Professional Documents
Culture Documents
Assignment Sa Ap
Assignment Sa Ap
Molina
Mga karapatang legal o mga karapatang ibinibigay ng mga nasyon sa mga nasa
loob ng kanilang hurisdiksiyon; minsan silang tinatawag na karapatang sibil sa mga
hurisdiksiyon ng karaniwang batas. Kaiba ito sa mga karapatang likas o natural
o karapatang pangtao, na itinuturing ng maraming mga iskolar o dalubhasa bilang
na pinanghahawakan ng mga tao dahil likas nang maipanganak sila.
Ang mga karapatang sibil, sa mga hurisdiksiyon ng sibil na batas, ay mga
karapatan o mga kapangyarihan maisasagawa sa ilalim ng batas na sibil, na
kinabibilangan ng mga bagay na tulad ng kakayahan sa pakikipagkasundo o
pakikipagkontrata. Sa mga hurisdiksiyon ng batas na sibil, ang mga
pagdedemanda o mga demandahan sa pagitan ng pribadong mga partido para
sa mga bagay na katulad ng hindi pagtupad sa kontrata o sinasadyang kamalian
o pananakit ay kalimitang ipinadarama sa pamamagitan ng mga termino ng
paglabag sa isang karapatang sibil.
Ang kilusang pangkarapatang sibil, isang kalipunan ng pambuong-mundong mga
kampanya para sa pagkakapantay-pantay o ekuwalidad sa harap ng batas.
Karapatan