang lahat ng mga papeles at malugod na kinuha ng abogado
ang kopya na para sa kanyang kliyente at iniabot sa kanya ang sarili niyang mga
dokumento.

"Paano Mr. Hernandez, uuna na kami. Maraming salamat sa lahat."

"Maraming salamat din."

Kinamayan niya ang mga ito at masigla silang nagpaalaman. Nang makaalis ang mga
kausap ay tahimik siyang pumasok sa loob ng bahay.

Tiningnan niya ang maliit na sopa.


Napatingin siya sa kusina habang naglalaro sa isipan ang larawan ng isang babaeng
masiglang nagluluto.

Lumapit siya sa nag-iisang kuwarto. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. At ilang
sandaling tinitigan ang higaan...

Lumabas siya ng bahay at tahimik na naglakad patungo sa tabing-dagat. Tumingin siya


sa mahinahong dagat. Nag-isip ng malalim at mapayapang ngumiti sa sarili.

"Para sayo ang lugar na ito Sandra. Aalagaan at iingatan ko ang isang bagay na
nagbigay sa akin ng pinakamagandang alaala sa aking buhay..."

"...Salamat. Salamat din sa mga magagandang alaala. Salamat sa pagmamahal. Salamat


sa isang napakagandang kuwento...Saan ka man naroroon ay gusto kong malaman mo na
isa pa rin ako sa pinakamasugid mong tagahanga..."
*******************************************
[32] HIGIT SA LAHAT AY IKAW (FINAL)
*******************************************

PAGKALIPAS NG MAHIGIT ISANG TAON.....

"Magandang araw po sa lahat ng mga tagapanood. Hindi na po lingid sa ating kaalaman


kung gaano kasikat ngayon ang librong 'Fast Break'. Nagkakaubusan, pinipilahan at
pinag-aagawan ito ng mga mahihilig magbasa. Subalit mayroong nanatiling misteryo sa
librong ito. Sino nga ba ang author nito? Bakit ito nagtatago sa isang alyas
lamang?..."

"..Mga kaibigan para samahan tayo upang magbigay sa atin ng kaunting background at
paliwanag tungkol sa biglang sikat na librong 'Fast Break'. Taos puso po nating i-
welcome ang presidente ng Lopez House Books, Ms. Jessica Lopez!...."

"...Magandang araw sayo, Ms. Lopez!"

"Magandang araw din sayo."

"Ms. Lopez nagretiro ka bilang isang manunulat upang maging isang full-time
publisher. Napakahusay mong writer pero bakit mo naisipang ipagpalit ito at magtayo
na lamang ng isang publishing company?"

"Dumating lang po ang punto sa aking buhay na napagdesisyunan kong itigil na ang
pagsusulat ko. Subalit ayokong biguin ang aking mga naging tagahanga kung kaya't
hindi pa rin ako tuluyang humiwalay sa trabaho na may kinalaman sa mga libro. Dahil
dito ay naisipan kong magtayo ng publishing company para patuloy ko pa rin hong
mapagsilbihan ang mga mambabasa kahit sa ibang pamamaraan....Tumigil man ako ay
alam kong may magsisidatingan pa ring mga mas mahuhusay na mga manunulat kagaya ng
may likha ng 'Fast Break'."

"Jessica, paano mo natagpuan ang author ng 'Fast Break'?"

"Isa siyang espesyal na tao para sa akin. Ngunit masyado siyang pribado kung kaya't
itinago ko siya sa ibang pangalan. Sa totoo lang ho ay ibinigay lamang sa akin ng
isa ring malapit na kaibigan ang manuskrito ng 'Fast Break' at siya ang humiling sa
akin na ilathala ko ito."

