You are on page 1of 1

“KABATAAN, SAAN ANG TUNGO MO?

Ako’y nagtataka, sa ibang tulad ko;


mga kabataang, naiiba ang mundo.
Bakit yata iba ang kanilang tinutungo;
sa daan di dapat, sila’y tumatakbo.
Kabataan, saan ang tungo mo?
Nalalaman mo ba ang iyong tinatakbo?
Mali ba ito, at tama ba iyan?
Sana ay malaman, mga kasagutan.
Ikaw ay mabisyo, alak, sigarilyo;
droga, marijuana, yan ang hilig mo.
Masasamang barkada, ang mga kasama mo;
masasama ang ugali, at laging nasa gulo.
Sa araw-araw, ikaw ay nakikita;
kasakasama mo, ang iyong barkada.
Laging nag-aabang, doon sa may kanto;
nanghihingi ng kotong, sa nagdaraang tao.
Kaya naisip kong ako ay mapalad;
dahil nasa tama, ang daan kong tinahak.
Salamat sa Diyos, at ako’y namulat;
sa tunay na daan at karapat-dapat.
Kaya kabataan, saan ang tungo mo?
Nalalaman mo ba ang iyong tinatakbo?
Sana ay maisip, kay sarap mabuhay;
may saya, may ngiti at laging makulay.

You might also like