INA

You might also like

You are on page 1of 2

Bagong Ina, Bat Ka Kawawa?

Written by: Lucky Angelynne N. Fernandez


August 09, 2019

Pagmamahal mong tunay,


hatid saki’y kasiyahan sa buhay.
Pagmamahal nating matibay,
nagbunga ng batang mahusay.

Batang kay ganda,


hatid mo’y kakaiba.
Pakiramdam ay iba,
halo-halo, pati kaba.

Mga matang mapanakit,


labi’y nakakasakit.
Mga taong pilit kang winagwaglit,
akala mo kung sinong manakit.

Nawari lang saglit,


animoy pinabayaan ang paslit.
Nag-ayos lang saglit,
akala nila’y kabit ka nang sumasabit.

“Ramihan mong kumain,


para ang batay’ may makain.”
Lumobo sa kakakain
Sabi’y “Para kang baboy kung kumain”

“Ano ba tong si Angelita,


nanganak lang losyang na.
Pati anak mukang kawawa,
ni hindi kayang alagaan mag-isa.”

“Akala mo kung sinong Birhen,


kunwari’y mahinhin.
Ngunit ng siya’y suyuin,
pati panty inalis din.”

Kabata-bata may anak na,


palibhasa malandi na simula pa bata.
Ngunit ano ng aba ang alam nila?
Di naman sila ang minahal diba?
Gabi-gabi’y puyat,
habang ang lahat ay tulog at unat.
Ika’y naglele ng batang kay bigat,
hanggang sa ang araw ay sumikat.

Batang lumalaki, malikot sa tabi.


Hanggang ang bata’y nadapa, mama ang sabi.
Iyak ang wari, sabay turo ng sugat gamit ang labi.
Inang kay lakas, nakaramdam ng hapdi.

Isang gabing malamig,


ang bata’y nanginginig.
Siya pala’y may sakit,
katawa’y sobrang init.

Hindi malaman ang gagawin,


Iiyak at siya’y yayakapin.
Ano nga bang ang gagawin?
Ang Ina’y hirap na hirap din.

Kadugtong ng buhay ng bata ang buhay ng ina.


Ano mang pakiramdam niya’y ramdam din ng ina.
Saya, lungko, sakit at kaba,
lahat yan alam ng Ina.

Kawawang Ina,
hinusgahan na nang iba.
Sabi’y pabayang ina,
hindi alam mag-aruga.

Kaya tama na sa kakahusga,


Bat di kayo magmahal at manganak diba?
Atleast iniluwal at minahal ang bata.
Yung iba nga binuo pero binuhay ba?

Kaya, tigil na!


Tama na!
Masakit kayong magsalita.
Hindi niyo naman alam ang pakiramdam ng maging Ina.

Wag kang mag-alala,


Ipapanalangin kita.
Na sana’y ika’y maging isang Ina,
para maranasan mong maging tunay na masaya at ……….. kawawa.

You might also like