You are on page 1of 390

Twinkle Twinkle 2:

Bagong Delubyo

Author: Paul Diaz


Website: http://paulito-maligno.blogspot.com/
Prologue

Nanumbalik ang kapayapaan at


katahimikan sa kaharian ng
Plurklandia. Gamit ang salamangka
mabilis naipatayo ang bagong palasyo
ni Reyna Nella. Mga mamamayan ay
nagsasaya, mga puno at halaman nanumbalik
sa masigla nilang anyo at
bumalik narin ang mga hayop sa
kapaligiran. Isang lingo na ang nakalipas mula
nung bumagsak yung kometa, mga
natirang disipulo nagtipon sa
kinalalagyan ng dating palasyo at
nagbigay pugay sa namayapa nilang
punong disipulo. “Virgous! Wag kang galaw ng
galaw
kasi! Di pantay tuloy ang pagkaluto ng
letson!” pagalit na sabi ni Sarryno sa
taong apoy. “Hoy wag kang
magrereklamo diyan, kung wala ako
di niyo maluluto to” sagot ni Virgous. “Parang
ang payat ng baboy” pansin
ni Bashito. “Tignan mo naman kasi
sino pumapak sa dugo nito no,
talagang sinimot e” sagot ni Sarryno.
“At least dalawa ang letson niyo”
banat ni Vandolphous. “Shut up duling!” sagot
ni Bashito sabay
nagtawanan ang mga bampira. “Washup?
That pig ish shooo cool
men” biglang sabi ni Tuti na
gegewang gewang palapit sa bonfire.
“Ano nangyari diyan?” tanong ni
Virgous. “Pinainom ni Nyobert ano pa
nga ba? Kesa naman na magsawa tayo sa
kaiiyak niya alam mo naman
close siya kay bossing” sabi ni Mhigito. “Nguti
ngam here meng, ngets ngrink
ngam more!” sigaw ni Nyobert na
bumagsak mula sa itaas ng puno.
“Yesh meng am look fhor mah tit firsh”
sagot ng bungal na bampira at
nagtawanan ang iba. “Tinago niyo nanaman
siguro pustiso
niya no?” bulong ni Sarryno. “Tado,
pag suot niya yon ang takaw niya sa
dugo. Mas maganda nang ganyan
para may matira sa amin. At least
binigyan naming siya ng tsupon niya para
limited blood pare” sagot ni
Louis. “Teka ano ginagawa nung dalawa
don? Si Chado at Bombayno? Bakit
ang layo nila?” tanong ni Virgous.
“Tinuturuan ni Chado si Bombayno
bumulong, alam mo naman ang lakas
lakas ng boses ni Bomby” sabi ni Mhigito.
“Patay tayo pag natutong
sumigaw si Chado, patay tayo lahat!”
banat ni Vandolphous at lalo pa sila
nagtawanan. Samantala sa may kinatitirikan
ng
kometa ay nagpapaligsaan ang
dalawang dwende. “Sabi mo malakas
ka, sige nga buhatin mo nga yang
kometa” hamon ni Darwino. “Tado ka
nakikita mong ang laki laki nito e. At baka
pag matanggal ko makita natin
bangkay ni bossing na pisa” sagot ni
Bobbyno at nagtawanan ang
dalawang dwende. “San na kaya nagpunta si
Ahnica?
Boring tuloy kasi di naman pwede
silipan na ang reyna” tanong ni
Darwino at binatukan siya ni
Bobbyno. “Manyakis ka talaga, tara na
don sa kanila” sabi ng kaibigan niyang dwende.
Nagtipon ang mga disipulo sa paligid
ni Virgous, yung iba nagsimula nang
kumain at pinapak ang letson
samantala ang mga bampira busog na
sa dugo. “Nasan na kaya si Wookie?” tanong
ni
Mhigito. “Nasan na si Ahnica?” tanong
din ni Darwino. “Tayo nalang ang
natira, binigyan naman tayo ng choice
na umalis pero bakit tayo nanatili pa
dito?” tanong ni Chado. “Kasi alam ko pati
kayo
nararamdaman niyo na parang may di
tama at may masamang amoy ang
hangin” sabi ni Virgous at lahat
napatingin kay Nyobert. “Ngoy
wangang nganyangan! Ngalingo ngamang ango”
sabi ng lasing na
kapre at nagtawanan ang grupo. “Tama ka
may kakaiba akong
pakiramdam kamakailan lang. Parang
hindi maganda ang mangyayari” sabi
ni Louis. “Wala na tayong pinuno,
nawala pa si Wookie pero alam ko
kakayanin natin kung ano man yon” sabi ni
Bombayno. “Kung nandito lang sana si
Wookie
para malaman natin kung ano ang
paparating…o kahit man lang si
bossing sana para alam natin ano ang
gagawin natin” biglang drama ni
Bobbyno. “Relash meng, Thuthi ish here”
banat
ng bunging bampira at bigla sila
nagtawanan ulit. Sa di kalayuan ay may
dalawang
nilalang na pinapanood ang mga
disipulo. “Alam ko nalulungkot ka at gusto mo
sila makasama. Magtiis ka lang at
kailangan natin patakbuhin ayon sa
nakasulat ang lahat” sabi ng
matandang lalake. “Sigurado ka ba na
yon ang balak ni Aneth? At bakit ako ang
napili mo?” tanong ng mas
batang lalake. “Matanda na ako para lumaban,
pareho tayong mambabarang kaya sa
iyo ipapasa ang lahat ng alam ko” sabi
ng matanda. “E di ko naman
kakayanin lumaban mag isa e,
kailangan ko ang mga yan” sabi ng binatang
lalake. “Mas magandang ganito at di nila alam
na buhay ka pa. Mas maganda na alam
ni Aneth na sila lang ang natira.
Pasensya na kung kailangan natin sila
isakripisyo pero para sa buong
kaharian ito at buong mundo” sabi ng
matanda. “Ano naman ang laban ko kung
magtagumpay si Aneth na ilabas yon?
Kahit turuan mo ako o palakasin
kailangan pa natin ng mas malakas
pang kasama” reklamo ng binata.
“Kulang ka pa talaga sa training Wookie,
hindi ba nararamdaman ng
mga espiritu ang presensya niya?
Akala ko nararamdaman mo din” sabi
ng matanda. “Ha? Ibig mo sabihin buhay
siya?”
tanong ni Wookie. “Shhhh natutulog
siya…halika ka na umalis namuna
tayo. Pag handa ka na saka natin siya
gigisingin” sabi ng matanda at
napatingin si Wookie sa malaking kometa at
doon lang niya
naramdaman ang malakas na aura
mula sa ilalim ng gumuhong palasyo. “Bossing,
babalik ako….matulog ka
muna”

Chapter 1:
Magkapatid

“Mga anak alagaan niyo siya maigi.


Ituring niyo siyang kapatid” sabi ng
punong diwata sa kanyang dalawang
anak. “Pero ma, malalaman nila na di
siya diwata tulad natin” sabi ng mas
nakakatandang batang diwatang si Aneth.
“Ako na bahala diyan sa bagay
na yan, basta alagaan niyo siya maigi”
sagot ng nanay nila. “Mama, gusto ko din
alagaan yung
isang baby” sabi ng bunsong
diwatang si Monica. “Gabi na, bukas
nalang” sagot ng nanay at
nagsimangot ang bata. Pagkalabas ng
punong diwata ay tumayo si Aneth at tinuro
ang kapatid niya. “Narinig mo
yon, alagaan mo daw maigi yan” sabi
niya. “Ate sabi ni mama tayong dalawa
daw…ugghhhh ate tama naaa” sabi
ng bunso sabay hawak sa leeg niya.
“Wag na wag mo ako susuwayin kung hindi di
lang yan ang matitikman
mo sa akin” banta ng ate niya. Bawat gabi
binibisita ng bunso ang
lalakeng bata na binigay ng mga tala.
Tanging mga tagapangalaga lang sa
bata ang maaring pumasok na
munting barong barong niya pero
dahil bata pa si Monica ay pinapayagan nila
itong makapasok. Ilang buwan ang lumipas
gabi gabing
tumatakas ang bunso para alagaan si
Paulito. Isang gabi habang may
pulong ang mga nilalang, lumabas ng
kweba si Aneth. “Ate saan ka
pupunta? Wala kami kasama dito” sabi ni
Monica. “Wag kang makikialam at
bantayan mo yang ampon!” sigaw ni
Aneth sabay turo sa kapatid niya at
napatalsik itong palayo. Sa ingay nagising si
Ahnica at umiyak
kaya agad siya binuhat ng bunsong
diwata. “Shhhh pasensya na kay ate
ha, ganyan talaga siya kasi mas
malakas siya sa akin” bulong ni
Monica sa bata. Ilang saglit lang tulog na ulit
ang bata,
inayos ni Monica ang higa niya sabay
lumabas ng kweba at nagtungo sa
kubo ni Paulito. Sa mga sandaling yon
sa gubat, dahan dahan naglalakad si
Aneth. Naabot niya ang dulo ng gubat kaya
lumingon siya para tignan kung
may sumunod sa kanya. “Wag kang mag alala
walang
sumunod sa iyo” biglang may
bumulong kaya natakot si Aneth. Mula
sa isang puno may mga nagtipon na
usok at dahan dahan naging isang
tao. “Nadala mo ba ang hinihiling ko?” tanong
ng matandang lalake. Takot
na takot si Aneth na lumapit sa
matanda sabay inabot ang isang
pulang bato. “Eto nga siya, mahusay” sabi ng
matanda sabay naglabas pa siya ng
mga kaparehong bato na ganon.
“Para saan ho ba yan?” tanong ni
Aneth. “Para lumakas ako iha, o siya
pinangako ko na tuturuan kita. Gusto mo
lumakas diba?” tanong ng
matanda at natuwa ang diwata.
“Gusto ko po lumakas, maganda yung
tinuro niyo sa akin. Pero gusto ko pa
lumakas” sagot ni Aneth. “Kaya kita palakasin
sa higit sa
imahinasyon mo pero may kapalit”
sabi ng matanda. “Kinuha ko na po
yung gusto niyo diba? Sabi niyo

tuturuan niyo ako” reklamo ng

diwata. “Oo tuturuan kita, sinasabi ko lang na kung gusto mo makapantay

kapangyarihan ko may kapalit”

paliwanag ng matanda. “Ano naman kapalit po?” tanong ni

Aneth. “Yung asul na bato na laging

suot ng nanay mo” sabi ng matanda at

nagulat ang batang diwata. “Ay di ko

po kaya kunin yon” sagot ni Aneth. “O

siya, tuturuan kita pero kung gusto mo pang humigit sa lakas ko alam mo

na kailangan mo. Isang oras tinuruan ng matanda si

Aneth at aliw na aliw ang diwata.

“Kailangan ko nap o bumalik, bukas

nalang po ulit” sabi ni Aneth. “O sige,

bumalik ka bukas parehong oras”

sagot ng matanda. “Ano po ba pangalan niyo?” tanong ng diwata.

“Sabi ko sa iyo atin atin lang ito diba?”

sumbat ng matanda. “Opo pero gusto

ko lang malaman” hirit ng diwata at

unti unting naglaho na ang matanda. “Fredaaaatoooooriaaaaaa” narinig

niyang bulong pero di naintindihan

ng batang diwata. “Okay lang kung


ayaw mo sabihin, babalik nalang ako

bukas” sabi ni Aneth sabay

tumakbong pabalik sa kweba. Nakita ni Aneth na pabalik na ang

mga pinuno, mabilis siya tumakbo

pero naririnig niya ang iyak ni Ahnica.

Naunahan niya ang nanay niya

makabalik sa kweba at agad binuhat

ang sanggol. “Bakit umiiyak yan?” tanong ng punong diwata. “Mommy di

ko alam ayaw tumigil e” palusot ni

Aneth. “Akin na, teka nasan si

Monica?” tanong ng nanay at mabilis

nag isip ang batang diwata. “Ma lagi siya tumatakas sa gabi

pinupuntahan yung isang sanggol”

sumbong ni Aneth at nagalit ang

nanay niya. Mabilis na pinatawag ang

bunsong diwata at pagkabalik niya sa

kweba ay agad siyang pinagalitan. “Hindi ka na pwede lumapit sa batang

yon! Delikado na baka madulas pa dila

anak! Naintindihan mo ba ako?”

sermon ng nanay at iyak ng iyak ang

bunso. Isang taon ang lumipas, habang

mahimbing ang tulog ng lahat ay

biglang nagising si Monica at

nagsisigaw. Agad siya tumayo pero

hinarang siya ng kapatid niya.


“Monica! Bakit anak?” tanong ng nanay nila. “Si Paulito patay na!” sigaw

ng bata at nagsiiyak. “Palusot niya

lang mommy” sabi ni Aneth pero bigla

siya napatapis ng malayo. Nagliliyab ang mga mata ng bunsong

diwata at puno siya ng galit. Takot na

takot si Aneth at di niya maintindihan

bakit ganon kalakas ang kapatid niya.

“Ikaw pinagbibigyan lang kita ate…

umalis ka sa daanan ko!!!” sigaw ng bunso at pati ang nanay nila hindi

makalapit. Tumakbo si Monica papunta sa

tinitirhan ng sanggol na si Paulito,

lahat ng naninirahan sa gubat ay

nagising sa malakas na

kapangyarihan ng batang diwata.

Ilang sandal lang ay kumalma si Monica nang nakitang buhay pa ang

lalakeng sanggol. Dahil sa hiya ay

bumalik siya sa kwebang mag isa

ngunit agad nagtipon ang mga

punong nilalang. “Yan bunso mo ang papalit sa iyo”

sabi ng punong kapre. Di nagustuhan

ni Aneth ang narinig niya pero sa

takot kumapit ito ng mahigpit sa ina

niya. “Mukha sa kanya nga naipasa

ang kapangyarihan ng lola niya” sagot ng punong diwata. “Kailangan

mo turuan ng maigi ang anak mo


kung hindi baka maimpluwensyahan

pa ng kadiliman yan” sabi ng punong

bampira. “Wag kayong mag alala ako

bahala diyan, akala ko sa panganay ko mapupunta tong asul na bato

ngunit kay Monica pala” sagot ng

punong diwata. “Ipasoot mo na agad sa kanya yan,

para makontrol niya ang

kapangyarihan niya. Ikaw siguro

kaya mo nang kontrolin ang

kapangyarihan mo sa tagal mong suot

yan. Ipasuot mo na sa kanya agad yan at ipaliwanag mo kung gaano

kaimportante ang tanging asul na

batong yan” sabi ng punong

mambabarang. Pabalik sa kweba ay masama ang loob

ni Aneth, “Ma, para saan yang asul na

bato?” tanong nung bata. “Anak,

itong bato ay may kapangyarihan na

puksain ang kahit anong

kapangyarihan. Bilang punong diwata kailangan ko itago ang aking

pagkatao sa iba kaya kailangan ko

isuot ito” paliwanag ng nanay niya. “Hindi ba magpapalakas yan?” tanong

ni Aneth. “Hindi anak, kabaliktaran ito.

Pag suot mo ito mababawasan ang

kapangyarihan mo. Anak tayong mga

diwata ang pinakamakapangyarihan


sa lahat ng mga nilalang dito sa gubat. Pinapasuot ito sa punong diwata para

walang tsansang umabuso. Minsan

noong gera itong bato ang lumigtas

sa lahat nang isuot ito sa kalaban,

nanghina siya kaya madali siyang

natalo” paliwanag ng nanay niya. “Eh ma, madali mo lang naman alisin

yan kung gusto mo diba? O di babalik

na lakas mo” sabi ni Aneth. “Hindi

anak, pag ako ang nag alis nito di

parin babalik ang buong

kapangyarihan ko. May sumpa ang batong ito, ginawa ng mga ninuno

natin. Kaya ang tanging makakapag

alis ng nito at magpapabalik ng

kapangyarihan ko ay ang mga

punong nilalang. Dapat kasama sila

lahat sa pag alis para bumalik kapangyarihan ko” paliwanag ng

punong diwata at napangisi si Aneth. “E ma, pano kung may laban tapos

tinanggal ni Monica yung bato para

gamitin ito sa kalaban? Ibig mo

sabihin hindi ito gagana?” tanong ni

Aneth. “Ibang sitwasyon yon anak,

eto suot ko ito ngayon…eto hawakan mo siya” sabi ng nanay at binigay ang

bato sa bata. “Pareho na tayong

limitado ang kapangyarihan sa

ngayon kahit hawak mo yang bato”


sabi ng punong diwata. “E sabi mo

mga punong nilalang lang pwede mag alis e bakit pati ako limitado na

lakas ko?” tanong ni Aneth at natawa

ang nanay niya. “Anak, kung dinaan sa seremonya

ang pagsuot ng bato, sasanib ang

kapangyarihan nito sa katawan ng

pagsusuotan. Kaya kahit mawala ko

yan nasa katawan ko parin ang

kapangyarihan niyan. Pero diyan sa bato may natitira pa siyang

kapangyarihan kaya pwede pa siyang

magamit, parang sandata din yan.

Kunwari may umatake sa akin bigla

pwede ko isuot yan sa kalaban ko at

hihina siya. Pero pag tinanggal ko yan sa kalaban babalik ang lakas niya.

Naintindihan mo ba?” paliwanag ng

punong diwata at ngumiti si Aneth. “Pano kung nasira ang bato?” hirit ni

Aneth. “Kunwari ngayon sinira mo

yang bato? E di hindi na

manunumbalik ang kapangyarihan

ko. Sa katawan ko na mamalagi ang

kapangyarihan ng asul na bato. Wag kang mag alala mahirap sirain ang

batong yan. Yan ang kinakatakutan

ng mga kalaban natin, habang meron

yang batong yan takot sila gumawa

ng masama laban sa atin” sabi ng


nanay niya at sinoli na ni Aneth sa ina niya ang bato. Kinabukasan naganap ang

seremonya sa pag aalis ng bato sa

punong diwata. Mabilis ito nilipat kay

Monica at di naintindihan ng bunso

kung bakit nangyayari yon. Bandang

hapon ay nagsama ang magkapatid at biglang bumait si Aneth sa kapatid

niya. “Ate bakit parang may kakaibang

kapangyarihan ang nararamdaman

ko sa gubat?” tanong ng bunso.

“Kapangyarihan mo yon” sinungaling

ng ate. “Pero alam mo ate talagang

magaganap yung panaginip ko, papatayin si Paulito ng bampira. Kaya

galit ako sa mga bampira” sabi ng

bunso at natawa si Aneth. “E di wag

na tayo makipaglaro sa mga bampira”

payo niya. “Ate gusto ko lumakas at matuto ng

pano magpabuhay ng patay” sabi ni

Monica. “Alam mo naman na bawal

yon. Mga bruha lang gumagawa

niyan” pagalit na sabi ni Aneth. “E ate

ayaw ko mamatay si Paulito. Alam ko mamatay siya pero bubuhayin ko

siya” pilit ng bunso. “Tumigil ka nga,

bawal yon. Isusmbong kita kay

mommy. Itim na kapangyarihan na

yan at di yan pwede!” sermon ng ate


niya. Nung gabing yon sa dulo ng gubat

galit na galit si Aneth. “Gusto ko

lumakas pa, kukunin ko yung bato

pero mahahalata nila pag wala yon”

sabi niya. “Eto o, gumawa ako ng

kapalit niya. Hindi mahahalata na peke. Ipalit mo ito sa suot ng kapatid

mo” sabi ng matanda. “Ha!? Pano mo alam na nasa kapatid

ko yung bato?” tanong ni Aneth at

tumawa ang matanda.

“Makapangyarihan ako Aneth, yan

ang gusto mo diba? Gawin ito at

ituturo ko sa iyo lahat ng alam ko” sabi ng matanda sabay abot ng bato. “E bakit mo ba kasi kailangan
yung

bato?” tanong ng diwata. “Wag ka na

matanong sinasayang mo ang oras.

Gusto mo lumakas o hindi? O

hahayaan mo nalang ang kapatid mo

maging punong diwata balang araw?” tukso ng matanda at agad tumakbo

pabalik sa kweba ang diwata. Lumipas ang isang oras nagbalik si

Aneth sa gubat, nagtagumpay siya sa

pagpalit ng mga bato at inabot niya

ang tunay sa matanda. “Mahusay,

bilang pangako tuturuan kita, sabay

tayo magpapalakas” sabi ng matanda. “Akala ko ba malakas na kayo. Bakit

pa kayo magpapalakas?” tanong ng

batang diwata. “Iha, tulad mo gusto ko din


magpalakas pa. Ikaw gusto mo

maging punong diwata, ako gusto ko

din mamuno sa lugar ko” paliwanag

ng matanda. “Saan lugar po?” tanong

ni Aneth at natawa ang matanda. “Malaking lugar iha, o siya ituturo ko

sa iyo ang lahat ng alam ko. Sigurado

ko ikaw ang magiging punong diwata

sa pagdating ng panahon” sabi ng

matanda. Ilang taon ang lumipas lumakas ng

lumakas si Aneth at napapansin siya

ng mga punong nilalang ng gubat.

Malaki narin sina Anhica at Paulito at

lagi sila magkasamang naglalaro na

kinaiinggit ni Monica. Isang araw nayanig ang gubat ng

malakas na kapangyarihan. Halos

mabulag ang lahat sa lakas ng ilaw.

Paghupa ng ilaw agad nagtakbuhan

ang mga punong nilalang sa gubat at

natagpuan nila sina Anhica at Paulito, sa paanan nila ang isang naabong

bampira. Sa may batis naglalaro si Monica,

biglang siyang napatigil at napasigaw

ng malakas. Agad siya tumakbo

papuntang gubat ngunit bago pa siya

makalapit ay nakita na niya ang patay

na katawan ni Paulito. Hindi makasalita ang diwata, mabilis siyang


tumakbo palabas ng gubat at

nagtungo sa bundok ng mga bruha. Pagdating ni Monica sa paanan ng

bundok ay pagod na pagod na ito.

Agad siya inatake ng mga bruha

ngunit bigla sila tumigil pagkat may

kakaibang kapangyarihan silang

nararamdaman sa dalaga. “Alam namin bakit ka nagpunta dito, gusto

mo siya buhayin” sabi ng punong

bruha. “Opo, nakikiusap po ako kung pwede

niyo siya buhayin” sabi ng dalaga

sabay hingal. “Hindi ganon kadali ang

magbuhay ng isang namatay na.

Kailangan may kapalit” sabi ng bruha.

“Ano po kapalit?” tanong ni Monica. “Kaming mga bruha ay kokonti

nalang, para sa isang buhay kailangan

mo kami bigyan ng isang buhay na

sasanib sa amin. Isang nilalang na

magiging bruha at yayakap sa itim na

kapangyarihan” sabi ng matanda. Napaisip ang dalagang diwata at

huminga ng malalim. “Ibibigay ko sa

inyo ang ate ko, salbahe yon at

nababagay sa inyo” sabi ni Monica at

nagtawanan ang mga bruha. “O siya

sige, pero hindi madali ang magbuhay ng patay. May mahabang seremonyas

ito, at habang hindi namin natapos


ang seremonyas hindi ka pwede

umalis dito” sabi ng matanda at

kinabahan ang diwata. “Basta

buhayin niyo siya” sagot niya. Sa malayo nagpulong ang mga bruha,

“Pinuno, ano ang binabalak mo? Alam

mo naman na binuhay na siya ng mga

bampira” sabi ng isang bruha. “Oo

alam ko, pero hindi niya alam yon. May

kinikimkim na galit ang diwatang yan at konting udyok lang mapapasaatin

siya. Napansin niyo siguro na suot

niya ang asul na bato, ibig sabihin

niyan makapangyarihan yang

dalagang yan” “Ngunit pansin ko na peke ang suot

niya ngunit ramdam ko ang

kapangyarihan ng asul na bato sa

katawan niya. Ngayon unang

gagawin natin ay dapat mapasaatin

siya ng kusa, saka natin siya tuturuan ng kapangyarihan natin. Tayo naman

gagawa tayo ng paraan para masira

ang kapangyarihan ng asul na bato sa

katawan niya, alam ko mahirap pero

kakayanin natin” “Pag napukaw ang kapangayarihan

ng asul na bato sa katawan niya

mapapasaatin ang buong lakas niya,

magdidiwang tayong mga bruha


pagkat kikilalanin muli nila tayo. Siya

ang pag asa natin” sabi ng matanda. Dalawang araw nanood si Monica

habang isinasagawa ng mga bruha

ang pekeng seremonyas.

Nagbagsakan ang katawan ng mga

bruha at agad lumapit ang diwata.

“Nabuhay niyo na ba siya?” tanong niya. Niyuko ng punong bruha ang

ulo niya sabay naglakad palayo.

“Nabuhay niyo ba siya?” ulit niya. “Iha, patawad. Ipinamigay ng mga

nilalang ng gubat ang bata sa mga

bampira. Yang batang lalake ay buhay

ngunit isa na siyang bampira” sabi ng

matanda at natulala si Monica at

nanggalaiti sa galit. “Sinabi ko sa kanila na totoo yung

panaginip ko pero hindi sila naniwala”

bulong ng dalaga at mga kamao niya

naninigas at mga bruha nakaramdam

ng kakaibang lakas na bumabalot sa

bata. “Ayaw nila maniwala sa akin at tinatawanan lang nila ako” bulong pa

ng dalaga at mga mata niya nanlilisik

at buong katawan niya biglang

nagliliwanag. Takot na takot ang mga bruha ngunit

lumapit ang punong bruha sa dalaga.

“Pinamigay nila ang bata sa mga

bampira” ulit niya at lalong nagalit si


Monica at palakas ng palakas ang

kapangyarihang lumalabas sa katawan niya. “Pinuno! Lumayo kayo! Delikado

diyan!” sigaw ng isang bruha. “Wag

kayong mag alala, hindi makakalabas

ang kapangyarihan niya dahil sa asul

na bato. Iha, pinamigay nila ang bata

sa mga bampira at tignan mo ang ginawa nila sa iyo. Pinigilan ka nila

lumakas. Hindi makalabas ang

kapangyarihan mo. Ayaw nila sa iyo”

hirit ng matanda. “Binabale wala nila ako? Tinawanan

lang nila ako!!! Punong bruha!!! Ako

ang sasanib sa inyo! Turuan mo ako!

Palakasin mo ako! Gusto ko sila

magsisi sa ginawa nila. Gawin niyo

akong bruha!!!” sigaw ng dalagang bruha at napangisi ang matanda. Ilang taon ang lumipas at lumakas
ng

todo si Aneth. Nakikipag duelo siya sa

matandang lalake sa gubat at

nananalo siya. “Baka gusto mo alisin

yang asul na bato sa katawan mo,

minamaliit mo ata ang estudyante mo” sabi ng diwata at natawa ang

matanda. “Suot ko nga to hirap ka pa manalo sa

akin” sagot ng matanda sabay

nagpalabas ng pulang apoy sa kamay

niya at natamaan si Aneth. Di nasaktan

ang diwata pagkat mabilis ito


nakapaglabas ng puting liwanag na kumontra sa apoy. “Sa tingin ko kaya

ko na kahit wala yang asul na bato”

sabi ng diwata at tumigil bigla ang

matanda. “O bakit ka tumigil?” tanong ng

diwata. “Ikaw na ang

pinakamakapangyarihang nilalang

dito sa gubat” sabi ng matanda at

natawa si Aneth. “Oo alam ko, takot ka

ata e” sabi ng diwata at natawa ang matanda at humawak sa asul na bato. “Suot ko ito pero hirap ka na
talunin

ako. Alam mo ba sino kinakatakutan

ko dati?” biglang sabi ng matanda.

“Sino?” tanong ng dalaga. “Ang nanay

mo, yung punong diwata…pero

ngayon hindi na ako takot” sabi ng matanda. “Bakit ka matatakot sa nanay ko?”

tanong ni Aneth. “Kasi siya daw ang

pinakamakapangyarihan. Hindi ko

alam ano ang lakas niya pero sa

tulong mo alam ko na ang lahat ng

kaya ng punong diwata. Naipapasa sa anak ang kapangyarihan ng

magulang, namana mo ang

kapangyarihan ng nanay mo at

ngayon alam ko na di niya ako

kakayanin” biglang sabi ng matanda

at natakot si Aneth. “Pero alam mo nakasaad sa mga libro

na sa angkan ng mga diwata, bawat


isang daan taon lumalabas ang

pinakamakapangyarihan na nilalang

nila. Akala ko ikaw yon pero kapatid

mo pala. Ngunit nagawan ng paraan at di siya magiging hadlang sa mga

plano!!!” sigaw ng matanda sabay

madaling sinira ang asul na bato. Napaluhod si Aneth nang bigla niyang

naramdaman ang tunay na

kapangyarihan ng matanda.

Napakalakas nung matanda at mula

sa katawan niya pulang ilaw ang

lumabas at sinunog ang mga puno sa gubat. Ang hangin biglang uminit at

nanlisik ang mga mata ng matanda. “Ipagpaalam mo sa buong

Plurklandia!!! Ipaalam mo ang

pangalan ko!!!” sigaw ng matanda

huminga ito ng malalim at muling

sumigaw. “Fredatoria!!!” Naglaho ang matanda at ilang

segundo lang dumating ang mga

punong nilalang sa lugar ni Aneth.

Umiiyak ang diwata at agad yumakap

sa nanay niya. “Aneth!!! Ano yon?!!!”

sigaw ng punong diwata. “Kailangan mo pa ba itanong yon?

Dinig ng buhong kaharian ang

pangalan niya, Fredatoria” sabi ng

punong mambabarang. “Itong

kapangyarihan na ito galing sa mga


pulang bato, ikaw ang nagtago ng mga batong yon!” sabi ng punong

kapre. “Kinuha ni Monica nung umalis siya,

baka siya ang nagpabuhay kay

Fredatoria” sinungaling ni Aneth at

galit nag alit ang punong diwata. “Ano

ang ginagawa mo dito sa gubat?”

tanong ng nanay. “Hinahanap ko po kapatid ko, bigla nalang siya lumabas

at akala ko papatayin niya ako” iyak

ng dalaga at niyakap siya ng nanay

niya. “Ipatawag ang lahat ng mandirigma

ng lahat ng gubat, sabihin niyo

pinapatawag sila ng punong

diwata!!!” utos ng punong diwata at

mabilis na umalis ang ibang nilalang. Samantala sa bundok ng mga bruha,

pinapanood nila ang lahat ng

kaganapan sa isang mahiwagang

lababo. “Ikaw ang pinagbibintangan

na nagpakawala sa nilalang na yon

kahit na kapatid mo mismo nagpalakas sa kanya” sabi ng punong

bruha. “Hindi ko siya kapatid! Hindi ako

diwata! Isa akong bruha! Tama lang

yan, sana mamatay sila lahat! Itigil mo

na kapapanood diyan at tuturuan mo

pa ako!” sigaw ni Monica at takot na

takot ang mga bruha sa kanya. “Alam ko ito ang napanaginipan mo


mula nung dumating ka dito, paano

magwawakas ang laban na ito?”

tanong ng punong bruha at tumawa

ng malakas si Monica. “Ako ang magiging reyna ng

kaharian!!!”

Chapter 2: Trese Diablos Huminga ng malalim si Wookie at

dahan dahan minulat ang kanyang

mga mata. Kanina lang

nakikipaglaban siya kasama ang mga

disipulo nang bigla siya tinangay ng

mga espiritu. Tumayo ang mambabarang at wala siyang maalala

kung pano siya napunta sa kweba. “Gising ka na pala, halika ka dito at

kumain ka” sabi ng isang matanda na

nakaupo sa harapan ng isang apoy.

“Sino ka? Ano ginagawa ko dito?

Kailangan ako ng mga kasama ko!”

sigaw ni Wookie at tumawa ang matanda. “Wag kang mag alala tapos na ang

laban at nanalo kayo” sabi ng

matanda nang biglang may kalansay

ang lumapit at may dalang pagkain.

Agad pumorma si Wookie at

nagpalabas ng tatlong espiritu. Sa isang tadyak lang ng matanda ay

nalusaw ang mga espiritu at nagulat si

Wookie. “Gawa gawa ko yang


kalansay, maupo ka at kumain” sabi

ng matanda. “Sino ka ba? At pano mo nalusaw ang

pinatawag kong espiritu?” tanong ng

mambabarang. “Kumain ka muna,

madami tayong panahon mag usap”

sagot ng matanda kaya kumain na si

Wookie pero pinagmamasdan niya yung matanda. Pagkatapos kumain ay sumandal

paatras si Wookie dahil sa

pagkabusog. “Alam ko nag aalala ka

para sa mga kaibigan mo, pwes eto

ipapakita ko sa iyo ang nangyari” sabi

ng matanda at natawa si Wookie. Tinaas ng matanda ang kamay niya at

isang dilaw na espiritu ang lumabas.

Nilapitan ng espiritu si Wookie kaya

natakot at nagpaatras ang

mambabarang. “Wag kang matakot,

hayaan mo siya sumanib sa iyo para makita mo ang nangyari” sabi ng

matanda. Huminga ng malalim si Wookie at

hinayaan ang espiritu makapasok sa

katawan niya, agad nanigas ang

mambabarang at mga mata niya

napapikit. Bawat eksena napanood

niya pati yung pagtangay sa kanya ng mga espiritu. Napapaindak si Wookie

sa bakbakan napapanood niya at sa

huli bigla siya napanganga nang


mapanood niya bumagsak sa palasyo

ang higanteng kometa. Umalis ang espiritu sa mambabarang

at si Wookie niyuko ang ulo at

nalungkot. “Kaya kita tinangay palayo

dahil may nagbabantang bagong

delubyo. Dati hindi ako nakikialam sa

mga gera dahil lahat nakatakda sa libro ng mga ninuno” “Ngunit yung libro ay hindi kumpleto,

nawawala ang kalahati nito” sabi ng

matanda at may kalansay na lumapit

at dala ang lumang libro. “Sige

buklatin mo at tignan mo ang laman

niya. Lahat ng nangyari at mangyayari dito sa kaharian ay nakasaad diyan”

paliwanag ng matanda at agad binasa

ni Wookie. “Pati yung kometa nakasaad dito…si

Aneth? Bakit si Aneth?” tanong ni

Wookie. “Basahin mo para malaman

mo” sagot ng matanda. “Nabasa ko na

pero di ko inasahan na ganon siya.

Ano yung gusto niya makamtan? Ano ang nakatago sa sentro ng

Plurklandia?” tanong ni Wookie. “Noong unang panahon, nagdesisyon

ang mga nilalang na sa sentro ng

kaharian itago ang mga libro ng

kapangyarihan. Itong mga librong ito

ay pinagbabawal ng mga nilalang.

Nagpasya ang lahat na wala dapat matuto ng mga kapangyarihan na


nakasaad sa mga libro” sabi ng

matanda. “E di sana sinunog nalang o sinira”

sabi ni Wookie. “Patapusin mo ako!”

sigaw ng matanda at natahimik ang

mambabarang. “Ganon na nga sana

ang ginawa nila ngunit naisipan nila

na baka balang araw kailanganin nila ang kapangyarihan na nakasaad sa

mga libro. Kaya sabi nila itago nalang

nila sa sentro ng kaharian, sa ilalim ng

lupa may templo at tanging

makakapasok sa loob ng templo ay

ang tunay na pinuno ng kaharian. Ang mga ibang sumubok pumasok sa

templo ay agad malulusaw ng di

namamatay na apoy” kwento ng

matanda. “Kaya ang mga punong nilalang ay

mahigpit na nagbantayan mula noon.

Hindi sila pwede makalapit o

mapalapit sa namumuno ng kaharian.

Kaya nga nilagay ang lahat sa iisang

gubat. Ngunit kahit na ganon, ang mga punong nilalang ay nagtalaga ng

isang taga bantay sa namumuno, at

ako yon” “Trabaho siguraduhin na walang

nilalang ang manlinlang at manloko sa

pinuno ng kaharian, mabuti o

masamang nilalang magiging kaaway


ko. Nung namatay ang hari na

kasabayan ko, dinala niya ang sekreto ng mga libro sa libingan niya. Hindi na

alam ng pumalit sa kanya na may mga

librong ganon” “Trabaho ko naging mas delikado

pagkat may mga sumubok lumapit sa

bagong hari pero madali ko silang

napatay. Pero pag may delubyo at

kailangan ang mga libro, ako lang ang

may karapatan magturo sa pinuno tungkol sa sekreto” kwento ng

matanda. “E kung ganon ka kalakas bakit di mo

winakasan ang pagreyna ng bruha,

sigurado ko alam mo peke ang

nakaupong hari” tanong ni Wookie at

biglang nalungkot ang matanda. “Akala mo ba hindi ko sinubukan?

Ilang beses ako sumubok pero bigo

ako. Kung sana mas bata bata pa ako,

siguro nakayanan ko siya. Pero

aminado ako matanda na ako. Kaya

kita dinakip, kailangan ng papalit sa akin at ikaw ang napili ko” sabi ng

matanda. “Ha? Bakit ako? Bakit hindi ka mamili

sa ibang disipulo? Mas madaming

malalakas pa kesa sa akin” sabi ni

Wookie. “Alam mo nung napili ako

bilang taga bantay, nag iwan sila ng

isang libro ng kapangyarihan sa akin. Binigyan ako ng awtoridad para aralin


lahat ng kapangyarihan sa librong

yon pero may kapalit...may sumpa sa

katawan ko na pag ginamit ko ang

kapangyarihan sa mali agad ako

mamatay” paliwang ng matanda. “E bakit ako napili mo?” tanong ulit ni

Wookie. “Kasi pareho tayo,

mambabarang din ako noong

panahon. At ang librong iniwan nila

ay para sa mga espiritista lamang.

Kung mamimili ako ng ibang nilalang mahihirapan ako sa pagturo sa kanya.

Ikaw ang napili ko pagkat pareho

tayo, mas madali kitang turuan, mas

madali kong ipasa sa iyo ang lahat ng

natutunan ko. Wala na yung librong

iniwan sa akin, sinira ko na kaya lahat ng laman niya nandito sa utak ko”

sabi ng matanda. “Teka naguguluhan ako, bakit hindi

natin pigilan si Aneth ngayon na?

Bakit pa natin kailangan mag hintay?”

tanong ni Wookie. “Sigurado ko pag

nagpakita ako sa mga disipulo at

ipaliwanag ang lahat kakampihan nila tayo at madali natin siya matatalo”

dagdag niya. “Alam mo ilang beses ko na

sinubukan pigilan ang mga

magaganap sa libro ng mga ninuno.

Nagtagumpay ako ilang beses ngunit


meron at merong paraan para

masundan ang nakatakda. Kahit ano gawin ko pigilan ang nakasulat ganon

parin ang mangyayari. Hindi mo

pwede palitan kung ano ang

nakatakda” sabi ng matanda. “Kaya pala relax ka lang dito sa

kweba mo habang

nagkipagbakbakan kami. Kaya pala

napakadali mo ako dinakip kasi alam

mo na ang magaganap. Bakit mo pa

ako kinuha? Kung nakatakda na makakapasok si Aneth sa sentro ng

kaharian at makukuha niya ang mga

libro? E di hayaan mo nalang sana ang

nakatakda. Mangyayari at mangyayari

din lang pala e” sabi ni Wookie at

nagalit ang matanda. “Tado! Gagawin ko yon kung sana

kumpleto ang libro! Pero putol, wala

yung ibang parte niya. Oo naksaad na

makakapasok si Aneth sa sentro ng

kaharian pero ano mangyayari

pagkatapos di natin alam. Yan ang nakakatakot, ngayon lang ako

nakaramdam ng takot na ganito. Dati

tama ka, nagrelax lang ako pagkat

alam ko magtatagumpay kayo pero

ngayon hindi ko alam ano susunod

kaya kailangan ko maghanda” galit ng matanda. “Isa pa, nawala ang mga kawal ng
kaharian bigla. Ni anino nila hindi

makita. Maski mga espiritu na pinadala

ko para hanapin sila o mga espiritu

nila wala nahanap” sabi ng matanda.

“Mangyayari lang yon pag inalay sila” sabi ni Wookie. “Tama ka, inalay sila

yun din ang hinala ko. Pero kung ano

ang balak nila tawagin na nilalang

hindi ko alam, pero madaming kawal

ang nawala kaya sigurado ko kung

anuman yon hindi maganda” sabi ng matanda. “Bakit hindi nakasaad sa libro?”

tanong ni Wookie. “Malaman nandon

yon sa nawawalang parte kaya hindi

natin alam kung ano talaga ang

hinaharap natin. Sa ngayon ang

pwede nating gawin ay mag antay. Kahit ano gawin natin pigilan si Aneth

ay magtatagumpay siya kaya wag na

tayong magsayang ng oras” sabi ng

matanda. “Ano ba ang magagawa nating mga

mambabarang?” tanong ni Wookie at

ngumiti ang matanda. “Magugulat ka

iho, magugulat ka” sagot ng matanda. Kinabukasan pagkatapos ng almusal

ay atat si Wookie magpaturo.

“Pasensya ka na iho at madami tayo

kailangan baguhin sa itsura mo” sabi

ng matanda. “Bakit pa babaguhin ang


itsura ko? Ano naman kinalaman non sa pagpapalakas?” reklamo ng

mambabarang. Tumayo bigla ang

matanda at mula sa kamay niya

lumabas ang isang espiritu at inatake

si Wookie. “Tumayo ka at lumaban ka! Ipapakita

ko sa iyo bakit” sabi ng matanda at

dalawa pang espiritu ang pinalabas

niya pero mabilis nakuha ni Wookie

ang manika niya at naglabas din ng

mga kakampi niyang espiritu. Nagulat ang matanda sa galing ni

Wookie, napaatras ilang beses ang

matanda at napahanga. “Hoy tanda

baka gusto mo ako nalang magturo

sa iyo. Kasi pag ito lang kaya mo wala

kwenta pala” pasikat ng mambabarang at natawa ang

matanda. Nagulat si Wookie nang hinawakan

siya ng dalawang kalansay, pati

manika niya nakuha kaya wala siya

mapalabas na espiritu. Sa lupa may

sinulat ang matanda, nagdasal ito ng

mabilis sabay mula sa lupa lumabas ang higanteng espiritu at nagulat si

Wookie. “Pano mo nagawa yan?” tanong ni

Wookie pero nagsulat muli ang

matanda sa lupa at isa nanamang

higanteng espiritu ang lumabas.


“Ngayon, sabihin mo sa akin kung

kaya mo harapin ang dalawa kong alaga. Baka kulang pa, kaya ko pa

magpalabas ng madami” pasikat

naman ng matanda at agad sumuko si

Wookie. “Gusto ko yan! Pano mo nagawa

yan?” tanong ng mambabarang at

lumapit sa matanda pero humarang

ang dalawang higanteng espiritu.

“Pasensya ka na iho, at medyo loyalist

yan sa amo nila. Over protective sila” sabi ng matanda sabay sa isang iglap

pinabalik niya ang mga espiritu sa

lupa. “Pano mo ginawa yon? Gusto ko din

ng ganyan” sabi ni Wookie sa tuwa.

“Ang tawag sa kanila ay ang trese

Diablos, mga espiritu ng mga

namayapang magigiting na

mandirigma ng buong daigdig. Oo alam ko mga masasama sila pero

kontrolado ko sila” sabi ng matanda. “So trese na higanteng espiritu ang

kaya mo palabasin?” tanong ni

Wookie. “Hanggang anim lang kaya

palabasin, mahirap na isulat ang

pantawag sa natitirang pito pagkat

sila ang pinakamalakas” paliwanag ng matanda. “Akin na aralin ko na agad,

ituro mo pano isulat at ituro mo yung

dasal” sabi ni Wookie. “Hanggang sa anim kaya mo


imemorya, yun din ang kaya ko. Yung

pantawag sa pang pito hanggang sa

trese ay komplikado na masyado at

kung magkamali ka sa sulat ay

walang lalabas” sabi ng matanda. “E hanggang anim lang ituturo mo sa

akin?” tanong ng mambabarang. “Lahat, pero kailangan natin baguhin

ang anyo mo” sabi ng matanda at

huminga ng malalim si Wookie. “Alam

ko na ang gusto mo gawin, itatatak

mo ang mga symbolo nila sa katawan

ko” sabi ng mamababarang ang napangiti ang matanda. “Trese Diablos…sige simulan mo na”

sabi ni Wookie pero ngumisi ang

matanda. “Pati yang buhok mo

kailangan matanggal” sabi niya at

nagreklamo na si Wookie. “Kasi ano

ba yang buhok mo parang basahan, at kailangan natin magtatak din sa ulo

mo” sabi ng matanda. “Bakit pa sa

ulo? Pwede mo naman ipagkasya sa

katawan nalang e” sabi ng

mambabarang. “Kailangan maayos ang espasyo nila.

Di sila pwede magkalapit. Gusto mo

bang tatakan natin bawat pisngi ng

pwet mo? HA? Nakakahiya pag don

ka magpapalabas ng espiritu!” sabi ng

matanda. “Bwisit ka! Sige pero bwisit ka! Ano palang pangalan mo tanda?”
tanong ni Wookie. “Isang araw pa pinadaan mo bago mo

tinanong, ako si Wakiz” pakilala ng

matanda. “Wakiz? Parang pamilyar…

unang pangalan mo Jaba?” tanong ni

Wookie at bigla siya binatukan ng

matanda. “Tado ka! Nakapasyal ka narin pala sa labas ng Plurklandia, oo

magaling sila sumayaw” sabi ni Wakiz. “Hindi nabalitaan ko lang sa mga

ligaw na espiritu. Bilib ako sa iyo

nakalabas ka na sa Plurklandia…akala

ko ba nagbabantay ka dito” banat ni

Wookie. “Boring dito, at engot naman

yung naghariharian kaya namansyal din ako minsan lang naman” kwento

ni Wakiz. “Pero saka na ang kwento kwento

kailangan na natin simulan ang

pagpalit ng anyo mo” sabi ng

matanda. Dalawang araw tinatakan ang

katawan ni Wookie, isang araw siya

nabalot ng sakit kaya kinailangan nila

antayin hanggang sa gumaling siya.

Isang lingo ang lumipas ay nagising si

Wookie, wala nang sakit sa katawan niya pero ulo niya ang sumasakit. Presko na ang pakiramdam niya
at

magaan ang ulo pagkat natanggal

narin ang buhok niya. Tumayo si

Wookie at biglang natawa ang

matanda. “Bakit mo ako


tinatawanan?” tanong ni Wookie. Tinuro ng matanda ang manika at

nagulat si Wookie pagkat kalbo narin

ito at may tattoo narin sa buong

katawan. Natawa narin si Wookie pagkat

kumakamot ng ulo ang manika,

“Teka! Pano gumagalaw ito e di ko

naman kinokontrol?” tanong ni

Wookie. “Naalala mo kalansay ko,

yung espiritu niya nandyan na sa manika mo. Sa iyo na siya. Trained

yang espiritu na yan kaya di mo na

kailangan kontrolin” paliwanag ni

Wakiz. “E pano ikaw? Sino na maninilbihan sa

iyo dito?” tanong ni Wookie.

“Maghahanap ulit ako ng panibagong

espiritu na tuturuan ko. Di na

importante yan, handa ka na ba?”

tanong ni Wakiz. “Oo, simulan na natin ito” sabi ng mambabarang. “Wookie, madami pa ako ituturo sa
iyo

pero itong paglabas ng Trese Diablos

ang uunahin natin. Hindi madali ito,

hindi sila normal na espiritu na kaya

mong kontrolin agad. Pag napalabas

mo sila kailangan mo ipakita sa kanila na ikaw ang boss nila kung hindi ikaw

ang aatakehin nila. Pero pag natuto

sila na ikaw ang kanilang amo ay

rerespetuhin ka nila at susundin kahit


anong utos mo” paliwanag ni Wakiz. Bandang hapon na nang natutunan ni

Wookie ang mga dasal, pagkatapos

nila kumain ay lumabas sila ng kweba

para subukan magpalabas ng espiritu.

“Bakit pa natin kailangan lumabas?”

tanong ni Wookie. “Sige na lumayo ka ng konti sabay subukan mo ipalabas

ang una” utos ni Wakiz. Nakalayo si Wookie at tinignan ang

tattoo sa kanang kamay niya. Pinikit

niya mata niya at nagsimulang

nagdasal. Gamit isang kamay

hinawakan ang tattoo sabay nagliyab

ang kamay niya. Isang higanteng espiritu ang lumabas at tuwang tuwa

ang mambabarang. Humarap ang espiritu kay Wookie at

bigla ito inatake, “Wakiz!!! Bakit

ganito?!!!” sigaw ng mambabarang

habang tumatakbong palayo. “Tado!

Sabi ko sa iyo ipakita mo sinong boss

e. Ayan di ka kinilala, there is a way” sagot ng matanda. “Anong way? Bakit

ka nag eenglish? Hoy tanda tulungan

mo ako!!!” sigaw ni Wookie. “Harapin mo at kalabanin mo siya”

sabi ni Wakiz. “Huwaaaaat?!!! Are you

crazy?!!!” sigaw ng mambabarang at

di siya tinatantanan ng higanteng

espiritu. “Yun lang ang paraan, kung

di mo siya mapapaamo di siya titigil. Ikaw kaya mo tumakbo ng walang


hanggang?” banat ni Wakiz.

“Tulungan mo nalang ako!!!” sigaw ni

Wookie. “Walang point pag ganon, kung

tulungan kita sa akin siya

mapapaamo. Wala din lang kwenta”

paliwanag ni Wakiz kaya tumigil si

Wookie at hinarap ang higante. “Peste

ka akala mo porke malaki ka ha, come to Wookie!!!” sigaw ng mambabarang

at mula sa lupa isang libong mga

espiritu ang biglang lumabas at

kinalaban ang higante. Nabilib si Wakiz at tinignan ang

manika ni Wookie na katabi niya. “Sabi

ko sa iyo magaling ang apo ko e”

bulong niya at napakamot lang ang

manika. Sampung minuto lang ay

natalo na ni Wookie ang higante, lumuhod ito at naging maamo.

Bumalik ang espiritu sa katawan ng

mambabarang, agad naman nilabas ni

Wookie ang pangalawa. “Sira ulo ka ba? Isa isa lang sa bawat

araw!” sigaw ni Wakiz. “Quiet old man,

this is how young people do it!”

sumbat ni Wookie at nagpalabas ulit

siya ng isang libong espiritu para

kalabanin ang pangalawang higante. Pagsapit ng dilim ay agad napaamo ni

Wookie ang anim na higante. Pagod


na pagod siya pero napabilib niya ang

lolo niya. Bagsak ang katawan ni

Wookie sa lupa at biglang tumawa.

“Wooohooo pito nalang” sabi niya. “Bukas na ulit o hanggang sa

marekover mo lakas mo” sabi ng

matanda. Kinabukasan nagising si Wakiz sa

sigaw ni Wookie. “Wakiz!!! Tulong!!!”

sigaw ng mambabarang. Agad

lumabas ng kweba ang matanda at

nagulat siya pagkat napalabas ng apo

niya ang pang pitong higante. “Naku po, nagawa niya ang di ko nagawa”

bulong ng matanda. “Wakiz!!! Pano to? Naka dalawang

libong espiritu na ako ayaw pa

tumumba!!!” sabi ni Wookie. “Ewan

ko! Bahala ka diyan! Ngayon ko lang

nakita yan e” sagot ng matanda na

tuwang tuwa. Mabilis tumakbo si Wookie, sa isang

iglap napabilib nanaman yung

matanda nang nailabas ng apo niya

ang unang higante at lumaban ito sa

pang pito. Naglabas pa si Wookie ng

isang libong espiritu na nakilaban at pagkatapos ng trenta minutos ay

napaamo na niya ang higante. Bagsak si Wookie sa lupa at agad

lumapit si Wakiz, “Oh em geeeee,

ngayon ko lang napansin mga tattoo.


Nag iba ang kulay nila nung napaamo

mo sila. Dati itim, ngayon may halong

pula at ginto na” sabi ng matanda. “Ang dami mo pinapansin tanda,

gutom akoooo!!!” sigaw ng

mambabarang at natawa ang lolo

niya. Kinabukasan nagising ang matanda

nang bumalik sa kweba ang apo niya.

Agad nahiga si Wookie at natulog.

Napansin ni Wakiz na nag iba ang

pang walong tattoo kaya hinayaan

nalang niyang matulog ang apo niya. Isang lingo ang lumipas at nakaupo si

Wookie sa labas ng kweba. Tinabihan

siya ni Wakiz at napansin ang mga

sugat sa katawan ng apo niya. “Isa

nalang ang di mo napapaamo” sabi ni

Wakiz. “Oo inantay kita magising para mapanood mo ako…lolo” sagot ni

Wookie at nagulat ang matanda. “Pano mo nalaman?” tanong ni Wakiz

at tinuro ni Wookie ang manika niya.

Tumayo ang mambabarang at

huminga ng malalim. “Hey gramps,

watch me” sabi ni Wookie. Tumayo ang mambabarang sa

malayo, humawak siya sa dibdib niya

at sa isang iglap lumabas ang pang

huling Diablos. Napatayo si Wakiz at

napanganga pagkat napakalaking


espiritu ang tumambad sa harapan niya. Ramdam ng matanda ang

kapangyarihan ng huling higante,

tumakbo siya palapit sa apo niya pero

pinigilan siya ni Wookie. Pumikit lang si Wakiz at muli siyang

nagulat pagkat nakatayo sa likod ng

apo niya ang doseng Diablos. Nakita

ng matanda na matatag ang apo niya,

ang huling Diablos biglang nanginig at

lumuhod sa isang paa at nagpaamo. “So gramps, what else are you gonna

teach me?”

Chapter 3: Punong Diwata

Sa loob ng bagong palasyo abala ang

reyna sa pagtanggap ng mga bisita.

Binuksan niya ang pinto ng palasyo

para sa mga mamamayan na nais

makapasok at makahingi ng tulong.

Ngunit sa paligid ng kwarto nagbabantay ang ibang disipulo. “Bagay talaga niya maging reyna ano?

Tignan mo mahal na mahal siya ng

mga tao” bulong ni Bashito sa mga

dwendeng nakatayo sa balikat niya.

“Mahal ko din siya” sagot ni Darwino.

“Pero pare, bakit parang nag iiba itsura niya?” tanong ni Bobbyno at

tinignan ng tatlo si Nella ng maigi. “Baka stress lang” sabi ni Virgous na


nakitabi sa kanila. “Stress? Pag ganon

tatanda ang itsura, pero si Nella nag

iiba itsura niya. Tawagin mo nga si

Sarryno para amuyin baka naman

hindi na siya yan” utos ni Bashito. “Ako nalang aamoy” landi ni Darwino

at bigla siya binatukan ng kaibigan

niyang dwende. “Seryosong usapan

ito” sabi ni Bobbyno. “Seryoooosooo

din akoooo” landi pa ni Darwino. Pasimpleng lumapit si Sarryno sa

reyna, kunwari bumulong siya para

kumustahin. Bumalik si Sarryno sa

mga disipulo at napakamot. “Siya

parin naman mga pre” sabi niya kaya

nagtaka nalang sila sa pagbabago ng itsura ng reyna. Kinagabihan nang tulog na si Nella ay

nagtipon ang lahat ng disipulo at

pinuntahan si Aneth. “Ano

mapaglilingkod ko sa inyo mga

ginoong disipulo?” tanong ni Aneth

nang pinapasok niya sila sa kanyang kwarto. “Punong diwata, wala ka bang

napapansin sa reyna?” tanong ni

Bashito. Medyo nagulat si Aneth pero

nagkunwari. “Wala naman, bakit ano

nangyari kay Nella?” tanong ni Aneth.

“Napapansin lang namin na nagbabago itsura niya. Hinala namin

nung una na napalitan siya pero


bineripa nina Sarryno at ng mga

bampira na siya parin yon. Hindi kaya

napalitan siya pero niloloko ang mga

pang amoy namin?” tanong ni Virgous. Napatayo si Aneth at naglakad lakad,

napansin ni Louis na kakaiba ang

kilos ng diwata kaya hinawakan niya

agad si Vandolphous. “Bakit pare?”

tanong ng duling na bampira.

“Shhhh…maghanda ka lang” bulong ni Louis. “Binabantayan naman natin maigi ang

reyna, sigurado ko wala naman

nakalapit na ibang nilalang sa kanya

pagkat lagi ko siya kasama. Pag hindi

ko kasama ay kayo naman ang

kasama” sabi ni Aneth. “Bakit tila bumilis ang tibok ng puso

mo at nag iba ang hininga mo?”

tanong ni Chado at napatigil ang

diwata at napangiti. “Nakalimutan ko

mga bampira pala kausap ko” sabi ng

diwata at sa isang iglap mabilis kumilos si Louis at dala niya si

Vandolphous, nakatayo agad ang

duling na bampira sa harapan ni

Aneth. “Hindi ka pwede magsinungaling sa

akin” sabi ni Vandolphous at biglang

nanigas ang diwata. “Sasabihin mo

ang gusto namin malaman. Bakit nag


iba ang itsura ni Nella?” tanong ng

bampira. Tumatawa si Aneth at pilit nilalabanan

ang kapangyarihan ng duling na

bampira, kahit ayaw niyang magsalita

ay wala siyang magawa. “Pinalitan ko

anyo niya noong bata pa siya. Pag

mga nilalang ang makakakita sa kanya magiging kamukha niya ang

dating kasintahan ng pinuno niyo”

biglang sabi ng diwata at nagulat ang

mga bampira. “Bakit mo ginawa yon?” tanong ni

Chado at tumawa ng malakas ang

diwata. “Kasi nakita ko ang mga

magaganap at kinailangan ko palitan

itsura niya para. Pag normal na tao

titingin, nakikita nila ang tunay na anyo ni Nella. Pero pag tayo, at lalo na

si Paulito ay makikita natin ang itsura

ng namayapa niyang kasintahan” “Bakit? Pagkat kailangan ko ang

kapangyarihan ng sugo!” paliwanag

ni Aneth. “Masamang diwata ka!

Mapanlinlang! Ginamit mo lang kami!”

sigaw ni Bobbyno at susugurin na

sana niya si Aneth pero pinigilan siya ni Darwino, “Let her speak” sabi ng

dwende. “Tama kayo ginamit ko lang kayo.

Pano ko pa matatalo ang kapatid ko

pag wala kayo? Hindi ko naman kayo


kaya tipunin, kaya kinailangan ko ang

impluwensya ni Paulito at

nagtagumpay naman ako!!” sagot ni Nella sabay tawa. “Pero alam niyo di lang yon ang

nagawa ko. Alam niyo ba sino ang

nagpalakas kay Fredatoria noon?

Ako!!! At mula noon nais ko

makamtan ang kapangyarihan niya!

Sumama ang loob ko nung nalaman ko naikalat ang mga kapangyarihan

niya sa inyong mga disipulo kaya oo

ginamit ko lang kayo at nakuha ko

din ang matagal kong

pinapangarap!!!” dagdag ng diwata. “Hindi mo makukuha ang

kapangyarihan namin!!!” sigaw ni

Sarryno sabay di natiis at sumugod.

Nasugatan niya si Aneth sa mukha

gamit ang mga kuko niya, ang diwata

nakawala sa kapangyarihan ng duling na bampira at nagpasabog ng dilaw

na ilaw kung saan napatalsik ang mga

disipulo. Pagkabangon nila ay wala na si Aneth,

“Dito naamoy ko siya!” sigaw ni

Sarryno at sinundan siya ng iba. Sa

likod ng palasyo nagulat ang mga

disipulo pagkat nakatayo sa harapan

nila ay mga kamukha nila. “Eto nanaman tayo” sabi ni Bobbyno.

“Nagkakamali kayo, napabilib ako sa


ginawa ng kapatid ko kaya gumawa

din ako ng sarili kong mga disipulo.

Sayang kulang ng dalawa pero ayos

narin ito. Alam niyo di ko na sana kailangan ng mga ito e, akala ko

mapapaamo ko kayo at kayo mismo

ang magiging alagad ko. Huli na ang

lahat kaya sila nalang ang magiging

alagad ko” sabi ni Aneth na

lumulutang sa hangin. “Pano lalaban mga yan e di nga sila

ata buhay e?” tanong ni Bombayno

nang napansin nila ang mga pekeng

disipulo na nakatayo lang na parang

estatwa. “Tama ka kasi di pa sila buhay, sabi ko

naman sa inyo gusto ko ang mga

kapangyarihan niyo kaya kukunin ko

sila! Tignan niyo kung saan kayo

nakatayo!” sabi ni Aneth. Pagtingin ng

mga disipulo sa lupang kinatatayuan nila ay nasa loob sila ng isang

malaking bilog na nakaukit sa lupa. Sinubukan nila makalabas sa marka

pero parang may nagpipigil sa

kanilang makalabas. Napatawa ng

malakas si Aneth pero mabilis

nagpaapoy si Virgous ngunit di

umaabot ang lakas niya sa diwata. “May humaharang!” sigaw ng taong

apoy, “Baluuuuuuuutttttt!!!” sigaw ni


Bombayno pero mga kapwa niyang

disipulo lang ang nabibingi at lalo

pang tumawa ng malakas ang diwata.

“Kahit ano gawin niyo di niyo ako masasaktan. Wala na kayo magagawa

at makukuha ko na ang mga

kapangyarihan niyo” sabi ni Aneth. Pinikit ng diwata ang mga mata niya at

may dasal na binigkas. Mga disipulo

sinubukan ang lahat para makawala

pero biglang nagliyab ang bilog at

nagsipagbagsakan sila sa lupa.

Nanghihina ang mga disipulo at unti unti namang nabubuhayan ang mga

kapareho nila. Ilang sandali pa ay hinang hina na

ang mga disipulo, nakakagalaw na

ang mga alagad ni Aneth at lalo pang

natawa ang diwata. “Vakit vah dhi niyo ako vinivilang na

dishipuloow!!!” sigaw ng isang

bampira mula sa puno. Tumalon ito

papunta kay Aneth, bago pa

makalingon ang diwata ay naibaon na

ni Tuti ang mga pustiso niya leeg ng diwata. Napasigaw ng malakas ang

diwata at ang mga disipulo tila

nabuhayan. Kumapit ng husto si Tuti kay Aneth at

pinagkakalmot pa nito ang katawan

ng diwata. Nanghihina na si Aneth

kaya sinira niya ang bilog na marka


gamit dilaw na ilaw. Nakagalaw ang

mga alagad niya at nagsitalunan para maabot si Tuti. Sumigaw ang pekeng Bombayno at

nabingi si Tuti kaya napabitaw sa

diwata. Pareho sila bumagsak sa lupa

at ang mga alagad ni Aneth agad

inatake ang bungal na bampira.

Sinubukan ng mga disipulo bumangon para matulungan ang

kasama nila ngunit masama ang

nangyari. Wala sa kanila ang nakatayo at

nakatulong, tanging nagawa nila ay

panoorin ang mga pekeng disipulo na

kawawain si Tuti. Kahit ano pang galit

ang nararamdaman nila, ubos talaga

ang mga lakas nila. Bumangon si Aneth at tumawa nang tumigil ang

mga alagad niya. Wala nang buhay si

Tuti na nakahiga sa lupa, napapikit

nalang ang mga disipulo at

nagmumura. “Wala na kayong silbi sa akin, nakuha

ko na ang kapangyarihan niyo. Hindi

naman ako masamang diwata, kaya di

ko kayo papatayin. Mga disipulo ko,

kunin niyo sila at ikalat sa bawat sulok

ng kaharian! Siguraduhin niyo na hindi sila makakatakas, dalian niyo!”

utos ni Aneth at mga alagad niya

kinuha ang kanilang kaparehang


disipulo at mabilis na lumayo. Kinabukasan ay pinatawag ni Aneth

ang lahat ng punong nilalang mula sa

lahat ng gubat sa kaharian. Lahat

napansin ang sugat ni Aneth sa leeg

pero nagpalusot lang ang diwata. “Bakit mo kami pinatawag?” tanong

ng punong dwende. “Meron tayong

problema, matinding problema” sabi

ni Aneth. “Ano ang problemang ito?

Wala naman kaming nararamdaman

na kakaiba sa kaharian” sagot ng punong mambabarang. “Ang mga libro ng kapangyarihan,

may gustong makakuha sa kanila”

sabi ni Aneth at nagulat ang lahat.

