You are on page 1of 1

Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas

Ang Pananakop ng mga Hapones ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang
1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na
dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.

Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga


sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941. Naganap ito isang araw pagkaraang
bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbor, Hawaii, at Estados Unidos.

Pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras sina Heneral Douglas MacArthur na kasama
ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng
militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2 1942. Sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones
noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag
na Martsa ng Kamatayan) papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac.

Ang martsa ng kamatayan ay isang mahabang-layong martsa na sinasakatuparan sa matinding


mabagsik na kalagayan, kasama ang walang pakundangan para sa buhay at kalusugan ng mga biktima,
kadalasang mga bilanggo o mga takas ng ibang bayan. Ang kaisipan sa likod ng mga martsa ang pagpilit
sa mga bilanggo na maglakad, na nakatutok ang baril, na walang pagkain, tubig, tirahan, o mga
kaginhawahan; kadalasang binabaril ang mga hindi makatagal.

You might also like