"Nakakapagtaka. Hindi ko lubos maisip kung bakit ang isang napakahusay na writer na
katulad niya ay ayaw magpakilala sa mundo. Speaking of pangalan, bakit shadow lady
ang ginamit niyang alyas? Di ba ang Shadow Lady ay isa sa mga sarili mong libro?"
"Ako ang nagbigay sa kanya ng pangalan na iyan dahil pinakapaborito niyang libro sa
lahat ang Shadow Lady."

"Sa tingin mo ba ay may pag-asang makilala ng tao ang totoong pagkatao ni Shadow
Lady?"

"Hindi ko po masasagot iyan. Pero kung ako ang tatanungin ay ipinagdarasal ko at


umaasa akong balang araw ay magpapakilala din siya."

"Jessica sana ay huwag mong masamain ang tanong ko. Kumusta na kayo ngayon ni
Jerome Hernandez?"

"Maayos naman po kami. Magkaibigan pa rin kami at paminsan-minsan ay nagbabalitaan


o kaya ay nagkukumustahan pag may oras."

"Wala na ba talagang pag-asang magkabalikan pa kayo?"


"Tapos na po ang yugto na yan. Sa ngayon po ay masaya na kami sa kanya-kanya naming
buhay. Mas komportable na kami sa isa't isa bilang magkaibigan."

"Totoo ba ang mga bali-balitang madalas kayong lumalabas ng presidente ng Bluestar


na si Mr. Clark Montecastro?"

"Hahaha! Maaring may mga paparazzi pictures kami pero mga kuha lang ho iyon kapag
meron kaming business meeting. Matagal ko na pong kakilala si Mr. Montecastro at
medyo mas napapadalas lang kaming magkita lately dahil sa pagiging exclusive
distributor nila ng librong 'Fast Break'. Yun lamang po at wala na pong ibang
kahulugan."

"Napakagandang balita yan para sa mga kalalakihan. Available na available na ulit


ang isang Jessica Lopez. Mayroon na naman kayong pag-asa!"

"Hahaha!"
"Ms. Lopez simulan mo ng anyayahan ang mga tagapanood na bumili ng libro."

"Sa mga hindi pa ho nakakabili, wag na po kayong magpapahuli. Siguradong hindi niyo
ho pagsisihan ang pagbabasa niyo at nakakasiguro ako na kung gaano nyo nagawang
mahalin ang mga libro ko ay ganun niyo rin mamahalin ang 'Fast Break'."

"Ako bilang isa sa mga tagahanga ng mga libro mo Ms. Lopez ay nabasa na rin ang
'Fast Break' at makapagsasabing halos hindi kayo nagkakalayo ng istilo ng
pagsusulat. Ang pagkakaiba nga lang ay ibang genre itong 'Fast Break' kumpara sa
mga naisulat mo. Isa itong romance na may kasamang sports at kahit na ito ay
makatotohanang kuwento pero parang mayroong natatagong mahika sa pamamaraan ng
pagkakahayag ng istorya."

"...Masasabi ko talagang napakaganda ng librong ito kaya't kung ako sa mga


tagapanood na mahilig magbasa ay bumili na nito ngayon din! Maraming salamat sa
napakaganda nating bisitang si Miss Jessica Lopez. Isang sikat na sikat na writer
na ngayon ay mukhang sisikat din bilang isang publisher."

"Ah bago ako magpasalamat sa inyo pwede ho ba ako magbitiw ng konting mensahe."
"Walang problema Ms. Lopez, go ahead."

"Para po ito sa isang espesyal na tao. Kung nasaan ka man ngayon sana ay masaya ka
sa mundong ginagalawan mo. Gusto ko lang malaman mo na tinupad ko ang pangako ko
sayong tutulungan pa rin kita sa paraang kaya ko. Bukas ang pinto ng kumpanya ko
para sa mga bagong kuwento mo. Maraming salamat sa mga nagawa mo sa akin at sana
makabawi rin ako sa lahat ng mga naitulong mo....A-At higit sa lahat...s-sana
makita na ulit kita."

