You are on page 1of 9

Page 1 of 9

8/OKTOBRE /2019

DWIBN RADYO NGAYON

(SONG)

DWIBN RADYO NGAYON 2X

DWIBN

MSC FADES IN THEN FADES UNDER

STATION I.D

MSC FADES IN THEN FADES UNDER

ANCR 1/2:

Serbisyong tapat, aming ihahatid. Balitang may katotohanan ang aming

tututokan.

Narito na ang pinakasikat, numero uno at pambansang radyo ng Pilipinas.

Ang DWIBN, Radyo Ngayon.

Ito po ang iyong lingkod, Charlon Viloria kasama si Diana Gorospe.

Samahan niyo po kami sa limang minutong pagbabalita.


Page 2 of 9

ANCR 2:

Narito na ang mga pinakasariwa at nagbabagang balita na dapat ninyong

tutukan.

MSC FADES IN THEN FADES UNDER

ANCR 1:

Sa balitang lokal, D-S-P-C, sinimulan na.

ANCR 2:

Sa balitang nasyonal “No Homework Policy”, inihain sa senado.

ANCR 1:

Sa balitang showbiz, pelikulang “Hello Love,Goodbye”, pinarangalan.

ANCR 2:

Sa balitang pampalakasan, Angola pinataob ang gilas sa isang Overtime.

ANCR 1:

Manatiling nakatutok sa DWIBN, Radyo Ngayon.

MSC FADES IN THEN FADES UNDER


Page 3 of 9

INFOMERCIAL

BES 1:

Hoy bes, tapos niyo na ba ang mga takdang aralin niyo?

BES 2:

Hindi pa bes. Kase may nabalitaan ako.

BES 3:

Ako din tinatamad ako.

BES 1:

Ay ganon ba? Ano yung nabalitaan mo?

BES 2:

Nabalitaan ko kase na hindi na daw pwedeng mag bigay ng takdang aralin

ang mga guro.

BES 1:

Totoo ba yan?

BES 2:

True! Totoo yan bes, inihain na sa senado at naaprobahan na.


Page 4 of 9

BES 3:

Bes! Hindi totoo yan, hindi pa inaaprobahan at hindi pa nila iyan

napipirmahan

PAALALA: Lagi nating tandaan, iwasan ang maling pagpahayag ng mga bagay-

bagay na walang kasiguraduhan. Isang maling bigkas mo lang madaming

maapektuhan.

MSC FADES IN THEN FADES UNDER

ANCR 1:

Muling nagbabalik ang DWIBN, Radyo Ngayon.

Sa balitang lokal, D-S-P-C, sinimulan na.

Live riyan sa Bantay National High School, pasok Angeline.

MSC FADES IN THEN FADES UNDER

RPRTR 1:

Kasalukuyan nang idinaraos ang Division Schools Press Conference (D-S-

P-C) sa kauna-unahang pagkakataon sa Bantay National High School

Oktobre 7-9.

Abala na ang lahat sa kani-kanilang paligsahan at gawain.


Page 5 of 9

Inaasahan ng mga mamamahayag ang magandang resulta ng D-S-P-C.

Ang nasabing komperensiya, ay inaasahang magtatapos sa Miyerkules,

Oktobre 9.

Matinding paghahanda ang ginawa ng nasabing paaralan ayon sa pahayag

ni Jade Medina.

Angeline Aquino, nagbabalita para sa DWIBN, Radyo Ngayon.

MSC FADES IN THEN FADES UNDER

ANCR 1:

Maraming salamat, Angeline.

ANCR 2:

Para naman sa balitang Nasyonal, “No Homework Policy”, inihain sa

senado.

Para sa kabuuang detalye, narito si Christian.

MSC FADES IN THEN FADES UNDER

RPRTR 2:
Page 6 of 9

Ayon sa panukalang Housebill 3611 na akda ni House Deputy Speaker

Evelina Escudero na magkakaroon ng “No Homework Policy” ang

Department of Education mula Kinder hanggang Hayskul na ikinasa

noong nakaraang buwan.

Hindi naman maiiwasan ang debatehan sa kongreso at sa Senado pati na

rin sa mga eskwelahan tungkol ditto.

Ang rason sa pagpapatupad ng panukalang ito ay wala nang oras ang mga

estudyante sa kanilang pamilya pero maraming guro ang tumututol.

Christian Soriano, nagbabalita para sa DWIBN, Radyo Ngayon.

INSERT SOUND BYTES

MSC FADES IN THEN FADES UNDER

ANCR 2:

Maraming Salamat Christian.

MSC FADES IN THEN FADES UNDER

ANCR 1:
Page 7 of 9

Dumako naman tayo sa balitang pampalakasan, Angola pinataob ang

Gilas sa isang Overtime.

Para sa kabuuang detalye pasok Tristan.

MSC FADES IN THEN FADES UNDER

RPRTR 3:

Ibinuhos ng Gilas Pilipinas ang buong pwersa ngunit kapos parin ito

para lasapin ang dikit na 81-84 na overtime loss sa Angola kahapon

na ginaganap sa Foshan International Sports and Cultural Arena

Foshan, China.

Nasayang ang pinaghirapang 23 puntos at 12 boards ni naturalized

player Andray Blatche. Pagkakataon na sana ng Gilas Pilipinas na

makuha ang panalo ngunit nagmintis si CJ Perez sa kanyang long

three point attempt dahilan para mauwi sa overtime ang laban.

Ito pong muli si Tristan Quilala para sa DWIBN, Radyo Ngayon.

MSC FADES IN THEN FADES UNDER

ANCR 1:

Maraming salamat Tristan. Sa balitang Showbiz naman tayo.


Page 8 of 9

ANCR 2:

Pelikulang “Hello Love, Goodbye” binigyang parangal. Para liwanagin

iyan, pasok chikadorang Jed! Jed! Jed!

MSC FADES IN THEN FADES UNDER

RPRTR 4:

“Highest Grossing Filipino Film of all time” ang tawag ngayon sa

pelikulang “Hello Love, Goodbye”, na kumita ng halos 900 milyon, na

binigyang direksyon ni Cathy Garcia-Molina na pinagbibidahan ni

Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ang makasaysayang tagumpay ng “Hello Love, Goodbye” and nagbigay

ng tawag kay Kathryn na ang “box-office Queen at kay Cathy-Carcia

Molina na “The Blockbuster Director”.

Ito pong muli ang iyong chikadorang Jed! Jed! Jed! para sa mundo ng

Showbiz!

MSC FADES IN THEN FADES UNDER

ANCR 2:
Page 9 of 9

Maraming Salamat chikadorang Jed! Jed! Jed!

ANCR :

Natapos na naman po ang limang minutong pagbabalita.

ANCR 1/2:

Iyan po ang mga pinakasariwa at nagbabagang balita na itinatampok sa

araw na ito.

Ito pong muli si Diana Gorospe at Charlon Viloria para sa DWIBN, Radyo

Ngayon.

MSC FADES IN THEN FADES UNDER

Animnapu’t tatlong araw na lang at pasko na! Muli magandang gabi!

MSC FADES IN THEN FADES OUT

###

You might also like