You are on page 1of 1

Ma. Christina D.

Molina

Ang mga karapatang sibil at pampolitika ay isang uri ng mga karapatan at


mga kalayaan na nagsasanggalang o nabibigay ng proteksiyon sa
mga indibiduwal mula sa hindi kinakailangang kilos ng pamahalaan at nagbibigay
katiyakan o kaseguruhan sa kakayanan ng isang taong makiiisa sa buhay sibil at
pampolitika ng estado na walang diskriminasyon o paniniil. Kabilang din dito ang
paniniguro sa pagkakaroon ng proteksiyon ng tao ukol sa kanyang pisikal na
integridad, pagiging patas sa pagpapatupad ng proseso ng batas; proteksiyon mula
sa diskriminasyon batay sa kasarian, relihiyon, lahi, oryentasyong seksuwal; kabilang pa
rin ang kalayaang pampananampalatay o pananalig ng isang tao, sa
pagpapahayag ng mga pananalita, ng pakikiisa sa ibang tao, kalayaan sa
pamamahayag; at partisipasyong pampolitika.
Sa ibang mga pakahulugan, maaaring tumukoy din ang karapatang sibil sa ilang iba't
ibang mga bagay-bagay:

 Mga karapatang legal o mga karapatang ibinibigay ng mga nasyon sa mga nasa
loob ng kanilang hurisdiksiyon; minsan silang tinatawag na karapatang sibil sa mga
hurisdiksiyon ng karaniwang batas. Kaiba ito sa mga karapatang likas o natural
o karapatang pangtao, na itinuturing ng maraming mga iskolar o dalubhasa bilang
na pinanghahawakan ng mga tao dahil likas nang maipanganak sila.
 Ang mga karapatang sibil, sa mga hurisdiksiyon ng sibil na batas, ay mga
karapatan o mga kapangyarihan maisasagawa sa ilalim ng batas na sibil, na
kinabibilangan ng mga bagay na tulad ng kakayahan sa pakikipagkasundo o
pakikipagkontrata. Sa mga hurisdiksiyon ng batas na sibil, ang mga
pagdedemanda o mga demandahan sa pagitan ng pribadong mga partido para
sa mga bagay na katulad ng hindi pagtupad sa kontrata o sinasadyang kamalian
o pananakit ay kalimitang ipinadarama sa pamamagitan ng mga termino ng
paglabag sa isang karapatang sibil.
 Ang kilusang pangkarapatang sibil, isang kalipunan ng pambuong-mundong mga
kampanya para sa pagkakapantay-pantay o ekuwalidad sa harap ng batas.

Karapatan

Ang karapatan ay ang kakayahan ng isang indibiduwal sa isang bansa na gumawa


ng bagay ng may kalayaan. At bawat isa ay nararapat na magtaglay nito at dapat
igalang. Nangangahulugan din ito ng mga bagay o gawaing ipinagkaloob sa isang
tao na maaari niyang gawin habang siya ay nabubuhay. Halimbawa ng karapatan ay
ang karapatan ng isang indibiduwal na bumuto sa panahon ng eleksyon.

You might also like