"....Maraming salamat ho sa pag-imbita nyo sa akin dito."

"Walang anuman Ms. Lopez! Laging bukas ang programa namin para sa mga bagong libro
ng Lopez House Books."

------
Madison Square Garden. NBA Finals. Game 7.

Mayroong mahigit tatlumpong libong tao ang nagtatayuan.

May pansamantalang katahimikan. Lahat ay kinakabahan.

Ang score ng dalawang naglalabang koponan. 87-87

Dalawampung segundo na lang ang natitira sa orasan.

Hawak ni Jerome Hernandez ang bola.


Nagsasalita ang game broadcaster.

"Dalawampung segundo na lamang po ang natitira sa shot clock. Lahat ng mga


tagapanood ay nasa kanilang mga paa. Lahat ay nininerbyos sa maaring mangyari.
Hawak ni Jerome Hernandez ang bola. Nagdribol. Walang mapasahan. Binabantayan siya
ng mahigpit ng kalaban. Tinatanya kung papano nanakawin ang bola sa kanya. Ten...
Nine... Eight...Seven...Six....Five....Mga kaibigan itinapon ni Jerome Hernandez
ang bola patungo sa ring mula sa three point line sa kabila ng mahigpit na
pagbabantay ng kalaban.....PUMASOK ANG BOLA!!!! WOHOOOOH!!! 3 POINTS MULA KAY
JEROME HERNANDEZ!!!! WHAT A SHOT!...."

Biglang dumagundong ng nakakabinging sigawan.

"MVP! MVP! MVP!MVP!"

"JEROME! JEROME!JEROME!JEROME!"
Muling nagsalita ang broadcaster.

"...Tumunog na po ang buzzer hudyat na tapos na ang laban final score 90-87 panalo
ang koponan ng New York sa tulong ng winning shot ni Jerome Hernandez! What a game!
Ito ang tinatawag na makalaglag pusong laban!"

Binuhat ng mga kasamahan si Jerome. Hindi masukat ang saya at ngiti sa pawisang
mukha ng basketbolista. Kinawayan niya ang mga tagapanood na walang tigil sa
pagbunyi ng kanyang pangalan.

Bumagsak ang confetti.

Pagkatapos ng mahabang panahon. Nanalo ng championship ang team ng New York!

Pinagkaguluhan ng mga reporter si Jerome. Nag-uunahan para makausap ang binata.


"Jerome Hernandez! Wow! Wow! Wow! Paano mo nagawang i-shoot ang bola sa kabila ng
mahigpit na depensa ng kalaban?"

"Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kong paano nangyari yun basta ang iniisip ko lang
ay kailangang manalo kami. Gusto naming manalo. Pangatlong beses na kaming
nakapasok sa finals kaya para sa amin ay panahon na para mapanalunan namin ang
titulo."

"Ano ang pakiramdam mo ngayon na nanalo na kayo? At hindi lang basta nanalo.
Napanalunan niyo ito dahil sa winning shot mo!"

Ngumiti si Jerome.

"Siyempre masayang-masaya. Habambuhay kong hindi makakalimutan ang larong ito. At


saka ito ang unang championship na napanalunan ko kaya pakiramdam ko sa ngayon ay
lumulutang ako sa saya. Hindi pa rin ako makapaniwalang nanalo kami."
"Ano ang mensahe mo sa iyong mga tagahanga ngayong nabigyan mo na sila ng
championship title."

Tumingin ang nakangiting binata sa buong paligid. Muling itinaas ang kanyang mga
kamay at kumaway.

"MVP!MVP!MVP!"

"Maraming maraming salamat po sa inyong lahat! Sa walang sawang pagsuporta niyo sa


amin. Salamat sa inyong pagtitiwala sa aming koponan! Para po sa inyo ang panalong
ito!"

Muling naghiyawan ang buong paligid.


"Maraming salamat Jerome Hernandez at binabati ko kayo sa inyong panalo!"