“Bakit mo binibigkas yan?!!! Alam mo

naman na sekreto natin yan. Pinasa sa

atin ng mga ninuno natin. Bakit mo binigkas yan sa harap ng mga

disipulo?” tanong ng punong kapre. “Mapagkakatiwalaan naman sila,

sinisigurado ko yon. May nilalang na

gusto makamit ang kapangyarihan ng

mga libro” sabi ni Aneth. “Sino yan?

Hindi magtatagumpay yan habang

buhay tayo. Pipigilan natin siya!” sabi ng dwende. “Ako!” sagot ng diwata at nagulat ang

mga kasama niya. “Hindi magandang

biro yan Aneth! Bilang punong diwata

hindi ka pwede magbiro ng ganyan!”

sigaw ng punong mambabarang. “Hindi ako nagbibiro. Kaya ko kayo


pinatawag ay itatanong ko sa inyo

kung sino ang kontra sa balak ko.

Yung kokontra ay magiging kalaban

ng kaharian, at ang mga hindi kontra

ay maninilbihan kasama ko” paliwanag ni Aneth at nagsitayuan

ang ibang nilalang at pumorma. “Maaring kayong mga diwata ang

pinakamalakas pero pag nagsama

sama kami kaya ka namin. Wala sa

amin ang sasama sa iyo!” sigaw ng

punong tikbalang pero tumawa lang

si Aneth at sa isang kumpay ng kamay ay napaupo ang ibang nilalang. “Sabi ko na kokontra kayo kaya

napaghandaan ko ito. Dito sa

kwartong ito wala kayong

kapangyarihan. Tanging ako lang at

mga alagad ko. Papasukin ang mga

impostor!” sabi ng diwata at pinasok ng mga alagad niya ang mga patay na

katawan ng ibang nilalang. “Ano ang binabalak mo? Pakawalan

mo kami dito Aneth!!!” sabi ng

dwende. “Konting tiis nalang at

mapapalitan na kayo. Wag kayong

mag alala at sisiguraduhin kong

kamukhang kamukha niyo ang kapalit niyo” sabi ng diwata. Tulad ng ginawa niya sa mga disipulo,

tinanggalan niya ng kapangyarihan

ang mga punong nilalang at nilipat

yon sa mga patay na katawan. Ilang


minuto ang lumipas at patay na ang

mga punong nilalang at mga dating patay ay buhay na. “Bantayan niyo maigi ang pinto, wag

kayo magpapalapit ng kahit sino”

utos ni Aneth at nagsilabasan ang

mga alagad niya. Pinagtabi ni Aneth

ang katawan ng patay na punong

dwende at yung muling nabuhay na dwende. Nagdasal siya at unti unting

nagbago ang itsura ng nabuhay na

dwende at gumagaya ito sa

namayapang punong dwende. Tatlong araw ang lumipas at binisita ni

Aneth si Nella sa kwarto niya. “Mahal

na reyna, may problema tayo” sabi ng

diwata. “Aneth! Bakit parang

nanghihina ka?” tanong ni Nella na

agad bumangon mula sa kama. “Hindi lang ako mahal na reyna ang

nanghihina. Lahat kaming mga

nilalang ang tila nawawalan ng lakas.

Hindi maipaliwanag kung bakit ngunit

parang may ibang nilalang ang

gumagawa nito” kwento ng diwata na tinuloy ang pagkukunwari. “Ha? Pano natin malulutasan ito? Pano

mo nalaman na lahat ng nilalang ay

nadali?” tanong ng reyna. “Mahal na

reyna, nandito ang ibang punong

nilalang para kausapin ka. May lunas

ito pero kailangan ka namin makausap lahat” paliwanag ni Aneth


at agad sumama ang reyna sa diwata. Naupo si Nella sa trono at naupo sa

harapan niya ang mga punong

nilalang. “Mahal na reyna, kaming mga

punong nilalang ay tinatagong

sekreto. Tungkol ito sa mga libro ng

kapangyarihan…” sabi ni Aneth at nakwento ng diwata ang lahat sa

reyna. “Sigurado ba maisasalba ang lahat ng

nilalang pag nakuha natin ang mga

libro?” tanong ni Nella. “Opo mahal na

reyna. Pero tangin ang naghahari lang

sa kaharian ang pwedeng pumasok

sa templo. Yan ang napagpasyahan ng mga ninuno namin. Pagkat pag tao

ang nakakuha ng libro ay di rin lang

nila maiintidihan at magagamit.

Ginawa yon para walang nilalang ang

pwede magmalabis” paliwanag ni

Aneth. “Nasan ba yung templo? Kailangan

natin magpunta doon agad” sabi ng

reyna at napangisi ng konti ang

diwata. “Samahan ko kayo mahal na

reyna, isama narin natin ang mga

disipulo para magbantay. Hindi natin alam kung sino ang gumagawa nito

sa mga nilalang kaya dapat may

gwardya tayo” hirit ni Aneth. “Teka napansin kong nawawala si

Tuti, nasan siya?” tanong ng reyna at


kinabahan si Aneth. “Mahal na reyna

mukhang nagluluksa pa ata siya sa

pagkawala ni Paulito. Tulad ni Anhica

mukhang lumayo muna sila” paliwanag ni Aneth at napabuntong

hininga si Nella. “O siya, tara na. Ayaw

ko may mamatay na nilalang” sabi ng

reyna. Ilang oras ang lumipas at narating nila

ang sentro ng kaharian, desyerto ito

at walang makitang templo si Nella.

“Nasan ang templo?” tanong niya.

“Mahal na reyna nasa ilalim ng lupa,

atras muna kayo at ipahukay natin sa mga disipulo” sabi ni Aneth. Mabilis nagtrabaho ang mga pekeng

disipulo, nakatayo lang ang dalawang

dwende sa tabi ng reyna kaya inayos

ni Nella ang palda niya. “Parang

nagbago na ata kayong dalawa” sabi

niya. “Respeto lang mahal na reyna” sagot ni Darwino at nanibago talaga si

Nella kaya natawa nalang. Ilang metro ang nahukay at isang

sementong bloke ang nakaharang sa

papasok sa templo. “Tabi kayo” utos

ni Bombayno at bigla siyang sumigaw

at nabiyak ang semento. “Pati boses ni

Bombayno nag iba” pansin ni Nella pero walang kumibo. Nabuksan na nila ang papasok sa

templo at agad bumaba si Nella.

“Natatakot ako Aneth” sabi ng reyna.


“Pasensya na mahal na reyna ngunit

pag sinamahan ka namin mamatay

kami” sagot ng diwata. “Teka bakit hindi nanghihina ang mga disipulo?

Diba dapat sila nanghihina?” tanong ni

Nella. “Ah…kaya siguro nagbago ang boses

ni Bombayno at nagbago ugali ng

mga manyakis na dwende” sagot ng

diwata at natawa si Nella. “Oo nga,

sigurado ka wala ako makakaharap

dito?” tanong ng dalaga. “Sigurado ko wala mahal na reyna” sagot ni Aneth

na ngumiti. Pumasok si Nella sa templo, madilim sa

loob ngunit may kakaiba siyang

naramdaman. Biglang nagliwanag

ang templo kaya napaatras ang

dalaga, isang multo ang nagpakita sa

dalaga kaya napasigaw ito ng malakas. Kinabahan si Aneth pero

wala siya magawa pagkat hindi sila

pwede makalapit sa loob. “Wag kang matakot Nella” sabi ng

multo at napaupo ang reyna at

nabalot ng takot. Hindi siya

makasigaw nang lalong luminaw ang

multo at nag anyong tao. “Wag kang

matakot Nella, ako ang taga bantay ng templo” sabi ng multo at nanginig ng

todo ang dalaga. “Pano mo alam pangalan ko?” tanong

ng dalaga. “Nakasaad ang iyong


pagpunta dito. Matagal na kitang

inaantay” sagot ng multo. “Nakasaad?

Inaantay ako? Anong ibig mo

sabihin?” tanong ni Nella. “Oo, lahat ng nagaganap sa kaharian

na ito ay nakasaad na. Lahat ng

naganap at di pa nagaganap ay

nakasulat sa libro ng mga ninuno.

Wag kang matakot Nella, hindi kita

pwedeng saktan. Gwardya lang ako dito sa templo” paliwanag ng multo. Tumayo dahan dahan si Nella
at

naglakad pa papasok sa templo, “Ano

pa ang nakasaad sa libro?” tanong ni

Nella. “Patawad Nella hindi ko pwede

sabihin, at kahit sabihin ko man ay

wala ka rin magagawa pagkat ang nakasaad ay di na mababago.

Mangyayari at mangyayari lahat”

paliwanag ng multo. “Bakit parang malagim ang tono ng

boses mo? Nandito ako pagkat may

problema ang mga nilalang.

Nanghihina sila at nawawala ang

kanilang kapangyarihan. Sabi sa akin

makakatulong ang kapangyarihan na nakasaad sa mga libro dito” sabi ng

dalaga. “Yan ba talaga ang paniniwala mo?”

tanong ng multo. “Bakit hindi ba?

Sabihin mo sa akin kung ano

nalalaman mo. Utos ko ito!” sigaw ni


Nella at natawa ang multo. “Reyna ka

nga pero patawag Nella, ang mga buhay lang ang nasasakupan mo.

Kaming mga multo ay hindi kasama

don. Naitanong ko lang kung yun

talaga ang paniniwala mo” paliwanag

ng multo. “Yun ang sabi sa akin at nakita ko ang

ebidensya” mariing sinabi ng dalaga.

“Taga bantay lang ako dito sa templo,

hindi kita pwede pigilan kunin ang

mga libro Ikaw tunay na

tagapamahala ng kaharian kaya di kita pwede pigilan. Halika samahan

kita” sabi ng multo at pumasok ang

dalawa sa templo. May tatlong malalaking lamesa at sa

ibabaw nila ang mga libro ng

kapangyarihan. “Ang dami pala” sabi

ni Nella. “Oo bawat nilalang ay may

tanging libro. Nakalaad sa bawat libro

kung paano nila makakamtan ang pinakamalakas na kapangyarihan

nila” paliwanag ng multo. “Libro ng diwata…pag binasa ito ng

isang diwata matututunan niya pano

lumakas ng todo?” tanong ni Nella.

“Ganun na nga yon” sabi ng multo. “E

sino ang mga gumawa nito?” tanong

pa ng dalaga. “Noong unang panahon

nagpapalakasan ang mga bawat


nilalang. Nais nila mangibabaw sa iba

kaya nag aral sila pano lumakas.

Nagkaroon ng matinding gera ng mga

nilalang. Dahil sa nais maging pinakamagaling halos nasira na nila

ang kaharian” “Habang tumatagal ay napapansin nila

na nanghihina sila, at doon nila

nalaman na ang kapangyarihan nila

nanggagaling din sa kapaligiran. Oo

maaring malakas sila pero

nakalimutan nila na mas makapangyarihan ang kapaligiran.

Halos mamatay na ang kaharian at

napansin nila pati sila nadadamay” “Tumigil ang gera at nagtipon ang

pinakamalakas na mga nilalang.

Nagpasya sila na itigil na ang laban at

dahil nasisira ang kaharian. Wala din

lang kwenta mamuno pag wala kang

kaharian diba?” kwento ng multo. “Kaya yung mga pinakamalakas na

nilalang ay siyang naging ng pinuno,

pinunong diwata, pinunong dwende

at madami pang iba. Lahat sila pinili

ang kapayapaan pero may mga di

sumang ayon sa kanila” “Kaya nagkaroon ng pwersa ng

liwanag, at pwersa ng kadiliman. Mga

pwersa ng liwanag ay yung mga

nilalang na ninanais ang kapayapaan


at ang kapangyarihan nila galing sa

kalikasan. Ang mga tumiwalag ay nakahanap ng panibagong

kapangyarihan na mula sa kadiliman

ng budhi” “Nagpasya ang mga punong nilalang

na itago ang mga libro dito sa templo

at tanging makakapasok dito ay ang

tao na walang kapangyarihan” sabi

pa ng multo. “E paano kung makuha ng isang

nilalang ang lahat ng libro? Kaya ba

niya aralin ang mga kapangyarihan

ng ibang nilalang?” tanong ni Nella.

“Maari yon ngunit mahihirapan siya.

Kahit na ganon, may ibang gamit din ang mga librong ito. Malalaman din ng

nilalang na yon ang kahinaan ng

ibang nilalang at pwede niyang

gamitin ang kahinaan na ito para

matalo ang isa pang nilalang. Pero ang

labis na nakakatakot ay pag nakamtan ng isang nilalang ang lahat

ng kapangyarihan na ito. Pag

nangyari yon isa na siyang diyos”

paliwanag ng multo at natakot si Nella. “Pero mahirap mangyari yon diba?

Hindi naman siguro mangyayari yon.

Nais ko lang tulungan ang mga

nilalang kaya ako nagpunta dito” sabi

ni Nella. “Yan ang paniniwala mo kaya


wala ako pwede gawin kundi respetuhin yon” sagot ng multo at

nagdududa na talaga si Nella. “Nandito din ba ang libro ng ninuno?

Gusto ko siya mabasa kasi ayaw mo

naman sabihin ang alam mo. Nasan

ang librong yon?” tanong ng dalaga.

“Patawad Nella, nahati sa tatlo ang

libro ng mga ninuno at naikalat. Kung saan hindi ko alam pero nabasa ko

lahat ng laman nito. Dahil sa kasalanan

na yon ako ang napiling magbantay

dito, kinulong nila ako dito at

nandoon ang aking kalansay” sabi ng

multo at sa dulo ng templo nakita ni nela ang isang kalansay at kinilabutan

siya. “Dahil na nalalaman ko nagpasya ang

mga punong nilalang na akoy ikulong

dito para di ko maikalat ang

nalalaman ko. Aminado ako binalak

ko gamitin sa hindi maganda ang mga

nalaman ko, kaya tanggap ko ang lahat. Hindi madali ang maging multo

na taga bantay. Nais ko nang

mamayapa sana pero napipigilan ako” “Pero sabi nila antayin ko ang

pagdating mo, pag nagawa kong

panatiliin ang nalalaman ko sa akin

lamang maari na ako mamayapa sa

pagdating mo. Kaya matagal na kitang

inaantay Nella. Patawag gusto ko man sabihin sa iyo ang nalalaman ko, hindi
ko na kaya manatili pa dito. Gusto ko

na mamayapa, sana maintindihan mo”

sabi ng multo at huminga ng malalim

ang dalaga. “Masyado madami ito, matatagalan

ako sa pagbuhat ng mga libro” sabi ni

Nella. “Tutulungan kita, wag kang

mag alala. Pero Nella payo ko lang sa

iyo. Maging mapagmasid ka, sundin

mo ang puso mo. Sigurado ka ba sa paniniwala mo? Yun lang masasabi ko,

antayin ko nalang ang desisyon mo”

sabi ng multo at matagal napaisip si

Nella. “Bahala na, di ko kaya na madaming

nilalang ang mamatay” sabi ng dalaga

at niyuko ng multo ang ulo at

tinulungan na si Nella magbuhat ng

mga libro.

Chapter 4: Pagbangon

Isang gabi, tahimik ang buong

kaharian nang may isang nilalang na

tumayo sa harapan ng lumang

palasyo. Maliwanag ang buwan at ang

simoy ng hangin ay mahalimuyak.

Tinanggal ng nilalang ang kanyang hood at dinikit ang kamay niya sa


malaking kometa. “Bossing, nandito na ako” bulong ni

Wookie nang nagpaatras siya.

Humawak ang mambabarang sa

kamay niya at sa isang iglap dalawang

malaking higanteng espiritu ang

lumabas at inutusan agad ni Wookie na alisin ang kometa. Madaling naalis ng dalawang Diablo

sang malaking kometa, napahanga si

Wookie sa lakas nila. Agad pumasok

ang mambabarang sa loob ng

gumuhong palasyo, nagpakawala

siya ng mga espiritu para hanapin si Paulito. Ilang sandal pa ay kinalbit ni mini

Wookie ang mambabarang at tinuro

ang mahiwagang lababo ng bruha na

nakataob. Agad pinaalis ni Wookie

ang lababo sa mga espiritu at

dalawang katawan na magkayakap ang natagpuan nila. Agad binuhat ni Wookie ang katawan

ng punong disipulo, dinala niya ito sa

labas at pinahiga sa lupa. Nilaslas ng

mambabarang ang leeg ng dala

niyang baboy saka pinainom ang

dugo sa bampira. Madami nang napainom na dugo ang

mambabarang sa bampira ngunit

hindi parin ito nagigising.

Pangalawang baboy na at biglang

tinapik ni Wookie at noo ng bampira.


“Bossing naman e” sabi ni Wookie at natawa si Paulito at dahan dahan niya

minulat ang mata niya. “Yo Kalbo” bati ng bampira at

huminga ng malalim ang

mambabarang at natawa. “Sorry

naman, ngayon lang ako nakaranas

na pinapakain ako e” sabi ni Paulito at

napakamot ang mambabarang. “Buhay ka naman pala e, bakit di ka

pa umalis diyan sa ilalim?” tanong ng

mambabarang. “Ewan ko, wala akong lakas. Ngayon

parang bumabalik na. Pero nung

nakakulong ako sa ilalim walang wala

kahit ano gawin ko. Hindi ko

maintindihan” paliwanag ng bampira.

“E ngayon? Bumabalik na ba?” tanong ni Wookie. “Oo unti unti pero

nanghihina parin ako talaga. At may

isa pang problema” sabi ng bampira. “Anong problema?” tanong ni Wookie

at nagulat ang mambabarang nang

may kamay siyang nakita na

lumalabas sa butas. “Bakit mo ako

iniwan doon mag isa?!!!” sigaw ng

babae at agad naghanda ang mambabarang pagkat nabobosesan

niya ang babae, yun ang bruhang si

Monica. Agad hinila ni Wookie ang mahinang

bampira at nagpakawala ng isang

daang espiritu para harapin ang


bruha. “Bossing dito ka sa likod ko,

ako bahala dito” sabi ni Wookie. Di pa

sumusugod ang mga espiritu, si Monica naman ay nakatayo lang at

pinagmamasdan sila at tumatawa.

“Hoy kalbo pano mo nagawa to?

Turuan mo nga ako” sabi ng bruha. “Wookie pare, paatrasin mo na ang

mga espiritu mo” utos ni Paulito.

“Bossing nasisiraan ka na ba ng bait?

Malakas na bruha yan!” sagot ng

mambabarang. “Hindi na, paatrasin

mo na sila” sagot ng bampira at di makapaniwala ang mambabarang

pagkat nakikipaglaro ang bruha sa

mga espiritu. “Boss nasiraan ba ng bait ito?” bulong

ni Wookie. “Parang ganon na nga.

Monica gutom ka diba?” sabi ng

bampira at nagulat si Wookie nang sa

isang iglap katabi na niya ang bruha.

Inamoy ni Monica ang mambabarang at halos nanlambot si Wookie nang

maglabas ng pangil ang bruha. “Pau,

pwede ba to? Maganda ang amoy ng

dugo niya e” sabi ni Monica. “Sabi ko sa iyo bawal kumain ng dugo

ng tao, hayop lang. Ito may baboy

dito” sabi ni Paulito at nagsimangot si

Monica. Naupo ang bruha sa harap ng

baboy at tinitigan ito. “Pano ko


kakainin blood nito? So kadiri the piggy” sabi niya at napakamot si

Wookie. “Bossing, isa lang naiisip ko

kung pano naging ganyan yan pero

di ko maintindihan bakit” sabi ng

mambabarang. “Mahabang kwento pare, may baso ka

bang dala?” tanong ni Paulito at

inutusan ni Wookie ang manika niya

na kumuha ng niyog. “Wow! Ang cute

naman niyan!!!” sigaw ni Monica at

hinabol niya ang mini Wookie. Habang wala yung dalawa ay naupo

ang mambabarang sa tabi ng bampira.

“Boss, bakit mo siya binuhay?” tanong

ni Wookie. “Di ko naman ginusto e.

Wala na talaga ako lakas noon sa

ilalim. Kinailangan ko ng dugo kaya kinagat ko siya. E alam mo naman

kaming mga bampira pag inubos mo

ang dugo ng isang nilalang tapos

nakabaon kayo sa ilalim ng lupa na

magkasama…mabubuhay muli yun

bilang bampira” kwento ni Paulito. “May kagat ka sa leeg, bakit pati siya

kinain dugo mo?” tanong ni Wookie.

“Oo eh, mga tunay na bampira di

magagawa yan pero pareho kaming…

half half kung tawagin. Kaya para

kaming nagpalitan ng kagat para lang mapanatiling buhay ang isat isa” sagot
ng bampira. “Malakas ata kumain ng dugo, hinang

hina ka samantala siya nakalabas nga

mag isa e” biro ni Wookie at

nagtawanan ang dalawa. “Pero pare,

wag mo sana ipaalala na bruha siya”

sabi ni Paulito. “Ha? Bakit?” sagot ng mambabarang. “Pag nabuhay ka muli

makakalimutan mo ang nakaraan mo.

Ganon nangyari sa akin dati, naalala

ko kabataan ko at kung paano ako

pinatay ng isang bampira. Nung

nakaraan lang sa muling pagkabuhay ko nanumbalik ang lahat ng nakaraan

kong alaala. Sana sa kanya wag na

bumalik” kwento ni Paulito. “Oo sige pare, wag kang mag alala”

sagot ni Wookie. “Pero meron akong

hindi maintindihan” sabi ng bampira.

“Ano yon pare?” tanong ng

mambabarang. “Kilala niya ako e.

Nakwento niya lahat hanggang sa pagkamatay ko nung bata ako” sabi

ni Paulito. “Ha? Akala ko ba pag naging bampira

mabubura ang pag iisip?” tanong ni

Wookie. “Yun na nga e, nakwento

niya pano nila ako natagpuan sa

gubat nung sanggol ako. Pati daw si

Anhica natagpuan din daw nila pero tinago at pinag kunwaring diwata.

Kuhang kuha niya pati detalye ng


maliit kong tirahan noon at itsura

nung gubat na kinalakihan ko. Hindi

ko talaga siya maalala e. Sabi naman

niya pinagbabawal daw sila makalapit sa akin” kwento ng bampira. “Di ba kaya niyo malaman kung

nagsisinungaling ang isang tao?”

tanong ni Wookie. “Oo kaya namin,

ginawa ko yon at bilang nagpabuhay

sa kanya hindi siya pwede

magsinungaling sa akin. Ako ang bumuhay sa kanya bilang bampira

kaya ako ang amo niya at kailangan

niya sundin ang lahat ng sasabihin ko.

Nagsasabi siya ng totoo kaya di ko

talaga maintindihan” paliwanag ni

Paulito. “Bossing baka nagpapanggap lang

yan, kaya mag ingat tayo” sabi ni

Wookie. “Oo alam ko pero may

katotohanan sa mga sinasabi niya.

Nung namatay daw ako doon siya

lumayas sa gubat para humingi ng tulong sa mga bruha para buhayin

ako. Doon ko din nalaman na si Aneth

pala ang nagbigay lakas kay

Fredatoria pero binintang sa kanya

kaya gusto niya gumanti” sabi ng

bampira at nagulat si Wookie. “Si Aneth ang may kagagawan ng

lahat? Oo nga pala bossing, si Aneth


ang problema natin ngayon” sabi ng

mambabarang. “Oo alam ko, siya din

ang nagkulong sa amin at iniwanan

kami para mamatay. Kaya nung nakwento ni Monica tungkol kay

Aneth naniniwala ako sa kanya pero

hindi ko maintindihan bakit naalala

niya ang lahat e burado ang memorya

niya” sabi ni Paulito. “Kung naalala niya ang nakaraan niya,

imposible naman na hindi niya maalala

na naging masamang bruha siya.

Parang di tumutugma ata” sabi ni

Wookie. “Yun na nga e, pero wala

talaga siya maalala, pati yung pagkakulong namin at huling laban

wala siya maalala” sabi ni Paulito. “Bossing parang bumabalik ata lakas

mo ha” sabi bigla ni Wookie at tumayo

ang bampira at huminga ng malalim.

“Oo nga no, pero kulang pa to, di ko

pa nararamdaman ang lakas ng iba

nating kadisipulo. Dati dati alam ko lagi nasan kayo, pero ikaw ramdam

ko malamang kasi katabi lang kita.

Wala pa ako sa wastong lakas siguro

kaya ganon” sabi ng bampira. “Kailangan mo magpahinga, at

habang binabawi mo lakas mo

ikwekwento ko ang bagong

delubyong hinaharap natin” sabi ni


Wookie pero narinig na nila ang tawa

ni Monica papalapit. “Akin na yang buko para mahiwa ko

na. Para may baso ka na maarte kang

bampira ka” sabi ni Wookie. “Tse!

Diwata ako, ako na maghihiwa dito”

sabi ni Monica at nagulat ang dalawa

nang may lumabas na dilaw na ilaw sa daliri ng dalaga at hiniwa ang buko sa

dalawa. “Kaya ba ng bampira ang ganon?”

bulong ni Wookie. “Hoy! Naririnig kita

wag kang bubulong bulong diyan”

sabi ni Monica. “E di bampira ka nga!”

sabi ng mambabarang. “Kasalanan ng

katabi mo! Diwata na nga e gagawin pang bampira, gusto mo lang may

kapareho kang napalitan ng anyo e”

reklamo ng dalaga at napakamot

nalang si Paulito. Inabot ni Monica ang kalahating niyog

kay Paulito, “Ikaw na mag get ng

blood, kadiri e” sabi niya. “Kadiri daw,

kung di naman iinumin patay ka”

bulong ni Wookie at bigla siyang

tinabihan ng dalagang bampira. “Pauuu…sigurado ba na hindi pwede?

Kahit konti lang na dugo nitong

kalbong to” landi ni Monica. “Tsk sabi

ko say o bawal ang tao!” galit ni

Paulito pero tinaas ni Monica ang kilay


niya. “Kahit isang patak lang, kasi matamis ang amoy ng dugo ng tao e”

sabi niya. “Hindi pwede! Halika dito at

ito ang inumin mo” sabi ng bampira at

nagdabog ang dalaga. Dinilatan ni Wookie ang dalaga,

“Bwisit ka kalbo! Pasalamat ka

nandito si Paulito. Pag wala siya…”

sabi ni Monica. “Itigil mo yan, sundin

mo ako pagkat ako ang amo mo!”

galit ni Paulito kaya tumahimik ang dalaga. Pasimpleng natawa si Wookie

at dinilatan ulit ang dalaga,

“Demonikaaaa” tukso niya. “Paulito

oh! Tignan mo yang disipulo mo!”

sumbong ng dalaga. “Wookie itigil mo

din yan!” sabi ng bampira at nanahimik ang mambabarang at siya

naman ang dinilatan ng dalaga. Ilang araw ang lumipas nagising si

Paulito sa kweba, nakayakap sa

kanya si Monica at hinang hina siya.

“Kinagat mo ba ako ulit?” tanong ng

binata. “Hindi” sagot ng dalaga. “E

bakit ako nanghihina? Lagi nalang ganito pag magigising ako” sabi ni

Paulito. Tumayo ang bampira at

nagising din sina Wookie at Wakiz.

“Pare may problema?” tanong ng

mambabarang. “Nanghihina ako lagi basta bagong

gising e” sabi ng bampira. “Hoy bruha


ano ginawa mo kay boss?” tanong ni

Wookie. “Wala ako ginawa! Wala pa!”

sagot ng dalaga sabay tawa.

“Malamang may ginawa yan, sabi ko na nagpapanggap lang yan e” sabi ng

mambabarang. “Ay wait, naalala ko nung bata ako

nilagyan ako ng asul na bato sa

katawan” sabi ni Monica at biglang

bumangon si Wakiz. “Asul na bato?

Sigurado ka asul na bato?” tanong ng

matanda. “Opo lolo, kasi dati suot ng mommy ko

yon. Pinapasa daw punong diwata

yon sa anak niya na papalit sa kanya”

paliwanag ng dalaga at nagising na

ng tuluyan ang matanda. “Kaya

naman pala nanghihina ka pag katabi mo siya. Nasa katawan pa niya ang

kapangyarihan ng asul na bato. Pero

pag nasa kanya pa yon e pano siya

lumakas?” tanong matanda at natulala

ang tatlo at tinignan ang dalaga. “Ibig mo sabihin yung kapangyarihan

niya nung bruha siya hindi pa yon ang

tunay na kapangyarihan niya?”

tanong ni Wookie at sinesyasan siya ni

Paulito na manahimik. “Ganun na nga

apo, pero di ko alam pano niya nagawa yon” bulong ng matanda. “Ayan nanaman kayo bulong bulong

bulong! Naririnig ko kayo at hindi ako


bruha! Oo pumunta ako sa kanila para

humingi ng tulong at nag aral pero

wala na ako maalala pagkatapos

non!” sigaw ni Monica at lalong naintriga ang tatlo. “Kaya pala hindi ko maramdaman ang

presesnya ng ibang disipulo,

tinatanggal pala niya ang lakas ko”

sabi ni Paulito. “Hindi ganon iho,

gagana lang ang kapangyarihan ng

asul na bato pag suot mo ito o katabi mo yung may suot nito” paliwanag ni

Wakiz at nanigas ang bampira. “Hindi totoo yan, sigurado ko may

kinalaman siya dito kaya di ko

nararamdaman yung iba” pilit ng

bampira. “Alam ko natatakot sa isipin

yung masama, pero iho ganun ang

kapangyarihan ng asul na bato. Kung ayaw mo isipin ako magsasabi sa iyo” “Maaring patay na ang iba
niyong

kadisipulo” sabi ng matanda. Humarap si Paulito sa pasukan ng

kweba, mga kamao niya nanigas at

nanggagalaiti siya sa galit. Nagliyab

ang mga mata niya at buong katawan

niya nagbagang pula. “Oh shet, hindi

maganda ito” sabi ni Wookie. “Monica iha dalian mo yakapin mo siya

bago makalabas ang sugo!” utos ni

Wakiz at mabilis na gumalaw ang

dalaga at mula sa likod niyakap ang

binatang bampira. Tumigil ang


pagbabaga ng katawan ni Paulito, mga mata niya nanumbalik sa normal

at napaluhod ito. “Bakit niyo ako pinigilan?!!!” sigaw

niya at lalo pa siya niyakap ng

mahigpit ni Monica. “Paulito, alam ko galit ka. Pero hindi

natin alam kung ano ang

makakalaban natin. Pag hinayaan ka

namin maging sugo ay

mararamdaman ng buong kaharian

ang kapangyarihan mo at maalerto si Aneth at yung isang grupo” “Mas maganda na yung ganito muna

at mag antay tayo bago tayo

gumalaw. Mas maganda na alam nila

na patay na kayong tatlo para alam

nila wala silang makakaharap.

Mahirap makipaglaban pag hindi mo alam kung ano ang kalaban mo” “Sa ngayon sigurado ko hawak na
ni

Aneth ang mga libro. Sigurado ko

nagsimula na siyang magpalakas at

wala tayong magagawa kasi

nakasaad yon. Hayaan mo na mag

antay pa tayo konti para malaman natin ano ang balak niya” “Lahat ng plano hindi perpekto, laging

may pagkakamali. Kung wala man

mali laging may kahinaan ang plano.

Kailangan natin malaman ang plano

niya bago tayo gumalaw. Kung

ngayon tayo kikilos sino na ang lalaban sa kanila pag nabigo tayo?”

paliwanag ni Wakiz. Kumalma si Paulito at tinapik ang


kamay ni Monica para bitawan siya.

Tumayo siya at hinarap ang bukanan

ng kweba. “Sabi mo ang nakasaad lagi

nasusunod. Sige sasang ayon ako sa

iyo ngayon Wakiz. Pero ito tandaan

mo…” “Habang akoy buhay, gagawin kong

libro ng kasinungalingan ang libro ng

mga ninuno!”

Chapter 5: Pagbabago

Isang gabi sa kweba, natulog na ang

maglolo habang ang dalawang

bampira ay pagising palang.

Bumangon si Monica at ginising si

Paulito, “Gumising ka na gutom ako”

bulong niya. “Sabi ko kasi wag mo ako tatabihan matulog, nanghihina

ako. Ikaw manghuli ng sarili mong

kakainin” sagot ng binata. “Bahala ka, pag di ka babangon may

dalawang pagkain naman dito…

hmmm sino kaya unahin ko sa kanila.

Yung matanda o yung kalbo?” biglang

banat ni Monica kaya napabangon si

Paulito. “Sabi ko sa iyo wag kang kakain ng tao” paalala niya at natawa

ang dalaga. “O ayan nakabangon ka


na, halika na kuha tayo pagkain.

Gutom na talaga ako” lambing ng

dalagang bambira. Lumabas ang dalawa sa kweba at

tumayo sa tuktok ng isang puno.

“Bakit naman tayo nandito ang taas

taas, nakakatakot” reklamo ni Monica

sabay kapit sa binata. “Bampira ka

nga e, kailangan natin dito para nakikita natin ang mga hayop sa

baba. At wag kang maingay kasi

tatakutin mo yung mga hayop” sagot

ni Paulito. “Hello! Anong alam ko sa pagiging

bampira e diwata ako dati. Ginawa mo

akong ganito kaya turuan mo ako”

sabi ni Monica at biglang nalungkot

ang binata. “Oh bakit? May nasabi ba

akong mali?” hirit ng dalaga. “Naalala ko lang si Tuti. Tinuruan ko siya

maging bampira” drama ni Paulito. “Tanggapin mo na patay na siya

okay? Kung gusto mo hingi tayo ng

tulong sa mga bruha para buhayin

siya” sabi ni Monica at napangisi si

Paulito. “Hindi na kailangan yon” sabi

niya. “O tanggap mo naman na palang patay siya e” sagot ng dalaga. “Hindi

rin” sabi ng binata. “Ano ba talaga?

Ang gulo mong kausap” sabat ng

dalaga. “Ikaw bruha ka naman diba?”


biro ni Paulito. “Hindi ako bruha! Bakit

niyo ba pinipilit na bruha ako? Diwata ako tapos nagpunta ako sa mga

bruha, tapos di ko na maalala. Pag

gising ko kayakap na kita at bampira

na ako!” sigaw ng dalaga pero

tinakpan ni Paulito ang bibig niya. “Shhhh wag kang maingay” bulong

ng binata. Mabilis na nag dive pababa

ang binata, agad niyang nayakap ang

malaking baboy damo. Binaon ni

Paulito ang mga pangil niya sa leeg ng

baboy kaya ilang saglit lang patay na ito. “Halika na dito para kumain” sabi ng

binata. “Huy, sunduin mo ako dito. Di

ako makababa e” sagot ni Monica.

“Kaya mo yan, sige ka ako na uubos

ng dugo nito” sabi ni Paulito at galit na

galit ang dalaga. “Malalaglag ako! Sige na kasi! Dinala mo ako dito tapos di

iiwanan mo ako” hirit ni Monica at

natawa ang binata at nagsimula

kumain. “Hmmm sarap ng dugo,

naamoy mo naman diba? Halika na

bago maubos ko to” biro ni Paulito. Yumakap si Monica sa puno at dahan

dahan nagpababa. “Sunduin mo na

kasi ako dito!” sigaw niya. “Ganyan

din si Tuti nung una. Kaya mo yan,

bilisan mo. Tumalon ka na kasi wag


kang matakot” sabi ni Paulito. “Bwisit ka! Ikaw matagal ka nang bampira

ako nagsisimula palang! Sunduin mo

ako dito!” reklamo ng dalaga. “Bilang

amo mo sundin mo ako! Bumaba ka

dyan mag isa!” bawi ni Paulito. Nakababa din si Monica pero ubos na

ang dugo ng baboy. “Di mo pa ako

tinirhan” drama ng dalaga. “Monica

bampira ka na, matuto kang mabuhay

bilang isang bampira. Tama na ang

drama halika na at hanap tayo ng makakain mo” sabi ni Paulito sabay

tumayo. Sa loob ng gubat yumuko ang dalawa

at nag antay. Ilang sandal at may

malaking usa, tinuro ito ni Paulito

sabay nagbulong. “O ayan sige na

atakehin mo na” sabi niya. “Di ko alam

pano” bulong ni Monica. “Mabilis ka na gumalaw, lapitan mo agad at yakapin.

Ibaon mo agad pangil mo sa leeg niya

at wag mo siya bibitawan habang

gumagalaw pa” utos ng bampira. “Di

ko alam e” sagot ng dalaga. “E di

mamatay ka sa gutom” sumbat ng binata. “Sungit naman nito” bulong ni Monica

at naghanda siya para atakehin ang

usa. Narinig ng hayop ang tapak niya

kaya napatigil ito sa paglalakad, agad

sumugod si Monica pero nakaunang


nakatakbo ang usa. Di nakuha ng dalaga ang hayop, lumingon siya kay

Paulito na tinitignan lang siya. “Pag

nakauwi yon sa kanila, mababalitaan

ng ibang hayop na may bampira dito.

Hindi na sila papasyal sa parteng ito”

sabi lang ng binata. “Oo na oo na alam ko hahabulin ko” sagot ni Monica

sabay mabilis na gumalaw para

habulin ang usa. Di pa sanay ng

dalaga ang bilis at kakayahan niya

kaya nauutakan siya ng usa. Limang

minuto ng paghahabol ay nabwisit si Monica at dilaw na apoy mula sa

kamay niya ay lumabas at natamaan

ang usa. “Tignan mo so easy!” sabi ni Monica

sabay tawa. Paglapit niya sa usa ay

tostado na ito. Tahimik lang si Paulito

na umakyat sa isang sanga ng puno at

doon nahiga. “Sige tawanan mo ako”

sabi ng dalaga pero di siya pinapansin ng binata. “Gutom na talaga ako.

Tulungan mo na kasi ako” hirit niya

pero pinikit lang ni Paulito ang

kanyang mga mata. Niyuko ni Monica ang ulo niya,

naglakad lakad siya sa gubat at sa

isang tabi naupo. Talang gutom na

siya kaya sinubukan niya pakinggan

kung may papalapit na hayop. Ilang


sandali lang may naamoy siya at bigla siyang nanggigil. Sinubukan niya

kumalma hanggang sa nakita niya

ang isa pang usa kaya bigla siyang

tumakbo pero nahalata siya ng usa. Di nanaman niya naabutan ang hayop

pero biglang may malakas na hangin

dumaan sa harapan niya. Sa isang

iglap hawak na ni Paulito ang usa at

kitang kita ni Monica ang paglabas ng

mga pangil niya. Bumaon ang mga ngipin ng bampira sa leeg ng usa,

pumiglas pa ang hayop pero ilang

sandali lang di na ito gumagalaw. Maglabas si Paulito ng kalahating

niyog at kinargahan ito ng dugo

sabay inabot kay Monica. Nahiya pa

ang dalaga kunin yon pero gutom na

talaga siya kaya naupo siya sa lupa at

kinuha ang baso. “Salamat” bulong ng dalaga. “Alam mo di mo dapat

pinandidirihan ang ganito. Mas

maganda pag sinipsip mo ang dugo

mula sa ugat mismo ng hayop”

paliwanag ng binata. “Pano na kung

magkahiwalay tayo? Sino na magpapakain sa iyo? Kailangan mo

tanggapin ang pagbabago mo”

dagdag ni Paulito. “Oo alam ko pero bigyan mo naman

ako ng panahon. Matututunan ko din

ito magtiwala ka pero sa ngayon


turuan mo ako dahan dahan” lambing

ng dalaga. “At wag mo naman sana

sabihin na magkakahiwalay tayo” bulong niya. “Bakit?” tanong ni

Paulito. Di sumagot ang dalaga pero

inabot niya ang baso para

makargahan ulit. Kinabukasan ng gabi naglakbay ang

dalawa sa may batis. Mabilis naghubad

ang dalaga kaya si Paulito nahiga lang

sa ilalim ng isang puno. “Tara langoy

tayo” alok ng dalaga pero di siya

pinapansin ng binata. Lumangoy si Monica sa batis, naalala niya tuloy

nung bata siya at ito ang paborito

niyang ginagawa. “Paulito, ang layo mo. Dito ka nalang

sa bato o, malaki naman pwede ka

mahiga dito” sabi ng dalaga. Sa isang

iglap nakahiga na si Paulito sa bato at

nakatingin sa langit. “Alam mo ang

tahimik mo talaga, nung sanggol ka iyak ka ng iyak. Pati nung medyo

tumanda ka na tuwing gabi naririnig

ko parin ang iyak mo kahit nasa

kweba na kami” kwento ni Monica. “Wala ako maalala talaga. Oo naalala

ko nung bata ako pero di kita

matandaan” sabi ng binata. “Kaya

nga, pinagbawal nga kami lapitan ka.

Pero nung sanggol ka lagi ako sa


kubo mo tuwing gabi. Minsan nakakatulog na ako don tapos

gigisingin nila ako para umuwi baka

mapagalitan ako ng mommy ko” sabi

ni Monica. “Alam ko di ka nagsisinungaling pero

pasensya na di ko talaga maalala” sabi

ni Paulito. “Paano mo alam di ako

nagsisinungaling?” tanong ng dalaga.

“Isang abilidad natin mga bampira.

Kasi ang nagsisinungaling bumibilis ang tibok ng puso nila at nagbabago

ang hininga” paliwanag ng binata. Biglang natawa si Monica at lumangoy

ng malayo. “Bakit ka natawa?” tanong

ni Paulito. “Tama ka matalas nga ang

pakiramdam ng bampira” sabi ng

dalaga sabay lalong natawa. “Oo nga

e bakit ka tumatawa?” tanong ng binata. “E kasi naramdaman ko saan

nagtitipon yung dugo mo” landi ni

Monica at lalong napahalakhak.

Napahiya ang binata, natawa narin

siya at mabilis na umakyat sa malapit

na puno. “Hoy, bakit ka lumayo? Normal lang

naman yan diba?” tukso ni Monica

sabay tumawa pa. “Bilisan mo maligo

at madami pa ako ituturo sa iyo” sagot

ng binata. “Ano naman ituturo mo?

Lumapit ka kasi ang hirap tumingala, di mo naman pwede itago yan kasi
nasesense ko” banat ni Monica at

nagtawanan silang dalawa. Dalawang araw ang lumipas at

gumaling na si Monica. Kayang kaya

na niyang manghuli ng hayop pero

maarte parin siya sa paginom ng

dugo. “Marunong ka na manghuli ng

pagkain mo, susunod tanggalin natin ang takot mo sa matataas na lugar”

sabi ni Paulito habang kumakain sila. “Kailangan pa ba yon?” tanong ng

dalaga. “Oo naman. May adbantahe

ang nasa mataas na lugar. Karamihan

ng kalaban natin sa lupa lang. Minsan

may mga lumilipad din” paliwanag ni

Paulito. “Kalaban, hmp! Ano suntukan? Tignan mo naman ako

masyado ako maganda para sa

suntukan” sabi ng dalaga. “Monica, sa

laban wala pinipili ang kalaban. Di

porke maganda ka di ka na nila

sasaktan. Kailangan mo din matuto depensahan sarili mo” sabi ng binata. “E nandyan ka naman diba? O
wag mo

sasabihin na maghihiwalay nanaman

tayo!” reklamo ng dalaga. “Hay naku,

hindi natin masasabi na lagi tayo

magkasama. E pano kung may

nangyari sa akin. O alangan na antayin mo pa espiritu ko bumalik para

ipagtanggol ka” sabi ni Paulito. “Tumahimik ka nga. Basta di tayo

maghihiwalay at pwede ko pa naman


gamitin kapangyarihan ko bilang

diwata e” sabi ni Monica. “At

kapangyarihan ng bruha” dagdag ni

Paulito at napasimangot ang dalaga. “Oo na, alam ko totoo sinasabi niyo.

Pero di ko talaga maalala. Sigurado

naman ako nasesense mo na di ako

nagsisinungaling” “Napapansin ko na ikinamumuhi ako

nina Wookie at lolo niya parang

napakasama ko. Pero di ko talaga

maalala ano nagawa ko. Gusto kita

tanungin, ganon ba talaga ako

kasama? Ano ba nagawa ko?” sabi ni Monica. Huminga ng malalim si Paulito at

sumandal sa puno. “Naniniwala ako

sa iyo. Pero sasagutin ko tanong mo.

Oo napakasama mo nung bruha ka”

sabi ng binata at nalungkot si Monica.

“Di ko talaga maalala” bulong niya. “Kahit ano pa nakaraan mo, yakapin

mo nalang ang pagbabago. Sa

ngayon nakikita ka nila bilang bruha

parin dahil sa mga nagawa mo at di

sila maniniwala nagbago ka na” “Mahirap ang pagdadaanan mo para

maniwala sila lahat na nagbago ka na.

Yakapin mo ang pagbabago mo saka

mo patunayan sa kanila na di na ikaw

yung kilala nilang masamang bruha.


Bampira ka na ngayon at magpakilala kang bilang isang bampirang

kakampi ng lahat” sermon ni Paulito. “Kailangan ko pala lumayo sa inyo.

Kasi pag makikita nila na kasama niyo

ako baka isipin nila na pati kayo

masama narin” drama ng dalaga. “Yan

ba ang gusto mong tingin ng tao at

ibang nilalang sa iyo habang buhay? Bilang isang masamang bruha?”

tanong ni Paulito. “Hindi, pero sa ngayon pag nakita nila

magkasama tayo, kilala pa nila ako

bilang masama kaya pati kayo

mapapasama” paliwanag ng dalaga.

“Ako bumuhay sa iyo bilang bampira,

isipin na nila ang gusto nila isipin. Kung magagalit sila sa akin e di

magalit sila” sabi ni Paulito. “Hindi mo ako iiwanan?” tanong ni

Monica. “Gusto mo ba iwanan kita?”

sumbat ng binata. “Hindi” sabi ng

dalaga. “O di hindi kita iiwanan” sabi

ni Paulito. “Parang napipilitan ka lang.

Binabase mo sagot mo sa sagot ko. Pano kung sinabi kong iwanan mo

ako?” hirit ni Monica. Tumayo si Paulito

at tumingin sa langit, “Hindi parin kita

iiwanan” sabi niya. Napangiti si Monica

sabay dahan dahan siya tinignan ng

binata. “Tayo ka na at tara sa taas ng puno”

utos ni Paulito at hinila ang kamay


niya. Sumakay sa likod ni Paulito ang

dalaga, imbes na makaabot sila sa taas

ay bigla sila nalaglag pababa. Sa lupa

napahiga ang dalawa, “Asul na bato” bigkas ni Paulito. “Ay oo nga sorry”

sagot ni Monica at bigla nalang sila

nagtawanan. Kinabukasan ay nagising si Paulito na

masakit ang dibdib niya. Nagulat siya

nang makita yung tatlo na gising at

pinagmamasdan siya. “Ano meron?

Ang sakit ng dibdib ko, Monica ano

ginawa mo?” tanong niya. Tinuro ng dalaga ang matanda pero ngumiti

lang si Wakiz. Napansin ni Paulito na wala siyang

saplot na pangtaas at pagtingin sa

dibdib niya wala naman marka doon.

“Ano ginawa niyo sa akin?” tanong

ng bampira. “Wala naman, sige

matutulog na kami” sabi ni Wakiz. Lumabas ang mga pangil ni Paulito at

agad nahawakan sina Wookie at

Wakiz sa leeg. “Ano ginawa niyo sa

akin?” ulit niya. “Tinatakan ka nila sa

likod” sumbong ni Monica at nagalit

ang bampira. “Bakit niyo ako tinatakan sa likod at bakit masakit ang

dibdib ko at hindi likod?” tanong ni

Paulito. Agad na niyakap ni Monica ang

bampira kaya nanghina ito.


Nabitawan niya ang maglolo at mabilis

sila nakalayo. “Wag ka na magagalit sa

kanila, bagay naman e. Ang ganda

nga e” bulong ng dalaga. “Hindi ko tinatanong kung maganda, ang

tanong ko bakit? Para saan?” hirit ni

Paulito. “Magtiwala ka sa akin, mas maganda

na di mo alam for now” sabi ni Monica.

Masama ang tingin ni Paulito sa

maglolo pero tumayo ito at pinipilit

tignan ang likod niya. “Makakabuti ba

ito o pinagtripan niyo lang ako?” tanong niya. “Makakabuti pero mas

maganda pag di mo alam ano yan sa

ngayon” paliwanag ni Wakiz. “Bakit di ba pwede itatak nalang sa

likod ni Wookie ito? Bakit sa akin pa?”

tanong ni Paulito. “Sa iyo lang

nababagay yan. Hindi kaya ni Wookie

yan kaya magtiwala ka sa ngayon.

Ikaw lang makakakaya diyan” sabi ng matanda. Di alam ng bampira kung

ano ginawa nung dalawa pero mabilis

siya nagtiwala. “Ano ba tinatak nila?” tanong ni

Paulito. “Sisiw” sabi ni Monica. “Sisiw!!!

Sa lahat ng itatatak niyo sisiw?!!!”

sigaw ng bampira at nagtawanan

yung tatlo. “Biro lang ito naman, basta

tulad din ng kayo Wookie pero basta maganda siya tignan” sabi ni Monica at
nagbago ang asta ng bampira. “Sabagay naiinggit ako sa tattoo mo

pare e. Magpakalbo din kaya ako?”

tanong ni Paulito. “Wag!!! Mas

maganda ganyan mahaba buhok mo”

sabi ni Monica. “Bakit naman?” tanong

ng binata. “Basta wag kang magpapagupit” sagot ng dalaga.

“Hmmm bilang amo mo, susundin mo

lahat ng utos ko sa ayaw mo o sa

gusto. Bagay mo ata ang kalbo, ano sa

tingin mo Wookie?” biro ni Paulito. “Tama ka pre, bagay niya ang kalbo”

sabi ni Wookie. “Uy wag naman kasi!

Wag mo iuutos kasi mapipilitan talaga

ako gawin yon! Please wag naman

Pau” hiling ng dalaga at nagtawanan

ang tatlong lalake. “Utos ko…mag…” biro ni Paulito at

nagdadabog na ang dalaga. “Wag

kasi!!! Wag yon! Ito naman e. Wag

kalbo!” sigaw ni Monica. “Utos ko…”

biro pa ni Paulito at nagsimangot na si

Monica at naupo. “Utos ko umakyat ka sa tuktok ng

puno!” sigaw ni Paulito at nagulat ang

dalaga at nakahinga. “Hay bakit din

yan? Alam mo naman na takot ako sa

matataas na lugar e” sabi ni Monica

pero wala siyang magawa at naglakad na palabas ng kweba. “Pare lahat ng iutos mo kailangan niya
gawin?” tanong ni Wookie. “Oo bilang

nagpabuhay sa kanya di siya pwede

tumanggi. Kailangan niya gawin sa

ayaw niya o gusto” paliwanag ni

Paulito. “Bakit pa kasi yon? Pwede namang iba” reklamo ni Monica. “Anong iba?” tanong ni Paulito.
“Alam

mo na, yung dalawa lang tayo dito

tapos yang dalawang yan siguro

pwede naman matulog sa may gubat

ngayong gabi” landi ni Monica at

nagtawanan ang maglolo. “Tama siya pwede naman kami magbonding ng

apo ko sa gubat ngayong gabi” hirit ni

Wakiz. “Kayong dalawa! Ginagatungan niyo

pa! Tara na Monica!” sigaw ni Paulito

at natakot ang tatlo sa binatang

bampira. Sa gubat nagtungo ang dalawang

bampira, mabilis na kumilos si Monica

at masaya silang nag uunahan. “Kung

gutom ka pwede tayo kumain muna”

sabi ni Paulito. “Mamaya na, markado

ko naman na lugar nila e. Dinig ko ang mga tibok ng puso nila at amoy ko

sila” sabi ni Monica at natuwa ang

binata sa mabilis niyang pagbago. Tumigil si Paulito at napahawak sa

puno. Napili niya ang pinakamataas

na puno sa buong gubat. “Ang taas

niyan masyado” sabi ni Monica. “Pag


nakaakyat tayo di ka magsisisi, tara

na” sagot ng binata. Di gumalaw si Monica at tinignan lang

si Paulito. “Okay, una talon ka at

abutin mo yung pinakamalapit na

sanga. At mula doon abutin mo yung

susunod, ganon lang paulit ulit

hanggang sa maabot mo ang pinakamataas na sanga” sabi ni

Paulito. “E pano kung nahulog ako?” tanong

ng dalaga. “Nandito naman ako e, sige

na mauna ka na” sabi ni Paulito at

napangiti ang dalaga.. Nakaakyat si

Monica unang sanga. “Sa ngayon wag

ka muna titingin sa baba, nandito ako wag kang mag alala” dinig niyang

sinabi ng binata kaya tumuloy na siya

sa susunod. Medyo nagkakumpiyansa ang dalaga

kaya sunod sunod na ang akyat niya

ng sanga. “Dalawa nalang maabot ko

na pinakamataas!” sigaw niya sa

tuwa. “Sige lang sugod!” sabi ng

binata. Nagmadali na si Monica at dalawang

sanga ang nilagtawan niya. Nagulat

siya nung makita niya don si Paulito

kaya pinagsusuntok niya ito sa dibdib.

“Sabi mo sinusundan mo lang ako! E

pano kung nahulog ako?! Sinungaling ka!” sigaw niya pero pinakalma siya
ng binata at tinuro ang kapaligiran. Tanaw na tawan ang buhong

kaharian mula sa sangang yon at

nabighani si Monica sa nakikita niya.

“Wow…ang ganda pala dito” sabi niya.

Naupo ang dalawa sa sanga at

masayang pinagmasdan ang kaharian. Napatingin si Monica sa baba at

natawa siya. “Hindi na ako takot” sabi

niya. “Sigurado ka?” tanong ni Paulito

at inuga niya ang sanga. “Hindi na,

kasi alam ko pag nahulog ako bagsak

ko sa kamay mo. Kaya di na ako takot” sagot ng dalaga sabay ngumiti. “Mahirap kung yun lagi mong
iisipin.

Makikigera tayo at di lagi nandon ako”

sabi ni Paulito. “Alam ko nandon ka

lagi. At kahit wala iisipin ko parin na

ganun para mas madali” sagot ni

Monica at napakamot nalang ang binata. “Ilang araw palang nagbago ka na, si

Tuti natagalan noon. Dalawang

buwan bago siya gumaling. Ikaw

ilang araw palang bampira ka na

talaga pero madami parin kailangan

matutunan” sabi ni Paulito. “Pagbabago…kahit sabihin mo

nagbago na ako…pano kung di parin

maniwala yung iba na nagbago na

ako?” tanong ng dalaga. “Sabi ko sa iyo sadyang mahirap pero

wag ka nang malungkot. Hindi man


sila maniwala nagbago ka na…nandito

naman akong naniniwala at langing

ipagtatanggol ka”

Chapter 6: Kagat ni Tuti

Isang gabi sa kwarto ni Aneth sa

palasyo, nakahiga ang diwata sa

kanyang kama at matamlay siya.

Namamaga ang leeg, pinagpapawisan

ang buong katawan at hinang hina

ang makapangyarihang diwata. Nagbukas ang pinto ng kwarto niya at

sumilip ang reyna sa loob. “Aneth

anong nangyayari sa iyo?” tanong ni

Nella nang lalo pa niya binuksan ang

pinto para makapasok. “Wag! Wag

kayong lalapit mahal na reyna baka kayo ay mahawa!” sigaw ng diwata

kaya natakot ang dalaga. “Hindi mo pa naipapamigay ang mga

libro? Gusto mo utusan ko ang mga

kawal o disipulo para ipamigay sila sa

gubat?” alok ni Nella. “Wag na,

mahirap na baka mahawa sila. Ako na

bahala sa mga yan” sagot ng diwata. “Mukhang di naman ata nagkasakit

ang mga disipulo kaya sila nalang”

pilit ng reyna. “Wag na!!! Patawad


mahal na reyna di ko sinasadya. Malala

talaga tong sakit at di ako makapag

isip ng maayos. Ako na bahala sa mga libro” “Tinesting ko muna sa sarili ko ang

lunas kaya ako nagkakaganito. Pag

akoy gumaling ako na mismo

magdadala sa iba. Pag may masamang

nangyari sa akin alam na ng mga

punong nilalang ang gagawin nila. Maayos ang lahat reyna kaya matulog

na kayo. Gagaling din ako” sabi ni

Aneth. Walang magawa si Nella, lumabas na

siya ng kwarto at sinara ang pinto.

Nakahinga ng malalim si Aneth pero

mula sa kadiliman may isang nilalang

na lumabas. “Kayang kaya mo talaga

utuin ang reyna” sabi ng lalake. “Ang tagal mo, kanina pa kita pinatawag.

Tignan mo nga ito, kinagat ako nung

bunging bampira at eto nanghihina

ako at namamaga ang leeg” sabi ni

Aneth. “Utos agad? Tandaan mo Aneth

pumayag lang ako magpakita muli

dahil may ipinangako ka sa akin na

kabayaran” sabi ng lalake. “Oo nga!

Nakikita mo naman ang mga libro

diyan nakakalat, pagalingin mo ako at sa iyo na ang Libro ng mga Anino”

sagot ng diwata. Nakita ng lalake ang libro sa sahig at


pupulutin na sana ito pero biglang

nagliwanag ang kwarto at bumagsak

sa sahig ang lalake at kumulubot.

“Ikaryo! Porke nanghihina ako di ibig

sabihin wala na akong kapangyarihan! Kaya kong panatiliin

ang liwanag na ito kahit mahina ako”

banta ni Aneth. “Patawad…tama na…

oo papagalingin na kita” makaawa ng

lalake. Namatay ang liwanag at

nakahinga ang lalake at nanumbalik ang sigla. Tumayo si Ikaryo sa tabi ng kama at

pinagmasdan ang namamagang leeg

ng diwata. “Sigurado ka bampira

kumagat sa iyo? Wala ako matandaan

na kagat ng bampira na

nagkakaganito” sabi niya. “Oo bampira ang kumagat sa akin,

pesteng bunging bampira. Oo

nakapustiso siya” sabi ni Aneth at

biglang natawa saglit si Ikaryo. “Hindi parin ako naniniwalang

bampira kumagat sa iyo, itong

klaseng kagat na ito nakakamamatay

at yung huling nakita kong may

ganitong kagat ay yumao na” sabi ng

lalake at nagulat si Aneth. “Sigurado ako bampira yon, pinapatay ko pa

nga e. Si Tuti, yung alalay ni Paulito

ang kumagat sa akin” sabi ng diwata. Napailing si Ikaryo at napaisip,


“Imposible talaga na kaya ng bampira

ang kumagat ng ganito. Ang kagat na

ito ay kagagawan ng mga lobo.

Makapangyarihang lobo. Itong kagat

na ito ang pamatay ng taong lobo sa mga bampira. Kaya napakaimposible

na bampira makakagawa nito”

kwento ni Ikaryo. “Sinasabi mo bang sinungaling ako? Si

Tuti ang kumagat sa akin at isa siyang

bampira!” pilit ni Aneth. “O siya, kung

bampira man siya kakaibang bampira

siguro pagkat kaya niyang kumagat

ng ganito. Ang bampira kasi pag kumagat, ibabaon ng todo ang ngipin

at puputulin ang ugat mo. Pwede nila

inumin at ubusin ang dugo mo o

hayaan ka na mamatay nalang na

makalabas ang dugo mo sa katawan” “Sabi mo pustiso? Nagbabaga ba

pustiso niya at gawa sa bakal? Itong

palibot ng kagat e sunog ang balat

mo. Buti napatawag mo ako agad,

maari kitang magamot” sabi ni Ikaryo.

“Anong ibig mong sabihin na pwede mo akong magamot? Dapat gamutin

mo ako!” sigaw ni Aneth. “Kung base sa kakayahan ko hindi ko

kaya. Pero nandito naman ang mga

libro kaya malalaman natin ang

pangontra sa mga kapangyarihan ng


kumagat sa iyo” sabi ni Ikaryo.

“Linawin mo nga! Ang gulo mo! Anong mga kapangyarihan? Isang

bungal na bampira lang ang kumagat

sa akin!” galit ng diwata. “Oo yan ang sabi mo, pero base sa

alam ko at nakikita, lobo, santelmo,

mambabarang at bampira. Halo

halong kapangyarihan na pinagsama.

Siguro mahiwaga ang pustiso niya”

sabi ni Ikaryo sabay tawa. “Ginagago mo ba ako!?” tanong ni Aneth. “Hindi,

kung ayaw mo maniwala e di

maghanap ka ng ibang gagamot sa

iyo” banta ng lalake. “Animal na Tuti!!! Sige kunin mo yung

apat na libro pero kailangan kasama

mo ako sa pagbasa at doon mo lang

bubuksan ang mga libro sa paksang

kailangan at wala nang iba!” sabi ni

Aneth. “Gahaman ka talaga, aanhin mo ba ang lahat ng kapangyarihan na

ito? Isang libro lang sapat na. At di mo

maaral ito lahat, baka mauna ka pang

mamatay. Ang hinihiling kong libro ng

Anino, aminado ako hindi ko

matatapos maaral lahat ng laman” sabi ng lalake. “Di ako pangkaraniwang na diwata.

Wala ka nang pakialam kung ano ang

gagawin ko sa mga yan. Bilisan mo

kunin mo na yung apat na libro!” utos


ni Aneth. “Apat? Dapawa lang ang

nandito. Libro ng Lobo at Libro ng Santelmo. Wala dito yung libro ng

Bampira at Mambabarang” sabi ni

Ikaryo at biglang bumangon ang

diwata. “Imposible!!! Nakuha namin lahat ng

libro! Kitang kita ko na wala nang

ibang dala si Nella” sabi ng diwata.

“Ibig sabihin hindi totoo yung

dalawang librong yon? Sa

pagkakaalam ko nakisama sa laban din ang mambabarang at bampira

noon kaya imposible talagang

nawawala yung dalawa” sabi ng

lalake. Lumiwanag uli ang kwarto at nagtago

si Ikaryo sa ilalim ng kama, “Wala

akong tiwala sa iyo kaya diyan ka

lang, babalik ako” sabi ni Aneth at

lumabas siya ng kwarto. Sumugod

ang diwata sa kwarto ng reyna, agad niya binuksan ang pinto at nagulat

ang dalaga. “Nella! Sigurado ka bang wala kang

naiwan na libro sa templo?” tanong ni

Aneth. “Ha? Nadala ko na lahat. Bakit

may kulang ba? Wala nang natira

doon” sagot ni Nella. Hindi naniniwala

si Aneth kaya sa isang iglap biglang nakatulog ang reyna at nilapitan siya

ni Aneth. “Gigising ka at sasabihin mo


sa akin ang lahat ng gusto ko

malaman” bigkas niya at muling

bumangon ang dalaga pero pikit ang

mga mata nito. “Nakuha mo ba lahat ng libro?”

tanong ng diwata. “Oo” sagot ni Nella.

“Wala ka bang tinago na libro sa

akin?” hirit ni Aneth. “Wala” sagot ng

dalaga at galit na galit ang diwata

pagkat nagsasabi ng totoo ang reyna. “Matulog ka na at pag gising mo wala

kang maalala” bigkas ni Aneth sabay

lumabas ng kwarto. Nagbalik ang diwata sa kwarto niya,

pinadilim ang kwarto at lumabas agad

si Ikaryo. “Wala talaga yung dalawang

libro” sabi ni Aneth nang naupo siya

sa kama niya. “Ibig mo ba sabihin may

nakapasok sa templo bago kayo?” tanong ni Ikaryo. “Hindi! Imposible yon! Mga punong

nilalang lang ang may alam nung

sikretong yon at si Nella lang ang

tunay na tagapamana ng trono kaya

sigurado ako walang iba” paliwanag

ni Aneth. “Ibig mo sabihin nagsinungaling ang mga ninuno?”

tanong ng lalake. “Maari nga na

ganon. Pwes gamutin mo ako sa lahat

ng makakaya mo. Hindi mapupunta sa

iyo ang libro ng Anino pag hindi mo


ako napagaling” sabi ni Aneth. “Simulan na natin sa kaya ko. May

espiritu na nakapasok sa katawan mo

kasabay ng kagat. Wag kang mag

alala tanging trabaho lang nito ay

guluhin isip mo ngunit di ata umubra

sa itim mong budhi” sabi ni Ikaryo at nagtaas ang kilay ng diwata. “Mahiga

ka na ulit at magtiwlala sa akin. Alisin

natin yang espiritung nasa katawan

mo” sabi ni Ikaryo. Nilagay ni Ikaryo ang kamay niya sa

leeg ng diwata, pinikit nito ang mga

mata niya at nagdasal. “Aneth,

nagkamali ako. Hindi

pangkaraniwang espiritu ito” sabi ni

Ikaryo. “Hindi mo kaya?” tanong ng diwata. “Di kaya ng lakas ko to, di ko

siya kayang hilain palabas ng

katawan mo. Mabibigyan mo ba ako

ng konting lakas mo?” sabi ng lalake. “Ano kailangan kong gawin?” tanong

ni Aneth. “Hawakan mo dibdib ko at

pasahan mo ako konting lakas mo.

