You are on page 1of 2

INTRODUKSYON

Ang sekswal na edukasyon ay isang mahalagang estratehiya para sa pagtataguyod ng mahusay na


kaalaman sa pagpapasiya ng sekswal na desisyon at pumipigil sa mga di-sinasadyang pagbubuntis at mga
impeksiyon na nakukuha sa mga aktong sekswal. Ang sekswal na edukasyon ay tungkol sa pagpapagana ng
mga estudyante na maunawaan ang mga pagbabagong pisyolohikal, panlipunan at emosyonal na kanilang
nararanasan habang sila ay nagdadalaga at nag bibinata, bumuo ng malusog at kapaki-pakinabang na mga
relasyon kasama ang mga may kasarian, at gumawa ng matalino at responsableng mga desisyon sa
naturang mga usapin. Ang mga kabataan ay maagang matuturuan tungkol sa responsableng pagdala ng
sekswalidad mula pa lang sa sekundaryong lebel ng paaralan, bagama't maraming mga humahadlang sa
implementasyon nito sa buong bansa.

Ang pag implementa ng sex education sa mga paaralan ay binibigyan ng lumalaking kahalagahan
dahil ito ay unti-unting mas kinikilalang importanteng paraan upang ipaalam sa mga mag-aaral ang tungkol
sa mga isyu na may kaugnayan sa sex at sekswal na kalusugan. Ito ay kinakailangan para sa mga lipunan na
ang mga tao ay may sapat na kaalaman tungkol sa sex, mga sekswal na gawi, kasama na rin ang sekswal na
pang-aabuso at mga sexually transmitted diseases (STIs).

Ang mga programang pang-edukasyon na humaharap sa sex education ay maaring mag-udyok sa


mga kabataan na gumamit ng proteksyon, at mas maging responsable sa kahit anumang akto o usaping
sekswal. Tinatayang 34 na porsyento ng mga lalaki at babae na naitalang nahawaan ng Human
Immunodeficiency Virus o HIV ay nasa edad na 12 hanggang 19 na taon. Gayumpaman, kahit halos katlo ng
bilang ng may HIV ay nahuhulog sa demogapriko ng mga sekundaryang mag-aaral, may lubos na kakulangan
pa rin ang pag implementa ng sex education sa kanilang curriculum sa buong bansa.

PAGLALAHAD NG SULIRINAN

Ayon sa datos ng United Nations Programme for HIV/AIDS o UNAIDS, ang Pilipinas ang may
pinakamataas na pag akyat ng bilang ng nahawaan ng HIV sa buong Asya-Pasipiko na nasa 140 pursyento
ang paglobo mula taong 2010 hanggang 2016. Ang karamihan sa mga bagong naitalang kaso ng HIV ay
nahuhulog sa demograpikong 15 hanggang 24 taong gulang, ngunit 35 pursyento lamang sa
demograpikong ito ang may sapat na kaalaman tungkol sa pagkakahawa at tamang prebensyon ng
HIV/AIDS.

Alinsunod naman dito, habang karamihan ng mga ibang bansa ay nakakaranas ng pagbaba ng bilang
ng maagang pagbubuntis (kabilang dito ang demograpikong 12 hanggang 19 na taong gulang), ang Pilipinas
ay dumaranas ng pagtaas ng bilang na ito. Ayon sa mga datos, nasa mga 500 ang bagong kaso ng
pagpapanganak ng menor-de-edad ang naitatala araw-araw, o mahigit kumulang 182,500 na kaso bawat
taon.

Naipanukala na sana noong taong 2012 ang Comprehensive Reproductive Health Law, ngunit
limang taong makalipas ay muli na namang nahirapang maipatupad ang batas dahil sa malakas na oposisyon
mula sa simbahang Katoliko at mga grupong konserbatibo na hinadlangan ito sa Korte Suprema.
LAYUNIN NG PAG-AARAL:

Upang matulungan ang mga mag-aaral na gumawa ng matatalino at responsable na desisyon sa


pamamagitan ng pagkakaloob ng tumpak, kasalukuyan, at angkop na kaalaman sa edad ng sekswalidad ng
tao at ang mga kahihinatnan ng sekswal na mga akto; at, tukuyin ang dahilan ng suliranin ng pagpapatupad
ng sex education sa buong bansa.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL:

Ang pananaliksik na ito ay humaharap sa kasalukuyang epidemya ng paglobo ng may HIV/AIDS sa


murang edad at ang problema ng maagang pagbubuntis, at upang talakayin ang kakulangan ng aksyon at
implementasyon sa harap ng problemang dulot ng kakulangan nito.

You might also like