You are on page 1of 11

“PANANALIKSIK TUNGKOL SA EPEKTO NG PANINIGARILYO NG MGA

ESTUDYANTE SA ISABELA STATE UNIVERSITY - ILAGAN CAMPUS”

Isang pananaliksik na iniharap para kay

Dr. Janette Domingo Yap

Bilang pagtupad sa pambahaging pangagailangan sa asignaturang

Filipino 16, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Jemelle D. Fernandez

Oliver G. Maramag

July 9 2018

I
Talaan ng Nilalaman

Pamagat _____________________________ I

Talaan ng Nilalaman _____________________________ II

Kabanata I _________________________________ III


 Impormasyon ____________________________ 1
 Layunin ng Pagaaral ____________________________ 2
 Kahalagahan ng Pagaaral ____________________________ 3
 Saklaw at Limitasyon ____________________________ 3
 Paglalahad ng suliranin ____________________________ 4
 Paraan Kung Papano Iwasan ang
Paninigarilyo ng mga Estudyante ng
ISU – Ilagan City ____________________________ 5

 Ibat ibang paraan kung paano


Makakaiwas sa paninigarilyo ____________________________ 6

Kabanata II _________________________________ IV
KABANATA I
“Ang Suliranin o kaligiran Nito”
Ang paninigarilyo ang pangunahing sanhi ng kamatayan sa buong mundo.
Dahil sa pagkabahala sa mataas na bilang ng mga Pilipino na namamatay sanhi ng
mga sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo, Karamihan sa mga naninigarilyo ay
mga estudyante.
Ayon sa aming pagaaral isa ang Isabela State State University – Ilagan campus ay
laganap ang paninigarilyo ng mga estudyante na dapat ng masolusyunan sa lalong
madaling panahon. Sa panahon ngayon, hindi maitatangging tunay na laganap ang
paninigarilyo saan mang panig ng lugar. Kung inyong mapapansin tila bawat
sulok ng ating bansa ay pinalibutan ng mga gumagamit ng sigarilyo. Maging
mayaman man o mahirap, matanda man o bata, may sakit man o wala, kahit ang
mismong mga doktor ay gumagamit ng sigarilyo. Kaya hindi na nakapagtataka
kung tutularan ng kabataan ang ganitong gawain. Nguni tang mas kaylangan
pagtuunan ng pansin ang mga estudyante. Maraming nasisirang buhay sa bisyong
ito isa pa ay nakakadagdag pa sa polusyon ang mga filter na tinatapon kung saan
saan sa sanhi ng pagbaha. Sa aming maikling oras ng pananaliksik karamihan na
nagaaral sa ISU Ilagan ay naninigarilyo kahit na alam naman nila ang maaring
maidulot nito sa katawan. Bawat karton ng sigarilyo ay may nakalagay na maaring
makuha mong sakit sa paninigarilyo ngunit ipinagwawalang bahala parin nila.
kahit ipinagbabawal na nila ang paninigarilyo sa pampublikong lugar karamihan sa
mga estudyante ay tuloy parin sa paninigarilyo nagtatago na lamang sila sa
abandonadong bilangguan sa tapat ng mismong paaralan upang hindi sila mahuli
kapag may rumorondang mga pulis.

Marami ng nasirang buhay ang sigarilyo itutuloy mo parin ba? Ang


paninigarilyo ay hindi lamang nagbibigay ng sakit. Ang paninigarilyo ay hindi
nagpapaganda sa ating kaanyuan at nagbibigay kapangyarihan. Ito ay
nagpapahina rin sa ating katawan pati na sa kakayahan makipagtalik. Na maaring
magdulot ng pagkabaog. Kaya kung ako sa inyo itigil niyo na ang paghithit ng
sigarilyo bagkus ay magaral nalang ng mabuti upang ang buhay ay bumuti.

IMPORMASYON

“Saan nga ba nagsimula ang sigarilyo?”

Noong unang panahon pa lamang, laganap na sa maraming parte ngmundo


ang paninigarilyo. Ang gawaing ito, ayon sa Wikipedia, ayisinasagawa ng mga tribo
upang kumawala sa ulirat o makihalubilo samundo ng espiritu. Ang ilan sa mga
gawaing ito ay ang pagpapaalis ngmasasamang espiritu, pagsamo sa mga ito,
atbp. Ngunit, sa paglipas ngpanahon, naging isa na ito sa mga kinagigiliwang uso.

