You are on page 1of 12

22 Enero 2020

Portfolio #1
Kahulugan, Katangian at Kahalagahan ng Barayti (Varayti) ng Wika

I. Rasyunal
Ang papel na ito ay naglalahad ng mga kahulugan,
katangian at kahalagahan ng barayti ng wika. Dito ay tinatalakay
ng mga mananaliksik ang iba’t-ibang pagpapakahulugan ng iba’t-
ibang barayti o varayti ng wika. Makikita rin sa papel na ito ang
mga katangian ng varyasyon ng wika mula sa iba’t-ibang
kahalagahan nito. Nakapaloob din sa papel na ito ang mga
pananaw at mga natutunan ng mga mananaliksik mula sa mga
katuturan at impormasyong nakalahad. Bawat nilalaman ng papel
ay nakapaloob ang damdamin at opinyon ng mga mananaliksik na
pawang nagpapahayag lamang sa mga naging pagpapakahulugan
at pagkakaintindi. Kung ito may nakasasakit sa damdamin ng
ibang tao ay hindi sinasadya ng mga mananaliksik dahil ang papel
na ito ay bunga lamang ng masusing pangangalap ng
impormasyon at bawat nakasaad ditto ay pananaw at opinyon ng
mga mananaliksik na walang halong pagpapanig sa ibang akda o
papel.
2

II. Ang Paksa


A. Kahulugan
a. Ayon pa sa mga dalubhasa, ang varayti ng wika ay
binubuo ng isang pangkat ng tao upang magamit at
tumugon sa kanilang partikular na pangangailangan.
Dahil magkaiba ang mga tao at ang kinabibilangan ng
bawat isa, iba’t-ibang anyo rin ng wika ang umosbong.
b. Halaw sa pagpapakahulugan ni Yule (2014), ang varayti
ng wika at pamamaraan ng paggamit nito ay isang
porma ng panlipunang identidad at ginagamit, malay
man o hindi, upang ipahiwatigo maging palatandaan ng
pagiging kasapi ng isang tao sa isang tiyak na grupong
panlipunan.
c. Ayon kay Rousseau (1950), nagkakaiba-iba ang mga
ideya at Gawain ng mga tao. Nagiging espesyalisado
ang mga Gawain at tungkulin. Tumutungo ang bagay na
ito sa pagkakaiba-iba sa kultura at wika na siyang
panukat sa progreso ng mga tao.
d. Halaw naman ni Constantino (2006), may dalawang
dimension ang baryabiliti ng wika: heograpikal at sosyal.
 Dimensyong Heograpiko o Rehiyonal
-
Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiy
on, lalawigano pook, malak man o maliit.
- Kung ang isang wika o mga sangkap nito ay
pangkalahatangginagamit sa isang rehiyon bilang
midyum sa anupamang uri ngpakikipagtalastasan
3

 Dimensyong Sosyal “Sosyolek”


-ang tawag sa barayting nabubuo bata sa
dimensyongsosyal
-Nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan.
Halimbawa nito’y wika ng mga estudyante, wika ng
mga preso, wika ng mgabakla at ng iba pang mga
pangkat.
B. Katangian
a. Ayon nina Emmert at Donagby na ayon sa definisyon ni
Gleason na makikita sa aklat na Sining ng Komunikasyon
(Batayan at Sanayang-Aklay sa Filipino 1)
 Ang wika ay nakabatay sa kultura.
 Ang wika ay buhay at nagbabago
 Ang wika ay may kapangyarihan.
 Ang wika ay may kahirapang ipaliwanag.

b. Panlahat na Katangian ng Wika ayon sa aklat ng Filipino 1


Komunikasyon sa Akademikong Filipino:
 Ang lahat ng wika ay nanghihiiram.
 Ang lahat ng wika ay may sariling kakanyahan.
 Ang wika ay kaugnay ng kultura.
c. Ang varayti ng wika ay maaaring sanhi ng heograpiya,
edukasyon, okupasyon, uring panlipunan, edad, kasarian, o
kaligirang etniko.
 IDYOLEK
Pansariling wika ng isang tao. Ang bawat tao ay may
kanyang sariling idyolek.
4

 DAYALEK
Wikang ginagamit sa partikular na lugar. Ang lahat ng tao ay may dayalek.

