You are on page 1of 15

Walang Sugat

Dulang akda ni Severino Reyes


Ibinatay sa Pahanon ng Rebolusyon ng 1896,
ang dulang Walang Sugat ay unang naipalabas sa
‘Teatro Libertad’ noong 1902. Tungkol ito sa
kawalan ng hustisyang tinamasa ng mga Pilipino
noong panahon ng mga Kastila. Ang mga temang
gamit nito ay pagmamahalan sa gitna ng digmaan,
sakripisyo, pagkawalay, at kontradiksyon ng
indibidwal sa pamilya. Isinulat ito ni Severino Reyes
upang ipakita sa lahat ang kanyang pahayag laban
sa imperyalismo. Ang orihinal na musikang kasama
nito ay nagmula kay Fulgencio Tolentino.
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene I)
Dumating si Tenyong sa bahay ng kasintahan
niyang si Julia. Inabutan niyang nagbuburda si Julia
ng isang panyo. Ayaw ni Julia ipakita kay Tenyong
ang kanyang gawa. Nakita ni Tenyong na ang
panyo ay may mga letra ng kanyang pangalan
(Antonio Narcisso Flores) ngunit sabi ni Julia ay
para raw ito sa Prayle (Among Na Frayle). Nagalit
tuloy si Tenyong at gustong sunigin ang panyo.
Sinabi ni Julia na para nga kay Tenyong ang panyo
at sila’y nagsumpaan na ikakasal sa altar.
Biglang dumating si Lucas/Lukas, isang alalay
ni Tenyong, na nagsabing inaresto ang ama ni
Tenyong at ilan pang kalalakihan ng mga Guardia
Civil sa pag-aakalang sila ay mga rebelde.
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene II)

Ang mga pamilya at kaibigan ng


mga inaresto ay naghandang bumisita at
magbigay ng pagkain sa kulungan.
Sumakay sila sa tren papunta ng
kapitolyo.
Inutusan ng mga Kastilang frayle si
Kapitan Luis Marcelo na paluin at saktan
pa ang mga nakakulong kahit na
mayroon ng namatay at nag aagaw-
buhay na si Kapitan Inggo, ang tatay ni
Tenyong.
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene III )
Sinabi ng punong-frayle na papakawalan na
si Kapitan Inggo sa kanyang asawa. Sinabi rin
niyang pupunta siya sa Maynila upang sabihin sa
Gobernador-Heneral na pakawalan na ang iba
pang mga inaresto. Ngunit iba ang plano sabihin
ng prayle pagdating duon. Ipapapatay niya ang
mga mayayaman at edukadong Pilipino.
Nakapiling ni Kapitan Inggo ang kanyang
pamilya at mga kaibigan bago siya mamatay.
Pagkamatay nito, sinumpa ni Tenyong na
maghiganti!
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene IV)

Pinili ni Tenyong na sumali sa


mga rebelde kahit anong-pilit ni Julia
na tigilan ito. Sa huli, pumayag si
Julia at ibinigay kay Tenyong ang
kanyang medalyon/agimat.
Nagsumpaan muli sila na mamahalin
ang isa’t-isa habang-buhay.
Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene I )

Sinabi ng ina ni Julia na ikakasal


ito kay Miguel, isang mayamang
illustrado. Inayawan ito ni Julia. Hindi
alam ng kanyang ina na hinihintay
niya ang pagbabalik ni Tenyong. Sa
kabilang banda, nagsimulang
magkarelasyon ang mga alalay nina
Julia at Tenyong na sina Monica at
Lucas/Lukas.
Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene II/III )

Sumunod na linggo, dumating sina


Miguel, ang kanyang ama, at isang pari
sa bahay nina Julia upang ayusin ang
pag-iisang-dibdib nina Miguel at Julia.
Kabado si Miguel at hindi masabi ng
tama ang kanyang panliligaw kay Julia.
Naiba ang usapin ng kasalan nang
naging pagrereklamo ito ng pari sa
lumalaking problema tungkol sa mga
Pilipinong hindi na nagsisimba.
Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene III )

Sa kuta ng mga katipunero,


biglang dumating si Lucas/Lukas na
may bitbit na sulat para kay Tenyong
na galing kay Julia. Nalaman ni
Tenyong na namatay na ang kanyang
ina at ikakasal na si Julia kay Miguel.
Balisa at malungkot sa nabasa,
humingi siya ng tulong sa kaniyang
heneral. Umatake ang mga Kastila at
nagsimula ang labanan.
Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III - Scene I)

Bumalik si Lukas kay Julia na


walang nakuhang sagot mula kay
Tenyong. Bumisita muli si Miguel kay
Julia at nagsabing magiging engrande
ang kanilang kasalan. Nagkunwari si
Julia na masakit ang ulo upang
iwasan si Miguel.
Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III – Scene II / III)

Dumating na ang nakatakdang araw ng kasal at


napilitan na rin si Julia na pumayag, sa pag-akalang patay na
si Tenyong at sa kagustuhang hindi mapahiya ang kanyang
ina. Engrandeng selebrasyon ang magaganap at nakatipon
ang buong bayan. Pero bago mairaos ang seremonya,
dumating si Lucas na may balitang nakita na si Tenyong pero
agaw-buhay itong nakaratay sa karte. Dinala si Tenyong sa
pinagdausan ng kasal ni Julia. Sa muling pagtatagpo ng
magkasintahang sawi, hiniling ni Tenyong sa pari na, yaman
din lamang na mamamatay na siya, ikasal na sila ni Julia. Sa
pagkamatay daw ni Tenyong, maaari nang pakasalan ni Julia
si Miguel. Dahil mukhang matutuluyan na nga si Tenyong,
pumayag na rin si Miguel sa kakaibang huling hiling ni
Tenyong. Kinasal si Tenyong at Julia ng paring Kastila.
Matapos ang seremonya ng kasal, biglang tumayo si
Tenyong, at lahat ay napamanghang sumigaw; “Walang
sugat! Walang sugat!”.

You might also like