Nagsimula ito sa rehiyon ng Central America noong 6000 BC. Nanglumipas


ang 5000 taon, 1000 BC, nagsimula ang sibilisasyon ng mga Mayanna magpausok,
humithit at ngumuya ng mga dahon ng tabako. Ginamit dinnila ito, kasama ng iba
pang mga halamang medicinal, upang ipanggamot samga may sakit at sugat. Nang
sila ay naglayag sa iba pang parte ng mundo,nagdal sila ng mga dahon ng tabako
kaya naman nang lumipas ang mgataon, ang mga manlalakbay, tulad nila
Columbus at Francis Drake, aynaisipang gumawa ng planta ng mga tobako at
gawing daan upang magkapera. Naging popyular ang paninigarilyo ng tabako sa
Espanya.

Ang paninigarilyo ay isang Gawain na kung saan sinusunog angsangkap,


karaniwang tobako, na maaring nirolyo sa papel sabay sa paghihitng usok na
inilalabas nito. Ayon sa Medlndia Online, ang stick ng sigarilyo aybinubuo ng halos
4,000 kemikal na maraming epekto sa katawan at pag-iisipng tao. Ang ilan sa mga
ito ay ang nicotine, tar, acetone, chloroform, atbp.Dahil nga naman ang mundo ay
mabilis magbago, nakaisp ang ibang tao ngmga modipikasyon ng paggamit o
paggawa ng sigarilyo.
1

LAYUNIN

Ang layunin ng pananaliksik namin na ito ay upang pag- aralan at alamin


ang mga sanhi ng paninigarilyo ng mga kabataan sa ISU – Ilagan City.
Makakatulong din ito sa mga hindi nanininigarilyo upang huwag na nila subukan
ang masamang bisyo na ito. Layunin naming tukuyin kung ano ang karaniwang
dahilan kung bakit naninigarilyo ang mga estudyante, Upang alamin kung ano ang
aspektong naapektuhan sa buhay ng isang magaaral na naninigarilyo at malaman
ang ibat – ibang paraan ng pagkontrol sa mga naninigarilyo na mga estudyante.
Sinuri ng mga tunay na mananaliksik ang mga hakbang na itinataguyod ng
gobyerno upang unti- unting mabawasan ang paninigarilyo hindi lang sa paaralan
ng ISU, kundi ibat ibang parte ng lugar sa bansang Pilipinas at ang masamang
epekto na maaring maibigay ng paninigarilyo sa ating katawan. Ginamit namin
ang kasanayan namin sa pananaliksik sa pagsulat ng terminong papel hango sa
pagsisiyasat ng epekto ng paninigarilyo sa mga estudyante. Kumuha kami ng
impormasyon sa paksa base sa aming kaalaman at kaunting karanasan habang
nagaaral sa Isabela State University at sa mga opinion ng mga tao sa aming
paligid. Nakatulong din ang “internet” balita at dyaryo upang maisagawa namin
ang aming pananaliksik.

Sa aming layunin maaring marami kaming matulungan na mga estudyante


na ihinto na ang paninigarilyo sa pamamagitan ng aming pagaaral kung mababasa
man nila ito. Sa ngayon ito palang ang kaya naming gawin upang mahinto na ang
pagkaadik ng mga estudyante sa sigarilyo, ngunit kung tayo ay magtutulungan
mas marami pa tayong matutulungan na estudyante upang itigil na ang
paninigarilyo sa paaralan ng ISU – Ilagan Campus.
2

Kahalagahan ng Pagaaral

Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng mga


estudyante na sa murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng
paninigarilyo. Hindi lamang sa magaaral ng ISU makakatulong ito kung hindi
narin sa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo. Makakatulong din ito sa
mga hindi naninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyona ito.
Ayon sa mga mananaliksik, ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ayang
makakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa tungkol sa paninigarilyo at mapag
bigay alam sa publiko ang kanilang maitutulong upang mabawasan ang
paninigarilyo ng mga magaaral.

