You are on page 1of 3

Skip to content

Ekonomiks.info

HOME

Kolonyalismo sa Pilipinas: Ang Pananakop ng mga Kastila

Hunyo 27, 2017 Rodrigo Mendoza

Ano ang kolonyalismo? Sa madaling salita, ito ay ang pagsakop ng isang mas makapangyarihang bansa sa
isang bansa na mas mahina, na inaabuso ito sa ekonomikal na paraan.

Sa nagdaang mga panahon, ang Pilipinas ay naging biktima ng kolonyalismo at imperyalismo, sa kamay
ng mga bansang Espanya at Estados Unidos. Balikan natin ang kasaysayan kung paano tayo naging
biktima ng kolonyalismo sa loob ng ilang daang taon.

Kolonyalismo sa kamay ng mga Espanyol

Ang mga isla ng Pilipinas ay unang napansin ng mga Europeo sa pamamagitan ng mga ekspidisyong
kastila sa buong mundo na pinangunahan ng Potuges na manlalayag na si Ferdinand Magellan noong
taong 1521. Si Magellan ay unang dumaong sa Cebu, na sinasabing lupain na pag-aari ng Espanya. Ito ay
pinangalanan niyang Islas de San Lazaro. Si Magellan ay nagkaroon ng pakikipagkaibigan sa lokal na mga
lider sa Cebu, na ang iba ay nagpabinyag bilang mga Romano Katoliko. Subalit, si Magellan ay napatay ng
mga katutubo, na pinangunahan ni Lapu-lapu, na lumaban sa tangkang pananakop ng mga banyaga.

Sa paglipas ng ilang mga dekada, may iba pang mga ekspidisyong isinagawa ang mga Kastila papunta sa
mga isla ng Pilipinas. Noong taong 1543, ang manlalayag na si Ruy López de Villalobos ay nanguna sa
isang ekspidisyon na nagpangalan sa mga isla ng Samar at Leyte na Las Islas Filipinas, na kinuha sa
pangalan ni Philip II ng Espanya. Ang pangalang iyan ay ibinigay din sa buong arkepelago pag daan ng
panahon.

Ang pananakop ng mga Kastila

Ang pananakop ng mga kastila sa mga Pilipino ay hindi pa nagsisimula bago ang taong 1565, nang ang isa
pang ekspidisyon galing sa bagong Espanya ay dumating sa Pilipinas. Ito ay pinangungunahan Miguel
López de Legaspi. Siya ang kauna-unahang gobernador heneral ng Pilipinas. Ang pamahalaang Kastila ay
madaling naitatag sa maliliit na mga kumunidad na dating walang sentralisadong pamahalaan. Sa loob
lamang ng anim na taon pagkatapos na matalo ang mga lider na muslim, itinatag ni Legazpi ang kabisera
ng pamahalaang Kastila sa Maynila dahil sa ito ay may malaking populasyon at malapit sa mga
mapagkukunan ng bigas na nasa mga palayan ng Central Luzon. Ang Maynila ang naging sentro ng
aktibidad ng mga kastila tulad ng sibil, militar at relihiyosong mga okasyon. Noong 1571, naitayo na ni
Lopez de Legaspi ang Spanish city of Manila sa lugar na dating okupado ng mga Moro na kanyang
nasakop isang taon bago ang 1571. Ang Pilipinas ay pinamamahalaan na sakop ng probinsya ng New
Spain o Mexico hanggang sa ideklara ang kalayaan ng Mexico noong 1821.

Ang mga mamamayan ng Maynila ay lumaban sap ag-atake ng Tsinong pirata na si Limahong noong
1574. Sa loob ng maraming siglo bago pa man dumating ang mga kastila, ang mga Tsino ay matagal nang
nakikipagkalakalan sa mga Pilipino, subalit lumilitaw na hindi sila nanirahan ng permanente sa bansa
hanggang sa matapos ang Kastilang kolonyalismo. Ang kalakal at lakas ng mga Intsik ay mahalaga sap ag-
unlad ng kolonyang Kastila dito sa bansa, subalit ang mga Intsik ay kinaiinisan at kinatatakutan dahil sa
kanilang mabilis na pagdami. Kaya noong 1603, pinatay ng mga Kastila ang libu-libung Intsik. Pagkatapos
ng patayang iyon, kakaunting Intsik na lamang ang pinapatay ng mga Kastila.

