You are on page 1of 1

"Baon"

Huling araw na ng pasok ni Paulo sa kaniyang unang semester sa kolehiyo. Nang


lumabas ng bahay ay tuwang-tuwa ang kaniyang mukha.
"Yes! Buo na rin sa wakas! May sobra pa para sa pananghalian." Mahinang bulong sa
sarili ni Paolo.
Matapos ang pagtitipid ng isang daang piso na baon araw-araw; minsan ay hindi pa
nakain, ay mabubuo niya na ang isang libong pisong pera para mabili ang gusto.
"Uwian na! Mga pre, mauna na ako. Bukas na lang." Sambit nito sa kaniyang mga
kamag-aral.
Alas sais na ng gabi natapos ang kaniyang klase. Dali-dali siyang lumabas ng paaralan
upang makuha ang matagal niya nang kagustuhan.
"Saan ka na? Tara na Bea, samahan mo muna ako bumili." Wika ni Paolo kay Bea
gamit ang messenger.
"Sige, magkita tayo sa palengke." Reply ni Bea kay Paolo.
Inabot lang ng humigit kumulang isang oras at naubos agad ang matagal niyang
inipong pera. Agad silang umalis at umuwi upang makauwi nang maaga.
Kinaumagahan, masaya siyang bumangon at dumiretso sa CR para umihi at
maghilamos ngunit habang hinuhubad ang damit ay tila basa ng puting likido ang
kaniyang brief.
Masakit.

You might also like