Alam ko hindi mo ramdam yung

espiritu kasi mailap ito pero pilitin mo

ramdamin siya at itulak palabas din ng katawan mo” utos ni Ikaryo. Sinubukan ng dalawa palabasin ang

espiritu, napasigaw ang dalawa sa

hirap pero pilit silang lumaban.

“Aneth! Konting lakas pa!” sigaw ni


Ikaryo. “Damuho ka! Sabi mo

simpleng espiritu lang! Bakit nararamdaman ko na malakas ito at

sumasakit ulo kooo!!” sigaw ng

diwata. “Konti pa Aneth!!!” sigaw ni Ikaryo at

biglang tumirik ang mga mata ng

diwata. “Aneth!!! Labanan mo wag sa

mata dapat lalabas kung hindi

mabubulag ka!!!” dagdag niya pero di

na makontrol ng diwata ang sarili niya. Napalabas na ni Ikaryo ang espiritu

pero pilit itong bumabalik sa katawan

ng diwata. Si Aneth nawawalan na ng

malay pero sinampal ito ng lalake.

“Lumaban ka sabi e!!!” sigaw ni

Ikaryo. Sinara ni Aneth ang mga mata niya, sumigaw siya napakalakas at

nagliwanag ang buong katawan niya. Ilang saglit lang nakalabas ang

espiritu sa katawan niya at mabilis

nakalabas ng binatana. Hingal na

hingal ang dalawa, si Aneth biglang

bumangon at tumingin sa labas. “Ano

yon?” tanong niya. “Sabi ko naman sa iyo di ako naniniwalang bampira

kumagat sa iyo e” sagot ni Ikaryo na

napaupo sa sahig. “Ano ibig mo sabihin? Si Tuti na

kinatatawanan ng lahat ay

makapangyarihan?” tanong ng

diwata. “Hindi ko alam, sa ingay ng


sigaw mo malamang nagising ang

ibang naninirahan dito sa palasyo” sabi ni Ikaryo. “Mahiwagang kwarto ito, wag kang

mag alala. Pero alam mo parang

nanunumbalik lakas ko. Ano pa

kailangan nating gawin?” tanong ng

diwata. “Yung sa kagat ng bampira

hindi ko alam pano, yung kagat ng lobo at santelmo maaral natin sa libro”

paliwanag ng lalake kaya humarap sa

kanya si Aneth. “Pag natanggal mo yung dalawa,

matitira ang kagat ng bampira. Ano

pwede mangyari sa akin kung di

maalis yon?” tanong ni Aneth.

“Mapapaamo ka sa kumagat sa iyo,

pero sabi mo napatay mo na siya kaya wala sigurong masama mangyayari”

sagot ni Ikaryo at napangiti ang

diwata. “O siya, lumayo ka diyan at

sabihin mo sa akin ano ang kailangan

ko hanapin sa mga libro” sabi ni

Aneth at tumayo si Ikaryo at tumayo sa isang gilid. “Aneth bago lang tong palasyo diba?”

tanong ni Ikaryo. “Oo, ako nagpatayo

nito gamit ang kapangyarihan ko”

sagot ng diwata. “Hmmm…kung bago

siya bakit may nararamdaman akong

kakaiba?” tanong ng lalake. “Anong kakaiba?” tanong ni Aneth. “Kung

bago ito bakit ako nakakaramdan ng


multo dito sa palasyo?” tanong ni

Ikaryo. “Multo? Ligaw na espiritu

malamang. Multo lang yan, ano ba

magagawa ng multo? Taong dilim ka tapos natatakot ka sa multo?” sagot ni

Aneth sabay tumawa ng malakas. Sa kalayuan, sa loob ng isang kweba.

Papatulog na ang maglolo habang

pabangon naman ang dalawang

bampira. Nagkwentuhan muna sila

saglit nang biglang tumayo ang

maglolo at hinarap ang harapan ng kweba. “Ano problema?” tanong ni Monica.

“May papalapit na makapangyarihang

espiritu” sabi ni Wookie. “Aba

naramdaman mo din pala” sabi ni

Wakiz. “Lolo ulyanin ka na talaga,

tinuro mo sa akin nung isang araw” sabi ng binatang mambabarang at

natawa ang matanda. “Oo nga, dapat

maturuan kita ng lahat ng nalalaman

ko bago ako tuluyang maulyanin.

Wookie maghanda ka at mukhang

mapapalaban tayo dito” sabi ni Wakiz. Nagpalabas ng mga espiritu ang

dalawang mambabarang ngunit

mabilis sila nakabalik sa lupa sa takot

sa espiritung nakapasok sa kweba.

“Malakas to apo!” sigaw ni Wakiz nang

magsimula siyang magsulat sa lupa. “Ako na bahala dito lolo, ilayo mo


nalang yung dalawa” sabi ni Wookie

at mabilis niyang napalabas ang

unang Diablos. Halos manghina si Wookie at Wakiz

nang madaling natalo ng espiritu ang

Diablos, magpapalabas na sana ulit

ang binatang mambabarang ng isa

pang higante nang pigilan siya ni

Paulito. “Ganda ng nagawa mo ha, pero pare ako na dito” sabi niya. “Pare espiritu ito, linya ko to kaya

hayaan mo ako lumaban” sagot ni

Wookie. “Pare magtiwala ka, hindi

kalaban yan” sabi ng bampira. Lalapit

na sana si Monica pero pinalayo siya ni

Paulito. “Kayong dalawa lumayo kayo. Kung ano man ang mangyari wag

kayo gagalaw” utos ng bampira at

nagpaatras ang dalawang

mambabarang. Naupo si Paulito sa lupa, pinikit niya

ang kanyang mga mata at nagpaikot

ikot ang espiritu sa paligid niya. Di

mapakali si Wookie, pinapanood lang

niya na umiikit sa katawan ni Paulito

ang espiritu. Ilang sandal pa ay biglang sumanib

ang espiritu sa katawan ng bampira at

nagulat yung tatlo. “Paulito!!!” sigaw

ni Monica at tumakbong palapit.

Nagpalabas si Wakiz ng espiritu upang


pigilin ang dalaga, “Wag kang lalapit, tama ang sinabi niya. Magkakilala sila

ng espiritu” sabi ng matanda. “Anong ibig mo sabihin?” tanong ni

Wookie. “Kanina kinikilala ng espiritu

si Paulito, pero nang nakilala niya

sumanib na siya. Hindi ko alam sino

yan pero magkakilala sila. Antayin

nalang natin na matapos ang pagsanib” paliwanag ng matanda. Lumipas ang sampung minuto at

biglang nagbaga ng pula ang mga

mata ni Paulito. Tumayo ang bampira

at napansin ng lahat na nagpapalabas

ulit ng pulang baga ang buong

katawan niya. Pinakawalan ni Wakiz si Monica, “Dalian mo pigilan mo

paglabas ng sugo!” sigaw ng

matanda. “Ayos lang ako!!!” sigaw ni Paulito at

humupa ang pagbaga ng buong

katawan niya. Humarap ang bampira

sa mga kasama niya at huminga ng

malalim. “Ano yan Paulito? Sino yung

espiritu sumanib sa iyo?” tanong ni Wookie. “Isang espiritu ng sugo” sagot ng

bampira. “Ano? Akala ko ba ikaw ang

sugo? Bakit may ibang espiritu pa ang

sugo?” tanong ni Wakiz at natawa ang

bampira. “Kasi nag iwan ako ng konti

kay Tuti” sagot ng bampira at lalo silang nagulat. “Anong ibig mo sabihin? Na si Tuti

may kapangyarihan din?” tanong ni


Wookie. “Oo pero hindi niya nagamit.

Hindi niya naipalabas. Alam ko siya

ang pinakamahina sa atin, hindi siya

disipulo pero tinuring na natin na isang kasama. Kung di niyo man

tinuring na ganon, sa akin oo. Alam

niyo naman ang nakaraan, ako

bumuhay sa kanya. Bata pa siya noon

nung naging bampira. Hindi ko siya

kayang iwanan na walang panlaban man lang kaya nag iwan ako konti.

May masamang nangyari kay Tuti pati

sa ibang disipulo. Sinabi ito ng espiritu

sa akin. Nakay Aneth na ang mga libro

pero may dalawa nawawala. Libro ng

mambabarang at libro ng mga bampira” kwento ni Paulito. “Teka teka ano? Ano ibig mo

sabihin?” tanong ni Wookie. “Hindi ko

masyado nakita lahat, pero may mga

impostor na disipulo sa pangangalaga

ni Aneth. Yung mga kaibigan natin

kinalat nila sa buong kaharian. Si Tuti nakagat niya si Aneth at medyo

tumalab ang kapangyarihan na

iniwan ko sa kanya. Sayang Tuti, sana

naipalabas mo buong lakas na naiwan

ko, tapos na sana ang problema”

bigkas ng bampira. “So ibig mo sabihin buhay pa si

Aneth?” tanong ni Monica. “Oo buhay


pa siya at napakawalan nila tong

espiritu mula sa katawan niya. Kasi sa

kagat ni Tuti doon niya napakawalan

ang kapangyarihan ng sugo. Kaya lang hindi lahat nagamit. Itong espiritu

sana ang unti unting kakain sa

espiritu ni Aneth. Yung marka ng

Santelmo ang magsisigurado sana na

unti unting magiging abo ang mga

buto niya” “Kagat ng lobo at kagat ng bampira,

magkalaban sila kaya unti unting

magkakaroon ng gera sa loob ng

katawan ni Aneth na di niya

namamalayan. Sisirain sana unti unti

ang lahat ng lakas niya. Napaalis nila tong espiritu kaya malamang

magagamot na nila yung iba”

paliwanag ni Paulito. “Hoy! Baka ganyan din ginawa mo sa

katawan ko!” sigaw ni Monica. “Hindi,

kontrolado ko lakas ko. Yung binigay

ko kay Tuti…lalabas lang pag talagang

nasa panganib siya. Sana nasabi ko

nalang sa kanya pero hindi e. Ginawa ko yon bilang proteksyon niya sana

pero sayang hindi niya alam” sagot ni

Paulito. “Ibig mo sabihin…wala na talaga si

Tuti?” tanong ni Wookie at niyuko ni

Paulito ang ulo niya. “Kung nasaksak


siya ng kahoy wala na tayo

magagawa” sabi ng bampira. “At

kung hindi?” tanong ni Wakiz. “Kung hindi…hinang hina nalang yon at

natutulog. Dahil sa kahinaan hindi

niya kaya gisingin sarili niya. Sa

ngayon naglalakbay na ang kaluluwa

ni Tuti. Pag nagtagal pa na ganon

hihiwalay na ng tuluyan ang kaluluwa niya” sabi ni Paulito. “Pano natin malalaman kung

nasaksak siya o hindi? Pano natin

malalaman kung nakalayo na

kaluluwa niya?” tanong ni Wookie na

nalungkot ang itsura. “Kaya ko siya

buhayin” biglang sabi ni Monica at napatingin sila sa kanya. “Sabi ko sa

iyo nagpapanggap yan e” hirit ni

Wookie. “Hindi! Pupunta tayo sa bundok ng

mga bruha. Hihingi tayo ng tulong sa

kanila” paliwanag ng dalaga at

natawa bigla si Wakiz. “Iha, matagal

nang nabura ang mga bruha dito sa

kaharian. At ikaw ang may kagagawan non. Yung iba tumakas na

palabas ng kaharian na ito at ikaw

mismo naglagay ng sumpa sa kanila

na di sila makakabalik dito” kwento

ng matanda at masama ang titig ni

Paulito sa kanya. “Pasensya na, kailangan niya


malaman ang kanyang nagawa” sabi

ni Wakiz. Napayuko si Monica pero

inakbayan siya ni Paulito. “Wag kang

mag alala. Alam ko maganda ang

intensyon mo pero may isa pang paraan” bulong ng bampira. “Pano?” tanong ng dalaga. Naupo

muli si Paulito sa lupa at pinikit ang

kanyang mga mata. “Lumayo kayong

tatlo at kahit ano makita niyo wag na

wag niyo ako pipigilan” utos ng

bampira at agad sumunod ang tatlo. Nagliyab muli ang katawan ni Paulito

at mas malakas na espiritu ang

lumabas mula sa katawan niya. Wala

nang magawa ang tatlo kundi

mapanganga sa pinapanood nila. May

binulong ang bampira sa espiritu at mabilis ito lumabas ng kweba. “Sana mahanap niya si Tuti”

Chapter 7: Mga Libro ng Kapangyarihan

Kinabukasan habang abala ang reyna

na tumatanggap ng mga bisita, si

Aneth nagkulong sa kwarto niya at

nagsasaya. “Ikaryo bilib ako sa iyo.

Nanumbalik ang lakas ko at masigla

nanaman ang katawan ko” sabi ni Aneth sa galak. “Masyado maliwanag!

Wala ka bang magagawa para


dumilim konti dito?” sagot ng lalake

na nakahiga sa ilalim ng kama. “Yan ang problema sa inyong mga

taong dilim, sa gabi lang kayo

malakas. Bueno, sisimulan ko na ang

pag aral ng nilalaman ng mga libro”

sabi ng diwata sabay lumuhod siya sa

sahig at hinarap ang mga nagkalat na libro. “Nagpapatawa ka ba? Kalansay

ka na bago mo matutunan lahat yan”

sabi ni Ikaryo sabay tawa. “Kawawa kang nilalang ka, hindi mo

alam gaano ako kalakas. Manood ka

maigi” sabi ng diwata sabay kinuha

ang libro ng mga diwata. Binuklat ni

Aneth ang libro sabay pinatong ang

kamay niya sa isang pahina. Pinikit niya ang kanyang mga mata at

nagdasal. May dilaw na ilaw na

lumabas sa kamay ng diwata at ilang

sandal nagliwanag ang libro. Mga nakasulat sa libro tila nabuhay at

dahan dahan gumagapang papunta

sa kamay ng diwata. Hindi

makapaniwala si Ikaryo sa nakikita

niya kaya lumapit siya. “Aneth, hindi

ba mabubura ang laman…” sabi ng lalake pero nakita niyang nandon

parin ang mga nakasulat kahit na

nakikita niyang patuloy ang pagdaloy

ng mga sulat sa kamay ng diwata. Muling nagtago si Ikaryo sa ilalim ng


kama pagkat nag iiba ang anyo ni

Aneth. Lumipas ang trenta minutos

tumigil na ang pagdaloy ng mga

nakasulat. Nakita ni Ikaryo na minulat

ni Aneth ang mga mata niya pero nagmistulang estatwa ang diwata.

Ilang minute na di gugagalaw si Aneth

kaya, dahan dahan inabot ni Ikaryo

ang isang libro pero nanigas ang

kamay niya at unti unti nagiging bato. “Sinabi ko sa iyo na hindi mo pwede

galawin ang mga libro” bigkas ni

Aneth at napasigaw si Ikaryo sa sakit.

“Nararamdaman ko na ang buong

lakas ng mga sinaunang mga diwata.

Hindi ko akalain na madami pala ako kayang gawin” sabi ng diwata at

nagmamakaawa na ang lalake. “Tama

na Aneth!!! Ang kamay ko!!!” sigaw

niya at natawa ang diwata. Dahan

dahan bumabalik sa dating anyo ang

kamay ni Ikaryo, tumayo si Aneth pero bigla itong bumagsak sa sahig. Napahawak ang diwata sa kanyang

ulo at sumubok tumayo ulit. “Ikaryo!

Kung nakikita mo lang ang laman ng

utak ko mabibighani ka din. Agad siya

humarap sa bintana at tinaas ang

dalawang kamay niya. Nagliwanag ang buong katawan ni Aneth, ang

liwanag ng araw biglang nawala


sabay bumuhos ang malakas na ulan.

Ilang sandal tumigil ang ulan pero

malakas na ihip ng hangin naman ang

naramdaman ng buong kaharian. Tawa ng tawa ang diwata nang

nakagawa siya ng limang bahag hari

na magkakatabi. Tuwang tuwa si Aneth sa mga bagong

natutunan niya pero muli siyang

bumagsak sa sahig. “Masyado

madaming kaalaman ang pumapasok

sa utak ko. Kailangan ko magpahinga

muna” sabi niya. “Aneth, yung pangako mo sa akin. Baka pwede mo

din gawin yan para sa akin” sabi ni

Ikaryo. Natawa si Aneth at sa isang iglap unti

unti nagbabago ang katawan ng

lalake. Ang balat ni Ikaryo nagiging

balat ng puno at may mga dahon na

lumalabas sa kanyang mga tenga.

“Aneth!!! Tama na ang pagpapasikat mo! Oo na malakas ka na!!” reklamo ni

Ikaryo at napalakas ang halakhak ng

diwata. Tuluyan naging taong puno si Ikaryo

at bilib sa sarili si Aneth. “Bwisit ka

bakit ganito?!!” tanong ni Ikaryo.

“Tado! Subukan mo lumabas diyan sa

ilalim” sagot ng diwata. “Sira ulo ka

ba? Maliwanag masyado!” sumbat ng lalake. “Sinabi ko lumabas ka diyan!!”


sigaw ni Aneth at biglang tumaob ang

kama at nagtakip agad si Ikaryo. “Bakit ka pa nagtatakip? Tumayo

ka!!!” sigaw ng diwata at biglang

napatayo si Ikaryo. Napansin ng

lalake na wala na ang epekto ng

liwanag sa kanya at hindi na siya

nanghihina. Minulat ni Ikaryo ang mga mata niya at agad ito tumakbo

papunta sa bintana. “Ngayon ko lang

muling nasilayan ang araw! Ngayon

ko lang ulit nasilayan ang kapaligiran

pag may liwanag!” sabi ni Ikaryo sa

tuwa. “Sabi sa iyo di ako masamang diwata”

bulong ni Aneth. “Pero Aneth, wala ka

ba magagawa dito sa balat ko? Isa na

akong taong puno? Di ba pwede

normal na balat?” tanong ni Ikaryo.

“Hindi! Sa umaga ganyan ka, pag gabi balik sa dating anyo. May reklamo?”

tanong ng diwata at napaisip si

Ikaryo. “Mas maganda na ganito kesa

sa wala. Pero gusto ko din sana

lumabas at sariwain ang kapaligiran”

drama niya. “Tanga! E di lumabas ka, madami ka

naman kauri na mga buhay na puno.

Pero ikaw pinakamaliit, punong

bulilit!!!” sabi ni Aneth sabay


humalakhak. “Wag na! Bwisit ka!

Mapapahiya lang ako” sabi ni Ikaryo. “Ipapasok ko lahat ng nilalaman ng

libro ng anino sa utak mo sa isang

kundisyon” sabi ng diwata. “Maninilbihan ka sa akin. Kailangan ko

ng kakampi na mapagkakatiwalaan

ko” dagdag ni Aneth at napaisip si

Ikaryo. “Ikaw din lang magiging

pinakamalakas e di sa iyo na ako

kakampi, sige” sagot ng lalake at natawa si Aneth. Bukas sabay natin

aaralin, wag na ngayon at medyo

pagod ang utak ko” sabi ng diwata. Kinabukasan masigla na ulit si Aneth,

kinuha niya ang libro ng mga anino

sabay tinawag si Ikaryo. “Ilagay mo

kamay mo sa isang pahina” utos niya

at nilagay naman kamay niya sa

kabila. Nagliwanag ang libro at tulad ng naganap kahapon at nagsimula

pumasok sa katawan ng dalawa ang

lahat ng nakasulat sa libro. Trenta minutos lumipas at bagsak sa

sahig ang dalawa. Si Aneth

nakahawak ang dalawang kamay sa

ulo niya at nagpapagulong habang si

Ikaryo tulala lang at nakangiti. Agad

tumayo si Ikaryo at inutusan niya ang kanyang anino na buklatin ang isang

libro. Nagawa niya ito kaya napatingin

si Aneth at gamit ang anino niya


sinakal niya Ikaryo. “Sabi ko sa iyo

bawal mo galawin ang mga libro!!!”

sigaw niya pero muling napahawak sa kanyang ulo. “Sinusubukan ko lang!!!” reklamo ng

lalake na ginamit ang anino niya para

alisin ang anino ng diwata. “Tulungan

mo ako bumangon” sabi ni Aneth

kaya binangon siya ni Ikaryo at

naupo sila sa kama. “Anong nangyayari sa iyo?” tanong ng lalake.

“Masaki tang ulo ko, ayos lang.

Masasanay din ako. Siguro nabigla

lang sa dami ng impormasyon na

pumasok” sagot ng diwata. “Pero Aneth, may napansin ako. Dito

sa isip ko parang may isang dasal na

kulang o di ko maitugma ano ibig

sabihin” sabi ni Ikaryo at nagulat si

Aneth. “Ako nga din e, parang

kulang” sagot ng diwata sabay gamit anino niya kinuha ang libro ng mga

anino. Nahanap nila ang pahina na pinag

uusapan nila, “Tignan mo parang

naisingit lang tong pahinang ito” sabi

ni Aneth. “Sigurado ka ba walang

karugtong yan?” tanong ni Ikaryo at

biglang napaisip ang diwata. “Alam mo pati kahapon may di tumutugma

sa libro ng diwata” sabi ni Aneth

sabay kuya sa isang libro. Nahanap ni Aneth ay pahina,


napansin ng dalawa na iba ang

pagkasulat ng pahinang yon kumpara

sa ibang laman ng libro. Ganon din

ang pahinang nahanap nila sa libro ng

mga anino. Pinunit ni Aneth ang dalawang pahina, binuklat niya ang

ibang libro at napansin nila na sa

parehong pahina nakasingit ang mga

inaakala nilang walang kwentang

mga sulat. Pinagpupunit ni Aneth ang mga

walang kwentang pahina sabay

nilatag sa sahib. “Lahat ng libro may

walang kwentang pahina, pero ano

ibig sabihin nito?” tanong ni Aneth.

Tumayo si Ikaryo sa likod ng diwata at may napansin siya. “Tumayo ka sa tabi

ko dali” sabi niya. “Bakit?” tanong ni

Aneth. “Basta tumayo ka dito sa tabi

ko para makita mo” ulit ni Ikaryo. Tumayo si Aneth sa tabi ni Ikaryo at

nagulat siya sa nakita niya. “Mapa?

Pag malapit isang normal na sulatin

pero pag malayo mapa” bigkas niya.

“Oo pero hindi sila nakaayos, teka

ayusin natin pero kailangan ko permiso mo” sabi ni Ikaryo. “Sige

ayusin mo” sagot ng diwata. Gamit ang anino inayos ni Ikaryo ang

mga pahina. Lumipas ang ilang minuto

ay nabuo na niya pero may dalawang


pahina na kulang sa gitna. “Mapa ng

kaharian ng Plurklandia. Nawawala

talaga ang dalawang libro, tignan mo kulang ang mapa” sabi ni Ikaryo.

“Para saan ang mapang ito?” tanong

ni Aneth. “Mahusay yung gumawa nito. Bilib

ako kung pano niya tinago ang mapa

bilang sulatin. Pero tama ka, para saan

ito? Pansinin mo ito Aneth, may limang

marka sa palibot ng kaharian, ano

mga yan?” tanong ni Ikaryo. “Kailangan natin mapuntahan yan.

Sigurado ko hindi gagawa ng ganito

ang mga ninuno pag hindi ito

importante. Pero kailangan natin yung

dalawang libro para makumpleto ang

mapa. Alamin mo saan yang limang lokasyon na yan at pupuntahan natin

agad pagkatapos ko aralin lahat ng

libro” utos ni Aneth. “Sayang ang oras Aneth, puntahan na

natin dapat mga yan” sabi ni Ikaryo.

“Mga ninuno ang gumawa niyan.

Hindi natin alam kung ano ang pwede

natin makaharap kaya mas mabuti

nang handa tayo” paliwanag ng diwata. Biglang gumawalaw ng kusa ang

anino ni Ikaryo at napansin ni Aneth

yon. “Ano ginawa mo?” tanong niya.

“Hindi ko alam, kusang gumalaw pero


may naramdaman akong multo na

umaaligid dito sa kwarto” sagot ng lalake. “Multo lang pala, ayos lang ang

multo basta wag lang ibang nilalang.

Multo ng tao sabi mo diba? Kaya wala

tayo problema” sagot ng diwata. Kinagabihan, nakakulong si Ikaryo sa

bola ng liwanag habang si Aneth ay

mahimbing na natutulog. Sa labas ng

palasyo kalmado ang hangin at ang

buwan natatakpan ng makakapal na

ulap. Isang pulang espiritu ang nagpaikot

ikot sa palasyo ilang saglit bago ito

nagtungo sa likuran. Sa isang pwesto

sa lupa nagpaikot ikot ang espiritu

ang ilang saglit ay pumasok ito sa

lupa. Biglang nagising si Aneth at

napasigaw, napahawak sya sa leeg

niya at ininda ang sakit. “Aneth ano

nangyari?” tanong ni Ikaryo. “Biglang

kumirot e. Dibale wala na” sagot ng

diwata at muli siyang nahiga. “Aneth alisin mo na ako dito. Gusto ko din

matulog” sabi ni Ikaryo. “Wala ako tiwala sa iyo” sabi ng

diwata. “Pwede mo naman ako

ikulong sa bola ng anino” sabi ni

Ikaryo kaya napabangon ang diwata.

“Oo nga, sige” sabi ni Aneth at sa


isang iglap napalitan ang bola ng liwanag sa bola ng anino at doon

nakulong ang lalake. “Grabe ka Aneth, ano bang naisip mo

na ikulong ako sa liwanag. Sabi mo

kailangan mo ako bilang kakampi,

gusto mo ata ako patayin” sabi ni

Ikaryo. “Pasensya na magulo lang isip

ko kaya di ko agad naisip yan” sagot ng diwata sabay nahiga sa kama.

Pinikit ng diwata ang mata niya pero

muling napahawak sa kumikirot na

leeg niya. Isang lingo ang lumipas, pagsapit ng

dilim nagtipon ang mga pekeng

disipulo sa kwarto ni Aneth. “Isasama

natin sila?” tanong ni Ikaryo. “Oo, mas

maganda na ang sigurado” sagot ng

diwata. “Pero makapangyarihan ka na masyado Aneth” hirit ng lalake. “Alam

ko pero gusto ko manigurado. Tama

na ang satsat at pumasok na kayo sa

bilog” utos ng diwata. May inukit na bilog sa sahig si Aneth at

doon pumasok ang mga disipulo. Si

Ikaryo natatakot kaya ayaw pa

pumasok. “Ano ba to Aneth? Sigurado

ka ba dito?” tanong niya. “Ikaw

nagsabing makapangyarihan na ako tapos ngayon magdududa ka?

Pasok!” sigaw ng diwata. “Mas madali natin mapupuntahan ang

lugar pag ganito” sabi ni Aneth sabay


pumasok narin siya. Mula sa sahig may

nagpataas na liwanag at nasakot ang

lahat. Paghupa ng liwanag ay wala na

sila sa kwarto. Mahimbing ang tulog ng reyna sa

kabilang kwarto. Mula sa kadiliman

may lumabas na multo at lumapit sa

kama ng reyna. “Nella” bigkas ng

multo sabay kinalbit ang dalaga.

“Nella gising ka” ulit ng multo. Namulat ang mata ng dalaga at

napasigaw ito ng malakas. “Nella

huminahon ka ako ito” sabi ng multo

at sa takot napatakbo si Nella papunta

sa pinto. “Nella ako ito! Ako si Berto

yung multong tagabantay sa templo!” sabi ng multo at napatigil si Nella at

humarap. “Berto? Templo?” tanong ng dalaga.

“Oo Nella, ako ito” sabi ni Berto. “Bakit

ka nandito? Akala ko sa templo ka

lang nakakulong?” tanong ng dalaga.

“Oo pero tumakas ako, bahala na.

Kailangan kasi pagkat di rin lang ako matatahimik pag natuloy ni Aneth ang

binabalak niya” sagot ng multo. “Berto! Wag! Sabi mo gusto mo na

manahimik. Wag ka na magsasalita

pa” sabi ni Nella. “Alam mo di

maganda ang mga nabasa ko sa libro

ng mga pinuno. Sinundan kita pabalik


dito at nagmasid ako sa mga balak ni Nella. Naaral na ni Nella ang lahat ng

libro at masyado na siya

makapangyarihan” kwento ni Berto. “Ano ibig mo sabihin?” tanong ni

Nella. “Iha, niloko ka lang niya.

Walang sakit ang mga nilalang.

Ginamit ka lang niya para makuha ang

mga libro para palakasin ang sarili

niya. Ngayon nahanap nila ang nakatagong mapa sa mga libro.

Delikado tayo pag nahanap nila yung

anim na diyamante ng mga ninuno”

sabi ni Berto. “Ano?! Ano ba pinagsasabi mo?”

tanong ni Nella. “Makinig ka sa akin!!!

Sinasabi ko na sa iyo ang katotohanan

kaya makinig kang maigi! Kailangan

natin kumilos habang wala sina

Aneth!” sigaw ng multo at natakot si Nella. “Sasabihin ko sa iyo ang lahat at wala

na akong pakialam kung ano man

ang mangyari sa akin kaya makinig ka

na maigi. Bahala ka na kung

maniniwala o hindi pero hiling ko

makinig ka” sabi ni Berto at napaupo si Nella sa sahig.

Chapter 8: Libro ng Kadiliman

“Nakwento ko sa iyo ang pagkahati


ng nga ninunong nilalang sa

dalawang kampo. Liwanag at dilim.

Yung mga tumiwalag na mga nilalang,

mga kampon ng kadiliman ay

naghanap ng ibang pagkukunan ng kapangyarihan” “Patago sila nag aral pagkat wala

silang laban sa kampon ng liwanag sa

mga panahon na yon. Mga kampon

ng liwanag naging kampante pagkat

nasa kanila na ang mga

pinakamakapangyarihang mga nilalang, pero nagkamali sila” “Desprado ang kampon ng kadiliman,

kaya sa tunay na hari ng kadiliman sila

kumuha ng lakas. Ang demonyo

mismo ang nagbigay sa kanila ng

kapangyarihan ngunit malaki ang

kapalit nito. Kinakailangan na may alay sila lagi sa demonyo, alay na mga

tao” “Bawat buwan pumapatay sila ng mga

tao para lang mapanatili ang ugnayan

nila sa demonyo. Sa tagal ng panahon

inaral nila ang kanilang bagong

kapangyarihan at lalong nagpalakas.

Gumawa din sila ng sarili nilang libro at nung tingin nila kaya na nila ang

kampon ng liwanag ay nagparamdam

na sila” “Ang di nila alam nauna nang

gumalaw ang kampon ng liwanag at

inatake sila. Naging mapangahas at


madugo ang labanan. Madaming

namatay na mga nilalang sa

magkabilang panig pero madami din taong nadamay kaya tuwang tuwa

ang demonyo” “Sa huli gumalaw na ang demonyo at

naglabas ng mga kampon niya para

makuha ang buong kaharian. Mga

nilalang ng liwanag at kadiliman ay

nagsanib pwersa para mapigilan ang

kampo ng demonyo. Natalo ang demonyo at naipabalik nila ito sa

impyerno” “Nakuha ng kampo ng liwanag ang

libro ng kadiliman. Sinubukan nila

sirain ang libro pero hindi nila

magawa. Ayaw masira ng libro kaya

nagpasya ang mga punong nilalang

na itago nalang ito. Di lang tago, gumamit sila ng kakaibang

kapangyarihan para dito” “Gamit ang salamangka ay tinago nila

ang libro sa ibang dimensyon. At

tanging makakabukas sa dimensyon

na yon ay anim na susi. Mga susing ito

ay mga diyamante, pag nagsama muli

ang anim saka lang magbubukas ang dimensyon na yon” “Anim na punong nilalang naghiwalay

para itago ang mga diyamante. Wala

nang iba pang nakaalam ng lokasyon

ng mga diyamante, yon ang akala nila.

May nagmamasid sa kanila at


nasundan ang anim na nilalang. Sinubukan ng mga nilalang na iyon na

kunin ang mga diyamante ngunit

napigilan sila” “Noong nagpasya na ang mga

punong nilalang na itago ang mga

libro ng kapangyarihan sa templo,

nakita kong nagpahuli ang punong

tikbalang at naglabas ng mapa. Gamit

ang salamangka nahati ang mapa at isa isa pumasok sa mga libro” “Ngayon nakita ni Aneth ang mapa at

pag nabuo niya yung anim

mapapalabas niya ang libro ng

kadiliman” kwento ni Berto. Pagod ang utak ni Nella sa narinig

niya, tumayo sya at bumalik sa kama

para maupo. “Pero alam mo sabi ni

Aneth kulang daw ng dalawang libro

e” sabi niya. “Oo tama, libro ng

mambabarang at libro ng mga bampira” sabi ni Berto. “Yung libro ng mambabarang ay

pinamigay nila sa mambabarang na

magbabantay sa hari noon” dagdag

ng multo. “At yung libro ng mga

bampira?” tanong ng reyna at mula sa

katawan ng multo may isang libro na lumabas. “Eto tinago ko” sabi ni Berto. “Delikado tayo! Pag
nalaman ni Aneth

na nasa sa atin yan tayo ang

kawawa!” sigaw ni Nella sa gulat.

“Nabasa ko ang laman ng libro ng

mga ninuno, alam ko ang mangyayari.


Mahahanap ni Aneth ang anim na diyamante pero sabi ko siguro pag

suwayin ko konti ang nakasulat ay

magkakaroon tayo ng oras para

makahingi ng tulong” sabi ni Berto. “E sabi mo kung ano ang nakasulat,

masusunod at masusunod yon diba?”

tanong ni Nella. “Oo ganon nga. Pero

ginawa ko ito para magkaroon tayo

ng oras para makahanap ng tulong,

baka sakali magbago ang kapalaran ng kaharian” sagot ng multo. “Teka magulo pa ito lahat e, matagal

ko nang kilala si Aneth. Parang ang

hirap paniwalaan na ganon siya” sabi

ng dalaga. “Halika sa kwarto niya”

sabi ni Berto at nagtungo ang dalawa

sa katabing kwarto. Nakita ni Nella ang nagkalat na mga

libro sa sahig at mga pahina na

pinagsama sama. “Buksan mo ang

libro sa gitna, punitin mo ang pahina

at sigurado ako yan ang isa sa

nawawalang parte ng mapa” sabi ni Berto. Nahanap ni Nella ang gitna ng

libro at napansin niya pareho ang

pagkasulat sa mga pahina sa sahig.

Agad niya pinunit ito at dinikit sa iba.

“Hindi naman mapa ito e” sabi niya. “Tumayo ka sa tabi ko” utos ng multo

at pagkatayo palang ni Nella ay nakita

na niya ang mapa. “Totoo nga…pero


kulang ng isa. Limang lokasyon lang

nakikita ko…e di hindi parin

magtatagumpay si Aneth kasi wala yung libro ng mambabarang” sabi ng

dalaga. “Nella ang nakasulat sa libro ng mga

ninuno ay mabubuo ng diwata ang

anim na diyamante at mapapasakanya

ang libro ng kadiliman. Yun ang

nakasaad kaya kahit na ganito may

paraan parin na mapapasakanya ang anim” sabi ni Berto. “E kung ganon ano ang pwede natin

gawin? Saan tayo hihingi ng tulong?”

tanong ng dalaga. “Kailangan natin

itakas ang mga librong ito, kailangan

natin maghanap ng mga nilalang na

pwede natin mapagkatiwalaan para aralin nila ang laman ng mga libro.

Para may panlaban tayo” sabi ng

multo. “Aralin ang laman ng mga libro?

Naaral na ba ni Aneth ang lahat ng

ito?” tanong ng dalaga. “Oo, kakaiba

ang ginamit niyang salamangka pero

nadinig ko ang dasal niya. Wala akong

kapangyarihan kaya kailangan natin maghanap ng mapagkakatiwalaang

diwata. Ituturo ko sa kanya ang dasal,

tapos yung mga napiling mga nilalang

mabilis nila maaral itong mga libro”

paliwanag ni Berto. “Tara sa gubat, doon tayo


maghanap!” sabi ng reyna. “Wag!

Delikado yan. Kahit di pa nila alam ang

tunay na ugali ni Aneth ay meron

parin mga nilalang na loyalista. Sa

ngayon mahihirapan kang patunayan ang alam mo at di mo pwede ipakita

tong mga libro. Kailangan natin yung

tunay na mapagkakatiwalaan mo lang

at wala nang iba” sabi ng multo. Napaluhod si Nella sa sahig at

napaisip, “Ang mga kaibigan ko lang

ay mga disipulo…si Anhica!!! Oo nga

diwata ata siya! Pero umalis siya,

pwede natin siya hanapin!” bigkas ng

dalaga. “Mapagkakatiwalaan ba yan?” tanong ni Berto. “Oo sigurado ako,

pati si Tuti! Kailangan natin sila

mahanap!” dagdag ni Nella. “Tuti? Narinig ko sinabi ni Aneth ang

pangalan na yan. Sabi niya pinapatay

na niya yang si Tuti” sabi ni Berto at

nagulat si Nella at napasigaw. “Ano?!!!

Hindi! Umalis daw si Tuti!” sabi ni Nella.

“Sino nagsabi sa iyo umalis siya?” tanong ni Berto at napayuko ang ulo

ng dalaga. “Si Aneth…pinatay nila si

Tuti?” sabi ni Nella at agad tumulo ang

luha sa mukha niya. “Teka teka wag kang iiyak iha. Sabi ko

sinabi ni Aneth na pinapatay na niya si

Tuti pero may nakita akong nangyari


nung nakaraang gabi sa labas ng

palasyo” kwento ni Berto. Pinunasan

ni Nella ang mga mata niya at tinignan ang multo, “Hindi patay si Tuti?”

tanong ng dalaga. “Ewan ko, halika sa labas” sabi ni

Berto at nagmadali ang dalawa sa

labas ng palasyo. Tumayo ang multo

sa ibabaw ng hukay at mabilis

nagkalkal si Nella. Ilang sandali pa

nakalabas ang mukha ni Tuti at napasigaw si Nella. “Tuti!!!” sabi niya

at bumilis pa ang pagkalkal niya. “Tulungan mo na ako kaya!!!” sigaw

ni Nella at tumulong na si Berto.

Nailabas nila sa lupa si Tuti pero

walang buhay parin ang katawa nito.

“Anong nakita mong nangyari?”

tanong ni Nella. “Isang espiritu na pumasok diyan sa lupa” sagot ng

multo. Kinagat ni Nella ang kamay niya

hanggang sa dumugo ito. Binuka niya

ang bibig ni Tuti sabay pinatulo ang

dugo niya. “Hindi ba bawal yang ginagawa mo

iha? Bawal sa mga bampira ang dugo

ng tao” paalala ni Berto. “Sabi ng batas

yon, kaibigan ko ito at ako ang reyna”

sagot ni Nella. Pinainom pa ni Nella

ang dugo niya kay Tuti, ilang sandali pa ay napansin niyang nagbabagang

pula ang mga kamay ng bampira. Hinila ni Berto si Nella palayo habang
buong katawan ni Tuti nagliyab na.

Umangat sa lupa ang katawan ng

bampira, ilang saglit lang bagsak ulit

ito sa lupa sabay humupa ang baga.

“Dhughoooo” bulong ni Tuti at sa tuwa agad lumapit si Nella at niyakap

ang kaibigan niya. “Tuti!!! Buhay ka!” sigaw ng dalaga at

napakamot ang bungal na bampira.

“Nella may mashamang nangyawi sha

mga dishipuwo” bulong ni Tuti.

“Mamaya ka na magkwento Tuti,

magpalakas ka muna. Akala ko patay ka na” sabi ni Nella. “May kailangan ka

malaman thungkol kay Aneth”

dagdag ng bampira. “Oo alam ko na

ang tungkol sa kanya. Magpahinga ka

muna Tuti, ramdam ko nanghihina ka

pa” sabi ng reyna. “Kailangan ko pha ng dhugo” sabi ng

bampira at nilapit ni Nella ang kamay

niya. “Nella wag, phaphagalitan ako ni

Boshing. Nalalashahan ko na

phinainom mo akwo ng dugo mo

phero tama na yon. Maghahanaph nalang ako ng phagkain ko” sabi ng

bampira pero dinikit ni Nella ang

kamay niya sa bibig ni Tuti. “Sige na,

kuha ka ng sapat para sumigla ka.

Mamaya ka na kumuha ng mga


hayop” utos ng dalaga at nahiya pa si Tuti. Nang bumalik konti ang lakas ni Tuti,

nagpunta ito sa gubat para maghanap

ng baboy. Bumalik siya ilang minuto at

nanibago si Nella sa itsura niya.

“Nasan na yung pagkain mo?” tanong

ng dalaga. “Taposh na ako khumain, hiya kasha ako” sabi ng bampira.

“Nahiya ka pa, Berto labas at

magpakilala ka na” sabi ni Nella at

mula sa likod niya nagpakita ang

multo. “Tuti, ito si Berto. Siya ang multo na

tutulong sa atin. Alam ko kagigising

mo palang pero kailangan natin

hanapin si Anhica” sabi ng reyna.

“Nella, ang mga disipulo na kasama ni

Aneth ay hindi mga tunay na disipulo” sabi ni Tuti. “Anong ibig mo sabihin?” tanong ni

Nella. “Kinuha ni Aneth ang mga

kapangyarihan ng mga disipulo tapos

kinalat sila sa buong kaharian. Yung

mga kapangyarihan ng mga disipulo

pinasok niya sa mga impostor. Yung mga impostor ang tumira sa akin”

kwento ng bunging bampira. “Kaya naman pala iba ang kinikilos

nila. Sabi mo kinalat sila sa buong

kaharian? Berto baka pwede sila. May

Santelmo, dwende, taong lobo, kapre,

isang nagpapalit ng anyo at mga


bampira” sabi ni Nella at napaisip ang multo. “Maari pero Nella kailangan natin

magmadali at importante ang diwata.

Kung nahanap ang diwata dalawa na

agad ang makapangyarihang na

nilalang” sabi ni Berto. “Dalawa? Si

Anhica at Tuti ang mag aaral ng mga libro?” tanong ni Nella. “Oo wala na

tayong oras. Pag naaral na nila

kailangan natin magmadali hanapin

yung mga disipulo. Sa ngayon oras

ang kalaban natin pagkat nasa daan

din si Aneth at hinahanap ang mga diyamante” sabi ng multo. “Tuti kaya mo ba hanapin si Anhica?”

tanong ni Nella. “Dhala niya eshpada

ni boshing, pawa akong may magnet

sa eshpada na yon. Mahahanap ko

ang eshpada shana kashama shiya”

sagot ng bampira. “O tara na puntahan na natin” sabi ng reyna. “Nella, kami lang ni Tuti ang pupunta.

Kailangan mo maiwan dito para

sakaling bumalik si Aneth ay di niya

mahahalata na gumalaw na tayo.

Kailangan din natin kopyahin ang

mga libro ng mabilis pero wala tayong kapangyarihan kaya Nella kailangan

mo gumawa ng kapareha ng mga

libro. Kukunin namin ang mga tunay

at ikaw na bahala gumawa ng peke.

Naaral na ni Aneth ang mga libro kaya


malamang hindi na niya bubuklatin muli sila” “Basta gumawa ka ng kaparehong

itsura at wag kang matatakot pagkat

bilang tagapamahala ng kaharian

hindi ka niya pwedeng saktan. Isa yan

sa mga sumpa ng mga sinaunang

nilalang. Galingan mo sa pag gawa at kami na bahala ni Tuti maghanap sa

diwata at sa iba” sabi ni Berto. “Madali lang yan, may mga taong

makakatulong sa akin. Sige kunin

niyo na ang mga libro” sabi ni Nella.

Ilang minuto ang lumipas at handa

nang umalis si Tuti at Berto, si Nella

nag aalala. “Mag ingat kayong dalawa. Sana

mahanap niyo si Anhica at yung iba”

sabi ng reyna. “Tuti, hindi madali itong

gagawin natin. Hahanapin natin ang

diwata at kasabay non kailangan

natin bantayan ang mga libro. Pag may nakaalam na dala natin itong mga

libro sigurado ko aatakehin tayo ng

mga ibang nilalang para makuha nila

ito. Handa ka ba Tuti sa pagdadaanan

natin?” tanong ng multo. “Oo. At Nella wag ka matatakhot.

Nainom ko dhugo mo kaya pag nasha

panganib kha mavilish ako

makakavalik ditho at iligtash ka. Fag

magthagumfay kami mathuthuwa din


shi boshing” sabi ng bampira. “Tuti…kahit na wala na si Paulito iniisip

mo parin siya. Di mo pa ba tanggap na

wala na siya?” tanong ng dalaga.

“Nung una akhala kow wala na sha.

Pewo pawing nawawamdaman kow

he ish ahlayb” sabi ni Tuti. “Berto, nabasa mo naman ang libro ng

mga ninuno. Sigurado ko may

labanan na magaganap. May malakas

na bampira ba lalaban kay Aneth?”

tanong ni Nella at tahimik lang ang

multo. “Berto! Sumagot ka!” utos ng reyna.

“Sa libro ng ninuno walang mga

pangalan na nakasulat. Oo naksaad

don na may malakas na bampira at

malakas na diwata na magsasamang

makikipaglaban” sabi ng multo. “Oh?! E di buhay si Paulito?” tanong ni

Nella. “Hindi ko alam, pero isipin mo

iha pag nahanap namin ang diwata.

Siya at si Tuti ang unang magbabasa

sa libro, diwata at bampira na malakas.

Si Tuti at si Anhica” dagdag ng multo at napabuntong hininga ang dalaga. “Hindi natin alam, pero yun
ang

nakasaad lang, isang malakas na

bampira at isang malakas na diwata.

Siguro nakasaan din sa libro ang

ginawa ko pero di na nasulat. Kasi pag


titignan mo ang binabalak natin mukhang bahagi na ako sa mga

magaganap kung sakali” hirit ni Berto. “Wag kha malungkowt Nella.

Magfafalakash ako at lalavanan ko

yang Aneth na yan!” sabi ng bampira

at napangiti ang dalaga. “Magpapalakas ka, mahahanap natin

ang diwata pero hindi si Aneth ang

makakalaban niyo kung sakali”

biglang sabi ni Berto at nagulat yung

dalawa. “Anong ibig mo sabihin?”

tanong ni Nella. “Nakasaad sa libro na

magtatagumpay si Aneth sa

pagpapalakas at pagbuo ng mga

diyamante pero hindi siya ang

nakasulat na panganib sa huli. Pagkat

sa huling laban na nakasaad sa libro hindi diwata ang makakaharap ng

malakas na bampira at diwata…” “…ang makakaharap nila ay ang hari

ng kadiliman mismo!”

Chapter 9: Kampon ng Kadiliman

Sa madilim na dako ng kaharian, lugar

kung saan hindi nasisilayan ng araw.

May grupo ng mga nilalang na

nagtipon sa paanan ng bundok. Lahat sila nakabalabad ng itim,

natatakpan ang kanilang mga mukha


at buong katawan. “Bakit mo kami

tinipon? Oras na ba para sa pag alay?”

tanong ng isang tiyanak. “Oo nga,

oras na ba? Kung hindi mapanganib itong pagtitipon natin baka mahalata

tayo ng kampo ng liwanag” sabi ng

isang tikbalang. “Dwardo, Tikyo, kumalma kayo tulad

ng iba. Hindi pa oras para sa pag alay.

Pinatawag ko kayo pagkat gumalaw

na ang mga tauhan na kailangan natin

para mapatawag ang hari ng

kadiliman. Si Aneth nagtungo na para hanapin ang mga diyamante” sabi ni

Berkas, isang bampira. “Alam mo naman na hindi basta basta

mapapaamo ang mga diyamante.

Bago mo makuha ang diyamante

kailangan makilala ka nito. Kung ano

ang kapangyarihan nung nagtago ng

diyamante dapat ganon din ang kapangyarihan nung siyang kukuha”

sabi ni Raika, isang aswang. “Naaral na ni Aneth ang mga libro ng

kapangyarihan. Ayon sa pinadalang

mensahe ni Ikaryo ay gumamit siya ng

kakaibang seremonya. Dalawang libro

lang ang di niya naaral” paliwnag ni

Berkas. “Sigurado ka ba mapangkakatiwalaan

natin si Ikaryo? Baka naman siya ang

magbubuking sa mga plano natin.


Baka mamaya ituro niya ang lugar na

ito at sugurin tayo ng kampo ng

liwanag. Mauubos tayo pag ganon pagkat wala pa tayong

kapangyarihan” sabi ni Erenyo, taong

lupa. “Oo mapagkakatiwalaan natin si

Ikaryo. Mapapaamo ni Aneth ang

limang diyamante. Yung isang

diyamante, tanging ang nagbasa lang

ng libro ng bampira ang makakakuha.

Sa ngayon may isang bampira at isang multo na dala ang lahat ng libro, pati

ang libro ng mga bampira. Ayos sa

mga alagad nating mga insekto ay

naglalakbay sila ngayon para hanapin

ang isang diwata. Malamang

gagayahin nila ang ginawa ni Aneth para mapabilis ang pag aral sa libro”

sabi ni Berkas. “Parang may masama kang binabalak

Berkas, balak mo ba kami lamangan?”

tanong ni Raika at natawa ang

bampira. “Di niyo ata narinig ang

sinabi ko. Dala nila lahat ng libro. Alam

ko wala tayong kapangyarihan sa ngayon pero pwede naman natin

subukan atakehin ang nagdadala ng

mga libro. Isa siyang bampira, sabi ng

mga bibwit natin na hindi siya

miyembro ng mga disipulo. Alalay


daw lang siya kaya sigurado ako mahina siya” “May kapangyarihan siya konti

kumpara sa atin na tinanggal nila

lahat. Ang nais ko sabihin ay pag

madaming susugod sa bampirang ito,

may tsansa tayo na manalo. Isa lang

siya, pwede tayo magtipon ng mga isang daan na alagad para atakehin

siya kahit wala tayong

kapangyarihan” sabi ni Berkas. “Sira ulo ka ba?!!! Kokonti nalang tayo

natira! Gusto mo pa magbuwis tayo ng

ibang kakampi? Tapos si Ikaryo, ang

tanging kasama natin na may

kapangyarihan pinadala mo pa kay

Aneth. Pano na kung pinatay siya? Wala na tayong panlaban. Si Ikaryo na

nga lang ang nagtatanggol sa atin

dito! Kaya ngayon takot na takot ako

dito sa lugar natin dahil wala si

Ikaryo” reklamo ng tiyanak. “Kapalit

ang mga libro ng kapangyarihan” tanging sagot ni Berkas at napaisip

ang lahat. “Sabi mo nagawa ni Aneth aralin lahat

ng libro. Kahit hindi para sa atin ang

mag librong yon…baka pwede din

natin aralin” sabi ni Raika. “Buti naman

at may isang nag iisip!!! Yan ang

binabalak ko. Kung nakayanan ni Aneth aralin lahat yon, naiisip niyo ba

ang pwede natin makamtan?


Kapangyarihan ng liwanag!

Makakalaban tayo ng patas o higit pa

sa kanila! Hindi na natin kailangan

matakot pag ganon!” sigaw ni Berkas. “Teka teka parang nagbago ang

plano natin bigla. Gusto ko lang

ipaalala sa inyo na papalabasin natin

ang hari ng kadiliman” sabi ng

tikbalang. “Tikyo, nabasa natin lahat

ang kopya ng libro ng mga ninuno. Tandaan mo ang nakasaad sa libro

mangyayari at mangyayari. Sa huli

nakita mo naman na makakalabas

ang hari ng kadiliman, ang ibig

sabihin non magtatagumpay tayo sa

pagtawag sa kanya” paliwanag ni Berkas. “Isipin niyo ito, makukuha ni Aneth

ang limang diyamante. Aasa tayo kay

Ikaryo na makukuha niya ito sa

diwata. Yung pang anim na

diyamante, kailangan bampira ang

kukuha. Gusto niyo ba umasa tayo na maagaw natin ang diyamante sa

bampirang yon pagkatapos niyang

lumakas? Ano laban natin kung wala

tayong kapangyarihan?” “Kahit hindi nakasaad sa libro baka ito

ang tamang daan na dapat natin

tahakin. Kung atakehin natin ngayon

ang bampira at makuha natin ang


mga libro maari tayong magpalakas.

Mas malaki ang tsansa natin makuha ang pang anim na bato kasi bampira

ako. Wag niyo isipin na gusto ko kayo

lamangan pagkat lahat tayo lalakas”

sabi ng bampira. “Oo pero sabi mo kailangan ng diwata

para mas mabilis ang pag aaral sa mga

libro” sabi ni Erenyo. “Talagang hindi

kayo nag iisip! Dala nung bampira ang

libro ng mga diwata! Doon sa libro

nandon din ang kahinaan ng mga diwata kaya mapapaamo natin siya

kahit wala tayong kapangyarihan!” “Pag hawak natin ang mga libro, hindi

natin kailangan aralin ang lahat agad.

Aaralin natin ang sapat na

kapangyarihan para mapaamo ang

diwata. Pag nagtagumpay ay pwede

natin aralin ang lahat ng laman ng libro gamit siya. Ganun kadali. At pag

pumalpak si Ikaryo, malakas na tayo

nong mga oras na yon at pwede natin

surpresahin si Aneth para maagaw

ang mga diyamante. Isip isip! Wala

nga tayong kapangyarihan pero may pag iisip parin tayo!” sermon ni

Berkas. “Tama ka. Kahit na makuha natin ang

mga libro ng kapangyarihan, kokonti

lang tayo para makalaban ang kampo

ng liwanag. Kailangan parin natin ang


hari ng kadiliman. Matagal na tayo

naapi. Dati ang mga ninuno natin muntik na nanalo pero di sila nag iisip.

Ngayon tama ka Berkas, maganda

ang plano mo. Sige mag uutos ako ng

ibang kakampi para sugurin ang

bampira” sabi ng tikbalang. “Mula din sa kampo ko magpapadala

din ako. Malagasan man tayo ng

tauhan ayos lang basta mapasaatin

ang mga libro. Pero eto, gagamitin ko

pag iisip ko para matuwa ka Berkas.

Kailangan natin kumuha ng mga tao bilang panangga kung sakali man

mahalata tayo ng mga taga liwanag”

sabi ng tiyanak. “Mahusay!!! Ganyan ang nag iisip.

Tama ka, dahil wala tayong

kapangyarihan sa ngayon kailangan

natin gumamit ng dahas. Yang mga

kawal ng hari na nakuha natin,

magdadala tayo konti. Alam ko mga kapatid magtatagumpay tayo! Ito ang

nakasaad sa libro ng mga ninuno!

Magtatagumpay tayo!” bigkas ng

bampira. “Berkas over acting ka na, utusan mo

na ang mga tauhan mo na pakainin

ang mga bihag na kawal. Alam mo

naman ang gusto ng hari, gusto niya

ng malulusog na alay” sabi ni Raika.


“Oo busog na busog sila. Dwardo, panahon narin na makipag ayos ka sa

ibang tauhan mo” sabi ni Berkas. “Sa mga baklang tiyanak?!! Wag na!!!”

sagot ng tiyanak. “Wag mo din iisipin

na makikipagbati ako sa mga baklang

tikbalang!” dagdag ni Tikyo. “Alam

niyo hindi ngayon ang panahon ng

kaaretehan. Kokonti tayo tapos nag aaway away pa. Kung makipag ayos

kayo dadami tayo. Isipin niyo yan. O

baka gusto niyo balang araw

tumiwalag sila sa kampo ng liwanag at

ibuking ang mga sikreto natin? Isip

isip mga kaibigan ko. Panahon narin upang pakawalan natin ang mga

bruha at makipag ayos tayo sa kanila”

sabi ng bampira. Natawa ang aswang at pati ang iba

nakitawa. “Berkas ikaw ang

nagpakulong sa mga bruha, malaki

ang problema mo para mapaamo ang

mga bruha” sabi ni Raika. “Pag

napaamo mo sila sige makikipagbati ako sa mga baklang tiyanak” sabi ni

Dwardo. “Ako din, gusto ko makita

pano mo mapapaamo ang mga

bruhang galit na galit sa iyo” sabi ni

Tikyo. “Bakit niyo tinatapon sa akin lang ang

bintang? Lahat naman tayo

nagdesisyon don ha. Nakita niyo


naman ang produkto nila, si Monica.

Sinekreto nila yon sa atin. Naagapan

natin sila bago makumpleto ang pagpapalakas sa bruha seduktiba.

Pero kahit hindi pa kumpleto nakita

niyo gano siya makapangyarihan”

sabi ni Berkas. “Sa tingin mo ba kung di natin sila

pinigilan ay ganito parin tayo? Siguro

bilang kasama sa pagyakap sa

kapangyarihan ng kadiliman ay

biniyayaan nila tayo sa tagumpay nila

pero ikaw nagpilit na pigilan sila kasi takot ka. Ikaw nagpumilit na sakupin

natin sila at ikulong, kasi ayaw mo

malamangan” sabi ni Raika. Nagalit ang bampira at naglakad

lakad, “Diwata si Monica, ginawa nila

siyang bruha at kahit na nagawa

nilang burahin ang memorya niya

hindi parin tayo makakampante na

baka bumalik mga alaala niya. Yun ang kintakot ko at ayaw ko na

magkaroon ng karagdagang

makakalaban na malakas” paliwanag

ni Berkas. “Habang abala ang kampo ng liwanag

na kinakalaban si Fredatoria…sayang

kung hinayaan sana natin ang mga

bruha matapos ang eksperimento nila,

si Monica sana ang tagapagligtas


natin. Pero hindi na natin malalaman yon kasi nga pinigilan mo sila. At kahit

na ganon nakita mo naman ang lakas

ni Monica, nagawa niyang magreyna

sa kaharian. Ano nakuha natin?

Tinanggal niya ang mga

kapangyarihan natin” sabi ni Dwardo. “Matalino at matiyaga ang mga bruha.

Oo masekreto sila pero tignan mo ang

kakayahan nila. Di man nila nasira ang

kapangyarihan ng asul na bato pero

nakagawa sila ng paraan at lusot para

magamit ni Monica ang kapangyarihan niya. At di lang yon,

dinagdagan pa nila ang

kapangyarihan niya kaya siya ganun

kalakas. Nung pinigilan mo ang mga

bruha hindi nila nakontrol si Monica at

eto ang napala natin, halos wala tayong silbi” “At tanging tinira niya ang mga

sumipsip sa kanya lalo na yung

kampo ng mga bakla” pagalit na sabi

ni Tikyo. “Oo na oo na sige ako

bahala. Pero bago ako humarap sa

mga bruha kailangan ko magpalakas. Alam ko kahit anong sasabihin ko o

kahit humingi ako ng tawad ay di nila

ako papatawarin” “Kailangan ko sila bigyan ng pain,

isang kapalit upang umanib sila sa atin

muli” sabi ni Berkas. “Ano ipapain mo?


Mga libro ng kapangyarihan?” tanong

ni Raika. “Maiinsulto lang sila, ayaw

nila ng madaling paraan sa pagpapalakas. Higit pa sa mga libro

ang gusto nila. Ibabahagi natin sa

kanila ang natagpuan nating pahina

ng propesiya” sabi ng bampira. “Sira ulo ka ba?!!!” sigaw ni Tikyo.

“Yan nalang ang natitirang alas natin

kaya tayo hindi mapatay ng mga taga

liwanag! Tapos ibibigay mo lang sa

mga bruha? Hindi ako papayag!!!”

sagot ni Raika. “Yun lang ang pwede natin ialok sa

kanila. Tandaan niyo sila ang

nakapagpatawag sa dalawang

nilalang ng mga tala. Kaya lang di sila

pinalad kung saan napadpad ang

mga bata. Napunta tuloy sa kampo ng liwanag ang dalawa pero hanggang

ngayon hindi nila alam ang tunay na

kapangyarihan nung dalawa” “Sa pagdaan ng panahon nagbagong

anyo ang dalawa at nabaon na sa

limot ang tunay na kakayahan nila.

Kung sa bruha lang napunta yung

dalawa ay tiyak ko silang dalawa na

ang pinakamakapangyarihang nilalang sa buong mundo” sabi ni

Berkas. “Ang gusto mo ibigay ang propesiya

ng pangatlong taong tala sa mga


bruha? At pano kung nagtagumpay

sila ngayon? Hindi kaya tayo naman

ang kawawa?” tanong ni Raika. “Tanga! Nabasa niyo ang libro ng mga

ninuno! Ang hari ng kadiliman parin

ang maghahari sa huli, kasama na

tayo doon! Wala nabanggit don

tungkol sa iba pang malakas na

nilalang. Tagumpay parin tayo sa huli” “Ngayon kailangan natin ang mga

bruha, yon lang ang magpapapayag

sa kanila. Wala naman dapat tayo

alalahanin diba? Sundan lang natin

ang libro ng mga ninuno at hindi tayo

magkakamali. Maliwanag ba?” tanong ng bampira. “Sige pero bago mo ibigay sa kanila

kailangan muna nila umanib sa atin at

lumaban. Lagyan nila sarili nila ng

sumpa na di nila tayo traydorin, tama

ba ako?” tanong ni Dwardo. “Tama ka

tiyanak, tignan niyo ang epekto ng pag iisip. Madami tayo magagawang

tama pag nag iisip. Mga ninuno natin

madami kamali dahil hindi nag iisip

muna. Sige Berkas ialok mo sa kanila

yon” sabi ni Tikyo. “Oo pero ngayon magtipon na tayo

para sugurin ang bampirang may dala

ng mga libro!” sigaw ni Berkas. Sa kabilang dako ng kaharian,

mabagal na naglalakad si Tuti buhat


ang isang bag. “Bampira ka bakit ang

bagal mo maglakad? Kaya mo naman

tumakbo ha!” reklamo ni Berto. “Relash ka lang. Fag vivilishan kow,

malilitow utak ko sha faghanaf nung

eshfada ni boshing. Dala ni Anhica yon

kaya pag nalaman ko nashan yon

eshfada nandon din sha” sagot ni Tuti. “Oo pero di na tayo makakatagal sa

paglakad pagkat malapit na lumabas

ang araw” sabi ng multo. “E tado ka

fala e! E di maghanaf ka ng ivang

kashama! Ano magagawa ko e

bampiwa akow! Shemfre bawal ang araw sa amin! Kung gushto mo

maglakbay ka mag isha! Echoserang

multo ka!” galit ni Tuti. “Ginagawa ko na lahat sha makakaya

ko. Hindi ako tulad ng mga dishipulo,

alam ko yon. Fero sha ngayon

inaashahan ako ni Nella. Ganito lang

kaya ko, ayaw ko magkamali. Kaya

kahit mavagal tayo e shigurado naman na mahahanap natin si diwata.

Kung magmadali tayo vaka mailto

utak ko sa pagdetekta sa eshpada.

Dho you undershtand?” dagdag ng

bampira. Natahimik ang dalawa at nagpatuloy

sa paglakbay. “Pero Tuti, alam mo

siguro na hindi ikaw yung tinutukoy


kong Bampira na lalaban sa hari ng

kadiliman ano?” tanong ni Berto. “Of korsh, vuhay shi boshing e. Am

not dumb you know”

Chapter 10: Tuti Unleased

Lumubog ang araw sa buong

kaharian, sa liblib ng gubat nandon si

Berto naghuhukay. “Tuti gumising ka

na, wala nang araw” sabi ng multo.