"Maraming salamat din sayo!"

Natapos ang seremonya ng pagbibigay ng tropeo. Unti-unti nang nababawasan ang mga
tao. Subalit nakapila pa rin ang mga reporters na gustong kumausap sa sikat na
basketball player. Isa-isa naman itong balak pagbigyan ng natutuwang binata.

At habang abala si Jerome sa pagsagot sa mga interviews...

May nagtapon ng isang bola sa gitna ng basketball court.

Nagpagulung-gulong ang bola papunta sa kinatatayuan ng basketbolista.


Tumama ito sa paa ng binata.

Napatingin si Jerome sa bola.

Tiningnan niya lang ito ng saglit at muling kinausap ang kaharap na reporter.

Bigla siyang natigilan sa pagsasalita. Napagtanto niyang parang may nakasulat sa


bola.

"Jerome.....?" , tanong ng kaharap na nagtataka sa biglang pagputol niya sa


sinasabi.

Tiningnan niya uli ang bola. Meron ngang nakasulat.


Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Dahan-dahan niya itong dinampot.

Congratulations!

Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakitang sulat-kamay.

Kaparehas ito ng nasa unang pahina ng manuskrito!

Bigla siyang nataranta. Inikot niya ang mga mata sa paligid. Hindi alam kung ano
ang unang titingnan.

Ilang sandali syang nagpalingon-lingon. Ngunit hindi niya makita ang hinahanap.
Tumakbo siya papalapit sa isang announcer at inagawan ito ng mikropono.

"Pakisara lahat ng mga gate! Nakikiusap ako pakirasara lang muna! May tao lang
akong dapat hanapin!"

Nagtaka ang lahat ng nakarinig. Gayunpaman ay pinagbigyan ng mga ito ang kanyang
kahilingan at isa-isang pansamantalang isinarado ang lahat ng pwedeng labasan at
pasukan.

Pinilit niyang ikutin ang buong lugar. Isa-isa niyang pinuntahan lahat ng maaring
pasukan at labasan. Ilang oras ang ginugol niya sa paghahanap.

Subalit nabigo siyang matagpuan ang taong nais makita...


--------

Maya't mayang tinitingnan ni Jerome ang bola sa katabing upuan. Tahimik siyang
nagmamaneho pauwi ng condo. Naghahalo ang lungkot at saya sa kanyang dibdib.

Malungkot siya dahil hindi niya nakita ang taong matagal niyang hinintay ang
pagbabalik. Subalit masaya siya dahil kahit papaano ay bumalik ito at pinanood ang
isang napakahalagang bahagi ng kanyang buhay. Isang hudyat na mahalaga pa rin siya
sa taong iyon.

Mahabang panahon na ang lumipas. Marami na ang mga nangyari sa kanyang buhay.
Nakalimutan na ng mga tao ang lahat ng mga kontrobersiyang naganap. Kaliwa't kanan
na ulit ang mga babaeng nagpaparamdam ng kanilang interes. Ngunit nanatiling sarado
ang kanyang puso para sa iba. Sa halip ay mas lalo lamang niyang pinaghusayan ang
paglalaro ng basketball.

Narating niya ang condominium. Lumabas siya ng sasakyan na bitbit ang bola.

"Congratulation Sir!"
"Salamat."

"Congrats po!"

"Salamat."

Sa paglalakad niya sa lobby ay walang tigil sa pagbati sa kanya ang mga


nakakasalubong. Nakangiti niya naman itong sinusuklian ng pasasalamat.

Pumasok siya sa elevator. Naisipan niyang magpahangin upang mapawi ang humahalong
lungkot sa kanyang dibdib.

Pinindot niya ang rooftop.


Pagdating niya sa lugar ay nadismaya siya nang makitang may ibang tao sa upuang
nais niyang puntahan. Nagpasya siyang tumuloy na lamang sa basketball court.

