You are on page 1of 1

LIHAM PA-ANYAYA

House No.2314, Kayamanan St.


Bagong Banlay, Lungsod ng Quezon
Ika-9 ng Disyembre, 2017

Mahal kong Pinsan,

Kamusta ka na diyan? Balita ko wala nang balita sayo ha? (Biro lang! hahaha) Lumipat
na pala kayo ng tirahan diyan sa Ilocos Norte? Dito sa lungsod napakaingay. Gusto ko nang
umuwi ng probinsya pero sa hirap ng buhay, kailangan ni Tatay Oliver na magtrabaho ng Taxi
Driver para mapakain niya kami at mapagtapos ng kolehiyo. Oo nga pala, muntik ko ng
makalimutan. Sabi ni Nanay na Christmas program namin dito sa barangay at ang iyong tatay
Tobby ang pangunahing tagapagsalita. Nalaman ko din kay Nanay mo na ang Christmas
vacation niyo ay magsisimula sa December 14. Kung ayos lang sa inyo, inaanyayahan namin
ang pamilya nyo sa aming bahay dito sa lungsod para magkasama nating ipagdiriwang ang
pasko. Hihintayin namin kayo ni Tatay Oliver sa pasko!

Ang iyong pinsan,

Jemelle D. Fernandez

You might also like