You are on page 1of 2

Intervensyon para sa Baitang 9

Aralin 2.5 - Dula: Mongolia ( Panitikan )

Pang-ugnay ( Wika )

Pangalan:_________________________________ Puntos:________________

Pagsasanay 1

Panuto: Bilugan ang pang-angkop na ginamit sa bawat bilang.

1. Naglabas ng pulang tela ang kalaban, hudyat na hindi na sila muli pang lalaban.
2. Masaya ang lahat habang nagpapahinga sa luntiang damuhan sa kanilang hardin.
3. Napakasarap ng malapot na champoradong niluto ng aking nanay para sa meryenda.
4. Mapagmahal na magulang ang hangad ng lahat sa atin.
5. Matatamis na ngiti ang bumungad kay Temujin mula sa dalaga.

Pagsasanay 2

Panuto: Punan ng wastong pang-angkop ang patlang.

1. Natatakot si Yesugei na makulong sa isang madilim _______ piitan.


2. Si Borte ay naninirahan sa munti ______ nayon na di hamak na mas malayo kina Temujin.
3. Si Yesugei ang butihin ______ ama ni Temujin.
4. Nakatutuwang pagmasdan ang maginoo _____ binata gaya ni Temujin.
5. Tinahak nina Yesugei at Temujin ang lubak – lubak _____ daan para lamang makarating sa kanilang
pupuntahan.

You might also like