You are on page 1of 2

DASALAN AT TUKSUHANMARCELO H.

DEL PILARTanda
Ang tanda ng kara krus ang ipangadyamo sa amin,Panginoon naming Prayle,sa mga bangkay
namin,Sa ngalan ng Salapi at ng Maputingbinti,at ng Espiritong Bugaw.Siya nawa.
Pagsisisi
Panginoon kong Prayle,Diyos na hindi totooat labis na pagkataong gumago atsumalakay sa
akin:pinagsisisihan kong masakit na masakitsa tanang loob koang dilang pag-asa sa iyo,
berdugo ko.Panginoon ko at kaawayna inihihibik kong lalo sa lahat,nag titika akong matibay na
matibayna di na muli-muling mabubuyo sa iyo:at lalayuan ko na at pang-iilaganang balanang
makababakla ng loob kosa pag-asa sa iyo,at nakalilibat ng dating sakit ng mgabulsa ko,nag
titika naman akong maglalathalang dilang pagkadaya ko,umaasa akong babambuhin ka
rin,alang-alang sa mahal na pasyion atpangangalakal mo ng Krus,sa pag-ulol sa akin.Siya
nawa.
Ama Namin
Ama namin sumasakumbento ka,sumpain ang ngalan mo,malayo sa amin ang kasakiman
mo,gilitan ang leeg mo dito sa lupa para ngsa langit.Saulian mo kami ngayon ng amingiyong
inaraw-arawat patawanin mo kami sa iyong pag-ungalpara nang pagpapatawa mo kungkami’y
nakakwartahan;at huwag mo kaming ipahintulot saiyong mga tuksoat ihadya mo kami sa
masama mongdila.
Aba Ginoong Barya
Aba ginoong Barya nakapupuno ka ngalkansyaang Prayle ay sumasainyobukod ka niyang
pinagpala’t pinahigitsa lahat,pinagpala din naman ang kaban mongmapasok.Santa Barya Ina ng
Deretsos,ipanalagin mo kaming huwag anitanngayonat kami ipapatay.Siya nawa.
Aba Po Santa Barya
Aba pong Santa Baryang Hari,inagaw ng Prayle,ikaw ang kabuhayan at katamisan.Aba, bunga
ng aming pawis,ikaw ang pinagpaguran namingpinapanaw na taong anak ni Eba,ikaw nga ang
ipinagbubuntong hininganaminsa aming pagtangis dito sa bayangpinakahapis-hapis.Ay aba
pinakahanap-hanap namin parasa aming mga anak,ilingon mo sa amin ang kara krus moman
lamangat saka bago matapos ang pagpanawmo sa aminiparinig mo ang kalasing mo
SantaBarya ina ng deretsos,malakas at maalam, matunog na gintokami’y ipanalangin na
huwagmagpatuloy sa amin ang mga banta ngPrayle.Amen.
Mga Utos ng Prayle
Ang mga utos ng Prayle ay sampu:una: Sambahin mo ang Prayle ng lalosa lahat.ikalawa:
Huwag kang magpapahamakmanumba ng ngalang deretsos.ikatlo: Mangilin ka sa Prayle lingo
manat fiesta.ika-apat: Isangla mo ang katawan mosa pagpapalibing sa ama at ina.ikalima:
Huwag kang mamamatay kungwala pang salaping pang-libing.ika-anim: Huwag kang makiapid
sakanyang asawa.ikapito: Huwag kang maki-nakaw.ika-walo: Huwag mo silang1

pagbibintangan, kahit kamasinungalingan.ika-siyam: Huwag mong ipagkait angiyong asawa.ika-


sampu: Huwag mong itanggi angiyong ari.Itong sampung utos ng Prayle’y dalawaang
kinauuwian.isa: Sambahin mo ang Prayle lalo na salahat.ikalawa: Ihain mo sa kanya ang
purimo’t kayaman.Siya nawa.Ang mga kabuuang asal,ang pangalang tontogales ay
tatlo,Igalang mo…Katakutan mo…ang Prayle at Pag Manuhan mo…
Isinalin mula sa orihinal ni Gabriel
Edilberto Lumanlan cruz

You might also like