Saklaw at Limitasyon
Saklaw ng Pag-aaral

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang epekto ng paninigarilyo ng mga lalaki


at babae ng mga mag-aaral ng Isabela State University – Ilagan Campus. Saklaw
din ng pag-aaral na ito kung anu-ano ang mga iba’t-ibang dulot nito sa magaaral
ang paninigarilyo at kung paano ito nakaka-apekto sa kanilang pag-uugali,
pagkilos at pag-iisip sa iba’t-ibang aspekto ng lipunan.

Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makakuha ng mga respondante


mula sa mga mag-aaral ng Isabela State University – Ilagan Campus. na mayroong
iba’t-ibang kurso. Nais naming makabuo ng 50 respondanteng babae at 50
respondante din mula sa kalalakihan upang makuha ang kabuuang bilang na 00
na respondateng magiging tulay upang maisakatuparan ang pananaliksik.

Paglalahad ng Suliranin

Sa Paaralan ng ISU – Ilagan City, batay sa aming mga napagtanungan


karamihan sa mga estudyante ay nagsisimula lamang manigarilyo pagtungtong
nila sa kolehiyo na sa aming nalakap na impormasyon ay naiimpluwensyahan
lamanng sila ng kanilang mga kaibigan. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi
ngkamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of Health ayon sa aming
research, isang tao kada13 segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang
namamatay dahil sapaninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa
puso, baga,kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas
nasanhi ng pag- atake ng hika.Ang mga naninigarilyo ay humihina ang katawan,
nahihirapanghuminga, laging bumabahin at umuubo, sumasakit ang ulo at
nagbabagoang pang- amoy at panlasa. Ang paninigarilyo ay maaari ring
makapagpapangit dahil sa pagkulubot ng balat, makapagpadilaw ng ngipinat mga
kuko sa daliri, at makapagdulot ng mabahong hininga.Kung ang taong
naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream effects,ang taong nakakalanghap
naman ng usok ng sigarilyo ang nakakakuha ngsidestream effects. Ito ay
tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi kananinigarilyo ay parang naninigarilyo
ka na rin dahil sa mga kemikal nanakukuha mo sa usok ng sigarilyo ng taong
katabi o malapit sa naninigarilyo. Mas marami pa ang konsentrasyon ng mga
masamang kemikal ang nakukuha ng mga passive smokers (mga taong hindi
namannaninigarilyo pero nakatira kasama ang taong naninigarilyo) kumpara
samga taong talagang naninigarilyo. Ang mga ito ay makakaramdam ngpagsakit
ng ulo, at pagtutubig ng mata. Ang mga passive smokers ay may mas mataas ng
35% posibilidad na magkaroon ng kanser.Ang mga bata o anak naman ng mga
naninigarilyo ay may mas malakingposibilidad na magkaroon ng bronchitis,
pneumonia at mga sakit sa pusolalo na sa unang taon.
4
Paraan Kung Papano Iwasan ang Paninigarilyo ng mga Estudyante ng ISU – Ilagan

Animnapu’t-pitong bahagdan ng mga respondente ang nagsabingdisiplina sa sarili


lamang ang kanilang solusyon upang maiwasan ang paninigarilyo. Ang
pinagkakaabalahan naman ang sumunod na sagot ng dalawampung bahagdan ng
mga respondente na siya nilang ginagawa upangmaiwasan ang pagyoyosi o
paninigarilyo. Samantalang labing-tatlong bahagdan lamang ang nagsabing
gawaing pang kalakasan ang kanilang ginagawa upang makaiwas.Ang taong may
disiplina sa sarili ay pinipigilan ang mga hindi dapat gawin dahil alam nilang hindi
ito maganda.
5
IBA’T-IBANG DAHILAN KUNG BAKIT MAKAKAIWAS SAPANINIGARILYO ANG KANILANG
NAPILING GAWAIN:

Naaalis ang pagkanegatibo

Pang-agaw pansin


Nagiging masaya

Nakakalimutan ang problema

Gumagaan ang pakiramdam

Makakabuti sa kalusuganMay mga nagsasabi na baka raw tumaba sila kapag
itinigil angpaninigarilyo. Subukang bawasan ang intake ng mga fatty foods kapag
itnigilna ang paninigarilyo. Huwag hayaang ang inyong paninigarilyo ay
mapalitanng panibagong bisyo. Kung kayo gustotung-gusto kumain nang
matatamis,mas mabuting kumain ng prutas.Hindi pa huli para itigil ang bisyong
sigarilyo. Kapag ginawa ninyo itongayon, natitiyak ko na malaki ang inyong
mapapakinabang bukas. Hindi

lamang kayo ang makikinabang kundi pati ang pamilya. Alalahanin angpinsalang
dinudulot ng paninigarilyo sa katawan.