Ang Kastilang gobernador, na sa huli ay tinawag na viceroy noong 1589, ay siyang taga pamahala sa
konsilyo ng makapangyarihang audiencia. Nagkaroon ng manaka-nakang paghimagsik ang mga Pilipino
na ayaw sa sistemang encomienda. Sa pagtatapos ng ika labing anim na siglo, ang Maynila ay naging ang
pangunahing sentro ng komersyo sa buong Silangang Asya. Ang Pilipinas ay nagbigay ng kayaman sa
Espanya. Ginto at kalakalang Galyon na dumadaan sa PIlipinas at nakakarating sa China, India at East
Indies.

Ang kolonyalismo na ginawa ng mga Kastila ay hindi masyadong madugo noong una, sapagkat ang mga
lugar na kanilang sinasakop ay hindi gaanong nanlaban maliban lamang sa mga Moro. Isa sa pinaka
mahirap na problemang dinanas ng mga kastila ay ang kanilang pagsakop sa Mindanao na pugad ng mga
Moro. Bilang ganti sa pag-atake sa kanila ng mga Kastila at mga katutubong kakampi nito, sinalakay nila
ang ilang lugar sa Luzon at Visayas na hawak ng mga Kastila. Ang mga Kastila naman ay nagsagawa ng
maigting na kampanya laban sa mga Muslim, subalit ito ay halos walang epekto hanggang sa ika 19 siglo.

Ang pamahalaan ng Kastilang Kolonyalismo

Sa kolonyalismo na dala ng mga Kastila, ang simbahan at ang pamahalaan ay talagang hindi
mapaghihiwalay, dahil sa ang estado ay siyang umaako sa responsabilidad ng pagpapatayo ng mga
simbahan. Isa sa mga layunin ng Kastilang kolonyalismo sa Pilipinas ay ang gawing mga katoliko ang mga
Pilipino. Ang gawaing pangungumberte ay ginawa ng walang sagabal na iba pang relihiyon maliban na
lamang sa Islam, na mas kinikilala sa Timog. Lumaganap ang impluwensya ng simbahan sa pamamagitan
ng paghahalo ng mga kaugaliang Pilipino sa mga relihiyosong mga pagdiriwang. Ang resulta, isang bansa
na nababahagi ng relihiyon: Mga Kristyano na nakatira sa Luzon at Visayas at mga Muslim naman na
nakahiwalay at naninirahan sa Mindanao.

Sa mas mababang antas ng pamahalaan, kinontrata ng mga Kastila ang lokal na mga lider ng mga nayon.
Ang sistemang ito ng lokal na pamamahala ay siyang nagsilang ng tinatawag na Principalia, mga
Pilipinong mataas ang estado ng pamumuhay. Ang mga kabilang sa uring principalia ay mayayaman,
mataas ang kalagayan sa buhay, at tumatamasa ng maraming mga prebelihiyo na wala sa mga katutubo.
Ito ang pinagmulan ng oligarchic na sistema ng pamamahala. Kasali sa mga pangunahing pagbabago na
dala ng kastilang kolonyalismo ay ang pagsasapribado ng mga lupang dating pampubliko na sa ngayon,
pag-aari na ng mga miyembro ng principalia.

Ang Pilipinas ay hindi gaanong kumikita bilang isang kolonya, at ang matagal na digmaan laban sa mga
Dutch noong ika 17 siglo pati na ang problema sa mga muslim ay siyang muntik nang magpataob ng
pondo ng kolonya. Ang kita ng kolonya ay nanggagaling sa mga kalakalan. Ang Galyon na galing sa
Maynila ay nagbibyahe papuntang Acapulco ay naghahatid ng mga pilak at ikinakalakal sa mga
teritoryong intsik.

You might also like