Dahan dahan bumangon ang bungal

na bampira saka humikab. “Shillaks Vertwo, nawawamdaman ko mawafit

na ang eshfada” sabi ng bampira. “Bumangon ka na at wala tayong oras

na sasayangin!” galit ng multo at

sinenyasan siya ni Tuti na manahimik.

“May nawawamdaman akong ivang

niwawang ditow sha gubat” sabi ni

Tuti. “Natural, gubat ito talagang madaming ibang nilalang dito” sabi ni

Berto. “Hmmm…tama ka. Normal na

niwawang lang shila. Pewo pawang

ang dami niwa e at papawapit siwa

dito” sabi ng bampira na dahan dahan

tumayo at inamoy ang hangin. “Ano?

Ano pakiramdam mo? Kalaban ba sila?” tanong ni Berto. “Shhhh…tikbawang, twiwanak,

ashwang…mawami shiwa” sabi ni Tuti


at natakot si Berto. “Ano? Kalaban ba?

Pano to? Magtago tayo?” tanong ng

multo at tumawa ang bampira. “Tawo

ka tawaga. Muwto ka na takot ka fa. Wala naman shila kafangyawihan

kaya di shiguwo shila kawaban” sabi

ni Tuti. “Wala sila kapangyarihan? Ayos pag

ganon. Tara na hanapin na natin ang

diwata” sabi ni Berto at mula sa isang

puno may sumitsit sa kanila. Isang

cute na tiyanak ang sumisilip at

napangiti ang bampira. “O tignan mo, natatakot shiwa sa atin. Hawika bebe,

hindi kami vad. Gutom ka?” tanong ni

Tuti at dahan dahan lumapit sa kanya

ang tiyanak. Hinaplos ni Tuti ang ulo ng tiyanak

pero bigla siya kinagat ng nilalang sa

paa. “Away!!! Hindi akow fagkain!!!”

sigaw ng bampira. Mula sa mga puno

sumugod ang ilang pang tiyanak.

Akala ni Tuti mga gutom lang sila kaya nakayanan pa niya tumawa. Lumabas narin ang mga tikbalang at

mga aswang, lahat sinugod ang

bungal na bampira kaya si Berto din a

nagustuhan ang mga pangyayari.

“Tuti!!! Kalaban sila!” sigaw ng multo

na nagtago sa taas ng isang puno. Pumipiglas si Tuti pero may dalawang

tiyanak na nakakagat sa mga paa


niya. Tumayo ang bampira at

hinawakan ang dalawang tiyanak sa

ulo sabay pinag umpog. “Nyeta

kayo!!! Forke wawa akong ngwipin ha!!! Mang iinggit fa kayo!!!” sigaw

niya sabay mabilis siya gumalaw at

nilabanan ang lahat na sumugod sa

kanya. Kayang kaya ni Tuti ang mga tiyanak,

madali niya ito napapatapis. Sumugod

narin ang mga tikbalang at dito talaga

nasubukan ang lakas ng bungal na

bampira. “Sige Tuti! Laban! Wag ka

matakot sa laki at dami nila!” sigaw ni Berto. “Shadaf!!!” sagot ng bampira

sabay nagawa niyang patapisin ang

tatlong tikbalang. “Kayo akawa niyo fifitshugin ako ha.

Akawa niyo wawa ako shilbi ha!”

sigaw ni Tuti at lalo siyang naging

mabangis. Kinarne ni Tuti at isang

tikbalang pero nakagat siya sa likod

ng isang aswang. Limang aswang ang bumuhat sa kanya sa ere sabay

mabilis nila ito binitawan. Bagsak si Tuti sa lupa kung saan

sampung tikbalang ang nag aabang

at pinagtatadyakan siya. Takot na

takot na si Berto pero nakita niya na

nakabangon muli ang bungal na

bampira at napatay ang dalawang kalaban niya. Sa paligid, padami ng padami ang
sumusugod na tiyanak, aswang at

tikbalang. Kinakabahan na si Berto

pagkat may limang tiyakan na

nakakagat sa katawan niya at

binubugbog siya ng mga tikbalang. “Vertwooo!!! Kaiwangan ko ng

dugooo!!!” sigaw ng bampira. “Multo

ako wala akong dugo!!!” sagot ni

Berto. Nahawakan ng mga nilalang ang

bampira saka siya pinagtawanan.

Sinubukan ni Tuti kumagat sa paa ng

isang kapre pero naalala niya na

bungal pala siya. Lalong nagtawanan

ang mga tiyanak at tikbalang kaya nabitawan nila si Tuti. Pinalibutan nila ang bampira at

pinagtatawanan siya. “Nasan ang mga

libro ng kapangyarihan?” tanong ng

isang malaking tikbalang. “Akawa

niyo forke madami kayo di ko kayo

wawavanan!?” sigaw ni Tuti at lalo pang nagtawanan ang mga kalaban

niya. “Sumuko ka na bungal! Kahit

wala kaming kapangyarihan masyado

kami madami at nanghihina ka na”

sabi ng isang aswang. “Tutilous!!!” biglang sigaw ng isang

babae kaya napalingon lahat. Sa

tuktok ng isang puno doon nakatayo

si Anhica. Hawak niya ang espada ni


Paulito at isang manika na kamukha

nung bampira. Hinagis ni Anhica ang espada at tumayo si Tuti at nasalo ito. “Tutilous?!!!” ulit ng isang
tiyanak at

lalo pang nagtawanan ang mga

nilalang. Ang bungal na bampira

biglang nagbaga ang mga mata niya.

Napaatras ang mga kalaban pero ang

buong katawan ni Tuti tila may pulang kuryente na dumadaloy. Humaba

dahan dahan ang buhok ng bampira,

katawan niya sumigla at dahan dahan

tumutubo ang mga ngipin niya. “Oo Tutilous ang pangalan ko,

iniismall niyo ako ha!!!” sigaw ni Tuti

at nagulat ang lahat. Si Berto at Anhica

gulat din sa nakikita nila, nag iba bigla

si Tuti at napakalakas niya. Iba na si

Tuti, mas mabilis siya gumalaw, mas malakas na siya at gamit ang espada

mabilis niyang napatay ang madaming

tikbalang. Walang sinanto si Tuti, kahit ang mga

lumilipad na mga aswang hindi niya

pinakawalan. Tumabi si Berto kay

Anhica, pareho silang tulala. “Sigurado

bang alalay lang yan?” tanong ng

multo. “Oo e…ano nangyari?” sagot ng dalaga. “Alalay lang yan? Nakakatakot

siguro amo niya…si Paulito…ano ba

yon?” tanong ng multo. “Saan kweba

ka ba nagtago?” sumbat ng dalaga na


aliw na aliw sa bungal na bampira. Ilang minuto pa si Tuti nalang ang

nakatayo, may dalawang tiyanak na

nakatakbong palayo dala dala ang

isang sako. “Nakatakbo sila o, dala ata

gamit niyo!” sigaw ni Anhica. “Hayaan

mo sila makatakas, tara sa baba” sabi ni Berto. Hingal na hingal si Tuti, nanginginig pa

ang buong katawan niya at ang esada

na hawak niya punong puno ng

dugo. Dahan dahan lumapit si Anhica

sa bampira at pinagmasdan ang

mukha nito. “Tuti? Ano nangyari? Ang haba ng

buhok mo at may ngipin ka na” sabi

ng dalaga. Tumawa ang bampira at

nagpasikat. “Masanay na kayo, ako na

ito. Hindi na ako ang dating bampira

na kilala niyo!” sagot ni Tuti sabay tumawa ng malakas. “Tuti…nalalagas ang buhok mo” sabi

ni Berto at unti unti nagsisilagas ang

buhok ng bampira. Ilang sandal pa

ang mga ngipin niya isa isa din

naglaglagan. “Shwet naman o! Vakit

ganwito?” sigaw ng bampira at nagtawanan ang multo at dalaga. Dismayado si Tuti pero

nakipagtawanan siya sa mga kasama

niya. Pati siya hindi maipaliwanag ang

nangyari sa kanya pero ang

ebidensya malinaw, madami siyang


nilalang na napaslang at nagkalat ang mga katawan nila sa paligid. “Sigurado kayo hindi importante ang

laman ng nakuha nila?” tanong ni

Anhica. “Oo, mautak din pala tong

bampirang to e” sabi ni Berto. “Oo nga

fala, Anhica etwo shi Vertow, bashta

ishang multo” sabi ni Tuti. “Tagabantay ng templo! Ito naman

magpapakilala nalang mutlo lang e.

Parang wala naman akong silbi”

reklamo ni Berto. “Shadaf! Vertow eto shi Anhica, dating

multow pewo o ha, hindi na sha

muwto! Diwata sha” pakilala ni Tuti.

“Ano?! Dating multo? Pano ka

nakabalik? Pano? Ituro mo sa akin”

sabi ni Berto. “Ha? Ewan ko paano, sumanib sa akin

ang kaluluwa ng sugo at eto

nakabalik ako. At linawin ko lang

hindi ako diwata!” sabi ni Anhica at

nagulat yung dalawa. “Ano?!!! Hindi

ka diwata?!” tanong ni Berto. “Hindi, kinupkop lang ako ng mga diwata

nung bata ako” sabi ni Anhica. “Tuti!!! Sabi mo diwata siya!” reklamo

ni Berto. “Eh? Akala ko diwata sha e.

Hindi ka diwata?” tanong ni Tuti.

“Hindi! Kinupkop ako ng mga diwata,

pinalaki nila ako bilang diwata pero

hindi ako diwata” sagot ng dalaga at tila nawalan ng lakas ang dalawa. “Bakit ba? Ano ba meron?”
tanong ng
dalaga. “Hindi natin pwede pag

usapan dito. Tuti balikan mo na ang

mga libro. Saan ka ba nakatira

Anhica?” sabi ni Berto. “Doon sa

dating bahay ni Wookie. Ano ba kasi problema?” sagot ng dalaga. Mabilis na umalis si Tuti, “Tara na sa

tahanan mo at doon ko ipapaliwanag.

Sigurado ka bang hindi ka diwata?

Wala ka bang kapangyarihan nila?”

tanong ni Berto. “Ah..meron konti

pero iba e. May mga tinuro sila pero yung iba hindi ko magawa, yung iba

kayak o” sagot ng dalaga. “Hmmm…

pwede narin siguro yon. Subukan

nalang natin” sabi ni Berto. “Ano ba

yon?” hirit ni Anhica. “Doon ko nalang

ipapaliwanag iha, wag dito at baka madaming nakikinig na ibang

nilalang” sabi ng multo. Sa loob ng bahay ni Tuti pinaliwanag

ni Berto lahat kay Anhica. Ilang

sandali lang nakarating na si Tuti pero

nakatayo lang sa may pinto. “Ano pa

inaantay mo diyan pumasok ka” sabi

ni Anhica. “Hindi fwede, kailangan imbitahin mo akow fumashok” sabi

ng bampira. “Ano? Anong kaartehan

yan?” tanong ng dalaga. “Iha, ganon talaga ang mga bampira.

Di sila pwede makakapasok sa isang

tahanan. Kailangan sila maimbitahan


pumasok” paliwanag ni Berto. “Ah…

halika pasok ka sa loob Tutilous”

bigkas ni Anhica at agad na pumasok ang bampira na dala ang isang sako. “Ito ang mga sinasabi mong
mga

libro?” tanong ni Anhica. “Oo, naaral

na ni Aneth lahat yan at gumamit siya

ng kakaibang dasal ng diwata. Akala

namin diwata ka at magagaya natin

nagawa niya” sagot ng multo. “Ibig mo sabihin makapangyarihan na

masyado si Aneth?” tanong ni Anhica. “Oo ganun nga pero sa ngayon

naglalakbay siya para hanapin ang

mga diyamante. Hindi pa niya alam

para saan ang mga diyamante kaya

bago aksidenteng mapagtagpo ang

anim kailangan natin siya pigilan” paliwanag ni Berto. “Teka, kung makapangyarihan na

siya…at naaral na niya lahat ito…ano

pa ilalaban natin? Kahit maaral natin

ito e nasa kanya na lahat” tanong ni

Anhica. “Nasa kanya na nga lahat

pero wag dapat tayo mawalan ng pag asa. Kung makahanap tayo ng sapat

na nilalang para aralin ang mga

librong ito, madami ang haharap sa

kanya” “Oo hawak niya lahat ng

kapangyarihan pero mahihirapan

naman siya makalaban ang madaming

nilalang na makapangyarihan din. At


isa pa, dapat mapigilan natin siya bago

niya makamtan ang huling libro” kwento ni Berto. “Hindi ko alam pag kaya ko yang

sinasabi niyo. Hindi talaga ako diwata

e” sabi ni Anhica. Kinuha ni Tuti ang

libro ng mga diwata at inabot kay

Anhica. “Eto, Verto ituro mo sha kanya

ang kailangan niya pawa magawa niya yung dashal. Sha ngayon tayo

ang pag asha ng kahawian,

kaiwangan natin shubukan” sabi ni

Tuti. “Tama si Tuti, oras ang kalaban pero

sige aralin mo ang madadaling

kapangyarihan ng diwata. Importante

lang naman matutunan mo pano

maidasal at maglabas ng

kapangyarihan, yung iba pag nagtagumpay tayo ay mabilis mo

nalang maaral” sabi ni Berto. “E pano kung nagkamali ako?

Natatandaan ko ang aral ni Punong

diwata, pag may ibang nilalang na

sumubok gumamit ng kapangyarihan

ng diwata, maaring magtagumpay ito

o kaya kamatayan ang kapalit. Kamatayan pag hindi nagawa ng

maayos” sabi ng dalaga. “Awalin mo, shubukan mo sha akin.

Ayosh lang. Pag pumalfak, hanaf kayo

ivang vampiwa na pagshushubukan.

Kailangan natin shubukan. Wala tayo


choysh kundi shumugal” sabi ni Tuti.

“Sige na iha, kailangan talaga natin gawin ito. Kung hindi ka

magtagumpay ayos lang. Ang

mahalaga ay sinubukan natin” sabi ni

Berto at kinabahan si Anhica. Sa kabilang dako ng kaharian

nagwawala si Berkas at binubugbog

ang nakatakas na mga tiyanak. “Wala

kayong kwenta! Sana tinignan niyo

man lang ang laman ng sako!” sigaw

ng bampira. “Berkas! Itigil mo na yan! Hindi nila

kasalanan!” sigaw ni Dwardo na

pinagtanggol ang mga kampon niya.

“Pero sinayang nila ang oportunidad

na ito! Wala tayo nakuha ni isang libro

tapos nalagasan pa tayo ng madaming kampon!” sigaw ni Berkas. “Ikaw nagpadala ka ba ng kampon

mong mga bampira? Wala kang

karapatan magalit!” sigaw ni Raika.

“Mga alagad, ano ang nangyari?”

tanong ni Dwardo sa mga tiyanak. “Yung bungal na bampira…malakas

siya. Sobrang lakas niya. Sabi niyo

mahina lang siya pero napakalakas

niya” sabi ng isang tiyanak. “Si Tuti

malakas? O sadyang mahina lang

kayo. Tama dapat mga bampira nalang pinadala natin” sabi ni Berkas. “Tumahimik ka! Ayaw mo lang

malagasan ang mga bampira kaya


kami ang pinadala mo! Makasarili ka

talaga! Ngayon dahil sa kasakiman mo

ay wala tayong napala. Palpak tayo!”

sigaw ng tikbalang. “Hindi na natin sila pwede balikan,

malamang naaral na nila ang mga

libro kaya makakarne lang tayo.

Kailangan natin ang mga bruha” sabi

ni Dwardo. “Sang ayon ako sa iyo,

pakawalan mo na ang mga bruha!” sabi ni Raika. Tumayo si Tikyo sa tabi ni Berkas,

mabilis niya dinagok ang ulo ng

bamira. Si Raika nilabas ang

mahabang dila niya sabay pinatigas,

sinaksak ito sa puso ng bampira at

mga tiyanak pinagkakagat ang mga paa at kamay ni Berkas. “Anong ginagawa niyo!!!” sigaw ng

bampira na pumipiglas. “Wag ka nang

lalaban Berkas. Ito lang ang paraan

para mapaamo ang mga bruha. Iaalay

natin ang propesya ng mga tala…pati

ikaw!” sigaw ni Raika sabay tawa. “Tiyak na matutuwa ang mga bruha,

lalong lalo na pag makakaganti sila sa

nilalang nag nagpakulong sa kanila.

Berkas wag ka na pumalag, para sa

ating lahat ito. Wag kang mag alala

hindi namin makakalimutan ito. Sabi mo ang nakasaad laging

magkakatotoo, magiging parte ka ng


kasaysayan Berkas” bulong ni Tikyo

sa bampira. “Pakawalan na ang mga bruha!!!”

Chapter 11: Huling Dyamante

Sa gubat ng mga dwende tahimik ang

paligid, mga hayop masayang

nagtitipon sa may ilog. Biglang

humangin ng malakas at nagliwanag

ang paligid, dilaw na ilaw bumulag sa

mga hayop kaya nagsipagtakbuhan sila lahat. Paghupa ng ilaw ay nakatayo ang

madaming nilalang na

pinamumunuan ng punong diwata.

“Mga disipulo! Kumalat kayo at

siguraduhin na walang makakalapit”

utos ni Aneth. “Mukhang mahihirapan tayo maghanap nung diyamante. Di

tulad nung iba simple lang ang

pinagtaguan. Dito sa gubat ng

dwende masyado malawak, di natin

alam kung nasa loob siya ng isang

puno…pero masyado madaming puno” sabi ni Ikaryo. “Edi putulin lahat. Ganon kadali yon.

Pero sa tingin ko di gagawin yon ng

mga dwende. Parang hinihila ako ng

apat na diyamante palapit sa ilog” sabi

ng diwata. Nilabas ni Aneth ang apat


na diyamanteng nahanap nila, tinapat niya kamay niya sa ilog at nagbabaga

ang mga ito. “Gusto talaga ng mga

diyamante na magsama sama sila”

bulong niya. “Ayaw ko lumusong sa ilog!” sabi ni

Ikaryo. “Tado! Hindi mo naman

makukuha ang diyamante. Tanging

ako lang ang pwede kumuha diyan at

ayaw ko din mabasa” sagot ni Aneth.

“O pano mo kukunin ang diyamante pag di ka papasok sa ilog?” tanong ng

lalake. “Bobo ka talaga, sino ba ang kausap

mo? Di mo ba alam mala diyosa na

ako” sabi ni Aneth sabay tumawa ng

malakas. Tumayo si Aneth sa paanan

ng ilog. Tinaas niya ang dalawang

kamay niya at nagbulong ng dasal. Nagliparan palayo ang mga ibon,

muling dumagsa ang malakas na

hangin sa paligid. Mga dahon ng puno

sa damuhan tinipon ng isang ipo ipo

at nagtungo sa diwata. Buong

katawan ni Aneth pinaikutan ng mga nagliliparang dahon, ilang saglit pati

na mga maliliit na bato sumabay na sa

mga dahon. Si Ikaryo nagtago sa likod ng puno,

mga disipulo kumapit din sa mga

puno pagkat pati sila nasususop ng

malakas na hangin. Hinarap ni Aneth


ang isang kamay niya at doon

sumugod ang ipo ipo na nagpapaikot sa kanya. Ang tubig ng ilog biglang

nahati sa gitna, may lumitaw na

kumikislap na diyamante sa gitna ng

ilog kaya lalo pang hiniwalay ni Aneth

ang tubig. Nagkaroon na ng isang daan papunta

sa diyamante, ang tubig ng ilog

nagmistulang dalawang matataas na

dingding nalang. Naglakad si Aneth

papunta sa gitna ng ilog, pinulot niya

ang diyamante at biglang yumanig ang lupa. Pabalik na sana ang diwata pero may

espiritung nagpakita sa harapan niya.

“Hindi ko alam sino ka, pero bibigyan

kita ng babala. Wag mong pagtagpuin

ang anim na diyamante” sabi ng

espiritu. “Sino ka?! Umalis ka sa harapan ko at padaanin ako!” sumbat

ni Aneth. “Ako ay isang espiritu, tagabigay ng

babala kung sakaling matagpuan at

mapagsama ang limang diyamante.

Wag mo nang hanapin pa ang ika

anim na diyamante. Ibalik mo nalang

ang lima sa pinagkunan mo” sabi ng espiritu. “Bakit ano ba mangyayari pag

nahanap ko ang anim?” tanong ni

Aneth. “Hindi maganda kung

magsama ang anim na bato. Bitawan


mo na yang isa saka isoli ang iba. Pag

hindi mo mabitawan yan agad hindi mo na kailangan hanapin ang pang

anim, kusa kang dadalhin doon ng

limang diyamante. Wala akong

kapangyarihan para pigilan ka, pero

akoy nabigyan kapangyarihan para

ipakita sa iyo ang maaring maganap” sabi ng espiritu sabay mabilis siyang

sumanib sa diwata. Napaluhod sa lupa si Aneth at nanigas

ang buong katawan. Mulat na mulat

ang mga mata niya at mga luha

tumulo sa pisngi niya. Nanginig ang

katawan ng diwata, natatakot lumapit

ang mga alagad niya pero si Ikaryo mabilis na sumugod at nilapitan siya. “Aneth!!!” sigaw ng lalake sabay

niyuga ang katawan ng diwata.

Nabitawan ni Aneth ang limang

diyamante at nagsisigaw. Mabilis na

kinuha ni Ikaryo ang limang

diyamante sabay binulsa, mula sa isang kamay kinalat niya sa lupa ang

pekeng mga diyamante. “Aneth!!! Anong nangyayari sa

iyo?!!!” sigaw ni Ikaryo at biglang

yumakap sa kanya ang diwata. “Isoli

na natin ang mga diyamante” sabi ni

Aneth sa nanginginig na boses. “Bakit

ano bang nakita mo?” tanong ni Ikaryo. “Hindi maganda. Ayaw ko ng ganon.

Ikaryo isoli na natin ang mga


diyamante” sagot ng diwata. “Ano

nga nakita mo?” tanong ng lalake.

“Ang hari ng kadiliman…at

pagkamatay ko” bigkas ni Aneth sabay nagluha muli. “Tumigil ka nga!

Tignan mo nga ang pinagsasabi mo!

Tinatakot ka lang ng espiritung yan!

Malamang gawa gawa yan ng mga

ninuno. Sa tingin mo bakit nila

gagawin yan? Ha? May tinatago sila!” sigaw ni Ikaryo. “Pero ramdam ko na totoo lahat ng

nakita ko. Ramdam ko ang bangis at

kapangyarihan niya. Ramdam ko ang

pagkamatay ko at ayaw ko non!”

bawi ni Aneth. “Sira ulo ka! Tinatakot

ka lang niyan! Labanan mo! Akala ko ba makapangyarihan ka na?

Magpapatakot ka sa ganyan? May

tinatago ang mga ninuno na ayaw nila

makamtan ng iba. Yan siguro ang

isang estilo nila para takutin ang sino

man malapit nang magtagumpay” sabi ni Ikaryo. Napayuko ang diwata at huminga ng

malalim, “Tinatakot lang ako?” bulong

niya. “Oo Aneth. Mag isip ka nga

mabuti. Tignan mo yung mga libro,

nabantayan ng maigi at di madali

makuha. Nagsakripisyo ka ng madami para makamtan ang kapangyarihan

nila. Malamang mas malaki ang


nakatago sa mysterio ng mga

diyamante. Isang pagsubok ito

malamang para madismaya ka sa

pagpapatuloy ng pagbuo ng anim” paliwanag ni Ikaryo. “Pagsubok? Tama ka, ginugulo lang

nila ang utak ko para di na ako

magtuloy. Nakuha na natin ang lima

kaya…tama ka…tama ka…” bulong ng

diwata sabay unti unti natatawa. “Pag

ako may importanteng tinatago, at nakita ko may isang malapit nang

makatuklas dito. Gagawin ko lahat

para linlangin siya, ganon din naman

gagawin mo diba? Ganon ang

ginagawa ng lahat, pati na mga

ninuno. Isang pagsubok lang ito Aneth. Magpapatalo ka?” bulong ni

Ikaryo. “Hindi! Ikaryo ang espiritu!” sigaw ni

Aneth at mabilis humawak sa noo ng

diwata ang lalake. “Konting lakas mo

Aneth” sabi ni Ikaryo at humawak

ang diwata sa dibdib ng lalake.

Nagdasal konti si Ikaryo at ilang sandal napalabas niya ang espiritu.

Bago pa makapagsalita ang espiritu at

panibagong dasal ang nagawa ni

Ikaryo at tuluyan nang nalusaw ang

espiritu. “Ikaryo…salamat. Kung wala ka hindi

ko na alam ano nagawa ko” sabi ni


Aneth. “Sabi ko naman sa iyo ikaw na

ang pagsisilbihan ko. Siguro naman

wala ka nang duda sa akin” sabi ng

lalake. “Oo, bumalik tayo sa palasyo para magpahinga. Kung hahayaan

natin ang mga limang diyamante para

mahanap ang pang anim baka

matatagalan tayo. Kailangan natin

yung mapa, kahit kulang matatantya

natin kung nasan yung pang anim. At pag nandon na tayo bahala na yung

limang bato para mahanap siya” sabi

ni Aneth. Nakabalik sila sa palasyo, pagod na

pagod ang diwata kaya nagpasya na

matulog muna. Si Ikaryo nagtago sa

dilim at nagdasal. Isang anino ang

kumalas sa katawan niya sabay

mabilis naglakbay palayo ng palasyo. Sa ibang bahagi ng kaharian nagtipon

tipon ang mga kampon ng dilim.

Tatlong matatandang bruha ang

kumakain habang ang ibang nilalang

takot na takot sa kanila. “Punong

bruha, naniniwala na ba kayo sa amin?” tanong ni Raika. “Bakit parang ang bait niyo sa amin?

Natatakot ba kayo baka magaya kayo

kay Berkas?” tanong ni Yailda.

Napatingin ang ibang nilalang sa

isang kalansay sa tabi ng mga bruha,


mga tira ng bampirang si Berkas. “Oo, wala kaming kapangyarihan, kayo

meron. Pinakawalan namin kayo,

binigay namin sa inyo si Berkas.

Binigay pa namin sa inyo ang

propesya…kailangan namin ang

tulong niyo” sabi ni Tikyo. “Sinasabi niyo bang wala kayong

kinalaman sa pagkakulong namin sa

kwebang yan?” tanong ni Yailda.

“Wala! Kahit basahin mo utak namin.

Lahat ito pakana ni Berkas. Tutol kami

noon sa kanya pero naunahan na kami” sagot ni Dwardo. “Yang kwebang pinagkulungan niyo

sa amin, kakaiba yan. Di namin

magamit ang kapangyarihan namin sa

loob. Pano niyo nagawa yon? Hindi

pangkaraniwang kaalaman yan para

sa mga tulad niyo” sabi ng bruha. “Si Berkas, pinaamo niya ang isang

kasama niyo. Siya ang nagturo pano

gawin ang kwebang yan. Pagkatapos

niya mabuo ang kweba ay agad siya

pinatay ni Berkas” paliwanag ni Raika. “Bakit namin kayo tutulungan? Ano

pa ang pwede niyong maibigay? Hindi

kami tumatanaw ng utang na loob.

Pinakawalan niyo kami, inalay niyo si

Berkas at ang propesya pero sapat

lang yon para patawarin namin kayo. Ano pang maibibigay niyo sa amin
para tulungan namin kayo?” sabi ng

matandang bruha. Tahimik ang mga nilalang pagkat wala

na sila maisip na pwede ibigay kapalit

sa pagtulong ng mga bruha. Ilang

sandali pa ay may naglalakbay na

anino na napansin ng mga bruha.

“Nagsisinungaling ba kayo?!!” tanong ni Yailda. “Hindi! Anino ni Ikaryo yan! Siya lang

ang natira sa amin na may

kapangyarihan. Sandali malamang

mensahe ito” sabi ni Raika na agad

tumayo malapit sa liwanag. Sumanib

ang anino ni Ikaryo sa anino ng aswang, naupo muli si Raika at

napangiti. “Malapit na tayo magtagumpay.

Nakuha na ni Ikaryo ang limang

diyamante. Kailangan pa niya si Aneth

para makuha ang pang anim.

Magtungo daw tayo sa kweba sa may

paanan ng bundok ng Asura. Doon daw nakatago ang pang anim” sabi ni

Raika sa mga kasama niya. “Aneth? Parang pamilyar ang

pangalan niya” sabi ni Yailda at

biglang may naisip si Dwardo. “Yailda,

tama ka. Si Aneth ay ang punong

diwata. Galit na galit siya sa mga bruha

kaya mismong kapatid niya pinatay niya…kilala niyo ata si Monica” sabi ng

tiyanak. “Pinatay niya si Monica?!!!” tanong ni


Yailda. “Oo, ganon na nga” sabi ng

tiyanak at galit na galit ang punong

bruha. “Sige! Tutulungan namin kayo

basta wag niyong gagalawin si Aneth!

Amin siya!” sigaw ng matanda. “Pero Yailda, kailangan mo malaman

na si Aneth ay makapangyarihan na.

Nabasa niya at naaral ang lahat ng

libro ng kapangyarihan” sabi ni Tikyo.

“Mas maganda! Pero mali kayo, hindi

lahat ng libro naaral niya. Kaya niyo nga binubuo ang mga diyamante para

makuha ang libro ng kadiliman diba?”

sabi ng bruha. Tahimik ang mga nilalang at natawa

ang mga bruha. “Wag kayong mag

alala wala kami pakialam sa mga

librong yan. Gusto lang namin si

Aneth. Mukhang mahihirapan tayo

kaya may iaalok kami sa inyo. Sigurado ko hindi niyo tatanggihan,

kapalit siguraduhin niyo lang na sa

amin si Aneth at pagkatapos ng lahat

iiwanan niyo kaming mga bruha sa

tahimik” alok ni Yailda. “Sige! Kahit gumawa tayo ng

kasunduan ng dugo ngayon din”

sagot ni Raika. “Hindi na kailangan

yan. Ibabalik namin ang

kapangyarihan niyo pati mga alagad


niyo. Sa inyo na ang mga libro basta amin ang diwatang pumaslang sa

alaga namin” sabi ng matanda at

nagtuwa ang mga nilalang. Kinabukasan sa palasyo,

pinagmamasdan ni Aneth ang mga

diyamante. Si Ikaryo agad lumabas sa

dilim at lumapit sa diwata. “Habang

natutulog ka pinagmasdan ko ang

mapa. Alam ko na saang lugar maaring nakatago ang pang anim”

sabi niya. “Saan? Sigurado ka?” tanong ni Aneth.

“Oo, sa paanan ng bundok ng Asura.

Tinitignan ko ang kulang sa mapa.

Malawak na lugar yon pero doon sa

bundok ng Asura may kweba don.

Malamang doon nakatago ang pang anim” paliwanag ni Ikaryo. “Mahusay. Teka may utang pa pala

ako sa iyo. Ihanda mo sarili mo para

pagtanggap ng kapangyarihan ng

mga anino” sabi ng diwata at natuwa

si Ikaryo. Lumuhod na ang lalake sa

sahig at pinatong ang kamay sa libro ng mga anino, papalapit na ang

diwata nang may sumanib na anino

kay Ikaryo. “Handa ka na ba?” tanong ni Aneth.

Napapikit si Ikaryo at niyuko ang ulo

niya. Pagkatapos masagap ang balita

ng anino niya ay lumayo si Ikaryo sa

libro at tumayo. “Aneth, wag nalang.


Hindi ko na kailangan yan” sabi niya. “Ano?!!! Tinatanggihan mo ang

kapangyarihan?” tanong ng diwata at

medyo natakot at kinabahan si

Ikaryo. “Hindi mo naiintindihan.

Handa ako manilbihan sa iyo na

ganito lang ako. Aanhin ko ang kapangyarihan na yan pag meron ka.

Kaya pag nagtagumpay ka Aneth, sige

doon mo nalang ako biyayaan ng

kapangyarihan na yan” paliwanag ng

lalake. “Ano kadramahan yan?” tanong ni

Aneth. “Para patunayan ko sa iyo na

maglilingkod ako sa iyo kahit ganito

lang ako. Kung nagtagumpay ka at

nais mo ako biyayaan pa ng

kapangyarihan na yan sige hindi na ako tatanggi. Pero sa ngayon gusto

ko ipakita sa iyo na kahit ganito ay

tapat akong maglilingkod” sabi ni

Ikaryo. “Parang may iba kang binabalak?

Parang nararamdaman ko na sa huli

ay di lang kapangyarihan ng mga

anino ang ninanais mo?” sabi ni

Aneth. “Punong diwata

makapangyarihan ka na, kaya mo basahin ang nilalaman ng utak ko”

sabi ni Ikaryo na lumuhod sa harapan

ng diwata. “Sige, gamitin mo kapangyarihan mo.


Basahin mo ang pag iisip ko para

mapatunayan ko sa iyo na ako ay

tapat at walang hinahangad na iba.

Sige basahin mo ako” dagdag ng

lakake at tinitigan siya ng diwata. “Hindi na kailangan, napatunayan mo

na sarili mo sa akin. Sa pagtagumpay

ko ikaw ang magiging kanang kamay

ko, ayos ba sa iyo yon Ikaryo?” sabi ni

Aneth. Niyuko ni Ikaryo ang ulo niya at

napangisi. “Tapat akong maglilingkod sa iyo

diwata”

Chapter 12: Pagtitipon

Mahimbing ang tulog ng maglolong

mambabarang habang ang dawalang

bampira masayang naglalaro sa may

batis. Ang buwan bahaging

natatakpan ng mga makakapal na

ulap at tahimik ang buong kapaligiran ng bundok ng Asura. Sa loob ng kweba may umaaligid na

anino. Nililibot nito ang buong kweba

at huminto ito sa may paanan ng

dalawang mambabarang. Sa labas ng

kweba lumapit si Ikaryo kay Aneth

sabay nagbulong. “May dalawang tao sa loob, hindi ko alam kung sino” sabi
niya. “Teka ilalabas ko ang mga

diyamante, pag hinila tayo papalapit

sa kweba doon tayo magtutungo”

sabi ni Aneth. “Wag mo na ilabas. Delikado na.

Sigurado ko nandoon sa kweba ang

huling diyamante” sabi ni Ikaryo.

“Mga alad ko magbantay kayo dito sa

labas, pag may lumapit patayin niyo

agad” utos ni Aneth. Humawak ang diwata sa balikat ni Ikaryo at sa isang

iglap nawala sila. Sa may batis habang nagdadamit si

Monica ay bigla siya niyakap ni Paulito.

“Bakit ngayon pa, sana kanina

nung…” sabi ng dalaga pero tinakpan

ng binata ang bibig niya. “Shhhh…

makinig ka” bulong ni Paulito. “Alam ko biglang tumahimik masyado

sa gubat” bulong ni Monica. “Oo nga e,

ngayon lang nangyari ito” sagot ni

Paulito. Lumuhod ang dalaga sabay

pinakiramdaman ang lupa. “May

parang di tama…nanggagaling malapit sa kweba” bigkas niya sabay sila ay

nagkatinginan. “Sina Wookie!” sigaw

ni Paulito at mabilis na nagtungo ang

dalawa papunta sa kweba. Sa may himpapawid sa di kalayuan,

malayang lumilipad ang mga aswang

pinamumunuan ni Raika. Nakasakay


sa likod nila ang tatlong bruha at

ibang mga nilalang. Ang ibang

kasamahan nila sa lupa naglalakbay, lahat sila patungo sa bundok ng

Asura. “Kay sarap talaga muling makalipad

ng ganito!” sigaw ni Raika. “Bakit

nakasakay fa ang mga vruha? Diva

may walis naman sila” malanding

tanong ng isang baklang tiyanak.

“Manahimik ka baklita! Baka gusto mo gawin kitang lalake?!” banta ni Yailda.

“Bilisan niyo at nararamdaman ko ang

pagtitipon ng kapangyarihan sa may

paanan ng bundok” dagdag ng bruha

kaya bumilis ang paglipad ng mga

aswang. Sa loob ng kweba may walong anino

na humawak sa mga paa at kamay ng

dawalang mambabarang. Mahimbing

parin ang tulog nila pero sina Aneth at

Ikaryo nakatayo na sa may paanan

nila. “Gumising kayo!!!” sigaw ng diwata.

Dahan dahan naalimpungatan si

Wookie, nagulat siya nang makita niya

si Aneth pero hindi siya makabangon.

“Lolo! Si Aneth!!!” sigaw ng

mambabarang pero hindi nagigising ang matanda. “Wookie! Hindi kita namukhaan agad

sa bago mong itsura” sabi ng diwata.


“Aneth! Pakawalan mo ako dito!

Lumaban ka ng patas! Lolo!!! Gising!!!”

sigaw ng binata. “Mukhang

mahimbing ang tulog ng matanda, wag mo na siya gisingin. Wala kami

balak saktan kayo. May hinahanap

lang kami kaya manahimik ka nalang

diyan…buhay ka pa pala.

Makikipagtsikahan sana ako pero di

ka importante sa akin” sabi ng diwata. Nilabas ng diwata ang mga diyamante,

kinabahan si Ikaryo pero may

humihila sa katawan niya papalapit sa

isang dulo ng kweba. Pasimple niyang

inutusan ang isang anino niya para

hilain ang kamay ng diwata para ituro ang tamang direksyon. Humarap si

Aneth sa dulo ng kweba at sa isang

indak pinaliwanag ang lugar na yon. Pagkasindi ng liwanag ay nagulat sila

pagkat nakatayo doon ang isang

matanda. Nagulat si Wookie pagkat

nakita niya si Wakiz doon sa dulo ng

kweba, pagtingin niya sa tabi niya ay

nandon parin naman ang katawan ng lolo niya. “Tanda! Wag mo sabihin dalawa ang

katawan mo” sabi ni Aneth at biglang

natawa si Wakiz. “Ito ang inaantay

kong araw, alam ko darating ka para

kunin ang huling diyamante. Hindi ko


ibibigay yon sa iyo!” sigaw ng matanda. Ang katawan na katabi ni Wookie

biglang naglaho at madaming espirtu

ang nakalabas at inatake ang

dalawang bisita. Nakawala si Wookie

at agad nakatakbo sa tabi ng lolo niya

habang si Aneth nairita sa mga espiritu. “Tanda! Ibigay mo na sa akin ang

diyamante kung hindi mapipilitan

akong saktan kayo!” sigaw ni Aneth

na mabilis niyang naabo ang mga

espiritu. “Ramdam ko ang

kapangyarihan na dumadaloy sa katawan mo. Pero haharapin ka

namin at hindi namin ibibigay sa iyo

ang diyamante!” sigaw ni Wakiz. “Tanda, magi sip ka maigi. Naaral ko

ang mga libro ng kapangyarihan.

Sabihin mo sa akin pano kakalabanin

ng dalawang pipitsuging

mambabarang ang isang diyosa na

tulad ko?” tanong ni Aneth at natawa si Wakiz. “Hindi lang ikaw ang nakapag aral ng

mga libro, hindi kami pipitsugin…

Halika tikman mo ang kapangyarihan

ng librong hindi mo naaral…halika at

harapin mo kaming dalawang Ultimo

Mambabarang!!!” sigaw ni Wakiz at may dalawang espiritu sa mga tabi

niya na mabilis nakapagsulat ng mga

simbolo sa lupa. Lumuhod agad ang


matanda at pinatong ang dalawang

kamay niya sa mga simbolo at

dalawang higanteng espiritung dragon ang lumabas. Napanganga si Wookie sa napalabas

ng lolo niya kaya agad siyang

naghubad ng pantaas at mabilis din

nagpalabas ng dalawang higanteng

diablos. Napaatras si Aneth nang

sumugod ang apat na espiritu. Kahit anong liwanag ang ilabas niya ay di

nalulusaw ang kanyang mga kalaban. Sa takot nagtago si Ikaryo sa dilim

habang si Aneth nagpalabas ng

dalawang espada ng liwanag mula sa

katawan niya. “Bilib ako sa inyong

dalawa, natutuwa ako at dito ko

masusubukan ang kapangyarihan ko! Gusto ko yan kaya pagkatapos ko

kayo mapatay, kukunin ko ang

diyamante at ang libro ng mga

mambabarang!!!” sigaw ng diwata

sabay sumugod siya papunta sa mga

espiritu. “Wag ka na umasa, ang libro nasira ko

na. Maaring naaral mo lahat ng ibang

libro pero halatang hindi mo pa gabay

ang mga kapangyarihan mo. Kung

nasanay mo na sana madali mo na

kami napatay. Tama na ang satsat, sige mga dragon kunin ang kaluluwa

niya!!!” sigaw ng matanda at


nagpalabas pa siya ng isang daang

espiritu para guluhin ang isipan ng

diwata. Sa labas ng kweba nakarating na ang

dalawang bampira, ramdam nila ang

kapangyarihan na umaapaw mula sa

loob pero may mga humadlang sa

kanila para makalapit. “Mga pekeng

disipulo” bulong ni Paulito. Nagtago si Monica sa likod ng binata, “Monica,

lumayo ka dito ngayon din. Magtago

ka muna, hindi maganda itong

magaganap dito” sabi ni Paulito. “Ayaw ko, gusto ko dito lang ako sa

likod mo” sabi ng dalaga. Isang

malakas na hangin ang umihip at

biglang may sugat ang binatang

bampira sa mukha. “Tama ka, diyan

ka lang sa likod ko. Gayang gaya nila ang kapangyarihan ng mga disipulo

kaya mahahabol ka din lang. Kung

ano man makita mo wag kang

matatakot, wag mo ako yayakapin.

Wag kang mag alala hindi ka nila

masasaktan, basta diyan ka lang” sabi ni Paulito. Nagbaga ng pula ang buong katawan

ng binata, nagpaatras konti si Monica

at nakita niyang nagbabagong anyo

ang bampirang nasa harapan niya.

Bigla sila pinalibutan ng mga pekeng


disipulo, “Takpan mo tenga mo” utos ni Paulito. “Ano?” tanong ng dalaga.

“Takpan mo tenga mo ngayon na!”

sigaw niya at agad sinunod ng dalaga

ang utos at saktong sumigaw ng

malakas ang pekeng Bombayno. Muling umihip ang hangin pero

mabilis na nahuli ni Paulito ang kamay

ng pekeng bampira, sinaksak niya

ang kamay niya sa puso nito sabay

tinapon sa pekeng Bombayno.

Sumugod ang pekeng Sarryno at Bashito, agad humarap si Paulito kay

Monica at niyakap ang dalaga. Bago makarating ang dalawang

sumugod ay biglang nawala ang

dalawang bampira. Sa inis muling

napasigaw ng malakas ang pekeng

Bombayno, naamoy ng pekeng

Sarryno ang mga bampira kaya napatingala siya sa puno. Bago pa

niya maturo ang dalawa ay mabilis na

nagbababa si Paulito at sinaksak ang

kamay niya sa puso ng taong lobo. Naiwan si Monica sa taas ng puno, ang

ibang pekeng disipulo nakatingin sa

kanya. “Ako ang harapin niyo! Wag

niyo na siya idamay dito!” sigaw ni

Paulito. Sumugod ang pekeng

Bobbyno at napatapis ang bampira. Ang pekeng Virgous sinimulan

sunugin ang puno pero mabilis


nakabangon si Paulito at inatake siya. Si Monica naawa sa binata pagkat alam

niya hindi makalaban ng husto ito

pagkat inaalala siya. Hindi na siya ang

dating bruha, kung dati siya mismo

ang lalaban sa mga pekeng disipulo.

Ngayon takot na takot siya at wala siyang magawa kundi yumakap sa

puno at panoorin ang tagapagtanggol

niya. Umakyat ng puno ang pekeng

Bashito, naagapan siya ni Paulito at

napabalik sa lupa pero napana siya ng

pekeng Darwino sa likod. Habang

nasa lupa ang bampira ay sinugod

siya ng mga pekeng disipulo at pinagbubugbog. Dahan dahan

umakyat sa puno ang isang duling na

bampira. Sigaw ng sigaw ang dalaga

kaya napasigaw ng malakas si Paulito. Naging maingay ang buong paligid,

lahat nabingi sa parang

nagkikiskisang mga bakal. Bagsak

ang duling na bampira sa lupa at

nagbaga ng mas malakas ang

katawan ni Paulito. Isang madilim na ulap at lumapit sa puno, libo libong

mga paniki ang nagpababa at

pinalibutan ang katawan ni Monica.

“Wag kang matakot, diyan ka lang!”

sigaw ni Paulito. Ilang sandal pa ay napalibutan na ang


buong katawan ni Monica ng mga

paniki. Mabilis nakaakyat ng puno ang

pekeng Bashito, sinubukan niya

suntukin ang mga paniki pero mas

madami pang paniki galing sa ulap ang nagpababa at inatake siya. Tumayo si Paulito, kampante na siya

na protektado ang dalaga. Inaatake

siya ng mga pekeng disipulo pero di

niya iniinda ang mga ito. Nanlisik na

ang mga mata niya, buhok niya

nagpalit ng kulay at naging kulay puti. Mga pangil niya naglabasan at mga

kamay nagbagang pula. “Ako naman!!!” Napakabilis ni Paulito agad nasakal si

Virgous, kahit nagpaapoy ng malakas

ang taong santelmo ay sinisipsip lang

ng katawan ng bampira ang lahat ng

apoy. Ilang sandal pa namatay ang

mga apoy sa katawan ng pekeng Virgous, tinaas ni Paulito ang katawan

niya sabay dinikit ang palad sa dibdib

ng pekeng santelmo. Nagapoy ang

kamay ng bampira at napasigaw ang

pekeng disipulo, nalusaw ang dibdib

niya saka siya tinapon palayo ni Paulito. Ibubuka nanaman ni Bombayno ang

bibig niya pero sa isang iglap sinuntok

siya ni Paulito, lusot ang kamao ng

bampira sa pekeng disipulo sabay

tumagos ito sa likod ng ulo. May


tumalon sa likod ng sugo, kinagat ang balikat niya pero di ito ininda ng bida.

Tumalikod si Paulito at kinagat din ang

pekeng Bashito, baon na baon ang

malalaking pangin niya sabay

sinaksak ang kamay sa puso ng

nilalang. Sa malapit na lugar dumating na ang

grupo ng mga aswang at pinanood

nila ang sugo na lumaban sa pekeng

disipulo. “Hindi niyo sinabi na buhay

pa pala si Fredatoria” sabi ni Yailda.

“Hindi yan si Fredatoria…akala ko patay na siya?” sabi ni Raika. “Yan si

Paulito, ang sugo ni Fredatoria” sabi ni

Tikyo. “Paulito? Yan yung isang taong tala”

sabi ng bruha at nagulat ang iba.

“Taong tala? Isa siyang bampira. Isa

siya sa mga tumalo kay Fredatoria. Sa

kanya sumanib ang kapangyarihan ni

Fredatoria” sabi ni Dwardo at natawa ang bruha. “Ganon ba? Gusto ko din

siya makuha!” sabi ng matandang

bruha sabay tumawa. Pinanood nila si Paulito na paslangin

ang lahat ng pekeng disipulo. At sa

pagtumba ng huling kalaban ay

nakita nila ang kapangyarihan ng

mga pekeng disipulo bumabalik sa

katawan ng sugo. “Talagang gusto ko siya!” sigaw ni Yailda at biglang


napatingin sa kanya ang bampira.

“Patay tayo, nakita na tayo” sabi ni

Raika. Sumugod si Paulito papalapit sa kanila

pero bago pa siya makalapit ay

sumabog ang kweba. Lahat ng

nilalang sa kapaligiran ang napatapis,

pagharap ni Paulito sa kweba nakita

niya sina Wookie at Wakiz patakbo palabas. “Takbo!!!” sigaw ng matandang

mambabarang. “Bakit?” tanong ni

Paulito. “Si Aneth! Nasiraan na ng bait.

Di na niya makontrol ang sarili niya! Di

narin niya makontrol ang

kapangyarihan niya!” sigaw ni Wookie na tumayo sa tabi ng kaibigan

niya. Ilang sandal pa nakarinig sila lahat ng

malakas na tawa mula sa gumuhong

kweba. Lumutang sa ere si Aneth at

mga mata niya nagbabagang dilaw.

“Nasan kayong mga kutong lupa?!!!

Harapin niyo ako!!!” sigaw ng diwata. Nagpalabas ng apoy si Aneth mula sa

mga kamay niya, sinusunog niya ang

lahat ng nakikita niya sa paligid. Mga

bruha nagsitayuan at namangha sa

nakikita nila. “Hindi na siya diwata”

sabi ni Yailda. “Ano? Anong ibig mo sabihin?” tanong ni Raika. “Itong kapangyarihan na ito…

kapangyarihan na ng isang diyosa”


paliwanag ng bruha at natakot ang

iba. “Hindi na maganda ito, wala na

tayong laban kaya mas mabuti umalis

na tayo” sabi ni Tikyo. “Hindi, pag magsama sama tayo kasama ang sugo

kaya natin siya. Hindi siya nag iisip ng

maayos, umaapaw ang

kapangyarihan niya pero ramdam ko

na hindi niya gamay ito” sabi ni Yailda. “Sira ulo ka ba?!!! Makikipagtulungan

tayo sa sugo?” tanong ni Dwardo. “Oo

kung gusto niyo pang mabuhay.

Kung di natin mapipigilan si Aneth

ngayon habang magulo isip niya…”

“…patay tayo lahat”

Chapter 13: Pagkaisa

Lumiwanag ang gubat dahil sa

pagsunod ni Aneth ng mga puno. Si

Wookie, Wakiz at Paulito mariing

binantayan ang puno kung saan

nakakulong si Monica. “Ano diskarte

mo Paulito?” tanong ni Wookie. “Hindi ko pa alam, hindi lang si Aneth ang

problema natin, nandyan sa paligid

ibang nilalang at sigurado ako hindi

natin sila kakampi” sabi ng bampira. “Sa ngayon ayos lang tayo, mukhang
nasisiraan pa ng bait si Aneth at

kinakalaban ang sarili niya” sabi ni

Wakiz. “Anong ibig mo sabihin lolo?”

tanong ng binatang mambabarang.

“Minadali niya ang pag aaral ng lahat ng libro. May hangganan ang utak at

katawan natin. Kung sana libro lang

ng diwata inaral niya…pero gahaman

siya. Nagsasapawan ngayon ang mga

kapangyarihan sa loob ng katawan

niya. Lahat gusto pumapel pero si Aneth halatang di pa gabay ang tunay

na kapangyarihan ng bawat libro

kaya ayan nilalabanan niya ang mga

yon. Kung sana inisa isa niya, sana

nakontrol niya lahat ng

kapangyarihan ng maigi” paliwanag ni Wakiz. “Mahusay ka parin hanggang ngayon

Wakiz, tama ka” sabi ni Yailda na

biglang sumulpot sa likod nila. “Yailda!

Di ko akalain buhay pa ang mga

bruha” sabi ng matandang

mambabarang. “Hindi kami kalaban, nagkataon lang na nandito kami.

Hindi kami lalaban sa inyo” sabi ng

matandang bruha. Nagsidatingan narin ang ibang

nilalang at ang tatlong bida naghanda

at hinarap sila. “Tama ang sabi ng

bruha. Hindi kami lalaban sa inyo.


Alam namin wala kaming panalo sa

sugo” sabi ni Raika. “Si Aneth ang kalaban natin, kung magsanib pwersa

tayo tiyak na matatalo natin siya” sabi

ni Tikyo. “Bakit ako maniniwala sa inyo? Bakit

kayo nandito?” tanong ni Paulito.

“Para pigilan si Aneth. Oo kampo kami

ng kadiliman at ayaw namin na isang

nilalang ng liwanag na magreyna sa

buong kaharian. Siguro naman naiintindihan mo yon Sugo”

paliwanag ni Dwardo. Tahimik lang

ang tatlo pero may duda parin sila. “Para patunayan sa inyo na nagsasabi

kami ng totoo. Raika, Tikyo, Dwardo,

sugurin niyo na si Aneth” utos ng

bruha pero nanigas ang tatlo. “Ano

pang inaantay niyo?! Sige na!

Palibutan niyo siya at tirahin ng sabay sabay!” dagdag ng bruha kaya wala

magawa ang tatlo kundi tipunin ang

mga alagad nila at sinugod ang

diwata. Mula sa ere umatake ang mga aswang,

pinalubutan nila ang diwata at lalo ito

nagwala. Nagawa na ipabagsak sa

lupa si Aneth kung saan nag aantay

ang mga tikbalang at tiyanak.

“Naniniwala na ako, sasama na ako sa laban, sabihin mo sa kanila umatras

na” sabi ni Paulito. “Wag pa sugo…wag muna” sabi ni


Yailda. “Anong ibig mo sabihin?

Tignan mo na nga halos di nila siya

nasasaktan” sabi ng bampira. “Alam

ko pero tama lang yan para maaral

natin ang kakayahan ni Aneth. Maghintay ka konti, kayong dalawang

mambabarang magpalabas kayo ng

malalakas niyong espiritu para

guluhin pa utak ng diwata” utos ng

bruha. Nakinig naman ang maglolo kaya

muling nakalabas ang dalawang

dragon ni Wakiz at dalawang higante

ni Wookie. Nagtipon ang tatlong

bruha at nagwakan ng kamay. Dinig

na dinig ang dasal nila at ilang sandali pa ang mga patay na katawan ng mga

pekeng disipulo isa isang

nagsitayuan. “Sige mga disipulo atakehin niyo ang

diwata!!!” sigaw ni Yailda. Sumugod

ang mga pekeng disipulo at lalong

nalito si Aneth. Sa bawat nilalang na

napapatapis niya ay mag papalit na

susugod sa kanya. Walang pahinga ang diwata, halos di siya

makapagpalabas ng kapangyarihan

niya sa dami ng umaatake. “Ngayon na ako susugod habang

magulo isip niya” sabi ni Paulito. “Wag

kang atat sugo” sabi ni Yailda. “Tama


siya Paulito, maganda ang stratehiya

ng bruha. Kailangan malaman kung

kaninong atake ang tumatalab sa kanya. Kailangan natin malaman kung

ano ang panlaban niya” sabi ni Wakiz.

“At kailangan malaman kung anong

kapangyarihan ang nangingibabaw

sa loob niya sa ngayon. Hindi pwede

magsabay sabay ang lahat ng kapangyarihan, meron isa na

mangingibabaw. Pag nalaman natin

yon saka tayo pwede umatake”

paliwanag ni Yailda. Kahit madami ang umaatake sa diwata

ay hindi parin ito nasasaktan. Malakas

ang mga pekeng disipulo at sa

pinagsama samang atake nila

napabagsak nila muli sa lupa si Aneth.

Dinumog ang diwata ng mga tikbalang, pinulot siya ng mga aswang

at binalik sa ere para mabilis din lang

isubsob sa lupa. Mga tiyanak pinagkakagat ang

bagsak na diwata, sumali na sa gulo

ang pekeng Sarryno at Bashito.

Nagpaapoy ang pekeng Virgous, mga

pekeng disipulong bampira umatake

narin pero hindi parin natitinag ang diwata. Gamit ang malaking maso, hinampas

ng pekeng Bobbyno ang diwata.

Nasaktan ito at napahiga sa lupa.


Pinagbubugbog ng mga tikbalang

ang katawan ni Aneth at narinig nila

ito sumigaw sa sakit. “At yan ang kahinaan niya. Pisikal na

atake. Ngayon pwede ka na sumali sa

bakbakan sugo. Alam mo na siguro

ang kailangan mo gawin” sabi ni

Yailda. Bago makasugod si Paulito ay

biglang nagliwanag ang buong paligid. Lahat nabulag at

nagsibagsakan sa lupa. Umangat sa ere si Aneth at tumawa ng

malakas. “Akala niyo kaya niyo ako

pigilan?!!! Hindi niyo ako kaya

pigilan!!!” sigaw niya. “At nangibabaw

ang kapangyarihan ng diwata” sabi ni

Wakiz. “Hindi ka makakalapit sa kanya ngayon, hawak niya ang buong

kalikasan. Pero sige lalabanan amin

siya pansamantala, atakehin mo siya

mula sa likod” sabi ng bruha. “Wakiz, bantayan mo kami, wag mo

kami hayaan nag maghiwalay na

tatlo” utos ni Yailda. Tumayo ang

matandang bruha sa harapan, mga

dalawang kasama niya humawak sa

balikat niya. Sabay sabay sila nagdasal at tinaas ni Yailda ang dalawang

kamay niya. Mula sa dalawang kamay

niya asul na liwanag ang lumalabas,

isang malakas na sigaw at


malakuryenteng kapangyarihan ang

lumabas at tinamaan si Aneth. Sapol ang diwata sa dibdib ngunit

tumawa lang ito. “Kapangyarihan ng

mga bruha!!! Buhay pa pala kayo! Eto

tikman niyo ang hinahanap niyo!!!”

sigaw ni Aneth at nagpalabas din siya

ng dilaw na liwanag mula sa kamay niya. Ang dilaw at asul na liwanag

nagkatamaan, pareho napasigaw si

Aneth at Yailda at bawat isa ayaw

bumigay. Mula sa lupa may mga kamay na

lumalabas at humahawak sa mga paa

ng mga bruha. “Wakiz!!!” sigaw ni

Yailda kaya mabilis na gumalaw sina

Wookie at lolo niya para puksain ang

mga kamay sa lupa. Malakas na hangin ang umihip at

tumama sa mukha ni Yailda, sugat

sugat na ang mukha ng bruha at nag

alala si Paulito. “Umalis ka na! Yung

usapan natin” sabi ng bruha. Mabilis

gumalaw ang sugo at isang iglap nawala siya. Naglalabanan parin ang

dilaw at asul na liwanag pero si Aneth

lalo pang pinalakas ang ihip ng

hangin kasabay nito ang mga maliliit

na bato at lupa. Pinabangon muli ni Yailda ang mga

pekeng disipulo pagkat natatalo na


ang asul na liwanag nila. Tumawa lang

si Aneth at nagpasabog ng mas

malakas na liwanag at muling

napatapis ang lahat. Nagulat si Aneth pagkat nakatayo parin tatlong bruha,

napansin niya ang dalawang

higanteng espiritu na sumangga ng

liwanag ng para sa kanila. “Peste kang mambabarang ka!!! Akin

ka yung huling diyamante! Akala mo

nakalimutan ko na?!” sigaw ni Aneth

nang palakasin niya ang dilaw na

liwanag niya at lalong napaatras ang

asul na liwanag ng mga bruha. “Kung gusto mo ang huling

diyamante kunin mo dito sa leeg ko.

Bago mo magawa yon patayin mo

muna ako pagkat hindi ko ito ibibigay

sa iyo!!!” sigaw ni Wakiz. “Ganun ba?

Tama na tong paglalaro!!” sigaw ni Aneth at isang malakas na liwanag

nagpatapis sa lahat ng nilalang sa

gubat. Mga bruha napatapis at ang diwata

humarap kay Wakiz at Wookie. “Kung

binigay mo nalang sana kanina pa

hindi ko na sana kailangan gawin ito!”

sigaw ni Aneth at nag ipon siya ng

malaking bolang liwanag. Nang itatapon na sana papunta sa

dalawang mambabarang ay mula sa


ere lumitaw si Paulito sa likod ng

diwata at dinagok ang ulo nito. Bagsak sa lupa si Aneth pero hinabol

siya ni Paulito at kakagatin na sana

ang leeg ng diwata pero mabilis ito

nakailag. “Nakagat na ako minsan

niyan! Di ako tanga para maulit!”

sigaw niya. Nahawakan ni Paulito ang leeg ng

diwata bago pa ito makagamit ng

kapangyarihan niya. Mabilis niya

nilipad si Aneth sa ere at pinag

gugulpi ang katawan. Hinagis ni

Paulito ang diwata sa isang puno saka niya mabilis ulit itong sinugod at

naglanding ang sipa sa dibdib ng

diwata. May dugo na lumabas sa bibig

ni Aneth, gamit kanang kamay

sinuntok ni Paulito ang dibdib ng

diwata. Dapat tatagos ang kamay niya pero tumawa ng malakas si Aneth. “Pinagbibigyan lang kita peste
ka!

Bakit minamaliit mo ata ako masyado.

Bakit ayaw mo gamitin kapangyarihan

ng sugo? Bakit di mo ilabas ang

buong kapangyarihan sugo?” sigaw

ng diwata mula sa mata niya dilaw na liwanag ang lumabas at tinamaan ang

bampira sa dibdib. Bagsak si Paulito sa lupa at ang diwata

naman ang sumugod. “Alam ko mas

malakas ka pa diyan sa pinapakita mo.


Masyado mo ako minamaliit sugo!!!”

sabi ni Aneth sabay naglabas ng

dalawang dilaw na espada mula sa katawan niya. “Lumaban ka ng patas

sugo! Harapin mo ako!” dagdag ni

Aneth sabay nilaslas ang katawan ng

bampira. Napasigaw ng malakas si Paulito nang

isaksak ni Aneth ang isang espada sa

dibdib niya. Mabilis nagpakawala si

Wookie ng apat na higanteng diablos

at ginulo ang diwata bago pa

maisaksak ang pangalawa. Mabilis gumalaw ang mga bruha at

nilayo si Paulito, si Wakiz nagsilbing

tagasangga nila. “Bitawan niyo ako”

sabi ng bampira. “Ilalayo ka lang

namin para magamot” sabi ni Yailda.

“Hindi ko kailangan ang tulong niyo! Kaya ko gamutin ang sarili ko” sabi ng

bampira at pagtingin nila sa dibdib

niya ay unti unti naghihilom ang sugat

niya. “Nais lang namin makatulong pero

mukhang hindi mo kailangan. Bakit

ayaw mo gamitin ang buong lakas ng

sugo? Bakit mo pinapatagal pa ang

laban?” sabi ng bruha. Tahimik lang si

Paulito, binitawan siya ng mga bruha at pinanood nila si Wookie na

lumaban kay Aneth. “May kapangyarihan ka hindi mo


naman ginagamit. Ano pang silbi ng

pagiging sugo mo?” tanong ni Yailda.

“Habang ginagamit ko ang

kapangyarihan ng sugo unti unti

niyang kinakakin ang pagkatao ko. Ayaw ko mangyari na isang araw

hindi na ako makikilala ng mga

kaibigan ko” sabi ni Paulito. “Sa tingin mo may kaibigan ka pang

matitira pag nagtagumpay si Aneth?

Pag nagtagumpay siya baka kayong

dalawa nalang ang matira. At kung

doon ka lang kikilos, wala narin lang

silbi pagkat sa huli maaring siya o ikaw ang magtatagumpay. Kung sino

man sa inyo manalo magiging

napakalungkot pagkat kayo nalang

ang nilalang na matitira” dagdag ng

bruha. Huminga ng malalim si Paulito, “Ito na

ang panghuling beses na gagamitin

ko ang kapangyarihan ng sugo.

Bruha, ilayo niyo lahat ng kampon

niyo” utos ng bampira at may

kakaibang mainit na hangin ang naramdaman nila. “Huling hiling ko, bigyan niyo ako ng

konting oras” sabi ni Paulito at

nagkatinginan ang mga bruha at si

Wakiz. Mabilis nagpalabas ang

matandang mambabarang ng isang


daang espiritung mandirigma at mga bruha muling nagsanib pwersa. Sinugod nila muli si Aneth habang

nakaramdam sila ng kakaibang init

mula sa paligid. “Mga kutong lupa

gusto niyo parin makipaglaro sa akin?

Hoy tanda, huling beses ko na

hihilingin na ibigay mo ng maayos ang diyamante. Pag ayaw mo parin hindi

na ako makikipaglaro sa inyo.

Ipapatikim ko na ang buong

kapangyarihan ko!” sigaw ng diwata. Madmaing simbolo ang sinulat ni

Wakiz sa lupa, “Bobo sabi ko sa iyo

patayin mo muna ako bago mo

makuha ang diyamante. Eto harapin

mo ang pinakamabagsik na espiritu

ko!!!” sigaw ng matandang mambabarang. Mula sa lupa lumabas ang

napakalaking dragon. “Ang gintong

dragon…Wakiz pano mo bubuhayin

yan?” tanong ni Yailda at natawa ang

matanda. “Manood ka maigi ang

nagagawa ng isang Ultimo Mambabarang!!!” sagot ni Wakiz. Mula sa paligid nagtipon ang libo

libong mga espiritu, lahat sumanib sa

patay na katawan ng gintong dragon.