 SOSYOLEK
Nakabatay ang pagkakaibang ito sa katayuan o istatus ng isang gumagamit
ng wika sa lipunang kanyang ginagalawan — mahirap o mayaman; may
pinag-aralan o walang pinag-aralan; ang kasarian. Ang lahat ng tao ay may
sosyolek.

 ETNOLEK
Nadedebelop mula sa mga salita ng mga etnolinggwistikong grupo

 EKOLEK
Kadalasang mula o sinasalita sa loob ng bahay

C. Kahalagahan
A. Ayon sa aklat na Sining sa Komunikasyon (Batayan at
Sanayang Aklat sa Filipino 1) ang mga sumusunod ay ang
kahalagahan ng wika:
 Ang wika ay ang pangunahing instrumento upang ipahayag
ang ideya at saloobin ng tao.
 Ang wika ay daan sa pagkakaisa at pag-unlad.
 Ang wika ay susi sa pagpapalaganap ng iba't ibang
kaalaman.
B. Ayon naman kay Trudgill (1974), ang wika ay napakahalaga
sa pagpapanatili ng ugnayan ng mga tao.
C. Ayon kay Repalda,mahalaga ang barayti ang barayti ng wika
dahil:
5

 Instrumentong pangkomunikasyon.
 Nagbubuklod ng bansa.
 Lumilinang ng malikhaing pag-iisip.
 Pagbasa ng akdang pampanitikan.
D. Ayon naman kay Arcenal, mahalaga ang barayti ng wika:
 Napapaunlad nito ang wika sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mga salita mula sa iba’t ibang lipunan.
 Napapalawak nito ang mga katuturan at kahulugan ng
isang salita.
 Nakatutulong din ito upang makapili ng pinaka-angkop
na salitang gagamitin.
 Nagkakaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ang
mga tao.
 Napapalawak nito ang iskolarling pananaliksik pangwika.

III. Karanasang Pagkatuto


A. Kahulugan
Natutunan ng mga mananaliksik mula sa pananaw ni Fantini na, ang barayti
ng wika ay bunga ng ilang mahahalagang salik panlipunan tulad ng lugar, paksa,
uri ng komunikasyon, gamit ng interaksyon at participant. Mula sa pananaw ay
nahinuha ng mga mananaliksik na ang wika sa bansa ay hindi magkatulad
sapagkat nauukol ang pagkakabuo ng isang wika sa lugar o salik sa lipunan
katulad na lamang ng kultura. Sa isang wika nasasalamin ang kaluluwa ng mga
taong gumagamit nito kaya naman masasabing, ang barayti ng wika ay
nagtataglay ng kaluluwa ng lugar na pinanggagalingan nito. Dagdag pa rito ang
6

pagkakaroon ng barayti ng wika sa bansa ang siyang nagbibigay ng


pagkakakilanlan sa bawat rehiyon na siyang mas nagbubuklod sa isang
pamayanan at pagkakaroon ng mas malalim na pagkakaintindihan na siyang
resulta ng magandang uri ng komunikasyon na gamit-gamit ng mga participant
(lipunan) sa interaksyon.
Ang isang wika ay isang makapangyarihang instrument na pangunahing
ginagamit ng mga tao sa sanlibutan. Sa malawak na saklaw ng wika ito ay may
katangi-tanging kakayahan. Ayon pa sa teoryang nabuo ni Alonzo (1993)
natutuhan ng mga mananaliksik na ang bawat wika ay may likas na kakayahang
bumuo ng mga salita, kakaibang pattern, paraan ng pagsasama ng mga grupo
ng salita para makabuo ng mga pangungusap, at sariling pananda ng diskurso
na nakabuo ng iba’t-ibang barayti ng wika. nalilirip ng mga mananaliksik na
dahilan ng pagiging dinamiko at kakayahan ng wikang nabubuo ang mga barayti
ng wika na siyang nagpapatunay na hindi limitado ang mga paraan upang
makabuo maging hanguan pa ng panibagong salita o pangungusap.
Nagpapatunay rin lamang ito na ang wika, habang tumatagal ay lumalawak at
mas nadidibelop. Ang wika ay dinamiko dahil sa kakayahan nitong bumuo ng
mga salita at may kakaibang pattern. Nahihinuha rin ng mga mananaliksik na
dahil sa pagkakaroon ng barayti o varrasyon ng wika ay nagkakaroon ng iba’t-
ibang paraan sa pagbabaybay ng bawat wika mapasalita man o sa pagsusulat
na kaparaanan na nagdudulot ng mas mataas na lebel sa pakikipagtalastasan.
Napag-alaman din ng mga mananaliksik na dahil sa pagiging heterogenous
ng wika ay nagkakaroon ng varayti ng wika na ayon rin kay Saussure (1950).
Heterogenous ang wika sapagkat ito’y nagiba-iba at mula sa pagkakaiba-iba nito
ay umuusbong ang mas maliit nay unit ng wika o ang tinatawag na varayti ng
wika. kaugnay nito ay natutunan din ng mga mananaliksik na ang barayti ng
wika hindi kailanman magiging magkatulad o magkakaroon ng uniformida, ayon
7

