You are on page 1of 1

Paano Magluto ng Adobong Baboy

Ang Adobo sa pinakapaboritong ihain ng mga Filipino sa kani-kanilang hapag kainan dahil sa
madali itong iluto, maaari ring iba’t-ibang klase ng luto. Bukod sa karne ng baboy, pwede ring mag-
adobo ng manok, o pagsamahin ang karne ng baboy at manok.

Ang mga sangkap nito ay 500 kilong karne ng baboy na nakahiwa na sa gustong laki,1/3 na suka,
½ na tuyo, dalawang bawang na pinitpit, tatlong dahon ng laurel, isang kutsarang asukal, asin at
mantika. Ang paraan ng pagluto nito ami Una , paghaluin ang karne ng baboy, bawang, dahon ng laurel,
paminta at toyo sa kaldero at imarinate ng 30 minuto. Ikalawa, Ilagay ang kawali sa kalan na may
mahinang apoy sa loob ng 40 minuto o hanggang lumambot ang karne. Magdagdag ng tubig kung
kinakailangan. Ikaltlo, Ilagay ang suka at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto. Ika-apat, Maglagay ng
asin at asukal ng naaayon sa iyong panlasa o pwede ka rin dumagdag ng pineapple slice para sa masarap
na panlasa. Ika-lima, haluin at pakuluan ng 1 minuto. At ang huli, Ilagay sa lalagyan ang Adobong Baboy
at ihanda ito sa hapag kainan.

You might also like