You are on page 1of 1

Pinagmulan ng Gumamela

(Free topic: narratib (fiction))

Sa bayan ng Magada mayroong napakagandang dilag na naninirahan sa sentro


nito ang pangalan niya ay si Mella. Ang mga binata sa kanila ay nagkakandarapa sa
kanyang kagandahan. Siya ay matangkad, maputi, maganda ang pangangatawan at may
matangos na ilong. Kilala ang kanilang pamilya na nagtatanim ng iba’t-ibang uri mg
bulaklak. Maraming mga binata ang nanliligaw sa kanya pero lahit isa wala siyang
napupusuan. Araw-araw napupuno ng mga regalo ang kanyang bahay, ang mga regalo
na hindi niya gusto ay tinatapon nya, ang mga bagay naman na mamahalin ay kanyang
tinatago. Ang tingin ng iba sa kanya ay masamang tao at walang galang.

Isang gabi habang umuulan ng malakas,may kumatok sa pinto ng kanilang


bahay. Agad niya itong binuksan, pero nabigla siya ng may tumambad sa kanyang
madungis at panget na matandang babae,na nanghihingi ng tulong. Pero pinagsarhan
niyo ito ng pinto. Dahil sa hinawa niya, biglang umihip ng napakamalakas ang hangin at
kusang bumukas ang pinto na ikinagulat ni Mella. At ang madungis at panget na
matandang babae ay naging napakagandang Diyosa. At isinumpa niya si Mella para
maging isang gumamela dahil sa kasamaang ugali nito. Pagkalipas ng ilang araw nagraka
ang mga tao na hindi na nila nakikita si Mella kata pinuntahan nila ito sa kanyang bahay
ngunit hindi nila ito nakita. Pero may napansin silang matangkad na bulaklak na nakita
sa silid ng bahay. At tinawag nila itong”GGumamela.

You might also like