pa kay Bloomfield (1918). Sa pagpapakahulugang isinaad, nahihinuha ng mga


mananaliksik na ang barayti ng wika ay nabuo sa pagkakaiba ng wika kaya
naman hindi maaaring maging magkatulad ito lalo na’t ito’y nakabatay sa iba’t-
ibang salik sa lipunan na sadyang nagkakaiba sa isa’t-isa.
Nahinuha rin ng mga mananaliksik na ang wika ay tumutugon sa
pangangailangan parikular sa pakikipagtalastasan at ito’y binubuo ng isang
pangkat ng tao na siyang nangangailangan upang sila’y magkakaintindihan dahil
ayon nga sa mga dalubhasa na ang wika ay ginagamit ng isang pangkat ng tao
at tumutugon sa kanilang partikular na pangangailangan at ang wika ay may
iba’tibang anyo dahil magkakaiba ang mga tao lalong-lalo na ang
lipunan/pamayanan na kinabibilangan na naging dahilan ng pag-usbong ng iba’t-
ibang anyyo/barayti ng wika upang mapadali at mas magkaintindihan ang mga
taong bumubuo sa isang lipunan.
Dagdag nito, natutunan din ng mga mananaliksik na, dahil ang Filipinas ay
binubuo ng kapuluan na siyang naging dahilan ng pagkakaroon ng iba’t-ibang
pamayanan o grupo. Nahinuha ng mga mananaliksik na ang wika ay siyang
nagiging identidad ng isang lipunan na nagbibigay sa kanila ng pagkakakilanlan
dahil ayon nga ni Yule (2014)| ang barayti ng wika at pamamaraan ng paggamit
nito ay isang porma ng panlipunang identidad at ginagamit upang maging
palatandaan ng pagiging kasapi ng isang tao sa isang tiyak na grupong
panlipunan.
8

B. Katangian
Mula sa mga katangiang inilahad sa itaas ay napagtanto namin na ang wika
ay isang integral na parte ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sapagkat ito’y
nakaangkla sa iba’t-iba at sariling mga kultura at lipunan ng mga tao sa bansa.
Nalaman din namin na hindi lamang iyon ang katangian nito, sapagkat sabi
pa nila, ang wika ay buhay at nagbabago sapagkat ito ay patuloy na ginagamit
ng mga tao at nagbabago sapagkat ito ay patuloy na ginagamit ng mga tao at
dahil dito nagpasalin-salin na ito sa iba’t-ibang tagapagsalita hanggang sa
nabuo mga varayti ng wika na siyang naging tulay ng mas malawak na
komunikasyon. Dagdag pa nila, ito daw ay makapangyarihan sapagkat ito’y may
kakanyahan na mapalitaw ang kultura ng mga tagapagsalita nito.
Natutunan din namin na ilan pa sa mga katangian ng wika ay ang pagiging
dinamiko, at nanghihiram, ayon pa sa aklat na Filipino: Komunikasyon sa
Akadmikong Filipino. Kung saan ito ay dinamiko o nagbabago sapagkat ito ay
kailangang sumabay sa pagbabago at pag-unlad ng mga taong nabubuklod sa
pook na lumilinang sa paggamit nito. Ang wika ay nanghihiram sapagkat walang
wikang puro, dahil bawat wikang nabubuo ay kinakailangang dumaan muna sa
paglilinang ng mga salitang hinihiram sa ibang wika, katutubo man o hindi.
Mula sa lahat ng katangian ng wika ay nahinuha namin na dahil sa pagiging
dinamiko at paggamit ng mga tao ng wika ang isang dahilan ng pananatiling
buhay ng mga varayti ng wika sa bansa.
Nahinuha ng mga mananaliksik na, dahil ang pilipinas ay binubuo ng mga
pulo na siyang pinanahanan na nahahati sa tatlong pangunahing pangkat ng
pulo (Luzon, Visayas at Mindanao) na naging basehan kung bakit umusbong
ang iba’t-ibang wika na naging dahilan ng pagkakaroon ng baryasyon ng wika
dahil ayon nga ni Yule (2014)na ang varayti ng wika at pamamaraan ng
9

