You are on page 1of 1

"PINAGLARUAN" by ERICK JHUN M.

RAZALAN
pagmamahal nga'y hindi na mapipigilan,

Kapag tadhana ang gumawa nang paraan.

Marami man taong nasasaktan,

Ang mahalaga'y kayo parin ay nagmamahalan.

Gaano ba kasakit ang mapag-iwanan?

Mas masakit ba sa pinaglaruan?

Baka naman ang pasakit ng pinagtaksilan?

O ang hinanakit ng pinagkaisahan?

Masakit, pero may rason kung bakit,

Pero bakit ako pa?

Bakit nga ba ako? at bakit ikaw pa?

Pero bakit siya, wala na bang iba?

Sa mga nagdaang araw, mga mata ko'y basang-basa,

Akoy nalulungkot, nagdaramdam, natutulala't nag-iisa.

Pinipilit maging masaya kahit papano,

Pero pilit akong sinasakal nang kalungkutang hatid mo.

Gabi-gai akong nalulunod sa luha ng kalungkutan,

Kalungkutang pilit akong hinihila at inilulub-lub sa katotohanan.

Katotohanang minahal mo'ko bilang kaibigan,

At ang pagmamahal mo'y binigay mo sa'king kaibigan.

You might also like