Nakakailang hakbang pa lang siya ay bigla siyang napahinto. Muli niyang nilingon
ang upuan at tiningnan ang taong naroroon.

Nakatayo sa tabi ng upuan ang isang nakatalikod na babae. Nakalugay ang unat at
lagpas balikat nitong buhok. Nakasuot ito ng bulaklaking bestida. At halatang
tahimik na pinapanood ang magandang tanawin ng lungsod sa gabi.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Bagamat iba ang ayos ng babae ngunit pamilyar sa
mga mata niya ang pangangatawan nito.

Ayaw niyang umasa ngunit may namumuong kutob sa kanyang dibdib. Dahan-dahan niya
itong nilapitan habang papalakas ng papalakas ang pintig ng kanyang puso.
"Miss...."

Lumingon ang babae at ngumiti ito nang makita kung sino ang tumawag sa kanya..

Nabitawan ni Jerome ang bola!

Hindi siya makagalaw. Nanginginig ang kanyang mga tuhod.

Dinadaya ba siya ng kanyang mga mata? O baka naman nanaginip lang siya?

"Sa-sandra...?"
"Kumusta ka na Jerome...?"

Narinig niyang nagsalita ang babae! Hindi siya nanaginip! Boses ni Sandra ang
kanyang narinig!

Natutulala siyang lumapit sa nakangiting dalaga. Hindi pa rin siya makapaniwala sa


kanyang nakikita. Lumapit pa siya ng maigi at tinitigan ang mukha ng babae. Si
Sandra nga ang kanyang kaharap!

Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga. Nahahawakan niya ito. Totoo ang lahat.

"Sandra..."

"Jerome..."
Kaagad niyang niyakap ng mahigpit ang dalaga nang may namumuong mga luha sa
kanyang mga mata.

"Sa-sandra... nagbalik ka. Binalikan mo ako...Totoo ba ang lahat ng ito?"

Dahan-dahang kumawala si Sandra sa mahigpit niyang pagkakayakap. Tinitigan siya


nito sa sa mga mata habang atubiling ibinubuka ang bibig.

"Je-jerome...Pu-puwede pa ba akong bumalik sa puso mo?"

Ginantihan niya ng titig ang mga mata ng dalaga.

"Hindi ka babalik Sandra... dahil kahit kailan ay hindi ka umalis sa puso ko."
Inilapit niya ang mga labi sa dalaga at marahan itong hinalikan. Gustong tumulo ng
kanyang mga luha nang maramdaman ang matamis na pagganti nito ng halik. Yumakap ito
sa kanyang katawan. At sa muling paglapat ng kanilang mga labi ay ipinadama niya
ang matagal na pananabik sa dalaga.

Kung panaginip man ang lahat ng ito ay ayaw niya nang magising.

Kaytagal niyang umasa...

Kaytagal niyang naghintay...

At ngayon ay nasa kanyang mga bisig na ulit ang babaeng pinakaiibig...

------
Papalubog na ang araw. Nakasandal si Sandra sa balikat ni Jerome. Suot niya uli ang
maluwang na long sleeve ng kasintahan. Nakaupo sila sa buhangin habang payapang
pinapanood ang kalmadong dagat sa labas ng resthouse.

"Sana hindi na matapos ang lahat ng ito Sandra."

"Mananatili na tayong ganito Jerome. Hindi na tayo muling maghihiwalay pa."

"Kinakabahan ako sa kaligayahang nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako na baka


dumating ang isang araw ay magising na lang akong wala ka na ulit sa tabi ko."

"Hindi na ulit ako kailanman aalis."

"Natatakot akong itanong sayo ito Sandra pero....pa-papaano na ang pagsusulat mo?"
Tumingin sa mga mata ng binata si Sandra.

"Sa matagal kong pagkawala ay nagpalipat-lipat ako ng lugar. Pinilit kong gumawa ng
mga bagong kuwento.... ngunit binago mo ang lahat Jerome...."