paggamit nito ay isang porma ng identidad nangangahulugang ang wika ay


siyang nagiging palatandaan kung saan ang pinanggagalingan. Ang
pagkakaroon ng varayti ng wika ay sanhi ng heograpiya, uring panlipunan,
kasarian, kaligirang etniko at iba pa. ang pagkakaroon ng mga tao ng pansariling
wika na tinatawag na idyolek na nangangahulugang mga nakagawiang
pamamaraan sa pagsasalita ng isang indibidwal o ng isang pangkat ng mga tao
na may isang indibidwal o ng isang pangkat ng mga tao na may isang komon na
wika.
Nalaman din ng mga mananaliksik na ang barayti ng wika ay
pinagbabasehan din kung saang partikular na lugar ginagamit ang wika. Ang
bawat wikang ginagamit ng iisang grupo o sa iisang lugar ay may dayalek na
siyang palasak sa isang lugar o sa buong kapuluan. Ang isa ring katangian ng
varayti ng wika ay ang katayuan o istatus ng isang gumagamit ng wika sa
lipunang kanyang ginagalawan na nagdudulot ng pagkakaiba-iba ng wika. Ang
susunnod na katangian ay ang nadedebelop mula sa mga salita ng mga
etnolinggwistikong grupo na tinatawag na etnolek at ang panghuli ay ang ekolek
na kadalasang sinasalita sa loob ng pamamahay kung saan una tayong
natututo/tinuruan na mag salita at kung saan nagsimula na sumibol ang wika.

C. Kahalagahan
Ang kahalagahan ng isang bagay ay hindi masusukat sa kagandahan ngunit
dahilsa tungkuling ginagampanan nito. Mula sa aklat na Sining sa
Komunikasyon (Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino 1) inilahad na ang barayti
ng wika ay mahalaga sapagkat ito ay isang intsrumento upang maipahayag ang
ideya at saloobin ng tao mula sa iba’t ibang tao at kultura. Mula dito ay
natutunan ng mga mananaliksik na bukod sa na bukod sa pagiging instrumento
ng komunikasyon, ito rin ay isang instrumento upang makapaghatid ng
10

mahahalagang kaalaman mula sa mga taong mula sa iba't ibang kultura.


Nangangahulugan lamang ito na ang barayti ng wika ay nagbibigay daan sa
pagpapahayag ng mga di-karaniwang mga kaalaman ng ibang tao at mula sa
iba't ibang lipunan. Bukod pa rito ay natutunan din ng mga mananaliksik na ang
barayti ng wika ay ang daan sa pagkakaisa at pag-unlad ng isang lipunan.
Nagpapahiwatig lamang ito na kung merong instrumento pagpapahayag ng
damdin o kaalaman ay tutungo rin ito sa pagiging instrumento ng pagkakaisa at
pag-unlad. Upang magkaroon ng pagkakaisa ay dapat magkaroon ng
pagkakaunawaan lalong lalo na sa pagitan ng iba't ibang lipunan. Lipunan na
may iba't ibang lahi at kulturang pinagmumulan at sa pamamagitan ng barayti ng
wika ay nagkakaisa, at kung nagkakaisa magkakaroon din ng pag-unlad ang
bawat isa. Isa pang natutunan natutunan ng mga mananaliksik ay ayon nman sa
pananaw ni Trudgill (1974), na nagsasabing ang barayti ng wika ay mahala
sapagkat ito ang nagpapanatili ng ugnayan ng mga tao lalong lalo na ng mga
taong mula sa iba't ibang kultura at larangan. Mahalaga ang ginagampanan ng
barayti ng wika lalo na at ito ay pangunahing gamit sa komunikasyon at ito ay
isang salamin ng pag-uugnayan ng mga tao sa bansa. Dahil sa komunikasyong
naidudulot ng varyasyon ng wikang ito, ay nagkakaroon ng matibay na ugnayan
ang mga tao kahit pa ito ay nanggaling sa iba't ibang kultura at lipunang
kinagisnan.
Isa pang natutunan ng mga mananaliksik ay ayon naman sa kay Repada (),
na nagsasabing ang barayti ng wika ay mahalaga sapagkat hindi lamang ito
instrumento ng komunikasyon ngunit ito ay instrumento rin ng pagkakabuklod ng
isang bansa. Mula sa pananaw, nahinuha ng mga mananaliksik na ang barayti
ng wika ay isa sa mga pundasyon ng isang bansa. Isang pundasyon upang
maisulong ang kaunlaran ng mga wika at kultura ng bansa. At higit sa lahat ay
ang kaunlaran ng mga taong nagkakaisa sa isang bansa. Ayon pa rin kay
11

