MODYUL 3: ANG KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON SA PAMILYA
1. ANO NGA BA ANG KOMUNIKASYON?
• Ang Komunikasyon ay anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang inisip at pinapahalagahan, kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa.
• Maging ang katahimikan ay may ipinahihiwatig.
• Nagpapahayag tayo hindi lamang sa pamamagitan ng ating sinasabi o ginagawa kundi
maging sa kung sino tayo at paano tayo namumuhay.
• Mahalaga sa atin ang katapatan at integridad hindi lamang sa salita kundi sa gawa.
• Sa pamamagitan ng Komunikasyon ay naipapahayag ng mga kasapi ng pamilya ang
kanilang mga pangangailangan, ninanais, at ang kanilang pagmamalasakit sa isa’t isa. • Ang Komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at di- pasalitang impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito.
• Isang mahalagang kasanayan sa komunikasyon ang kakayahan na magbibigay ng tuon
sa iniisip at sa nadarama ng kapwa.
• Hindi nakapagtataka na ang hindi maayos na komunikasyon sa pamilya ay nagiging
sanhi ng hindi mabuting ugnayan ng mga kasapi nito.