Related Literature Final

You might also like

You are on page 1of 2

Hindi na lingid sa kaalaman ng iba na may mga estudyante talaga na hindi nagkaroon ng

kakayahang paniwalaan ang kanilang sarili pagdating sa paggawa o pagtuklas ng mga bagay. Kadalasan
silang naiiwang mag-isa at wala kahit isang kaibigan. Dahil dito, naaapektuhan din ang kanilang pag-aaral.
Ito ay sa kadahilanang napangungunahan sila ng hiya sa mga bagay na dapat nilang gawin. Ang mga
kadalasang dahilan ng pagbaba ng kumpiyansa sa sarili ng mga estudyante ay ang mga pagbabago sa
kanilang mga katawan; puberty kung tawagin na hindi naman maiiwasang mangyari sa kabataan. Maaari
din namang dahil sa ‘di magandang resulta mula sa isang gawain ang naganap kaya bumaba ang
kumpiyansa sa sarili ng isang estudyante. (Silverstone & Salsali, 2001)

Mahalaga ang kumpiyansa sa sarili sapagkat inaapektohan nito ang pag-uugali at pag-iisip.
Binabago nito kung paano pakiramdaman at pahalagahan ang sarili naa maaring umapekto sa pagkamit
ng tagumpay at pag-isip ng malawakang paraan. (Karl Perera, 2001)

Halos lahat ng pakiramdam at pagtingin ng isang tao sa kanyang sarili ay nagbabago base sa
kanyang pang araw araw na karanasan. Mga gradong nakukuha sa eksam, kung paano ka ituring ng iyong
mga kaibigan, kalagayan ng iyong relasyon sa ibang tao-lahat ay may epekto sa iyong pagtingin sa sarili.
Para sa mga taong may mataas na pagtingin sa sarili ang mga normal na problema sa kanilang buhay ay
maaaring makaapekto ng panadalian lamang sa kanilang pagtingin sa sarli. Samantalang ang may mga
mabababang pagtingin naman sa kanilang sarili ay mas matagal ang epekto ng mga normal na problema
na kanilang nararanasan. Ang ating pagtingin sa ating sarili ay nagdedevelop kung kailan tayo ay
gumagawa na ng ating sariling imahe sa pakikihalubilo sa iba’t ibang tao at sa pang araw araw na
karanasan. Ang ating karanasan nung kabataan ay isang malaking impluwensya sa kung paanonatin
tingnan ang ating sarili ngayon. Habang tayo ay lumalaki ang pakikitungo ng ating pamilya, mga guro, mga
kaibigan at mga taong nasa ating paligid ay isang factor sa kung paano natin nabubuo ang ating pagtingin
sa sarili. (Barksdale, 1972)

Ang mataas na pagtingin sa sarili ay nagmumula sa makatotohanang pagtanggap sa sarili at sa


pagrespeto ng ibang tao. Kadalasang ito ay ngagsisimula sa panahon ng kabataan, pag tayo ay
nakatatanggap ng papurio kaya naman ay may bagong natutuhan. Samantala ang batang may magulang
na abusado o kaya ay di tinuturing ng tama ang bata ay makakaramdam ito ng awa sa sarili at iisiping
lagging may kulang sa kanya. Bilang mga bata batayan natin ang mga matatanda sa mga magagandang
asal at pagtingin sa ating sarili. (Bradshaw, 1988)

Ayon sa www.more-selfesteem.com, ang kumpiyansa sa sarili ay ang personal na opinion sa sarili.


Ang mababang kumpiyansa sa sarili ay dulot ng mababang pagtingin sa sarili. Ang iyong pagtingin sa sarili
ay nakabase sa kung paano at kung ano ang nakikita mo sa iyong sarili. Nakasalalay din ang iyong
kumiyansa sa sarili sa iyong ginagawa o sa iyong trabaho. Ang mababang kumpiyansa sa sarili ay
gumagatong sa mga negatibong pag-iisip at pinapaniwala ang isang tao sa mga negatibong komento ng
ibang tao sa kanya. Kung mataas ang tiwala o kumpiyansa ng isang tao sa kanyang sarili, siya ay magiging
masaya, ganado, at lagging may positibong pananaw sa buhay. Ang kumpiyansa sa sarili ay mahalaga dahil
ito ay nakakaapekto sa kung paano magisip ang isang tao, kung paano ito kumilos at kung paano ito
makuhalubilo sa kanyang kapwa. Kapag mababa ang tingin ng isang tao sa kanyang sarili, nagkakaroon
ng mga mabilisang pagsuko sa mga pagsubok sa buhay. Ito din ay may diretang koneksyon sa kaligayahan
ng tao at sa kanyang pagkatao.

Ayon naman sa librong “The RoutledgeFalmer Guide to Key Debates in Education,” sa patuloy na
pagbibigay-halaga natin sa mga taong nagkakaroon ng takot at kahinaan na pawang nanggaling lamang
sa kanilang mga isipan, mahihinuha natin batay sa mga pagsasaliksik na ang edukasyon ay may
ginagampanang napakahalagang bagay sa pagbibigay-solusyon sa patuloy na paglala ng problema ng mga
tao patungkol sa pagkababa ng kanilang pagtingin o tiwala sa kanilang mga sarili.

Ayon din sa kasunduan na ginawa ng New Labour, ito ay may ideya ng ‘equal worth’ at
‘recognition’ para sa mga taong apektado ng diskriminasyon at nagkaroon na ng mababang pagtingin sa
kanilang mga sarili. Batay sa mga mananaliksik at propesyunal, ang mga edyukeytors ay dapat atentib sa
pagbuo ng aydentiti ng isang tao, na ang edukasyon ang dapat bumuo ng tiwala sa sarili ng isang tao.
Nabanggit din na ang pagtuklas sa sarili at ang pagdedebelop ng lawak ng pag-unawa ay parehong mainam
na solusyon upang maibalik muli ang tiwala sa sarili ng isang tao. Sa senaryong ito, ang mga karanasan,
emosyon, at aydentiti ng isang tao ay mga dapat pagtuunan ng pansin sa paghubog ng pagkatao ng isang
indibidwal. (Baron et.al. 2000)

You might also like