Repalda, mahalaga ang barayti ng wika sapagkat ito ay lumilinang ng


malikhaing pag-iisip. Para sa mga mananaliksik, ang paggamit at pagkakabuo
ng mga barayti ng wika ay isang paraan ng pagpapalawak at pagpapatatas ng
pag-iisip lalong lalo na sa masining na paraan sapagkat sa paggamit ng barayti
ng wika ay nagkakabuo at nagkakaroon ng mga makabago at masining na mga
salita. Sa pamamagitan rin nito ay mas lumalawak ang bukabularyo ng mga tao.
At ang huling sinabi ni Repalda ay, ang barayti ng wika ay mahalaga lalong lalo
na sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan. Natutunan ng mga mananliksik
na ito ay dahil ang mga akdang pampanitikan ay ay kadalasang nagmumula sa
iba't ibang lugar at rehiyon sa bansa kung gayon ay kinapapalooban ito ng mga
iba't ibang aral ng mga paniniwala at kultura. Sa tulong ng barayti ng wika ay
mas mapapadali ang pag-iintindi ng mga akdang pampanitikan. Natutuhan din
ng mga mananaliksik na dahil sa barayti ng wika ay umuunlad din ang wika. Ito
ay sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga salita mula sa iba't ibang lipunan.
Sa ganitong paraan ay mas lumalawak ang wika. At bukod pa sa pagpapalawak
ng mga salita ay nahinuha rin ng mga mananaliksik na napapalawak din nito ang
mga katuturan o kahulugan ng mga katuturan na nakatutulong run upang
makapamili ng pinakaangkop na salitang gagamitin ang mga tao. At ang lahat ng
ito ay tutungo na rin sa tungkulin ng wika, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan
ng lahat ng tao kahit nagmumula sa iba't ibang rehiyon o lugar, kulturang
kinagisnan at iba't ibang paniniwala.
Bilang kabuuan, mahalaga ang papel na ginagampanan ng anyo o baryati ng
wika sa pangkalahatang layunin ng isang bansa, ang pagkakaisa, kaya naman
dapat itong payamanin at pahalagahan.
IV. Konglusyon
Ang barayti o varayti ng wika ay nagsisilbing gabay upang lubusang
maintindihan ng mga tao pagkakaiba ng wika.
12

V. Sanggunian
Salvador,J.S.,Tuazon,Ma.N.Q.,Quijano,Ma.L.R.,Gonzales,C.C.,Bula
ong,J.C.,... Irabagon,C.C.(2003).Sining ng Komubikasyon,Batayan
At Sanayang-Aklat sa Filipino 1,(pp19-25).
Castillo, MJ. A., Quijano, H. A., Bondame, F. R., Sagun, R. D., &
Pena, R. P., (2008). Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
(pp.27).Bookstore Publishing Corporation: 1518 Alvarez St., Sta.
Cruz Manila.
Bernales, R. A., Atienza, G. C., & Talegon, V. M. Jr., (2006).
Akademikong Filipino Tungo sa Komunikasyon. (pp.2-3).Mutya
Publishing House, Inc.
Alcaraz, C. V., Jocson, M.O., & Villafuerte, P. V. (2005).
Komunikasyon sa Akademikong Filipino. (pp. 3-7). Lorimar
Publishing Co., Inc.

You might also like