Napatingin ang lalaki sa kasintahan nang may nagtatanong na mukha. Binawi ng dalaga
ang mga mata at tumingin ito sa dagat.

"....Wala akong natapos ni isang kuwento. Papalit-palit ako ng mga isinusulat.


Magpalipat-lipat man ako ng lugar ay ayaw gumana ng lubusan ng aking isipan. Iisa
ang tanging hinahanap ng imahinasyon ko...."

Muling tumingin ang dalaga sa mga mata ng binata.

"...At ito ay ang mundong ginagalawan mo..."


"...Binago mo ang pagsusulat ko Jerome. Hindi ko na kailangang lumayo. Hindi ko na
kinakailangang maghanap ng lugar na magpapaandar ng utak ko. Ang kailangan ko na
lang ay ang makasama kita sa mundo ko."

"...Binago ng pagmamahal mo at ng pagmamahal ko ang lahat Jerome..."

"Sa-sandra..."

Gustong maluha ni Jerome sa mga narinig. Tinitigan niya ang kasintahan at dahan-
dahang inilapit dito ang kanyang mga labi. Hinalikan niya ito ng mariin. Gusto
niyang namnamin mula sa mga matatamis na labi ng dalaga ang tinutukoy nitong
pagmamahal para sa kanya.

Ipinikit ni Sandra ang kanyang mga mata at walang pag-aalinlangang gumanti sa mga
halik ng binata. Ipinulupot niya ang kanyang mga kamay sa leeg ng kasintahan at
sinabayan ang bawat galaw ng mga labi nito.
"Bumalik na tayo sa loob Sandra..."

Binuhat ni Jerome ang dalaga at ibinaba ito pagdating sa pinto ng resthouse.


Pagpasok nila sa loob at pagkasarang-pagkasara ng pinto ay muling inumpisahang
halikan ng lalaki ang kasintahan. Siniil niya ang mga labi nito ng punung-puno ng
pananabik. Hinalikan ang likod ng tenga. Pababa sa leeg. At marahang inilakbay ang
mga kamay sa katawan ng dalaga. Kaytagal niyang hinintay na muli itong mangyari.
Lumalagablab ang kanyang kaloob-looban sa pananabik.

Naglakad sila papasok ng kuwarto nang hindi naghihiwalay ang mga labi. Binuksan ng
binata isa-isa ang mga butones ng damit ng dalaga at muling tinitigan ito sa mga
mata.

"Mahal na mahal kita Sandra..."

"Mahal na mahal din kita Jerome..."


Inihiga ni Jerome ang kasintahan. At walang pag-aatubiling isinuko muli ni Sandra
ang kanyang pagkababae. Napakagat siya sa labi at gustong tumulo ng kanyang mga
luha sa kaligayahan nang muling maramdaman sa loob niya ang pagkalalaki ng
kasintahan. Malaya at walang takot nilang ipinadama ang pagmamahal at pananabik sa
isa't isa. Nagpapalitan ng mga ungol at nagsasagutan sa pagtawag ng kanilang mga
pangalan. Parehong nilulunod ang mga sarili sa sarap at ligayang nararamdaman
hanggang sa sabay nilang marating ang sukdulan.

"Jerome..."

"Sandra..."

Matapos ang matamis na pagniniig ay hinihingal na nahiga si Jerome sa tabi ng


dalaga. Niyakap niya ito at hinalikan sa noo. Nanatili naman sa mga bisig niya si
Sandra. Ilang sandali lang ay tinitigan siya nito sa mga mata.

"Je-jerome gusto ko nang magpakilala sa tao..."

Nagulat si Jerome sa sinabi ng kayakap.


"Anong ibig mong sabihin? Magpapakilala ka na ba bilang writer?"

Seryosong tumango ang dalaga nang hindi inaalis ang mga mata sa mukha ng kausap.
Nakangiting hinaplos nito ang buhok ng lalaki.