6
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuangbilang ng


kabataang Pilipino, partikular na iyong nasa edad 7 hanggang 15,ang gunom na sa
bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000hanggang 50,000 Asian
teenagers na maagang natutong manigarilyo bungang kakulangan sa batas laban
sa tobacco at walang humpay na promosyonnito sa bansang Pilipinas. Sa
katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na nasamiddle age ang namamatay dahil
ditto. Inaasahang tataas pa ang bilang naito sa mga darating na buwan dahil sa
mabilis na paglaganap ng bisyo samga kabataan, lalo na sa Pilipinas.Nalagadaan
na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang TobaccoRegulation Act of 2003 (RA
9211) na naglalayong protektahan ang mgamamamayan laban sa masamang
epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batasna ito, bawal na ang paninigarilyo sa
lahat ng pampublikong lugar gaya ngmga paaralan, ospital, mga terminal,
restawran, at iba. Bawal na rin angpagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit
sa mga paaralan, at di napagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required
din ang mga

kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning


saharapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na rin simula 2007 ang mga ads ng
mgasigarilyo sa iba’t ibang media. Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas angkauna-
unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa panawagan ngWorld
Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mgaproduktong
may nikotina.Ayon kay Dr. Lain, ang paninigarilyo aynakapagpapasaya. Ito ang
lumabas na resulta ng pag-aaral na isinagawa ngPeninsula Medical School sa
United Kingdom sa pangunguna hinggil sakaugnayan ng paninigarilyo sa
Psychological well-being ng tao. Sa kanilangpagsisiyasat, napag-alaman na ang
mga naninigarilyo ay nakararanas ngmababang antas ng kasiyahan at life
satisfaction kumpara sa mga hindinaninigarilyo. Ayon sa mga pag-aaral ang
paninigarilyo ay maaaringmagdulot ng pagtaas ng blood pressure, paglapot ng
dugo, kanser sa baga,bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at
low birth weightat birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na
taongnaninigarilyo ay namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman
aynaghihirap ng maraming taon sa kanilang kalusugan. Ang tar at
CarbonMonoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at sumisira sa mga
bagatuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan
aykalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng
paparamingplema. Ang mga ito ay paraan n gating mga katawan ng pagprotekta
sausok. Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng siponat
trangkaso, pati na rin bronchitis, pneumonia at iba pang malalang sakit sapuso. Sa
kalaunan ay maaari pang magkaroon ng emphysema ang isangtaong
naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng mgabaga. Habang
lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga atmaging sa paglakad. Ang
paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ngemphysema.

May apat na milyong kabataang Filipino sa pagitan ng edad na 11hanggang


19 ang naninigarilyo na, ayon sa magkatuwang na pag-aaral ngDepartment of
Health (DoH) at World Health Organization (WHO). Batay sapag-aaral na
pinamagatang “Global Youth Tobacco Survey," mahigit 60porsyento o 2.7 milyon
mula sa bilang ng mga kabataang naninigarilyo aypawang mga lalaki samantalang
1.4 milyon ang mga babae. Isinaad din sapag-aaral na walo mula sa 10 sa mga na
sakop ng pag-aaaral ang nakakitang mga patalatastas na tumatangkilik sa sigarilyo
noong 2007. Nagbabala siDr Maricar Limpin, executive director ng Framework on
Tobacco Control of thePhilippinesAlliance, na patuloy na darami ang mga
kabataangnaninigarilyo hangga’t hindi ipinagbabawal ang patalatastas sa
paggamit ngtabako. Ayon kay Limpin, noong 2005 ay nasa pagitan lamang ng
17hanggang 18 porsyento ang bilang ng mga kabataang naninigarilyosamantalang
umakyat ang bilang sa 23 porsyento noong 2007.

You might also like