You are on page 1of 3

Manunulat

Ricardo Lee ... (story and screenplay) and


Raymond Lee ... (story and screenplay)

Direktor
Rory Quintos

Prodyuser
Wan Allen ... unit producer: Salon Films
Trina N. Dayrit ... producer
Malou N. Santos ... executive producer
Charo Santos-Concio ... executive producer

PAMAGAT:
ANAK (Direksiyon ni Rory B. Quintos)

Pangunahing Artista

 Vilma Santos bilang Josie (ina at OFW na nagtatrabaho sa Hong


Kong)
 Claudine Barretto bilangCarla (Panganay na anak ni Josie)
 Joel Torre bilang Rudy (Asawa ni Josie)
 Baron Geisler bilang Michael (Pangalawang anak ni Josie)
 Amy Austria bilang Lyn (Natalik na kaibigan ni Josie at OFW sa Hong
Kong)
 Cherry Pie Picache bilang Mercy (Natalik na kaibigan ni Josie at
OFW sa Hong Kong)
 Sheila Mae Alvero bilang Daday (Bunsong anak ni Josie)
 Leandro Muñoz bilang Brian (Kasintahan ni Carla)
 Tess Dumpit bilang Norma
 Cris Michelena bilang Arnel
 Hazel Ann Mendoza bilangYoung Carla
 Daniel Morial bilang Young Michael
 Gino Paul Guzman bilang Don Don
 Jodi Sta. Maria bilang Bernadette
 Odette Khan Mrs. Madrid

Taon ng Pagpapalabas

2000
Anak

Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na


nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic worker. Ginawa niya ito upang
makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang
pangangailangan. Binangggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan ng
magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo
sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang
pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.
Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa
pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hong Kong at siya ay
magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang
matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang
bunso, ay hindi siya kilala, si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at walang
kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man lang siya ginagalang at
iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man
lamang ang atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala
niya ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni
Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng
rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang
kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa
namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, nabangga pa ang taksing
pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito
ang perang ibabahagi sana niya.
Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang
masamang ehemplo katulad ng anak niyang si Carla. Ang kanyang paglaki
ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para
magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang
pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At
mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at
nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang
gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.
Base sa aking reaksyon sa pinanood na palabas, ang puso ko ay
naantig at naging emosyonal sa mga piling pagkakataon. Ang bawat
pangyayari ay kaabang-abang sapagkat ang pelikula ay kakaiba sa paraan
ng pagkakalahad ng kwento bagama't ang kabuuang kwento ay
pangkaraniwan, hindi mo masasabi kung ano ang susunod na mangyayari.
Malalim ang istorya sapagkat hindi ito pangkaraniwan lamang na
may mag-aaway at magbabati. Ipinapakita ng kwento ang detalyado at
eksaktong mga pangyayari kung bakit nagkaganoon ang kanilang pamilya.
Hindi paligoy-ligoy ang istorya sapagkat fokus nito ang mga pangyayari kung
bakit kinamumuhian siya ng kanyang anak na si Carla. Ang pangunahing
tauhan na ginampanan ni Vilma Santos ay nagpapakita ng katapangan sa
pagharap niya sa suliranin- ang paglayo ng loob ng kanyang anak sakanya.
Hindi niya tinakbuhan bagkus ay hinarap niya ito ng buong lakas. Bagama't
may mga pagkakataon na mahuhulaan mo ang susunod na pangyayari, mas
marami parin ang kaganapan na hindi mo mahuhulaan ang susunod.
Ang wakas ng kwento ay masaya sapagkat nagkaayos ang mag-ina
at nagsimula ng bagong buhay ang mga tauhan bilang isang buopng
pamilya.

You might also like