Ilang sandal pa bumukas ang mga

mata ng dragon at dahan dahan itong

tumayo. “Eto ang harapin mo Aneth, ang aking

pinakamalakas na kapangyarihan!!!”
sigaw ng matandang mambabarang.

Napaatras si Aneth at nagulat sa laki

ng dragon. Nagpalabas ng kakaibang

apoy ang dragon at natamaan si Aneth sa katawan. Sumigaw sa sakit

ang diwata, si Wookie nagpaatras at

namangha sa nalikha ng lolo niya. Pinagtatadyak ng dragon si Aneth

sabay buga parin ng apoy. Kinagat ng

dragon ang katawan ng diwata sabay

lumipad ito sa ere. Doon sa ere

habang nasa bibig ang diwata muli

itong nagpaapoy pero tanging narinig ng mga naiwan sa lupa ay ang

malakas na sigaw ng diwata. Bagsak si Wakiz sa lupa at mabilis na

lumapit si Wookie at mga bruha sa

kanya. “Ano nangyari?” tanong ni

Wookie. “Hindi ko kaya panatiliin ang

dragon. Masyado na ako matanda at

walang ensayo” sabi ni Wakiz. “May maitutulong ba kami?” tanong ng

bruha. “Wala, kakayanin ko nalang. Sana

bilisan ni Paulito” bulong ng matanda.

Nilagay ng tatlong bruha ang mga

kamay nila sa dibdib ng matandang

mambabarang, “Eto kunin mo konting

lakas namin, sana makatulong” sabay sabay nila sinabi. Napatingin si Wookie

sa ere at nakitang bugbog sarado na

si Aneth pero hindi siya tuluyan na


mapatay ng dragon. Napalingon lahat kay Paulito at

ramdam nila ang kakaibang

kapangyarihan na lumalakas. May

nagpapaikot na pulang apoy sa

katawan ng bampira, unti unti

humahaba lalo ang buhok ni Paulito at mga mata nito nanlilisik at nag aapoy.

Mga kuko niya tumutulis at kitang kita

ang bangis sa kayang mukha. Dumilim ang mga ulap at libo libong

mga paniki ang sumugod papunta

kay Paulito at pinalibutan ang

katawan niya. Bumalik ang mga

paniki sa ulap at nagulat ang lahat

nang wala na ang bampira sa lupa. Nangilabot ang lahat nang makarinig

sila ng mga bulong mula sa paligid.

Tuwang tuwa ang mga bruha sa

kakaibang kapangyarihan na

nararamdaman nila. “Nasan siya?

Naririnig niyo ba bulong niya?” tanong ni Wookie. Sinensyasan ng

bruha na manahimik ang

mambabarang pagkat nakarinig ulit

sila ng bulong. “Lumayo kayo…ako na ang haharap

kay Aneth

Chapter 14: Pagtutuos


Nagsipagtaguan ang kampon ng

kadiliman, ang mga bruha nagtipon sa

likod ng isang malaking puno at

nagdasal. Ang maglolong

mambabarang sa ilalim ng katabing

puno nagtago habang si Aneth ramdam niya ang pagbago ng simoy

ng hangin. “Bakit sumusuko na ba kayo?!!!

Lumabas kayo para makatikim kayo!

Matandang mambabarang nasan ka?

Lumabas ka dito! Akin na ang

diyamante!” sigaw ng diwata habang

nakasteady lang siya sa ere at naghahanap ng makakalaban. “Ako haharap sa iyo” sabi ng isang

bulong na dinig sa buong gubat.

Kinabahan si Aneth at hinanap kung

saan nanggagaling ang boses. “Nasan

ka?! Magpakita ka sugo!” sagot ng

diwata at nahampas siya ng malakas na hangin. Natawa ang diwata pero di

talaga niya mahanap kung nasan ang

sugo. “Akala ko ba makapangyarihan ka?

Bakit di mo ako mahanap?” muling

sabi ng boses at nagsisimula nang

mainis si Aneth. “Pag nahanap kita

ibubuhos ko ang buong

kapangyarihan ko!” sagot ni Aneth at muling may humampas sa kanyang

hangin at napasigaw siya sa sakit


pagkat nakalmot ang mukha niya.

Duguan ang mukha ni Aneth at lalo pa

siyang nagalit. “Yan ang gusto mo, sige eto sa iyo!”

sigaw ng diwata at nagpasbog siya ng

malaking apoy para sunugin muli ang

buong gubat. Lumitaw sa harapan

niya si Paulito, lahat ng pinapalabas

niyang apoy sinususop ng sugo sa katawan niya. Lalong nagpalabas ng

apoy si Aneth pero sa katawan lang

ng sugo pumapasok ito kaya muling

siyang naglabas ng dilaw na espada at

sinugod ang sugo. Papasok na sana ang espada sa

katawan ng bampira pero biglang

naging mga paniki ang buong

katawan ng sugo. Nagsiliparan paalis

ang mga paniki at napalingon si Aneth

at saktong nandon si Paulito at binuntal siya sa mukha gamit ang

nagbabagang kamao. Talsik si Aneth at bumagsak sa lupa,

pagbangon niya di niya ulet makita

ang sugo. Magpapalabas palang sana

siya ng dilaw na ilaw mula sa mga

kamay pero sumulpot bigla ang

bampira sa tabi niya at sumigaw ng malakas gamit ang kapangyarihan ni

Bombayno. Napasigaw ng malakas si

Aneth at biglang nanigas ang buong


katawan niya. May dugo na lumabas

sa tenga niya at bigla ito nagwala. Nanlisik ang mga mata ng bruha at

dali dali siyang nagpasabog ng dilaw

na ilaw kahit saan. Mabilis nakaiwas

ang sugo pero sumulpot siya sa kabila

naman at muling sumigaw. Nagtakip

ng tenga si Aneth at napaluhod, sa harap naman sumulpot si Paulito at

binigyan ang diwata ng isang malakas

na upper cut. Lumipad pataas ang

diwata, lumipad ang sugo para

habulin siya. Pabagsak na sana si Aneth pero muli

siyang tinira ng sugo ng isa pang

upper cut kaya lalo sila nagpataas sa

ere. Sa lupa walang magawa ang

ibang nilalang kundi mamangha sa

kapangyarihan ng sugo. “Lolo, mas malakas ba talaga ang sugo kesa kay

Aneth?” tanong ni Wookie. “Hindi apo

ko. Mas malakas si Aneth pero hindi

pa niya gamay ang kapangyarihan

niya. Ang sugo makapangyarihan din

pero mas mahina ito kesa sa diyosa. Ang diperensya lang ng dalawa ay

kontrolado ni Paulito ang

kapangyarihan niya. Nagagamitan

niya ng utak, habang si Aneth hindi

niya alam pano bumawi sa dami ng


kapangyarihan niya” paliwanag ni Wakiz. “Pero lolo ano ba ang ginagawa ng

mga bruha? Ano ang dinadasal nila?”

bulong ni Wookie. “Hindi ko alam,

siguro gumagawa sila ng dasal

pangontra sa kapangyarihan ni

Aneth. Sana ganon nga” sagot ng matanda. Narinig ng lahat ang sigaw ng diwata

kaya muli sila napatingin sa langit.

Kitang kita nila na hawak ni Paulito

ang diwata sa kanyang leeg at mabilis

sila lumilipad pababa sa lupa. Mabilis nagpapaba ang dalawa, ilang

sandali pa ay pagtama ng katawan ng

diwata sa lupa nagkaroon ng malakas

na pagsabog. Naging maalikabok ang

buong gubat kaya wala makita ang

lahat. Paghupa ng alikabok ay kitang kita nilang nakaluhod ang sugo,

nanlilisik ang kanyang mga mata at

hawak parin sa leeg si Aneth. Tinaas ni Paulito ang isang kamay

niya, nagbagang pula ito at mga kuko

niya humahaba. Mabilis niya ito

sinaksak at binaon sa dibdib ni Aneth

at napasigaw ng malakas ang diwata.

Nakahinga ng maluwag ang lahat pagkat inakala nila na tapos na ang

banta ng diwata. Ang sigaw ng diwata biglang

napalitan ng tawa at kitang kita ng

lahat ang katawan niya biglang


naglaho at sumama sa lupa.

Napalingon si Paulito sa paligid, tatayo

na sana siya pero may mga kamay na lumabas mula sa lupa at hinawakan

ang mga kamay at paa ng bampira. “May natutunan din ako sa iyo Sugo…

diyosa ako! Kapangyarihan ko

nanggagaling sa kalikasan. Ikaw ang

nagpaalala sa akin” sabi ng isang

bulong na dinig sa buong gubat. Di

makapiglas si Paulito, sinubukan lumapit ni Wookie pero sinigawan siya

ng sugo na wag ituloy ang balak niya. Sinubukan kumalas ng sugo pero may

isa pang kamay mula sa lupa na

lumabas at inaabot naman ang leeg

niya. Isang malaking kamao na gawa

sa lupa ang lumabas sa malapit at

pinagbubugbog ang likod ng bampira. Bagsak ang katawan ni

Paulito sa lupa at nahawakan na tuloy

ang leeg niya. Tuloy ang pambugbog

ng malaking kamao sa likod ng

bampira pero mula sa langit may daan

daan na paniki ang nagpababa sa lupa at itakae ang mga kamay na

gawa sa lupa. Nakawala si Paulito pero pagkatayo

palang niya binugbog naman siya ng

malalakas na hangin. Lumitaw si

Aneth sa harapan niya at humawak

ang diwata sa dibdib ng bampira.


Malakas na dilaw na ilaw ang lumabas mula sa mga kamay at napatapis si

Paulito sa malaking puno. Mas malaking kamay na gawa sa lupa

ang lumabas at hinugot ang isang

puno sabay hinampas sa katawan ng

bampira. Awang awa ang lahat ng

nakakakita pero wala sila magawa

kundi ipikit ang mga mata nila. Kukuha sana ng panibagong puno

ang malaking kamay pero nakita ni

Paulito na yun ang puno kung saan

nakatago si Monica. Agad niya hinarap

ang kamay at nilabanan, mas madami

pang mga paniki ang dumating para tulungan siya. Mula sa daliri ng diwata may mga

matatalim na dilaw na blade ang

lumabas at tinamaan si Paulito sa mga

kamay. Bagsak ang sugo at

nahawakan ng kamay ang puno.

Mabilis tumayo si Paulito at pinigilan ang kamay kaya nagtataka na si

Aneth. “Bakit mahalaga ata masyado yang

punong yan para sa iyo?” tanong niya

at naglabas siya ng malaking

espadang liwanag at sinugod ang

puno. Winasiwas ng diwata ang

espada para maputol sana ito, agad humarang si Paulito kaya siya ang

nalaslas sa likod. Nawala ang mga kamay na gawa sa

lupa, hinang hina si Paulito na


nakaluhod sa lupa sa harap ng puno.

“Bakit ka magpapalaslas para sa

punong yan? May nalalaman ka bang

kakaiba para protektahan yan?” tanong ni Aneth at mabilis siya

nagpalabas ng isang liwanag para

tamaan ang puno pero muli tumalon si

Paulito at hinarang ito. Napasigaw ang sugo at galit na ang

dalawang mambabarang. “Ano ang

ginagawa niya? Sira ulo ba siya?”

tanong ni Wookie na napahawak sa

mga tattoo niya. “Protektahan niyo

ang puno…nakatago sa taas si Monica” narinig nilang bulong.

Pagtingin ng maglolo sa taas ng puno

napansin nila ang nagtipon tipon na

mga paniki. “Ubos ang lakas ko apo,

ikaw na bahala magprotekta sa puno”

bulong ni Wakiz. Sinugod ni Paulito ang diwata, mabilis

nagpalabas ng limang diablos si

Wookie para palibutan ang puno.

“Aba may tinatago talaga kayong

sekreto sa puno. Dibale pagkatapos

kitang karnehin peste ka sila naman isusunod ko!” sigaw ng diwata at

hinawakan niya ang ulo ng bampira at

mula sa isang kamay may lumabas na

dilaw na liwanag na sinaksak niya sa


dibdib ng sugo. Tumamlay lalo ang katawan ng sugo

pero nagawa din niya isaksak ang

kamay niya sa dibdib ng diwata.

Pareho sila napasigaw at nanghina,

nagpataas ang dalawa sa ere at doon

nagmamatigas pareho. Lalong lumiwanag ang katawa ng diwata

kaya ilang sandal pa halos wala nang

buhay ang katawan ng sugo. Bagsak

sa lupa ang katawan ni Paulito, si

Aneth tinaas ang dalawang kamay at

mula sa gubat may mga liwanag ang nagtipon sa mga kamay niya. Palaki ng palaki ang naiipon na

liwanag, naghulma si Aneth mula sa

liwanag ng isang napakalaking puting

espada. “Paalam sugo!!!” sigaw niya at

lumipad siya pababa para isaksak ang

nagbabagang puting espada sa dibdib ng sugo. Parang bumagal ang oras, si Wookie

tumakbo papalapit sa sugo pero gamit

ang huling lakas tinuro siya ng sugo

kaya napatalsik siya paatras. Malapit

na si Aneth sa katawan ng sugo,

pinikit ni Paulito ang mga mata niya pero ngumiti. Pagkasaksak ng espada ng diwata sa

lupa, napakalakas na puting liwanag

ang bumulag sa buong gubat. Dinig

na dinig ang malakas na tawa ni

Aneth habang dinig din ang mga


sigaw ng maglolong mambabarang. Paghupa ng liwanag at tumigil ang

tawa ni Aneth, “Pano nangyari ito?!!!

Imposibleng nakatakas ka!!!” sigaw

niya. Nang makakita na sina Wookie at

Wakiz ay nagulat sila pagkat nasa

tapat nila ang matamlay na katawan ni

Paulito pero sa harapan nila may

dalawang nilalang ang nakatayo. “Wookie, kalbo…bigyan mo si bossing

ng dugo” utos ng bampira. “Kami na

ang bahala dito” sabi ng babae. “Tuti?

Anhica? Kayo ba yan?” tanong ng

binatang mambabarang. Hindi

makapaniwala si Wookie sa nakikita niya, matipuno ang katawan ni Tuti at

nagsasalita ito ng diretso. Mahaba din

ang buhok ng bampira at kakaiba ang

kapangyarihan na umaapaw sa

katawan nito. “Sinaktan mo bossing ko! Ikaw

naman sasaktan ko!!!” sigaw ni Tuti at

mabilis na sinugod si Aneth. Ang

diwata gulat na gulat sa pagsulpot ng

dalawang nilalang. Bago siya

makagalaw nalaslas na siya ni Tuti sa dibdib gamit ang espada ni Paulito. Si

Anhica lumipad sa ere at nagpakawala

ng isang gintong espada at nakisali

narin sa pagsugod kay Aneth. Nilaslas ni Wookie ang kamay niya


sabay sinubsob ito sa bibig ng

kaibigan niya. “Wag” bulong ni

Paulito. “Sira ulo, kailangan mo

magpalakas. Wag ka na maarte at

wala nang oras maghanap ng hayop. Sige inom ka lang ng kailangan mo”

sabi ni Wookie. Ilang sandali pa bumabalik ang lakas

ni Paulito, dahan dahan naupo ito

para panoorin ang dalawa na

nakikipaglaban kay Aneth. “Gayang

gaya niya mga galaw mo” sabi ng

mambabarang at walang magawa si Paulito kundi mapangiti. Ang bilis gumalaw ni Tuti, puno na ng

laslas ang katawan ni Aneth. Bawat

palabas na liwanag ng diwata

kinokontra ito ni Anhica. Isang suntok

ni Tuti at napalipad si Aneth sa ere.

Sabay sila nagpalipad sa ere ni Anhica para isugod ang mga espada nila sa

katawan ng diwata. Nasaksak si Aneth ng dalawang

espada sa katawan, nagwala siya at

nagpasabog ng napakalakas na

liwanag. Kinabahan si Wookie pero

pinakalma siya ni Paulito, “Wag kang

mag alala, ayos lang sila” bulong niya. Paghupa ng liwanag, lahat ng dahon

sa gubat naabo at sa harapan ng

diwata may isang bolang itim.

Nagsikalasan ang mga paniki at


lumabas si Tuti at Anhica na muling

inatake ang diwata. Nakailag si Aneth at lalong nagpataas sa ere. Mula sa

lupa may dalawang kamay na umabot

kina Tuti at Anhica at hinila sila pababa

sa lupa. Agad sumugod si Aneth gamit ang

espada niya at sinugod si Tuti.

Pagkalapit ng espada sa katawan ni

Tuti biglang nanigas ang katawan ni

Aneth at di niya magawang ibaong

ang espada. “Bakit ganito?!!!” sigaw ng diwata at tumawa si Tuti. “Hindi mo

ako pwede saktan!” sagot ng bampira

na muling sinuntok ang diwata at

napatapis. Bumangon si Aneth at muling sinugod

si Tuti, nagpakawala siya ng liwanag

at tumayo lang ang bampira sa

harapan niya. Ang mga liwanag

naglaho bago pa umabot sa katawan

ni Tuti, napaluhod si Aneth at di makapaniwala sa nangyayari. “Bakit

hindi kita kaya saktan?” tanong niya. Di sumagot si Tuti at sinipa ang mukha

ni Aneth. Lalong nagalit ang diwata,

tumayo ito at pinikit ang kanyang mga

mata. “Mamatay nalang tayo lahat

dito!!!” sigaw niya. Biglang yumanig

ang lupa at ang hanging lumakas ng todo. May nabuong ipo ipo sa palibot

ng katawan ng diwata at napansin ng


iba na may kakaibang liwanag na

namumuo sa katawan niya. Sinubukan ni Anhica ang makalapit

pero napapatapis siya sa lakas ng

hangin. Lalong lumalaki ang bola ng

liwanag na binubuo ni Aneth kaya

sinubukan ni Wookie ilapit ang mga

higante niya pero pati sila nalusaw nalang bigla. “Delikado to, hindi maganda ang

nararamdaman ko. Pigilan niyo siya

agad bago niya maipasabog ang

liwanag na yan!!!” sigaw ni Wakiz.

Sinubukan ni Paulito lumapit pero

talsik din siya. Malakas na tawa ni Aneth ang dumagundong sa buong

gubat, “Magsama sama tayo sa

impyerno!!!” sigaw ng diwata. Sa likod ng diwata tumayo si Tuti at

naglakad palapit. Nalasog lasog na ng

hangin ang katawan niya pero

patuloy parin niyang nilalapitan si

Aneth na di namamalayan ng diwata.

Nasunog na ang buhok ni Tuti pero nakatayo na siya mismo sa likod ng

diwata, binuka niya ang bibig niya at

lumabas ang matatalim niyang pangil.

Agad niya kinagad sa leeg si Aneth at

napasigaw ng napakalakas ang

diwata. Mabilis humupa ang liwanag at

namatay ang ipo ipo. Napaluhod si


Aneth sa lupa at mabilis nakalapit si

Anhica para hawakan ang ulo ng

diwata. Di bumitaw sa pagkagat si Tuti,

si Anhica nagsimula nagdasal. Sa isang iglap Nakaluhod si Paulito sa harapan

ni Aneth, nilapit niya ang ulo niya at

nagbulong sa tenga ng diwata. Kumalas na si Tuti habang patuloy ang

bulong ni Paulito, si Anhica tuloy ang

pagdadasal niya at si Aneth tuluyan

nang nanghihina. Ilang sandali pa

tumayo na si Paulito, pumikit ang mga

mata ng diwata at bagsak ang katawan niya sa lupa. Nagliyab ang kamay ni Anhica at doon

naipon ang isang malaking bola ng

kapangyarihan. Lahat ng lakas at

kaalaman ni Aneth sa bola naipon, di

makontrol ni Anhica ang kamay niya

kaya mabilis lumapit si Tuti at Paulito para itaas ang kamay ng dalaga. Patungo sa langit pinakawalan ni

Anhica ang lahat ng naipon niya,

bumagsak ang tatlong bida sa lupa at

mabilis lumapit ang maglolong

mambabarang. “Patay na siya?” tanong ni Wookie.

“Hindi, tinanggal ni Anhica ang lahat

ng kapangyarihan niya. Ako naman

binulungan ko lang para makatulog

ang kaluluwa niya para di maisama

maalis sa katawan niya” paliwanag ni Paulito. “Hindi na babalik ang kapangyarihan


niya?” tanong ni Wakiz. “Hindi na,

kung bumalik man nandiyan si Tuti

para paamuhin siya” sabi ni Anhica at

biglang natawa ang lahat nang

nagsilaglagan ang lahat ng ngipin ni Tuti. “Fusha naman e. Vakit ganitwo

uleth?” sabi ng bungal na bampira

pero niyakap siya ng bossing niya

para magpasalamat. Habang nagsasaya ang lahat at

pinagkakaguluhan ang magiting na

Tuti biglang nanigas si Paulito at

napasigaw ng malakas. Napaluhod

ang bampira sa lupa at may dugong

lumabas sa kanyang bibig. Sa likod ng bampira nakaluhod ang

dalawang bruha, hawak nila ang

isang matalim na kahoy na sinaksak

nila sa likod ni Paulito. “Yailda!!!”

Chapter 15: Motibo

Agad pumorma si Tuti at Anhica,

mabilis nagpakawala ng mga espiritu

ang maglolong mambabarang. “Wag

kayong lalapit! Hindi namin napuruan

ang puso niya pero pag pumalag

kayo tutuluyan ko siya!!!” sigaw ni Yailda nang naglabas ulit siya ng isa
pang matalim na kahoy at tinapat sa

puso ni Paulito. “Yailda!!! Sakim ka!!! Pakawalan mo

siya!!!” sigaw ni Wakiz. “Sinabi kong

wag kayong lalapit!!! Wala ako balak

patayin ang sugo, gusto ko lang

makuha ang dugo niya” paliwanag ng

bruha nang idiin pa niya ang isang kahoy niya sa dibdib ng bampira. Walang magawa ang iba kaya

nagpaatras sila, yung dalawang bruha

sa likod ng bampira naglabas ng isang

gintong lalagyan at kumuha ng dugo

ni Paulito. “Pupunuin lang namin ito

tapos papakawalan namin siya” sabi ni Yailda. Mula sa puno may nadinig silang

nagkiskisan na parang mga bakal,

napatingala si Tuti at siniko siya ni

Wookie at binulungan. “Wag mo na

pansinin” sabi niya. Mula sa dilim

nagsilabasan ang ibang kampo ng kadiliman, pinalibutan nila ang mga

kaibigan ni Paulito at lahat napatingin

kay Wakiz. “Tanda, ibigay mo na sa amin ang

huling diyamante” sabi ni Raika pero

pinalibutan nina Wookie, Tuti at

Anhica ang matandang

mambabarang. “Tulad ng sinabi ko

patayin niyo muna ako bago niyo makuha!” sagot ni Wakiz. “Tanda, wala kang magagawa pag

tinawag ng limang diyamante ang


panghuli!” sigaw ng isang boses at

mula sa dilim nagpakita si Ikaryo na

hawak ang limang diyamante.

Nagliyab ang limang diyamante at biglang hinihila ang katawan ni Wakiz.

Humawak sina Tuti at Wookie sa

matanda para hindi ito tuluyan

mapunta kay Ikaryo. “Wala kang magagawa tanda,

tinatawag na ng mga diyamante ang

pang huli” sabi ni Ikaryo at mula sa

dibdib ni Wakiz ay may kuminang,

napunit ang balat niya at isang

diyamante ang lumabas at agad lumapit sa mga kamay ni Ikaryo.

“Pigilan niyo siya!!!” sigaw ng

matanda pero huli na ang lahat. Nagsama na ang anim na diyamante

sa kamay ni Ikaryo, biglang dumilim

ang buong gubat. “Ikaryo! Anong

nangyayari?!!!” tanong ni Tikyo. Bago

makasagot si Ikaryo ay may maliit na

liwanag ang lumitaw, dahan dahan ito lumalaki at sa loob ng liwanag ay may

isang lumang libro. Kinuha ni Ikaryo ang libro at agad

namatay ang liwanag. Lumiwanag na

muli ang gubat pero si Wakiz

napaluhod na sa lupa at huminga ng

malalim. “Ang libro ng kadiliman nasa

kanila na” bigkas niya. Agad lumapit kay Ikaryo sina Dwardo,
Raika at Tikyo, lahat sila pinagmasdan

ang lumang libro. “Anong

nararamdaman mo Ikaryo?” tanong

ng aswang. “Wala naman, di ko alam

bakit?” sabi ng lalake. “Tanga! Libro lang yan! Ang laman ng

libro inaaral!” sigaw ni Yailda.

Napatingin ang lahat kay Wakiz at

natawa ang matanda. “Ang libro ng

mambabarang matagal kong inaral.

Aabutin kayo ng taon bago maaral ang lahat ng laman niyan” sabi ng

matanda. “E pano naaral ni Aneth ng mabilis ang

lahat ng libro?” tanong ni Dwardo at

napangiti ang bruha. “Sa ginawa nila

kay Aneth hindi niyo na malalaman

pagkat ramdam kong burado ang

memorya niya. Itanong mo diyan sa isang bampira at sa kasama niya.

Ramdam ko ang kapangyarihan nila

na higit sa normal” sabi ng bruha kaya

napatingin ang lahat kay Tuti. “Hindi kho alam ang shinashabi niyo!”

sabi ng bungal na bampira. “Ituturo

ko sa inyo pano pero pakawalan niyo

muna si Paulito” sabi ni Anhica.

“Anhica bakit mo sinabi?!!!” sigaw ni

Wookie at biglang tumayo si Yailda at tinignan ang dalaga. “Anhica? Ang isang taong tala…pag

sinusuwerte ka naman talaga. Nasa


piling natin ang dalawang taong tala”

sabi ng bruha at nagtaka yung iba.

“Yailda pakawalan mo ang bampira!”

utos ni Ikaryo. “Hindi pa kami tapos sa pagkuha ng dugo niya!” sagot ng

bruha. “Babae! Ituro mo na pano at

papakawalan ng bruha ang bampira

pagkatapos” sabi ni Dwardo. “Wala

akong tiwala sa inyo, pakawalan niyo

muna siya bago ko ituro! Kahit

sumama pa ako sa inyo basta pakawalan niyo siya!” sagot ni Anhica. “Ganito nalang iha, ituro mo sa
kanila

tapos sa amin ka sumama. Kung ayaw

mo tatapusin ko na buhay ng bampira

ito!” banta ni Yailda at nakapasok

konti ang kahoy sa dibdib ni Paulito.

Napaungol ang bampira at nanginig si Anhica, muling nakarinig ang lahat ng

nagkikiskisang bakal mula sa puno

kaya lahat napatingala. “Wala akong tiwala sa inyo!!!” sigaw

ni Anhica. “Kami mga bruha kaya

gumawa ng sumpa. Ang isang usapan

kaya namin lagyan ng sumpa at kung

sino man ang sisira sa usapan agad

mamatay. Sapat na ba sa iyo yon?” tanong ni Yailda. “Sumpa? Pag hindi niyo pinakawalan

si Paulito pagkatapos ko ituro

mamatay kayo lahat?” tanong ng

dalaga. “Kung yun ang ninanais mo


pero ituturo mo sa kanila pano aralin

ang libro ng mabilis at pagkatapos kailangan mo sumama sa amin”

paliwanag ni Yailda. “Naipasok mo sarili mo sa gusot iha,

pero mapagkakatiwalaan sa ganyang

usapang ang mga bruha” bulong ni

Wakiz. “Sige! Pero pag sinabi natin

lahat, lahat kayong kampon ng

kadiliman na nandito ang mamamatay” sabi ni Anhica. “Kung

yun ang ninanais mo” sabi ng bruha

at pinasa ang kahoy sa isa pang bruha

saka siya tumayo. “Magsitayo ang lahat ng kampon,

laslasin ang kamay niyo at

magpapatak ng dugo sa lupa” utos ng

bruha sabay pinikit niya ang mga

mata niya at nagdasal. Wala magawa

ang mga kampon ng kadiliman kundi sumunod sa utos, pati si Anhica

nilaslas ang kamay niya at nagpatak

ng dugo sa lupa. Ilang sandali pa may nagbabagang

lubid lumabas mula sa lupa at dahan

dahan gumapang sa lahat ng katawan

ng mga kampon ng kadiliman.

Nagpaikot ang lubid sa leeg ng bawat

nilalang ng kadiliman sabay sa kamay ni Anhica. Ang dulo ng lubid ng

dalaga kumapit sa kamay ni Yailda at

pagmulat ng mata ng bruha ay


ngumiti ito. “Ayan tapos na ang

sumpa. Pag di kami tumupad sa

usapan ay agad kami masasakal ng pulang lubid at ikamamatay namin”

sabi ng matandang bruha. “Ano itong lubid sa kamay ko na

kumapit sa iyo?” tanong ng dalaga.

“Yan ay panigurado na ikaw ay

sasama sa amin pagkatapos nito”

paliwanag ng bruha. “Pakawalan na

ang bampira, sige ituro mo na sa kanila ang nais nila. Kayong mga

kampo ng kadiliman may utang kayo

sa amin. Pero saka na namin sisingilin”

dagdag ni Yailda. Kinuha ni Anhica ang libro sabay

nilatag sa lupa. Tinipon niya sina

Ikaryo, Dwardo, Raika at Tikyo sabay

pinahawak sa kanila lahat ang libro.

Tumayo si Anhica at pinikit ang

kanyang mga mata, nagliwanag ang libro at namangha ang apat nang mga

nakasulat sa libro dahan dahan

gumagapang papunta sa katawan

nila. Di gusto ni Anhica ang ginagawa niya

pero paglingon niya kay Paulito ay

naisip niya na nararapat lang yon. Sa

likod ng diwata tumayo si Tuti at

Wookie na umamaalalay sa kaniya.

Ilang sandali lumipas at tumayo ang apat na nilalang ng kadiliman at


tuwang tuwa sa kakaibang sigla na

nararamdaman nila. “Tapos na kami dito, tulad ng napang

usapan eto ang bampira” sabi ni

Yailda. Agad lumapit sina Anhica,

Wookie, Wakiz at Tuti kay Paulito

habang ang apat na nilalang ng

kadiliman ay biglang nagpasiklab. “Hindi ko akalain na madami pala tayo

kaya gawin!!!” sabi ni Dwardo sa tuwa

nang agad siya pumailalaim sa lupa.

Agad lumipad sa ere si Raika at

nagpakawala ng malakas na sigaw.

Halos mabingi ang lahat sa lakas ng sigaw niya kasabay ng nakabibinging

tawa. Si Tikyo inumbag ang isang

puno at agad ito natumba at si Ikaryo

mabilis na sumanib sa dilim at nawala. “Kailangan masubukan ang bagong

kapangyarihan kaya eto!!!” sigaw ni

Raika at nilabas niya ang mahaba

niyang dila at agad nasakal si Tuti.

“Labag sa usapan yan!!!” sigaw ni

Anhica at natawa ang bruha. “Hindi, wala tayong usapan na ganyan. Ang

usapan lang ay papakawalan ang

bampira at sasama ka sa amin” sagot

ng bruha sabay tawa. Mula sa lupa lumabas si Dwardo at

inatake si Wookie. Si Tikyo agad

nahawakan si Wakiz at pinag gugulpi.


Sa dilim lumabas si Ikaryo at ginulo

ang anino ni Anhica kaya napasigaw

ito. Nagpasiklab pa ang apat na nilalang ng kadiliman at pinarusahan

ang mga kaibigan ni Paulito. “Wag niyo masyado saktan ang

babae!” sigaw ni Yailda na natuwa sa

kapapanood sa bagong sigla at lakas

ng apat. Habang nabubugbog ang

apat ay palakas ng palakas ang

nadidinig nilang kiskisan na bakal mula sa puno. Napatingin si Yailda sa

puno at may kakaiba siyang

naramdaman. “Itigil niyo yang ginagawa niyo!!!”

sigaw ng bruha pero walang

nakikinig sa kanya. Lalo pang

lumakas ang ingay ng nagkikiskisang

bakal at ilang sandali pa lahat ng

nilalang sa gubat napaluhod at nagtakip ng tenga. Lahat ininda ang sakit sa tenga, pati

mga bruha napabagsak sa lupa. Sa

taas ng puno biglang sumabog ang

itim na bola at nagsiliparan ang mga

paniki. Isang napakaliwanag na ilaw

ang kumalat sa buong gubat kasabay ng napakalakas na sigaw. “Anong ginawa niyo kay Paulito!!!”

sigaw ni Monica. Pulang pula ang mata

ng dalaga, mga buhok niya nililipad

ng mainit na hangin. Ramdam ng lahat

ang malakas na kapangyarihan mula


sa dalaga pero ang mga bruha di makapaniwala na buhay ang alaga

nila. “Monica!!!” sigaw ni Yailda. “Sino ang

gumawa niyan kay Paulito!!!?” tanong

ni Monica na dahan dahan nagpababa

ng puno. Agad tinuro ni Anhica ang

mga bruha kaya agad humarap si

Monica sa kanila. Sa isang humpay ng kamay napalipad

ang mga bruha at nagpaikot ikot sa

ere. Sumugod ang apat na nilalang ng

kadiliman pero mabilis nagpakawala

si Monica ng pulang matatalim na ilaw

mula sa kamay niya at natamaan ang apat. “Pati sila! Sinaktan din si Paulito!”

sigaw ni Wakiz. Lalong nagwala si

Monica at sinugod ang apat. Nagtipon

si Wookie, Anhica, Tuti at Wakiz at

pinanood ang dalaga na gulpihin ang

alagad ng kadiliman. “Buhay si Monica?” tanong ni Anhica.

“Vakit kakamfi na natin sha?” tanong

din ni Tuti. “Mahabang kwento…” sabi

ni Wakiz pero biglang nagpasabog ng

malakas na kapangyarihan si Monica

at lahat ng nilalang sa gubat napatapis. Nagkalat ang katawan ng kampo ng

kadiliman, pati sina Wookie napalipad

sa malayo. Humarap muli si Monica sa

mga bruha at sila naman ang sinugod


niya. “Monica!!! Hindi mo ba ako

naalala?” tanong ni Yailda pero gamit nga kamay niya nilaslas ni Monica ang

dibdib ng matandang bruha. Sinakal niya si Yailda gamit ang isang

kamay sabay nilapit ang kanyang

mukha. “Sinaktan mo si Paulito!!! Hindi

kita mapapatawad!!!” sigaw ng dalaga

at mula sa bibig niya nagpalabas siya

ng apoy at tinosta ang matandang bruha. Bago mamatay ang bruha ay inatake

nina Tikyo at Raika si Monica sa likod,

agad humarap sa kanila ang dalaga at

sila naman ang kinawawa niya.

Bagsak si Yailda sa lupa at agad siya

inalalayan ng dalawang bruha. “Punong bruha bakit ganyan si

Monica?” tanong ng isa. “Hindi ko

alam, nabasag ang pagkontrol natin

sa utak niya. Kailangan natin umalis

dito ngayon din” sabi ng ng

tostadong bruha. Nagliwanag ang katawan ng tatlong

bruha sabay nawala sila. “Tinakasan

na tayo ng mga bruha!!!” sigaw ni

Raika. “Umalis narin tayo!!!” sigaw ni

Tikyo pero muling nagpasabog ng

liwanag na pula si Monica at nagsipagbagsakan ang lahat ng

nilalang. “Hindi ko kayo hahayaan makaalis!!!

Papatayin ko kayo lahat!!!” sigaw ng


dalaga at nahawakan niya sa ulo si

Dwardo at sa diin ng paghawak at

napisa ang bungo nito. Sumunod si

Tikyo, binaon ni Monica at kamay niya sa puso ng tikbalang sabay hinugot

ang puso ng malaking nilalang. Natakot si Raika kaya mabilis siyang

lumipad pababa at pinulot ang

matalim na kahoy. Hinawakan ng

aswang ng dalawang kamay ang

kahoy sabay tinaas ang mga kamay sa

ere. “Hoy gaga!! Panoorin mo ito!!!” sigaw ni Raika. Paglingon ng lahat nakita nilang

sinaksak ng aswang ang kahoy sa

puso ni Paulito. Biglang nanigas sa ere

si Monica at napasigaw ng

napakalakas. Kahit mga kaibigan ni

Paulito hindi na nagawang makalapit, lahat sila pinanood si Raika na ibaon

pa lalo ang kahoy sa puso ng

bampira. Lumapit si Monica sa katawan ni

Paulito, agad niya ito niyakap habang

si Raika tumayo at tumawa ng

malakas. Pagtingin ng dalaga sa

bampira ay wala na itong buhay kaya

lalong nanlisik ang mga mata niya sa galit. Tinignan ni Monica si Raika at biglang

nanigas sa takot ang aswang.

Nagliwanag ang buong katawan ni

Monica, muling napatapis ang lahat ng


nilalang ng malayo maliban kay Raika

na nananitiling nakatayo sa harapan niya. Sumigaw ng malakas si Raika, mga

ugat sa ulo niya nagsisilabasan. Ilang

sandali pa pumutok ang mga ugat sa

ulo niya at sa isang sigaw ni Monica ay

tuluyan nang sumabog ang buong

katawan ng aswang. Kumalma si Monica at humagulgol

habang yakap niya ang patay na

katawan ni Paulito. Dahan dahan

lumapit sina Wookie at Tuti pero

biglang may dilaw na bolang liwanag

ang pumaligid sa katawan ni Monica at Paulito. Si Tuti puno ng luha ang mukha niya

dahan dahan na tumayo sa tabi ng

bola ng liwanag, si Anhica nakayuko

ang ulo at tinabihan ang bunging

aswang. Walang magawa ang tatlo

kundi makiluksa. Ang langit sa buong kaharian biglang

nagdilim at ang tanging naririnig ng

lahat ay ang hagulgol ni Monica.

Chapter 16: Sakripisyo

Ang buong gubat ng bundok ng

Asura tahimik, tumigil na ang pag iyak

ni Monica pero mahigpit parin niya


niyayakap ang patay na katawan ni

Paulito. Namamaga na ang mga mata

nina Wookie, Tuti at Anhica nang biglang may nagsulputan na libo

libong mga espiritu. Di makapaniwala si Wookie pagkat

kahit di niya pinapalabas ay nandon

ang trese Diablos. Mga higanteng

espiritung dragon nagpakita din

kasama ang iba pang mandirigmang

espiritu. Lahat pinalibutan ang dilaw na bilog tila nakikiramay sa mga

nilalang. Yumanig ang lupa konti at lahat ng

mga espiritu niyuko ang mga ulo nila.

Isang higanteng espiritu ang lumitaw

at napaatras ang lahat sa takot at

kaba. “Sino yan?” tanong ni Anhica.

“Ang hiraf huminga…farang ang lakash ng mumong to” bigkas ni Tuti.

“Hindi ko alam…kakaibang espiritu

siya…daig pa niya ang kapangyarihan

ng trese Diablos ko at yung Ultima

Dragon ni lolo” sabi ni Wakiz. Nakabalabad ng itim ang

makapangyarihan na espiritu, hindi

nakikita ang mukha niya pero

lumuhod siya sa tapat ni Monica at

nagulat ang lahat nang makapasok

siya sa bolang dilaw. Pati si Monica gulat sa pangyayari, kinukuha ng

espiritu ang katawan ni Paulito at kusa


naman na binigay ito ng dalaga. “Bakit niya kinukuha si Paulito? Sino

ba yan?” tanong ni Anhica. “Ewan ko

pero hindi ako papayag!” sagot ni

Wookie na agad pumorma. Kahit

anong gawin ng binatang

mambabarang hindi sumusunod sa kanya ang mga espiritu, si Tuti

naghahanda narin sumugod pero

nangangatog ang mga tuhod niya sa

takot. “Am shkird” sabi niya. Nalusaw ang dilaw na bilog, si Monica

napaatras sa takot at nakitabi sa tatlo.

“Hahayaan mo nalang na makuha

niya si Paulito?” tanong ni Anhica.

“Natatakot ako, hindi ko alam bakit”

bulong ni Monica. “Dapat wag natin siya hayaan na makuha si Paulito!”

sigaw ni Wookie. “Hindi siya kaaway. Siya ang

Mananabas, ang

pinakamakapangyarihan na espiritu

ng Ultimo mambabarang” biglang sabi

ng isang boses na kinagulat ng lahat.

Paglingon nila nakita nila si Berto. Pumorma si Wookie pero pinigilan siya

nina Tuti at Anhica. “Kashama natin

sha” sabi ng bunging bampira. “Bakit

kinukuha ng Mananabas si Paulito at

bakit nakikiluksa ang mga espiritu?”

tanong ni Wookie. “Pagkat nakikiluksa sila sa


pagkamatay ng punong

mambabarang” sabi ni Berto at

nagulat ang lahat. “Si Paulito ang

Ultimo mambabarang?!!! Akala ko ba

lolo ko ang Ultimo mambabarang?” tanong ni Wookie. “Lolo mo nga” sabi ni Berto at lalong

nailito ang apat. Nilapag ng

Mananabas ang katawan ni Paulito sa

lupa. May nangyari sa katawan at

biglang nagpapalit ang anyo nito.

Ilang daan espiritu at nagsipag alisan mula sa katawan at halos

mapanganga sa gulat nang makita

nila si Wakiz ang nakahiga na doon. “Lolo?!!!” sigaw ni Wookie at agad

tumakbo sa patay na katawan. “Berto

anong nangyari at nasan si Paulito?”

tanong ni Anhica. “Pinasok siya sa

loob ng kweba ng mga espiritu tapos

si Wakiz ang nagpanggap na Paulito habang nagkakagulo” paliwanag ng

multo at agad tumakbo ang tatlo

papunta sa kweba. Tumayo si Berto sa tabi ni Wookie,

“Patawad ginoong mambabarang,

nabasa ko ang libro ng mga ninuno at

nakwento ko sa lolo mo ang

magaganap” sabi ng multo pero hindi

siya pinapansin ng binatang mambabarang. “Hindi ka dapat magluksa. Ikaw na

ang magtataguyod sa lahat ng


responsibilidad ng lolo mo” biglang

bigkas ng Mananabas. “Hindi ko kaya,

hindi pa ako handa” sabi ni Wookie.

“Ganun din ang lolo mo nung nagsimula siya. Sigurado ko mas

hihigitan mo pa siya. Katunayan

nagawa mo ipalabas ang mga espiritu

na di kaya ng lolo mo” sabi ng

Mananabas. “Hindi ko mapapantayan ang lolo ko o

mahihigitan. Naaral niya ang libro ng

mambabarang. Konti lang ang naituro

niya sa akin” sabi ni Wookie. “Alam

mo matagal nang pinaghandaan ng

lolo ang araw na ganito. Lahat ng laman ng libro…kami yon. Ang ibang

laman ng libro sinigurado niya inaral

ng ibang espiritu para pag yumao

man siya hindi mawawala ang mga

aral ng libro. Maipapasa ito sa napili ng

lolo mong mapagpasahan ng kaalaman at ikaw yon” paliwanag ng

Mananabas. Mula sa patay na katawan ng lolo niya

may lumabas na isa pang espiritu,

nagulat si Wookie pagkat lolo niya

yon. “Lolo! Espiritu ka na?” bigkas ng

binata. “Apo, tama ang Mananabas.

Matagal na kitang inaantay. Napatunayan mo sa akin na ikaw nga

at tagapagmana kaya eto tanggapin


mo ang lahat ng kaalaman ko” sabi ni

Wakiz. May isang daan na espiritu ang mabilis

na pumasok sa katawan ng binatang

mambabarang. Napaluhod si Wookie

at napahawak sa ulo niya. Ilang

sandali dahan dahan siya tumayo at

huminga ng malalim. “Nasa sa iyo na ang lahat ng nilalaman ng libro ng

mambabarang, ikaw na ang Ultimo

Mambabarang apo ko” sabi ni Wakiz. Ramdam ni Wookie at kakaibang

kapangyarihan sa buong katawan

niya, ang mga mandirigmang mga

espiritu muling lumuhod at nagbigay

pugay sa kanya maliban sa

Mananabas. Isa isang sumanib sa katawan ni Wookie ang trese Diablos,

ilang sandali pa nakapasok na ang

lahat ng mga espiritu maliban sa

dalawa. “Lolo bakit naiwan ang Mananabas

ang dragon?” tanong ng binata.

“Yang dragon, likha ko yan.

Makakagawa ka din ng sarili mong

dragon apo. Ang Mananabas…ngayon

ko lang nakita yan sa totoo” paliwanag ni Wakiz. “Ngayon lang tayo nagharap Wakiz.

Ilang beses mo narin ako sinubukan

ipalabas ngunit hindi sapat ang lakas

mo” sabi ng makapangyarihang


espiritu. “Oo nga e, pero siguro itong

apo ko makakayanan na niya” sagot ng matandang espiritu. “Aantayin ko

ang araw na yon. Habang hindi mo

ako napapalabas Ultimo

mambabarang, hindi ako sasanib sa

katawan mo. Wag kang mag alala

tapat ako sa iyo” sabi ng Mananabas. “Wakiz, oras na. Ihahatid ko na kayo

ng dragon mo” dagdag ng

Mananabas at nagulat si Wookie.

“Saan kayo pupunta? Hindi ka ba

sasanib sa akin lolo? O kaya maiwan

dito sa lupa?” tanong ng binata. Ngumiti si Wakiz at niyakap ang apo

niya, “Hindi na apo ko, kailangan ko

na yumao. Inaantay na ako ng lola mo

at iyong mga magulang. Wag kang

mag alala apo ko kahit wala kami sa

piling mo papanoorin ka namin. Itayo mo ang bandila nating mga

mambabarang apo ko. Wag kang

magmamadaling makipagkita sa amin

ha” sabi ni Wakiz at natawa si Wookie.

“Lolo naman, ayaw ko pa mamatay”

sabi ng binata. “Pano yan apo ko. Paalam na muna.

Hanggang sa huling pagkikita natin”

sabi ni Wakiz at tumayong magiting si

Wookie. “Pati ako magpapaalam narin


muna. Hamon ko sa iyo Ultimo

mamababarang, palabasin mo ako at sa iyo mapupunta ang buong

kapangyarihan ko. Hanggang di mo

nagagawa yon wag kang mag alala

akoy mag aantay” sabi ng Mananabas. “Mapapalabas ka ng apo wag kang

mag alala” sabi ni Wakiz at natawa ang

Mananabas. “Gusto ko makita niya

gawin yon” sabi ng espiritu. Ngumiti si

Wakiz at agad naintindihan ni Wookie,

“Mananabas! Sa oras na kailangan kita mapapalabas kita! Tandaan mo yan!

Mapapaamo kita!” sabi ni Wookie at

naglaho na ang tatlo sa harapan niya. “Berto, ikaw gusto mo na ba yumao?”

tanong ni Wookie. “Gusto ko sana

pero nais ko maiwan pa. Kailangan

niyo ako pagkat alam ko pano

magwawakas ang lahat” sagot ng

multo at natawa si Wookie. “Yang alam mong mangyayari hindi na

magaganap. Babaguhin namin lahat

yon” sabi ng binatang mambabarang. “Imposible! Ang nakasaad sa libro ng

pinuno mangyayari at mangyayari

kahit anong gawin mo” sabi ni Berto.

“Yun din ang akala ko, pero halika sa

kweba, ipapakilala ko sa iyo ang mga

nilalang na magbabago ng lahat” sabi ni Wookie. Sa loob ng kweba pinapainom ni Tuti

ang tulog na katawan ni Paulito ng


dugo habang ang dalawang dalaga

hinihilom ang kanyang mga sugat.

“Alam niyo pag gishing ni boshing

kusha mangilom shugat niya. Antayin niyo nawang sha magishing” sabi ni

Tuti. “Mas mabilis siya gumaling pag

tutulong kami” sabi ni Monica.

Pumasok na sa guho guhong kweba

sina Wookie at Berto at biglang

gumalaw ang paa ni Paulito.

“Pasensya ka na Wookie kung agad namin hinarap si Paulito” sabi ni

Anhica. “Ayos lang, kumusta na siya?” tanong

ng mambabarang. “Gagaling sha,

konti pang dhugo kailangan niya”

sabi ni Tuti. “Ano sa tingin mo ang

dahilan ng mga bruha kaya kinuha

ang dugo niya?” tanong ni Wookie at biglang napatingin ang lahat kay

Berto. “Oy, hindi detalyado ang libro ng mga

ninuno. Wala ako alam tungkol diyan”

sagot ng multo. “Kung dhugo ng

vampiwa e di shana kahit dhugo ko

na. Shiguro kasi sha ang shugo” sabi

ni Tuti. “Hindi! Di naman sumasalin sa dugo ang kapangyarihan ng sugo.

Iba ang dugo ni Paulito. Kaya nga

gusto din nila makuha si Anhica e”

sabi ni Monica. Napahawak si Anhica sa leeg niya at


kinabahan, “Wag kang mag alala,

pinutol ko yung lubid ng sumpa nung

inatake ko si Yailda” sabi ni Monica

kaya nakahinga ang dalaga. “Bakit

nila gusto makuha si Anhica at bakit kinuha nila ang dugo ni Paulito?”

tanong ni Wookie. “Kasi magkapatid sila” sabi ni Monica

at nagulat ang lahat. Tahimik lang si

Anhica at niyuko ang ulo niya,

“Magkapatid? Si Paulito at Anhica

magkapatid?” tanong ng

mambabarang. “Oo, sila ang mga taong tala. Sabay sila bumagsak sa

mahiwagang gubat noong sanggol

sila” paliwanag ng dalaga. “Ang propesiya ng mga taong tala…

akala ko pumalpak ang mga bruha

para mapatawag sila?” bigkas ni

Berto. “Nagtagumpay sila, pero sa

gubat sila bumagsak. Naging

madamot ang nanay ko noon, agad namin tinago si Anhica. Di namin alam

meron pa palang isang sanggol. Hindi

na namin siya naitago pagkat nakita

na siya ng ibang nilalang. Kaya si

Anhica tinago namin at pinagpanggap

namin bilang diwata habang si Paulito ay mariing na binantayan ng lahat”

kwento ni Monica. Kinuwento ng dalagang bampira ang

lahat ng alam niya. Nang matapos ang


kwento niya di parin makapaniwala

ang iba. “Kung ayaw niyo maniwala di

tignan niyo ang mga pisngi ng pwet

nila. Pareho sila may marka, alam ko ito pagkat inalagaan ko sila nung bata

ako” sabi ni Monica. Lahat napatingin kay Anhica at agad

siya nagalit, “Kung meron siya e di

meron narin ako” sabi niya kaya kay

Paulito naman sila napatingin.

Babaliktarin na sana ni Monica ang

katawan ng bampira nang humawak si Paulito sa kamay niya. “Hoy bakit ka

humagolgol kanina?” bulong ng

bampira. Dinagok ni Monica ang dibdib ni

Paulito sabay nagsimangot.

“Boshing!!! Kuha fa ako dugo teka

lang” sabi ni Tuti at mabilis siya

lumabas ng kweba. “Ano nangyari

kay Tuti? Parang kakaiba na taglay niyang lakas. Hindi yon ang lakas na

iniwan ko sa kanya” sabi ni Paulito. “Inaral niya ang libro ng mga bampira,

si Anhica naman ang libro ng mga

diwata” sabi ni Berto at napangiti ang

bampira. “Wookie, ang lolo mo nasan?

Huli kong nakita nung tangayin ako

ng mga espiritu papasok dito” tanong ni Paulito. “Pare yumao na lolo ko. Sinakripisyo

niya ang buhay niya at nagpanggap

siyang ikaw” paliwanag ng


mambabarang at napasimangot si

Paulito at pinikit ang kanyang mga

mata. “Pero pare wag kang mag alala. Ginawa niya yon para sa atin lahat.

May tiwala sa atin ang lolo ko.

Napabilib mo siya nung sinabi mo

gagawin mong libro ng

kasinungalingan ang libro ng mga

ninuno” dagdag ni Wookie. “Bakit ba ang tigas ng ulo niyo? Ang

nakasaad sa libro ng mga ninuno

wagas. Kahit anong gawin niyo

masusunod ang lahat ng nakasaad

doon” pilit ni Berto at biglang nanlisik

ang mga mata ng bampira. “Sinabi ko gagawin kong libro ng

kasinungalingan ang librong yon!

Nagtiwala si Wakiz sa sinabi ko at

sinakripisyo niya ang buhay niya para

sa paniniwalang yon. Dahil don lalo ko

lang tutuparin ang pangako ko!” galit ni Paulito at pinakalma siya ni Monica. “Berto mas mabuti pa ata
yumao ka

na. May kapangyarihan ako gawin

yon” sabi ni Wookie. “Hindi! Ayaw ko

magtunog kontrabida pero sana

naman intindihin niyo ako. Lahat ng

nabasa ko sa libro ng mga ninuno nagkatotoo na. Panig ako sa inyo,

kakampi niyo ako pero mahirap na

baguhin ang pag iisip na ganito. Gusto


ko maiwan pa, gusto ko makita

magkatotoo ang sinasabi nitong

bampira. Gusto ko makita kayo magtagumpay” sagot ng multo. “May tanong ako, ito bang pangyayari

nakasaad sa libro?” tanong ni Anhica.

“Wala pero nakasaad doon na

magtatagumpay ang isang diwata na

makuha ang mga libro. Nakasaad

doon na makukuha ang libro ng kadiliman. Mapapakawalan ang mga

alagad ng dilim mula sa ilalim at sila

ang maghahari dito sa buong

kaharian. At nakasaad doon na sa huli

ay ang hari ng kadiliman ay

magtatagumpay pero lalabanan siya ng isang malakas na bampira at isang

malakas na diwata” kwento ni Berto. “Ang libro ng kadiliman nandoon sa

labas, lahat ng nag aral nito ay pinatay

ni Monica” sabi ni Anhica. “Lahat

maliban sa isa, yung taong anino” sabi

ni Paulito. “Oo nga hindi na siya nakita

malamang nakatakas na siya” sabi ni Wookie. “E di tama parin ang libro ng mga

ninuno, siya malamang ang

magpapatawag sa hari ng kadiliman”

sabi ni Berto. “Kaya pa ba natin siya

pigilan?” tanong ni Paulito. “Hindi na,

sabi ng lolo ko nakahanda na ang mga sakripisyo para mapatawag ang

hari ng kadiliman. Inaantay nalang


nila ang libro. Naaral na niya ang libro

kaya madali nalang niya

mapapatawag ang hari” sabi ni

Wookie. “Kung ganon e kailangan na natin

maghanda para sa malaking gera.

Kailangan natin ipaalam sa lahat ng

mahiwagang gubat ang paparating na

delubyo. Kailangan din natin

magtipon ng malalakas na mandirigma. Hindi natin kakayanin ito

kung tayo lang” sabi ng bampira. “Ako na bahala sa pagpapaalam sa

lahat ng gubat. Pero saan tayo

maghahanap ng mga mandirigma?”

tanong ni Wookie. “Kailangan natin mahanap ang lahat

ng mga disipulo” sabi ni Paulito.

“Boshing lalavan ako!” sabi ni Tuti na

may dalang malaking baka kaya

natawa ang lahat. “Oo Tuti…magkatabi

na tayo lalaban” sabi ng bampira at natuwa ang bungal. “Berto may ipapagawa ako sa iyo”

sabi ni Paulito at nagulat ang multo.

“Ano ang maitutulong ko?” tanong ng

matandang multo. “Magsusulat ka ng

panibagong libro, isang libro

magkwekwento kung pano natin gagawing libro ng kasinungalingan

ang libro ng mga ninuno. Itatala mo

lahat ng ating gagawin mula ngayon


hanggang sa magtagumpay tayo”

sabi ni Paulito. “At ano naman ang itatawag natin sa

librong ito?” tanong ni Berto. “Libro ng mga Magigiting”

Chapter 17: Pagbangon

Isang araw ang lumipas, maaliwalas

ang buwan at tahimik ang buong

paligid. Sa may batis may dalawang

nilalang ang nakatayo sa may tubig at

pinagmamasdan ang kalangitan. “Naging malupit ang tadhana sa atin

Anhica. Pero masaya parin ako at

buhay parin tayo kahit papano” sabi

ni Paulito. “Mula bata tayo

pinaghiwalay na tayo. Kaya naman

pala di ko alam bakit ikaw lagi hinahanap ko. Ano ba meron tayo at

nagawa nila yon?” tanong ng dalaga. “Ewan ko. Sa totoo ayaw ko naman

ang ganito. Kung sana hindi gahaman

sa kapangyarihan ang mga

nakahanap sa atin siguro lumaki

tayong iba” sabi ng binatang bampira.

“Nagsisisi ka ba sa lahat?” tanong ni Anhica at huminga ng malalim ang

bampira. “Konti, kasi madami na tayo

sinakripisyo. Namatay ka, namatay

ako, pero eto buhay parin tayo” sabi


ng bampira at nagtawanan ang

dalawa. “Sa tingin mo malalaman pa ba natin

kung ano talaga tayo? O san tayo

nanggaling…sino mga magulang

natin…at bakit talaga tayo nandito?”

tanong ni Anhica. Tinuro ni Paulito

ang dalawang tala sa langit na magkatabi, “Taong tala…natatandaan

mo pa ba? Ikaw at ako…lagi tayo

nawiwili sa mga tala. Di ko alam ano

talaga tayo, gusto ko din malaman

lahat ng tanong mo. Pangako ko sa

iyo Anhica matapos lang lahat ito sabay natin aalamin ang lahat” sabi ni

Paulito at naghawakan sila ng kamay. “Ang drama niyong magkapatid!!!”

sigaw ni Monica sabay hinila pababa

ang pantalon ng binata. “Mewon

nga!!!” sigaw ni Tuti kaya mabilis na

tinaas ni Paulito ang pantalon niya.

“Monica!!! Bakit mo ginawa yon?!!!” tanong ni Paulito. “E kasi mga to ayaw maniwala na

magkapatid talaga kayo” sagot ng

dalagang bampira sabay ngumisi at

tinignan si Anhica. “Hoy wag naman!”

sigaw ni Anhica sabay tumakbo.

“Tandaan mo di mo ako matatakbuhan…sige na wag ka na

maarte! Gusto lang nila makita ang

mga balat niyo!” sigaw ni Monica at


hinabol ang dalaga. Naglaro sina Monica at Anhica sa batis

na parang mga bata habang sina

Wookie, Tuti at Paulito tumayo lang sa

tabi at pinanood sila. “Dadalhin namin

ang katawan ng lolo sa mahiwagang

gubat para doon ilibing. Isasama narin namin si Aneth pero hindi ko alam

kung matatanggap nila si Monica

doon” sabi ni Wookie. “Hindi kami sasama sa inyo.

Hahanapin namin ang mga disipulo.

Kayo na ang bahala sa pagpapaalam

sa lahat ng nilalang sa nagbabantang

delubyo” sabi ni Paulito. “Boshing,

shama ako shayo” sabi ni Tuti. “Tutilous, makapangyarihan ka na.

Kailangan kita para protektahan ang

kapatid ko at si Wookie. At mas

maniniwala sila pag tatlong

makapangyarihang nilalang ang

magpapakita sa kanila” paliwanag ng sugo. “Oo boshing fewo shabi mo

magkatavi tayo lalaban e” hirit ni Tuti.

“Oo naman. Sa ngayon maghahanda

tayo. Importante ang misyon niyo

para ipaalam sa lahat ang magaganap.

Puntahan niyo din si Nella para maproteksyunan ang mga tao.

Magtipon kayo ng mga magigiting na

mandirigma at ihanda sila. Hahanapin


namin ni Monica ang mga kaibigan

natin. Wag ka mag alala Tuti,

magsasama sama tayo ulet. Pangako ko sa iyo magkatabi tayo lalaban para

harapin ang hari ng kadiliman” sabi ni

Paulito. “Pero pare, sa tingin mo kaya natin

itong laban na to?” tanong ni Wookie.

“Nagawa daw nila noon. Alam ko sa

pagbalik ng hari ng kadiliman mas

mabagsik na ito at gusto makabawi.

Nagawa nila noon, uulitin natin ngayon” sagot ng bampira. Habang seryoso ang tatlo biglang

sumulpot si Monica at pantalon naman

ni Wookie ang binaba niya. “Hoy!!!

Wag mo ako isali sa ganito!!!” reklamo

ng mambabarang at nagtawanan ang

dalawang dalaga. “Wala lang, napatanuyan namin na hindi ka nila

kapatid” sabi ni Monica at lalo pang

nagtawanan ang mga dalaga. “Ayos, unang nilalaman ng libro ng

Magigiting, nagtatanggalan ng

pantalon. Sino pa kaya ang

maniniwala sa librong to?” sabi ni

Berto na nakaupo sa isang sanga ng

puno. “Tama lang yan Berto! Para malaman ng mga magbabasa ng libro

na yan na marunong din magsaya ang

mga magigiting” sabi ni Wookie. “Ano

pa sinasayang niyong oras? Mamaya


umaga na hindi nanaman

makapaglalakbay ang mga bampira” sabi ng multo. “Hindi na problema ang araw” sabi ni

Monica at pinagdikit niya ang

dalawang kamay niya at nagliwanag

ang mga ito. Pagbukas niya ng kamay

niya ay may tatlong singsing, “Eto, tig

isa tayo. Pag suot natin ito wala epekto ang liwanag ng araw sa atin.

Kaya kahit maglakbay tayo ng umaga

ayos lang” sabi niya. Sinuot niya yung isa sabay inabot

yung isa kay Tuti. Lumapit si Monica

kay Paulito at sa daliri ng binata sinuot

niya ang singsing. “Hmmm bakit yung

kay Tuti naiiba? Tapos yang singsing

niyo parang mga wedding ring?” tanong Wookie at nagpasimple si

Monica na naglakad palayo. “E yung

ang nagawa ko e, wag ka kasi

magkonek” sabi ng dalaga. Siniko ng mambabarang si Paulito

sabay kinindatan. “Kayo ha” tukso

niya. “Ano? Ewan ko sa iyo kalbo!”

sagot ng bampira at muling

nagkatuwaan ang lahat. “At may

kwento din pala ng namumuong pag ibigan, ayos halo halo na tong isusulat

ko” sabi ni Berto. Pagsikat ng araw handa na ang lahat

maghiwalay ng landas. “Tuti alagaan

mo kapatid ko” sabi ni Paulito. “Oo


boshing, I will tik kir of thim” sabi ni

Tuti. “Hindi ko alam kung kalian ulit

tayo magkikita pero mag ingat kayong dalawa” sabi ni Wookie. Inabot ni Tuti ang esada kay Paulito

pero tinanggihan ito ng sugo. “Mas

kailangan mo yan Tuti, itago mo

muna. Saka ko na kukunin sa iyo yan

sa muling pagsama natin” sabi ng

sugo. Niyakap ni Anhica si Paulito sabay niyakap naman niya ng

mahigpit si Monica. “Ate alagaan mo

naman siya para sa akin” bulong niya.

“Oo naman, wag kang mag alala

papasayahin ko siya” sagot ng

dalagang bampira at napangisi si Wookie. “Papasayahin…hoy baka sa muling

pagkita natin ninong na ako” banat

ng mambabarang at bigla siya

sinuntok ni Monica sa tiyan.

“Papasayahin ibig sabihin pag

namimiss niya kayo papatawanin ko siya, wag berde ang isip!” sabi ng

dalaga at nagtawanan ang lahat.

“Pero pwede rin naman” landi ni

Monica sabay yakap kay Paulito at lalo

pa nagtawanan ang lahat.

Sa kabilang dako ng kaharian ay nakabalik si Ikaryo sa kampo ng

kadiliman. Sinalubong siya ng ibang

nilalang at napansin na wala siyang


kasama. “Nasan sila? Bakit ikaw lang ang

bumalik? Pumalpak ba kayo?” tanong

ni Rayisha, isang aswang.

“Nagtagumpay tayo pero sa di ko

inasahan na buhay si Monica” sagot ni

Ikaryo. “Ang bruha seduktiba buhay?!!! Ano nangyari kay Aneth?”

tanong ng aswang. “Si Aneth natalo ng kampon ng sugo.

