You are on page 1of 2

I feel so overwhelmed being here and giving this speech in front of the unsung heroes of our community.

I would like to take this opportunity to say thank you for inviting me today to be your guest speaker in
your flag raising ceremony. It is truly my honor and privilege.

Before I formally start with my message. I want to share a very short story. Alam niyo po noong ako ay
nasa mga 5 to six years old, umalis kami noon at sa sobrang kakulitan ko ay nawala ako. Ang ginawa ko,
lumapit ako sa Mamang Pulis.. sabi ko Mamang pulis mamang pulis, hindi ko na Makita yung mama at
papa ko, yung mama kop o bisaya at yung tatay kop o ay bumbay.. Sabi nya sa akin, iha madaming bisaya
at bumbay dito pero to cut it short nakita ko yung mga magulang ko.. kung hindi sa mamang pulis na iyon
wala ako sa harap ninyo ngayon.

For the past years that I am serving in the barangay, I have been observing the events in our city.. I have
been following the news with regard to the performance of Quezon City Police in general

Honestly speaking, if that news was reported before the administration of Presient Duterte I would not
react dahil iisipin natin na maaraing for a good publicity lamang ito. Pero ngayon these successful
operations and accomplishments ay hindi lamang nanatiling nakikita sa telebisyon pero itong mga balitang
ito, ang pwersa at lakas ng ating kapulisan ay atin ng nadarama kahit na sa pinakamaliit na sulong n gating
barangay.

Ako ay lubos na natutuwa sa magandang performance n gating kapulisan lalo na noong ako ay nauupo
bilang Punong barangay. Tuwing may kaguluhan sa aming barangay, isang tawag ko lang sa Laloma Police
station ay wala pang 7 minutes ay nandiyan na ang miyembro n gating kapulisan. Minsan pa ay personal
kong tatawag si Sir Nasdoman kahit gabi na, siya ay nagrerespond parin, siya ay walang pinipiling oras.
Congratulations, job well done for that. Sasabihin pa niya sa akin at mag aadvice pa yan, Kap wag ka
mastress mababawasan ang beauty mo.

Dati kapag may pulis na dumadaa sa kalsada o kalye, walang reaksyon o minsan walang pakialam ang mga
tao, ngunit ngayon marinig lamang nila na “may police” ay may takot na sila ulit at natuto na sila ibigay
muli ang respetong nararapat sa ating kapulisan. Isa yan sa mga bagay na talagang tinutukan ang ating
pangulo, na mabalik ang respeto at itaas ang moral ng kapulisan.Ngunit, isang paalala lamang, ang takot
ng mga taong ito ay hindi dapat pagmulan ng pag ganid at pag sasamantala sa kapangyarihan na mayroon
kayo. Always remember that the Constitution is always above everything and everyone.

Being in the police force is more than just a job. Madami itong challenges and rewards. Personally, Malaki
ang respeto ko sa inyo kasi pare parehas taong public servants. Pare parehas tayong nangako at nanumpa
na ating pagsisilbihan at po protektahan ang publiko saan man at sa lahat ngpag kakataon.

Ang bawat bituin sa inyong uniporme at titulo bago ang inyong pangalan ay hindi lamang simbolo ng
inyong pag angat sa inyong career servce bagkus ito ay simbolo ng isang responsibilidad na dapat ninyong
gampanan sa ating komunidad. Your uniform is the mirror of your institution, don’t let anyne put a stain
on it.

Dahil ako ay isa ring public servant, alam ko may mga panahon na nakakawalang ganda magserbisyo dahil
sa mas madala Makita ang mga maling gawa ng iilan kaysa sa magandang gawa ng nakararami. Kung
manonood ka ng balita o kahit mga shared post sa facebook, mas pinapakita dito ang mga pulis na
natutulog o pulis na nangongotong pero sobrang minsan lang ibalita o ishare ang mga pulis na nagsagip,
pulis na nagbuwis ng buhay, pulis na nalipasan ng gutom dahil sa operations at pulis na hindi nacelebrate
ang birthday ng anak, asawa or any family member dahil kailangan nilang maglingkod. Gayunpaman, I
challenge each one of you to always do the good and the right thing, huwag kayong mapagod gumawa ng
mabuti at tama may nakatingin man o wala, may medalya man o wala.

Bilang kapitang ng barangay na inyong nasasakupan, proud ako sa inyong lahat, sa inyong kasipagan at
dedikasyon para sa ating bayan. Saludo ako sa inyong katapangan at seryosong kampanya laban sa illegal
na droga at krimen sa ating Lungsod.

On behalf of brgy pag-ibig sa nayon, kaisa ninyo kami sa pagtupad at pag abot sa vision at pangarap ng
ating Mayor Belmonte, a crime free and a drug free city. Lagi ninyong tatandaan na kayo ay hindi nagiisa
sa kampanyang ito, tayo ay isang pamilya. Let us all work for a brighter future of Quezon City and a better
country.

My job here today is to deliver an inspirational message that would inspire you to be a better police officer,
sana po ay nagawa koi yon.. but you know pagkatapos nito ay sa inyo pa rin iyan. It is still your choice to
wake up everyday and be a better version of yourself yesterday. It is your choice to be inspired and to be
motivated, courageous, to walk with pride and integrity and it is your choice to be trusted by the people
in your community. With your own passion in serving the community I assure you that it is a better
inspiration not just for yourself but also a cource of inspiration to the other members of the police force.

I would like to leave a challenge to all of you.. Sana po isa sa inyo o kayo yung magiging Mamang Pulis sa
susunod kong kwento na nakatulong sa isang nawawalang bata makapiling ang kanyang mga magulang.
Kayo yung Mamang Pulis who will stand tall and proud as a public servant and protector of this City.

Before I end, I would like to greet all of you Merry Christmas and a happy new year. Habang ang mga
pamilya sa ating komunidad ay nag eenjoy kasama ang kanilang mga mahal sa buhay, kayo ay
magbabantay para siguradihin ang mapayapang selebrasyon ng kapaskuhan dahil you as a police officer
is never off duty.

For all the police officers and members who are here to serve and protect Mabuhay po kayong lahat.
Thank you and good morning.

You might also like