"Kung gusto kong manatili sa tabi mo ay kailangan kong gawin ito. Ito ang mundo mo
Jerome. Hindi habambuhay ay maitatago mo ako sa mga kamera at mga mata ng tao."

"Ka-kakayanin mo ba Sandra?"

"Tutulungan mo ako. Kung nagawa mong baguhin ang mundo ng pagsusulat ko ay magagawa
mo ring burahin lahat ng mga kinatatakutan ko. Inilalagay ko sa iyong mga kamay ang
aking sarili Jerome."

"Sa-sandra..."
Muling siniil ng halik ni Jerome ang dalaga. Nag-uumapaw sa kaligayahan ang kanyang
dibdib. Parang musika sa kanyang mga tenga ang mga binibitawang salita ng
kasintahan. Lalo niya pang kinabig papalapit sa kanya ang dalaga at niyakap ito ng
mas mahigpit.

"Sandra pwedeng mag-suggest ng susunod mong isusulat?"

"Uhm..bakit anong isa-suggest mo?"

Tinitigan ni Jerome ng nakakaloko ang kayakap.

"Sa susunod erotic naman ang gawin mo. Taos-puso kitang sasamahan sa mundong
iyan..."
Kinurot ng dalaga ang binata.

"Uhm...loko-loko!"

"Aray!"

Muling kinabig ng lalaki papalapit sa kanya ang dalaga at binulungan ito sa tenga
nang may mainit na hininga

"Simula ngayong araw na ito ay pansamantala tayong titira sa mundong yan..."

Ginantihan ni Sandra ang mapang-akit na mga titig ni Jerome. Hinalikan niya ang
binata sa mga labi...sa tenga...sa leeg...pababa sa matipuno nitong dibdib...at
ngumisi.
"Jerome,bakit naman tayo titira ng pansamantala kung pwede naman tayong tumira sa
mundong ito ng habambuhay..."

*******************************************
[33] EPILOGUE
*******************************************

"Mr. Jerome Hernandez anong masasabi mo ngayon sa hindi mapigil na pagsikat ni


Sandra? Hindi ka ba naapektuhan sa mga nadadaanang kaliwa't kanan niyang mga
billboards? Mukhang hindi na rin siya magpapahuli sa iyo sa dami ng mga
endorsements na kanyang ginagawa."

"Ang masasabi ko lang ay inihahanda ko na ang aking sarili. Nararamdaman kong


darating ang isang araw ay tatawagin na lang akong Mr. Sandra Mariano."

Nagtawanan ang lahat ng tao sa studio.


"Napakahirap paniwalaan ng love story niyo ni Sandra. Sa kasagsagan ng kasikatan ng
librong 'Fast Break' ay biglang nagpakilala ang misteryosa nitong may akda. Lumabas
ang isang Sandra Mariano. At kasabay nito ay ginulat nyo lalo ang buong mundo nang
ipakilala mo siya bilang iyong kasintahan...."

"... Para bang nakakagulat na biglang sumulpot ang isang babae na nagmamay-ari ng
librong pinagkakaguluhan ng lahat at kasabay nito ay siya rin palang nagmamay-ari
ng puso ng lalaking pinapangarap ng lahat ng mga kababaihan. Papaano ba nagsimula
ang lahat sa inyong dalawa?"

"Unang-una hindi po siya biglang sumulpot na lamang sa buhay ko. Kung alam niyo
lang ang mga pinagdaanan ko para mapaibig ang isang Sandra Mariano ay baka maawa
kayo sa akin..."

Muling nagtawanan ang mga tao.

"...katulad din po kami ng mga normal na relasyon na humarap din sa maraming


problema at pagsubok bago naging maayos ang lahat. Tungkol naman sa pagpapakilala
niya bilang writer ay pinagplanuhan talaga namin ng maiigi ito dahil dati ay
masyado syang pribadong tao. Hindi nga ako makapaniwala ngayon kung parehong babae
pa ba ang kasama ko."