Malakas sila! Kasama nila ang ultimo

mambabarang at sa tingin ko pati

yung ultimo bampira at diwata. Higit sa

lahat kasama na nila si Monica” sagot

ng lalake. “E nasan yung ate ko? Nasan sina

Dwardo at Tikyo at yung iba?” tanong

ni Rayisha. “Patay na. Di ko alam

magulo lahat pero kitang kita ko

pinatay ni Monica ang ate mo, pati sina

Dwardo at Tikyo pinatay niya” sabi ni Ikaryo. “Pesteng bruha yan! E nasan yung

libro? Ano gagawin natin?” tanong ng

aswang. “Naaral ko na ang laman ng

libro. Pero sa gulo hindi ko na nakuha

yon” sagot ng lalake. “Ano?!!! E pano

kami? At pano mo naaral ng mabilis ang buong libro?” tanong ng aswang. “Mahabang kwento,
magtiwala ka

naaral ko lahat. Sigurado ko

hinahanap nila tayo. Kaya simulan na

natin ang ritwal. Magtiwala ka sa akin


alam ko pano gawin ito” sabi ni

Ikaryo. “Sira ulo ka ba?!!! Pag sinugod nila

tayo wala tayo ilalaban sa kanila!!!

Sigurado ka kaya mo? Kailangan natin

magmadali!” reklamo ng aswang.

“Kaya nga wag ka nang magpanic

diyan! Ihanda mo na ang mga alay at sisimulan ko na ang ritwal!” sigaw ni

Ikaryo. Bumaba ang dalawa sa ilalim ng lupa

kung saan nakakulong ang mga alay.

“Rayisha matatagalan ako sa ritwal na

ito. Magbantay kayo sa labas. Di ako

dapat madistorbo” sabi ni Ikaryo. Naupo ang lalake sa lupa at nagsulat

ng mga simbolo. Pinikit niya ang mga

mata niya at nagdasal. Ang mga alay

na kawal biglang nanigas ang mga

katawan at nagbagsakan sa lupa. Ang

dugo sa katawan nila nagsilabasan mula sa mata at bibig nila at dumaloy

lahat palapit sa mga simbolo na sinulat

ni Ikaryo sa lupa. “Hari ng kadiliman tanggapin mo ang

mga alay na ito. Ikaw ay aking

pinapatawag. Dinggin mo ang

munting boses ng iyong

tagapaglingkod!!!” sigaw ni Ikaryo at

biglang yumanig ang lupa. Ang dugo na nagtipon sa mga

simbolo biglang sinisipsip ng lupa.


Ang mga katawan ng mga alay unti

unting nalulusaw at pumapasok din

sa lupa. Dumagundong ang malakas

at malalim na boses sa buong paligid. Ramdam ni Ikaryo ang napakalakas

na kapangyarihan na lumalabas mula

sa lupa. Dumagungdong ang malakas na tawa

sa buong paligid, si Ikaryo napatayo

na at agad nagtago sa dilim. Naubos

na ang mga alay, wala nang bakas ng

katawan nila ang natira sa loob ng

kulungan. Ang simbolo na sinulat ni Ikaryo sa lupa nabiyak at muling

yumanig ng malakas ang lupa. “Kutong lupa!!! Nasan ka?!!! Ayaw ko

ng nagkakaroon ng utang na loob!

Halika at papaslangin kita!

Pinakawalan mo ako pero di ako

marunong tumanaw ng utang na

loob!!!” sigaw ng malalim na boses. “Hindi po! Kusa kita pinakawalan!

Wala ako hinahangad na kapalalit!”

sabi ni Ikaryo at nagpalipat lipat siya

ng pwesto gamit ang kadiliman. “Sa tingin mo kaya mo ako taguan?!!!”

sigaw ng boses. “Parang awa mo na

hari ng kadiliman!!! Ako ay tapat na

maglilingkod sa iyo!!!” sigaw ni Ikaryo

at natawa ang boses. “Ano tingin mo

sa akin? Tanga? Yan din ang sinabi mo sa diwata diba? Pero ano ginawa mo?
Trinaydor mo siya!!!” sabi ng boses at

biglang napatapis si Ikaryo at

nahampas hamapas sa paligid. “Nagawa ko yon para mapatawag ka!

Yun ang hangad ko! Sa iyo talaga ako

maglilingkod mahal kong hari!!” sabi

ni Ikaryo. “Bakit mo ako

pinakawalan?!!!” tanong ng boses. “Para maghari kayo dito! Ang di niyo

nagawa noon pwede niyo gawin

ngayon” sabi ng lalake at natawa lalo

ang boses. “Tanga!!! Kilala mo ba ako? Ako ang

hari ng kadiliman!!! Sa tingin mo kaya

mo magsinungaling sa harap ko?!!!

Nababasa ko ang utak mo! Gusto mo

ng kapangyarihan, gusto mo mamuno

sa kaharian kaya mo ako pinakawalan. Pero di mo magagawa

yon pagkat mahina ka at malalakas

ang mga kalaban mo” sabi ng boses. “Tama ka! Yun nga ang gusto ko!

Sawa na ako sa pamumuno ng

kampon ng liwanag! Masyado kami

minamaliit. Tandaan mo sila din ang

nagkulong sa iyo!!!” sagot ni Ikaryo. “Hindi ko makakalimutan yon.

Ikaryo…Ikaryo ang pangalan mo

tama? Tama! Pinakawalan mo ako sa

aking kulungan. Ayaw ko magtanaw

ng utang ng loob pero pagbibigyan


kita ngayon. Kung masagot mo ako ng tama hindi kita papatayin…kung

sumagot ka ng mali…” “Ito ang tanong ko, ano ang ninanais

mo?” “Nais ko maghari ka dito sa

Plurklandia, ako itatalaga mong

kanang kamay!” sagot ni Ikaryo at

biglang tumawa ng malakas ang

boses. Nakaramdam si Ikaryo ng

panginginig sa buong katawan, may lumalapit sa kanyang malakas na

kapangyarihan at nasasakal siya. Isang itim na usok ang biglang

lumitaw sa harapan ng lalake at

konting bahagi nito bumalot sa leeg

niya. “Basa ko na tapat ang sagot mo.

Nakakatuwa naman at nakahanap

ako ng tulad mo Ikaryo. Sige ikaw ang magiging kanang kamay ko at

maghahari tayo dito sa Plurklandia…

pero meron akong hihilingin sa iyo”

sabi ng hari ng kadiliman. “Ano po yon mahal na hari?” tanong

ni Ikaryo. “Nakikita mo ako ngayon.

Oo eto lang ako. Ganito lang ako…

kaya kailangan ko ng katawan.

Katawan na masasaniban. Isang

malakas at makapangyarihan na katawan. Kaya mo ba ibigay sa akin

yon Ikaryo?” tanong ng hari. “Meron akong alam na katawan na

inyong magugustuhan. Pero hindi

madali kunin yon. Makapangyarihan


siya, wala kaming lakas para matalo

siya” sagot ng lalake at biglang

natawa ang boses. “Nabasa ko ang utak mo at hmmm

tama ka, gusto ko yang katawan ni

Paulito na yan. Habang wala akong

katawan hindi ako pwede tumapak sa

liwanag! Pero wag kang mag alala

Ikaryo makapangyarihan parin ako. Bibigyan kita ng sapat na

kapangyarihan, bibigyan kita ng mga

alagad para maghasik ng lagim. Pero

gusto ko ibigay mo sa akin ang

katawan na yon sa madaling

panahon! Gagamitin ko katawan na yan pansamantala, para makatapak

ako sa liwanag at para makuha ko

ang dati kong katawan!” sabi ng hari. “Bakit ano po nangyari sa dati niyong

katawan? At nasan po yon?” tanong

ni Ikaryo. “Madami ka masyado

tanong pero mapagkakatiwalaan kita.

Ang dati kong katawan ay tinago ng

mga punong nilalang noon. Nakakatawa pagkat ilang beses nila

sinubukan sirain ang katawan ko

pero hindi sila nagtagumpay. Tanging

nagawa nila ay paghiwalayin ang

espiritu ko sa katawan ko kaya eto

ako ngayon” sabi ng hari. “Saan po nakatago ang katawan


niyo?” hirit ng lalake. “Nakabaon sa ilalim ng lupa ng

mahiwagang gubat ng Plurklandia!

Chapter 18: Paramdam

Nakarating ang grupo nina Tuti sa

palasyo, agad nila binalita sa reyna

ang nangyari at si Nella di alam kung

matutuwa o matatakot. “Pero hindi na banta si Aneth? Tama

ba?” tanong ni Nella. “Oo, tinanggal ko

na ang kapangyarihan niya” sagot ni

Anhica. Di mapakali ang reyna kaya

naglakad lakad siya sa paligid. “Pero

ang sinasabi niyo may magpapalabas ng hari ng kadiliman? Bakit pa kayo

dito dumiretso? Dapat doon na kayo

sa mahiwagang gubat nagpunta” sabi

ng reyna. “Nella, hindi pa nila alam ang tungkol

sa tunay na pagkatao ni Aneth. Pag

didiretso kami doon ay malamang

hindi sila maniniwala sa amin.

Kailangan kasama ka para

maipaliwanag sa kanila pagkat naniniwala sila sa iyo” sabi ni Wookie. “Pero nandon pa ang mga pekeng

pinuno. Pano natin malulusutan yan?

Malamang kakalabanin nila tayo” sabi

ni Nella. “May plano ako para doon,


pero para magtagumpay ang plano

namin kailangan ka sumama sa amin” sabi ni Anhica. “O sige ano pa inaantay

natin? Magtungo na tayo sa

mahiwagang gubat ngayon din”

sagot ng reyna. “Bago tayo magtungo don Nella

kailangan mo ihanda ang mga

mamamayan ng Plurklandia. Gahol

tayo sa oras kaya kailangan mo

magpadala ng mga emisaryo sa lahat

ng kaya maabot. Ipagpaalam mo sa kanila ang nagbabantang delubyo.

Kailangan maghanda sila. Kung maari

ay magsimula na sila magtago, at ang

mga may kayang lumaban sa kanila

mag armas na” sabi ni Wookie. “Bakit pati mga tao isasama natin sa

laban?” tanong ni Nella. “Puntirya ng

hari ng kadiliman ang kaluluwa ng

mga tao. Di natin sinasabi na lalaban

sila ngunit pag sila ay inatake ng mga

kampon ng kadiliman kailangan din nakahanda sila lumaban kahit

papano. Itong misyon niyo sa

mahiwagang gubat ay delikado.

Maaring hindi sila maniwala sa inyo at

maari din na maniwala sila” “Kung maniniwala sila maayos, pwede

niyo ipakalat ang mga mandirigma

para protektahan ang mga tao. Pag


hindi sila maniwala, hindi niyo kaya

protektahan ang lahat ng

mamamayan. Hindi sila basta basta pwede nalang sumuko, kailangan

naman nila lumaban kahit papano”

paliwanag ni Berto. Napaupo si Nella sa trono at napaisip,

“Mali ako…itong paparating na

delubyo…ang buong Plurklandia ang

nakasalalay. Hindi namin pwede iasa

nalang sa inyong mga nilalang ang

pakikipaglaban. Kasama kami dito kaya lalaban din ang mga tao. At ako

ang mamumuno sa kanila!” sabi ng

reyna. “Nasisiraan ka na ba ng bait? Ikaw

ang reyna! Ikaw ang dapat

protektahan!” sabi ni Berto. “Paano

maniniwala sa akin ang mga tao kung

magtatago lang ako at aasa sa inyo?

Lalaban ako, ipapakita ko sa kanila na hindi lang ako utos. Gusto ko

patunayan sa kanila na hindi ko lang

namana tong trono na to. Gusto ko

patunayan sa kanila na nararapat ako

dito sa trono!” paliwanag ni Nella. “Pwede kang mamatay Nella” sabi ng

multo. “Mas maganda na ako nang

maunang mamatay kesa panoorin

kong isa isa namamatay ang mga

mamamayan ng kaharian. At wag


kang nega! Tinuruan nila ako lumaban noon, nakakatakot pero

kailangan ko maging isang pinuno”

sabi ng reyna. Biglang sumulpot si Tuti at lumuhod sa

harapan ni Nella. “Ngaw dash wat am

tokin abawt” sabi niya sabay abot sa

espada ni Paulito. “Baka kailangan mo

yan” sabi ni Nella. “Mash kailangan

mo” sabi ni Tuti at biglang tumayo si Nella at kinuha ang espada at

winasiwas. “Tipunin ang mga pinuno ng bawat

baranggay at sabihin magtipon dito

agad!” biglang sigaw ng reyna. Ilang oras ang lumipas at natipon ang

mga bawat pinuno ng bawat

baranggay at lokalidad ng

Plurklandia. Sa labas ng palasyo

nagtipon ang lahat at si Nella

nakatayo sa entablado at nakasuot ito ng damit pandigma. Sa loob ng palasyo pinapanood ni

Berto ang kaganapan sa labas habang

si Wookie ay sumasayaw. “Talagang

kaya mo pang sumayaw sa lahat ng

nangyayari” sabi ni Anhica. “Hindi ako

sumasayaw, nageensayo ako para sa laban” sabi ng mambabarang. “Ako ba ay binibiro mo? Sumasayaw

ka e” sabi ng dalaga at natawa si Tuti

at ginaya si Wookie. “Ang kulit niyo!

Hindi sayaw ito. Parang sayaw nga

pero kailangan ko masanay ito para


sa laban” paliwanag ng mambabarang. “E bakit may kembot

kembot pa at yang mga galaw ng

kamay?” hirit ni Anhica. “Oo na parang sayaw ng Macarena to

pero hindi ako sumasayaw. Parang

sumasayaw lang” paliwanag ni

Wookie. “Simpleng bagay

pinagtatalunan niyo pa. Kayong tatlo

magsiayos nga kayo. Para kayong mga bata. Tandaan niyo kayong tatlo

ay makapangyarihan, Ultimo

Mambabarang, Ultimo Bampira at

Ultimo Diwata. Tama yang ginagawa ni

Wookie, nag eensayo. Kayong dalawa

gabay niyo na ba ang kapangyarihan niyo?” “Wala na tayong oras kaya bawat

sandali na makukuha niyo dapat mag

ensayo kayo. Di niyo alam kung kalian

magaganap ang gera” sabi ni Berto.

Natahimik ang tatlo at lahat sila

lumapit sa bintana. “Tignan mo si Nella, halatang takot siya pero

kinakaya niya ito para ipakita sa mga

tao na makakayanan nila ang

delubyo” sabi ng multo. “Kung sana ganyan din kadali

kumbinsihin ang mga nilalang sa

mahiwagang gubat e di sana madali

ang misyon natin” sabi ni Wookie.

“Kaya nga dadalhin natin si Nella e,


siya ang magsasalita para sa atin. Makikinig ang mga nilalang sa kanya.

Lahat nangako na magsisilbi sa

kanya” sabi ni Anhica. “Fano nathin fafaliwanag shi Aneth?”

tanong ni Tuti. “Oo nga malaking

problema pa yang mga pekeng

pinuno” sabi ni Berto. “Wag kayo mag

alala may naplano na kami ni Anhica.

Sana gumana” sagot ng mambabarang. Maliwanag ang buwan at tahimik sa

mahiwagang gubat ng Plurklandia.

Nagising ang lahat ng nilalang na

nakatira doon pagkat nararamdaman

nila ang malakas na presensya ng

nilalang na paparating. Nagtipon sa sentro ng gubat ang mga

pekeng pinuno, ilang sandali pa mula

sa kalangitan may isang nilalang na

nagpababa at lahat nabighani sa

malakas na dilaw na liwanag. “Punong diwata, kamiy nagagalak at

kami ay iyong dinalaw” sabi ng

punong dwende. Lahat napaluhod at

nagbigay pugay kay Aneth na

nakatunton narin sa lupa. “Mga

impostor!!!” agad sinigaw ng diwata at nagulat ang lahat ng nilalang sa

gubat. “Ano ang sinasabi mo punong

diwata?” tanong ng punong kapre.

“Lahat ng nilalang dito sa gubat


makinig kayo sa akin. Mga itong

nagtipon sa gitna ay mga impostor!!!”

sabi ni Aneth kaya nagtayuan ang mga impostor at napansin nilang hindi

si Aneth ang kaharap nila. “Ikaw ang impostor!!!” sigaw ng

punong tikbalang at agad nito

sinugod si Aneth. Sa isang indak ng

katawan ni Aneth naglutangan sa ere

ang mga impostor, napasugod ang

ibang nilalang pero agad sila binantaan ng diwata. “Wag kayong lalapit! Ipapakita ko sa

inyo na impostor ang mga ito!!!”

sigaw ni Aneth. Magsasalita pa sana

ang isa pero nagpasabog ng liwanag

si Aneth at nanigas ang mga katawan

ng mga impostor. Unti unting nalagas ang pekeng

mukha nila at nagsilabas ang tunay

nilang anyo. Nagulat ang ibang

nilalang nang makita nilang mga

impostor nga ang namumuno sa

kanila. “Ayan naniniwala na ba kayo sa akin?” tanong ni Aneth at biglang

nagtawanan ang mga impostor. Sa kalayuan todo focus si Wookie sa

pagkontrol sa mga espiritu na

sumasanib sa katawan ni Aneth

habang si Anhica busy din sa

pagmamanipula sa kapangyarihan ng

diwata. “Mukhang malakas sila, di ko mapapanatili ang ganito” sabi ng


dalaga. “Maganda ang kaganapan, pabor sa

atin. Hayaan mo sila umatake pero

protektahan mo ang katawan ni

Aneth. Pagka atake ng mga impostor

doon kayo lalabas at kayo ang

papaslang sa kanila para makikita ng ibang nilalang na tinulungan niyo si

Aneth” sabi ni Nella at nabilib sila sa

plano niya. Kumalas ang mga espiritu sa katawan

ni Aneth nang sumugod ang mga

impostor. Bumagsak si Aneth sa lupa

pero mabilis napalibutan ng dilaw na

liwanag para di siya masaktan sa mga

atake ng mga impostor. May ibang nilalang na sumubok

tulungan ang bagsak na diwata pero

sadyang malakas ang mga nilikhang

pekeng pinuno. Nagbigay ng hudyat

si Nella at mula sa mataas na puno

lumabas si Tuti at inatake ang isang impostor. Lumabas narin si Wookie at Anhica

kasama nila si Nella. Mabilis

napatumba ni Tuti ang tikbalang, ang

pekeng mambabarang hinarap si

Wookie at nagtagisan sila ng lakas. Sa

isang humpay ng kamay nabulag ang mga nakaharap ni Anhica pero di niya

napigilan makalusot ang dwende na

sinugod si Nella. Winasiwas ni Nella ang espada pero


nakailag ang dwende pero hindi ito

nakaligtas sa bodyguard ng reyna at

agad ito napisa sa isang tapak ng

higanteng diablos ni Wookie. Agad

sumugod si Nella sa kapre at sinaksak ang espada sa paa nito. Humarap ang

kapre sa reyna pero lalo pang binaon

ni Nella ang espada. Hahampasin na sana si Nella sa ulo

pero mabilis nilaslas ni Tuti ang buong

katawan ng kalaban. Natalo ni Wookie

ang impostor na mambabarang pero

may nakawalang ligaw na espiritu na

aatake kay Nella. Nahampas ng libro ang ligaw na espirtu at tumawa si

Berto, “May silbi din ako!” sigaw niya. Nang akala ng lahat patay na ang mga

impostor biglang bumangon ang

tikbalang at susunggabin na sana ang

isang batang diwata. Nagulat ang

lahat nang sumugod si Nella at

tumalon sa ere. Nauna si Tuti sa may bata at agad ito nilayo, nagpakawala

si Anhica ng dilaw na liwanag na

bumalot sa katawan ng reyna at si

Wookie pasimpleng nagpakawala ng

mga espiritu para manigas ang

kalaban. Nalaslas ni Nella ang dibdib ng

tikbalang, kinontrol ni Wookie ang

impostor at kunwari sispa ito. Mabilis


winasiwas ni Nella ang espada niya at

natanggal ang ulo ng tikbalang. Gulat

na gulat ang dalaga sa nagawa niya pero agad siyang pinagkaguluhan ng

mga nilalang sa gubat. “Hoy Berto wag mong isulat na

tinulungan namin si Nella” bulong ni

Wookie. “Oo alam ko, wag kang mag

aalala. Itong sinusulat kong libro hindi

lang mga malalakas na nilalang ang

magigiting, kasama narin ang mga tao” sabi ng multo. “Hindi tayo dapat magsaya, nagpunta

kami dito para magbigay ng babala”

sabi ng reyna. “Pero ang punong

diwata” sabi ng isang dwende at

madaming mga diwata ang sumugod

kay Aneth. “Malubha ang tama ni Aneth, idala niyo sa kweba para

makapagpahinga” utos ni Anhica. “Anong babala? Ang mga impostor

ba?” tanong ng isang kapre. “Hindi,

magtipon kayo lahat nais ko kayo

kausapin” sabi ni Nella kaya

nagsilabasan ang lahat ng nilalang sa

gubat para makinig sa renya ng kaharian. “Pano mo ipapaliwanag si Aneth?”

bulong ni Anhica. “Wala dapat

ipaliwanag tungkol kay Aneth. Di na

nila kailangan malaman ang mga

nagawa niya. Sabi niyo wala na siyang

kapangyarihan at mga alaala kaya kesa na pag initan pa nila siya hayaan
na natin siyang ganyan. Kung saan

maalala ng lahat kung gano siya

kagiting bilang pinuno” paliwanag ni

Nella. Muling napabilib si Berto sa reyna

kaya binuksan niya ang libro niya at

nagtago sa may puno. Tumayo si

Wookie at Tuti sa tabi ni Nella at sabay

nila hinarap ang mga nilalang ng

gubat. “Makinig kayo lahat sa akin. Nagpunta

kami dito para sa dalawang rason.

Unang rason ay para ipaalam sa inyo

tungkol sa impostor” sabi ni Nella at

bigla siyang huminga ng malalim at

napatingin kay Wookie. “Mga impostor na yan pinagkaisahan

si Aneth noon. Ninais nila sakupin ang

mahiwagang gubat. Nagpagaling si

Aneth at humingi ng tulong sa akin,

alam ko inaaalal niyo ang kalagayan

niya pero gagaling siya. Mas may importante tayong kailangan bigyan

ng pansin” “May isang grupo na ninanais

pakawalan ang hari ng kadiliman!”

sigaw ng reyna at nagulat at nabalot

ng takot ang lahat ng nilalang sa

gubat. Biglang nagtayuan ang mga

matatandang nilalang at di makapaniwala sa sinasabi ni Nella. “Teka alam ko di kapanipaniwala pero


magtiwala kayo sa sinasabi ko.

Nakuha na nila ang libro ng kadiliman

at araw nalang siguro ang inaantay

natin bago nila matawag ang hari ng

kadiliman” “Naiintindihan ko ang mga

nakakatanda sa inyo. Alam ko

naranasan niyo ang bangis at

kapangyarihan ng hari ng kadiliman

noon. Malamang alam niyo din na

naikulong siya sa ibang dimensyon ng punong nilalang noon ngunit totoo

ang sinasabi namin. Nakuha nila ang

libro ng kadiliman, sigurado ko

kayong nakakatanda alam niyo

tungkol dito” sabi ni Nella. “Hindi magandang biro yan! Kahit

ikaw ang reyna ng kaharian ay di ka

pwede magbiro ng ganyan!” sigaw ng

isang matandang dwende. “Gumawa

ng paraan ang mga punong nilalang

noon para di na yan makawala ngayon darating ka dito para sabihin

na ang mga nagawang paraan ng

pinakamalakas na mga nilalang

nalapastangan nalang ganon kadali?”

tanong ng isang matandang

tikbalang. Naipit si Nella at napatingin kina Tuti at

Anhica, “Pano mo ipapaliwanag


ngayon yan?” pabulong na tanong ng

dalaga. Muling humarap si Nella sa

mga nilalang at huminga siya ng

malalim. “Alam ko kauupo ko lang sa trono,

pero wala ako balak magsinungaling

sa inyo. Totoo ang sinasabi ko at may

isang grupo ng mga nilalang na

nagbabalak pakawalan ang hari ng

kadilima” ulit ng reyna pero tinawanan lang siya ng mga

matatanda. “Sinungaling!!! Nakatagong sekreto

yon! Pano mo nalaman? Siguro ikaw

mismo ang nagnanais na

magpakawala sa hari ng kadiliman!

Kaduda duda ka Nella! Siguro nandito

ka para linlangin kami at mapaamo mo para hindi kami mag aklas kung

sakaling napakawalan mo nga siya!”

sabi ng isang matanda at lahat ng

nilalang nagdududa na sa reyna. Nakaramdam na ng tensyon sa paligid

ang grupo ni Nella pero biglang may

batang diwata ang sumigaw at tinuro

ang buwan. Lahat napatingala sa

langit at ang mga matatanda agad

napatingin kay Nella. “Patawag mahal na reyna at nagduda

kami sa iyo” sabi ng matandang

dwende. “Bakit biglang nagbago ang


isip niyo?” tanong ni Nella. “Napakawalan na nila ang hari ng

kadiliman! Tama ang sinasabi ng

reyna! Nagpaparamdam na siya sa

atin, at naalala ko dati nung naghari

siya dito sa lupa yan din ang simbolo

niya…” “…ang pulang buwan!!!”

Chapter 19: Bagong Pinuno

Sa isang dulo ng kaharian sabay

napatingin sa langit sina Monica at

Paulito. “Pulang buwan” bigkas ng

binata. “Ngayon lang ako nakakita ng

ganyan” dagdag niya. “Hindi

maganda ang nararamdaman ko. Parang may kakaiba sa buong

paligid” sabi ng dalaga. “Sa tingin mo napakawalan na nila

yung hari ng kadiliman?” tanong ni

Paulito at tinignan siya ng dalaga. “Sa

tingin ko oo, may kakaibang

pakiramdam ang buong kaharian na

di ko maipaliwanag. Para napakadilim at nakakasakal na kapangyarihan”

sagot ni Monica. “Kailangan natin magmadali kung

ganon, sana ayos lang ang mga

kasama natin” sabi ng binata at

saktong may napansin silang kakaiba


sa malapit. Agad sila lumapit at

nakakita sila ng malaking bloke ng yelo at sa loob isang nilalang na

nanigas. “Virgous” bigkas ng binata. “Kakaibang kulungan ito pero

nararamdaman kong buhay pa siya”

sabi ni Monica sabay haplos sa yelo.

Napalingon si Paulito sa paligid at

napansin niyang gumagalaw ang

isang halaman. Agad niya nilapitan ang halaman at nakita niya ang

dalawang dwendeng kaibigan niya.

“Darwino! Bobbyno!” sigaw niya sa

tuwa pero natakot ang dalawang

dwende ang nagyakapan. “Hoy, di niyo ba ako nakikilala? Alam

ko na to nagpapatawa nanaman kayo

no” sabi ni Paulito pero talagang

nanginginig sa takot ang mga

dwende. “Monica halika nga dito

saglit” utos ng binata at agad lumapit ang dalaga. “Bakit? Mga disipulo din

ba yan?” tanong niya. “Oo pero di nila ako nakikilala,

pakitaan mo nga sila ng legs mo” sabi

ni Paulito at bigla siya binatukan ng

dalaga. “Sila ba papakitaan ko o

ikaw?” tanong niya at natawa ang

binata. “Sila, manyakis mga to e. Sige na baka bumalik ang isip nila sa tama

pag ginawa mo yon” paliwanag ni

Paulito. Nagsimangot si Monica pero nilabas


niya ang legs niya at pinakita sa

dalawang dwende. Nagulat si Paulito

sa reaksyon nila pagkat nakatitig lang

sila sa legs at takot na takot parin sila.

“Ano ang ginawa ni Aneth sa kanila?” tanong ni Paulito. “Tinanggalan ng

kapangyarihan at pati ata isipan”

sagot ni Monica at napatingin ang

binata sa kanya. “Kaya mo ba ibalik?”

tanong niya. “Kaya pero kailangan natin balikan

ang katawan ng ate ko. Malamang

nasa katawan pa niya ang pag iisip

nila” sabi ni Monica. “Tinanggal na ni

Anhica ang kapangyarihan ni Aneth,

nandon pa kaya?” tanong ni Paulito. “Yan ang di ko sigurado, kailangan

natin mapuntahan ang dalawa” sabi

ng dalaga. Nanghinayang si Paulito pagkat

malayo narin ang nalakbay nila, gahol

narin sila sa oras pero naawa siya sa

mga kaibigan niya. “Kailangan pa

natin mahanap yung iba, pero bago

yon pakawalan muna natin si Virgous sa kulungan niya” sabi ni Paulito kaya

bumalik sila sa bloke ng yelo. Pinulot ni Monica ang dalawang

dwende at nilagay sa balikat niya,

tumayo sila sa malayo habang si

Paulito nagliyab ang dalawang kamay


at sinimulan ang pagtunaw sa bloke

ng yelo. Nagpapalakpakan ang dalawang dwende habang

pinapanood ang bampira, ilang

sandali ay natunaw na ang yelo at

bagsak ang katawan ni Virgous sa

lupa. Binuhat ni Paulito ang katawan ng

kaibigan niya at lumapit kina Monica.

Nagulat sila nang may bumagsak mula

sa puno kaya agad sila pumorma.

Bumangon ang lasing na kapre at

natawa si Paulito. “Nyobert! Buhay ka! At lasing ka parin!” biro niya pero

biglang nagtago ang kapre sa likod

ng isang puno at si Monica naman ang

natawa. “Nyobert! Ako ito, si Paulito!” sabi ng

bampira pero pasilip silip lang ang

kapre at nagpapacute ng mata. Lalong

natawa ang dalaga, pati ang

dalawang dwende nakitawa narin.

“Shy siya” bigkas ni Darwino at napatingin si Paulito sa kanya. “Anong

shy? Nakakapagsalita ka pala, ano

nangyari sa inyo?” tanong ng

bampira. “Wala naman nangyari sa amin, kilala

mo kami?” tanong ni Bobbyno. “Oo

kayo ay mga kaibigan ko. Kayo ang

mga disipulo ng Fredatorya” sabi ni


Paulito. “Disipulo? Ano yon? Akala

namin masamang tao kayo e. Masama ba kayo? Sasaktan niyo ba kami?”

tanong ni Darwino at lalong nalito si

Paulito. “Wag ka na magtaka wala sila sa

tamang wisyo. Ride on ka nalang kasi

sabi nila kami, kaya malamang

nandito din yung ibang kaibigan mo”

bulong ni Monica. “Hindi kami

masamang tao, nasan yung mga ibang kaibigan niyo?” tanong ng

binatang bampira. “Hmmm…nakatago sila. Gusto niyo

tawagin namin yung mga bulol?”

tanong ni Bobbyno. “Bulol? Bulol?

Sige nga tawagin mo sila dito” sabi ni

Paulito at agad bumaba si Bobbyno.

“Tawagin ko din mga alaga naming pets” sabi ni Darwino at nagtakbuhan

ang dalawang dwende sa may malapit

na gubat. “Bulol? Ano ba nangyari sa kanila?”

tanong ni Paulito. “Wag mo na

problemahin, ang importante matipon

sila at pag may kulang hanapin natin”

sabi ni Monica. Ilang sandali pa

bumalik ang dalawang dwende sakay sakay ang dalawang lobo. “Eto pets

namin o” sabi ni Darwino at natawa si

Paulito nang makita si Sarryno at

Bashito. Biglang bumagsak ang isang


lobo at natumba sa lupa si Bobbyno.

“Ay bwisit nakatulog nanaman tong antukin na pet natin!” sigaw niya at

lalong natawa ang bampira. “Sarryno at Bashito!” bigkas ni Paulito

at agad niya nilapitan ang dalawang

lobo at hinaplos ang ulo. Mula sa

gubat may dalawang bampirang

lumitaw at lumalapit sa kanila. “Ayan

na yung mga bulol” sabi ng dwende at napangiti si Paulito nang makita si

Bombayno at Chado. “Bakit sila

nabulol?” tanong ni Monica.

“Naiintindihan ko na ata ang ginawa

ni Aneth” sabi ng binata. “Ginawa niyang kabaliktaran ang mga

ugali ng mga disipulo. Ang mga

dwende naging mabait masyado. Si

Virgous matigas ang ulo kaya siguro

kinulong. Si Sarryno at Bashito di na

nila kaya bumalik sa tamang anyong tao at hayop nalang sila. Itong

dalawang bulol, mga kapangyarihan

nila galing sa boses nila. Ginawa silang

bulol para di nila ito magamit”

paliwanag ni Paulito. “E nasan yung iba?” tanong ni Monica.

“Di ko alam, Virgous, Nyobert,

Bobbyno, Darwino, Sarryno, Bashito,

Bombayno at Chado…wala sina

Mhigito, Vandolphous at si Louis” sabi


ni Paulito. “Ah meron pa kami kaibigan pero

yung isa napaka slow maglakad at

kumilos kasi kaya mamaya pa

darating yon. Tapos yung isa yung

anak nung kapre na bulate” sabi ni

Darwino sabay tawa. “Si Nyobert may anak?” tanong ni Paulito at mula sa

lupa lumabas ang isang mini Nyobert.

“Ayan o, sinliit namin pero kapre siya”

sabi ni Bobbyno at pati siya tawa ng

tawa. Awang awa si Paulito sa kalagayan ng

mga kaibigan niya, napansin yon ni

Monica kaya yumakap siya sa binata.

“Maibabalik din natin sila sa tama”

bulong niya. “Oo nga e pero malayo

ang lalakbayin natin pabalik sa mahiwagang gubat” sabi ni Paulito. Ilang sandali may bampirang

dumating at talagang napakabagal ng

mga galaw niya, “Ninais ko sila isama

doon para mas madali pero pag

ganyan yang isa matatagalan tayo”

sabi ni Paulito at may isa pang bampira ang lumabas pero lagi siya nauumpog

sa mga puno. “Ay duling! Ay duling!”

sigaw ng dalawang dwende at

natawa si Monica. “Isa pa yan e”

bigkas ng binata sabay haplos sa ulo

niya. Samantala sa mahiwagang gubat,


nagtipon ang lahat ng mandirigmang

nilalang sa sentro at kinakausap sila ni

Nella kasama ang mga matatandang

nilalang ng gubat. Tumayo sa sentro ang isang

matandang Tikbalang at nagsimulang

magsalita. “Habang inaantay natin ang

mga ibang mandirigma mula sa ibang

gubat ng kaharian, nais ko sabihin sa

inyong lahat na hindi madali ang laban na ito” “Noong unang panahon hindi

magkasundo ang lahat ng nilalang.

Lahat nagpapalakasan. Ngunit nang

lumabas ang hari ng kadiliman

nagsanib pwersa ang lahat ng

nilalang para wakasin ang paghahari niya” “Noong unang panahon nasa piling

natin ang mga pinakamalakas na mga

nilalang. Ngayon wala na sila sa piling

natin at sa pagkawala pa ni Aneth at

mga punong nilalang sadya tayo ay

mahihirapan sa pagharap sa hari ng kadiliman” sabi ng tikbalang. “Mali ka! Kahit wala na sila kakayanin

natin! Maaring sila ang pinakamalakas

na nilalang…kayo…tayo ang mga

magigigiting! Sa tulong at gabay ng

mga matatanda ay alam na natin ang

haharapin natin, alam ko wala na tayong oras maghanda pero kahit ano

pa ang dumating kakayanin natin


itong lahat!” biglang singit ni Nella at

nagpalakpakan ang mga mandirigma. “Wag mo kasi sila tatakutin” bulong ni

Nella sa tikbalang at napayuko ang

nilalang. “Kasi kung nabubuhay ka

lang noong panahon na yon Nella

maiintindihan mo bakit ko nasabi ang

mga yon” bulong ng tikbalang. “OO alam ko pero kung gusto mo

mamumo dapat ipakita mo sa kanila

na matatag ka. Hindi ako ang pinuno

ng mga nilalang, kayong matatanda

ang inaasahan nila. Kaming mga tao

umaasa sa tulong niyo pagkat aminado kami wala kaming

kapangyarihan para harapin ang

kampon ng kadiliman. Pero natipon

ko sila at handa lumaban ang mga tao,

ayaw nila mawala ang kaharian nila”

sermon ng reyna. “Nella, kaming mga matatanda ay

simpleng nilalang lang. Hindi namin

kaya mamuno. Tanging mabibigay

lang namin ay gabay at impormasyon

tungkol sa sinaunang panahon. Kaya

Nella kung mamarapatin mo, sigurado ko gugustuhin din ng lahat ito…gusto

namin ikaw ang mamuno sa amin”

sabi ng tikbalang at nagulat ang

dalaga. “Ha? Ako mamuno sa inyo? Hindi ata


ganon dito sa kaharian. Hiwalay ang

estado ng tao at estado ng mga

nilalang” sabi ni Nella. “Oo alam namin

yon mahal na reyna pero sa ngayon

wala pwedeng mamuno sa amin kundi ikaw. Kanina lang napatunayan

mo ang inyong katalinuhan, kay bilis

mong napaamo ang mga mandirigma

namin” sabi ng tikbalang. “At Nella napahanga kami sa iyong

mga ama noong hari siya. Malaki ang

sinakripisyo niya para sa buong

kaharian at para sa iyo. Namana mo

ang kagitingan ng iyong ama kaya

pumapayag kami lahat na ikaw ang mamuno sa amin” sabi ng isang

matandang diwata. “Pero labag ito sa batas ng kaharian

diba?” tanong ng reyna. “Sa ganitong

panahong ng nagbabantang delubyo

wala nang batas ang kaharian. Ikaw

nalang na reyna ang papakinggan ng

lahat. Napakita mo sa amin sa pagpunta mo dito at pakikilaban mo

na handa mo ibigay ang buhay mo

para sa kapakanan ng kaharian” “Kaya Nella, kaming mga nilalang

makikinig at susunod sa reyna ng

kaharian” sabi ng matandang

mambabarang at biglang nagsigawan

at nagpalakpakan ang lahat ng


mandirigma. Di parin makapaniwala si Nella sa mga nangyayari kaya

napatingin siya kina Wookie. “Sige, papayag ako pero pagkatapos

natin matalo ang hari ng kadiliman ay

ibabalik ko sa inyo ang pamumuno ng

mga nilalang” sabi ni Nella at lalong

nagpalakpakan ang mga nilalang. “Yan ang maganda sa iyo Nella,

positibo ang pananaw mo sa buhay.

Ang hangad mo para sa buong

kaharian kaya handa kami manilbihan

sa iyo. Pero Nella handa kami lumaban

at protektahan ang mga tao pagkat yun ang puntirya ng hari ng

kadiliman. Mga kaluluwa ng tao ang

magpapalakas sa kanya” “Pero hindi namin pwede ipakalat sa

buong kaharian ang mga mandirigma

namin. Kailangan ang mga malalakas

maiiwan dito sa gubat” sabi ng

matandang tikbalang. “Bakit? E pano

kung sa ibang lugar umatake ang kampon ng kadiliman?” tanong ng

reyna. Tinipon ng mga matatanda si Nella at

mga kaibigan niya saka sila

nagtinginan. “Sa ilalim ng gubat na ito

nakabaon ang katawan ng hari ng

kadiliman. Tiyak ko gusto niya

makuha ulit ito para tuluyan niya makuha ang buong kapangyarihan

niya” sabi ng matanda ang nagulat


sina Nella. “Yan ang sikreto ng gubat na ito kaya

mariing namin prinoprotektahan.

Kaya noong nagreyna si Monica ay

kinailangan namin itago ang gubat na

ito pagkat natakot kami na baka

puntiryahin niya ang katawan ng hari ng kadiliman” “Kami lang mga matatanda ang may

alam nito, bago kami lilisan sa mundo

ay ipapasa namin ang sikretong yon

sa isang mas nakakabata. Kaya sa

buong gubat na ito kami lang ang

may alam tungkol doon” paliwanag ng tikbalang. “Mawalang galang na po, alam niyo

po ba tungkol sa libro ng mga

ninuno?” tanong ni Wookie bigla at

nagulat ang mga matatanda. “Iho,

pano mo alam tungkol don? Wala

pang nakakabasa ng librong yon dito sa gubat” sagot ng matandang

mambabarang. “Lolo ko po nabasa na niya, dala po

namin ang bangkay niya at nais ko

siya malibing dito. Pero kalahati lang

nabasa niya. Pero may isa pa kaming

kasama na nabasa niya lahat ng libro.

Pinarusahan siya para doon kaya siya ang ginawang taga bantay ng templo

ng mga libro ng kapangyarihan”

dagdag ni Wookie. “Di kami makapaniwala pati yon alam

niyo” sabi ng tikbalang. “Teka sabi


niyo kasama niyo? Ibig sabihin

nakuha ang mga libro ng

kapangyarihan!” sabi ng matandang

dwende. “Pano nangyari ito? Yang ang sikretong hindi namin alam. Oo

alam namin na meron yung mga libro

at may templo pero kung saan ito

hindi namin alam” sabi ng matandang

kapre. “E alam niyo din ba tungkol sa libro ng

kadiliman?” tanong ni Wookie. “Oo

alam namin tungkol don, nakatago

din ata yon sa templo” sabi ng

matandang diwata. Nagtipon ang mga

kasama ni Nella at nagbulongan. “Totoo ang sinasabi nila, hindi na

natin kailangan ipaalam sa kanila ang

buong pangyayari” bulong ng

mambabarang kaya muli sila humarap

at mula sa puno pinatawag ni Wookie

si Berto. “Nais namin ipakilala sa inyo si Berto,

ang taga bantay sa templo. Siya ang

nakabasa ng libro ng mga ninuno at

nandito siya para gabayan din tayo”

pakilala ni Wookie. “Wag kayong mag

alala ligtas ang mga libro ng kapangyarihan, tanging libro ng

kadiliman ang nakuha” sabi ni Berto. “Nabasa mo ang libro ng mga ninuno.

Malamang nabasa mo na pano


magwawakas ang lahat. Sabihin mo sa

amin pano para makapaghanda tayo”

sabi ng isang matandang nilalang. Pumagitna si Berto at tinignan muna

sina Nella, Wookie, Anhica at Tuti.

“Ayon sa nabasa ko magiging

madugo ang laban. Ayaw ko sana

sabihin ito pero…” putol ni Berto at

biglang kinabahan sina Nella. “Madami tayo kailangan isakripisyong

buhay pero sa huli magtatagumpay

tayo” sabi ng multo at nakahinga ng

maluwang ang mga matatandang

nilalang. “Pero hindi magiging madali

sinasabi ko na sa inyo” dagdag ni Berto. “Oo alam namin at maghahanda

tayo para diyan” sabi ng matandang

tikbalang. Napangiti si Nella at Wookie pagkat

nagsinungaling para sa kanila si Berto.

“At tama kayo…mahalaga ang gubat

na iyo” sabi ni Berto at muling

napatingin sa kanya ang lahat. “Pagkat dito sa gubat na ito kakalat

ang dugo, madaming buhay ang

mabubuwis…dito sa gubat na ito

magaganap ang pagtuos ng hari ng

kadiliman laban sa pwersa ng

liwanag!”
Chapter 20: Kadiliman

Sumapit ang umaga at ramdam na ng

buong kaharian ang nagbabantang

delubyo. Namahinga na ang pulang

buwan ngunit hindi na asul ang

kalangitan. Nabalot ng takot ang lahat

ng tao at nilalang sa buong Plurklandia pagkat pulang langit na

ang nakikita nila at mainit at mabigat

ang simoy ng hangin. Sa pinakamadilim na parte ng

kaharian ay nagdidiwang sina Ikaryo

at ibang nilalang pagkat nabibiyayaan

sila ng bagong kapangyarihan.

“Sinasayang niyo ang oras! Bakit di pa

kayo kumilos para kunin ang sinasabi mong katawan ng sugo?!!!” sigaw ng

boses na dumagundong sa buong

paligid. “Mahal na hari malakas ang sugo,

kulang kami kung kakalabanin namin

siya” sabi ni Ikaryo. “Malakas? Gaano

ba kalakas yang sugo na yan?

Naiintriga tuloy ako sa kanya” sabi ng

boses. “Napanood ko lang siya lumaban,

hindi ko pa natitikman ang

kapangyarihan niya. Di ko alam kung

sapat na ito para sa inyo pagkat lahat


ng kinakalaban ng sugo ay

namamatay” paliwanag ni Ikaryo at biglang tumawa ng malakas ang

malalim na boses. May itim na usok ang pumalibot sa

katawan ni Ikaryo, ang karamihan ng

usok umikot sa kanyang ulo.

Napaluhod ang lalake at napasigaw sa

sakit habang lalong tumawa ng

malakas ang boses. “Gusto ko ang nakikita ko! Gusto ko itong sugo na

ito! Naiintindihan ko ang takot niyo

pero nabigyan ko kayo ng sapat na

kapangyarihan para harapin siya. Wag

kayong mag alala dadami ang

kampon natin” sabi ng malalim na boses. “Ikayo maiwan ka dito sa tabi ko.

Rayisha, ikaw ang mamuno ng

pagkuha sa katawan ng sugo” sabi

ng hari ng kadiliman at napailing ang

dalagang aswang. “Ngunit mahal na

hari mas maganda pag si Ikaryo ang kumuha nung katawan pagkat mas

madami siyang laban na napasukan

na samantala ako kokonti palang

pagkat ayaw ako payagan ng ate ko”

reklamo ni Rayisha. “Sinusuway mo ba ako?!!! O gusto mo

wakasin ko na ang buhay mo ngayon

at buhayin ko nalang ang ate mo na

nalasog lasog daw ang katawan ayon


sa nakita ko sa isipan ni Ikaryo?”

tanong ng hari. “Hindi! Pupunta ako! Wag mo na ibalik ang ate ko, ayaw ko

nang masakal! Ngunit kokonti lang

kami mahal na hari” sabi ni Rayisha. “Kung may inutos ako sundin niyo

agad at wag kayo magreklamo!

Magtiwala kayo sa kapangyarihan ko!

Umalis na kayo ngayon din!!!” sigaw

ng boses at agad umalis si Rayisha

dala ang ibang mga aswang at manananggal. “Bakit niyo ako pinaiwan mahal na

hari?” tanong ni Ikaryo. “Nakita ko

ang isipan mo at kaluluwa kanina at

tapat ka nga sa akin. Alam ko din na

naaral mo ang libro ng kadiliman kaya

ramdam ko ang kapangyarihan mo” “Kailangan ko gamitin mo ang

kapangyarihan mo upang pasyalin

ang mahiwagang gubat. Alam mo

naman na di ako tatagal pag wala ako

katawan” sabi ng boses. “Pero mahal

na hari bakit hindi ka nalang muna mamili sa iba natin kakampi at saniban

muna sila bago wala pa yung katawan

ng sugo?” tanong ni Ikaryo. “Hindi ako pwede basta basta

sumanib sa kahit anong katawan.

Kailangan ko sumanib sa katawan ng

isang makapangyarihan na nilalang

pagkat tiyak ko makakayanan niya


ang aking kapangyarihan. Kung mahinang nilalang lang ang sasaniban

ko di makakayanan ng katawan at

tiyak ang aking kamatayan”

paliwanag ng boses. “At di ganon kadali sumanib…pag

sasanib ako sa katawan ng sugo

mawawalan din ako ng

kapangyarihan konti. Kahit pag

nakabalik ako sa tunay na katawan

ko hindi ko agad maibabalik ang tunay kong kapangyarihan…

kailangan ko ulet mag ipon ng

madaming kaluluwa at kalahit ng

populasyon ng Plurklandi ang

kakailanganin bago bumalik ang

tunay na lakas ko” sabi ng boses. “Pero pag naubos ang tao dito sa

Plurklandi pano ka na mabubuhay?”

tanong ni Ikaryo. “Hahahaha basta

bumalik ang tunay kong

kapangyarihan hindi na ako

mamatay! Pero pag nasakop ko ang buong Plurklandia at naipon ko lahat

ng kaluluwa ng tao dito ay tiyak ko

sapat na ang kapangyarihan na yon

para mabuksan ko ang Gate ng

Ibaba” paliwanag ng boses. “Gate ng Ibaba?” tanong ni Ikaryo at

natawa ang boses. “Oo, bakit akala

mo ako na ang hari ng ibaba? Bobo!


Gusto ko matuwa ang hari ng Ibaba

sa akin! Pag nagawa ko buksan ang

gate na yon makakalabas ang mga nilalang ng Ibaba at malaya silang

makapaglalakbay at maghasik ng

lagim sa buong mundo. Gusto ko dito

sa Plurklandia mabubuksan ang gate

na yon para pag lumabas ang hari ng

Ibaba malalaman niya na ako ang naghahari dito tiyak na tatanggapin

niya ulit ako bilang kapareha!” sabi ng

boses at natakot si Ikaryo. “Ibaba? Ang ibig mo ba sabihin

Impyerno? Hindi ba ikaw na mismo

ang hari doon?” tanong ng lalake at

lalong natawa ang boses. “Bobo!!!

Ako ang hari ng kadiliman! Iba ang

hari ng ibaba at aaminin ko takot ako sa kanya, oo takot ako kay Satanas!!!

Isa lang akong utusan niya dati,

tumiwalag ako para ipakita sa kanya

na makapangyarihan din ako at ayaw

ko triatrato niya akong alipin niya” “Oo gumagawa ako ng malalagim na

bagay para sa ikatutuwa niya at para

ipakita ko sa kanya na kayak o din.

Gusto ko itrato niya ako higit sa alipin,

kahit aminado akong hindi ko siya

mapapantayan sa kapangyarihan… gusto ko itrato niya ako bilang

kapareho man lang! Sa Ibaba sila


nakakulong kaya bubuksan ko ang

gate para makalabas siya at para

makita niya na ako ang nagbukas ng

gate!” sigaw ng boses. “Ha? Akala ko ikaw na…” bigkas ni

Ikaryo pero nagalit ang hari ng

kadiliman. “Madami kang satsat

sinasayang mo ang oras ko!!! Biglang

may lumabas na mga anino mula sa

katawan ni Ikaryo at may konting usok ang sumanib sa kanila. “Sige

mga anino! Puntahan niyo ang

mahiwagang gubat at hanapin ang

aking katawan!!” sigaw ng boses. Bumagsak si Ikaryo sa lupa at

hinawakan ang dibdib niya,

“Sinaniban mo ako?” tanong niya.

“Bobo!!! Kinontrol lang kita! Bakit ako

sasanib sa isang mahinang nilalang na

tulad mo? Bweno, natatakot kayo pagkat kokonti kayo? Eto tatawagin

ko ang lahat ng kampon ng

kadiliman!!!” sigaw ng boses at

biglang yumanig ang buong lupa ng

Plurklandia. May nadinig na bulong sa buong

kaharian kaya lalong nabalot ng takot

ang lahat ng mamamayan at mga

nilalang. Maski sa mahiwagang gubat

dinig na dinig ang bulong kaya


muling nagtipon ang lahat ng mandirigma sa gitna ng gubat. “Hindi na maganda ito! Tinatawag na

niya ang mga kampon niya!” sabi ng

matandang Tikbalang. “Tatagan niyo

ang loob niyo! Wag kayong

matatakot! Kung hinayaan niyo ang

takot manaig ay malaki ang tsansa na makontrol niya ang isipan niyo at

sumanib kayo sa kampo niya!!!”

sigaw ng matandang dwende. “Kailangan na natin kumilos! Anhica,

Wookie at Tuti maiwan kayo dito! Ang

ibang mga mandirigma sumama sa

akin at lilibot tayo sa buong

kaharian!!!” sigaw ni Nella. “Hindi ka

namin pwede iwanan! Sasama kami sa iyo!” sagot ni Wookie. “Narinig mo ang sinabi ng mga

matatanda at ni Berto, kailangan ang

malalakas maiwan dito sa

mahiwagang gubat. Hindi ako pwede

maiwan dito, kailangan ako makita ng

mga tao. Kailangan ko sila pakalmahin at protektahan” paliwanag ng dalaga. Biglang sumulpot si Paula at
ibang

mandirigmang diwata, “Sasama kami

sa iyo Nella” sabi ng dalagang diwata.

Mula sa gubat naglabasan ang

dalawang higanteng kapre at

tikbalang at tumabi kina Paula. Ilang sandali pa may dumating na batalyon

ng mandirigma mula sa kalapit na

gubat na humarap sa reyna. “Ako si Naldo, punong mandirigma ng


gubat ng Kanluran, sasama kami sa

iyo mahal na reyna. Wag kayong mag

alala paparating pa yung iba” sabi ng

magiting na dwende. “O kita niyo na,

wala kayo dapat alalahanin, proprotektahan ko ang mga tao. Utos

ko protektahan niyo itong gubat” sabi

ni Nella sabay tinignan niya si Berto. “Iniwan ko kay Berto ang isang plano.

Pag nasunod ang mga pangyayari si

Berto ang mag uutos ng kailangan

niyo gawin. Pag hindi naman, kayong

matatanda na muna ang bahala dito

habang wala ako. Ang prayoridad natin ay protektahan ang mga tao,

mga nilalang at higit sa lahat ang

gubat na ito. Aalis kami para ilikas ang

mga tao, dadalhin namin sila sa mga

mahigawang gubat para

maptrotektahan sila. Alam ko mapapabilis ang paglalakbay namin

pagkat kasama ko ang mga diwata.

Magkikita kita ulit tayo sa takdang

panahon” sabi ng reyna at kahit labag

sa kalooban nila ay walang magawa

ang tatlo kundi sumang ayon. Tahimik ang buong kaharian, lahat ng

tao nakatago sa kanilang mga bahay.

Ang mga ibang nilalang nagtago na sa

mga mahiwagang gubat habang ang


kanilang mandirigma ay nag aarmas

na. Patuloy ang tinig ng bulong sa buong

kaharian, mula sa mga puno

nagsibabaan ang mga itim na kapre at

tikbalang. Mula sa lupa nagsilabasan

ang mga tiyanak at lahat tila

nakokontrol ng kakaibang kapangyarihan. Ang mga

nagtatagong kampon ng kadiliman

lahat lumabas at natanggal ang takot

nila. Mula sa himpapawid nagliparan

ang mga aswang at manananggal na

pinamumunuan ni Rayisha. Ang lahat ng natawag na nilalang ay patungo sa

iisang direksyon. Sa isang dulo ng kaharian mabagal na

naglalakbay sina Paulito at Monica.

Kasama nila ang mga disipulong wala

sa tamang wisyo. “Sabi ko sa iyo

pupunta ako sa gubat para kunin ang

mga pag iisip nila” sabi ni Monica. “Hindi ako papayag pagkat baka

atakehin ka nila” sabi ni Paulito. “So

concerned ka sa akin ganon?” landi

ng dalaga at nagtawanan sila.

“Monica, ikaw na mismo nagsabi na

baka di ka nila matanggap. Nakalimutan naman natin sabihin sa

kanila na ipaalam na kakamapi ka na

namin” paliwanag ni Paulito. “Oo nga pero concerned ka sa akin”


hirit ng dalaga. “Siyempre, hindi

naman ako pwede pumunta pagkat

baka atakehin kayo. Sino na

magtatanggol sa inyo?” hirit ng binata.

“Kaya ko naman ha. Nakita mo sana ang ginawa ko doon sa mga nanakit

sa iyo lalo na dun sa malditang

babaeng yon” sabi ni Monica. “Oo alam ko, nakwento ni Wookie ang

lahat. Pero kahit na, di rin natin

masasabi e kaya gusto ko nandito

ako. Mahirap lumaban pag may

prinoprotektahan kang importante sa

iyo” sabi ng binata at napatingin sa kanya si Monica at napangiti. “Kaya ka

nasaktan nung huling laban kasi

prinoprotektahan mo ako” bulong ng

dalaga. “Oo pero di ako nagsisisi. Pag

maulit man yon ganon parin ang

gagawin ko” sabi ni Paulito. Lalo napangiti si Monica at binangga

ang katawan ng binata. “E pano pag

inatake tayo now? Mas madami ka na

prinoprotektahan” tanong ng dalaga.

“Hindi, may tiwala ako sa iyo kaya

ikaw ang mag gwardya sa kanila. Ako ang lalaban, ang mga makakalusot sa

akin ikaw na ang bahala. Mas

maganda pag ganito, alam kong

makakalaban ako ng maayos pagkat


alam kong may nagbabantay din sa

akin. Pero kahit nag anon ay di kita papabayaan” sabi ni Paulito at muli

siya binangga ni Monica at kinurot. “Uy!!! Ang suweet nilaaaah” sabay na

sinigaw ng mga dwende sabay

nagtawanan. Naglayo tuloy ang

dalawang bampira pero biglang

sumigaw si Nyobert. “Ngakbo

ngakbo!!! Ngakot ango!!!” sabi niya at lahat tinignan siya. “Ano daw?” tanong ni Monica.

Nanigas ang katawan ng kapre at

tinatawanan siya ng mga dwende.

“Speak slowly” banat ni Darwino.

“Tanga slow na nga yon e, ibang

language lang gamit niya. Alien!!!” banat naman ni Bobbyno at

nagtawanan ang lahat. May tinuro si Nyobert at paglingon ng

lahat nabalot ng takot ang mga

disipulo pagkat mula sa lupa may

naglalabasan na mga nilalang. Agad

pumorma si Paulito at tinago si Monica

sa likod niya. “Ikaw na bahala sa kanila” utos niya kaya tinipon ng

dalaga ang mga disipulo at

pinalibutan ng dilaw na liwanag. “Sugo! Sugo! Hindi kami lalaban!”

sigaw ng tatlong tiyanak at lahat sila

lumuhod sa lupa. “Kampo kayo ng

kadiliman bakit ako magtitiwala ako

sa inyo?!” tanong ni Paulito at lumabas


na ang mga pangil at kuko niya. “Hindi kami lalaban sugo. Nandito

kami para humingi ng tulong, itago

mo kami. Iligtas mo kami” sabi ng mga

tiyanak. Lumapit si Monica sa tabi ni

Paulito pero pinapatabi parin siya ng

sugo. “Hindi tayo pwede magtiwala agad sa mga ito. Kilalang traydor ang

mga tiyanak” sabi ni Paulito. “Mooomooonica?!!! Wag po!!! Tado ka

kasi sabi ko sa iyo mamatay lang tayo

e. Tignan mo dalawa sila magkasama”

reklamo ng isang tiyanak. Lumapit si

Paultio at tinitigan ang isang takot na

takot na tiyanak. “Sasabihin mo sa akin ang

katotohanan” bigkas niya at biglang

nanigas ang tiyanak at napatayo,

napaamo siya ng bampira sa isang

iglap. “Bakit kayo nandito?” tanong

ng bampira. “Nagtatago kami sa ilalim ng lupa. Nakarinig kami ng bulong na

nagsasabing mag maghanda kami at

manilbihan sa hari ng kadiliman. Lahat

ng sasama mabibiyayaan ng

kapangyarihan at lahat ng di sang

ayon ay mamatay” sagot ng tiyanak. “Tapos?” tanong ni Paulito. “Madami

sa amin ang may ayaw. Ayaw na

namin makilaban, gusto namin

mamuhay ng tahimik. Pero madami sa


amin ang sumang ayon kaya

pinagpapatay nila ang mga ayaw sumanib sa hari ng kadiliman” sagot

ng tiyanak. “Madami po sa amin ang ayaw nang

lumaban. Hindi lang kaming mga

tiyanak. Pati ibang nilalang na

nauugnay sa kampo ng kadiliman ay

ayaw na lumaban. Nasa tahimik na

kami tapos may bumulong nalang sa buong kaharian” paliwanag ng isang

tiyanak. Tumayo si Paulito at hinarap si Monica,

“Nagsasabi sila ng totoo, nag iipon na

ng kakampi ang hari ng kadiliman.

Mas delikado ang paglalakbay natin”

sabi ng binata. “Sugo, meron pa” sabi ng isang

tiyanak kaya napalingon ang bampira.

“Lahat ng sumanib ay patungo dito”

sabi niya. “Dito? Bakit dito?” tanong ni

Monica. “Kailangan nila makuha ang katawan

ng sugo!” sagot ng tatlong tiyanak na

sabay. “Katawan ko? Bakit?” tanong

ng bampira. “Hindi na nasabi pero yun

ang narinig namin sa bulong” sabi ng

mga tiyanak kaya humarap si Paulito kay Monica. “Maaga tayong mapapalaban.

Madaming susugod sa atin. Wala na

tayong oras para makabalik sa

mahiwagang gubat. Kailangan natin


sila itago” sabi niya. “Saan? Pano?

Lalaban ako sa tabi mo, wag mo sasabihin na babantayan ko sila!”

sagot ng dalaga. “Mukhang madami ang pasugod dito,

wala na tayong oras” sabi ni Paulito

sabay pinikit niya ang kanyang mga

mata at nagliyab ang katawan niya.

Mula gubat naglabasan ang mga

paniki, lahat sila nagtungo sa ibabaw ng sugo. Kumuha si Paulito ng isa at bumulong

sa tenga nito. Bumalik ang paniki sa

grupo niya at mabilis sila lumipad

palayo. “Ano yon?” tanong ni Monica.

“Mensahe para kay Tuti, sana

matanggap niya” sagot ng binata. Sumigaw ang tatlong tiyanak at

paglingon nina Paulito ay agad sila

pumorma. Mula sa lupa naglabasan

ang mga masamang tiyanak at sa

langit dinig na dinig na nila ang mga

sigaw ng pasugod na mga aswang at mananananggal. “Kayong tatlo pasok sa dilaw na

liwanag!” utos ni Monica at agad

tumakbo ang tatlong tiyanak.

Nagliyab ang dilaw ang dalawang

kamay ni Monica at tinabihan si

Paulito. Nagbagang pula ang buong katawan ng sugo at sabay silang

naglabas ng mga pangil. “Eto na sila!!!”


Chapter 21: Pakitang Gilas

“Bantayan mo sila” sabi ni Paulito.

“Hindi, ayos lang sila basta nasa loob

sila ng liwanag. Lalaban ako at wag

mo nanaman ako ikukulong!” sabat ni

Monica. “Paano ako lalaban ng

maayos pag alam kong nakikipaglaban ka din?” sabi ng

binata. “So concerned ka talaga?”

landi ni Monica. “Oo! Kaya dito ka lang

sa likod ko” sumbat ni Paulito. “Mas

madali tong laban pag dalawa tayo…o

baka natatakot ka baka mas malakas ako kesa sa iyo?” hamon ng dalaga at

natawa si Paulito. “Alam mo tama ka, mas madali pag

dalawa tayo. Sige papayag ako pero

wag kang lalayo sa tabi ko” sabi ng

binata at papalapit na ang mga

kalaban nila. “Show me what you got”

hamon ni Monica at napangisi ang binata. Humarap si Paulito at huminga ng

malalim, nagliyab ng apoy ang mga

mata niya sabay nagpakawala siya ng

malakas na sigaw. Lahat ng mga

tiyanak napalipad paatras at mga

sumusugod galing sa ere ay lahat nagtakip ng mga tenga at

nagbagsakan sa lupa. “Weak! Eto kaya mo?” sabi ni Monica


at nagliyab ng dilaw ang buong

katawan niya at bigla siyang lumutang

sa ere. Pinikit ng dalaga ang kanyang

mga mata at biglang lumakas ang

hangin sa paligid. Lahat ng kalaban nila lumutang sa ere at pinaglalaslas

ng hangin ang mga katawan nila.

