You are on page 1of 2

MODYUL 2:

Lipunang Pampolitika,Prinsipyo ng Subsidiarity At


Prinsipyo ng Solidarity.

*Prinsipyo ng Subsidiarity(PAGTUTULUNGAN)
-Makakatulong sa pag-unlad ng mamamayan at pamahalaan sa pamamagitan ng
pagtutulungan.

*Prinsipyo ng Solidarity(PAGKAKAISA)
-ay tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at pamahalaan ang magtayo
ng mga akmang estraktura upang makapagtulungan ang mga mamamayan.

*KULTURA
-Ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan.Ito ang mga
tradisyon,nakasanayan,ang pamamaraan ng pagpapasya at pamahiin.

LIPUNANG POLITIKAL
-Ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro ang bawat isa ay
malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay,makamit ang pansariling mithiin
sabay ang kabutihang panlahat.

-Ang pamahalaan ang magpapatupad ng batas upang matiyak ang kaligtasan at


mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa loob ng bansa na kailangan sa pagiging
produktibo ng lipunan.Ang pamamahala ay kaloob ng tao sa kapwa nila tao.

*Sino nga ba ang Boss?

-Kapwa boss ang pangulo at mamamayan,hawig sa barkadahan ang isang


pamayanan.Tulad ng isang barkada:,may bibo at hindi aktibo,ngunit kapwa sila
mag-uugnayan.Ang modelo ay ang relasyon ng magbabarkada.Walang “Boss”
sa barkada.

-“ BOSS” ng bayan ang pinuno at magtitiwala ang bayan sa pinuno dahil higit na
dakia ang pinuno sa kasaysayan at kabutihang panlahat.“BOSS” rin ang pinuno ng
taumbayan.Walang gagawin ang pinuno kundi ingatan,payabungin,at paunlarin ang
mga karapatan at kalayaan ng mga tao sa bayan.

You might also like