"Jerome pagkatapos ng 'Fast Break' ay muling naglabas ng dalawang libro si Sandra


at alam naman natin na ito ang dahilan kung bakit mas lalo pa siyang sumikat. Sa
kasagsagan ng kanyang kasikatan, sa mga panahong maaaring sinisimulan pa lamang
niya i-enjoy ang rurok ng katanyagan.... Bakit doon niyo naisipang magpakasal?"
Muling nagbiro ang basketbolista.

"Mahirap na baka maagaw pa ng iba!"

Nagtawanan ulit sa loob ng studio.

"....Hindi naman namin ginagawa ang lahat ng ito para sa kasikatan. Kaya namin
ginagawa ito dahil ito ang mga bagay na gusto naming gawin. Kung kaya't ki sikat o
hindi, wala kaming pakialam basta't ang mahalaga ay makasal kami."

"Mga kaibigan ngayon naman ay tawagin natin ang napakagandang misis ni Jerome
Hernandez para samahan ang kanyang mister. Walang iba kundi si Sandra Mariano-
Hernandez!"
Nagpalakpakan at tumayo ang lahat ng tao sa studio. Nakangiting pumasok sa set si
Sandra. Tumayo si Jerome at humalik sa mga labi ng asawa.

"Magandang araw sayo Ms. Sandra!"

"Magandang araw din sayo!"

"Jerome napakaganda ng asawa mo. Ikaw naman bakit hindi mo man lang binigyan ng
pagkakataon ang mga kalalakihan na pangarapin muna si Sandra bago mo ito
pinakasalan."

"Doon din yun pupunta kaya ginawa ko na ito bago pa man sila masaktan."

Nagtawanan ulit ng malakas ang mga tao.


"Sandra sa tingin ko ay parang hindi ka lamang sa pagsusulat magaling. Pati sa
maraming bagay ay nakukuha mo ang atensyon ng mga tao. Sumisikat ka rin bilang
endorser at model. Totoo ba ang balita na gagawa ka na rin ng musical play?"

Tumingin si Sandra sa asawa at ngumiti.

"Dapat sana ay susubukan kong gumawa ng musical. Subok lang naman siyempre ang
pagsusulat pa rin ang priority ko. Pero napag-usapan namin ni Jerome na hindi ko na
muna ito gagawin kung kaya't hindi po muna ito matutuloy."

"Mahigit isang taon na kayong kasal. Meron ba kayong mga bagong plano?"

Nagkatinginan ang mag-asawa. Si Jerome ang sumagot sa tanong.

"Sa ngayon ay magpapahinga muna si Sandra. Hindi muna siya tatanggap ng anumang mga
projects. Pansamantala rin siyang hindi magsusulat..."

Hinawakan ni Jerome ang palad ng kanyang misis.


"Hon, sabihin mo nga sa kanila kung gaano ka katagal magpapahinga."

Ngumiti si Sandra at masayang hinanap ng mga mata ang kamera.

"Nine months."

Nagkaroon ng kaunting katahimikan hanggang sa unti-unting nagpalakpakan at


nagtayuan ang lahat ng mga manonood.

Matapos ibahagi sa publiko at mga tagahanga ang isang magandang balita ay hinalikan
ni Jerome sa mga labi ang asawa at matamis na nagyakapan ang mga ito. Parehong
humarap sa mga manonood ng may mga ngiti sa mukha habang nakahawak ang sikat na
baskebolista sa tiyan ng kanyang misis. Kumaway ang mga ito bago tuluyang tumalikod
sa lahat ng mga pumapalakpak na mga tagahanga.

(END)

-------------------------------------------------------------------------------
MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABASA! :)

************************************************
STORY END
*******************************************
*******************************************

You might also like