Tumawa ng malakas si Monica at

napatingin sa kanya si Paulito. “Bakit

ka tumatawa na parang bruha?”

tanong niya kaya napatigil ang dalaga. “Kasi talo ka, weak ka!” sumbat ni

Monica at biglang nag apoy ang mga

kamay ng sugo at hinarap niya ang

mga nakalutang na kalaban. “Sinong

weak? Baka ikaw!” sigaw niya at

pinaharap niya ang dalawang kamay niya at may mga apoy na lumabas. Tinosta ni Paulito ang lahat ng
kalaban

na nakalutang sa ere, ilang sandali pa

tumigil siya at nilipad ng hangin ang

mga abong natira. Sigang tumayo si

Paulito at nginitian niya si Monica, “Sila

ang weak” bigkas niya pero nakatulala lang si Monica kaya muling

humarap si Paulito. Ang mga nagkalat na abo muling

nagtitipon at nabubuo muli ang mga

katawan ng kalaban. Parehong di

makapaniwala ang dalawa sa nakikita

nila at ilang sandali pa buhay ulit ang


lahat ng napatay nila. “Paano mo papatayin ang mga ganyan?” bulong

ni Monica at huminga ng malalim ang

binata. “Mukhang mahihirapan tayo

dito, tara na bago mabuo pa yung iba”

sabi ni Paulito at nauna na siyang

sumugod. Sumalubong kay Paulito ang mga

malalaking itim na tikbalang,

pinaglalaslas niya ang mga katawan

nito at naging abo sila ngunit muling

nabuo ang mga katawan ilang sandali

pa. Parang tuloy hindi nauubusan ng kalaban ang sugo, sumugod narin sa

kanya ang mga tiyanak at mga

aswang. Si Monica nakatayo lang at

pinapanood ang laban at kahit may

bumagsak na aswang sa tabi niya,

hindi siya ginagalaw. Totoo ang sinabi

ng tatlong tiyanak, puntirya lang nila

ang katawan ni Paulito. Biglang may naisip ang dalaga at sumugod narin

siya. Di pa nakaabot si Monica ay napatapis

paatras si Paulito. Nasalo ng dalaga

ang binata at mabilis sila sinugod ng

mga kalaban. Agad naglabas ng

bolang liwanag si Monica at doon sa

loob nagtago ang dalawa. Kahit anong gawing atake ng kalaban ay di

nila mabasag ang bola ng liwanag. “Nagsasayang tayo ng oras dito sa


loob” reklamo ng sugo. “Makinig ka

sa akin. Pinapagod ka lang nila” sabi

ni Monica. “Oo alam ko pero

sinusubukan ko lahat pero talagang

nabubuhay ulit sila e” sabi ni Paulito. “May plano ako pero kailangan ko ng

tubig” sabi ng dalaga. “Tubig? Aanhin

mo ang tubig?” tanong ni Paulito. “Basta, kaya sana dalhin mo ang laban

malapit sa batis” sabi ni Monica.

Napansin ng dalawa na palakas ng

palakas ang pagtama ng mga

tikbalang sa liwanag, “At Paulito, wag

kang magpipigil, kailangan ko abuhin mo sila lahat ng mabilis” dagdag ng

dalaga at napatingin sa kanya ang

binata. “O sige, may tiwala ako sa iyo.

Umatras ka konti” sabi ni Paulito. Mula sa isang puno sumilip si Rayisha,

hindi siya sumasama sa laban at

nagmamasid lang. “Ano pang

inaantay niyo?!!! Sirain niyo ang

liwanag na yan!!!” sigaw niya. Ang

mga higanteng itim na tikbalang lalong nilakasan ang pagsuntok at

pagtadyak sa bolang liwanag pero

nagulat sila nang kumislap ng pula

ang bola. Palakas ng palakas ang

pulang liwanag at ilang sandali pa

sumabog ito. Napatalsik paatras ang lahat ng


kalaban, muling nagtago si Rayisha sa

puno. Pagsilip niya nagulat siyang

makita ang si Paulito, nagbabagang

pula ang buong katawan at ramdam

na ramdam ang kakaibang kapangyarihan niya. Mabilis na

binuhat ng sugo si Monica at tumakbo

papunta sa batis. “Habulin niyo siya!!!”

utos ni Rayisha at agad humabol ang

alagad niya. Pag abot ng mga kalaban sa batis

nakita nila si Monica na nakatayo sa

gitna ng tubig at nagliliyab ng dilaw

ang buong katawan. Hindi nila

mahanap ang puntirya nila pero

biglang nakarinig sila ng kakaibang bulong mula sa paligid. Naintriga si

Rayisha kaya lumapit, narinig niya

yung bulong kaya siya napasigaw.

“Hindi yan bulong ng hari ng

kadiliman! Bulong ng sugo yan at wag

niyo papakinggan!!!” sabi niya. Agad nagtakip ng mga tenga ang mga

kalaban, magtatakip narin sana ng

tenga si Rayisha pero nagulat siya ng

may yumakap sa kanya mula sa likod.

Sisigaw sana muli ang aswang pero

ang matatalim na kuko ni Paulito nakatutok sa puso niya. “Wag kang

maingay. Ititira kita” sabi ng bampira


at bigla siyang nagbulong sa tenga ng

aswang. Nanigas si Rayisha at sumugod si

Paulito sa mga kalaban. Habang

nagpapalingon lingon ang mga

tikbalang, aswang at tiyanak at

napakabilis gumalaw ng sugo at isa

isang inabo ang lahat ng kalaban. Nang naabo niya na lahat agad siya

tumayo sa likod ni Monica. “Ikaw na!”

sigaw niya. Muling lumutang sa ere ang mga abo

pero mula sa batis ay naglutangan din

ang mga patak ng tubig. Tinaas ni

Monica ang isang kamay niya at

biglang sumugod ang mga patak ng

tubig at naghalo sa mga abo ng kalaban. Sinara ni Monica ang kamao

niya at biglang naging yelo ang mga

patak ng tubig. Nakulong sa mga yelo

ang mga abo, nagpumilit magdikit

dikit ulit ang mga abo ngunit hindi na

sila magdugtong pagkat yelo na sila. Nabilib si Paulito sa naisip ng dalaga,

sabay humupa ang liyab sa katawan

nila. Sa paligid nagkalat ang mga yelo

at nakita ni Monica ang nanigas na

aswang. “Bakit mo siya tinira?” tanong

niya sabay tumaas ang kilay. “Kasi parang siya ang boss nila at may

binabalak ako” sagot ng binata.


“Anong balak? Maitim na balak no? In

fairness maganda siya…sa akin mo

nalang gawin yung binabalak mo”

landi ng dalaga at natawa si Paulito. “Sira! Magpapadala tayo ng mensahe

sa hari ng kadiliman kaya ko siya

tinira” paliwanag ng binata. “Nagpapatawa lang ako!” sumbat ni

Monica at pareho sila natawa.

Humarap si Paulito kay Rayisha at

nilapit ang mukha niya. “Subukan mo

lang halikan yan, hmp” bulong ni

Monica. “Papaamuhin ko lang, ano ka ba?” sabi ng binata. Humarap ang sugo sa aswang at

nagliyab ang mga mata niya. “Bakit

gusto makuha ng hari ang katawan

ko?” tanong ni Paulito. Napasigaw si

Rayisha at nilalabanan ang pagkontrol

ng bampira sa utak niya. “Hindi ko alam!!! Umalis ka sa ulo ko!!!” sigaw ni

Rayisha. “Nagsasabi siya ng totoo”

bigkas ng bampira at huminga siya ng

malalim. Nagkatitigan ang mata ni Rayisha at

Paulito, “Babalik ka sa hari at

ikwekwento mo sa kanya ang mga

nangyari dito. Pero hindi mo sasabihin

na may kasama ang sugo.

Ikwekwento mo sa hari kung gaano ako kalakas at sabihin mo sa kanya

ako ang papaslang sa kanya” bigkas


ni Paulito sabay lumayo. Nakagalaw na muli ang aswang at

mabilis lumipad palayo. “Monica sana

naintindihan mo bakit ko sinabi na

ako lang ang nakita niya” sabi ng

sugo. “Oo alam ko, ayaw mo malaman

ng hari na may mas malakas sa iyo” sagot ng dalaga at pareho sila

nagtawanan. “Oo alam ko, ayaw mo

bigyan ng bagong pagtutuunan ng

pansin ang hari. Gusto mo ikaw ang

puntirya niya” sabi ng dalaga. “Oo

ganon na nga. Mas madali pag ako lang ang gusto niya makuha” sabi ni

Paulito. “Pero bakit ka niya gusto makuha?

Makapangyarihan na siya, aanhin ka

niya?” tanong ni Monica. “Hindi ko din

alam, baka gusto niya manilbihan ako

sa kanya. Susubukan niya ako

baliktarin siguro pero hindi niya kaya gawin yon” sagot ni Paulito.

“Malamang yun nga siguro ang rason.

Tara na kalian natin maibalik ang mga

kaibigan mo sa mahiwagang gubat”

sabi ng dalaga. Pagkabalik nila sa dating lugar ay

nagulat sila pagkat madaming tiyanak

at ibang nilalang ang nagtipon. Agad

pumorma ang dalawa pero dinig na

dinig nila ang mga sigaw ng tatlong


tiyanak sa bola ng liwanag. “Sila ata yung mga kasama ng tiyanak” sabi ni

Monica. “Hindi tayo nakakasigurado

e” sabi ni Paulito at humarap siya sa

mga nilalang. “Nandito ba kayo para labanan

ako?!!!” tanong ng sugo at biglang

lumuhod ang lahat ng nilalang.

Pinakawalan ni Monica ang tatlong

tiyanak at agad sila tumayo sa harap

ng sugo at pinipigilan siya. “Wag po!!! Kasama namin sila. Kami yung mga

hihingi ng tulong sa iyo” sabi nila. Mas madami pang nilalang ang

nagsilabasan at nagulat ang mga

bampira sa dami nila. “Wag mong

sabihin dadalhin natin sila lahat sa

paglakbay” bulong ni Monica at

huminga ng malalim si Paulito at napakamot. “Malaking problema ito”

sabi niya. Samantala sa mahiwagang gubat

patuloy ang pagplaplano ng mga

mandirigma kasama ang mga

matatandang nilalang. Si Tuti

nagbabantay sa pinakamataas na

puno at may nakakuha ng atensyon niya. Parang may nakita siyang

aninong gumalaw pero paglingon

niya wala naman nilalang doon sa

paligid. Napakamot nalang ang

bampira at may dumapong paniki sa


balikat niya. Bumulong ang paniki sa tenga ng

bampira at agad bumaba ng puno si

Tuti. Nahanap niya si Anhica at Wookie

at agad sinabi ang balita. “Nagfadawa

ng mengshahe shi boshing!!!” sigaw

niya at nakita ng dalawa ang paniki sa balikat ng bampira. “Ano sabi niya?” tanong ni Wookie.

Napakamot si Tuti at agad hinawakan

ang mukha ng mambabarang.

Tinitigan ni Tuti si Wookie at bigla

nalang napaamo ang mambabarang.

“Pasensya na Wookie kailangan ko gawin ito para maintindihan ako” sabi

ng mambabarang at natawa si Anhica. “Nahanap na daw nila ang mga

disipulo pero wala ang pag iisip nila.

Nakuha daw ni Aneth mga tamang

isipan nila. Inatake na daw sila ng mga

kampon ng kadiliman at gusto nila

makamtan ang katawan ni bossing” sabi ni Wookie at nanlaki ang mga

mata ni Anhica. “Kailangan natin magpunta doon para

tulungan sila!” sigaw niya. Bumalik na

ang tamang isip ni Wookie at

binatukan niya si Tuti. “Wag mo na

uulitin yon ha!” sabi niya at napangisi

ang bunging bampira. “Teka teka, kailangan natin ipaalam sa lahat na

umatake na sila” sabi ni Wookie at

saktong lumapit ang mga


matatandang nilalang. “Narinig namin ang sigaw, ano

nangyari?” tanong ng matandang

dwende. “Nakatanggap kami balita

galing kay Paulito. Inatake na sila ng

mga kampon ng hari ng kadiliman”

sabi ni Wookie. “Pero sabi pa niya puntirya ang katawan niya” dagdag

ng mambabarang at humarap ang

matandang diwata. “Tama ang hinala natin, naghahanap

siya ng pansamantalang paninirahan

ng kapangyarihan niya. Ang sugo ang

napili niyang saniban habang wala pa

ang tunay na katawan niya. Ipaalam

mo ito kay Paulito at sabihin mo mag ingat siya at wag magpapahuli.

Kailangan na natin maghanda pagkat

gumalaw na pala sila” sabi ng

matanda at tinipon na nila ang mga

mandirigma. “Magpadala narin tayo ng mensahe sa

lahat ng gubat. Pero tayo ang dapat

maghanda ng maigi pagkat sigurado

dito siya pupunta para makuha ang

katawan niya” sabi ng matandang

tikbalang. Muling napalingon si Tuti at may

nakitang mga anino. “Nangdito nga

ata siwa” sabi niya. “E di sana

naramdaman ko na, may mga iniwan


akong bantay na espiritu sa bawat

sulok ng gubat” sabi ni Wookie. Kinausap na ni Tuti ang paniki saka

pinakawalan. Si Anhica hinila ang

dalawa papunta sa kweba para

bisitahin ang katawan ni Aneth. “Bakit tayo nandito?” tanong ni

Wookie. “Tinanggal ko lahat ng

kapangyarihan ni Aneth pero wala

akong napansin na pag iisip o

kaluluwa ng mga disipulo” sabi ni

Anhica. “Baka naiwan pa sa katawan niya” sabi ng mambabarang. “Yun na

nga e, bantayan niyo ang papasok ng

kweba at susubukan ko hanapin ito

sa katawan niya. Baka kasi isipin ng

iba na sinasaktan ko siya” paliwanag

ng dalaga at nagbantay ang dalawa sa labasan. Pinatong ni Anhica ang kamay niya sa

ulo ng tulog na diwata. Nagliwanag

ang buong kweba at sinimulan na

niya ang paghahanap. Ilang minute

ang lumipas at tumigil ang liwanag.

Agad lumapit ang dalawa at nakibalita pero nakasimangot na mukha ng

dalaga ang sumalubong sa kanila. “Wala talaga don e” sabi ni Anhica.

“Ha? Ano ibig mo sabihin? Ligaw na

espiritu sila?” tanong ni Wookie.

“Hingdi! Shavi ni voshing vuhay shila

e” sabi ni Tuti. “Talang pag iisip lang


nila ang wala. Ginawa ko na lahat ng makakaya ko para mahanap sila sa

isipan at utak ni Aneth pero wala

talaga sila doon” sabi ng dalaga. “Anong ibig mo sabihin? Hindi na

babalik sa tamang pag iisip ang ibang

disipulo?” tanong ni Wookie at

napayuko ng ulo si Anhica. “Ganon na nga”

Chapter 22: Ang Hamon

Nakabalik si Rayisha sa pinakamadilim

na sulok ng kaharian. Takot na takot

siya pumasok sa kweba pagkat bigo

siya sa kanyang tungkulin. Tahimik

ang kweba at dumikit ang aswang sa

may batuhan ang kinapa ang daanan niya papasok sa loob. “Bigo ka sa iyong tungkulin. Bilib ako

at may lakas ka pa ng loob bumalik

dito” sabi ng malalim na boses na

dumagundong sa buong kweba.

Napaluhod si Rayisha sa lupa at

nanginig sa takot. “Patawarin niyo po ako mahal na hari. Wala po kasi ako

alam sa laban kaya nanood lang ako

at namuno” sabi ng aswang. “Nagrarason ka pa. Tinanggap mo

ang misyon kaya umaasa akong ng

magandang resulta. Pero bigo ka!

Bakit di pa ba sapat yung binigay


kong tauhan para sumama sa iyo?”

tanong ng boses. “Mahal na hari malakas po ang sugo.

Tapos hindi po lahat ng itim na

nilalang ang sumama sa atin. Yung iba

ayaw nila kaya kokonti lang ang

nakasama ko” paliwanag ni Rayisha at

biglang lumiwanag ang kweba at nakita niya si Ikaryo sa malapit. “Sabi ko naman sa inyo malakas ang

sugo e. At mukhang mahina ang

bulong niyo para makumbinsi ang

ibang nilalang” sabi ni Ikaryo at bigla

siyang napalipad ng malayo.

“Iniinsulto mo ba ako Ikaryo?!!!” sigaw ng malalim na boses at agad

tumakbo ang aswang sa tabi ng

bagsak na lalake. “Lumapit ka sa akin Rayisha” sabi ng

boses at napalingon lingon sa paligid

ang aswang. “Nasan po kayo?”

tanong niya. Lumitaw ang itim na usok

sa malapit at agad tumayo ang

aswang at nagtungo doon. Napalibutan ng itim na usok ang

katawan ni Rayisha, ilang sandali pa

pumasok ito sa loob ng bunganga

niya. Pinikit ng aswang ang kanyang

mga mata at sa muling pagmulat niya

buong itim na ang mga mata niya. May liwanag na lumabas sa mga mata

ng aswang at tumama ito sa isang gilid


ng kweba. Mga imahe ng nang

nangyari sa katatapos na laban ang

lumitaw at agad lumapit si Ikaryo para

manood. Lumipas ang ilang minute ay biglang

tumawa ang hari nang makita ang

mga nagkalat na yelo sa lupa. Agad

namatay ang liwanag at bumagsak

ang katawan ni Rayisha sa lupa.

“Mahusay! Gusto ko siya talaga! Napabilib niya ako” sabi ng hari. “Pero mahal na hari parang may mali

sa napanood natin” sabi ni Ikaryo.

“Mali? Anong mali ang sinasabi mo?”

tanong ng boses. “Kasi hindi diwata

ang sugo, pero yang huling

kapangyarihan na nagamit ay kapangyarihan ng malakas na

diwata” paliwanag ng lalake. “Hmmm…ngunit yun lang ang nakita

ko sa isipan ni Rayisha. At wala naman

ibang nilalang ang kasama ng sugo sa

napanood natin” sabi ng hari. “Kaya

nga ho e. Kaduda duda ang

kapangyarihan na yon. Ang sugo ay bampira, at ang kapangyarihan niya

kasintulad lang ng kapangyarihan ng

kadiliman” dagdag ni Ikaryo. “Anong ibig mo sabihin? Na kaya ng

sugo sumagap pa ng ibang

kapangyarihan? Mas maganda pag

ganon. Mas lalo kong gusto ang


katawan niya pagkat pag ganon nga

siya ay halos kapareho na niya ang tunay kong katawan” sabi ng boses at

tumawa ng malakas. Di mapakali si Ikaryo at di parin

makapaniwala sa napanood niya.

“Mukhang may duda ka talaga Ikaryo.

Nakakainsulto na yang pag asta mo.

Parang sinasabi mo na palpak ang

pagpasok ko sa isipan ni Rayisha ganon ba? Lahat ng nakita mo ay

galing mismo sa napanood ng

aswang kaya talagang naiinsulto na

ako sa iyo” sabi ng hari at agad

lumuhod si Ikaryo at humingi ng

tawad. “Patawad po mahal na hari. Di ko lang

talaga maipagtagpi kung bakit kaya

ng sugo magmanipula ng

kapangyarihan galing sa paligid.

Ngunit baka tama din ang hinala niya

at kaya niya sumagap ng ibang kapangyarihan” sabi ng lalake at

niyuko ang ulo niya. “Oo at lalo ko na siyang gusto kaya

magpapadala ako ng mas malalakas

na kampon pero Rayisha ikaw parin

ang mamumuno sa kanila!” sigaw ng

boses at natakot ang aswang. “Hindi

ko na po kayo bibiguin…pero mahal na hari may pinapaabot na mensahe

ang sugo sa inyo” sabi ng aswang at


muling lumitaw ang itim na usok at

lumapit sa kanya. “Magsalita ka!” utos ng hari. “Sabi po

niya na hindi mapapasainyo ang

katawan niya at siya daw po ang

papaslang sa inyo” sabi ni Rayisha sa

nanginginig na boses. Tahimik ang

buong kweba pero biglang umiinit ang hangin at ramdam ang

kapangyarihan ng hari. Dumikit si Rayisha kay Ikaryo at

kumapit dito pagkat ramdam nila ang

galit ng hari ng kadiliman. “Siya ang papaslang sa akin?

Hinahamon ba niya ako? Sigurado ka

yan ang mga salitang binigkas niya?”

tanong ng hari. “Opo, kaya niya ako di

pinatay para ipaabot ko sa inyo ang

mensaheng iyon” sagot ng aswang at lalong nagalit ang hari. “Ikaryo pabalikin mo ang mga anino

ngayon din!!!” sigaw ng hari at

tumayo ang lalake at agad nagsagawa

ng ritwal. Ilang sandali lang mabilis na

nakabalik sa katawa ni Ikaryo ang

mga anino at agad pumasok ang itim na usok sa bibig ni Ikaryo. “Naghahanda narin sila sa gubat.

Nandon parin ang katawan ko. Ngunit

hindi ko nakikita doon ang mga

nilalang na nakalaban ko” sabi ng

hari. “Mahal na hari matagal nang

panahon ang lumipas. Yumao na po ang mga malalakas na nilalang na


yon” sabi ni Ikaryo at parang natuwa

ang hari. “Ganon ba? Mahusay kung ganon.

Magbabago ang plano ko!” sabi ng

hari at agad siya lumabas ng katawa

ni Ikaryo. “Rayisha bumangon ka at

balikan mo ang sugo. May mensahe

akong nais iparating sa kanya” sabi ng hari at agad tumayo ang aswang. “Sabihin mo sa sugo na magkita
kami

sa mahiwagang gubat at doon kami

magtutuos” sabi ng hari at nagulat si

Rayisha. “Hindi niyo na puntirya ang

katawan niya?” tanong ng aswang.

“Wag kang sasabat pag di pa ako tapos!!!” sigaw ng hari at agad

nalaslas ang dibdib ng aswang kaya

napasigaw siya ng malakas. Unti unti nahilom ang laslas at muling

nakahinga ng maayos ang aswang.

“Sasabihin mo sa kanya sa

mahiwagang gubat kami magtutuos…

kung malusutan niya kayo. Bibigyan

kita ng makapangyarihan na mga kasama. Alam ko na ang mga

pwedeng tumalo diyan sa sugong yan

kaya wag kang mag alala iha” sabi ng

hari. “At sabihin mo sa kanya na mauuna

na ako sa gubat at aantayin ko siya

don! Tiyak magugulo ang isipan niya

sa laban. Hindi ko gagalawin ang mga


nilalang sa gubat, akoy mag aantay

lang doon sa pagdating niya” “Pag nalusutan niya kayo

maghaharap kami sa gubat at doon

ako mismo ang tatalo sa kanya at

aangkinin ko ang katawan niya.

Susubukan ko ang katawan niya at

papasalangin ko ang lahat ng nilalang sa gubat gamit ang katawan ng sugo.

At pag nagustuhan ko ang katawan

niya yon na ang magiging

permanenteng katawan ko. Pag hindi

ay pwede ko naman hukayin ang

tunay kong katawan para akoy makapaghari na dito sa Plurklandia!!!”

sigaw ng boses sabay tumawa ng

malakas. “Ano pang inaantay mo? Layas na!!!”

sigaw ng boses at agad lumabas ng

kweba ang aswang. Tumayo si Ikaryo

at naglakad lakad. “Mahal na hari

pano niyo maabot ang mahiwagang

gubat? Sabi niyo hindi kayo makakalabas sa dito pag wala kayong

katawan” tanong ni Ikaryo. Di siya pinansin ng hari at

naramdaman niya na may

namumuong malakas na

kapangyarihan sa kweba. Nabingi si

Ikaryo sa binibigkas na dasal ng hari

kaya nagtakip siya ng tenga niya. Muling kumalat ang bulong sa buong
kaharian, dinig na dinig din ito sa

mahiwagang gubat. Sa isang dako ng

kaharian ay gumalaw ang lupa. May

mga patay na nilalang ang lumabas at

muling bumangon. Tatlong nilalang ang tumayo at muling

nakahinga, pulang pula ang mga mata

nila at natuwa sila sa bagong buhay

na binigay sa kanila ng hari ng

kadiliman. “Kamiy tapat na

maglilingkod mahal na hari” sabay sabay nila binigkas at biglang

nagsilabasan ang mga pakpak nila at

sabay sabay sila lumipad patungong

langit. Lumindol ng malakas sa buong

kaharian, ang mga bulkan biglang

gumuho at sa loob nagsilabasan ang

mga higanteng taong apoy. Mula sa

karagatan nagsilabasan ang mga

higanteng ahas at lahat sila nagtungo sa mahiwagang gubat. Mula sa buong kaharian

nagsibangong ang mga patay na

nilalang, at sa bundok ng Asura

naghilom ang mga sugat ng mga

napaslang na nilalang at muling

bumangon. Ang nagkalat na laman ng isang aswang muling nabuo at nang

makahinga ito nagpakawala ito ng

malakas na sigaw. “Dwardo, Tikyo, bangon!!! Binigyan


tayo ng panibagong buhay ng hari ng

kadiliman. Nagtagumpay si Ikaryo!!!”

sigaw ni Raika at agad niya tinipon

ang mga kasama niyang aswang at

manananggal at binuhat ang mga ibang nilalang at lumipad sila sa ere. “Saan tayo pupunta Raika?”
tanong ni

Dwardo na nakasakay sa likod ng

isang manananggal. “Pupuntahan

natin ang kapatid ko at papaslangin

natin ang sugo!” sabi ni Tikyo. “At

sana nandon din si Monica pagkat ipapatikim ko sa kanya ang

kapangyarihan ko! Sige sugod!!!”

sigaw ng aswang. Mga higanteng taong lupa at mga

higanteng taong bato ang

nagpayanig sa buong kaharian. Sa

mahiwagang gubat lahat ay abala

pagkat ramdam na nila ang

paparating na delubyo. “Mga diwata! Agad palibutan ng

liwanag ang gubat!” utos ng

matandang dwende. Ang mga

matatanda tumakbo patungo sa batis

kung saan may isang diwata na

nagpakita ng mga kaganapan sa tubig. Ang tubig ng batis

nagmistulang malaking papanooran

kung saan nakikita ang bawat sulok

ng kaharian. “Naku po, mga higante pinakawalan


niya” sabi ng tikbalang. “Lahat ng mga

napaslang na nilalang binuhay niya…

pati kaya mga ninuno?” tanong ng isa.

“Hindi, ang mga ninuno ay yumao na

at naglaho na ang katawan nila. Siguro alam nila ganito ang

mangyayari at ayaw nila magamit ang

katawan at kapangyarihan nila”

paliwanag ng isang matanda. Ang mga grupo ng mambabarang

nagtipon upang magsagawa ng

seremonyas para maipatawag ang

lahat ng espiritu na lumaban para sa

kanila. “Maayos ang mga espiritu,

mukhang hindi sila pinatawag ng hari ng kadiliman” sabi ng matandang

mambabarang at nakahinga ng

maluwag si Wookie. “Anong balita sa kampo ng mga

bampira? Aanib ba sila sa atin o sa

kalaban?” tanong ng isang nilalang at

lahat napatingin kay Tuti. “Ango nga

bahala, fufuntahan ko sila at tifunin”

sabi ng bunging bampira at agad siya nawala. “Kumusta ang estado ng ibang gubat?

Kumusta na kaya sina Nella?” tanong

ng matandang tikbalang at tinuro ang

diwata ang saktong lugar sa tubig.

“Maayos ang lahat ng gubat at

nakahanda na sila. Mukhang dito patungo ang lahat ng kampon ng hari


ng kadiliman. Ang reyna ay nasa

maayos na kalagayan at patuloy ang

paglilipat nila ng mga tao sa mga

gubat” paliwanag ng diwata. May sumigaw na bata at tinuro ang

buwan, lahat ng nilalang napatingin

sa langit at nagulat sila sa nakita nila.

Ang pulang buwan nagbabago at ang

matingkad na kulay nito napalitan ng

mala dugong pula. “Ito na nga ang nakasaad sa libro ng

mga ninuno. Ang pagdugo ng buwan

ay hudyat ng simula ng pagsalakay ng

hari ng kadiliman” sabi ni Berto at

lahat napatingin sa kanya. “Ikaw

multo sabihin mo sa amin ang lahat ng magaganap! Pano magwawakas ang

lahat ng ito?” tanong isang matanda. Napailing si Berto at pinakita ang libro

sa mga nilalang. “Nakikita niyo ito? Ito

ang libro ng Magigiting. Ito ay

sinusulat ko palang para makwento

sa mga nilalang at tao sa kinabukasan

ang lahat ng naganap dito. Sinusulat ko dito ang mga kwento niyo, kwento

ninyong mga magigiting na

mandirigma na haharap sa hari ng

kadiliman” “Sa tingin niyo ba magsusulat pa ako

ng ganito pag alam ko hindi maganda

ang kalabasan ng laban na ito?


Tanging masasabi ko ay hindi madali

ang laban na ito at kakalat talaga ang

dugo. Wag kayong makapante sa sinabi ko, imbes na makapante ay

todo niyo pa ibigay ang lahat para

masigurado na mabasa nga ng mga

nilalang at tao ng kinabukasan ang

librong ito” sabi ni Berto. Nagtinginan ang mga matatandang

nilalang at napabilib sila ng multo.

“Tama siya, sisiguraduhin natin na

mababasa ng madami ang libro ng

magigiting!” sigaw ng dwende at lahat

ng nilalang tila nabuhayan. Lumabas si Anhica sa kweba at lahat

napatingin si Wookie at Berto sa

kanya. Gulat na gulat ang dalawa sa

nilalang na lumabas kasunod ng

dalaga kaya si Anhica niyuko nalang

ang ulo niya. Biglang natuwa ang ibang nilalang at sabay sabay sila

sumigaw. “Gising na ang punong diwata!!!” Sa malayong sulok ng kaharian

nagsasaya ang hari ng kadiliman

habang si Ikary palakad lakad sa loob

ng kweba. “Mahal na hari, hindi ko

maintindihan ang plano mo. Paano

tayo susugod sa mahiwagang gubat pag wala pa ang katawan ng sugo?

Sabi mo hindi ka pwede lumabas pag

wala kang katawan” sabi niya. Biglang tumahimik ang kweba at ilang
sandal pa may itim na usok ang

muling namuo sa harapan ni Ikaryo.

Kakaiba ngayon pagkat humulma ng

katawan ng tao ang uso at nanlaki

ang mga mata ng nilalang nang nagkaroon din ng mukha ang hari. “Madami ka masyado tanong Ikaryo.

Mapalad ka pagkat ikaw palang ang

pinakitaan ko ng aking mukha. Alam

mo ba sino lang ang nakakakita ng

mukha ko? Tanging mga nilalang na

nais kong saniban!!!” sigaw ng hari. Napanganga si Ikaryo at nanginig ang

buong katawan. Nanigas siya at

biglang sumugod ang itim na usok sa

bunganga niya. Lumutang sa ere ang

katawan ni Ikaryo habang patuloy

pumapasok ang itim na usok sa kanya. Nagsara ang mga mata niya at tila

nagbabago ang katawan. May

kuryenteng dumaloy sa buong

katawan ni Ikaryo at pagmulat ng

mata niya itoy pulang pula at nag

aapoy. Isang malakas na tawa ang dinig na dinig sa buong kweba, boses

parin ng hari ng kadiliman pero itoy

nanggagaling na sa bunganga ni

Ikaryo. Ilang sandali pa lumabas si Ikaryo ng

kweba at huminga ng malalim. Muli

siyang napatawa ng malakas at ito ay


dinig na dinig sa buong kaharian ng

Plurklandia. Kasabay ng sigaw ay

malakas na pwersa mula sa katawan niya ang nakawala upang iparamdam

sa lahat ang kanyang kapangyarihan. “Maghanda kayo lahat!!!”

Chapter 23: Delubyo

Sa isang sulok ng kaharian tinipon ni

Paulito ang mga itim na nilalang na

nagrebelde. Sinusubukan niya sila

pakampatehin pagkat takot na takot

sila. “Mga kaibigan wag kayong

matakot. Tutulungan ko kayo at ililigtas ngunit sa ngayon dadalawa

lang kami” sabi ng bampira nang may

isang paniki ang dumapo sa kanyang

balikat. Bumulong ang paniki sa tenga ng

bampira at biglang kumunot ang noo

ni Paulito. “Bakit ano sabi niya?”

tanong ni Monica. “Alam ko na bakit

gusto ng sugo ang katawan ko. Ang

tunay na katawan niya nasa ilalim ng mahiwagang gubat. Maaring

pansamantala niya gusto ang

katawan ko habang wala pa ang

tunay na katawan niya” sabi ng

binata. “Kailangan natin magtungo sa


mahiwagang gubat!” sabi ng dalaga

at napailing ang mga itim na nilalang.

“Hindi natin sila pwede maiwan.

Malaking problema ito” sabi ni Paulito.

“E di ikaw magpunta doon, maiiwan ako at ako magtatanggol sa kanila”

alok ni Monica at napatingin sa kanya

ang binata. Tumalikod ang sugo at natahimik,

lumapit sa kanya si Monica at tinitigan.

“O ano nanamang drama yan?”

tanong niya pero seryoso ang mukha

ni Paulito at biglang tinakpan niya ang

bibig ng dalaga. “Sabihin mo sa akin na di mo naramdaman yon” bulong

ng binata. “Ramdam naman” sagot ng

dalaga sabay haplos sa dibdib ng

sugo. “Monica hindi yan, paparating

na ulit sila!” sigaw ng sugo at agad

hinarap ang mga nilalang. “Ako na bahala sa kanila” sabi ni

Monica. “Ano gagawin mo?” tanong ni

Paulito. “Lahat kayo makinig sa akin!

Magtungo kayo lahat sa batis. Bilisan

niyo!!! Doon sa tubig mismo. Sa mga

tiyanak magpabuhat muna kayo! Mga disipulo…basta kayong sampu

sumama kayo sa kanila dalian niyo!”

sigaw ng dalaga. Lahat nagtakbuhan papunta sa batis

habang si Paulito mariing na


nagbantay. Pati mga disipulo binuhat

na ang kasama nilang mabagal at

nagsasaya pang nagtungo sa tubigan.

Nang ang mga nilalang ay nasa gitna na ng tubig ay muling nagpakitang

gilas ang dalaga. Tumaas ang tubig sa

paligid ng mga nilalang at humulma

na mistulang kulungan. Lumiwanag

ang paligid at nagsilutangan ang mga

bato at lupa at pinalibutan ang kulungan. Huling hirit ng dalaga at

nagpakawala siya ng malakas na

liwanag na bumalot sa nagawa niyang

kulungan. “Ligtas kayo kayo diyan”

sabi niya sabay bumalik sa tabi ng

sugo. Mula sa kalangitan nakita ng dalawa si

Rayisha na paparating, pagbaba niya

sa lupa ay agad nila hinarap ang

aswang. “May pinaparating na

mensahe ang hari ng kadiliman” sabi

ni Rayisha. “Tinatanggap niya ang hamon mo! At doon daw kayo sa

mahiwagang gubat maghaharap…

kung makadaan ka!” sigaw ng

aswang at mula sa langit daan daan

na mga aswang ang biglang lumitaw.

Yumanig ang lupa at nagsilabasan ang mga daan daang tiyanak at tikbalang. “Sus, di na kayo natuto.
Dating gawi!”

sabi ni Monica at agad sila pumorma.


“Wag kayo magpapakasigurado!!!”

sigaw ng isang boses at mula sa langit

tatlong nilalang na may pakapak ang

dumating. Tumayo ang tatlo sa harapan ni Rayisha at agad nila

nilabas ang kanilang espada. “Vampire hunters…binuhay pala

kayo” sabi ni Paulito. “Jackpot!!!

Makakabawi narin ako sa iyo!!!” sigaw

ng isang boses ng babae mula sa

langit, lahat napatingin sa taas at

nagulat si Rayisha. “Raika…ate?” bigkas niya. “Akin ang bruha!!!” sigaw ni Raika at

nagliyab ang mga mata niya, humaba

ang mga kuko at lumipad pababa at

sinugod si Monica. Lumabas din ang

mga kuko ng dalagang bampira,

humaba ang kanyang mga pangil at tumalon ng mataas at sinugod ang

aswang. Napatingin sa langit si Paulito para

mapanood ang pagharap ni Monica at

Raika, mga vampire hunter biglang

sumugod gamit ang kanilang mga

espada at sinaksak ang binata sa

katawan. Magsasaya na sana sila pero ang katawan ng sugo biglang naging

mga paniki na nagkalat. Napalingon

ang tatlo sa paligid at naamoy nila ang

sugo sa isang puno. Bago sila makatingala ay palipad na

pababa si Paulito, parehong kamay


nagbabaga at sinaksak sa dibdib ng

dalawa. Nakaligtas yung isa at agad

winasiwas ang kanyang espada. “Ano pang tinatayo tayo niyo?

Sugod!!!” sigaw ni Rayisha at mga

kampon ng kadiliman lahat sinugod

ang sugo. Sa ere naging mabangis

ang paghaharap ni Monica at Raika.

Ramdam ng aswang ang bagong kapangyarihan na bigay ng hari kaya

ang bibilis ng mga atake niya. Naglabas ng apoy sa kamay si Monica

sabay ngumisi, isasaksak na sana niya

ito sa dibdib ni Raika pero nginisian

din siya ng aswang. “Ibahin mo na

ako ngayon!” sigaw ni Raika at mula

sa bibig niya lumabas ang mas malakas na apoy at tinamaan ang

dalagang bampira. Narinig ni Paulito ang sigaw ni Monica,

paglingon niya nakita niya ang dalaga

sa lupa at pinapaapuyan pa ng

aswang. Susugod sana siya papunta

doon pero nalaslas siya sa braso ng

vampire hunter. Mga tiyanak humawak sa mga paa niya at

pinagbubugbog siya ng mga

tikbalang. Iba na ang mga nilalang na kalaban

nila, kung dati kaya ni Paulito

makawala, ngayon hirap na siya at

nararamdaman niya ang bagong


dulot na kapangyarihan galing sa hari

ng kadiliman. Si Rayisha nagtago sa likod ng puno

habang pinapanood niya ate niya

tostahin pa lalo ang bruha. “Rayisha

manood ka ng maigi! Weak ka!

Panoorin mo pano ko papaslanging

tong bruhang ito! Manood ka!!!” sigaw ni Raika. “Pakawalan niyo ang sugo!!!” sigaw

ng vampire hunter at bagsak si Paulito

sa lupa at hinang hina. “Di mo dapat

pinagawa yon” bulong ng sugo at

tumawa ang kalaban niya. Sinipa ang

bampira sa baba at napalipad ito sa ere. Agad lumipad ang vampire hunter

at paikot na winawasiwas ang espada

niya. Kay daming laslas ang natamo ni

Paulito sa katawan, lumipad pa lalo

pataas ang vampire hunter at dinagod

ang bampira sa ulo at muling bumagsak ang sugo sa lupa. “Sige karnehin niyo na yan!!!” sigaw

ng vampire hunter at dinumog ang

katawan ng sugo ng mga kalaban.

Tumigil si Raika sa pagpapawala ng

apoy at pinanood nalang ang

nasusunog na katawan ni Monica. Nagtabi ang aswang at vampire

hunter sa ere at tuwang tuwa sila sa

nagawa nila. “Mukhang di niyo na kami

kinailangan” sabi ni Tikyo. “Doon


nalang tayo sa mahiwagang gubat

bumawi. Mukhang tapos naman na

ang misyon natin dito” sabi ni Dwardo

na nakatayo sa balikat ng tikbalang. “Hindi pa tapos…may naamoy pa

akong mga bampira. Di ko sila

mapapatawad sa nagawa nila sa mga

kapatid ko. Doon sila batis!” sabi ni

Giorgo. Agad nagtungo sa batis ang

apat at pinagmasdan ang mahiwagang kulungan. “Dito ko masusubukan ang

kapangyarihan ko!” sigaw ni Tikyo at

agad niya kinabog ang kulungan at

dahil sa bagong kapangyarihan niya

agad nagkaroon ng biyak ito. “Baka

maunahan pa kita!” sigaw ni Dwardo at agad siya sumisid sa tubig para

magpapilalim sa lupa. Tumulong narin si Raika at Giorgio sa

pagpapatumba ng kulungan at kitang

kita sa loob na takot na takot ang mga

nilalang. Mas madami pang kalaban

ang dumating, ang iba tumulong sa

pag gulpi sa sugo habang yung iba tumulong sa pag giba sa kulungan. Lumabas si Rayisha at nilapitan
ang

namamatay nang apoy. Agad niya

napansin ang maliit na burol na gawa

sa lupa at unti unti itong gumuguho.

May lumabas na kamay kaya agad siya

napasigaw. “Ate!!! Buhay pa siya!!!” sigaw niya at agad sumugod si Raika


kasama ang ibang mga aswang. Tumayo si Monica at pinagpag ang

natitirang lupa sa katawan niya. Galit

ang itsura niya at nanlilisik ang mga

mata. Napatingin siya sa mga

nagkumpulang mga nilalang pero

agad siya napangiti. “Tama na ang paglalaro Paulito” bigkas niya at

biglang nanigas ang lahat ng kalaban

nang nakarinig sila ng bulong sa

paligid. “Ayos ka lang ba Monica?” sabi ng

bulong at tumawa ang dalagang

bampira. “Sino ba ang kausap mo?

Siyempre ayos na ayos pero galit na

galit!!!” sagot ni Monica at bigla siyang

sumigaw ng malakas at nagpalutang sa ere. Ang mga pangil niya nawala at mga

kuko bumalik sa mga daliri. Mga

pulang baga sa mga kamao niya

napalitan ng dilaw at ang mga pulang

mata niya napalitan ng puti. “Wag

kayo matakot!!! Sugurin ang bruha!!!” sigaw ni Raika. “Ang kulit mo!!! Sinabing hindi ako

bruha!!!” sigaw ni Monica at lumipad

siya sa ere at sinalubong ang mga

aswang. Sa lupa nakatayo lang ang

mga kalaban at hinahanap ang

nawawalang katawan ng sugo. Naririnig parin nila ang bulong pero di

nila alam kung saan nanggagaling. “Ako ba hinahanap niyo?” tanong ng


sugo at lahat napatingin sa taas ng

puno at nakita nila ang nagbabagang

nilalang. Ang bilis nagpapababa ng

bampira at agad ulit nawala. Pasulpot

sulpot si Paulito sa tabi ng mga kalaban at bumubulong sa mga tenga

nila. Sa sobrang bilis ng galaw niya

agad nagsibagsakan ang mga

kalaban sa lupa at nakalahati agad

ang bilang nila. Nakita ni Giogio ang nangyari kaya

agad siya napasugod habang patuloy

ang pagtama ni Tikyo sa kulungan na

malapit na mabasag. Napansin ni

Paulito ang pasugod na kalaban kaya

agad siya sumigaw ng malakas at ang mga natirang kalaban nanigas at

nagtakip ng tenga. Muli siyang

nagpaikot ng mabilis at isa isang

pinatay ang mga nilalang. Pagkalapit ni Giorgio ay nagulat siya

pagkat silang dalawa nalang ng sugo

ang nakatirang nakatayo. “Lalaban ka

pa ba o hahayaan nalang kita

tumakas?” tanong ng sugo at

huminga ng malalim si Giorgio at hinawakan ng mahigpit ang kanyang

espada. “Yan ang desisyon mo…sige” bigkas

ng sugo at bigla siyang nawala.

Napalingon sa paligid si Giorgio at


inamoy ang paligid. “Hindi mo ako

kaya taguan!!!” sigaw niya at agad

siya humarap sa kanan pero kamao ni Paulito ang natikman niya. “Bobo wala

ako balak magtago” sagot ng sugo at

muli siya nawala. Dahan dahan bumangon si Giorgio at

hinihimas ang panga niya. “Yan lang

ba ang kaya mo?” tanong niya at mula

sa kanan nasapak ulit siya ng sugo.

Muling bumangon ang vampire hunter

at tumawa habang nilalasap ang dugo sa bibig niya. “Duwag ka! Duwag ang

sugo. Bakit di mo ako kayang

harapin? Bakit mo kailangan

magtago?” sabi niya at biglang

sumulpot si Paulito sa harapan niya at

agad niya pinikit ang mga mata niya pagkat akala niya tatamaan siya. Dinuro lang ni Paulito ang noo niya
at

nainsulto agad si Giorgio. “Minamaliit

mo ako hayop ka!!!” sigaw niya at

winasiwas niya ang espada niya at

tumama ito sa dibdib ng sugo. Ngumiti

lang si Paulito kaya paulit ulit tinamaan ng vampire hunter ang sugo pero

napansin niyang hindi nagagalusan

ang katawan nito. “Anong nangyayari? Imposible na to!

Ang espadang ito sadyang ginawa

para sa mga bampira” sabi ni Giorgio

at tumawa ang sugo. “Walang duda…


pero sino ba ang tinatawag mo para

makaharap? Tinawag mo ang Sugo kaya ang Sugo ang mismong haharap

sa iyo at hindi bampira!!!” sigaw ni

Paulito at agad niya nasakal sa leeg si

Giorgio at tinaas. Hindi na makahinga ang vampire

hunter at ang lahat ng lakas niya tila

sinisipsip ng kamay ng sugo na

nakahawak sa leeg niya. “Kanina

pinagbibigyan ko lang kayo…hindi

basta basta lumalabas ang kapangyarihan ng sugo. Tinago ko

ang kapangyarihan ng sugo sa loob

ko at lalabas lang ito pag nasa

panganib ako o sa puntong sobra ang

galit. Bilang bampira aminado ko hindi

ko kayo kaya harapin, maaring natalo niyo ako pero hindi naman ako ang

tinatawag niyo para harapin. Ang

tinawag niyo ang sugo kaya eto

tikman mo ang kapangyarihan ng

Sugo!!!” sigaw ni Paulito at lalo pang

nasipsip ang lahat ng lakas ni Giorgio. Ilang sandal pa papayat ng papaya

ang katawan niya at unti unting

nagiging abo. Tumingin si Paulito sa

langit at tinignan si Monica. “Ayos ka

lang ba diyan?” tanong niya gamit

utak niya. Nagulat ang dalaga pagkat ngayon niya lang nakausap si Paulito
gamit ang utak lamang. “Oo ayos lang

ako, yung kulungan malapit na

magiba” sagot ng dalaga. “Ako bahala

don” sabi ng sugo at dahan dahan

naglakad palapit sa kulungan. Nakapasok na ang kamao ni Tikyo sa

kulungan at pinagkakagat ito nina

Darwino at Bobbyno. Tawa lang ng

tawa ang tikbalang pero biglang

tumigil ang mga kagat kaya nilabas

niya ang kamay niya at sumilip siya sa loob. “Bakit napagod na ba ang mga

panga niyo?” tanong niya sabay tawa.

“Hindi…pero lagot ka paparating na

siya o…bleh!!!” sabi ni Darwino sabay

tawa. Tumawa si Tikyo pero bigla siyang

nakaramdam ng init sa kapaligiran.

Dahan dahan niya nilingon ang ulo

niya at nakita niyang may

nagbabagang nilalang na dahan

dahan naglalakad palapit. Hinahangin ang buhok ng sugo at nag aapoy ang

mga mata niya. Nanginig bigla ang

katawan ni Tikyo pero agad siya

tumayo ng maigi at tumawa. Bago pa makalabas ang tawa niya

sumulpot sa harapan niya ang sugo at

nahawakan siya sa leeg. “Bitawan mo

ako Sugo kung ayaw mo saktan ng


kasama ko ang mga nasa loob” banta

ni Tikyo. Sa loob ng kulungan nakalabas na si Dwardo mula sa lupa,

nagsisigawan na ang mga nilalang

doon at nang susunggabin na ng

tiyanak si Bobbyno ay pumasok ang

kamay ng sugo sa loob at nahuli sa

leeg si Dwardo. Nilabas niya si Dwardo at tinaas ang

dalawang nilalang. “Kayo lang ang

pinadala ng hari ng kadiliman? Ano

tingin niya sa akin bata?” tanong ni

Paulito. “Ayos lang sugo, itong panalo

sa iyo na pero tandaan mo ibabalik naman kami ng hari kaya

maghaharap ulit tayo…kung

maunahan mo siya sa mahiwagang

gubat. Wala ka nang oras…pagkat

ngayon palang sumusugod na siya

doon” sabi ni Tikyo sabay tumawa. Nagalit si Paulito at pinag umpog ang

ulo ng dalawang nilalang. Sa sobrang

gigil paulit ulit niya pang pinag

uumpog ang dalawa at kahit wala na

silang buhay di parin niya tinantanan

ang dalawa. Yumakap ang dalawang dwende sa

paa ng sugo, pati si Nyobert

sinubukan awatin ang sugo. “Tama na

bossing, kawawa na sila” sabi ni


Bobbyno at biglang natauhan si

Paulito. Agad niya binitawan ang patay na katawan ni Tikyo at Dwardo

at huminga ng malalim. Muntik na siya

nagpaagos sa kapangyarihan ng

sugo at muntik na siya bumigay sa

kadiliman nito. “Maraming salamat mga kaibigan ko”

bigkas ng sugo at humupa na ang

pagliliyab niya. “Monica tama na ang

paglalaro mo, kailangan natin

magpunta sa mahiwagang gubat

ngayon din” sabi ng sugo gamit ang utak niya. Si Monica lasog lasog ang katawan

biglang nagpaikot ikot at nagulat ang

mga kalaban niya pagkat ni isang

bakas ng sugat nawala. Ang bilis niya

kumilos at pinagsasaksak ang mga

aswang sa dibdib gamit ang nagbabagang kamao niya. Yung

ibang sumubok tumakas hinabol ng

hangin na kontrolado ni Monica,

nanigas sila sa ere at pinaglalaslas ang

katawan nila gamit ang malakas na

hangin. Tanging si Raika nalang ang natira at

hinawakan ni Monica ang leeg ng

aswang saka pinalipad pababa sa

lupa. Bagsak ang katawan ni Raika at

lumipad pataas si Monica upang


kumuha ng bwelo. Naglabas siya ng malakas na bola ng liwanag mula sa

kamay niya at tinitigan ang aswang.

“Tikman mo ang kapangyarihan ng

kalikasan!!! Isa akong diwata!!!”

sigaw niya. Lumipad pababa si Monica, sa kamay

niya ang malaking bola ng liwanag.

Itatama niya sana ito sa katawan ng

aswang pero bago pa tumama ito ay

bigla siyang tumigil at tumayo.

Humupa ang bola ng liwanag at huminga ng malalim. “Bakit hindi mo pa ako tinapos?”

tanong ni Raika at biglang napatingin

si Monica sa malapit na puno. “Ayaw

ko mapanood ng kapatid mo” sagot

niya at tumawa ang aswang. “Walang

kwentang kapatid yan! Weak siya!!!” sigaw ni Raika at nagalit si Monica. Hinawakan ng dalagang
bampira ang

noo ng aswang at biglang nagliwanag

ang kamay niya. Lumabas si Rayisha

mula sa puno at sumugod palapit para

humingi ng tawad. “Wag mo siya

papatayin please!!!” sigaw niya. Bagsak si Rayisha sa lupa kasabay sa

pagbagsak ng ulo ng ate niya.

Tumayo si Monica at tumalikod. “Hindi

ko siya pinatay. Binago ko lang ang

kaisipan niya. Nagmalupit din ang ate

ko sa akin kaya alam ko ano ang tunay mong nararamdaman. Ayaw ko


umabot sa punto na ituturing mo

siyang kalaban at din a kapatid.

Magsaya ka sa bagong ugali ng ate

mo” sabi ni Monica at agad niyakap ni

Rayisha ang ate niya. “Maraming salamat…Monica” bigkas ni Rayisha sa

nanginginig na boses. Lumingon si

Monica at nagliliyab pa ang mata niya,

natakot ang aswang pero bigla siya

nginitian ng dalagang bampira. “Tara na Monica, kinakailangan tayo

sa mahiwagang gubat” seryosong

sinabi ng sugo. “Paano sila?” sagot ng

dalaga sabay napatingin sila sa mga

nilalang na naglabasan sa nabasag na

kulungan. “Ako…ako dadalhin ko sila sa ligtas na

lugar” sabi ni Rayisha at lahat

napatingin sa kanya. “Magtiwala kayo

sa akin, ito lang ang maigaganti ko

dahil sa pagligtas mo sa ate ko. Ako

magtatanggol sa kanila pag kailangan” sabi ng aswang. “Lalaban narin kami kung

kinakailangan!” sigaw ng isang

tiyanak at nagsigawan ang mga

nilalang pati na ang mga disipulo.

Napangiti si Paulito at tinitigan si

Rayisha. “Aasahan kita” sabi niya. Siniko ni Monica si Paulito at tinaas

niya kilay niya. “Pangiti ngiti ka pa


dyan” bulong niya at natawa ang

binata. “Ano nanaman?” reklamo ng

sugo. “Wala, tara na!” sabi ng dalaga. Biglang niyakap ni Paulito si Monica at

napangiti ang dalaga. “May gana ka

pang maglikot ha” sabi niya. “Kapit ka

maigi” sabi ng sugo at biglang napunit

ang damit niya at naglabasan ang

malalaking pakpak ng paniki sa kanyang likod. Kay bilis nila lumipad

sa ere at wala nang magawa ang mga

naiwan kundi mapatingin sa langit at

panoorin ang kanilang tagaligtas.

Chapter 24: Yanig

Lahat ng matatandang nilalang

nagtipon sa may batis upang

panoorin ang mga alagad ng

kadiliman maghasik ng lagim sa

buong kaharian. “Mukhang ditto sila

lahat papunta” sabi ng matandang dwende. “Oo pero lahat ng

dinadaanan nila kinakawawa nila.

Ano sa tingin niyo? Lumabas nalang

tayo para harapin sila bago pa buong

kaharian madamay” sabi ng

matandang tikbalang. “Mahirap ang gusto mo mangyari. Mas


malakas tayo pag magkakasama, pag

kalat kalat delikado tayo. Hayaan mo

masira ang mga bahay at mga puno,

kaya natin ibalik mga yan. Pero ang

buhay di na natin maibabalik. Nailigtas naman na nina Nella ang lahat ng tao

at yun ang mahalaga” sabi ng

matandang diwata. Sa may kweba di parin makapaniwala

sina Wookie at Tuti sa nagawa ni

Anhica. “Bakit mo binalik ang isipan

niya?” pabulong na tanong ng

mambabarang. “Hindi ko mahanap

ang mga pag iisip ng mga disipulo, naisip ko pag nagising siya baka

maari niyang sabihin sa atin” sagot ng

dalaga. Napabuntong hininga si

Wookie habang pinanood nila si

Aneth na naglalakad lakad sa paligid

at natutuwa sa pag amoy ng mga bulaklak. “Pero di ganon kabilis bumalik ang

tamang isip niya kaya siya ganyan.

Sana bumalik na agad ang isipan niya”

bulong ni Anhica. “Pero sigurado ka

wala na siyang kapangyarihan diba?”

tanong ng mambabarang at napasimangot ang dalaga. “Sana tama

nagawa ko” sagot niya. May sumigaw na grupo ng mga

diwata kaya madami ang lumapit sa

kanila sa batis. “Bakit anong


nangyari?” tanong ni Wookie.

Nagpalakpakan at nagsayahan ang

mga diwata at tinuro ang isang palabas sa tubig. “Panalo sina Paulito

pero may kasama siyang babae

malakas din” sabi nila. Agad lumapit

ang mga matatanda at agad sila

nagalit. “Bakit kasama ng sugo ang bruha?!!!

Si Monica yan!!!” sigaw ng matandang

tikbalang. “Kasama na natin si Monica

at hindi na siya bruha” paliwanag ni

Wookie at lahat ng matatanda tinignan

siya. “Anong ibig mo sabihin? Kailan pa nangyari ito? Bakit hindi niyo sinabi

agad sa amin?” tanong ng matandang

dwende. “Kasi alam naming hindi kayo

maniniwala. Tignan niyo ang

reaksyon niyo ngayon, ganyan ang

naisip naming na iaasal niyo. Pero

kailangan niyo magtiwala na kasama

na natin si Monica” paliwanag ng mambabarang. “Imposible!!! Baka

nagpapanggap lang yan. Hindi

makakalimutan ng lahat ang kanyang

nagawa!” sigaw na pagalit ng

matandang diwata. “Bakit kayo ganyan? Bakit hindi kayo

naniniwala na nagbago na siya?

Tandaan niyo dati siyang taga dito at


kapatid siya ni Aneth!” sigaw ni

Anhica at biglang lumapit si Aneth at

lumuhod. Bigla niya tinuro ang tubig kung saan nakitang lumilipad ang

sugo at si Monica. “Kapatid ko” bigkas

niya. Nagulat ang mga nilalang sa sinabi ni

Anhica at Aneth, di sila makapaniwala

na magkapatid sila maliban sa mga

matatanda. “Oo magkapatid sila.

Noong panahon na lumayas dito si

Monica at sumanib sa mga bruha hindi na binanggit ang pangalan niya dito at

hindi na siya tinuring na taga dito”

paliwanag ng matandang dwende. “Dapat lang pagkat dapat siyang

ikahiya dahil sa pagpapalakas niya

kay Fredatoria” dagdag ng

matandang tikbalang. “Hindi siya yon.

Ako ang nagbigay lakas kay

Fredatoria. Pinagbintangan ko lang si Monica” biglang sabi ni Aneth at

nagulat ang mga matatanda. “Kasi naiinggit ako sa kapatid ko.

Namana niya ang kapangyarihan ng

punong diwata. Gusto ko sana ako

pero hindi pala ganon yon. Kaya may

nakilala akong matanda at tinuruan

niya ako pano lumakas, madami siyang hiniling na kapalit at binigay ko

naman sa kanya. Di ko akalain na siya

pala si Fredatoria. Patawad po aking


nagawa” sabi ni Aneth sabay tinignan

ang mga matatanda at ngumiti. Agad tinakpan ni Tuti ang bibig ni

Aneth at nilayo. “Hindi totoong

naglayas si Monica dito. Wala kasi

gusto magpabuhay kay Paulito noon

kaya siya nagtungo sa mga bruha

para humingi ng tulong para buhayin siya. Ngunit mapaglinlang ang mga

bruha at dahil sa pagbintang ni Aneth

kaya nagrebelde na ng tuluyan si

Monica” paliwanag ni Wookie at tulala

lang ang mga matatanda at di sila

makapaniwala sa narinig nila. “Oo naging bruha si Monica at madami

siyang nagawang masama sa

kaharian pero binago na siya ng

kapatid ko. Ginawa niyang bampira si

Monica at at nawala narin ang

pagkontrol ng mga bruha sa kanya” dagdag ni Anhica at lalong nalito ang

mga matatanda. “Kapatid mo? Si Paulito? Sandali nga!!

Pinagloloko niyo ba kami?!!” galit ng

matandang tikbalang pero umentrada

ang matandang diwata. “Oo

magkapatid sila, dalawa ang nilalang

na binigay ng mga tala, nauna si Anhica at tinago naming siya. Pagbalik

naming para kunin si Paulito nandon

na karamihan ng mga nilalang” sabi


niya. “Kayong mga diwata talaga!!! Dapat

hindi kami nagtitiwala sa inyo!!! Mga

sakim!!!” sigaw ng matandang

dwende at biglang pumorma. “Hindi

ngayon ang oras para magbangayan!

May hinaharap tayong matinding kalaban! Kailangan natin magkaisa!”

sigaw ni Anhica. “Pano pa kami

magtitiwala sa mga diwata?” tanong

ng matandang tikbalang at pati siya

pumorma na. Biglang yumanig ang lupa at

nagsigawan ang mga nilalang na

nanonood sa batis. “Nandito na sila!!!”

sigaw nila. Lahat napatakbo sa batis at

nakita nila ang mga higanteng taong

apoy at lupa na sinusubukan gibain ang mahiwagang liwanag na

nakapalibot sa gubat. Nagkagulo sa loob ng gubat at lahat

naghanda, agad tumakbo si Anhica sa

gitna ng batis at pinalayo ang ibang

nilalang. “Ano gagawin mo? Wala na

tayong oras, lahat ng kayang lumaban

dapat kumalat na sa palibot ng gubat pagkat din a magtatagal ang liwanag

na prumropotekta sa atin!!!” sigaw ng

matandang diwata. Hindi nakinig si Anhica, pinikit niya

ang kanyang mga mata at biglang

kumulo ang tubig ng batis.


Nagliwanag ang buong katawan ng

dalaga at sa likod niya nagpataas ang

tubig at may dalawang higanteng taong tubig ang nahulma. Lahat

nabighani sa nagawa ng dalaga at

ang mga matatanda muling natulala. “Naalala ko ang ganyang

kapangyarihan…ganyan ang

kapangyarihan ng punong diwata

noon!” sabi ng matandang tikbalang

habang pinanood nila ang dalawang

higante na maglakad papunta sa dulo ng gubat. “Hindi ito oras para matulala at

mabighani, mas madami pa kayong

makikita na kakaiba kaya mamaya na

ang kwentuhan…oras na para

lumaban!” sigaw ni Wookie at

nagpakawala siya ng isang daan na espiritung mandirigma. Nabasag ang liwanag at may mga itim

na nilalang ang nakapasok sa butas.

Agad sila sinalubong ng mga

mandirigmang dwende at diwata at

ilang saglit pa tuluyan nang gumuho

ang liwanag at nakapasok na ang mga higante. Libo libong mga itim na nilalang ang

nagsidatingan mula sa ere at lahat ng

nilalang ng gubat naging abala sa

paglaban. “Masyado sila madami!!!

Kailangan natin tumawag ng tulong

mula sa ibang gubat!” sigaw ng isang diwatang mandirigma. Agad nagtungo sa batis ang isang
diwata at tinignan ang kalagayan ng

ibang gubat. “Wala umaatake sa

kanila! Dito talaga papunta ang lahat!”

sigaw niya. “Dalian mo magtawag ka

ng tulong!! Hindi natin kakayanin ito sa kalagayan natin!” sabi ng

matandang tikbalang. Agad nagtungo si Anhica sa

pinakamalaking puno ng gubat kasa

ang ibang diwata. Lahat sila binaon

ang kamay nila sa mga ugat ng puno

at nagpadala ng mensahe ng tulong

sa ibang mga gubat. Ang mga higanteng taong apoy

nakipagbakbakan sa mga higanteng

taong tubig. Mabilis nalusaw ang mga

higanteng lupa pero napalitan sila ng

mga taong lupa na mandirigma.

Nagpaapoy ang dalawang higante pero kinontra ito ng mga higanteng

taong tubig. Mula sa katawan ng mga

alaga ni Anhica naglabas sila ng

espadang gawa sa yelo at agad

pinuksa ang mga apoy ng dalawang

higante. Nagsaya ang mga mandirigma ng

gubat nang nakita nilang nawala na

ang mga higanteng taong apoy. Pero

hindi nagtagal ang saya nila pagkat

dumating ang mga higanteng ahas at


agad pinalibutan ang mga higanteng taong tubig. Sa kweba tinago ni Tuti si Aneth,

biglang nagbago ng anyo ang

bunging bampira at naglabasan ang

mga ngipin niya. “Dito ka lang, wag

kang lalabas dito. Kailangan nila ako

sa laban” sabi niya. “Kasalanan ko lahat ito ano?” tanong ni Aneth at

niyuko niya ulo niya. “Oo pero wag mo na problemahin,

mananalo tayo” sabi ni Tuti at hinaplos

ang likod ng diwata. “Masamang

nilalang ako ano?” hirit ni Aneth at

lumuhod ang bampira sa harapan

niya. “Siguro noon, pero pwede ka naman magbago. Hindi pa huli ang

lahat. Wag kang mag alala tutulong

ako sa laban para mas malaki tsansa

ng pagkapanalo at para malaki ang

tsansa na magkaroon ka ng

kinabukasan para magbago. Wag ka na malungkot Aneth, sige kailangan

na talaga ako sa labas” sabi ni Tuti.

Huminga ng malalim ang diwata at

pinagmasdan ang mga kamay niya,

“Tuti…gusto ko magbago…bigyan

niyo ako ng tsansa para makapagbago” hiling ni Aneth at

nginitian siya ng bampira. Ang daan daan na itim na nilalang

biglang nagsibagsakan sa lupa, mga

mandirigma ng gubat nagugulat


pagkat wala naman sila ginagawa.

May isang mandirigma ang sasaksakin

na sana ng isang aswang pero biglang lumitaw si Tuti at naunahan

ito. Nabilib ang mga mandirigma sa

bampira at lalo silang namangha nang

mabilis ito gumalaw at kay daming

kalaban ang napatay. Ginanahan ang mga mandirigma kaya

todo bigay sila sa pagpapalabas ng

kapangyarihan para mapuksa ang

pwersa ng kadiliman. Mula sa ere may

mga nilalang na lumilipad na

paparating kaya natakot muli ang lahat sa dami nila. “Ang dami nila!!!”

sigaw ni Wookie. “Relax pare, tinawag ko sila…sugod

mga bampira!!!” sigaw ni Tuti at ang

mga bampira nakinig sa Ultimo

bampira at tumulong na sa gera.

