Professional Documents
Culture Documents
Would You Rather
Would You Rather
By: 11 HUMSS F
Characters
Percieval Serrano
Victoria Pascua
Emiliana Miranda
VICTORIA: Oo... (Itinaas ang kamay at ipinakita ang singsing) kuhang kuha mo talaga ang gusto ko! (At
muling tumingin kay Percieval)
PERCIEVAL: Parang ikaw...(Kinuha ang kamay ni Victoria) Hindi sobra, hindi kulang. Sakto lang... Pero hindi
nakakasawa.
VICTORIA: (Nangiti at binawi ang kamay) Hmm hindi. Kahit kailan hindi. Sino bang mag-aakala na ilang
linggo na lang? (Humigop ng kape)
PERCIEVAL: Kahit ako... Para hindi ko napansin (ngumiti)... At tuluyan na nga talaga kitang maiuuwi.
(Hinawakan ang kamay ni Victoria at idinampi ang labi doon) Handang handa na ako...
END OF SCENE 1
SCENE 2
VICTORIA: Medyo. (Yumuko) Hindi mo maiaalis sa akin iyan lalo na at politika ang pinasok mo. Kahit na
anong tanggi, marumi ang laro ng iba.
PERCIEVAL: (Hinawakan ang kamay ni Victoria na nakapatong sa lamesa) Iingatan ko naman ang sarili ko.
(Ngumiti kay Victoria)
VICTORIA: Dapat lang Percieval. Hindi ko gustong magpakasal sa bangkay, at wala akong balak...
PERCIEVAL: (Natawa) Hindi ko hahayaang mangyari yon. (Hinawakan ng dalawang kamay ang hawak
niyang kamay ni Victoria) Bukas, hihingin ko ang suporta ni Governor Santiago. Bibisita ko sa bahay nila.
SCENE 3
PERCIEVAL: Kape na lang. Ayaw ng Ex Governor ang late, at ayaw ko rin namang magkaroon ng lamat sa
kanya. (nahihirapan sa tie, nakaharap sa salamin)
VICTORIA: (Lalapit kay Percieval) Ako na. (aayusin yung tie) Paano na lang kung wala ako? Paano ka
magiging pinakagwapong Governor niyan? (titignan si Percieval sa mata. Magkakatinginan tapos
magngingitian)
PERCIEVAL: (sips coffee) Mmm sarap! sige, babawi nalang ako mamaya. Hintayin mo ako ha?
PERCIEVAL: At alam ko rin naman na hindi... (Paalis na ng kusina nang may maalala) Siya nga pala,
VICTORIA...
VICTORIA: Bakit?
End of scene 3