You are on page 1of 1

Bianca Borromeo

12 –HUMSS 4
WIKANG FILIPINO, WIKANG MAPAGBAGO
Ngayong 2017 ay ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika na may temang WIKANG
FILIPINO, WIKANG MAPAGBAGO, Ito ay ayon sa Komisiyon sa Wikang Filipino. Maitatanong
natin sa isipan, bakit ito ang tema? Tungkol saan ba ang tema na ito? Ayon sa komisiyon, Ang
temang “Filipino: Wikang Mapagbago” ay naaakma hindi lamang dahil sa ito ang nagsisilbing
mantra ng kasalukuyang administrasyon. Kundi Ito ay dahil na rin sa katotohanang ang wikang
Filipino ay patuloy na yumayaman dahil na rin sa mga pagbabago sa ating lipunan. Maraming
taon, bagay, at pagbabago ang nangyayari panahon ngayon, kasama na rito an ating wika na
nagiiba o mayroon nang mga makabagong salita upang mapalawak pa natin ang ating
bokabularyo na tugma sa mga kakayahan ng isang sinasabing “21st century learner”.
Wikang Filipino? Ano ng ba ito para sa atin? Ito ba ay malinaw at kapansin pansin parin
sa atin? Para sa akin ang wika natin ay dapat pangalahangan dahil ito ay isa sa mga tatak natin
bilang isang Pilipino. Wikang Filipino, ang wika ng ating bansa. Mula noon hanggang ngayon,
makikita natin ang ebolusyon ng ating wika sa mga salitang “kalatas” na ngayon ay tinatawag na
lamang na “papel”. Mula sa salitang “kaibigan” na naging “Beshie”. Sa mga simpleng salitang ito
ay makikita ang pagkakaiba ng wika noon at ang wika ngayon. Mapapatunayan din dito ang
wika natin ay tunay na mapagbago. Sa panahon pa laman noon, kapansin-pansin na din ang
wika natin ay naiimpluwensyahan na, ng mga banyagang salita.
Mailalarawan natin ang mga Pilipino ngayon ay mayroong nang ugaling kolonyal o mas
kinikilalang “Colonial Mentality”. Makikita naman agad natin sa aking ipinahayag na mas
ginagamit na ang wikang banyaga ng mga Pilipino. Mas nakikilala, mas pamilyar, o mas
naiintindihan ng isang Pilipino ang wikang banyaga. Dahil rito naiiba na ang nakakasanyan na
wika ng isang Pilipino. Mula sa ibinabasa, sinusulat o ginagawa, mapagbago na ito dahil
naapektuhan ito ng pagamit natin ng wikang banyaga.
Tayo ay Pilipino, dapat na tayo ay matutong gamitin, mahalin at tangkilikin ang ating
sariling kultura, tradisyon at paniniwala. Paano? Sa simpleng paggamit ng wikang Filipino sa
pang araw-araw. Dahil rito maapektuhan na rin ang ating pamumuhay sa pagamit nito.
Mabuhay ang wikang Filipino! Ako nga pala si Bianca Borromeo, Maraming Salamat po.

You might also like