Natuwa ang mga matatanda at halos

naiiyak sila nang makita nila ang mga bampira. “Ganito din noon, lahat ng

nilalang nagsama sama” sabi ng

matandang dwende. “Tara na! Tulong

na tayo, pakita natin na kahit uugod

ugod tayo may kapangyarihan parin

tayo!!!” sigaw ng matandang tikbalang at nakisali narin ang mga

matatanda sa gulo. Ilang oras nagtagal ang labanan, mga

bampira, tikbalang, kapre at dwende


ang humarap sa mga itim na nilalang

habang ang mga diwata naging abala

sa pagpapagaling ng mga nasugatan.

Parang hindi nauubos ang mga kalaban, pagod na ang mga

mandirigma pero nabuhayan sila

nang dumating na ang mga

mandirigma galing sa ibang gubat. Lalo pa sila ginanahan lumaban nang

nakita nila si Nella na nagbalik para

maki isa sa kanila. Parang nasaniban

ang mga mandirigma ng liwanag, mas

lalo sila naging mabangis at

matapang. Isang oras ang lumipas at isang itim na nilalang nalang ang

natira, tumalon sa ere si Nella hawak

ang espada ni Paulito. Buong pwersa

niya nilaslas ang itim na nilalang. Pinunasan ng reyna ang dugo sa

kanyang pisngi sabay tinaas ang

espada. Nagsigawan at nagsayahan

ang lahat ng nilalang sa gubat at

sinigaw ang pangalan ni Nella. May

mga diwata na lumapit sa reyna at agad hinilom ang mga sugat niya,

habang nagpapahinga at nagsasaya

ang karamihan biglang dumilim ang

lupa. Lahat napatingin sa langit at wala

naman silang makitang nilalang na

lumilipad. Muli sila napatingin sa lupa


at dahan dahan nasasakop ng itim na

anino ang buong gubat. “Anong

nangyayari?” tanong ni Nella. Bago pa may makasagot biglang

tumapis ang mga diwata sa tabi ng

reyna. Mula sa anino lumabas ang hari

ng kadiliman at agad niyakap si Nella

at binaon ang kamay nito sa dibdib ng

dalaga. Napasigaw ng malakas ang reyna, walang nilalang ang makalapit

pagkat mga paa nila hinawakan ng

mga anino. Si Tuti sinubukan makapiglas ngunit

bumagsak lang siya sa lupa. Si Wookie

at Anhica wala din magawa kundi

mapaluha pagkat pinanood nilang si

Nella mawalan ng malay sa kamay ng

hari ng kadiliman. “Nahulog kayo sa aking bitag!!!”

sigaw ng hari sabay tumawa.

“Kailangan ng dugo ng mga nilalang

pumatak dito sa gubat at dugo ng

taong naghahari sa kaharian para

matanggal ang sumpa. Sumpa na iniwan ng mga tumalo sa akin noon

para hindi ganon kadali mahanap ang

tunay kong katawan” sigaw ng hari. Lahat napatingin kay Nella at nilabas

ng hari ang kamay niya at pinatulo

ang dugo ng dalaga sa lupa. Biglang

yumanig ang lupa at mula sa gitna ng


gubat gumuho ang lupa at lumakas

ang tawa ng hari. Binitawan ng hari ang katawan ni

Nella, ang anino sa buong paligid

biglang nawala kaya nakagalaw na

ulit ang lahat. Mabilis gumalaw si Tuti

at kinuha ang katawan ng reyna at

agad nilayo. Natawa ang hari at nagsimula maglakad papunta sa gitna

ng gubat pero bigla siyang hinarang

ni Wookie at ni Anhica. “Ano to? Akala niyo kaya niyo ako

pigilan?” tanong ng hari at muling

natawa. Lahat ng nilalang nagtipon sa

likod ng dalawa, “Kailangan mo kami

harapin lahat!!!” sigaw ni Wookie. “Mga peste!!! Talagang sinusubukan

niyo ako…bweno…eto tikman niyo

ang kapangyarihan ko!!!” sigaw ng

hari. Lumipad siya sa ere at binuklat

ang dalawang kamay niya, mainit na

hangin ang bumalot sa gubat at ang mga namatay na itim na nilalang

muling nabuhay. Mula sa lupa mas madami pang mga

kalaban ang lumabas at muling

yumanig ang lupa dahil sa libo libong

mga itim na nilalang na pasugod sa

gubat. “Gusto ko sana ako mismo ang

papaslang sa inyong lahat ngunit

sayang lang ang aking lakas para sa


mga kutong lupa na tulad niyo. Kaya

eto ipakita niyo sa akin na karapat

dapat ko kayong harapin” Mula sa katawan ng hari naglabasan

ang ilang daang mga itim na espiritu at

anino, tumawa ng malakas ang hari at

tinuro ang mga mandirigma ng gubat. “Kampon ng kadiliman!!! Wag kayong

magtitira ni abo!!!”

Chapter 25: Lagim

Ang mga pwersa ng liwanag nabalot

ng takot nang makita nila ang dami ng

kampon ng kadiliman na pasugod sa

gubat. Kung kanina ilang daan lang

ang bilang ng kalaban, ngayon libo

libo na at parami pa sila ng parami. Sa ere lumutang ang hari at

pinagmamasdan ang nagaganap sa

lupa, bahagyang pinatigil niya ang

mga alaga niya para bigyan tsansa pa

sumuko ang mga pwersa ng liwanag. Sa isang tabi nilaslas ni Tuti ang kamay

niya at pinainom kay Nella ang

kanyang dugo. Ang mga sugat ng

dalaga sa dibdib agad naghilom at

ilang sandal pa minulat na niya ang

kanyang mga mata. “Tuti?” bigkas niya. “Sige inom ka pa ng dugo ko,
ganito ang dugo ng bampira

nakakagamot at papalakasin ka niya.

Wag kang mag alala tao ka parin” sabi

ng bampira at napangiti ang dalaga

sabay sumipsip pa sa kamay. “Hindi natin pwede ibigay nalang sa

kanya ang katawan niya. Kung dito na

ako mamatay ayos lang basta di ko

ibibigay ang katawan niya” sabi ng

matandang tikbalang. “Mga diwata

gawin niyo lahat ng makakaya niyo para takpan ang butas, ang mga

malalakas pa haharap sa mga kampon

niya” sabi ni Wookie. Dahan dahan bumangon si Nella at

pinulot niya ang kanyang espada.

Tumabi siya kay Wookie at tinuro ang

hari ng kadiliman gamit ang espada.

“Bring it!!!” sigaw ng dalaga at nairita

ang hari kaya sa isang indak ng kamay niya sumugod na ang kampon

ng kadiliman. Ang mga diwata agad pinalibutan ang

butas sa lupa ng matingkad na

liwanag habang ang mga mandirigma

ng liwanag sumugod narin para

salubingin ang mga kalaban. Yumanig

muli ang lupa sa dami ng itim na nilalang na pasugod, sa ere nagharap

ang mga itim na aswang at mga

bampira na tinawag ni Tuti. “Tumabi kayo!!!” sigaw ni Wookie at


bigla siyang sumayaw ng Macarena

habang nagbibigkas ng mga dasal.

Bawat indak ng katawan niya may

isang Diablo ang lumalabas. Pag

kembot ng mamababarang ang huling Diablos nakawala na at

nabighani ang mga nilalang sa lakas

ng mga mandirigmang espiritu na

napalabas niya. Mabangis ang trese Diablos at kay

dami nilang napaslang na kalaban.

Ang hari ng kadiliman hindi

makapaniwala sa nakikita niya pero

naaliw siya. Mga higanteng diablos

ang pumaslang sa kalahati ng kalaban, nagpalabas ang hari ng mga

itim na higante pero mabilis sila natalo

ng mga diablos. “Hindi pa panahon para magdiwang!!!

Sugod pa!!!” sigaw ng mambabarang

at tindo na ng mga nilalang ang

pakikipaglaban. Mula sa mga puno

nakaposisyon ang mga dwende at

tinitira ang mga kalaban gamit ang mga mahiwagang pana at tirador. Isa

isang nagbagsakan ang mga aswang

at mananaggal dahil sa bangis ng mga

bampira sa ere. Sumugod ang mga itim na taong apoy

pero nagulat ang lahat nang

nagsilabasan ang mga water dragon


ng mga sirena at siyokoy. Pakonti ng

pakonti ang kampon ng kadiliman

pero tumatawa lang ang hari at lalo pang naaliw. “Mga mangmang!!! Pinapalakas niyo

lang ako lalo!!! Sa bawat dugong

pumatak, sa bawat masamang

intensyon sa pag iisip niyo, sa bawat

buhay na nawawala lalo lang ako

lumalakas. Sige pa palakasin niyo pa ako!!!” sigaw niya. Tila walang nakarinig sa sinabi ng hari

maliban kay Aneth na nakatayo sa

harapan ng kweba. Tumakbo siya

papunta kay Anhica na tumutulong sa

pagpapalabas ng liwanag para

matakpan ang butas sa lupa. “Kailangan ko ang tulong mo” bigkas

niya at napatingin sa kanya si Anhica.

Agad sila nagtungo sa kweba habang

ang gera sa labas patuloy na

sumisiklab. Akala ng pwersa ng liwanag ay

nakakaangat na sila pagkat kokonti

nalang ang natirang mga kalaban.

Nagbabaga na ang katawan ng hari at

may kuryenteng dumadaloy sa

kanyang katawan. Nang mamatay ang huling kampon niya pagod na

pagod na ang mga mandirigma ng

liwanag kaya tumawa ng malakas ang

hari. “Nakakatayo pa kayo? Eto pa!!!”


bigkas niya at halos nadismaya na ang

mga nilalang nang makita nilang

muling bumangon ang mga patay na

kalaban nila. “Pagod na ako, di ko na

kaya” sabi ng matandang dwende at pati si Wookie hinihingal na. “Parang

padami sila ng padami…wala na atang

hinto itong laban na ito” sabi ng

matandang tikbalang. Nagtipon ang mga diwata at binuhos

nila ang kapangyarihan nila sa pag

gamot at pagpapalakas sa mga

mandirigma. Habang sila ay

gumagaling ang ilang daang libong

kalabang naging milyon na at kahit bumalik ang sigla ng lahat unti unti

nang nadudurog ang kaisipan nila sa

dami ng kalaban. Pinasugod na ng hari ang mga

kampon niya pero biglang lumakas

ang hangin sa gubat at may itim na

usok ang nagsimulang lumabas mula

sa lupa. Pakapal ng pakapal ang usok

at ilang sandal pa wala nang makita ang lahat. “Ito ang wakas natin”

sigaw ng isang boses. Sa ere nagtataka ang hari ng

kadiliman sa pangyayari. Napanood

niyang napalibutan na ang buong

gubat ng maitim na usok at wala na

siyang makitang nilalang pati ang mga


kampon niya. “Ano to? Anong nangyayari?!!!” sigaw

niya at malalakas na sigaw ang narinig

mula sa paligid. Mga sigaw na tila

sumasakal sa mga nilalang at

nauubusan sila ng hininga. Tumawa

ang hari at kahit hindi niya alam ano nangyayari nararamdaman niyang

madami ang namamatay at lalo siyang

lumalakas. Mas madami pa ang sumisigaw pero

unti unting humuhupa ang itim na

usok. Nagulat ang hari nang makita

niyang nakatayo parin ang mga

pwersa ng liwanag. Nang lumiwanag

ang paligid nakita ng hari na ang lahat ng kampon niya nakahiga sa lupa at

wala nang buhay. “Pano nangyari ito?!!!” sigaw ng hari

at at pati mga mandirigma ng liwanag

hindi makapaniwala sa nangyari.

Paghupa ng usok nagulat ang lahat

nang makita nila si Aneth sa isang tabi,

mga mata niya itim at mga kamay nababalot ng itim na liwanag. Agad tumabi si Anhica kay Wookie,

“Inaral niya ang libro ng kadiliman,

wag kayong mag alala kontrolado ko

siya” sabi ng dalaga at nagulat ang

lahat. “Bakit mo ginawa yon?!!” sigaw

ng mambabarang. “Siya ang nakaisip niyan! Para bigyan tayo ng oras para

maghilom ang mga sugat at


magpalakas pa!” sumbat ni Anica at

dinig nila ang sigaw ng hari. Muling bumangon ang mga kampon

ng kadiliman pero lalo pa sila

dumadami. “Pag nabuhay pa kayo

dito sa huling hirit ko ako na mismo

ang tatapos sa buhay niyo!” bigkas ng

hari. Muling lumabas ang usok sa lupa pero

biglang bumagsak ang katawan ni

Aneth sa lupa. Muling lumutang ang

katawan niya at nagpaangat sa ere.

Lumapit ang katawan niya sa hari ng

kadiliman at sinubukan niya suntukin ang hari pero agad siya nasakal.

“Ikaw pala ang may pakana nung

usok…paalam!” bigkas ng hari. Ang isang kamay ng hari naging

matalim na itim na espada, sasaksakin

na sana niya sa dibdib si Aneth pero

napatigil siya at napatingin sa paligid.

“Sugo!!! Ramdam kita!!! Alam ko

nandyan ka!!! Magpakita ka!!!” sigaw ng hari at binitawan niya ang katawan

ni Aneth. Nalaglag si Aneth pero

mabilis siya sinalo ng mga bampira at

nilipad palayo. Nabuhayan ang mga mandirigma ng

liwanag at napalingon lingon sa

paligid at hinahanap ang tagaligtas

nila. Sa isang iglap biglang lumitaw si


Paulito sa harapan ng hari,

nagsigawan at nagpalakpakan ang mga nilalang sa baba kaya natawa

ang hari ng kadiliman. “Tinatanggap ko ang hamon mo” sabi

ng sugo at lalong natawa ang hari.

“Pero hindi ako nag iisa” sabi ni

Paulito at biglang lumitaw sa likod ng

hari si Monica at niyakap ang katawan

niya. Nanghina ang hari ng kadiliman at sinubukan makapiglas, “Wala ka

din pala laban sa kapangyarihan ng

asul na bato…Paulito ang usapan natin

dali!” sigaw ni Monica. Agad lumipad palayo Paulito kaya

nagtaka ang mga nilalang sa baba.

“Saan siya pupunta?” tanong ni

Wookie. Biglang narinig nila ang

bulong ng sugo sa buong gubat at

agad nagtipon sa isang lugar ang mga diwata at humulma ng malaking bola

ng liwanag. “Oo naiintindihan ko”

biglang bigkas ni Anhica at lalong

nagtaka ang iba pagkat wala naman

siyang kausap. “Kausap ni Bossing ang mga diwata,

hindi natin siya naririnig…sila lang”

paliwanag ni Tuti. Nagliyab ang

katawan ni Anhica at binuhat ang

malaking bola ng liwanag saka siya

lumipad sa ere. Tumayo siya sa harapan ng hari na agad binitawan ni


Monica at lumipad palayo. Mabilis kumilos si Anhica habang

nanghihina pa ang hari at agad sya

kinulong sa loob nito. Agad

nagpapababa ang dalaga at

napakalakas na hangin ang narinig

nilang paparating. Pagtingin nila sa ere nakita nila ang napakabilis na

Sugo palipad palapit sa bola. Nakita

nilang nagbagang pula ang kamay

niya at sinuntok ng malakas ang bola

at tumapis ito patungo sa langit. Lumapag sa lupa ang sugo na agad

binati ng nagsasayang mga nilalang.

Nagulat ang lahat nang napalibutan

ng malakas na liwanag ang buong

gubat at hindi makalapit ang mga

kampon ng kadiliman. Lumapag narin si Monica at Anhica sa

lupa at tinabihan ang sugo. “Hindi pa

oras para magsaya. Gumawa lang

kami ng paraan para makakuha pa

tayo ng konting oras para magplano”

sabi ni Paulito at lahat nakinig sa kanya. “Hindi pa makakalabas ang hari ng

kadiliman sa bola ng liwanag.

Umeepekto parin ang kapangyarihan

ng asul na bato sa katawan niya. Pero

ilang minuto lang ito magtatagal kaya

kalian niyo makinig sa akin” “Ang mga diwata sundan niyo si


Monica at ipapaliwanag niya sa inyo

ang kailangan niyong gawin” utos ni

Paulito. Nagdadalawang isip pa ang

mga diwata nang tignan nila si Monica,

“Sundin niyo siya!” utos ng matandang diwata kaya agad tinipon

ni Monica ang mga diwata sa may

batis. “Kailangan ko kayo lumikas sa lugar

na ito” sabi ni Paulito at nagulat ang

mga nilalang. “Wag na kayo

kumontra, ang mga gustong maiwan

dito para lumaban hindi ko kayo

pipigilan. Unahin niyo atupagin ang kaligtasan ng pamilya niyo, magiging

madugo ang laban na ito at kahit

nandito ako hindi ko maipapangako

ang magandang resulta…pero

gagawin ko lahat para mapigilan ang

hari ng kadiliman” sabi ng sugo. Halos walang nagkikibuan pero may

mga nilalang na dahan dahan

tumalikod at naglakad palayo. “Pati

kayong matatanda dapat umalis na.

Kailangan kayo sa paghulma ng

kinabukasan pag nagtagumpay tayo dito” sabi ni Paulito at nagtinginan ang

mga matatandang nilalang. Tanging natira sina Wookie at Tuti at

ilang sandali pa bumalik na sina

Monica at Anhica. “Mukhang


nakasalalay itong laban sa atin” sabi ni

Paulito at biglang lumapit si Nella at

niyakap ang sugo. “Buhay ka” bigkas niya at napayakap din ang sugo sa

kanya. Tumaas ang kilay ni Monica at

nagsimangot kaya tumalikod nalang.

“Nella kailangan ka ng mga tao, ng

mga nilalang, kailangan ka ng buong

kaharian kaya kailangan mo narin

lumikas” bulong ni Paulito. “Pero may kailangan akong sabihin sa iyo” sabi

ng reyna. “Kung ano man sasabihin

mo pwede mo sabihin pagkatapos ng

laban” sagot ng sugo. “Hindi…kasi…

mahirap ipaliwanag e” hirit ni Nella. “Sinabi na ngang mamaya na e”

biglang entrada ni Monica kaya

bumitaw si Nella napangiti.

“Ipagdadasal ko ang kaligtasan niyo,

alam ko magwawagi kayo. Mag ingat

kayong lahat” sabi ng reyna at naglakad patungo kay Tuti. “Lalo na

ikaw Tuti” bulong ni dalaga at bigla

niyang hinalikan sa labi ang bampira. Tulala ang lahat at gulat na gulat sa

nakita nila. Biglang natuwa si Monica

at napangiti. Pagbitaw ng mga labi ng

dalawa ay agad tumakbo palayo si

Nella at si Tuti halos magduling ang

mga mata at napakalaking ngiti sa mukha. “Tuti baba sa lupa” sabi ni Anhica at
lahat sila nagtawanan. “Nakahinga ka

ng maluwag no?” bulong ni Wookie

kay Monica pero agad siya siniko ng

dalaga. “Shut up kalbo!” bawi niya. Muling nagulat ang grupo nang

lumapit si Aneth at hinarap ang

kapatid niya. “Anhica anong ginawa

mo?” tanong ni Monica pero agad

yumakap si Aneth sa kapatid niya.

“Patawarin mo ako…sorry sa lahat ng nagawa ko” bigkas niya at

nagsimulang umiyak. Nanigas ang katawan ni Monica at di

alam ang gagawin niya. Tumalikod

nalang ang iba kaya napayakap narin

ang bunso sa ate niya. “Pasensya na sa inyong dalawa pero

kokonti nalang oras natin para

mapatay ang mga kampon niya bago

siya makawala sa bola” sabi ni Paulito

at tumabi na si Monica sa sugo.

Tumayo sa kanan si Wookie at tumabi sa kanya si Anhica habang si Tuti ay

nasa ere parin dahil sa halik ni Nella.

Sa tabi ni Monica tumayo si Aneth at

lahat sila huminga ng malalim. “Wala

nang atrasan ito…” “Ibaba na ang liwanag!!!”

Chapter 26: Ang Magigiting


Nawala na ang liwanag na bumalot sa

gubat, wala nang natirang mga

nilalang doon maliban sa anim na

magigiting at makapangyarihang mga

nilalang. Humarap si Paulito at tinuro

ang langit kaya agad nagdasal ng sabay si Monica at Anhica. Lumakas ang hangin at may mga ulap

na nagtipon sa langit. Biglang

bumuhos ang ulan at sumugod ang

milyong kampon ng kadiliman.

Nagpaatras si Wookie at pinunit ang

damit ni Paulito. Nagsimula siyang magdasal at nagbaga ang isang

kamay niya. Ang nagbabagang

kamay niya hinawak niya sa tattoo sa

likod ng sugo at mula sa katawan ni

Paulito lumabas ang matingkad na

pulang liwanag. Paghupa ng liwanag tumayo sa

harapan nila ang Mananabas na agad

sumugod sa kalaban. Napatigil ang

anim na nilalang sa bangis ng

mananabas, kay bilis nitong gumalaw

at ramdam ang kakaibang kapangyarihan sa paligid. “Sensya na

bossing, ikaw lang ang may sapat na

lakas para mapalabas siya kaya sa

likod mo nilagay ni lolo ang marka

niya” paliwanag ni Wookie. Higante ang mananabas at nag aapoy


ang mga mata nito. Gamit ang

malaking kumpay niya bawat

wasiwas ay libo libong mga kalaban

ang mamatay. Di nakuntento si

Wookie at pinalabas narin ang trese Diablos na agad tumulong sa

Mananabas. Sabay nagliyab si Tuti at

Paulito, magkatabi sila sumugod ng

mabilis at pati sila din a umawat. Napansin ng tatlong dalaga ang ngiti

sa mukha ni Tuti habang

nakikipaglaban, “Di parin makaget

over sa halik ni Nella” sabi ni Monica.

“Hindi, yan ang pangarap niya,

lumaban katabi ni Paulito…hindi bilang alalay…kundi bilang kapareha”

paliwanag ni Anhica. Biglang nagtinginan sina Monica at

Aneth, nagngitian sila saglit at sabay

din nagliyab ang kanilang mata.

Sandaling nagulat si Monica pagkat

itim ang mga mata ng ate niya,

“Mamaya na ako magpapaliwanag” sabi ni Anhica kaya sabay silang tatlo

sumugod sa kalaban. Ang itim na nilalang na pinapatapis ni

Paulito sinasalo ni Tuti at sinasaksak

sa puso. Halatang nagsasaya ang

dalawa sa kanilang team work. Ang

Mananabas at trese Diablos ginamit

ang laki nila at pinatpuputol ang katawan ng mga kampon ng


kadiliman habang si Wookie

nagpakawala pa ng libo libong mga

espiritu para tumulong. Si Monica tumatawang parang bruha

sa ere habang ginagamit niya ang

malalakas na hangin para hatiin sa

dalawa ang katawan ng kalaban. Si

Anhica ginagawang yelo ang bawat

katawan ng kalaban na namatay at si Aneth winawasak ang mga

nahulmang yelo. Lahat napatigil nang biglang may

sumabog na liwanag sa kalangitan.

“Nakawala na siya!!!” sigaw ni Paulito.

Madami parin kalaban ang natira kaya

kailangan nila magmadali. Si Anhica

nakatingin parin sa langit at di napansin ang pasugod na aswang.

Masasaksak na sana siya sa likod

ngunit may isang lobong kumagat sa

aswang at pinababa sa lupa. “Bossing were back!!!” sigaw ni

Bombayno sabay sumigaw ng

malakas at nabingi ang kampon ng

kadiliman. Nainis ang mananabas

pagkat ang mga balak niyang patayin

biglang nalang nagbabagsakan dahil sa mabilis na kilos ni Mhigito at mga

bulong ni Chado. Isang grupo ng mga itim na nilalang

ang biglang nagsayawan at ginagaya

ang bawat indak ni Vandolphous,


dinala sila ng aswang sa isang lugar

kung saan nag aantay si Virgous na

mabilis sila tinosta. Nagliparan ang mga golden balls sa

ere at nagbagsakan ang mga aswang.

“Hoy!! Akin lang ang mga aswang!!!”

sigaw ni Darwino na tawa ng tawa.

“Shut up ka nga, dati gusto mo

malaman sino sa atin ang malakas, ano contest tayo?” hamon ni Bobbyno

na humarap sa isang higanteng taong

lupa. “Bring it on dwende!” sagot ni

Darwino. “One!!! Two!!! Three!!!” sigaw ni

Bobbyno habang isa isa niyang

pinapabagsak ang mga higante gamit

ang kakaibang maso niya. Sa taas ng

puno nagpasikat si Darwino at tira ng

tira ng golden balls gamit ang tirador niya. “Tweni…tweniwan…twenitoo…

twenitri…” sabi niya sabay tumawang

parang bakla. Nagulat ang lahat nang kakaibang

Nyobert ang sumugod, napakabangis

niya at tila napakalakas. Hindi pa niya

suot ang armor niya pero

nakikipagbakbakan siya sa mga

kalaban. “Ano nakakain niya?” tanong ni Paulito at biglang may

tumabi sa kanya na kamukha niya.

“Nakaimbento siya ng isang inumin,


ewan ko diyan sabi niya tawag don

Pulang Toro” sagot ni Louis. Isang tikbalang sinipa ang lobo

palayo, sa ere palang biglang

nagbagong anyo si Sarryno. Naging

tao ulit siya pero naglabasan ang mga

kuko niyang gawa sa bakal.

Naglanding sa lupa si Sarryno at mabilis siyang sumugod at

pinaglalaslas ang katawan ng

tikbalang. Si Bashito di nagpahuli, humarap sa

isang kapre at susuntukin na sana

niya pero bigla ito nahiga sa lupa at

nakatulog. Nagtaka ang kalaban at

kinalbit ang katawan niya, agad

bumangon si Bashito at binigyan ng malakas na uppercut ang kapre. Lipad

sa ere ang kapre, tumalon ng mataas

si Bashito, “Wag mo ako gagalawin

pag natutulog ako!!!” sigaw niya at

biglang nagbago ang anyo sa isang

dragon. Muling nabuo ang mga disipulo,

nadagdagan pa sila ng malalakas na

kasama kaya mabilis naabo ang mga

kalaban. Ilang libo nalang ang natira,

lahat sila nagtago sa likod ni

Bombayno na humugot ng buong lakas niya, huminga siya ng malalim at

naglabas ng napakalakas na sigaw. Lahat ng natirang kalaban nanigas sa


kanilang kinatatayuan, humarap si

Aneth at pinagdikit ang dalawang

kamay niya. Mula sa lupa muling

lumabas ang itim na usok at unti

unting naagnas ang mga kalaban. Nagsanib pwersa si Anhica at Monica

at nagpasabog sila ng malakas na

liwanag kung saan ang abo ng

kalaban naging yelo. Parang kumintab bigla ang gubat

dahil sa milyong pirasong yelo na

nagkalat. Muling pumorma ang lahat

pagkat nararamdaman na nila ang

galit at kapangyarihan ng hari ng

kadiliman. “Alam niyo na ba itong haharapin

natin?” tanong ni Paulito. “Oo bossing,

sinabi na ni Aneth sa amin. Siya ang

nagpatawag sa amin at pinaliwanag

niya lahat” sagot ni Louis na bumalik

ang anyo niya sa normal. May aninong gumapang sa lupa at

dahan dahan nabubuo ang katawan

ng hari. Bago pa ito mabuo sumugod

na ang Mananabas at mga Diablos,

sumunod narin si Paulito at Tuti. Isang pitik lang ng kamay agad

napatapis ang dalawang bampira.

Ang trese Diablos agad naglaho

habang ang mananabas ay bumalik sa


tabi ni Wookie. “Pasensya ka na ultimo

mambabarang ngunit masyado ito makapangyarihan” sabi ng multong

mandirigma. “Bossing mukhang hindi na ako

makakatulong sa laban na ito…yun na

ang mga pinakamalakas kong

espiritu” sabi ni Wookie. “Relax ka

lang pare makakaisip ka din” sagot ng

sugo habang dahan dahan siyang bumangon. “Dating gawi!” sigaw ni Paulito at agad

nagkalat ang mga disipulo at

pinalibutan ang hari. Sumulpot bigla si

Bombayno sa tabi ng hari at

nagpakawala ng malakas na sigaw.

Hindi natinag ang hari at tinignan lang si Bombayno, siya naman ang

sumigaw ng malakas halos malasog

lasog ang katawan ni Bombayno na

napatapis palayo. Humarap si Vandolphous at

sinubukan paamuhin ang hari. Akala

ng lahat gumana ito pero tumalikod

ang bampira at sinakal niya ang sarili

niya. Sinipa ng hari si Vandolphous at

napalipad ito sa malayo kaya sa galit agad tinosta ni Virgous ang kalaban

ngunit tumawa lang ang hari at

hinigop ang lahat ng apoy. Ubos ang apoy sa katawan ni Virgous,

mula sa bibig ng hari lumabas ang

kakaibang kulay ng apoy at binuhos


niya lahat ito sa taong santelmo.

Mabilis gumalaw si Mhigito para ilayo si

Virgous. Ang punong malapit ang natamaan ng apoy at wala pang isang

segundo naging abo ito. Sumulpot si Monica sa likod ng hari

pero agad tumalikod ang malign at

sinuntok ang dalaga sa dibdib. Talsik

si Monica pero napasigaw ang hari

pagkat nasaksak siya ni Sarryno sa

likod. Agad tumalon si Nyobert at dinagok ang ulo ng hari, nagpalit

anyo si Bashito at isang malaking oso

na may matatalim na kuko ang

lumabas. Sinaksak niya rin ang mga

kuko niya sa katawan ng hari sabay

kinagat ang leeg niya. Nagpaikot ang hari ng kadiliman at

nagpumiglas. Naputol ang mga kuko

ni Sarryno at Bashito at nahawakan ng

hari ang mga ulo nila. Pinag umpog

ang dalawa pero nayakap ni Chado

ang hari at binulungan sa tenga. Tumawa lang ang hari sa narinig niya,

“Paano mo papatayin ang nilalang na

di pwedeng mamatay?” tanong niya.

Pumitik ang hari at lahat ng nilalang ay

napatalsik muli. Tumawa siya ng

malakas pero mula sa langit nakita nila si Anhica may hawak na malaking

bolang liwanag. Agad lumihis ang hari


pero nahulog siya sa bitag ng sugo. Nasaksak ni Tuti sa puso ang katawan

ng hari habang si Paulito dalawang

kamay niya ang binaon sa dibdib.

“Tuti alis!!!” sigaw ng sugo at

nagsimulang magbaga ang buong

katawan ni Paulito at sumigaw ng malakas ang hari ng kadiliman. “Anhica!!!” sigaw ni Paulito at agad

tumabi ang dalaga at humawak sa

balikat ng sugo. Biglang nagliwanag

ang kalangitan at namangha ang lahat

pagkat sabay nagliwanag ang

katawan ng magkapatid. Ang madilim na kalangitan biglang lumiwanag at

isang napakalakas na liwanag ang

nagpababa sa lupa at tinamaan ang

katawan ng hari ng kadiliman. Sabay napasigaw ang magkapatid at

pinanood ng lahat kung paano

maagnas ang katawang ng kalaban

dulot ng kapangyarihan ng mga

taong tala. Ilang segundo pa wala na

ang katawan ng hari kaya tumigil na ang liwanag. Nakahinga ng maluwag

ang lahat pero agad pinalibutan ni

Monica ang mga natirang abo ng

kalaban sa yelo. “Nanigurado lang baka mabuhay ulit”

sabi niya at sa wakas lahat sila

nagsimula nang magsaya. “Hindi pa tapos” biglang sabi ni Paulito

at lahat napatingin sa kanya. “Anong


ibig mo sabihin?” tanong ni Monica at

ang maliwanag na langit biglang

dumidilim ulit. Ang buwan na kulay

dugo at lalong dumilim ang kulay niya at muling nabalot ng takot ang lahat

pagkat may kakaibang hangin silang

naramdaman sa paligid. Umangat sa ere ang mga abo ng hari,

ang mga yelong nakabalot sa kanila

biglang nagputukan. “Uulitin ko ang

tanong ko…paano niyo papatayin ang

nilalang na di pwedeng mamatay?

Akala ko natuto na kayo sa mga dating lumaban sa akin” sabi ng boses

na narinig nila sa paligid. Unti unting nabubuo muli ang

katawan ng hari kaya sumugod si Tuti

at pinagwawasiwas ang espada niya.

Tumawa lang ng malakas ang boses

kaya lumipas ang ilang segundo

hinawakan na ni Paulito sa balikat ang kaibigan niya at pinatigil. “Wag kang

magpapagod” sabi niya. “Sa wakas tumama ka rin sugo!”

sigaw ng boses at tuluyan nang

nabuo ang katawan ng maligno.

“Naalala mo ba ang sinabi ko sa

alagad mo?” tanong ni Paulito. “Na

ikaw ang papaslang sa akin?” sumbat ng hari at biglang natawa. “Lahat kayo lumayo sa butas, hayaan

niyo siyang makuha ang katawan

niya” utos ni Paulito at agad


nagreklamo ang iba. “Sira ulo ka na

ba? Sinasaniban ka na ba niya?”

tanong ni Aneth. Biglang nanigas ang katawan nina

Monica, Anhica at Wookie at

napatingin sila kay Paulito. “Oo

hayaan niyo siyang makuha ang

katawan niya. Tiwala lang mga

kasama” sabi ng mambabarang. “Sugo! Ano ang binabalak mo? Kung

sa katawan na ito hindi niyo na ako

kaya ano pa kaya kung nakuha ko na

ang tunay kong katawan?” tanong ng

hari at si Paulito naman ang tumawa. “Nagpipigil lang kami. Hindi mo pa

nakita ang tunay na lakas namin. Sige

kunin mo ang katawan mo! Gusto ko

pag maglaban tayo nasa tunay kang

lakas at ako din lalaban sa tunay kong

lakas!” sabi ng sugo at tumawa ito ng malakas. Hindi maintindihan ng mga disipulo

ang nangyayari kaya umatras sila,

mula sa butas lumabas ang dalawang

dwende na masayang lumayo na

tumatawa. Nalusaw ang katawan ng

hari at naging anino at mabilis itong pumasok sa butas sa lupa. Yumanig ang buong kaharian kaya

lahat napakapit. Ilang sandali pa ay

may katawan na lumabas mula sa

butas at lumutang sa ere. Tawa ng


tawa ang dalawang dwende pagkat

tinanggal pala nila ang mga kamay ng katawan. Ang mga tawa nila napalitan ng

pagkatulala nang unti unti nabuo muli

ang mga kamay sa katawan. Lahat ng

yelo sa lupa biglang nagputukan at

ang mga abo ng lahat ng itim na

nilalang hinigop ng hari ng kadiliman. Lahat ng puno at halaman sa kaharian

nagsimulang maagnas. Ang lupa

tumuyo at ang katubigan lahat

naubos. Walang magawa ang mga

disipulo kundi mapaluhod pagkat

damang dama nila ang malagim na kapangyarihan na bumabalot sa

katawan ng hari. “Kung hindi kayo diyos, hindi ko alam

paano kayo mananalo sa akin!!!”

Chapter 27: Asul na Buwan

Ang buong kaharian ng Plurklandia

nagmistulang lumapain ng mga patay.

Lahat ng nilalang at tao sa kaharian

halos nawalan na ng pag asa dahil di

nila namumukaan ang lupang

kinatatayuan nila. Ang dating mahiwanag gubat na kay

daming mga halaman at puno

nagmistulang desyerto at
masangsang ang amoy ng kamatayan

sa umiihip na hangin. Sa gitna ng

gubat nakatayo ang hari ng kadiliman at dahan dahan siya pinalibutan ng

mga disipulo. “Hindi naming alam bakit mo binigay

sa kanya ang katawan niya. Hindi

naming maintindihan bakit binalik mo

pa kami para lang magtraydor!” sigaw

ni Chado. “Bakit hindi ka sumama dito

sa amin at harapin itong malignong ito? Kampon ka na ba niya?” tanong ni

Sarryno na duguan ang mga kamay. Si Paulito naglakad palayo kasama ni

Monica at Anhica. Si Wookie naupo sa

lupa at nagsimulang magdasal. “Pati

ikaw Wookie? Tuti? Tinatalikuran niyo

na ang inyong tungkulin?” tanong ni

Bashito. Maski si Virgous na wala nang apoy sa katawan humarap parin sa

hari ng kadiliman. “Hmmm nag aaway away kayo?

Paano niyo ako matutumba pag

ganyan kayo? Bweno nakikita kong

matamlay ang inyong katawan. Sugo

hahayaan mo nalang ba ang mga

kasama mo? Akala ko ba magtutuos tayo? Takot ka na pagkat

naramdaman mo na gaano ako

kalakas?” tanong ng hari at tumawa

siya ng malakas. Tahimik lang si Paulito kaya nagalit

ang mga disipulo. “Bweno hindi


maganda ang laban na ito pag mahina

kayo. Mabait din naman ako e. Hayaan

niyo ako gamutin ang mga sugat niyo,

bibigyan ko kayo ng lakas para makipaglaro sa akin…wala naman

gana makipaglaro pag di patas ang

laban diba?” pasikat ng hari at sa

isang iglap nakaramdam ang mga

disipulo ng panibagong

kapangyarihan. Ang mga kuko nina Sarryno at Bashito tumubo muli

habang si Virgous nanumbalik ang

mga apoy sa katawan niya. “Hoy Paulito! Panoorin mo kami. Hindi

kami duwag na tulad mo!” sigaw ni

Virgous at agad siya nagpaapoy at

tinosta ang katawan ng hari. Nagkalat

ang ibang disipulo at isa isa nilang

inatake ang malign. Tanging naririnig sa buong kaharian

ay ang malakas na tawa ng hari. Kahit

anong sigaw ni Bombayno, kahit

gano kabilis umatake si Mhigito ay di

natitinag ang hari at tila nakikiliti pa

ito. Sumubok bumulong ni Chado sa tenga ng hari pero ngumiti lang ito at

tumawa. “O tapos? San yung punch

line?” tanong ng hari. Kahit ilang palo ng higanteng maso ni

Bobbyno ay di ito iniinda ng hari.

Sinbukan ni Darwino magpaulan ng


mga golden balls at nabuhayan ang

mga disipulo pagkat pumasok ang

mga ito sa katawan ng kalaban at bumagsak siya sa lupa at nagsisigaw.

“Yes!!!” sigaw ng dwende kaya lalo pa

siya tinira ang kalaban gamit ang

mahiwagang tirador niya. Dahan dahan tumayo ang hari at

ngumiti, “Acting lang” sabi niya at ang

mga golden balls na bumaon sa

katawan niya mabilis na lumabas lahat

at ang mga disipulo ang tinamaan. Bagsak ang mga disipulo at tinaas ng

hari ang kanyang kamay. Mula sa lupa

nagsilabasan ang mga anino at isa

isang sinakal ang mga bida. “Itigil mo

yan!!!” sigaw ni Paulito at napatingin

siya kay Wookie na nagbigay ng thumbs up sign. “Pakawalan mo sila at ako ang

haharap sa iyo” sabi ng sugo at

natuwa ang hari kaya mabilis niya

tinapon ang mga katawan ng mga

disipulo palayo. “Yan ang gusto ko!

Makikipaglaro na ang sugo sa akin! Halika! Teka baka gusto mo palakasin

din kita” alok ng hari pero biglang

pinalakpak ni Wookie ang kamay niya

at tinuro ang kalaban. Panandaliang

nanigas ang katawan ng maligno

kaya agad pumiglas ito. Nakagalaw ulit ang hari at mabilis


sinugod si Wookie pero pumagitna si

Paulito. “Anong ginawa mo sa akin

kutong lupa?” tanong ng hari. “Soul

lock! Para hindi na mahihiwalay ang

kaluluwa mo sa iyong katawan” paliwanag ng mambabarang at

umatras ang hari at tumawa. “Soul

lock? Ibig mo ba sabihin hindi na

maalis ang kaluluwa ko sa katawan

na ito?” tanong niya. “Ganun na nga” sagot ni Wookie at

natuwa ang maligno. “Oooh dapat

pala pasalamatan pa kita. May

kahilingan ka ba? Sabihin mo at

ibibigay ko” alok ng hari ng

kadiliman. “Hindi mo din ibibigay, papayag ka ba kung sasabihin kong

mamatay ka?” hamon ni Wookie at

tumawa ang hari. “Makulit kayo,

paano mamamatay ang nilalang na di

pwedeng mamatay?” bawi niya. “Binigyan kita ng oras para

magpalakas, binigay ko ang katawan

mo. Tulad ng sabi ko lalabanan kita sa

tunay kong lakas. Bibigyan mo ba ako

ng sapat na sandali para makamit ko

yon?” tanong ni Paulito at tumaas ang kilay ng maligno. “Tunay mong lakas? Hmmm…ramdam

ko ang kapangyarihan mo. Alam ko

malakas ka kaya gusto kita subukan.


Sabi mo may ilalakas ka pa? Sige!

Interesado ako sa sinasabi mo.

Magpalakas ka pero alam ko kahit anong lakas pa yan hindi mo ako

matatalo” sumbat ng hari. “Parang natatakot ka ata? Ipapatikim

ko sa iyo ang sakit na di mo pa

natitikman” sabi ng sugo at tumawa

ng malakas ang hari ng kadiliman.

“Tama na ang satsat sugo, show me

what you’ve got!” hamon ng maligno. Agad tumabi si Anhica sa kapatid niya

at naghawakan sila ng kamay.

“Mukhang nakita ko na ito kanina…

balak mo ata ako traydorin…pero

aminado ako malakas yung nagawa

niyo kanina pero nakiliti lang ako” sabi ng hari. Pinikit ni Paulito at Anhica ang

kanilang mga mata at agad

nagliwanag ang kalangitan. Naglakad

dahan dahan paatras ang hari ng

kadiliman at agad nagliyab ang mga

mata at kamao niya. “Traydor!!!” sigaw niya. May naipong malakas na liwanag sa

langit at bigla ito nagpababa sa lupa.

Mabilis lumayo ang hari pero agad

tumayo sa harapan ng magkapatid si

Monica. Kay Monica tumama ang

malakas na pwersa galing sa kalangitan. Mabilis nagbitaw ng

kamay ang magkapatid ang


inalalayan si Monica at hinarap siya

pulang buwan. Sa katawan ng dalaga naipon ang

buong pwersa galing sa langit at

umaapaw na ito. “Pakawalan mo

na!!!” sabi ni Paulito at sumigaw ng

napakalakas si Monica at mula sa

katawan niya kaparehang pwersa ng liwanag ang lumabas at nagtungo

papunta sa pulang buwan. “Bwahahahahaha mga tanga!!!

Basang basa ko kayo. Iipunin ang

lakas galing sa langit sa katawan niya

at dagdagan pa bago itira sa akin.

Bwahahahaha pero hindi niyo

nakontrol at tignan niyo ang kalokohan na nagawa niyo. Ang

buwan? Buti kung umabot don ang

lakas na bwahahahaha” tawa ng hari. Bagsak ang katawan ni Monica at

agad siya binuhat ni Paulito at tinabi

kay Wookie. Bumalik ang sugo at

hinarap ang hari ng kadiliman na tawa

parin ng tawa. “Ano kailangan mo pa

ba ng sapat na oras? Mukhang palpak ang nagawa niyo” sabi ng maligno. “Alam mo ba may mas malakas
sa

akin?” tanong ni Paulito sabay tinuro

si Tuti. Lalong natawa ang maligno

kaya agad tumabi si Tuti sa kaibigan

niya. “Tanong ko panghuli, tapos ka

na ba sa pagpapatawa? Kahit dalawa pa kayo kaya kong tirisin sa isang


iglap!” pasikat ng maligno. “Mahina ka! Wala kang ibabatbat sa

aming dalawa!” sigaw ni Paulito. “Oo

nga! Fafatayin ka naming! Hindi ka na

makakavalik!” sigaw ni Tuti at nagulat

siya pagkat nawala na muli ang mga

ngipin niya at ang buhok niya inaagnas muli. Dahil dito halos

mamatay na sa tawa ang hari ng

kadiliman pero bigla siyang dinuro sa

noo ni Paulito. “Ikaw ang bibigyan naming tsansa…

sige itira mo ang pinakamalakas mong

galaw at di kami uurong!” hamon ng

sugo at pati siya nagpapalit na ang

kulay ng buhok at din a nagbabaga

ang katawan niya. “Tarantado ka! Sino nagsabi sa iyo na

duruin mo ako at hamunin ng

ganyan?!! Eto tikman niyo!!!” sigaw ng

hari at tinaas niya kamay niya pero

walang nangyari. Pinalakpak ng hari

ang mga kamay niya pero talagang walang nangyayari, tinignan niya ang

mga kamay niya at di niya

maintindihan kung bakit hindi

gumagana ang kapangyarihan niya. “Anong ginawa niyo!!!” sigaw niya

ang mapulang langit biglang nagpalit

ng kulay. Ang buong paligid sa gubat

nag iiba din ang kulay at bahagyang


lumiliwanag. Napatingin ang lahat sa

kalangitan at napansin nila ang pulang buwan biglang nagpapalit

kulay. Ang dating kulay dugo na

buwan unti unting napapalitan ng

asul. “Asul na buwan?!!! Anong ginawa

niyo?!!!” tanong ng hari at lalo itong

nagwala. “Yan ang kapangyarihan ng

asul na bato, nilipat naming sa buwan.

Kaya mula ngayon lahat tayo wala

nang kapangyarihan habang may liwanag ang asul na buwan. Sabi ko sa

iyo ipapatikim ko sa iyo ang tunay

kong lakas, wala akong sinabing

tunay na kapangyarihan. Kaya eto

tikman mo ang lakas ng aking

kamao!!!” sigaw ni Paulito at agad sinuntok ang hari sa mukha. Kaliwat

kanan na kombinasyon ang

pinakawalan ni Paulito kasabay ng

isang tuhod sa baba ng kalaban. Natumba sa lupa ang hari at

napahawak sa duguang ilong niya.

Sinipa siya sa mukha ni Paulito at

pumutok naman ang mga labi niya.

“Isa pa…sabi ko sa iyo na mas

malakas ang kaibigan ko pero tinawanan mo lang ako. Si Tuti simple

lang yan dati, wala siyang

kapangyarihan kaya pinalakas niya


katawan niya para lang

makapagsabayan sa amin. Sa lahat ng

disipulo siya ang pinakamalakas…sige Tuti tirahin mo!” utos ni Paulito. “Imposible ito!!!” sigaw ng hari
pero

agad siya binuntal sa mukha ni Tuti at

talagang nahilo ang maligno sa lakas

ng kamao ng bampira. Talagang

binuhos ng bunging bampira ang

buong galit niya at talagang binugbog niya ang hari ng kadiliman. “Shinaktan

mo ang Nella ko!!!” sigaw ng bunging

bampira at napabilib niya ang lahat sa

malarapidong mga suntok niya

kasabay ng di mabilang na

roundhouse kick. Dahan dahan lumabas si Aneth at

lumapit kay Tuti, nagkatinginan sila

saglit at tumayo ang bampira at

nagulat ang lahat ng nagwala si Aneth

at binugbod ang maligno.

Pinagbubunot ng diwata ang buhok ng maligno, di nakuntento pinatayo

pa niya ito at sinipa sa may ari na

talagang ininda ng hari ng kadiliman. Nakayukong lumapit ang mga

disipulo pero pinigilan sila ni Paulito.

“Wag na kayo makisawsaw. Kung ano

man ang nasabi niyo kanina bale wala

yon pagkat nilihim naming ang tunay

naming intensyon. Alam ko ganon ang magiging reaksyon niyo at


pasensya na kung ginamit ko kayo

pagkat kinailangan ni Wookie ng oras

para mabuo ang ritual ng soul lock.

Patawad, pero sana maintindihan

niyo” sabi ng sugo. Biglang lumitaw si Berto at tumabi kay

Wookie, “At sa huli ang humarap sa

hari ng kadiliman ay ang

pinakamalakas na bampira at diwata”

bigkas niya. Napangiti si Wookie pero

napakamot, “Oy wag ka na magtaka mahinhin ako, ganyan talaga ate ko

may pagka tomboy” sabi ni Monica at

biglang nagtawanan ang lahat. Mula sa paligid biglang nagsisulputan

ang mga nilalang para makiusyoso. Si

Nella tumabi kay Paulito at inabot ng

bampira sa kanya ang espada. “Mas

maganda ilagay sa libro pag ang

reyna ng kaharian ang siyang papaslang sa hari ng kadiliman” sabi

ng bampira at nanginig ang kamay ng

reyna. “Tama Nella, ikaw na ang magtapos

diyan” sabi ng matandang tikbalang

at tumawa ang hari ng kadiliman.

Tumigil si Aneth at lumayo, nakayanan

pa ng maligno ang lumuhod pero

kitang kita ng lahat ang lasog lasog na mukha niya na duguan. “Nagpapatawa ba kayo? Maaring

mapatay niyo ang katawan ko pero


ang kaluluwa ko makakalaya parin!”

bigkas ng hari. “Soul lock” bigkas ni

Wookie at dahan dahan niya nilapitan

ang maligno. “Pag ang kaluluwa hindi nakalabas sa

katawan bago ito mamatay…mamatay

narin ito kasama sa katawan.

Kulungan ng kaluluwa mo ang

katawan nay an at wala ka nang laya.

Yan ang huling tinuro sa akin ng lolo ko…Soul lock…paalam” sabi ng

mambabarang at biglang nanginig sa

takot ang maligno. Dahan dahan lumapit si Nella at sinipa

ang katawan ng hari at itoy napahiga.

Dinikit niya ang dulo ng espada sa

puso ng maligno. Nanginig ang

kamay ni Nella at di niya matuloy ang

pagsaksak sa espada. Lumapit ang mga disipulo at pinalibutan ang

dalawa, “Sige Nella wala nang ibang

nakakakita sa gagawin mo” sabi ni

Chado pero di talaga hindi matuloy ng

reyna. “Hindi ko talaga kaya” sabi ni Nella

kaya agad lumapit si Paulito at kinuha

ang espada. Nakihawak din si Monica

sa epsada, ganon din ang ginawa nina

Wookie, Tuti at Anhica. Sabay nila

tinaas sa ere ang espada at mabilis na sinaksak sa puso ng hari ng


kadiliman. Binalik ni Paulito ang espada sa kamay

ni Nella para magmukhang siya ang

pumaslang sa maligno. Agad lumayo

ang mga disipulo para makadaan ang

reyna. Hindi nakita ng ibang nilalang

ang nangyari pero tinaas ni Nella ang espada at kitang kita ng lahat ang itim

na dugo sa dulo nito. Nagsaya ang lahat ng nilalang sa

gubat pagkat sa wakas natalo nila ang

hari ng kadiliman. Hindi nagtagal ang

kasayahan pagkat halos patay na ang

buong kaharian. Tumamlay ang

karamihan pagkat alam nila matagal muli manunumbalik sa dati ang estado

ng lahat sa buong kaharian. “Wag kayong malungkot!

Makakaahon muli tayo. Maibabalik din

natin sa dating sigla ang buong

kaharian sa takdang panahon” sigaw

ng reyna. “Hindi niyo na kailangan

mag antay pa” bulong ni Monica at tinuro niya ang buwan. Ang asul na kulay nito naglalaho at

lumalabas na muli ang natural at tunay

nitong liwanag. Dahan dahan

bumabalik ang kapangyarihan ng

bawat nilalang at nagulat ang lahat

nang si Aneth agad nagpalabas ng pulang liwanag sa mga kamao niya. Pinuntahan niya ang katawan ng
hari

ng kadiliman at binalot ito sa pulang

liwanag. Umangat sa ere ang katawan


at unti unti itong nalalagas at nagiging

abo. Ang mga abo sumama sa hangin

at nagkalat sa buong paligid hanggang tuluyan nang walang

natira. Naglakad si Monica at hinanap ang

pinakamalaking puno sa gubat.

Binaon niya ang kamay niya sa lupa at

humawak sa mga ugat nito.

Nagliwanag ang katawan ng dalaga at

dumaloy ang enerhiya mula sa katawan niya papunta sa mga ugat.

Ang patay na puno muling nabuhay at

nakita ng lahat na may liwanag na

gumagapang sa lupa at inaabot ang

mga ugat ng ibang puno. Agad

lumapit si Anhica at ibang diwata at ginaya ang ginagawa ni Monica kaya

lalong lumakas ang enerhiya. Nagliwanag ang malaking puno at

kumalat ang kapangyarihan nila sa

buong kaharian. Napansin ng

karamihan na bumabalik na ang sigla

ng gubat, ang mga halaman muling

nabuhay at ang masangsang na simoy ng hangin napalitan ng halimuyak ng

mga bulaklak. Ilang minuto lang bumalik ang dating

sigla ng buong kaharian. Ang lahat ng

tao at nilalang nagsaya at

magkakasamang sinalubong ang

bagong umaga.
Epilogue

Isang maaliwalas na umaga sa harapan ng palasyo. Nagtipon ang maraming tao at nilalang para makinig
sa mensahe ng reyna. Nakatayo si Nella sa entablado at sa harapan niya ay si Bombayno. “Sige magsalita
ka lang, ako bahala. Maririnig ka ng buong kaharian” sabi ng bampira. “Sigurado ka?” tanong ni Nella at
ngumiti si Bombayno. “Magandang Umaga Plurklandia!!” sabi ni Nella at dumagundong ang boses ng
reyna sa buong kaharian na kinabilib ng lahat. “Tayo ay nabiyayaan ng bagong umaga. Bilang Reyna ng
kaharian…at napiling Reyna ng mga nilalang…nais ko magtalaga ng pagbabago! Pagbabago para sa
kinabukasan nating lahat para sa ikauunlad ng ating kaharian” “Una sa lahat para sa mga tao…hindi na
natin iaasa lang ang pangangalaga sa kalikasan sa mga nilalang. Kailangan natin tumulong. Para sa mga
nilalang naman…ninanais kong magbati na ang nilalang ng liwanag at mga nilalang ng kadiliman. Mula
ngayon iisa nalang kayo at kung may susuway…” sabi ni Nella sabay lumingon siya sa likuran niya kung
saan nakatayo ang ibang mga disipulo. “Mananagot kayo sa kanila” “Hindi ako nagbabanta, ayaw ko na
makarinig at makakita ng mga nilalang na naglalaban laban para sa kapangyarihan. Gusto ko kapayapaan
ang manaig sa ating kaharian para sa ikabubuti ng lahat” “Alam ko magkakaroon parin ng bangayan at di
pagkakaunawaan pero normal lang yon. Lahat nadadaan sa usapan at hindi sa pagpapasiklab ng
kapangyarihan. Dahil sa tiwalang binigay niyo sa akin bilang reyna ng buong kaharian ay aaminin ko na di
ko kaya gampanan ito mag isa. Kailangan ko ang tulong niyong lahat…tao at nilalang” “Magtatayo ako ng
konseho ng makakapangyarihan para bantayan ang lahat ng may kapangyarihan. Sila ang mamamahala
kung may magmamalabis o mananamantala, lahat ng mahuhuli agad matatanggalan ng kapangyarihan.
Trabaho din nila magmasid para malaman kung may kakaibang pwersa ulit na nabubuo dito sa kaharian
upang maagapan natin lahat. Tama na ang pagpapalakas, tama na ang laban dahil sa kapangyarihan!”
“At isa pa…tinatanggal ko na ang batas na nagsasaad na ang tao ay sa tao at nilalang ay sa nilalang!!”
sabi ni Nella at inabot niya ang kamay niya at nagpaharap si Tuti at naghawakan sila

ng kamay. Nagpalakpakan ang lahat ng tao at nilalang at tinukso ang dalawa sa entablado. “Sabihin niyo
na makasarili ako pero sigurado ko madami din naman sa inyo ang patagong nagmamahal…tao at
nilalang…ngayon di niyo na kailangan magtago. Di natin pwede hadlangan ang pagmamahalan!!!”
dagdag ng reyna at lalo pang nagpalakpakan ang lahat. “Kapayapaan at Pagmamahal ang mamumuno sa
Plurklandia!!!” Kinagabihan non sa mahiwagang gubat magsisimula na ang seremonya para maghalal ng
mga bagong pinuno. Nakatayo sa gitna ng gubat si Nella at ang mga matatandang mga nilalang para
mabasbasan ang mga mapipili. Madaming nilalang ang nagtipon kasama narin ang mga tao na unang
beses lang mapayagan makapasok sa gubat. “Dahil sa pinakitang niyang kagitingan at sakripisyo,
napagpasyahan naming lahat kasama narin ng lahat ng bampira na si Tutilous ang mahalal na punong
bampira” bigkas ng matandang bampira at agad nagsaya ang mga disipulo pero si Tuti halos nanigas at
napanganga. “Bossing bakit ako? Dapat ikaw” sabi ni Tuti. “Kaibigan ikaw ang nararapat. Nagsimula ka
saw ala at pinatunayan mo na lalaban ka kahit wala kang kapangyarihan. Ngayon na ikaw ang ultimo
bampira alam kong hindi ka magmamalabis dahil bukal sa puso mo ang kabaitan. Mamuno ka ng tapat at
maayos Tuti” sagot ni Paulito at niyakap ang kaibigan niya. Tinulak ng mga disipulo si Tuti patungo sa
gitna para mabasbasan. Nagsagawa ng konting dasal ang mga

matatanda at may mga ugat mula sa lupa at bumalot sa paa saglit ng bampira para makilala. Pagbalik ng
mga ugat sa lupa nagsimula na ang palakpakan at sigawan ng mga bampira at mga disipulo. Humarap
ang matandang diwata at nagsimulang magsalita. “Ang napagpasyahan naming maging punong diwata
ay maaring di niyo matatanggap kaya hayaan niyo ako ipaliwanag ang aming desisyon” “Lahat
nagkakamali, lahat nasisilaw ng kapangyarihan pero lahat pwede magbago. Naipakita na niya na
nagsisisi siya. Sa karamihan maaring hindi pa sapat ito pero nais din niya magbago at burahin ang
masamang memorya sa mga nagawa niya” “Kung nais natin ng pagbabago, dapat magsisimula ito sa atin
mismo. Patawarin natin siya at bigyan pa siya ng tsansa para magbago…ang napili naming bilang Punong
diwata ay si Aneth!!!” sabi ng matanda. Di makapaniwala ang lahat sa naging desisyon pero agad
pumalakpak si Monica at Anhica. Umiyak si Aneth at napaluhod sa lupa pero tinulungan siya ng dalawa
para makatayo. “Pero bago ka magtungo doon may kailangan tayo gawin” sabi ni Paulito at sinensyasan
ang mga disipulo na agad pinalibutan sila. Nilabas ni Berto ang libro ng mga diwata at nilapag sa lupa.
Pinatong ni Aneth ang kamay niya sa libro at agad nagdasal si Anhica. Agad nagliwanag ang katawan ni
Aneth at dahan dahan lumutang sa ere. Nabighani ang lahat ng nilalang at tao sa gubat nang may mga
pakpak ng paru paru ang lumabas sa likuran niya. Pagbalik ni Aneth sa lupa agad niya tinignan si Monica.
“Ayos lang?” tanong niya. “Oo ate ikaw nalang…at di ko mahaharap yan pagkat may iba akong
haharapin” sagot ni Monica sabay tingin kay Paulito at kumindat. “Pero di niyo ba aalisin ang itim na
kapangyarihan na naaral ko?” tanong ni Aneth. “Aneth, ang kapangyarihan ng sugo galing sa kadiliman.
Alam ko gusto mo

magbago kaya pati kami may tiwala sa

iyo” sabi ni Paulito at napangiti ang diwata. Nagpunta na siya sa gitna para

mabasbasan at di niya inaasahan bigla siya pinalakpakan ng lahat. Pagkatapos ng seremonyas nagsasaya
ang lahat ng tao at nilalang sa gubat. Sa sulok ng gubat nakatayo ang apat na nilalang at naglalakad
lakad. “Sigurado kayo ayaw niyo manirahan dito?” tanong ni Wookie. “Gusto din pero gusto ko
magpahinga at malagay muna sa tahimik” sabi ni Paulito. “E saan kayo pupuntang dalawa?” tanong ni
Anhica. “Bakit di ka sasama sa amin?” sumbat ni Monica at biglang dumikit ang dalaga sa mambabarang
at naghawakan ng kamay. Napangiti lang si Paulito at tinapik ang balikat ni Wookie. “Alagaan mo kapatid
ko Punong mambabarang” sabi ng binatang bampira. “Malay mo pagbalik naming may pamangkin ka
na” biglang banat ni Monica at napahawak si Paulito sa ulo at lahat sila nagtawanan. Tumalikod na ang
dalawang bampira at sabay lumabas ang mga pakpak nila. “Ano pala sasabihin ko sa kanila pag hinanap
kayo?” tanong ni Wookie. “Nagpunta sa langit” sagot ni Monica at muli sila nagtawanan. “Pare sabihin
mo nalang na di niyo alam at di niyo kami nakita” sabi ni Paulito at hawak kamay sabay ang dalawa
lumipad patungo sa langit. Napatingala sina Wookie at Anhica at pinanood ang dalawang bampira
hanggang sa di na sila makita. “Ay sayang iisa lang yung bitwin na naidagdag don o. Alam mo dati
dalawang matingkad na bitwin yan, sabi naming yung isa si Paulito at yung
isa si Anhica. Bata pa kami noon e. Pero ngayon tatlo na kasi may Monica na” sabi ni Anhica. “E pano
naman ako? Dapat apat yan, madaya” reklamo ni Wookie at nagtawanan yung dalawa. “Wag kang mag
alala bata pa kami noon, at yang mga tala parang simbolo lang naman e. Ang mahalaga yung nandito”
sabi ng dalaga sabay turo sa puso niya. Mabagal na lumilipad ang dalawang bampira at masayang
pinagmamasdan ang bagong sigla ng kaharian. “Paulito…bakit mo hinawakan kamay ko?” tanong ni
Monica. “Baka kasi di ka marunong lumipad at mahulog ka” sagot ng binata. “Yung totoo?” hirit ng
dalaga at napangisi nalang ang sugo. “Bakit kasi ang bagal natin lumipad at saan ba tayo pupunta?”
tanong ulit ni Monica. “Mabagal para di natin makalimutan ang lugar na ito” sagot ni Paulito. “Ow? Bakit
saan ba talaga tayo tutungo?” hirit ng dalaga. “Ewan ko pa” sagot ng binata. “Ha? Hindi mo alam? Ikaw
walang plano? Lagi kang may plano diba? So sigurado may balak kang puntahan” sumbat ng dalaga. “Sa
totoo di ko alam. Bahala na…kahit saan na basta kasama kita” sabi ni Paulito. Kahit hindi sila
nagkatinginan sabay naman sila napangiti at lalong humigpit ang hawakan nila habang patuloy ang
paglipad nila sa buong kaharian. Sa bundok ng mga bruha, isang matandang babae ang tumatakbong
papasok sa kweba. “Yailda! Lumitaw na yung pangatlong tala sa langit!” sigaw niya at agad lumabas ang
tatlo para tignan ang mga tala. “Ay oo nga…kung dati dalawa lang yung talang yan ngayon tatlo na sila.
Mga kapatid tagumpay tayo… malamang sa gubat nanaman babagsak ang pangatlong taong tala kaya
dapat nandon tayo” sabi ni Yailda. “Pero Yailda pag makuya man natin yung bata hindi natin siya
mapapalaki dito pagkat mapapansin nila ang kapangyarihan niya” sabi ng isang matandang bruha. “Oo
alam ko, wag kang mag alala hindi natin siya dito papalakihin. Ang importante sa ngayon ay makuha
natin siya. Hindi natin alam ang saktong araw at oras ng pagdating niya pero kailangan nandon tayo.
Ngayon magandang gamitin ang bagong tuklas nating kapangyarihan” sagot ng punong bruha.
Naghawak kamay ang tatlo at biglang nagbago ang kanilang mga anyo. Ang

dating matatandang bruha naging magaganda at dalagang diwata. “Tara na manirahan sa gubat habang
inaantay siya”

Wakas. . .asteeg

You might also like