You are on page 1of 5

WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON

Ng mga taong mag-aaral ng Senior High School

Isang pananaliksiik na Iniharap kay Gng.Ronilyn T.Clemenia sa

Asignaturang sa Filipino sa AMA Computer College Mabolo, Cebu, City

Ang mananaliksik:

JD Jarren Paner

October 15, 2019


PANIMULA

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga

mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ang

sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa

pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi

lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan.

Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago.

Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng

ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o

ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita.

Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga arkayk na salita, sa pamamagitan nito

pinapalitan ng mga makabagong salita ang mga salita na ginagamit noong unang panahon upang

mas madaling gamitin at mas magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon

ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na

karaniwang ginagamit ng mga kabataan at mga bakla.

Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng bokabularyo na

nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at ekonomiya.


Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipakita ang pananaw ng mga mag-aaral ng AMA

Computer College Mabolo, Cebu, City sa patuloy na pag-unlad ng wika sa paglipas ng panahon. At

sila ay tinanong ng mga sumusunod na katanungan:

1.Sang ayon ka ba na umunlad ang wikang Filipino?

2.Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga salik na nakakaapekto sa pag unlad ng wikang

Filipino?

3.Mahalaga ba ang pag-unlad ng wika?

4.Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan?

5.Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa pag-unlad ng wika?

6.Nakaaapekto ba ang pag-unlad ng wikang filipino sa kasalukuyan?

7.Nakakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng ating wika?

8.Dapat na bang kalimutan ang lumang salita na ating minana mula sa ating wika?

9.Bilang mag-aaral, may maitutulong kaba sa pag-unlad ng wika?

10.Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating pamumuhay?


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang

ginagamit sa pakikipakomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat

mamamayan. Ito ay talang napakahalaga dahil kung wala ito ang ekonomiya ay hindi lalago o

uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Kaya ang pag-aaral na ito ay

magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:

1. Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang kanilang

malaman kung paano umuunlad ang wika at ang mga tamang paraan o salita na kanilang

kailangang gamitin na makakatulong din sa pagtatagumpay ng kanilang pag-aaral.

2. Sa mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman ukol sa

kahalagahan ng wika at kung paano ito makakatulong sa pag-unlad ng bayan.

3. Sa mga susunod pang henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay ay maaari nilang balikan at

ito ay magbibigay sa kanila ng ideya tungkol sa wika sa sinaunang panahon at kung paano ito

nagbago.
Konklusyon
Ayon sa lagom ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay nakita.

1. Mas malinaw na Komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan

pang mas mapa-unlad ang wikang Filipino.

2. Mas maaapektuhan ang Ekonomiya sa pag-unlad sa ating wika.

3. Karamihan sa mga 20 respondente ay naniniwala na teknolohiya ang pinakaunang

factor sa pagbabago ng wika, sa pag-unlad ng panahon kasabay din ng pag-unlad

ng wika.

You might also like