You are on page 1of 2

Fuertes, Chelsea Ysabelle M.

LF – 103

POSISYONG PAPEL

Bilang mag- aaral sa mataas na antas, pinahahalagahan ko bilang isang estudyante,


indibidwal lalong lalo na bilang Pilipino ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ukol sa ating
pambansang wika, ang Wikang Filipino. Kumakalat man ang mga balita ng pagtanggal ng
asignatura sa kolehiyo, may mga unibersidad pa din na pinapahalagahan ang wikang kinagisnan,
ang Wikang Filipino.

Ayon sa pahayag ng Departamento ng Filipino sa De La Salle University – Manila, kahit


na tinanggal ang asignatura sa kolehiyo, ay dapat padding mag gunita ng Buwan ng Wika at
magsagawa ng iba’t ibang aktibidad o programa na magbibigay dagdag kaalaman sa mga
estudyante sa unibersidad. Ang Wikang Filipino ang naguugnay sa mga estudyante ng
Pamantasan at sa mga ordinaryong indibidwal. Dagdag pa nila, ang pagkakaroon ng abilidad na
makipagtalastasan sa Wikang Filipino ay malaking ambag sainter/multidisiplinaring disenyo.
Ilan lamang ito sa mga isinalaysay kung bakit importante na malaman at maunwaan natin ang
pagsalita ng Wikang Filipino.

Hindi lamang ang Pamantasan ang maapektuhan ng CHED Memorandum Order 20 kundi
narin lahat ng Pamantasan sa bansa. Sa kabutihang palad, maraming Pamantasan ang pagtuloy na
nagsusulong ng adbokasyong ipagpatuloy ang asignatura sa mataas na antas ng edukasyon.

Ayon sa artikulo XIV Seksyon 6-8 ng Konstitusyon ng bansa, ang Pambansang Wika ng
Pilipinas ay Filipino at sa pagtagal ng panahon, ito ay pauusbungin at payayamanin. Gumagawa
ng hakbang ang gobyerno upang maging opisyal na wikang pakikipagtalastasan ang Wikang
Filipino. Mayroon ding Lenguaheng Rehiyonal na ginagamit bilang opisyal na lenguahe sa mga
rehiyon sa ating bansa. Nakasaad din sa konstitusyon na maaring isalin sa ibang lenguahe tulad
ng Arabic at Spanish.
Sumasangayon ako na dapat pagyamanin lalo ang ating Wikang Pambansa sa tulong ng
gobyerno, sa gayon mas magkakaunawaan ang mga tao sa buong Pilipinas na kahit na may iba’t
ibang wika silang sinasalita tulad ng Waray, Tagalog at Sebwano, ay may pangunahing lenguahe
na maaring gamitin para sa mas mabuting pakikipagugnayan. Sino mang presidente ng ating
bansa ay dapat may mga programa na isasagawa upang mas magkaroon ng kaalaman ng mga
Pilipino hindi lamang sa wika pati narin ang tradisyon at kultura.

Sa aking palagay, maganda ang intension na ibinahagi ng Departamento ng Filipino sa


DLSU. Napakaimportante na ipagpatuloy ang pagaaral ng Wikang Filipino sa kolehiyo. Isa itong
hakbang para mas maunawaan natin ang ating Pambansang Wika. Para sa akin,
napakaimportante na nauunawaan at nakakapagsalita ka ng Pambansang Wika sa isang bansa.
Oo, importante ang lenguaheng Ingles lalo na sa propesyonal na usapin ngunit buksan natin ang
ating isipan na hindi lahat ng mamamayan sa bansa ay nakakaunawa ng lenguaheng ingles. Sabi
sa pahayag, ang Wikang Filipino ang naguunay sa mga tao sa isang Pamantasan at sa
ordinaryong tao. Sa ganitong paraan, sila ay magkakaintindihan at maaring magkaroon ng
matatag na samahan. Bilang isang mag – aaral na pangarap magtrabaho sa embahada o di kaya
sa mga NGOs, napakaimportante ng pagkakaroon ng kaalaman sa sarili mong kultura, lalo na
ang wika. Bago pa man natin kilalanin ang kultura at tradisyon ng ibang bansa na ating
makasalamuha o mapuntahan, mas mahalaga pa din na may sapat kang kaalaman sa kultura at
tradisyon ng iyong sariling bansa. Ikinagagalak ko na ang mga Pamantasan sa bansa ay pilit na
gumagawa ng paraan upang maibalik ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Malaking tulog ito
lalo na ang mga kabataan sa ngayong panahon ay mas nauunawaan pa ang ibang lenguahe kaysa
sa kanilang pambansang wika. Hindi pa huli ang lahat upang imulat ang kanilang pagiisip na
napakahalaga na malaman nila ang tamang paraan ng pakikipagtalastasan sa Wikang Filipino
lalo na ang wika ay isa sa mga bagay na napagiisa natin ang ating bansa.

You might also like